Actions

Work Header

Maging Akin at Iyo

Summary:

Sa pagkakaalam ni Chanyeol, si Sehun ang nilalandi niya. Hindi naman siya informed na kailangan niya makuha ang loob ng masungit na best friend ni Sehun na si Kyungsoo (or ang fic kung saan masyado yatang nag-enjoy si Chanyeol sa pagkuha ng loob ni Kyungsoo na nagsimula na siyang mahulog para sa binata).

Notes:

Prompt: #201 - Bilang dare ng mga kaibigan niya, napilitan si Chanyeol na landiin yung isa nilang kaklase. Ang hindi niya alam, kailangan niya munang dumaan sa approval ng overprotective nitong bestfriend, si Kyungsoo.

 

Hello! First time kong sumali sa Narito Kami and I'm actually very excited! Isa ang Narito Kami sa rason kung bakit nagsimula akong magsulat sa Filipino kaya I'm really happy that I got to join. Thank you sa mods for being kind and understanding. Salamat po! Salamat din sa pag-host ng fic fest na ito. <3

Special thanks sa mga kaibigan na tumulong sa pagbebeta (J, C, at K). Salamat din sa mga cheerleaders kong sina Ate H, B, S, at Pakwan <3 Mahal ko kayo huhu.

I also want to thank myself (whew, Ruffa Mae yarn?), dahil kinaya kong tapusin 'to, the longest I've ever written. Yay!

Sana magustuhan nyo, mga kabaranggay. Pasensya na rin kung medyo rushed dahil hindi ko masyadong na-manage nang maayos ang aking oras. Huhu, still, sana ma-enjoy nyo! Kung may mga typo or mali, please feel free to point it out, para maiayos ko. Salamat ulit!

(See the end of the work for more notes.)

Chapter Text

“Great work, guys! Let’s just continue working tomorrow,” Chanyeol says, while clapping his hands, signalling the team to stop what they’re doing at mag-pack up na. He hears his teammates sigh in relief. The air in the office wafts of exhaustion and stress already, and kahit naman team lead na si Chanyeol ay maging siya ay pagod na rin. Marami rin siyang ginagawa at inaasikaso.

 

Hindi naman siya yung klase na nasa mataas na posisyon tapos walang ibang ginawa kundi matulog sa kulambo at magpabango ng pangalan (or magjogging at mag-golf sa disoras ng gabi? Ehem, turtle!). Ayaw niya ng ganon, Chanyeol cares about his job and his teammates at minsan ay he goes the extra mile for them. That makes him an effective leader. At least, yun ang sabi sa feedback sa kanya ng karamihan sa mga nakatrabaho niya.

 

Maya-maya, sinilip niya ang relo niya to check kung anong oras na. It’s near 8pm na at pag hindi pa pinigilan at simulang awatin ang mga katrabaho niya, baka hanggang alas dose ay andoon pa silang lahat. Of course, he wouldn’t want that baka kase ‘di na talaga siya tantanan ng kanina pa text nang text sa kanya.

 

Speaking of text, he knows who’s texting him, and by the looks of it, malapit na itong mag-alburoto, daig pa bulkan eh. He chuckles when the image of his friend pouting comes into his mind. Parang bata talaga. Well, sa magkakaibigan talaga ito ang pinakamatampuhin. Akala mo hindi na malapit magtrenta. At kala mo naman hindi sikat na performer who tours all around the world. And yeah, he’s talking about Jongin, or KAI to many.

 

To him, he’s just niniboy. A friend he mostly dotes on. Well, for one, it’s because he’s the youngest in the group. Wala naman ring kapatid si Chanyeol na mas bata sa kanya dahil siya ang bunso. Kaya si Jongin ang receiving end ng lahat ng pagpapaka-kuya niya.

 

Habang nagliligpit na ang teammates niya, kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at napagdesisyunan na ngang i-check ang messages niya. Well, he’s right.

 

Panay si Jongin ang sender. 15 messages. 5 missed calls. Wow, dinaig pa ni Jongin ang mommy at lola niya kung maka-spam ha.

 

 

niniboi

san ka na paps

6 pm ang usapan di ba

 

niniboi

andito na silang lahat

ikaw nalang iniintay

 

niniboi

nvm ang baduy mo talaga

sobrang workaholic

sabi ni kuya baek nasa office ka pa raw

 

niniboi

minsan na nga lang umuwi

nagpa-late ka pa

tapos baka mamaya iindyanin pa ako

 

niniboi

pag wala ka pa dito in 30 minutes

magtatampo na talaga ako sayo :c

 

me

papunta na kamahalan

ito naman

di kaya ako marunong mangindyan lol

napa-OT lang dahil may urgent task

may gusto ka ba pabili? alak? chicken?

 

niniboi    

[sends a gif of a bear crying]

 

niniboi

kumpleto na dito

naunahan ka na ni kuya minseok

sa chicken ;P

arat na dito

inom na inom na kame

                                                                        me

alright!

be right there in 30 mins!

see u niniboi :—)

 

 

 

“Jaehyun,” Tawag ni Chanyeol sa staff niya. “Mag-dinner na kayo sa baba. Kayo na mamili ng resto. Treat ko na. Just charge it here.” Inabot niya ang credit card na kulay itim tapos ay sumilip nanaman siya sa cellphone niya para i-check baka may last minute na papabili ang mga kaibigan.

 

Dahil sa kanyang ginawa, hindi niya napansin na medyo nanlaki ang mata ni Jaehyun nang makita ang black na credit card ni Chanyeol. Black credit card. Uy, walang credit limit.

 

“How ‘bout you, Sir?” Jaehyun asks. “Aren’t you gonna come with us po?”

 

“I need to go na kasi, my friends are waiting for me. Enjoy nalang kayo, okay?”

 

Ngumiti si Jaehyun, “Thank you po, Sir. Ingat po kayo!”

 

“Uh, Jaehyun. I trust you with that card. Kaya don’t play funny.” Tinignan niya ito nang mariin, nakakunot ang noo. And Jaehyun visibly shakes,

 

“Uh.. Yes, Sir Chanyeol! You can count on me po.”

 

“Good.” Chanyeol nods, pinipigilang matawa sa inakto ng kanyang colleague. “Enjoy your dinner, guys. You all deserve it.”

 

Narinig pa ni Chanyeol na sumigaw ang iba niyang colleagues nang makalapit si Jaehyun sa kanila.

 

“Hala, bat ang galante ni Sir ngayon?” Natawa si Chanyeol sa narinig. Excuse me, lagi naman siyang galante sa team noh. He knows when to give rewards!

 

Bago siya tuluyang makalabas sa office nila, narinig pa niya ang pahabol na sigaw ng teammates niya, Thank you Sir! Ingat po kayo kung san man kayo patungo!

 

 

 

 

“Oh ayan na pala,” Minseok utters, habang naghahain ng pulutan sa mga kaibigan. “Kala namin di ka na dadating.”

 

Kasalukuyan silang nasa garden ng bahay ni Junmyeon, ang default tambayan ng barkada dahil sobrang spacious ng garden nito. You know, rich people problemz.

 

At tsaka, ever since college, dito na sila laging nag-iinuman o di kaya ay nagdidinner. Junmyeon’s parents don’t mind naman.

 

“Ako pa ba? Ede nagalit sakin etong si Niniboy at naungkat nanaman ang nakaraan.”

 

Speaking of ungkatan ng nakaraan, well, subok na si Jongin diyan. Dati nang napasubo si Chanyeol dahil chinuchu siya ni Jongin sa ate nito, na kahit limang taon na ang nakalilipas ay lagi pa ring biniring up ni Ate Jungah, ang panganay na ate ni Nini, sa tuwing bumibisita siya.

 

Isang beses na nag-inuman sila sa bahay nila Jongin at di sinasadyang nasukahan niya yung favorite dress ng ate ni Jongin, damay na rin yung Elsa costume ng pamangkin niyang si Rahee. Parehong nasa laundry basket kase sa labas ng cr. Papunta na si Chanyeol sa cr, pero ayon, di na siya umabot kase naparami yung nainom nila ng gabing ‘yon.

 

Pina-laundry pa ito ni Chanyeol agad-agad kinabukasan pero sadyang magmantsa na yung suka niya at hindi mawala-mawala ang amoy. Kaya ayun, ang ending, nakatago sa condo niya yung mga damit, habang nag-iisip siya ng paraan paano makakaorder agad ng bagong Elsa costume at makabili na rin ng damit ng ate ni Jongin.

 

Hindi rin naman nagtagal, nalaman na rin ng ate ni Jongin ang sikreto dahil nagsimula nang talakan ni Ate Jungah si Jongin. Wala siyang nagawa kundi umamin na. Sus, muntik na nga ma-ban si Chanyeol sa bahay nila Jongin. Buti nalang nakuha niya ulit ang loob ni Rahee at inispoil ito ng mga laruan. Talk about charm. Pero Chanyeol’s not gonna lie, kabang-kaba siyang bumalik sa Kim Residence noon.

 

“Musta ang tour, ‘Ni?” Salubong ni Chanyeol kay Jongin. He enveloped the latter in a hug, at hinampas pa ang likod nito.

 

Ngumuso si Jongin, “Musta musta ka dyan, ‘kala mo napatawad na kita? ‘Kala ko talaga di ka na magpapakita!”

 

“Sorry na nga, di ba? Grabe naman magtampo si Niniboy.” Sinundot pa ni Chanyeol ang tagiliran ni Jongin, bago tumawa. Napa-squirm naman si Jongin, dahil hello, masakit kaya, hindi naman nakakakiliti. Sinundan niya nang masamang tingin si Chanyeol habang naupo ito sa tabi ng iba nilang kabarkada.

 

“Tinambakan ang team ko ng work this week. Yung inggiterong team lead kasi ng kabilang team, siniraan ako sa mga boss. Ede ayon, ako tuloy sumalo sa trabaho. Tangina, toxic.”

 

“Yeol, di na natapos yan.” Junmyeon butts in. Sa true lang. Pero, kahit saang lugar naman kasi may office politics. Lalo na dito sa Pilipinas. Sobrang daming mahilig mang-power trip o di kaya ay manghila ng katrabaho pababa.

 

“Kuya Myeon, hindi ko rin alam. Nagtatrabaho ako nang maayos tapos ganyan gagawin.”

 

Junmyeon sighs, before pushing his eyeglasses up, dahil nagsisimula na itong magslide sa ilong niya. “Sayo na nanggaling mismo. Nagtatrabaho ka kasi nang maayos, kaya ka ginaganyan. Kita mo nga sa gobyerno, pag nagtatrabaho ka nang ayos, kakasuhan ka at kukulong.”

 

“Alam nyo, ilabas nalang ang alak! Iinom nalang naten yan, Yeol.” Mackenyu says, kasabay nang pagpalakpak ng kamay nito.

 

“Ken, panay ka inom diyan. Magbago ka na nga.” sabi naman ni Minseok.

“Wow, Kuya. Coming from you ha! Eh sino ba ang gabi-gabing shumashot dito? Ehem ehem,” Mackenyu retorts.

Infairness, lakas magsabi ni Kuya Minseok, kala mo hindi siya ang tomador dito. Sa kung paanong paraan hindi pa rin siya nagkakaroon ng beer belly ay isang malaking misteryo sa kanila.

“Tsaka ano bang gagawin natin dito, magtititigan? Shot na! Inom na inom na ako!” sabat uli ni Mackenyu.

Natawa naman si Chanyeol. Grabe ang pagkauhaw? The irony. Nung college sila, hindi naman marunong uminom ‘tong si Mackenyu, pero nung nagtrabaho, aba natutong uminom. Sabi kasi niya, nakakastress ang trabaho niya at yung inuman, samahan mo na ng kwentuhan, ang naging paraan niya para madestress.

“Painitin mo muna yung upuan ni Chanyeol. Hayaan mo muna makakain yung tropa natin!”

“Sus, wala nang kain kain! Nomnom na agad!”

 

 

Kasalukuyang nagka-catch up ang barkada sa mga buhay nila nang nagulat sila sa reaksyon ni Jongin. Kasakuluyan itong nagbabrowse sa cellphone niya nang medyo napalakas ang boses niya.

“Gago?!” Sigaw ni Jongin, halos manlaki ang mata sa nakita. “Panginoon ko pong mahabagin!”

Minseok visibly gets shaken by Jongin’s sudden reaction, “Nakakagulat ka naman, Jongin! Ano ba yan?” He punches Jongin softly before looking over his cellphone para tignan kung bakit ba ito ganun makareact.

Nakita ni Minseok na nakabukas ang Instagram app ni Jongin, ang profile ng isang imoohsehun ang bumungad sa kanya. Kasalukuyang nakabukas ang isang recently updated picture ng isang matipunong lalaki, na parang gatas sa puti. It’s obviously a magazine cover for Leon, a famous magazine here. Apparently, Jongin knows because naimbitahan na siya, along with his crew, na mag-model sa magazine na ito before.

Ayun na nga, shirtless yung model na lalaki and he’s only wearing an orange windbreaker. Even though he’s merely sitting, hindi makakaila ang gandang lalaki nito—mula sa droopy eyes nito, matangos na ilong, defined eyebrows, at pati narin ang magandang pangangatawan nito. May six-pack abs lang naman siya, okay. Mukhang alagang-alaga ang sarili.

“Kuya Yeol! Hindi ba si Oh ‘to?!” Jongin exclaims, at halos nag-feflail na siya dahil sa nakita. Shocks, hindi niya lubos akalain na makikita niya uli ang binata, pero sa Instagram pa.

Kumunot naman ang noo ni Chanyeol, bago tumungga pa ng isa mula sa San Mig Lights na iniinom. In his defense, nagsabi na siya na ‘di magpapakalasing ngayong gabi. “Sinong Oh?”

Jongin breathes through his nose, “Ano ba yan, I can’t believe nakalimutan mo si Oh!”

Chanyeol looks at him with curious and confused eyes. Napansin naman ito ni Jongin kaya he went on to explain, “Si Sehun Oh, yung naging kagrupo mo sa ENG 13 dati na crush na crush ka?”

Pinipilit alalahanin ni Chanyeol kung sino yun, pero right now, parang wala nang energy pa ang utak niya na magretrieve ng memories niya, circa-college days.

“Shet, confirmed. It’s the same Sehun Oh that we know.” Agad naman binalandra ni Jongin kay Chanyeol ang phone nito. Still, nasa IG page pa rin ni Sehun si Jongin. Makikita sa post si Sehun ang picture ng binata sa may university avenue na nakasablay at napapaligiran ng mga sunflowers.

Just then, something clicks in Chanyeol’s brain and he remembers. He recognized that face. Shocks, Chanyeol mentally reprimands himself, ano ba yan nakakahiya. Muntik na niyang makalimutan kung sino yun. Eh halos lahat ata kilala si Sehun Oh. Ito na ba ang early signs of aging? He’s still young noh. Mag-trenta palang naman siya ah?

“Oh. Wait, I think I know na. Sehun Oh from Econ, right?” Chanyeol supplies, and Jongin squeals in glee.

“Siya nga, oh my god. Bakit ganyan na siya ngayon?”

Natawa naman si Chanyeol sa reaksyon ng kaibigan. “Anong ganyan?”

“Kuya Yeol, may pa-pandesal pa siya ngayon oh,” Sabi ni Jongin at isang beses pang finlash ang cellphone niya sa mukha ni Chanyeol. “Samantalang dati sobrang payat kaya niya!”

“Wait, i-like ko nga.” Jongin says, na agad namang nagbago agad, “Sige, follow ko na rin.”

Maya-maya napa-sigaw nanaman si Jongin dahil apparently, finollow back agad siya ni Oh Sehun. Whew. Online siya. Anyway, baka naman nakilala niya rin talaga si Jongin or maybe nung nakita niya ang check sa tabi ng pangalan ni Jongin ay finollow back nya agad-agad ito.

“Alam ko na!” Napatayo pa si Jongin sa upuan niya at tinaas ang braso at ang hintuturo sa hangin. “Alam mo thank me later, mukhang may tutusukan na yang hotdog mo!”

Napailing si Chanyeol sa choice of words ng kaibigan. Smells like trouble. “Ano nanaman yan?”

“Para naman ma-destress ka, what makipag-reconnect ka kay Oh? Tutal, tignan mo naman, ibang-iba na ang itsura niya dun sa Oh na naging kaklase naten.”

 

“I don’t know about that, Ni. My head’s not functioning these days. Andami kong pending na trabaho. Hindi na nga ako nainom masyado.”

 

“Aling head ba yan?”

 

Bugok,” Napapailing si Chanyeol. “Pass ako dyan, Niniboy. Ikaw nalang kung gusto mo.”

 

“Eh, eto na nga para mag-function na yang hotdog mo, sige na. Gusto mo ba ipaalala ko sayo ang katarantaduhang ginawa mo kay Oh nung college tayo? At nang magparamdam sayo ang kunsensya mo at katukin ka gabi-gabi?”

 

“Anong pinagsasasabi mo?” Chanyeol gives Jongin a no-nonsense face. Wala siyang naaalalang ginagawang kagaguhan. He may be famous, pero as far as he knows, hindi naman siya namamahiya ah.

 

“Luh, bilis makalimot ah.”

 

“Di mo talaga maalala nung napahiya mo siya dati sa harap ng klase?”

 

“Nini, ano ba yang pinagsasasabi mo? Wala akong pinapahiya sa class.”

 

“Hoy, wag kang mag-malinis! Di ba nga dati nun hiningi ni Oh yung number mo tapos tinurn down mo agad na parang atat na atat kang makaalis sa room noon.”

 

“Oh, mga pre, kanino kayo? Kay Nini o kay Yeol?” Minseok says na nagsisimula nang magbilang gamit ang mga daliri. “Basta ako kay Nini ang pusta ko!”

 

“Kay Nini rin ako. Mukhang heartbreaker talaga tong si Yeol eh.”

 

Tinaas ni Chanyeol ang middle finger niya sa mga kaibigan. Natawa lang ang mga ito.

 

“Ang sinasabi ko lang, chance mo na ‘to para naman bumawi kay Oh. Wala namang mawawala kung lumabas kayo ah. Isang dinner lang! Malay mo matuloy sa magandang ugnayan yan.”

 

“Oo nga naman, Yeol. Bakit hindi mo itry?” Dagdag pa ni Minseok.

 

Hindi naman napansin ng lahat pero sa gilid, Junmyeon stiffens. Pero nang bumaling sa kanya si Chanyeol at agad agad ring nagbago ang timpla nito, na akala mo ay nahimasmasan.

 

“What do you think, Kuya Myeon? Should I listen to them?”

 

“Uh.. Whatever you want, Yeol. Alam mo namang support ako sa kung anong gusto mo.” Junmyeon smiles, but his smile doesn’t reach his eyes. It's a close-lipped smile.

 

“Hmm,” Chanyeol says. “Let’s see. Pag ‘di busy.”

 

“Oh tama na nga yan, inuman na!” Ulit naman ni Mackenyu. Ayun na nga at nagsisimula na rin pumindot si Jongin sa karaoke.

 

 

Mukhang inuman na nga.

 

 

 

 

 

ate

[sends a picture]

bunso kong higante

gusto ka daw ma-meet nung colleague ko

ganda niya ‘no?

bat di mo try makipagmeet?

pag-reserve ko kayo resto

all expenses paid

what do you think?

 

ate

reply asap

 

ate

park chanyeol

 

ate

ampanget mo kabonding

[angry emoji]

 

mama

bunso, kailan ka ba uuwi dito?

pssst

replyan mo daw ang ate mo

 

mama

bunso isang dinner date lang

para kay mama pls?

baka maging matandang lalaki ka nyan

hay nako parehas na parehas kayo ng papa mo

ang tigas ng ulo

 

 

Napabuntong hininga si Chanyeol nang mabasa ang mga texts ng ate at mama niya. Talaga nga naman. Hindi alam ni Chanyeol kung maiinis siya o matatawa dahil eto nanaman sila. Magkakuntsaba nanaman ang ate at mama niya sa pag-set up sa kanya. Lalo na ang ate niya. He knows that they just worry about him pero, ewan ba niya. Parang wala sa isip niya ngayon ang makipagrelasyon.

 

Sinarado nalang ni Chanyeol ang phone niya at natulog.

 

 

 

Weekends are meant for lazing around, catching up on his compositions, and caring for himself and his babies. That’s why pagkatapos ng morning work out ni Chanyeol, he decides to allot time for his babies. By babies, of course, he meant Jjareu and Toben. Well, kahit na parang anak sa labas niya si Toben. Pagkatigas-tigas ng ulo. Walang galang sa nagpangalan sa kanya.

Nang dumating si Chanyeol sa pet clinic, binuksan niya muna ang instagram app niya, at hinanap ang account ni Sehun Oh. As he types his name on the search bar, unang-una lumabas naman ang username na imoohsehun na may check sa gilid.

 

Wow, verified account. Big time na nga siya.

 

Totoo nga ang sabi ni Jongin. Iba na si Oh. Well, technically. He’s still good looking pero you can say that he became even more good looking now. Mukhang banat sa pag-eexercise at ang skin care.. Alagang Belo ata. Sobrang fresh. Parang woke up like this lang ang peg.

Nagbabrowse si Chanyeol sa mga ig posts ni Sehun nang makarinig siya nang pagbukas ng pet clinic. Tumunog ang wind chime sa clinic, signalling the arrival of new customers.

Kasakuluyang nasa ig post siya ng endorsement ni Sehun sa Bench Body nang magsalita ang newcomer sa clinic.

“Hi, I have a 10 AM appointment with Dr. Kim.” From the deepness of the voice, Chanyeol assumes it was a guy. Tuloy pa rin siya sa pagbabrowse.

“Good morning po. Can I have your name po sir?” Sagot naman ni Joohyun, ang assistant ni Junmyeon.

“Sehun Oh.”

Ha?

Nang banggitin ng binata ang pangalan niya, biglang napaangat ng tingin si Chanyeol. Agad niyang hinanap ang source ng boses.

Oh, ayun siya. Speaking of the devil.

Napatingin si Chanyeol, na halos lumuwa na ang mata dahil sa gulat. Shocks, Sehun Oh? Isa lang naman ang Sehun Oh na kilala niya. Don’t tell me…

Parang ibang-iba na nga ito sa Sehun Oh na kilala niya. Naka long-sleeved polo ito na powder blue at jeans, habang may suot na shades at cap. May yakap yakap rin itong aso, a white Bichon Frise.

Shet, mukhang mamahalin nga and yes, he meant both Sehun and his dog.

“For a moment po, Sir.”

Nag-dial naman si Joohyun sa telepono at may kinausap. He figured na she must be calling Junmyeon to inform him about Sehun’s arrival.                                                                                                                   

“Sir, pasok na daw po kayo sa Room 2. Andon po si Dr. Kim.”

Pero wait? Customer si Sehun sa clinic ni Kuya Myeon? Kailan pa? At bakit hindi nabanggit ito ni Kuya Myeon sa kanya, samantalang magkakasama sila last weekend?

Hmm. What could’ve been the reason?

Well, he’d have to interrogate his friend later.

“Right, thank you!” Nang naglalakad papunta sa room, narinig pa ni Chanyeol na kumakanta si Sehun nang mahina. He cannot identify the melody, but it must be something that just Sehun thought of. Chanyeol heard something along the lines of, “Vivi is going to the doctor~ Vivi is going to see handsome Doctor Kim~”

Kumunot naman ang noo ni Chanyeol sa narinig, maybe Vivi is the name of the dog? Right, that must be it. Sinusundan pa niya ng tingin si Sehun, hanggang tuluyan na itong makapasok sa designated room niya.

Hindi rin nagtagal, tumunog nanaman uli ang wind chime. Isang lalaking naka-cap at nakasuot ng all black ang pumasok at dumeretso sa desk ni Joohyun. May yakap naman itong brown na aso.

“Good morning, Miss. I’m with Sehun Oh. Uhm, I have his other dog with me.”

Nang sinabi ng binata na kasama siya ni Sehun, napukaw nanaman ang atensyon ni Chanyeol, at napataas ang kilay niya. Pinanood niya ang exchange ni Joohyun at ng binata, “Sir, nauna na po siya sa Room 2.” Joohyun briefly answers. After that, she points to the second room down the hallway. “That way po, Sir.”

“I see. Thanks.” sagot naman ng binata bago siya ngitian.

Pinanood niya lang uli ang lalaki na maglakad papunta sa room 2.

So, sino yun? Medyo na-curious naman si Chanyeol. Bakit kaya niya dala yung isang aso ni Sehun? Teka nga, what if taken na pala si Sehun Oh? O baka naman personal assistant pala? Well, the possibilities are endless.

Binuksan ni Chanyeol ang instagram account uli ni Sehun para i-check kung sino yun. Sabihin na nating nag-iimbestiga siya. Na-curious lang siya, that’s all. Nakailang scroll na ata siya pero wala paring signs ng isang binata sa page ni Sehun. Okay, baka secret boyfriend.

Wala rin namang sikretong hindi nabubunyag.

He just has to wait a little bit more.

 

Bakit ang tagal? ‘Yan ang nasa isip ni Chanyeol. Pang-ilang tingin na niya ‘to sa cellphone niya para i-check ang oras.

Medyo naiinip na si Chanyeol dahil bakit naman ang tagal nung dalawa sa loob? Ano bang pinapacheck up nila kay Kuya Myeon? Pati ata sila nagpacheck up na rin. Sus, nakatulog na si Jjareu sa lap ni Chanyeol sa tagal.

Hinahaplos haplos pa niya ang katawan ni Jjareu, nang lumapit si Irene sa kanya.

“Sir Chanyeol, okay lang po kayo diyan?” Joohyun gives him an apologetic smile.

“Uy, Joohyun,” He smiles back. “Walang problema. Ako naman itong nagpunta nalang basta.”

“Pasensya na po, Sir Chanyeol. Hindi ko kayo maisingit. Nauna po kasi si Mr. Oh, eh last week pa po siya nagpa-appointment.”

“It’s okay, I can wait for Kuya Myeon—Uhm, Dr. Kim.” He chuckles. Lagi niyang nakakalimutan na he should properly address his friend when he’s at his workplace.

“Baka po gusto niyo ng coffee? Or snacks? Kuha ko po kayo sa pantry?”

“I’m fine. Thanks for offering. Ikaw nalang kumain, mukhang maraming pasyenteng tumatawag ah.” Kanina pa niya napansin na sunod-sunod ang pag-ring ng telepono sa clinic. Mukhang dumarami na rin ang mga client nitong si Kuya Myeon. Mayaman na nga, mukhang lalo pa ‘tong yayaman ah.

“Oo nga po, Sir Chanyeol. Sigurado po kayo ah?”

“Yup, busog pa talaga ako. Don’t worry about me.”

“Sige po, iwan ko po muna kayo. Magtimpla lang po ako ng kape.” Joohyun quietly excuses herself and makes her way to the pantry.

Pagkaalis ni Joohyun, maya-maya rin ay narinig ni Chanyeol ang pagbukas ng pinto sa isa sa mga kwarto at ang yabag ng paa. Sunod nun ay lumabas na si Sehun at walang kahit ano ay dumeretso siya sa table ni Joohyun para siguro i-settle ang payment. Pero walang tao dun. Nasa pantry pa rin si Joohyun.

Lumingat lingat pa si Sehun pero hindi pa rin bumabalik si Joohyun.

Napatayo tuloy si Chanyeol sa inuupuan niya at dahan-dahang iniwan si Jjareu sa sofa na nakahiga (pasensya na anak!) nang naisipang lapitan ang binata. Wala naman sigurong mawawala kung lapitan niya ‘to di ba? Besides, magkakilala naman sila eh. It’s like meeting and greeting an old acquaintance.

 

Naitaas na ni Chanyeol ang braso niya para tapikin hawakan sa balikat si Sehun nang may magsalita.

 

“What are you doing?” A deep voice approaches, at halos parang napaso si Chanyeol at napaatras kahit hindi pa naman niya nakakalabit si Sehun.

 

Ito yung kasama ni Sehun. Yakap yakap ng lalaki ang dalawang aso.

 

“Huh? I was just gonna talk to him,” He answers, looking a bit confused. He can feel his cheeks heating up. Nakakahiya naman? Gosh, why is he in this situation?

 

Pero, shet. Sino ba talaga ‘to? Okay, kasama nga siya ni Sehun. Pero hindi naman yata boyfriend. Yata?

 

Tinignan ni Chanyeol ang nagsalita mula ulo hanggang paa. Pero parang ang pagkahiya ay napalitan ng ibang emosyon. Parang matatawa kasi siya dahil sa suot nito. Nakasuot ito ng all black outfit. Black thick-rimmed eyeglasses. Thick eyebrows. Black cap. In fairness, lahat Nike ang tatak. Mukhang pang training wear ang suot. Pero ‘di naman mukhang gym instructor?

 

Tinaasan siya ni Kyungsoo ng kilay, his lips pursed. “You looked like you’re gonna touch him.” After saying this, Kyungsoo looks at Chanyeol with disgust and annoyance, na parang isa siyang maliit na insekto. Ka-liit liit niyang tao pero parang napakalaki ng presensya.

 

The fuck, sino ba talaga ‘to? At parang antipatiko masyado? Ano bang akala niya, stalker siya ni Sehun? Excuse me lang ‘no! Dating crush lang naman ‘to ni Sehun Oh! Anong akala mo, hoy, mister

 

‘What? No! Wait—Of course, kakalabitin ko lang siya—” Chanyeol lets out a frustrated sigh kasi bakit ba niya kailangan pagpaliwanagan ang kausap, “Look, who are you? Are you his bodyguard?”

 

“Anong kailangan mo sa kanya?” The smaller guy asks again defiantly. Parang gusto pa nitong itanong sa kanya, may masamang balak ka ‘no?! His voice got even deeper. Yung mukha ni Kuya mong warfreak, parang ready na ready na mambarda. Ready to fight! Fight me! Ganorn.

 

Nagitla naman si Chanyeol dahil umentrada na si Sehun at pumagitna sa kanilang dalawa.

 

“Soo, tama na.” Sehun interrupts them, body serving as a wall between them. “You’re being rude na.”

 

Chanyeol’s brain tells him na this is his chance to introduce himself, since Sehun interfered. Napalunok si Chanyeol at inipon ang natitirang lakas ng loob para magsalita.

 

“Sehun?” tawag ni Chanyeol, calling the attention of the other. He gives him a hopeful glance, wishing na sana mamukhaan siya ni Sehun. Still, Sehun looks clueless as to who he is. Nakalimutan na ba niya? “Uhm, hi, it’s Chanyeol. Do you remember me?”

 

Pero mukhang kelangan na niya ng back up plan dahil Sehun still looks at him in confusion, yung makapal na kilay nito ay magkasalubong pa rin. Pota, lamunin na sana siya ng lupa. Oh, di ba ang kapal ng apog ni Chanyeol to assume that everyone will remember him, lalo na’t it’s been years!

 

Chanyeol tries his luck and hopefully asks one more time, “Uhm. Chanyeol Park. Your classmate in ENG 13?”

 

Katahimikan.

 

“In Diliman? With Dr. Santos?”

 

Ayan, Chanyeol’s silently praying na sana naman maaalala na ni Sehun. Pati last name ng prof nila sinama na niya.

 

A few seconds go by, before finally, a look of recognition flashes on Sehun's face. Medyo namula pa siya, before he shyly smiles, “Oh, right. Park Chanyeol... From College of Science, right?”

 

Oh my god. He remembers. Panalo! Chanyeol nods, before grinning at the man in front of him. Thank God, kasi sobrang hindi alam ni Chanyeol kung paano siya eexit dito kung di siya naalala ni Sehun. That would be super embarrassing at medyo quota na si Chanyeol ngayon sa kahihiyan, pls lang.

 

“Oh, glad you remember! How are you? It’s nice seeing you here. Dito pa talaga sa pet clinic,” He laughs.

 

“You know him, Hun?” Ayan nanaman si kuya mong war freak. Tinignan pa sya nito nang matalim ng isang beses.

 

“Ah, Chanyeol. Before I forget, this is Kyungsoo nga pala, my bestfriend. He’s from Diliman din.”

 

“Soo, this is Chanyeol. Yes, I know him from college. We had a class together.”

 

Tinignan siya ni Kuya Warfreak, almost calculating, pero mukhang hindi pa talaga ito convinced kahit na kinonfirm na ni Sehun na magkaklase sila.

 

Bago pa napigilan ni Chanyeol ang bibig niya, lumabas nalang ang tanong na ito sa bibig niya. “Oh, wait, he’s not your bodyguard?”

 

“Bodyguard?” Sehun laughs, at sa pagtawa niya ay nag-crinkle ang mga mata niya. It’s his first time seeing Sehun’s eye smile. Ohhhhkay. Cute naman pala ito kung mag-smile. “Actually, pede rin naman ‘no, Soo?” Siniko niya nang pabiro si Kuya mong warfreak na Kyungsoo naman pala ang pangalan.

 

“Ah bestfriend pala. Grabe kase makaguwardiya eh. Ang liit liit, feeling naman malaking bakod siya.” Chanyeol snorts, pagkatapos ay ngumiti nang nakakaloko. ‘Kala mo ha. ‘Kala mo uurungan kita.  

 

Tinignan siya nang masama ni Kyungsoo at halos nagmukhang napagsukluban ng langit at lupa ang mukha. Hindi naman nagpatalo si Chanyeol at sinalubong ang nakakapanghamong tingin ni Kuya mong warfreak. Pero ‘di rin nagtagal ay nagsalita ulit si Sehun.

 

“What brings you here pala? Are you also a regular here?” Mula sa pagharang ni Sehun ng katawan niya ay inakbayan na niya si Kuya Warfreak. Medyo natatawa naman si Chanyeol dahil ang liit pala nito. Halatang-halata ang height difference ni Sehun at ng isa pang binata. Sa totoo lang, mas mukhang poprotektahan pa ni Sehun ang kaibigan niya, and not the other way around.

 

“Well, for one, I owe Jjareu a visit to her Ninong Myeon.”

 

“Ninong Myeon?” Iginilid pa ni Sehun ang ulo niya, in confusion.

 

Ooops. My bad. “I mean, Dr. Junmyeon Kim. He is a good friend of mine.”

 

“Oh, Myeon? That’s Dr. Kim’s nickname?” Sehun giggles, a fond look adorning his face, “Myeon. Ang cute cute naman.”

 

“Hun, why don’t you settle the payment na? You wouldn’t want to be late for your next appointment.” Sumingit ulit si Kyungsoo. So hindi lang pala bakod itong si Sungit, personal assistant rin? Andami naman niyang role sa buhay ni Sehun.

 

Nakita ni Chanyeol na nakabalik na rin si Joohyun sa table niya at tahimik na nanonood lang sa eksena nilang tatlo. She quickly glances at Chanyeol, with panicked eyes, as if saying, Sir Chanyeol? Anong meron? Tinanguan naman siya ni Chanyeol para sabihing okay lang ang lahat.

 

Tinignan muna niya nang masama si Kyungsoo bago ni-lead si Sehun sa care ni Joohyun, “Uy, mukhang nagmamadali ka. Ayun pala nakabalik na si Joohyun. You should settle your payments na.”

 

“Oh, right,” Sehun smiles politely, “If you’ll excuse me.”

 

“Uy, go ahead.” Chanyeol smiles back, again, gesturing Joohyun’s table.

 

Nakatingin pa rin si Sunget sa kanya, his eyes devoid of any emotion.

 

Chanyeol pays him no mind.

 

Kung ayaw mo sakin, ede wag.

 

 

Mas lalong ayaw ko sayo.

 

 

 

 

 

“Sir?” Chanyeol hears the soft knocks on his door, bago bumukas ang pinto. Sumilip muna si Jaehyun, parang tinatantya kung busy at nakasubsob pa sa trabaho ang boss o kung makakaistorbo siya.

 

“Come in,” He gestures for Jaehyun to come closer to him. He’s currently using his tablet, going through some reports, but he has time to spare naman.

 

“Yes, Jaehyun? Ano yun? May problema ba?”

 

Nang makalapit si Jaehyun ay agad naman itong nagpaliwanag. “Sir, tumawag po yung mommy nyo habang nasa meeting po kayo. Baka daw po dumaan sila mamaya dito. She asks you to call her back daw po.”

 

“Got it, thanks, Jaehyun.”

 

“Also, this needs your signature po, Sir.” He places a clear folder on Chanyeol’s desk.

 

“Kumusta ba yun sa demands ng client? Nagawan ba ng paraan?”

 

“Yes po, Sir. I’ve already settled everything po.”

 

Chanyeol musters a close-lipped smile, “Good job. Sige, I’ll take it from here. Mag-break ka muna.”

 

“Okay, thank you, Sir. I’ll get going po.”

 

Nang makalabas ang colleague ay agad namang tinawagan ni Chanyeol ang mama niya. For sure, nag-iintay na ito ng tawag niya at masesermunan pa siya kung hindi siya nagparamdam agad.

 

“Hello, Ma.”

 

Wala pang ilang segundo ay narinig na niya ang boses ng mama niya. Okay, he admits, bigla siyang nakaramdam ng pagka-miss sa mama niya.

 

“Caloy! Bakit ngayon ka lang tumawag, papunta na kami ng ate mo dyan. Wag ka na dyan mag-lunch. Let’s eat out. Nagpareserve na ang ate mo.”

 

Wow, andaming sinabi. Parang walang hingahan yun ah, Ma.

 

“Sorry, ngayon ko lang nasagot. I was in a meeting, Ma.” Chanyeol explains.

 

“Okay lang, that nice boy explained it to me kanina. Malapit na kami ng ate mo.”

 

“Wait for me sa lobby, Ma. Baba na ako.”

 

“Okay, see you, ‘nak!”

 

Before leaving, napamasahe si Chanyeol sa noo niya dahil mukhang mapagtutulungan nanaman siya ng ate at mama niya ngayon.

 

Most likely.

 

 

 

Apparently, his Ate Yoora made a reservation at a nearby hotel, at dun sila nag-lunch na tatlo. It was the hotel nearest to Chanyeol’s office, but he’s been there only once kahit na sobrang lapit nito sa office. Ate Yoora admittedly said na she has been here a couple of times, and sobrang nagustuhan niya yung food and ambiance. Kaya naisipan niyang dalhin ang mama nila dito at si Chanyeol.

 

Pero sus, mukhang hindi naman yata yun talaga ang pakay.

 

“Anak, bat parang nangayayat ka nanaman. Di ka nanaman ba kumakain on time?” His mother looks at him with worried eyes. Hindi na napigilan ni Mama Park na hawakan ang mukha ni Chanyeol gamit ang dalawa niyang palad. Agad namang hinilig ni Chanyeol ang ulo niya.

 

“Ma, I’m okay. I eat three times a day, don’t worry.” He pouts, kaya natawa ang Mama niya sa itsura niya dahil talaga nga naman. Parang baby. Hindi alam ng mag-ina, pinipicturean na pala sila ni Yoora at cute na cute sa lambingan ng mama niya at kapatid.

 

“Baka naman nalilipasan ng gutom ‘tong bunso ko.”

 

As Mama Park releases Chanyeol from her hold, Yoora takes this opportunity to talk.

 

“So…”

 

Somehow, Chanyeol had guessed na ang agenda ng ate at mommy niya ay ang love life niya, or lack thereof, na matagal na nilang sinisita. Unang hinga palang ng ate niya, na-figure out na niya agad saan papunta ang usapan. Maganda nang maunahan ang ate niya. Advanced siya mag-isip.

 

“The answer is no, ate.”

 

“Grabe ka naman, wala pa akong sinasabi!”

 

“Alam ko na saan pupunta ‘tong usapan na ‘to.”

 

“Well? Kung nagrereply ka kasi sana sa mga texts ko sayo, ede hindi sana ako nangungulit sayo.”

 

“Ma, si Caloy ngaaa,” Ate Yoora whines. Ayun na nga at nagsumbong na ang ate niya. Wow, ‘kala mo naman teenager kung magsumbong pa.

“Caloy..” Mama Park warns. Syempre, sino pa ba ang kakampihan ng mama niya dito? Eh tag-team sila ngayon ng ate niya para mapagtulungan si Chanyeol.

“Ma naman. Matanda na ako, I know what I’m doing.”

 

Mama Park sighs, “We just want you to be with someone, anak. Antagal na since your last relationship. Tsaka, nasan na si Sooyoung? Hindi ba’t nasa Amerika na at may pamilya? Tapos ikaw, sobrang subsob sa trabaho.”

 

Si Sooyoung nanaman. Si Sooyoung kasi ang long-time girlfriend niya. Matagal na silang break pero parang di uso sa Mama niya ang pag-move on. Hanggang ngayon ay nababanggit pa rin sa usapan si Sooyoung when she’s trying to prove a point.

 

“Okay, para matapos na ‘to. I’ll tell you na.” Nagningning ang mga mata ng ate niya, at medyo nagsisi naman si Chanyeol. “I have my eyes on someone. Okay na ba?”

 

“Oh, this is new. Sino yan? Kaya ba ayaw mong makipag-meet sa mga sineset up ko dahil may jowa ka na?”

 

Napalagok si Chanyeol ng wine. Paano niya ba ‘to malulusutan. He has to say something. “Not yet. We’re still getting to know each other.”

 

“Sige, pero gusto ko na syang makilala ah,” Mama Park smiles. “What if isama mo siya sa gathering natin next month?”

 

Lagot, hindi inaakala ni Chanyeol na ganun kabilis. “Hmm, let’s see. Baka rin kase busy. He’s a model, Ma.”

 

“Oooh, do I know him?” Yoora butts in.

 

“I think so? He’s quite famous? Last time I checked, may 21 Million followers on IG,” Chanyeol reveals, “Si Sehun Oh.”

 

“Oh?” Yoora gasps, hand covering her mouth, “Yung model ng Bench?”

 

“Yeah.” Chanyeol nods. There’s a big possibility na kilala ng ate niya, baka nga na-interview pa ng ate niya before si Sehun.

 

“He’s good looking nga!” Yoora squeals, “I want to meet him soon.”

 

Mama Park stops eating and puts her cutleries down, “Bunso, alam mo namang kahit sino pa yan, walang kaso sa amin. Gusto lang namin na makakilala ka ng magpapasaya sayo.”

 

Chanyeol smiles fondly, “Yes, I know, Ma.” Alam na alam niya yun. Ever since, Chanyeol has been showered with love and care by his family.

 

“Okay, then. It’s settled. Bring him to our next gathering ha. We’ll be expecting the both of you at your Lola’s house.”

 

“I can’t promise anything, but I’ll try my best.”

 

 

 



 

 

 

 

Somehow, hindi nagkamali si Chanyeol sa hula niyang madalas nga ang pagpunta ni Sehun dito sa clinic ni Kuya Myeon. Sobrang alaga naman pala ng mga aso niya, weekly check up and even grooming? Ibang klase naman pala. So ano, ganito ba ang favorite hang out places ni Sehun? Pet clinic? Luh.

 

Pero syempre, naisip rin ni Chanyeol na panayin ang pagbisita niya doon para maabutan si Sehun, in the guise of making Jjareu and Toben visit their Doc-Ninong Myeon (Hindi naman niya sasabihin yun kay Sehun). Though, apparently, may asungot na nakahalata sa mga plano niya. Hindi na niya sasabihin kung sino.

 

“Tell me the truth,” Napahalukipkip si Kyungsoo sa dibdib, “You keep coming here for Sehun, ‘no?”

 

Grabe naman makabintang. Pero alangan namang sayo? Sa isip-isip ni Chanyeol. What can he say, infairness ha. Ang galing niya makabasa ng actions ni Chanyeol. Huli man siya pero duh, as if naman may pake si Chanyeol.

“And if I do, then what?” Chanyeol never backs down, “Alam mo, Mr. Doh, you should mind your own business.”

 

“Kanina ka pa kindat nang kindat sa kanya, paanong di ko malalaman. You’re not being subtle. It’s kind of outrageous na nga.”

 

If I know naiinggit ka lang, wala sigurong kumikindat sayo, pabulong na sabi ni Chanyeol.

 

“Anong sabi mo?”

 

“Wala. Sabi ko, mind your own business.”

 

“Here’s the deal, Mr. Park. I know your type. It’s better for Sehun not to be associated with people like you. Malay ba naming baka nagpapakalat ka na ng rumors diyan na mag-cause ng issues kay Sehun.”

 

“Look, Kyungsoo, right?” Chanyeol retorts.  “Bakit ba ang pakeelamero mo? Hindi ka ba mahal ng mama mo?”

 

Look, Chanyeol’s not really rude or anything pero kasi naman medyo nauupos na ang pasensya niya sa taong ‘to. Daming ebas eh.

 

Agad namang kumunot ang noo ni Kyungsoo at mapaghamong sinabi, “What did you say?”

 

Just,” he pushes his hair back in frustration, “why are you always butting in?” Halos ramdam ang tension sa clinic. Pati si Joohyun na kanina lang ay nananahimik sa pwesto niya ay napatingin na sa kanila.

 

Sasagot pa sana si Kyungsoo, but their so-called argument was cut short when they heard someone coughing, making his presence known. It was Junmyeon and he just came outside the room, with Sehun in tow.

 

Junmyeon was looking at him with watchful eyes, telling him not to embarrass himself, at least naman in his clinic. Very kuya na nananaway sa kapatid na pasaway.

 

Yeol,” Junmyeon warns and Chanyeol knew better than to continue bantering with Kyungsoo.

 

Chanyeol raises his right hand to motion the act of zipping his mouth. Sige, magpapaka-good boy siya. He doesn’t want an angry Junmyeon. Not ever. Nasample-an na nila si Kuya Myeon dati at ayaw na niya maulit.

 

Binalingan nalang niya si Sehun para kausapin.

 

“Hey, Sehun. I was wondering, if you’d like to have dinner with me.” He gulps before continuing, “sometime.”

 

Sehun looks at Junmyeon first, as if checking how he will react. But when Junmyeon doesn’t react, his eyes flit to Chanyeol apologetically, “Oh.. Actually. Medyo busy pa ako ngayon dahil may launch ng collection sa Prive and may show kami, so medyo hectic because of rehearsals.”

 

“Ah ganun ba,” Chanyeol says, hiding his hands on his back. “No problem. I understand.. Work can be busy.”

 

“Maybe after the busy season, we can meet again?”

 

“Talaga? Sige, let me get your number nalang.” Inabot niya ang cellphone niya sa binata.

 

Agad namang tinype ni Sehun ang number niya sa cellphone binata. Sa gilid, Kyungsoo has been watching the whole exchange carefully, nakapamewang pa nga ito.

 

Pagkatapos mag-usap pa nang kaunti, Sehun explained na aalis na sila dahil meron pa siyang schedule later.

 

“Bye, Dr. Myeon.” Sehun’s gaze lingers on Junmyeon’s face bago nagpaalam rin kay Chanyeol at nag-wave. “Bye, Chanyeol.”

 

Napatingin naman si Chanyeol kay Sehun muna, bago lumipat ang tingin kay Junmyeon.

 

Myeon, huh. Kelan pa sila naging ganun ang tawagan. Close na close ah?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Kuya Myeon, you didn’t tell me you know Sehun pala.”

 

Nang makaalis ang magkaibigan at nasa office na sila ni Junmyeon, naisipang banggitin ni Chanyeol ito sa kaibigan. Nagtataka lang naman kasi siya.

 

“Ah.. eh..” Napakamot nalang si Junmyeon sa batok niya, “Nawala sa isip ko..”

 

“Hmm, ede sana mas nailakad mo ko dun sa client mo.” Chanyeol teases, pero parang naging stiff naman si Junmyeon mula sa narinig.

 

“Yeol, you know I can’t do that. Mr. Oh is an important customer, baka i-post pa ako niyan na nambubugaw ako.” He sighs heavily.

 

“Kuya naman, ‘di mabiro.” He elbows him softly, bago ngitian.

 

Binalik ni Junmyeon sa kanya ang ngiti. “Ayoko rin namang pangunahan ka noh. Alam ko namang pag mga ganyan eh, praktisado ka na. Kundi mo ba naman linggo-lingguhin ang pagpunta dito.”

 

Napatigil si Chanyeol sandali bago naisiping magkwento sa kaibigan, “Alam mo, Kuya, okay na sana lahat kaso may asungot.”

 

“Ha? Anong asungot?”

 

“Ede si Do! Yung bestfriend ni Sehun. Wagas makaaligid eh.”

 

Ah,” Junmyeon says, a hint of recognition in his tone. “Si Kyungsoo? Ang bait kaya ‘non. Sigurado ka bang isang tao lang pinag-uusapan natin?” Tinignan siya ni Junmyeon na parang hindi makapaniwala sa pinagsasasabi niya.

 

“Kuyaaaaa,” Chanyeol drawls, “Anong mabait? May pangil yon!” Naalala nanaman ni Chanyeol yung pagkunot ng kilay ni Kuya and his lips curl up in amusement. "Para bang tiyanak na may pangil."

"Puro ka kalokohan, Yeol.. Bestfriend ng pinopormahan mo tapos tinatawag mong tiyanak." Napailing nalang si Junmyeon in disapproval.

"Totoo naman, Kuya Myeon!" Napatayo pa si Chanyeol to contest Junmyeon’s comment.

"Magalit sayo si Sehun nyan eh, tumigil ka nga, Yeol."

Napahalukipkip nalang si Yeol na parang batang napagalitan ng tatay niya. “Hmmpp.” 

“Kumain ka na nga lang diyan.”

“Nakakatampo, kinampihan pa ang kalaban. Hmmmp.” Ngumuso pa ito.

 

Natatawang napailing nalang si Junmyeon. Talaga nga naman Park Chanyeol, baby damulag.

 

 

 

 

 

Totoo nga na sobrang busy ni Sehun.

 

Chanyeol’s equally busy, pero Chanyeol can proudly say na they talk from time to time. Yung mga usual good morning or have a nice day lang madalas ang palitan ng messages, pero siguro naman, or at least Chanyeol hopes, na Sehun notices his interest.

 

Two months after ng mga exchanges nila sa text, pauwi na si Chanyeol from his office nang makatanggap siya ng invitation for dinner. It took him by surprise, honestly, but siguro he’s glad na rin na Sehun must’ve been warming up to him na.

 

 

Sehun Oh

Hey, Chanyeol.

Di ba within BGC ka lang rin? I’m around the area kasi.

Maybe I can take your offer up na, for dinner? ;-)

 

me

Uy, sure. San ka here? Do you want to come and get you?

Palabas na rin naman ako ng office.

 

Sehun Oh

No need na, let’s just meet sa resto

Mukang masarap dito!!!!

[sends link]

 

me

Sakto, malapit lang iyan sa office.

Sure, I’ll see you there, Sehun. :-)

 

 

 

 

 

 

 

Nang makarating si Chanyeol sa resto, dumeretso agad siya sa loob. He texted Sehun na andun na siya, kanina bago siya bumaba sa kotse niya. He easily spots Sehun, dahil kasalukuyan itong kumakaway sa kanya.

 

Napangiti naman si Chanyeol, before waving back. Ibang-iba ang itsura ni Sehun sa magazine cover na nakita niya before. Right now, Sehun is in casual clothes. He’s in a black plaid shirt at nakasuot pa ito ng black bonnet and eyeglasses. Sobrang chic ng pormahan.

 

Hindi naman idedeny ni Chanyeol na he finds Sehun attractive, he is really handsome, at may kung anong aura ito na kakaiba. Good kind, of course. He’s really like a celebrity, even with his bare face.

 

“Hi, long time no see.” Chanyeol grins, as he reached the table Sehun occupied.

 

“Hi, Chanyeol. I’m glad you can make it!” Sehun says in glee. Napansin ni Chanyeol na yung mga babae sa kabilang table ay tinitignan si Sehun.

 

“By the way, you look nice.”

 

“You too, kaso, masyado ka naman atang pormal. Parang aayain mo na akong magpakasal ngayon din ah?”

 

Natawa naman si Chanyeol sa sinabi ni Sehun. Actually, Chanyeol’s wearing a black suit, with his hair coiffed and styled. Syempre, hindi mawawala ang Rolex watch niya, which actually complements his businessman look. “Pasensya na sa suot ko, galing kasi akong office at dumating ang investors namin. Hindi na ako nagpalit at ayokong ma-late. Nakakahiya naman.”

 

Nagkwentuhan si Chanyeol at Sehun. Just the usual catch up, yung mga pinagkakaabalahan nila sa respective jobs nila. Here, Chanyeol tells him about the nature of his job and how he welcomed some Japanese investors earlier and how he might need to visit Japan in a few months.

 

Nang malingat saglit, Chanyeol sees him.

 

Kyungsoo is actually walking towards them—minus the cap. His hair is perfectly styled and this time he is dressed a bit formal, partnered with his dark rimmed eyeglasses. Infairness, there’s a bit of color in his outfit now. Hindi all black, it’s a cream colored turtleneck with brown slacks.

 

What the—Bakit siya nandito? Lagi ba talaga itong kasama sa lahat ng lakad nila ni Sehun? Ano ba siya chaperone? Uy pero infairness.. mukha siyang tao ngayon. Mukhang uhm. Disente. Okay?

 

“Sehun Oh,” He utters. Chanyeol felt goosebumps on his skin, hindi pa rin talaga sanay si Chanyeol sa kung gaano ka-deep yung boses ni Kyungsoo. “Sorry, I’m late. May biglaang meeting lang sa department.”

 

Napataas ang kilay ni Kyungsoo nang mapansing may kasama pala si Sehun. Napansin ito ni Sehun, that’s why he felt the need to explain himself sa kaibigan.

 

“Soo, I hope you don’t mind. I invited Chanyeol to join us.”

 

Medyo nanlaki ang mata ni Chanyeol sa sinabi nito. He’s not aware? Kaya naman pala halos parang nilamukos ang mukha ni Kyungsoo nang makita siya. Pero agad rin namang napalitan ang mukha ni Kyungsoo, at nawala ang kahit anong emosyon. In short, balik poker face ito.

 

Tinignan lang siya ni Kyungsoo, eyes without any emotion. “Wala naman akong magagawa, nandito na siya.”

 

Napasimangot naman si Chanyeol. Naku, malapit na talaga siyang mapikon sa asungot na ‘to.

 

Siniko naman ni Sehun si Kyungsoo. “Don’t be rude, Soo. He took the time to meet us. Tsaka, he promised to buy us dinner!”

 

“Baka ikaw lang kamo. Asa pang gusto ako niyang ilibre. Baka gusto lasunin pwede pa.”

 

Buti alam mo, Chanyeol whispers pero mukhang narinig naman ito ni Kyungsoo dahil sumagot pa ito.

 

“Anong sabi mo?”

 

“Wala, ang sabi ko, bakit ko naman gagawin ‘yon?” Nagkibit balikat si Chanyeol at nagpout pa na kala mo ay walang balak gawing kasamaan sa mundo.

 

Kyungsoo tsks, before dismissing the argument and just focusing on his food.

 

The dinner went okay, in Chanyeol’s opinion. He and Sehun engaged in a conversation while eating, syempre given na tahimik si Kyungsoo at halos idukdok na nito ang mukha niya sa platong kaharap niya. Pero habang nagkukwento siya kay Sehun ay di niya maiwasang magnakaw ng sulyap ni Chanyeol kay Kyungsoo kung ano ang reaksyon nito sa mga sinasabi niya.

 

Hindi niya malaman pero parang may kung anong challenge kay Chanyeol na ma-evoke kay Kyungsoo ang kung ano mang expression sa mukha nito. Hindi niya ma-explain nang maayos pero it just irks Chanyeol so much na ganon nalang ang pakikitungo ng lalaki sa kanya, na parang hindi siya worth sa atensyon ni Kyungsoo. Okay pa sana kamo kung iniinis siya nito, pero he’s acting like Chanyeol doesn’t exist.

 

And Chanyeol’s not used to that. He has always been the center of everyone’s attention.

 

May isang beses nga na naobserbahan ni Chanyeol na kinakagat ang labi nito na animo’y nagpipigil ng tawa, pero wala pang isang minuto ay bumabalik na uli ito sa poker face nito. Oo, ganun-ganun lang. Ganun kabilis ang mga pangyayari.

 

Dahil sa sobrang tawa, nagagawa pa rin ni Chanyeol ang mannerism niya na pinapalo pa yung table o di kaya ay pumapalakpak sa sobrang saya. Pero kahit ganoon pa rin ay hindi siya tinitignan ni Kyungsoo.

 

Sa loob ng halos dalawang oras nilang kumakain ay ang isang beses lang na nag-angat ng ulo si Kyungsoo. Yun ay noong pagkasubo ni Chanyeol ng kinakaing may sabaw ay maingay na hinigop niya ito. Dagdag mo pa na nalaglag ni Chanyeol ang utensils niya sa pangatlong pagkakataon, causing the utensils to clink loudly on the table and the plate he’s using.

 

It feels like that was the last straw. Medyo kinabahan si Chanyeol dahil na-witness niya ang unti-unting pag-angat ng ulo ni Kyungsoo para tignan siya.

 

Pumalatak si Kyungsoo at direkta siyang tinignan sa mata, at halatang iritang- irita ang mukha niya. “Can you please eat like a normal person?”

 

Sehun looks worriedly at Chanyeol bago sawayin ang kaibigan, “Soo naman.. Yan ka nanaman.” 

 

“What? I’m saying the truth. He’s eating like a neanderthal, I mean. No offense sa mga neanderthal.”

 

“Ah, ganun ba,” Chanyeol’s lips curl upwards, amusement falling off his lips. “Sobrang uncultured ko naman pala.” He sing-songs. Normal pa ba siya? Imbes na mainis at mainsulto sa mga sinasabi ni Kyungsoo ay parang gusto pa niyang i-rile up si Kyungsoo para magsalita pa ito nang magsalita patungkol sa kanya.

 

Hindi na sumagot si Kyungsoo, imbes ay inikot nalang ang mata niya.

 

Nang makitang hindi na sumagot muli ang kaibigan, naisipan ni Sehun na gumitna na at magsimula nalang ng bagong conversation.

 

“By the way, Chanyeol, Kyungsoo here is actually a professor. Mukha lang ‘di matalino yan, pero malapit na siya matapos sa Phd niya. Grabe ka-proud!” Magiliw na kwento ni Sehun. He even drapes his arm on Kyungsoo’s shoulder, bago inabot ang pisngi nito at kinurot. Sehun coos.

 

“Oh, I see,” Chanyeol says. “What exactly do you teach?” He turns to Kyungsoo.

 

When Sehun tries to pinch Kyungsoo’s cheek for the second time, pinilit niya kumalas sa hawak ni Sehun.

 

Kyungsoo didn’t even look at him before answering, “Philippine Literature.”

 

“Oh. That,” Chanyeol smiles amusedly, “You mean yung mga nuno sa punso?” Tumawa si Chanyeol nang may halong pang-aasar. Kyungsoo finally looks at him with an unamused expression. “And eerie things like that ‘no?”

 

“There’s more to Phil Myth than that. Katulad nalang nung mga kapre o kaya tikbalang.” Kyungsoo’s expressionless face turns into something else when he smirks, “Alam mo Chanyeol, expert ako sa ganyan. I can immediately tell, and di ako magkakaila, I can see the similarity.”

 

Chanyeol snorts, ‘kala ba ni Kyungsoo magpapatalo siya? Excuse me.

 

“Ah talaga, ede expert ka rin sa mga tiyanak? Sabagay, it takes one to know one.”

 

Parehas kayong may pangil. Tiyanak na may pangil, he thinks. He laughs inwardly at that thought.

 

Natigil ang pagtitigan nila nang marinig ang halakhak ni Sehun. Nagulat rin si Chanyeol, because it’s the first time he heard Sehun laugh, at hindi niya ineexpect na sobrang high-pitched ng tawa nito, sobrang kabaliktaran ng deep speaking voice niya.

 

Mukhang sanay na si Kyungsoo sa sound ng tawa nito kaya tinignan niya lang ito nang masama.

 

“Oh my gosh,” Kinusot pa niya ang mata niya, dahil parang namuonna ang mga luha, dahil sa katatawa. “Nakahanap ka na ng katapat mo, Soo.”

 

“Shut up, Sehun Oh, kundi lagot ka sakin mamaya.” Kyungsoo threatens, pero parang walang narinig si Sehun at tuloy pa rin ang pagtawa.

 

 

 

 

Sehun thanks Chanyeol dun sa dinner, saying that he enjoyed the night. Humirit naman agad si Chanyeol na kung pwede pang maulit tutal naman ay nag-enjoy sila. Nang marinig ang sinabi ni Chanyeol at napansin pa niyang umikot ang mata ni Kyungsoo, like he wasn’t amused by how things are going.

 

“Hatid ko na kayo,” Chanyeol offers, while fiddling for his car keys sa bulsa ng pantalon niya. Medyo late na rin naman kasi, at mas mapapanatag si Chanyeol kung hahatid niya sila.

 

Magsasalita pa si Chanyeol, wanting to further convince them nang magsalita si Kyungsoo.

 

“Sehun, tara na. Mag-book na ako ng Grab natin. Baka kung san ka pa iligaw niyang kapre na yan.” Chanyeol inwardly laughs, tangina. From neanderthal to kapre. Anong susunod na insulto maiisip nitong taong ‘to?

 

“Sehun, sige na. Gabi na, delikado pa kung mag-Grab kayo. I insist. Please?”

 

“Soo, nakakahiya naman kay Chanyeol. Tara na, please. Pagbigyan na natin.” Niyugyog pa ni Sehun ang braso ni Kyungsoo to persuade him.

 

Kyungsoo sighs, “Fine.”

 

 

 

 

 

 

 

“Oh, teka, bakit bababa ka na?” tanong ni Sehun kay Kyungsoo, nang mas mauuna pa nitong binuksan ang pinto ng kotse at mas mauuna pa yatang bababa kay Sehun.


“Bakit? Pupunta ‘ko sa bahay mo?”

 

“Anong pupunta ka sa bahay ko? Di ba maaga pasok mo bukas? Magpahatid ka na kay Chanyeol.” Sehun turns to Chanyeol, “Okay lang naman, Chanyeol, di ba?”

 

Chanyeol nods, “Sure, I offered naman din.”

 

“No. Kaya kong umuwing mag-isa. Magpapahinga lang ako saglit sa loob.” matigas na sagot ni Kyungsoo.

 

Sehun gives Kyungsoo a disapproving look. “Soo, magpahatid ka na kasi kay Chanyeol para di ka na gabihin pa. Mas mapapanatag ako kung magpapahatid ka sa kanya kesa mag-commute ka pa mamaya.”

 

Napahinto lang si Kyungsoo, inaassess ang sitwasyon.

 

“Please, Soo?”

 

Pinanood lang ni Chanyeol kung paanong sinuntok ni Kyungsoo si Sehun nang mahina bago nagsalita to indirectly mention him, “Ayusin mo pagdadrive mo, maaga pa pasok ko bukas.”

 

 

 Ede sige, masusunod, kamahalan.

 

 

 

“Alam mo, Nini boy. Hindi ko naman ineexpect na kailangan ko rin palang paamuhin yung best friend ni Oh. Ubod ng sungit. Kontrabida ata, tangina.”

 

Sa sobrang inis ni Chanyeol, ayun na nga at sinimulan na niyang ikwento sa kaibigan kung ano nangyari sa paghatid niya kay Kyungsoo.

 

“Sinong bestfriend?” Tanong ni Jongin, habang busyng busy sa pagbuo ng lego niya.

 

Kasalukuyan kasi silang nasa condo ni Jongin na dalawa. They had dinner together at ngayon, si Chanyeol ang naatasang mag-urong. Si Jongin naman daw kasi ang nagluto. Jongin’s building his new lego set on the dining table while Chanyeol washes the dishes.

 

“Ede yung Kyungsoo Do. Laging kasama ni Sehun. Isang malaking asungot yan sa mga plano ko.”

 

He goes on to tell in a rather annoyed and animated way (with matching side comments) kung paanong hindi man lang naupo si Kyungsoo sa passenger seat ng kotse at pinagmukha siyang driver.

 

Kapal ng apog naman talaga. Hinatid na nga tapos ganon pa umasta. Tapos, he had the audacity to snort at Chanyeol’s playlist, nang biglang nag-play yung Signal ng PH girl group called DOBLE, which Chanyeol apparently likes. He panics and scrambles to press the next button, but it was too late. Narinig na nga. Chanyeol caught Kyungsoo smirk sa rearview mirror. He recalls asking kung may nakakatawa ba, but Kyungsoo shakes his head and says, fancy playlist, Park. 

 

“I like that person already. Ang galing niya pumili ng insulto sayo ah.”

“Salamat naman sa suporta ha?” Sinuntok nya nang mahina si Jongin, causing him to drop some lego pieces. Jongin screams in horror, bago sugurin si Chanyeol at tusukin ang tagiliran niya na alam niyang kahinaan ni Chanyeol. Chanyeol flinches.

“Alam mo ikaw, para namang ‘di ka nanligaw dati. Hindi ba’t kasama sa proseso ng panliligaw ang pagkuha rin ng loob ng mga taong malapit sa nililigawan mo?”

He continues, “Ang ibig ko lang sabihin paps, kunin mo rin ang loob nung Kyungsoo para matulungan ka kay Sehun.”

“Paano magiging wingman yun eh, laging kumukulo ang dugo pag nakikita ako.” Chanyeol adds, “To be honest, the feeling is mutual.”

“Kung ako sayo, habaan mo nalang ang pasensya mo diyan sa Kyungsoo na yan. Syempre, pag nakita ni Sehun na ganon mo tratuhin ang bestfriend niya—isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay niya, baka matuwa sayo. Malay mo sagutin ka agad. Ede another win for Park Chanyeol?”

 

Sana nga another win, anyway. It’s not like he’s the type to easily give up.

 

Siya pa ba? He has prided in his own persuasive skills.

 

Nothing can deter him. Not even that guy.

 

 

 

 

 

 

Ngayon nalang uli nakita ni Chanyeol ang bahay nila matapos ang ilang buwang pagkabusy sa trabaho. At totoo naman, nothing beats home. Matagal naman na siyang nagpundar ng sarili niyang condo at bumukod, pero kinumbinse siya ng mama niya na umuwi weekly dahil daw mamimiss niya ang bunso niya. Pero syempre dahil hindi rin naman niya masabi ang dating ng trabaho sa kanya, hindi niya nagagawang gawin ang pag-uwian every week. Katulad nalang ngayon.

Besides, nakakatawa lang kasi akala mo hindi siya mag-trenta in a few months ha. Mama’s boy na kung mama’s boy, pero Chanyeol spoils the women in his family and lets them do whatever they want. Syempre, unang-una ang mama niya sa pagkaspoiled, sunod ang ate niya.

 

 

Nang makapasok sa bahay, biglang natanaw ni Chanyeol ang pinsan na nanonood ng tv at nakahilata sa may sala. Agad namang nangiti si Chanyeol dahil naalala niya kung paanong nakagawian rin nila ng pinsan ang ganito ilang taon na ang nakalilipas nung dito pa siya naninirahan.

“Uy, Makmak. Musta? Ang laki mo na ah!” paunang bati ni Chanyeol sa paborito niyang pinsan na si Mark.

Chanyeol has a really soft spot for his cousin because he would always look after his cousin before lalo na kapag weekend, dahil naiiwan ito sa kanila. So, it’s like, more or less nasubaybayan niya ang paglaki ni Makmak. Kaya, ganun nalang ang fondness na nabuo kay Chanyeol para sa pinsan. Besides, Mark is such a kind and well-mannered kid, kaya hindi naman nahirapan si Chanyeol na pakisamahan ang nakababatang pinsan.

“Kuya Caloy! Glad you made it!” Mark smiled back, bago sila nag-bro hug ni Chanyeol.

“Musta college? Balita ko dean’s lister ka raw ah!” Ginulo pa ni Chanyeol ang buhok nito, na ‘kala mo ay maliit na bata pa rin si Makmak. Nakasanayan na rin kasi niya na gawin ito kay Mark, madalas para inisin ito.

Hinawi naman ni Mark ang kamay niya, “Kuya Yeol, stop. I’m a college boy na, please.”

College boy na nga, halos sa pormahan nito ngayon. Nakasalamin, plaid shirt—yung tipong kolehiyala talaga.

“Grabe naman oh, naglalambing lang naman ang Kuya Caloy mo.”

“Anyway, Kuya, Okay naman. Madaming readings pero enjoy ko naman.” Tiwala naman din si Chanyeol na pagbubutihan ni Mark ang pag-aaral. Consistent honor’s student din naman ito nung elementary at high school.

Habang inaayos ni Mark ang buhok niya which was now in different directions, Chanyeol had this thought, Grabe naman sa bilis ng panahon? Dati nagpeplaystation lang sila bahay, ngayon, college student na si Makmak? Baka mamaya may ka-relasyon na yan.

“Sus, kayang-kaya mo naman yan eh. Ikaw pa. Mana ka kaya sa Kuya Caloy mo.” He smiled proudly. “Musta pala profs mo this sem? Wala bang terror?”

Okay, don’t get Chanyeol wrong, he just felt the need to ask this one. Lahat naman talaga may prof na naalala and usually yung mga terror ang tumatatak. Of course, marami ring naalalang prof si Chanyeol na ubod nang bait at galing.

“Actually, Kuya. I have this literature prof na sobrang galing! Grabe, he’s so smart and bait pa, Kuya. Now, I’m having thoughts na mag-shift sa literature.” Bukod ‘don ay nagsimula na si Mark na magkwento ng mga pinag-aaralan nila with that prof at sobrang animated pa ni Mark sa pagkukwento, and he saw the genuine interest in his eyes.

“Wow, he’s that good?”

“Yes, Kuya. Tsaka he’s young pa nga, siguro around your age?” Suddenly, Mark’s lips form a smirk, and Chanyeol knew may sasabihin itong kalokohan. “Gusto mo pakilala kita?”

“Para kang sira.” natatawang sagot ni Chanyeol. Hay nako, dumagdag pa ‘to sa nagrereto sa kanya. Mukhang nasabihan rin ng mama niya na himukin siya sa pakikipagdate.

“Bakit kuya? Di ba you’re single naman? Hay nako, take up that offer na, you’ll thank me later. Tsaka, wow. Imagine, dati prof ko lang tapos soon, he’ll be my cousin-in-law,” parang nagliwanag ang mata ni Mark, parang nangangarap.

“Magtigil kang bata ka, puro ka kalokohan.”

Natawa si Mark sa reaksyon ng pinsan, and in no time, naiba na ang usapan at napunta na sa kung ano-anong mga bagay. Nag-enjoy naman si Chanyeol sa catching up session nila ng pinsan.

“‘Mak, any time welcome ka sa condo ha. Kapag naabutan ka na ng curfew sa dorm, punta ka lang sa condo. Pero wag naman pag sobrang wasted ka ha, party responsibly.” Chanyeol says.

“Kuya naman, mas matindi ka pa kay Mama manermon eh.”

“Alam ko na kasi yan, napagdaanan ko rin yan. Enjoyin mo lang pero alamin mo ang limitations mo.”

Maya maya ay hinugot ni Chanyeol ang wallet niya at inabutan si Mark ng dalawang one thousand bills. “Oh, pandagdag mo sa allowance mo. Congrats sa pagiging part ng Dean’s List.”

“Grabe, kaya sayo ako eh, Kuya. Thank you, ang pogi mo talaga.” Yumakap naman si Mark kay Chanyeol.

“Sus, maliit na bagay.”

 

 

 

 

 

“Parang gusto kong gawing BFF si Kyungsoo ah.” Jongin cackles, after makita kung paanong tratuhin ni Kyungsoo si Chanyeol simula nang makarating sila sa villa nila Junmyeon.

 

Apparently, Jongin thought that it's a good idea to invite Sehun sa kanilang monthly scheduled inom. Hindi alam ni Chanyeol, inimbitahan din pala ni Jongin si Kyungsoo via Junmyeon. The devil works hard, but Jongin works harder.

 

“Ekis ka na talaga sakin, Niniboy. Kaninong panig ka ba ha?” Kumunot ang noo ni Chanyeol, ang dalawang kilay ay kasalukuyang nakasalubong.

 

“Ito naman, hindi mabiro. Syempre, dun ako sa nang-aagrabyado sayo.”

 

Tarantado,” Napakalutong na pagkakabigkas ni Chanyeol na mas lalong nagpatawa kay Jongin, “Ayus-ayusin mo yang pananalita mo ha.”

 

Tatawa-tawa lang si Jongin sa kanya at binelatan pa siya na parang bata.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Uy, sarap nito ah," Mackenyu comments, eyes widening. He hums in satisfaction habang ngumunguya.

 

Nakapalibot na sila ngayon sa lamesa na hinanda sa garden, sa harap ng mga pulutan nila ngayong gabi.

 

"Yeol, tikman mo." Lumapit at sinubuan pa ni Mackenyu si Chanyeol para matikman ang lumpiang shanghai na nakahain ngayon.

 

Hmmmm,” Chanyeol moans in delight. He raises his thumb, panalo ang lasa. Approved ‘to sa kanya.

 

"Guys," Minseok suddenly says, "Sarap ‘no? Dala yan ni Kyungsoo!”

Aba, buti naman may ambag. ‘Kala niya makikiinom lang dito yan eh o kaya makikipulutan, sa isip-isip ni Chanyeol.

“Uy, san mo ‘to binili! Parang gusto ko rin umorder.” comment naman ni Mackenyuu, na kumagat pa ng isa sa hawak na lumpia. Sa kabilang kamay, may hawak pa siya ng isang dynamite, na nakita niyang isa pa sa mga pagkain sa lamesa.

Nakakailan na ‘tong si Ken ah. Baka mamaya di na umabot hanggang mamaya yung pulutan.

“Uh, actually. I made them.”

Nanlaki ang mata ni Chanyeol, Wait? He made these? Ang sarap? He cannot believe na ganito siya kasarap magluto?!

 

“Uy, galing mo magluto ah! Tumatanggap ka ba ng order?”

 

“Walanghiya ka, Ken. Pag pagkain talaga, walang kupas.” Minseok jokes.

 

“Uy, Kyungsoo? Pero seryoso ako ah, parang paborito ko na ata ‘tong shanghai mo. Ang sarap! Pag naubos ‘to, wag ka na magtaka, binulsa ko na yung iba. Malaki ‘tong bulsa ko, aba. ‘Kala mo.”

 

Binatukan naman ni Minseok ang kaibigan, “Uubusan mo pa kami, Ken.”

 

Natawa naman si Kyungsoo sa sinabi ni Mackenyu, “Salamat. Sa susunod, magpapaabot nalang ako sayo ng lumpia.”

 

Malapad ang ngiti ni Mackenyu nang dahil sa narinig. Sasagot pa sana siya nang umentrada na si Chanyeol, na may nakakalokong ngiti.

 

“Oh, so mga tipo pala ni Ken ang gusto mo, Do.” Chanyeol teases, “Now I know.”

 

Natunghayan ni Chanyeol kung paanong nawala ang ngiti sa labi ni Kyungsoo at kung paanong napalitan ito ng pagkainis at pagkairita sa pagdating niya. Pero maya maya ay nakita niya ang pag-smirk nito.

 

“Alam mo Park,” he says. “Wala naman akong specific na type eh, okay lang kahit sino, basta wag lang ikaw.”

 

Rinig na rinig niya kung paanong nahiyawan ang mga kaibigan sa pambabara sa kanya ni Kyungsoo.

 

 

Buuuuurn, Park.

 

 

Buwisit.

 

 

 

 

Actually, sa inuman, ang magkakatabi ay sina Sehun, Chanyeol, at Kyungsoo. Isang hilera sila pero syempre, ang seating arrangement ay in this order: Kyungsoo, Sehun, and Chanyeol. Alangan namang magtabi si Chanyeol at Kyungsoo di ba, baka magrambulan lang sila. Lalo na’t nabuwisit nanaman siya sa kayabangan niyang Kyungsoo na yan.

 

Kahit sino basta hindi siya? Nakakahiya naman sa kanya. Maraming nagkakanda-rapa sa atensyon niya tapos makakarinig siya ng ganon? Ano bang akala niyang Kyungsoo Do na yan espesyal siya? Pwes hinde! Lakas makabadtrip.

 

 

Sa totoo lang, parang enjoy na enjoy ang barkada sa pagkukwentuhan nila with Sehun and Kyungsoo. Pero pinakanagulat si Chanyeol sa nakita niya—si Kyungsoo tumatawa at nakikipagkwentuhan kay Minseok.

 

Wow, Chanyeol observes the two again, and for the first time, he sees Kyungsoo smile. He hears Minseok laugh and his gummy smile even makes an appearance, kaya he felt certain na they’re enjoying the conversation na meron sila. Ano namang pinag-uusapan nila? Hmm.

 

Nag-try siyang makipagkwentuhan kay Sehun pero nahihinto ang usapan nila dahil mukhang may katext si Sehun. Kanina pa siya natatawa mag-isa, titingin saglit sa paligid tapos tatakpan ang bibig para humalakhak.

 

Not one for prying, he shrugs and just lets himself enjoy the night sa karaoke. Para naman matigil na si Jongin sa pagkanta ng High School Musical songs. Umay na siya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Kuya Seok," bungad ni Chanyeol nang makalipat na si Minseok sa passenger seat. Nahatid na niya si Sehun. Sinabay naman ni Junmyeon si Kyungsoo. "May bago ka na yatang tropa ah?"

"Sino?" Napanguso si Chanyeol dahil takang-taka pa ‘tong si Kuya Seok. Wow, kala mo di siya tumatawa nang malakas kanina sa inuman ah.

 

"Ede yung katabi mo kanina!"

 

Nang magets kung sino ang tinutukoy ng kaibigan, sumagot naman si Minseok, "Ah, si Kyungsoo?"

 

"Oo! Ikaw Kuya Seok ah.." sambit ni Chanyeol na may mapanuksong tono.

 

"Yeol," Napailing si Minseok sa kalokohan ng kaibigan, "Alam mo, mabait si Kyungsoo. May sense pa kausap.”

 

"Baka sayo lang kuya," Chanyeol shrugs. Binaling nalang ulit niya ang atensyon sa kalyeng dinadaanan nila. “Kita mo naman kanina, nakabusangot yung mukha nung nagsalita ako.”

 

"Eh 'di ko nga maintindihan rin bat ang init ng dugo sayo. Ano bang ginawa mo?"

 

"Sus, ewan ko dun. Una palang gigil na sakin."

 

“Eh kung ako man asarin nang asarin, eh baka talagang nasuntok na kita.”

 

“Kuya naman.”

 

"Alam mo, Yeol, akin lang naman 'to ah.. Baka naman siya talaga ang susi para mapasagot mo na ‘yang si Sehun."

 

Napabuntong hininga si Chanyeol, “Pang-ilan ka nang nagsasabi sakin niyan. Yung totoo, pinag-usapan nyo ba yan?”

 

“Because we’re right. Bat di mo try makipag-usap nang maayos?"

 

The truth is, pinag-isipan ni Chanyeol nang mabuti ang napag-usapan nila ni Minseok. He realized na may sense nga na kunin rin ang approval ni Kyungsoo at magbakasakaling as a result ay makuha rin niya ang loob ni Sehun.

 

Totoo naman nga na nangyayari ang pangliligaw sa mga kaibigan, if it's what it will take for him to get Sehun's yes then so be it. Sige, gagawin niya na. Oo na nga.

 

 

 

 

Chanyeol has always believed in the perfect timing and obviously the universe has been favoring him.

 

Saktong papasok na si Chanyeol sa office at dumaan siya ngayon sa isang coffee shop a few blocks away from his office nang mapansin niya ang susi sa mga problema niya, well to be honest, isa rin sa mga rason kung bakit siya nagkakaproblema ngayon.

 

Chanyeol being Chanyeol, he does what he thinks is the best. He approaches him, pero not until ordering coffee for him and for the smaller guy. He just takes his guess and ordered iced americano for him.

 

“Akalain mo yun. Bagong tambayan na pala ng mga nuno ang coffee shop. Nagkakape rin pala sila. Chocnut, nuno, gusto mo?” He chuckles.

 

Walang ano-ano ay umupo si Chanyeol sa harap ni Kyungsoo na 'kala mo ay walang sinabing kalokohan sa binata.

 

He places the cup of coffee in front of the man. Hindi naman nahirapan si Chanyeol sa paghahanap sa binata sa coffee shop na tinatambayan nito dahil nasa sulok si Kyungsoo at bukod pa 'don, siya lang ang customer na napapaligiran ng mga papel at laptop. Sa tingin ni Chanyeol ay mga test papers ng mga studyante ng binata.

 

Halos may dalawang baso na ng kape sa tabi nito pero mukhang parehong ubos na ito. Inobserbahan pa ni Chanyeol nang kaunti si Kyungsoo at panay check or bilog lang ang ginagawa ni Kyungsoo sa mga test papers. Okay, nagchecheck nga ng test papers pero hindi man lang maacknowledge ang presensya nya?

 

"Wow, anybody here?" Kinaway pa ni Chanyeol ang kanang kamay niya sa harap ng binata na parang tinitignan kung nakikita 'yon ng binata. Isang beses pa inulit ni Chanyeol 'to bago makatanggap ng reaksyon mula kay Kyungsoo.

 

The other man in front of him stops what he is doing before he sighs. After that, he pushes his eyeglasses upwards para iayos ang posisyon nito sa may ilong nito. "What do you want?" Kyungsoo asks in a gruff and annoyed voice. Kumunot pa ang noo ni Kyungsoo and Chanyeol laughs inwardly kasi ayan na, sasabog na ba ang bulkan?

 

"Oh, easy, easy." Chanyeol replies, even raising his hands in surrender. "Init agad ng ulo eh."

 

"Kung wala ka namang pakay, pede bang umalis ka nalang sa harap ko? Can't you see that I'm busy?" Inangat pa ni Kyungsoo ang baba niya para ituro ang mga papel na nasa harapan niya.

 

Chanyeol came here with a mission. Kaya hindi siya dapat mag-back down. Instead of feeling ashamed, he sports his most confident smile. He glances at his watch to check the time, he still has an hour and a half to go, maaga kasi siya lagi umaalis sa bahay nila. He still has time to convince Kyungsoo.

 

"'To naman, parang others eh. Kala mo hindi ako magiging bestfriend-in-law."

 

"Kilabutan ka nga diyan." Kyungsoo says, umirap pa ng isang beses kay Chanyeol.

 

“Teka nga, bakit ba laging ang init lagi ng dugo mo sakin, ha? Tsaka lahat ng insulto eh kayang lumabas diyan sa bibig mo pag ako na pinag-uusapan.”

 

Tinanggal ni Kyungsoo ang suot na salamin at minasahe ang sentido nito. “Look, Park. It’s not personal, okay?” He sighs, staring at him directly. “I just don’t trust people easily.”

 

“Bakit? Wala akong masamang intensyon kay Sehun, if that’s what you’re worrying about. I also don’t care about his fame. I mean, I’ve known him even before he became famous, so why?”

 

Chanyeol took the seat in front of him, and says na ayaw naman niya na hindi makuha ang basbas ng bestfriend ni Sehun, before they start dating. Actually, he mentions that he wants to win Kyungsoo's favor para naman maging okay na ang lahat. Para happy lang, maayos ang relasyon ng lahat, ganun kasimple.

 

"Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka sakin na seryoso ako?" Chanyeol says before he continues, "You name it, gagawin ko. I can be your driver, assistant, cook—kung ano man yan, sabihin mo lang. Para mapapayag kita at matulungan mo ko na makuha ang loob ni Sehun."

 

"Wala."

 

"Ano ba yan. Ang boring naman," Chanyeol snorts. Tinapunan siya nang masamang tingin ni Kyungsoo.

 

"Can't you understand it, Park? Kahit anong gawin mo, hindi magbabago ang isip ko. I can't help you." Sumimangot nanaman si Kyungsoo, “Pwede ba, now that you heard my answer, makakaalis ka na. Andami ko pang checheckan,” He points to the test papers in front of him.

 

Chanyeol heaves a sigh, and accepts that for now, it’s a defeat. Pero, bago tuluyang umalis, humarap siya uli kay Kyungsoo para sabihing, “I’ll change your mind, Do.”

 

Hindi na niya hinintay na makasagot si Kyungsoo at umalis nalang.

 

Talo siya ngayon, pero sa susunod hindi na.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Tulad nga ng sinabi niya, Chanyeol always finishes what he has started. Kaya naman, eh ito na nasimulan na niya ang pangungumbinse, sasagarin na niya. He actually asked Sehun about Kyungsoo's whereabouts and where he frequents. Sa gulat siguro ni Sehun, napatawag pa ito sa kanya para tanungin kung anong meron at bakit niya hinihingi rin ang number ni Kyungsoo. Chanyeol initially thought of saying na he wanted to make peace with Kyungsoo, but he changed his mind and reasoned out nalang na Kuya Seok is asking for his number.

 

Sehun gives it anyway, after reminding Chanyeol to tell Kuya Seok not to give the number away dahil malalagot daw si Sehun sa bestfriend niya. Chanyeol agrees.

 

Pero eto ngayon, si Chanyeol, nagsesend ng text messages sa taong hindi niya inaakalang pagsesendan niya ng text messages ever. Tignan mo nga naman.

 

me

hello :D

 

[read]

 

me

park here, just in case you're wondering

 

[read]

 

 

me

grabe panay seen nalang ba?

 

[read]

 

 

me

 

kala mo ba nasa vocabulary ko ang pagsuko

dyan ka nagkakamali

wait ka lang diyan

papayag ka ring tulungan ako

ill make sure!

 

[read]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Kuya Caloy, gusto mo sumama samin dyan sa may sizzling sa tapat?” Nakahubad pa at nagpupunas ng pawis si Chanyeol nang biglang nag-aya si Mark sa kanya pagkatapos ng game nila. Apparently, naisipan ni Chanyeol na sumama sa mga bagets dahil matagal-tagal na rin simula nung naglaro siya ng basketball. Every now and then, he likes switching his exercises, para may variety naman ang kanyang physical activities. After all, he likes maintaining his body.

 

“Oh sige ba,” sagot naman ni Chanyeol. Medyo gutom na rin naman kasi siya matapos siyang pagurin netong mga batang ‘to. Tumatanda na yata siya. Buti nalang malakas pa ang tuhod niya.

 

Nang pumayag si Chanyeol, napansin niyang nagtinginan ang mga magkakaibigan. Mark clears his throat before facing his cousin.

 

“Pero kuya, pede bang sagot mo?” Napakamot pa ng ulo si Mark, halatang medyo nahihiya. "Wala daw dalang wallet 'tong mga 'to eh."

 

Natawa naman si Chanyeol, “Walang problema, ‘Mak.” Narinig naman ni Chanyeol na nag-cheer ang mga ibang binata kaya tuluyan na siyang natawa.

 

"Kayo ha, technique nyo bulok." hirit pa ni Chanyeol na mas lalong nagpatawa sa mga binata.

 

Siya pa niloko nila eh ganyang-ganyan si Jongin sa kanya. Lam na niya yan. Well, he doesn't really mind naman din.

 

Kumakain na sila sa may sizzling place nang maisipan ni Chanyeol na kumustahin ang barkada ni Mark. Medyo matagal na rin naman naipakilala ni Mark ang barkada niya dahil na rin pare-pareho sila ng high school na inattendan, pero lahat ay nasa Manila para sa kolehiyo.

 

“Oh, Donghyuck, musta naman sa course mo?” Chanyeol turns to Mark's bestfriend na si Donghyuck na isa ring tambay sa bahay nila sa Bulacan dati. Di naman masyadong tito ang tanungan niya, di ba?

 

“Okay naman kuya, madalas lutang at puyat,” sagot ni Donghyuck. Pinaliwanag naman ni Donghyuck ang nature ng course niya, which is psychology, at ang mga ginagawa niyang papers sa mga subjects niya. Napunta naman ang usapan sa course ni Lucas nang bigla silang napatigil dahil sa reaksyon ni Ten.

 

Oh my god,” banggit naman ni Ten, takip-takip pa ang bibig dahil halatang nagulat mula sa nakita sa phone niya. "Grabe naman pala si Kupido, nag-overtime ata."

 

“Oh, ano na namang nakita mo?” kalmadong tanong ni Mark, na parang sanay na sanay na sa mga random outbursts ni Ten. Natawa si Chanyeol sa pinsan. Tumingin rin siya sa ibang kabarkada ni Mark at parang sanay na rin ang itsura ng mga ito sa ugaling ganito ni Ten.

 

“Nagpost si Ms. Nam sa ig niya, kasama si Sir Do,” he excitedly says, tapos ay hinarap ang cellphone sa mga kaibigan. Tahimik namang kumakain si Chanyeol at hinayaan nalang magkumpulan ang mga bagets sa harap ng phone ni Ten.

 

“Ay weh? Sila ba?”

 

“Wow, lakas ni Sir Do ah.”

 

"Baka naman kamo si Ms. Nam ang may kursunada kay Sir Do."

 

"Pwede rin, iba kaya mga tinginan nun kay Sir Do."

 

Pinapakinggan lang ni Chanyeol ang mga binata habang hinihipan ang sizzling na inorder niya. Kani-kanina ay dumating na ang sizzling na inorder nila, at gustong-gusto na sabihin ni Chanyeol na kumain na ang mga binata pero patuloy paring nagtatawanan sila Mark sa cellphone ni Ten. Di rin nagtagal ay nacurious na si Chanyeol sa kung sino ba ang topic nila. Para kasing sobrang amused nila at sobrang invested sa pinagchichismisan.

 

“Kayo talaga, sino ba 'yang pinagchichismisan nyo? Kumain na kayo, lalamig na yang pagkain.”

 

Si Mark na ang nagsalita para sa mga kabarkada, “Kuya, yung literature professor ko. Tsaka yung Psych prof nila Hyuck. Lagi kasing magkasama kumain.”

 

Kumunot ang noo ni Chanyeol, 'tong mga batang 'to eh, ma-issue ah. “Baka naman friends lang at malisyoso lang kayo.”

 

“Naku, Kuya, laging bukambibig ni Ms. Nam pati sa klase. Kaya sure na, baka may pamilya na sila.” Nakanguso pa si Donghyuck habang nangchichismis sa kanila.

 

Natawa naman silang lahat. Di napigilan ni Lucas magcomment ng, “Napaka-advanced mag-isip, Hyuck.”

 

Maya-maya ay bumaling naman si Mark kay Chanyeol, "Sensya na kuya, ikaw kasi sabi ko sayo, ilalakad kita dyan kay Sir Do. E ayaw mo pumayag agad. Ayan tuloy, mukhang taken na siya."

 

Parang napukaw naman ang atensyon ng barkada sa sinabi ni Mark at nagsimula silang magtanong kung ano namang paki ni Chanyeol kay Sir Do. Mark shares his plan of getting Sir Do and his Kuya Caloy.

 

Hiniram pa ni Mark ang cellphone ni Ten bago hinarap na Kuya Caloy niya ang ig post ni Ms. Nam kasama si Sir Do. “Oh kuya, ito ang sinayang mo.” Nagtawanan naman ang magkakaibigan.

 

"Ikaw talaga, Makmak. Wala akong time sa ganyan. Papayaman muna 'tong Kuya mo."

 

"Payaman!" Lucas exclaims, tinaas pa ang hintuturo na nagpatawa sa kanila.

 

"Luh, Kuya, gaano kayaman pa ba gusto mo?" Tanong ni Ten.

 

"Baka naman gusto mo pa talunin si Henry Sy, kuya."

 

"Yung mga tipong sampung building na ang nakapangalan sakin. Baka pwede na akong magjowa nun."

 

"Ay wala 'to, workaholic."

 

"Kuya, ang boring mo!"

 

"Panget kabonding!"

 

“Turn off naman yun masyado!”

 

Kanya-kanyang comment pa ang mga bagets, kaya naisipan ni Chanyeol na mang-asar nang kaunti, “Ah ganun ba? Workaholic at boring ba? Sige, luwa nyo ‘yang kinakain nyo, ako ang magbabayad di ba?”

 

Parang nabigla naman ang mga bata sa sinabi niya. Nagawa kasing mag-explain at magsabi ng, joke lang naman kuya! Di ka mabiro!

Tuluyan na siyang natawa at nagsabi na kumain lang sila nang kumain at nagbibiro lang naman din siya.

 

Kala nyo ha. Workaholic pala ha.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi naman nahirapan si Chanyeol na mapapayag si Sehun na magpunta sila sa bahay nila Chanyeol sa Bulacan one weekend. After all, it was a harmless invitation naman and a friendly one at that.


Thinking that Sehun might be weirded out, he even offered na Sehun can also invite Kyungsoo if he doesn't want to go alone with Chanyeol to Bulacan. He also assures him by saying na Jongin, Minseok, and Junmyeon are coming as well dahil inimbitahan din sila ng Mama ni Chanyeol.


Upon hearing that they wouldn't be entirely alone on this trip, Sehun even squealed in glee while clapping his hands and saying, the more the merrier.

 

 

 

 

 

 

Wala pang isang oras mula nang dumating sila sa Bulacan, halos di pa nga napapainit ni Chanyeol ang pwet niya sa sofa, nautusan na agad siya ng mama niya sa pinakamalapit na convenience store sa kanila dahil naubusan daw sila ng yelo. Kaya si Chanyeol na ang napag-utusan na bumili dahil wala pa rin si Makmak. Hindi nga sa siya sure kung makakauwi ‘yong batang yan ngayon. Hinabilin nalang niya kila Junmyeon ang mga bisitang kasama, at nagmadali nalang na umalis.

Saglit na drive lang naman ang convenience store, kaya nang makabalik siya, nasa may garden na sila Sehun, kasama sila Jongin. Pero wait—parang may kulang? Umuwi na ba si Kyungsoo?

Lumingat pa siya sa kabuuan ng garden nila pero wala pa rin ang masungit na binata. Ha? San kaya sumuot yon. Baka mamaya na-kidnap na pala yun. Napagkamalang bata? Ay nako. Mamaya nadampot na ng puting van?

 

“Kasama ng lola mo.” sambit naman ng isang boses sa likod niya. Kilalang-kilala niya ang boses na yun, si Kuya Seok.

 

“Ha?” buong pagtatakang tanong niya sa nakatatandang kaibigan. Hindi niya magets?

 

Ginalaw pa niya ang kilay niya na may halong pang-aasar. “May hinahanap ka, di ba? Andun siya kasama ng lola mo, nahila kanina sa kusina.”

 

Napaubo si Chanyeol para itago ang kahihiyan na nararamdaman niya. Kasi hello? Wala naman siyang hinahanap?

 

“Anong hinahanap? Wala. Tinignan ko lang kung nakarating na si Makmak.”

 

Parang nabasa naman agad ni Minseok ang reaksyon ng kaibigan kaya nagkibit balikat nalang ito, “Oh sige. Ang akin lang, baka kung ano na sinasabi ng lola mo dun sa bisita mo.”

 

 

 

 

Totoo nga na kasama ng lola niya si Kyungsoo. How it happened, he didn’t know. Parang wala naman sa mukha ni Kyungsoo ang maging malapit sa mga tao, kaya nang mapansing nakikipaghalubilo si Kyungsoo sa mga lola-lolahan niya, imagine nyo nalang ang pagkagulat ni Chanyeol.

 

Hindi namalayan ni Chanyeol na habang pinapanood niya si Kyungsoo na makipagtawanan sa mga kaibigan ng lola niya ay napapangiti din siya. Kasi aminin man niya o hindi, mas magandang makita ang ngiti kesa sa pagsimangot na madalas niyang natatanggap.

 

Maya-maya ay napagdesisyunan niyang lumapit kina Kyungsoo para naman magbigay galang din sa mga lola-lolahan niya. Nang makita siya agad ay narinig naman niya ang malambing na boses ng mga katandaan, “Ayan pala si pogi! Naku, ang pogi pogi naman ni Caloy.”

 

“Hala, mga ‘la, ang saya ng kwentuhan ah?” Nagmano muna si Chanyeol sa mga amiga ng lola mama niya, pero karamihan dito ay hinalikan siya sa pisngi, na parang apo na nakipag-reconnect sa lola nila.

 

Anyway, malapit naman talaga si Chanyeol sa mga amiga ng lola niya. Laking lola rin kasi siya. Habang nakikipagkwentuhan sa mga lola ay di napansin ni Chanyeol na nakatingin lang si Kyungsoo sa kanya para obserbahan siya. And while watching, surprisingly his lips curl up in amusement. Not in a teasing or naughty manner, but a genuinely intrigued and amused expression. Well, that’s a first, but it’s not like Chanyeol saw. Unbeknownst to the two, there’s someone else who’s quietly observing them.

 

“Caloy, ang galing mo naman pala pumili! Approved na sakin ‘tong bisita mo,” bungad sa kanya ni Lola Miyoung, isa sa mga kaibigan ng lola mama niya.

 

“Naku, Caloy! Totoo! Ang pogi pogi ni Kyungsoo! Mabait at magalang pa. Tapos, magaling pang magluto. Ang bilis lang niya natutunan ang recipe ng lola mama mo! Yung paborito mong sinigang?”

 

“Naku, botong-boto ako dyan!” pag-sang-ayon pa ni Lola Munhee.

 

“‘Mga la naman. Magkaibigan lang po kami ni Kyungsoo,” mariin niyang pagtanggi, Halos may pagtatakang tumingin sa kanya ang lola niya, parang di makapaniwala sa narinig. Si Kyungsoo naman, tinaasan siya ng kilay dahil sa narinig. Grabe, diring-diri?

 

Chanyeol mouths, maki-ride ka nalang! to Kyungsoo, with the most desperate expression that he can make, but Kyungsoo has the audacity to turn his back to him and get back to what he’s doing.

 

“Halika ka nga dito sandali, Caloy.” tawag sa kanya ng Lola niya, hinila siya sa may gilid ng kusina, medyo malayo sa ibang kasama nila.

 

Nang huminto sila ay nakaramdam siya ng palo sa ulo niya, na siya namang nagpahiyaw sa kaniya.

 

“Hoy, Chanyeol Park! Anong hindi si Kyungsoo ang nililigawan mo? Eh kung hindi siya, eh sino? Ikaw talagang bata ka!” Piningot pa ng lola niya ang tenga ni Chanyeol. “‘Yang mga desisyon mo talaga! Sinasabi ko sayo!”

 

“Aray, ‘La! Masakit.” Halos hindi na maipinta ang mukha niya sa sakit. Mas lalong pinihit pa ng lola niya ang tenga niya bago ito bitawan ng lola niya nang marinig ang sigaw niya.

 

“Ano ba kasi yang pinagsasasabi mong bata ka!” Nagawa na mamewang ng lola niya.

 

Hinimas-himas pa ni Chanyeol ang tengang ngayon ay namumula, “Yung kasama niya ang nililigawan ko, ‘La. Bestfriend niya, si Sehun.”

 

Tinignan siya sandali ng lola niya bago niya napansin na nag-soften ang expression nito, na parang may halong pag-alala, “Sigurado ka bang yun ang gusto mong maging nobyo? Parang hindi yun ang nakikita ko..”

 

Teka ano bang nakikita ng lola niya? May nakikita ba ang lola niya na hindi niya nakikita? Bakit naman parang may alam si Lola na hindi niya alam?

 

“’La naman.”

 

“Naku, Caloy. Talagang sinasabi ko sayo..”

 

"Mamaya papakilala ko sayo si Sehun, La. Be nice, okay?"

 

"Eh may magagawa pa ba ako?"

 

“‘La naman, baka mamaya sungitan mo nanaman. Bumyahe pa yun galing Maynila. Naalala mo yung kay Sooyoung?”

 

“Wala akong naalala.” Napa-buntong hininga si Chanyeol, wala daw, eh halos irapan na yung ex niya. Naiyak pa nga si Sooyoung matapos nila makabalik sa Maynila.

 

Naputol ang pag-uusap nila nang sumigaw si Lola Munhee para tawagin siya, “Caloy! Halika nga dito, napapagod na ako maggiling. Tinuro ko na kay Kyungsoo kung paano gawin ‘to kaya tulungan mo siya.”

 

 

“Sandali lang po, ‘La! Papunta na diyan!”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

When dinner came, nagulat ang lahat nang pinatabi ng Lola ni Chanyeol si Kyungsoo sa gilid niya sa dining table. Syempre, ang lola niya ang kumuha ng pwesto sa kabisera ng table, at nasa kaliwa niya si Kyungsoo. Sa paraan ng pagsasalita ng lola niya kay Kyungsoo ay ‘kala mo matagal na silang magkakilala. Sobrang nakakapanibago. Samantalang nang sinama niya ang ex niyang si Sooyoung dati dito ay halos hindi na kibuin ng lola niya ang dalaga. Sobrang nakakahiya talaga pag naaalala niya yun.

 

Tapos, ngayon, kung makaasta kay Kyungsoo? Uhm, hello? ‘La? Ok ka lang ba? Kay Kyungsoo ka talaga aarte nang ganyan?

 

"Kyungsoo, anak, tikman mo 'to. Specialty ko rin 'to eh." Nagsandok pa ang Lola ni Chanyeol sa plato ni Kyungsoo ng niluto niyang menudo.

 

Sinipa siya sa paa ni Jongin, mga matang nagtatanong kung ano ang nangyayari. Pero pati siya ay walang alam. He shrugs his shoulders at nagpatuloy sila sa pagoobserba sa dalawa.

 

Kyungsoo smiled politely, "Naku, okay na po, baka po sobrang mabusog ako niyan. Thank you po.."

 

"Gusto ko matikman mo yan, para pagbalik mo sa Manila, may bago ka na lulutuin. Hindi lang basta kani-kanino ko binibigay ang recipe niyan. Tsaka para naman kahit nasa Manila si Caloy eh may magluluto sa kanya ng mga paborito niya.”

 

Akala niya ay hindi sasang-ayon si Kyungsoo sa lola niya o hindi kaya tatanggihan niya ang sinabi pero nagulat siya nang tumawa lang si Kyungsoo at tumango. “Salamat po.”

 

Chanyeol clears his throat, “‘La, Si Sehun nga po pala.”

 

“Sehun, si Lola at si Mama,” He gestures towards his Mama and Lola, “Sayang, wala si Ate dito. May work kasi siya.”

 

“Good evening po, nice meeting you po.” Tumayo naman si Sehun mula sa kinauupuan at nag-bow sa lola at mama niya. 

 

Agad namang napangiti ang Mama niya at agad-agarang pinaupo na si Sehun. “Sehun, pasensya ka na, hindi kita masyado naasikaso kanina ah, dumating kasi yung iba naming kamag-anak.”

 

“No worries po,” Sehun smiled politely, “Dr. Myeon, Jongin, and Kuya Minseok kept me company po.”

 

“Hijo, I heard you’re Kyungsoo’s bestfriend?” His Lola speaks to Sehun for the first time that night.

 

“Opo. We’ve known each other since elementary po.” Magalang naman na sagot ni Sehun.

 

Pinagmasdan pa ni Lola Park ang magkaibigan bago nagkomento, “Quite a pair.”

 

Nagkatinginan pa si Jongin at Chanyeol sa inasta ng lola niya. Grabe, attitude yan?

 

“Kyungsoo, anak, hindi mo nakwento sakin kung ano ang trabaho mo.”

 

“I teach po.” Kyungsoo smiles shyly.

 

Lola Park claps her hand in glee, “Is that true, hijo? Oh my.” Jusko, halos parang nagningnging ang mata ng lola niya sa nalaman. Ligayang-ligaya lang naman siya.

Ang mama ni Chanyeol ang nagpatuloy, “Itong lola kasi ni Chanyeol, she was a retired teacher.”

 

“Naku, I’ve always had high regards for teachers. Hijo, kung single ka pa, hayaan mong ihanap kita ng mapapang-asawa sa mga apo ko. Welcome na welcome ka sa pamilya namin,” tumawa pa ito, pero halos mangiwi na si Chanyeol sa sinasabi ng lola niya. Nagkatinginan sila Minseok, sharing a knowing look.

 

Si Sehun naman ay napaubo, pero mukhang tinatago lang nito ang tawa na nagbabadyang lumabas. Pansin naman ang tenga ni Kyungsoo na ngayon ay namumula na.

 

“‘La, ano ba yang pinagsasasabi mo. Nakakahiya sa mga bisita,” pagsaway pa ni Chanyeol sa lola niya, pero tuloy pa rin siya sa paghunta kay Kyungsoo.

 

Napapailing nalang ang nanay ni Chanyeol, kaya naisipang kausapin ang ibang kasalo nila sa lamesa, “Kain lang nang kain. Kuha pa kayo ha. Andaming pagkain. Pagpasensyahan nyo na si Mama..” She smiles apologetically.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Sehun,” Chanyeol says bago bumaba si Sehun sa kotse, “Pasensya ka na sa Lola ko kanina ah..” Napahaplos pa si Chanyeol sa batok niya sa pagkahiya. Kung alam lang nila kung paanong gusto nalang niya magpalamon sa lupa kanina. Sobrang nakakahiya talaga.

 

“Wala ‘yon. I take no offense,” Sehun laughs. His mood was rather light, “It was fun watching Soo be so chummy with your Lola.”

 

Chanyeol’s eyes widen, horrified. He fears na baka nabastusan or naoffend na si Sehun sa inasta ng lola niya kanina. Kasi naman? Hindi pa nga nagsisimula ang relasyon nila pero bagsak na agad siya?


Natawa naman si Sehun sa reaksyon niya at mukhang sobrang amused. “I’m kidding, lapitin lang talaga ng mga matatanda ‘yang si Soo. Sobrang magalang kasi at mabait. Sanay na ako diyan. People naturally get drawn to him.”

 

Naubos na yata ang mga salita sa dila ni Chanyeol at halos wala na siyang masabi.

 

“Hey, I mean it. Don’t worry. Even my mom favors Kyungsoo over me. He’s the ideal son.” sagot ni Sehun, walang halong pagkainggit o ano man. If anything, Chanyeol sees the admiration that Sehun has over his best friend.

 

Nang tignan nang maigi ni Chanyeol si Sehun, punong-puno ng sinseridad ang mata nito, at isa lang ang nakuha niya—hindi siya nagsisinungaling.

 



 

 

 

 

 

Apparently, kasabay niya si Minseok sa kotse, dahil nauna na lumuwas sina Junmyeon dahil maaga pa raw sila. They stayed a little bit kase, Chanyeol's lola insisted na makipagkwentuhan pa, saying that she missed her grandson.

When in fact, ang nangyari eh, grabe makakwento ang lola niya kay Kyungsoo. Pero ang mas nakakagulat ay parang sobrang haba ng pasensya ni Kyungsoo habang nakikipagkwentuhan sa Lola niya. At ang mas nakakagulat pa lalo, ay parang he’s genuinely interested in what his Lola has been saying.

Nahatid na nila Chanyeol sina Sehun at nasa harapan na si Minseok katabi ni Chanyeol. Hindi normal ang ganitong katahimikan, and Chanyeol was able to feel it. Without even looking at his face, Chanyeol decides to confront his friend. Parang alam na niya kung saan papunta ito.

 

"Spill," Chanyeol says. "Alam kong may gusto kang sabihin, Kuya Seok."

 

Natawa naman si Minseok dahil tama si Chanyeol. May bumabagabag sa kanya at kailangan niya ng mga kasagutan. "So, what was that earlier?"

 

"What do you mean?" napakunot siya ng noo sa tanong ng kaibigan.

 

“Mukhang gustong-gusto ng lola mo si Kyungsoo ah.” Minseok says in a teasing tone, nakangiti pa ito nang nakakaloko sa kanya ngayon.

 

“Sobrang nakakahiya nga kay Sehun eh.” He laughs awkwardly.

 

Parang sumeryoso naman ang hangin sa loob ng kotse, dahil may kaunting katahimikan bago nagsalitang muli si Kuya Minseok. “Hmm, sure ka na ba talaga sa panliligaw kay Sehun?”

 

Medyo nagulat naman si Chanyeol sa shift ng conversation, “Bakit mo naman natanong, Kuya?”

 

“Hindi naman sa ano pero parang half-hearted ka sa ginagawa mo. Naalala ko pa nun kay Sooyoung, sobrang effort mo nun ah. Kita yung persistence, yung eagerness mo na mapasagot. Pero ngayon, sakto lang. Parang.. Wala lang. Normal. Ganon.”

 

Half-hearted? Talaga ba? Ganun ba ang nakikita ng mga tao sa paligid niya? Pwes, kung ganon ang impression sa iba, paano nalang ang impression ni Sehun sa ginagawa niya?

 

“I don’t know.. Honestly, I think I like him..”

 

“I can hear a but.”

 

“But at the same time, I’m not a hundred percent sure.” Napabuntong hininga nang malakas si Chanyeol, nalilito siya, inaamin niya.

 

Nakaramdam siya ng hawak sa balikat niya, as if to console him. The warmth and the weight of Minseok’s hand does make him a bit better.

 

 

“If there’s anything, the Chanyeol I know doesn’t do things half-heartedly. Go and make up your mind.”