Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2021-08-18
Completed:
2021-11-26
Words:
58,724
Chapters:
5/5
Comments:
32
Kudos:
314
Bookmarks:
35
Hits:
5,627

All At Once

Summary:

For many years, si Baekhyun ang nangunguna na mang-asar sa dalawang kaibigan niya na kung umakto ay parang mag-jowa, sila Chanyeol at Kyungsoo, kahit na pilit nilang sinasabi na wala naman kahit anong namamagitan sa kanila.

Pero paano na lang kung dumating ang araw na narealize niya na nagugustuhan niya na si Chanyeol nang higit pa sa isang kaibigan at ang dating pang-aasar sa kanila ay hindi na niya magawa?

Ewan. Idaan na lang natin sa samgyup 'yan!

Notes:

this fic was originally for naritokami2020! it's been in my drafts ever since kaya meron lang ako agad something now hahahaha hindi ko lang natapos ( because a lot of things happened last year) at kinailangan ko i-drop kaya natambak sa drafts ko ajshgahsgha got sad when i wasn't able to finish this because i liked how light this is hahhahaha akala ko matatambak na lang sa drafts ko but today it will finally see the light HASHSGAH salamat po sa mods ng naritokami for opening the adoption :D

this fic is based from prompt #12! if you want to know what the prompt is, you may check here (but the summary is already the idea of the prompt)! to the prompter, i hope, somehow, this fic will reach you. pasensya na dahil kinailangan ko ito madrop noon at hindi ko man lang naipakita ang naging resulta nito, kaya sana, kung makita mo man ito, ay magustuhan mo ang kwento nila :)

i only did minor changes for this fic btw hehe what i was thinking of before will still be the same with what will happen here. chapter 1&2 ang masasabi kong "tapos" na noon pa (mga konting parts na lang kulang as in sobrang onti idk why i never added the missing ones lol) but the other chapters were merely rough drafts or thoughts of what will happen in the said chapters (wtf is an outline). i only did very little changes from the original one ('yung title siguro big change haha char) so ang makikita niyo dito ay ang 2020 ver nung chapter 1&2 haha

anyway, humahaba na naman ahahsghas ang dami kong sinasabi pero ang gusto ko lang naman ay maibahagi ito at maenjoy ng kung sino mang makakakita nito ang kwentong ito! kung babasahin mo man, maraming salamat :)

Chapter 1: High School

Summary:

Pero bago muna ang lahat, paano ba sila naging magkaibigan?

Chapter Text

HIGH SCHOOL

 

“Hi! Kumpleto na ba kayo? Pwede maki-group? Magaling ako mag-drawing!”

Sabay na napatingin ang dalawang lalaking nasa harap niya na kanina pa nagbubulungan. Para ngang hindi na sila nakikinig kanina at parang… may pinagtatalunan? Basta nagbubulungan sila and parang may pinapakita ‘yung lalaking matangkad at halatang hindi tama ang haircut dun sa katabi niyang mas maliit sa kanya at mukhang malinis at model student.

They had wide eyes as they looked at him and he tries his best not to show how nervous he was for suddenly talking to them. Hindi naman kasi siya ‘yung tipo ng taong nag-aapproach agad dahil mag-isa lang siya madalas, probably something that he developed sa pagiging home schooled niya. Madalas lang siyang nasa bahay at hindi lumalabas. Dagdag mo pang wala rin naman masyadong bata sa neighborhood nila noon.

Pero ngayong lumipat na siya sa Rosewood, ang bagong school niya, in an entirely different place different from where he was, he wanted to change and be able to adapt too.

It’s for the better din naman, diba?

Syempre, he can’t keep living life like how he was taught to. Hindi pwedeng mabubuhay siyang lalapit lang sa ibang tao dahil may kailangan siya at pagkatapos nun, hindi na ulit niya sila makakausap ulit. Hindi naman pwedeng lagi na lang siyang closed off… that would be hard for him in the future.

Yeah, it’s for the better.

Pero hindi naman ibigsabihin nun ay madali na lang ang lahat para sa kanya.

Ngayon pa lang, pagkatingin pa lang sa kanya nung mga lalaking nasa harap niya, kinakabahan na siya. Pakiramdam niya ay jinujudge siya nito. Hindi niya lang mapigilan ‘yung feeling of regret na pag-approach sa kanila. You can't blame him. Hindi naman niya kasi noon kailangan makipag-group kahit na kanino. Tinuturuan lang naman siya tapos 'yun na, pero suddenly, his parents just wanted him to go to a school nang lumipat sila ng bahay and now he simply needs to adapt and learn how to be friends with others.

Pero mukhang wrong move!?

They don’t really seem… friendly.

Parang inis sila...

He even notices the other guy (‘yung mas maliit na may pagkalakihan ang mata, not that the other guy had small eyes ha) and the way he side-eyes the tall guy beside him, and how the said tall guy rolls his eyes, then it seems like he was folding something and proceeds to put it inside his pocket, bago lumipat ang tingin niya sa kanya at nakataas pa ang isang kilay na parang sinasabi na, bakit ka nakatingin!?

He really tries his best para hindi mawala ang ngiti sa labi niya.

Baka hindi sila okay sa new friends!? May kabarkada na pala silang kasama or aayain dapat!?

He’s just truly expecting the worst, like aayaw sila and then he’ll have to shake it off and disregard the feeling of disappointment. Mapapahiya siya dahil dumating ang barkada nila or something to group with them. ‘Tas balik lang siya sa pwesto niya at hihintayin na tanungin nung teacher kung sino wala pang kagrupo at magiging parte siya ng mga taong 'yon at ang mga magiging kagrupo niya ay 'yung mga pabigat sa klase na iaasa lang sa iba ang lahat.

So much for changing.

Hindi na siya magugulat kung sakaling tatanggi sila. It’s okay. Ganun talaga. Wala na siya magagawa.

Okay lang naman. At least, he tried, diba? Tuloy lang ang buhay pagkatapo—

“Sure.”

Agad na napatigil ang kung anong nasa utak niya nang marinig ito at napatingin siya sa may-ari ng boses, na ngayon ay may hugis pusong ngiti sa kanyang labi.

Tinanggap niya!

“Talaga!?” hindi niya mapigilang itanong, halatang hindi makapaniwala.

The guy beside the one who answered him was smirking at his reaction at habang ang taong sumagot naman sa kanya ay mahinang napatawa. “Oo naman. Bakit parang gulat na gulat ka?”

Hindi naman niya pwedeng sabihin na akala niya masama ang ugali nila at ipapahiya siya, so he just says, “Ah… akala ko kasi may iba na kayong ka-group.”

“Eh. Wala pa naman. Hindi ko nga narinig ‘yung instructions eh. Don’t worry though, we’ll still help. Baka isipin mo pabigat kami eh,” natatawang sabi nito at napakamot saglit ng ulo sa hiya. “Ikaw ‘yung new student, diba? Ako nga pala si Kyungsoo.”

Nahihiya siyang napangiti. “My name’s Baekhyun…”

“Chanyeol,” biglang sabi ng lalaking nasa tabi ni Kyungsoo, shrugging. “But you probably know that already.”

Baekhyun looks at Chanyeol, stares, at, huh?

Sino ‘to?

Anong ‘you probably know that already’?

He really looks at him, sinusubukang alalahanin kung kilala niya ba siya or if ever he’s seen him in some place, or sa TV, kung sikat man ito, pero… parang never niya pa siya nakikita.

Siniko siya ni Kyungsoo at binigyan ng isang masamang tingin bago ibinalik ang tingin kay Baekhyun at ngumiti na parang walang nangyari.

“‘Wag mong pansinin ‘yan. Feeling sikat kasi porket nanalo sila sa game nila last time at nakakuha ng confession post sa Rosewood Archives.”

Mukhang aangal pa si Chanyeol at may sasabihin pero tumingin ulit sa kanya si Kyungsoo at pinandilatan. “Makuha ka nga sa tingin.”

Palipat-lipat ang tingin ni Baekhyun mula kay Kyungsoo at Chanyeol, the way na umirap si Chanyeol dahil sa sinabi niya, but not in the way na parang mapapansin mong ayaw nila sa isa’t isa. There’s this sort of familiarity in them and halata mong close sila dahil kumportable silang nag-aasaran.

Cute.

Tumingin ulit si Kyungsoo sa kanya. “Sorry. Ganyan lang talaga ‘yan, but he’s helpful sa groupworks naman kahit busy ‘yan, so you don’t have to worry about him or feel unwelcomed or something.”

Baekhyun shakes his head. “It’s okay. Hindi ko naman ‘yun na-feel or anything.”

At least, hindi na ngayon…

Magsasalita pa sana si Kyungsoo nang sabay-sabay silang napatingin sa teacher nila. “Lahat ba may ka-grupo na?”

Nag-ingay ulit ang klase dahil magkakasama na sila sa groups na napili nila. May mga iilan pang walang ka-grupo dahil ‘yung iba ay malalaki ang barkada at tatlo lang ang kailangan for their groupings now. Nag-aagawan na lang ngayon para mayroong maging apat sa group.

Akala niya, mageend up na wala siyang kagrupo and he'd be a part of the people na sasabihin na wala pa siyang kagrupo, pero ngayon… may kagrupo na siya.

He feels relieved at that.

Nang makapag-group na ang iba pang mga kaklase niya, nagsalita na ulit ang teacher niya. “Again, nag-group kayo in order to brainstorm and create a storyboard for your short film or documentary. I need this storyboard to be presented three weeks from now, before I choose the possible stories and merge the groups to make the film.”

No one was exactly listening to him at nagsimula lang mag-kwentuhan ang iba’t ibang magkakagroup dahil binigay na ang natitirang oras para mag-usap sila.

“Sorry ulit, Baekhyun, dahil hindi ako nakinig habang nagbibigay ng instructions. Bukod sa ang ingay ng katabi ko—”

“Hey!” Agad na react ni Chanyeol sa tabi niya, pero hindi siya pinansin ni Kyungsoo at nagpatuloy.

“Hindi ko rin kasi inexpect na magbibigay na siya agad ng groupwork. I mean, he literally went straight to work the moment he entered. Right after introducing you, that is.”

Mahina namang natawa si Baekhyun. “It’s okay. I guess since medyo late na rin ako nakapasok, may kaunti na rin akong namiss at may nasimulan na kayo kaya nagpapagroupwork na siya.”

“Well, yeah, pero it’s just mostly about films pati ‘yung paggawa nun. Not much naman for you to be behind,” Kyungsoo explains. “Anyway, ano bang pinagagawa niya? Bukod sa storyboard, I mean.”

“Ah—”

“Ayan, ayan, ang daldal kasi,” biglang sabat ni Chanyeol.

“Wow ha. Akala mo naman nakikinig ka rin eh ikaw nga dahilan ng kadaldalan ko,” agad na sagot ni Kyungsoo kaya nagpaalipat-lipat na naman ang tingin ni Baekhyun sa kanilang dalawa. “Sige nga, magaling, anong sinabi niya, ha? Ha? Alam mo ba, ha?”

Napangisi si Chanyeol, at si Baekhyun naman, inaalala kung paanong simula nung naupo siya sa pwesto niya at nag-open ng powerpoint ang teacher niya ay nag-uusap na silang dalawa. Hindi naman siya nakikinig nun, so malabong alam niya…?

Pero nagkamali siya sa part na ‘yon.

“Sabi niya, kailangan natin maghanap ng social issue at gagawan ‘yun ng short film or documentary. Kailangan recent at maaapply ang topics natin at dapat mapakita ‘yun sa storyboard na ipapasa. Dapat makakagawa ng kwento or flow that will last up to five minutes.”

‘Yun nga.

Nakasimangot na napatingin si Kyungsoo kay Baekhyun para i-confirm kung tama ba o hindi ang sinabi ni Chanyeol habang confident itong nakangisi. Napatango si Baekhyun dahil tama naman ang sinabi ni Chanyeol kahit hindi siya makapaniwala dito.

“Hah. Hindi mo pa naaabot ang master level ng pakikipagdaldalan in class. Better luck next time.”

Palihim na pinakita ni Kyungsoo ang middle finger niya kay Chanyeol. Si Baekhyun naman ay nakangiting nakatingin sa kanila, amused.

Hindi niya inakalang ganito ang personality nila. Kyungsoo looked like the good kid in class na tipong top student at laging nakikinig sa klase, pero the way he is right now made him seem really approachable and fun to talk to. Si Chanyeol naman, ang intimidating ng dating at parang may pagka-mayabang at mataas ang tingin sa sarili. He still radiates that kind of energy, pero he doesn’t seem like the type of person who would interact like that just to anyone. Parang ba… he knows when to act like that.

And if he does get out of hand, there’s someone who would hold him down.

Si Kyungsoo.

Parang ba they complement each other, and they know each other very well. Matagal na siguro silang magkaibigan kaya ganito sila ka-comfortable sa isa’t isa.

At ‘yung comfort na ‘yun at tuwang mayroon sila ay napapasa rin sa mga nakakasama nila.

Kung kanina ay parang nagreregret si Baekhyun dahil nilapitan niya sila, nawala ‘yun the moment na parang kumportable ang dalawa sa presensya niya, na parang okay lang to act like their normal selves kahit pa may someone new na kasama nila.

Siguro, para sa iba, wala lang ito. Some may even think na parang nakaka-OP, pero somehow, they made him feel included by asking him questions and doing a lot of the talking instead of just simply taking over and making him feel lost by just talking to each other and treating him as if he was invisible.

Parang ba… they’re trying to make him feel comfortable first through getting to know him little by little, by making the conversation about him or about things that he can relate to.

It’s nice.

Nag-abot si Chanyeol ng papel sa kanya na agad naman niyang tinanggap. “Sulat mo name mo since panigurado manghihingi ‘yon ng listahan ng magkakagrupo. Then let’s think of something that we can work on together. Para hindi mag-reklamo ‘tong si Kyungsoo na puro pabigat nakakasama niya. Siya naman ‘yung pabigat.

Napangiti si Baekhyun habang sinusulat ang pangalan niya, already expecting Kyungsoo to answer Chanyeol back, and really, kaya niyang masanay sa ganitong klaseng atmosphere kung sakali mang sila ang taong madalas niyang malalapitan.

He doesn’t mind.

 

 

“Oh, pagkain mo. ‘Wag kang mag-reklamo kung hindi masarap. Susumbong kita kay mama.”

‘Yan ang agad na sinabi ni Chanyeol pagkaupo niya sa stool sa tabi ni Kyungsoo, inaabot ang tupperware na mukhang may laman na spaghetti. Hindi pinansin ni Kyungsoo ang sinabi niya at nakangiti lang na tinanggap ang binigay ni Chanyeol.

“Pakatagal mo,” sabi nito habang binubuksan ang tupperware.

“Ikaw na nga binibigyan ng pagkain, ikaw pa nagrereklamo. Sorry naman. Nakakahiya naman sa’yo eh, ‘no.”

Nahuli kasi si Chanyeol sa kanila dahil nag-CR muna ito bago pumunta ng cafeteria. Pumila pa siya para makabili ng inumin kaya ngayon lang nakapunta sa kanila.

Natawa naman si Baekhyun dahil halatang walang pakialam si Kyungsoo at busy lang sa paghalo ng spaghetti. He’s even humming, halatang good mood.

Araw-araw, ganito silang dalawa at parang may bago laging pag-aawayan.

Still, kahit ganun, Baekhyun can still see the moments wherein they show how close they are. Kung araw-araw na may bago silang pag-aawayan, araw-araw din naman na may dala ‘yang pagkain para sa isa’t isa. Si Kyungsoo, may dala na snacks for breakfast na iaabot niya kay Chanyeol pagkapasok nito sa room (na minsan din ay may dalang extra si Kyungsoo at iaabot kay Baekhyun habang may klase, which surprised him dahil bawal kumain kapag may klase). Si Chanyeol naman, may kung anong pagkaing dala for lunch at talagang naka-tupperware pa at laging mukhang pinaghandaan.

Parang routine na nga for them eh.

That’s how close they are.

Minsan nga, feeling niya may something sa kanila eh, pero hindi niya muna vinovoice out at pinakikiramdaman muna sila. Ayaw naman niyang bigla silang magalit sa kanya dahil dun.

For now, he’s just comfortable around them. Surprisingly, even if hindi for groupwork purposes ay nag-uusap at nagsasama-sama pa rin sila. At habang tumatagal, Baekhyun can feel himself changing. Parang mas nakikipag-usap na siya ngayon at mas nakakausap ang mga kaklase niya, also thanks to Kyungsoo and Chanyeol at ang madalas nilang paghatak sa kanya kapag may kakausapin or something.

It’s a nice feeling that he can get used to.

“Binilhan din kita ng burger,” sabi ni Chanyeol at inabot kay Baekhyun ang burger na binili niya na kunot-noo niyang tinanggap. Nakangisi na naman ito. “Oh, ‘wag kang kiligin ah.”

Dinuro siya ni Kyungsoo gamit ang tinidor na may nakatusok na hotodg. “Feelingero. Bakit naman siya kikiligin sa’yo eh kuripot ka.”

Natawa si Baekhyun at tinanggal ang wrapper ng burger na binigay sa kanya. “You really don’t have to do this, pero thank you. Ayaw ko naman tumanggi sa grasya.”

Simula nung sumama siya sa kanila for lunch breaks, for some reason ay nakakatanggap na rin siya ng pagkain mula sa kanila. Nung una, tinatanggihan niya dahil nakakahiya naman na makatanggap ng libre mula sa mga taong kakakilala mo lang hanggang sa nasanay na lang siya dahil hindi rin naman siya hinahayaan na tanggihan ‘yon.

He just helps them in some other way to say his thanks.

Bago niya kainin ang burger ay tinignan niya muna ang nasa loob nito.

Ah. Pipino.

Ang kapal naman niya kapag nag-reklamo siya kaya tahimik niya na lang ‘yun tinanggal.

“Ayaw mo sa pipino?”

Agad naman napatigil si Baekhyun sa pagtanggal sa pipino nang marinig niya ang tanong ni Chanyeol at saka napailing. “Ayaw ko ‘yung amoy eh.”

“Akin na, lagay mo na lang dito sa may takip ng tupperware,” pag-alok ni Chanyeol at inabot ang tupperware niya para ilipat ang mga pipinong nilagay niya sa may wrapper. “Si Kyungsoo kakain nyan dahil hindi ko rin gusto ‘yan.”

“Ayos ah,” agad na sabi ni Kyungsoo, nilunok muna ang kinakain bago siya nagsalita. “Palibhasa, bibili ka na nga lang ng pagkain, palpak pa.”

“Ah, bago ka magsalita, siguraduhin mo munang walang sauce dyan sa gilid ng labi mo. Ano ‘yan, para bukas ba ‘yan?” Sabi ni Chanyeol at agad na pinunasan ang sauce na nasa may labi nito pagkatapos ay binato ang tissue sa mukha ni Kyungsoo. “Oh, loko.”

“Dugyot!” Iritang sabi ni Kyungsoo at pinulot ang tissue at padabog na nilagay sa lamesa nila.

Baekhyun just laughs at the both of them. Talagang ang bawat break niya sa school na ito ay puro kaguluhan lang for the past two months.

Not that he minds.

Masaya naman sila eh.

 

 

 

“Baekhyun, nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap. I should've known you're here. Bakit ba palagi ka na lang nandito?”

Napaangat ang tingin ni Baekhyun mula sa sketchpad niya papunta sa may-ari ng parang pagod na pagod na na boses. Nakatayo si Kyungsoo sa may tabi niya, hawak ang stool at nakatingin sa ginagawa ni Baekhyun.

“Like, I know may long test bukas and all, pero come on, lagi kitang hinahanap tapos nandito ka lang pala,” sabi ni Kyungsoo habang umuupo sa tabi niya at diretso sa pag-slouch. “Hindi ko alam kung masipag ka lang talagang mag-aral o nagpapalamig ka lang dito eh. Dito siguro napupunta lahat ng binabayaran natin. Ibang klase ‘yung lamig, kala mo nasa ibang bansa.”

Natatawang umiiling si Baekhyun sabay tingin ulit sa ginagawa niya. “Kung masipag ako, edi sana ang tagal ko na nag-aral para sa long test imbis na nagcacram ako, diba? But I’m surprised, you’re not studying.”

“How is that surprising eh ayaw ko nga nag-aaral? Basta pumapasa, pwede na.”

Naalala pa ni Baekhyun ang first impression niya, kung paanong mukha siyang model student na mahilig mag-aral.

Eh kaso araw-araw siyang nagrereklamo sa kanya tungkol sa pagkatamad niya na gumawa ng requirements.

Nasira ang first impression niya, ganun-ganun lang.

“Looks can be deceiving talaga, ano,” natatawang bulong niya.

Narinig pa rin naman siya ni Kyungsoo. “What’s that supposed to mean?”

“Wala,” agad na sabi ni Baekhyun dahil panigurado, kapag sinabi niya kay Kyungsoo ang first impression niya ay aasarin siya nito, kaya ‘wag na lang. He won’t hear the end of it. “Bakit nga pala andito ka pa? Kanina pa uwian ah. Uwing-uwi ka pa naman palagi.”

“Sabay kami uuwi ni Chanyeol, eh may training siya, so hinihintay ko matapos,” pag-explain niya at napabuntong-hininga habang nakatingin sa papel ni Baekhyun. Bago pa makasagot si Baekhyun para tanungin ang tungkol dun, dahil parang nga may something, ay nagsalita pa ulit si Kyungsoo. “Ang galing mo talaga mag-drawing, ano…”

Napatingin si Baekhyun sa sketch niya—mag-isang lalaki na nasa gitna ng isang library, na ginawa niya lang dahil napapagod na siya sa kakareview. It was just a random thought na mindless niya lang ding ginawa, kaya hindi niya rin inexpect na makikita ito ng kaibigan niya at magugustuhan ito.

“That came out of nowhere,” sabi ni Baekhyun at napangiti. “Thank you.”

Kyungsoo hums at nanatiling nakatingin sa drawing. Hawak na ni Baekhyun ang highlighter niya at itutuloy na sana ang pag-review nang biglang humawak si Kyungsoo sa may braso niya kaya napatingin siya sa kanya at nakitang ngiting-ngiti ito na parang may naisip na kung anong idea.

“May naisip ako,” excited na sabi ni Kyungsoo. “Can you help me with it?”

Hindi naman niya kayang tumanggi sa ganyan. Lalo na kapag para sa kaibigan niya pa.

“Kung kaya ko ‘yan, sure. Ano ba ‘yun?”

“I’m sure na kaya mo!” Sabi niya, sinusubukan i-contain ang lakas ng boses niya dahil nasa library sila. Kinuha niya ang bag niya, naglabas ng plastic envelope, at may kinuhang itim na papel at mga bond paper. Nagtatakang nakatingin lang si Baekhyun sa kung anong nilalabas ni Kyungsoo hanggang sa nanlaki ang mata niya nang ibinaliktad ni Kyungsoo ang itim na papel.

May nakalagay na CHANYEOL PARK, as in naka-capital letters talaga siya, in red dahil ‘yun ang kulay ng school nila, tapos may outline na puti para makita siya sa black paper na gamit. Talagang may kung anong effort sa sign na ‘yun kaya nagulat pa si Baekhyun sa nakita niya.

“Uh…”

Literal na nag-hehe si Kyungsoo bago siya magsalita. “Drawing mo nga si Chanyeol. Papakitaan kitang picture tapos ‘yun basis! Pandagdag dito sa sign na ‘to. If magpapabayad ka, okay lang. Sabihin mo na lang how much.”

Sobrang confused, as in confused, si Baekhyun sa nakikita niya.

Syempre, given na na supportive friend si Kyungsoo kahit pa madalas na nag-aaway ang dalawang ‘yan, pero he didn’t expect it to be like this.

May something talaga. Sure na si Baekhyun dyan.

“Ginawa ko lang ‘to pang-asar sa kanya dahil nakakahiya raw, so dagdagan pa natin, para mas matindi. The more, the merrier, diba? Dadamay na rin kita at isasama kita sa laban nila sa Sabado.”

Hindi na mapigilan ni Baekhyun.

Kaya sasabihin niya na.

“Talaga bang pang-asar lang ‘to? Baka mamaya, kayo pala ah.”

Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Kyungsoo dahil sa narinig. “What.”

“Like… you know, mag-jowa pala kayo, ganon,” sabi ni Baekhyun at natawa dahil sa itsura ni Kyungsoo na hindi mo maintindihan kung ano. Close naman na sila kaya kumportable na niya siyang naaasar lalo na ganun din ang ginagawa ng dalawa sa kanya. “I mean, best friends since bata pa, diba? Same school, magkalapit ang bahay. Baka mamaya—”

“Literally stop,” agad na sabi ni Kyungsoo at umiiling-iling. “Tropa lang. Best friends lang.”

“Really,” mapang-asar na sabi ni Baekhyun. “Ganyan ba ang mag-best friends? Palaging may food para sa isa’t isa, lagi magkasama, gumawa ng sign para ipag-cheer sa matches, hinihintay matapos ang training kahit na late natatapos para lang sabay umuwi—”

“Shh. Quiet. I will not listen to lies,” sabi ni Kyungsoo at pinangtakip ang hawak na papel sa mukha ni Baekhyun. “Just tell me if magdodrawing ka or not! Promise kasi, pang-asar lang ‘to. Kapag pinilit mo pa, sisigaw ako dito sa library tapos pareho tayong mababan, sige. Sige, subukan mo. Oo talaga, nagbabanta ako.

Natatawang tinanggal ni Baekhyun ang papel na nakatakip sa kanya. “Fine, fine. Nakakatakot ang threat. Ipagdodrawing ko na, kahit wala pang bayad, para lang sa pang-aasar mo.”

“Bakit parang hindi ka naniniwala na pang-asar lang ‘to?”

“Naniniwala ako ah,” nakangising sabi ni Baekhyun, halatang hindi naniniwala kaya masama ang tingin niya sa kanya. “Asan na ba ‘yung picture na sabi mong pwede kong basis?”

Kyungsoo pouts. “Ayaw ko na. Aasarin mo pa ako nyan lalo eh.”

“Parang tanga ‘to. Paano ko magagawang medyo close sa katotohanan? Asan ba?”

“…Nasa wallet ko,” sabi niya at nilabas ang maliit na picture ni Chanyeol na may hawak na bola para sa basketball mula sa wallet niya. “Ah, alam ko ‘yang tingin na ‘yan. Mang-aasar ka—”

Pinipigilan talaga ni Baekhyun ang ngiti niya dahil sa nangyayari. Umiiling-iling siya kahit alam niyang hindi namamn nacoconvince si Kyungsoo.

Best friends lang pala ah. Walang something ah.

Pero nasa wallet ang picture?

“Akin na. Para masimulan ko agad at para hindi ka mainip dito kakahitay sa jowa mo—”

Kinurot siya ni Kyungsoo sa may braso niya. “Hoy, totoo nga. Wala ngang kahit anong namamagitan sa amin besides friendship. Seryoso!”

“Sure, sure,” sabi na lang niya para mapatahimik si Kyungsoo at hindi mapalakas ang boses.

It doesn’t change the fact that Baekhyun’s pretty sure that there is something.

 

 

 

“Baekhyun, ang bagal mo!”

Tumatakbo si Baekhyun papalapit kay Kyungsoo. “Sandali! Grabe! Sobrang excited makita ang boyfriend mo!?”

Kyungsoo seems too excited to even care or react sa sinabi, nakapila na sa may entrance, may nakasabit na camera sa may leeg at may hawak na long red balloon. Hindi naman ganun karami ang tao o ganun kahaba ang pila, pero siguro dahil na rin ito sa malapit na mag-start ang laro.

Medyo na-late sila dahil nakipagkita si Kyungsoo sa isang maliit na cafe, na apparently ay pagmamay-ari ng pamilya ni Chanyeol. Baekhyun knows the place dahil bagong tayo lang ito nung makarating sila sa bago nilang bahay. Malapit din kasi sa kanila at minsan na rin siyang nakapunta doon para i-try ang pagkain at para maghanap ng inspirasyon or ng madodrawing.

Dun sila nagkita dahil kinuha pa pala ni Kyungsoo ang camera mula kay Yoora, ang kapatid ni Chanyeol. Dahil hindi makakapunta ang pamilya ni Chanyeol, nakisuyo sila kay Kyungsoo para mag-picture. Syempre, as a supportive “best friend” ay pumayag naman si Kyungsoo para gawin iyon. Bago niya pa maasar si Kyungsoo tungkol dun ay tinusok na siya nito sa tagiliran para manahimik siya.

Bago pa sila makaalis ay pinakilala muna siya ni Kyungsoo sa kapatid ni Chanyeol at bago pa man makasagot si Baekhyun sa sinabi ng ate ni Chanyeol (“Ikaw pala ‘yung nababanggit ni Chanyeol! Hello!”) ay hinatak na siya agad in Kyungsoo palabas, kumakaway kay Ate Yoora na natatawa. “Bye, ate! Malapit na mag-start! See you later!”

Kaya ito sila ngayon, hinahanap ang upuan nila para mapanood si Chanyeol sa laban niya.

Habang papunta sa pwesto nila ay hindi maiwasan ni Baekhyun na mapatingi sa paligid niya. Hindi naman niya first time makanood ng laban live, pero nakasanayan niya lang ang tumingin sa paligid niya.

Hindi ganun karami ang tao. Maraming bakanteng upuan sa kahit anong side ng hindi kalakihang gym. Siguro dahil isa lang itong match ng mga high school students at mas marami ang nag-aabang para sa mga nasa college? Hindi siya sigurado sa dahilan, pero kahit ganun ay enough pa rin naman ang mga taong sumusuporta sa kanila. Nakita niya ang iba pa niyang mga kaklase na may hawak din na balloon at pinapanood ang mga players na mag-warmup.

“Let’s go, Rosewood! Let’s go!” pag-cheer nila na sinabayan pa ni Kyungsoo habang excited na winewave ang hawak niyang balloon kahit pa naglalakad pa lang sila sa may pwesto nila. “Conquer, Rosewood! Let’s go!”

Nang mahanap ang pwesto nila ay agad na binaba ni Kyungsoo ang gamit na bag at tinanggal muna sa pagkasabit sa kanya ang camera sabay abot kay Baekhyun. “Pahawak muna. Gamitin mo muna kung gusto mo. May aayusin lang ako.”

Kinuha ni Baekhyun ang camera at binuksan. Hindi naman ito naiiba sa gamit niyang camera para mag-picture ng kung ano-anong gusto niyang i-drawing kaya hindi siya nanibago o nagkapa. Tinapat niya ang camera sa may court, bahagyang zinoom, at saktong tumapat ito kay Chanyeol na nagdidribble.

Agad niya itong pinicture-an. Napatingin siya sa nakuha niyang picture at napangiti dahil maganda ang kuha niya. Naalala niya ang pinadrawing ni Kyungsoo sa kanya at parang nangangati ang kamay niyang baguhin ‘yun at iimprove ngayong mismo niya itong nakikita.

“Malapit na pala mag-start!” sabi ni Kyungsoo at inabot ang hawak niyang papel kay Baekhyun kahit ang tingin niya ay nasa court na.

Napatingin si Baekhyun sa inabot na papel sa kanya at napansing ito ‘yung drinawing niya. “Ikaw ang magtaas nyan, okay. Kailangan malakas ang boses natin sa pag-cheer tipong mapapatingin si Chanyeol dito at papahalata niyang naririndi na siya sa atin level.”

“What—"

Kasabay ng pagtunog ng buzzer ay ang pagsigawan ng mga ka-schoolmates niya. Hindi na rin niya halos marinig ang commentator dahil medyo nagloloko ang speakers at todo talaga ang sigaw sa paligid niya.

“Let’s go, Chanyeol! 3 points na dapat agad!”

Aliw siyang nakatingin kay Kyungsoo na nakataas ang hawak na sign, tapos hawak niya ang isang braso ni Baekhyun para rin itaas ang hawak niyang drawing.

Mukhang sinadya talaga ni Kyungsoo na sa may last row sila pumwesto para wala silang kahit sinong matakpan dahil parang all out talaga ‘tong si Kyungsoo at todo wagayway.

Tumingin siya kay Chanyeol habang nakataas din ang drawing, ang camera ay nanatiling nakasabit sa kanya. Nakita niya kung paanong mabilis itong tumakbo papunta sa kabilang side ng court, iniiwasan ang iba nilang kalaban, at bago pa maagawa sa kanya ay shinoot niya na ito mula sa 3 point line.

Hindi niya pa nakitang maglaro si Chanyeol at hindi rin naman sila super close kaya hindi niya ito nakikita sa training niya. Madalas na nakikita niyang side ni Chanyeol ay ‘yung pagiging makulit at magulo nito lalo na kapag kasama niya si Kyungsoo.

But… this is a different side of him.

Hindi niya naman itatanggi na nakakaamaze ang ilang segundo na iyon and he knows that there’s more to come kapag nagtagal ang pagnood nila ng laban.

Somehow, naiintindihan niya kung bakit sobrang supportive ni Kyungsoo pagdating kay Chanyeol.

“Oh, magyayabang na ‘yan!” Sigaw ni Kyungsoo nang mahawakan ulit ni Chanyeol ang bola. “Yabang, yabang, yabang!”

Ang ingay ni Kyungsoo, natatawang naisip ni Baekhyun. Buti hindi nabobother ang mga nakapaligid sa kanila.

Sinubukan niya ulit i-shoot ang bola, pero this time, hindi ito nashoot ito kaya tumawa si Kyungsoo sa tabi niya. “Napikon na agad!”

Ngayon, mukhang napansin na sila ni Chanyeol.

Masama ang tingin ni Chanyeol sa kung nasaang direksyon sila at siguro kung wala siya sa court ay nagbabangayan na naman ang dalawa. Pero napansin ni Baekhyun na agad ding nagbago ang expression niya, siguro nang makita niya kung paanong tuwang-tuwa si Kyungsoo sa ginagawa niya.

Sure siya talaga na may something.

Nakita niya rin kung paanong may maliit na ngiti si Chanyeol nang bumalik na ulit ang tingin niya sa mga kalaban nila sa court, na parang natuwa dahil sa nakita.

Tumingin siya kay Kyungsoo at may maliit din na ngiti sa labi niya, as if nakapag-communicate sila nang ganun-ganun lang, like they had some kind of understanding sa kakaunting moments na iyon.

“Kilig ka?” Mapang-asar na tanong ni Baekhyun kay Kyungsoo. “Since basketball ‘to, siguro ang 3 points niya ay para sa’yo.”

Natawa naman si Kyungsoo. “Ano ba ‘yang sinasabi mo!? Mag-picture ka na lang! Kung ano-ano pa ata nakikita mo eh.”

“Oo na, oo na. Suportado ko kayo sa lovelife niyo eh,” sabi niya, obviously amused at tinaas ang camera para itapat kay Kyungsoo. “Tingin ka dito, picture-an kita habang hawak mo ‘yang pangalan ni Chanyeol.”

“Ewan ko sa’yo!”

 

 

 

Natapos ang laban at ang team nila Chanyeol ang nanalo na ikinatuwa naman nilang dalawa, lalo na ni Kyungsoo dahil daw laging nananalo ang Marigold, ang kalaban ng school nila.

Nagmamadaling tinatago ni Kyungsoo ang mga ginamit nila pang-cheer para agad silang makababa at makasalubong ang basketball team ng school nila. Bago nila makasalubong ang team nila ay ang una nilang nakasalubong ay ‘yung kalaban nila.

Nagulat pa si Baekhyun dahil may biglang humarang kay Kyungsoo mula sa kanila, ngiting-ngiti at naka-stretch ang mga braso na parang yayakapin si Kyungsoo, pero agad itong umiwas.

“Kyungsoo, na-miss kita!”

“Ulul, Jongdae! Tabi!” sabi niya at hinatak si Baekhyun bago pa makita at matanong kung sino iyon. Sakto rin naman na nakita nila ang team ng school nila. “Baekhyun, ang camera! Picture!”

Habang kinakalikot ni Baekhyun ang camera ay ngiting-ngiti namang lumapit si Kyungsoo sa kanila. Halatang close sa kanila.

Apparently, madalas kasi tumambay si Kyungsoo kapag nagtetrain sila, kahit na madalas ay hindi naman pinapayagan ‘yon. Kilala na lang din siya ng iba pang members ng team dahil sa pagtatambay niya at ang lagi niyang pagnood ng games nila, and, well, dahil friends sila ni Chanyeol.

Baekhyun just stands there awkwardly habang pinapanood sila na magkatuwaan. Nakahawak si Kyungsoo sa may braso ni Chanyeol habang nakangiting kinakausap ang dating mga ka-team.

Halatang close na close sila.

Ang gandang tignan.

Tinapat ni Baekhyun ang hawak na camera sa kanila, tinitignan ang nangyayari mula sa screen, at doon napansin niya kung paanong nililibot ni Chanyeol ang tingin niya na parang may hinahanap, bago ito diretsong napatingin sa camera. Kinalabit niya si Kyungsoo at tinuro ang camera, kaya saktong pagkaharap ni Kyungsoo sa camera ay nakuhaan na sila ni Baekhyun.

Tinignan ni Baekhyun ang nakuhang picture at napangiti, natutuwa dahil pareho silang mukhang naguguluhan at seryoso habang nakatingin sa camera.

“Baekhyun!” pagtawag ni Kyungsoo nang nasa harap na niya sila. “Picture! ‘Yung mas maayos naman! Hindi ako prepared kanina eh!”

Agad namang tinutok ni Baekhyun ang hawak na camera sa kanila. “1… 2… 3…”

Medyo natawa pa si Baekhyun dahil tinakpan ni Chanyeol ang mukha ni Kyungsoo nung nasa 3 na, kaya ang naging resulta ng picture ay naka-peace sign si Kyungsoo habang natatakpan ang mukha habang si Chanyeol ay nakalabas ang dila.

“Panira ka kahit kailan eh!” sabi ni Kyungsoo at pinalo ang braso ni Chanyeol bago siya lumapit kay Baekhyun at kinuha ang camera. “Kayo naman! Picture kayong dalawa!”

“Eh?”

Nagtataka man si Baekhyun ay napangiti na lang siya nang tumabi si Chanyeol sa kanila. Hindi sila ganun ka-close ni Chanyeol, compared sa pagkaclose nila ni Kyungsoo, kaya medyo nahiya pa siya na magpapicture sa kanya. Sure, inaasar-asar din naman siya ni Chanyeol, kumportable naman sa isa’t isa, at madalas na nililibre, pero hindi sila madalas na nagkakasama na silang dalawa lang.

Tinutok ni Kyungsoo ang camera sa kanila, nakangiti rin. “1…”

Umakbay sa kanya si Chanyeol at medyo yumuko para magka-level sila. Saglit na napatingin si Baekhyun kay Chanyeol na ngayon ay nakatingin din sa kanya at nakangiti. Magkalapit ang mukha nilang dalawa at nagulat pa si Baekhyun sa lapit nito.

“2…”

Humarap na silang dalawa sa camera, pero may biglang binulong si Chanyeol kaya napatingin siya ulit sa kanya.

“Oh, ‘wag kang kiligin ah.”

Natatawang humarap ulit si Baekhyun sa camera dahil sa narinig, naalala kung paanong ilang beses na rin ito nasabi ni Chanyeol sa kanya sa tuwing nililibre siya nito.

“3!”

Bago pa man makita ni Baekhyun ang picture ay sumigaw si Kyungsoo. “Jongin! Picture-an mo nga kaming tatlo!”

“Eh, ba’t ako…” reklamo ng isang lalaking lumapit sa kanila.

Nakasuot din ito ng pulang jersey ng basketball team. Nasa laban din ito kanina, pero hindi siya masyado napansin ni Baekhyun dahil masyado mabilis ang nangyayari sa laro kaya kahit gusto niya sundan ay nawawala rin siya bigla.

“Nagrereklamo ka, pero lumapit ka rin naman!” Sabi ni Kyungsoo at inabot ang camera dun sa Jongin. “Dali!”

Pumwesto si Kyungsoo sa may kabilang side ni Chanyeol at ngumiti. Nakatapat lang sa kanila ang camera, inaabangan ang pagbibilang ni Jongin, pero nagulat sila dahil binaba na rin ni Jongin agad ang camera.

“Tapos na. Napicturean ko na kayo.”

“Hindi ka man lang nagbilang!” Reklamo ni Kyungsoo at kinuha ang camera. “Mapang-asar ka kahit kailan eh ‘no—”

“Oy, Kyungsoo. Papalit lang ako. Maya ka na makipag-away. Lahat na lang inaaway mo eh.”

“Ano!?” Inis na humarap si Kyungsoo kay Chanyeol. “Ikaw, sinusubukan mo talaga ako eh.”

“Oh, tignan mo. Makikipag-away ka na naman tapos dito pa sa labas, daming nakakakita—”

“Ah, ganon,” sabi ni Kyungsoo sabay kuha ng towel na nasa may ulo ni Jongin (na napabuntong-hininga na lang na parang sanay na sanay na) at saka inabot ang camera kay Baekhyun. “Baekhyun, hawakan mo muna ‘yan. Baka kung anong magawa ko dito sa Chanyeol na ‘to. Halika dito. Mayabang ka ha.”

Naguguluhang kinuha ni Baekhyun ang camera at pinanood ang dalawa na mag-away na naman. Pinampupunas ni Kyungsoo ‘yung gamit na towel sa mukha ni Chanyeol at si Chanyeol naman ay pilit na tinatanggal ‘yung towel sa mukha niya, nagrereklamo dahil hindi raw dapat maduming towel ang gamitin para sa mukha.

Ito ba love language nila?

Napatingin na lang si Baekhyun sa hawak na camera at sa picture na nasa screen. Saktong picture nila ni Chanyeol ang nandun. Siguro napindot ni Kyungsoo kaya doon ang picture imbis na ang picture nilang tatlo. Still, hindi mapigilan ni Baekhyun na mapatitig sa larawan. Parehong ngiting-ngiti habang nakatingin sa camera kaya napangiti rin si Baekhyun dahil maganda ang pagkakuha nito at siguradong kung idedevelop ay maganda rin ang kalalabasan.

Pinindot naman niya ang next at lalong lumawak ang ngiti nang makitang kahit pa hindi sila handa ay nakangiti pa rin silang tatlo kaya hindi mukhang hindi napagplanuhan. Natuwa rin si Baekhyun, siguro dahil ito rin ang first time na may picture siya kasama ang mga kaibigan niya. Madalas siyang mag-isa, kahit noon na nanonood siya ng mga laro, kaya natutuwa siya ngayong may ganito siyang litrato.

“Baekhyun, papalit lang daw ‘tong mahangin na ‘to,” sabi ni Kyungsoo. “Sunod ka na lang ah.”

Tinignan ni Baekhyun ang dalawang kaibigan niya na ngayon ay naglalakad na para makapagpalit na si Chanyeol. Napatingin ulit si Baekhyun sa litrato nilang tatlo, napansin kung paanong nakakapit si Kyungsoo sa may braso ni Chanyeol at kung paanong medyo naka-lean si Chanyeol sa may side ni Kyungsoo.

Napangiti siya dahil kahit anong pagtanggi nilang dalawa ay parang hindi niya magawang maniwala.

Sa maliliit na bagay, may makikita ka talaga na something sa kanilang dalawa.

Tumingin siya ulit sa litrato nilang tatlo at pagkatapos ay napatingin sa dalawa niyang kaibigan na halatang may pinag-aawayan na naman.

Masaya siyang sila ang kaibigan niya.

At parang masaya rin kung makikita niya kung paanong magdedevelop ang relasyon ng dalawa niyang kaibigan.