Actions

Work Header

Rating:
Archive Warnings:
Category:
Fandom:
Relationship:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2021-08-22
Words:
933
Chapters:
1/1
Kudos:
7
Bookmarks:
1
Hits:
124

A Broken Vow

Summary:

A 19 years of friendship and 5 years of relationship ended just like that.

Notes:

Enjoy reading! I hope I gave justice and able to give the right emotions of the story I wrote.

Work Text:

"I stand before you proud and tall to say. I, Iwaizumi Hajime, take you to be my partner in life and one true love. I will cherish our friendship and love you today, tomorrow, and forever. For what may come in the future, I'll be there. As I have given you my hand to hold and my life to keep."

Tumulo ang mga luha ni Tooru habang pinapakinggan si Hajime na ibigay ang wedding vow sa harapan niya, sa harap ng Diyos, sa harap ng kanyang pamilya, at sa harap ng mga kaibigan.

Naalala pa niya kung paano nagsimula ang storya nila ng halos buong buhay niyang kasama. Sa pagiging magkaibigan hanggang sa magka-ibigan. Nagsimulang bumuhos lahat ng ala-ala nila sa kanyang isipan habang nakatayo, nakatanaw, at nakatutok sa pigura ng minamahal niya noon hanggang ngayon.

"Hi! Ako nga pala si Tooru. Ikaw, anong pangalan mo?"

Nahihiyang tumingin ang batang lalake na kausap at mahinang sinabi ang pangalan.

"Hajime, Ako si Iwaizumi Hajime.

"Ayan! Simula ngayon, bestfriend na kita, ah?"

Nagtataka man ang batang Hajime sa kapwa batang lalaki na kausap ay tumango ito at lihim na napangiti dahil siya ang kauna-unahang lumapit, nagpakilala, at makipagkaibigan sa kanya.

"Haj, saan mo ba kasi ako dadalhin? At bakit kailangan naka blindfold ako?"

"Basta. Magtiwala ka lang sakin, Tooru."

"May tiwala naman ako sayo. Kuryosado lang ako kung saan tayo pupunta."

"Konti nalang at malalaman mo rin yun"

"Tooru. Gusto kita. Gustong-gusto. Maari ba kitang ligawan?"

"Oo, Haj. Pwede."

Napahiyaw naman si Hajime sa narinig na sagot na umalis sa mga labi ni Tooru. At napasigaw ang mga kaibigan na nakatago sa kanilang paligid ng hindi man lang niya namalayan.

"Sinasagot na kita, Haj.

Hindi makapaniwalang tinignan ni Hajime sa narinig mula kay Tooru. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat, pagkalito, at higit na saya. Halos mag isang taon din niyang niligawan ang lalaki at nagpapasalamat siyang sinagot nito.

Ng makabawi na si Hajime sa gulat ay agad-agad niyang niyakap ang kaniyang "kasintahan" mula ngayon at inikot-ikot habang masayang tumatawa. Napangiti at napatawa na lamang din si Tooru sa naging reaksyon ni Hajime at napaisip na, "Hinding-hindi ko talaga pagsisisihan na sinagot kita, Haj."

"Happy 1st Anniversary, mahal."

"Happy Anniversary, sinta."

 

Makalipas ang ilang taon, ang masayang kahapon ay napalitan ng masakit at malungkot na panahon.

"Haj, ayos pa ba tayo?"

"Tooru, ayos lang tayo. Pagod lang ako."

"Okay, sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong o space."

"Just your presence, sinta. Ikaw ang pahinga ko sa sobrang nakakapagod nating mundo."

Tumango naman si Tooru at tumabi kay Hajime sa higaan at unti-unting niyakap habang marahang hinahagod ang likod at pinaglalaruan ang buhok. Mahinang kinantahan at binigyan ng matatamis na salita.

"Pahinga ka lang sa yakap at piling ko, mahal."

"Magpahinga ka lang hangga't kailan mo gusto. Nandito lang ako sa tabi mo."

Nang nakatulog na ng tuluyan si Hajime ay hinay hinay niya naman itong inayos ang postura at tuluyang ihiniga sa higaan. Hawak-hawak ang kanang kamay ng kasintahan habang marahang hinahaplos ang buhok nitong magulo dahil sa pagod at hectic nitong schedule sa medical school.

"Tooru, pinapangako ko sayo na balang araw dadalhin at maihaharap din kita sa altar. Sa harap ng Diyos, pamilya natin, at mga kaibigan. Papakasalan kita at sila ang magiging saksi ng bago nating kabanata tungo sa samahang panghabambuhay."

Nasa simbahan sila ngayon, nagsisimba. Napangiti si Tooru sa narinig, sa mga salitang binitawan ni Hajime habang nakatutok sa mga mata niya. Kitang-kita ang pagmamahal na nararamdaman at ipinapahayag niya sa binatang katabi.

"Pangako?"

"Pangako."

Napangiti ng mapait si Tooru sa susunod na mga alaalang pumasok sa isipan niya.

"Tooru, tapusin na natin 'to."

"Anong ibig mong sabihin, mahal?"

"Kung ano ang naiintindihan mo sa sinabi ko, Toru. Let's stop this."

"Bakit?"

Nagbabadya ang mga luha ni Tooru sa kanyang mga mata habang hinihintay ang sagot ni Hajime sa tanong niya. Puno siya ng lito, gulat, at sakit sa narinig sa kasintahan habang nasa apartment nila ito, nakaupo.

"Pagod na ako, Tooru sa set-up natin."

"Away, bati, tapos makalipas ang ilang araw away nanaman."

"Nakakapagod, Tooru. Nakakapagod ka din."

Tila natigilan si Tooru sa huling binitawan na mga salita ni Hajime. Parang sirang plaka, paulit-ulit. Tuluyang bumuhos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan sa narinig nitong sagot sa tanong niya kanina na "bakit"

"Akala ko ba ako ang pahinga mo sa nakakapagod na mundong 'to?"

"Akala ko din, Tooru."

Napatulala na lamang si Tooru sa Hajime na kausap niya ngayon. Hindi ito yung Hajime na kilala niya. Hindi ito yung Hajime na kasama niyang lumaki. Hindi ito yung Hajime na nanligaw at mahal siya.

Ang nasa harapan niya ngayon ay ang Hajime na pagod at walang pagmamahal na nararamdaman para sa kanya. Kaya pinunasan niya ang mga luhang patuloy pa ring umaagos.

"Sige, tapusin na natin 'to.

"Magmula sa oras at araw na 'to ay wala na tayo, Hajime.

Ngayon ang lalaking kasama niya ng 19 taon bilang kaibigan at halos 6 na taon bilang magka-ibigan ay tinitignan niya habang kinakasal ito sa iba.

Isa siya sa mga saksi sa bago nitong kabanata tungo sa panghabambuhay na pagsasama sa iba. Pangakong pinangako sa kanya ngunit tinupad sa iba.

Saksi, saksi nga ang Diyos, pamilya, at mga kaibigan sa kasal niya. Pero imbes na siya ang kasamang nakatayo sa altar ay iba ang nakapwesto.

Ang wedding vow na narinig niya noon ay sinasabi niya na sa iba ngayon. Ang akalang siya ang simula, gitna, at maging sa wakas na kasa-kasama ay nanatiling akala dahil parte lamang siya ng simula hanggang gitna ngunit iba na ang kapiling sa wakas.