Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2021-10-02
Words:
7,380
Chapters:
1/1
Comments:
11
Kudos:
26
Bookmarks:
3
Hits:
520

Pagtago, Pag-ibig at Pangamba

Summary:

He? Has a crush on Kuroo? The Kuroo Tetsurou? Impossible.

Oikawa Tooru is hard as stone, and no matter how Kuroo teases him, he knows he would not be swayed. Well, those are just teases. It meant nothing… right?

Notes:

It's my first Filipino fic, tapos muntik pang Jumbo Hotdog title. Miss ko lang talaga OiKuroo.

Work Text:

    Awit.

    Kanina pa nakatayo si Tooru sa waiting shed, pero mukhang masyadong ni-literal ng waiting shed na ito ang pangalan. Mag-i-isang oras na siyang nakatayo, at wala pa rin siyang masakyang jeep—kahit taxi lang! Kulang na lang ay maglupasay na siya sa sahig at magmakaawa kahit sabit na lang.

    Pakiramdam niya ay pudpod na ang dila niya kapapa-tunog nito. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Kahit lagpas na siya ng rush hour, wala pa ring halos sasakyan kapag ganitong oras na rito.

    He let out a huge amount of deep breath to calm himself even more when his phone rang. He looked at it, and his brow raised when he saw it was his best friend. 

    "Nakasakay ka na?"

    "Haj!" he whined. "Pudpod na paa ko rito! Dapat talaga sinapak ko kahit isa lang si Yuuji para makabawi eh." Tinutukoy niya ang ka-grupong dahilan kung bakit ginabi siya sa library kanina. 

    He heard Hajime laugh at his misery, making him roll his eyes. "Deserve."

    "Ikaw na lang sasapakin ko," nakangiti ngunit agit na agit niyang tugon habang sinisilip ang daan. Kahit nasusuka siya sa aircon, papatulan niya na kahit aircon bus. 

    "Sabi kasi sa'yo bukas na. Mommy la would understand." Hajime sighed. "Anyway, huwag ka na magalit. Tumawag akong angkas."

    "Alam ko naman 'yon, kaso magtatampo si Takeru, wala akong pangsuyo sa kaniya ngayon," biro niya. "Buti pala naka-book ka? Anak ng kagang, kanina pa nagloloko mga 'yan sa'kin."

    "Bano ka kasi."

    Umirap si Tooru sa hangin matapos marinig ang sinabi ng kaibigan. Well, the truth was, he was actually thankful that Hajime called him kasi kung hindi, ay baka pumatol na talaga siya sa aircon bus at magkanda-suka sa loob. 

    Akmang magsasalita muli siya nang masilaw sa ilaw na nagmumula sa motor na unti-unting bumabagal patungo sa puwesto niya. Sa isiping iyon na ang angkas na tinutukoy ng kaibigan, ibinaba niya na ang tawag at nagfocus sa pag-aayos ng gamit na hindi niya naman dapat dala.

    “Saglit lang po, Ku—Kuroo?” 

    Laglag panga si Tooru nang makilala ang lalaki sa loob ng itim na helmet. Dumbfounded was an understatement as he watched Kuroo got off the motorbike with white helmet in his hand. Doon lang niya napagtuunan ng pansin na pamilyar pala ang motor na iyon.

    Hajime, pasampal.

    “Close your mouth, baka mapasukan ng langaw.” 

    Doon lang natauhan si Tooru. He cleared the lump in his throat, and stood straight, wearing a pokerface to pretend he was not affected with the oozing cockiness the man radiated. Alam niyang natural na ang angas sa mukha nito, pero naiinis pa rin siya sa epekto niyon.

    Pero seryoso ata ito ngayon.

    “What are you doing here?” mataray niyang tanong nang makabawi.

    Kuroo raised his left brow, and tilted his head. He paused from putting the helmet on Tooru as he answered, “Iwa.”

    “Tipid ah. Badtrip ka?” nang-aasar niyang dagdag habang iniyuyuko ang ulo para maisuot ni Kuroo nang maayos ang helmet sa kaniya. “I thought he called for Angkas? Angkas rider ka na pala Tetsu,” dagdag niyang muli. Bihira niya lang tawagin nang ganoon si Kuroo at tuwing nang-aasar lang siya kaya gusto niya nang tawanan ito sa mukha nang inirapan siya nito. 

    “Tss… buti nga tumawag si Iwa. Bakit kasi ganitong oras na nasa kalsada ka pa? Marami ka namang matatawagan,” supladong sagot nito at lumayo.

    Tooru crossed his arms, and let Kuroo do all the work. He watched as the wind blew his hair, and black jacket while riding the motorbike again. “Like what you said, anong oras na. Haj was willing, but he has readings, okay?"

    “Sakay na,” maikli nitong sabi na agad niyang sinunod. “Really? And you didn’t think of calling me?”

    Isa iyon sa dahilan kung bakit gusto niyang sampalin (affectionate) si Hajime. Hindi niya nga tinawagan si Kuroo dahil ayaw niyang maistorbo ito, tapos ito pa rin pala ang last resort niya. 

    “Ano ka Charlie Puth?” sabi na lang niya. 

    Tooru craned his neck, and positioned himself comfortably behind Kuroo. Hindi naman ito ang unang beses niyang makasakay sa motor ng lalaki kaya hindi siya nahirapan sa parteng iyon. 

    “Mas pogi ako sa kaniya.”

    Tooru rolled his eyes while stifling a smile. “Oh, edi bumalik ka. Sungit-sungit kanina—gold ka ba?”

    Hindi na napigilan ni Tooru ang sarili sa pagtawa nang marinig ang tawa ng kausap. Hinampas niya ang sikmura nito dahil ramdam masyado ang vibration dahil sa pagtawa. Alam niyang maingat magpaandar si Kuroo pero nakakatakot pa rin kapag umuuga. “Tigilan mo nga.”

    “Nga pala, bakit kasi ginabi ka? Hapon ka umuuwi diba?”

    Kahit malabo ang boses ni Kuroo dahil sa helmet at hangin, malinaw iyong naintindihan ni Tooru dahilan upang muntik na siyang magdabog. Mabuti’t naalala niyang nasa motor siya kaya hinigpitan niya na lang ang hawak sa beywang ni Kuroo upang ilabas ang inis.

    “Kung hindi ba naman kasi isa’t kalahating siraulo si Yuuji, edi sana maaga namin na-revise ‘yung papel ‘diba? Oh, kaso lasing, hindi nakapasok, maghapon pang tulog. Naku!” Halos lamutakin niya na ang jacket ni Kuroo. “Matalino ‘yan eh, his paper was correct, pero siyempre kailangan pa ring iayon ‘yon sa buong papel, ayon, stuck kaming dalawa hanggang alas-otso.”

    “Gusto mo sapakin ko? Ramdam na ramdam ko galit mo, hindi ako makahinga.”

    “Ay, sorry!” Um-echo sa hangin ang halakhak niya nang ma-realize ang ginagawa. Hindi na lang pala basta jacket ang napipitpit niya.

    Silence was never an option whenever they were with each other, however, if they found themselves in it; it would always be comfortable. It was not the silence that would make you think whether you said something wrong or not, nor the silence that would make you think of the things you’d been trying to avoid.

    It was the silence that would make you think of the moment. Tooru always loved this type of silence. The silence that made him appreciate the place he was in, the air he was inhaling, and the person he’s with.

    Tooru looked around, and despite the air hitting his face, he opened his helmet. Like what he was expecting, the cold breeze immediately hit his face, but he tried to open his eyes. Nang maramdamang bumibigat ang mata, isinandal niya ang ulo sa likod ni Kuroo.

    “No, hindi ako matutulog,” ani niya nang maramdamang bumagal ang pagpapatakbo ni Kuroo.

    “Bawal, hoy, laglag kita,” biro nito.

    Nangingiting umirap si Tooru. “Ikaw ihuhulog ko.’

    “Matagal na kaya.”

    Saglit na natahimik si Tooru nang hindi niya naintindihan ang tinuran ng lalaki. “What?”

    “Sabi ko ang cute mo, kaso bingi ka,” sigaw nito.

    Tooru’s face contorted with disgust as he laughed. “Yuck! That’s so 2016.”

    “Paki mo?” Tumawa ito. “Anyway, have you eaten?”

    “Ay, Tetsu niyo pa-fall.”

    “Sige, mamatay ka sa gutom.”

    Laughs enveloped the two of them, still, his head stayed on Kuroo’s back. “Pero to answer your question, yes nagkape na ‘ko.”

    “Sabi ko na bingi ka eh.” Ramdam ni Tooru ang pag-iling nito mula sa loob ng helmet na suot. “Kain muna tayo sa tabi-tabi. Bawal matulog nang gutom ang baby.”

    Dahil alam ni Tooru nang-aasar na naman ito, malakas niya muli itong pinalo sa sikmura. He heard a loud screech from Kuroo making him laugh. Making the loud beat of his heart drift away.

    “Susunduin na rin ba kita?” 

    "Hindi na siguro. Nagpasama rin sa'kin si Rintarou eh, so baka siya na lang sumundo sa akin sa Monday morning," sagot niya. 

    "Hmm… Rintarou," taas-kilay nitong sabi. 

    "Ano?" tanong ni Tooru matapos maalis ang helmet mula sa ulo.

    His head tilted when Kuroo did not say anything. Nanatili lang ang tingin niya sa ulo ni Tooru dahilan upang iwagayaway niya ang kamay sa mismong mukha ng lalaki. Mahina siyang natawa nang umatras ang mukha nito.

    "Wala." Umangat ang kamay ni Kuroo at inayos ang buhok niya na parang natural na sa kaniya iyon. "Ang gulo ng buhok mo, baby ka ba?"

    "Kapag sinabi mong ‘baby ko’ makakaisa ka,” biro niya at tinulungan si Kuroo sa pag-ayos ng sariling buhok.

    "Alam mo 'yan, Tooru-chan," sagot nito.

    "Bwisit ka!" Halakhak ni Tooru. Hindi na siya nanalo rito. "Nga pala, anong oras na oh. Babalik ka pang Makati?"

    "Sabi ko na crush mo 'ko eh."

    Muntik nang umirap si Tooru. He twisted his face, and mimicked Kuroo's cocky smile. "Alam mo 'yan, Tetsu-chan," he answered in a sing-song manner.

    Tooru glanced at the closed gate behind him before facing Kuroo again. The man was still leaning on his motorbike while having his helmet between his arms. The orange lamp post behind Tooru was directly hitting Kuroo's face, giving him liberty to see Kuroo's intense eyes, yet cocky smile. 

    "Dito ka na lang kaya muna matulog? Kilala ka naman ni Mommy la," offer niya.

    Kuroo squinted his eyes, probably to tease Tooru again, but his eyes landed on his wrist watch, making Tooru look at his too. “Eleven na, pero hindi na siguro. Baka kay Ate na lang muna ako ngayong gabi.”

    “Sure ka?” paniniguro niya. 

    He was really thankful Kuroo came, though. Kahit na ayaw niyang ito ang tawagan kanina.

    “Yes, boss.”

    Tooru shook his head as he rolled his eyes once again. Hindi niya na mabilang kung ilang beses na niyang naikot ang mata dahil sa kasama. 

    Matapos ang maikling paalamanan, pinanood niyang muling sumakay si Kuroo sa motor nito. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ni Tooru, inalis niya ang backpack at kinuha ang susi ng gate sa bulsa nito. Hindi niya na inaasahang may magbubukas para sa kaniya dahil anong oras na.

    Kung hindi siguro sila kumain pa ni Kuroo, baka maabutan pa niyang gising kahit ang Ate niya lang.

    Akmang i-iikot niya na ang susi nang bigla iyong bumukas dahilan upang ma-out balance siya. Kung hindi pa siya napakapit sa hamba ng gate, mukha niya ang unang mahuhulog sa semento.

    “Tanga naman, Tito.”

    Sinamaan niya ng tingin si Takeru na nasa hamba ng gate matapos kuhanin ang tyempong papasok si Tooru bago buksan nang malakas ang gate. 

    “Alam mo ikaw—wala kang pasalubong.” Irap niya.

    Umismid ang pamangkin, at binuksan nang mas malawak ang gate para sa kaniya. Walang salita nitong kinuha ang bag niyang nalaglag sa sahig at tumalikod bago nagsalita, “gabi na ah. Buti may nasakyan ka pa?”

    Napailing na lang si Tooru dahil sa asta ng batang pamangkin. Gusto niya pa sana itong asarin dahil lumalaki na pero ramdam na rin niya ang pagod sa sistema. “Hinatid ako ni Kuroo,” simpleng sagot niya.

    Tama ang hinala niyang tulog na ang mga tao sa bahay ng lola niya nang makitang patay na ang ilaw sa sala. Tanging maliit na ilaw na lang mula sa kusina ang nagsisilbing liwanag para makita pa nila ang dinaraanan.

    “Dilim na ah, ‘di ka na takot?” pang-aasar niya pa.

    “Kuya Tetsu? Sabagay.” Nagkibit balikat ito. “Sino kaya ‘yong kapag pinapatay ang ilaw, tumatakbo agad kasi takot?”

    “Close kayo? Close kayo?”

    “Palagi akong nililibre no’n eh.”

    Umirap sa hangin si Tooru, at dumiretso sa switch ng ilaw sa likod lang ng pinto. Agad siyang pabagsak na umupo sa sofa nang lumiwanag na nang tuluyan at itinuloy ang pakikipag-usap sa pamangkin. Kahit halos tatlong linggo lang siyang hindi nakauwi, pakiramdam niya ay marami na masyadong nangyari, at ayaw niya naman maging bulag doon.

    “Wala namang bago, pero mas dumadalas pag-uwi ni Mama nang gabi,” sagot ni Takeru na kagagaling lang ng kusina.

    “Thank—wait.”

    Ibinaba niya ang tubig na inabot ng pamangkin nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone mula sa bulsa. Saglit niyang inasahang si Kuroo iyon, ngunit agad niya rin namang sinagot nang makitang si Hajime ang tumatawag.

    “Yo! Kadarating ko lang halos,” bungad niya, isinandal ang sarili sa sofa.

    “I know. Kuroo told me,” sagot nito.

    Saglit na nagsalubong ang kilay ni Tooru. Alam naman pala niya, kaya—ah. Halos mapairap na naman sa hangin si Tooru nang ma-realize kung bakit tumawag ang kaibigan. Alam naman niyang madalas lang talaga itong look-out sa nangayari sa buhay niya kahit na madalas rin itong mambwisit. Ang kaso nga lang, ang madalas nitong punahin nitong mga nakaraang araw ay ang nararamdaman niya na wala naman talaga.

    Lumapag saglit ang tingin niya kay Takeru na tila nagtatakha sa ekspresyon ng tiyuhin na sinagot niya lang ng iling.

    “Alam mo Hajime, porket may laman na ‘yang inyo ni Koushi, dapat ay may laman na rin ang akin.” Natawa siya. “Wala nga akong crush kay Kuroo, ano ako, high school?”    

    “Wala naman akong binabangiit ah, ba’t ka defensive?” natatawa rin nitong balik.

    “Kabisado na kasi kita.”

    “Ewan ko sa’yo, Tooru. Hindi ko alam kung bulag ka ba, o manhid—o baka pareho.” Kahit sa tawag ay alam na niya kung anong ekspresyon ngayon ng kausap.

    Nagpatuloy pa ang usapan nilang iyon ng kaibigan na wala rin namang nangyayari. Hindi maintindihan ni Tooru kung bakit palagi nitong kinukumusta ang nararamdaman niya kay Kuroo, eh wala naman talaga. Magkaibigan sila, iyon na iyon.

    Kung hindi kasi isa’t kalahating malandi si Kuroo, edi sana walang issue.

    “Tooru-chan, here!” 

    Pigil na pigil si Tooru na padabog na ibagsak ang gamit sa lamesa. Halos dalawang oras lang ang naging tulog niya kanina, at kanina pa niya gustong-gustong ibato ang sarili sa kama. 

    Naipasa niya—perfect pa nga, pero at what cost?

    “Pagod?” 

    Kuroo’s voice rang inside Tooru’s head the moment he buried his face on the table. His voice wasn’t anything loud, it was as gentle as it always was whenever Tooru felt so burnout. The man knew him well not to do something that would just make his tears burst out of frustration.

    “Hmm.” His hum vibrated on the table.

    Hindi pa ganoon karamdam ni Tooru ang pahinga nang maramdaman niya ang kamay ni Kuroo sa ulo. He knew the man was behind him, but he did not do anything kasi masarap naman talaga magmasahe si Kuroo.

    “Will you do something after class?” mahina nitong tanong, malamyos ang kamay sa paghaplos kay Tooru.

    Tooru slowly shook his head as an answer. Wala na siyang energy.

    “Sige na, tulog ka muna. Gisingin kita after 20, 2:30 pa next class mo, right?”

    Just like what Kuroo promised, he really did wake Tooru up after twenty minutes. Kahit medyo groggy pa, magaan na ang ulo niya dahil sa nakuhang tulog, at sa masahe ni Kuroo. He was actively participating in class as he should, but he was fine. Hindi katulad kanina na hindi siya makapag-concentrate dahil sa sakit ng ulo.

    Nang matapos ang klase, hindi inaasahan ni Tooru na makita si Kuroo sa labas ng kwarto. The man was sporting a plain white shirt inside a black leather jacket na nakapagpangiti kay Tooru. Iyon ang regalo niya noong birthday nito dahil nagmo-motor ito.

    But first things first. “What are you doing here?”

    Kuroo looked up from his phone, meeting his gaze. A small mile crept his lips while putting the phone in his pocket. “Hey.”

    Tumaas ang parehong kilay ni Tooru. “Ano kakong ginagawa mo rito?”

    “Date tayo.”

    Kung pwede lang umabot ang panga sa sahig, malamang ay literal nang nandoon ang panga niya sa biglaang pagbagsak ng salitang iyon mula sa kausap. He was preparing himself to shrug it off, and answer in a sassy way when he realized his blockmates must have heard Kuroo. 

    “Kaya pala good mood na si Tooru, may date pala after,” pang-aasar ni Kenji.

    Nakagat ni Tooru ang dila bago sinamaan ng tingin si Kuroo na may naglalarong ngiti sa labi. “Naniwala naman kayo? Epal lang ‘yan.” Hinarap niya ang lalaki. “At ikaw naman, tigilan ako ah, pagod ako.”

    “Ito na nga, aalisin na nga pagod eh.”

    “Aalisin naman pala Tooru eh.”

    “Koushi—alam mo, tara na lang,” pang-aaya, inirapan ang mga kaibigan bago umalis.

    Noong una, madalas pang nabibigla si Tooru dahil sa nunka-nunkang “date tayo” ni Kuroo, hanggang sa nasanay na siyang date talaga ang itawag sa hang out nilang dalawa na madalas mangyari after ng madudugo nilang gawain. Wala naman kasing ilangang nagaganap dahil magaling ang dila ni Kuroo, kaya siyang sabayan sa kahit ano.

    Minsan lang ay nakaiinis dahil hindi siya nanalo.

    “Ano? Nakatulog ka na?”

    Tooru blinked a few imes when he heard Hajime from the other line. He completely forgot na kausap pa nga pala niya ang kaibigan. Masyado niyang naalala si Kuroo na kasalanan din naman ng kausap.

    “Hindi pa, though, pagod na ‘ko, Haj,” he whined. “Tulog na me.”

    Nang maputol ang pag-uusap nilang magkaibigan, doon lang niya napansing nakatulog na ang pamangkin sa sofa. Tiningnan niyang muli ang relo sa pulso at nakitan halos alas-dos na nang madaling araw. Tumayo siya at dumiretso sa puwesto ng pamangkin. Naramdaman niya ang pagkabanat ng balat nang buhatin niya ito.

   “Grabe, lumalaki ka na,” bulong niya sa sarili.

    Nang maiakyat niya na ito sa kwarto, agad siyang mulang bumaba at akmang kukuhanin ang naiwang bag sa hagdan nang maalala niya na naman ang napag-usapan nila ni Hajime.

    “Hindi ganiyan, Ru—wait, let me.” Kuroo went beside him, and stirred the flour properly on the pan.

    He knew making pulvoron was easy, but he was quite bad at looking whether the thing was already burnt or not, mabuti na lang ay nandiyan si Kuroo. He could feel the man’s presence all while just mixing the flour, and the powdered milk. He backed away slightly when he felt he could not breathe.

    “Oh, sorry. Did I make you uncomfortable?” Kuroo asked when he also noticed they were close.

    Too close.

    Umiling si Tooru. “Not really. M—mainit lang,” he said.

    Muli, ipinikit ni Tooru ang mata nang tumalikod para lumanghap ng hangin. 

    Nagpatuloy ang pag-andar ng utak niya nang madaling-araw na iyon hanggang namalayan na lang niya ang sariling nakatulog na sa sofa.

    Nagising si Tooru nang tumama ang sikat ng araw sa mata niya. Nang idilat niya ang mata, naabutan niya ang lola na binubuksan ang kurtina sa tapat ng sofa na kinatulugan niya. He could feel the way his muscles hurt dahil sa pagtulog nang nakaupo.

    “Mommy la, good morning,” he greeted, voice still hoarse.

    “Bakit diyan ka natulog? May problema ba sa kwarto mo?”

    Nag-iinat na tumayo si Tooru, at nilapitan ang matandang nakasuot ng pulang daster, may hawak itong walis sa kabilang kamay. Iyon ang naging hobby ng lola niya matapos nitong magretire sa trabaho. “Wala po, nakalimutan ko lang umakyat.”

    “Sakit sa katawan, ano?” Tumango ito, mahinang natawa. “Osiya, kumain ka na ro’n, may dalang pandesal si Tetsurou.”

    “Sige po—ha!?” gulantang niyang tanong nang mai-proseso ang sinabi. Ano raw!?

    His grandmother gave him a deadpan look, her lips pointing the dining area behind him. “Si Tetsurou kako, may dalang pandesal. Tulog ka pa bang bata ka?”

    Umiling siya. “Hindi po, pero, kanina pa ba siya rito?”

    “Oo. Nakita ka nga sa puwesto mo kaya gusto ko sanang iakyat na lang, kaso sabi niya baka magising ka eh hirap ka pa namang makatulog ulit kapag nagising na,” sagot nito, ipinagpatuloy ang pagwawalis.

    Tooru did not know what to react. His mind started to wander again, not until his eyes landed on the television in front of him causing his eyes to widen. Magulo ang buhok niya, medyo gulanit din ang damit. Medyo bloated ang pisngi, at namumula pa. Para sa kaniya, hindi kaaya-aya ang hitsura overall.

    Alam naman niyang ilang beses na siyang nakita ni Kuroo sa ganitong ayos, pero kasi—ah basta! Ano nga bang paki niya kung nakita siya ng lalaking iyon na ganito? Wala siyang paki dapat.

    Bumuga siya nang marahas na hangin nang marinig na naman ang boses ni Hajime sa utak niya. Daig pa nito ang demonyo na bumubulong kung anong dapat niyang gawin sa araw na iyon. 

    “May panis na laway ka pa.”

    Tooru’s heart started to beat erratically as soon as he heard Kuroo. It took him almost a minute to process what the man said, before he could scowl and say something, “good morning din sa’yo.”

    Humalakhak si Kuroo. “Date tayo, Tooru-chan.”

    “Busy ako,” sagot niya.

    Akmang kukuhanin niya na ang pandesal sa ibabaw ng lamesa nang maramdaman ang kamay ni Kuroo sa kaniya. Tila sinapian ng kung ano si Tooru dahil agad niyang hinaklit ang kamay dahilan para bumalot ang katahimikan sa paligid. 

    “Ah, sorry. Tulog pa ata ako,” tugon niya nang makabawi.

    Hindi niya tinitingnan ang katabi at umamba ulit na kukuhanin ang pandesal nang magsalita na ito.

    “Huwag ‘yan. You don’t eat malunggay pandesal, right?” Umalis ito sa puwesto at nang bumalik ay may bitbit nang panibagong brown paper bag. “Ito sa’yo. Dinagdagan ko lang ‘yang nandiyan para kay Takeru.”

    Tumango si Tooru. “Thanks. May kailangan ka ‘no?” biro niya sa kabila ng bilis ng kabog ng dibdib. “Ay, wait nga, maghilamos lang ako. Kahiya naman sa’yo, mukhang pinaligo mo na naman pabango mo.”

    Ngumisi si Kuroo. “Edi mabango pala ako?”

    Tooru scrunched his nose jokingly. “Sakit sa ilong.”

    Once again, Tooru heard the man’s laugh resonating in the house. He almost backed away when he realized Kuroo always does this kaya naman pinigilan niya ang sarili. Hinayaan niyang guluhin ni Kuroo ang magulo niya nang buhok, at nagpanggap na lang na naiinis.

    “Cute mo.”

    Kahit wala namang usapan, namalayan na lang niya ang sarili kasama si Kuroo. Ang usapan ay bibili lang ng pangregalo sa kapatid nito, kaya bakit nandito sila ngayon sa loob ng sinehan?

    Ang sagot: syempre spoiled si Tooru kay Kuroo.

   They had always mock each other, it's their 'love' language, kaya nao-overlook ang ibang ginagawa nila sa isa't isa. O baka sa pagitan lang nila iyon.

   “Nabudol mo na naman ako,” reklamo ni Kuroo nang makalabas sila sa sinehan.

    Inilabas lang ni Tooru ang dila, nang-aasar. 

    Nakanguso, at tahimik siyang naglalakad sa tabi ni Kuroo habang namimili ito sa mga backpack na nakasalansan sa harap nilang dalawa. Ito naman kasi talaga ang ipinunta nila rito, malay ba niyang ito pala ang magiging huling agenda nila dahil kung saan-saan pa sila nagpunta.

    “Naunahan pa nating bilhan ng pasalubong si Takeru,” natatawang pansin ni Kuroo.

    Iniangat ni Tooru ang paperbag na naglalaman ng popcorn na pasalubong nila sa pamangkin niya at pabirong inirapan ang binata. “Oo, kaya favorite ka no’n eh,” kunwaring nagtatampo niyang sagot.

    Mula sa pagtingin sa purple bag sa harap nila, iniangat ni Kuroo ang ulo at nakangisi siyang tiningnan. “Ayos lang ‘yan, ikaw naman favorite ko.”

    “Ang pangit ng banat mo!” Isinampal niya sa mukha nito ang paperbag. “Ayan, kaya hindi ako tinitigilan nila Hajime eh.”

    “Huh?” Inalis ni Kuroo ang paperbag sa mukha. “May sinabi si Iwa sa’yo? Ano?”

    Nalukot ang noo ni Tooru sa biglang pagka-work up ng lalaki. Bigla na lang din kasi nitong binitawan ang bag at tuluyan siyang hinarap dahilan upang mapaatras siya at muntik pang bumangga sa upuan ng mall. “Kapag ako nakabasag dito ah, ikaw magbabayad.” Umirap siya. “Tsaka wala ‘yon, palagi lang silang gano’n. Palaging pinararating na crush daw kita.” Umarte siyang sumusuka para itago ang bilis ng tibok ng puso.

    “Nakakasakit ka na ah,” pabiro nitong pinitik ang noo niya.

    “Hindi kasi!” Tumawa siya. “Like, can you really imagine? Ang higit pa ro’n, pinararating nilang may gusto ka raw sa’kin. Ih!” He shuddered.

    Malayo ang tingin niya habang sinsabi iyon, nakatutok sa mga bag at kunwaring nag-iisip ng suggestion. Inaasahan niyang muli siyang pipitikin ng lalaki, o magsalita, o kahit humalakhak lang at sumang-ayon sa kaniya pero walang nangyari. Sa katahimikan nito, taas-kilay niya itong nilingon at naabutan ang binata na nakatitig lang sa kaniya sa hindi maipaliwanag na ekspresyon. May maliit itong ngiti sa labi, ngunit seryos—hindi, malambot… malamyos ang mata nito.

    Hindi niya maintindihan.

    “Ano? Huwag mo sabihing totoo ’yon?” natatawa niyang bawi upang mawala ang awkward tension sa pagitan nila.

    “Pa’no kung totoo?”

    Nanlaki ang mata ni Tooru. Hindi niya alam kung anong sasabihin, at mararamdaman pero ramdam niya ang pag-init ng buong mukha. Miski ang bilis ng tibok ng puso niya ay lumalakas at kinatatakutan na lang niyang marinig siya ng kaharap. 

    Kuroo tilted his head, and leaned down a bit, making their eyes meet. “What if Iwa’s right? What would you do?” he whispered.

    Tooru could feel his eyes hurting with the way it widened even more. Kulang na lang ay bumaliktad siya ngayong grabe na ang inatras niya. “Kuroo—”

    Kung kanina ay hindi alam ni Tooru ang mararamdaman, ngayon ay ramdam niya na ang galit at inis nang biglang umayos ng tayo si Kuroo. Nag-e-echo ang tawa nito at hindi na siya magtatakha kung bigla silang mapaalis dahil sa ingay.

    “Joke lang, Oikawa! Tupiin pa kita sa walo eh.” At sinundan ng nakaiinis niyang tawa. “You should’ve seen your face. Dapat pala nagpicture ako!”

    Tahimik na ikinuyom ni Tooru ang kamao, at humugot ng malalim na hininga. Oo, iyon ang gusto niyang makuhang sagot, pero bakit disappointed siya? Bakit gusto niyang sapakin si Kuroo ngayon? Bakit imbis na kumalma, lalo lang bumilis ang tibok ng puso niya?

    Tooru gulped, and faced the laughing man with a forced smile. “Oo nga!” He chuckled, and turned his back. “Nga pala, I saw a red backpack there. Favorite ni Ate red diba?”

    Hindi niya na hinintay na makasagot si Kuroo at agad na lang na tumalikod upang puntahan ang bag na sinasabi. Nagpapasalamat siyang gumana ang pagmemeke niyang paghahanap kanina. 

    All he could see was red, galit siya, lalo na ngayong naririnig pa rin niya ang halakhak ni Kuroo sa isip niya. Alam niyang palagi namang nang-aasar nang ganoon ang lalaki, pero hindi niya maintindihan kung bakit tingin niya’y below the belt ang kanina.

    Hanggang sa makalabas silang dalawa ng mall, hawak ni Kuroo lahat ng pinamili dahil sa sobrang tulala niya kanina ay muntik pa niyang maiwan ang pasalubong kay Takeru, tahimik pa rin siya at tumatango lang sa kahit anong sinasabi ng kasama.

    “Oikawa!”

    Nanlaki ang mata ni Tooru nang hilahin ni Kuroo ang pulso niya. Akmang hahatakin niya ito pabalik nang diininan nito ang pagkakakapit sa kaniya.

    “Oikawa, ano ba?” tanong nito. Ni hindi maringgan ng inis ang boses. “Anong problema? Masama ba pakiramdam mo? Kanina ka pa tulala, muntik ka pang masagasaan ngayon.”

    Paulit-ulit siyang umiling. “Wala, wala. Nahilo lang ako saglit.”

    “Did I overstep earlier? Foul ba?” malamyos nitong tanong, dahan-dahang iniikot at pumuporma ng bilog sa pulso niya ang mga daliri nito. “Sorry na.”

    “Hindi ah! Nahilo lang talaga ako,” pamimilit nya.

    “Sa’kin ka pa ba magtatago? Tara na lang, alisin natin inis mo.”

    “K—Kuroo, teka! Magsasara na ‘to!”

    “Ako bahala sa’yo,” sagot lang nito at pabirong kumindat.

    Hindi inaasahan ni Tooru na sa arcade siya nito dadalhin. Pagkarating nila roon ay marami pa ring tao dahilan upang tingnan niya ang oras. Dalawang oras na lang bago magsara ang mall.

    “Anong gagawin natin dito?” matamlay pa rin niyang tanong.

    “Kakain tayo,” walang kwenta nitong sagot.

    “Okay.”

    Nalaglag ang pang ni Kuroo. 

    Kung hindi inaasahan ni Tooru na dadalhin siya ng kasama sa arcade, mas hindi niya inaasahang dadalhin siya nito sa karaoke section. Hindi bale sana kung sa loob ng kwarto, pero hindi! Hindi sapat sa kapal ng mukha nito ang pagtatago, kaya sa may mini-stage talaga siya nito dinala.

    “Wala ako sa mood, Kuroo.”

    “Sino ba may sabing kakanta ka? Baka hindi tayo makauwi kapag gano’n.”

    Umirap lang siya. Bahala na itong mapahiya.

    “Now, sit there, and watch and learn from Master Tetsu,” huling sabi nito bago tumalikod. “Boss!”

    Wala pa man ay gusto nangtakpan ni Tooru ang mukha sa kahihiyan. Alam naman niyang gwapo ang kasama dahilan upang humakot pa ito ng audience.

    “Tooru, sorry na,” sambit nito sa mikropono.

    Sasakmalin kita pagkatapos nito, Kuroo.

    Magaan ba ang ‘yong paghinga

    Bumalik ka na sa’kin

   Klaro na ba ang isip sinta

    Bumalik ka na sa’kin

 

    Swabe ang boses ni Kuroo. Magaspang, at parang paos dahilan upang mahugot ni Tooru ang hininga. Maganda ang boses ng kasama, at hindi nakakasawa.

 

    Silent Sanctuary mahal ko kayo, pero si Kuroo-

 

    Kung pwede lang talaga siyang tumakbo, kanina pa niya ginawa. 

    

    Sige na please, ‘wag nang mainis

    Bumalik ka na sa’kin

    Sorry mahal, ika’y nasaktan

    Bumalik ka na sa’kin

 

    Hindi na kinakaya ni Tooru maging ang panunukso ng mga tao sa paligid nila. Masyadong maingay, pero ang atensyon niya ay sa taong kulang na lang ay mag-macho dance pa. Nang iniangat niya ang tingin sa lalaki, kita niya ang paglawak ng ngisi nito kasabay ng pag-ikot ng mata ni Tooru, kagat ang pisngi upang mapigilan ang pag-ngiti.

   Alam naman niyang natural charmer ang kasama, sa asta pa lang nito ay hindi malabong may magkagusto rito. Hindi lang niya inaasahan ang pakikisimpatya ng mga tao to the point na hinihling na ng mga itong ‘bumalik’ siya sa kaniya.

    Kuroo, parang tanga.

    “Ay hindi effective?” Kuroo suddenly asked, looking straight at Tooru. “Wait, Boss tuloy natin next song.”

    Nang marinig ang pamilyar na beat, gusto na lang ni Tooru na magpalamon sa lupa. Kumuyom ang kamao niya, at doon niya inilagay lahat ng tawa kahit na gusto niya nang humalakhak.

    Sumabay ka lang

    ‘Wag kang mahihiya

    Sige subukan mo 

    Baka may mapala

 

    Halos sumabay si Tooru sa halakhakan ng mga tao sa paligid nang magflex ito ng muscle.

 

    Jumbo hotdog 

Kaya mo ba ‘to?

 

    Hindi kami bato

    Para magpatalo

 

    Habang hindi nakatingin sa kaniya si Kuroo, pinagmasdan niya ito. Tila nawala lahat ng hiya sa katawan niya habang nakatitig sa taong halatang enjoy na enjoy sa ginagawa. Nakikipagsayawan pa ito nang pabiro sa maskuladong lalaki sa likod. Akmang ibaba niya ang tingin nang biglang lumingon sa kaniya si Kuroo. Kasabay ng muling pag-entra ng ‘jumbo hotdog’ nito ay ang pagbagal ng sigaw ng mga tao sa paligin ni Tooru. Pakiramdam niya ay huminto ang lahat bukod sa ‘jumbo hotdog’ ni Kuroo habang nanatili ang mata nila sa isa’t isa.

    Nang matapos ang kanta, at pumaibabaw ang palakpak, hiyawan, at tawanan ng mga tao, doon lang siya nagising. Hindi niya na napigilan ang sarili, at tuluyan nang nakalimutan kung bakit nga ba nangyari ang mga ito. Hinayaan niya ang sariling tumawa at pinilit na tumayo.

    “Tama na ‘yan!” sambit niya sa pagitan ng tawa. “Nakakahiya ka,” biro niya.

    “Okay, success,” usal nito, at ginulo ang buhok niya. “Sorry ulit.”

    Napailing si Tooru. “Hindi naman ako galit—fine, inis nang slight. Pero hindi mo naman kailangan gawin ‘yon!” Muli siyang natawa nang maalala ang hip thrust ng lalaki kanina. “Gising pa mga bata!”

    “Now that you’ve mentioned it, nakakahiya nga,” bulong nito.

    “‘Di wala, nagawa mo na,” panloloko niya pa.

    Lalong lumakas ang tawa niya nang makitang binalot ng pamumula ang mukha ni Kuroo. Walang sabi itong yumuko, at sinubsob ang mukha sa leeg niya. Ramdam niya ang natatawa nitong paghinga pero wala siyang lakas upang itulak dahil natatawa rin siya.

    “Tara na nga! Abutan pa tayo ng closing!” Mahina niyang tinulak ang noo nito palayo, at hinila ang kamay.

    Kinabukasan ay namalayan na lang ni Tooru ang sarili sa loob ng mall na pinanggalingan niya lang kahapon. Bahagya kasing napaaga ang pagpapasama ni Rintarou sa kaniya, at imbis na bukas, ngayon natuloy ang lakad nila.

    "Sikat na si Kuroo, tanga!" Halakhak ni Rintarou.

     Imbis na humalakhak pabalik, naalala lang ni Tooru ang nangyari. He could fee himself smiling fondly as he remembered the smiles Kuroo had while dancing with the other people last night. Parang sobrang komportable, at totoong nag-e-enjoy ito sa ginagawa.

    Ang saya panoorin.

    "What are you smiling at?" taas kilay nitong tanong.

    Tooru’s smile dropped as soon as he heard that. Iniwas niya ng tingin sa kasama, at tumikhim. “Nothing.”

    “Nothing,” Rintarou mocked, typing something on his phone.

    “What are we trying to find ba? Kanina pa tayo paikot-ikot, medyo gutom na ako,” pag-iiwas niya ng usapan.

    Kung gaano ka-pushy (not in an uncomfortable way, naiintindihan niya naman kasing ch-in-check lang siya) si Hajime, ganoon din si Rintarou kaya as much as possible, kapag alam niyang mapupunta na sa feelings niya ang usapan, nililihis niya na.

    Sobrang imposible kasi—oo mabait si Kuroo, sweet minsa, ka-vibe niya, pero basta.

    Ayaw niya.

    Kuroo was one of his best pals, and he could not afford to lose someone like him. Saan ka ba kasi makahahanap ng halos kaugali, at the same time ay hindi? Sobrang sakto ng timpla nila, at natatakot siyang tumabang iyon.

    “About sa kasikatan,” Rintarou snorted. “ni Kuroo. Does he know?”

    Tooru shrugged, holding a Psychology book in his hand. “I don’t know. Hindi pa siya sumasagot mula kaninang umaga eh.”

     “Ah.” RIntarou nodded. “Anyway, kuwentuhan mo naman ko.”

    “Tunog chismosa, Rintarou,” natatawang sagot niya.

    Alam naman niya kung anong pinatutungkulan ng kasama pero hihintayin na lang niya itong magtanong. Baka ma-overshare na naman siya, at kung anong issue ang lumabas.

   “Ano bang nangyari kahapon, at nagjumbo hotdog ‘yang not jowa mo?” 

    Muli, umirap si Tooru. Inumpisahan niya ang kuwento mula sa pagsasabi niya nang pinararating ni Hajime na may gusto sila sa isa’t isa. Katulad ng inaasahan, nag-overshare na naman siya dahil maging ang naramdaman niyang pnahong iyon ay nai-kuwento rin. Huli na nang mapagtanto niya ang mga sinasabi dahil puno na ng pang-aasar ang mata ng kausap.

    “Iwa’s right,” Rintarou commented when he stopped himself.

     “What do you mean?”

    “You really do have those expressions when you talk about Kuroo.” Rintarou raised his brow. "Flustered. Palagi. Puro sparks pa ang mata."

    “Imagination niyo lang ‘yon.”

     Nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad hanggang makarating sila counter. Patuloy pa rin si Rintarou sa sinasabi habang tahimik lang na nakikinig sa kaniya si Tooru. 

    “But really, Tooru, we’re not pushing you to like Kuroo ha? Hindi rin naman kasi namin alam ang nararamdaman mo completely kaya wala kami sa posisyon. It’s just that, it’s fine to fall, Tooru. Lalo na kung may handa namang sumalo sa’yo,” Rintarou paused. “There’s nothing to be afraid of.”

    Muntik nang huminto si Tooru sa paglalakad dahil sa tinurang iyon ni RIntarou. Yes, these two were the most persistent to make him ‘realize’ what he did not know about himself, and Kuroo, but they never gavepep talk as this. Madalas silang mang-asar o magtanong, pero hindi nila sinusubukang i-address ang kung ano mang issue ni Tooru as a sign of respect.

    Pero ngayon… maybe… just maybe. Tooru could say that Rintarou was right. Maybe, he really was afraid. Worried, even.

    Like what he said, he could not afford to lose Kuroo.

    “Pero kasi Rin, feeling ko wala naman masyadong basis.” He sighed. “Okay, Kuroo’s really a sight to see, and he really is sweet too kahit na masarap siyang sapakin minsan. Yes, he’s always keeping up with me. Palagi niya pa akong inaalagaan. He would even sacrifice his free time para lang samahan akong magbreakdown sa library. Close na rin siya kay Mommy la to the point na halos siya na gawing delivery boy niya ng pandesal. Parang tanga rin kasi ang hilig manuyo kapag nagtatampo ako kahit hindi naman sa kaniya.” He glanced at the man staring at him with parted lips. “RIntarou, I don’t—”

    “Oh my God, Tooru.” Rintarou facepalmed. “You’re hopeless!”

    “Ano!?” naiinis na paratang ni Tooru.

    Pinandilatan siya ng mata ng kaibigan. “Repeat everything you said over and over again in your mind, and tell me it is impossible for you to fall for Kuroo! Pakiramdam ko mauubos bangs ko sa’yo kahit wala ako no'n!” Tumalikod ito. “Isipin mo, babe, hindi ka tanga.”

   Lumalim ang gitla sa noo n Tooru habang pinanonood na lumayo nang bahagya nag kaibigan. Pero, para lang mapalagay ito, ginawa niya ang sinabi. Paulit-ulit niyang ni-replay sa utak lahat ng ginawa ni Kuroo para sa kaniya.

    Kuroo Tetsurou was a friend anyone could ask for. Like what he said to RIintarou, he was always there, kahit na masarap talaga siyang sapakin. Magkaugali kasi sila, at parehong ayaw magpatalo. However, come to think of it, never ilang nagkaroon ng major na away. Palaging asaran ang nangyayari, at sa tuwing napipikon si Tooru (he still refused to believe he’s pikon), palaging kumikilos si Kuroo. Katulad na lang kahapon.

    “Pa’no kung totoo?”

    Nanlaki ang mata ni Tooru nang makita ang sarili sa harap ni Kuroo a itinatanong iyon. He could see the man’s intense gaze, and could almost feel the way it pierced his skin habang sinusubukan niyang iwasan ang tingin nito.

    Tooru’s fist clenched when realization hit him. His eyes suddenly wander to find Rintarou only to see the man already outside the store, sipping his milk tea. He almost told the man right away when a new, no, not new. It’d always been there, but he was too dumb to notice.

     Nilapitan niya ang kaibigan. “Rin, what if.. hindi ‘to totoo?”

   Nalaglag ang panga ni Rintarou. “Anong hindi totoo? Panaginip ‘to?” He folded the sleeves of his black shirt until his shoulder, letting his arms breath. “Sabihin mo lang kung papagising ka, ready na ‘to.”

    Tooru clicked his tongue, and slapped his arms. “Tanga.” He looked away. “Hindi kasi. What if, nasanay lang ‘tong utak ko sa ipinakikita ni Kuroo to the point na na-mistook niya as this? It’s a chemical reaction lang naman after all diba?”

     When his friend heard that, he let loose his sleeves again and facd Tooru seriously. “Okay, I understand where you’re coming from.” He nodded. “Pero pagdating diyan, ikaw na lang mismo ang makasasagot.”

    Right after he said that, Tooru felt almost everything fell on him. Hindi siya natutuwa sa kung ano mang na-realize niya sa sarili, pero mas lalo siyang nanlumo dahil sa naisip. What if ganoon nga? What of them? Maybe, it would be better not to tell Kuroo kasi hindi rin naman siya sigurado sa nararamdaman nito.

    Tama—

    “Oh, by the way. Isipin mo na lang si Kuroo na hindi na ginagawa ang mga ginagawa niya ngayon sa’yo kasi may jowa na siya. You know,” Rintarou smirked. “Respect.”

    “Edi good for him,” bitter niyang sabi.

    “Really?” Rintarou glanced at his phone. “What if I told you na aalis siya? Na alam ko talaga kung anong nangyari kahapon, and your reaction was supposed to be his sign whether to leave or not?”

    Doon nagimbal ang pagkatao ni Tooru. Nanlalaki ang mata niyang tiningnan si Rintarou na nakapamulsa lang sa harap niya, hawak ang cellphone. Everything Kuroo did for him seemed to come back in an instant, and everything he felt suddenly felt so right, no matter how wrong he made it to be.

    “Wala—wala naman siyang sinabi kahapon…”

    “Tingin mo talaga sasabihin niya sa’yo, eh sign ka nga.” Rintaou chuckled mercilessly. “Kaya nga hindi nagre-reply sa’yo kanina pa eh.”

    “Bakit hindi mo sinabi agad!?”

    Handang-handa na siyang takbuhan si Rintarou, at akma siyang tatalikod na nang hawakan ng kaibigan ang braso. “Alas-dos pa ang flight niya. Gusto mo sumunod?” 

    “Ano? Tapos magpapaalamanan kami sa airport just like in movies?” Hinaklit niya ang braso. “Edi huwag na lang. Tutal hindi niya naman sinabi sa akin kahapon ang plano niya, edi ibig sabihin lang no’n ayaw niyang magpaalam.”

    Tooru felt his eyes sting, but he did not mind. He wanted to get mad at Kuroo for not telling him anything—even as friends. Hindi naman siya naghahangad ng iba eh. Kung hindi niya naman na-realize iyon ngayong araw, edi sana hindi ganito kasakit.

    Baka pagsapak lang kay Kuroo ang nasa isip niya ngayon.

    “My God, Tooru—mamamatay ka ba kapag binabaan mo ang pride mo for once? Fine, whether you like it ot not, sasama ka sa’kin.”

    Bago pa man siya makaangal, naramdaman niya na ang muling paghila ni Rintarou sa braso niya. Hindi pa man nagp-proseso ang nangyayari sa utak niya nang may humintong pamilyar na itim na sasakyan.

    “Nice timing,” Rintarou commented, pushing Tooru on the backseat.

    “Hajime!?”

    Hajime just grinned. “About time.”

    “Wala naman kayong mapapala rito, ano ba!”

    “Itatali kita, Tooru, huwag kang malikot.” Rintarou pushed him gently. "Sa'n pala si Koush, Iwa? Siya nakaisip nito ah."

    "Busy eh. Picture-an mo na lang daw si Tooru," sagot nito, ang paningin ay nanatili sa daan.

    “This is kidnapping!”

    “OA mo—huwag kang magt-thank you mamaya ah.”

    Nagpatuloy lang nang ganoon ang usapan nilang tatlo. Si Tooru na nagpupumilit kumawala, si Rintarou na naririndi at may hawak nang busal na hindi niya alam kung saan nito nakuha, at si Hajime na natatawa kahit gusto nang batukan si Tooru.

    “We’re here,” Rintarou announced.

    Sumimangot si Tooru. “2:11 na, nakaalis na ‘yon.”

    “Sumunod ka na lang nga.”

    Imbis na magpumiglas pa, hinayaan na lang ni Tooru na hatakin siya ng dalawang kaibigan. Hindi nga niya alam kung saan na sila nakarating. Basta ay sumusunod na lang siya dahil ang isip niya ay puno ng what if at what could have been.

    What if he realized it sooner? What if he told Kuroo right away? What could have happened? Mag-iiwasan ba sila? Mawawalan ba siya ng kaibigan? What hindi niya na talaga sabihin? Hayaan na lang niya tutal, sigurado naman siyang nakaalis na iyon. Magm-move on na lang siy mag-isa rito.

    Mabigat ang paghinga ni Tooru na inilibot ang paningin sa airport. Katulad ng inaasahan, nakaalis—

    “Oikawa?”

    Oikawa’s eyes widened when he heard that voice behind him. Immediately, he looked back and saw the confused face of Kuroo wearing a white shirt with stripes line on the bottom. Tooru blinked rapidly. Completely not expecting to see the man he thought already left behind him.

    “Anong ginagawa mo pa rito?” Unang lumabas sa bibig niya, ngunit agad din siyng umiling. Binigyan siya ng pagkakataon na ‘to para sign siguro… hindi niya alam! “Gusto ata kita!” he suddenly blurted.

    Pinanood ni Tooru ang panlalaki ng mata ni Kuroo na hindi niya pinansin at agad na nagpatuloy. “Hindi ko alam kung kailan pa, or what, why, and hows. I just know… fine, I just realized I like you, and I don’t know the reason why you want to leave, pero sana friends pa rin tayo after this.” He bit his lowelr lip, looking down. Sakit ah. “P—pero maiintindihan ko kung ayaw mo. Sorry—"

    “Oikawa, what are you saying?”

    Tooru looked up only to see the smile creeping on Kuroo’s lips. He did not want to hope, so he immeadiately brushed the thought that entered his mind.

    “Now that I know you like me too, tingin mo hahayaan kong friends lang tayo?” nakangisi nitong tanong. “Sabi ko na crush mo talaga ako eh.”

    Ramdam na ni Tooru ang pagdikit ng kilay habang nakatitig sa lalaking may naglalarong ngiti sa labi. 

    “At anong aalis? Sinong aalis?”

    “Anong ginagawa mo rito kung hindi ka aalis?”

    Kuroo tlted his head in cofusion. “Huh? DId I forget to tell you? Kaya tayo bumili ng bag kahapon kasi ngayon ang alis ni Ate. Hinatid ko lang.”

    "Eh anong too? Anong rin?" Tooru asked, almost hysterical.

    "Hindi ba talaga halata?" Kuroo scratched his brow. "Gusto kita, matagal na."

    Paano niya naman mahahalata iyon kubg sa bawat banat nito, puro biro sa huli? Oo, sweet ito minsan, pero mas madalas silang nasa lalamunan ng isa't isa. 

    Imbis na sumagot, naalala niya ang sinabi nito tungkol sa kapatid.

    Nalaglag ang panga ni Tooru. Ramdam niya ang pag-init ng dugo niya na alam niyang dumiretso sa kaniyang mukha. Agad siyang tumalikod kay Kuroo upang harapin ang dalawang kaibigan pero hindi niya ito nakita.

    “Oh? Galit na naman ang baby?”

    “Tigilan mo ako. Nasaan ‘yong dalawa?”

    Humalakhak si Kuroo. Nangilabot si Tooru sa boses nito, ngunit mas lalong tumaas ang balahibo niya nang maramdaman ang paghila sa kaniya ng binata. Before he could even say anything, Kuroo was already locking him in his arms, inhaling all the scent from his hair.

   “Totoo ba ‘to?” bulong ni Kuroo.

    Lalong namula si Tooru. “Tigilan mo ako,” bulong niya pabalik.

    He could feel the vibration coming from Kuroo, and all he could do was close his eyes when he felt the man’s lips on top of his head. “Totoo nga.”

    Ilang minuto pa silang nagstay sa ganoong posisyon kung saaan dinig na dinig ni Tooru ang lakas ng kabog ng dibdib ni Kuroo. Tila gustong magpunyagi ng puso niya sa isiping para sa kaniya iyon. 

    Dahil sa kaniya iyon.

    Akmang hihigpitan niya ang kapit sa binata nang makarinig ng palakpak mula sa magkabilang gilid niya. Marahas niyang binuksan ang mata at naabutan ang dalawang kaibigan na walang emosyon ang mukha pero parehong pumapalakpak.

    Before he could leave Kuroo’s arms, he felt the man laugh. “Ako na kay Suna, ikaw kay Iwa,” bulong nito.

    Tooru locked eyes with Kuroo, and winked, giving each other some kind of understanding and an evil smile.