Actions

Work Header

Ikaw Lang

Summary:

Pre, kailan mo balak umamin kay Danny? Tatlong taon na lumilipas pero hanggang ngayon kaibigan ka pa rin” pagsasabi sakanya ni Kevin. Nasa cottage silang tatlo habang yung tatlo naman ay nagpipicturan malapit sa falls. “Kung ako sayo David, paramdamdam mong gusto mo siya. Wala namang mawawala diba? Baka sa huli ikaw pa ang magsisi niyan” Pagdagdag naman ni Jun.

Notes:

Self-indulgence ko lang to. Hehehe. Sa lahat ng nagmamahal sa SukKyu/ KyuSuk para sainyo to :)

Please listen to Ikaw Lang by Nobita 💜

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

College Enrollment

 

10am na at hanggang ngayon nakapila pa rin sila para kumuha ng schedule ng klase. Inip na inip na si Jihoon dahil 7am palang nasa CEU na sila para mag enroll at ubod ng bagal ang proseso.

 

“Ang kukupad naman ng mga to magbigay ng class schedule” pagrereklamo ni Jun, matalik niyang kaibigan. Inip na inip na rin siya kaso may nakita kasi siyang cute na lalaki na nakaupo sa unahan nila. ‘Magisa lang kaya sya?’ sa isip isip nya. Gustuhin man niyang puntahan at magpakilala, natatakot siya. Nakita niyang tumayo ito, kinuha yung class schedule niya at dumerecho sa cashier para magbayad.

 

Napabuntong hininga nalang siya at nakinig ng music. Ayaw niyang umasa pero sana kahit isang subject ay maging kaklase niya ito. 

 

1st year

 

“PUTANGINA KIM DAVID NASAN KA NA?” pasigaw na tanong ni Jun.

 

First day of class kasi late siya. Kasalanan ng Youtube kung bakit siya napuyat, recommend kasi ng recommend ng mga nakakatawang video. Hindi niya namalayan na 2:30am na pala at may klase siya ng 7am. Binaba niya yung tawag ng makarating siya sa classroom nila sa 4th floor.

 

“Punyeta para akong nagmarathon” hapong-hapo siyang nagrereklamo sa kaibigan.

 

Isa sa mga kinatatakutan ng lahat ang “introduce yourself” na part ng klase. Ayaw na ayaw ni David yon kasi nahihiya siyang magsalita sa harap. Hindi na siya mapakali dahil konti nalang siya na ang tatayo sa harap.

 

Nanlaki ang mata niya ng pagtingin niya sa harap ay nandun yung lalaking nakita niya nung enrollment. ‘Shet kaklase ko siya’ bulong sa sarili.

 

“Hi po. I am Daniel Choi, 18 years old. You can call me Dan or Danny. I love listening to music and watching movies” at bumalik sa upuan niya.

 

Hindi siya makarecover na nung tinawag na yung pangalan niya ay hindi niya ito narinig. Nakurot pa siya ni Jun dahil parang wala ito sa sarili, “Wala ka bang tulog? Nakailang tawag na si sir ng pangalan mo. Tumayo ka na” at agad-agad siyang pumunta sa harapan.

 

Hindi niya alam kung natatae ba siya o ano dahil nakatapat siya mismo kay Daniel, huminga muna siyang malalim bago nagpakilala. May mga babae namang nagbubulungan sa likod at para bang inaantay na magsalita siya.

 

“David Kim, 17 years old” pagpapakilala niya at narinig niya yung tawanan ng mga babae. Babalik na sana siya ng upuan ng sumigaw si Jun, “sir magaling pong kumanta yang si David”

 

“Ah ganon ba?” sagot ng professor nila, “sample naman diyan Mr. Kim” at nginitian siya nito. “Baka pwede kang maging pambato ng section niyo pag may mga school events” dagdag pa nito.

 

Nanginginig na siya at nakatingin na lamang sa paa niya. Gusto niya murahin at suntiukin si Jun, ‘humanda to mamaya’. Namemental block ata siya at wala siyang maalalang lyrics ng kanta. Pag angat niya ng ulo niya ay nagkatinginan sila ni Daniel, ‘ang ganda niya’ sa isip-isp niya. Huminga muli sya ng malalim at kinanta ang Your Universe ni Rico Blanco.

 

Naghiyawan ang buong klase lalo na si Jun at sumigaw pa ng ‘bestfriend ko yan’. Pinalakpakan siya ng professor nila at pinuri dahil maganda ang boses nito. Bago pa siya bumalik sa upuan ay sumulyap siya ulit sa gawi ni Daniel at tuluyan ng umupo pero bago yun sinuntok niya muna si Jun.

 

Gusto niyang itakwil bilang kaibigan si Jun dahil hiyang hiya siya ng sumayaw ito ng sa harap in the tune of Bulaklak ng VIva Hotbabes. Tinatanong niya ulit ang sarili niya kung bakit niya bestfriend tong gagong to.



Dumagdag sa pagkakaibigan ni Jun at David si Kevin Yoon. Madali nilang naging close ito dahil halos pareho ang takbo ng utak nila ni Jun. Panibagong sakit ng ulo ni David. Bago matapos ang 1st semester ay naging close nila yung grupo ni Daniel. Tatlo rin sila, si Daniel, Mamo at Arthur.



Sembreak bago ang enrollment ay naisipang magpost ni Junkyu sa Facebook nya na kagagawa palang. What’s on your mind daw kasi kaya dinescribe niya si Daniel sa pagaakalang di makikita ng barkada niya.

 

Enrollment ng 2nd semester at inulan siya ng pangaasar galing kay Jun at Kevin.

“Par, Daniel pala nais mo ha” pangaasar ni Kevin sakanya na sinundan ni Jun, “kaya pala nung groupings di ka makaambag ng idea dahil kagroup natin si Danny”

 

Hindi umiimik si David dahil kahit dinelete niya na yung post niyang yun ay nascreenshot na ni Jun at Kevin. Nanigas siya sa kinatatayuan niya ng sumigaw si Kevin, “Art!” at sinenyasan na lumapit sakanila, May mga nagreklamo sa likod dahil sinasabing pinasingit yung tatlo pero sinungitan ni Mamo, “Miss kanina pa kami nandito. Bumili lang kami ng maiinom dahil kanina pa kami nauuhaw” Pinalakpakan naman ni Jun si Mamo at nagsasabing “kaya sayo ako e” sabay akmang aakapin ito pero kinurot siya sa tagiliran kaya napaaray ito. Wala na yatang araw na tatahimik ang samahan nila.

 

“David” mahinang tawag ni Danny. “Pwede mo bang hawakan muna tong regform ko? Baka mabasa dahil may hawak akong tubig. Nakalimutan kong dalhin yung plastic envelope ko eh” Ngumiti lang siya at kinuha kay Danny yung mga papel na hawak at inilagay sa envelope niya. Sinamaan naman niya ng tingin si Kevin at Jun na ngayon ay nakatitig sakanila ni Danny habang sumesenyas na bagay silang dalawa.



2nd year

 

Nagkagusto si Hyunsuk sa isang kablock nila, Erik ang pangalan at nakikita nilang magbabarkdang nageeffort si Hyunsuk na sabayang umuwi yung tao kahit na mas mapapalayo siya.

 

“Gago pre!” Hinihingal si Kevin na umupo sa tabi namin ni Jun pero bago siya magsalita ulit sumulyap muna siya sa gawi nila Art. “Si Erik pala may gusto kay Joni. Nakita ko sila sa benches kanina, naglalampungan puta”

 

Nanggigil kami lalo ako sa nalaman namin, “Punyetang yon. Alam ba ni Danny?” Pagaalalang tanong ni Jun. Napatingin kami ng sabay-sabay na lumabas yung tatlo at nagsabing magccr lang daw sila pero alam naman na nila David kung ano yon. “Mukhang alam na niya” sabi ko, “Magmemeeting na sila sa banyo eh” pag bibiro ko at nagtawanan nalang kami.

 

Mula nung araw na yon ay hindi na namin nakita si Erik na lumapit kay Danny. Nung isang beses na sinubukan ni Erik lumapit kay Danny ay hinamon ni Mamo at Art ng suntukan yung tao. Siyempre back-up kaming tatlo.

 

“Danny?” tawag ko sakanya nung palabas na kami ng North Gate. “Magiinom kami, sama kayo?” Nginitian lang nya ako at tumango, “Actually ako talaga nagayang maginom” sabi ni Danny. “Pantanggal sakit ng nararamdaman” 

 

Nasaktan ako sa narinig ko kaya naman inakbayan ko sya at ngumiti ng malaki, “magwalwal tayo ngayong araw! Sagot ko na dalawang bucket oh!” Napasigaw naman si Jun at Kevin sa narinig, “pogi mo pre pakiss nga kami” sabi ni Jun. 

 

Nagtawanan nalang kaming anim habang papunta sa Tikboy’s.

“Salamat” sabi ni Danny at nginitian ko nalang sya habang tumakbo ako at sumakay sa likod ni Jun. Nilingon ko ulit si Danny na ngayon ay nakaangkla na kay Mamo at Art. 

 

“Basta ikaw” bulong ko sa sarili ko.

 

---

 

Mula nung inuman sa Tikboys ay medyo naging close ko si Danny. Nagkakatext na nga kami. Nagsend naman ng group message si Art samin. Galing daw kay Mr. Lee yun.

“Cake fair sa Saturday and need natin pumunta ng MOA para manood. May plus 10 daw sa final exams mga nagpunta”

 

Pagkatapos ko mabasa yon nagmessage sakin si Jun at Kevin pero hindi ko nireplyan dahil sasabihin lang naman nila e maaga kami magpunta sa Mendiola at magDota muna bago pumunta ng MOA. Nakipagpustahan kasi sila sa kabilang section. 

Tinext ko naman si Danny para tanungin kung anong oras silang tatlo pupunta ng MOA.

 

David: Dan, gusto niyo bang sumabay samin papuntang MOA?

 

Danny: Pwede naman. Anong oras ba kayo magkikita nila Jun? LQ ata sila ni Mamo. Daming ebas samin ni Art e.

 

David: Ayy. Dahil siguro sa DOTA yan. Nakipagpustahan yung mga gago sa kabilang section eh. 8am nasa Mendiola na kami sa Sabado.

 

Danny: Wala na kayong ibang ginawa kundi makipagpustahan. Ikaw matino diyan di mo mapigilan yung dalawa.

 

David: Sorry na boss. Gagalit ka naman agad oh. Pinipigilan naman sadyang nawili sa pustahan yung dalawa. Sabay na kayo samin ha? Text text nalang

 

Danny: Geh. Ayusin mo Kim. Siguraduhin nyong panalo kayo at sabihan mo yang si Jun na bumawi kay Mamo.

 

David: Copy boss :D

 

Cake Fair

 

Habang naglilibot kami ay nakakita kami ng wedding booth. Nagtatawanan kami dahil hinila ni Jun si Mamo na tumayo sa gitna at siya nakaluhod parang nagpopropose pero ang totoo humihingi siya ng sorry dahil natalo sila sa pustahan.

 

“Bobo kasi ni David e. Puta walang tulong sabing mid siya” pagrarant nito kay Mamo pero irap lang natanggap niya mula rito.

 

“Sino po susunod?” tanong ng bantay.

 

Nagulat ako ng ipagtulakan ako at si Danny ni Kevin at Art. Nagtilian silang apat ng patungan ng belo si Hyunsuk. Ang ganda-ganda niya at di mapigilan na ngumiti ng pagkalapad dahil pucha naman, kahit kunwarian lang to, kinilig pa rin ako pati si Danny ay nakisabay sa trip ng apat, “oh kiss mo na yung groom” sigaw ni Kevin. Akala ko di gagawin ni Danny kaya naman paglingon ko sa labi ko dumampi yung labi niya.

 

Nagkagulatan kaming dalawa, “Bakit ka lumingon David!” pasigaw na tanong sakin ni Danny. Di ako nakakibo agad dahil first kiss ko yung crush ko. “Di naman nagdikit dahil may belo. Arte neto” sagot ko kay Danny at bumaba akong namumula ang tenga ko.

 

Tawang tawa naman yung apat dahil namumula daw kaming dalawa. “Ano pre? Ayos ba?” bulong ni Kevin habang tumataas-baba ang kilay niya. “Sarap pre?” bulong naman sa kabila ni Jun. Tanging ngiti lang naisagot ko dahil kahit ako ay di makapaniwala sa nangyare. 

 

Merong mini giveaway ng decorate your cupcake at di inaasahan na sa akin ibibigay ni Danny yung gawa nyang cupcake. ‘Tangina, i love this day!’ Sabi ko sa sarili ko.

“Oh di na kakainin ni David yan”

“Itatabi nalang niya yan hanggang langgamin”

 

At tuloy-tuloy ang pangaasar sakanya ni Jun at Kevin samantalang si Danny ay nakikipagtawanan kay Mamo at Art sa kabilang dulo ng table.

 

3rd year

 

Summer break at naisipan namin na magswimming bago magsimula ang bagong school year. Celebration na rin daw dahil sinagot na ni Mamo si Jun. Si Kevin at Art ang may kumplikadong relasyon. Inamin samin ni Kevin na friends with benefits sila ni Art. Alam rin ni Kevin na may gustong manligaw kay Art na mga sophomore, Kyle at Sam ang pangalan. Hindi naman mabakuran ni Kevin dahil wala namang sila. Kung alam lang ni Art kung gaano naglasing si Kevin, hay nako. Ag kumplikado ng buhay.

 

“Pre, kailan mo balak umamin kay Danny? Tatlong taon na lumilipas pero hanggang ngayon kaibigan ka pa rin” pagsasabi sakanya ni Kevin. Nasa cottage silang tatlo habang yung tatlo naman ay nagpipicturan malapit sa falls. “Kung ako sayo David, paramdamdam mong gusto mo siya. Wala namang mawawala diba? Baka sa huli ikaw pa ang magsisi niyan” Pagdagdag naman ni Jun.

 

Napabuntong hininga ako sa mga sinabi nila. Natatakot ako. Ayokong mawala kung ano mang meron samin ni Danny. Masaya naman akong kaibigan ko siya at kahit hanggang doon nalang ako, tanggap ko.

 

“Mahal!” sigaw ni Mamo kay Jun, “tara magswimming na tayo” sumunod na kaming tatlo dahil maya-maya naman ay uuwi na rin kami at bukas ay first day ng klase.

 

Sino ba kasi may sabi kay Danny na sumamang pumunta sa malalim na parte ng pool pero hindi ako magrereklamo dahil nakakapit siya sa likod ko at tuwang tuwa.

 

“Hindi ko abot to. Gago ka wag mo akong lunurin” pagbabanta sakin ni Danny.

 

Natawa ako sakanya at may kung anong sumapi sakin at nagkaron ako ng lakas ng loob na banatan si Danny, “Di kita lulunurin dito, sa pagmamahal ko lang”

 

“Gago!” sigaw niya sakin, “Hanggang ganyan ka lang naman” pagdagdag niya.

 

“Ano?” tanong ko dahil hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya. Nung nasa mababaw na parte na kami ay bumitaw siya sakin at sinabing wala bago ako tuluyang iwan sa pool. 

 

---

 

Kalagitnaan ng 2nd semester namin at wala kaming masyadong ginagawa dahil next week may tour kami sa Palawan. Nasa classroom kami ngayon naka-kumpol sa pintuan sa likod dahil hindi pumasok si Mrs. Lee.

 

Tutok akong makipag in between kay Kevin at kila Dj ng magsalita si Jun sa tabi ko.

“Danny! May tanong ako” at napalingon naman ito sakanya samantalang si Mamo ay pinanlakihan siya ng mata. “Kung nanligawan ba si David, sasagutin mo?”

Napatigil naman sa pagbabasa si Danny ng marinig yon, “tangina mo pre, nananahimik ako dito” sabat ko pero ang totoo sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko pero sa baraha pa rin ako nakatingin.

 

“Meron” sagot ni Danny kaya napalingon ako sa pwesto niya, “kaso torpe ata kaya witty na” at bumalik siya sa pagbabasa at ako sa barahang hawak ko.

 

Mura at pigil na kilig ang narinig ko sa paligid ko. Walang umimik after sumagot ni Danny, “Oh tangina all in na daw taya ni Junkyu sa in between!” tawang tawa na sigaw ni Kevin kaya pati ako natawa nalang rin.

 

Fourth Year

 

Totoo nga yung kasabihang “seize the day” dahil pucha hindi ko alam san galing tong si Jaden at nalaman nalang namin mula kay Mamo na nanliligaw ito kay Danny.

 

“Ewan ko, di ako kampante dyan kay Jaden sa totoo lang” pagsasalita ni Mamo kaya napatingin nalang ako sa kabilang table kung nasaan si Danny at Jaden. “Ang bagal mo kasi” sabi naman ni Art sakin, “masyado kang torpe, halata namang gusto mo si Danny”

 

Natigilan ako sa sinabi ni Art. Totoo naman. Hindi ko naman dineny kaso urong-sulong rin ako sakanya. “Mamaya ayaw naman niya sakin, pano na pagkakaibigan namin? Pagdahilan ko.

 

“Pre pano mo malalaman kung hindi mo naman sinubukan? Puro ka salita kay Danny pero walang gawa” sabat naman ni Jun na nakabackhug kay Mamo. “Tara na” sabat ni Kevin, “gagawa pa tayong thesis” at sabay-sabay kaming tumayo, pati na rin si Danny at Jaden.

 

Buong first sem iniwasan ko si Danny. Mukha lang akong tanga dahil lahat kinakausap ko pwera kay Danny.

 

---

Foundation week may battle of the bands at sumali kami nila Jun at Kevin. Buti pa tong dalawang to, maloko pero nakahanap ng mga taong mamahalin sila, ay pwera pala dito kay Kevin. Gulong-gulo pa rin ako sa set-up nila pero mukhang okay naman sila ngayon. Sweet nga sila, “Puneyta, maghihiwalay rin kayo” sabi ko sakanila at sabay talikod para kunin ang gitara.

 

Chinecheck ko yung gitara ng lumapit sakin si Danny kaya naman natigilan ako. Akmang aalisan ko sana siya ng hawakan niya kamay braso ko, “David wag mo naman akong iwasan”

 

“Hindi naman kita iniiwasan” sagot ko at binitawan niya ang pagkakahawak sa braso ko.

 

“Wag mo nga akong gawing tanga” mariin na sagot ni Danny, “Kinakausap mo silang lahat pwera sakin, nakikipagtawanan ka sakanila pero pag dumadating ako umaalis ka. Anong tawag mo dun?” napatingin ako sa mata niya, para na siyang iiyak. Sasagot na sana ako ng may lumapit samin.

 

“David!” masaya niyang sigaw. Tumingin muna siya kay Danny bago tumingin pabalik sakin, “Goodluck paps!” Sabay yakap sakin. Nagpasalamat naman ako kay Vanessa at nagpaalam para umupo sa likod. Nakita ko naman si Danny na papunta sa direksyon nila Mamo kaya hinawakan ko kamay niya, “Danny -” pero naputol ng magsalita siya.

 

“Okay na David. Punta na ako kila Mamo, magsisimula na yung program” at sabay umalis ng di lumilingon sakin.

 

“Putangina naman” sambit ko ng makalapit sakin si Jun at Kevin. Nagtatanong silang dalawa pero hindi ako sumasagot.

 

“Pre, di naman daw pala nanliligaw si Jaden kay Danny” paguumpisa ni Jun kaya napatingin ako sakanya, “Hindi daw pumayag si Danny sabi ni Mamo dahil may iba daw gusto si Danny” Hindi ko maproseso sa utak ko yung sinasabi ni Jun.

 

“David, umamin ka na. Nakita ko si Danny nagpupunas ng luha papunta kila Art” sabi naman ni Kevin. “Tangina pre. Lumapit kasi si Vanessa sakin at yumakap pa. Akala ata ni Danny jowa ko si Vanessa”

 

“Vanessa? Si Vane? Yung pinsan mo?” pagtatanong naman ni Jun kaya umoo ako sakanya. “Anong balak mo ngayon?” pagtatanong ni Kevin.

 

“Alam niyo yung piyesa ng Ikaw lang ng Nobita? Yun ang tutugtugin natin”

 

POV ni Danny

 

“Putanginang Davin Kim yan” pagmumura ko habang nagpupunas ng luha ng makaupo sa tabi ni Art at Mamo. “Sasabihin niya lang na kipay gusto niya, di niya naman ako dapat iwasan”

 

Nagkatinginan naman si Mamo at Art at sabay napasabi ng ‘ha’. “Imposible yun mars” sabi ni Art, “ikaw mahal non” pagsegunda niya.

 

“Anong ako? Punyeta siya mas maganda naman ako kay Vanessa! Malaki lang dede niya pero may dede rin ako. Mas masarap pa” pagsagot ko at patuloy na pinupunasan ang mga luha ko, “May tissue ka ba dyan Mamo?” pagtatanong ko at inabutan ako ng isang roll, “tanginang tissue yan” at natawa kaming tatlo.

 

“Pakinggan mo si David bakla. Imposibleng kipay gusto non, ilang taon ka mahal nung tao” pagkukumbinsi ni Mamo sakin. “Tsaka mas bet ni David yang oten mo kesa sa kipay” natatawang saad ni Mamo.

 

“Jinowa mo lang si Jun kung ano-ano ng kabalastugan lumalabas diyan sa bibig mo” pagsagot ko sabay singa ng sipon. Natigilan naman kami sa paguusap ng tawagin ang grupo nila David sa stage.

 

Ang lakas ng hiyaw ni mamo at art na may tarp pang dala. Sana all may jowa di ba?

 

Ang pogi pogi ni David na nakatayo sa harap, may hinahanap ang mga mata niya at ng magtama ang tingin namin nginitian niya ako. ‘Tangina mo kala mo makukuha mo ako sa mga ngiti mo?’ sabi ko sa sarili ko, Nagtilian mga tao sa auditorium ng isa isa silang magpakilala. Kilig na kilig naman tong si Mamo ng tawagin siyang mahal ni Jun sabay flying kiss. Nahiya naman bigla si Art dahil tong si Kevin kinindatan siya pagkatapos tawaging babes. Ang corny ng mga tawagan pero pucha anak rin naman ako ng Diyos bakit kasi sa torpe pa ako nagkagusto.

 

Lumakas lalo ang tilian ng magpakilala si David. Halos lahat ata ng babae at mga bakla nagugustuhan si David dahil pamysterious daw ang datingan at suplado which is totoo pero hindi siya ganon sa totoo lang.

 

Nahampas naman ako ng malakas ni Mamo ng tawagin ni David ang pangalan ko, “Danny Choi” nanginginig ang boses niya. Alam kong kinakabahan siya, mag gogoodluck lang naman ako kanina kaso yung kipay na yun sinira mood ko.

 

Humingang malalim ulit si David at nagsalita habang nakatitig sakin, “Daniel Choi, 4th year BSHRM ng 4E. Apat na taon na kitang mahal kaya sana maniwala ka pag sinabi kong ikaw lang at wala ng iba”

 

Sabay tugtog nila ng Ikaw lang by Nobita. Malapit na sa chorus ng muling lumingon sa direksyon ko si David.

 

Ang iyong mga tingin

Labis ang mga ningning

Langit ay bumaba

Bumababa pala ang tala

 

Tumingin ka sa aking mga mata

At hindi mo na kailangan pang

Magtanong nang paulit-ulit

Ikaw lang ang iniibig

 

Kailan nga ba kita minahal? Hindi ko na rin alam David. Isa ka sa mga constant na tao sa buhay ko. Ang clumsy mo pero isa yata yon sa mga dahilan kaya kita ginusto. Nung nagbebreakdown ako dahil sa Statistics, you stayed up para lang itutor ako at sila Mamo. Nung nararattle ako dahil absent ako tapos kinabukasan reporting ko, tinulungan mo akong gumawa ng powerpoint presentation. I lost count of all the things you did for me at sobra akong nagpapasalamat dahil dumating ka sa buhay ko. Hindi ko alam paano ko masusurvive lahat ng acads na ito kung wala ka. You cheer me up pag down na down ako. Kahit magmukha kang tanga ayos lang, makita mo lang akong tumatawa. The little things you do took up a big part in my heart and life too. You are my first love David and I hope that you’ll be my last too.  I was too afraid to fall in love kasi parang heartaches lang makukuha ko don pero pagdating sayo, handa kong isugal tong puso ko. 

 

Hindi ko na napigilan luha ko ng bumaba ka ng stage at huminto sa harap ko habang kinakanta ang bridge ng Ikaw lamang, 

 

At sa paglisan nang araw, akala'y 'di ka mahal

At ang nadarama'y hindi magtatagal

Malay ko bang hindi magpapagal

Iibigin kita kahit ga'no pa katagal

 

Pinunasan mo yung mga luhang bumabagsak mula sa mga mata ko. Hinayaan mong si Jun at Kevin ang kumanta ng huling lyrics.

“Danny, will you be my boyfriend?” tanong mo bago matapos ang kanta at umoo ako sabay akap sayo ng mahigpit, “Oo David”

 

Naghiyawan naman ang buong auditorium dahil sa nangyare dagdag pa sa celebration yung pagkapanalo niyo sa battle of the bands.

“Sobrang saya ko ngayon” sabi ko kay David habang nakayakap ako sakanya “Dahil pucha after four years naamin mo rin yung totoo mong nararamadaman. Ikaw nalang naman inaantay ko. Handa na yung sagot ko matagal na”

 

“Sorry eto lang ako, torpe pero mahal na mahal ka” sambit naman ni David na natatawa. Napatingala naman ako sakanya at saksi ang mga bitwin sa langit ng sambitin ko sakanya ang mga katagang matagal ko ng gustong sabihin, “Mahal na mahal kita David Kim, ikaw lang” 

Tumingkayad ako at dinampi ang mga labi ko sakanya. Naramdaman kong humalik din siya pabalik. Walang kasiguraduhan ang bukas pero basta kasama ko si David alam kong kakayanin namin ang kahit na ano.

 

“Pero sino yung babaeng yon?” Pagtatanong ko ng maghiwalay ang mga labi namin.

“Si Vanessa yon, pinsan ko” sagot nya, “Tsaka tama sila Mamo. Oten mo gusto ko at ayoko sa kipay. Sayo lang titigas to” pagtatapos niya kaya napalo ko bibig nya.

 

“Tangino mo. Kakasagot ko palang sayo. Bigyan mo muna ako bahay bago mature roles” 



At sabay kaming nagtawanan.



-end-



Notes:

Thank you sa pagbasa 😘