Actions

Work Header

OPLAN: Akitin si Chanyeol Park

Summary:

Labindalawa.

May labindalawang paraan upang maakit si Chanyeol Park.

Labindalawang paraan para mapa-ibig siya.

At ako, si Baekhyun Byun, lamang ang makakagawa nito.

Notes:

Natapos ko 'to?! Huhu parang kailan lang nag-aalangan pa 'kong sumali. Sino namang mag-aakalang matatapos ko pala ang kwentong 'to? I'm emotional so much pasensya :-((

Anyway, bago ang lahat, nais ko pong magpasalamat sa mababait na mods. Salamat po sa paggabay sa 'kin throughout the fest. Nawa'y laging masarap po ang ulam niyo! Salamat din kay prompter! Baks, ang ganda ng naisip mong prompt pero malas kasi ako ang pumili. Sana magustuhan mo pa rin though! Sa kaibigan kong si A na nag-encourage sa 'kin na tapusin ito. Mula sa pagsali hanggang sa pagtapos, sinuportahan mo 'ko. Huhu, sana magkajowa ka na bestie.

At higit sa lahat, sa 'yo. Salamat at napili mong basahin ang kwentong ito. Sana hindi ka magsisi char! Enjoy po! Bash niyo na lang ako sa twitter 'pag di niyo na enjoy sksks

Work Text:

OPLAN: Akitin si Chanyeol Park
by Baekhyun Byun

 

 

Table of Contents

I. Magpakilala kay Chanyeol

II. Kilalanin ang Target si Chanyeol

III. Kaibiganin ang mga Kaibigan ni Chanyeol

IV. Patawanin o Pangitiin si Chanyeol

V. Ipagluto si Chanyeol (pls self mag practice ka na)

VI. Magpaganda para kay Chanyeol (wews basic!)

VII. Suportahan si Chanyeol

VIII. Kantahan si Chanyeol (patulong tayo kay soo sksksk)

IX. Protektahan si Chanyeol makipagbardagulan kung kinakailangan

X. Makinig kay Chanyeol (always be there for him)

XI. Magtapat ng Nararamdaman kay Chanyeol

XII. Date Chanyeol Park (BAWAL MAG-BREAK!!!)

 

XIII. Makipag-momol at Labing-labing kay Chanyeol











Foreword

 

Labindalawa. 

 

May labindalawang paraan upang maakit si Chanyeol Park.

 

Labindalawang paraan para mapa-ibig siya.

 

At ako, si Baekhyun Byun, lamang ang makakagawa nito.
















Chapter I: Magpakilala kay Chanyeol




Kung gusto mong mapa-ibig sa’yo ang taong gusto mo, dapat ka munang magpakilala.

 

Well duh! Obviously! Paano ka ika-crushback kung ‘di niya man lang alam pangalan mo? Kung ‘di niya man lang alam na nag-eexist ka? 

 

Kaya mahalaga ang unang hakbang na ito. Hindi rin siya madali dahil sabi nga nila ‘di ba? First impressions last. 

 

First impressions last so you have to make it count.




“Hey! You’re not listening naman eh!” Reklamo ni Baekhyun sa kaibigan-slash-roommate niyang si Kyungsoo. “Matapos kitang uwian ng Army Navy? Ugh! The disrespect! Iluwa mo ‘yan ngayon din!” 

 

Nang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang laptop, hinablot ni Kyungsoo ang kamay ni Baekhyun at kunwaring iluluwa nga ang kinakaing burger. Agad namang hinila ni Baekhyun pabalik ang kanyang kamay at tinignan nang masama ang kaibigan.

 

"Hoy ang baboy!” 

 

“Sabi mo iluwa?!” Pang-aasar nito. “Tsaka nakikinig ako. Binabantayan ko lang sa gdocs ‘tong ka-grupo kong wala pa ring ambag.”

 

“Weh? Sige nga. Kung nakikinig ka talaga, ano yung last na sinabi ko, hm?” 

 

Uminom saglit si Kyungsoo at nagkibit-balikat. “Sabi mo magpapakilala ka na kay Park.”

 

“Hindi kay—” Natigilan si Baekhyun. “Okay fine, nakikinig ka nga.” 

 

“Talaga!” Saad ng kaibigan. “Kaya nga alam ko na pangatlong kwento mo na ‘yan eh. Daig mo pa yung ulyaning prof ko sa clin chem bes.”

 

“Hey! I’m just trying to make a point ‘no! Ayoko na kasing maging third-wheel—no, fifth-wheeler sa inyo! 2 years is enough! Nakakasawa rin kaya panoorin kayo ng mga jowa niyo habang naglalandian!” 

 

“Wow! Pasenysa ha? Kung 'di ka lang rin naman binilin ng parents mo samin ni Sehun, hindi ka rin namin isasama. Tingin mo ba gusto naming may kasamang reklamador tuwing lumalabas kami?”

 

Umismid si Baekhyun. “So you’re saying I’m epal?!”

 

“Technically, I’m not saying it. I’m implying it. Magkaiba ‘yon.” Muling ibinalik ni Kyungsoo ang atensyon sa gdocs na hanggang ngayon, hindi pa rin talaga nadadagdagan ng content.

 

Umirap na lang si Baekhyun sa sinabi ng kaibigan. 

 

Hindi naman niya itatanggi na bilang nag-iisang anak ng pamilya Byun, may pagka-spoiled siya. May kaya kasi sila sa buhay. Yung tatay niya, pinapatakbo yung hotel business nila habang yung nanay niya naman na retired actress, sinusubok ngayon ang mundo ng pagvo-vlog.

 

Mula pagkabata nasanay siyang nakukuha ang kahit ano mang gustuhin niya. Kaya nga yun yung bio niya sa twitter eh: I want it. I got it.

 

Pero syempre, hindi naman laging sunshine and rainbows ang buhay ng tagapagmana ng Lūx Hotel Group. Strict din kasi ang parents niya, lalong-lalo na pag safety na niya ang pinag-uusapan. Hindi halos pinapayagan na lumabas si Baekhyun unless si Kyungsoo o Sehun ang kasama niya. Kaya naman pag may mga pagkakataong parehas wala ang mga magulang niya, tamang takas lang para pumunta sa bar o di kaya sa party ng kung sino.

 

“Ayun!” Sigaw bigla ni Kyungsoo. “Shet nag-type na rin siya! Nako, siguraduhin niya lang talaga na may sense ‘yang ilalagay niya or else…”

 

“Dapat ni-remove niyo na lang sa group ‘yan.” Komento ni Baekhyun na nagso-scroll na ngayon sa instagram niya. “I mean... it could’ve saved you pa from all the stress.” 

 

Kunot-noo siyang tinignan ng kaibigan. Naramdaman ito ni Baekhyun kaya tinaasan niya ng kilay si Kyungsoo, tila hinahamon ito.

 

“Hey, I’m just saying! Alam niya naman na may output kayo na dapat gawin ‘di ba? If hindi siya nag-comply, dapat inalis niyo na. Easy as pie!”

 

Tinanggal ni Kyungsoo ang kanyang salamin at napabuntong-hininga. Wala talagang filter ‘tong bibig ni Baekhyun. Alam niya naman na concerned lang din ito sa kaniya, and he’s thankful for that, pero minsan talaga hindi niya rin maiwasang mag-alala para sa kaibigan. 

 

Lalo na’t madalas siyang nami-misunderstand ng mga tao dahil sa attitude niya.

 

“Yeah, pero nag-comply pa rin siya. Medyo late pero mas okay na ‘yon kaysa wala talaga.”

 

Muling tinignan ni Kyungsoo yung gdocs file at nang makitang nagta-type pa rin ang kaklase, sinarado niya na ito. Pinatay niya na rin ang kaniyang laptop at ipinatong sa coffee table. 

 

“Anyway,” Pag-iiba niya ng topic. “Maliligo na ko. Tatawag daw kasi si Jongin mamaya. May ike-kwento ka pa ba?”

 

Napaupo naman nang diretso si Baekhyun sa sofa dahil sa narinig. “Oh, they have training bukas ‘di ba? Tell him na dadalhan ko ulit sila ng water!”

 

Pinalo siya ni Kyungsoo sa hita at pinandilatan ng mata. “Hoy tigil-tigilan mo na ‘yang pagiging waterboy mo sa football team ha. Pag-ikaw talaga napagkamalang jowa ng jowa ko makakatikim ka sakin.”

 

“What?! Ew, no! Ayoko sa mas bata sa ‘kin!” Reklamo ni Baekhyun. “Tsaka both you and Jongin know kung sino talaga pinupuntahan ko dun ‘no… kahit parang hindi niya naman talaga ko nano-notice.” 

 

Baekhyun pouted. Sakto namang nabuksan niya rin yung phone niya, revealing his home screen wallpaper. At syempre, sino pa nga bang laman non?

 

Walang iba kung ‘di si Chanyeol Park, ang captain ng football team.

 

The picture was taken during their winning moment last season. Hindi pa siya kilala ni Baekhyun nun. Usap-usapan naman na sa campus na gwapo nga raw yung captain ng football team pero as usual, hindi niya binigyang pansin ‘yon.

 

So what kung gwapo? So what kung athletic siya at magaling na player?

 

It didn’t matter kasi duh! Hindi siya maghahabol ‘no! Walang universe kung saan makikita mo si Baekhyun Byun—the Baekhyun Byun—na maghahabol sa kung sino. And besides, sa dami ba naman na ng sumubok manligaw kay Baekhyun, yung iba pa nga are models and celebrities, sino naman siya dyan?

 

So, life continued for the hotel heir.

 

Nagsimula lang naman magkanda leche-leche ang lahat nung nag-surprise visit siya sa condo ni Sehun a few weeks ago. Aayain niya sana ito lumabas dahil si Kyungsoo, may date, at ang jowa naman ni Sehun na si Junmyeon ay busy sa thesis. Akala niya tuloy free ang kaibigan. Malay niya ba na may mga bisita pala ito for a group project?

 

Malay niya ba na kaklase pala ng bestfriend niya yung gwapong captain ng football team?

 

At lalong malay niya ba na sa unang pagkakataon na makikita niya ito ay biglang magha-harlem shake yung puso niya sa kilig?

 

Paulit-ulit pinindot ni Baekhyun ang doorbell sa unit ni Sehun noong araw na ‘yon. May dalawa siyang rason: Una, para mang-asar, at pangalawa, ayaw niyang naghihintay. 

 

“Sehun Oh!” Sigaw niya dahil nagsisimula na siyang mainip. Kakalabugin niya na dapat ang malaking pinto ngunit bigla itong bumukas. Shuta, mumuntikan pa siyang makasapak ng tao!

 

“Uh…” Agad niyang napagtanto na hindi si Sehun ang lalaking kanyang kaharap nang makita ang katawan nito. Matangkad din ang kanyang kaibigan pero sigurado naman siyang hindi 'yon ganito ka… borta… 

 

Inangat ni Baekhyun ang kanyang paningin only to see the prettiest eyes to ever stare back at him. Kunot-noo siyang tinignan pabalik ng binata pero kahit na gano’n, hindi maipagkakaila na ang gwapo nito. Sobra. Siya yung tipo na gusto mo na lang dakmain.

 

Ilang segundo rin silang nakatingin sa isa’t isa (at hindi naman siya nagrereklamo dahil sa totoo lang, gustong-gusto niya pa nga) nang biglang lumapit sa kanila si Sehun—si Sehun na kung kailan hinahanap mo, wala, pero ngayong hindi mo na kailangan, tsaka magpaparamdam. Ugh. Epal.

 

“Uy! Bat ka nandito?” Bungad sa kanya ng kaibigan at sa kasamaang palad, iyon na rin ang naging senyales para umalis ang binatang makahulog panty at brief ang pogi.

 

Pero hep! Wag kayo. Dahil shameless si Baekhyun, sinundan niya ng tingin ang binata. Muli niyang pinagmasdan ang tangkad nito, maging ang malapad niyang balikat. Kaya naman nang makalayo-layo na ito, mabilis niyang tinanong si Sehun. 

 

“Sino yung pogi?”

 

Nagtataka namang nilingon ng kaibigan ang kaklase nitong nakaupo na ngayon sa sahig. “Ah, si Chanyeol? Bakit? Sinungitan ka?”

 

Umiling si Baekhyun. Hindi niya alam kung bakit ganun yung tanong ni Sehun pero hindi na lang din niya pinansin dahil may follow-up question pa siya. 

 

“Single siya?”

 

Sana oo. Sana oo. Sana oo. Repeat until true.

 

Natawa naman si Sehun sa biglaang tanong. “Oo, single siya. Pero ‘wag ka diyan, ire-reto na lang kita sa iba.”

 

“But why not?” Reklamo ni Baekhyun dahil noong mga oras na iyon, napagdesisyunan niya nang ayaw niya ng iba. It’s this chupapi or none!

 

“He’s gwapo naman ah and... mukhang mabait din. Pakilala mo ‘ko dali!”

 

"Hindi pwede, busy kami.”

 

“Dali naaa!” Pagpupumilit ni Baekhyun. Papasok pa sana siya sa loob—para siya na mismo ang bumingwit sa chupapi—pero hinarangan siya ng kaibigan. 

 

“Hindi nga pwede. Next time, promise, pero wag muna ngayon, okay?” Napakamot ng batok si Sehun at saglit na sumilip sa direksyon ng mga kaklase niya. “Medyo badtrip din talaga kasi ngayon si Chanyeol. Mali yung una naming gawa kaya... kailangan ulitin.” Bulong din nito.

 

Nahagip ng mga mata ni Baekhyun ang binatang seryosong nagse-sketch sa sala. Magkasalubong ang kilay nito habang gumuguhit. Medyo nakakatakot nga eh. Parang mananaksak ng pencil pag inistorbo mo.

 

Baekhyun released a sigh. “Fine. Basta, next time ha?”

 

Tumango si Sehun. Pero hindi na nangyari yung next time na pinangako niya.






“Don’t worry. Kilala ka na nun.” Wika ni Kyungsoo kaya muling nabalik sa realidad si Baekhyun. “Eh sa ilang beses niya ba naman nang nakita pagmumukha mo, imposibleng hindi ka pa niya makilala. Tsaka nakwento rin sakin ni Jongin na—”

 

“Omg, what did Jongin say?!” 

 

“Nasabi sakin ni Jongin na one time daw, tinanong siya ni Chanyeol—”

 

“OH MY GOD HE ASKED ABOUT ME?!”

 

“Alam mo, ayoko na mag-kwento. Bahala ka diyan.” Akmang tatayo na sana si Kyungsoo ngunit agad na inakap ng kaibigan ang braso niya para hindi siya makaalis.

 

“Sorry na SooSoo!” Paglalambing ni Baekhyun. “Hehe, sige na, kwento mo na dali.”

 

Bumuntong hininga si Kyungsoo at inalis yung pagkakaakap sa kanya. “‘Wag kang sasabat ah?” Pagbabanta pa niya, na agad namang sinang-ayunan ng isa. “Nasabi kasi sa ‘kin ni Jongin na last week after daw ng practice nila, tinanong siya ni Chanyeol tungkol sayo.”

 

Napatakip ng bibig si Baekhyun para magpigil ng kilig. 

 

“At alam mo kung ano tinanong niya?” Pambibitin pa ni Kyungsoo. Nakangiti pa ito na para bang nang-aasar.

 

“Ano? Sabihin mo na! Dali!”

 

“Tinanong ni Chanyeol si Jongin kung…”

 

Kung ano pangalan ko? Kung lights on or lights off? Kung sex or chocolates? Siyempre sex tito Boy pero ano nga?! TINANONG NI CHANYEOL SI JONGIN KUNG ANO?!

 

Ang daming kasing possibilities! Ang dami niyang pwedeng itanong! Teka, what if… hindi sa pinag-ooverthink niya ang sarili niya pero what if... gusto pala itanong ni Chanyeol kung... kung pwede ba manligaw? Nako Jongin Kim, ‘pag talaga mali sinagot mo—

 

“... kung kailan pa raw sila nagka-waterboy tuwing practice.” Tuloy ni Kyungsoo. 

 

And just like that, nabasag ang lahat ng pagpapantasya ni Baekhyun. 

 

“Gagi, yung itsura mo, B!” Natatawang sabi ni Kyungsoo. Sobrang na-enjoy niya yata yung prank niya dahil mangiyak-ngiyak pa siya ngayon sa kakatawa. 

 

“Ugh! I hate you!” Hinampas ni Baekhyun ng unan ang kaibigan. “Panget mo kausap! Diyan ka na nga! Magsama kayo ni Sehun na friends ko raw pero mga wala namang ambag sa pag-usad ng love life ko!”

 

Padabog siyang pumasok sa kwarto niya at nagkulong. He couldn’t help but feel frustrated. Waterboy? Yun na ba ‘yon? Ilang minuto siyang nag-aayos bago pumunta sa training area nila sa field tapos maaalala lang siya ni Chanyeol nang gano’n? 

 

Bilang isang freaking waterboy?!

 

Naupo si Baekhyun sa harap ng kanyang vanity mirror. Nakatingin siya sa reflection niyang nakasimangot din pabalik sa kanya at pinagmasdan ito nang mabuti. Ang ganda ng balat niya, maputi at makinis. He also owned a nice pair of droopy eyes, yung ilong niya ang cute rin at yung mga labi niya… yung mga labi niyang mapula at kaakit-akit.

 

Tsk! Bulag ka ba, Chanyeol? Paanong hindi ka pa nababaliw sa ganda kong ‘to?!

 

Hinilera niya sa lamesa ang kanyang mga skincare products for a ‘frustrated day’ routine bago muling tinignan ang sarili sa salamin. 

 

“Just you wait, Chanyeol.” Wika niya sa kawalan. 

 

“Mafa-fall ka rin sakin.”






Hindi inaasahan ni Baekhyun ang biglaang pagdami ng workload nila. Maaga silang na-dismiss pero may mga group tasks pa na kailangan tapusin. Palubog na ang araw at kung hindi pa siya makakaalis sa meeting na ‘to, baka hindi niya na maabutan yung training ng football team.

 

“Kanina ka pa tingin nang tingin sa relo mo ah? May lakad ka Baek?” Tanong sa kaniya ng kaklase niyang si Yixing.

 

Bukod kina Sehun at Kyungsoo, na mga kaibigan na ni Baekhyun mula pa noong high school, meron din siyang mga naging kaibigan sa block nila. Hindi niya rin naman kasi ka-course ang dalawa. Si Kyungsoo, nag-medtech, habang si Sehun naman, nag-arki. Kaya naman thankful siya na kahit meron daw siyang resting bitch face, nakatagpo pa rin siya ng ilang friends sa klase at isa na dun si Yixing.

 

“Ah hindi, hindi! Okay lang, mas importante naman ‘to.” He half-lied, kasi hello? Importante rin kaya ang kanyang future mister!

 

“Sure ka?” Paniniguro ng kaibigan. Siya kasi ang inappoint na leader kaya naman sa isang sabi niya lang, pwede na nilang i-wrap up yung ginagawa nila.

 

Tumango si Baekhyun bilang tugon. Binalikan niya na lang yung mga materials para kunwari may ginagawa pa siya. Kanina pa talaga siya tapos pero nagpapatulong din kasi yung iba kaya hindi rin siya makaalis. Wala tuloy magawa si Baekhyun kung di bumuntong-hininga at magdasal na lang sa lahat ng santo na sana maabutan niya pa sina Chanyeol.

 

Mahigit kalahating oras din ang lumipas bago sila tuluyang natapos. Agad namang inayos ni Baekhyun ang mga gamit niya. Organized siyang tao at ayaw niya talaga ng makalat pero sa mga oras na iyon, wala na siyang pake.

 

“Sabi na may mahalaga kang pupuntahan eh.” Nakangising komento ni Yixing pagkatapos isaksak ni Baekhyun lahat ng gamit niya sa bag. “Actually, hinihintay lang kita magpaalam na mauna. Alam ko namang kanina ka pa tapos.”

 

Walang naisagot si Baekhyun. Alangan naman kasi aminin niya na idi-ditch niya yung groupmates niya para lang landiin yung captain ng football team diba? 

 

Malandi siya pero at least he knows how to landi responsibly. Ganon dapat kaya take notes mga pokpok!

 

“Malayo ba yung pupuntahan mo? Hatid na kita.” Alok ni Yixing na siya namang tinanggihan ni Baekhyun.

 

“Nah, I can manage. Diyan lang naman yung pupuntahan ko.” Diyan lang naman sa kabilang side ng campus. “Sige, I’ll go na ha? Bye! See you, Yixing!”

 

“Alright. Ingat ka, Baekhyun.

 

Halos hindi niya na rin narinig ang paalam ng kaklase dahil kumaripas na siya ng takbo. Syempre, hindi niya kinalimutan bumili ng tubig. Para saan pa’t naging waterboy siya ng football team ‘di ba? Marami-rami rin siyang nabili kaya medyo mabigat, pero hindi na niya napansin ‘yon dahil nagmamadali rin siyang makarating sa field. 

 

Nang matanaw na ni Baekhyun ang training area, unti-unti nang bumagal ang kanyang mga hakbang. Hindi pa siya sigurado noong una pero ngayong nakalapit na siya, nakumpirma ang kanyang hinala. 

 

Tapos na ang practice. Wala nang tao.

 

Nanlumo si Baekhyun. Ito pa naman ang pinakainaasahan niya sa araw na ‘to, ang makita si captain—ang makita si Chanyeol. Hindi niya ininda ang dami ng exams na binigay sa kanila kanina. Tiniis niya rin yung pagod gawa ng mga activities na kinakailangan tapusin dahil alam niyang at the end of the day, makikita niya naman yung taong gusto niya.

 

That was the plan. Pero tila hindi yata sang-ayon sa kanya ang timing.

 

Lumapit si Baekhyun sa isang bench at doon naupo para magpahinga. Medyo hinihingal pa rin siya dahil ang layo rin ng tinakbo niya. Dagdag pa na ang bigat ng loob niya dahil hindi niya naabutan sina Chanyeol. 

 

Nahagip ng mga mata niya ang dalawang malaking supot na puno ng bottled water. Sinong mag-aakala na darating pala ‘tong araw na ‘to 'no? Si Baekhyun Byun, na nakukuha palagi lahat at kahit ano mang gustuhin niya—si Baekhyun Byun na habulin at pinipilahan ng maraming manliligaw ay naghahabol ngayon sa isang lalaki?

 

Umiling si Baekhyun at bumuntong-hininga. “Iba ka talaga, Park.”

 

“Baekhyun?”

 

Agad siyang napatayo at napalingon sa pinanggalingan ng boses. 

 

“Uy ikaw nga!”

 

Right there, coming from the other side of the field, ay ang buong football team na pinangungunahan ni Jongin. Naka running gear silang lahat, pawis na pawis at hinihingal na rin nang tumigil sila sa kinatatayuan ni Baekhyun.

 

Nandito pa pala sila?! Where’s Chanyeol?

 

“Uhm… may dala ulit akong water.” Alok niya kahit hindi pa rin niya lubos na napo-process ang mga pangyayari. Tinuro niya kung nasaan ang dalawang supot. At si Jongin, bilang pinaka-close niya sa team at siyang laging unang pumapansin sa kaniya sa tuwing nagaganap ang Operation Landi ni Waterboy, ay tinapik siya sa balikat at nginitian.

 

“Thanks, Baek! U da best!”

 

“I thought tapos na training niyo?” Panimula ni Baekhyun nang abutan niya ng tubig ang kaibigan

 

Sakto namang naupo si Jongin sa bench kaya nabigyan si Baekhyun ng isang malinaw na view ng captain na kararating lang. Pawisan ang binata. Nakasimpleng black shirt at shorts lang ito pero ang lakas pa rin ng dating! Binasa ni Chanyeol ang kanyang mga labi sabay inayos ang kanyang buhok, walang kamalay-malay na sa di kalayuan, may isang marupok na naglalaway nag-enjoy sa view.

 

“Ewan ko ba dito kay Cap!” Pagpaparinig ni Jongin kaya napatingin sa direksyon nila si Chanyeol. “Tapos na dapat kanina kaso biglang inextend training namin.”

 

“Oo nga.” Gatong ng isa pa nilang teammate na si Luhan. “Nag-jogging na tayo kanina bago yung training proper. Bakit nga ba nag-tatlong laps ulit tayo, Cap?” Nakangising tanong nito.

 

Hindi sure si Baekhyun kung siya lang ba ‘yon o parang may pang-aasar talaga sa tono ng dalawa. Patago niya sanang tatanungin si Jongin kaso bigla namang nagsalita si Chanyeol.

 

“Malapit na UAAP.” Nakasimangot na sabi nito. “Hindi pwedeng mababa endurance natin sa laro.”

 

Jongin and Luhan snorted nang maglakad na papalayo si captain. May pinag-usapan pa silang dalawa, something that went like “Kunwari pa si Cap may hinihintay lang pala…” na hindi na narinig ni Baekhyun dahil naka-focus siya ngayon kay Chanyeol na nagpupunas ng pawis. 

 

Pag talaga naghubad ‘to ng t-shirt salamat at god bless na lang sa lahat.

 

“Ano Baek? Tatayo ka na lang ba diyan?”

 

“Ha? Hindi ako tumitingin!” Sigaw niya sa sobrang pagkabigla. Nilingon niya si Jongin na nakangiti sa kanya ngayon nang malapad. Mukhang nahuli yata siya kaya naisipan niyang magtaray para pagtakpan ang sarili. “A-Ano ba pinagsasasabi mo diyan?” 

 

“Hindi mo ba bibigyan ng tubig si Cap? For sure uhaw na din ‘yon.” He hinted.

 

It was then nang maalala ni Baekhyun na meron nga pala siyang ni-reserve para kay Chanyeol. And so, he went to get it. Hawak niya na yung bote ng tubig nang muli niyang lingunin si Jongin. 

 

“Wait! Okay lang ba itsura ko?” Inamoy niya rin sarili niya. “Do I smell okay? I ran kasi kanina.”

 

Lumapit nang kaunti si Jongin (with a respectable distance pa rin mga pare) at inamoy si Baekhyun. “Di ka naman mabaho.” He said, leaning back against the bench. “Amoy baby cologne ka nga eh. Bambini ‘yan noh?”

 

“Wha—Anong Bambini?! It’s Chanel!” 

 

“Bambini... Chanel—o kung ano man yan—basta di ka amoy putok. Puntahan mo na kasi, dali!”

 

“You’re lucky mahal ka ng best friend ko kung hindi sinapak na talaga kita.” Sinamaan niya ng tingin si Jongin for the last time bago niya pinuntahan ang captain. 

 

Habang sama-sama ang mga gamit ng ibang players sa tatlong magkakatabing bench, ang kay Chanyeol naman ay nakabukod sa medyo dulo. Nakatalikod sa kanya ang captain habang nag-aayos ng bag. Kaya naman nang makalapit na siya, he cleared his throat and smiled.

 

“Hello.” Basag niya sa katahimikan na siyang ikinagulat naman ni Chanyeol. Nilingon siya nito with, of course, none other than his signature frown. 

 

“Water?” Nakangiting alok ni Baekhyun. Hawak niya pa yung bote na para bang endorser.

 

Tinignan saglit ni Chanyeol ang tubig bago niya sinagot sa Baekhyun. “No thanks. Meron pa ko.” 

 

Muli itong tumalikod para ayusin ang gamit niya. Doon din napansin ni Baekhyun ang isang tumbler na halos paubos na rin naman ang laman. 

 

“Konti na lang naman yung water oh. You should take this.” Alok niya ulit pero gaya ng kanina, tinanggihan lang din ito ni Chanyeol.

 

Umirap si Baekhyun at bumuntong-hininga. Ganito na lang kasi palagi eh. Sa mga pagkakataon na bumibisita siya sa training nila, sa tuwing sinusubukan niyang bigyan ng tubig at kausapin si Chanyeol, lagi siyang tinatanggihan nito. It’s ridiculous! Punong-puno na si Baekhyun. Kaya naman to end this series of rejections once and for all, tumabi siya kay Chanyeol at kinuha ang tumbler nito.

 

“Anong—”

 

Ininom ni Baekhyun ang laman ng tumbler—lahat hanggang sa huling patak. Laway conscious siyang tao pero imbis na mandiri, kinilig pa siya sa thought na para na rin silang nag-indirect kiss. Muntik pa tuloy siya mabilaukan.

 

“There. Wala na." Tinaob niya pa yung lalagyan para ipakita na wala na nga talaga itong laman. "See?"

 

Tinignan siya nang masama ni Chanyeol pero it did nothing to him. Hindi siya naapektuhan nito kaya nakangiti pa rin siya pabalik. Mas okay na rin kasi kay Baekhyun yung ganito. Di bali nang sungitan siya kaysa hindi siya pansinin. 

 

"Ano bang gusto mo ha?" Inis na tanong ni Chanyeol sa kaniya sabay hablot pabalik ng kanyang tumbler.

 

"Ikaw, sir." Gusto sanang sabihin ni Baekhyun. Pero ayaw niya namang mas lalo pa itong magalit sa kaniya kaya inabot niya na lang ulit yung tubig. "Here. Gusto ko lang naman bigay 'to sayo."

 

Chanyeol released a heavy sigh. "Pa’no kung ayoko kunin?"

 

"Nah! You'll get it." You have to. "Wala ka nang tubig. And I won't leave din hanggat hindi mo 'to tinatanggap."

 

"Kunin mo na yan Cap!" Tukso sa kanila ng isang pamilyar na boses sa ‘di kalayuan na itago na lang natin sa pangalang Jongin.

 

Hindi inalis ni Chanyeol ang tingin nito sa kanya. Confident naman si Baekhyun sa looks niya pero nang maalala niyang hindi nga pala siya nakapag-retouch at pinagpapawisan siya kanina, na-conscious siya bigla. Mabuti na lang talaga at kinuha na rin ng captain ang tubig. Napansin nito agad ang very cute na puppy sticky note na nakadikit sa bote pero imbis na matuwa, tila mas lalo pa itong sumimangot—if that's even possible.

 

"Captain, you did well today. Pahinga ka na and drink up." Walang emosyon na basa ni Chanyeol sa note. "XOXO, Baekhyun."

 

Nagsiliparan ang mga paro-paro sa tiyan ni Baekhyun nang banggitin ng captain ang pangalan niya. Ang lalim at ang husky kasi ng boses ni Chanyeol. At isa pa, ito rin ang unang beses na sinabi nito ang kanyang pangalan. Nakakatunaw!

 

"That's me! I'm Baekhyun." Bibong pagpapakilala niya sa sarili niya. "And in case you're wondering, Business Ad major ko, not my choice by the way. I was born on May 6th, Taurus. Ayoko sa cucumbers, kasi it's yucky. I live with Kyungsoo, bestfriend ko na boyfriend ni Jongin, there sa mataas na building na ‘yon. At yung number ko naman is—you might wanna take this down—0927614—"

 

"Alam ko." Putol sa kanya ng binata.

 

"Y-You know my number?"

 

"Ang ibig ko sabihin alam ko kung sino ka.” Seryosong sabi ni Chanyeol. “At isa pa, hindi ako interesado sa mga bagay na pinagsasasabi mo. Kinuha ko na yung tubig mo ‘di ba? Kaya pwede ka na umalis."

 

Baekhyun rolled his eyes, still unaffected. “Oh come on! At least introduce yourself din!” Pagpupumilit niya, pero wala siyang nakuhang sagot mula kay Chanyeol. Mukhang mapapasubok ata siya dito ah. 

 

“Ano name mo? Oh, yun! Yun na lang baka naman!” May sinabi si Chanyeol ngunit hindi niya ito narinig. “Ha? What did you say?”

 

“Hatdog.”

 

“Hatdog?” Nagtatakang ulit ni Baekhyun. “Yun pangalan mo? Oh edi nice to meet you, Hatdog!” 

 

Nilingon siya ng binata at tinignan ulit nang masama. Dapat tumigil na siya do’n pero hindi, inasar niya pa ito lalo. “Oh, Hatdog.” Natatawang tawag niya kay Chanyeol. “Ba’t parang namumula ka yata?”

 

Umigting ang panga ng captain sa inis. "Look." Humakbang ito papalapit sa kanya at tinignan siya sa mata. "Wala akong panahon para makipaglokohan sa’yo. If this is your hobby, ang mangulit ng ibang tao, pwede ba tantanan mo ‘ko?"

 

"But I'm not nakikipaglokohan! Gusto ko lang naman maging friends tayo eh."

 

"Wala ka bang kaibigan? Bakit ako pa?"

 

"Because why not?" Confident na sagot niya. "Wala namang law na nagsasabing bawal makipag-friends sa’yo ah?"

 

Magsasalita pa sana si Chanyeol nang biglang may lumapit sa kanilang lalaki, pawis na pawis at hinihingal rin. Nakalimutan ni Baekhyun pangalan niya pero he was sure na part din ito ng football team. 

 

“Cap! Tapos ko na extra laps ko.” Sabi nito. “Nagawa ko na parusa ko ah?”

 

Tumango naman ang captain bilang tugon sa ka-miyembro. “Oo na, sige na. Sa susunod ma-late ka ulit ah?”

 

“Luh! Kasalanan ko bang biglang nag-extend prof namin?” Reklamo nito. “Tsaka tinext kaya kita kanina! Sinabi ko pa nga sayo na—uy, hi ganda.”

 

Nanlaki ang mga mata ni Baekhyun dahil biglang tumingin sa kanya ang binata at ngumiti. “Baekhyun, ‘di ba? Ako nga pala si Zitao, or Tao for short, ang pinakagwapong player ng football team.” Sabi nito sabay kindat.

 

“Hindi kaya.” Walang emosyong tugon ni Baekhyun, halatang hindi tinablan ng da moves ni Tao. “Mas gwapo si Hatdog.”

 

“Mas gwapo si—sino?”

 

“Si Hatdog.” Proud na sabi niya, sabay nguso sa direksyon ni Chanyeol.

 

Bago pa man makuhang magtanong ulit ni Tao, inunahan na siya ng captain. “Magpalit ka na, ambaho mo.”

 

“Teka lang, Cap. Bakit tinawag ka niyang Hatdo—”

 

“Lalayas ka sa harap ko o patatakbuhin kita hanggang sa magsara ang campus?”

 

“S-Sabi ko nga aalis na.” Wika ni Tao na napakamot na lang din sa kanyang batok. Naguguluhan niyang tinignan sina Chanyeol at Baekhyun. Akmang aalis na rin sana siya dahil hindi na kaya ng katawan niya na maparusahan pa nang muli siyang tawagin ng captain at inabutan ng tubig.

 

“Oh. Sa’yo na ‘yan.” 

 

“HEY!” Protesta ni Baekhyun nang makita ang boteng binigay niya kay Chanyeol.

 

“Sabihin mo sa iba umuwi na rin at magpahinga.” Utos nito sa nakababatang ka-miyembro. “Rest day bukas. Sa makalawa na lang ulit.” 

 

Nang makaalis na si Tao at silang dalawa na lang ang naiwan, Baekhyun crossed his arms and frowned. Hindi siya makapaniwalang pinamigay ni Chanyeol nang ganon-ganon na lang yung tubig. Okay, he might be overreacting kasi tubig lang naman ‘yon, but still! Bigay niya yun!

 

“Para sayo yun eh! Bakit mo pinamigay?” 

 

"Because why not?" Balik sa kaniya nito. "Wala namang batas na nagsasabing bawal ko ipamigay yung tubig ah?"

 

Ngumisi Chanyeol, knowing full well na nakaganti na rin siya. The tables have turned now dahil si Baekhyun naman ang nakasimangot sa inis. 

 

"If you're doing this so I'd leave you alone, nagkakamali ka, Hatdog." Seryosong sabi niya. 

 

"Wag mo nga kong tawaging—"

 

"Oh you better get used to it." Baekhyun smiled sweetly. 

 

Wala sa vocabulary niya ang sumuko. Gustong-gusto niya talaga si Chanyeol kaya naman kung pangungulit ang kinakailangan niyang gawin para mas mapalapit siya sa binata, so be it.
















Chapter II: Kilalanin si Chanyeol




Kilalanin mo ang taong gusto mo.

 

Investment din ‘yan. Kapag alam mo yung mga hilig niya, edi parang alam mo na rin kung nasaan ang kiliti niya!

 

At isa pa, mahalaga ‘tong hakbang na ito dahil either matu-turn off ka o mas rurupok. Dito mo malalaman kung awat na ba, o dapat pang magpatuloy.




Sa mga sumunod na araw, mas lalong naging busy si Baekhyun sa schoolworks. 

 

Sobrang hectic ng schedule niya pero despite this, hindi niya pa rin nakaliligtaang dumaan sa field sa tuwing may training ang football team. Minsan sumasaglit lang siya. On other days naman, nagse-stay siya. Sa isang malapit na gazebo siya tumatambay at doon gumagawa ng mga requirements hanggang sa matapos ang training.

 

At dahil palagi siyang bumibisita tuwing training, palagi niya na ring nakikita si Chanyeol. Madalas pa rin itong nakasimangot at patuloy pa rin nitong tinatanggihan yung mga tubig na binibigay niya. Ang kaibahan lang, mas nangungulit na si Baekhyun. Dati kasi hinihintay niya lang itong lumapit. Tamang pagpapaganda at pagpapapansin lang sa may bleachers pero wala, nilangaw lang siya.

 

Kaya change strategy! Ngayon, siya na mismo ang bumubuntot at nanggugulo sa team captain. Palagi niya itong binabati at nginingitian. Sinusubukan niya rin itong landiin kausapin with every chance he gets. 

 

"Peram ako Baek." Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang biglang sumulpot si Jongin at kinuha yung mini fan niya. Bwiset.

 

"Stay there sa kabila." Inis na utos niya sa binata. "Naaamoy ko sweat mo from here. It's gross kaya!"

 

"It's gross kaya." Panggagaya ni Jongin sa kaniya. "Hindi ah! Grabe ka, parang ikaw hindi pinagpapawisan."

 

Umirap si Baekhyun at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawa. Hindi rin naman nagtagal nang matapos niya yung report, saktong-sakto dahil isa-isa na ring nagsi-datingan ang mga players sa kinaroroonan niya. 

 

What else? Syempre para humingi ng tubig.

 

"Gago ang init." Wika ni Luhan pagtapak nito sa loob ng gazebo. "Peram nga ko niyan." Agad nitong hinablot ang mini fan mula kay Jongin.

 

"Tsk! Kuya Luhan naman di pa ko tapos eh!"

 

"Dibs! Ako next!" Sigaw ni Tao.

 

"Ako din!" Dagdag ng isa pa hanggang sa pinagpasa-pasahan na nilang lahat yung gamit niya.

 

Tahimik na tumakas si Baekhyun para puntahan si Chanyeol. Nahanap niya itong mag-isa sa katabing gazebo, nagpupunas ng pawis. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit iwas na iwas ‘to sa kanya eh samantalang yung buong football team, wala namang kaso sa kanya! 

 

Taas din ng pride nito eh.

 

“Hatdog!” Masayang tawag niya kay Chanyeol pero as usual, hindi siya nilingon nito. 

 

“Ah ayaw mo…” Bulong ni Baekhyun sa sarili. 

 

BABE!” Subok niya, pero wala. Wala pa rin! Hindi pa rin talaga siya tinitignan. Naningkit ang mga mata ni Baekhyun sa malapad na likod ng binata. Oras na para ilapag ang huling baraha.

 

Daddy!

 

At sa wakas, may nakuha na rin siyang reaksyon mula sa captain. Nakatalikod pa rin ito pero kitang-kita niya kung paano ito saglit na natigil sa pag-aayos ng gamit. Daddy kink pala ah?

 

Nakangiti siyang lumapit para muling mag-abot ng tubig. “Oh.” Itinabi ni Baekhyun ang isang pink metallic thermos sa gym bag ng captain. “Baka kasi mas prefer mo ng cold na water kaya ito. It has ice.”

 

“Ayoko, ‘di ako nauuhaw.” Tanggi agad nito.

 

“You always say that pero ‘pag uwian naman pumupunta ka sa nearest convenience store only to buy water. Sinong niloloko mo?”

 

“Wow, so sinusundan mo na ‘ko ngayon?”

 

“Wha—No! Of course not! Nakita ko lang! I have eyes ‘no!” 

 

Totoo naman kasi. Nung isang araw, sumama si Jongin sa kanya pabalik ng condo after training. Nagluto kasi si Kyungsoo at makikikain daw siya dahil part daw yon ng kanyang boyfriend privileges. Kapal ng mukha ‘no? Dagdag palamunin pa eh. 

 

Anyway, nakita nila si Chanyeol sa kabilang street na kalalabas lang ng seven-eleven. Alalang-alala pa ni Baekhyun kung pano sinabi ng captain ang linyang ayoko, ‘di ako nauuhaw with matching simangot nang bigyan niya ito ng inumin during training tapos makikita niyang bibili lang din pala to ng tubig sa kanto? Ano ‘yun?

 

Sapakan na lang Chanyeol oh! Sapakan gamit lips ay emz!

 

“Hoy, Hatdog! Ikaw ha, be honest with me nga.” 

 

Seryoso ang pagkakasabi ni Baekhyun kaya naman kunot-noo siyang nilingon ng binata. Tinignan niya muna nang mabuti ang magagandang mga mata ni Chanyeol. Pagkatapos, tsaka siya muling nagsalita.

 

“Crush mo ‘ko ‘no?”

 

Nasamid ang captain sa sarili niyang laway, hindi makapaniwala sa narinig. “H-Ha?! Ano bang pinagsasasabi mo diyan?!”

 

“Eh kasi! Iniiwasan mo ko! Tapos you keep rejecting yung mga bottled water na binibigay ko sayo. You barely talk to me, pero minsan—no, madalas, feel ko nakatingin ka sa ‘kin.” Nagkibit balikat si Baekhyun. “Okay lang kung crush mo ko, Hatdog. I don’t mind.”

 

"I…" Kumurap si Chanyeol at binasa nito ang mga labi niya. "Wait. Let me get this straight. You think may gusto ko sa ‘yo dahil iniiwasan kita? Dahil feel mo tinitignan kita? Baekhyun, ayos ka lang?"

 

Tinaasan niya ng kilay ang binata. "Eh, why else would you make iwas? Buti pa teammates mo nakakasama ko tapos ikaw laging MIA. And blame Jongin sa last part! Siya kaya nagsabi sa ‘kin na tinitignan mo raw ako. Akala ko nga joke lang, but it was true! Nakita ko sa peripheral vision ko!"

 

"Hindi ba pwedeng ayaw ko lang sa’yo kaya ‘di kita nilalapitan?" Masungit na sagot nito. "Tsaka panong ‘di ako mapapatingin sa direksyon mo eh mag-isa ka lang nagtatrabaho pero ang ingay-ingay mo? Napaka-clumsy mo pa, to the point na lagi mong nasasagi 'yang metallic tumbler mo. Kahit asong palaboy mapapatingin eh!"

 

Natigilan si Baekhyun sa paliwanag ng captain. Ito na yata yung pinakamahabang sinabi nito sa kanya. Masama yung tingin sa kanya ngayon ni Chanyeol pero hindi iyon ang pumukaw ng atensyon niya. It was the fact na pinagmamasdan nga siya nito.

 

"Oh, ano? Ba’t wala kang masagot?"

 

"You..." Baekhyun trailed off, walang kamalay-malay na nakangiti na pala siya. "Napapatingin ka sa direksyon ko?"

 

"Oo nga kasi ang ingay mo—"

 

"Doesn't matter." Putol niya sa binata. "I mean…" Hinawi ni Baekhyun ang kanyang buhok sabay flex ng kanyang beauty. "’Di rin naman kita masisisi."

 

"Ang kulit! Sabi nang ‘di nga kita—"

 

"Oy! Oy! Anong kaguluhan ‘to ha?" Natigil ang dalawa at napatingin kay Jongin na kararating lang. Sa likod nito ay sina Tao at Luhan na curious din kung bakit ang ingay ng kapitbahay. 

 

“Kayo.” Tinuro silang dalawa ni Jongin. "Bawal PDA sa campus. Pa’no na lang kung may ibang nakahuli sa inyo? Kung magmo-momol kayo, do’n kayo sa botanical garden para tago!" 

 

Napamura nang malutong si Chanyeol habang samantalang si Baekhyun naman ay natahimik sa kahihiyan. 

 

Tarantado ka Jongin Kim, pero yes po, opo, noted. 

 

“Proven and tested na namin ‘yon ni Soo!” Proud pa na sabi nito. Ang lawak din ng ngiti ni gago kaya panigurado, hindi yun one time thing. 

 

Isa ka pa, Kyungsoo! Malandi ka rin eh!

 

“Anyway, Baekhyun may gagawin ka pa ba?” Pag-iiba ni Jongin. “Tara kain tayo.”

 

“Sure! I’m G!” Mabilis na tugon niya, laking pasasalamat at naiba agad ang topic. “Saang restaurant?”

 

Nang marinig ito, palihim na nagtanong si Tao kay Luhan sa likod. “Kuya, restaurant ba yung Mang Inasal? Punyeta yun lang ata afford ko ngayon.”

 

“Uhh…” Napakamot si Jongin sa ulo. “Diyan lang sa malapit. May gagawin pa kasi yung iba kaya tayo-tayo lang din nina Tao at kuya Luhan. Inaya ko rin si Soo kaso may tinatapos pa daw sila. Ano, g ba?” 

 

Tumango si Baekhyun sa alok ng kaibigan. Na-excite siya bigla. He doesn’t do this often kasi eh, ang kumain sa labas with other people bukod kina Kyungsoo at Sehun. 

 

“Oh boss mapagmahal, magpalit ka na ah? Kakain daw tayo sa labas.” Sabi niya kay Chanyeol. Binawi na niya rin ang kanyang metallic tumbler na hindi man lang ginalaw ng captain.

 

“Kayo na lang, busog pa ko.” Tanggi na naman nito.

 

“Ugh! So KJ talaga! Dali na! Treat ko kayong lahat!”

 

Narinig ni Baekhyun ang pagkatuwa nung tatlo pero itong si Chanyeol, wala, poker face pa rin. San ba ‘to pinaglihi? Sa bato?

 

“Hindi na nga sabi! Busog pa talaga—” Natigilan ang binata nang biglang kumulo ang kanyang sikmura. Ang lakas! Tunog busog nga! Baekhyun pouted para hindi matawa pero yung tatlo… ayun, mga walang self-control. Halakhak kung halakhak, yung tipong kita pati ngalangala.

 

“Tsk! Just come with us kasi! Baka mamaya mahimatay ka pa sa daan sa sobrang pagkabusog mo eh.” Pang-aasar niya kaya umismid ang captain. “Kunin ko lang things ko. You guys can… erm… shower or freshen up or whatever. Hintayin ko kayo!”

 

So ayun. Mabilis na nag-ayos yung apat at hindi nagtagal, nakalabas na rin sila ng campus para maghanap ng makakainan. Hinayaan ni Baekhyun sina Jongin mag-decide kaya naman nauwi sila sa isang maliit na siomai house. Sinubukan pa nga niya ayain ang mga kasama sa mamahaling restaurant, afford niya naman kasi at alam niyang pagod din sila sa training pero tumanggi ang mga ito.

 

“Sure kayo mabubusog kayo rito?” Tanong niya for the nth time.

 

“Oo naman!” Masiglang sagot ni Luhan. “Siomai rice is life kaya!”

 

“Amen! Amen!” Dagdag ni Tao. 

 

Nagbaba sina Jongin ng ilang gamit sa isang table (para raw i-reserve) bago sila pumunta sa counter para umorder. Manghang-mangha pa nga si Baekhyun sa baba ng presyo. 

 

“Ikaw Baek, ano sayo?” Tanong sa kanya ni Jongin. 

 

“Uhm… kung ano na lang din yung kay Hatdog.”

 

Bumalik na rin sila sa table pagkatapos nilang umorder. Syempre tumabi si Baekhyun kay Chanyeol habang yung tatlo naman, nakapwesto sa tapat nila. They talked about random things habang naghihintay sa pagkain nila. At isa na nga sa mga naging topic nila ay kung bakit Hatdog ang tawag ni Baekhyun sa kanilang captain.

 

“Yun na ‘yon? Awit, akala ko pa naman call sign niyo yun.” Komento ni Tao. 

 

Umiling si Luhan at tinuro ng tinidor ang katapat nitong si Chanyeol. “Si Cap magpapatawag na Hatdog as call sign? Tss! At this point nga I’m just amazed na wala pang natatamong sapak ‘tong si Baekhyun eh.”

 

“Hoy, mga siraulo! Hindi ako basagulero!” Pagtatanggol ng binata sa sarili ngunit hindi siya pinansin ng apat.

 

Patuloy lang na kwinentuhan ng tatlong football players si Baekhyun tungkol kay Chanyeol hanggang sa dumating na rin yung mga order nila. Pagkalapag ng plato sa harap niya, napakurap si Baekhyun sa gabundok na kanin at apat na pirasong siomai. Sobrang daming carbs! Tapos yung mantika pa ng fried siomai…

 

“Masarap yan!” Biglang sabi ni Jongin as if nabasa niya yung tumatakbo sa utak ni Baekhyun. “Ipahid mo sa kanin or di kaya isawsaw mo sa toyomansi yung siomai para mabawasan yung mantika.”

 

“Toyomansi?” Napatingin siya sa mga condiments sa gitna ng lamesa. “Which one is it?”

 

Narinig niyang bumuntong hininga sa tabi niya si Chanyeol. Magtatanong ulit sana siya kaso biglang kinuha ng captain ang maliit na saucer sa plato niya, nilagyan ito ng toyo at pati na rin katas ng calamansi. 

 

“Mahilig ka ba sa maanghang?” 

 

Nahihiyang tumango si Baekhyun. “Slight.”

 

Hinulugan ni Chanyeol ng isang siling pula yung sawsawan at hinati ito sa tatlong piraso. “Oh ayan.” Walang emosyong sabi nito nang ilapit niya ang saucer kay Baekhyun. “Kumain ka na.”

 

“Ay ang sweet naman.” Pang-aasar ni Jongin. Doon lang napansin ni Baekhyun na nakatingin pala sa kanila yung tatlo, nakangiti at para bang kanina pa sila nanonood. “Taena namiss ko tuloy jowa ko.”

 

“Kayong tatlo, ‘pag hindi kayo tumigil dadagdagan ko laps niyo sa sabado, sige.” Pagbabanta ni Chanyeol. Hindi naalis ang ngiti sa mukha nina Jongin pero ibinalik na rin nila ang atensyon sa pagkain. They thanked Baekhyun for the meal at pinatawa rin nila ito sa pangakong sa susunod na kakain sila sa labas, si Chanyeol naman daw ang manlilibre. 

 

Sobrang nag-enjoy si Baekhyun. Ang entertaining din kasi nila kausap kaya naging kumportable siya agad. Nasarapan din siya sa cheap na pagkain to the point na nakalahati niya yung kanin niya. Walang-wala pa rin siya sa student athletes though. Ang lalakas kasi nila sa kanin, kahit na kakaunti lang yung ulam nila.

 

Masaya at busog silang lumabas ng kainan nung gabing yon. Sakto namang nakatanggap ng tawag si Chanyeol kaya lumayo muna siya saglit para sagutin ito. Si Baekhyun din ay may nakuhang text galing kay Yixing, may tinatanong tungkol sa part niya sa project kaya nag-excuse siya para mag-reply. Habang occupied yung dalawa, hindi nila alam na may pagpupulong na palang nagaganap sa gilid.

 

“Sorry about that.” Ani ni Baekhyun sa tatlo na biglang naghiwa-hiwalay. He eyed them curiously.

 

“Ah nga pala Baek, nag-text kasi si Soo sakin. Nagpapasundo sa bahay ng kaklase niya. Oks lang ba kung puntahan ko na?” Paalam ni Jongin.

 

“Oh, okay!” Tugon niya, walang kamalay-malay sa mga mangyayari. “Go na, baka mainip pa yun.”

 

Nag-thank you ulit si Jongin sa libre at nagmamadaling naglakad papalayo. Wala pang isang minuto nang makaalis ito nang biglang pati sina Tao at Luhan ay nagpapaalam na rin.

 

“T-Teka, hindi ba kayo masasabi kay Chanyeol?” Tanong ni Baekhyun. 

 

Sa kinatatayuan naman ng dalawa, nakita nilang patapos na ang tawag ng captain. Kailangan na nilang umalis! Otherwise, magiging palpak ang plano! 

 

“Sorry, Baekhyun! Naje-jebs na kasi talaga ‘ko eh. Kitakits na lang!” Palusot ni Tao na sinundan naman ni Luhan. 

 

“Ako din mauuna na! Nakalimutan ko kasi pakainin yung alaga kong ipis. Thank you ulit sa libre ah? Bye, Baekhyun!”

 

“Wait—” Bago pa man niya masubukang pigilan ang dalawa, kumaripas na ng takbo sina Tao at Luhan. Oo, tumakbo sila, kaya naman pagbalik ni Chanyeol, si Baekhyun na lang ang naiwan.

 

“Sa’n na sila?” 

 

Baekhyun bit the inside of his cheek and shrugged. "They left na."

 

Natahimik sila pagkatapos, parehas hindi alam ang gagawin. Si Chanyeol naghihinala nang plinano 'to ng tatlo—ang maiwan silang dalawa—habang si Baekhyun naman, nag-iisip ng paraan para mas matagal na makasama ang binata. Naisip niya rin naman na baka nga sinadya 'to nila Jongin pero di tulad ng isa, masaya siya. Thankful siya sa opportunity na masolo ang captain kaya he made a mental note to treat them again next time.

 

"Crush, samahan mo ko." Prisenta niya sa kasama.

 

Kunot-noo siyang tinignan ng binata. "Saan naman?"

 

"To get dessert! Tara, libre ko ulit." Nagsimula na siyang maglakad para maghanap ng malapit na convenience store. Akala niya nga iniwan na siya ni Chanyeol dahil ang tahimik nito pero pagtingin niya sa likod, nakasunod pa rin naman sa kanya ang binata.

 

“Baekhyun, gabi na.” Panimula ng binata at sa tono palang nito, alam na ni Baekhyun na may gusto siyang ipahiwatig. “May pasok pa bukas.”

 

“I know, pero mabilis lang ‘to. Please? Isang ice cream lang talaga and then we’ll go home.” Sakto namang nakakita na rin ng seven-eleven si Baekhyun kaya itinuro niya ito. “There oh!”

 

“Sandali.” Natigilan si Baekhyun nang maramdaman niya ang pagkakahawak ni Chanyeol sa kanyang pulso. “Eto na lang.”

 

Yumuko si Baekhyun para itago ang kanyang namumulang mukha. “A-Alin?”

 

“Gusto mo ng ice cream diba? Eto, ice cream.” 

 

Nang iangat ni Baekhyun ang kanyang tingin, nakita niya na ang tinutukoy pala nito ay sorbetes. “Dirty ice cream?” Tanong niya. “Hindi ba that’s…”

 

Umiling si Chanyeol at hinila siya nito papalapit sa nagtitinda. “Manong pabili nga po. Dalawa, yung sa plastic cup po.” 

 

Pinanood ni Baekhyun na gawin ni manong yung order nila. Hindi pa siya nakakakain ng dirty ice cream. Ever. Natatakot kasi siya dahil baka mamaya, LBM pa ang abutin niya. 

 

“Oh.” Inabot sa kanya ni Chanyeol ang isang plastic cup. “Malinis ‘yan. Ilang taon na kong bumibili dito kay manong at never naman ako natae.”

 

“Never kang natae? Nako delikado yun!” 

 

“Alam mo ikaw—”

 

“Joke lang! ‘To naman!” Tinanggap na ni Baekhyun yung ice cream bago pa ito bawiin ni Chanyeol. At nang maalala niyang libre niya nga pala dapat... “Hey, how much are the—”

 

“Okay na. Binayaran ko na. Wag mo na isipin ‘yon.”

 

Nagsimula na ulit maglakad ang binata kaya naiwan siyang nakatayo roon na—for the third time today—namumula. Get a grip, Baekhyun! Ice cream lang ‘yan! Ice cream na libre ni crush. Panis! ‘Di niyo kaya yon!

 

“Yieee! Thank you, Hatdog!” Masayang sabi niya nang makahabol na siya kay Chanyeol. Tinikman niya rin yung sorbetes and to his surprise, masarap nga! Lalo na yung keso flavor, yum!

 

Magkatabi sila ngayong naglalakad habang kumakain ng ice cream. Konti lang yung laman ng plastic cup at pag naubos yon, ibig sabihin uwian na. Wala dapat segundong masasayang kaya binasag na ni Baekhyun ang katahimikan.

 

“So uhm… blockmates kayo ni Sehun right? ‘Di ko alam kung naaalala mo pero we met nung gumagawa kayo ng group project.” Kwento niya. “Do you like it? Yung course mo, I mean.”

 

Hindi agad sumagot si Chanyeol kaya akala ni Baekhyun, hindi na naman siya papansinin nito. Magsu-suggest na sana siya ng panibagong topic nang biglang nagsalita ang binata. “Oo, gusto ko naman.” Sabi nito sabay subo ng ice cream. 

 

“Childhood dream mo ba maging architect?”

 

Umiling si Chanyeol nang may mapait na ngiti sa labi. “Hindi.” Tipid na sagot nito.

 

“Why?”

 

“Sira-sira na kasi yung bahay namin at ayon… gusto ko, ako mag-aayos.”

 

Malakas ang pakiramdam ni Baekhyun na may mas malalim pang storya sa sagot ng binata. Gusto niya sanang malaman kung ano yun. Gusto niyang malaman yung buong kwento ni Chanyeol Park kung pagbibigyan siya ng pagkakataon. Oo, may pagka masungit nga ito, laging nakasimangot na para bang may galit siya sa mundo. Pero naniniwala si Baekhyun na may rason—na may dahilan kung bakit gano’n na lang kataas ang mga pader na itinayo ni Chanyeol.

 

"That's nice." Taos-pusong wika niya sa binata. "’Pag magtatayo kami ng mga bagong establishments sa future, wag ka mag-alala, ikaw agad tatawagan ko! Promise ko ‘yan, Architect Park!"

 

Naramdaman niyang napatingin sa kanya si Chanyeol ngunit agad din nitong ibinalik ang atensyon sa daan. "Matagal pa ‘yon." Komento nito. "Tsaka malay mo, baka ‘di na tayo magkakilala nun."

 

"Oy hindi ah!" Protesta ni Baekhyun. "Baka ikaw, pero ako, I won't forget you." 

 

Walang naisagot ang binata sa sinabi niya. Napansin din ni Baekhyun na konti na lang pala yung ice cream niya kaya sinasadya niyang bagalan ang pagkain. Ayaw niya pa kasi talaga umuwi. 

 

"Anyway, hindi ba super busy kapag architecture course? Pa’nong nagagawa mo pa rin mag sports?" Pag-iiba niya.

 

"Interview ba 'to?" Masungit na tumingin sa kanya ang captain pero sinagot pa rin naman nito ang tanong. "Time management. Mahal ko parehas kaya... bakit ko bibitawan kung pwede ko namang ipaglaban?" 

 

"Sana all." Gusto sanang sabihin ni Baekhyun. "Eh hindi ba nakakapagod ‘yon? Pagod ka after training and then you have to do your plates pa. Si Sehun nga panay reklamo samin eh. And to think na wala pa siyang extracurriculars!"

 

Lumapit sila sa isang basurahan at tinapon na ni Chanyeol yung pinagkainan niya. Time's up. 

 

"Well, to be fair, lahat din naman kasi ng student athletes may kanya-kanyang struggle pagdating sa pagba-balance ng sports at ng studies. Nakakapagod talaga. Pero as cheesy as it sounds, totoo yung sinasabi nilang worth it yung pagod pag mahal mo yung ginagawa mo. Ako, personally, I enjoy playing football. Stress reliever ko siya kaya naglalaro pa rin ako." 

 

Ubos na yung ice cream ni Baekhyun. Mukhang nakita rin ito ni Chanyeol kaya wala siyang choice kundi itapon na rin yung plastic cup. "Now I can see kung bakit ikaw yung captain ng football team." 

 

"Huh?"

 

"When you speak…" Baekhyun trailed off. "You speak from the heart. ‘Di ko alam kung bakit pero I kinda expected na you'd boast about it—you know?—na magaling ka mag multitask or whatever. No offense ah. Pero... yeah, buti na lang mali ako. Thanks for sharing these things with me, Hatdog."

 

Dahil hindi na niya matapatan ang titig sa kanya ngayon ni Chanyeol, dinistract niya yung sarili niya by pulling out his phone para mag-book ng grab. Kaso ayun, kung minamalas nga naman, walang available. 

 

"Sa’n ka ba nakatira?" Biglang tanong ni Chanyeol.

 

"Bakit? Aakyat ka ng ligaw? Wag na! Pwede namang tayo na agad eh." Pang-aasar niya at tuwang-tuwa siya nang makitang sumimangot ulit ang captain. "Diyan lang, a few blocks away. I don't wanna walk kasi ang… scary." Amin niya.

 

May mga tao pa naman sa labas pero ayaw niya talagang naglalakad mag-isa sa gabi. Dapat may kasama siya, usually si Kyungsoo pero minsan, si Jongin. ‘Pag wala parehas, lagi siyang nagbo-book ng grab kahit ang lapit lang ng condo. Nakakaparanoid kaya!

 

"Wala ka nang makukuha niyan. Tara na, para makauwi na ko." Masungit na sabi ng captain na siyang ikinagulat naman ni Baekhyun.

 

Noong gabing iyon, sinamahan siya maglakad ni Chanyeol pabalik ng condo niya. Noong gabi ring iyon, mas lalo pang nakilala ni Baekhyun ang binata. Parang panaginip nga kung tutuusin, dahil hindi niya lubos akalaing makakausap niya nang ganito si Chanyeol. And it makes him happy, ang malaman kahit pa ang maliliit na bagay tungkol sa kanya.






“Hoy ano ka? We’re friends na kaya!” 

 

Kausap niya ngayon sa telepono si Kyungsoo. Naghihintay pa ng sunod na klase ang pre-med student kaya ito, tamang chika lang muna. Busy rin kasi sila parehas nitong mga nakaraang araw kaya kahit nasa iisang condo unit lang sila, minsan hindi pa sila nagkakasabay.

 

“Sus! Hinatid ka lang friends na kayo agad?” Sagot ni Kyungsoo mula sa kabilang linya. “Baka napilitan lang yun. Mukha ka pa naman paboritong target ng mga snatcher.”

 

"Well at least there's progress!” Pagpupumilit ni Baekhyun. “Kahit ask mo pa jowa mo!”

 

“Tsk! Wag na. Isa pa ‘yun eh, nakaka-imbyerna, feeling kupido. Sa kanya ko na nga nasasagap mga updates tungkol sa inyo! Yung dapat na date nights namin nagiging chika minute na! Kaloka!”

 

Natawa naman siya sa reklamo ng kaibigan. “Oh kaya nga ako na nagke-kwento sa’yo eh. Love life update: Friends na kami. And I’m pretty sure it won’t be long before Chanyeol falls for me too.”

 

“Awow kapal ng mukha! Kakaibang pagmamalaki pero sige.” Umirap si Baekhyun at nagpatuloy naman si Kyungsoo. “Pero hindi nga, seryoso, ano bang balak mo diyan kay Park? Jojowain mo ba talaga? Baka mamaya fling lang pala yan ha. Landi ka nang landi diyan, dapat handa ka sa consequences. Nako, sinasabi ko sa'yo!”

 

He’s not gonna lie. Unang beses pa lang na nakita niya si Chanyeol, nahumaling na siya. He was instantly attracted—smitten by the captain’s breathtaking visuals. Type na type talaga siya ni Baekhyun kaya nang hindi siya pansinin nito, sobra siyang na-frustrate. Imagine, nung unang beses niyang bumisita sa training ng football team, pinagkamalan pa siyang naliligaw! Imbis na landiin siya, tinuro lang ni Chanyeol kung nasaan yung pinakamalapit na CR! Tama ba ‘yon?!

 

Kaya siya nagkaroon ng panibagong misyon sa buhay: Ang akitin ang naturingang captain ng university football team. 

 

“I like him, Soo.” Wika niya sa kaibigan.

 

“Weh, kasi pogi?”

 

“That, and… he’s nice din.” 

 

Which is true. Kasi kahit pa na lagi itong nakasimangot at lagi siyang sinusungitan, alam naman ni Baekhyun na mabuting tao si Chanyeol. Nakikita niya ito sa field—sa kung papaano pinakikitunguhan ng captain ang mga kapwa niya manlalaro—at maging sa mga pinahahalagahan ng binata sa buhay.

 

“Alam mo, ewan ko sayo! Kanina malandi ka lang eh, ngayon tunog marupok ka na rin.” Sumbat sa kanya ni Kyungsoo. “Anyway, dito na pala prof namin. May natira pang sinigang sa ref kung gusto mo kainin. Baka ma-late ulit ako ng uwi mamaya. Bye na!”

 

Pagkatapos ng tawag, hindi muna umuwi si Baekhyun dahil may hinihintay pa siyang papers para sa org. Nagscroll muna siya through social media at nang ma-bored na siya, naisipan niyang mag ikot-ikot na lang muna sa campus. He didn’t really mind kung san man siya dalhin ng mga paa niya. Inuubos niya na nga lang yung milktea niya nang mapadpad siya sa may library at doon, nakita niya ang taong kanina lang ay pinag-uusapan nila.

 

“Hatdog!” Bati niya nang makalapit na siya rito. “Hi baby ko!”

 

Inangat naman ng captain ang kanyang tingin mula sa phone pero nang makita niya si Baekhyun, bumalik ulit ito sa pagse-cellphone, para bang walang nakita—para bang hindi siya hinatid nung nakaraan. 

 

“So sungit.” Bulong ni Baekhyun sa sarili at nagmake-face.

 

“Eh ikaw, so kulit.” Balik ni Chanyeol. 

 

Gago, narinig niya pala yun?

 

“Did you eat na ba?” Pag-iiba niya. He lightly tugged on the sleeve of the captain’s hoodie kasi ayaw pa rin siyang tignan nito. “Kain tayo.”

 

“Ayoko, may gagawin pa ko.”

 

Magre-react na sana si Baekhyun kaso may biglang tumawag kay Chanyeol. 

 

“Park!” Sigaw nito. Isang lalaki ang nakangiting lumapit sa kanila wearing the same uniform as the captain, mukhang arki student din.

 

"Minho." Bati ni Chanyeol sa bagong dating and they bro hugged. 

 

"Angas nung presentation mo kanina ah? Nakita ko nung napadaan ako sa may audi." The guy, Minho, said.

 

"Salamat. Bukas yung block niyo 'di ba? Good luck, pare. Matanong pa naman si prof."

 

Natawa yung arki student at umiling. "Substitute prof daw mag-eevaluate samin bukas. Gara nga kanina lang din sinabi eh! Kaya sa library kami ngayon ng mga kagrupo ko para mag-prepare." Paliwanag nito. "Ikaw, wala kang training?" 

 

Saglit na napatingin si Minho sa direksyon ni Baekhyun na tahimik na umiinom lang ng milktea sa gilid. 

 

"Sa susunod na araw pa." Tugon ni Chanyeol. 

 

Tumango naman ang kausap nito at tinapik ang captain sa balikat. "Ge, una na pala 'ko. Nandon na yata mga kaklase ko tsaka baka naka nakaka-istorbo na ko sa babe time niyo." Nakangising paalam nito. "Good luck sa UAAP! Inom tayo pagkatapos ah?"

 

Agad na umalis si Minho bago pa siya ma-correct ni Chanyeol. Nakasimangot na naman tuloy ang captain. Pero dahil unti-unti na rin namang nai-immune si Baekhyun dito, he managed to smile cutely at the taller.

 

Babe time na ba? Hm?” 

 

“Mama mo babe time.”

 

“Eh pano yun ikaw ang mama ko?”

 

“Ano?!”

 

“Mama.” Ulit ni Baekhyun. “Mamahalin.”

 

Umismid si Chanyeol at nagsimula nang maglakad palayo. Syempre mabilis niyang sinundan ito. Lecheng Jongin. Siya nagturo nun eh! 

 

“Uy wait lang!” Tawag ni Baekhyun sa captain. “Okay fine! Hindi na! Hindi na ikaw mama ko, okay? Hatdog!”

 

Huminto sa paglalakad si Chanyeol kaya naabutan niya rin ito. “Okay bad joke, I’m sorry.” Wika ni Baekhyun, medyo hinihingal pa kasi ang bilis maglakad ng isa. “Just… phew! Ayaw mo ba talaga ko samahan kumain? Final na? Final judgement?”

 

Hindi sumagot ang captain kaya naisip niyang baka ayaw talaga nito. “Sige, I’ll just eat at home na la—”

 

“Saan ba?” Biglang tanong ni Chanyeol dahilan para matigilan si Baekhyun. Nilingon siya ng binata. “Saan mo gusto kumain?”

 

Sa takot na baka magback-out pa ang captain, agad niyang inaya ito sa isang malapit na Korean resto. Isang himala na tumango ito at sumunod sa kanya. Kung bakit nagbago ang isip ni Chanyeol, he'll never know. Basta masaya siya na makakasama niya ito.

 

Nag-order agad sila ng pagkain pagkarating. Baekhyun wanted bibimbap at ang sa captain naman ay beef bulgogi. May wait time pa bago i-serve yung food nila kaya para di awkward, dinaldal niya na ang binata.

 

"About saan nga pala yung presentation mo kanina?" Curious na tanong ni Baekhyun. "Sabi ng kausap mo he saw you present. Ikaw ba yung speaker?" Nahagilap ng mga mata niya ang folder na kanina pa hawak ni Chanyeol. Nagpaalam siya at inabot naman ito sa kanya ng captain.

 

"Mabilisang presentation lang ‘yon." Sagot nito. "Parang practice na rin for the actual output, requirement sa prelims."

 

Tumango si Baekhyun habang tinitignan nang mabuti yung proposal na hawak niya. Wala siyang maintindihan tungkol sa mismong plano pero based sa general description, it was supposed to be a small-scale commercial building. 

 

"Can this really fit here? Parang ang laki kasi ng infrastructure and given your land dimensions…"

 

“Kasya ‘yan.” Depensa ni Chanyeol. “Peram ako.” 

 

Ibinalik ni Baekhyun ang folder at hindi nagtagal, pinapaliwanag na ng arki student ang konsepto ng design. Nakinig naman nang mabuti si Baekhyun. Dahil bukod sa masarap talaga pakinggan ang boses ng captain, interesado rin naman siya malaman kung paano nila ginawa.

 

“I think the second proposal’s much better.” Komento ni Baekhyun pagkatapos magsalita ni Chanyeol. “In a business man’s point of view, investment din ‘yan in the long run. It might seem pricey at first glance pero considering the merits, mas okay talaga ‘to. Why did you present the first one?”

 

Sakto namang dumating na rin yung pagkain nila. Parehas silang focused sa topic na pinag-uusapan kaya hindi na nila narinig yung tanong ni ate kung kanino yung bibimbap at beef bulgogi. Iniwan na lang tuloy ni ate sa mesa yung orders. 

 

“Mas okay talaga yung pangalawa.” Chanyeol agreed habang nililigpit ang mga papeles. “Kaso we had to stick with what the client wants. Gano’n din naman talaga in actual practice, limited lang yung budget ng client, and we have to respect that. Ang pwede lang namin gawin is to make the most of what we have.”

 

Marahang inilapit ng captain yung bowl ng bibimpbap sa harap niya. Nagkusa rin ito na punasan yung mga kubyertos na nakababad sa mainit na tubig bago siya abutan ng isang pares. Hahaluin niya na sana yung mga sahog. Kaso nang makita niya ang pamilyar na gulay sa ibabaw ng kanin, napasimangot siya.

 

“May mali sa order mo?” Tanong ni Chanyeol.

 

Umiling si Baekhyun at sinundot-sundot yung mga pipino. “It has cucumbers.”

 

“Amin na.” Nilapit ng captain ang bowl nito sa kanya. “Kawawa ka naman baka ‘di ka makakain.”

 

Pagkatapos niya ibigay ang mga pipino, kumain na rin silang dalawa. Ang random na ngayon ng mga pinag-uusapan nila. Kung ano-ano kasi mga tinatanong ni Baekhyun tulad na lang ng bakit tinawag na fishball eh hindi naman siya ball? At, yung isa, bakit kulay orange yung egg waffles?

 

Habang kumakain, he also took the chance to know more about the captain. Nakwento kasi niyang nagulat siya nang malaman na common friend pala nila si Sehun, pati na rin si Jongin na part ng football team. Pareho nilang kaibigan yung dalawa pero hindi nagku-krus ang mga landas nila. Until, of course, that one time in Sehun’s place.

 

Gusto pa sana niyang manatili sa piling (yes waw sa piling) ng captain kaso nag-text na yung ka-org niya. Nalimutan ni Baekhyun na may kukunin pa nga pala dapat siya kaya pagkatapos nila kumain at magbayad, sinamahan siya ni Chanyeol hanggang sa gate ng university.

 

“Thank you pala ha, for eating me—WITH ME! FOR EATING WITH ME!” 

 

Omygod ka, Baekhyun! 

 

Tumango naman ang captain at hindi pinansin yung kalat niya. “Ayoko kasi ng may batang nagugutom. Masama ‘yon.”

 

“At sinong tinatawag mong bata?! Huh?” Pagtataray niya. “You’re just a few months older than me. Kala mo naman…”

 

“Sigurado ka diyan?” 

 

“What?!”

 

“Bye, Baekhyun. Ingat pauwi.” Naglakad na palayo ang binata habang si Baekhyun naman ay naiwang tulala sa kanyang kinatatayuan, pilit na prino-proseso ang sinabi ng captain.

 

Mas bata si Chanyeol?!
















Chapter III: Kaibiganin ang mga Kaibigan ni Chanyeol




Hangga't maaari, kaibiganin mo rin ang mga kaibigan ng taong gusto mo.

 

They are there for a reason. Bukod sa pwede ka nilang matulungan kay crush, marami ka ring matututunan at malalaman tungkol sa target—este, sa hinahangaan mo.

 

Tandaan, ‘wag mahihiyang magtanong. ‘Wag mahihiyang makipag-friends!

 

Establish rapport, baks! Kabugin mo ang pagiging friendly ni Barney!




“Yixing, may question ako.” 

 

“About saan?” Tugon ni Yixing, na kasalukuyang nagse-set up ng kanyang laptop. Break pa naman at vacant sila sa susunod na subject kaya naisipan nilang dalawa na simulan na yung pair activity.

 

Hinalo-halo ni Baekhyun ang whipped cream sa order niyang strawberry frappe galing SB. “Paano nga ba ulit tayo naging friends?”

 

Nang marinig ito, napatingin saglit sa kanya ang binata. Ang random nga naman kasi ng tanong. Babawiin na sana ni Baekhyun dahil baka nalimutan na rin nito pero biglang natawa si Yixing at umiling. 

 

“Naalala ko na. Pinalayas mo ‘ko sa pwesto ko nung first day kasi gusto mo yung seat na ‘yon.”

 

Nanlaki naman ang mga mata ni Baekhyun. “What?! I did that?!” 

 

Sinubukan niyang alalahanin ang nangyari noong araw na yon. It was their first period, 7AM, tapos Theology pa yung subject. 

 

“Oh my god, oo nga! Pero pinaalis kita kasi ang laki mo! I was sitting behind you, sa third row, at hindi ko makita yung dinidiscuss sa board kasi your stupid back was blocking my view.”

 

“Still, pwede mo namang sabihin nang maayos. Grabe ka, tinarayan mo pa ‘ko sa harap ng mga kaklase natin. Minus ten ka niyan sa langit.” 

 

Pinagkrus ni Baekhyun ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. “Anong tinarayan? I just asked kung pwede ka ba lumipat ng seat?!” 

 

“Oh kalma!” Paghihinahon sa kanya ni Yixing. “Tapos na yun! Tsaka... it worked for the best naman ‘di ba? Kung ‘di mo ‘ko pinalipat ng pwesto, aba! Baka ‘di mo nakapartner yung class genius.”

 

“Sus, kala mo naman ang laki ng ambag mo sa paper natin nun.”

 

“Huy, dalawang paragraphs kaya contribution ko do’n!” Pagmamayabang pa ng kaklase. “Ganda pa nga ng sagot ko eh. In-elaborate ko nang maayos kaya malamang, pinerfect tayo ni ma’am!”

 

“Yeah right. Sa sobrang ganda ng answer mo you even indicated sa paper na nagpe-pray ka habang nasa CR? Nakakainis talaga! Sabi na dapat prinoofread ko ‘yun!”

 

“Luh, totoo naman ah? ‘Di ka ba nagdadasal sa banyo?” Biro ng binata. “Try mo minsan, lalo na pag hindi mo malabas yung kinikimkim mo.”

 

“Yuck! Yixing, ang baboy!” Umirap na lang si Baekhyun habang ang kaklase naman ay tawang-tawa sa sariling kalokohan. 

 

Sakto namang nag-notif din yung phone niya kaya binuksan niya ito para makita kung kanino galing. 

 

owsehun: *picture ng takoyaki* 

owsehun: bleh maiingit ka :P 

 

bbhyunieee_: wtf bat may takoyaki kaaaaaaaaaa?? T^T

bbhyunieee_: huhu don’t talk to me >:( u promise breaker!!

 

owsehun: awit yon, para takoyaki lang? tsk! san ka ba? i’ll bring u some

 

bbhyunieee_: u better! sabi mo pa naman we’d get takoyaki together :((

bbhyunieee_: sa square ako, kasama ko classmate ko 

 

owsehun: kaya nga dadalhan ka na eh *bored emoji* anyway, eto lang?

 

bbhyunieee_: huh?

 

owsehun: takoyaki lang ba dadalhin ko sayo? or baka gusto mo rin nitong kasama ko?

owsehun: *picture ni Chanyeol na nakatalikod*

 

“OMG?!” 

 

Maging si Yixing ay nagulat sa biglang pagsigaw ni Baekhyun. Sinubukan niyang tanungin ito kung anong problema pero imbis na sagutin siya, naging abala lang ito sa pagre-retouch. As if naman kailangan pa niya ‘yon...

 

“Yixing, do I look pretty na ba?” 

 

Hindi agad nakasagot si Yixing sa tanong ni Baekhyun. 

 

Pinagmasdan niyang mabuti ang kaibigan, mula sa nagniningning nitong mga mata, hanggang sa mga labi nitong sobrang nakakahalina. Tila nanghina naman ang puso ni Yixing. Gusto niya sanang sabihin na “Oo, sobra. Sobrang ganda mo Baek kaya mula pa nung unang beses na nakita kita, gusto na kita.” 

 

Pero hindi, tumango na lang siya bilang tugon sa tanong ng kaibigan.

 

“Tss. Parang ‘di mo naman ako tinignan eh!” Reklamo pa ni Baekhyun na busy sa pananalamin.

 

Wala namang nagawa si Yixing kung ‘di yumuko at lumunok na lang. Gusto niya si Baekhyun, matagal na. Pero wala siyang lakas ng loob umamin dahil sino ba siya? ‘Di hamak na isang kaklase lang. 

 

Cue song: Unang araw pa lang minahal na kita~ Bakit ba ganito ang aking nadama?~

 

Assuming na baka mamaya pa dumating sina Sehun, o baka nagbibiro lang talaga ito na isasama niya si Chanyeol at mag-isa lang siya pupunta, inabala na lang muna ni Baekhyun ang sarili sa paggawa ng pair work nila ni Yixing. Nahati na rin naman na nila ang gagawin. Mabilis lang din sila gumawa kaya hindi malabo na matapos din sila nang maaga.

 

“Oh, eto na takoyaki mo. Saksak mo sa baga mo.” Pabalang na sabi ng isang pamilyar at nakakarindi na boses na pagmamay-ari ng bestfriend niyang si Sehun Oh. 

 

Inilapag nito yung supot ng pagkain sa tabi niya ngunit hindi na siya nag-abalang tignan ito. Dali-daling lumingon si Baekhyun at hindi naman siya nabigo dahil nakatayo sa likod kanyang kaibigan ay ang captain ng football team.

 

“Hi Hatdog!” Masayang bati niya kay Chanyeol. Tinignan lang siya ng binata at tumango pero sapat na ‘yon upang mas lumawak pa ang ngiti sa kanyang labi.

 

“Ayos ka ah? Kaklase ko pa una mong binati eh ako nga ‘tong nagdala ng pagkain sa’yo?” Singit ni Sehun. “At bakit ‘Hatdog’? Kailan pa naging Tender Juicy si Chanyeol?”

 

Mali ka ng brand Sehun. Mighty Meaty ‘yan.

 

Umirap si Baekhyun at muling tumingin sa direksyon ng captain. Napansin niyang pinagmamasdan nito yung mga papeles na nakakalat sa lamesa kaya kahit hindi naman siya tinatanong, nagkusa siyang magpaliwanag. 

 

“Ah, we were just finishing a pair activity. Mga reference namin ‘yan kaya nakalabas.”

 

Naisip niya tuloy na paano kaya kung sabay sila mag-aaral ni Chanyeol? Ang cute siguro nun. Study date kumbaga. Aral now tapos momol with your study buddy later.

 

“Anyway…” Pumagitna si Baekhyun sa tatlo. “This is my blockmate nga pala, si Yixing.” Pakilala niya sa kasama. “And Yixing, meet Sehun, bestfriend ko, and si Hat—Chanyeol! Si Chanyeol, friend ko rin.”

 

Masiglang nakipagkamayan si Sehun habang si Chanyeol, well, tumango at ngumiti naman siya pero parang... pilit? Kung sabagay, naisip ni Baekhyun na baka hindi lang talaga sociable ang binata.

 

“Wow, akalain mo yun? May ibang friends ka pala?” Pang-aasar sa kanya ni Sehun kaya nakatanggap ito ng malakas na hampas sa braso. “Aray! Ayan! Kaya nag-aalala kami ni Kyungsoo na baka wala kang ibang friends kasi mapanakit ka.”

 

Natawa naman si Yixing at sumang-ayon. “Oo nga eh. Hindi ko nga inexpect na ganyan pala ‘yan, mapanakit.

 

Sa takot na baka ma-misunderstand ni Chanyeol, nilingon ni Baekhyun ang kaklase at sinamaan ito ng tingin. 

 

“Hoy, Yixing! I never hit you kaya!” Mabilis niyang hinalugad ang utak niya, iniisip kung nagkaroon ba ng time na nahampas niya si Yixing pero wala naman! Behave naman siya tuwing kasama niya ang kaibigan. 

 

“‘Wag ka ngang imbento! Kailan kita sinaktan, sige nga?”

 

“Lagi kaya. Ang manhid mo kasi.” Diretsong sagot nito na mas lalong nagpagulo sa isip ni Baekhyun.

 

“What?”

 

“Excuse me.” Putol sa kanila ng isang malalim na boses—boses na kaninang-kanina pa niya gustong marinig. “Mauna na pala ‘ko. May mga kailangan pa kasi ako tapusin.” 

 

“But you just got here!” Protesta niya. 

 

Hindi naman itatanggi ni Baekhyun na gusto pa niyang makasama si Chanyeol. Medyo naging close na rin naman kasi sila (oh, wag na kayong kumontra) nitong mga nagdaang araw. Since that night na hinatid siya nito pabalik ng condo, napansin niyang hindi na gaanong suplado sa kanya ang binata. Syempre, may mga pagkakataon pa rin na sinisimangutan siya nito pero hindi na gaya ng dati.

 

Friends naman na sila ‘di ba? Paano kaya kung… 

 

“Can I come with you?” Alok ni Baekhyun, na siyang ikinabigla naman ng tatlo. “I’m almost done with my part and pwede ko namang isend na lang kay Yixing yung document when I finish.”

 

“May tatapusin ulit kaming group work, Baek.” Si Sehun ang sumagot. “Ano naman gagawin mo dun?”

 

“I can bring snacks and I can work quietly! I won’t be a bother, promise.” 

 

Umasa si Baekhyun na mapapapayag niya yung dalawang arki student, lalo na’t mukhang pinag-iisipan ding mabuti ni Sehun. Alam niyang nadali niya ito sa libreng snacks. ‘Pag kasi siya ang nag-dala ng pagkain, all out, mala-piyesta ang handaan. 

 

Binuka ni Sehun ang kanyang bibig para sana sumagot ngunit inunahan na siya ng kaklase. Si Chanyeol ang nagsalita and as expected, tumanggi ito. Pinigilan naman ni Baekhyun na umirap kasi hello? As if naman that stopped him before.

 

Bumalik na rin sina Yixing at Baekhyun sa pagtatrabaho nang makaalis na ang dalawa. Si Yixing, itinuon na lang ang atensyon sa pagtapos ng activity at si Baekhyun naman, tuluyan nang nadistract kakaisip kung anong pagkain ang dadalhin niya mamaya sa condo ni Sehun. Hindi rin naman nagtagal nang napagdesisyunan niyang magdala na lang ng chicken, pizza, at pasta. 

 

Kasabay na rin nito ang tuluyan niyang paglimot sa nakapagtatakang sagot ni Yixing kanina.






Inayos ni Baekhyun ang kanyang sarili matapos pindutin ang doorbell ng dalawang beses. 

 

Okay fine, limang beses. 

 

Mas prepared na siya sa OOTD niya ngayon dahil from his school uniform, nagpalit siya to a cute outfit: A baby blue sweater paired with grey pants, tapos sneakers ulit to finish off the look. Medyo simple kung tutuusin but hey, maganda naman siya so...

 

Hindi rin naman nagtagal nang pagbuksan na rin siya ni Sehun ng pinto. Napasimangot ang dalawa nang makita ang isa’t isa, pero sa magkaibang dahilan. Ang kay Baekhyun, dahil hindi si Chanyeol ang sumalubong sa kaniya at ang kay Sehun naman, dahil dumating ang kaibigan na walang bitbit. Nasaan yung snacks?

 

“Bawal walang ambag dito. Bye.” Isasarado na sana ni Sehun ang pinto ngunit bigla itong tinulak ni Baekhyun para makapasok.

 

“Nagpadeliver ako. It should be here in a few minutes.” Irap nito at tsaka dumiretso sa unit ng kaibigan na para bang siya ang may ari ng bahay.

 

Natigil sa paggawa ang mga arki students nang makita nila ang bagong dating. Baekhyun’s quite famous kasi sa university, lalo na’t isa siyang student ambassador. Ngumiti siya nang malawak ngayong nasa kanya na ang atensyon ng lahat—lahat maliban sa isa na seryosong nagse-sketch sa sofa. 

 

“Hello!” Bati niya sa mga bisita ng kaibigan.

 

And speaking of kaibigan, napahilamos na lang ng mukha si Sehun at tinabihan siya para ipakilala. “Nga pala guys, si Baekhyun. Peste siya rito kaya pag nanggulo, paalisin niyo na lang.” Pagbibiro nito kaya isang kurot sa tagiliran ang natamo ng binata.

 

“No! No! Don’t worry, I’ll behave myself and hindi ko kayo guguluhin. Gusto ko lang kayo ma-meet kasi friends and classmates kayo ni Chanyeollie my love so sweet. That’s all.”

 

This time, talagang lahat na ng tao sa silid ay nakatingin na sa kanya, maging ang captain ng football team. Hindi naman pinagsisihan ni Baekhyun yung sinabi niya. Bakit? Eh totoo naman? Gusto niya naman talaga makilala at maging kaibigan yung mga taong malapit kay Chanyeol—ang makasalamuha yung mga taong mahalaga kay Chanyeol. 

 

Wala namang masama dun ‘di ba?

 

Naging tahimik ang lahat kaya umubo si Sehun at nagsalita. Nagbiro siya ulit na kapag nanggulo si Baekhyun, siya mismo ang magpapalayas dito. Mabuti na lang talaga natawa sila at nawala na rin yung awkwardness. Mabuti na lang din talaga at saktong dumating na ang mga pagkaing pina-deliver.

 

It was over the food nang makilala ni Baekhyun ang mga kaklase nina Sehun at Chanyeol. Anim sila sa grupo. There was Vince, another student athlete pero for swimming naman. He also met Amy and Irish, na nalaman niyang magpinsan pala na parehong gusto maging architect. And last but not the least, there was Jongdae, na for some reason, naka-click niya bigla.

 

Mukhang mabait naman lahat pero kung si Baekhyun ang tatanungin, pinaka nagustuhan niyang kausap si Jongdae. Sa loob ng ilang minuto ang dami na agad nilang napag-usapan, gaya na lang ng family background. Natutunan niya na galing pala ito sa kilalang angkan ng mga doktor. Pinakuha si Jongdae ng mga courses related sa med noon at naipasa niya naman lahat. Kaso lang, alam niya sa sarili niya na wala sa pagdo-doktor ang puso niya kung ‘di sa pagguhit at pagpaplano kaya eto, kumuha siya ng kurso sa architecture.

 

Habang nag-uusap sila, hindi nakalusot kay Baekhyun ang mga panakaw na tingin ng binata sa kabilang side ng table. Doon nakaupo sina Sehun at Vince. At pasensya na lang, may pagka-chismoso rin kasi siya. Hindi niya tuloy napigilang maki-usyoso.

 

“Jongdae?” Mahinang tawag niya sa katabi na katatapos lang kumuha ng pangalawang serving ng pasta. “I might be wrong pero… may gusto ka ba kay Sehun?”

 

Nahulog ang kubyertos ni Jongdae dahilan para saglit na mapatingin sa direksyon nila ang iba. 

 

“A-Ano? Ako? ‘Di ah!” Agad na pagtanggi nito. Tumayo ang arki student at pumunta sa lababo para hugasan ang nahulog na tinidor. Sinundan naman ito ni Baekhyun.

 

“Ohhh... So si Vince?” 

 

Mabilis na umiling si Jongdae. “Hindi rin! Ano ka ba? Wala ‘kong gusto sa kahit sino sa dalawang ‘yon.”

 

Tumango si Baekhyun pero he’s still unconvinced. Malakas talaga kutob niya na may gusto ang binata sa bestfriend niya. After all, you don’t just steal glances at your classmate and then blush all of a sudden! Walang ganon, unless may feelings ka para sa tao. 

 

Nagkibit-balikat si Baekhyun. “Okay, sabi mo eh.” Kung ano man ang totoo, hindi niya na rin ito pipilitin pang umamin. Hindi rin naman kasi pwede, lalo na’t may kasintahan din si Sehun.

 

Babalik na sana siya pwesto niya kanina subalit muling nagsalita si Jongdae. “Hay nako ka, you’re one to speak. Ano meron sa inyo ni Park, ha? Mag-jowa ba kayo?”

 

“Hindi...” Lumingon si Baekhyun sa arki student at ngumiti. “...pa.”

 

“Ayyy gusto ko ‘yan! Palaban!” Malakas na sabi nito. “Oh eh ba’t di mo abutan ng pagkain ‘yang si Chanyeollie my love so sweet mo? Tignan mo, kanina pa ‘yan nasa sala, hindi pa rin kumakain.”

 

Nahagilap ni Baekhyun si Chanyeol sa kaninang pwesto nito pero imbis na nagse-sketch, nagta-type na sa laptop ang binata. Napansin niyang may suot na rin itong salamin at kung ‘di lang talaga ito busy sa ginagawa, baka kanina pa niya pinisil ang magkabilang pisngi ng captain sa sobrang cute!

 

Sinunod naman ni Baekhyun ang suggestion ng bagong kaibigan kaya sa isang paper plate, pinaghandaan niya ng makakain si Chanyeol. Dinamihan niya yung serving ng pasta para siguradong mabubusog ito. Pumunta rin siya sa kabilang side ng table para kumuha ng maiinom at sa kanyang paglapit, hindi niya sinasadyang marinig ang usapan ng dalawang mag-pinsan.  

 

“Tingin mo ba sila ni Chanyeol?” Tanong ng babaeng maikli ang buhok, si Amy.

 

“Parang hindi? Nakita mo naman kung pa’no sumimangot si Chanyeol kanina ‘di ba?” Sagot ng pinsan nitong si Irish. “Obvious naman na one-sided.”

 

“Sa bagay. ‘Di ko nga akalain na may pagka-desperada pala yung Baekhyun na yun. Sabi ng friend ko na batchmate niya, pangit daw ugali nun, mataray daw tsaka bitchesa. Who would’ve thought na maharot din pala siya ‘no?”

 

Bumuntong hininga si Irish at umiling. “Well, ganyan talaga pag mayayaman. Ang lalakas ng loob lumandi at mag-inarte eh mga retokada naman.”

 

Kinailangan pumikit at huminga nang malalim ni Baekhyun para pakalmahin ang sarili niya. If this was another day, malamang hindi niya ‘to pinalampas. But he promised. Nangako siya na hindi siya manggugulo. Ayaw niya rin naman na makita siya ni Chanyeol in a bad light kaya as much as gusto niyang patulan, iiwas na lang siya. Lalayo na lang siya.

 

Tahimik na kinuha ni Baekhyun ang pinakamalapit na litro ng softdrinks para makaalis na. Ang kaso, mukhang hindi lang pala siya ang target ng dalawa. Hindi lang pala siya ang pinag-uusapan nila kaya natigil siya sa paglalakad.

 

“Sana talaga hindi siya bet ni Chanyeol.” Pabulong na dagdag nung Amy. “Sayang naman kasi siya kung… he’s into guys.”

 

“Ugh! No way. Hindi yun ‘no.” Sabi naman ni Irish. “Malay mo... pineperahan niya lang pala si Baekhyun, ‘di ba? I mean, kahit ako naman titiisin ko maging kaibigan niyan kung palagi akong makakalibre.”

 

“Hala, oo nga ‘no? It makes sense, lalo na sa condition ng tatay niya. Gipit na siguro.”

 

“See? Pineperahan niya lang yun. Alam naman ng lahat na he’s not that well-off. Pag nakuha niya na kailangan niya, ‘ta mo, lalayuan niya rin si Baekhyun.”

 

Malakas na ibinaba ni Baekhyun ang bote ng softdrinks sa lamesa, dahilan para gulat na mapalingon sa kanya ang dalawang magpinsan. Mapapalampas niya pa kung para sa kanya yung masasakit na salita nila. Pero kung idadamay nila si Chanyeol? Aba! Ibang usapan na ‘yon!

 

“WHAT THE FUCK?!” Bulyaw niya sa dalawa.

 

Tila hindi naman naapektuhan si Irish dahil nagmake-face pa ito at tinaasan siya ng kilay. “Kanina ka pa ba diyan?”

 

“Does it matter?” Galit na tugon niya. “Narinig ko mga sinabi niyo! How could you—How could you say all those terrible things?! Ganyan ba talaga kayo, ha? Mga plastik?!” 

 

Umirap si Amy at ngumisi. “Oh eh ano naman ngayon?”

 

“Gosh! Are you serious?! Ang kapal ng mukha niyo! Wala na ‘kong pakialam sa mga sinabi niyo tungkol sakin pero yung sa kaibigan niyo?” Sigaw niya. “Mga walang hiya kayo!”

 

“Ayun, edi lumabas din ugali mo.” 

 

“Wow, ako? Ako pa talaga?!” Baekhyun scoffed. “After what the both of you said behind Chanyeol’s back?!”

 

As if on cue, pumasok sa dining room si Chanyeol. Kasunod nito ay sina Sehun, Jongdae at Vince na mga nagulantang din sa biglaang ingay.

 

 “Anong nangyayari dito? Ba’t may sumisigaw?” Tanong ng may ari ng unit. “Baekhyun?”

 

Nakasimangot pa rin siya dahil sa totoo lang, inis na inis talaga siya sa ginawa ng dalawa. Hindi naman siya santo pero really? Backstabbing? Matatanggap niya pa yung mga sinabi nila sa kanya dahil hindi naman siya kilala ng mag-pinsan. Wala naman silang alam sa buhay niya. 

 

Eh si Chanyeol? Paano si Chanyeol na kaklase nila? Na ka-grupo nila? Paano naman si Chanyeol na kanina lang ay pinagmamalaki pa nilang kaibigan na raw nila since first year?

 

“Baekhyun.” This time, isang malalim na boses ang tumawag sa kanya. Seryoso ang tono nito at nang lingunin niya ang binata, tama ang hinala niya dahil nakasimangot ito ngayon… sa kanya.

 

Nahimasmasan si Baekhyun nang makita niya si Chanyeol. “Chan, they were sayi—”

 

“Ano ba ginawa namin sayo, ha?” 

 

Natigilan si Baekhyun nang putulin siya ni Irish. Confused, tinignan niya ito only to see her on the brink of tears. What the heck? 

 

“Nag-uusap kami dito tapos bigla mo na lang kaming tinarayan.” Naluluhang sabi pa nito. “Sinigawan mo pa kami para ano? Para sabihin sa ‘ming layuan si Chanyeol?”

 

Maging si Baekhyun ay naguguluhan na sa mga nangyayari. Ano bang pinagsasasabi nila? 

 

“Don’t fucking change the story!” Bwelta niya sa dalawa. “Kayo ang mali dito kaya you two better apologize right now!”

 

“Anong mali? Eh kami nga ‘tong binantaan mo para lang lubayan si Chanyeol?!” Sabi naman ni Amy, na nakaalalay ngayon sa nanghihinang si Irish. “At talagang ginamit mo pa estado mo para takutin kami? Ikaw yata ang dapat mag-sorry!”

 

“Wha—I NEVER DID THAT!” Depensa niya sa sarili. “I never threatened you! Kayo nga ‘tong wala namang ginagawang masama sa inyo pero sinisiraan niyo! Pinakikisamahan naman kayo nang maayos pero ginagago niyo! Tsaka, tigilan niyo na nga ‘yang pag-aacting niyong ‘yan! Ang pa-plastik niyo!”

 

“Baekhyun, tama na.” Awat sa kanya ni Sehun.

 

“No Sehun! Kailangan nila ma-call out! Kailangan nila ma-expose kasi hindi tama yung ginagawa nila!” Agresibong tugon niya sa kaibigan. 

 

Muli niyang hinarap ang magpinsan at sinamaan ng sila tingin. Nakita niyang mangiyak-ngiyak na ang dalawa kaya naman mas lalong nag-init ang dugo niya. 

 

Punyeta talaga, mga pa-victim! 

 

“Go on, tell them. Matapang kayo kanina ‘di ba?” Hamon niya kina Amy at Irish. “Kung may gusto kasi kayo sabihin, sabihin niyo nang harapan. Hindi yung nangba-backstab kayo! Kung ano-ano sinasabi niyo kanina tapos ngayon palalabasin niyo pa na ako yung masama—”

 

“BAEKHYUN!” Dumagundong sa buong silid ang boses ni Chanyeol at hindi na niya kailangan pang harapin ang binata para malaman na ubos na ang pasensya nito. “That’s enough.”

 

“Chanyeol, listen to me. They—”

 

Bago pa niya matapos yung sasabihin niya, biglang nag-collapse si Irish. Napasigaw sa gulat ang iba habang si Baekhyun naman ay naistatwa na sa kanyang kinatatayuan.

 

They were faking it diba? Bakit may biglang nahimatay?!

 

Halos ma-out of balance siya nang biglang may sumagi sa kanya sa gilid. To his surprise, it was Chanyeol. Mabilis na pinuntahan ng binata ang hinimatay na dalaga at binuhat ito. 

 

“Wag niyong i-crowd.” Utos pa ng binata bago nito dinala ang kaklase sa guest bedroom ni Sehun para doon pagpahingahin. 

 

Abala ang lahat kay Irish kaya si Baekhyun, tahimik na lang na sumunod. He was shocked and guilty. Kahit pa galit siya sa ginawa nito, hindi niya naman gusto na mapahamak ang dalaga. He never meant for any of this to happen.

 

“Is s-she gonna be okay?” Nauutal niyang tanong habang inaalalayan ng iba si Irish na makahiga nang maayos sa kama. Tahimik ang lahat at naaanxious siya sa totoo lang, lalo na’t siya rin ang may kagagawan nito. 

 

“Do we need to take her sa hospital? A-Ako na lang tatawag ng ambula—”

 

“Baekhyun, pwede ba umalis ka na lang muna?” Lumingon sa kanya ang lalaking nagsalita, si Chanyeol. 

 

“I’m sorry. Hindi ko naman intention na—”

 

“BAEKHYUN FOR FUCK’S SAKE JUST LEAVE!” Inis na sabi ni Chanyeol and everyone—every single one of them in the room was startled. 

 

Kahit kailan hindi siya pinagtaasan ng boses ni Chanyeol. Kahit palagi niya itong kinukulit, kahit pa na lagi niya itong inaasar, ni isang beses hindi naman siya sinigawan at itinaboy nito. Naisip niya naman na dati, paano kung mapuno sa kanya ang binata? Sa panggugulo niya, sa pantitrip niya, sa ugali niya… paano kung isang araw, mapuno na lang si Chanyeol sa kanya?

 

He thought about it before and he hoped that it would never happen. But it did. At hindi niya lubos akalain na ganito pala ang pakiramdam, na masakit pala.

 

Hindi alam ni Baekhyun kung saan pa siya nakakuha ng lakas ng loob pero hinanap niya ang mga mata ng captain. Mas lalo lamang siyang nasaktan sa kanyang nakita dahil malayong-malayo ito sa kanyang nakasanayan. 

 

Malamig ang mga ito, malamig at puno ng pagkadismaya. 

 

He then felt his own eyes begin to water. Napansin din ito agad ni Sehun ngunit bago pa man makalapit sa kanya ang kaibigan, umatras na siya. Mabilis siyang tumalikod at naglakad papalayo... gaya ng hiniling ni Chanyeol.

 

Umuwing mag-isa si Baekhyun noong gabing iyon at nagkulong sa kanyang kwarto. Kahit kanina pa nagbabadyang tumulo ang kanyang mga luha, pinigilan niya. Baekhyun Byun never cries over a guy. Never. 

 

Hindi rin naman nagtagal nang maisipan niyang itulog na lang ang sama ng loob, nagbabakasakali na sa paggising niya, wala na ito. Kaso hindi ganon ang nangyari dahil sa kanyang pagpikit, muli niyang naalala ang tingin sa kaniya kanina ni Chanyeol—muli niyang naaalala ang pagkadismaya na bumabalot sa mga mata ng binata.

 

Hindi na nakatulog pa si Baekhyun.

 

Hindi na rin naalis ang bigat ng kanyang nararamdaman, kahit pa sunod-sunod nang kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.






Wala si Baekhyun sa mga sumunod na training. 

 

Pagkatapos kasi ng nangyari sa condo ni Sehun, tinigilan niya na muna ang pagsunod kay Chanyeol na parang aso. Sakto rin naman dahil marami rin siyang ginagawa ngayong papalapit na ang prelims. Malapit na rin yung annual event ng family business nila so... there’s that.  

 

“Yes, mom.” Bored na sabi niya sa telepono. “I’ll make time na this weekend kaya please, stop texting and calling my friends! Busy din sila!”

 

“How else am I going to contact you?” Balik sa kanya ng ina. “You won’t answer my calls and the event is happening soon. Wala ka pa ring suit!”

 

Napatingin si Baekhyun sa roommate niya na nakabantay sa kanya ngayon, naka-apron pa dahil nagluluto sa kusina kanina. 

 

“Magpapasama ‘ko kay Kyungsoo, okay? And mabilis lang naman ‘yon because they have my measurements already.”

 

Kunot-noong lumapit at tumayo si Kyungsoo sa kanyang harapan, mouthing “Anong sasama? Ayoko nga! May date ako!” Pero hindi ito pinansin ni Baekhyun. Mga dalawang minuto rin siyang sinermunan ng mama niya—mga bagay na sinabi na rin naman na sa kanya kanina, inulit lang—hanggang sa binaba na nito ang tawag.

 

“Gaga, may date ako. Pumunta ka dun mag-isa mo.” Hampas agad ni Kyungsoo sa kanyang braso.

 

“Aish! Edi sama mo si Jongin!”

 

“Ayoko nga! Ayoko makipag-date sa tailor shop!” 

 

“Dali na please! It’s a morning appointment naman eh!”

 

“Ayan, ‘yan na nga ba sinasabi ko.” Panimula na ni mother Kyungsoo. “Sinabihan na kita na i-settle mo na yung suit mo para ‘di ka na kulitin ni tita pero ano? Lagi mo na lang sinasabukas. Halika na nga! Kumain na muna tayo! Kaloka ‘to pati ako nadadamay.” 

 

Nauna itong naglakad palabas. Napairap na lang din si Baekhyun dahil alam niyang sasama rin naman si Kyungsoo. Ganiyan lang ‘yan, magrereklamo pero papayag din. 

 

Maingay silang kumain ng dinner that night. They talked a lot and he’s thankful na kahit isang beses, hindi nila naging topic si Chanyeol. Nakwento niya na rin naman kay Kyungsoo ang nangyari pero pagkatapos nun, hindi na ulit nila binalikan ito. 

 

And that’s probably for the best, lalo na’t iniisip niya na rin nitong mga nakaraang gabi na tuluyan na ngang tigilan ang binata.

 

Mabilis na lumipas ang oras. 

 

Before he knew it, isang linggo na pala mula nung araw na ‘yon. Hindi naging madali bumalik sa dati niyang routine dahil minsan, nahuhuli niya ang sarili niyang mga paa na papunta sa field o ‘di kaya sa convenience store na lagi niyang binibilhan ng tubig. Gaya na lang ngayon, nasa tapat siya ng malaking ref, nakatitig sa mga hilera ng inumin.

 

“Baekhyuuun!” Tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses. 

 

Lumingon siya at nakitang papalapit sa kanya sina Tao, Luhan at Jongin. Nakangiti ang mga ito at mukhang mga bagong ligo. Saglit siyang tumingin sa orasan niya at nang makita niyang maaga pa, hindi niya naiwasang magtanong sa tatlong manlalaro. 

 

“Tapos na training niyo?”

 

Tumango sila at si Luhan ang sumagot. “Yup! Maaga kaming dinismiss ni coach para naman daw makapag-focus din kami sa acads.”

 

Out of instinct, pasimple siyang sumilip sa likod nila. Baka kasi kasama nila si you know who, pero wala. Wala yung higanteng may yoda ears at laging nakasimangot. Wala yung Hatdog niya… 

 

Napansin naman ni Jongin na tila may hinahanap siya kaya ito na mismo ang sumagot sa katanungang bumabagabag kay Baekhyun. “Wala si Cap. Kausap siya ni Coach Minseok ngayon. Medyo ‘di kasi okay performance niya lately.” 

 

Tumango si Baekhyun bilang tugon kahit pa ang totoo niyan, ang dami niyang follow up questions. Ano nangyari kay Chanyeol? Bakit ‘di okay performance niya? May problema ba? May part sa kanya na gusto kamustahin ang binata pero nang maalala niyang hindi nga pala sila okay, pilit niyang inalis ito sa kanyang isipan.

 

Petty na kung petty basta his brain is a Chanyeol-free zone! Mukhang hindi rin naman siya kino-consider na kaibigan nun. Ni hindi man lang nga pinakinggan yung side niya o ‘di kaya sinubukang makipag-ayos! So why bother worrying about him, ‘di ba? 

 

Wag tayong marupok!

 

"Kamusta ka na pala?" Pag-iiba ni Tao. 

 

"Di ka na pumupunta pag training eh. Pag nakikita o nakakasalubong ka naman namin sa campus, lagi kang busy.” Paglalambing pa nito. “Sawa ka na ba? Ayaw mo na ba samin? Pinagpalit mo na ba kami? Baekhyun, kami ‘to, kami ‘to na mga palamunin mo sa football team na mahal na mahal ka!”

 

Natawa sina Jongin at Luhan habang si Baekhyun naman ay napatakip ng mukha sa kahihiyan. “Oh my god ka! You’re so OA!” 

 

“OA na kung OA basta sadboi ako ngayon. ‘Di mo na kami binibisita eh kaya ayan tuloy, wala nang nag-aalaga sakin—este samin pala." 

 

Napangiti nang kaunti sa Baekhyun sa narinig. "Nag-aalaga? I just bring snacks and water sa inyo 'no." 

 

"Hindi ba considered as pag-aalaga rin yun? Pinapakain mo kami, pinapaalalahanan na mag-ingat, tsaka in-encourage mo rin kaya kami noong muntik na kami mag-drop sa team dahil sobrang hassle. Ewan ko sa kanila pero para sa ‘kin, ikaw talaga ang ilaw ng football team." 

 

Kumunot naman ang noo ni Jongin sa sinabi ng ka-miyembro. "Huh? ‘Di ko gets. Ba’t ilaw? Diba may poste naman na nagpapaliwanag sa field?"

 

Binatukan si Jongin ng dalawang kasama. "Bobo! Ang ibig ko sabihin, parang ilaw ng tahanan." Paliwanag ni Tao.

 

"Hay nako." Umiling si Baekhyun para itago ang kanyang mga namumulang pisngi. "Stop it na nga! Nambobola lang kayo eh!"

 

"Ako nambobola? Sa itsura kong 'to? Honest 'to, promise!"

 

"Oo nga. Walang halong biro, tama si Tao." Nakangiting dagdag naman ni Luhan. "Nakakamiss din yung mga araw na nagte-training kami tapos binabantayan mo kami hanggang sa matapos. Ikaw pa naman number one cheerleader namin! Tignan mo 'to si Tao, malaki na rin inimprove ng skills neto mula nung sumali siya sa team."

 

"Natitisod-tisod pa nga yan sa bola dati!" Natatawang pagpapa-alala pa ni Jongin. "Ngayon, pinapalipad niya na yung bola papasok ng net!"

 

"Aba syempre! Alagang Baekhyun ata 'to!" Proud na sabi ni Tao. "Sana talaga makabisita ka ulit next time. Hinahanap ka rin ng iba eh. Tsaka isa pa…” Lumapit ito para bumulong. “‘Di hamak naman na mas mabait si Cap ‘pag nandun ka. Palagay ko nga miss ka na rin nun eh."

 

Natigilan si Baekhyun sa sinabi ng student athlete. 

 

M-Miss niya ko? Miss ko na din siyHINDI! WALA! WALANG NAKAKAMISS SA LALAKING ‘YON DITO. WALA TALAGA!

 

"N-Next time siguro. Medyo busy ngayon eh." Pagpapalusot niya na siyang tinanguan naman ng tatlo.

 

"Eh ngayon, may gagawin ka pa ba? Tara dinner naman tayo." Pag-aaya ni Luhan. Maging si Tao sa kanyang tabi ay na-excite din sa bagong plano. "’Wag ka mag-alala KKB naman. Sadyang ano… namiss ka lang din namin. Tsaka magkakaibigan din naman tayo… ‘di ba?"

 

Nang mapatingin siya kay Jongin, nakita niyang meron itong apologetic smile, as if saying to him na okay lang tumanggi kung ayaw niya. Pero si Tao at Luhan naman 'to. Si Tao at Luhan naman 'to na lagi siyang pinupuntahan pag break time nila tuwing training—na laging sinisigurado na hindi siya nao-OP. 

 

They may have been Chanyeol's friends from the beginning but now, they've become his friends too. Doon palang wala na siyang dahilan para tumanggi.

 

"Sure! Tara, kain tayo." 

 

Kung dati sa siomai house dinala ng tatlo ang maselang prinsipe na si Baekhyun, ngayon, sa Mang Inasal naman. New kainan unlocked ‘to para kay Baekhyun dahil first time niya rito. Medyo nag-alangan pa nga ulit siya nung una pero inassure naman siya ng tatlo na safe at masarap yung pagkain, kahit pa mukhang dugyot ang lugar. 

 

Nagkwentuhan lang din sila habang naghihintay sa order nila. Paminsan-minsan, nakakakuha siya ng impormasyon tungkol kay Chanyeol. Hindi siya nagtanong ah! Kusang nababanggit lang ito nina Tao at Luhan habang nagke-kwento. Nasabi nga ng dalawa na mas lumala raw yung pagkasungit nito lately. Distracted daw ito at mabilis rin mabadtrip kaya ayun, nanghimasok na yung coach nila kanina.

 

“Sorry po natagalan, eto na po yung orders niyo.” Isang babaeng waitress ang naghatid sa mga pagkain nila. ‘Di gaya ng sa siomai house, mas kaunti na ngayon yung kanin. Pero malaki yung ulam! Naalala naman ni Baekhyun na kanin lovers yung tatlo kaya nag-offer siyang bilhan ang mga ito ng extra rice.

 

“Wala kang mabibiling extra rice dito.” Sagot ni Jongin na pinaliliguan ngayon ang kanyang kanin at manok ng chicken oil.

 

“Huh? Hindi ba kayo mabibitin niyan?” Tanong niya. “Si Tao nga oh, nakalahati na agad yung kanin!”

 

“‘Wag ka mag-alala, Baek.” Wika sa kanya ni Tao sabay lunok ng pagkain. “Ganito lang ‘yan oh. Listen, look, and listen, and learn.” Nagtaas ito ng kamay at tinuro ang kanyang plato bago sumigaw. “KYAH!”

 

Wala pang isang minuto, isang lalaki ang lumapit sa table nila. May bitbit itong parang cooler na pag-binuksan, kanin ang laman. Namangha na naman si Baekhyun sa panibagong discovery. 

 

“This is free?”

 

“Gulat ka ‘no?” Pang-aasar ni Luhan. “Wala kang mabibiling extra rice dito dahil unli ang kanin. Kaya nga paborito dito ni Tao eh.” Tumango naman din ang binata sa kanyang tabi bilang pagsang-ayon.

 

Anyway, in all fairness, masarap naman yung manok. Malasa ito lalo na pag nilagyan ng chicken oil at sinamahan pa ng toyomansi. Toyomansi. Parang yung ginawa dati ni [redacted] para sa kanya. Kumain na kaya yun?

 

“Uy! Nag-text sakin si Cap!” Masiyang anunsyo ni Tao. “Hahabol daw siya kaya sinabi ko nandito tayo sa Mang Inasal.” 

 

At si Baekhyun—sa sobrang pagkabigla—ay biglang nabulunan. Bumara yung kanin at kapirasong manok sa lalamunan niya! Lechugas! 

 

Nag-aalalang pinalo-palo ni Jongin ang kanyang likod at hindi nagtagal, may mga kanin nang nagsiliparan. Natanggal na rin sa wakas ang nakabara sa esophagus ni Baekhyun.

 

“Shit! I’m sorry!” Nahihiyang sabi niya pagkatapos uminom ng tubig. Shuta pakiramdam niya pati ilong niya nilabasan ng kanin!

 

“Maraming salamat sa biyaya ah.” Panunukso pa ni Luhan na katapat niya sa lamesa. Inabutan siya nito ng tissue at hiyang-hiya talaga siya, lalo na nang makita niyang may naglanding na butil ng kanin sa buhok nito.

 

Nilinis ni Baekhyun ang kalat at nag-order ulit siya ng pagkain para kay Luhan. Nawalan na siya ng gana kumain kaya naisip niyang magpaalam na sa tatlo pagbalik niya. Baka maabutan din kasi siya ni [redacted]. Mahirap na, dahil isang linggo na rin mula nung huli silang nagkita. Hindi niya alam kung galit pa ba ito sa kanya o ano kaya minabuti niya na lang din na umiwas.

 

"Ito po yung number niyo tsaka resibo. Pakihintay na lang po." 

 

Kinuha ni Baekhyun ang mga ito at tsaka bumalik sa kaninang pwesto nila. Napailing pa siya sa sarili dahil rinig na rinig niya yung tawanan ng tatlo, lalong-lalo na si Jongin kasi napaka-distinct talaga ng tawa nito. Tatanungin niya na sana kung anong nakakatawa ngunit bigla siyang natigilan dahil sa tapat ng kanilang lamesa, nandon nakatayo ang kanilang captain. 

 

"Baek!" Nakangiting tawag sa kanya ni Luhan.

 

Ramdam niyang pati si Chanyeol ay napatingin sa direksyon niya. Kung anong reaksyon nito, hindi niya alam. He didn't want to meet the taller's eyes kaya nanatili siyang nakatingin kay Luhan hanggang sa makalapit na rin siya sa table nila.

 

"Sorry ulit sa kanina ah." Malumanay na wika niya sa kaibigan. "I upgraded your meal na tsaka I bought you dessert. If you want something else, just let me know so I can order."

 

Mabilis naman na umiling si Luhan. "Ano ka ba, Baek. You didn't have to. Naisalba ko pa manok ko oh.” Turo niya pa sa kanyang pinggan. “Mabuti pa, maupo ka na lang at wag mo na isipin 'yon. Kay Cap mo na lang din ibigay yung extra meal, tutal mukhang ‘di na naman yata nagnanghalian 'to."

 

Pinigilan ni Baekhyun mag-react sa narinig. Tumango na lang siya sa sinabi ni Luhan subalit imbis na maupo, kinuha na niya yung mga gamit niya mula sa upuan. 

 

"Sige sa kanya na lang pero is it okay if I go na?" Biglang paalam niya kaya gulat na napatingin sa kanya ang tatlo. "Uhm… naalala ko kasi na may need pa pala akong tapusin. I don't really like cramming so…"

 

Lies. All lies. 

 

Wala na siyang dapat tapusin kasi nagawa niya na lahat kanina sa school. Hindi rin totoo na ayaw niyang nagka-cram. Gawain niya kaya yon! Alam ni Baekhyun na hindi kapani-paniwala yung excuse niya but he said it anyway. Gusto niya nang umalis, and maybe restart the whole moving on thing dahil mukhang back to zero na naman siya. 

 

"Thank you ulit for inviting me to eat dinner with you ah. Na-appreciate ko." Dagdag pa niya, at medyo naiilang na rin dahil pakiramdam niya ay nakatingin pa rin si Chanyeol sa kanya. “I’ll go ahead na. Enjoy your meal!” 

 

And with that—without even waiting for their response—nagmadali na siyang umalis at umuwi. 
















Chapter IV: Patawanin o Pangitiin si Chanyeol




Disclaimer: Hindi mo kailangan maging clown para mapatawa o mapangiti ang taong gusto mo. Just be yourself! 

 

Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang strengths at assets. Iba-iba rin tayo ng paraan para mapasaya yung mga taong mahalaga sa atin.

 

Kaya subukan mong patawanin si crush! Subukan mo siyang pangitiin o patawanin kasi ganun ang bonding!




“Bakit hindi ka kumakain, huh? Gusto mo ba magkasakit?” Panenermon ni Baekhyun sa kanyang malaking plushie na corgi. 

 

Pagkauwi niya kanina, agad siyang naligo at nagbihis ng pantulog. Medyo maaga pa naman kaya sinubukan niyang mag-advance read sa isang subject. Key word: sinubukan. Di siya nagtagal sa pag-aaral dahil wala pang tatlong minuto, na-bored na siya sa binabasa. Kaya eto, nag-skincare na lang siya. Kausap niya ang kanyang corgi stuffed toy habang naka-clay mask.

 

“Pag-ikaw nagkasakit, I’ll really get mad.” Pagbabanta pa niya rito. “Kaya eat well, okay? Don’t skip your meals! Eat lots of healthy food and drink lots of water!”

 

Dahil hindi naman nakakasagot yung laruan, hinila nalang ito ni Baekhyun at niyakap. Alam niya naman na hindi para sa stuffed toy yung mga sinabi niya. Para yun sa pasaway na si Chanyeol na apparently, hindi raw kumakain nang tama.

 

“Huy, sino kausap mo diyan?” Kunot noong tanong ni Kyungsoo na nakasilip ngayon sa kanyang pintuan. Hindi sumagot si Baekhyun. Bagkus, ngumuso ito at itinuro ang kanyang akap-akap na plushie. 

 

“Tsk! Malala ka na.” Umiiling na wika sa kanya ng kaibigan. 

 

And as much as he hates to admit it, maybe Kyungsoo’s right. Malala na nga ata siya. Harmless crush lang naman kasi dapat ‘to eh. Happy crush kumbaga! Pero bakit ganon? Bakit siya naaapektuhan nang ganito? 

 

Umalis na si Kyungsoo at saktong tumunog naman ang phone ni Baekhyun. Wala sana siyang balak na buksan ito pero dahil sunod-sunod yung notifs, na-intriga siya.

 

im_ztao followed you.

han.lulu followed you.

im_ztao liked your post.

im_ztao liked your post.

im_ztao liked your post.

han.lulu liked your post.

im_ztao commented on your post: ★BASTA POST NI IDOL ⓛⓘⓚⓔ KO YAN.!!★

im_ztao liked your post.

 

Habang pinapasabog ni Tao yung notifs niya, finollowback niya na muna yung dalawa. Una niyang tinignan yung profile ni Luhan and to his surprise, mahilig din pala itong mag-selfie. Nag-like siya ng ilang posts nito at nagpatuloy sa pags-scroll nang bigla siyang nakatanggap ng message galing kay Tao.

 

im_ztao: baekhyuuun!!!

im_ztao: hellooooooo hehe

im_ztao: daming followers ah?? nuxx peymus :P

 

bbhyunieee_: tbh, idk why they follow me also :/

 

im_ztao: angas talaga pati celeb crush ko fino-follow ka huhu naol *crying emoji*

im_ztao: anyways, san ka pala? naka-uwi ka na?

 

bbhyunieee_: yup! got home safe naman :> 

bbhyunieee_: sorry pala umalis ako agad kanina ah? bawi me next time!

 

im_ztao: no worries!! hehe btw, may question pala ko

 

bbhyunieee_: hm?

 

im_ztao: anong pwedeng peace offering? :D survey lang!! 

 

bbhyunieee_: haha are u asking for a friend? *smirk emoji*

 

Natagalan nang konti bago nag-reply si Tao.

 

im_ztao: ??

 

bbhyunieee_: nvm

bbhyunieee_: who’s it for ba? 

 

im_ztao: para sa kapatid ko sana :((

im_ztao: same kayo ng taste eh kaya ikaw po tinanong ko

 

bbhyunieee_: ohh!! uhm, siguro food?

bbhyunieee_: i like sweets so im good na with pastries or ice cream :>

 

im_ztao: okay got it!! ty!!!!

 

Naging tahimik na ulit yung phone ni Baekhyun pagkatapos ng convo niya with Tao. Sakto namang nag-ring na rin yung timer niya kaya naghilamos na siya at nahiga na ulit para makapagpahinga. Akap-akap ang kanyang corgi plushie, hinintay na lang ni Baekhyun na dalawin siya ng antok. Ilang minuto rin ang lumipas at maya-maya, patulog na siya. 

 

Well, patulog na sana siya, kaso bigla namang umepal yung tunog ng doorbell.

 

“Putek maglalandian pa nga.” He groaned, at nagtakip ng tenga gamit ang isang maliit na unan.

 

Hindi na ‘to bago. May mga times talaga na biglang darating si Jongin nang disoras ng gabi para lang makipag-landian sa bestfriend niyang si Kyungsoo. Bukod pa ‘yon sa scheduled date nights nila. Wala namang pake si Baekhyun sa ginagawa ng mag-jowa basta ang rule niya lang, wag silang maingay. 

 

“Baekhyun Byun!” 

 

Tuluyan na siyang nagising sa pangangalabog ni Kyungsoo sa pinto niya. “Oy gising! Bumangon ka diyan at lumabas ka rito!” 

 

Pero hindi siya bumangon. Bumalik siya sa pagkakapikit at umasang tatantanan din siya ng kaibigan.

 

“Gaga may bisita ka!” Pabulong na sabi ni Kyungsoo. “Pag di ka lumabas in 2 minutes, bahala ka, papaalisin ko na ‘tong si Park.”

 

Agad na bumukas ang mga mata ni Baekhyun nang marinig niya ang apilyedo ni Chanyeol. Wala naman silang ibang kakilala na may pangalang Park. Si Chanyeol lang. Sumilip siya saglit sa kanyang orasan at nang makita niyang maghahatinggabi na, nagmamadali siyang bumangon para buksan ang pinto.

 

“He’s here talaga?” Bungad niya kay Kyungsoo na nakaabang sa labas ng kwarto niya. 

 

Masungit siyang tinignan nito. 

 

“Mukha ba kong nagbibiro?” Bwelta ng kaibigan. “Andun siya sa sala. Ewan ko ba kung anong pumasok sa kokote niyan at naisipang pumunta dito nang ganitong oras pero sabi niya importante raw.”

 

Kinakabahang inayos ni Baekhyun ang kanyang sarili sa kalapit na standing mirror. Katatapos niya palang mag-skincare kaya ayos naman yung itsura niya. Cute din yung suot niyang pajamas kaya nang makita niyang presentable naman siya, lumabas na siya ng kwarto.

 

“B,” Mahinang tawag sa kanya ni Kyungsoo bago pa siya makalayo. 

 

“Kung mag-uusap kayo, mag-usap kayo nang maayos, okay? If you need anything, sa kwarto lang ako.” Paalala nito. “Ayusin niyo na yung dapat niyong ayusin. Nakakaloka kayo, para kayong mag-jowang may tampuhan.” 

 

Pumasok na si Kyungsoo sa katabing kwarto kaya naiwan siyang nakatayo sa maliit na corridor. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Kinakabahan siya na na-eexcite na ewan to the point na pati mga palad niya, pinag-papawisan na. Huminga nang malalim si Baekhyun. Nang ma-compose niya na ang sarili niya, pumunta na rin siya sa sala para harapin ang bisita.

 

Maraming nagbago kay Chanyeol sa loob ng mahigit isang linggo. 

 

For one, he had dark circles beneath his eyes, senyales na hindi ito gaanong nakakapag-pahinga. Ang dating masigalang pangangatawan nito ay tila pumayat din, bakas ang labis na pagkapagod sa kasalukuyang itsura ng binata. Marami pang ibang napansin si Baekhyun pero ang pinaka nangibabaw sa lahat ay ang simangot sa mukha nito.

 

Nakasimangot si Chanyeol, hindi dahil sa galit, kundi dahil sa lungkot—lungkot na nakita niya rin sa mga mata ng binata nang magkatinginan sila.

 

“Baekhyun.” Bati ni Chanyeol na tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa. “Alam kong gabi na pero… pwede ka bang makausap? Kahit saglit lang?”

 

Nanibago si Baekhyun sa tono ng binata. Nasanay siya sa pagsusungit ng captain kaya ang marinig siyang ganito—na nagbabakasakaling mabigyan ng konting panahon, para siyang nanghina bigla.

 

“Okay.” Mahinang wika niya. “But can I get you something? Something to drink, maybe?”

 

“Wag—” Hindi na tinuloy ni Chanyeol ang kanyang sinasabi. Bagkus ay tumango na lang siya bilang pagpayag sa alok ni Baekhyun. “Sige. Kahit anong maiinom ayos lang.”

 

Simpleng pagpayag lang naman ang ginawa ng binata pero para kay Baekhyun, it meant a lot. Ito na nga ata yung unang beses na narinig niya yung salitang 'sige' kay Chanyeol kaya naman for the first time this week, Baekhyun finally managed to smile.

 

Pumunta silang dalawa sa kusina. Pinaupo niya ang captain sa may mini bar habang siya naman ay naging abala sa paggawa ng hot chocolate. He takes pride in his version of this sweet beverage. Umuulan pa kaya saktong-sakto ‘to pampainit ng tiyan. 

 

“Here you go.” Inilapit niya ang isang mug sa direksyon ni Chanyeol matapos niya itong lagyan ng maliliit na marshmallow sa ibabaw. “Hindi ko dinamihan yung sugar, but I can add naman if you want.”

 

Hinipan muna ng captain ang ibabaw ng inumin bago ito tinikman. Nakatingin naman sa kanya si Baekhyun, nag-abang ng kahit anong reaksyon. Muling humigop ang binata sa mug at maya-maya pa, nagbigay na rin ito ng komento.

 

“It’s perfect.”

 

Dalawang salita. Dalawang salita lang 'yon pero yung puso ni Baekhyun tumatambling na sa saya. Akala niya wala na pero it's still there. Nagagawa pa rin siyang pakiligin ni Chanyeol, kahit pa sa maliliit na bagay. Uminom na lang din si Baekhyun para itago ang kanyang namumulang mukha.

 

Ilang segundo rin silang nanatiling ganon, tahimik, at tanging tunog lang ng malakas na ulan sa labas ang naririnig. Naisipan ni Baekhyun magsimula.

 

"Chan—"

 

"Baek—"

 

Nagkatinginan sila nang sabay silang nagsalita. Parehong gusto magpaliwanag, parehong may nais sabihin. Naalala tuloy ni Baekhyun yung sinabi kanina ni Kyungsoo, na para raw silang mag-jowang nagkatampuhan. Ngayong tinitignan niya ang sitwasyon, tama, parang ganun nga. 

 

Pero tampuhan lang. Di naman sila mag-jowa eh. 

 

"Okay lang ba kung ako muna?" Paalam ni Chanyeol, na siyang tinanguan niya naman bago niya ibinaling ang kanyang tingin pabalik sa hot chocolate.

 

"Sorry." Panimula nito. "Sorry, Baekhyun. Hindi dapat kita sinigawan nung araw na 'yon." 

 

Umiling si Baekhyun sa sinabi ng binata at mapait na ngumiti. "No. I deserved it. May times talaga na wala na sa lugar yung attitude ko. May times na I can go overboard. Alam ko yun, at alam din ng maraming tao yun kaya… it's fine." 

 

Mataray. Maldita. Maarte. Pangit ugali. Lahat ‘yan narinig niya na. Ika nga nila, the B in Baekhyun stands for Bitch. Aware siya na ganyan ang mga sinasabi sa kanya ng mga tao pero sinusubukan niya na lang hindi na pansinin. Kasi totoo naman eh. Maarte naman talaga siya. Mataray naman talaga siya.

 

Pero hindi naman siya laging ganun. Hindi naman siya ganito nung una.

 

"Baekhyun, it's not fine." Bumuntong hininga si Chanyeol at mula sa gilid ng kanyang mata, nakita niyang humarap ito sa kanya. "I—Hindi ko dapat ginawa 'yon. Hindi ko naman nakita mismo yung nangyari kaya dapat pinakinggan ko rin yung side mo. Dapat… dapat hindi kita agad hinusgahan."

 

Napatingin si Baekhyun sa captain na umiwas na sa kanyang titig. 

 

"Lumapit sakin si Jongdae last week. May sinabi siya tungkol sa magpinsan na at first, I really found hard to believe. Tinuring ko rin silang kaibigan eh. Pinakisamahan ko sila nang maayos kaya akala ko, gano’n din sila sakin." Kwento ni Chanyeol. "At inaamin ko na nung nakita ko kayong nag-aaway nagkamali ako ng hinala sa’yo. Naisip ko na ikaw ang nagsimula, na ikaw yung… unang nanggulo. Hanggang sa nalaman ko kay Jongdae na nagpanggap lang daw si Irish na nahimatay."

 

Nang marinig ito, hindi napigilan ni Baekhyun na sumimangot. There was a lot to take in. Gusto niya sanang mag-react pero hinayaan niya na muna si Chanyeol na magsalita.

 

"Naguluhan din ako nung una kaya nilapitan ko sila para kausapin. Kailangan ko marinig sa kanila mismo kung totoo ba yun, pati na rin kung anong dahilan bakit nila ginawa yun.” Bumuntong hininga si Chanyeol at nagpatuloy. “Nahanap ko rin sila pero iba ang nadatnan ko. They were talking shit behind my back at… pati ikaw, dinamay ka rin nila.”

 

“Ugh! Those two talaga.” Frustrated na umirap si Baekhyun. 

 

“I confronted them at alam mo kung anong nakakatawa?” Tanong sa kanya ng captain. “Sinubukan pa nilang magsinungaling. Kung hindi ko pa sila nahuli, hindi ko pa malalaman na ganong klaseng tao pala sila. Hindi ko pa malalaman na mali ako dahil pinakinggan ko sila at hindi ikaw. Kaya I’m sorry… Baekhyun.”

 

Malinaw sa mga mata ng binata ang sinceridad. 

 

Oo, nagtampo siya. Oo, nasaktan siya. At magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi kumirot ang puso niya matapos marinig sa captain na na-judge siya nito at some point. Pero kaya nga ito nandito ‘di ba? Para mag-sorry. Para makipag-ayos. 

 

Ramdam din naman ni Baekhyun na pinagsisisihan nito ang nangyari kaya bakit niya pa patatagalin? Kung pwede namang bati na sila at back to normal na ulit.

 

Maloko siyang ngumiti at tumingin kay Chanyeol. “Yun na yon ‘sorry’ lang?” Biro niya sa katabing binata. “I defended you kaya sa dalawang bruhang ‘yon! Feel ko tumanda ko ng 10 years sa sobrang stress!”

 

Bahagyang ngumiti rin ang captain at may kinuhang paper bag sa kanyang tabi. “Ito, pwede na ba ‘to? Peace offering sana.”

 

Ngumuso si Baekhyun at tinignan ang laman nito. Joke lang naman kasi yung kanina pero itong si Chanyeol, dumating palang prepared. May pa-regalo pang nalalaman. 

 

“Ice cream?!” Masaya niya itong nilabas sa paper bag. At nang maalala niyang may pinagsabihan siya kanina about ice cream being a potential peace offering, nilingon niya ang captain. “Wait! Is this why Tao was asking me kanina?” 

 

Nahihiyang tumango si Chanyeol na maging ang kanyang mga tenga ay namula rin.

 

“Eh how did you know na favorite flavor ko ang strawberry? Di naman tinanong ni Tao yun kanina ah.”

 

Nagkibit-balikat ang binata. “Sehun.”

 

Nagpasalamat si Baekhyun sa regalo at agad itong nilagay sa freezer para hindi matunaw. Sinimulan niya na rin ayusin yung mga ginamit niya kanina sa paggawa ng hot chocolate. Hindi niya pwedeng iwanan yun, unless gusto niyang mabungangaan ni mother Kyungsoo.

 

Habang nagpupunas sa mini bar, ramdam niyang nakatingin sa kanya si Chanyeol. Inangat niya ang kanyang tingin at hindi naman siya nagkamali. “Why are you looking at me like that?” 

 

“Wala. Gusto ko lang sana tanungin kung uhm… kung… friends na ulit tayo?”

 

Napakurap si Baekhyun sa tanong ng captain. Medyo nag-hang siya dun sa ‘friends’ part. Buti na lang at naka-recover din siya agad. 

 

“Fine, kawawa ka naman, baka umiyak ka pa diyan eh.” Pang-aasar niya. “We’re friends na ulit… Hatdog.

 

Babalik na sana sa pag-aayos si Baekhyun nang may marinig siyang mahinang tawa. Napatingin siya kay Chanyeol na nagpipigil ngayon ng ngiti. Lubog na lubog tuloy yung dimple niya. Sobrang cute!

 

“Omg did you just laugh?!” Gulat na sabi niya sa binata. Baekhyun feels warm and giddy inside kasi ito nga ata ang unang beses na narinig niya itong tumawa. “You did! Ikaw ah, you like me calling you Hatdog pala. Na-miss mo?”

 

Umiling ang captain kahit na his stupid attempt at suppressing his smile says otherwise. “Uwi na nga ako, madaling araw na.” 

 

“Eh sino ba kasi nagsabing hatinggabi ka makipag-ayos sa ‘kin?” Pagtataray niya. “Just say ‘di mo lang ako matiis and go!”

 

Chanyeol groaned at bumalik na naman siya sa pagkakasimangot. Tuwang-tuwa si Baekhyun. Na-miss niya ‘to eh. Na-miss niyang kinukulit si Chanyeol.

 

Nang matapos na siya sa pag-aayos, nag-offer siya na samahan ang binata hanggang sa makahanap ‘to ng masasakyan sa lobby. Balik sa dating gawi na nga sila dahil tumanggi na ulit ang captain. Gabi na raw kaya hindi na niya kailangan pang bumaba. 

 

“Hatdog, ano palang favorite food mo?” Random na tanong ni Baekhyun nang marating na nila ang front door ng unit.

 

“Kahit ano.” Walang pag-aalinlangang tugon ng binata. “‘Di naman ako maselan sa pagkain. Bakit?”

 

Hindi niya napigilang umirap. “Kahit ano? Talaga?”

 

Natigil saglit si Chanyeol para mag-isip. “Menudo. Yun, paborito ko yun.” 

 

Tumango si Baekhyun at binuksan na ang pinto. Nagpaalam ulit sa kanya ang captain bago ito nagsimulang maglakad papunta sa elevator. Mabuti na lang at hindi pa ito nakakalayo nang bigla ulit itong tawagin ni Baekhyun. 

 

“Hatdog!”

 

Kunot-noo siyang nilingon ni Chanyeol.

 

“You should smile more often.” Sabi niya binata. Wala namang alak yung hot chocolate ah? Bakit ang tapang niya bigla? “Mas gumu-gwapo ka pag nakangiti! Good night!”

 

And with that, sinarado niya na ang pintuan. Sumandal siya dito at napahawak sa dibdib niya kung saan ramdam na ramdam niya ang nagwawala niyang puso. Nakangiting bumalik sa pagkakatulog si Baekhyun noong gabing iyon, not knowing na may isa ring nakangiting umuwi sa kanila, kahit pa lagpas ala-una na ng umaga.






“Oh, saan ka naman pupunta?” Tanong ni Kyungsoo na bagong gising, kinukusot pa ang mata. “Ang aga pa. Mamaya pa klase mo ‘di ba?”

 

Hinigpitan ni Baekhyun ang pagkakatali ng kanyang sintas at tsaka tumayo. Saktong-sakto, magagamit niya ngayon yung bago niyang biling sapatos. Hindi naman sa nag-shopping spree siya noong mga panahong masama ang loob niya pero parang ganun na nga.

 

“Duh! ‘Di ba obvious? Mage-exercise ako! Balik na lang ako later para magpalit ng uniform.”

 

“Ikaw mage-exercise?” Tila nagising naman si Kyungsoo sa narinig. “Kailan pa? Paano? Bakit? Putek nananaginip pa ata ‘ko.”

 

“Hey! I exercise kaya!” Sambit ni Baekhyun, naniningkit pa ang mata sa kaibigan. “I visit the gym once a month! Or maybe once a year but—anyway, baka sa labas na lang din ako mag-breakfast. I turned on the thermos na rin pala so you can make your coffee na. Bye, Soo!”

 

Bago pa muling makapag-tanong ang kaibigan, lumabas na siya ng unit at dumiretso na sa campus. Alas-sais pa lang ng umaga pero gising na gising na ang diwa niya. Bakit? It all began last night, nung nahanap niya yung instagram account ni Chanyeol.

 

Chanyeol Park

Arki. ‘Wag kang lalapit kung ayaw mong masipa.

3 Posts   |   6,103 Followers   |   0 Following

 

Syempre, finollow niya ito agad. There’s not much to see dahil tatatlo lang naman ang posts nito. Isang picture ng sunset, isang building, at yung natira naman ay litrato ng soccer ball na malapit sa goal post. Partida wala siyang selfie na nilapag pero ang daming followers? Captain niyo famous din eh.

 

Matapos niyang i-like lahat ng posts, naisipan niyang i-DM ito. Yung huling picture was posted months ago pa. Halatang hindi active si Chanyeol pero malay niyo. Baka sumagot ‘di ba? 

 

bbhyunieee_: hi? ( ´ㅅ` )

 

Baekhyun stared at the screen. Minutes passed pero wala talaga siyang reply na nakuha kaya sinara na niya yung app at bumalik na lang sa paggawa ng requirements. He eventually forgot about it. Kaya nang makita niya ang bagong notif from insta, hindi niya napigilang magpanic.

 

yeol.park: uy

 

Sumimangot si Baekhyun. Tagal niyang naghintay tapos ‘uy’ lang? Aba!

 

bbhyunieee_: parang di ka naman masaya -_-






yeol.park: uy :)

 

This time, napairap siya. Ang ayos kausap grabe.

 

bbhyunieee_: anyway, since u replied naman

bbhyunieee_: what time ka papasok bukas?

 

yeol.park: ?

 

bbhyunieee_: sasagot ka o matutubol ka mamaya? >:((

 

yeol.park: mga 5:30. bakit?

 

bbhyunieee_: whaaaat??

bbhyunieee_: bat ang aga wtf

 

yeol.park: morning jog

 

Kaya ito, at 6AM in the freaking morning, papunta siya ng campus. 

 

Medyo maliwanag naman na nang makarating siya sa university grounds. Malamig pa ang simoy ng hangin at kakaunti pa ang mga tao. May ilang locals din kasi na nag-eexercise at nagjo-jogging dito gawa ng malawak nitong area. Ang peaceful tuloy tignan ng lugar, parang hindi siya hellhole kung saan linggo-linggo may mga studyanteng nagbe-breakdown. 

 

Nag-stretching muna si Baekhyun sa isang kalapit na bench bago nagsimulang maglakad-lakad. Naggu-good morning pa sa kanya yung iba niyang nakakasalubong kaya awkward din niyang binabati at nginingitian ang mga ito. Ilang minuto rin siyang nagikot-ikot sa campus hanggang sa wakas, natagpuan niya na rin ang captain. 

 

Nagjo-jogging si Chanyeol malapit sa field. 

 

He was wearing a black dry fit muscle tee and then shorts sa pambaba. Baekhyun has never been so thankful na hindi siya tumatakbo ngayon. Kasi kung oo, malamang nadapa na siya—malamang sumubsob na siya sa semyento kakatitig sa maskuladong braso ng binata. 

 

Sherep yen? 

 

Baekhyun ran from the opposite direction para magkasalubong sila ni Chanyeol. Kunwari hindi planado. Kunwari gawain niya ring mag-jogging sa umaga at nagkataon lang na nagkita sila ngayon. So that’s what he did. Lumilinga-linga pa nga siya, feel na feel ang pagiging one day jogger, hanggang sa nagkasalubong na nga sila…

 

At nilampasan siya ni Chanyeol.

 

Inis na nilingon ni Baekhyun ang binata. “Hatdog!”

 

Bumagal naman ang captain sa pagtakbo at inalis ang kanyang earphones. Nilapitan ito ni Baekhyun at habang nakatalikod sa kanya si Chanyeol, hinampas niya ito sa braso. 

 

Shet ang tigas.

 

“Gago, aray!” Kunot-noong humarap sa kanya ang binata at sinamaan niya naman ito ng tingin.

 

“Hindi mo ba ‘ko nakita?” 

 

“Nakita.” 

 

“Eh why did you ignore me?!”

 

Umiwas ng tingin si Chanyeol. “Ewan. Baka gusto mo pala mag-jogging mag-isa alangan naman umepal pa ‘ko ‘di ba?”

 

Bumuntong hininga si Baekhyun at umiling. 

 

“Stupid Hatdog.” Bulong niya sa sarili. “Kaya nga ‘ko nandito eh! Dahil sa’yo! I was gonna invite you for breakfast sana kaso sabi mo you’ll run this morning.”

 

Napakamot ang captain sa kanyang batok dahilan para ma-flex ang pumuputok nitong braso. Hindi tuloy naiwasang tumingin ni Baekhyun. Damn, those guns. Parang ang sarap maging tarsier bigla?

 

“Edi tara... breakfast.” Biglang sabi ni Chanyeol. “May karinderia diyan sa malapit. Ayos lang ba ‘yon?”

 

And really, as if naman tatanggi pa si Baekhyun. Kahit nga yata ayain siya nito na kumain ng microwaveable meal galing seven-eleven sasama pa rin siya eh. It’s funny how things turned out. Dati ayaw na ayaw niya sa mumurahing pagkain. Mapili siya at hinding-hindi mo siya mapapakain ng kahit-anong mabibili mo sa kanto.

 

Pero tignan niyo naman ngayon ‘di ba? Nakapag-Mang Inasal na. Nakapag-dirty ice cream na. Nag-crave pa nga siya ng siomai rice nung isang araw!

 

“It’s fine.” Nakangiting tugon niya. “Do you uhm… do you still need time to run? I’ll wait here na lang—”

 

“Hindi. Tara na.” Putol sa kanya ng binata.

 

“You sure?” 

 

Tumango ang captain. “Oo nga. Punuan na rin do’n mamaya kaya... tara.”

 

Dinaanan muna nila saglit ang mga gamit ni Chanyeol. Nagpunas ito ng pawis at nagsuot na rin ng hoodie (na hindi naman ikinatuwa ng isang malandi sa gilid). They walked the short distance papunta sa karinderia at pagkarating nila, marami-rami na rin yung tao. Mabuti na lang at nakakuha pa sila ng pwesto bago tuluyang napuno ang maliit na kainan.

 

“Ano sa ’yo?” 

 

Napatingin si Baekhyun sa mga kinakain ng iba bago siya sumagot. “Can you choose na lang for me? ‘Di kasi ako familiar kung alin masarap.”

 

Tumango naman si Chanyeol at nag-order na para sa kanila. Nang pabalik na ito, tsaka lang na-realize ni Baekhyun na hindi niya pala ito naabutan ng pambayad. Babayaran niya na sana yung share niya kaso pinigilan naman siya ng binata at sinabing hindi na, sagot na raw nito. 

 

“So anong in-order mo?” Curious na tanong niya sa captain na umupo sa tapat niya.

 

“Tapa. Tapsilog. Yun yung bestseller nila pag almusal dito.”

 

“Oooh.” Tumatangong sagot ni Baekhyun. “I thought you were gonna get that.” Ngumuso siya sa katabing table kung saan nakasimangot na kumakain ng almusal ang isang tricycle driver. 

 

Umismid naman si Chanyeol at umiling. “Egul ‘yan.”

 

“Huh?”

 

“Egul. Lugi. Ang mahal mahal niyan eh. Baby version daw ng longsilog.” 

 

Muling sinulyapan ni Baekhyun ang pagkain ng manong at nakitang totoo nga, lugi dahil ang liit ng bilugang longganisa. Kaya siguro parang galit si kuya habang kumakain. 

 

“Ang small naman.” Komento niya.

 

“Sinabi mo pa. Mas malaki pa itlog ko diyan eh.”

 

Agad siyang napatingin sa captain na mukhang nagulat din sa kanyang sinabi. 

 

“‘Di ano…” Pagdadahilan ni Chanyeol. “Ang ibig ko sabihin yung ano… yung itlog na kasama nun… yun, mas malaki.”

 

Baekhyun stifled a laugh and whispered to himself. “Binawi pa nga.”

 

Nang dumating na yung order nila, muling inasikaso ni Chanyeol ang paglilinis sa mga kubyertos at pati na rin ang paglalagay ng sawsawan niya. Wala naman siyang sinasabi. Hindi niya naman ito inuutusan or what pero the fact na nagkukusa ang binata... nakakataba ng puso. 

 

Sa simpleng gawaing ito makikita mo talaga na maalaga at maalalahanin ang captain.

 

“I heard you were at Sehun’s yesterday. Tinapos niyo na raw yung group work niyo.” Ginaya ni Baekhyun ang ginagawa ni Chanyeol. Binasag niya yung pula ng itlog at hinalo sa sinangag. Pagkatapos, nilagyan niya ng kaunting suka yung tapa, sinabayan ng kanin, at tsaka sumubo. 

 

“Nung isang araw pa kami tapos, kaso may pina-revise yung prof.” Paliwanag ni Chanyeol.

 

Tumango si Baekhyun at kumuha ng tissue para punasan ang kanyang bibig. “So uhm… nagkita kayo ulit?”

 

Nagtataka naman siyang tinignan ng captain pero nang ma-realize nito ang tinutukoy niya, umiling ito at bumalik sa pagkain.

 

“Hindi sila sumipot kahapon, pati na rin nung nakaraang meetings.” Kwento nito. “Ayos na rin siguro ‘yon. ‘Di ko rin alam kung kakayanin ko bang makatrabaho pa sila pagkatapos ng mga sinabi nila tungkol sa’yo.

 

Natigilan si Baekhyun sa narinig. Heto na naman yung puso niya, nakalimutan na naman kung pa’no tumibok nang maayos. 

 

“Yieee, concerned!” Pang-aasar pa niya. “Ano ba sinabi ng mga echuserang ‘yon? Ganon ba kalala?”

 

This time, si Chanyeol naman ang natahimik. He was probably looking for the right words to say at napansin naman ito ni Baekhyun. Babawiin na nga sana niya yung sinabi niya, para na lang hindi maging awkward ngunit muling nagsalita ang binata. 

 

“Oo, hindi maganda.”

 

“Tss. I bet it’s nothing I’ve never heard before.” Pasimpleng sabi niya. “Ano raw ba? Mataray? Spoiled brat? It’s true naman, don’t worry.”

 

Itinuon niya na lang ang pansin sa pagkain kaya hindi niya namalayang tumingin sa kanya si Chanyeol. Nakakunot ang noo ng binata, tila may gustong sabihin. 

 

“I guess mali ko rin kasi nag-expect ako?” Patuloy ni Baekhyun. “Believe it or not I really don’t have a lot of friends. Sila Sehun at Kyungsoo lang. I stopped trying to make new ones a long time ago kasi—” Kasi karamihan sa kanila hindi naman totoo. “—okay na. Ayos na sakin sina Sehun at Kyungsoo. They’re my bestest friends so what more can I ask for?”

 

Umiwas ng tingin ang captain nang sulyapan siya ni Baekhyun. “Kaya alam mo,” wika niya kay Chanyeol. “I’m glad I met you. You’re really nice. Pati na rin yung iba mong friends, sina kuya Luhan, si Tao… oh, and even Jongdae! At least I got to experience befriending new people again, people na...you know…”

 

Tumango ang binata bilang senyales na naiintindihan nito. 

 

“Sorry, ang dami ko yatang nasabi.” Mahinang sabi ni Baekhyun.

 

“Ayos lang.” Inangat ni Chanyeol ang kanyang tingin kaya nagtama ang mga mata nila. “Pero hindi mo mali, Baekhyun. Hindi mo kasalanan na ganung klaseng tao sila. Sa una palang naman dapat hindi ka nila pinag-uusapan nang ganun. They have no right to talk shit about you. No one does.

 

Pilit na ngumiti si Baekhyun sa binata. “Well, anong magagawa natin? It’s inevitable. ‘Yan din naman ang sinasabi ng lahat—” 

 

“Pero ‘di ibig sabihin nun totoo na.” Putol sa kanya ni Chanyeol. Sa puntong ‘to rinig na rinig ni Baekhyun ang malakas na pintig ng puso niya. Bakit? Dahil ba ang init? Dahil ba diretsong nakatingin sa kanya ngayon ang binata?

 

“Mas madali kasing maniwala na lang kaysa umintindi. Mas madaling makinig sa sinasabi ng iba kaysa alamin kung totoo ba o hindi. Natutunan ko ‘yon sa maling paraan.” Paliwanag ng captain. “Kaya ‘wag kang magpapa-apekto sa masasakit na salita nila. ‘Wag mong hayaan na baguhin ka nun, pati na rin yung tingin mo sa sarili mo. People will always have a lot of things to say against you. Laging mas gugustuhin nilang pumuna kaysa pumuri.”

 

Ibinaling muli ni Baekhyun ang kanyang tingin. Nararamdaman niya na ang mga luhang namumuo sa mga mata niya.

 

“Marami silang sasabihin pero sana… sana hindi mo hayaang masira ka nila.”

 

Baekhyun was in junior high school at that time. 

 

Masiyahin siya at palakaibigan. Mapagbigay din siya kaya ano man ang hilingin ng mga friends niya noon, sinusubukan niyang ibigay. Mapabaon man ‘yan, pamasahe, o ano, nagbibigay siya kasi kaya niya naman. At isa pa, that’s what friends do, right? They help each other.

 

Isang araw, may kumalat na lang bigla na chismis tungkol sa sexuality niya. He himself was still confused at that time. Ang alam niya lang, hinahangaan niya noon yung kaklase niyang lalaki. He confided in his closest friends about this at hindi niya lubos akalain na sila pa pala ang magkakalat nito.

 

Nagsimula ang mga usap-usapan doon hanggang sa unti-unti nang nadagdagan ang mga paninirang natatanggap ni Baekhyun. Sinubukan niyang hindi pansinin. Alam niyang hindi matutuwa ang mga magulang niya pag nalaman nilang may issue siya sa school kaya nanahimik na lang siya. Pero sumobra sila. Harap-harapan na siyang binubully noon kaya napuno siya at sinigawan niya ang mga ito.

 

Nakumpirma lang ang mga sabi-sabi nang dahil sa nangyari. Masama ang ugali ni Baekhyun. Kahit pa na lumipat din siya ng school, hindi maalis sa isip niya ang mga pangyayaring iyon. He was traumatized kaya hindi kalaunan, ito na rin ang nagsilbing defense mechanism niya, ang pagiging mataray at intimidating.

 

“Tsk! Syempre hindi ‘no!” Baekhyun discreetly blinked his tears away before facing Chanyeol. “Ba’t naman ako magpapa-apekto sa kanila? They’re not paying for my derma so their opinions don't matter to me.”

 

Sinubukan na niyang pagaanin yung mood. Ang aga-aga naman kasi para mag-soft hours. Mabuti na lang at ngumisi ang captain sa sinabi niya. 

 

“Hirap naman pala sa’yo, kailangan makapag-sponsor muna ng derma.”

 

“Hey! Hindi ka kasama dun!” Paglilinaw ni Baekhyun. “And of course, your opinion matters to me. Part ‘yon ng pre-jowa benefits mo.”

 

“Ng ano?”

 

“Pre-jowa benefits.” Matapang na ulit niya with a smug look on his face.

 

Umiling si Chanyeol at nagsimula nang magligpit ng pinagkainan nila. “Ewan ko sa’yo.” 

 

“Ewan ko rin sa’yo.” Balik niya sa binata. “‘Di ka naman kumain ng baby longsilog pero ang sungit mo.”

 

Pagkatapos nila kumain, naghanda na rin silang umalis. He felt guilty na nanonood lang siya habang nag-aayos si Chanyeol kaya kahit medyo nandidiri siya, tumulong na lang din siya sa pagliligpit. 

 

“It’s basic courtesy. Ano naman yung simpleng paglilinis para sa susunod na gagamit ng mesa ‘di ba?” Pagrarason ng captain.

 

It was at that moment na napatingin si Baekhyun sa binata. Lagi siyang nahuhumaling sa kagwapuhan nito pero this time, iba… He sees a gentle and soft-hearted person before him. Sa kabila ng simangot na lagi nitong suot, Baekhyun sees how well-mannered and thoughtful he is.

 

At alam niya—aminado naman siya na hindi siya mabait. Kumpara kay Chanyeol, he was selfish and spoiled. Heck, he can be immature and irrational for all he cares! Pero ngayon, habang tinitignan niya ang binata, something stirred in him.

 

There’s suddenly something about Chanyeol that makes him want to... try and be better.
















Chapter V: Ipagluto si Chanyeol




The quickest way to a man’s heart is through his stomach.

Gasgas na ‘yang linyang ‘yan pero kaya nga siya sikat ‘di ba? Kasi proven and tested na. Ibig sabihin, marami nang na-crushback dahil pinagluto nila ang taong gusto nila.

 

Isa pang disclaimer: Magluluto lang tayo ha? Magluluto lang tayo, hindi manggagayuma. At mas lalong hindi tayo manglalason kaya luto well mga mamshies!




“Mom! Stop filming me! Ang oily ko oh!” Reklamo ni Baekhyun.

 

Pero hindi pinatay ni Mrs. Byun ang camera. If anything, mas lalo niya pa itong nilapit sa mukha ng anak. Close-up kung close-up!

 

“Hindi naman ah?” Tugon nito. “You look fine, dear. Stop being so OA.

 

Natigil si Baekhyun sa paghuhugas ng mga rekados at napatingin sa mama niya na vini-videohan na ngayon ang mga gagamitin nilang ingredients. 

 

“You’re saying ‘OA’ now? Sa’n mo naman natutunan ‘yan?”

 

“Oh come on, I’m not that old!” Depensa ni Mama Byun. “May mga young viewers din kaya ako! Nababasa ko yung comments nila kaya alam ko din yung mga phrases na ‘yan. Gaya na lang nung ano… yung churowt? Is that right?”

 

Hindi napigilang matawa ni Baekhyun. “Mom, it’s cha-rot, not churowt! Walang ganun!”

 

Umirap si Mama Byun kaya mas lalo siyang natawa. Ang cute eh! Feeling bagets.

 

“Tawa-tawa ka diyan, bilisan mo maghugas!” Resbak tuloy nito. “Pinaghugas ka lang inabot ka na diyan ng isang taon.”

 

“Okay na yun para it’s clean! Tsaka here, oh, I’m finished na.” Inalis niya na sa lababo yung mga bagong hugas na rekados at ipinatong ang mga ito sa ibabaw ng kitchen counter.

 

Dahil weekend naman at walang pasok, naisipan ni Baekhyun bigla na umuwi sa kanila. Sinundo siya ng family driver nila sa tailor shop kahapon pagkatapos niya i-meet yung gagawa ng suit niya. At dahil sinamahan din siya ng mag-jowa, he returned the favor by dropping them off sa kung saan nila initially pinlano mag-date.

 

Pagkarating niya sa bahay nila, hindi pa siya nakakapasok nang biglang sinalubong siya ng yakap ni Mama Byun. Tuwang-tuwa ito sa pag-uwi ng kanyang unico hijo kaya naman to celebrate, pinaluto ng madam lahat ng paborito niyang pagkain. Para ngang piyesta kahapon sa dami ng putaheng hinanda. Masyadong marami para sa dalawang tao pero anong magagawa nila? Utos ni madam eh.

 

“Oh, i-marinate mo muna yung pork. After that, tsaka mo hiwain yung mga gulay.”

 

Pinahid muna ni Baekhyun ang basa niyang mga kamay sa apron at tsaka sinunod yung instructions. Hindi siya marunong tumantsa kaya tanong siya nang tanong sa nanay niya kung okay na ba ‘yon o kulang pa. Nakaka-pressure rin kasi vini-videohan yung ginagawa niya! 

 

Gawin ba namang content yung unang beses na magluluto siya. Sinong ‘di mape-pressure ‘di ba?

 

“Anak! Masyadong maliit naman ‘yan! Anong papakainin mo? Ibon?” Pambabara pa sa kanya ni Mama Byun.

 

“Eh I cut the garlic and onions this way! Sabi mo i-mince!”

 

“Yes, pero pang gisa kasi yun! ‘Yang carrots at patatas na hinihiwa mo ay mga pansahog.” Nastress tuloy bigla si Mama Byun. “Ano ba naman ‘yan, ‘nak? Hindi ka pa ba nakakakain ng Menudo?”

 

Yes, nagluluto ngayon si Baekhyun ng Menudo. At bilang dakilang palamunin na walang ibang alam lutuin bukod sa itlog, hotdog, at kanin, kailangan niya ng tulong.

 

Mabilis naman pumayag si Mama Byun na turuan siya. Syempre, gawa ng motherly instincts nito, naghinala ito agad na may iniimpress ang anak. Nag-panic tuloy nang slight si Baekhyun. Alam niya kasing pag-umamin siya, ‘di siya tatantanan ng nanay niya kaya nag-isip na lang siya ng palusot.

 

Sinabi niya sa nanay niya na nahihiya na siya kay Kyungsoo kasi lagi siyang pinagluluto nito at pinapakain… kahit hindi naman talaga. Walang na siyang hiya pag-dating kay Kyungsoo ‘no!

 

“What’s next, mom? Tapos ko na yung carrots and potatoes.” 

 

Mula sa kanyang phone, ibinaling saglit ni Mrs. Byun ang paningin sa mga hiniwang rekados ni Baekhyun. Halatang amateur ang gumawa. Ang pangit ng pagkakahiwa, hindi pantay-pantay.

 

“Yung hotdogs naman. Slice mo into bite-size pieces.” Utos nito.

 

Walang kamalay-malay na ngumiti si Baekhyun nang marinig at makita niya ang mapupulang jumbo hotdogs. Nakita naman ito ng kanyang nanay at napa-kunot ng noo sa ka-weirduhan ng anak. 

 

Bakit ngiting-ngiti ‘tong batang ‘to sa mga hotdog?” Isip nito.






“Kyungsoo! Come here nga!”

 

“Pilitin mo muna ko!” Barumbadong tugon nito.

 

“KYUNGSOO DOH!”

 

Maya-maya pa ay dumating na rin si Kyungsoo sa kusina na nakataas ang isang kilay. “Pinapatawag niyo ho ako, mahal na prinsipe?”

 

“Taste this nga.” Turo ni Baekhyun sa putahe. 

 

Sabi naman ni Mama Byun kanina ayos na raw yung lasa pero syempre, gusto niya perfect. Para kay Chanyeol ‘to kaya dapat masarap. Dapat niyang mapatunayan na hubby-material siya, na kahit iwan siya nito sa bahay para alagaan ang isang dosenang supling nila, may makakain sila. Hindi sila magugutom!

 

“Gawa ba ‘to ni tita?” Tanong ni Kyungsoo bago lumapit sa may mini bar para amuyin ang bagong lutong ulam.

 

“Nope." Sagot ni Baekhyun at taas-noong ngumisi. “Gawa ko ‘yan.” 

 

“Ay hala ayoko na pala tikman. Baka mamaya may lason ‘yan eh.” 

 

“Hoy wala kaya! Grabe siya, kung gusto kita lasunin, matagal ko nang ginawa!” 

 

Tinawanan na lang ni Kyungsoo ang pagka-defensive ng kaibigan at tsaka kumuha ng malinis na kutsara. Sa unang tingin, mukhang normal naman yung menudo. Tama naman yung mga sahog at mukhang luto rin naman yung karne. Okay din yung amoy, mabango, pero pagdating sa lasa…

 

"Ano? How is it?" Pangangamusta ni Baekhyun na ngayo'y nakaabang sa reaksyon ng kaibigan. Naaanxious siya, lalo na't ninanamnam talaga ni Kyungsoo yung putahe. 

 

"Well?"

 

Tumango ang kanyang roommate at nagbigay ng thumbs up. "Pwede na. Mukhang papasa naman na kay Park 'to."

 

"Pwede na?!" Exaggerated na ulit niya. "No! This is unacceptable! Ayoko ng 'pwede na—teka how did you know na it was for Chanyeol?"

 

Dumiretso si Kyungsoo sa lababo para hugasan ang kubyertos. "Eh alangan para sa ‘kin?" Sarkastikong sagot nito. “Tsaka ikaw pa. Ni hindi ka nga pwedeng iwan sa kusina nang mag-isa.”

 

Tinakpan na ni Baekhyun yung container ng ulam at inilagay ito sa ref. Gigising na lang siya nang maaga bukas para initin ito at paghandaan ng lunch ang captain.

 

"Well past is past. Magiging may bahay na ‘ko kaya kailangan marunong ako magluto."

 

"Wow, nakakaulol naman yang optimism mo."

 

“Oh shut up, Soo!”

 

Sasagot pa sana si Kyungsoo nang biglang tumunog ang phone nito sa bulsa. Tinignan nito saglit ang screen at napangisi sa kanyang mabasa. 

 

"Walang hiya ka ginawa mo pa ‘kong palusot sa nanay mo."

 

Natigilan si Baekhyun sa narinig. 

 

"Nag-text si tita, tinatanong kung nagustuhan ko raw ba yung menudong niluto mo para sa ‘kin." Tumawa nang malakas si Kyungsoo at umiling. "Yari ka bui."

 

"Don't tell mom anything!” Biglang sigaw ni Baekhyun. “Ugh! Bat naman kasi magka-text kayo ha? Amin na nga, ako na magrereply." 

 

Sinubukan niyang agawin yung phone pero agad itong nilayo ng kaibigan.

 

"Tita…" Basa ni Kyungsoo sa kanyang tina-type. "Anak niyo po lumalandi na naman. Niluto niya po talaga yung Menudo para kay Chanyeol Park ng football team na crush na crush niya."

 

"Don't you dare send that message, Kyungsoo Doh." Pagbabanta ni Baekhyun pero hindi siya pinansin nito at nagpatuloy lang sa pang-aasar. Sa kalagitnaan ng pagta-type, muling tumunog ang phone ng kaibigan.

 

"Uy nag-text ulit si tita." Anunsyo ni Kyungsoo. "Nga pala, hijo, I think Baekhyunee likes someone. Ayaw niya sabihin sakin kung sino but I'm positive that my son is seeing somebody. ‘Di naman yan magluluto kung hindi." 

 

Sinilip niya si Baekhyun na bilugan na ngayon ang mga mata at pulang-pula na sa sobrang hiya bago nagpatuloy sa pagbabasa. 

 

"Anyway, invite niyo siya sa event next week. I won't take 'no' for an answer. Gusto kong makilala kung sino 'tong nakapag-paluto sa anak kong palamunin. Ingat ka parati, hijo. See you soon."

 

“No!” Mabilis na pagtutol ni Baekhyun. “We’re not inviting Chanyeol and that’s final.”

 

“Bingi ka ba? Sabi ni tita she won’t take ‘no’ nga daw for an answer. In Layman’s term, dapat nandun si Park so either ikaw mag-iinvite sa kanya, o sige ka, mama mo gagawa ng paraan.” 

 

“Or!” Pag-iiba niya. “You can just tell her she’s wrong! Na I’m not seeing anybody—which by the way, is true naman kasi friends lang kami!”

 

Medyo may kirot sa part na ‘friends lang kami’ pero he had to say it to make a point. Tama naman sila eh. May gusto siya kay Chanyeol. Gustong-gusto niya si Chanyeol kaya kung pwede, sana hindi muna nito makilala ang pamilya niya. Magulo kasi ang buhay bilang isang Byun. Ayaw niyang mailang si Chanyeol, o di kaya madawit sa drama ng pamilya niya.

 

Baekhyun likes him too much to risk it.

 

“Oh, ikaw na nagsabi. Friends lang kayo ni Park.” Malumanay na sabi ni Kyungsoo. “Eh ‘di all the more reason to invite him and not make a big deal out of it. Nung unang beses na ininvite mo nga kami diyan sa event niyo sinabihan mo lang kami na pumunta. Pucha, hinarang pa kami ng sekyu kasi di mo naman kami binigyan ng invitation card!”

 

Baekhyun scoffed at the memory while Kyungsoo continued. 

 

“Tignan mo naman ngayon ‘di ba? Wala na kaming invi-invitation card! Matik nang nasa guest list!” Nakangising sabi nito. “Anyway, my point is, wag ka mag-overthink. Alam kong maraming tumatakbo sa utak mo ngayon, Baekhyun. Pero kung totoong friends nga kayo ni Park, kahit ano pang mangyari sa event na yun, hindi ka niya lalayuan basta-basta, okay?”






Hindi nakatulog nang maayos si Baekhyun kakaisip sa sinabi ni Kyungsoo kaya laking pasasalamat niya nang magising pa rin siya sa kanyang alarm. Mabilis siyang naghanda para pumasok. Pagkatapos ay dumiretso siya sa kusina para gawan ng lunchbox si Chanyeol featuring, of course, his very masarap na Menudo.

 

Kahit na kulang sa tulog, masaya siyang umattend ng classes niya sa umaga. Iba talaga kapag inspired, nakakapangilabot ang pagbabago. Gaya na lang kanina, kung saan dapat magpapasa na sila ng proposal para may plus points for submitting early. Ang problema, nalimutan i-print ng isa nilang groupmate. Kung normal na araw ‘to panigurado badtrip na siya eh kaso hindi. Imbis na mainis, nginitian niya pa yung kaklase niya at sinabing ayos lang, basta ihabol na lang mamaya.

 

‘Di ba? Sino ba namang hindi kikilabutan dun?

 

Maging si Yixing nga ay natakot pang tumabi sa kanya kanina. Paano, panay ang ngiti niya sa tuwing nahahagilap ng mga mata niya yung cute na paper bag na naglalaman ng lunch ni Chanyeol. Syempre bida-bida siya kaya dapat pati packaging maganda. Gawang Baekhyun ata ‘to ‘no!

 

Hindi rin naman nagtagal nang ma-dismiss na rin sila for lunch. Nasa kabilang side pa ng campus yung College of Architecture kaya nagmadali si Baekhyun para makarating on time. Sayang din kasi yung prinepare niya kung ‘di rin naman makakain ni Chanyeol. Kaya despite his legs protesting sa layo ng nilakbay niya, tinakbo na niya yung natitirang distansya nang matanaw niya yung building nila.

 

“Ah lintek na ‘yan, plates na naman! Wala nang katapusang plates punyeta!” Reklamo ni Jongdae na saktong kalalabas lang ng classroom. Kasunod naman nito si Sehun na kinukusot pa ang mata, halatang nagsipag sa pagtulog dahil bakat pa sa pisngi niya yung zipper ng bag niya. 

 

“May plates ulit?” Lutang na tanong nito. “Putek kung mag-dishwasher na lang kaya ‘ko? Tutal, puro plates lang din naman yun.”

 

Nagpigil ng tawa si Jongdae tsaka umiling. Tatanungin niya na sana si Sehun kung saan sila maglu-lunch (as friends kasi wag nga kayong issue!) nang biglang nahagilap niya ang isang pamilyar na mukha. Madali rin naman niyang nasundan ito ng tingin dahil iba yung uniform. 

 

“Uy! Baekhyun!”

 

Napalingon naman si Baekhyun sa kinatatayuan nina Jongdae at Sehun at agad na nilapitan ang dalawa. 

 

“Hello!” Hinihingal na bati niya sa nauna. “Gago, why didn’t you respond to my texts, huh?!” Bungad niya naman sa bestfriend niya with matching sapak pa sa braso.

 

“Bagong gising ‘yan kaya lumilipad pa ang utak.” Paliwanag ni Jongdae. “Anyway, ba’t napadpad ka rito? Sabay ka sa ‘min maglunch?”

 

Umiling si Baekhyun at sumilip sa bukas na classroom. 

 

“Nope. May iaabot lang ako. Where’s Chanyeol?” Napansin niyang wala ito sa loob kaya bumalik ang tingin niya sa magkaklase.

 

“Absent.” Tugon ni Sehun sabay hikab. “Tinanong ko kanina kung ano meron pero ‘di naman siya nagreply. Bakit? Ano ba ‘yang bibigay mo?” 

 

Nakita na ng dalawa ang hawak niyang paper bag ngunit itinago pa rin ito ni Baekhyun sa kanyang likuran. 

 

“Nothing. Nothing important.” 

 

“Weeeh ‘di daw importante!” Pang-aasar ni Sehun na ngayo’y mukhang gising na ang diwa. Maloko itong nakangiti habang si Jongdae naman ay pasimpleng sumisilip sa hawak niya.

 

“Oo nga! Wala ‘to!” Pagpupumilit niya. Panigurado kasing ‘di siya tatantanan ni Sehun pag nalaman nitong pinagluto niya si Chanyeol. “Anyway, since wala naman pala siya, una na ‘ko ah? Bye!”

 

Mabilis siyang naglakad paalis pero hindi pa siya nakakalayo nang biglang may sumigaw. “Hina mo naman baks! ‘Di mo pupuntahan si Chanyeollie your love so sweet mo?!” 

 

Halos matisod si Baekhyun sa hallway dahil bigla siyang natigil sa narinig. Sobrang lakas kasi talaga ng pagkakasabi to the point na may ilang mga studyanteng napatingin sa direksyon nila. At isa pa, hindi yon boses ni Sehun! Hindi yun galing sa bestfriend niya kung ‘di kay Jongdae!

 

Nahihiya siyang lumapit ulit sa dalawa. Si Sehun, tumatawa nang malakas at yung bruhang sasabunutan niya sana kung di lang sila nasa public area, ay inosente pang nakangiti, na para bang wala siyang ginawang masama. 

 

“You guys are so maingay!”

 

“Ako? Ba’t ako? Si Jongdae kaya yung sumigaw!” Protesta ni Sehun na maluha-luha pa rin sa kakatawa. “Tsaka kung kami maingay, ikaw weak. Wala ka pala eh. Pag-ikaw naunahan, bahala ka.”

 

Naningkit naman ang mga mata ni Baekhyun sa narinig. There’s someone else? 

 

Tumingin siya sa paligid na para bang may hinahanap. Kung meron ngang ibang nanggugulo kay Chanyeol, gusto niya malaman kung sino. Gusto niya malaman kung maganda ba siya? Kung cute ba? Kung kaya niya ba magluto ng Menudo na sa unang kagat pa lang, mapapa-ungol ka na sa sarap?

 

“Oh kalma, mukhang mananabunot ka na eh.” Panunukso ni Jongdae pero hindi ito pinansin ni Baekhyun na na-trigger sa idea na baka maunahan siya. 

 

“Amin na.” Matapang na sabi niya sabay lahad ng kanyang palad. “Bigay niyo sakin address ni Chanyeol.”

 

Ngayon, ang dalawa naman natigilan. 

 

“Seryoso ka?” Tanong ni Sehun. “Joke lang yun uy! Wala talagang—”

 

“I’m dead serious, Sehun Oh. And besides, it’s not a bad idea naman ah?” He shrugged. “Half-day lang naman ako today so give it!”

 

Nagkatinginan sina Sehun at Jongdae. Inaasar lang naman kasi talaga nila si Baekhyun kaya ‘di nila inakalang papatulan nito yung suggestion na puntahan si Chanyeol. But then again, supportive friends sila sa paglago ng love life ng kaibigan. Mukhang hindi rin naman aalis si Baekhyun hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya so in the end, binigay na lang ng dalawa ang address ng captain. 

 

“Teka, pag tinanong ni Chanyeol kung sino nagbigay sa ‘yo ng address niya ‘wag mo ‘ko ilalaglag ha?” Pagpapaalala ni Sehun for the nth time.

 

Umirap si Baekhyun bago niya hinablot yung kapirasong papel. “Oo na, oo na!”

 

“And drive safely! Iwan mong bukas GPS mo para alam ko kung nasaan ka. Baka mamaya napadpad ka na pala sa gubat eh.”

 

“Aww! Ang sweet naman! Para you can rescue me?” Pagpapa-cute pa niya sa bestfriend niya.

 

“Ulol! Para ako mismo maglilibing sayo!” 

 

Matapos nila magpalitan ng mura at ilang panlalait, umalis na rin si Baekhyun para bumalik ng condo. Nagpalit muna siya at kinuha niya na yung buong container ng Menudo bago bumaba sa parking lot. Hindi naman siya nahirapan hanapin yung sasakyan niya dahil bukod sa nasa designated spot niya naman ito, kakaiba rin kasi ang disenyo nito kumpara sa iba.

 

Oo, marunong mag-drive si Baekhyun.

 

Kinuhaan kasi siya ng mama niya ng driving instructor dati. Ang rason? Para naman magamit niya yung regalo sa kanyang Audi RS7 nung 18th birthday niya. Marunong si Baekhyun mag-drive pero he prefers not to. Ayaw niya sa kadahilanang tamad siya. 

 

At isa pa, mas gusto niyang siya ang sumasakay. Mas gusto niyang pinagda-drive siya.

 

Pero si Chanyeol naman to eh.  

 

Ang laging exception to the rule.

 

Binagalan ni Baekhyun ang pagpapatakbo sa kotse nang sabihin ni waze na malapit na sila sa paroroonan. Tuluyan siyang huminto sa tapat ng isang maliit at lumang bahay. Nang makita niya ang number 27 sa gate nito, na siyang kapareho ng nakasulat sa papel, pinatay niya na ang makina tsaka bumaba bitbit ang ang pinaghirapan niyang ulam.

 

It was then nang maalala ni Baekhyun yung kwento sa kanya ni Chanyeol dati—na sira-sira na raw yung bahay nila at ang gusto niya, siya raw ang mag-aayos nito. Pinagmasdan ni Baekhyun ang paligid at napansin niyang may mga dapat na nga talagang ayusin. Hindi siya maalam sa pagpapatayo o sa pagme-maintain ng bahay pero sigurado siyang hindi dapat kupas ang pintura sa pader at wala dapat butas sa kisame ng garahe nito.

 

“Anong hanap mo, hijo?”

 

Tsaka lang na-realize ni Baekhyun na may tao pala sa may terrace. Hindi niya masyadong makita ito dahil nakaharang yung gate. Kahit pa tumingkayad siya wala talaga siyang makita kaya sinagot niya na lang ito.

 

“Hello po! Good afternoon!” Magalang na bati niya. “Dito po ba nakatira si Chanyeol?”

 

Narinig ni Baekhyun ang pag-kaluskos ng mga papel. Akala niya may tinabi lang ito para mapagbuksan siya pero nanatiling sarado ang gate. Muli namang nagsalita yung tao sa loob. 

 

“Dito nga. Anong kailangan mo, hijo?”

 

“Uhm, I’ll just give—may ibibigay lang po sana ako.” Paliwanag niya. Sinubukan niya ulit sumilip sa may bandang terrace pero tahimik na roon, para bang umalis na yung lalaki kanina. 

 

“‘Di po kasi siya pumasok earlier eh kaya I thought something bad happened na. I can just leave this here na lang po tapos—”

 

Nagulat si Baekhyun sa biglang pagbukas ng kinakalawang na gate. Wala kasi siyang narinig na yabag ng mga paa pero nang makita niya ang taong kausap, naintindihan niya rin kung bakit.

 

Isang lalaking naka-wheelchair ang sumalubong sa kaniya. Medyo may-edad na. Marami na ang puting buhok nito, payat, at hindi maipagkakailang kamukhang-kamukha nito si Chanyeol. 

 

“Pasok ka muna, hijo.” Malumanay na sabi ng lalaki. “Naliligo pa ata si Chanyeol pero patapos na rin naman siguro ‘yun.”

 

Nauna na ito sa loob ng bahay kaya sinundan na lang din ito ni Baekhyun pagkatapos niyang isara yung gate. Medyo nag-aalangan pa siya kanina dulot ng pagka-paranoid niya pero nang makatapak na siya sa sala, agad na nawala lahat ng pangamba niya. Eh may isang pader do’n na puro pictures at awards ni Chanyeol. For sure naman nasa tamang bahay na siya, ‘di ba?

 

“Maupo ka muna. Pasensya ka na kung medyo magulo ah? Hindi ko alam na may bisita pala si Yeol ngayon. Kung alam ko lang, sana nakapagligpit ako kahit papaano.” 

 

“Nako! It’s okay po!” Wika ni Baekhyun. “‘Di rin naman po alam ni Chanyeol na I’ll visit him today. If anything, ako nga po yung dapat mag-sorry sa biglaang dalaw.” Naupo siya sa sofa at ipinatong sa hita niya yung dala niyang putahe. 

 

“Ganun ba?” Tugon ng lalaki. “Wala namang problema sa pagbisita mo, hijo. Ang totoo niyan, natutuwa nga ‘kong malaman na may ibang kaibigan pala si Yeol. Parati na lang kasi yung mga kalaro niya sa varsity yung pumupunta dito. Si ano ba yun—si Jongen? Kung ‘di yon, yung mga kaklase niya naman, yung payat na matangkad ‘saka yung isa, yung maingay.” 

 

Hindi napigilang mapangiti ni Baekhyun habang dinedescribe nito sina Sehun at Jongdae. 

 

“Ah sina Sehun at Jongdae po? Hindi ko po sila ka-course pero we’re friends din po.”

 

“Ayun! Tama, sila nga.” Masigasig na tugon nito. “Lagi kasing magkagrupo yung tatlong ‘yon kaya kung minsan dito sila gumagawa ng projects nila. Jusko, anlalakas sa pancit canton! Lalo na yung payat? Nako! Nagulat ako nakakaubos pala ng tatlong pakete ‘yun!”

 

Natawa si Baekhyun sa kwento ng lalaki. Sa pagkakatanda niya kasi, maselan si Sehun sa mga kinakain niya. Parehas sila actually, kaya nga laging sinasabi ni Kyungsoo na mga ignot daw sila pagdating sa pagkain. ‘Di niya naman akalain na pancit canton lang pala ang katapat ng mapiling panlasa ni Sehun Oh.

 

“Ikaw, hijo, ano palang pangalan mo?”  

 

“Baekhyun po. Baekhyun Byun.” Future son-in-law niyo po ay char!

 

“Baekhyun? O sige tatandaan ko ‘yan.” Nakangiting sabi nito. ”Nga pala, kuhaan kita saglit ng maiinom. Nagkakape ka ba, hijo? Juice? O di kaya tsaa?” 

 

Umiling si Baekhyun at magalang na tumanggi. “Kahit water na lang po, tito.” 

 

Hindi niya agad na-realize na natawag niya na pala itong ‘tito’ kaya naman the moment he did, nagpanic siya inside. Ano ba kasi dapat itawag sa kanya? Mr. Park ba? Hihingi na sana siya ng paumanhin pero bago pa man siya makapagsalita, nagpaalam na ito at sumaglit sa kusina para kuhaan siya nang maiinom. It was as if he didn’t mind at all na tinawag siyang ‘tito’ ni Baekhyun.

 

“Hijo.” Bumalik si Mr. Park hawak ang isang baso ng malamig na tubig kaya agad namang tumayo si Baekhyun para alalayan ito.

 

“Thank you po dito ah.”

 

“Walang anuman, Baekhyun. Hayaan mo mamaya, papakuha natin kay Yeol yung pitsel.” 

 

Unlike Chanyeol, mas madaldal si Mr. Park. Ang dami niyang naike-kwento at sobrang gaan niya kausap kaya naman naging kumportable rin agad si Baekhyun sa presensya nito. Dagdag pa na ang lupit ng sense of humor niya kaya aliw na aliw talaga ang bisita.

 

“Pa! Sino kausap mo? Bakit may naririnig ako—”

 

Natigil sa pagtawa si Baekhyun nang bumaba na sa sala si Chanyeol na nagtutuyo pa ng buhok. Parang pati puso niya ay natigil din sa pagtibok dahil meron lang naman siyang front seat view ng topless na binata. 

 

Yung muscles na dati iniimagine niya lang? Nagyon, kitang-kita na niya! 

 

Yung well-defined chest at abs na dati naririnig niya lang sa tsismis ng iba? Aba mars! Nasa harapan niya na!

 

Eh yung malasahan? When po kaya—

 

“Huy! Magdamit ka ngang bata ka! May bisita ka!” Suway dito ni Mr. Park. 

 

Napatingin sa kanya ang binata at nanlaki ang mga mata nito. Hindi naman kinailangan pang pagsabihan ulit si Chanyeol dahil kumaripas na rin ito ng takbo paakyat para magsuot ng t-shirt. 

 

“Pasensya ka na dun ah? Ewan ko ba bat tamad na tamad yun mag-damit pag nasa bahay. Minsan nga naka-brip lang yan dito kaya buti hindi yun ang naabutan mo.”

 

Ay jusmiyo mahabagin! Masaya palang ka-live in to eh. Laging nakahubad. Choz.

 

Kung kanina kapos sa damit si Chanyeol, ngayon naman ay balot na balot ito. Naka-oversize shirt na siya tapos nagpalit rin siya from shorts to sweatpants. Nalungkot tuloy yung inner pokpok ni Baekhyun.

 

“Anong ginagawa mo dito?” Kunot-noong tanong ng captain sa bisita.

 

Nagkibit-balikat naman si Baekhyun at ngumuso. “Wala ka sa school kanina. Absent ka raw. You didn’t reply din when Sehun checked on you kaya akala ko may nangyari na.” 

 

Nang marinig ito, tsaka lang naalala ni Mr. Park na nabanggit nga pala ni Baekhyun kanina na ‘di raw pumasok ang anak. Ang paalam kasi sa kanya ng binata wala daw itong klase ngayon. Bakit siya nagsinungaling? 

 

“Yeol, hindi ka pumasok?”

 

Nabaling naman ang tingin ni Chanyeol sa ama niyang seryoso na ngayon ang tono. 

 

“Pa, wala naman po kasi talagang importanteng gagawin ngayon sa school. Dalawang lectures lang po yun, mahahabol ko pa naman.”

 

“At kailan ka pa nawili tumakas sa klase? Ganito ba palagi, ha? Lagi ka bang uma-absent—”

 

“Pa, ngayon lang po ‘to.” Mahinahong depensa ng binata. “Hindi po ako nagka-cut ng klase, kahit tanungin niyo pa ho sina Sehun! Tsaka kinailangan niyo rin pong pumunta ng center kanina kaya—”

 

“Ay susmiyo! Pwede namang ipa-reschedule yun hanggang sa makabalik ang tiyo Robin mo.”

 

“Pa…” Inis na bumuntong-hininga si Chanyeol. “Tapos na. Nangyari na, okay? At aabsent pa rin po talaga ko kasi ilang beses niyo nang tinatakasan yung check up niyo. Kung ‘di pa nga po sinabi ng nurse kanina sakin, ‘di ko pa malalaman.”

 

“Eh hindi naman kasi kailangan yun! Ayos naman ako ah? Dagdag gastos lang yung check-up na ‘yan kung pwede namang sa pag-aaral mo na lang ilaan.”

 

Hindi na sumagot si Chanyeol sa kanyang ama.

Ramdam naman ni Baekhyun na frustrated na ang binata—na pilit na lang nitong pinapakalma ang sarili dahil magulang niya pa rin naman ang kausap niya. 

 

It was also during this time nang mapansin niyang parang may iba kay Chanyeol. Parang maputla? O baka naman kulang sa tulog? Hindi niya matukoy kung ano pero sigurado siya na may iba talaga.

 

“Mamaya na lang tayo mag-usap.” Pagbasag ni Mr. Park sa katahimikan. Kasunod nito ay nilingon niya ang bisita nang may malumanay na ngiti sa labi. “Pasensya ka na, hijo. Papasok na lang muna ko sa kwarto ko para magpahinga at... para makapag-usap na rin kayo ni Yeol.”

 

Tumango si Baekhyun at pinanood si Mr. Park pumasok sa kanyang kwarto. Naiwan tuloy sila ni Chanyeol sa sala. Parehas tahimik, hanggang sa naisipan ng captain magligpit ng ilang mga nakakalat na gamit.

 

“Uhm… i-is this a bad time?” Nag-aalangang tanong niya. Hindi agad sumagot si Chanyeol kaya akala niya galit ito. Dagdag pa na nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang reaksyon nito.

 

“Pasesnysa ka na narinig mo pa yun.” Sambit ng captain. “Tsaka sorry ang kalat ng bahay, mag-aayos lang ako saglit tapos—”

 

“Hey, okay lang.” 

 

Natigil sa pagliligpit ang captain at napatingin sa bisita. 

 

“Hindi naman sobrang makalat eh and yung sa kanina, don’t worry about it. I won’t tell anybody kaya…” Tinapik ni Baekhyun ang tabi niya sa may sofa. “Halika, upo ka na.”

 

Chanyeol hesitated pero sumunod din naman siya. Hindi tuloy napigilang ngumiti ni Baekhyun nang makitang papalapit na ito. Hindi rin naman mukhang galit ang captain kaya dadaldalin niya na sana ito nang biglang nahilo ang binata napaupo sa sofa. Dali-dali namang itinabi ni Baekhyun ang hawak na container tsaka nilapitan si Chanyeol.

 

“Oh my god! Are you okay?” Hinawakan niya ito sa magkabilang braso para maingat na isandal sa upuan. Mainit ang katawan nito at nang pakiramdaman niya ang pisngi at noo nito, mainit din. 

 

Nilalagnat si Chanyeol.

 

“Shit.” Natatarantang bulong ni Baekhyun. “You should be in bed. Sa’n room mo?”

 

Iminulat ng binata ang mabibigat niyang mga mata at umiling. “S-Sorry wala ‘to, nahilo lang ako.” Umupo ito nang maayos pero kitang-kita kung paano ito nanghihina. 

 

“Anong hilo?! You’re obviously not feeling well!” 

 

“Ayos lang ako. Mawawala din ‘to.”

 

Agad siyang tumayo dahilan para mapatingin sa kanya ang captain. Akmang magtatanong pa sana ito ngunit biglang hinawakan ni Baekhyun ang kamay ng binata. 

 

“‘Wag na kasi makulit! Just help me put you to bed o sige ka, I’ll drag you to your room.” Pinisil niya ang kamay ni Chanyeol at namula ang mga tenga nito. 

 

Gosh! Malala na siguro yung lagnat niya!

 

Umubo naman ang captain at umiwas ng tingin bago sumagot. “Sa taas.” 

 

Inalalayan ni Baekhyun nang mabuti ang binata paakyat sa kwarto nito. Just as he expected, bumagsak uli ang katawan nito sa kama. Inayos niya muna ang pagkakahiga ni Chanyeol bago ito kinumutan. Pagkatapos, binuksan niya yung bintana para makapasok ang sariwang hangin.

 

“Can you stay here muna? I’ll buy you meds and something warm to eat lang.” Tanong ni Baekhyun, pero hindi sumagot si Chanyeol at nanatili lang itong nakapikit. Lumapit siya sa binata at hinawi ang buhok nito. 

 

“Okay, just sleep lang ha? Balik din ako agad.” Bulong niya rito bago tahimik na lumabas ng kwarto.

 

Hindi alam ni Baekhyun kung anong gagawin.

 

He’s never taken care of anyone sick before. ‘Di naman kasi sakitin si Kyungsoo at si Sehun, nalalaman niya na lang na nagkasakit pala ito kung kailan tapos na. Hindi na nakapagpaalam si Baekhyun kay Mr. Park na nasa kwarto pa rin dahil dire-diretso lang siya hanggang sa makarating sa sasakyan niya. And thank god dala niya yung kotse niya today! Ang hassle kasi kung magb-book pa siya ng grab.

 

Pinakalma ni Baekhyun ang sarili niya habang nagmamaneho. Mabuti na lang at parang may nadaanan siyang plaza kanina. Naisipan niyang pumunta doon at hindi naman siya nabigo dahil para rin itong mini public market. Mabilis niyang hinanap ang mga kailangan. Bumili siya ng lugaw, oranges (for vitamin C), kool fever, at isang banig ng paracetamol.

 

Nang makabalik siya, saktong kalalabas lang ni Mr. Park sa kwarto nito. Hindi niya pa nga ito napansin nung una kasi dumiretso siya sa may kusina para ilipat yung lugaw at para kumuha ng tubig.

 

“Baekhyun, hijo? Nandito ka pa pala? Narinig kong umandar sasakyan mo kaya akala ko umalis ka na.” Wika ng papa ni Chanyeol nang maabutan siya nito.

 

“Ah, hindi po, tito. May binili lang po ako sa plaza.” Paliwanag niya habang nilalagay niya na sa tray yung bowl, baso, at pitsel. “Masama po pala kasi pakiramdam ni Chanyeol. He has fever po kaya he’s sleeping ngayon sa kwarto niya.” 

 

“N-Nilalagnat si Yeol?”

 

Tumango si Baekhyun bago binuhat yung tray. 

 

“Don’t worry po, tito. I’ll make sure na kumain muna siya bago uminom ng gamot. Sorry din po kung bigla kong ginamit kitchen niyo. I’ll wash these na lang po mamaya.”

 

Umiling si Mr. Park at pinauna na siya sa taas, malinaw sa mga mata nito ang pag-aalala. Nagkaroon man sila ng hindi pagkakaintindihan kanina ni Chanyeol, anak niya pa rin naman ito. Hindi niya gusto na nagkakasakit ito, lalo pa’t hindi niya rin maalagaan ang binata nang maayos gawa ng kanyang sitwasyon.

 

Tulog pa rin si Chanyeol pagpasok ni Baekhyun. Itinabi niya muna yung tray sa may bedside table bago naupo sa gilid ng kama para gisingin ang captain. 

 

Chan, gising ka na muna.” Tinapik niya ito sa balikat dahilan para sumimangot naman ang binata. “Gising ka muna so you can eat and take your meds.”

 

Maya-maya pa, nang matauhan si Chanyeol na may ibang tao sa kwarto niya—na meron talagang nag-aalaga sa kanya at hindi yon panaginip lang, dahan-dahan siyang naupo sa kama. 

 

“Baekhyun?” Wika ng captain. “Akala ko umalis ka na.”

 

“Sabi ko babalik ako ‘di ba?”

 

Inayos ni Baekhyun ang mga unan sa likod ng captain at pinasandal ito roon. Pagkatapos ay maingat niyang kinuha yung mainit na mangko ng lugaw at hinalo-halo ito. 

 

“Teka, a-ako na lang—”

 

“Tsk!” Nilayo ni Baekhyun ang pagkain at sinamaan ng tingin ang pasyente. “Ako na! Baka tumapon lang eh and I have to make sure na you finish everything!” 

 

He scooped a spoonful of porridge at hinpan ito para lumamig ng kaunti. At si Chanyeol, dahil wala naman talaga siyang choice, ay ngumanga na lang at hinayaang subuan siya ng nurse niyang ma-attitude. Sinermunan pa nga siya nito na hindi dapat siya nagpapakapagod at nagpapalipas ng gutom. 

 

“May pa time management-time management ka pang nalalaman dyan ‘di mo naman pala inaalagaan sarili mo.” Sumbat ni Baekhyun sa captain. 

 

“Wow parang ginusto ko magkasakit ah?”

 

“Eh that’s why I’m telling you na kumain ka nang maayos! Kumain ka nang marami!” Isang kutsarang puno ang ipinasubo ni Baekhyun sa sobrang gigil. Nakalimutan niyang hipan ito kaya nabigla tuloy si Chanyeol.

 

“Shit! Ang init!” 

 

Agad na tinabi ni Baekhyun ang mangko bago kumuha ng tissue at platito. Akala niya kasi iluluwa ng captain yung pagkain pero hindi, nilunok parin nito, kahit mangiyak-ngiyak na siya sa pagkakapaso.

 

“Sorry! I’m sorry!” Nag-aalalang wika niya sa binata at inabutan ito ng tubig. Medyo tumatapon pa nga dahil nagmamadali uminom si Chanyeol kaya nang matapos ito, pinunasan ni Baekhyun ang bibig ng captain. 

 

“Ikaw kasi eh. Next time nga don’t skip your meals! Akala mo ‘di ko alam? Nabanggit kaya ni kuya Luhan na hindi ka raw naglu-lunch tapos—” Natigil siya sa pagsasalita nang maramdaman niyang nakatingin sa kanya ang binata. Hindi naman siya nagkamali dahil pag-angat niya ng kanyang tingin, natagpuan niya ang mga mata ni Chanyeol.

 

Malokong ngumiti si Baekhyun at mas lalo niya pang nilapit ang mukha niya kay Chanyeol. “Ano, Hatdog? In love ka na ba?” Pang-aasar niya.

 

Tila natauhan naman ang captain dahil agad niyang inalis ang kamay ni Baekhyun at itinulak ito palayo. 

 

“Puro ka kalokohan, asan na ba yung gamot?!” Nakasimangot na sabi nito. 

 

Natatawang binigay niya ang paracetamol. Gusto niya pa sanang asarin ang binata kaso mukhang ‘di na rin kaya ng powers niya. Paano, pati puso niya nagwawala na rin eh. Patawa-tawa lang siya pero deep inside gusto niya nang sumabog sa sobrang kilig.

 

Nang mainom na ni Chanyeol ang gamot, tinulungan ulit ito ni Baekhyun na bumalik sa pagkakahiga. Nilagyan niya ng kool fever sa noo ang binata para makatulong sa pagbaba ng temperature nito. Sunod ay inayos niya na rin yung pinagkainan sa tray para maibaba na. 

 

Magpapaalam na sana siya pero nang lingunin niya captain, nakapikit na ito—nakatulog na yata. Ayaw niya namang maistorbo pa ito kaya hinaplos niya na lang nang marahan ang buhok ni Chanyeol. 

 

“Pagaling ka.” Bulong ni Baekhyun, bago tuluyang lumisan sa silid ng nagpapahingang binata.
















Chapter VI: Magpaganda para kay Chanyeol




Ano pa bang dapat kong i-caption dito eh maganda naman na 'ko? Char eme!

 

Anyway, ang masasabi ko lang, hindi limitado ang salitang 'maganda' sa panlabas na anyo. Maganda ka sa sarili mong paraan. 

 

Pero kung kagaya mo ‘ko na malandi at gustong magpapansin kay crush, ito ang maipapayo ko: Confidence. Confidence is key mamsh! I-flex ang dapat i-flex!





“Oh, tanga!” Binatukan siya nang malakas ni Kyungsoo. 

 

“Pinuntahan mo na sa bahay at lahat-lahat ‘di mo pa rin ininvite?” Pagbubunganga nito. “Ano na, Baekhyun? Sa linggo na yung party oh!”

 

Napahilamos na lang ng mukha si Baekhyun kasi sa totoo lang, hindi niya na rin alam. Hindi pa niya nakikita si Chanyeol mula nang bumisita siya sa bahay nito a few days ago. Mamaya pa lang dahil may training ulit sila sa football.

 

“Sabihin mo na lang kasi kay mommy na wala talaga! Maniniwala naman yun pag galing sayo.” 

 

Which is true, kasi mahal na mahal talaga ng mama niya si Kyungsoo. Mas madalas nga sila magkatext. At isa ‘pa, kapag may mga padala mama niya, laging may share si Kyungsoo. Imposibleng wala. Kung minsan nga mas madami pa sa kanya eh. 

 

Respeto naman sa totoong anak oh!

 

“Ang kulit! Hindi nga pwede!” Pagpupumilit ng kaibigan. “Alam na kaya ni tita!”

 

“Ang alin?”

 

“Na may potential jowa ka! More specifically, alam niya na yung existence ni Park kaya wala ka nang kawala.” 

 

“WHAT?!” Napalakas ang boses ni Baekhyun kaya may ilan na napatingin sa direksyon nila. ‘Paka scandalosa eh ‘no? Naturingang nasa public space pa naman sila. 

 

“What do you mean na alam ni mommy existence ni Chanyeol? Did you tell her?!”

 

“Hoy, hindi ako ah! Si Sehun kaya!” Bintang ni Kyungsoo. “‘Di lang naman ako yung tinetext ni tita. Nagulat na nga lang ako nung nag-message siya kahapon, tinatanong kung nainvite na raw ba si Chanyeol.”

 

Mariing pumikit si Baekhyun. He made a mental note na kurutin si Sehun sa kili-kili sa susunod na magkita sila. Balak niya pa naman tawagan mama niya ngayon para kumpruntahin ito pero dahil nag name drop na pala magaling niyang bestfriend, mukhang wala na talagang lusot dito.

 

“Ay nga pala!” May kinuha saglit si Kyungsoo sa kanyang bag at inabot ito kay Baekhyun. “Dumating ‘to kanina nung bumalik ako saglit sa condo.”

 

It was an ornate invitation card, addressed to none other than Mr. Chanyeol Park. 

 

“Bigay mo lang kasi, B. Don’t think too much about it.” Paalala ng kaibigan niya.

 

Umirap si Baekhyun at muli niyang tinignan yung card. Sa invitation palang halata nang exclusive yung event. 

 

“Easy for you to say. I only have a few hours left para pag-isipan kung pano ko ‘to ibi-bring up.”

 

Kaya yun ang ginawa ni Baekhyun. 

 

Mapasaklase hanggang sa pag-jinggle, iniisip niya kung paano ba niya iinvite si Chanyeol. Sasabihin niya ba agad bago mag-start yung training? Or what if during break, para habang disoriented pa ang utak ng captain, at least nabigay niya na? Eh pano kung ayain na lang kaya niya si Chanyeol na sabay sila umuwi mamaya?

 

“Lalim ng iniisip natin lods ah?”

 

Agad na napalingon si Baekhyun sa kanyang tabi kung saan sinasabayan na pala siya ni Yixing maglakad. 

 

“Kanina ka pa nandiyan?”

 

Mapait itong ngumiti at umiwas ng tingin. 

 

“Tagal na. 'Di mo lang nakikita.” Makahulugang tugon nito na siyang inirapan naman ni Baekhyun.

 

“Edi you should’ve said something! Ako pa talaga sinisi mo.”

 

As usual, dumaan muna ulit si Baekhyun sa store para bumili ng tubig at ilang snacks para sa players. Nakasunod pa rin si Yixing sa kanya, mukhang naghahanap din ng pwedeng meryenda. Nang makuha niya na lahat ng kailangan niya, sabay silang pumunta sa cashier para magbayad.

 

“May party ba? Gara mo naman, Baek, hindi nag-iinvite.” Kunwaring nagtatampong wika ni Yixing.

 

“Huh?” Inabot ni Baekhyun ang credit card niya para bayaran ang mga pinamili. “Ah! Eto? Walang party! Para sa mga anak ko ‘to.” Seryosong sambit niya.

 

Gulat naman siyang tinignan ng kaklase at ni ate na nasa likod ng counter.

 

“Joke lang! Sa friends ko kasi!” Paglilinaw niya. “May training sila sa field ngayon and when I visit, lagi ko silang dinadalhan ng refreshments and snacks. Paguran kasi pag-training eh.”

 

Sumimangot si Yixing sa narinig. Varsity din naman siya ah? Basketball pa nga. Pero bakit walang Baekhyun Byun na bumibisita at nagdadala ng refreshments and snacks para sa kanya?

 

“Yung football team ba?” Tanong niya na lang.

 

“Yup! It’s been a while mula nung huli ko silang nabisita.” Kwento ni Baekhyun. “Gusto mo sumama? They’re friendly naman!”

 

Umiling si Yixing nang may tipid na ngiti sa kanyang mga labi. 

 

“I would... kaso may meeting ako sa org ngayon.” Nanghihinayang na sabi nito. “Pero… baka pwedeng humabol? Pagkatapos siguro ng meeting? Ang alam ko kasi late naman natatapos ang trainings kaya baka maabutan ko pa kayo. Maybe we can also... grab dinner or something?”

 

Tumango naman si Baekhyun at kinuha na yung mga pinamili niya.

 

“Sure! Sa may field lang naman ako.” Sagot niya, walang kamalay-malay na nagtatatalon na pala sa saya ang puso ng binatang kasama dahil lang sa simpleng pag-payag niya.

 

Naghiwalay na rin sila pagkalabas nila ng convenience store. 

 

Dumiretso si Baekhyun sa field at malayo pa lang, natanaw na agad siya ni Tao. Sinigaw nito ang pangalan niya dahilan para mapatingin ang iba. At sa sobrang excited, tumakbo pa ito para salubungin siya kasama sina Luhan at Jongin.

 

“Baekhyuuun!” Aakap pa sana sa kanya si Tao pero binato ito ng bola ni Luhan sa likod. “Aray! Sino yun?!”

 

“Gago, off limits yan!” Wika ni Luhan bago siya nilapitan para tulungan. “Kami na dito, Baek!” 

 

Sina Jongin at Luhan ang nagbitbit sa mga dala niya habang si Tao naman ay busy kakadaldal sa kanya. Kine-kwento nito yung nangyari noong huli silang nagkita-kita—noong bigla siyang umalis dahil ‘di pa sila okay ni Chanyeol. Sabi pa ni Tao, nung gabing ‘yon lang din nila nalaman na hindi pala sila nagpapansinan.

 

“Naiyak kaya ko habang nake-kwento si Cap. Ang lungkot niya eh kaya buti na lang nagka-ayos rin kayo. Grabe yung pinagbago nun pagkatapos nung araw na ‘yon. Hindi na ulit siya gaanong nagsusungit at mas gumaling din siya maglaro. Pati si coach Minseok di rin makapaniwala eh!” 

 

Hindi tuloy napigilang ngumiti ni Baekhyun sa mga narinig. 

 

“Kaya nga malakas talaga yung kutob naming tatlo nina Jongin at kuya Luhan na may gusto sayo si Cap—”

 

“Huang, di ba sabi ko i-set up mo na yung course?” Isang malalim na boses ang pumutol sa pag-uusap nila dahilan para sabay na lumingon si Baekhyun at Tao sa pinanggalingan nito. 

 

“Ha? Akala ko ba si Ken inutusan mo don? Ba’t biglang ak—”

 

“Gagawin mo o ikaw pagliligpitin ko mamaya?” Masungit na pagbabanta ni Chanyeol kaya sumimangot ang student athlete.

 

“Ikaw Cap ha, power-tripping ‘yan. Pasalamat ka talaga labs kita at bumisita si Baek ngayon dahil kung hindi…” Dismayadong umiling si Tao pero umalis pa rin naman siya para sundin ang inutos ng captain.

 

Naiwan tuloy silang dalawa ni Chanyeol. Tinignan ni Baekhyun ang binata and for a moment, akala niya may sasabihin ito. Napansin niya ang pagdadalawang isip ng captain kaya nang mainip na si Baekhyun, siya na mismo ang nagtanong dito. 

 

“Hatdog, may sasabihin ka ba?”

 

Umiwas ng tingin si Chanyeol at sumimangot. 

 

“Yung ano… yung...” 

 

Napataas naman ng kilay si Baekhyun kasi bakit ganon? Galit ba siya? Bakit parang galit siya?

 

Lumunok ang captain at nagpatuloy. “Nung nakaraan, yung sa—”

 

Isang malakas na pito ang pumutol sa binata. It was their coach, tinatawag ang lahat ng players for a short briefing. At bilang captain ng team, wala namang choice si Chanyeol kundi sumunod. Kailangan siya roon. 

 

Akmang aalis na sana ito ngunit muling nagsalita si Baekhyun.

 

“Sabay tayo umuwi later.” Diretsong sabi niya, yung tipong bawal tumanggi. Maging si Chanyeol nga ay natigilan nang marinig niya ang biglaang plano. “Mamaya mo na lang sabihin, okay? Go na! Tinatawag ka na nila.” 

 

Kunot-noong tumakbo si Chanyeol papunta sa teammates niya. Inasar pa siya ng mga ito at aba, pati coach nila ay nakiki-join din sa pang-aasar sa binata! Syempre, Chanyeol being Chanyeol, nagsungit na naman ito at tinignan nang masama yung mga kapwa manlalaro niya, lalong-lalo na yung mga nangunguna na sina Jongin, Luhan, at Tao.

 

Sa may gazebo ulit tumambay si Baekhyun at gaya ng nakasanayan, gumawa siya ng ilang homeworks bilang pampalipas-oras. From time to time pinanonood niya ang football team (weh, yung team nga ba?) habang ginagawa nila ang routines nila. At pagsapit naman ng break time, doon sila sa kinaroroonan ni Baekhyun para kumuha ng tubig at ilang snacks.

 

Gabi na rin nang matapos ang training. 

 

By the time na nagfe-freshen up na yung ibang players at naghahanda na para umuwi, si Baekhyun, tutok pa rin sa laptop niya. Sinusubukan niya kasing bawasan yung workload niya sa weekend. Kaya eto, hindi niya alam kung pang-ilang essay na ba ‘tong ginagawa niya, o kung may sense pa ba yung mga pinaglalalagay niya basta type lang nang type. 

 

Bahala na, mema na lang.

 

“Ayun, akala ko umuwi ka na eh.”

 

Napatalon sa gulat si Baekhyun nang bilang may nagsalita at tumabi sa kanya. Si Yixing lang pala. 

 

“Tsk! Para ka namang nakakita nang multo. Kalma, ako lang ‘to.” Nakangising wika ng binata. 

 

Sa ‘di kalayuan, nakita nina Tao, Luhan, at Jongin ang eksena. Akala nila may ligaw na engot na pumoporma kay Baekhyun, missing in action pa naman yung manok nila—este yung captain nila. Mang-aaway na sana yung tatlo kaso napatingin sa direksyon nila si Baekhyun at umiling, telling them na wala silang dapat ikabahala dahil kakilala niya naman ito.

 

“Sino naman ‘tong kupal na ‘to?” Nakasimangot na tanong ni Tao sa dalawang kasama.

 

“Malay.” Tugon ni Jongin. “Ngayon ko lang nakita ‘yan eh. Awit, lapitin pala ng may dimple si Baek?” Dahil sa kanyang komento, nakatanggap tuloy siya ng malakas na batok galing kay Tao.

 

“Oh gago, hindi loyal.”

 

“Hoy loyal ako!” Bwelta niya sa kaibigan. “Sa sobrang loyal ko, iinform ko pa si Cap na may humaharot na sa atabs niya! Oh, di mo naisip yun!” 

 

Talagang pinuntahan ni Jongin ang kanilang captain na kanina pa naliligo habang ang dalawa naman ay nanatili bilang lookout. Nag-uusap lang din naman sina Baekhyun at Yixing, something about a lesson na hindi rin naman nila maintindihan.

 

“Nakakainis! Mali pala yung ginawa ko! Ulitin ko na lang bukas.”

 

Ngumiti si Baekhyun at nagsimula na ring magligpit ng gamit. “No worries! Malabo rin naman kasi talaga yung instructions. Even I was confused nung una. Naalala ko lang na sinabi pala ni ma’am na we should incorporate the principles discussed nung lecture.”

 

Pagkatapos niyang mag-ayos, chineck niya ang phone niya para tignan kung nag-reply ba si Chanyeol. Pinaalalahanan niya kasi ito na sabay silang uuwi. Kanina pa siya nag-text pero hanggang ngayon, wala pa ring reply. Nagsi-uwian na nga yung iba eh.

 

Iniwan na ba siya ni Chanyeol?

 

“Baek.” Tawag sa kanya ni Yixing. Nilingon niya naman ang kaklaseng tila kinakabahan sa kanyang sasabihin. “Ano… uhm… free ka pa rin ba? T-To get dinner?”

 

Nanlaki naman ang mga mata ni Baekhyun nang maalalang pumayag nga pala siya sa alok nito kanina. “Oh… dinner?” Ulit niya. 

 

Sa totoo lang, wala namang problema if he decides to go with Yixing. Kaibigan niya naman eh at pumayag din naman siya na samahan ito kung magkakaabutan sila. Pero bakit pakiramdam niya parang may pumipigil sa kanya? 

 

Bakit parang mali?

 

“Libre ko na lang! Tutal ako naman nag-aya eh.”

 

“Yixing—”

 

“Baek, ‘di ba sabay tayo uuwi?”

 

Tila tumigil ang mundo ni Baekhyun nang marinig niya ang boses na iyon. Nilingon niya ang pinanggalingan nito and right there, sa may bukanan ng gazebo, Chanyeol stood in all his glory. Bagong ligo ang captain kaya fresh na fresh. Kagagaling lang din nito sa training kaya ang muscles, flexed na flexed. 

 

Ang hot ni Chanyeol. Sobra. Pero ang mas nagpalambot sa kanyang mga tuhod ay ang seryoso nitong tingin sa kanya.

 

At mali ni Baekhyun. Mali talaga ni Baekhyun dahil akala niya, wala nang ilalala ang sitwasyon. Akala niya eto na yun, max na! Pero hindi eh. Humakbang papalapit sa kanya si Chanyeol at tumigil ito sa harap niya. Still not breaking eye-contact, muling nagsalita ang binata. 

 

“Halika na, baka gabihin pa tayo.” 

 

And really, hindi niya alam kung paano niya pa nagawang pagalawin yung katawan niya basta tumango na lang siya at natatarantang kinuha yung mga gamit niya. Nagpaalam na rin siya kay Yixing, apologizing dahil hindi niya ito masasamahan mag-dinner ngayon. Sasabihin niya pa sana na sa susunod na lang pero hinila na siya sa pulsuhan ni Chanyeol hanggang sa makalayo na sila sa field.

 

Hindi madaling iimpress si Baekhyun. Last time he checked, hindi naman mababaw ang kaligayan niya. Mapili siyang tao at sobrang hirap niyang i-satisfy.

 

Pero ngayon, habang tinitignan niya ang malaking kamay ni Chanyeol na nakahawak pa rin sa pulsuhan niya, hindi niya talaga mapigilang mapangiti. Gusto niya sana holding-hands pero sa susunod na lang siguro. For now, pwede na ‘to.

 

“Tss, inaya-aya mo pa ‘ko tapos makikipag-date ka lang pala sa chinoy na yun?” Bulong ni Chanyeol sa sarili.

 

Hindi naman ito narinig ni Baekhyun na busy kaka-imagine kung ano kayang feeling mahawakan yung kamay ng captain. 

 

“Huh? May sinasabi ka, Hatdog?” 

 

“Wala, sabi ko ang bagal mo maglakad.” 

 

Just then, narealize ni Chanyeol na hawak niya pa pala sa wrist si Baekhyun. Agad niya namang binitawan ito, dahilan para magmaktol ang isa sa likod.

 

“Is it my fault na ang haba ng legs mo?!” Reklamo ni Baekhyun na ngayo’y nahihirapan na mag-keep up. Ang laki pa naman ng mga hakbang ng captain tapos ang bilis pa nito maglakad. 

 

“Eh ano gusto mo gawin ko? Buhatin kita?”

 

“Pwede rin! Kahit itanan mo pa ‘ko hindi ako magrereklamo!” Masayang tugon niya pero hindi ito pinansin ni Chanyeol—or at least, yun yung hula niya dahil nauuna ito sa paglalakad at likod lang ng captain ang nakikita niya. 

 

Sa maikling oras na naglakad sila papunta sa condo, dinaldal nang dinaldal ni Baekhyun ang binata. Mabuti na lang at sumasagot din ito kahit papaano. Kinailangan niya kasi ng distraction, lalo na’t ngayon niya rin balak ibigay yung invitation para sa event. Malapit na sila sa entrance ng building nang maalala niyang may sasabihin din pala si Chanyeol sa kanya.

 

“Uy teka, ‘di ba you were saying something kanina? Yung bago kayo tawagin ni coach?”

 

Marahan siyang hinila ng captain para magpalit sila ng pwesto. Ngayon, siya na yung nasa safer side at si Chanyeol naman yung malapit sa driveway. Sakto dahil may sasakyan ding dumaan.

 

“Nakalimutan ko na.” Tipid na sagot ng binata.

 

At syempre, hindi naman naniwala do’n si Baekhyun. Parang kambing na constipated si Chanyeol nung kausap niya kanina at sign yon na may importante itong sasabihin. 

 

“Liar! Ano ba kasi yun? Teka, don’t tell me aamin ka na saki—” 

 

Natigil sa pang-aasar si Baekhyun nang mamukhaan niya yung itim na sasakyan sa di kalayuan. Nakatigil ito sa may entrance ng condo. Taimtim siyang nagdasal na sana mali ang hinala niya, na sana kapareho lang ito ng isa sa mga family cars nila, pero tuluyan na siyang nanlumo nang makita ang plate number nito. 

 

Napansin ni Chanyeol ang biglaang pagtahimik niya. “Baekhyun?”

 

“Uhm… t-teka lang I forgot to—” Tumunog ang kanyang phone at sa screen nito, magkasunod na texts ang natanggap niya

 

From: Momma

Anak, is that Chanyeol? Wow, he’s tall pala ah! Gwapo din!

 

From: Momma

Did you invite him already? I sent you the card this morning.

 

“Shit!”

 

“Bakit? Ano nangyari?” Alertong tanong ng captain. Agad na tumingin ito sa paligid at naagaw ng itim na kotse ang kanyang pansin. Naisip niya na baka masasamang tao ito kaya tinakpan niya si Baekhyun. 

 

“Sinusundan ka ba no’n?! Fuck, teka umalis muna tayo dito—”

 

“N-No, hindi! Nakalimutan ko lang… magsend ng document sa kaklase ko. Yeah, yun lang.” 

 

Muling tumunog ang phone ni Baekhyun.

 

From: Momma

Kyungsoo told me na ibibigay mo palang and that nahihiya ka raw. Nako anak ha, hindi kita pinalaking mahiyain. Should I intervene? Gusto ko rin naman siya ma-meet.

 

Nakita niya ang pagbaba sa sasakyan ng family driver nilang si kuya Eddie kaya agad siyang nag-text pabalik sa mama niya.

 

To: Momma

OHMYGOD MOM DON’T!!!!!!!!!!!!!!!! DON’T GET OUT OF THE CAR ETO NA GAGAWIN KO NA JUST STAY THERE!!!!

 

“Sorry, they’re so makulit ih.” Balik niya kay Chanyeol. 

 

“Sigurado ka?” Lilingon pa sana ito sa direksyon ng kotse pero mabilis niyang hinawakan ang braso nito para pigilan. Baekhyun nervously swallowed.

 

“Are you… m-may lakad ka ba sa Sunday?” He finally asked. “I mean okay lang naman if you’re busy that day. Maiintindihan ko naman since may mga hinahabol ka pa and stuff and baka gusto mo rin mag-rest—”

 

“Wala. Wala naman akong gagawin sa linggo.” Putol nito sa kanya. “Bakit?”

 

Pressing his lips, inabot ni Baekhyun ang invitation card para sa 50th founding anniversary ng Lūx Hotel Group na kunot-noong tinanggap naman ni Chanyeol. 

 

“We’re hosting an event kasi this Sunday and if free ka... maybe you can come?” Nag-aalangang sabi niya. “Don’t worry though! Pupunta din sina Jongin, Sehun, and I think Jongdae’s family is gonna be there too.”

 

Shuta. ‘Di ba ang plano dapat hindi pumunta si Chanyeol? Bakit parang ine-enganyo niya pa?

 

“Sige. Pupunta ‘ko.” 

 

At ayun na nga. Bago niya pa maipalusot na may bayad ang buffet, pumayag na ang captain. Tinago pa nito yung invitation card, para bang sinasabing wala nang bawian.

 

“O-Okay, I guess I’ll see you then.” 

 

Pagkatapos niya magpaalam sa binata at panoorin itong maglakad papalayo, dire-diretsong naglakad papasok ng condo building si Baekhyun. Ni hindi niya pinansin yung itim na kotse kung saan naroon ang nanay niya at maging ang mga tawag ni kuya Eddie. Basta, mag-isa siyang umakyat sa unit, pinag-iisipan kung tama pa ba ang mga desisyon niya sa buhay.






Buong araw ng Sabado, kung wala sa spa, nasa salon naman si Baekhyun. Daig niya pa babaeng magde-debut o ikakasal sa haba ng preparations niya. And he enjoyed everything! Sinulit niya kaya naman pagsapit ng Linggo, sobrang lambot at kinis na ng maputi niyang balat. Pati nga yata sanggol maiinggit eh.

 

"Hayop ka. May binabalak ka sa kaibigan ko 'no?" 

 

Mula sa salamin, lumingon si Baekhyun at nakita niyang pumasok pala sa room niya sina Sehun at Junmyeon. Both of them looked dashing in their suits. Si Sehun, syempre ‘di magpapatalo yun, fashionista eh. As for kuya Junmyeon naman, ayun, ang gwapo pa rin kahit simpleng suit lang ang suot. Kahit nga siguro sako suotin niya madadala niya pa rin.

 

"Kuya Junmyeon! Glad you could make it!" Bati niya sa kaibigan sabay akap. It's been a while mula nang huli niya itong nakita. Busy kasi dahil graduating.

 

"I couldn't miss it. Ako na lang yata hindi pa nakakakita sa manliligaw mo eh." Natatawang sabi nito. "Ano nga ulit pangalan nun? Chanyeol ba?"

 

Bigla namang naalala ni Baekhyun ang pagtataksil ni Sehun kaya imbis na akapin din ito, kinurot niya talaga sa kili-kili with all his gigil combined. 

 

"Ikaw, pahamak ka! Sinabi ko na sa GC na don’t tell mom about Chanyeol pero anong ginawa mo?!"

 

"Pakshet ka ansakit!" 

 

"You deserved it!”

 

“Aba—” Sehun scoffed and eyed him incredulously. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya? Pagkatapos niyang magpaka-best supporting character sa storyang ‘to, ito pa matatanggap niya? 

 

“Alam mo, hindi kita maintindihan.” May iba sa tono ng pananalita ni Sehun kaya tinaasan ito ng kilay ni Baekhyun. 

 

“Hindi ka naman ganito ah? Yung mga dating mong ka-relasyon wala ka namang pake kung malaman ni tita kahit pa pangalan ng aso nila. Pati nga yung dati mong ka-fling, yung gagong model na si Joo Hyuk, ‘di mo naman tinago kay tita ‘yun ah! Bakit iba ngayon?” There was a short pause before Sehun continued. 

 

“Kinahihiya mo ba si Chanyeol?”

 

‘Wha—san naman nanggaling yan? Of course not!”

 

“Hindi ba? Kasi it seems like it.” Sehun shrugged. “Gusto lang naman malaman ni tita kung sino yung nagugustuhan mo kasi ayaw ka niyang mapahamak. She asked me nicely, Baek. At alam mo, she sounded worried too.” Seryoso siyang tinignan ng kaibigan. 

 

“Bestfriend kita, Baekhyun, pero kaibigan ko rin si Chanyeol. He’s a really nice person kahit pa lagi siyang nakasimangot.”

 

“Where are you going with this, Sehun?” Tanong ni Baekhyun, medyo naiinis na sa tono ng pananalita ng kaibigan. 

 

“Sana hindi mo siya pinaglalaruan. Yun lang.”

 

Before he could even come up with a response, hinila na ni Junmyeon si Sehun. “Hey, tama na ‘yan, the event’s about to start.” Pagpapaalala nito. Tumango naman ang kasintahan at nauna nang lumabas kaya silang dalawa tuloy ang naiwan.

 

“I’m sorry, Baek, I’m sure he didn’t mean it like that.” Malumanay na wika ni Junmyeon. “Mahalaga kayo parehas sa kanya so I hope you don’t take it the wrong way. Hintayin ka namin sa baba, okay?”

 

Pagkaalis ni Junmyeon, napaupo si Baekhyun sa tapat ng malaking vanity mirror. He went over the things Sehun said, especially the part kung saan sinabi nito na sana hindi niya pinaglalaruan si Chanyeol. Dito siya pinakanaguguluhan kasi… hindi naman ah? 

 

He likes Chanyeol. Bakit niya naman ito paglalaruan?

 

Sure, his history of flings might say otherwise. Marami-rami rin naman siyang dinate, binasted, at—ehem—ghinost. Pero dati naman na yun! Besides, those jerks weren’t the nicest people anyway. Mga gago rin naman sila who just liked him because—well, he’s Baekhyun Byun.

 

Naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang bumalik yung make-up artist na nag-ayos sa kanya kanina at yung assistant ng event coordinator. Saglit siyang nag-retouch at pagtingin niya sa salamin, hindi niya naiwasang ngumiti sa kanyang nakita. Baekhyun wore a deep blue custom designed suit that perfectly hugged his figure and complemented his skin. His features were also blemish-free and not a single strand of hair was out of place.

 

In short, ang ganda niya. 

 

“Baekhyunnie? Are you all set—oh, wow!” Napatakip nang bibig si Mama Byun nang makita ang anak niya. Nakagayak na rin ito suot ang isang eleganteng champagne-colored dress. “You look stunning, dear! Hon, come here dali! Ang ganda ng anak ko!”

 

Sa likod nito, sumilip naman ang dad niya. Bibihira niya lang ito makita dahil busy sa pagpapatakbo ng kompanya. Madalas ding napapaligiran ng colleagues at business partners si Mr. Byun kaya yung mga pagkakataong ganito, na kasama niya ito bilang isang ama at hindi negosyante, ay talagang pinapahalagahan niya.

 

“Syempre maganda ‘yan, mana sakin eh.” Tugon nito na agad namang kinontra ni Mrs. Byun.

 

Tinawag na rin sila ng event coordinator and soon after, pumunta na sila sa venue. They had to pose a few times for the media outside. Pagkatapos no’n, tsaka lang sila pumasok sa grand ballroom kung saan dinumog din sila ng iba’t ibang investors at business partners—lahat gusto ng chance na makausap ang CEO. 

 

It went on for an hour or so. After magbigay ng speech ng dad niya, sinama siya nito para ipakilala sa kung sino-sino. Ni hindi pa nga siya nakakakain. Gustong-gusto niya nang lumapit sa buffet table at kumuha ng chocolate-dipped strawberry pero wala, he’s stuck here with the oldies drinking wine.

 

“How are your studies pala, hijo? Malapit ka na ring grumaduate ah? Any plans after?” Tanong sa kanya ng isang matandang business man na nakalimutan niya na ang pangalan.

 

“Okay naman po.” Magalang na sagot ni Baekhyun. “I haven’t really thought about what I would do after I graduate but… I guess I’ll help dad and lolo na lang din.”

 

Mukhang hindi naman na-impress sa sagot niya yung negosyante pero wala siyang pake. He’s not here to please them. Alam niyang nagpapa-good shot lang ‘to sa dad niya kaya siya kinakausap nito. Isa pa, kahit naman magplano siya, malabo rin na matuloy yun dahil sa kumpanya pa rin ang bagsak niya. 

 

Sa pagpili nga ng course wala siyang sabi. Sa pagpaplano pa kaya ng buhay niya?

 

Nang makita ni Baekhyun na occupied ang dad niya, he took the opportunity para tumakas. Ang una niyang balak ay hanapin sina Kyungsoo. Then, kukuha siya ng maraming pagkain at magtatago, lalong-lalo na—

 

“Ow!” Dalawang kamay ang sumalo sa kanya nang ma-out of balance siya sa pagkakabangga.

 

“Still clumsy are we?”

 

Inangat niya ang kanyang tingin at nakita niyang nakangisi sa kanya ang pinsan niyang si Jiyoung. Sa mata siguro ng iba iisipin nilang nagmamagandang loob ito pero hindi. Alam na alam niya yung ngiting ‘yan.

 

Agad na lumayo si Baekhyun at inayos ang suot niya. “Don’t talk to me. Get lost.” 

 

“Wow, you’re getting braver.”

 

“And you’re becoming more and more of an asshole.” Giit niya.

 

Ngumisi ang pinsan at mapanghusga siyang tinignan. “Ganyan ba ‘pag tagapagmana? Nagiging barumbado? I doubt na matutuwa si lolo pag nalaman niya na his future successor is an immature brat. Paano na lang niya ipagkakatiwala sa ‘yo ang kumpanya?”

 

Kinuyom ni Baekhyun ang mga palad niya at pilit na pinakalma ang sarili. May mga nanonood. Hindi siya pwedeng magpaapekto sa sinasabi ng kupal na ‘to. 

 

“Di naman talaga ‘ko barumbado, kuya.” Sagot niya habang nakatingin nang diretso sa kanyang pinsan. “I just chose whom I talk to. Ayoko kasing nasasayang oras ko sa mga bobo.” 

 

And with that, he went on his way. Narinig niyang tinawag ulit siya ni Jiyoung pero hindi niya na ito nilingon. Mas marami pa siyang dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa pinsan niyang chumuchupa yata ng ampalaya kaya sobrang bitter. Hindi niya naman kasalanan na sa kanya gustong ibigay yung kumpanya eh. Pasensya na lang dahil siya ang paboritong apo ng lolo.

 

“Pahingi nga.” Bungad niya pagkaupo na pagkaupo niya sa tabi ni Kyungsoo. Kalalapag pa lang nito ng plato at susubo na sana ito nang biglang inagaw ni Baekhyun ang kutsura para tikman yung mashed potatoes. 

 

“Ew, it’s too bland.”

 

“Pucha, ‘di ka ba pinapakain, ha? Bat ka nang aagaw ng pagkain?!” 

 

“Shh! I’m stressed kaya I’m eating.” Wika ni Baekhyun sabay subo ulit ng pagkain. Hindi niya talaga trip yung lasa pero ‘di niya na lang din ininda, gutom na siya eh.

 

“Kalma ka lang, Baek. Baka mamaya mabilaukan ka na naman diyan.” Natatawang sabi ni Jongin na nasa kabilang tabi ni Kyungsoo. And as if on cue, nasamid nga siya. Nakarecover din naman siya agad kaya muli siyang bumalik sa pagkain.

 

“Hindi ka ba hahanapin don?” Pagpapaalala ng kaibigan niya. 

 

Umiling naman si Baekhyun at tumusok sa steak na hiniwa-hiwa na ni Kyungsoo. “It’s fine. Iba na rin naman pinag-uusapan nila. Bakit? Pinapaalis mo ba ‘ko?”

 

 “Oo.” Diretsong sagot ng binata kaya sinamaan niya ito ng tingin. “Umalis ka na diyan kasi may ibang taong naka-upo diyan.”

 

“Tss! Damot! Ayaw mo lang ako pakainin eh.” Bilang ganti, pinuno niya yung bibig niya ng pagkain. Sa pagkakaalam niya wala namang specific seat reservations. Per table oo, may assigned na group of people, pero sa seats wala naman. Imbento talaga si Kyungsoo.

 

“Ah, ganon?” Pagtataray tuloy sa kanya nito. At syempre, ‘di siya papatalo kaya inirapan niya rin ang kaibigan. Kyungsoo smirked and looked past him. 

 

“Oh pano ba ‘yan Chanyeol? Hanap ka na lang ng ibang table, ayaw umalis nito.”

 

Hindi niya alam kung bakit inisip niyang nagjo-joke si Kyungsoo kaya matapang siyang lumingon, only to almost choke in surprise. 

 

It was true. Nasa likod niya nga si Chanyeol. The guy looked absolutely breathtaking in his classic black suit. Na-accentuate yung malapad niyang balikat at yung fit! Yakap na yakap ng tela yung torso at guns ng captain! 

 

Tumingin sa kanya si Chanyeol at tipid na ngumiti.

 

Baekhyun.exe stopped working.

 

“Cap!” Jongin called, consequently breaking his reverie. “Tabi na lang tayo! Mamaya pa naman siguro babalik yung dalawa.” 

 

It was only then nang maalala niyang puno pala nang pagkain yung bibig niya kaya agad siyang nagtago para nguyain ito at lunukin. Shet na malagket, nakakahiya ka Baekhyun Byun! 

 

Dahil pakiramdam niya wala na siyang mukhang maihaharap kay Chanyeol, nagpaalam siya saglit para magbanyo. Tutal ayaw din naman siyang lamunin ng lupa, ifu-flush niya na lang sarili niya. Sino ba naman kasing hindi mahihiya diba? Ang plano magpaganda! 

 

Mang-aakit dapat tayo hindi mananakot!

 

On his way to the restroom, isa na namang pinsan ang nakasalubong niya. Well, ano pa nga bang ine-expect niya? Dahil sila ang naghost ng event na ‘to, malamang nandito rin mga kamag-anak nila. Laking pasasalamat niya lang talaga na hindi ito si Jiyong kasi kahit mas matanda ito sa kanya, hindi siya papayag na maapi at mainsulto nito.

 

“Nakita ko kayo ni kuya Jiyoung kanina. Ginulo ka na naman nun ano? Okay ka lang?” Tanong ni Heechul, another cousin (the good kind not the kanser kind) pero sa mother’s side naman. They’re pretty close too.

 

“Ako pa?” Nakangising tugon ni Baekhyun. “Syempre I gave that jerk a piece of my mind ‘no! Epal kasi eh super kulang sa pansin!”

 

“Buti naman! Parang gago kasi yun, pati ako parang gusto awayin.” 

 

Hindi na natuloy si Baekhyun sa restroom. Nag-catch up na lang sila ni Heechul sa isa’t isa lalo na’t nagbabalak pala ito na kumuha ng isa pang degree sa Japan. Ginigiit ng pinsan niya na pupunta lang daw ito roon para mag-aral pero Baekhyun’s having none of it. Alam niyang may iba pa itong pakay—which may or may not be—ang makipagbalikan sa ex-girlfriend niya.

 

Nasa gitna sila ng pag-uusap nang biglang nag-dim yung lights sa venue. Gulong-gulo pa sila nung una kasi wala naman talagang ganito sa usual program. It wasn’t until ina-announce ng MC na ngayon din yung wedding anniversary ng parents niya kaya as a special segment, inimbitahan ang guests sa dance floor sa pangunguna nina Mr. and Mrs. Byun.

 

“Tara sali tayo.” Pag-aaya ni Heechul at bago pa siya makatanggi, nahila na siya papunta sa gitna.

 

“Sige, pag napatay ko paa mo pasensyahan na lang ha.” Pagbabanta niya.

 

Nakaraos din naman sila, salamat sa experiences ni Heechul kaka-attend sa kasal ng mga kaibigan niya at sa katiting na muscle memory ni Baekhyun from PE. He eventually got the hang of it, pero tinatapakan niya pa rin paa ng pinsan niya kasi trip niya. Dinamay-damay pa kasi siya eh.

 

“Baek, asan pala manliligaw mo? Bakit sabi nandito daw?”

 

“Umabot din sayo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Baekhyun. “He’s not nanliligaw... and friends lang kami.”

 

Hindi naman nakatakas sa paningin ni Heechul ang pagkadismaya ng pinsan. “Nako, parang nakakatakot ‘yan ah?” Nakangising wika nito sabay iling. “It’s all too familiar.”

 

“Ano?”

 

“Ganyan na ganyan din sagot ko nung tinanong ako dati kung may gusto ba ‘ko sa kanya—sa ex ko.” Kwento nito. “Palagi ko pang sinasabi no’n na friends lang kami pero kakaulit ko sa mga salitang ‘yon, na-realize ko na ayoko pala. Ayokong friends lang kami dahil may gusto ako sa kanya.”

 

Sakto namang patapos na ang unang kanta so Heechul discreetly led him to the side.

 

“Pakiramdam ko nalilito ka pa sa nararamdaman mo kaya pag-isipan mong mabuti, okay? And I’m not talking about the crush kind of like kasi magkaiba yon. Ibang-iba ‘yon sa talagang gusto mo yung tao.”

 

Binuka ni Baekhyun ang bibig niya para sumagot ngunit bago pa man siya makapagsalita, narinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan. 

 

“Baekhyun! Halika nga dito!” It was Sehun—a tipsy Sehun na sinesenyasan siyang lumapit.

 

Tinapik siya ni Heechul sa balikat at sinabihan siya na puntahan niya na ang kaibigan. Ayaw niya pa nga sana dahil delikado kasama si Sehun pag may amats, kahit pa nandyan si Junmyeon para bantayan ito. In the end, pinuntahan niya pa rin naman ang kaibigan. Takot niya lang dahil baka mag-eskandalo pa ito kung di siya susunod.

 

“Baekhyuuun!” Tawag ulit sa kanya ng kaibigan. Tsaka niya lang napansin na kasama pala nito sina Chanyeol at Jongin nang makalapit na siya.

 

“Ano ba Sehun?!” Rinig niyang bulong ng captain sa binata. Siniko pa nga ni Chanyeol si Sehun sa tagiliran pero wala itong nakuhang reaksyon sa kaklase.

 

Anong meron?

 

Sa gilid, nakita niyang nagpipigil ng tawa si Jongin nang akbayan ni Sehun si Chanyeol. Palipat-lipat ang tingin niya sa tatlo. Napaka-fishy kasi eh. Nararamdaman niyang may masamang balak ang magaling niyang kaibigan. 

 

“Baekhyun, sayaw mo naman ‘tong tropa ko!” Biglang sabi ni Sehun at natigilan naman siya sa narinig. “Kanina pa nakatingin sa ‘yo ‘to eh. Pagbigyan mo na, dali!”

 

Tinulak nito ang captain papalapit sa kanya and Baekhyun swears, bumilis talaga ang tibok ng puso niya nang magkatapat na sila ni Chanyeol. Nakasimangot ang binata at namumula ang mga tenga nito. 

 

Nahihiya ba siya? Ang cute naman.

 

Sa tulong ng wine na ininom niya kanina, nagkaroon ng lakas ng loob si Baekhyun.

 

“Uhm… Do you wanna dance?” Mahinang tanong niya nang magtama ang tingin nilang dalawa. Kumurap ang binata at umiwas.

 

“Hindi ako marunong, baka mag mukha lang tayong tanga.”

 

Saglit niyang tinignan sina Jongin at Sehun. Tuwang-tuwa ang mga kupal sa ginagawang pambubugaw. Maging ang iba nilang kaibigan na sina Junmyeon, Kyungsoo, at Jongdae—whom he’s seeing for the first time this evening—ay nagpakita din ng kanilang suporta. Muli niyang tinignan si Chanyeol taimtim itong nginitian.

 

“I don’t mind.” Tugon niya sabay kibit-balikat. “Edi magmukha tayong tanga. ‘Di rin naman ako sobrang marunong.”

 

Bago pa makatanggi ang captain, hinawakan niya ang kamay nito at hinila ang binata papunta sa dance floor. Marami pa namang ibang sumasayaw at sakto, nagsisimula pa lang ng bagong kanta. 

 

Mapapansin mo kaya?

Ako'y magkukunwari ba sa nararamdaman

Kahit walang pumapagitan?

Ikaw ang tanging gustong pagmasdan

 

Pinusisyon ni Baekhyun ang mga kamay ng binata sa kanyang bewang. 

 

“It’s okay, you can hold me.” Malumanay na wika niya, bago niya ipinatong ang parehong kamay niya sa balikat nito.

 

“Woooh! Kapitan namin yan!” Panunukso pa sa kanila ni Jongin pero hindi na nila pinansin ito. Nakatingin lang sila sa isa’t isa kaya tila nanlabo na ang iba..

 

Isayaw mo ako, sinta

Ibubulong ko ang musika

Indak ng puso'y magiging isa

Takbo ng mundo'y magpapahinga

 

They slowly swayed to the beat of the music. Hindi na mapakali ang puso ni Baekhyun sa sobrang lapit nila. Dagdag pa na tahimik lang na nakatingin sa kanya si Chanyeol kaya tuloy medyo naiilang siya. 

 

May dumi ba siya sa mukha? Nagulo ba make-up niya? 

 

Iiwas na sana siya ng tingin pero humigpit ang hawak ng captain sa kanyang bewang at mas lalo pa siyang nilapit.

 

Magdadalawang-isip ba 'ko

O iisa-isahin ang paghakbang pa-entablado?

Para lang na mapansin mo na...

'Kaw lang ang sad'ya kong maisayaw

 

“T-Thank you pala ah? For coming.” Basag niya sa katahimikan at isang milagro na hindi siya pumiyok. 

 

“Sabi ni Se masarap daw mga pagkain sa buffet eh.”

 

Baekhyun scoffed. “So you came here for the food?!” 

 

“Mhm.” Huni ng captain bilang pagtugon. “Pero may ibang dahilan kaya ako nanatili.”

 

Agad na nag-init ang kanyang mga pisngi sa narinig kaya yumuko siya at umiwas ng tingin. He knew better than to assume pero may parte sa kanya na umaasang baka siya ang tinutukoy nito—na baka siya ang dahilan kaya ito nanatili. 

 

Nilunok ni Baekhyun ang kanyang takot at tapat na tinanong ang binata.

 

“Which is?” 

 

Iningat niya ang kanyang tingin at nagtama ang mga mata nila ni Chanyeol. Tinitigan siya pabalik nito. At hindi niya alam kung siya lang ba ‘yon, o tila may gustong ipahiwatig ang mga titig nito. 

 

Parang isang pelikula

Ilayo man tayo ng tadhana

Bumabalik sa bawat eksena

Ako at ikaw, wala nang iba

 

“Di rin ako sigurado nung una eh pero…” Wika ng captain. Bahagya itong ngumiti at naramdaman niyang mas lalong lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib. “...ngayon alam ko na.”

 

Hindi na nakasagot pa si Baekhyun. Ang dami na namang tumatakbo sa isip niya pero ito ang malinaw: He likes Chanyeol… 

 

and it’s not the crush kind of like he always thought it was.
















Chapter VII: Suportahan si Chanyeol




Bilang future may bahay ni Chanyeol, gumigising ako nang maaga, nagpapagod, para paghandaan siya ng tubig na hindi niya rin naman iinumin. 

 

Ganon dapat mga besties.

 

Hindi lang tayo puro paganda at landi dito. Be their number one cheerleader! Samahan mo sila sa pag takbo, sa pag abot ng mga pangarap nila.

 

Ipaalam mo sa kanila na may sumusuporta at nagtitiwala sa kanila.




“De Leon ipasa mo yung bola!” Inis na sigaw ni coach Minseok sa ‘di kalayuan.

 

Tila hindi naman narinig ng manlalaro ang instructions ng mentor kaya nang makalapit sa kanya si Chanyeol, agad nitong naagaw ang bola. Mabilis na tumakbo ang captain papunta sa kabilang side ng field. Sinipa nito ang bola kay Tao, na siyang pinasa naman kay Luhan, hanggang sa pinalipad na ng binata ang soccer ball papasok ng net.

 

It was their third goal for the day.

 

“Tsk, ‘di kasi nakikinig eh.” Wika ng coach sa sarili at napakamot na lang ng ulo.

 

Kasalukuyan silang naglalaro ng practice match. Katatapos lang ng prelims kaya muli na namang nag-eensayo ang football team para sa laro nila next week. Simula na ng elimination rounds at bilang champions last season, kailangan nilang galingan—kailangan nilang i-maintain ang winning streak.

 

Baekhyun happily observed on a nearby bench. Kasama niya si Sehun. Napag-usapan naman na nila nang maayos yung misunderstanding last time so they’re good now. Una pa ngang nag-apologize sa kanya ni Sehun dahil apparently, pinagsabihan daw ito ni kuya Junmyeon. At umamin na rin siya. Nilinaw niya na sa kaibigan ang totoong nararamdaman niya para sa captain which led them here: Baekhyun explaining how everything began. 

 

“Teka lang, so ang ibig mong sabihin… sineseduce mo si Chanyeol?! Baek, akala ko ba—” 

 

“Totoo yung sinabi ko.” Putol niya sa binata. “I meant what I said. I like him, Sehun. I really do.”

 

Tinignan siya ng kaibigan nang may pagdududa kaya nagpatuloy si Baekhyun sa pagpapaliwanag.

 

“Well, at first, ginagawa ko ‘to kasi hindi niya ‘ko pinapansin. I hated it. Naiinis ako kasi I’ve been giving him hints and—putek, nilalandi ko na nga siya nang harap-harapan pero wala pa rin! Dagdag pa na ang sungit niya noong una so simply put, he was a really… really tough nut to crack. And you know me, Sehun, lahat ng gusto ko dapat makuha ko.”

 

Ibinalik ni Baekhyun ang tingin sa field kung saan naglalaro ngayon si Chanyeol. Umaapoy na naman ang mga mata nito sa sobrang competitive pero kahit na ganon, he still plays fair. He plays strategically and skillfully, all while making sure na walang madidisgrasya habang naglalaro. 

 

Tsk. Lakas maka-gwapo.

 

“Aaminin ko na in-approach ko si Chanyeol for the wrong reasons pero nang tumagal, nung mas lalo ko siyang nakilala…” Baekhyun trailed off, his eyes never leaving the captain. 

 

“...marami akong na-realize. Nakita ko na ang bait niya pala, na he’s thoughtful, and caring towards people who are important to him. Siya yung tipo ng tao na nagkukusa—na maasahan sa mga bagay-bagay, malaki man o maliit. Chanyeol’s also passionate about the things he loves, and his perspectives… his mind…”

 

“Okay! Time pers!” Singit ni Sehun. “Okay na, gets ko na! Sheesh! Yung mga mata mo hugis puso na amp!”

 

Natawa si Baekhyun at umiling. Hindi niya mapigilan. Ang gaan kasi talaga ng mood niya nitong mga nakaraang araw. Kahit prelims, masaya siya dahil nakakausap niya pa rin si Chanyeol through social media. One time nga inaya niya ito for coffee. Sigurado pa siyang tatanggi ito dahil baka nag-aaral pero to his surprise, pumayag ang binata. 

 

Baekhyun has been over the moon since that day.

 

“Ano bang sunod?” Biglang tanong ni Sehun. “Diyan... sa list mo.”

 

“Bakit? Tutulungan mo ‘ko?”

 

Umismid ang arki student at sumandal sa bench. “Sinisiguro ko lang na wala kang gagawing extreme. Malay ko ba, baka mamaya kikidnapin mo na pala tapos itatanan mo.”

 

“Hala, ‘di ko naisip yun ah? Sige sige, rerenta ako ng puting van mamaya tapos—”

 

“Tapos ano?” Hamon ni Sehun. “Ni hindi mo nga mahahatak yung higanteng ‘yun. Baka ikaw pa ibalibag nun eh.”

 

Ngumiti naman nang maloko si Baekhyun sa sinabi ng kaibigan. “Pwede nemern.”

 

“Hala gustong-gusto niya pa nga!” 

 

Parehas silang natawa. After a while, nang ibinaling na muli ni Baekhyun ang kanyang tingin sa captain, binigyan niya rin ng malinaw na sagot ang kaibigan. 

 

“Suportahan si Chanyeol. That’s the next step.” Malumanay na wika niya. “He looks strong and all pero kailangan niya rin ‘yun ‘di ba? Kailangan niya rin ng taong masasandalan—ng taong magbibigay lakas sa kaniya. I… I hope I can be that person, Sehun.”

 

Nakita niya namang tumango si Sehun sa kaniyang tabi. Hindi siya sigurado kung sumasang-ayon ba ito o senyales lang na naiintindihan niya but the simple gesture was enough for Baekhyun to feel at ease. 

 

Nanatili sila roon, nagke-kwentuhan habang patuloy na nanonood sa laro ng football team. Maya-maya pa ay pinag-water break din ang mga manlalaro. At syempre, bilang resident waterboy, it was Baekhyun’s time to shine. Abala siya sa pamimigay ng tubig nang biglang may tumawag sa kanya.

 

“Baekhyun!”

 

Lumingon siya sa pinanggalingan nito at nakita si Yixing na papalapit sa kanya. Malawak ang ngiti ng binata. Pawisan ito dahil kagagaling lang sa pagjo-jogging ngunit kahit na ganon, maaliwalas pa rin ang itsura nito. 

 

“Oh, why are you here?” Nagtatakang tanong niya sa kaklase. Nakataas pa ang isang kilay niya kaya mukha tuloy siyang nagtataray.

 

“Awts, ‘di mo man lang ako na-miss?” Biro ni Yixing.

 

Umirap naman si Baekhyun. “‘Di ba sabi mo you have training din? Ba’t ka napadpad dito?”

 

Mag-isa lang ang binata. Usually kasi pag nagla-laps ang football team magkakasama sila. They run as a group. Iba ba pag sa basketball team?

 

“Nadelay yung start kaya nauna na ‘kong mag-warm up.” Sagot ni nito. “Sakto nakita ko may pa-ayuda ka palang tubig dito. Baka naman may extra ka diyan?” 

 

Napakurap si Baekhyun bago tumingin sa supot na hawak niya. Sakto lang yung bili niya para sa mga manlalaro. Bawas pa nga ‘yun ng isa kasi hindi naman tinatanggap ni Chanyeol yung kanya. 

 

“Wala na ba? Ayos lang—”

 

“No, I have some in my tumbler pa. You can have it.” 

 

Sinundan siya ni Yixing nang puntahan niya ang bag niya para kunin ang inumin. Iniwan niya kasi ito kanina sa tabi ni Sehun na ngayo’y kausap si Chanyeol. Nang makalapit na sila, binati ni Sehun si Yixing habang ang captain naman ay napatingin sa kanya. Hindi niya naman masuklian ang tingin nito dahil baka matulala lang siya.

 

Mahirap maging kaisa ng sangkarupukan, okay? Lalo na kung pawisang Chanyeol ang pinag-uusapan!

 

“Uy, Yixing, ‘di ba?” Masiglang bati ng bestfriend niya. “Gagi nagulat ako varsity ka rin pala! Napanood ko kasi yung huling game niyo. Angas ng clutch mo pre, angas!” 

 

Napakamot naman ng batok si Yixing, nahihiya sa natanggap na papuri. 

 

“Salamat, sana umabot ng finals.”

 

“Aabot ‘yan! Sus!” Sehun exhorted. May ningning pa sa mga mata nito sa sobrang excited. Baekhyun knew that look. Ganyan si Sehun pag nagfa-fanboy.

 

“Balita ko nga strong candidate ka rin daw for MVP?” Dagdag pa nito. “I mean ‘di na ‘ko magugulat kung masungkit mo nga ‘yon kasi tangina, yung 3-point shots mo pre solid!”

 

Bago pa ma-awkwardan si Yixing sa biglaang fan meet, kinuha na ni Baekhyun yung pink metallic tumbler niya sa bag. Buti na lang talaga lagi niyang sinisiguro na may laman ito. Para sana kay Chanyeol, kaso hindi naman nito tinatanggap.

 

Iaabot niya na sana ang tumbler sa kaklase ngunit may humablot nito sa pagkakahawak niya. 

 

“Wha—”

 

“Salamat sa tubig.” Putol sa kanya ng captain. “Akala ko kinalimutan mo na ‘ko eh.”

 

Binasa muna ni Chanyeol ang kanyang mga labi at tsaka tinungga ang tubig sa tumbler. Baekhyun was wide-eyed as he watched the taller, specifically eyeing the adam’s apple that was sinfully bobbing up and down from downing the liquid. Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi pero hindi rin naman niya maialis ang tingin niya! Lalo na nung pinanligo pa ni Chanyeol yung tubig?!

 

Jusq po mahabagin! Patawad lord. Pasensya na at gani2 lang pu aq. I’m sorry so much.

 

“Taena, ano ‘to?!” Reklamo ni Sehun. “Live porn?!”

 

Akmang babangasan sana ito ni Chanyeol pero agad na nagtago si Sehun sa likod niya. 

 

“Oh, oh, ‘wag ka gagalet!” Paga-awat pa nito. “Gwapo ka pa rin naman daw sabi ni Baek! ‘Di ba, B?”

 

Napunta tuloy sa kanya ang atensyon ng tatlo. Wala siyang masagot. At wala rin siyang magawa kung ‘di mamula na parang bagong lutong alimango! Laking pasasalamat niya na lang nang pumito na si coach Minseok para pabalikin ang players. Ngunit bago pa man sumunod si Chanyeol, lumapit muna ito sa kanya para iabot muli ang tumbler.

 

“Thanks, B.” Malumanay na sabi nito. 

 

May kakaibang ngisi sa mga labi ni Chanyeol. And as if that wasn’t enough, malambing din nitong ginulo ang kanyang buhok, dahilan para sumalangit ang kaluluwa ng ating kapatid na si brother Baekhyun.

 

Nanginginig niyang kinuha ang tumbler. Bumalik na rin sa field ang captain kaya silang tatlo na lang naiwan. Sehun has that knowing smirk on his face habang si Yixing naman, hindi mo mabasa. Tahimik lang itong nakatingin sa kanyang kaklase na iba naman ang hanap—na iba naman ang tinitignan.






“You’re late.” Bungad ni Baekhyun kay Kyungsoo pagkapasok na pagkapasok pa lang nito sa likod ng sasakyan. 

 

“Wow, sorry ah? Kung ‘di ko pa binalikan yung banner mo na nakalimutan mo, edi sana kanina pa tayo nakaalis!” Balik sa kanya ng kaibigan.

 

 “Oh, ayan. Bwisit ‘to.” Binato sa kanya ni Kyungsoo yung banner na ginawa niya. Mabuti na lang at hindi ito nalukot. 

 

“Tsk! Ang gugulo niyo! Umayos kayong dalawa kung di pagko-commute-in ko kayo, sige.” Pagbabanta ni Sehun na siyang kaharap ng manibela. Pinaandar na nito ang sasakyan at hindi nagtagal, papunta na rin sila sa stadium.

 

They made it. Baekhyun’s favorite football team made it.

 

Matapos nilang makipagsapalaran sa elimination rounds, na-secure ng team ang kanilang pwesto sa semi-finals. Ito ang unang game nila para sa round na ito. Kung maganda ang kanilang magiging performance sa mga susunod pang laro, hindi malabo na umabot muli sila sa finals.

 

Sobrang dami na ng tao nang makarating sila sa venue. Dalawang kulay lang rin ang makikita mo pagpasok sa stadium, both representing the universities na magtutuos ngayon. Manghang-mangha pa nga si Baekhyun. Unang beses niya kasing makakapanood ng laro at hindi niya akalaing ganito pala ang feeling! Nakaka-excite na nakaka-kaba! 

 

Dumiretso silang tatlo sa kanilang pwesto. Syempre, gawa ng kanilang connections (sabihin niyo salamat Baekhyun), nagawa nilang makapag-reserve ng seats sa front row. Nandun na nga rin si Jongdae na nauna sa kanila kanina, nakadilaw na bandana at may hawak pa na lobo habang nakiki-cheer.

 

“Finally nakarating na rin kayo!” Sigaw ng arki student nang makalapit na sila. Bebeso pa nga sana si Baekhyun kaso natigilan siya nang taasan siya ng kilay ni Jongdae. 

 

“Ano ‘yan? Lamig na lamig ka gurl?”

 

Tsaka niya lang na-realize na nakajacket pa pala siya. Nasa open space sila, mainit, tapos siya balot na balot. Nagkibit balikat si Baekhyun at hinubad ang kanyang jacket. Kasabay naman nito ay ang paglaki ng mga mata nina Sehun at Jongdae.

 

Kasalukuyan niya kasing suot ang jersey ni Chanyeol. Kitang-kita naman sa malaking number 61 sa likod at yung apilyedong Park na pumapaibabaw dito. Medyo malaki pa nga sa kanya kaya he tucked the shirt inside his skinny denim jeans and finished off the look with his favorite pair of sneakers.

 

“Hala siya! Edi ikaw na supportive jowa!” Hiyaw ni Jongdae. “Don’t tell me magsisisigaw ka diyan mamaya ng ‘go sexy love’?!”

 

Natawa naman si Sehun sa kanyang tabi at umiling. “Sexy love amp. Sexy Hatdog kamo!”

 

Pagkatapos nilang asar-asarin si Baekhyun, naupo na rin sila sa bleachers. Malamang agaw eksena na naman Baekhyun niyo. Ikaw ba naman umentrada suot ang jersey ng pinagkakaguluhang captain ng university football team ‘di ba?

 

Kung ‘di ka nila pag-uusapan, tatapunan ka naman nila ng mga tinging nanlilisik sa inggit. 

 

Well, pasensyahan na lang ulit dahil nga si Baekhyun, may connections. He has connections that they don’t have. Hindi niya naman kasi mahihingi yung damit kay Chanyeol nang hindi naso-spoil yung surprise kaya sa tulong ng power puff boys, ang kanyang paboritong trio, napasakamay niya rin ang jersey ng captain.

 

Naghiyawan ang mga tao nang pumasok na sa field ang mga manlalaro. Agad niya namang nahagilap si Chanyeol gawa ng katangkaran nito. Papunta na sana ito sa kanyang pwesto nang lapitan siya ni player number 88, si Jongin, para bulungan. Sumimangot ang captain, ngunit inangat din naman nito ang kanyang tingin sa may bleachers, tila ba may hinahanap.

 

Hanggang sa nakita siya ni Chanyeol.

 

Unti-unting nawala ang simangot sa mukha ng binata. Baekhyun wasn’t sure what that meant pero ngumiti siya at pinakitaan ng dalawang thumbs up ang captain. Nanatili namang nakatayo do’n si Chanyeol at kung ‘di pa siya tinapik ni Jongin, mukhang mako-call out pa siya ng referee dahil siya na lang ang wala pa sa pwesto.

 

Siniko siya ni Kyungsoo sa tagiliran. “Hoy kita ko ‘yon.” 

 

“Kita ko rin ‘yon!” Sabat ni Jongdae.

 

“Ako rin!” Dagdag pa ng isa.

 

Umirap na lang tuloy si Baekhyun at hinawi ang kanyang buhok. “Guys, you know the drill. ‘Pag inggit? Pikit!”

 

Nagsimula na rin ang laro sa pagitan ng dalawang teams. Pabor sa kanila ang unang bahagi ng match. Gawa kasi ito ng isang palya sa defense ng kabila na agad namang nakita nina Tao kaya nagawa nilang paliparin ang bola sa net. Mas lalong humigpit ang labanan pagkatapos nun. Nakahabol din ang kalaban hanggang sa parang nagsasalitan na lang sila ng puntos sa sobrang dikit.

 

Umingay muli ang crowd nang maagaw ni Chanyeol ang bola. Ang liksi ng mga galaw nito. Pati tuloy si Baekhyun ay napatayo sa kanyang upuan bitbit ang kanyang state-of-the-art banner kung saan ang nakasulat ay ‘Go Captain Park! Sa YEOL-ang kakalampag!’ habang nakiki-cheer. Panigurado paos siya nito kinaumagahan pero bahala na. Ang mahalaga, maiparating niya kay Chanyeol ang kanyang suporta.

 

Surprisingly, mukhang umabot naman sa captain yung energy niya. Sinipa nito ang bola kay Jongin na pinasa naman kay Luhan. Magaling na striker si Luhan kaya dinumog agad ito ng defenders ng opposing team. Hindi tuloy nila nabantayan si Chanyeol na malapit na sa penalty area kaya nang paliparin ni Luhan ang bola pabalik sa captain, nakabwelo ito at nakascore na naman ng isang goal.

 

The crowd went wild. 

 

Baekhyun went wild! 

 

Sobrang proud niya to the point na nangingilid na ang mga luha niya. Nasira lang yung moment niya nang yugyugin siya parehas nina Kyungsoo at Jongdae na nasa magkabilang side niya. Nevertheless, he felt ecstatic!

 

Pagkatapos ng highlight moment na iyon, muling bumalik ang mga players sa kani-kanilang mga pwesto. Ang aggressive na ng kabila sa kagustuhang humabol. May ilang offenses na rin silang nagagawa pero hindi kino-call out ng referee kaya nagagalit na rin ang iba.

 

“Gago, kanina pa ‘yun ah! Yung number 3!” Inis na sigaw ni Sehun. “Kanina pa foul ‘yon tangina naman!”

 

“‘Di ba?!” Pagsang-ayon naman ni Kyungsoo. “Putek kanina niya pa nga sinusubukang tisurin si Jongin! Bakit hindi pa rin tinatanggal yung punyetang ‘yon?!”

 

Naputol ang kanilang pagra-rant nang biglang sumingap ang madla. Ang bilis ng mga pangyayari. Nakay Chanyeol ang bola at dinadala niya ito papasok ng penalty area in hopes of delivering a clutch goal ngunit imbis na harangan for defense, sinunggaban siya ng isang player galing sa kabilang team. Na out of balance tuloy ang captain. 

 

“Chanyeol!” 

 

Napatayo si Baekhyun sa kanyang kinauupuan at lumapit siya sa may harang. Kitang-kita niya kung paano namimilipit sa sakit ang binata. Pinatigil naman na ng referee yung laro pero si Chanyeol… 

 

Agad na nilapitan nina Jongin ang kanilang captain. Hindi na makita ni Baekhyun kung anong nangyayari dahil pinalilibutan na ito ng mga kapwa niya manlalaro. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Maging ang mga palad niya ay namamawis na rin sa sobrang kaba.

 

Mula sa gilid ng field, may medic na lumapit sa kinaroroonan nila Chanyeol. Naglaan sila ng space para rito at nang makita ni Baekhyun ang eksena, mas lalong nanikip ang kanyang dibdib. Umiiling kasi ang captain sa sinasabi ng medic at maya-maya pa, sa tulong nina Tao at Jongin, pinilit nitong tumayo. Nakakunot ang noo ni Chanyeol, iika-ika pa maglakad and from the looks of it, mukhang desidido siyang tapusin ang laro.

 

“Pucha ang tigas ng ulo mo, Chanyeol!” Rinig niyang sigaw ni Sehun. Tsaka niya lang na-realize na katabi niya na pala ito, along with Kyungsoo and Jongdae na mukhang nag-aalala rin para sa captain.

 

“A-Anong nangyayari?” 

Inis na pinisil ni Sehun ang kanyang ilong bago siya hinarap nito. “Siya raw gagawa ng penalty kick.” Wika ng kaibigan. “Lintek na ‘yan! Injured na nga sisipa pa?! Masasapak ko talaga yun ‘ta niyo!” 

 

Ibinalik ni Baekhyun ang kanyang tingin sa field at nakitang nakaposisyon na si Chanyeol para gawin ang  penalty kick. Saglit itong lumingon sa may bleachers. Hindi sa direksyon niya kung ‘di sa iba, kaakibat ang isang ekspresyong hindi niya mabasa.

 

Rinig sa buong stadium ang malakas na pito ng referee. Tahimik na ngayon ang lahat habang nakatingin sa captain, nag-aabang kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanyang pagsipa. And despite his injury, bumwelo si Chanyeol. 

 

Bumwelo si Chanyeol pero sa kasamaang palad, hindi pumasok ang bola.

 

Napaluhod ang captain sa damuhan. Tapos na rin naman na ang laro at sila pa rin ang nanalo gawa ng isang puntos na lamang nila. Gusto sana siyang puntahan ni Baekhyun. Gusto siyang takbuhin ni Baekhyun at akapin para sabihing ayos lang, na nagawa nito naman lahat ng makakaya niya. 

 

Baekhyun has never seen Chanyeol so dejected. 






Inadmit si Chanyeol sa ospital noong gabing iyon para masigurong walang komplikasyon ang natamo niyang pilay. Agad naman nila itong pinuntahan at pagkarating nila sa room, sina Jongin, Tao, at Luhan ang naabutan nilang nagbabantay. 

 

“Siraulo ka.” Wika ni Sehun sa pasyente. “Naturingang top student ka sa klase pero ang tanga mo rin minsan ano? Nadisgrasya ka na nga, sumipa ka pa!” Sinapak nito ang braso ni Chanyeol.

 

“Oo nga! Nag-alala kaya kami sa’yo nung bigla kang sinugod ng gunggong na ’yon!” Singit ni Jongdae. “Alam kong malayo ‘yan sa bituka pero Chanyeol naman!” Sinapak din nito ang braso ng captain. “‘Wag mo nang uulitin ‘yon!”

 

Tahimik na nanonood lang si Baekhyun malapit sa may pinto. Sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung anong sasabihin kay Chanyeol. Gusto niya sanang pagaanin ang loob nito kaso paano? 

 

“Uy tara, bili muna tayo pagkain. Nagugutom na ko eh.” Biglang sabi ni Jongin.

 

Hindi napansin ni Baekhyun na nagkakapalitan na pala silang lahat ng tingin. Isa-isa silang lumabas ng kwarto hanggang sa na-realize niya yung binabalak nila. 

 

“Cap! Babalik kami ah?” Paalam ni Jongin. “At Baek, pakibantayan naman yung masungit nating pasyente. Libre ka na namin. Salamat!”

 

Bago pa man siya makapagsalita, nakalabas na silang lahat kaya siya na lang ang naiwan ward. Well, siya at si Chanyeol. Ang tahimik nila pareho at ramdam na ramdam ang tensyon sa paligid.

 

“Samahan mo na sila. Ayos lang ako dito.” Wika ng captain pero syempre, hindi niya gagawin yun.

 

Umiling si Baekhyun at tahimik na lumapit sa kinaroroonan nito. Nakita niyang naka-bandage ang kaliwang paa ng binata. Mukhang napatagal yata ang pagtitig niya kaya muling binasag ni Chanyeol ang katahimikan.

 

“Hindi naman masakit.”

 

Umismid si Baekhyun. “Liar. You were hurt. Nakita ko.” Mariing sabi niya. “And you looked… distracted din. May nangyari ba?”

 

Mula nang matapos ang laro, hindi naalis sa kanyang isip ang nangyaring pagsulyap ng captain sa bleachers bago yung penalty kick. Para itong may hinahanap. Maging sa pagtapos ng match ay muling lumingon si Chanyeol sa direksyong iyon.

 

Sumimangot naman ang binata sa narinig. 

 

“May… may nakita lang ako.” Tipid na sagot nito kaya naman mas lalong na-curious si Baekhyun.

 

Nevertheless, hindi niya naman pipilitin ito na magsabi. Kaya niya namang maghintay hanggang sa maging kumportable na si Chanyeol sa pagbabahagi ng mga bagay na ‘to. Kaya sa ngayon, ang magagawa niya na lang muna ay ang manatili sa tabi nito.

 

“You can tell me when you’re ready, okay?” 

 

Ramdam niyang nakatingin sa kanya ang captain pero hindi niya ito mabalik. 

 

“Pag comfortable ka na… or kahit… pag ‘di mo na kaya, you can tell me and I’ll listen.” Nahihiyang sabi niya. “I’ll just be here. Hindi ako aalis.” 
















Chapter VIII: Protektahan si Chanyeol




Ang taong umiibig ay may dalawang kahinaan. Ayaw nilang malungkot ang taong gusto nila. At higit sa lahat, ayaw nila itong nasasaktan.

 

Kaya siguro nila kinukumpara sa digmaan ang pag-ibig. Hindi talaga maiiwasang may masaktan. Pero ‘di bali nang ikaw ang sugatan, kaysa maiwan ang iniibig mong luhaan. 




“Oh, bakit nandito ka na naman?”

 

“Pake mo ba? Tabi!” 

 

Mataray niyang nilampasan si Sehun at dire-diretsong pumasok sa silid ng arki students. Halos wala rin naman nang pumansin sa kanya dahil nagsilabasan na ang lahat para mananghalian. May mga sari-sarili na silang mundo, kaya naman hindi na nila ininda ang ligaw na business student sa drafting room nila.

 

Tumigil si Baekhyun sa harap ng isang binatang abala pa rin sa pagguguhit. Ilang segundo niya itong hinayaan, nagbabakasakaling maramdaman nito ang presensya niya. But then again, being the impatient person that he is, hindi rin siya nakatiis.

 

“Ang sipag mo naman, Mahal.”

 

Gulat tuloy na inangat ni Chanyeol ang kanyang tingin.

 

“I brought lunch.” Nakangiting sabi ni Baekhyun, habang pinapakita ang lunch box na siya mismo ang naghanda.

 

Sa nagdaang dalawang araw, hindi siya pumalyang paghandaan ng pagkain ang captain. Mabuti na lang at naging mabilis ang paggaling ni Chanyeol. Kaya naman nang makabalik na ito sa klase, naisip ni Baekhyun na dalhan ito at samahan kumain, lalo na’t baka magpalipas na naman ito ng gutom sa dami ng kailangan niyang habulin.

 

“Ang lalandi niyo mga wala namang labek!” Hirit ni Jongdae sa may pintuan. Kasama niya si Sehun, na may malokong ngiti rin sa mukha.

 

“Why are you guys still here ba?” Nakapamewang na tanong niya sa dalawa. 

 

Ugh, so epal. Panira ng momentum eh.

 

“Sus, ang sabihin mo, gusto mo lang masolo si Chanyeol.” Pang-iinis pa lalo ni Sehun. “Isang munting paalala lang mga kaibigan ah? Alam kong maraming lamesa dito pero parang awa, wala sanang ng tuwaran at totnakan na—”

 

“SEHUN WHAT THE HELL?!” 

 

Agad na pinitik ni Jongdae ang bunganga ng kaklase at hinila ito sa tenga. “Gago ka halika na nga! Masyado ka nang maraming nalalaman.” 

 

Kinaladkad ng arki student ang nagrereklamong si Sehun papalayo. Sila na lang tuloy ni Chanyeol ang naiwan sa loob ng tahimik na silid at nang dahil sa kagaguhan ng kaibigan, hindi niya tuloy maharap ang binata. Luminga-linga na lang si Baekhyun sa paligid habang pinapahupa ang pamumula ng kaniyang mga pisngi.

 

ZZZIPPP!

 

Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig.

 

Pakshet ano ‘yun? Zipper?! BAKIT MAY ZIPPER?! St. Thomas pasensya na po pero mukhang hindi ko yata mapapalampas ‘to. Pikit na lang po kayo!

 

“Baekhyun.” Rinig niyang tawag sa kanya ni Chanyeol. 

 

Hindi niya alam kung siya lang ba o mas lalo yatang naging kaakit-akit ang malalim nitong boses na bumasag sa katahimikan? Bakit naman ganon?

 

“W-Why?”

 

“Tulungan mo ko.”

 

“S-Saan?”

 

“Dito.”

 

“Saan ba?” Ulit niya.

 

“Shit.” He heard Chanyeol grunt from behind him. 

 

Sa kanyang peripheral vision, nakita niya ring yumuko ang binata sa drafting table nito kaya mas lalong humigpit ang hawak niya sa lunchbox. 

 

“Baekhyun.” 

 

“T-Teka bakit ako?” 

 

It was a stupid question pero pasensya okay? Kabado lang!

 

“Kasi ikaw lang ang makakatulong sa ‘kin.” Sagot pa rin ng captain before cursing again. “Ano pa bang hinihintay mo? Dali! Bago pa may makakita!”

 

Pumikit si Baekhyun at huminga nang malalim. Marami naman na siyang napanood. For sure ‘di naman gano’n kahirap ‘di ba? Nanginginig niyang binaba ang lunchbox sa tabing table at mabilis na lumuhod.

 

“A-Amin na. Promise, kakayanin ko n-nang buo.”

 

Hindi niya pa rin matignan si Chanyeol kaya nanatili sa lapag ang kanyang paningin. It wasn’t until tumigil ang captain sa ginagawa nito, kaya nabalot muli ng katahimikan ang silid.

 

“Anong ginagawa mo diyan ba’t ka nakaluhod?”

 

Baekhyun blinked. Once. Twice. Inangat niya ang kanyang tingin only to see that Chanyeol was still fully clothed. Nagtataka rin itong nakatingin sa kanya na nakaluhod ngayon sa gilid ng table.

 

“Uhm…” Sa sobrang panic, kinapa na lang ni Baekhyun ang lapag. “A-Ano ‘to, sahig? Angas f-flat siya…”

 

Hindi agad sumagot si Chanyeol kaya akala niya, nakasimangot na naman ito. Hindi niya akalaing bahagya palang nakangiti ang binata nang maglakas loob siyang silipin ito.

 

“Malamang flat ‘yan. Sahig nga eh.” Tugon nito bago bumalik sa ginagawa. 

 

Agad na tumayo si Baekhyun at tsaka niya lang nakita yung problema ng binata. Nagpapatulong pala ito na linisin yung drafting table kung saan bumakat yung tinta ng markers. Nakayukong kinukusot ni Chanyeol ang mga bahid ng panulat habang si Baekhyun… gusto niya na lang sampalin sarili niya. Lecheng utak 'to.

 

Matapos pagtulungan ang drafting table, sabay silang lumabas ng building para mag-lunch sa isang bakanteng gazebo. Kung ano-ano lang din ang pinag-uusapan nila habang naglalakad. Hindi tuloy maiwasan ni Baekhyun na mamangha dahil parang kahapon lang nung hindi pa siya pinapansin ni Chanyeol. Kinailangan niya pang kulitin ito—kinailangan niya pang buhatin yung pag-uusap nila sapagkat halos wala rin siyang nakukuhang sagot sa captain noon.

 

Ang layo na rin pala ng narating nila.

 

"Ang dami nito masyado, Baek." Komento ng captain habang nilalabas niya ang mga pagkain nila. Parang piyesta sa dami ng ulam at side dishes! 

 

"Kay Mommy galing yung iba." Sagot ni Baekhyun. "Kyungsoo mentioned kasi na nag-aaral ako magluto kaya last night, pinadalhan niya kami ng groceries and some side dishes."

 

Inabutan niya ng pink na kubyertos ang binata—terno kasi ito lalagyan ng mga pagkain—at sinimulang lagyan ang kanin nito ng mga ulam sa ibabaw. 

 

"Baek, ako na. Kumain ka na rin—"

 

"No, you have to eat more!" Tinabi niya pa lalo ang mga ulam sa side ni Chanyeol. "Kung gusto mo subo pa kit—subuan pa kita dyan eh."

 

Ngumisi nang bahagya ang captain at umiling. 

 

"Paa ko ang napilayan, hindi kamay ko kaya kaya ko, okay? Umupo ka na. Gutom na ‘ko at ‘pag ako ‘di nakatiis, baka ikaw kainin ko."

 

"H-HA?"

 

"Hambog ng Sagpro Krew. Kumain ka na." 

 

"T-Teka ano yung sinabi mo?"

 

"Gusto mo ulitin ko?"

 

Saglit na natigilan si Baekhyun pero tumango rin siya bilang tugon. Namali ba siya ng rinig? Gawa-gawa lang ba 'yun ng utak niyang kanina pa nasa gutter?

 

"Ang sabi ko…" Dahan-dahan lumapit sa kanya si Chanyeol nang hindi inaalis ang tingin sa kanyang mga mata. Baekhyun could hardly breathe. 

 

"...Kumain ka na." 

 

Bumalik din agad ang binata sa kanyang pagkakaupo kanina at nagsimula nang kumain. Naiwan tuloy na tulala si Baekhyun. Kung ‘di pa siguro siya kinagat ng langgam baka iniisip niya pa ring panaginip lang ang lahat nang 'to. Paano, hindi naman kasi nang-aasar si Chanyeol.

 

At mas lalong hindi siya nilalandi nito kaya sinong hindi matatanga di ba?

 

Naputol ang kanyang pag-iisip nang maramdaman niyang may dumikit sa mga labi niya. When he looked down, isang kutsarang may kanin at kapirasong ulam ang kanyang nakita. 

 

"Kulit. Sabing kumain na eh." 

 

Tila hindi pa yata tapos ang kanyang panaginip dahil ngayon, sinusubuan na siya ni Chanyeol. 

 

Sinusubuan. Na. Siya. Ni. Chanyeol.

 

Hinawakan niya ang kamay nito para sana ibaba dahil hindi naman ito gawain ni Chanyeol—hindi ito gagawin ni Chanyeol—pero hindi ito naalis. Bagkus, marahan pa ngang inilapit ng binata ang pagkain sa kanyang bibig.

 

"Ano, hanggang mamaya ba tayo dito?" Tanong ng captain, walang bahid ng inis sa kanyang tono.

 

And as much as Baekhyun wants that, hindi naman pwede. Pinagtitinginan na rin sila kaya naman para matapos na, sinubo niya na ang kutsara at binawi ito mula kay Chanyeol.

 

"Cute." Mahinang wika ng arki student ngunit hindi na ito narinig ni Baekhyun na abala na sa pag-ubos ng kanyang pagkain para itago ang kanyang namumulang mukha.






Tuloy pa rin ang pag eensayo ng football team lalo na't mahigpit ang labanan para makapasok sa finals. Sa huling laro, makakatapat nila ang nakalaban nila last season para sa overall champion title. Sa match na ito nakasalalay ang kapalaran nila para makamit ang back-to-back win kaya ganoon na lang kapursigido ang lahat ng manlalaro sa training.

 

Dahil nakasanayan na rin naman na ni Baekhyun, gawain niya pa rin ang tumambay sa may practice area habang gumagawa ng school works. Syempre kasama na rito ang pa-ayuda niyang tubig. Others might see it as a hassle, kung pwede namang sa library o sa bahay na siya magtrabaho para mas kumportable, but Baekhyun doesn't mind at all. 

 

Kung minsan nga inaabot pa sila ng 10PM sa school grounds. Pagsasabihan na siya nina Jongin, Tao, at Luhan na umuwi na—kahit si Chanyeol pinapaalis na siya para makapagpahinga. Pero matigas ang ulo ni Baekhyun. Hindi siya nakikinig at sinasamahan pa rin ang mga kaibigang atleta. 

 

Umabot pa nga sa punto na nakatulugan niya ang mga ginagawa sa sobrang antok. Paggising niya, gabi na at naglalaro pa rin sila sa field. Medyo malamig pa naman na ngunit hindi siya naapektuhan nito gawa ng isang jacket na nakapatong sa likod niya.

 

Isang malaking jacket na may number 61 sa bandang dibdib.

 

Ngayon, katatapos lang niya magpasa ng tatlong activities kaya malaya na siyang lumapit sa field para makapanood nang mas maayos. Pinutol muna ni coach Minseok ang laro para mapag-usapan nila nang maayos ang mga technique at strategies na gagamitin nila para sa paparating na game. Kaya naman si Baekhyun, habang naghihintay, ay naisipang nagbukas na lang muna ng social media. 

 

Hindi niya inakalang maiinis lang pala siya sa mga makikita.

 

Freedom Wall

     I was expecting a good game last week pero tangina?? Isang point lang lamang? Puro pa-pogi lang ata alam ng captain eh HAHAHA di pa napasok yung penalty kick amp

     — sayang ticket ko gago

1.3k Reacts   782 Comments   123 Shares

 

 

 

Freedom Wall

     sayang yung penalty kick :'(( huhu buti na lang gwapo ka~ ako na lang sipain mo fleece!! apakan mo ko,, sakalin mo ko daddeh ><

     — misis ni captain park

987 Reacts   564 Comments   56 Shares

 

 

 

Freedom Wall

     I see a lots of people who was disappointment sa game last time and tbh, ako den.. puro baguhan yung sa kabila pero they was able makipagsabayan sa team naten na champion like wtf di ba?!!? gagoh nakakahiya talaga na one points lang lamang naten... its so much embarasing me. dagdag pa na nde napasok yung penalty kick ng CAPTEN. potek capten na yon a HAHAHA tigilan nyo ko mga etits wariors.., bano ng captin nyo puro pa-pogi lang alam..

     — captin nyo biot

1.5k Reacts   902 Comments   222 Shares

 

Uminit ang dugo ni Baekhyun sa mga nabasa. Hindi niya tuloy nakontrol ang sarili at in-angry react lahat ng post na umaatake kay Chanyeol. Nireport niya rin ang mga nasabing posts at minessage ang admin na burahin ang mga ito. 

 

Baekhyun Byun

     Nobody has the right to talk shit about anybody. Kung wala kayong magandang sasabihin, manahimik na lang kayo. 

 

Wala pang isang minuto nang sumabog ang notifs niya pagkatapos niyang i-post ang saloobin. Malawak ang reach niya kaya mabilis na dumami ang reacts, comments, at shares. Bumalik siya pagrereport ng malicious posts hanggang sa nakuha ng isang komento ang kanyang atensyon.

 

Tan Gary replied to your post:

     at isa na naman nga pong etits warrior ang nag-viral hahaha dapat palitan n ung captain.. d naman marunong maglaro

 

Baekhyun Byun

    How is reminding everyone to be sensitive and responsible for the things they post online being an "etits warrior?!" At bakit kailangan palitan? Dahil lang sa isang pagkakamali hindi na agad marunong maglaro?

 

Tan Gary replied to you:

     hahaha cge pagtakpan nyo pa.. malamang kelangan yan palitan kasi pano mananalo sa finals kung bobo yung captain?? bobo k rin e

 

“Oh talaga Tan Gary? Pakyu!” Badtrip na sabi ni Baekhyun bago bumalik sa pagta-type.

 

Baekhyun Byun

     2 out of 4 goals po ang binigay ng captain last game. Dalawa po. Dalawang puntos ang binigay niya sa team. Sigurado ka bang parehas tayo ng laro na pinanood?

 

Tan Gary replied to you:

     bobo napanood k kaya alam k yan!! dalawa lang un.. ano naman kung naka 2 point sya e di nya nga napasok penalty kick?? ulol hahaha

 

Baekhyun Byun

     Seryoso ka ba? Anong "dalawa LANG" yun? Kalahati yun ng total score! At isa pa, injured siya. Ikaw kaya sumipa nang may pilay?! Hindi ko alam kung anong utak meron ka pero sige, kung anong trip mo sa buhay, dun ka. Huli na 'to. Have a good day, sir TAN GAry. Wag mo sana araw-arawin ang pagiging tanga.

 

"Oh, sino namang kaaway mo diyan?" 

 

Padabog na binalik ni Baekhyun sa bag ang kanyang cellphone. 

 

"A bunch of idiots." Masungit na tugon niya kay Jongin na tumabi sa kaniya para magpahinga.

 

"Nakita mo na pala."

 

"Yes, nakita ko na." Sarkastikong balik ni Baekhyun. "Pero teka, what do you mean by…"

 

"Isang linggo nang nanggugulo 'yang mga 'yan."

 

"WHAT?!"

 

"Wag mo na pansinin. Si Cap nga 'di naman apektado eh."

 

"So nakarating na kay Chanyeol?" 

 

Galit na napatayo si Baekhyun. Iniisip niya na kung paano sila hahagilapin. Lahat sila—lahat ng nanira kay Chanyeol ide-demanda niya. Tutal, marami naman silang kakilalang abugado. Huwag lang talaga silang magpapahuli dahil siguradong magsisisi sila sa oras na matunton sila ni Baekhyun.

 

"Gagi, Baek! Kumalma ka nga!" Hinila siya ni Jongin pabalik sa bench. "Alam ko ‘yang itsurang 'yan. Para kang maghahakot ng kasama papuntang impyerno—"

 

"So what if I am?!" Seryosong tinignan ni Baekhyun ang kaibigan. "Wala silang alam, Jongin. Wala silang alam pero kung makapagsalita sila… kung makapanira sila… ugh, it's frustrating! Nang dahil sa isang pagkakamali ang dami na nilang pinuna. Ang dami nilang binitawang masasakit na salita without giving a fuck kung may nasasaktan ba sila!"

 

Pinagkrus ni Baekhyun ang kanyang braso at umiwas ng tingin. "At hindi ako naniniwalang hindi apektado si Chanyeol. He's affected, hindi niya lang pinapakita o sinasabi."

 

Napayuko si Jongin sa narinig. 

 

"Alam ko." Mahinang wika ng binata. "Alam ko kasi nakita ko—nakikita ko. At hindi sa pinagsasawalang-bahala ko pero alam mo naman 'yun 'di ba? Ayaw niyang nag-aalala tayo sa kanya kaya madalas sinasarili niya na lang."

 

"And that's why he's stupid." Inis na sabi ni Baekhyun.

 

Naputol ang kanilang pag-uusap nang may marinig silang komosyon sa gitna ng field. Nagkakainitan ang dalawang manlalaro. Sa totoo lang, masyado pang badtrip si Baekhyun para makielam pa sa isyu ng iba. Pero nang makita niyang damay si Chanyeol, hindi na siya nagdalawang isip pa at agad na lumapit sa kinaroroonan ng gulo.

 

"'Yun kasi ang hirap sayo eh. Masyado kang mayabang! Kung hindi mo kasi inako yung penalty kick edi sana naka isang point pa tayo!" 

 

Hindi kumibo si Chanyeol kaya nagpatuloy ang isa.

 

"Oh, baka idahilan mo pa na injured ka. Alam ko. At mas matatanggap ko pa kung yun lang ang dahilan kung bakit hindi mo nasipa nang maayos ang bola pero hindi eh. Tangina na-distract ka! Ganito ba hanggang finals? Sa laro natin this week ganyan ka pa rin ba, ha? Distracted?!"

 

"Mark, tama na." Awat ni Tao sa kapwa manlalaro pero hindi siya pinansin nito.

 

"Nangako ka pa na kahit marami kang pagkukulang, sabi mo gagawin mo nang maayos ang responsibilidad mo bilang captain. Then take responsibility, Park! Nang dahil sa kapabayaan mo pinagtatawanan tuloy tayo!"

 

"Stop it!" Singit ni Baekhyun. Pumagitna siya sa dalawa at tinulak papalayo si Mark. "He doesn't owe you anything! Bakit ba ang kikitid ng mga utak niyo?! Of all people hindi ba dapat kayo yung mas nakakaintindi sa kanya?!"

 

"Wag kang makisali dito." Pagbabanta ni Mark pero syempre, hindi natibag si Baekhyun. If anything, mas lalo lang yata kumulo ang dugo niya.

 

"Bakit? So you can continue feeling entitled to talk down on others dahil lang sa lecheng penalty kick na 'yan?!" Bulyaw niya sa binata. "Well news flash, napasok niya man ang bola o hindi, it doesn't change the fact na mas magaling siyang maglaro kaysa sayo. Ganito ba gusto mo, ha? Listahan ng mga kapalpakan? Try mo muna kaya maglaro! Mahirap nga naman kasi magkamali kapag bench-warmer lang—"

 

"Putang—anong sinabi mo?!" 

 

Susugurin na dapat siya ni Mark pero mabuti na lang at napigilan ito nina Tao at Ken. Naramdaman din ni Baekhyun na may biglang humila sa kanya, dahilan para matago siya sa likod ng isang matangkad na binata.

 

"Tama na, Mark." Seryosong sabi ng captain, nakakapangilabot ang malamig na boses nito. 

 

Hindi na nakasunod pa si Baekhyun sa mga sumunod na nangyari dahil napunta ang kanyang atensyon sa pulsuhan niyang hawak pa rin ni Chanyeol. Mahigpit ito, pero hindi masakit. And for some reason, tila biglang humupa lahat sama ng loob niya kanina, lalo pa nang maramdaman niya ang marahang paggalaw ng daliri nito sa balat niya.

 

Agad na natapos ang hidwaan pagkabalik ni coach Minseok. Before he knew it, naglalakad na sila ni Chanyeol pabalik sa bench kung nasaan ang mga gamit nila. Hawak pa rin nito ang pulsuhuan niya ngunit nang makarating na sila sa paroroonanan, bumitaw na rin ito.

 

"Hindi mo na dapat ginawa 'yun, Baek." Wika ni Chanyeol habang nakatalikod sa kanya. 

 

Baekhyun doesn't like this. Ayaw niyang hindi nakikita ang binata. Pakiramdam niya kasi na pagganito, parang nagtatago si Chanyeol sa kanya. He hates it.

 

"No." Pagpupumilit niya. "He deserved it. In fact, marami pa nga kong hindi nasabi! Siya din naman nagsimula kaya—"

 

"Pero hindi ka na dapat nakielam!" Mariing sabi ni Chanyeol. This time, humarap na sa kanya ang captain. 

 

"Paano kung nasaktan ka nun? Paano kung hindi agad kita nahila?! Fuck…"

 

Napaupo si Chanyeol sa kalapit na bench. Ilang segundo itong nagpakalma bago nito muling binasag ang katahimikan. 

 

"Muntik ka na niyang saktan, Baekhyun. Sa susunod ‘wag mo na gagawin ‘yon. Kasi ‘pag napahamak ka…"

 

Hinintay ni Baekhyun na magpatuloy ang captain ngunit wala nang salitang lumabas sa bibig nito. Kinuha niya ito bilang senyales na magsalita.

 

"But I want to." Tumabi siya sa binata at ibinaling ang kanyang tingin sa malawak na field. "Wala ka pang sinasabi sa ‘kin pero pakiramdam ko… pakiramdam ko matagal ka nang nasasaktan. Nakikita ko sa mga mata mo, Chanyeol."

 

Tumingin sa kanya ang captain subalit nanatili siyang nakaharap sa kapatagan. 

 

"Sinabi ko naman na sayo ‘di ba? Hindi ako aalis kaya you can take your time. Kaya ko namang maghintay hanggang sa dumating yung araw na pagkakatiwalaan mo na rin ako sa kwento mo. But for now, just let me… hm?"

 

Ibinaling ni Baekhyun ang kanyang tingin sa bintang nakatitig sa kanya at ngumiti.

 

"Hayaan mong protektahan kita."
















Chapter IX: Kantahan si Chanyeol





"Where words fail,

music speaks."

 

Gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya kaya sa pag-awit, nawa'y maipahiwatig ko sa kanya ang aking nararamdaman.

 

Sana magustuhan niya.

 

Sana.




"Soo, paano ba mangharana?"

 

Nang hindi inaalis ang atensyon sa lab sheets na ginagawa, kunot-noong sumagot si Kyungsoo. "Bakit? Nagbabalak pa rin ba si Sehun? Sabihin mo sa kanya 'wag na kasi ituloy! Ni hindi nga siya makakanta nang ‘di natatawa eh. Sasayangin niya lang oras ni kuya Jun!"

 

Nagdalawang isip tuloy si Baekhyun kung ipapaalam niya pa ba sa kaibigan o hindi. Medyo nahihiya kasi siya dahil ito ang unang beses na kakanta siya para sa iba—para sa taong gusto niya.

 

Nagtago si Baekhyun sa kanyang laptop. 

 

"Ako kasi yung nagtatanong!" Paglilinaw niya. "Just tell me if you know, okay? Kung hindi, edi hahanap na la—"

 

"MANGHAHARANA KA?" 

 

Sinilip ni Baekhyun ang kaibigan at nakitang bilugan ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. 

 

"IKAW? BAEKHYUN? MANGHAHARANA KA?"

 

"Sheesh! Wag na nga!" Bawi niya. Panigurado namumula na siya sa sobrang hiya. "Nevermind I said anything. Balik ka na sa ginagawa mo—"

 

"B! Di nga?!" ‘Di pa rin makapaniwalang tanong ni Kyungsoo. Tumayo ito mula sa mesa at nilapitan si Baekhyun sa may couch. "Hoy, wag ka nga magtago!"

 

Inagaw ng kaibigan ang pangharang niyang laptop kaya wala na siyang choice kundi harapin ito. "Sabihin mo muna sakin kung bakit at sino ang haharanahan mo. Then I'll help you."

 

"Ang demanding naman!" Irap ni Baekhyun sabay iwas ng tingin. "I just… just… gusto ko lang naman siya k-kantahan. Bawal ba? At anong sino? Wala naman akong ibang gusto kung ‘di si Chanyeol—"

 

"Malandi kang gaga ka!" Nakangisi siyang hinampas ni Kyungsoo sa hita. "Pero wait, pwede ko na bang i-assume na you like like Park? Hindi na ba 'to conquest lang kasi hindi ka niya nilandi at first sight or something?"

 

"Ano ba naman ‘yan!" Napahilamos tuloy ng mukha si Baekhyun. 

 

Una si Sehun tapos ngayon naman si Kyungsoo?

 

"Oo nga! I like him! Gusto ko yung tao!” Frustrated na sabi niya sa kaibigan. “May gusto ako sa kanya not because gwapo siya—and especially not because it's a challenge for me. Gusto ko siya dahil siya si Chanyeol. Siya yung taong mukhang intimidating pero in reality nahihiya at nangangapa rin lang siya. Siya yung taong hindi pala-salita kaya iniisip ng iba na suplado siya pero when he does speak? May laman. Sincere at nakakakalma. Hindi naman siya mahirap magustuhan eh. Lalo na't…"

 

Hindi nagsalita si Kyungsoo at hinintay lang siya na magpatuloy.

 

"Lalo na't hindi siya gaya nila. Hindi niya sinubukang alamin kung magkano mamanahin ko, o kung saang lupalop ng bansa kami may lupa. Ni minsan hindi siya gumawa ng kahit ano para sumipsip sa parents ko. Damn it, nung nakilala nga siya ni Mommy sa party at nag-offer na sponsoran siya as an athlete alam mo kung ano ginawa niya? He politely declined. Kasi imbis na unahin ang sarili niya, inisip niya rin yung mga kapwa niya manlalaro."

 

Bumuntong hininga si Baekhyun. 

 

"Pakiramdam ko… pwede ko siyang pagkatiwalaan, Soo." Ngumiti siya nang bahagya sa kaibigan. "Kaya gusto ko sana gawin 'to. Para kahit papaano…"

 

Malumanay na tumango si Kyungsoo. 

 

"I get it, B." Wika nito. "At masaya ako para sa 'yo—proud ako sa 'yo kasi panigurado hindi naging madali sa 'yo na aminin lahat ng 'to sa sarili mo. You've been through so much, B, at deserve mo naman sumaya."

 

Nang magtama ang mga tingin nila, tsaka lang napansin ni Kyungsoo na nangigilid na pala ang mga luha ng kaibigan. 

 

"Potek, nagpapatulong lang ako eh! Bakit naman soft hours bigla?!" Reklamo ni Baekhyun dahilan para matawa silang dalawa.

 

Nung gabing iyon, tinulungan siya ni Kyungsoo magplano. Lab sheets be damned! Ang importante, maging maayos yung Project Harana ng kaibigan niya. 

 

Inabisuhan siya ni Kyungsoo na pumili ng kantang naglalaman ng mensaheng gusto niya ipahiwatig. Kaya naman napuyat si Baekhyun kakahanap. Ang dami niya nang nasuyod na playlist pero sa huli, wala rin siyang napili. Walang sumasakto kaya at 2:35AM, naisipan niyang kumuha ng papel at lapis. Lumabas siya sa may veranda ng unit nila at doon, sa ialim ng madilim na langit na napapalamutian ng mga bituin, nagsimula siyang magsulat.






Naiba ang schedule ng mga laro gawa ng magkakasunod na bagyo. 

 

Ilang araw nasuspinde ang klase kaya naman nabigyan ng mas mahabang panahon si Baekhyun na isulat ang kanta. Naisip niya rin kasi na siya lang rin naman ang makakapag-pahiwatig sa totoong nararamdaman niya. Siya lang ang nakakaalam ng kung papaano nag-iba ang mundo niya nang makilala si Chanyeol kaya it made more sense kung siya mismo ang magsusulat.

 

Isang malakas na hampas sa braso ang natanggap niya nang ipakita niya kay Kyungsoo ang natapos na piyesa. Wala pang tono ‘yon pero naluha agad ang kaibigan matapos ito basahin. And that’s something! Lalo na’t hindi naman emosyonal na tao si Kyungsoo.

 

“Huy, tigilan mo nga! Kanina mo pa binabasa.” Binawi na ni Baekhyun ang notebook kaya sinimangutan siya ng kaibigan.

 

“‘Di ba pwedeng na-amaze lang ako? Ang ganda kaya! Akala ko hindi ka na ulit magsusulat ng kanta pagkatapos nung nangyari nung high school. Sabi na eh, hindi talaga si Fiona yung nagsulat nung kanta sa play natin dati.”

 

“Luh, bakit ka naman biglang nagtho-throwback diyan?”

 

Umirap si Kyungsoo at ngumisi. 

 

“Ano ka ba, B? Alam ko, matagal na. Alam ko na ikaw nagsulat ng highlight piece na ‘yun. Hindi ko maintindihan kung bakit mo hinayaang isipin ng iba na si Fiona gumawa nun. ‘Yan tuloy, lumaki ulo ni gaga.”

 

“Doesn’t matter.” Iling ni Baekhyun. “Wala rin namang maniniwala kahit sinabi ko na ako nagsulat nun.” 

 

“Kahit na! Intellectual property mo yun! Hindi ka na nga pinakanta, ninakawan ka pa.”

 

“Hey, chill! Play lang yun!”

 

“Hindi ‘yun yung point, B.” Pagpupumilit ni Kyungsoo. “Ang akin lang, ‘wag mo maliitin sarili mo. You were probably scared, right? Na baka hindi nila magustuhan? Well, they did. Nagustuhan nila yung kanta mo kahit hindi nila alam na ikaw ang nagsulat non.”

 

“Ugh, pano ba tayo napunta don? ‘Di ba I was asking kung may kakilala kang pwedeng mkatulong sa paglapat ng tono?” Pag-iiba na ni Baekhyun.

 

Halata naman na marami pang gustong sabihin si Kyungsoo. Marami pa siyang hindi nalalabas na frustrations pero dahil nangako siyang tutulungan niya ang kaibigan, he relented. 

 

“Meron… kaso mukhang busy din yun dahil shifting exams na namin next week.”

 

Napapikit na lang si Baekhyun sa balita.

 

“Ikaw ba?” Balik sa kanya ni Kyungsoo. “Wala ka rin bang kakilala? Baka may kaklase kang tumutugtog na pwedeng makatulong—”

 

“SI YIXING!” Napaupo siya mula sa pagkakahiga niya sa kama. “Oh my god! How could I forget!”

 

Naggigitara si Yixing… nagki-keyboard, kumakanta, sumasayaw, varsity player… napasapo na lang ng noo si Baekhyun dahil papaanong nakalimutan niya na may kaklase nga pala siyang pinaulanan ng talent?!

 

“Ayun naman pala eh! Libre mo o ‘di kaya hanapan mo ng date para sa paskuhan. For sure papayag yun!”

 

“Ako nga walang date tapos siya pa hahanapan ko?” Mataray na sumbat niya sa kaibigan. “Ayain ko na lang siya for coffee.”

 

And so, Baekhyun did.

 

Hindi niya inasahan ang agarang pagpayag ng kaklase nang tanungin niya ito. Alam niyang busy si Yixing dahil nagpe-prepare din ito para sa nalalapit na finals. Dagdag pa na mukhang tambak din ito ng school works gawa ng ilang araw siyang excused sa klase kaya pagkalapag niya ng orders nila sa mesa, muli niyang binigyan ang kaibigan ng pagkakataon na mag-back out.

 

“Okay lang ba talaga? You can still say no, Yixing. Libre pa rin naman ‘tong iced matcha mo.”

 

Natawa ang kaklase at umiling bilang tugon. 

 

“Oo nga, ayos lang. Favor nga eh di ba? Tsaka tulong ko na rin ‘to sa ‘yo lalo na’t ginawan mo pa ko ng gdrive ng notes mo. Ang sama ko naman yata kung tatanggapin ko yun tapos ‘di pa kita mapagbibigyan sa favor mo.”

 

“So gumana yung mga suhol ko?”

 

Lumawak ang ngiti ni Yixing. “Basta ikaw, Baek.”

 

Nakahinga na rin nang maluwag si Baekhyun matapos siyang i-assure ng kaibigan. It was all he needed kaya naman sabik niyang kinuha ang piyesang sinulat para ipakita ito. Ang dami niya pang ideas kaya agad niyang inilarawan ang mga ito bago pa niya makalimutan.

 

Meanwhile, sa kabilang banda ng maliit na mesa, hindi sigurado si Yixing kung lubos niya bang naintindihan ang mga sinasasabi ni Baekhyun. Basta ang alam niya lang, napakaganda ng ngiti nito. At kung kinakailangang maibaba sa tatlong oras ang kanyang kulang pa sa kulang na tulog, gagawin niya... mapasaya lang ito.






bbhyunieee_: hatdoggo!! meet me sa may gazebo tommo after class :’D

bbhyunieee_: u don’t have training right?

 

yeol.park: ano meron?

 

bbhyunieee_: it’s a surprise~

bbhyunieee_: punta ka haaa :< i’ll be mad if di ka pumunta

 

yeol.park: sige. bukas.







Today’s the day.

 

Huminga nang malalim si Baekhyun habang hawak ang gitara na hiniram niya pa kay Yixing. Mahigit isang linggo rin siyang nag-practice tumugtog. Nagsugat-sugat na nga ang mga daliri niya pero hindi niya ininda ito. 

 

It was for Chanyeol after all. At dahil para kay Chanyeol, it was worth it.

 

Nagpasama siya kay Yixing sa may gazebo. Last minute practice at tuning kumbaga. Nagkakamali pa siya paminsan-minsan kaya mas lalo tuloy siyang kinakabahan.

 

“Wait, lagi mo nakakalimutan yung dito.” Inayos ni Yixing ang pagkakapwesto ng kanyang daliri. “‘Yan, diyan. Tapos diinan mo rin yung pagkaka-press sa string para mas maayos yung tunog.”

 

“But it hurts na!” Nakangusong reklamo niya sa kaibigan. Nonetheless, diniinan niya pa rin.

 

“Eto, teka, try mo ‘to.” Tumabi sa kanya ang kaklase at kinuha ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata ni Baekhyun sa pagkabigla. Tatanungin niya na sana si Yixing kung anong ginagawa nito nang biglang may kinuha ito sa bulsa at tsaka isinuot sa kanya.

 

“A-Ano ‘to?”

 

Isang kulay pink na silicon ang nasa dulo nang daliri niya. It kind of reminded him of a thimble, yung ginagamit pag nananahi.

 

“Para hindi na masakit.” Tugon ng kaibigan. 

 

Sinubukan ni Baekhyun pumindot gamit ang protektadong daliri and to his surprise, hindi na nga gaanong masakit dahil hindi na direktang tumatama sa balat niya yung string. 

 

“Bakit isa lang?”

 

“Nahanap ko lang yan sa dati kong guitar case.” Palusot ni Yixing kahit na ang totoo niyan, binili niya talaga ito para kay Baekhyun.

 

“This is yours? … Eh bakit pink?”

 

“Gusto ko pink, bakit ba? ‘Wag ka nang maraming tanong.” 

 

Mapait na ngumiti si Yixing habang pinapanood si Baekhyun na mag-practice. Alam niya naman kung anong gagawin nito at alam niya rin kung para kanino. Hindi naman siya magsisinungaling. Masakit, oo. Ikaw ba naman tumulong sa taong gusto mo na gumawa ng kanta para sa iba.

 

Pero tanggap na ni Yixing. Well, sinusubukang tanggapin. Hindi naman din kasi nadidiktahan ang puso kung sinong dapat ibigin. Basta na lang itong tumitibok para sa iba.

 

Gaya ng pagpili ng puso niya kay Baekhyun.

 

At gaya ng pagpili ng puso ni Baekhyun kay Chanyeol.

 

Makalipas ang ilang minuto, tumayo na rin si Yixing at nagpaalam. Sabi niya may gagawin pa siya. Hindi na rin naman siya pinatagal pa ng kaibigan kaya malaya na rin siyang nakaalis. Malaya siyang naglakad palayo, kasama ang kanyang mabigat at nananangis na puso.

 

Naiwang mag-isa si Baekhyun sa may gazebo. Patuloy lang siya sa pag-eensayo habang naghihintay. Nakailang ulit din siya ng kanta hanggang sa napagtanto niyang handa na siya. 

 

Subalit nagdaan na ang takdang oras na dapat magkikita sila ni Chanyeol at wala pa rin ito. Akala ni Baekhyun ay male-late lang ito kaya tinext niya. Nag-message siya, pero wala siyang natanggap na reply. Tumawag na rin siya pero ayun, hindi rin sumasagot.

 

Hindi niya tuloy napigilang mag-aalala. Ayaw niya sanang isipin na may masamang nangyari pero habang tumatagal, mas lalo siyang hindi napapakali. 

 

Seconds turned into minutes, then minutes turned into hours. Nakalubog na ang araw pero wala pa rin si Chanyeol.

 

Wala pa ring paramdam si Chanyeol.

 

Pero naghintay pa rin si Baekhyun. Kahit dinadapuan at kinakagat na siya ng mga insekto, kahit parang siya na lang ang natitirang estudyante sa campus, hindi siya umalis. Hindi siya umalis dahil umaasa siyang hahabol pa rin ang binata. 

 

Paano na lang kung bigla itong dumating ‘di ba? Paano na lang kung tumuloy pa rin ito?

 

Nanatili si Baekhyun sa meet up place nila hanggang 11PM ng gabi—hanggang sa sinita na siya ng nagmamasid na guard para umalis. Doon niya tuluyang napagtanto na kahit gaano pa siya katagal maghintay, hindi na darating si Chanyeol. 

 

Kahit abutin pa siya ng umaga, hindi siya pupuntahan nito.

 

“Bakit?” Gusto sanang tanungin ni Baekhyun. Gusto sanang malaman ni Baekhyun kung bakit hindi siya sinipot ng binata—kung bakit siya biglang iniwan nito sa ere. May nagawa ba siya? May nasabi ba siya? Nalaman ba ni Chanyeol ang balak niyang panghaharana kaya hindi na ‘to tumuloy?

 

Isa-isang dumadami ang mga tanong sa kanyang isipan. At sa kada tanong na dumadagdag, ganon na lang din ang pagbawas sa kagustuhan niyang malaman ang sagot.

 

Oo nga pala. Siya lang ang may gusto kay Chanyeol. Sa kanilang dalawa, siya lang ang may feelings. 

 

At alam niya naman ‘yun—alam niya dapat yun dahil sa simula pa lang, siya ang naghahabol sa binata. Wala naman talagang kasiguraduhan na maibabalik ni Chanyeol ang nararamdaman niya kaya kasalanan niya ‘to. Kasalanan niya na hinayaan niya ang sarili na mahulog para sa taong hindi naman siya kayang saluhin.

 

Mag-isang tinahak ni Baekhyun ang daan pabalik sa condo. Ni hindi na nga sumagi sa kanyang isipan ang takot sa paglalakad nang mag-isa. Gusto niya na lang umuwi at magkulong sa kwarto. Gusto niya na lang iiyak ang lahat hanggang sa mamanhid na ang puso niyang naghihinagpis.

 

Bumagal ang kanyang mga hakbang nang makarating na siya sa bukanan ng condong tinutuluyan. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya pero doon, sa may riles ng hagdan, may isang matangkad na binatang naghihintay. Nakayuko ito at nakakalo. Hindi niya pa nakikita ang mukha pero sa hugis pa lang ng dalawang tenga nito, alam niya na kung sino.

 

Humakbang paatras si Baekhyun, dahilan para iangat ng binatang naghihintay ang tingin nito. Nagtama ang mga tingin nila, at sa paglipas ng ilang segundo, walang nagsalita. 

 

“Baekhyun.” Pangunguna ni Chanyeol. Bakas ang pagod sa boses nito. Maging ang mga mata nito ay tila nawalan ng sigla.

 

“Baekhyun, I’m sorry—”

 

“Umuwi ka na, Chanyeol.” Sa kabila ng mga nangingilid niyang luha, pinilit niya ang sarili na ngumiti nang bahagya. “Gabi na.”

 

Baekhyun was tired. Ilang oras siyang naghintay kanina. Ilang araw siyang kulang ng tulog matapos lang at ma-practice ang kanta. Masakit pa rin nga ang mga daliri niyang nagsusugat dahil hindi naman talaga siya tumutugtog ng gitara. 

 

Pagod siya. Pagod at dismayado.

 

Inalis ni Baekhyun ang tingin niya kay Chanyeol at nagsimulang maglakad. Lalampasan niya na sana ang binata ngunit natigil siya nang bigla siyang hinila nito at niyakap. 

 

“Sorry.” Bulong ni Chanyeol. “Saglit lang… please.”

 

Hindi namalayan ni Baekhyun na kumawala na pala ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Tila naramdaman ito ni Chanyeol dahil mas lalong humigpit ang pagkaka-akap sa kanya ng binata—para bang ayaw siyang paalisin, parang ayaw siyang pakawalan.

 

But Baekhyun needed to breathe too. Baka mas lalo siyang maubos kung hindi. Kaya naman gamit ang kanyang mga nanginginig na kamay, marahan niyang tinulak si Chanyeol para makaalis sa bisig nito.

 

“Mag-ingat ka pauwi.” Mahinang wika niya.

 

Hindi niya na tinignan pa ang binata. Hindi niya na ito nilingon pa at dumiretso na siya papasok ng building para magpahinga.

 

Para huminga.

















Chapter X: Makinig Kay Chanyeol




Lahat ng tao ay may kanya-kanyang istorya. Kaya nga hindi dapat tayo nanghuhusga dahil iba-iba tayo ng pinagdaanan—ng pinanggalingan.

 

Hiling ko na sana… matagpuan nating lahat ang taong handang makinig sa kwento natin. Kahit gaano pa 'yan kasalimuot, deserve nating mapakinggan. Deserve natin lumaya sa mga bagahe ng kahapon.





"Anak?"

 

Agad na nagtalukbong ng kumot si Baekhyun nang marinig ang tawag ni Mama Byun. Binuksan nito ang ilaw, kaya naman mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa comforter.

 

"Anak, kain ka muna." Malambing na sabi ng ginang. "Niluto ko favorite mo. Halika, samahan mo si mama kumain sa baba."

 

Katahimikan ang sumagot kay Mama Byun. Apat na araw nang walang imik si Baekhyun. Nung nagpasundo ito noong Sabado, dumiretso lang ito sa kwarto at nagkulong. Hindi ito bumababa para kumain kaya hinahatiran na lang siya ng pagkain. Dalawang araw na rin siyang hindi pumapasok kaya si Mama Byun, lubos nang nag-aalala para sa kanyang unico hijo.

 

Naramdaman ni Baekhyun ang paglapit ng ina at ang pag-upo nito sa gilid ng malawak niyang kama.

 

"'Nak, can you tell me what's wrong? Hindi ko rin gustong pilitin ka na magsabi pero… nag-aalala na ‘ko." Wika ni Mama Byun. "May masakit ba sa ‘yo, ha? May nakaaway ka ba? Tell me 'nak so I can help."

 

Hindi tuloy napigilang maluha ni Baekhyun. 

 

"W-Wala 'to ma. I'm just super exhausted. Tutulog ko na lang po."

 

"Are you sure? We can go somewhere else kung gusto mo ng bagong environment. ‘Wag ka mag-alala, kakausapin ko ang papa mo. Gusto mo rin ba lumipat ng school or—"

 

"Ma." Putol ni Baekhyun. "I'm fine. Gusto ko lang po muna mapag-isa."

 

Hindi agad sumagot si Mama Byun. Hinihintay na nga lang ni Baekhyun na tumayo ito at patayin muli ang ilaw pero nakalipas na ang mahigit isang minuto, hindi pa rin ito umaalis. Nandun pa rin ito sa kaninang puwesto.

 

"Nakwento ko na ba sa'yo na hindi papa mo ang unang heartbreak ko?" Biglang sabi ni Mama Byun. "I'm sure you know na nung nasa entertainment industry pa ‘ko, nagkaroon ako ng maraming ka-love team. Syempre, maganda mama mo eh. Mana ka kaya sa ‘kin."

 

For the first time in days, napairap is Baekhyun. Lagi kasi siyang kine-kuwentuhan ng mama niya tungkol sa mga naging karanasan nito noon sa industriya. At syempre, wala naman siyang ibang choice kundi makinig.  

 

"Pero there was this one guy... sa isang palabas lang kami naging magkatrabaho. Kumpara sa iba, the time we've spent together was short, but it was enough for me to fall for him."

 

Nubayan, Ma. Sayo ko rin pala namana karupukan ko eh.

 

"Bata pa ko no’n at medyo tanga rin. Nilagyan ko kasi ng meaning. Akala ko meron eh, kaya naglakas-loob akong umamin. Hindi ko naman alam na meron pala siyang non-showbiz girlfriend. Sabi rin ng iba sadyang ganun lang daw talaga yun. Friendly… maalaga… palangiti… Siguro nga kung hindi mo siya lubos na kilala iisipin mo playboy siya pero hindi—”

 

“Wag mo na ipaglaban, ‘Ma. Pa-fall yung mga ganun. Gago yung mga ganun.” Mapait na komento ni Baekhyun. 

 

Umiling si Mama Byun at ngumiti. “It’s not like that, anak, Mabait talaga siya. Palagay ko mali lang din ng timing dahil kahit ako... hindi ko rin inakala na may anak na pala siya—”

 

“WHAT?” 

 

Napaalis ng talukbong si Baekhyun at gulat na tinignan ang ina.

 

“Tsk! Showbiz chismis lang pala magpapabangon sayo. Sana sinabi mo. Ang dami ko pa namang naipon.”

 

“May anak yung guy tapos walang nakakaalam? Panong hindi siya nahuli?”

 

Nagkibit-balikat si Mama Byun. “Well, technically, hindi naman kailangan malaman ng lahat. Buhay niya naman yun. Tao pa rin naman siya at kailangan niya rin ng privacy. At isa pa, siguro sadyang mahal niya lang rin ang dalawa: ang career niya, at ang pamilya niya. Alam mo naman kung anong posibleng mangyari sakaling mabunyag ang pagiging pamilyado ng isang artista ‘di ba?” 

 

Tumango si Baekhyun.

 

“Sa isang iglap maaaring mawala sa kanya ang lahat ng pinaghirapan niya sa industriya. Dahil lang sa ano? Sa may pamilya siya? Dahil may anak siya? Na kung tutuusin, hindi naman yun kasalanan. Kaya nga mas lalo ko siyang nirespeto noong nalaman ko. Nagawa niyang ipagpatuloy ang pag-arte habang sinusuportahan ang pamilya niya. Hindi lahat ay matapang para gawin yun, anak. Dun pa lang makikita mo na na mahalaga sa kanya pareho kaya niya ipinaglaban.”

 

"Time management. Mahal ko parehas kaya... bakit ko bibitawan kung pwede ko namang ipaglaban?" 

 

Muling nalungkot si Baekhyun nang maalala ang pamilyar na linya. Ganun din ang sinabi niya. Pero sana all mahal ‘di ba? Sana all pinaglalaban.

 

Magtatalukbong sana ulit siya nang pigilan siya ni Mama Byun. “Kausapin mo siya, ‘nak. Hindi kita minamadali pero sana bigyan mo rin siya ng pagkakataon na magpaliwanag.”

 

Natigilan si Baekhyun sa narinig. “Ma? P-pano mo…”

 

“Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi niya rin naman sinabi sakin. But what I do know is—”

 

“Nag-usap po kayo?! Kailan?!” Tuluyan nang napabangon si Baekhyun sa kama. Nahilo pa nga siya kaya inalalayan siya ni Mama Byun na makaupo.

 

“Tatlong araw na siya bumibisita, naghihintay sa labas ng bahay. Kung ‘di pa nga ‘ko sinabihan ni kuya Eddie na pinapaalis daw ng mga guard yung matangkad mong kaibigan hindi ko pa malalaman na pumupunta pala rito si Chanyeol.”

 

“B-But…”

 

Bakit naman siya pupunta rito? Ang layo ng bahay sa univ ah? At panong nalaman niya kung saan kami nakatira?! 

 

“Hm.” Huni ni Mama Byun. “Ang dami mong tanong ‘no? Hindi masasagot ang mga ‘yan kung magkukulong ka lang dito.”

 

Tatlong araw. Isip-isip ni Baekhyun. Tatlong araw na raw bumibisita si Chanyeol. Ibig sabihin, halos tatlong araw na rin itong naghihintay.

 

Pero bakit nga? Bakit kailangan siyang puntahan? Bakit kailangan siyang bisitahin kahit na ang layo-layo ng bahay nila? 

 

Hay nako self. Baka concerned lang… as a friend. Hindi ka siopao na special kaya ‘wag kang ano...

 

“Tsk, bumangon ka na nga diyan.” Pinalo siya ni Mama Byun sa braso. “Maligo ka na at mag-ayos. Paparating na ‘yon. Kung gusto mo siya kausapin, bumaba ka lang. Pero kung ayaw mokung hindi ka pa handaI’m sure maiintindihan niya, okay?”

 

Naiwang tulala si Baekhyun sa kanyang kwarto. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa loob ng ilang minuto, muling tatayo sa labas ng bahay nila si Chanyeol. Well, yun ay kung bibisita pa rin ito ngayon.

 

Malay niyo kasi ‘di ba? Baka mamaya napagod na rin siya. Baka sa tatlong araw na wala siyang napala, maisip niyang huwag nang tumuloy.

 

“Darating ka pa ba?” Bulong ni Baekhyun sa sarili.

 

Sa takot na baka muli na naman siyang mabigo, na baka maghintay na naman siya sa wala, muling bumalik sa pagkakahiga si Baekhyun. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya na huwag nang mag-expect pero ang hirap. Ang hirap lalo na’t may bahagi rin sa kanya na nangungulila para sa binata.

 

Magkakasunod na katok sa kanyang pinto ang pumukaw sa kanyang atensyon. Hindi niya na sana papansinin ito ngunit naulit.

 

“Pakiiwan na lang po dyan sa labas, manang!” Sigaw niya, para marinig ng kasambahay na naghahatid sa hapunan niya. 

 

Akala niya ayos na ‘yon. Pero hindi natigil ang pagkatok nito kaya naman sa inis, napatayo tuloy si Baekhyun para kunin na lang pagkain. 

 

“Manang, next time po pakiiwan na la

 

Naistatwa siya sa kanyang kinatatayuan nang makita ang lalaking kaharap. 

 

It was Chanyeol. And by the looks of it, mukhang kagagaling lang nito sa school. Naka-uniform pa kasi ito at bitbit pa ng binata ang plastic tube na naglalaman ng kanyang mga plates. Nakaligtaan pa nga nitong hubarin ang kanyang salamin na ginagamit niya lang tuwing nagbabasa.

 

Teka, si Chanyeol nga ba talaga ‘to? Baka… baka naman nasisisraan lang ako ng bait?

 

Humakbang paatras si Baekhyun. Imposible. Isasarado niya na rin sana ang pinto subalit agad itong pinigilan ng isang kamay. Pumagitna ang kamay sa maliit na uwang dahilan para maipit ito.

 

“Aray!”

 

“Fu—totoo ka?!”

 

Mabilis siyang tinignan ni Chanyeol, nakakunot ang noo sa sakit at pagtataka.

 

“Gagi sorry!” Sambit ni Baekhyun. “Ikaw kasi eh, bakit mo pinigilan gamit kamay mo?!”

 

“Eh alangan ulo ko? Edi nauntog ako non?”

 

Sinimangutan niya ang binata. Parang tanga, nakuha pang magloko. 

 

“Tsk! Tingin nga!” 

 

Marahas niyang hinila ang pulsuhan ni Chanyeol. Pinagmasdan niya saglit ang malaki nitong kamay at napansin ang pamumula nito. Potek, naipit nga. Dahan-dahan niyang pinasadahan ito ng isang daliri, inaasahan ang kahit anong reaksyon sa binata ngunit wala siyang natanggap na kahit ano.

 

“Pa-check mo ‘to. Te-text ko si kuya Eddie para ihatid at samahan ka sa pinakamalapit na

 

“Pwede bang pumasok?” Putol nito sa kanya. “Pwede ba tayong mag-usap?”

 

Inangat ni Baekhyun ang kanyang tingin kay Chanyeol. Subalit, hindi siya makapagsalita. Hindi siya makapagbigay ng sagot. 

 

“Baek?”

 

“Y-Yung kamay mo

 

“Malayo ‘to sa bituka. Mawawala din ‘to at isa pa, hindi naman ako kaliwete.”

 

Tsaka lang na-realize ni Baekhyun na hawak niya pa nga pala ang pulsuhan ng binata. Bumitaw siya, ngunit bigla namang binawi ni Chanyeol ang kamay niya at hinawakan ito.

 

“Baek…” Panimula ni Chanyeol. 

 

Diretso ang tingin nito sa kanya, tila may hinahanap. Bakas ang desperasyon sa mga mata nito and it pains him to see it. 

 

“‘Wag mo ‘kong tignan ng ganyan, Chanyeol.” Pakiusap niya sa kanyang isipan. “Huwag mo ‘kong tignan nang ganyan, na para bang ikamamatay mo ‘pag nawala ako. ‘Wag mo ‘kong paasahin, please lang.”

 

Makalipas ang ilang segundo, huminga nang malalim ang captain at muling nagsalita. 

 

“Sige. Baka hindi ka pa nga handa.” Malumanay na wika nito at dahan-dahang pinakawalan ang kanyang kamay. “Pasensya ka na kung bigla akong pumunta dito ah? Sasaglit lang naman kasi dapat ako, pinilit lang ako ng mama mo na umakyat dahil kung hindi raw ako makikipag-ayos sa’yo… ilalayo ka raw niya.”

 

Umirap si Baekhyun sa narinig. “At nagpauto ka naman?” Pagtataray niya at ikinagulat niyang hindi ito tinanggi ni Chanyeol.

 

“Oo, nagpauto ako kasi gusto rin naman kita makita.”

 

Napakurap si Baekhyun. Tama ba rinig ko? Gusto niya 'kong makita?

 

“Babalik na lang ulit ako bukas. Hindi ko lang alam kung anong oras ako makakarating dahil may training pero… makakaasa kang darating ako, Baek. Pupuntahan kita kahit gaano pa kalayo.” Pamamaalam nito. "At hihintayin kita, kahit gaano pa katagal.”

 

Umatras si Chanyeol at akmang aalis na. Ang bilis ng pintig ng puso ngayon ni Baekhyun. Ni hindi pa nga rin nagsi-sink in sa kanya na totoong nandito si Chanyeol. Paano pa kaya ang mga mabulaklak nitong mga salita ngayon?

 

“Hindi pa ko naliligo.” Biglang sabi ni Baekhyun, dahilan para lingunin siya ng binata. “H-Hindi pa ko naliligo kaya… h-hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto ko.”

 

Ilang segundo ang lumipas bago malokong ngumisi ang binatang kinagisnan na ang pagsimangot. 

 

“Halata.” Panunukso nito. “Naaamoy ko, Baek.”

 

“Ah ganon?! Sige umalis ka na! Yawa ka ‘wag mo 'ko kakausapin!” Padabog na bumalik sa kwarto si Baekhyun. Hindi niya na sinarado ang pinto kaya nakita ito ni Chanyeol bilang senyales na sumunod.

 

“Sige na, maligo ka na. Sa baba na lang ako maghihintay

 

“NO!” Protesta ni Baekhyun. “I mean… ano… diyan ka lang, mabilis lang ako!”

 

Agad na kumuha ng damit pamalit si Baekhyun at bago siya pumasok ng banyo, nakuha niya pang bantaan ang binatang nasa silid niya ngayon. 

 

“Subukan mong lumabas dito 'di na talaga kita kakausapin.” 

 

Mabilis na naligo si Baekhyun. Ang usually 1-hour pampering time niya ay naging 15 minutes sa sobrang pagmamadali. Hindi niya rin alam kung papaano pero nakuha niya pang mag-shave, magpahid ng mamahaling lotion, at maligo sa pabango.

 

Well duh! Nasa labas si crush! Teka, mali! Nasa kwarto niya si crush! At ang mga pagkakataong ganito, hindi basta-basta pinalalampas.

 

Kung anong kina-haggard niya pagpasok, ganun naman ang kina-fresh niya paglabas. Parang hindi nagmukmok ng apat na araw. Parang hindi namugto ang kanyang mga mata kakaiyak kasabay ang mga kanta ni Moira.

 

Naabutan niya si Chanyeol na naggigitara sa may maliit na sofa sa paanan ng kama niya. Napansin niyang wala na ang salaming suot nito kanina. Magsasalita na sana siya para ipaalam ang kanyang presensya nang matunugan niya ang pamilyar na tonong tinutugtog ng binata.

 

“B-Bakit mo alam ‘yang kantang ‘yan?”

 

Hindi tumigil sa pagtugtog si Chanyeol. 

 

“Sinugod ako ng jowa ni Jongin. Pinakita niya sa 'kin yunh video mo.” Tugon nito. “Hindi ko alam na tumutugtog ka pala. Ang ganda ng gitara mo ah?”

 

Naupo si Baekhyun sa kabilang side ng sofa. “Hindi sakin ‘yan. Kay Yixing yung gitara. Hiniram ko lang.”

 

Nang marinig ito, natigil sa pagtugtog si Chanyeol. 

 

“Ah.” Mahinang wika ng binata, bago nito binalik sa coffee table ang gitara. 

 

Sinilip naman ni Baekhyun si Chanyeol at nakitang nag-iba ang ekspresyon nito. Parang pumait yata? Bakit naman?

 

“Anyway…” Pag-iiba niya. “Ano? Akala ko ba mag-uusap tayo?”

 

“Pwede mo bang kantahin?” Biglang sabi ni Chanyeol. 

 

“Ang alin?”

 

“Yun. Yung kanta.”

 

“Ha? Bakit pa eh alam mo naman na?”

 

“Gusto ko lang marinig galing mismi sa 'yo.” 

 

Hindi na naitago pa ni Baekhyun ang pagkabigla. Hindi na rin siya nakatanggi dahil kinuha na ng binata ang gitara, inayos ang keys nito, at tsaka inabot sa kanya. Shuta. Wala siyang practice!

 

“A-Ano bang trip mo? Are you trying to embarrass me ba—”

 

“Sige, ako na lang tutugtog.” Ani ni Chanyeol. “Basta ikaw kakanta.”

 

“Whano! Amin na nga ‘yan!” 

 

Binawi ni Baekhyun ang gitara at pinusisyon ito sa kanyang hita. Hindi siya confident sa pagtugtog pero mas gugustuhin niyang maging abala kakaisip sa susunod chords kaysa malunod sa titig ni Chanyeol.

 

“Wag mo 'kong pagtatawanan ha.” Banta niya agad sa binata. “Pag nakita ko ‘yang ngipin mo yari ka sakin.”

 

Katahimikan ang bumalot sa paligid. Huminga nang malalim si Baekhyun at maya-maya pa, rinig na sa buong silid ang huni ng kanyang gitara. Si Chanyeol lang naman ang nasa isip niya habang sinusulat ang kanta. Kaya ngayong aawitin niya na ang piyesa, hiling niya na sana makarating sa binata ang totoong nararamdaman niya.

 

"Sa bawat pagtingin

Sa bawat lambing ng ‘yong mga ngiti

Ikaw lamang ang pag-ibig

 

Ang bawat himig mo

Ang tahanan at ang aking mundo

Asahan mong ‘di ka lalayo sa piling ko"

 

Pumikit si Baekhyun at hinanda ang sarili para sa susunod na linya.

 

"At mamahalin kita

Kahit sa’n man tayo dalhin ng tadhana’y

Di ka mag-iisa"

 

Humugot ng lakas ng loob si Baekhyun at inangat ang kanyang tingin. Agad namang nagtama ang mga mata nila ni Chanyeol. Nagkatinginan sila pero imbis na kabahan, tila kumalma pa nga yata ang puso niya. 

 

"Sa bawat panghuhusga

Sa mga oras na ang sarili ay wala

Ikaw  lamang ang tanging kalma

 

Sa paglubog ng araw at ilaw ng buwan

Maubos man ang kandila 

‘Di magbabago, para lang sayo

Ang awiting ito"

 

This time, habang nakatingin pa rin sa binata, buong tapang na kumanta si Baekhyun.

 

"Mamahalin kita

Kahit ano pang sabihin nila 

Hindi ka mag-iisa

 

Nandito lang ako palagi

Gagabay sayo

 

At mamahalin kita

Ano man ang mangyari sa’ting dalawa

Ika’y hindi na

Mag-iisa"

 

Wala sa kanilang nagsalita pagkatapos ng huling nota. Hinihintay ni Baekhyun na magbigay ng reaksyon si Chanyeol. Kahit anong reaksyon. Pero nanatili itong nakatitig sa kanya na para bang nasa mukha niya ang sagot na sa katanungang matagal niya nang hinahanap.

 

“Hoy.” Basag niya sa katahimikan. “Baka nakakalimutan mo na ikaw ang may atraso sa 'kin? Baka gusto mo nang magpaliwanag?”

 

Nang marinig ito, napalunok si Chanyeol at umiwas ng tingin. 

 

“Sorry.” Mahinang wika nito. “Sorry kung hindi kita napuntahan noong araw na ‘yon.”

 

Ngayon, si Baekhyun naman ang nanlumo. Bumalik sa kanya ang araw na ‘yon. Bumalik sa kanya kung paano siya nagtiyagang maghintay, sa pag-aakalang darating pa rin si Chanyeol.

 

“Can you… pwede bang sabihin mo sa 'kin kung bakit?” Nag-aalangang tanong niya sa binata at maingat na itinabi ang gitara.

 

Nanatiling nakayuko si Chanyeol. Pinagmasdan ni Baekhyun ang binata at nakutuban niyang marami itong gustong sabihin. Tila marami itong gustong ikwento kaya naman hinarap niya si Chanyeol para ipaalam na naroon siya at handa siyang makinig. 

 

“Nung araw na hindi ko naipasok yung penalty kick…” Panimula ni Chanyeol. “Nakita ko si… mama… sa may bleachers.”

 

Doon napagtanto ni Baekhyun na ni isang beses, hindi binabanggit ni Chanyeol ang mama niya. Inakala niyang nasa abroad lang ito. Maaari kasing nagtatrabaho ito sa malayo kaya wala masyadong maikwentong alaala si Chanyeol.

 

Kaya he never expected this. He never expected na hindi pala sila okay.

 

“Mahigit isang dekada ko rin siyang hindi nakita mula nung… iwan niya kami ni papa. Sabi niya pagod na raw siya. Pagod na raw siya mag-alaga ng isang lumpo at ng isang sakiting bata.” Patuloy nito. “Akala ko nga nalimutan ko na hitsura niya eh. Tinapon kasi ni papa lahat ng magpapaalala samin tungkol sa kanya pagkatapos niyang lumayas nang wala man lang paalam. Tinalikuran niya kami ‘di ba? Iniwan niya kami… kaya dapat lang na kalimutan na rin namin siya.”

 

Nanikip ang dibdib ni Baekhyun sa mga nalaman. Kitang-kita niya rin kasi ngayon kung paano naapektuhan si Chanyeol. Ramdam niya na lubos itong nasaktan sa paglisan ng ina, sa paglisan ng taong akala niya’y unang mag-aaruga at tatanggap sa kanya.

 

“Naisip ko pa nga na baka namamalikmata lang ako. Matagal na siyang wala. Matagal na siyang burado sa buhay namin. At isa pa, wala naman siyang dahilan para balikan pa kami.” Kwento ni Chanyeol. 

 

“Pero ayun, bumalik siya. Nandoon siya nung araw na 'yon sa game at…" Sarkastikong tumawa ang binata. "Akalain mo 'yun? Nagawa niya pa 'kong i-cheer? Nagawa niya pa 'kong tawaging 'anak' matapos niya kaming iwan para magpakasaya—para lumaya at magawa niya na lahat ng gusto niya."

 

Nanatiling tahimik si Baekhyun habang nakikinig. Hindi niya maimagine kung gaano kahirap kay Chanyeol na mawalan ng ina sa murang edad. At mas lalong hindi niya mawari kung paano nagawa 'yon ng… ng babaeng 'yon? 

 

"Siya rin ang dahilan kung bakit hindi ako nakapunta noong araw na dapat magkikita tayo. Pumunta kasi siya sa bahay namin at nagpakita kay papa." Amin ng binata. "Pumunta siya para manghiram ng pera kasi iniwan na siya ng bago niyang kinakasama. Parang gago 'di ba? Bumalik para manghiram? Malamang magagalit si papa! Kaya nagulat na lang ako nang biglang tumawag sa 'kin si tiyo Robin at sinabing sinugod daw ito sa ospital."

 

"Oh my god." Napasinghap si Baekhyun. "H-How… kamusta si tito?"

 

"Ayun, inatake. Nasa ICU na siya pagkarating ko. Didiretso na nga sana 'ko para tignan ang kalagayan ni papa kaso nakita kong nandon din siya sa ospital. Tangina talaga ang kapal ng mukha." Iling nito. "Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag na kausapin siya. Siguro dahil gusto ko ng paliwanag? Ng closure? Pero wala. Nag-sorry lang siya. Ni hindi niya nga sinabi kung para saan?!"

 

Sa puntong ito, napansin ni Baekhyun ang mga namumuong luha sa mga mata ni Chanyeol. Maging siya ay nasasaktan dahil wala siyang magawa. Wala siyang magawa para pagaanin ang loob nito.

 

"Kaya… kaya ayoko talagang maging malapit sa iba. Ayokong ma-attach. Ayokong masanay kung sa huli, ako lang rin pala ang maiiwan. Siguro iyon na rin ang dahilan kung bakit tinutulak ko ang lahat papalayo. Kasi… k-kasi…"

 

Tinawid ni Baekhyun ang distansya sa pagitan nila at ikinulong ang binata sa kanyang mga bisig. 

 

"Shh… it's okay. You're gonna be okay, hm? Ligtas ka rito kaya pwede kang umiyak kung gusto mo. Nandito ako, Chanyeol."

 

Inakap siya pabalik ng binata. Sinandal ni Chanyeol ang ulo niya sa balikat ni Baekhyun at maya-maya pa humihikbi na ito.

 

"Thank you for sharing all this with me." Mahinang wika niya. "Salamat sa tiwala. Alam kong hindi naging madali kaya… salamat."

 

Humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Chanyeol. Wala man itong sinabi, alam niyang nagpapasalamat din ito. 

 

 At sapat na yun para kay Baekhyun.




















Chapter XI: Magtapat ng Nararamdaman Kay Chanyeol




Paano ba nagiging mag-jowa ang dalawang tao? ‘Di ba nag-aaminan muna? 

 

Paanong magiging kayo kung 'di mo sasabihin ang nararamdaman mo para sa kanya? Kung 'di niya alam na may pagtingin ka sa kanya?

 

This iz it mga besties! Panahon na para malaman ni Chanyeol Park na ang tunay na pagmamahal, sakin niya lang matitikman! Cheurk! 




"Ew, walang originality. Aamin ka na lang sa birthday pa talaga niya?" Nandidiring komento ni Kyungsoo.

 

"Oo nga naman! Kung ako sayo, Baek, dapat umamin ka bago yung birthday niya." Singit ni Sehun. "Ayaw mo non? Dahil mag-jowa na kayo, pwede kayong mag-birthday sex!"

 

"SEHUN!" Sabay na suway nila ni Kyungsoo.

 

"Luh! Kung makapagreact naman kayo parang 'di niyo pa nagawa 'yun ah?"

 

"Hindi pa nga!" Kumpirma ni Baekhyun habang ang kaibigan niyang si Kyungsoo ay nanatiling tahimik. 

 

"Huli pero 'di kulong!" Nakangising pang-aasar ni Sehun.

 

"Tanga! Eh sa magkasunod birthday namin, alangan magmukbang lang kami ng handa? Umay yun!"

 

"Ahhh… kaya ang isa't isa na lang ang ginawa niyong handa. Ganun ba yun?"

 

“Kung wala kayong balak tumulong…” Pagbabanta ni Baekhyun sa dalawa. “Pwede ba lumayas na lang kayo sa kwarto ko? Ang iingay niyo na nga ang kakalat niyo pa!”

 

“Mas makalat ka, 'wag ka papatalo!” Barumbadong sagot ni Sehun. “'Kala mo di ko nakita yung step 13 sa listahan mo? Ano nga ulit yun? Makipagmomol at labi—”

 

“Mananahimik ka o kakalbuhin ko yung aso mong si Vivi?” 

 

“Huy walang damayan ng aso!”

 

“Ayun naman pala eh. Kung ayaw mong mapahamak ang aso mo, manahimik ka.”

 

Lumipat si Baekhyun ng pwesto. Naupo siya sa bean bag malapit sa kama kung nasaan sina Sehun at Kyungsoo, nakahilata habang kumakain ng uwi niyang pizza. Bonding time kasi nilang tatlo ngayon. At dahil magkakasama na rin naman na sila, nabanggit ni Baekhyun ang intensyon niyang umamin kay Chanyeol.

 

“Teka…” Napaupo si Kyungsoo sa kama para maharap ang kaibigan. “Random thought lang ‘to ah pero what if… sa lighting ceremony ka umamin? Sakto 'di ba? Maganda at romantic yung atmosphere ng campus.”

 

Agad na sumang-ayon si Sehun. “Ay oo! Tapos may libreng pagkain pa sa agape! Panis, first date niyo libreng chickenjoy sa may grandstand.”

 

Dahil sa kanyang kapilyuhan, nakatanggap tuloy si Sehun ng pitik sa ilong galing kay Kyungsoo. “Ayan puro ka kalokohan. Kaya lugi si kuya Jun sayo eh.”

 

“Hoy anong lugi? Busog na busog nga yun sakin!” 

 

Nagpatuloy sa pagbabangayan ang dalawa habang si Baekhyun naman ay napaisip sa suggestion ng kaibigan.

 

Picture this: Isa-isang umiilaw ang mga dekorasyong nakapalibot sa campus. Ang kanina’y madilim na university grounds ay napapailawan na ngayon ng samu’t saring mga palamuti. Maraming tao ang nag-iikot para pagmasdan ang ganda ng lugar. Dagdag pa na malamig din ang simoy ng hangin kaya naman talagang ramdam na ang diwa ng pasko.

 

“It’s perfect.” Wika ni Baekhyun. Agad siyang tumayo para hanapin ang wallet at susi niya.

 

“Anong sugar daddy? Mahal ko si Myeon! Ikaw nga jowa mo palamuni—woy! San ka pupunta Baekhyun?”

 

“May titignan lang.” Nagsuot siya ng jacket at isang itim na sumbrero. “Yung kama ko pagpagan niyo ha. Pag ako nangati dyan mamaya sinasabi ko sa inyo…”






Naging abala si Baekhyun sa paghahanda. Hindi naman engrande yung plano eh, simple lang ito dahil nais niya lang naman maipakita na sincere siya sa nararamdaman niya para kay Chanyeol. 

 

Oo, lagi niyang ipinapangalandakan na gusto niya ang binata. Pero iba ‘to—iba ngayon, dahil kusa niyang ibibigay ang puso niya sa binata.

 

Mabilis na nagdaan ang mga sumunod na araw. Nakamit muli ng university football team ang inaasam na panalo sa finals. Tiklop din ang mga bashers ni Chanyeol dahil, well, siya lang naman ang hinirang na MVP this season.

 

Dahil siya ang ginawaran ng titulong ito, kaliwa’t kanan ang mga naging alok kay Chanyeol para mag-training sa ibang bansa at maging isang professional football player. Ang gaganda at ang dami ng opportunities subalit, walang tinanggap ang captain. 

 

“Sapat na po sa 'kin ang malaro ang sport na ‘to.” Sagot ni Chanyeol sa isang interview. “Gusto ko rin pong ipagpatuloy ang kursong pinili ko kaya ngayong tapos na ang finals, maghahabol na po ako ng plates.”

 

Alalang-alala pa ni Baekhyun kung paanong natawa si ate mo girl na reporter. 

 

“Gaya ng pag-cheer namin sayo sa field, ganon ka rin namin ichi-cheer sa pagtapos mo ng plates. Laban captain Park!”

 

“Salamat.” Magalang na tugon ng binata.

 

“Huling katanungan. Ngayong kayo ang hinirang na champion this season, at ikaw pa ang ginawaran ng titulong MVP, maaari mo bang ibahagi kung ano… o sino… ang iyong naging inspirasyon habang naglalaro.”

 

“Uhh…” Napakamot ng batok si Chanyeol habang nag-iisip ng isasagot. “Siguro po yung aso kong makulit?”

 

Muling natawa ang reporter. “Aso? Paano naman naging inspirasyon sa 'yo ang alaga mong aso?”

 

“Nung una po talaga ayaw ko sa kanya. Lagi niya kasi akong sinusundan at ang ingay niya kaya nakakainis. Pero di kalaunan, nung… nung madalas na kaming magkasama, na-realize ko na okay din naman pala siya. Nakakatuwa rin at tsaka… cute.”

 

Iritang-irita noon si Baekhyun. Bukod kasi sa halatang pumoporma ang babaeng nag-iinterview, nagtampo rin siya dahil 'di man lang sinabi ni Chanyeol na may aso pala sila. Edi sana naaya niya itong pumunta sa Pup Cafè!






Things had never been better sa kanila ni Chanyeol. Mula noong nag-open up ito sa kanya, napansin niyang hindi na ito gaanong nakasimangot. Hindi na rin ito gaanong iritable at tila mas umaliwalas pa nga ang awra ng binata. 

 

"May iba sa 'yo." Komento niya isang araw habang naglalakad sila ni Chanyeol pabalik sa condo niya. Katatapos lang nila kumain ng dinner at naisipan nilang mag-dirty ice cream pampaalis suya.

 

"Oh? Anong iba?"

 

Tumigil si Baekhyun at tinignan ang binata mula ulo hanggang paa. Tangkad talaga ni gago amp. 

 

"Parang you're… happier? At peace? Ano meron?"

 

Natawa nang bahagya si Chanyeol. Gustong-gusto talaga ni Baekhyun ang tunog na yon. Kahit pa yata araw-araw niya yun marinig hinding-hindi siya magsasawa. After all, a happy Chanyeol makes a happy Baekhyun too.

 

"Tama ka. Kumpara dati, pakiramdam ko para 'kong natanggalan ng pasan na bagahe." Tugon nito. "Ayos na si papa at… hindi na ulit siya nanggugulo kaya ito…"

 

Tumango si Baekhyun at ngumiti sa binata. 

 

"I'm glad." Wika niya. "Basta kung kailangan mo ng kausap—kung kailangan mo ng makikinig sayo—nandito ako, okay?"

 

Saglit siyang tinitigan ni Chanyeol bago ito umiwas ng tingin. 

 

"Ayan ka na naman." Bulong ng captain sa sarili na hindi nakatakas sa pandinig ni Baekhyun.

 

"Na naman?" Mataray niyang tanong. "What did I do?"

 

"Wala. Ang sakit mo sa puso." 

 

Hindi na nalaman pa ni Baekhyun kung anong ibig sabihin ni Chanyeol sa mga katagang iyon. Nabanggit niya ito isang beses kay Kyungsoo pero wala ring sagot na ibinigay ang kaibigan. Bagkus, nagkibit-balikat lang ito at ngumiti nang maloko.






Hindi nagtagal ay dumating na rin ang kaarawan ni Chanyeol. They had a simple celebration. Sila-silang magto-tropa lang at ilang piling miyembro ng football team. At syempre, courtesy of Baekhyun ang surprise party. Kung sa ibang handaan shanghai at spaghetti ang bida, dito iba.

 

Siomai rice is life daw eh.

 

"Oh, bat ganyan mga itsura niyo? Akala ko ba favorite niyo 'yan?" Pang-aasar niya kina Tao na tila binagsakan ng langit sa pagkadismaya.

 

"Parang ayoko na makakita ng siomai sa tanang buhay ko. Pang limang siomai rice ko na ata ‘to this week ampotek." Amin ng binata, yung itsura niya parang maduduwal na.

 

"Seryoso, Baek? Ito lang handa ni Cap?" Malungkot na tanong ni Jongin. 

 

"Oo nga, Baek. No offense ha. Magugustuhan din naman ‘to ni Cap pero… may time pa naman tayo magpadeliver. May malapit na pancitan dito, baka tumatanggap pa sila ng order—”

 

“Guys, chill!” Putol niya kay Luhan. “Hinahanda na ni chef yung food, ise-serve na lang mamaya. Display lang ‘yang tray ng siomai dyan.”

 

Tila nakahinga naman nang maluwag ang tatlo matapos malaman na hindi sila maghahapunan ng siomai rice. Tawang-tawa tuloy si Baekhyun. Wala talaga sa menu ‘yon pero dahil gusto niyang mang-asar, pinagawa niya na rin.

 

The party Baekhyun threw was a success.

 

Nag-enjoy naman ang mga bisita at syempre, pati na rin si birthday boy. Ramdam ni Baekhyun na naninibago ang lahat kay Chanyeol, lalong-lalo na pag ngini-ngitian sila nito. Paano, ang dating aloof at masungit na binata ay nakikisabay na sa biruan at tawanan nila ngayon. Everyone was so happy to see his progress.

 

And for Baekhyun, it was more than what he would’ve wished for.

 





bbhyunieee_: hellooo! finished na class namin :’D are u free na??

 

yeol.park: teka lang, may biglaang meeting for our finals project

 

bbhyunieee_: okiii puntahan kita~

 

yeol.park: baka matagal pa to

yeol.park: ako na lang pupunta sayo :)

 

bbhyunieee_: sige, hanapin ko muna si soo!!

bbhyunieee_: let me know when you’re done na ah?

bbhyunieee_: sabi mo sabay tayo pipila sa agape :<

 

yeol.park: haha opo boss :) message kita mamaya

 

Ibinalik na ni Baekhyun sa bulsa ang kanyang phone matapos niyang mabasa ang huling message ni Chanyeol. 

 

Ito na. Ito na ang araw na matagal niyang pinaghandaan. Lighting ceremony na mamaya. So it’s either uuwi siya nang may jowa, o uuwi siyang luhaan.

 

Syempre, kinakabahan din si Baekhyun. 

 

Kahit pa na mukhang mutual naman ang feelings nila (Retsam Sehun, 2021), there’s still two sides of the coin. Pwedeng gusto rin siya ng binata at pwede ring hindi. 

 

At alam ‘to ni Baekhyun. Alam niya pero pipiliin niya pa ring sumugal. Pipiliin niyang maging matapang dahil ganun niya kamaha—kagusto si Chanyeol. 

 

bbhyunieee_: here kami ni soo sa may church!! 

bbhyunieee_: bilisan mo magsstart na lighting cerem!!

 

“O ano, hindi ka na ba magdadasal? Parang ‘di ka nga kinakabahan! Confident ka gurl?” Pang-aasar sa kanya ng kaibigang si Kyungsoo. 

 

Hindi sumagot si Baekhyun. Bagkus, pinahid niya ang namamawis niyang kamay sa braso ng premed student.

 

“Gaga! Kadiri!”

 

“Kinakabahan ako, Soo. Feeling ko magsu-stutter lang ako.”

 

“Says the guy na laging perfect pag dating sa public speaking.” Irap ng kaibigan.

 

“That’s different!” Protesta ni Baekhyun. “Palibhasa kasi hindi naman ikaw yung naunang umamin kaya ‘di ka talaga makakarelate. Kung ‘di pa nga ata siguro nag-confess si Jennie kay Jongin parang wala ka pang balak sagutin yun eh.”

 

“At sinong namang nagsabi sayo na hindi ako ang naunang umamin?” 

 

Nang marinig ito, kunot-noong nilingon ni Baekhyun ang kaibigan.

 

“Bago pa nanligaw sakin si Jongin nung Senior High, nauna ‘kong mag-confess. Grade 8 pa lang ako nun at... ewan ko ba kung anong pumasok sa kokote ko basta binigyan ko siya ng letter nung valentines.”

 

“Wha—at bakit ngayon ko lang ‘to nalalaman?! Gosh, fake friend ako welp.”

 

“Ay hala siya! ‘Wag ka madrama! Sadyang hindi ko lang din sinasabi kasi nakakahiya. I mean… hello? Kailangan ko pa ba ipaalala sa inyo na ang dugyot kong bata noon? No thanks!”

 

Sa gitna ng kanilang pag-uusap, sakto namang dumating sina Chanyeol at Jongin. Magkasama pala ang dalawa. Parang may pinag-uusapan din sila bago makarating dahil si Jongin, ang lawak ng ngiti. Hindi naman siya siguro binuko ng mokong na ‘to, right?

 

“Basta Cap, balitaan mo ko mamaya ah?” Tinapik ni Jongin ang balikat ng katabing binata na mukhang gulong-gulo sa nangyayari. 

 

Susmayosep. Palimos pasensya lord.

 

“Jongin.” Tawag ni Kyungsoo sa kasintahan. 

 

Naalerto naman ang PolSci student dahil hindi siya tinatawag ng nobyo by his first name unless may seryoso silang pag-uusapan. 

 

“Anong katarantaduhan na naman ba ginawa mo?” 

 

“Bal, wala kong sinasabi! Swear!” 

 

Tinignan tuloy ito nang masama ni Kyungsoo. “Siguraduhin mo lang ha.”

 

Nagpaalam—more like hinila ni Soo si Jongin sa tenga si Jongin—ang dalawa at sinabing mag-iikot daw sila para kuhaan ng litrato ang campus. Walang kamalay-malay na tumango si Chanyeol habang si Baekhyun naman ay mas lalong kinabahan dahil sila na lang ang naiwan. Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso niya, parang anytime pwede nang sumabog!

 

“San mo gusto pumunta?” Malumanay na tanong sa kanya ni Chanyeol.

 

“A-Ah, ikaw ba? Do you want to go s-somewhere?”

 

Eto na nga bang sinasabi ‘ko. Partida wala pa sa aminan part pero choppy na! Sirang plaka ka teh?

 

“Kahit saan. Ikaw naman kasama ko eh.”

 

Hindi na naitago pa ni Baekhyun ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Mabuti na lang at medyo madilim na. Hindi naman siguro napansin ni Chanyeol ‘no?

 

Sabay silang naglakad hanggang sa nakarating sila sa lovers’ lane. Ang daming tao. Karamihan kasi ay nag aabang sa may arch of the centuries o ‘di kaya sa monumento ni Benavides kung saan nakapwesto ang malalaking props. At dahil magbubukas pa lang ang mga ilaw, madilim ang paligid. Tanging ang mga flashlight lang mula sa cellphone ng mga tao ang nagsisilbing ilaw sa lugar.

 

“Chan? Sa’n ka?” Napaakap nang mahigpit si Baekhyun sa binder na bitbit niya. Wala siya gaanong makita at hindi niya na maramdaman si Chanyeol sa tabi niya.

 

“Chanyeo—”

 

Natigilan si Baekhyun nang maramdaman niyang may humawak sa kamay niya. Agad sana siyang bibitaw ngunit isang pamilyar na boses malapit sa kanyang likod ang pumigil sa kanya.

 

“Nandito ako, Baek.” Bulong ni Chanyeol. Humigpit din ang hawak nito sa kamay niya. Take note, hindi sa pulsuhan, kung ‘di sa kamay na niya mismo.

 

“Uhm… c-can we go somewhere na di masyadong crowded?”

 

Hindi niya naman na kinailangan pang magtanong ulit dahil marahan siyang hinila ni Chanyeol paalis sa mataong lugar. Nasa side na sila ng carpark ngayon. Marami pa ring mga estudyanteng naglilibot pero hindi na gaya ng kanina na halos hindi sila makagalaw.

 

Habang naglalakad, aksidenteng nasagi si Baekhyun ng isang babae dahilan para mabitawan niya ang kanyang bitbit na binder. Nagkalat tuloy ang mga papel sa kalsada.

 

“Omg! Sorry, kuya!” Wika ng dalaga. Ni hindi man lang siya tinulungan dahil nagmamadaling itong umalis.

 

At syempre, ano pa nga bang magagawa ni Baekhyun? Bumuntong-hininga na lang siya at sinimulan na ang pagpulot sa mga papel, hoping na sana walang mawala lalo na’t notes niya ‘to sa klase.

 

“Tsk, nag-sorry nga, ‘di ka naman tinulungan.” Komento ni Chanyeol na nagpupulot na rin ng mga papel.

 

“Hayaan mo na. Baka excited pumila sa agape.” Biro pa niya.

 

Kinolekta ni Baekhyun ang huling tatlong papel sa sahig at inipit ito sa binder niya. Nang lingunin niya si Chanyeol, napansin niyang seryoso nitong binabasa ang papel na napulot. Hindi niya tuloy napigilang matawa.

 

“Oh, ba’t ganyan itsura mo? Hindi naman ganun ka-panget sulat ko so I’m guessing na notes ko yan sa microecon. Tingin nga—”

 

“Ano ‘to, Baek?” Putol sa kanya ni Chanyeol.

 

Nagtatakang tinignan ni Baekhyun ang binata. “Ang alin? Ano ba ‘yan?”

 

Ibinalik sa kanya ni Chanyeol ang mga papel at nang makita niya ang nasa ibabaw, agad na nawalan ng kulay ang kanyang mukha. It was the list he made about seducing Chanyeol—Ang OPLAN: Akitin si Chanyeol Park.

 

“W-Wait, Chan, let me explain—”

 

“Plinano mo lahat ng ‘to? Lahat ng nandito sa listahan na ‘to?”

 

“Hin…” Saglit na napapikit si Baekhyun. “Oo, pero dati pa kasi—”

 

“Ah, matagal na. Ibig sabihin matagal mo na pala ‘kong niloloko.” Mapait nitong sabi.

 

“Chanyeol, wait lang! Makinig ka muna sakin! This… this list… it’s true. Ginawa ko siya pero dati pa ‘to, like a long time ago! Hindi ko nga alam na naitago ko pa—”

 

"Alam mo ba kung anong naging dating sakin nung nakita ko 'to, ha, Baek?" 

 

Bakas sa ekspresyon ng binata ang pagkadismaya. At kahit pa madilim, kitang-kita ni Baekhyun sa mga mata nito na nasasaktan ito.

 

 "Pakiramdam ko pinaglaruan mo ‘ko. Para mong minanipula ang nararamdaman ‘ko."

 

"It's not like that! Swear! I… I…"

 

"Pinagkatiwalaan kita, Baek." Patuloy ni Chanyeol, dahilan para mas lalo siyang panghinaan ng loob. "Akala ko iba ka."

 

Bago pa siya muling makapagsalita para depensahan ang sarili, tumalikod na si Chanyeol at nagsimulang maglakad palayo. Hindi na rin tuloy napigilan ni Baekhyun ang pag-agos ng mga luha niya. Kasabay nito ay ang masiyang pagdiriwang ng mga tao dahil unti-unti nang bumubukas ang mga ilaw sa paligid.

 

Ironic isn't it? Siya yung nangakong hindi niya iiwan ang binata.

 

Pero sa huli, siya naman ang iniwian ng taong mahal niya. 
















Chapter XII: Date Chanyeol Park



Minsan, kailangan mong tanggapin na may mga bagay na sadyang hindi para sa ‘yo.

 

Totoong gusto kita, Chanyeol Park. Pakiramdam ko nga… higit pa roon ang nararamdaman ko para sa ‘yo. 

 

But I messed up. Nagkamali ako at ngayon, wala ka na.
















Epilogue

 

Ding dong!

 

Ding dong!

 

Ding dong!

 

Ding dong!

 

Ding dong!

 

Iritable siyang umalis mula sa pagkakasandal sa lababo nang marinig ang magkakasunod na doorbell. Badtrip. Ang sakit na nga ng ulo niya dahil mali-mali yung ginawa ng mga kagrupo niya tapos dadagdag pa 'to?

 

"Sehun Oh!"

 

Oh ayan, parang may balak pa yata ‘tong gibain yung pinto. 

 

Dahil siya lang din naman ang nasa paligid, inis na pinagbuksan ni Chanyeol ang asungot na nanggagambala. Papaalisin niya na sana ito, wala siyang pake kahit pa bisita ito ni Sehun, ngunit hindi niya na nagawa sapagkat tumumbad sa kanyang harapan ang taong kailan ma'y hindi niya inaasahang makita.

 

Tumingala sa kanya ang binata. Halata sa itsura nito ang pagkagulat pero kahit na ganon, hindi ito umiwas ng tingin. Sa malayo niya lang ito nakikita noon kaya ngayong nasa malapitan na—ngayong kaharap niya na si Baekhyun Byun—napagtanto niyang totoo pala ang mga sinasabi nila.

 

Na ang ganda niy—

 

"Uy, bakit ka nandito?"

 

Tila nahimasmasan naman si Chanyeol nang marinig ang boses ng kaibigan kaya siya na ang pumutol sa kanilang tinginan para bumalik sa sala at ituloy ang ginagawa niya kanina. Kinuha niya ang kanyang lapis at sketch pad para gumuhit. Hindi niya alam kung bakit ito ang hawak niya gayong hindi naman siya dapat nagda-draft ngayon. Dapat nasa laptop siya, inaayos ang presentation nila.

 

"Dali naaa!" Rinig niyang pagpupumilit ng bisita. 

 

Napasimangot tuloy si Chanyeol. Ang pabebe kasi ng boses. Nakakainis! Nakakairita! At isa pa, bakit ganito yung drawing niya? Bakit tao imbis na commercial building? At mas lalong bakit parang kahawig ni—

 

"Huy, tapos na tayo magdraft ah?" Paalala sa kanya ng kaklaseng si Jongdae na tumabi sa kanya para magpakita ng progress report. "Sino ba ‘yan? Jowa mo?"

 

Nagmamadali niyang sinara ang sketch pad at tinignan nang masama ang kapwa arki student. "Anong pake mo?"

 

"Oh, kalma! Gagalet agad?" Nakangising tugon ni Jongdae. “Nagtatanong lang eh.”

 

Itinuon na lang ni Chanyeol ang kanyang atensyon sa paggawa ng kanilang proyekto. Tama, mas importante naman kasi talaga ‘to kaysa sa buwisita ni Sehun. Focus, Chanyeol. 

 

So that, he did.

 

Maya-maya pa, mag-isang bumalik si Sehun sa sala. 

 

“Ano na ulit gagawin?” Tanong nito, at naupo sa tapat ng coffee table. 

 

Hindi namalayan ni Chanyeol na nakatingin na pala siya sa likod ng kaibigan—sa pintong kasalukuyang nakasara.

 

“Chanyeol?” Tawag sa kanya ni Sehun. “Ano na gagawin ko?”

 

Sa takot na baka nahalata siya, sinungitan niya ang kaibigan. 

 

“Ba’t ‘di mo alam? Nag-distribute na ko ng tasks kanina ‘di ba?”

 

“Ah, hehe, sabi ko nga. Yes boss!” 

 

Wala nang nang-istorbo sa kanya matapos niyang pakitaan ng attitude si Sehun. And he was thankful for it. Hindi niya rin kasi alam kung may matino ba siyang masasagot, lalo na’t isang binatang amoy bambini ang hindi na naalis sa kanyang isipan.






Freshman week noon nang una niyang makita si Baekhyun. 

 

Tahimik siyang nakapila sa block nila. Lahat ng kaklase niya ay may kausap dahil apparently, excited silang lahat na makibahagi sa tradisyon ng university—ang dumaan sa arch of the centuries. Bored namang naghihintay si Chanyeol dahil sa totoo lang, gusto niya nang umuwi. Gusto niya nang umuwi at matulog.

 

“Ah pota—”

 

“Oh my god! Sorry!”

 

Isang binata ang tumama sa kanyang likod, dahilan para mumuntikan na siyang sumubsob. Mabuti na lang at mabilis ang reflex niya. Nabalanse niya agad ang sarili, maging ang lalaking nakasagi sa kanya.

 

“Sorry! I didn’t see the curb!” Pagdadahilan nito.

 

Inayos ng binata ang sarili at base sa uniporme nito, taga College of Commerce siya. Ano namang ginagawa niya dito sa pila ng arki students?

 

“Excuse me but… taka block A ka ba?” Hinihingal na tanong sa kanya ng binata, namumula pa nga ang mga pisngi nito.

 

Tumango si Chanyeol bilang tugon.

 

“Oh, so you’re classmates with Sehun right? Alam mo ba kung nasa’n siya?”

 

“Kailan pa ‘ko naging hanapan ng nawawalang tao?” Masungit na sagot niya.  

 

Napakurap tuloy ang binata, hindi inaasahan ang pabalang niyang pagtugon. Huli na nang ma-realize ni Chanyeol na hindi niya dapat sinabi ‘yon. At sa ‘di malamang dahilan, parang gusto niya pa bawiin ang mga salitang binitawan.

 

“Okay.” Walang emosyong sabi ng binata. “Sorry for bothering you then.”

 

Binuka ni Chanyeol ang kanyang bibig para sana humingi ng paumanhin ngunit nilampasan na siya commerce student. Sinundan niya ito ng tingin at sa ‘di kalayuan, sa may harapan ng pila, nakita niyang may kausap na itong lalaki. Siguro yung Sehun?

 

Noong tanghaling ‘yon, umuwing guilty tuloy si Chanyeol. It was weird. Ganon naman na talaga siya dati pa at sanay na siyang sinusungitan ang mga tao sa paligid niya. 

 

“Hay, antok lang yan, Yeol. Hindi mo naman na makikita ‘yon.” Wika niya sa sarili.

 

But boy was he wrong dahil a few days after, nakita niya ulit ang binata sa freshman party.

 

“Ayun sumipot ka rin!” Bungad sa kanya ng bago niyang kaklase na si Jongdae. 

 

Hindi niya rin alam kung bakit niya kinausap ito. Ang ingay kasi. At ayaw niya sa maingay. Nakakairita!

 

“Sabi niyo may alak.” Kibit-balikat niya.

 

Napangisi naman ang isa niya ring kaklase na si Sehun. “Meron pre pero mamaya raw. ‘Lam mo na, may mga nagmamasid.”

 

Sa loob lamang ng ilang araw at oras na nakasama niya ang tatlo, ang dami niya nang nalaman tungkol sa kanila. Napag-alaman niyang galing pala si Jongdae sa angkan ng mga doktor at si Sehun naman ay suma-sideline bilang model gawa ng kanyang connections. 

 

Hindi niya tuloy naiwasang manliit. Hindi kasi siya tulad nila na nagmula sa mayamang pamilya.

 

“Pakshet!” Biglang sabi ni Sehun, dahilan para lingunin nila ito. Nakanguso ang binata at malungkot na nakatingin sa shot glass niya. Mukhang may amats na. 

 

“Myeon, kailan mo ba ko sasagutin?!”

 

At ayun na nga po, nagdrama na.

 

“Sino si Myeon?” Tanong ni Jongdae.

 

“Yung… yung niligawan ko… hehe cute niya, ang liit.” Nakapikit na ngumiti si Sehun habang inaalala ang itsura ng nililigawan. 

 

It was then nang maalala ni Chanyeol ang binatang nakausap niya noong freshman walk. Siya ba ang tinutukoy ni Sehun? Siya ba si Myeon? Well, hindi na dapat siya magulat kung siya nga.

 

May itsura eh. Malamang maraming naghahabol do’n.

 

Tumunog nang malakas ang phone ni Sehun. Wala pa sanang balak ang binata na sagutin ito pero dahil pinalalala ng tunog ang hilo niya, iritableng kinausap ni Sehun ang nasa kabilang linya.

 

“Akala ko ba kina Soo ka sasabay? ‘Di ako pwede mag-drive.” 

 

Meanwhile, inalok siya ni Jongdae ng isa pang shot pero tinanggihan niya ito. Magco-commute pa siya pauwi. Ayaw niya namang maulit yung dati na nakatulog siya sa bus at lumagpas pa siya sa babaan.

 

“Ha? Mga gago ‘di nakapag-intay? Oh eh pa’no ‘yan? Dala ko sasakyan ko pero ‘di nga ‘ko pwede mag-drive. Wala ka na ba talagang ma-book na grab?”

 

And again, may kung ano na namang nag-udyok kay Chanyeol na mag-abot ng tulong. Putek. Ayaw niya talagang nanghihimasok sa problema ng iba pero dahil namomroblema ang bagong kaibigan at lampas ala-una na rin ng madaling araw, nag-prisenta siyang magmaneho. 

 

Baka kasi mamaya mapano pa ang kaklase niya. Konsensya niya na lang ‘di ba?

 

“Pwede akong mag-drive. ‘Di naman ako gaanong uminom.” 

 

Napatingin sa kanya si Sehun na para bang siya ang tagapagligtas ng mundo. “Hoy, Baekhyun, ‘wag ka na sumama diyan. Puntahan mo na lang kami dito malapit sa bar. Nag-offer yung kaklase ko na mag-drive.”

 

Kaya ayun, hinintay nila yung Baekhyun sa may parking lot. 

 

Kung si Sehun lasing, aba, mukhang mas malala ang pagka-wasted nung Baekhyun. Pagewang-gewang kasi ito habang naglalakad. Kung ‘di pa nga yata sinalo ni Chanyeol ang binata baka sumubsob pa ang mukha nito sa semyento.

 

“Shehun ambaho mo amoy moth balls ka.” Lasing na sabi ni Baekhyun na nakabaon ang mukha sa kanyang dibdib.

 

“Mas mabaho ka. Amoy alak ka na hinaluan ng bambini.” Mahinang balik ni Chanyeol.

 

Dinala niya ang kaibigan ng kaklase sa backseat. Hindi naman na nanlaban si Baekhyun dahil kusa itong sumakay at nahiga. Doon natignan nang mabuti ni Chanyeol ang itsura ng binata kaya naman laking gulat niya nang makilala ito. 

 

Si Baekhyun… siya yung lalaking nasungitan niya nung freshman week.

 

Maingat na nag-drive si Chanyeol papunta sa condo ni Sehun. Nilagay lang ng kaklase sa GPS yung location ng condo nito at natulog na sa passenger seat. Naiwan tuloy siya sa kanyang mga palaisipan kung saan karamihan ay patungkol sa binatang nasa likod.

 

Okay, una sa lahat, hindi siya si Myeon. Baekhyun ang pangalan niya kaya hindi siya ang nililigawan ni Sehun.

 

Pangalawa, kailangan ko pa bang mag-sorry? Mukhang hindi na rin naman siya natatandaan nito.

 

Pangatlo, bakit ganun yung amoy niya? Amoy bambini? Amoy baby…

 

Hindi rin naman nagtagal nang makarating na sila sa condo ni Sehun. Sakto namang nagising ang kaklase. Medyo naging sober na rin ito kaya nagawa niya nang pasalamatan si Chanyeol at akayin ang inaantok na si Baekhyun.

 

“Ako na dito pre.” Wika ni Sehun. “Salamat ah? I owe you.”

 

Tumango si Chanyeol at pinanood ang dalawa na maglakad papunta sa elevator, walang kamalay-malay na iyon na pala ang huling beses na makikita niya sa malapitan ang binatang nagngangalang Baekhyun.

 

Ang binatang balang araw ay siyang tutunaw sa malamig niyang puso.






Nang mag-krus muli ang landas nila ni Baekhyun, Chanyeol knew that he had to keep his guard up. 

 

After all, may tendency kasi siyang gawin ang mga bagay na hindi niya naman talaga ginagawa ‘pag nandiyan ang makulit na binata. Exhibit A: Inextend niya ang training nila noong hindi sumipot on time si Baekhyun para manood. At Exhibit B: Nahanap niya pa sa gym bag niya yung puppy sticky note na nakakabit sa tubig na inalok sa kanya noon ni Baekhyun. 

 

Basura na nga dapat yun dahil lukot na yung papel at nagsmudge na yung ink. Pero alam niyo kung nasaan? 

 

Nasa pinakailalim ng drawer sa bedside table niya. In other words, tinago niya.

 

Hindi din pumalya si Baekhyun na kulitin siya. Linggo-linggo siya nitong sinusundan at sinusubukang kausapin. At first, syempre inis na inis si Chanyeol. Ang ingay din kasi ni Baekhyun. Para ngang mas madaldal pa ito kaysa kay Jongdae!

 

At isa pa, palagi siyang inaasar nito. Palagi sinasabi ni Baekhyun na gusto siya nito and he doesn’t like it. Ayaw niya dahil ang weird sa pakiramdam. Ayaw niya dahil nagrereact din yung puso niyang dapat nananahimik.

 

“Chanyeol, samahan mo ko saglit.” Sabi sa kanya ni Sehun matapos nitong kunin ang bagong lutong takoyaki.

 

“Inuutusan mo ko?” Malamig niyang tugon sa kaibigan.

 

“Tsk! Dali na! Saglit lang, iaabot ko lang ‘to kay Baekhyun.

 

Nang marinig ito, sumimangot at nanahimik na lang si Chanyeol. Hindi na siya nagreklamo. Bagkus, sumunod na lang sa kaklase at umastang labag ito sa kalooban niya.

 

Hindi naman nagtagal nang makarating na rin sila sa q square. Malayo pa lang ay natanaw niya na ito. Nakita niya agad si Baekhyun dahil ganun naman ang binata. Kahit saan mo ito ilagay, lagi itong nagsa-stand out. 

 

“Hi Hatdog!” Nakangiting bati pa sa kanya nito. 

 

Pinigilan niyang umismid sa palayaw. Ang pangit kasi eh. Napaka-corny!

 

Pinakilala sila ni Baekhyun sa kaklase nitong si Yixing. At ayun nga, unang tingin niya pa lang sa chinoy, may kung ano na namang natrigger sa kanya. Kung tutuusin, wala naman siyang dahilan para mainis dito. Ni hindi niya nga kilala yung tao eh!

 

Pero nang makita niya kung paano nito tignan si Baek, nang marinig niya ang sagot nito sa tanong ni Baekhyun, aba ser. Maligayang pagdating sa listahan ko ng mga taong dapat patumbahin.

 

Mapait tuloy ang mood niya noong hapon na iyon. Parang gago. Bakit niya ba iniisip kung magkasama pa rin ba ang dalawa o hindi na? At ano naman kung oo? Ano naman kung kasama ni Baekhyun yung engot na yun na halatang may gusto sa kanya?

 

Nakasimangot siyang gumagawa ng draft nang dumating ang taong kanina pa nanggugulo sa kanyang isipan. Dumating si Baekhyun. And part of him, a really small insignificant part of him, was happy na nandito ang binata. Kasi ibig sabihin non, hindi nito kasama ang ang chinoy na kaklase.

 

Sinubukang ibalik ni Chanyeol ang atensyon sa ginagawa. Kahit pa kumakain na sila, nagpaiwan siya para magpakabusy. Hindi na talaga magandang senyales ang pagiging distracted niya sa tuwing nasa paligid si Baekhyun. Kaya ngayon, habang maaga pa, dapat nang pigilan ang… kung ano man ‘tong nararamdaman niya.

 

Hindi inaasahan ni Chanyeol na sa gabing iyon mangyayari ang una nilang hindi pagkakaintindihan. Nang dahil sa nakita niya, nang dahil sa nawitness niya, nahusgahan niya si Baekhyun. Nasaktan niya ito at sa loob ng mahigit isang linggo, lubos niyang pinagsisihan ang lahat.

 

He should’ve known better. Oo, may pagka-bratty si Baekhyun, pero hindi naman siya mag-rereact nang ganon kung hindi siya hahamunin.

 

“Oh eh ano pang hinihintay mo dito?” Nakasimangot na tanong sa kanya ni Tao matapos niyang ikwento ang hindi nila pagkaka-unawaan ni Baekhyun. “Mag-sorry ka, Cap! Ang kupad naman oh.”

 

“Oo nga! Suyuin mo! Ano? Papayag ka na lang na ganito kayo? What if never ka na kausapin non?” Gatong pa ni Luhan.

 

Para siyang sinuntok sa sikmura nang marinig ang mga salitang ito. Hindi ba yun naman ang gusto niya? Ang tantanan siya ni Baekhyun? Tutal ayaw niya naman sa makukulit at maiingay ‘di ba?

 

At nakamit niya naman iyon. Sa mahigit isang linggong hindi sila nagkita ni Baekhyun, naging tahimik ulit ang buhay niya. Naging tahimik ulit at walang kulay.

 

“Paano kung ayaw niya ‘ko kausapin?” 

 

“Kakausapin ka nun.” Kontra sa kanya ni Jongin. “Akala niya siguro ikaw ang galit sa kanya. Ikaw na ang unang lumapit Cap.”

 

Kaya yun ang ginawa ni Chanyeol. 

 

Sa tulong nina Tao at Sehun, napag-alaman niyang paborito pala ni Baekhyun ang strawberry ice cream. Sinamahan din siya ng tatlo papunta sa condo ng binata, kahit pa maghahatinggabi na.

 

“Galingan mo, Cap!” Pagchi-cheer sa kanya ni Tao.

 

“Wag ka mag overthink. At wag mo ring simangutan si Baekhyun dahil tandaan mo, ikaw ang may atraso dito.” Pagpapaalala naman ni Luhan. 

 

At dahil lahat sila ay may words of encouragement, napatingin sila kay Jongin na nasa likod ng manibela. 

 

“Ay, required pala?” Napakamot tuloy ito sa ulo. “Basta maging sincere ka lang sa pagso-sorry. ‘Pag ‘di gumana. Lumuhod ka na. ‘Pag ‘di pa rin, maghubad ka na la—”

 

“Tangina ang bastos!” Suway ni Tao.

 

Sa awa ng Diyos, hindi naman niya kinailangan pang maghubad para mapatawad ni Baekhyun. Nagkaayos din sila noong araw na iyon at umuwi siya nang may ngiti sa labi… isang bagay na hindi mo palaging makikita kay Chanyeol Park.






Si Baekhyun ay parang isang baging, yung halamang gumagapang at pumupulupot. Hindi man lang kasi namalayan ni Chanyeol na mahigpit na pala ang pagkakapit nito sa puso niya. Wala siyang kaalam-alam na sa pagpigil niya sa nararamdaman ay mas lalo lang siyang nahuhulog.

 

“Hatdog, may sasabihin ka ba?”

 

Umiwas ng tingin si Chanyeol at sumimangot. “Yung ano… yung...” 

 

Paano niya ba sasabihin na nagpapasalamat siya sa dala nitong menudo? Na masarap ito at sana, hindi iyon ang huling beses na ipagluluto siya nito. 

 

Paano niya ba sasabihin na nagpapasalamat din siya sa pagbisita at pag-alaga nito sa kanya noong nagkasakit siya? 

 

Putek na yan. Hindi na nga maalis sa utak niya yung pagpunas ni Baekhyun sa labi niya.

 

Naputol ang kanilang pag-uusap nang pumito si coach Minseok. Hindi niya tuloy alam kung maiinis o magpapasalamat ba siya sa instructor nilang parang tropa niya na rin. Naudlot ang pag-uusap nila ni Baekhyun ngunit ayos lang.

 

Sabay naman daw kasi silang uuwi mamaya.

 

Pagkatapos ng training, inunahan niya ang mga kapwa manlalaro sa palikuran. Napasabunot pa siya nang buhok matapos makitang nalimutan niyang magbaon ng extra t-shirt. Mabuti na lang at may spare ang isa niyang ka-teammate. Kaya kahit maliit, kahit hapit na hapit ang itim na t-shirt sa katawan kanya, it would have to do.

 

Lalo na’t nagmamadali siyang pinuntahan ni Jongin at sinabing may kupal daw na humaharot sa atabs niya.

 

At totoo nga. May kupal ngang humaharot sa atab—kay Baekhyun. May kupal na nasa katauhan ng isang chinoy.

 

“Baek, ‘di ba sabay tayo uuwi?” 

 

“Tama ‘yan Cap! Bakuran mo!” Pabulong na sigaw ni Tao sa ‘di kalayuan.

 

Hindi na nakapag-isip pa si Chanyeol basta ang alam niya, ayaw niyang nakikita ang dalawa na magkasama. To make it more specific, ayaw niyang nakikita si Baekhyun na may kasamang iba.

 

Siguro nga doon nagsimula. O baka sa araw ng party, kung saan hindi niya matanggal ang kanyang paningin kay Baekhyun.

 

Sobrang ganda kasi nito. Kahit sino pa yata ang itabi sa kanya, talagang walang makakapantay.

 

Kaya nga nahihiya siya noong inaya siya nitong sumayaw dahil sino ba naman siya? Last minute rent lang yung tux na suot niya. Kinse pesos na gel lang din ang pinang-ayos niya sa buhok niya. 

 

At isa pa, hindi naman siya tulad ni Baekhyun—hindi naman siya tulad ng mga kaibigan nila na mataas ang estado sa buhay. Wala siyang maipagmamalaki at mas lalong hindi niya kayang makipagsabayan sa mga tipikal na nanunuyo kay Baekhyun.

 

Chanyeol began to doubt himself. Pero nang hilahin siya ni Baekhyun papunta sa dance floor, nang magsimula na silang sumayaw ayon sa mabagal na tugtugin, nalimutan niya ang lahat. Nakalimutan niya ang lahat ng pagdududa dahil nasa harap niya na si Baekhyun.

 

Because Baekhyun, for some unknown reason, makes everything feel okay.






“Chanyeol.” Tawag sa kanya ni Sehun noong isang araw na nasa library sila. Sabay silang gumagawa ng plates na due mamayang hapon.

 

“Bakit yon?”

 

“May gusto ka ba kay Baekhyun?” 

 

Natigil si Chanyeol sa pagkukulay. “Bakit mo naman natanong ‘yan?”

 

“Syempre, best friend ko yun. Gusto ko lang makasiguro na hindi siya masasaktan sa ‘yo.” Tugon nito.

 

Wala naman akong balak saktan siya. If anything, baka nga ako pa ang saktan niya. 






Hindi lubos akalain ni Chanyeol na babalik pa ang taong matagal niya nang pilit na kinakalimutan. Parang gumuho ang mundo niya nang magsabay-sabay ang lahat ng problema. Nasa kritikal na kondisyon ang ang kanyang ama samantalang ang babaeng may pakana ng lahat ay nandito, humihingi ng tawad sa kanya.

 

Para saan nga ba? Dahil ba iniwan siya nito noong bata pa lang siya? Dahil ba sa biglaang pag alis nito na siyang naging dahilan kaya takot na siyang magtiwala? O baka naman dahil bigla siyang bumalik kaya napahamak tuloy ang papa niya?

 

Hindi na nalaman pa ni Chanyeol kung bakit ito nagso-sorry kasi gaya ng ginawa nito noon, tumalikod lang ito at umalis. Sa pangalawang pagkakataon, muling nilisan ng taong ito ang buhay niya.

 

Sobrang gulo ng lahat at ramdam niya na ang bigat ng mga problemang nakapasan sa kanya. Kaya naman kahit gabi na ay bumiyahe pa siya papunta kina Baekhyun. Gusto niya sanang makita ito kahit saglit—mayakap ito kahit saglit dahil sa totoo lang, hinang-hina na siya. Ubos na ubos na siya. 

 

Nagtagpo sila ni Baekhyun noong gabing iyon. Subalit, hindi niya inaasahan ang nakita. Halatang pagod ang binata. Pagod, malungkot, at dismyado—ito mga emosyong malinaw niyang nakita sa mga mata ni Baekhyun.

 

Shit.

 

"Baekhyun." Tawag niya. "Baekhyun, I'm sorry."

 

Magkikita dapat sila kanina at putangina nawala sa isip niya!

 

"Umuwi ka na, Chanyeol. Gabi na."

 

Parang piniga ang kanyang puso nang narinig ang malamig na tugon ng binata. Hindi niya naman ito masisisi. Kasalanan niya naman talaga dahil hindi niya nasabihan ito na may emergency.

 

Pero selfish na kung selfsih. Kailangan niya si Baekhyun. Kailangan niya ang lakas niya—ang pahinga niya—kaya bago siya lampasan nito, hinila niya ang binata para yakapin. At hindi naman siya nabigo dahil kahit papaano, naramdaman niyang gumaan ang loob niya. 

 

Noong nasa bisig niya na si Baekhyun ay muli siyang nakahinga… kahit sandali lang.





Tatlong magkakasunod na araw nang walang tulog si Chanyeol. Kung wala siya sa school, nasa ospital siya. Pagdating naman ng gabi ay dumadayo siya sa bahay nila Baekhyun para kung sakaling handa na itong makipag-usap, naroon lang siya.

 

Nadatnan pa nga siya ni Mrs. Byun noong pangalawang gabi ng pagbisita niya. Akala niya ay magagalit ito. Inasahan niya na ngang paaalisin siya ng may bahay ngunit kabaligtaran ang nangyari. Pinatuloy pa siya at hinainan pa ng makakain!

 

“Kumain ka nang marami, hijo. ‘Wag kang mahiyang ubusin ang mga ‘yan.” Mabait na sabi ng ginang.

 

Magalang naman siyang nagpasalamat at kumain kahit kaunti. Wala din kasi siyang gana kumain, lalo na’t naiisip niyang hindi maayos ang kalagayan ni Baekhyun.

 

“Uhm… si Baekhyun po ba kumain na?” Nag-aalalang tanong niya kay Mrs. Byun.

 

Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ng dating aktres. 

 

“Hindi nga gaano eh. Nasa kwarto lang siya, ayaw lumabas.” Paliwanag nito. 

 

“Pasensya na ho.”

 

Umiling at ginang at nilapit pa sa kanya ang ibang mga putahe. 

 

“Nako, hijo, wala ka namang atraso sakin. Mas ma-aappreciate ko kung kay Baekhyun mo ‘yan sasabihin. At mas lalong matutuwa ako kung magkakaayos na kayo.” Wika nito. “Tsk, kabataan nga naman.”

 

Napayuko tuloy si Chanyeol habang kumakain. Pakiramdam niya kasi hindi niya deserve ang kabutihang loob na pinapakita sa kanya ng mama ni Baekhyun. Binilisan niya na lang kumain at akmang magpapaalam na nang biglang magsalita si Mrs. Byun.

 

“May isa lang akong tanong though and I hope you don’t mind answering.”

 

Napalunok si Chanyeol at tumango bilang senyales para sa ginang na magpatuloy.

 

“May balak ka bang ligawan ang anak ko?”

 

“P-Po?”

 

“You heard me.” Sabi ni Mrs. Byun. “Gusto ko lang malinawan sa intensyon mo, hijo. At ayos lang naman kung hindi—kung magkaibigan lang talaga kayo ni Baekhyun at mali lang ako ng hinala.”

 

Sinamahan siyang maglakad nito papalabas ng mansyon. Hindi na nagsalita pa ang ginang, marahil ay hinihintay nito ang sagot niya.

 

“Kung hahayaan po ako ni Baekhyun, at kung papayag din po kayo… gusto ko po sana siyang ligawan.” Wika ni Chanyeol bago siya tumigil sa paglalakad, para magalang na harapin si Mrs. Byun. 

 

“Mahalaga po sa ‘kin si Baekhyun. At pasensya na po dahil ngayon pa lang, ipapaalam ko na po sa inyo na wala pa po talaga akong maipagmamalaki. Hindi po ako galing sa isang marangyang pamilya at maaaring hindi ko rin po maibigay ang lahat ng pangangailangan ni Baekhyun.” Lumunok si Chanyeol at nagpatuloy. “Kaya maiintindihan ko po kung tututol kayo…”

 

Natigilan siya nang marinig niya pagtawa ng ginang. 

 

“Tutol? Sinong tutol? Ako?” Turo ng ginang sa sarili. “Eh boto nga ko sayo noong una pa lang kitang nakita eh!”

 

“P-Pero…”

 

“Hijo… ‘nak… ang hangad ko lang naman ay sana makatagpo si Baekhyun ng taong mamahalin siya sa kung sino siya—ng taong mag-aalaga sa kanya at pahahalagahan siya. Hindi naman kailangan ni Baekhyun ng yaman. Nauubos ang pera, ‘nak.” Paliwanag ni Mrs. Byun. “Oh, sinabi mo kanina na mahalaga sa ‘yo ang anak ko. Panindigan mo ha? Wag mong susukuan at makipag-ayos ka dun!”

 

Tila nabuhayan naman ng loob si Chanyeol sa mga sinabi ng ginang. “Opo. Sana nga po kausapin na ‘ko eh.”

 

“Tss. Kakausapin ka nun. Ikaw pa, ‘di ka matitiis nun.”

 

At nagdilang anghel nga si Mrs. Byun dahil sa pang-apat na bisita niya, pumayag na si Baekhyun na makipag-usap. Hindi niya naman sinayang ang pagkakataon at ipinaliwanag ang lahat sa binata. Ibinahagi niya na rin ang kanyang kwento—bagay na hindi niya pa nao-open up kahit kanino.

 

Chanyeol never knew that he needed it. Hindi niya alam na kinailangan niya pala ng taong makikinig sa kanya. Para tuloy siyang nakalaya sa isang walang katapusang agusan. Para siyang nakaahon sa isang kumunoy na pilit siyang nilulunod.

 

All thanks to his safe place… to safe haven, Baekhyun.





Totoong masaya na si Chanyeol. 

 

Masaya na siya at kontento.

 

Noong nakaraang linggo lang ay pinagdiwang nila ang kaarawan niya. Unang beses niyang naranasang may mag surprise sa kanya at syempre, sino pa nga ba ang may pasimuno ng lahat?

 

“Yieee! Isang kiss naman diyan kay birthday boy!” Hiyaw ni Tao na nakakadalawang serving na ng main course.

 

“Yun oh! Sige nga! Five seconds walang malisya!” Gatong pa ni Sehun.

 

“Omg kayo!” Bwelta ni Baekhyun sa dalawa. “Daig niyo pa mga lasing!” 

 

“Tss. Ba’t daw kasi kiss lang? Ang gusto ni Baekhyun, momol!” Pambubulgar ni Kyungsoo.

 

“MOMOL! MOMOL! MOMOL!”

 

“Ah momol pala ah? Eh kung kayo kaya magbayad niyang mga kinain niyo?” Pagtataray na ni Baekhyun.

 

Natigil na sa pang-aasar ang lahat pero ang pamumula ng mga pisngi ni Baekhyun ay nanatili hanggang sa natapos ang gabi.






Things really couldn’t get any better because before they knew it, lighting ceremony na pala. Pinaghandaan ni Chanyeol ang araw na ito. Pinaghandaan niya in a sense na nag-ipon siya ng lakas ng loob.

 

Balak niya kasing ayain si Baekhyun bilang date niya for paskuhan. At sa paskuhan, well, if all things go according to plan, ilalahad niya na ang intensyon niyang manligaw.

 

Naghahanap sila ni Baekhyun ng magandang pwesto kung saan pwede nilang mapanood ang pagbubukas ng mga ilaw. Masyadong maraming tao sa may lover’s lane, gayun din sa may arch of the centuries at sa monumento ni Benavides. Kaya naman para hindi sila mawalay sa isa’t isa, hinawakan niya ang kamay ni Baekhyun at ginabayan ito paalis sa mataong lugar.

 

It felt right. Baekhyun’s hand in his… it really felt right.

 

Ayaw niya nga sanang pakawalan eh.

 

Kaso nang may makasagi kay Baekhyun, nabitawan niya ang kamay nito. Nagkalat din ang mga papel sa nahulog na binder ng binata kaya agad niya namang tinulungan itong magpulot. Mabuti na lang at may mga pangalan ito ni Baekhyun, pati ang isang listahang pumukaw sa kanyang interes.

 

 

 

OPLAN: Akitin si Chanyeol Park
by Baekhyun Byun

 

Table of Contents

I. Magpakilala kay Chanyeol

II. Kilalanin ang Target si Chanyeol

III. Kaibiganin ang mga Kaibigan ni Chanyeol

IV. Patawanin o Pangitiin si Chanyeol

V. Ipagluto si Chanyeol (pls self mag practice ka na)

VI. Magpaganda para kay Chanyeol (wews basic!)

VII. Suportahan si Chanyeol

VIII. Kantahan si Chanyeol (patulong tayo kay soo sksksk)

IX. Protektahan si Chanyeol makipagbardagulan kung kinakailangan

X. Makinig kay Chanyeol (always be there for him)

XI. Magtapat ng Nararamdaman kay Chanyeol

XII. Date Chanyeol Park (BAWAL MAG-BREAK!!!)

 

 

 

Napasimangot siya nang mabasa ang nilalaman ng papel.

 

Bakit may ganito? 

 

“Plinano mo lahat ng ‘to? Lahat ng nandito sa listahan na ‘to?” Naghihinagpis niyang tanong sa binata.

 

Hindi niya maintindihan. Bakit may ganitong listahan si Baekhyun? Bakit… Bakit parang pinaglaruan siya? Hindi ba totoo lahat ng pinapakita sa kanya ng binata? Lahat ba ng ‘yon ay bahagi lang ng listahan na ‘to? Ng OPLAN na ‘to?

 

Hindi nakapagbigay ng malinaw na sagot si Baekhyun.

 

"Pinagkatiwalaan kita, Baek." Naluluhang wika niya rito. "Akala ko iba ka."

 

And with that, tumalikod siya at naglakad papalayo, dala-dala ang puso niyang hindi niya pa man naibibigay ay winasak na ni Baekhyun Byun.





 

“Luh, ‘wag ka ngang KJ! Pumunta ka na dali!” Pangungulit sa kanya ni Jongdae. Naglalakad sila sa hallway ngayon, katatapos lang nila ipasa ang fresh from the oven finals plate nila sa isang major.

 

“Ano namang gagawin ko dun?” Mapait na tugon niya. “Ayoko, matutulog na lang ako.”

 

“Ay, hala siya oh. Halatang may iniiwasan~” 

 

“Teka nga.” Putol ni Chanyeol sa kaklase, dahilan para matigil din sila sa paglalakad. “Hindi porket tinulungan kita kay coach Minseok pwede mo na ‘kong ganyanin ha?”

 

“Anong ‘ganyanin’? Wala ‘kong alam sa sinasabi mo.” Pa-inosenteng tugon ni Jongdae. 

 

“Ayan—yung pang-aasar mo!”

 

“Tss. Whatever, nabasted ka lang sumungit ka na ulit.”

 

Nagpatuloy sa paglalakad si Jongdae at si Chanyeol naman ay nanatiling nakasunod sa kanya. Ayun, nakasimangot na naman.

 

“Hindi ako nabasted.” Mahinang wika niya pero apparently, narinig ito ng chismosong kaibigan.

 

“Weh? Kung ‘di ka nabasted edi ano? Nang-ghost ka?” 

 

“I… nevermind. Ba’t ba ‘ko nagpapaliwanag sa’yo?”

 

Papalabas na sila ng Beato nang bumuntong hininga si Jongdae at nilingon siya. “Okay fine. Pumunta ka man o hindi, ikaw bahala. Pero Chanyeol, paalala lang ha? ‘Wag mong hayaang masayang ang lahat dahil lang sa maling akala.”

 

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.

 

“Mahal ka nun.”  Diretsong sabi ni Jongdae. “Teka, mag ne-name drop na ko para malinaw sayo. Mahal ka ni Baekhyun. Nakikita naming lahat yon. Ikaw na lang yata ang hindi.”

 

“Mahal?” Sarkastikong tugon niya. “Bakit mo mamanipulahin ang nararamdaman ng taong gusto mo?”

 

Umismid si Jongdae sa narinig. 

 

“Grabe ‘yon.” Komento nito. “Pero sure na ba yan? Sure ka bang minanipula ka o ikaw lang nag-iisip niyan? Isipin mo nga, kung minanipula ka lang ni Baekhyun, bakit niya binalak na magconfess sayo nung lighting ceremony? Kung pinaglalaruan ka lang niya, bakit niya paghihirapang gawin ‘yang bracelet na suot mo kung pwede niya namang bilhin na lang?”

 

Naningkit ang mga mata ni Jongdae sa kanya. “At itong mas malala, kung ‘di ka mahal ni Baekhyun, bakit ka niya susulatan ng kanta?”

 

“Susulatan ng… Sinulat niya yon?!” Gulat na sabi ni Chanyeol.

 

“Bobo, oo! Sinulat niya ‘yon! Hindi mo ba hinanap sa internet?”

 

Hindi. Dahil matapos siyang sugurin ni Kyungsoo at ipakita yung video ni Baekhyun na nagpa-practice tumugtog, matapos niyang palihim na hingin ito kay Jongin, inaral niya lang yung chords sa pamamagitan ng pakikinig. Unang beses niya ngang tinugtog ‘yon noong araw na nagkausap sila ni Baekhyun. Kaya naman pala ganoon na lang ang reaksyon nito nang malamang alam niya ang kanta.

 

“Oh, ano, ‘di ka pa rin pupunta?” Nakangising tanong ni Jongdae.






Araw na ng paskuhan.

 

Napakaraming tao. Maraming thomasians, pero mukhang mas marami yung mga import na outsider. Sa bagay, maganda kasi yung line up ng mga banda this year. May mga special guests din kaya talagang hindi pinalampas ng madla ang paskuhan sa university.

 

Natagalan sa pagdating si Chanyeol dahil sinamahan niya pa ang papa niya sa follow up check up nito kanina. Dagdag pa na hindi na umuusad ang mga sasakyan sa U-belt kaya ang ending, naglakad na lang siya papuntang campus. Naharang pa nga siya kasi hindi niya mahanap yung ID niya. Mabuti na lang at naipit lang pala ito sa ilalim ng bag.

 

To: Sehun Oh

San kayo?

 

To: Jongdae Kim

San kayo?

 

Matapos ang ilang minuto na wala siyang natanggap na reply, tinawagan niya na ang mga kaibigan. Tinawagan niya na pero wala ring sumasagot kaya naman kahit imposible, nag-ikot siya sa campus para hanapin ang mga ito.

 

Actually kahit hindi naman sila.

 

Kahit si Baekhyun lang. Kahit si Baekhyun lang sana ang mahanap niya.

 

Ilang oras na ang lumipas at wala pa rin siyang natatanggap na text o tawag. Hindi niya rin nahagilap ang mga ito sa mga lugar na pinuntahan niya. Nakalubog na ang araw at unti-unti nang nauubos ang mga set. 

 

Halos patapos na ang event ngunit hindi niya pa rin nakakausap o nakikita man lang si Baekhyun.

 

Namahinga siya sa isang kalapit na bench, medyo napanghihinaan na ng loob. Paano kung huli na pala siya Paano kung tama si Jongdae? Na sinayang niya ang lahat nang dahil sa maling akala?

 

“Mahal ka nun. Mahal ka ni Baekhyun.” Naalala niyang sabi ni Jongdae. 

 

Wala na siyang ibang hiling kung ‘di sana totoo. 

 

Sana hanggang ngayon.

 

“Chanyeol?”

 

Agad siyang napatayo at napalingon sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. It was Sehun. Kasama nito ang kasintahang si kuya Myeon, at pati na rin sina Kyungsoo at Jongin.

 

“Si Baekhyun?” Tanong niya pagkalapit ng apat. “H-Hindi ba sumama si Baekhyun?”

 

Masama ang tingin sa kanya ni Kyungsoo ngunit hindi niya pinansin ito. “At bakit mo siya hinahanap? Aber?”

 

“Kailangan ko siyang makausap.” Desperadong tugon ni Chanyeol. “Please? Ako nang pupunta. Sabihin niyo lang sakin kung nasan—”

 

“Nasa grandstand si Baekhyun.” Putol sa kanya ni Sehun. “Nanonood siya sa mga banda. Nasa likod lang naman siya ng crowd kaya mabilis mo siyang makikita.”

 

Mabilis na nagpasalamat si Chanyeol at kumaripas ng takbo papunta sa field. Mas marami ang tao rito pero hindi siya pwedeng sumuko. Hindi niya kayang mawala sa kanya si Baekhyun.

 

“Ito pong sunod naming kanta ay para sa mga taong umiibig. ‘Di ba, pag nagmamahal ka, pipiliin mo yung taong ‘yon despite their imperfections. Pipiliin mo silang mahalin nang buo. We hope you all enjoy our song, Araw-Araw.”

 

Naghiyawan ang mga tao sa anunsyo ng susunod na kanta. Nahihirapan nang dumaan si Chanyeol sa dami ng mga tao pero hindi niya ito hinayaang maging hadlang sa paghahanap niya kay Baekhyun.

 

Umaga na sa ating duyan 

'Wag nang mawawala 

Umaga na sa ating duyan 

Magmamahal, oh, mahiwaga 

 

“Excuse po. Makikiraan lang.” 

 

Nakarating na si Chanyeol sa kabilang dulo ng field pero hindi niya pa rin nakikita si Baekhyun. Ang sabi ni Sehun ay nasa likod lang daw ito ng crowd. Hindi kaya lumipat na ito ng pwesto?

 

Matang magkakilala 

Sa unang pagtagpo 

Paano dahan-dahang 

Sinuyo ang puso? 

 

Nakipagsiksikan si Chanyeol makatawid lang sa dami ng tao. Nagsisimula na siyang kabahan. Nagsisimula na siyang mag-alala pero hindi pa rin siya tumigil. Tinuloy niya pa rin ang paghahanap kay Baekhyun.

 

Kay tagal ko nang nag-iisa 

And'yan ka lang pala 

 

And really, it was as if nadinig ng kalangitan ang hiling niya dahil sa wakas, natanaw niya na rin si Baekhyun. Mag-isa itong nanonood sa bandang tumutugtog. Malungkot at… tila nangungulila.

 

Mahiwaga 

Pipiliin ka sa araw-araw 

Mahiwaga 

Ang nadarama sa 'yo'y malinaw 

 

“Baekhyun!” Hinihingal na tawag niya dito.

 

Gulat naman siyang nilingon ng binata. Naistatwa ito sa kanyang kinatatayuan kaya si Chanyeol na mismo ang humakbang papalapit.

 

“Sa wakas, nahanap din kita.” 

 

Higit pa sa ligaya 

Hatid sa damdamin 

 

“A-Anong ginagawa mo dito?” Nag-aalangang tanong sa kanya ni Baekhyun. Hindi ito makatingin nang maayos sa kanya.

 

“Ikaw.” Diretsong sagot niya. “Nandito ako dahil sa ‘yo.”

 

Lahat naunawaan 

‘Sa lalim ng tingin

 

Nang marinig ito, nagsimula nang maluha si Baekhyun. 

 

“H-Hindi ba galit ka sakin?” Mahinang tanong nito. “Paanong…”

 

Marahang kinuha ni Chanyeol ang kamay ng binata at hinawakan ito. Pinisil niya rin ito, dahilan para tignan siya pabalik ni Baekhyun.

 

Mahiwaga 

Pipiliin ka sa araw-araw 

Mahiwaga 

Ang nadarama sa 'yo'y malinaw 

 

“Nandito ako dahil pinipili kita.” Malumanay na wika ni Chanyeol. “Gusto kita… hindi… mahal kita, Baekhyun. Palagay ko nga bago pa kita pinagbuksan ng pinto sa condo ni Sehun mahal na kita.”

 

“Matagal na kitang nakikita at napapansin. Matagal ko na ring gustong mapalapit sayo, sadyang in denial lang ako.” Tuloy ni Chanyeol. “At sinasabi ko to dahil gusto kong linawin na mahal kita, hindi dahil sa listahang ‘yan, kung ‘di dahil ikaw si Baekhyun.” 

 

Sa minsang pagbali ng hangin 

Hinila patungo sa akin 

Tanging ika'y iibiging wagas at buo 

 

Hindi na napigilan pa ni Baekhyun ang pag-agos ng kanyang mga luha. “I’m sorry, Chanyeol. I’m really sorry about the list. Hindi ko naman ginawa yun para paglaruan ka. Ginawa ko yun kasi… kasi gustong-gusto kita.”

 

“I admit naman na at first, I did it as a challenge. Hindi ko inexpect na totoong mahuhulog ako sa ‘yo kaya habang nagtatagal, ginagawa ko na sila kasi gusto ko. Gusto kong pinagluluto ka… Masaya ako pag napapangiti kita…” Paliwanag nito. “I’m really sorry for hurting you, Chanyeol.”

 

Payapa sa yakap ng iyong hiwaga 

Payapa sa yakap ng iyong... 

 

Hinila ni Chanyeol si Baekhyun at yinakap. Ang dami nilang pinagdaanan para lang makarating dito. Hindi naging madali, pero it was all worth it.

 

Baekhyun was worth it.

 

Mahiwaga 

Pipiliin ka sa araw-araw

Mahiwaga 

Ang nadarama sa 'yo'y malinaw 

 

“Chan?” Tawag sa kanya ni Baekhyun kaya saglit siyang lumayo para tignan ito.

 

“Hindi na ‘hatdog’?” Pang-aasar niya, na siyang sinimangutan naman ni Baekhyun.

 

“So epal! You ruined the mood!”

 

Tinawanan ni Chanyeol ang napaka-cute nitong ekspresyon. “Ano ba ‘yon?”

 

Mahiwaga 

'Wag nang mawala araw-araw 

Mahiwaga

 Pipiliin ka araw-araw

 

“Gusto ko lang sabihin na… pinipili din kita.” Nahihiyang sabi ng maliit na binata. “Pinipili kita at… mahal din kita, Chanyeol.”

 

Hinila niya papalapit si Baekhyun at hinalikan ito sa noo. Sapat na ang mga salitang iyon para kay Chanyeol.

 

Actually, sobra pa nga.

 

Sobra sobra pa nga.






OPLAN: Akitin si Chanyeol Park

 

Status: ACCOMPLISHED