Actions

Work Header

canton with love

Summary:

Isang kwento kung saan si Renjun ay isang "chef" vlogger at sinubukan niyang gumawa ng chilimansi pancit canton organic ver, para sa kanyang figure-conscious boyfriend, Jeno.

aka abangan how the author struggled to mix sweetness, with a pinch of spice and 100% jenren harutan in one fic.

or where the author really just wants new jenren content.

Notes:

madame, thank you for encouraging me to write again.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

This definitely a Success.

 

Ito ang paulit-ulit na sinasabi ni Renjun sa sarili dahil sa bago na naman nitong naisip na pakulo para sa kanyang cooking with Renjun series.

Determinado niyang pinindot ang play sa kanyang playlist at hinanda na muli ang mga kakailanganin niyang ingredients sa pagluluto na siyang i-vlo-vlog nito.

Napangiti naman siya nang pagkalawak matapos marinig ang intro ng Panalangin ng Apo Hiking society at hindi mapigilang mapaindak.

Paborito kasi nila itong kantahin ng kanyang kasintahan sa tuwing nagta-travel sila, kaya mas lalo pang gumanda ang mood ng binata at sinabayan ang tugtog.

 

Panalangin ko sa habang buhay

Makapiling ka

Makasama ka

Yan ang panalangin ko

 

As you can see, isa siya sa mga rising star content creator. He has this (humbly speaking) slightly successful YouTube channel with over 300k subscribers and counting.

 

At hindi papayag ang pusong ito

Mawala ka sa 'king piling

Mahal ko iyong dinggin

 

Noong una, his vlog was solely where he shared his arts, some short documentaries, and random stuff with. Storage na rin kumbaga ng mga outputs niya as a graduate of multimedia arts. 

Nagtuturo rin siya ng mga tips kung paano niya ginagawa ang kanyang mga likhang sining and also documents himself while working with commissions.

Not until he launched his vlog series kung saan sinusubukan niya ang mga recipes na nakikita niya sa kanyang Tiktok for you page, at mga napapanood niya sa kanyang mga social media feed. Ito na rin ang nagsilbing 'brand' niya sa vlogging industry.

This series gained him more than a hundred thousand views and likes, and also helped him boost his channel's algorithm.

 

Wala nang iba pang mas mahalaga 

Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa

 

Tinapik-tapik ni Renjun ang kanyang paa kasabay sa beat ng musika, at saka itinali ang isinusuot nitong apron.

 

At sana nama'y makikinig ka~ 

Kapag aking sasabihing, minamahal kita~

 

Dramatiko niyang binuksan ang kanyang refrigerator gamit ang isang kamay habang ang kabila naman ay nag-aktong  mikropono niya sa pagkanta.

Dinama  muna ni Renjun ang kanta at saka kumuha ng kalamansi para ito'y hugasan at simulan nang hiwain.

Kalaunan, marami na ang pumupunta sa kanyang page para tingnan kung ang mga usong tutorials are a fact or bluff, hanggang sa nagkaroon na siya ng kanyang sariling "notif squad".

Actually, he himself was afraid to take this path because of its instability.

Halos lahat kasi ng mga ka-batch niya noong high school na kumuha ng science-related course ay maaga nilang nakuha ang success nila. Gaya na lamang ng physician of their friend group na  si Jaemin.

Pero sabi nga nila, your story has its own pace - its own plot.  

Umabot rin ng taon bago niya naabot ang puntong ito ng buhay niya. But it's fun, at masaya siya sa ginagawa niya.

What he does serves as his getaway from his commissions while still applying his artistic passion.

Don't get him wrong. Mahal na mahal niya ang kanyang trabaho, pero minsan nakakapagod rin talaga lalo na when his clients keep on rejecting his drafts.

Para kay Renjun, walang anuman sa kanya kung maraming views ang kanyang vlog o wala. He only creates content because he enjoys it.

Bonus na lang na nakatutulong din ito sa kanyang monthly finances, and was able to work with the brands that he barely afforded before.

Pero kagaya nga ng lahat ng bagay, hindi lahat ng tao ay sang-ayon sa ginagawa niya. Marami ang nagsasabing nagsasayang lang siya ng pagkain at nilalagay nito ang kalusugan sa panganib. 

What they didn't know is that no food or people are harmed. Maliban sa isang beses na sumakit ang tiyan ng kanyang nobyo  matapos nitong tinikman ang "special coffee with 1 teaspoon of lemon juice" na another tiktok tutorial finds niya. 

This prompted him na tanungin muna si Jaemin bago niya isagawa ang mga tutorials.

Aware naman siyang fail talaga yung iba, pero ewan ko ba sa jowa niya (begins to pretend hating it, and sighs dreamily in his head). He'll still eat all those and even say 'it's good', kahit alam ni Renjun na sinasabi niya lang 'yon to console him.

Ganun lang talaga siguro ang buhay. More people would hate you as you become more relevant.

Kaya sa tuwing may mga nagtatanong sa kanya kung paano walang maghe-hate sa 'yo, he always answers it with "speak nothing, do nothing, be nothing".

Pero ang talagang nagpatuloy kay Renjun ay ang sinabi ng isa sa kanyang mga manonood that his vlogs serve as their therapy and help them relax. Dala na rin siguro ng pagiging art student niya, he gives attention to aesthetic and makes sure his videos are therapeutic lalo na ang art corner niya.

Masaya siyang malaman na kahit papaano ay nakakatulong siya sa mga working population, maging mga estudyanteng pagod na rin sa tambak na requirements. 

Kung kaya ginawa na niyang side hustle  ang pag-v-vlog aside from his full time freelancing career as a digital artist. 

Laking pasasalamat niya na he does not only have supportive parents but also a loving boyfriend who was there for him from the start until how he is now. 

Napangiti naman ulit siya with the thought of his boyfriend.

 

Panalangin ko sa habang buhay

Makapiling ka

Makasama ka

Yan ang panalangin ko

 

Sumabay pa 'yung kanta. Totoo nga talaga ang sabi nila na this song hits different when you're in love with someone.

Kung may makakakita lang siguro sa kanya ay malamang magtataka sila kung anong meron sa kusina niya at ganun na lang kalawak ang ngiti niya.

 

Wala nang iba pang mas mahalaga

Sa tamis na dulot ng pag-ibig nating dal'wa

At sana nama'y makikinig ka

Kapag aking sasabihing minamahal kita

 

Kumuha muna siya ng maliit na mangkok at saka nilagyan ito ng soy sauce at ipwinesto sa counter kung nasaan ang iba pang ingredients (nahiwang kalamansi, at chili oil).

Ngayong araw kasi, gagawa siya ng chilimansi pancit canton ala Renjun from scratch. He and his boyfriend love this. Pero lately, iniiwasan nila ang madalas na pagkain ng instant food in connection sa plano nilang healthy living, kaya naisipan niyang magluto ng paborito nilang meryenda from scratch.

Unlike his other vlogs, he didn't see this on any social media platforms. He got this idea instead noong nag-date sila ni Jeno at may madaanan silang siomai cart.

Ang pangalan ng cart? "Masarap na siomai". 

Kaya labis siyang naintriga at napagdesisyunang kailangan niyang masubukan ito in tribute to its creative business name. In fairness, it says nothing but the truth. 

It's a steamed beef siomai with white wrapper. Iyon na siguro ang pinakamasarap at pinakasulit na siomai na binili niya sa halagang P5 each, dahil sa sauce pa lang sobrang malinamnam na.

Here comes the interesting part.  Nakita niya ang mga estudyante noon na pinaghalo ang toyomansi at chili sauce kaya sinubukan niya rin itong gawin nang nakuha na nila ang order nila.

It somehow tasted familiar pero hindi niya maalala kung saang lupalop niya ito natikman noon.

It was when he was peacefully watching a movie with his boyfriend sa living room -  his head on his lover's lap nang naalala niya kung saan niya niya ito natikman before. Napabalikwas siya mula sa hita ng nobyo, at voila!

Kalasa nito ang chilimansi flavor na pancit canton!

Specifically, his and Jeno's favorite combo: 2 packs calamansi and 1 chilimansi.

Kung kaya hindi niya ito pinalampas at kaagad na sinabi kay Jeno na may bago na naman siyang naisip na content for his cooking (re: experimental) corner. Hindi nakaligtas ang kanyang nobyo dahil balak siyang isama ni Renjun sa pagluluto.

Speaking of boyfriend, buong akala ni Renjun, he was being very subtle about his relationship, pero iba rin ang viewers niya. Talo pa nila ang agila sa talas ng mga mata nila.

Hindi naman niya sila masisisi. The hand that ruffles his hair sa tuwing ginagawa niya ang kanyang intro at ang nagdadala ng meryenda when he's working for an art piece makes it so hard for them not to comment on it. Minsan "sino 'yon", kadalasan "sanaol".

May nag-point out din sa repleksiyon ng isang binata sa salamin ng kanyang cupboard, when he was touring his kitchen nung ni-request ito ng mga viewers niya. Sabi nila, lakas maka-pogi raw nung nasa likod ng camera kahit ang naka-hoodie na pigura lang niya ang nakita. 

Hindi rin lingid sa kaalaman ni Renjun na marami ang nagkaka-crush sa kanyang nobyo dahil sa mga cameo nito at the end of his cooking vlogs kung saan ang nobyo ang siyang humuhusga sa kinalabasan ng mga recipes niya.

Kahit kalahati lamang ng kanyang mukha ang nakikita nila ay bakas na bakas ang pagka-gwapo ng binata. 

Sa cooking vlogs niya kasi, he doesn't show his full face while cooking since it's easier that way when filming  alone. Tanging ang kamay lang niya at ang niluluto nito ang nakikita kagaya ng ibang cooking vlogs at vino-voice over na lang niya ito. 

Ang pinagkaiba niya lang sa ibang mysterious cook vloggers ay walang misteryo sa kanya because he tends to overshare about his life in his vlogs (maliban sa mga private info, of course). Ang tanging misteryo lang siguro tungkol sa kanya ay ang mysterious boyfriend na meron siya.

Although Renjun didn't vocally tell his viewers about his boyfriend, mukha namang alam nila. Maging ang mga manonood niya ay ramdam ang  kilig sa kanila. He had also seen how the  comments went from "boyfriend reveal" to "kailan mo aaminin na jowa mo 'yan."

He never replied anything at nag-iwan lang ng heart reactions just because.

Nang matapos na niyang tignan kung kumpleto na ba ang mga ingredients ay sinimulan naman niyang i-set up ang camera habang hinihintay ang pagdating ng kanyang kasintahan. 

His boyfriend na may-ari ng isang sikat na fitness gym with more than 10k followers on Instagram. His boyfriend na dating child star pero he thought showbiz industry is too much for him that's why he left.

His boyfriend na marami ang nag-offer na kunin siya as a model kahit pa matagal na niyang iniwan na ang industriya. Safe to say, he's also a brand ambassador of sports and fitness equipment, maging mga health supplements na negosyo ni Jaemin and his equally fit boyfriend.

Kung alam niyo lang, pakiramdam niya'y hindi niya lang niligtas ang isang nasyon kundi ang buong mundo sa kung gaano siya ka-swerte sa jowa niya. 

Maliban sa kanyang sizzling hot looks and fit, napakalambing at maalagain din siya kay Renjun. At wala na siyang mahihiling pa mula rito kahit paborito nitong past time ang pang-aasar sa kanya, harot intended.

Tila ba bumalik siya sa mundong ibabaw mula sa kanyang pag-daydream tungkol sa kanyang nobyo nang narinig niya ang pagpindot sa passcode ng kanyang unit. 

Agad naman siyang napangiti nang napakatamis dahil sigurado siyang ang kasintahan niya na 'yon. Kaya naman dali-dali niyang sinalubong ang kanyang nobyo.

"Jeno!!" Renjun said breathlessly with the sight of his boyfriend.  

 

Panalangin ko sa habang buhay

Makapiling ka

 

Magaan ang bawat hakbang nito while he excitedly skips towards his lover na papasok na sa kanyang unit.

 

Makasama ka

Yan ang panalangin ko~

 

Akmang bubuksan na ulit ni Jeno ang pinto para lumabas bilang patikim ng kanyang pang-aasar kay Renjun sa araw na 'yon, pero hindi rin siya nakatiis at sinalubong ang nobyo ng isang mahigpit na yakap.

 

At hindi papayag ang pusong ito 

Mawala ka sa 'king piling

Mahal ko iyong dinggin~

 

Renjun smiled at that and couldn't help himself but feel like they were each other's missing puzzle piece. 

Renjun felt complete, and even more happier when Jeno started twirling their conjoined bodies together alongside their favorite song.

Kung may i-Dawn Zulueta mo ako, ito siguro ang i-Renjun Huang mo ako nila ni Jeno. Well, what can he say. They always greet each other like that even though they're past the honeymoon phase.

 

Wala nang iba pang mas mahalaga

Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa

At sana nama'y makikinig ka

Kapag aking sasabihing, minamahal kita~

 

After savoring each other as if they didn't see each other for years, patuloy silang nagyakapan habang ini-s-sway nila ang kanilang mga katawan sa hallway

This makes him feel domestic - making him feel home . And his home is a person.

 

Panalangin ko sa habang buhay

Makapiling ka

Makasama ka

'Yan ang panalangin ko~

 

"Hi babu, how are you?" Rinig niyang tanong ni Jeno.

Naramdaman ni Renjun ang ngiti ng kanyang nobyo habang hinalikan nito ang kanyang noo. 

Hindi niya mapigilang mapangiti nang marinig ang tawagan nila mula kay Jeno. 

Babu started when Renjun sent a typo of "baby". At first, Jeno made fun of him and  always inserted "babu" at the end of his messages instead of their then-forgotten-callsign.

Until they unconsciously continued using it at naging unofficial endearment na nila ito simula noon.

 

At hindi papayag ang pusong ito

Mawala ka sa 'king piling

Mahal ko iyong dinggin~

 

"Na-miss kita babu," Renjun said, habang patuloy pa rin ang pag-sway sa kanilang naka-akap na postura.

Jeno chuckled breathily at this and snuck his nose on the top of his boyfriend's hair.

Dahan-dahang kumalas si Jeno sa kanilang pagkayakap ng nobyo ngunit mas lalong hingipitan ni Renjun ang pagkayakap sa kaniya.

Napatawa na lang ulit (fondly) si Jeno sa inasal ng nobyo at pinagbigyan ito  at dinama ang outro ng kanta..

 

Panalangin ko sa habang buhay

Makapiling ka

Makasama ka

'Yan ang panalangin ko

 

Makalipas ang ilang sandali, bumitaw na rin si Renjun at saka inangat ang tingin sa kanyang kasintahan bago niya ito hinila papuntang kusina.

"Kumain ka na ba babu?" Tanong ni Renjun sa nobyo.

"Yup," Jeno playfully answered emphasizing the p.

"Took meds na rin para prepared." Nakangising pagtutuloy ni Jeno saka mapaglarong tinapik ang kanyang tiyan.

Napa-pout naman si Renjun sa pagbibiro ng kanyang nobyo. Napansin naman ito ni Jeno kung kayat tumawa ito at hinabol ang hakbang ng kasintahan saka hinalikan niya ang pisngi nito. 

Bigla namang ibinaling ni Renjun ang kanyang mukha kung kayat nagtama ang mga labi nila saka kumaripas ng takbo papasok sa kusina. 

"Tsumatsansing ka na babu ah," sabi ni Jeno nang marating na ang kusina pero para namang gustong gusto niya. 

Renjun just poked out his tongue at his boyfriend. Hindi niya rin alam pero he just wants to be clingy today. Dala pa rin siguro ito ng kanta.

Kinuha naman niya ang isa pang apron na nakahanda na sa may counter saka ito inabot kay Jeno. Tinanggap naman ito ng nobyo saka sinimulan nang isuot. 

"Babu stay still," ani Renjun matapos mapansin na hindi pa maayos ang pagkatali ni Jeno sa kanyang apron.

Tinaas naman ni Jeno ang kanyang kamay sa magkabilang gilid ng kanyang baywang. 

Napatawa na lang si Renjun sa kanyang isip dahil parang ligaw na tuta ang kanyang nobyo na tahimik lang habang inaayos ni Renjun ang tali ng apron nito mula sa kanyang likod.

Pagkatapos ayusin ay humarap ulit siya kay Jeno para siguraduhing pantay ang pagkakasuot nito.

"Okay na babu." Renjun said and he gave the taller a quick peck.

Napangiti siya nang sinubukang habulin ni Jeno ang kanyang labi, maybe for more but he pulled himself away from him.

"Babu we're filming, remember?" sabi niya kay Jeno habang natatawa. Two points for Renjun!

Jeno groaned and was about to protest pero pinigilan muna ang sarili because they can definitely do more after filming.

Clearing his thoughts, Jeno decided to ask Renjun what he'll do and his lover instructed him his roles in the vlog. Hindi naman ganun karami ang steps kaya madali naman niyang naintindihan. 

Sigurado rin siyang aabutin lang ng 2-3  minutes ang overall video for his boyfriend's vlog. His mind drifted to the things they might do after filming, kaya he was suddenly energized to finish filming early. 

The earlier, the better para mas productive. Sabi nito sa isip at tumango-tango.

Renjun saw this and glanced at his boyfriend confusedly. Nginisian lang naman siya ni Jeno and told him it's nothing. 

Jeno was the one who checked the camera before recording, while Renjun was waiting for him at the other side of the kitchen counter.

He rolled up his sleeves and Renjun was about to drool about it. But his view was slurred when Jeno rushed to his side.

"Ready na, babu?" Tanong ni Jeno.

"Yes babu!" Renjun answered instead and willed himself to return to his professional vlogger mood.

Sabi nga ng isang Tiktok trend, "mahirap magmahal ng shota ng iba", pero nasubukan niyo na bang mag-jowa ng lubos na pinagpala" sabi nito sa utak niya and reminds himself to tweet that later. 

Renjun took it as a cue to start his vlog. He started by filming a montage for his intro. Sinabihan niya si Jeno na kumaway muna sila sa camera sa may tapat ng mga ingredients na siyang ginawa naman niya. 

Mapaglaro pa ngang pina-wave ni Jeno ang kamay na parang uod, na siyang tinampal naman ni Renjun. He's sure nakuha iyon sa camera kaya tumawa na lang silang dalawa.

Renjun can already feel that he'll have a hard time editing this content. 

Sunod naman niyang kinuhanan ng solo shots ang mga ingredients. Una ang fresh canton noodles, chili sauce, soy sauce, calamansi, and some other seasonings and some pork.

Sinimulan nila ang pagluluto at pinahawak muna ni Renjun kay Jeno ang camera para ihanda niya ang lulutuin nila.

Naglabas ng isang palayok si Renjun para doon igisa ang pork habang vini-video naman ni Jeno ang ginagawa niya. 

Humirit na naman si Jeno sa pang-aasar sa kanya and was about to dip his forefinger ng kanyang kamay na hindi nakahawak sa camera nang napansin na mainit na ang palayok. 

Kinurot ni Renjun ang nobyo na siyang naiwasan naman ni Jeno, and Renjun is sure the clip was shaken.

Jeno only chuckled and blew him a kiss. He really lives like this.

Habang hinihintay naman nila na magisa ang meat ay sinabihan naman niya si Jeno na hugasan na ang fresh canton noodles at siya naman ngayon ang nag-vi-video sa kasintahan.

Sinabihan ni Renjun ang nobyo na paghahaluin sa pot ang noodles at iba pang mga ingredients for the seasonings. He instructed his babu to turn on the stove in a low heat as he mixfry the noodles along with the seasonings thoroughly.

Renjun can't help but to ogle his boyfriend's veiny arms while he's mixing. He really finds men with rolled sleeves very attractive, and too dangerous for him. 

He stopped himself from thinking of the other things Jeno can use those hands with like inserting it in his ㅡ 

He cleared his throat and abruptly shook his head in an attempt to free himself from very, very unhealthy thoughts.

Inayos niya muna ang camera sa may counter as he wills himself to grab plates for the plating.

Napansin naman ni Renjun na may dumaang puting pigura sa likod nakitang dumaan nang nakaparasela ang kanyang pusa.

If Renjun wasn't mistaken, biniyayaan siya ng kanyang pusa ng mga mapanlait na mata.

Binalik ulit niya ang tingin sa  naman niya ang nobyo para purihin siya pero sumalubong sa kanya ang mga mata ng kasintahang nakatitig sa kanya. 

Unti-unting nawala ang espasyo sa pagitan ng kanilang mukha. 

Akmang hahalikan na siya ni Jeno kaya marahan niyang pinikit ang kanyang mga mata.

Handa na siyang magdampi ang kanilang mga labi nang biglang nag-segway si Jeno at hinipan ang kanyang tenga. Renjun made a startled noise at muntik na niyang matapon ang canton na nilalagay niya sa kanyang plato.

"Babu, we're filming, remember ?" panggagayang bulong ni Jeno sa kanya sa sinabi niya kanina.

Tumawa ang nobyo at itinuloy ang pagmi-mix sa niluto nila. Namula naman si Renjun na mas lalong nagpalakas sa tawa ng kanyang babu. 3 points for MVP Jeno!

He can never win this, can't he? He's not so sure why he's trying at this point.

Bumalik naman sila sa pag-film and Renjun grabbed a serving plate tsaka dalawang plato nila for him and Jeno para sa kanyang most favorite part when filming this series: tikiman time!  

He asked Jeno to set the camera on the table. Aside from watching a movie, cooking and eating with his babu is definitely one of his favorite bonding with his boyfriend.

Sinubuan ni Renjun si Jeno gamit ang sariling tinidor and his boyfriend gladly accepted it.

"How is it babu?" tanong ni Renjun while he twirled the pancit with his fork for the second time. 

"Masarap babu," Jeno said at naglakad papunta ng sink para maghugas ng kamay while quietly chewing on the servings inside his mouth.

Bumalik naman siya agad sa may lamesa at umupo sa tapat ni Renjun. His throat bobbed up as he swallowed what his babu gave him.  

Tumango naman si Renjun at simulang tikman ang kanilang niluto. 

"Babu is it just me or medyo matamlay ang lasa?" sabi ni Renjun and he tried hard to think kung ano ang nakalimutan nilang ilagay.

"Nakalimutan natin 'yung magic sarap while stir frying it!" Renjun screamed at tila literal na tumigil ang mundo niya sa reyalisasyon.

Medyo nagulat si Jeno sa pagsigaw niya pero tumawa lang ito sa reaksyon ng nobyo. Kaya gustong-gusto niyang  inaasar ang babu niya dahil sa over the top nitong mga reaksyon.

Kumuha naman siya ng pancit mula sa kanyang plato at ninamnam nang maigi ang kanilang niluto.

"Ah… kaya pala medyo may kulang babu," Jeno said carefully after he chewed.

"E' akala ko ba masarap babu?" Sabi ni Renjun at siya naman ang napatawa sa inasal ng babu niya.

Sinabayan naman siyang tumawa ni Jeno at nagtawanan lang sila, at tinuloy na ang pagkain.

Nag-video muna sila na parang sinusubuan nila ang mga manonood and continued eating their servings. 

One moment Jeno was busy slurping his canton serving. The next moment, dila na ni Renjun ang hinihigop niya.

Renjun might have to ask actor Jongsuk if lahat ba ng Lee ay contender para sa titulo ng higop king at how Jeno expertly nips on his lips, and in no time his tongue is doing its magic.

Jeno coaxed Renjun to welcome him, and the latter easily gave in.

Renjun released a sigh of relief when their tongues finally met. Bumungad sa kanya ang asim ng kalamansi and something salty - tasty , and Renjun wanted to chase that taste until the warmth they shared spread over their bodies.

They disconnected for a bit, a thin string of spit barely connecting their lips.

Pinagdikit nila ang kanilang mga noo - their smiles growing each second.

"Sarap babu?" Mapagbirong tanong sa kanya ni Jeno.

Renjun crunched his nose on this, and then he heard his handsome boyfriend's also handsome chuckle again.

Even in this state, it sounded so pure, so genuine, kaya napapasama na lang rin siya sa pagtawa. He couldn't count how much he laughed this day, and all the days he's with Jeno. 

They didn't know who dived in first this time, but they both felt satisfied when their mouths went back to dancing with each other. Swipe up, down.

They kept moving until the smaller found himself sandwiched between the countertop and his boyfriend.

Renjun shivered when his skin hit the cold marble. Hindi niya alam kung dahil ba malamig lang talaga ang tiles o sadyang uminit lang talaga ang paligid niya.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nadatnan ni Renjun ang sarili sa parehong posisyon, pero tumataas pa rin ang balahibo nito sa bawat haplos ng mga labi at dilang pilit na sinasabayan ang ritmo ng bawat isa.  

Ang kanyang palad ay kalmadong pinatong niya sa may dulo ng counter bilang suporta, habang ang isa niyang kamay ay busy sa paghagod sa buhok ng ng babu niya.

Jeno loved it whenever Renjun does this. And the sounds he's letting out gives Renjun the affirmation kaya tinuloy niya ang marahang paglalaro dito.

Mas lalong idiniin ni Jeno ang kanyang katawan sa kasintahan.

Ang kanyang mga kamay na kanina'y nakapatong sa mga bewang ni Renjun ay dahang-dahang dumausdos sa loob ng t-shirt ng nobyo at dinama ang makinis at malambot nitong balat. 

Hindi naman nagpatalo si Renjun at marahang hinimas ang mga braso ng nobyong kanina pa niya gustong panggigilan gamit ang kanyang kamay na kanina'y abala sa pagmasahe sa batok ng kasintahan.

Patuloy naman itong bumaba hanggang sa maramdaman ang mga pandesal na nakaimprinta sa tiyan ng babu niya saka ito minasa, pataas, pababa, like how he'd knead a dough - relishing every bumps and dips he could feel.

Hindi na nakapagpigil ang mga ungol na nais kumawala mula sa bibig ni Renjun, and it's no secret to him at how Jeno smirked at that.

He can feel his knees weaken at muntik na siyang mapaupo kung hindi lang siguro siya sinasandalan paharap ng nobyo.

Jeno hissed when their lips disconnected, and Renjun felt something within him burst like fireworks.

"Be careful, babu," Jeno said and Renjun can only whimper before he connects their lips again.

Nangangalay na siya sa posisyon niya pero tuloy pa rin ang papakan - este labanan.

Bigla namang may tumunog in which Renjun is sure it's the sound of his camera indicating that it's running out of battery. 

Sabay silang napatingin dito at bumungad sa kanila ang mapanghusgang lente ng camera na tahimik na nanonood sa kanila not until a few moments ago.

"Babu…" medyo paos na sabi ni Renjun habang hinahabol pa rin ang hininga.

Unti-unti niyang ibinaling ang kanyang tIngin mula sa kumukurap na pulang ilaw, bago niya hinarap ang nobyo at sila naman ang nagtinginan.

Napakurap naman si Jeno, eyes still dazed from that heated moment rudely interrupted by technology.

Hinihintay niya ang sasabihin ng babu kahit batid niyang pareho sila ng iniisip.

"Ini-stop mo na ba yung video?" Tanong ni Renjun sa nobyo.

Nagtitigan muna sila saglit dahil parehong hindi makapaniwala sa nangyayari. 

Jeno slowly shook his head. And before they knew it, laughter erupted in the room.

 

In the end, Renjun definitely had a hard time editing. Not that he's complaining though, because he loved the pancit canton.

And the extra chili to the mansi.

Notes:

hello welcome sa aking filo fic debut na *natapos* ko hahaha!

first of all i'd like to thank madame czar for this charity work waaahh wala sana ito madame kung wala ka ganorn!! (mag-thank you tayo kay madame kababayan) 🥺

i hope you enjoyed this ✨appetizer✨ madame, lulutuin ko pa lang ang main dish at dulce emz!! love you po madameee!! ready na akong maging rich tita bec if you hihehe!!

+ salmat rin sa utots na nagprofread neto, naglandian pa sa gdocs ko aba pati pag-beta by pair na rin yawq na (chour labyu mami jann and maricar)

comments are highly appreciated <3

ps: very late maligayang buwan ng wika!