Actions

Work Header

sparks fly as we begin again

Summary:

isang kwento kung saan pinilit lang si Mark at Haechan na pumunta sa blind date na sinet-up ng mga kaibigan, sino mag-aakalang isa 'to sa magiging hakbang patungo sa kanilang pagsisimula muli.

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

A chill Saturday afternoon spent inside the comfort of his home. Just sitting on his newly bought recliner chair while sipping some coffee. That’s what it’s supposed to be.

 

“Mark, listen. You just have to agree to this one date.” Sabi ni Renjun sa kanya, holding his one finger up sa tapat ng mukha ni Mark.  The whole week is full of his friend’s tireless persuasions. Literal na “ everywhere ” si Renjun dahil hindi niya talaga tinitigilan si Mark tungkol sa blind date na ito. 

 

“The answer is still the same, Renj. Hindi ako pupunta, ayoko.”

 

“Give me one good reason then.” The smaller of the two crosses his arms as if challenging Mark. Alam ni Mark na walang sapat na rason para kay Renjun at wala rin naman siyang mabigay na rason kung hindi ayaw niya lang talaga.

 

“Wala ka bang ibang pupuntahan? ‘Di ka ba hinahanap ni Yangyang?” Tanong niya, sinusubukang ilihis ang usapan. Malayo sa blind date na ‘yan. 

 

“Mark, you know very well na wala yung jowa ko dito sa Manila kasi siya magchecheck ng site diba? Ikaw nagpadala sakanya sa Laguna diba?”

 

“Sana pala sumama ka nalang.” Bulong ni Mark habang minamasahe ang sentido niya bago pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig. 

 

“Mark, seryosong usapan nga. Nakamove-on ka na naman diba?” Mahinahon ang boses ng kaibigan at puno ito ng pag-aalala. Umupo ito sa stool na katabi nung kay Mark.

 

Matagal bago siya nakasagot dahil inisip pa niyang mabuti. Mahaba at magulong relasyon din yon pero minahal niya rin naman ng sobra kaya nga sila nagtagal e kasi sa tuwing nasasaktan na siya yun ang palagi niyang dinadahilan sa sarili niya.  Favorite line niya yung wala e, mahal ko talaga. Noon.

 

“Yes, I have moved on.”

 

“Then why don’t you try again?”

 

“It doesn’t mean na kapag nakamove-on na ako, I’ll go find someone else already. I’m still scared, you know.” Humina ang boses ni Mark ngunit hindi nakatakas sa pandinig ni Renjun ang huling sinabi nito. 

 

“Not everyone is like her . She is a shitty person for treating and breaking you like that. You keep that in mind, Mark. Okay? If hindi ka pa talaga ready then I’ll just tell my friend na busy ka pala on that day.” Inakbayan ni Renjun si Mark at tinapik ang balikat nito. 

 

“Wait… sinabi mo bang umoo ka na?” Tumaas ang boses ni Mark upon the realization.

 

“Because it’s my friend! Actually, bestfriend ng friend ko. Tsaka akala ko din bibigay ka sa persuasion skills ko.”

 

“Renjun.” Sinamaan siya ng tingin ni Mark kaya napa-peace sign nalang ang nakababata.

 

“Okay lang talaga sasabihin ko nalang.” Kinuha na ni Renjun ang phone niya upang imessage ang kaibigan niyang si Jaemin. 

 

“I’ll just go. One date lang naman ‘to diba?” He agreed kasi ayaw niyang may umasa sa wala. He doesn’t want anyone to feel the same thing he felt during those years. 

 

“Omg, omg. Yes, just this once lang talaga.”



“Haech, ngayon lang naman! Kesa palagi kang nakakulong dito sa condo mo diba? Ilang buwan ka nang ganyan simula nung magbreak kayo ng gagong ‘yon. Tarantado siya, bwiset siya!” Pag-momonologue ni Jaemin bago siya tumalon sa kama ng kaibigan.

 

“You’re so loud. Nanonood ako diba?” Umirap pa ito bago ibalik ang atensyon niya sa Crazy Rich Asians na pinapanood niya for the nth time this year. 

 

“Eh kasi naman, ayokong nakikitang ganyan ka. Para ka ng matanda kung mamuhay! Daig ka pa nga ata ng lola ko, siya may mga amigang kinikita sa labas pero ikaw! Nandito ka lang sa condo mo kung hindi ka pa namin pinupuntahan dito ni Jeno ay baka wala ka na talagang ibang nakikita.” 

 

“OA mo, I still go sa office at least thrice a month para magpakita sa tatay ko at para umattend ng meetings. Ano ba gusto mong gawin ko? Mag-bar? Alam mo namang hindi ko hilig ang ganon ever since.”

 

“Ang ibig kong sabihin ay go meet new people. Hindi pwedeng yung tarantado mong ex ay pakalat-kalat kung saan-saan tas ikaw na wala namang ginawang mali nagkukulong dito. Samantalang dati, ikaw pa nag-aaya samin palagi na mag-roadtrip kahit kulang nalang bumagsak na kami ng jowa ko sa pagod.”

 

“A lot has changed, Jaem. It’s hard to be the same again, alam mo yun. I was so careful in choosing, kahit sa friends diba kasi ganon ako pinalaki and that one time na nagpapasok ako ng iba, ginago pa ko.” 

 

“Kaya nga kita tinutulungan diba? If it doesn’t work out, edi sasapakin ko kung sino man yung sinasabi ni RJ. But try mo lang kasi medyo pumayag na kasi ako tapos pumayag na rin daw. You wouldn’t want to ditch someone right?”

 

“Tangina ka talaga, Jaemin. May magagawa pa ba ko kung umoo ka na?” Sa inis ay sinipa ni Haechan ang kaibigan hanggang sa mahulog ito sa kama at kumalabog sa carpeted floor ng kwarto niya.

 

“Ano yun?” Inuluwal ng pinto ang nagmamadaling si Jeno kung kaya’t naabutan niya ang nobyo sa sahig.

 

“Ah ikaw lang pala. Kain na tayo.” Pabirong sabi ni Jeno kung kaya’t napahagalpak ng tawa si Haechan at nagsimula ng magmaktol si Jaemin bago pa ito tulungan ng jowa niya.



Ngayong linggo, ang free time lang ni Mark ay Wednesday afternoon at naniniwala si Mark na Renjun used his knowledge sa schedule niya dahil saktong-sakto talaga ang oras ng out niya sa trabaho with the added travel time pa sa scheduled time ng blind date. 

 

“Mark, sabi pala ni Boss RJ wag ka daw malelate ha and enjoy din daw.” Sabi ni Yangyang sakanya na nakadungaw sa pinto niya na mayroong malaking ngiti sa labi. 

 

“Alam mo ikaw, ako boss mo pero si Renjun tinatawag mong boss.” Pagrereklamo ni Mark. 

 

“Ganun talaga, Marl Kee! Alis ka na dali tapos papogi ka like me.” Habol pa ni Yangyang bago ito tuluyang umalis sa pintuan ng opisina niya. 

 

Tinignan tuloy ni Mark ang sarili sa salamin. Pogi naman siya pero masyadong pormal ang suot niya para sa coffee date kung kaya’t hinubad nalang niya ang polo niya at kumuha ng damit sa isang drawer niya sa opisina na nilalagyan niya ng mga pamalit. Puting t-shirt na may Spiderman print at jeans na mas komportableng pambaba kesa sa slacks. At ibinababa niya rin ang buhok niya na kanina’y medyo malagkit pa dahil sa gel. This casual look of his is something his ex hates and nitpicks every time. So , maybe through this he could also repel whoever he’s gonna meet today. 

 

Habang nasa sasakyan ay wala na siyang ibang ginusto kung hindi tumakas at umuwi nalang pero that isn’t an option dahil alam niya ang aabutin niya kay Renjun pag ginawa niya ‘yon. Kaya pinagdadasal niya na sana hindi malate ang imemeet niya, it’s not that ayaw niya ng late in fact, sanay na sanay na nga siya maghintay. He even waited for almost two hours in a restaurant just to get ditched after and it’s still okay for him.

 

Nang makarating siya sa cafe, 15 minutes early , ay wala ng parking sa tapat nito kung kaya’t sa katabi nitong establishment nalang siya nagpark. The moment na makalabas siya ng kotse ay namamawis ang kamay niya sa kaba. When he decided to enter the cafe, sakto namang may kasabay pa siyang magtulak ng pinto, ngunit hindi ito tuluyang bumukas.

 

“Mga sir, pull po kasi yung nakalagay.” Sabi nung guard na nakatingin sa kanila. Nagkatinginan sila nung katabi niya na nagpipigil ng tawa.

 

“Oh sorry po kuya.” 

 

The guy pulled the door open and Mark followed suit. Lumapit sa kanila ang isang staff para tanungin kung may reservation sila. The guy was clad in black pants, white shirt, and a leather jacket. Ang masasabi lang ni Mark ay sana all kayang ipull-off yung ganyang style.

 

“Yep, reservation under Renjun Huang.” 

 

“Mine’s under Jaemin Na.” 

 

Napatabingi pa ang ulo ang ng staff dahil nalilito ito habang chinecheck ang reservations, bigla naman dumating ang isa pang lalaki na mukhang manager ng cafe.

 

“Sir Mark Lee and Haechan Lee right?” Tanong nito ng may malaking ngiti sa kanyang labi at tumango si Mark at ang katabing niyang naka-leather jacket. “I am Chenle Zhong, the one of the owners ng C&Js and also a friend of Renjun and Jaemin. I will be assisting you for today, so follow me.”

 

Litong-lito si Mark pero sinundan nalang niya ito, kasunod sa likod niya ang lalaking tinawag na Haechan Lee kanina. Dinala sila ni Chenle sa second floor ng cafe na mas tahimik at may magandang view ng siyudad.

 

“Here’s your table, I will serve your food in a while. Enjoy muna kayo.” Sabi ni Chenle bago ito umalis.

 

Haechan was looking around to check out the view, nang mapansin ni Mark na uupo na nito ay pinaghila niya ito ng upuan. Nagpasalamat si Haechan at nginitian siya nito na binalik rin naman niya bago siya umupo sa tapat nito. 

 

“So… uhm nakakahiya sabay pa nating tinukak yung pull.” Paglabas ng mga salita na iyon sa bibig ni Mark ay gusto na niyang sapakin ang sarili niya dahil anong klaseng conversation starter yon sa hindi mo naman kilala. 

 

Napayuko siya at ang isang kamay niya ay nasa batok niya at hinihimas ito dahil sa hiya. Napatawa si Haechan nang maalala ang katangahan nila kanina kung kaya’t tumingala rin si Mark na natatawa rin dahil nakakahawa ang tawa ng kasama. 

 

“Tama, nakakahiya nga pero at least dalawa tayo. I’m Haechan. Mark, right? By the way, I like your shirt.” Haechan extended his hand na tinanggap ni Mark at nakipagkamay sa kanya. 

 

“Really?” Lumaki ang mata ni Mark bago ito mapaltan ng pagdududa. 

 

“Oh, bakit naman gulat na gulat ka? It’s cute and it’s Spiderman, everybody likes Spiderman kaya.”

 

“Well, not really. I know someone who hates it so much.”

 

“Whoever that is, tell them to fuck off nalang. Basta gusto mo si Spiderman, pake ba niya diba? Ay wait, sorry do you like that person ba or kamag-anak?”

 

“Liked. Loved even.”

 

“So ex mo?” Tumango si Mark and Haechan pursed his lips before speaking again.  

 

“Anyway, let’s not talk about exes nalang for today siguro. Nasa date tayo that our friends set for us tas ex usapan natin? Wait, is that the reason din ba kung bakit ka nandito?”

 

“Yep, so ikaw din?”

 

“Yup. They are so crazy for this. Ano naman kaya pumasok sa kokote ni Jaemin at naisip nila ‘to?” 

 

Natawa nalang si Mark, “Crazy indeed. Hindi ako tinigilan ni Renjun about this date turns out pumayag na siya before I even said yes.”

 

“Same goes for me! Baliw nga sila pareho.” Umiling-iling pa si Haechan, it was a very cute sight. Right there and then, naisip ni Mark na baka tama rin ang desisyon niya na pumayag dito because Haechan is amusing.



Mark had fun sa pero hindi niya sasabihin kay Renjun ‘yon kasi kukulitin siya nito at his friend might even set up another date for him. He slept that night feeling nice kasi someone liked his Spiderman shirt, and someone listened to his stories. It was a great feeling to the point na he wondered would this date just be a one time thing talaga? There’s a small voice in his head na pilit niyang dinedeny that says it would be nice if there would be a next one



Mabilis na lumipas ang dalawang linggo dahil busy si Mark, may bago silang project at kailangan pa nila pumunta ni Yangyang sa Pangasinan upang iinspect ang ginawa nila bago ito iturn-over. While driving nag-ping ang cellphone niya, kung kaya’t pinakuha niya ito kay Yangyang dahil baka importante ito. 

 

“Hey Mark. This is Haechan, I am wondering if you would like to meet up for a coffee bukas.” Binasa ito ni Yangyang ng malakas at kinikilig-kilig pa, inagaw agad ni Mark ang phone niya sa katabi niya. Namumula ang tenga niya sa hiya. 

 

“Ipapakalat ko ‘to! Ipapakalat ko ‘to!” Sigaw ni Yangyang sa loob ng kotse habang kinukuha na ang sarili niyang phone dahil itetext na niya si Renjun.

 

“Wag mo muna sabihin,  ano ba!”

 

“Sorry Mark pero mas boss ko si Renjun.” Nagtaas-baba pa ang kilay nito kaya’t napailing nalang si Mark dahil wala na siyang magagawa kahit anong pigil niya sa kaibigan ay gagawin pa rin naman nito ang gusto niya. Namana na ata ni Yangyang ‘yon kay Renjun dahil hindi naman ito ganyan nung una silang magkakilala.

 

Deep inside ay natutuwa din siya makatanggap ng message mula kay Haechan dahil for some known reasons at isa na ‘don ang maliit na boses sa utak niya na pilit nga niyang dinedeny. 

 

Nung mag-stop over sila dahil nagugutom daw ang kasama niya ay nireplyan na niya si Haechan. Sure, saan and what time?

 

Ilang minuto lang ay nag-ping na ulit ang phone ni Mark. Uhm, sa Subic sana? Are you still down for it? 

 

“Yang, magpasundo ka nalang kay Renjun, didiretso ako Subic.”

 

“Subic? Pano yung date niyo ni Haechan?” 

 

“Doon kami magkakape.” 

 

“Weird niyo ha ang layo ng kapihan pero susunod naman si RJ so g lang. Tumuloy ka sa coffee niyo, no problem para sa ikauunlad ng love life mo.”

 

Sinamaan siya ng tingin ni Mark bago muling ibalik ang atensyon niya sa cellphone niya at nagtype ng reply kay Haechan.

 

Kahit saan naman g ako. Doon na lang ba tayo mag-meet?

 

Bakit tayo maghihiwalay ng car? Sayang gas! Sunduin kita, where ka ba?

 

Papunta ako Pangasinan ngayon for work. Ako nalang susundo sayo bukas if gusto mo.

 

“Mark, tara na.” Pag-aaya ni Yangyang na tumuloy na sila sa byahe nila. Hindi na muling nagreply si Haechan sa message ni Mark, hindi naman sa iniintay niya pero kasi inaya siya nito so hindi niya alam if tuloy ba sila or ayaw na. Gusto niya lang naman malaman. 



Kinabukasan ay inalis na ito ni Mark sa isip niya dahil hindi naman ito big deal. Baka nagbago na ang isip ng nakababata o di kaya’y may importante rin itong ginagawa. Naiintindihan naman niya ‘yon kaya nagpatuloy nalang sila sa pag-iinspect ng site upang matapos na nila ang trabaho bago pa man mag tanghalian. 

 

“Si Renjun ba yan? Papunta na siya?” Tanong ni Mark kay Yangyang na ngayo’y nakangiti na sa phone niya kaya nga alam na niya kung sino ang kausap. 

 

“Oo, malapit na daw siya.”

 

“Gutom na ko, Yang. Pasunurin mo nalang siya sa kakainan natin.”

 

“Wait na natin. Malapit na nga siya as in malapit na dito.”

 

At tama nga, malapit na kasi hindi pa lumalagpas ang isang minuto nakita na ni Mark ang kotse ng kaibigan. Agad naman na tumakbo si Yangyang papalapit dito at sinundan siya ni Mark na hinihila ang paa niya na para bang labag sa kalooban niya ang lumapit dito. Makikita na naman kasi niya ang kaharutan ng mga kaibigan niya. 

 

“Mark! Ang bagal mo!” Sigaw ni Renjun sakanya kung kaya’t nagmadali na siya maglakad palapit sa magjowa. 

 

Bumaba ang bintana sa shotgun seat ng kotse na ikinagulat ni Mark dahil siya ang malapit dito.

 

“Hi?” Bati ni Haechan at kumaway ng marahan sa kanya habang nakadungaw sa bintana ng kotse. Inangat nito ang shades na suot niya at nginitian pa ang gulat na Mark Lee. Sinungaling si Mark kung sasabihin niya na hindi siya naggwapuhan kay Haechan ngayon. Bare face, his moles visible, his skin glowing because of the striking sunlight. He is attractive. 

 

“How? Bakit ka nandito?” Finally, after a few moments nahanap na ni Mark ang mga salita niya. Gulat pa rin siya but a small amused smile playing on his lips.

 

“Sabi ko diba susunduin nga kita.” Haechan answered, may ngiti rin sa labi na para bang mas maliwanag pa sa araw. 

 

Mark felt all the good things he could feel all at once. No one put this much effort for him na hindi naman niya family or friend. Si Haechan lang. 

 

“Mark, kunin ko na si Yangie ha? Magdedate na kami, kayo rin magdate na!” Sabi ni Renjun at kumindat pa ito sa kanila na ikinatawa ni Haechan. 

 

Pinagbuksan ni Mark ng pinto si Haechan upang makababa na ito ng kotse ni Renjun. Nagpasalamat ang nakababata kay Renjun dahil sinabay siya papunta rito. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na si Yangyang at Renjun sa kanila dahil mauuna na sila. 

 

“Tara na sa kotse, naiinitan ka na.” Mark led the way at muling pinagbuksan ng pinto ang nakababata at hinintay itong makasakay sa kotse niya bago siya umikot sa kabilang. At nang makasakay na rin siya ay stinart na niya agad ang kotse at nilakasan ang aircon kasi medyo namumula na ang pisngi ni Haechan. 

 

“What do you want to eat for lunch?” Tanong ni Mark, nilingon pa niya si Haechan bago muling ibalik ang tingin sa kalsada.

 

“Ikaw na magdecide kasi ako naman bahala sayo later.” 

 

“Okay, wala ka naman allergies sa seafood right?”

 

“Wala naman but di ako marunong maghimay!”

 

“Huh? Eh sino naghihimay para sayo all these years?”

 

“I just don’t eat them unless nakahalo sila sa pasta or tempura na yung hipon.” Tumawa si Mark na ikinataas ng kilay ng kasama. 

 

“Nakakatawa ba yon ha?” Pabirong pagsusungit ni Haechan.

 

“Hindi ah, ang cute lang. Buti nalang magaling ako maghimay. I got you.”

 

“Nagulat ka kanina talaga, no? Your face says it all e.”

 

Tama, nagulat si Mark pero yung bakas sa mukha niya, sure siya hindi yon gulat kasi he literally stared and took in the pretty sight in front of him which is Haechan. Pero hindi niya sasabihin iyon, hindi ganon kalakas loob niya and for what diba?

 

“Yeah, ang unexpected naman kasi. Akala ko nga hindi na tuloy kasi you didn’t reply na sa last text ko.”

 

“So you were waiting for my reply? Ikaw ha.” Pang-aasar ni Haechan sakanya at tinuro pa siya nito.

 

“Hindi ah! Ikaw nga bigla ka ulit nag-aaya, ikaw ha. Once is not enough ba?” Mark teased back kaya napatawa nalang sila pareho. 

 

“Edi same goes for you kasi pumayag ka e.

 

“Ah may point, may point.” 

 

“You should feel flattered na inaya kita ulit kasi I rarely hang out with anyone pero you’re an okay person naman so exception ka.”

 

“Okay person lang?”

 

“Yep, yep. Mag-lelevel up pa ‘yon, just chill.” 

 

Naglunch sila at true to his words, pinaghimay nga ni Mark si Haechan. Kumain sila habang nag-uusap about the most random things. And Mark couldn’t but notice Haechan’s habit while eating, sobrang cute to the point na gusto nalang kurutin ni Mark pisngi niya. Pero syempre, hindi niya ginawa dahil bukod sa amoy hipon at alimango ang kamay niya ay nahihiya pa rin naman siya rito ng slight

 

After lunch ay tumuloy na sila pa-Subic. The drive was long, it took less than 4 hours din. Throughout it, they were both singing to Haechan’s playlist that consists of his personal favorites. 

 

“Why do you know all the songs? Like mo rin ba si Taylor Swift?” Haechan asked, nakatingin sa nagddrive at inuusisa ito. 

 

“Not really, more of a Justin Bieber person ako pero who doesn’t know her

songs?” 

 

“Wow, Mark Lee. Wow.”

 

“Bakit?”

 

“I’ll tell you some other time, baka masira mood ko pag pinag-usapan natin..”

 

“Okay, wala naman akong ginawang ayaw mo diba?”

 

“No, wala! It’s not you ha and you just amaze me.”

 

It is already late afternoon and they are strolling by the bay holding a Starbucks drink in their hand. They are crazy just like that, four-hour drive for a Starbucks drink. Habang naglalakad sila ay patuloy ang pagkkwentuham nila and Mark throws in jokes once in a while that makes Haechan laugh so much. 

 

“Stop na. That’s so stupid.” Sabi ni Haechan habang pinipigil ang pagtawa muli. Hindi namamalayang nakapatong ang kamay sa balikat ni Mark habang ang isang kamay ay nakahawak sa tiyan niya na sumasakit na sobrang pagtawa. 

 

“You are the only person who laughs this much sa jokes ko so hindi ko na ititigil.”

 

“What do you mean ako lang? Sobrang funny kaya! It’s stupid pero funny.”

 

“Well, someone told me na bulok daw humor ko.” 

 

Umirap si Haechan bago itanong, “That person yan ‘no?” Mark nodded. 

 

“At least we’re together sa pagiging bulok humor. Hindi na ikaw lang.” Tinapik-tapik pa ng nakababata ang balikat nung isa na para bang kinocomfort ito. 

 

Nabalot sila ng katahimikan habang tinatanaw ang onti-onting paglubog ng araw. It was comfortable, really. For someone who only met twice, ang komportable. They are like old friends who reunited once again. 

 

“Alam mo ba na this is the first time in 8 months that I went out for a road trip like this?” Sabi ni Haechan habang patuloy silang naglalakad at pinagmamasdan ang paligid. Mark looked at him, waiting for him to continue. 

 

“I wasn’t really myself during those months. It’s not that hindi ako maka-move on, heck I moved on easily nga kasi he was much of an asshole pero the all the ugly feelings poured down upon me and it stayed. I blamed myself and even questioned myself na baka hindi kasi ako good enough or sabi nga ni Liza panget ba ako?” 

 

“No, hindi ka panget ah.”

 

“I thought so too. Muntik ko na papalitan lahat ng salamin sa place ko kasi akala ko sila may problema.” Haechan joked pero Mark remained serious sa gilid niya and even stopped walking. “Huy Mark Lee?”

 

“He was an asshole to make you feel that way, to make you question your worth. Alisin mo na sa isip mo yon ha? Kasi you are enough and,” Huminto si Mark sa pagsasalita dahil hindi niya alam kung okay lang ba na ituloy niya ang sasabihin. 

 

“And?” Haechan snapped his fingers in front of his face kasi Mark was really thinking hard. 

 

“And you’re pretty.” 

 

Haechan smiles fondly, halata naman kay Mark na he is sweet just like that. His actions and words speak for himself. They’re all careful and well-thought of. And that is why it is easy for Haechan to bare himself out to him kahit na kakakilala palang nila. 

 

“Thank you for saying that, Mark. You are a great person. Wag ka sumimangot kasi I get what you’re saying.” Haechan said as he touched Mark’s eyebrows flattening out the visible frown.

 

“From okay to great na agad?”

 

“Because you are naman talaga!”

 

“You are great too, Haechan. Alam mo rin ba na no one put as much effort for me as you did today? ”

 

“Kahit Starbucks lang talaga hinanda ko?”

 

“Loko, hindi yon. You went to Pangasinan para lang sabay tayo pumunta dito. I really appreciate it, sobra.”

 

“That’s because I want to spend time with you so syempre, I’ll do that.”

 

“Really, you want to spend time with someone like me?”

 

“What do you mean by someone like you?” Sumimangot si Haechan, hindi nagugustuhan ang narinig mula kay Mark. Because really, someone like Mark? What’s so bad about him?  

 

Kahit sa maikling panahon na magkakilala sila, sure siya na Mark is someone you would want in your life. Take it from Haechan na good judge of character, he only failed once sa pagjudge pero this time sure siya. Kahit ipatapon pa si Jaemin somewhere kung magkamali siya. 

 

“You are one of a kind kaya. Tsaka bakit ba everytime I say something about you hindi mo ko pinapaniwalaan?”

 

“Kasi I never heard them before or it’s the opposite of what I heard before.”

 

“I’ll tell you everything you need to hear until you believe me.”

 

This is crazy. Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Mark and he’s trying to convince himself na hindi siya sanay sa ganito kaya ganito ang reaksyon niya. Tama, that’s because hindi siya sanay at definitely, it is not because of something else. 



After that they constantly text each other and even started going on road trips kung free si Mark on weekends. Now they know na it isn’t just a one time thing. It was an unexpected friendship. They like each other’s company, they feel good whenever they are together. 

 

“Saan naman punta niyo ni Mark?” Tanong sa kanya ni Jaemin na ka-video call niya ngayon habang pumipili siya ng damit na isusuot sa day out nila ni Mark.

 

“Sa Tarlac, magbabasag kami ng plates. I’ve decided na today is the day we talk about our shitty exes. Okay ba ‘to?” Tinaas ni Haechan ang nakahanger pang damit upang ipakita sa kaibigan.

 

“Pa! Tingnan mo ‘tong panganay natin nagbibinata na, okay lang daw ba yung damit niya.” Sabi ni Jaemin at biglang sumulpot sa videocall si Jeno na may mapang-asar na ngiti. Eto yung mga panahon na nagpapasalamat nalang si Haechan at siya lang nakakarinig ng kagaguhan ng mga kaibigan niya kasi nakakahiya. 

 

“Oho, oho! Crush mo na ba? Napapadalas kayo ng labas ah.” Sabi ni Jeno na ngayo’y nakahiga na sa balikat ni Jaemin.

 

“So true, mahal. Nung una, once lang daw talaga. Pero kita mo nga naman, so proud of you, anak!” Sigaw ni Jaemin at nag-thumbs up pa sa camera.

 

“Ewan ko sainyo. Hindi ko siya crush, okay?” Sagot niya sa magnobyo na pinagtatawanan siya ngayon. Lumabas ang notification ng text ni Mark kaya napangiti si Haechan. 

 

“Hindi nga niya crush. Napapangiti lang siya at nakakalimutang nandito tayo habang nagbabasa ng text.”

 

“Shut up, Jaem. It wasn’t from Mark kaya.”

 

“Luh, wala naman ako sinabi na it’s from Mark. Nahuhuli ka sa sarili mong bibig, anak.”

 

“Bye na nga.” Hindi na niya hinintay na magsalita muli ang dalawang kaibigan, inend na niya ang call at mabilis na nagtype ng reply kay Mark. 

 

Ikaw mag-drive? Sure ka? Hindi ka ba puyat from finishing work last night?

 

Ako nga magdrive,  ang kulit mo Mark Lee!

Just making sure lang po. 

Sige na. I’ll get ready then daanan na kita sa house mo. 

 

Text me when you leave. Ingat sa daan ha.

 

Haechan smiled, feeling funny things,  bago niya bitiwan ang cellphone upang makapagbihis na at masundo na si Mark.



“I am totally fine as I am! From now on, no one can stop me for being me!” Sigaw ni Mark kasabay ng pagbato ng mga hawak niyang plato. Ramdam ni Haechan ang bigat ng mga sinabi nito. Hindi pa man kinukwento ni Mark sa kanya ang buong istorya pero parang naiintindihan na niya. 

 

Nilingon ni Mark ang kasama at nginitian ito, ngiti na para bang sobrang gaan na ng loob niya bago lapitan si Haechan.. 

 

“You did well, Markie.” Sabi ni Haechan, patting the older's shoulders.

 

Haechan walked forward, huminga siya ng malalim bago linginon si Mark na nakatayo sa kanina niyang puwesto. Tinanguan siya ni Mark and even raised a fist to cheer him up as if sobrang hirap ng gagawin niya. Well, mahirap nga. It’s hard for him to put it out there na naloko siya.

 

“Fuck cheaters! Tutal hindi mo naman maitago libog mo, I hope your dick dries up and falls like a raisin.” Sigaw ni Haechan at bakas sa boses nito ang sakit at galit. Sunod-sunod niyang binato ang tatlong plato na hawak niya.

 

Nang hindi pa gumagalaw si Haechan sa kinatatayuan niya ay lumapit na sa kanya ang nakakatanda. 

 

“Haechan? You okay?” 

 

Hinarap ni Mark sakanya ang nakababata nang marinig niya ang mga mahihinang hikbi nito.

 

“Fuck them for hurting us… for breaking us.” Sambit ni Haechan habang patuloy sa pag-iyak at yumakap kay Mark na ikinabigla nito ngunit niyakap niya rin ito pabalik at marahang tinatapik ang likod nito. Hindi maipaliwanag ni Mark ang nararamdaman dahil hindi lang umiiyak si Haechan para sa sarili niya kundi para sa kanilang dalawa.

 

“We’re okay. We can move forward now.” Bulong ni Mark ng may kasiguraduhan as if he’s making a promise. Maybe, it is a promise.



Si Mark ang nag-offer magdrive pauwi dahil napansin niyang parang malalim pa rin ang iniisip ng kasama. Tahimik sila pareho, hindi na rin siya nagsalita at binigyan nalang ang nakababata ng katahimikan. Mark knows that what happened earlier took a big shift in them. Hindi niya lang alam kung ano pero he feels it.

 

Haechan admitted it to himself, he’s starting to like Mark. That is what pushed him para ilet-go na lahat ngayong araw even his anger. He does not want to think about the past anymore. All he wants is to get past it, forget it and move forward. 

 

“Haechan, nandito na tayo.” Hindi namalayan ni Haechan na nasa tapat na sila ng condominium na tinitirahan niya. 

 

“Huh? Bakit dito? Paano ka uuwi?” Nagtatakang tanong ni Haechan dahil dapat sa bahay muna ni Mark dahil kotse ni Haechan ang dala nila. 

 

“Don’t worry, I can just book a grab. You’re thinking a lot eh, ‘di kita hahayaang magdrive pauwi ng ganyan baka mapano ka pa. Pahinga ka na and thank you for today.” Sabi ni Mark habang inaalis ang seatbelt, di namamalayang lumapit siya sa nakababata habang nagtititigan silang dalawa.

 

“Sorry…” Bulong ni Mark at bahagyang umiling pero hindi pa rin ito gumagalaw. Tinitignan lang niya si Haechan, inoobserbahan ang mukha nito, ang mga nunal nito, at ang mga mata nitong kumikislap. He’s just taking everything in.

 

Lalayo na sana si Mark nang magsalita si Haechan, “You can do whatever you’re thinking.”

 

Hinawakan ni Mark ng marahan ang magkabilang pisngi ni Haechan at muling tinitigan ang mga mata nito. Napapikit si Haechan ng maramdaman ang pagdampi ng labi ni Mark sa kanyang noo. Mark pulled away, pareho sila ni Haechan namumula ang mga pisngi. 



“Mark Lee! Mag-usap nga tayo.” Dire-diretsong pumasok si Renjun sa bahay ni Mark. Kasalukuyang nanonood lang ng TV si Mark sa sala. Dinampot ni Renjun ang remote nito at pinatay. 

 

“Ano na naman, Renjun?” Pagsusungit ni Mark. Humiga ito sa sofa niya at binalot ang sarili sa kumot nandoon. 

 

“Kailan ka pa naging ghoster ha? Isang linggo ka na daw di nagpaparamdam. Ako inaaway ni Jaemin.” Pumamewang pa si Renjun sa harap niya kung kaya’t tinalikuran niya lang ito.

 

“Busy ako, Renj.”

 

“Hawak ko schedule mo, ano sinasabi mong busy? Nakakanood ka nga Harry Potter ngayon eh.”

 

“Hindi lang naman trabaho ang ginagawa ko. I have other things to do din.” 

 

Umupo si Renjun sa carpet ni Mark at pinilit na iharap sa kanya ang kaibigan.

 

“Mark, umayos ka. Gusto mo na ba si Haechan?” Seryoso ang mukha ni Renjun kung kaya’t alam ni Mark na kahit anong gawin niyang pagtatago rito ay mapipiga-mapipiga pa rin siya nito. And maybe, that’s what he needs.

 

“Mark Lee.” 

 

“Natatakot nga ako, okay? Hindi ko alam kung paano.”

 

“Anong hindi mo alam kung papaano?”

 

Napabuntong hininga si Mark at umupo na ng maayos. 

 

“Hindi ako sanay… kasi diba I was forced to fit into the mold that I am not. Even from the littlest things that was me, pilit niyang binabago noon. While Haechan, when we first met he said everybody likes Spiderman. Heck, he even likes my playlist na full of JB songs. And he’s so considerate of what I feel. He goes out of his way para lang sa akin. Haechan is just too good for me, Renjun. I don’t think I deserve him.”

 

“Kapag talaga, nakaharap ko yung ex mo sasabunutan ko siya for this. Mark, listen. Hindi ikaw ang magdedecide kung deserve mo si Haechan o hindi, that’s for him to think about. Ang tanong lang dito is kung gusto mo ba siya or hindi? Kasi sa mga sinabi mo, it’s not making any sense na bigla mo na lang siyang hindi pinapansin kung ganoon naman siya sayo.”

 

“I… I like him already.”

 

“Bakit hindi mo sabihin sakanya? Pag sinabi mo saking nahihiya ka, susuntukin kita. Hindi ka na high school, Mark Lee! Working adult ka na kaya please lang.”

 

“Baka mabigla siya at baka we’re not on the same page.”

 

Huminga si Renjun ng malalim, silently asking kay Lord na bigyan siya ng pasensya para sa kaibigan. 

 

“Mark, we both know na hindi ka bobo. At sure ako na alam mong malalaman mo lang ang sagot diyan kapag nireplyan mo na siya.”

 

“No, I’ll just go to him.” Tumayo si Mark at dumiretso sa kwarto niya upang magbihis. 

 

Hindi pa lumalagpas ng limang minuto ay nilagpasan na agad ni Mark si Renjun na ngayo’y nakataas pa ang paa sa center table ni Mark at nanonood na ng TV. Nagmamadali si Mark kahit wala naman siyang hinahabol na oras pero naging tanga kasi siya nitong mga nakaraang araw. Kailangan niya magpaliwanag at umamin na rin. Kasi sa wakas, naamin na niya sa sarili niya na gusto na niya si Haechan at sigurado siya na mas lalim pa ito. 

 

“Good luck, Mark! Papapuntahin ko dito si Yangyang ha.” Sigaw pa nito bago tuluyang marinig ang makina ng kotse ni Mark. 

 

Wala pang sampung minuti ay sunod-sunod na doorbell ang naririnig ni Renjun. Napamura siya dahil ano na naman ba trip ng jowa niya, alam naman nito ang passcode papasok ng bahay ni Mark. 

 

“Yangyang! Ano ba naman ‘yan? Ang lakas ng trip mo! Tama na, eto na nga!”

 

“Huh? Haechan?”

 

“Si Mark… nasaan si Mark? Sasapakin ko siya.”

 

“Hala nagkasalisihan kayong dalawa. Kakaalis niya lang, papunta sa condo mo.” 

 

“Tol?” Biglang sulpot ni Yangyang, napalingon si Haechan at si Renjun. Nilapitan ito ni Renjun upang tulungan sa bitbit nitong dalawang kahon pizza at isang litrong coke. 

 

“Oh Haechan, musta na? Sayo ba yung big bike? Ang ganda ha!” Tuloy-tuloy na daldal ni Yangyang habang inaabot ang isang pizza box kay Renjun ngunit huminto ito nang sumandal si Haechan sa pader.

 

“Okay ka lang ba? Hala ang namumutla si Haechan, tol.” Sabi ni Yangyang kung kaya’t nilingon ni Renjun si Haechan. 

 

“Okay lang ako, alis na ako ha.” Pagpapaalam ni Haechan at umalis sa pagkakasandal sa pader. Nawalan ito ng balanse at mabuti nalang ay nahawakan siya agad ni Renjun bago pa siya tuluyang matumba. 

 

“Pumasok ka muna, ang putla mo nga, Haechan. Masasakal talaga ako ni Jaemin pag pinabayaan kita.”



Bukod sa pinaandar ni Yangyang ang aircon ni Mark sa sala ay tinapatan pa nila ng electric fan si Haechan na ngayo’y nakahiga sa sofa. Nilagyan rin ito ni Renjun ng bimpo na binasa ng malamig na tubig sa ulo. Masyadong nabilad sa araw si Haechan dahil tanghaling tapat ay nakamotor pa itong nagpunta rito. 

 

“Tinawagan mo na ba si Mark?”

 

“Ay shocks, hindi pa. Si Jaemin tinawagan ko e. Teka, tatawagan ko na.”

 

Ngayo’y nakatayo si Mark sa gilid ng sala habang masama ang tingin sa kanya ni Jaemin na hawak ang kamay ni Haechan na pilit inaalis ang kamay ni Jaemin sakanya. 

 

“Pano kami mag-uusap kung nandito kayo?” Pagmamaktol ni Haechan kay Jaemin at Jeno. Habang si Mark ay tinapunan din ng tingin si Renjun at Yangyang na kumakain pa ng pizza habang nakasandig sa pader. 

 

“Mark, sampung libo para layuan mo anak ko.” Sambit ni Jaemin kaya hinampas siya ni Haechan ng malakas. 

 

“Jaem, kakabayad lang natin kuryente , wala ka ng pera.” Pabirong bulong ni Jeno sa boyfriend niya na narinig din naman ng lahat.

 

“Sampung piso lang pala, Mark Lee.” Saad ni Jaemin, seryoso pa ang mukha. Tawang tawa na si Renjun, Yangyang, pati si Jeno. Ngunit, nalilito si Mark hindi niya mawari kung ano ba dapat reaksyon niya kasi sa totoo lang, naiintimidate siya kay Jaemin kahit na nagbibiro ito. Same vibes kasi sila ni Renjun at kahit ilang taon na silang magkaibigan nung isa ay may mga oras na takot pa rin siya rito. 

 

“Let us talk muna, Jaem. Ang kulit mo e!” Pagsusungit ni Haechan at tinulak pa nito si Jaemin palayo sa kanya bago tumayo sa pagkakaupo sa sofa at lumakad palapit kay Mark. 

 

“Can we go somewhere else? Ang dami kasi nila dito.” Sabi ni Haechan and Mark agreed, holding the younger’s hand gently and leads him out of the house. 

 

Bago sila makalabas ng tuluyan ay narinig pa nilang bumanat si Jaemin ng “Itatanan na ni Mark ang anak natin, Jeno” at ang malakas na tawa ni Yangyang. 

 

They ended up going sa park ng village. Umupo sila sa isang bench, hapon na at hindi na alintana ang ini dahil medyo makulimlim na. Dinadama nila ang malamig na simoy ng hangin habang pinapapanood ang mga batang naglalaro sa playground. 

 

“I’m sorry, Haech, for not replying to your texts and-“ Mark started rambling but he was immediately cut off by the younger.

 

“Pwede sabunutan kita? Just one time because you’re stupid, Mark.”

 

“I know and I’m really sorry. Will it make you feel better kung sasabunutan mo ako?” Tanong ni Mark kay hinarap siya ni Haechan at hinawakan na ang buhok niya kaya napapikit na ang nakakatanda, iniintay na ang sabunot ngunit marahan na mga haplos ang natanggap niya.

 

“I like you, Mark.” 

 

Hinarap siya ni Mark, nanlalaki ang mga mata sa gulat at nakaturo pa ang isang daliri sa sarili. Napatawa si Haechan tsaka kinuha ang kamay nito.

 

“Don’t even ask kung bakit ikaw pa kasi I swear to God, Mark. Di ko alam what words you’ve heard before for you to doubt yourself like that and ayoko rin marinig but from now on, I will only say things na dapat mong marinig and dapat mong tandaan. You told me na I’m enough and even told me na I’m pretty, I could say the same to you. You are enough and I’m happy that you are you.” Haechan said softly, looking at the older’s hand as he played with Mark’s fingers.

Lumapit si Mark kay Haechan, hinawakan niya ang pisngi nito gamit ang isa pa niyang kamay at tiningnan ito ng diretso sa mata. 

 

“Can I?” Tanong ng nakakatanda kung kaya’t tumango si Haechan. Nilapat ni Mark ang labi niya sa noo ni Haechan. “Gusto rin kita and I know it won’t end there, Haech.” 

 

At onti-onti na ring pumapatak ang ulan, hindi nila napansin na nagsitakbuhan na pala ang mga bata pauwi dahil umaambon na pala. Agad na tumayo ang dalawa upang umuwi na bago pa lumakas ang ulan dahil wala rin naman silang masisilungan sa park. Nilabas ni Mark ang nasa panyong nasa bulsa niya at itinaklob ito sa ulo ni Haechan.

 

“Ano ako bata?”

 

“Baka magkasakit ka kasi. Bilisan na natin, baka bumuhos pa yung ulan. Tatakbo tayo, kaya mo ba?” Inakbayan ni Mark si Haechan at ang isang kamay niya ay nanatili sa ulo ng nakababata upang hawakan ang panyong nasa ulo nito. Tumango si Haechan at nagsimula na silang tumakbo. 



Ngunit, makalipas ang ilang segundo ay lumakas na nga ang ulan. Nagpatuloy sila sa pagtakbo pero wala na rin naman itong silbi dahil basang basa na rin naman sila kaya huminto si Haechan at napahinto rin si Mark.

 

“Okay ka lang ba? Nahihilo ka ba? Buhatin nalang kita?” Sunod-sunod na tanong ni Mark na puno ng pag-aalala dahil nga sa nadatnan niya rin kanina pag-uwi.

 

“I’m okay.” Bulong ni Haechan nang hilahin niya papalapit si Mark sa kanya, pinatanong niya ang dalawang braso sa mga balikat ng nakakatanda. 

 

Bumilis ang tibok ng puso ni Mark dahil sa ginawa ni Haechan. Marahang hinila pa muli sa batok si Mark ng nakababata, their noses brushing against each other, lips just centimeters away from touching. 

 

“Let me have my sparks fly moment with you.” Sabi ni Haechan at pinagdikit ang kanilang mga labi. He smiles when he feels Mark kissing him back.  Hindi na nila alintana ang malalaking patak ng ulan dahil mas nararamdaman na nila ang sabay na pag-awit ng kanilang mga puso sa iisang himig. They pulled away with smiles on their faces. 

 

Pinagdikit ni Mark ang kanilang noo, “You make my heart go crazy agad.”

 

“I’ve been waiting for a kiss like that since the one in the car tapos you’re conservative pala, always settling for forehead kisses.”

 

Natawa si Mark ng malakas dahil sa sinabi ni Haechan. 

 

“Tawa-tawa ka diyan.”

 

“Gusto ko rin kasi ng kisses sa lips no, I just don’t want to rush it kasi baka hindi ka pa ready for it.”

 

“I’m always down for it, basta ikaw.”

 

“Tol! Nakita ko na sila!” Pagtawag ni Yangyang kay Renjun sa di kalayuan. Nang lingunin ito ng dalawa ay dumating na rin ang tatlo pang naka-payong. 

 

“Tara na nga, nakaka-istorbo pa tayo sa moment nila.” Sabi ni Renjun nang makita sila nito na magkayakap sa gitna ng ulan. 

 

Naghiwalay na ang dalawa at namumula ang mga mukha dahil nahihiya na inabutan pa sila ng mga kaibigan sa ganoong pwesto.

 

“Haechan Lee, ganyan ba kita pinalaki? Syempre, oo!” Sabi ni Jaemin habang lumalakad sila papalapit sa mga kaibigan. Inabot ni Jeno ang payong na hawak niya kila Mark at sumilong sa payong na hawak ng nobyo niya.

 

“Sa gitna pa talaga kayo ng ulan nag-harutan ha? Basang-basa na kayo.” 



“So ano? Kayo na ba?” Sabay na tanong ni Jaemin at Renjun sa dalawa habang inaabutan sila ng towel.

 

“Not yet.”

 

“Nako, nako. Hindi pinapatagal ang label, Mark Lee. Diba Jeno?” Sabi ni Renjun kaya nakatanggap siya ng hampas mula kay Jaemin at masamang tingin mula kay Jeno na kausap ni Yangyang.

 

“Whatever Haechan wants.”

 

“Umuwi na muna kayo after tumila ng ulan. So, we can talk about it diba?”

 

“Style mo, Haechan! Pero noted, anak.” 





Nang makaalis ang mga kaibigan ay muli na namang bumuhos ang ulan. Walang antok na dumadapo sa kanilang dalawa kung kaya’t magkaharap silang nakaupo ngayon sa kitchen bar counter ni Mark habang umiinom ng hot chocolate at nagkukwentuhan. Habang nagkukwento si Haechan ay kinuha ni Mark ang kamay nitong nakapatong sa tuhod niya at nilapit ito sa labi niya upang bigyan ng halik, kaya napangiti rin ito.

 

“Happy anniversary, my sol.” Isang taon na pala ang lumipas mula nung maging sila. 

 

“Happy anniversary, tangi.” Bati rin ni Haechan kay Mark bago bumaba sa stool at yakapin ang nakakatanda sa bewang ng mahigpit.

 

“Mahal kita sobra.” Bulong ni Mark habang nanatiling nakayakap kay Haechan at nag-iwan ng maliliit na halik sa ulo nito.

“Me too, I love you so much.”

 

Nang humiwalay si Haechan sa kanya ay bumaba si Mark sa upuan at nagpunta sa sala. Pinanood lang siya ni Haechan hanggang sa marinig ng nakababata ang intro ng isa pang favorite Taylor Swift song niya, You Are In Love

 

Lumapit sa kanya si Mark at nilahad ang palad sa harap niya, tinanggap naman niya ito habang natatawa-tawa pa. Pumwesto sila sa gitna ng sala, kinuha ni Mark ang dalawa niyang kamay at pinatong ito sa balikat niya. Haechan rested his head against Mark’s shoulder as they swayed to the music and sang along with it.

 

“Remember when you kissed me in the pouring rain para sa sparks fly moment mo?” Tanong ni Mark to which Haechan responded with a laugh as he lightly slapped Mark on his chest. 

 

Morning, his place, burnt toast. Well, I experienced the burnt toast too, all thanks to you.” Pang-aasar ni Haechan kay Mark, the older of the two pouted.

 

“Huy, di ko na kaya nasusunog. I can cook eggs na rin.”

 

“Okay, sabi mo eh.”

 

Mark spins around playfully habang nakayakap ng mahigpit kay Haechan before pressing his lips onto the other’s forehead. And for once, you let go of your fears and your ghosts. One step, not much but it said enough. 

 

They are both glad that they did let go of the fears and their ghosts. Thank you rin sa mga kaibigan nila na pumilit sa kanila para pumunta sa supposed to be one date lang. Malaking hakbang pala iyon towards their healing and towards each other. 

 

And you understand now why they lost their minds and fought the wars. And why I've spent my whole life tryin' to put it into words.

 

“What do you think about getting married next year, tangi?” Haechan snuggles closer to Mark’s neck.

 

“Sol…”

 

“Hmmm?” Umayos si Haechan at hinarap si Mark. Kinuha niya ang kamay ng nobyo at hinalikan ito.

 

“I want it too pero please ako magpropose?” Mark pleads cutely na ikinatawa ni Haechan bago niya ito bigyan ng halik sa labi.

 

Cause you can hear in the silence, you can feel it on the way home. You can see it with the lights out.



Notes:

hello! this is dedicated to my bestie na love na love si haechan, advance merry christmas! if you've reached this part then thank you sa pagbabasa <333 i haven't finished writing any stories for years and nakatambak lang sila sa drafts so I hope this is at least good enough and i hope it makes sense hehehe and if may mga grammatical errors/spelling, sorry pi kasi di ko na prinoof read ㅠㅠ

btw, shoutout din kay miss taylor swift! ily pi! chos!

thank you ulit!