Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2021-10-22
Words:
1,591
Chapters:
1/1
Comments:
14
Kudos:
37
Bookmarks:
2
Hits:
329

Choco Butternut

Summary:

ang bilis ng mga pangyayari basta nagulat na lang si Mingyu may inaaway na si Jun ng dahil sa donut.

Notes:

hi po! it's been a while po, ano po 'no? ginawa ko ito dahil banas ako sa tc ko /hj. true to life ang banas sa prof dito emz. namiss ko magpost ditey ng works pero mas namiss ko gawan ang junhao ng ff. sensya na po lahat tayo nags-swerve ikaw sa bias me sa ship.

i would like to know din po kung may concerns kayo regarding sa ff ko. if i use wrong punctuations po ba or ano po. i'm willing to learn and i'm still learning pa naman po.

so, enjoy reading!!!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Ang tanging bagay na gusto na lang gawin ni Jun ngayon ay ang humimlay. Himlay na literal ha, hindi himlay na tegi. Sinasabi niya talaga kapag na tapos siya sa mga pinagawa ng magaling nilang prof ay isusumpa niya talaga ito nang bonggang-bongga.

 

 

Ilang beses na rin siyang nag-breakdown dahil sa dami nang ginagawa niya, halos hindi na siya magkandaugaga sa gagawin niya.

 

 

Minsan naisip niya na rin na what if mategi na lang siya ng literal. Pero eme lang niya 'yun dahil alam niyang hindi siya papayagan ni Lord na mategi nang hindi pa niya natatapos ang mga tinambak na gawain sa kanila.

 

 

 

"Jun, kain tayo sa labas. Mamaya mo na lang ituloy 'yan." pagyayaya ni Mingyu sa kanya na isa rin sa nagdudusa sa mga pinagawa ng kanilang bwakanangshit na prof.

 

 

 

"Sige na nga. Una ka na hintayin mo na lang ako sa labas, ayusin ko lang 'tong mga gamit ko." sabi naman ni Jun at tumayo na para ayusin ang mga gamit. Nasa library kasi silang dalawa. Ilang araw na rin silang nakatambay dito dahil maliban sa tahimik gumawa ng research dito, malamig din kasi naka-aircon.

 

 

 

 

 

"Saan ba tayo kakain?" tanong ni Jun habang hindi pa rin naaalis ang kunot sa kanyang noo habang naglalakad. Well, hindi niya talaga 'yan aalisin hangga't hindi siya natatapos sa mga pinagawa sa kanila.

 

 

 

"Sa 7-11, boss. Wala tayong budget."

 

 

 

"Ay libre mo ba?"

 

 

 

"Hindi 'no. Walang pera, magbabayad pa tayo ng upa sa apartment." sagot ni Mingyu.

 

 

 

Mas lalo namang kumunot ang noo niya dahil mas lalo siyang naiis-stress kapag naaalala niyang bayaran na naman ng upa.

 

 

Madami na namang bayarin na paparating para sa kanilang dalawa. Hindi pa sila nakakapag-grocery, at naghahanda rin sila sa ipangbabayad sa upa.

 

 

Sa totoo lang mag-iisang linggo na nilang sinisikmura ang mga meal sa 7-11 lalo na 'yung sisig. Hindi na sila magtataka sa kung anong sakit ang makuha nilang dalawa kakatipid sa sarili.

 

 

 

"Anong kakainin mo?" tanong ni Mingyu habang nakatayo silang dalawa sa estante ng mga 7-11 meal.

 

 

 

"Itong chicken curry na lang maiba naman sawang-sawa na ako sa sisig. Ikaw? Ano sayo?" sabi ni Jun habang ini-scan ang hawak na chicken curry.

 

 

 

"Beef caldereta tapos lasagna." nahihiyang sabi ni Mingyu pero wala na siyang pake. Ang importante ay pangdalawahang meal na ang kakainin niya ngayon.

 

 

 

"Ayan ang walang budget." natawang sabi ni Jun, napairap na lang si Mingyu sabay lakad papunta sa beverage section. Habang si Jun naman ay dumiretso sa stall ng Dunkin' Donut.

 

 

 

 

 

At ang mga susunod na pangyayari ay kagimbal-gimbal at kahiya-hiya sa side ni Mingyu.

 

 

 

"Excuse me? I'm the one who found this paper bag."

 

 

 

"Excuse me too, mister. Ako ang nagbukas ng glass ng stall na 'to, nauna ka lang kasi kinuha mo 'yung paper bag n'ung buksan ko 'to." sabi ni Jun sabay hatak n'ung paper bag na may lamang donut. Kaso matigas din 'tong isa kaya hindi niya binitawan 'yung paper bag.

 

 

 

"No, sir. Sa'kin 'to. So, can you please let go of your hand? Kasi babayaran ko na 'to." sabi n'ung lalaking kahatakan ni Jun sa paper bag.

 

 

 

Mas hinigpitan naman ni Jun ang hawak sa paper bag. Hindi siya papatalo 'no.

 

 

 

Walang umiimik sa kanila at bumibitaw sa paper bag. Sinasaway na rin ni Mingyu si Jun na bitawan 'yung paper bag at kumuha na lang ng ibang donut.

 

 

 

"Ayoko, Gyu. Ako unang nakakita nito, kaya matira matibay na lang." napayuko na lang si Mingyu sa hiya. Kung wala lang sila sa 7-11 baka nabigwasan na niya 'yung pinsan niya ngayon.

 

 

 

"Hey, Wonwoo. Stop being childish give it to him, nakakahiya na 'tong eksena na 'to." sabi n'ung lalaking kasama n'ung kaagawan ni Jun. Samantalang bigla namang nagningning ang mga mata ni Mingyu dahil sa nakita. Gagi papi.

 

 

 

Hindi naman 'to pinansin n'ung kaagawan ni Jun. Mas lalong pinandilatan at hinigpitan pa nito ang hawak sa paper bag. Sa totoo lang nahihiya na si Jun sa ganap nila pero donut 'to beh. Hindi niya 'to ibibigay sa iba.

 

 

Natigil lang ang pagpatay ni Jun sa lalaking nasa harap niya sa isip niya nang biglang may nakihawak din sa paper bag.

 

 

Titignan na niya sana ito ng masama nang makita niyang isa ito sa staff ng 7-11.

 

 

 

"I'm sorry to interupt this scene po but this donut is not available na po." sabi n'ung staff at dahan-dahang kinukuha 'yung paper bag sa kamay nila. Binitawan naman nila 'yun pareho at wala munang umimik.

 

 

 

"As you didn't notice po may pangalan po 'yung paper bag na 'to ng costumer namin." sabay pakita ng name n'ung costumer na siyang nagpanigas ng mga kasu-kasuan ni Jun. "You can pick other donuts na lang po. Pasensya na po ulit." sabi nito sabay excuse sa sarili niya.

 

 

 

Nagtinginan naman si Jun at 'yung lalaking kaagawan niya ng paper bag na sa pagkakatanda niya niya Wonwoo ang pangalan. Sandali pa silang nagtinginan hanggang sa hinatak na ni Mingyu si Jun paalis du'n.

 

 

//""//

 

 

"Ano ka du'n kanina?" tanong ni Mingyu habang sinasalin ang beef caldereta niya sa plato.

 

 

 

"Epal kasi 'yung lalaki kanina. Ang bilis ng kamay parang magnanakaw amp. Kinuha ba naman bigla 'yung donut pagkabukas na pagkabukas ko sa stall."

 

 

 

"Tapos eksena pa 'yung staff. Gagi. Nag-away pa kami wala rin pa lang makakakuha n'ung donut." sabi ni Jun sabay subo sa kinakain.

 

 

 

"Medyo pahiya kayo nang konti du'n. Pero aminin mo na cute-an ka naman sa kaagawan mo ng paper bag."

 

 

 

"Oo, cute naman kaso ayoko na siya makita ulit."

 

 

 

:)

 

 

 

Finally, after how many days of suffering. Natapos na rin ni Jun ang mga pinagawa ng prof nila.

 

 

WALWALAN NA. joke.

 

 

Natapos na rin ang problema nila ni Mingyu sa bayarin sa apartment at stock ng pagkain. Masaya siya today kaya ililibre niya ang sarili niya.

 

 

He deserves a reward for himself.

 

 

Kakalabas lang ni Jun sa school nila pagtapos niya ipasa ang dapat ipasa. Sadly, siya lang mag-isa ngayon wala si Mingyu. Mas nauna itong nagpasa ngayon dahil may side-line pa raw siyang pupuntahan.

 

 

May side-line rin naman si Jun kaso mamaya panghapon pa ang shift niya. Kailangan niya na rin bumawi sa trabaho niya dahil ilang araw din siyang hindi pumasok.

 

 

Habang naglalakad ay biglang napadaan naman ang binata sa 7-11. Pinangako niya sa sarili niya na hindi na siya ulit pupunta rito pagtapos ng eksenang ginawa niya n'ung nakaraang mga araw.

 

 

Kaso may naghahatak talaga sa kanya na pumasok sa loob kaya wala siyang choice. Sinunod niya na lang 'yung humahatak sa kanya. Pumasok siya sa loob ng 7-11 na parang bagong salta lang siya rito.

 

 

Tumingin siya sa counter at nakita niya 'yung staff na nag-cut off sa eksena nila n'ung nakaraan, kaya mabilis niyang inalis ang paningin sa counter.

 

 

Dumeretso si Jun sa stall ng City Blends. Hindi niya need ng kape pero want niya ng kape. Kumuha siya ng large size cup at pinasok ito sa baba ng vending machine kung saan lalabas ang kape niya. Nagtatalo pa nga ang isip niya kung French Vanilla ang pipiliin niya o Mochaccino pero mas pinili niya 'yung French Vanilla.

 

 

Pagtapos niya sa kape niya napahinto siya sa Dunkin' Donut stall at bubuksan na sana ang stall nang bigla siyang pigilan ng staff.

 

 

 

"Sir, hindi na po available 'yang donuts."

 

 

 

"Anong donut na lang po ba 'yung available?" kalmadong tanong niya kahit nagrarambol-rambol na mga kalamnan niya sa hiya dahil 'yung kausap niya ngayon ay 'yung staff na kumuha sa paper bag na may may-ari na pala.

 

 

 

"Wala na po. May bumili na po lahat n'ung donut. Pinaiwan lang po d'yan kasi mamaya pa naman daw niya po kukunin." pagpapaliwanag ng staff.

 

 

 

Nanghihinayang naman si Jun sa nalaman pero curious siya kung sino 'yung bumili n'ung mga donut.

 

 

Like, ang daming Dunkin' sa labas ng 7-11 bakit 'yung dito pa 'yung pinakyaw?

 

 

"Kuya? Sino bumili n'ung mga donut?" naka-smile na tanong ni Jun.

 

 

"Ako." 

 

 

 

Napalingon naman si Jun sa lalaking kakapasok lang sa 7-11. Nagulat pa siya kasi kilala niya 'to eh, kilalang-kilala.

 

 

 

"Jusko, Lord. Ikaw na naman?" ayan ang mga katanggang lumabas sa bunganga ni Jun.

 

 

 

Ayaw na niya makita 'to kahit pogi siya, hindi niya pa rin nakakalimutan 'yung ganap nila.

 

 

 

"Yes, It's me. Jeon Wonwoo." sabi nito sabay paglahad ng kamay sa harap ni Jun. Kinamayan naman ito ni Jun dahil nakakabastos naman kung hindi niya papansinin 'di ba.

 

 

 

"I heard that you want to buy my donuts." pinandiinan pa nito 'yung sa "my" para dama ni Jun na hindi siya pwede bumili.

 

 

 

"Oo, bakit ba? Bakit dito ka namakyaw ng donuts? Hindi tuloy ako makabili, kakainis." wala inis na ang ating bida. Gusto niya lang ng donuts.

 

 

"Kasi 7-11 is near kaya dito na ako namakyaw."

 

 

 

"Pwede bang bumili na lang ako sayo para makaalis na ako? Kahit 'yung choco butternut lang." ito na naman po si desperadong Jun.

 

 

 

Hayaan niyo na, donut 'to.

 

 

 

"I'll give you all of my choco butternuts but in one condition."

 

 

 

Ayan na, ayan kinakatakot niya eh. Gusto niya lang ng donut bakit may pa kondisyon na rito. Pero mahina siya kapag deal with donuts ang ganap kaya igogora niya 'to.

 

 

 

"Ano ba 'yun?" tanong ni Jun. Sinasabi niya talaga kapag may masamang balak ito sa kanya hindi siya magdadalawang isip na itapon 'yung kape niya kay Wonwoo.

 

 

 

"You are coming with me." napangiwi si Jun sa narinig niyang kondisyon. Walang nagsasalita, tahimik lang at hinihintay ang sagot ni Jun.

 

 

 

"Para sa choco butternut, sige."

 

 

 

At ayan ang kwento ni Jun. Ang lalaking marupok sa donut... o baka marupok din dahil sa may-ari n'ung donut?

Notes:

how was it po? did you enjoy po ba? thank you for reading and don't forget to leave a kudos. mwa.