Work Text:
Siya 'yung tipo ng taong magsisindi ng yosi sa tinirik na kandila sa Simbahan.
Wala siyang relihiyon. Walang pinaniniwalaan. Wala, maliban sa sarili niya.
Siya rin 'yung tipo ng taong hindi aabutin ang pinasusuyo mong bayad sa jeep kung walong salumpuwet ang pagitan niyong dalawa.
Pero tinutulungan niyang tumawid ang matatanda.
Pero hindi siya gumagamit ng po at opo sa tuwing kausap sila.
Wala siyang pakialam kung tatawagin mo siyang sutil. Hindi rin nahihila pataas ang magkabilang dulo ng mga labi niya kung sasabihin mong iniidolo mo siya o humahanga ka sa kaniya.
Ang sabi nila, wala siyang puso. Puro utak. Walang pakiramdam. Manhid. Baka nga raw wala rin siyang kaluluwa, eh.
Pero syempre, mali silang lahat.
May pakiramdam siya. At kung masusubukan mong pumalit sa katawan niya'y mapadarasal ka ng sampung Aba Ginoong Maria.
Hindi mo kakayanin. Pramis.
May pakiramdam siya. Taliwas sa mukha niyang blangko pa sa identification part ng test paper mo o sa listahan ng mabubuting nagawa ng administrasyon sa taon na 'to.
May pakiramdam siya. Ulit-ulit, pero meron talaga.
Hindi lang halata pero grabe siya dumama. Sabay-sabay. Lahat nararamdaman niya sa loob ng isang rebolusyon ng pinakapayatot na kamay ng relo.
Bakit? Paano?
Stell: O, bakit ka tumigil?
Ken: Oo nga, Pau. Bakit mo tinigil? Gusto ko nang malaman 'yung bakit at paano, eh.
Maang-maangan pa ang dalawang bagong dating, eh sila rin naman ang may sala.
Bakit niya nga ba kinukumutan ng blangkong ekspresyon ng mukha ang talbugan ng mga emosyon sa damdamin niya?
Siguro dahil ayaw niyang magmukhang tanga.
At paano niya nga naman kasi ipipinta sa mukha (nang sabay-sabay) ang takot, pangamba, galit, galak, kilig at panggigigil sa dalawang bola ng enerhiya na gusto niya na lang itago habambuhay sa puso niya?
Stell: Sobrang cheesy naman niyan, mahal.
Ken: Langga 'yung sentence structure mo—
Pero minsan, ang dalawang bola ng enerhiyang 'yon ay gusto niya na lang din itapon sa malayo.
Stell: Gago ka, love. Nagalit tuloy.
Ken: Joke lang, 'ga. Edit mo na lang pag-uwi. Hehe.
Kaso kahit anong hagis niya sa dalawang 'yon, ay pilit pa rin silang tumatalbog pabalik sa kaniya. Sisiksik pa nga.
Gaya ngayon. Kung makasiksik akala mo mga molecules.
At sa mga segundong ito, mismo, nagpuputukan ang mga emosyong nabanggit bago sumingit ang dalawang makulit—
Ken: Putukan daw, love. Ahie.
Stell: Mamaya sa'kin 'yan.
—ang galak at kilig. Oo, marunong siyang kiligin. (Mamaya rin kayo sa'kin.) Pero nakikibida sa kilig ang takot, pangamba at galit.
Parang domino effect. Pag tinamaan ng kilig, tatamaan na rin ng ibang pang emosyon na nakikipila sa gilid. Sunod-sunod at halos sabay-sabay. Halos hindi masusundan ng mata ang tulin. Halos hindi mahimay ng isip kung ano ang unang pagtutuunan ng pansin.
Pero minsan, (mas madalas na rin yata) nauunang bumida sa kaniya ang galit.
Hindi naman galit na galit. Pabebeng galit lang. 'Yung tipong napapatanong siya sa sansinukob kung bakit isang Ken at isang Stell lang ang nabubuhay sa mundong ginagalawan niya. Bakit wala silang duplicate?
Ken: Eh? Kagalit-galit 'yun?
Stell: Shh.
Nakagagalit dahil sunod na tatamaan ng realisasyong 'yon ay ang takot at pangamba. Kung wala nang ibang sila, isa lang ang pagkakataong mayroon siya. Bawal pumalya. Ibig sabihin, kung mawawala sila'y 'di na mapapalitan pa. Di na mababalik. Touch move. Kataqt.
Siguro... ganito talaga kapag nakahanap na ng lubid na kakapitan habang nilalamon ng kumunoy. Matatakot kang waglitin nang walang abiso ang lubid na 'yon. Mangangamba.
Stell: Nangangamba~ Nangangamba ang 'yong puso—
Ken: Hindi ka sigurado~
Ken/Stell: 'Di ka sigurado~
Minsan natatakot siyang baka hindi kayanin ng mga lubid ang bigat niya. Baka mapigtas sila. O baka kunin ng iba.
Stell: Aysus, ambebe. Don't worry, 'pag napigtas 'yung lubid, kukuha kaming tow truck.
Ken: Oo nga. Kumunoy lang 'yan, langga. Ken at Stell kami. Hindi ka namin pababayaan.
Buti madali rin nilang napatitigil ang sunod-sunod na pagbisita ng mga emosyong hindi inimbita.
Speed, 'no?
Natutunaw nila kaagad ang takot at pangamba niya. Napatitigil ang pagtumba ng mga nakahilerang domino. O ang paghigop sa kaniya ng kumunoy na siya rin mismo ang may gawa.
Ken: Higupin kita, love.
Stell: Gusto ko 'yan, love.
Pero hindi pa talaga natatapos ang lahat. Mayroon pang panghuling emosyon na kasali sa riot. Ang—
Ken: Gigil.
Stell: Gigil.
—panggigigil.
*giggles*
Ken: Hindi tayo makalalakad nito bukas.
Stell: Buti na lang last performance na natin kanina.
Buti na lang may mahaba siyang pasensiya—
Ken: At alaga.
Stell: Hoy! HAHAHAHA!
—para pigilan ang sariling sakalin ang dalawa.
Ken: Kala mo talaga sadista.
Stell: Di niya nga kayang manampal 'pag gusto ko ng ano.
Ken: Sampalin kita ngayon.
Stell: Pau, oh. Si Suson mananakit.
Paulo: Tsk.
Ken: Wag ka nang maingay, baka 'di ituloy.
Bukod sa pagkakamali ng mga tao sa panghuhusgang wala siyang pakiramdam, hindi rin nila alam na minsan... siya 'yung tipo ng taong magsisindi ng kandila sa Simbahan kahit walang diyos na pinaniniwalaan. Wala lang. Sabi kasi nung batang nagtitinda, pambaon niya raw sa eskwela ang kikitain niya.
Stell: Hala mahal, nagoyo ka.
Ken: Pfft. Naiwan mo lang lighter mo, eh.
Oo, sa kandilang 'yon din siya sumindi ng tambutso niya sa bibig.
Stell: Bastos.
Ken: Minus points.
Stell: Pwede ka naman bumiling lighter.
Ken: O kaya nakisindi ka na lang sa ibang kandila. 'Di ka pa napagastos.
Stell: Isa ka pa, wala ka na ring puntos.
Ken: Pauutangin mo naman kami, 'di ba?
Stell: Kay Paulo ka manghingi. Baka quits naman puntos niya kasi tinulungan niya magkaroon ng pambaon 'yung bata.
Syempre biro lang. Mukha lang siyang gano'n, pero hindi 'yon ang ginawa niya.
Ken: Hala nagdasal yata.
Stell: Love, end of the world na.
Ken: Nag-wish ka ba, 'ga?
Stell: Dapat humiling ka ng winning numbers sa Lotto.
Ken: Sinama mo ba 'yung date? Baka 'yung resulta kahapon ibigay, eh.
Stell: Bakit pala parang ang layo ng tinalon ng sinusulat mo?
Ken: Huwag ka nang magreklamo sabi, baka 'di na naman ituloy.
Humiling siya.
Ken: Ow shet, ayan na.
Stell: House and lot.
Ken: Manalo sa Tutok to Win.
Stell: Nyebe on Spotify.
Ken: Ayaw mo kumunoy?
Stell: Nyebe nga sabi ko 'di ba?"
Na sana
Ken: Ayan na ulit, shh.
Na sana wala nang katapusan
Ken: Awit, gusto maging imortal.
Stell: Uwi na tayo, love. 'Di natin siya reach. Sensya ka na Pau, ah. Ito lang kasi kami—
Na sana panghabambuhay na silang tatlo.
Stell: Gagu love~ Pulutin mo 'ko love, I'm meltinggg.
Ken: Love, naging slime na ata ako. I'm sorry natunaw rin ako, loveee.
Ang pag-iibigan pagmamahalan The love
Stell: Nagki-cringe pa 'yan.
Ken: Nagpakilig na ayaw pa ituloy.
Na maging habambuhay na sa tabi niya ang dalawang nagpadama sa kaniya ng lahat. Saya, lungkot, galit, takot at higit sa lahat—
Stell: Libog.
Ken: Libog.
Paulo: Kanina pa kayong dalawa, ah. Patapusin niyo kaya ako?
Stell: Ayie, di natiis. Pinansin din kami~.
Ken: Huwag mo pansinin 'yan, ga. Tuloy mo na hehe.
At higit sa lahat, ang pagmamahal. Hindi niya alam kung ano ang pinagsusulat niya noon tungkol sa pagmamahal. Puro panghuhula lang. Tamang kopya lang sa description ng mga nobela, ng dialogue at monologue sa mga pelikula, ng lyrics sa mga kanta, minsan galing sa palitan ng chismis sa barkada. Pero hindi niya talaga alam ano ang pakiramdam no'n kung hindi pa dumating ang dalawa ngayon.
Hindi niya malalaman ang pakiramdam na lagi siyang may mauuwian.
Na ayos lang mapagod dahil sila ang kaniyang pahinga.
Na hindi niya kailangang magpigil ng iyak sa tabi nila, dahil alam nila kung paano siya mapatatahan.
Na hindi niya kailangang bitbitin mag-isa ang mga bagahe niya dahil alam niyang mas ikalulungkot ng dalawa kung hindi siya magpatutulong sa kanila.
Hindi niya malalaman ang lugar na pinakamagulo pero kahit ganoon, doon siya pinaka-kalmado.
Kung wala sila, hindi siya makararating dito. Hindi siya magiging buo.
Paulo: O, ano? Tapos na side comments niyo?
Stell: Bwisit ka, John Paulo. Magkakalat eyeliner ko nito.
Ken: I love you, Ga.
Paulo: I love you too. Stell, tama na 'yan. Tahan na, kakain na tayo.
Stell: Pagtapos mo magpa-iyak, hindi mo ko iko-comfort?
Ken: Pfft. Baby.
Paulo: Lika na, hug.
Stell: I love you, Pau.
Paulo: I love you, Stell.
Ken: Okay, inggit na ako. Payakap din~
