Actions

Work Header

double trouble

Summary:

magkaiba man ng approach pero jowang-jowa na ang magbesties na si kyungsoo at baekhyun. enter jongin and chanyeol na bagong neighbors nila.

Notes:

hello!!

sorry, this took quite a while ;; ang dami lang naganap irl. pero finally!!! thank you for trusting me with your prompt and hopefully, nabigyan ko siya ng justice. please let me know what u think about the fic! <3

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

come, come, come, come

come into my heart

tell me darlin'

we will never part

i need you darlin'

so come go with me

hindi na nagulat si baekhyun nang may marinig siyang sniffles mula sa best friend na currently ay nakatalukbong ng kumot 'mama mary style' sa tabi niya.

nanonood kasi sila ngayon ng set it up, ang favorite romcom movie nila (read: si kyungsoo lang talaga) for the nth time that month. ewan din ba ni baekhyun, pero napapadalas ang rewatch nila ng pelikula dahil na rin siguro february ngayon at buwan ng mga puso.

at bilang mga bading (take note, bading pero hindi na virgin wink wonk) na kating-kati nang magkajowa, napapasunod na lang tuloy si baekhyun sa trip ng kaibigan slash roommate niya.

pero grabe, ang oa naman nito ni badette.

you would think hindi niya pa napapanood ng mga 1 million 10 thousand times ang movie kung makapag-inarte. eh sa katunayan, wala naman talagang kaluha-luha sa eksena.

because imagine.

kumakain lang naman ng pizza (na sobrang dry by the looks of it) ang main leads habang naka-indian sit sa floor with some cheesy music playing in the background. to be fair, maganda nga naman talaga 'yung kanta. very 'ang sarap-naman-itext-ni-ex-ngayon' vibes ang ginigive off. but the point is, hindi nga talaga kasi siya nakakaiyak.

mas maluluha pa siguro si baekhyun pag hinila ang burnik niya.

pero itong best friend niya, aba, kung maka-emote aakalain mong due na ang renta right there and then.

napabuntong hininga tuloy si baekhyun. "baks," tawag niya sa kaibigan na nagflinch pa nga upon hearing his voice. wow. horror movie bigla yarn?! "ano ba kasing nakakaiyak? 'yung ka-dry-an ng pizza o 'yung mamantikang bibig nung actor?" hindi naman sa nagninitpick pero halatang-halata naman kasi ang grease sa corner ng labi nito. instead tuloy na kiligin siya, parang gusto niya na lang kumuha ng tissue at ipahid 'yun sa bibig ni kuya pogi through the screen. anyway, buti na lang marupok siya sa mga gwapo. matic free pass tuloy kay—teka, ano nga bang pangalan ng paping 'to irl? nako, isesearch niya na talaga mamaya sa google ang biography ni actor nang mastalk at materrorize na ng kalandian niya sa instagram. chareng.

balik sa kaibigan niyang pinause pa ang pelikula pero hindi naman pinause ang pag-eemote.

"baek," panimula nito with a sigh. blotched na ang mukha ni kyungsoo pero thankfully, wala namang uhog na sumisilip. "i want that for me."

"ay wow, napaenglish na sa inggit?" pabiro niyang reply dito. tinitigan naman siya ng kaibigan na biglang nagbago ang aura. ang cute cute talaga nito eh. sala sa init, sala sa lamig. "eh kasi naman teh, dito pa lang umiiyak ka na. pa'no pa pag nasex ka na?" seryoso niyang tanong na nagpachoke kay kyungsoo kahit wala namang itong nginangata currently.

"baek!" angil ng best friend na may ipupula pa pala ang mukha. hindi tuloy mapigilan ni baekhyun na kurutin ang chubby at mapupula nitong pisngi. apakacute naman talaga. sayang pareho silang bottom. charot.

pero hindi talaga charot.

"bakit, hindi ba totoo? well, hindi naman kita masisisi since high school sweetheart mo pa 'yung huling karat mo." casual na comment niya na nagpawhine instantly sa kaibigan.

where is the lie naman kasi?

besties na sila high school pa lang at pinalad din silang makapasok sa parehong university. kaya naman napagdesisyunan nilang maging roommates na rin kahit labag pa sa loob ni kyungsoo dahil 'napakakalat mo talaga, baek!'

and since tight na tight nga sila (no pun intended), alam na alam ni baekhyun ang history ng lovelife ni kyungsoo and vice versa. well, mas marami nga lang siyang experience pero hindi naman nagpakabog si kyungsoo sa 2-year relationship niya with sehun oh, ang pinakasikat sa batch nila noon.

sa awkwardness nga ng kaibigan, medyo nagulat talaga si baekhyun na naharvat niya si sehun. pero sabi nga nila, kung sino pa 'yung mga tahimik—well, alam niyo na 'yan 101.9.

obviously, hindi nagpatuloy ang love story ng dalawa because of college. dahil come graduation, pretty much ay graduate na rin sila sa isa't isa. although mutual decision ito, it doesn't mean hindi ngumawa si kyungsoo ng ilang buwan. nakailang free tubs of ice cream kaya 'yan mula kay baekhyun. 'yung 1 liter pa ha. butas na butas talaga ang bulsa niya sa appetite ng kaibigan.

"don't worry," pag-aalo niya sa best friend na ngayon ay nakanguso pa sa kanya. tingnan niyo nga naman, magpapacute pa. inaabuso talaga 'yung karupukan ni baekhyun as a bestie eh. "makakahanap ka rin ng mas masarap pa kay sehun. sabay nating dasalan 'yang pizza gods." sabay turo niya gamit ang bibig sa scene na currently ay nakapause pa rin sa screen nila. ano ba 'yan, ito na ba talaga 'yung pinaka-appetizing na itsura ng pizza na 'to? todo na talaga? parang mas dry pa sa convo nila ng latest fling niya eh.

nagulat siya nang hatakin ng kaibigan ang braso sabay lean ng ulo nito sa balikat niya. napangiti naman si baekhyun dahil aliw na aliw talaga siya kapag naaactivate ang soft hours ng best friend. akala mo kasi koala kung makakapit eh.

not that he's complaining.

kinuha ni baekhyun ang remote at pinindot ulit ang play.

buti na lang talaga at ginagawa niyang pasttime ang pag-arte sa harap ng salamin kapag nagtootoothbrush siya.

at least masasabayan niya ang best friend sa pag-eemote over a pizza scene.

***

the next day, after ng classes ay nagtake out muna sila ng pagkain from one of their go-to food stalls around campus. bilang chef kasi ng friendship na 'to, medyo ngarag si kyungsoo today since 7:30 am pa lang ay may klase na siya.

wala na siyang energy magluto, please.

gusto niya na lang sumubo (again, no pun intended).

kaya naman as soon as makabalik sa dorm, sumalampak na sila sa maliit nilang dining table at sinunggaban ang siomai rice nilang binudburan ng sangkatutak na chili oil.

toyo, hindi na masyado dahil courtesy of baekhyun na 'yun.

nasa kalagitnaan sila ng chismisan at nguyaan nang mapatigil si kyungsoo bigla.

may tendency talagang maging dramatic si bading dahil binaba pa nga ang utensils niya while he's at it.

napakunot naman ang noo ni baekhyun sa kaibigan. "nauutot ka?" tanong niya rito which is hindi na surprising. suking-suki na kaya ang ilong niya sa aroma ng utot ni kyungsoo.

"naaamoy mo ba 'yun?"

baekhyun inhales and turns out hindi lang pala si kyungsoo ang dramatic sa pagkakaibigang 'to dahil napababa rin siya ng chopsticks as if makakatulong 'yun sa pag-amoy clearly ng kung ano mang naaamoy ng kaibigan niya ngayon.

"kumain ka ba ng pizza?" natatawang tanong niya kay kyungsoo na umiling naman agad in denial. "eh ba't amoy pizza utot mo?"

offended siyang tinitigan ng best friend bago ito tumayo sa pagkakaupo at lumapit sa door ng kwarto nila para ilapit ang tenga niya rito.

this time, napipick up na rin ni baekhyun ang tunog na obviously ay nanggagaling sa labas.

huh.

ba't parang nabuhay ata ang normally patay nilang corridor?

buti na lang talaga at walang nakakakita sa kanilang dalawa right now aside from the inanimate objects sa kwarto nila dahil best believe mukha silang tanga na nakacramp sa likod ng pintuan.

take note, dalawa lang sila pero ang sikip ha.

majority ba naman kasi ng space sinakop ng pwet ni kyungsoo. ano namang laban ng balakang ni baekhyun do'n, diba?

anyway, narerealize na rin ata ng best friend kung ga'no ka-idiotic ang pinaggagagawa nila dahil napastep back ito at napaclear ng lalamunan as if hindi siya ang nang-istorbo ng matiwasay nilang dinner.

"silipin na lang kaya natin?" offer ni kyungsoo sheepishly na napakamot pa nga ng ulo in embarrassment. tinawanan lang siya ni baekhyun bago nila buksan bahagya ang pintuan nila.

and boy, hindi na ata nila kailangang ipagpatuloy pa ang natitira nilang siomai rice.

because lord, busog na busog na po sila hanggang breakfast pa.

dumating na kasi ang bago nilang mga kapitbahay sa building na 'to and hindi naman nila ineexpect na ganito pala sila ka.. well, ka-sarap sa mata.

shutangina.

nginig talaga ang mga tumbong nila simultaneously.

and if hindi pa enough na mukhang model ng burlington brief ang new neighbors nila, may dala ring pizza ang mga ito which explains the smell and instantly ay may naalala si baekhyun.

"ayos pala 'yung pizza gods eh. bilis magrespond." he boasts with his whole chest. sa sobrang mangha nga sa sarili, napakabig tuloy siya sa best friend accidentally which turns out to be a wrong move dahil ang bilis ng mga sumunod na pangyayari.

one moment, hindi niya sinasadyang matulak si kyungsoo nang very, very light. and the next, halos sumemplang ang kaibigan sa sahig. as in naging otl emoji personified ang best friend niya bigla.

and since literal na kapitbahay lang nila ang mga bagong salta, nawitness din ng dalawang lalaki ang halos pagmouth-to-mouth ni kyungsoo sa sahig. mukha ngang balak pang tulungan ng mga ito ang kaibigan niya especially si moreno hottie but unfortunately, parehong occupied ang mga kamay at nagpuputukan nilang mga braso so they they can only stare in shock sa nakalahad sa harapan nila.

actually by the looks of it, mukhang hindi na rin naman nila kailangan dahil cinareer na rin ni kyungsoo ang posisyon niya sa floor. and knowing him, gusto na nitong magpalamon sa lupa. ang silver lining na lang siguro ng disaster na 'to ay ang unexpected opportunity ng best friend na i-display ang asset niya. parang gusto nga ni baekhyun tabihan ang kaibigan para ready na sila pareho eh. charot!

pero bilang hindi rin talaga siya prepared sa mga kaganapan, baekhyun ends up blurting out the first thing na pumasok sa utak niya bilang isang marites na pasmado ang bibig.

"dedicated lang talaga siya sa pagdadasal." ani niya with an awkward chuckle.

natawa naman do'n ang mas matangkad sa dalawa (at mukhang mas masarap. ma-dibs nga agad 'to mamaya) bago ito sikuhin ni moreno hottie at bigyan ng sympathetic look ang best friend na nakasubsob pa rin ang mukha sa sahig.

di bale, once matapos 'to ay hindi niya kakalimutang i-mention kay kyungsoo ang brief na paghagod ng mata ni moreno hottie sa pwet niyang nakatuwad.

that is, kung magawa niyang makaalis sa scene of the crime.

***

after that incident, hindi na rin alam ni kyungsoo kung pa'no siya humantong sa ganitong sitwasyon. one moment, nirerecount sa kanya ni baekhyun ang ganap habang halos i-momol niya na ang sahig. and the next, his best friend comes up with a plan para i-redeem ang image niya kay moreno hottie na according din sa kaibigan ay chinecheck out siya with malisya at some point no'ng nakatuwad siya.

hindi niya pa rin alam kung maniniwala siya ro'n because while yes, proud naman siya sa outcome ng weekly pilates sessions niya, hindi naman siya ang may confident booty shorts sa friendship na 'to. si baekhyun 'yun.

pero despite that, nagkaro'n ata ng sariling utak ang mga kamay ni kyungsoo (or pwet? he blames that sa pre-subsob period na nasaksihan niya ang godly looks ni moreno hottie) at sinunod ang plan ng best friend to redeem his image.

and that plan is to do something nice for their neighbors (well, specifically for moreno hottie dahil si baekhyun na raw ang bahala dumamoves do'n sa other guy).

and by nice, that would mean putting his baking skills to use. kung meron kasing bagay na magaling si kyungsoo aside sa unintentionally na pagpapahina sa mga lalaki with just one look, 'yun ang pagluluto as a whole.

kaya naman no'ng sinuggest ng best friend na magbake ng brazo de mercedes cups para kay moreno hottie, kyungsoo ends up agreeing with a nod at pinrepare agad ang ingredients the next morning bilang sa hapon pa ang klase niya compared kay baekhyun na occupied ang buong umaga.

medyo kinakabahan tuloy siya dahil wala si baekhyun to back him up pero isang "sarapan mo, baks! dapat yung kasing sarap niya ;)" text from his best friend is enough para maactivate ang inner hoe niya na sa dating apps niya lang usually nauunleash.

so while filling the meringue cups with the custard mixture, pinapractice niya na sa utak ang sasabihin kapag kumatok na siya next door.

hindi naman siguro mahirap magpakilala, 'no?

and wala na naman sigurong safety hazards do'n. sobrang malas niya naman ata kung masusubsob siya ulit.

pero just to be sure dahil mahirap na at baka mapagtripan na naman siya ng kung anong kamalasan gods meron out there, 'yung pinakaflat na tsinelas ni kyungsoo ang isusuot niya. baka kasi instead na maredeem ang image, baka mapaalsa balutan siya ng wala sa oras.

so before he knows it, napack niya na ang goods at nakapagshower na rin siya. nagspray rin siya ng konting pabango dahil baka may remnants pa ng itlog sa katawan niya. hindi niya na bibigyan ng reason si moreno hottie para maturn off sa kanya, 'no.

ayaw niya namang i-repel nang tuluyan ang gwapong neighbor.

kaya naman when he gathers enough courage para isakatuparan ang plano, lumabas na siya sa kwarto nila and walks towards their neighbors' front door.

madalian niyang nirecite ang sasabihin sa utak before he takes a deep breath and—

the door suddenly opens.

bukang-buka nga ang pag-welcome nito na kitang-kitang ng malalabong mata ni kyungsoo in 1080p quality ang sight na tumambad sa kanya.

which is ang mamasa-masang dibdib ni moreno hottie.

napalunok tuloy siya unconsciously because wow, kakashower lang?

sa sobrang taken aback, hindi tuloy namalayan ni kyungsoo na naglalakbay na pala ang mga mata niya at nakafixate na sa towel na nakawrap loosely sa lower body ng kapitbahay.

he only snaps out of it nang may marinig siyang ubo coming from the other guy.

"okay ba 'yung view?" natatawang tanong ni moreno hottie.

shit.

halos mamutla ang mukha niya in realization because did he just get caught staring at his neighbor's body like a creep?!

fuck.

this is so not good.

whatever happened sa pagreredeem ng image?

he's about to panic and hightail it out of there nang pigilan siya ng kapitbahay with a gentle touch sa forearm niya.

halos manginig nga siya sa sudden zap of electricity na nacause no'n in just a snap.

"joke lang." says the other guy carefully. 'yung expression niya, parang ingat na ingat na hindi mataboy si kyungsoo.

my god.

sa'n ba pwedeng magsalamin para macheck ang mukha niya right now?

napaclear tuloy siya ng lalamunan, trying to appear as if wala siyang ginawang karumal-dumal sa neighbor nila.

lord, sorry po.

in your face na in your face naman kasi 'yung dibdib ng lalaking 'to at saktong nakasalamin pa si kyungsoo so even the pores ay klarong-klaro.

medyo lutang pa rin ata talaga si kyungsoo dahil hindi niya maiwasang mapasulyap pa rin sa nagpuputukang pecs ng kapitbahay. "b-braso?" he mutters dazedly, obviously still out of his mind.

as soon as lumabas 'yun sa bibig niya ay nagsink in din almost instantly ang meaning nito kaya naman this time, nagpanic na talaga si kyungsoo.

at kapag nagpapanic siya?

hinahayaan niya nang magtake over ang nerves niya completely.

which is why hindi na nakakagulat na napadausdos niya ang brazo de mercedes cups directly sa dibdib ng kapitbahay (he couldn't help but note na nasakto pa ang custard filling sa nipples nito).

at sa sobrang embarrassment na rin, hindi na hinintay ni kyungsoo ang reaction ng lalaki before he bolts pabalik sa kwarto nila.

as soon as masara niya ang pinto at mapalean sa likod nito, napatulala na lang siya because of course, of course he'd find a way para ipahiya na naman ang sarili.

kyungsoo groans.

strike two na.

***

once makarecover sa earlier disaster, kumain na muna ng lunch si kyungsoo dahil kahit naman napahiya na naman siya nang malala, hindi naman 'yun enough para magskip ng kahit anong meal. isa pa, pabalik na rin naman si baekhyun after his morning classes so he'd have someone para ngawaan finally.

natext niya na rin sa best friend ang nangyari so hindi niya na kailangan i-recount step-by-step ang failure niya.

so as soon as pumasok ang kaibigan sa kwarto nila (hindi pa nga nabababa nito ang bag na dala), hinila niya na agad ito sa couch at sumubsob sa balikat nito with an embarrassed whine.

"there, there." comfort ni baekhyun sabay pat sa ulo niya like a pet. any other day, itataboy ni kyungsoo ang kamay ng kaibigan pero hiyang-hiya siya sa ganap today that he doesn't even bother doing that. "ba't kasi sa utong mo pinakain 'yung dessert? konting taas na lang beh, sakto na sa bibig." pagpapatuloy pa nito which doesn't help his case at all.

kailangan talagang i-in your face pa?!

kyungsoo whines some more sabay subsob ulit sa balikat ni baekhyun. his friend just lets him be which he's eternally grateful for.

"by the way, baks." ani baekhyun to which kyungsoo hums in response.

by the sounds of it, may tinetext ang best friend but the smaller man doesn't bother looking up dahil ganyan talaga ka-annoying ang kaibigan when it comes to kaingayan. from his chewing noises hanggang sa keypad ng phone niya, walang space ang silent feature for that. so wala namang no choice si kyungsoo but to put up with it dahil mabait siyang best friend. or so he thinks.

"masyado bang maaga para makipagsext?"

muntik nang mabilaukan si kyungsoo kahit wala namang laman ang bibig niya as he throws his best friend a disgusted look.

"kinikiss mo ba talaga sina tito at tito with that mouth?" scandalized na comment niya kay baekhyun. nagsmirk lang ang kaibigan as he gives kyungsoo a sleazy look.

"hulaan mo kung sinong kausap ko."

kyungsoo rolls his eyes but still ends up asking. "sino?" as far as he knows, wala namang kalandian ang best friend niya dahil kung meron man, siya ang unang makakarinig no'n. walang duda at pag-aalinlangan 'yan, okay. and hindi ba kahapon lang nagdibs pa nga siya sa kasama ni moreno hottie—

halos mapagasp si kyungsoo in realization. "don't tell me?!"

nagwink lang si baekhyun in response and parang gusto ni kyungsoo manakal.

because while yes, ang best friend niya ang confident gay sa friendship na 'to in all aspects, it doesn't mean hindi naiinggit si kyungsoo nang very, very light ha. because gusto niya rin naman matutunan ang effortless moves ng kaibigan when it comes to flirting.

si kyungsoo kasi masyado talagang pabebe. i mean, he tries pero most of the time ay nauuwi lang sa sakuna (si moreno hottie ang living example obviously).

napagroan na naman siya because hopeless.

sobrang hopeless niya na talaga as a bading na jowang-jowa na rin.

najinx siguro siya after that 2-year relationship with sehun, 'no? ang aga naman kasi niyang kumerengkeng kaya siguro pinupunish siya ng poong maykapal ngayon.

"don't worry, beh." baekhyun pipes up. may glint sa mga mata nito that screams all kinds of warning bells but kyungsoo listens anyway. ano pa bang mawawala sa kanya at this rate, diba? "may isa pa tayong plano para i-wrap sa chubby little hintuturo mo si jongin."

ha?

"jongin?" confused niyang tanong.

naparoll ng mata ang best friend at kinurot siya sa tagiliran. "si moreno hottie, baccla. sino pa ba?"

oh.

jongin.

pati pangalan niya ang sarap naman.

ang sarap sabihin, wag kayong ano jan.

kyungsoo sighs before facing his best friend with an expectant look. "ano na naman 'yan?"

baekhyun devilishly smiles bago lumapit sa tenga niya at bumulong.

here we go, danger.

***

normally pag weekends, kyungsoo sleeps in. automatic na 'yun usually. pero not today because he is a man with a mission on a rainy saturday morning.

pero ano nga ba ang mission?

well, pwede bang 'yung short shorts at oversized shirt na lang niya ang mag-explain bilang 'yun ang outfit niya today?

joke lang.

according to baekhyun kasi na originally ay galing kay chanyeol, jongin tends to jog every morning at walang exception do'n maliban na lang kung may humahagupit na bagyo.

medyo naglet-up na naman ang ulan today which is a relief dahil hindi naman ata keri ni kyungsoo kung kailangan niya ring problemahin 'yun on top of being up and about at 6 in the morning on a weekend.

so obviously ang plan is magpapansin kay jongin.

to give him an impression na masipag din palang magjog si kyungsoo when in reality ay tumatakbo lang talaga siya pag hinahabol siya ng aso.

supportive naman ang best friend dahil gumising pa 'to for a bit para halikan siya sa bunbunan and wish him all the luck that he could possibly get.

hindi naman malayo ang park kaya nakarating din si kyungsoo sa lugar in no time. he makes sure dala-dala niya ang pabaon ni baekhyun na water spray para raw may pawis effect pa. hindi naman nag-argue si kyungsoo do'n because tama. there's no way magpapakadugyot siya for real, 'no.

hindi rin naman matagal ang paghihintay niya dahil natanaw niya rin si jongin kaagad thanks to his prescription glasses.

kaya naman he starts getting to work at nagjog na in place bago umusad paunti-unti. just enough for the taller man to catch up. hindi niya rin kinalimutang magspray ng fake pawis sa mukha at leeg. again, just enough para magmukhang matagal-tagal na siyang nagjojog.

patay malisya si kyungsoo when he hears and feels the nearing presence of his neighbor sa likod niya. kunwari walang alam. kunwari hindi talaga sinadyang gumising na pagkaaga-aga para lang magpapansin sa potential jowa.

works like magic, according sa best friend niya.

so nang maramdaman na sobrang lapit na ng lalaki, medyo nagsideview si kyungsoo para marecognize siya.

mukha namang nagwork because he hears his name being called out almost immediately.

wait.

pa'no niya nalaman 'yung pangalan ni kyungsoo?!

pero wala na siyang time para pag-isipan 'yan because he faces the taller man with surprise etched on his face. again, fake lang 'yan. of course he should look the part.

"uy, neighbor, hi! sorry, anong name mo ulit?" tanong ni kyungsoo with an innocent chuckle. nginitian naman siya ni jongin bago ito tumigil sa harap niya.

"jongin." sabi nito with an outstretched hand.

oh my god.

kahit kamay niya ang perfect.

syempre iggrab ni kyungsoo ang opportunity na 'yan without hesitation. he knows baekhyun would be proud of him. himala nga hindi siya nagstustutter eh.

"hi jongin." bati niya with a smile as he shakes the offered hand. wow. soft pero calloused din at the same time. saktong-sakto sa hhww. pero syempre ayaw niya namang magmukhang desperada kaya nilet go niya rin kaagad ang kamay nito. jongin looks a bit disappointed pero baka imagination niya lang 'yun.

"nagjojog ka rin?" jongin asks instead. nakawifebeater ito at joggers and kyungsoo tries so hard na hindi sumulyap sa hindi dapat sulyapan. kaya naman he keeps his stare sa mukha at mukha ni jongin alone.

"ah, oo. pero patapos na ko eh. mga 5:30 pa kasi ako nagstart." palusot ni kyungsoo. syempre hindi siya tatakbo, 'no. okay na 'yung nakita siya ng kapitbahay dito. what jongin doesn't know won't hurt him.

nagulat siya when the other guy's face lights up at this. "sakto, nagfifinish up na rin ako. sabay na tayo bumalik sa building?" offer nito with his makalaglag panty smile.

gustong magtatalon ni kyungsoo bigla because finally, mukhang successful nga ang attempt na 'to.

ni hindi niya nga naisip na masyado naman atang maaga para matapos ito eh parang kakasimula niya lang?

anyway, ipagluluto niya talaga ang best friend ng paborito nitong mga ulam for a whole week.

nagnod siya eagerly kay jongin in response before they head sa direction ng park exit.

meron nga lang hindi naanticipate si kyungsoo.

since umulan nga at medyo basa pa ang daan, syempre meron ding mga puddles sa tabi ng driveway.

at bilang ang swerte swerte niya as a person, hindi pa rin pala siya safe after what he thought was a successful plan.

dahil as soon as makalabas sila ni jongin, merong humarurot na van sa harap nila at sino pa nga ba ang matatalampsikan ng dirty water?

syempre hindi si jongin.

naging background noise na nga lang ang pagcall out ng kapitbahay sa driver ng van dahil sunod-sunod na failure lang ang nareregister ng tenga niya right now.

and so he runs.

***

aside from the fact na napatakbo talaga si kyungsoo today which makes him want to sob sob, nagregister lang sa kanya na iniwan niya ang kasama without notice nang makarating na siya sa safety ng kwarto nila ni baekhyun.

and if hindi pa enough 'yun, he's surprised to see his best friend awake na nakikipagharutan na kay chanyeol.

hindi ba kakatulog lang nito ulit kanina?

mukha na sigurong constipated si kyungsoo because he sees baekhyun signalling chanyeol para lumabas muna and urges him to come closer.

"anong nangyari sayo?" tanong ni baekhyun carefully.

kyungsoo sighs before burying his face sa kamay niya. thankfully, damit niya lang ang nadumihan sa wisik disaster niya kanina.

"siguro dapat naging straight na lang ako." saad niya pathetically.

when he hears a snicker coming from his best friend, napaglare siya rito instantly.

"sure ka?" natatawang tanong nito sa kanya. "pagpapalit mo 'yung burat?"

at that, nakatikim ng hampas si baekhyun sa braso pero deep inside, kyungsoo thinks totoo naman.

bakit ba kasi ang hirap lumandi successfully?

nang i-cage siya ng kaibigan sa isang embrace, kyungsoo lets himself be pliant at napabuntong hininga na lang.

"bukas." baekhyun reassures him. "i-ready mo pilates outfit mo."

kyungsoo groans because deep inside, payag na naman si baccla.

***

the next day, ang plan naman nila is sa afternoon pa. hapon pa raw kasi ang usual schedule ni jongin sa gym so mahaba-habang pep talk ang naganap courtesy of baekhyun.

grabe.

kapag ito fail pa rin, baka tuluyan na talagang mag-alsa balutan si kyungsoo at tumira somewhere else with a new identity.

when he voices this out loud, hineadlock lang siya ni baekhyun while berating him for his negativity.

kaya naman come afternoon at ready na si kyungsoo in his pilates outfit (tight fit shirt and leggings lang naman but enough to show off his assets), he takes a deep breath sa harap ng mirror.

nakaakbay naman sa kanya si baekhyun who's standing beside him at pinat ang shoulders niya repeatedly.

"repeat after me." pagdedemand ng best friend. nakatingin ang reflection nito sa kanya determinedly which makes kyungsoo swallow a nervous lump sa lalamunan niya.

"repeat after me." sunod naman niya obediently.

napafacepalm ang kaibigan dito at minaneuver na lang siya sa direction ng pinto nila.

"let the peaches do the work." advise nito sa kanya at napatango na lang si kyungsoo in response.

isang sign of the cross muna bago sumugod sa digmaan.

as soon as mabuksan niya ang pintuan, though, halos mapastep back siya sa sight na tumambad sa kanya.

because in front of him is jongin na awkwardly nakangiti sa kanya at napakamot embarrassedly sa batok nito.

may silence ata ng ilang seconds dahil naistorbo lang ang moment nila nang mag-appear ang best friend sa tabi niya bigla.

"sakto, nagtext na si chanyeol! bye friends!"

hindi na nga sila nito binigyan ng time to respond dahil kumaripas na ng takbo ang kaibigan but not before throwing kyungsoo a sleazy wink. may obscene gesture pa nga itong ginawa but the smaller man couldn't be bothered dahil expectant pa ring nakatingin ang kapitbahay sa kanya.

"uhm, jongin? bakit ka nandito?" tanong niya hesitantly. hindi pa nga niya nasisimulan ang plano mukhang fail na agad. lord, gano'n ba kamuhi-muhi si kyungsoo?

jongin lets out an embarrassed chuckle kaya naman lalo siyang naconfuse. hindi niya tuloy nanotice ang mabilisang paghagod ng mga mata ng lalaki sa figure niya.

"nag-order kasi ako ng pizza. invite sana kita?"

oh my god, wait.

kyungsoo suddenly feels his pulse picking up dahil ito na ba?

lord, ito na ba ang set it up moment ng short life ni kyungsoo?

mukhang ito na nga talaga dahil nang magnod siya dazedly sa kapitbahay at i-lead siya nito sa unit nila ni chanyeol (which he notes ay malinis, to his relief), nagvibrate lahat ng pwedeng magvibrate sa sistema niya.

grabe. ito na talaga ang pinaka-proud bff moment ni baekhyun when he finds out.

wholesome lang naman sila as they munch on pizza habang nanonood ng romantic comedy film sa tv ng dalawang kapitbahay. sometimes jongin would ask him questions and gano'n din naman siya. getting to know each other ba.

ano ba 'yan.

sobrang basic lang naman ng ginagawa nila pero kilig na kilig na agad si kyungsoo.

ganito ba talaga pag sobrang tigang na tigang na?

kulang na nga lang ay background music para makumpleto na ang set it up experience niya. pero marami pa naman silang time do that. hopefully soon.

sobrang absorbed nga ata nila sa little bubble nila na hindi nila nanotice ang pagbukas ng pinto at pagplop ni baekhyun at chanyeol sa tabi nila almost an hour later.

"sa wakas, makakatikim na rin ng libre kay jongin." comment ni chanyeol sabay kuha ng pizza sa box habang si baekhyun naman ay sinabayan ang kaharutan by biting on the other end of the same slice.

cue sharlene san pedro's 'wow, sumasapaw!' viral meme.

natawa na lang sila ni jongin while making space para sa mga kaibigan nila. they make sure magkatabi pa rin silang dalawa, though.

at the end of the movie nang i-excuse ni kyungsoo ang sarili para maghugas ng kamay sa small kitchen ng mga kapitbahay, nagulat siya nang sumulpot ang best friend sa tabi at sinundot siya sa tagiliran.

"sabi sayo never give up eh." sabi nito with a proud tone in his voice. kyungsoo bumps his hip against baekhyun's sabay hook ng braso niya sa elbow nito.

"thank you."

"hindi pa tayo tapos." counter playfully ng best friend sa kanya as sly grin appears sa labi nito. "may next plan pa tayo."

kyungsoo raises an eyebrow, confused. "para sa'n?"

may silence for about 10 seconds before baekhyun continues.

"para sa karatan."

seems like hindi pa tapos ang kamalasan streak ni kyungsoo because napachoke na naman siya sarili niyang laway but this time, to the rescue agad si moreno hottie as jongin offers kyungsoo a glass of water in no time.

actually, nevermind.

it's not so bad after all.

Notes:

i'm still open to commissions :) you can check my pinned tweet on twitter @ dyokoyaki

Series this work belongs to: