Work Text:
“Hindi ka pa ba aamin?” Tanong ni Donghyuck habang pilit isinasabit ang pulang christmas ball.
“Kailangan pa ba talaga?” matamlay na tugon ni Renjun sa kaibigan.
“Wow! Ikaw naman kasi diba yung suko na agad wala pa nga ginagawa,” hindi maiwasang pairap na sagot nito sa kanya.
Paano ba naman ay hindi naman ito ang unang beses na napag-usapan nila ito at lagi naman urong-sulong si Renjun. Ilang beses na nila sinubukan pag-usapan ang nararamdaman at pag-amin ni Renjun ngunit sa huli ay hindi rin naman natutuloy nito dahil malaki ang takot niyang hindi sila parehas ng nararamdaman ni Jisung. Pero kahit ganoon man ang nangyayari ay masaya si Renjun na iniintindi at tinutulungan pa rin siya ng matalik niyang kaibigan.
“Babe, pakisabi kay Mark diretso na lang sila sa kitchen pagdating para sabay-sabay na. Sure ako late nanaman yung tatlo!” Hiyaw ni Jaemin mula sa may kusina.
“Okay!”
Natawa na lang si Renjun sa sagutan ng dalawa lalo na sa tila kamatis na mukha ni Donghyuck. Bihira kasi siya tawagin ni Jaemin ng ganoon dahil lagi niya ito binibiro ng kung ano-ano na endearment kaya minsan nagugulat siya pag pinapatulan ni Jaemin ang kanyang kalokohan at paglalambing.
“Tawa-tawa ka ryan? Mabalik tayo sa iyo, ano na nga ang plano mo? Kasi naman bestie may plano ka bang talunin si Jaemin na 3 years bago umamin kasi ikaw, hello, pa 4 years ka na.”
“What’s the point? Eh parang hindi rin naman ako napapansin, Hyuck. Sayo na nga nanggaling diba? Ilang years na eh kahit siya hindi naman ata ako napapansin,” buntong hininga ni Renjun, ibinaba ang christmas decor na hawak niya, at tuluyan sumalagmak sa sahig.
“Anong what’s the point, what’s the point, ka ryan? Aware ka naman siguro na last chance mo na umamin bago ka bumalik sa China?”
Buwan ng Disyembre a.k.a ang gathering ng magbabarkada sa bahay ni Jaemin. Silang magkakaibigan kasi ay mga nagsidayo sa hindi pamilyar na bansa upang mag-aral kung kaya’t tuwing pasko ay may kalungkutan na nadarama dahil mga nalayo sa kanilang mga pamilya. At sa huling pagkakataon, pagkatapos nilang lahat sa apat na taon sa kolehiyo at sa sobra pa na dalawang taon pananatili ng iba ay siya rin pagtatapos ng nasabing pagsasalo dahil isa-isa na silang muli magsisibalik sa kanya-kanyang mga pamilya.
“Hoy! Advance ka! May 2 years pa ako at may mga inaasikaso pa ako no.”
“Kahit na, ano pa ba hinihintay mo? Milagro? Na may ibang umamin kay Jisung? Na baka may nararamdaman din pala siya para sayo kasi lumipas yung ilang taon na tinago mo feelings mo for him?”
“Baka ganoon na nga lang talaga dapat.”
Tumango-tango na lamang si Renjun at tumayo upang isabit na sana ang gold star na decor na siyang isasabit nila sa christmas tree ni Jaemin.
“Hyuck! Tayo ka nga buhatin mo ko para masabit ko yung sta——“
Tila makapigil-hininga ang nangyari ng maramdaman ni Renjun ang pamilyar na kamay na pilit inabot ang kanya upang ikabit ang bituin sa nasabing christmas tree. Halos magkayakap sila sa posisyong ito at hindi maiwasan bumilis ang tibok ng puso ni Renjun. Oh, ni Renjun nga lang ba?
Napatitig na lang si Renjun habang pinagmamasdan ang may malawak na ngiti sa mga labi na si Jisung habang ang mga mata nito ay tila naka kurba na sa lawak ng kanyang ngiti at parang crescent moon na. Bakas pa rin ang pagkamangha ni Renjun sa tila nagniningning na mga mata ni Jisung habang nakatingin sa ginintuang bituin. Pero para kay Renjun ay walang makatatalo sa liwanag at ningning na dinadala, hindi lang ng mga mata at ngiti ni Jisung, bagkus ang sayang dinadala nito kanyang buhay kahit na limitado lang ang kanilang interaksyon.
“Okay na,” bulong ni Jisung sa kanang tenga ni Renjun na saktong-sakto lang ang pagitan sa kanyang bibig. “Kain na tayo, Hyuck, Jun? Mag 8:00 PM na rin baka gutom na kayo.” Nakangiti pa rin na sambit ni Jisung sa nakatingalang si Renjun na tila na estatwa na ata sa kinatatayuan.
“Hey,” pagtawag ni Jisung kay Renjun.
“Ha? Ano? Bakit? What?”
“A-ah, wala, ang cute m— ang cute ng sweater mo,” may bakas ng hiya na tugon ni Jisung at napakamot pa sa kanyang batok gawa ng pagka -utal.
“Ikaw rin, cute,” bulong ni Renjun sabay iwas ng tingin ng makitang manlaki ang mga mata ni Jisung. Hindi siguro nito inaasahan na sasagot siya pabalik o…hindi inaasahan ni Renjun mapalakas ang bulong.
“Salamat, wala naman tatalo sa pagka cute mo,” ngingising sambit ni Jisung at ginulo ang buhok ni Renjun.
“T-talaga, thanks to my sponsors, producers literal na produce a.k.a my Huang parents kaya cute ‘to 100 percent!”
“Sila tito na usapan and you know, wala na akong laban dyan.”
Hindi naman maiwasan magsalubong ang kilay ni Renjun gawa ng sinabi ni Jisung.Aba! Teka, parang may pinapahiwatig ah pasalamat ka crush kita!
”Kasi totoo naman,” Jisung chuckled. “Hyuck, cutie, tulungan ko muna si Jaemin.”
Tumango lang si Renjun at agad lumayo ng umalis na rin si Jisung sa kanyang may likuran at dumiretso na sa kusina upang maghanda kasama ni Jaemin.
“Wow! Wow naman talaga,” rinig ni Renjun na bulalas ni Donghyuck habang pumapalakpak, “Ayon pala yung walang pansinan…Ang haharot! JAEMIN! MAHAL TARA NGA SA KWARTO!” bulalas ni Donghyuck at sumunod na rin kay Jisung upang makasama ang kanyang nobyo na si Jaemin.
At kapag sine swerte nga naman si Renjun, dahil likas na pilyo ang kaibigan niyang si Donghyuck, saktong pagdating niya sa dinning area ay sinadya pa talaga nitong sa gitna niya at ni Jisung paupuin si Renjun. Nakatanggap tuloy ng kurot sa tagiliran ang binata na nagpangiwi rito kaya agad naman lumapit si Jaemin upang tanungin kung ayos lang siya. Napatawa na lang ang mga bagong dating na sila Jeno, Mark, at Chenle na siyang naatasan bumili ng mga alak para sa gabing iyon. Pero mukhang may masmaswerte pa kay Renjun dahil yelo lang ang dala ng tatlo.
“Yeah, actually baka kami nitong si Jeno at Chenle ang pupupunta ng Canada after new year since sayang naman yung offer nila tito sa company,” bulalas ni Mark habang patuloy lang sa pagkain ang dalawang nabanggit.
“Oh, that’s great then! Kami ni Hyuckie baka dito muna we have to prepare pa para sa wedding,” confident na bulalas lang ni Jaemin habang si Donghyuck ay tila nahihiya lang sa narinig at agad sinubo ang mainit pa na lasagna na pilit nitong nilunok, na siyang naghudyat upang mabulunan ito kaya napatayo ng wala sa oras si Jaemin upang lapitan ito at tapikin ang likod.
“Ang tamis naman dito! Baka langgamin na kaming limang mga single pa,” pang-aasar ni Jeno na nagdulot upang mapatawa naman si Renjun na kanina pa tahimik at nananahimik sa gilid dahil tila maingat ito sa kanyang pagkilos marahil ay dahil katabi niya ang taong kanyang patagong iniibig.
Matagal naman na silang magkakaibigan pero pagdating talaga kay Jisung ay tila umuurong ang lahat ng kakulitan ni Renjun sa katawan at nahihiya siyang magmukhang ewan dito na siya rin naman nangyayari dahil hindi talaga sila nagpapatalong dalawa ni Donghyuck pagdating sa asaran.
[Tangina Renjun labas mo yung binaon mo na mga joke! Ah shit naman! Hindi ikaw ‘yan, hoy! Pakiramdam ni Renjun masisiraan siya ng bait dahil hindi niya magawang magkulit gawa ng hiya. Hindi eh, matalino akong tao! Pero pagdating talaga sayo, Park Jisung, nako natatanga ako!]
Lumipas ang ilang oras at napuno na lang ng usapan at tawanan ang hapag na baka masnabusog pa sila rito dahil lahat ay hindi pa gaanong ginalaw ang kanilang mga plato at masyadong nadala sa kanilang mga usapan na akala mo ay mga matagal hindi nagkita eh lagi naman magkakasama.
Sa sobrang abala sa pagtawa ay hindi ata napansin ni Renjun na may nadikit na whipped cream sa kanyang ilong ng uminom siya kaya laking gulat niya ng pasubo pa sana siya ng ham ay may naramdaman siyang malambot na tela na dumampi sa tungki ng kanyang ilong upang punasan ito. Pakiramdam ni Renjun ay maspula pa siya sa red sweater niya na may rudolph design dahil rinig na rinig niya ang malakas na tawa ni Donghyuck sa kanyang gilid na sigurado ay nahuli sila maging ang bungisngis ni Jisung na hindi maiwasan maibaba ang panyo upang takpan ang bibig para hindi na masmahiya pa si Renjun.
“So guys akyat na lang kayo ha? Bigayan na ng gifts later,” anunsyo ni Jaemin at tumango lang silang lahat.
“Exchange gift kayo bff, magkalabel o maging magjowa, same-same naman basta ikaw na bahala,” bulong ni Donghyuck bago tuluyang lumisan at sumunod kay na Mark.
“Antayin na kita, Jun.”
“Hindi, kaya ko na go sunod ka na sa kanil—,”sasagot pa sana si Renjun kaso pinutol agad ni Jisung kung ano man ang nais sana niyang sabihin.
“I mean, tulungan na rin pala kita,” pag-aalok ni Jisung at pinakitaan na naman siya ng nakasisilaw nitong ngiti. Aware na siguro itong pipilitin nanaman siya ni Renjun na huwag na siyang hintayin tulad ng dati.
“Sige, kahit huwag ka na maglinis, samahan mo na lang ako. ‘Wag mo ko iiwan bigla ah?” may galak ngunit makahulugan na tugon ni Renjun bago isubo ang naudlot niyang ham kanina kung hindi siya binigla ni Jisung.
”Handa naman ako lagi na hintayin ka.”
🎄
“MERRY CHRISTMAS!” sabay-sabay na sambit ng magkakaibigan, lahat ay may pagkalawak na mga ngiti sa kanya-kanyang mga labi.
Sa isang sulok ay makikita ang magkayakap na si Jaemin at Donghyuck na hindi nila maunawaan bakit tila naiiyak parehas, sa may gitna ay ang tatlong magkakaakbay na sila Jeno, Mark, at Chenle at patuloy na nagsisi awit ng Christmas in Our Hearts remix version at syempre, sa kabilang banda, ay ang kapayapaan. Si Renjun at ang halos isang metrong layo nila ni Jisung na siyang prenteng nakaupo lang din sa sahig kasama niya at aliw na aliw na pinapanuod ang kanilang mga kaibigan.
“Junnie! Favor naman, pwede pakikuha yung cake sa ref ito kasi si Chenle nauna yung tawa bago bitbitin yung cake at candle lang bitbit,” natatawang sambit ni Jeno ng itaas ni Mark ang kandila na kanina ay hawak ng ngayon ay nagtatago sa likod ni Mark na si Chenle.
“O-oh okay! Ako na bahala at ikaw Zhong Chenle sa susunod bitbitin mo yung cake bago ka tumawa! Ikaw talaga magbabake sa susunod tapos iiwan ko rin gawa mo ng makita mo gaano ko pinaghirapan yon tapos iniwan mong malungkot, nag-iisa, at nanlalamig sa ref!” Natawa naman muli ang magkakaibigan sa pagbabanta ni Renjun.
“Samahan na kita,” rinig ni Renjun na bulong ni Jisung ng tumayo siya mula sa sahig.
“Hmm okay.”
Agad lumisan si Renjun at Jisung at tumungo sa may kusina ng tahanan ni Jaemin. Tahimik lang ang dalawa hanggang makarating sila sa may kusina at tumigil sa bungad nito.
“Mistletoe.”
Bulalas ni Jisung na nagpatigil kay Renjun upang tumuloy sa kusina upang kuhain ang cake.
[ “Ganito na lang, pag natigil kayo sa mistletoe.” “Hmm dalawa lang naman mayroon dito sa bahay ni Jaemin. Sa second floor sa may sala niya at back door,” natatawang sambit ni Renjun. “Oo nga, pero pag natigil kayo, umamin ka na! Bonus, halikan mo na rin!” ]
Ilang minuto ang lumipas at tanging ang usapan nila ni Hyuck ang tumatakbo sa isipan ni Renjun. Ang pagpintig ng kanilang mga puso, at ang musikang pampasko lang ang ingay na naririnig sa lugar na iyon.
Sa tingin ni Renjun ay nauunawaan din ni Jisung kung ano man ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Lalo na ng ang kanilang mga mata ay parang bituin na nagniningning sa oras na nagtagpo ang mga ito at tila may mga makahulugang emosyon na hindi mabatid dahil walang gustong magsalita.
“I like you, Renjun.”
Biglang bulalas at pagtatapat ni Jisung sa malalim na himig. Bakas ang pamumula ng pisngi nito at paglalaro nito sa kanyang mga daliri gawa ng hiya.
Muli naman napatulala si Renjun at pakiramdam niya ay nananaginip lang siya, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi niya alam kung gawa ba ng ham na kinain, baka hindi iyon luto ng tama, para mahibang siya ng ganito na umaamin si Jisung bigla.
[Gusto ako ni Jisung? Aaaah! Sira ba yung ham na niluto ni Jaemin? Kailan pa? Nahihibang lang ba ako? Weh, hindi nga Park Jisung, crush mo ‘ko? Direk cut! Nasaan ang camera lumabas na kayo! Tapos na ang palabas!]
“I’m sorry, na bigla ata kit——“
“Anong sorry-sorry? Walang bawian…Bahala na nga si Santa Claus,” lito lang siyang tinignan ni Jisung ngunit nangingiti pa rin sa inaasta nito.
”Jisung, Merry Christmas!”
Tugon ni Renjun sabay tingkayad upang pagtugmain ang taas nila ni Jisung, ang kanyang mga kamay ay magaan na lumapat sa magkabilang pisngi nito, at agad na pinikit ni Renjun ang kanyang mga mata upang itago ang hiya ng lapatan niya ng halik ang mga labi ni Jisung.
Renjun expected something way softer than this. Pero parang masakit ata sa nguso itong halik na natanggap niya, at bakit hindi humalik pabalik si Jisung? Totoo bang ilusyon lang niya ang narinig niyang pag-amin ni Jisung? So hindi ba talaga siya gusto nito?
Natigil si Renjun sa pagtatanong sa sarili ng marinig ang malalim na paghalakhak ni Jisung.
Renjun opened his eyes at agad napanguso habang pinapanuod ang natatawa pa rin na si Jisung. Tinakpan pa nga gamit ang likod ng kanyang kamay ang sariling mga labi upang itago ang tawa, at iwasan masmahiya nanaman si Renjun. Halos hindi na makita ang mata ni Jisung sa sobrang paniningkit nito kakahagikgik.
“Ano? Tatawanan mo na lang ba ako? Kasalanan ko bang pinapakain ka nila tita ng cherifer bilang breakfast? Pwede mo naman sabihin Renjun tiptoe ka pa nga baba ko iyan eh,” nakakrus ang kamay at nakangusong sabi ni Renjun.
“Sige, next time na lang yung kiss ang mahala—,”
Napatigil naman sa paglilitanya si Renjun ng maramdaman ang malambot na mga labi ni Jisung na lumapat sa kanyang noo.
“Merry Christmas, Love.”
Tila nasasalamangka nanaman si Renjun habang nakatingala muli sa pagka among mukha ni Jisung at sa pagkaganda nitong ngiti.
“HOY! TANG’NA! YUNG CAKE ANO BINABAKE NIYO BA ULIT? KUNG KAYO IPASOK KO SA REF?”
Hindi mapigilang mapatawa ni Jisung at Renjun ng marinig ang hiyaw ni Donghyuck. Oo nga pala yung cake ang pinunta nila rito.
“Mamaya mo na ako bigyan ng endearment dalhin muna natin yung cake,” bungisngis ni Renjun at lalakad na sana para pumunta sa may refrigirator ng hatakin siya ni Jisung sa may braso upang muling iharap sa kanya.
Agad Ipinulupot ni Jisung ang kanang kamay sa bewang ni Renjun at inalalay sa may panga nito ang isa bago lapatan ng pagkatamis na halik sa labi si Renjun.
“Mahal kita, Renjun. Matagal na.”
Himig ni Jisung ng maghiwalay ang kanilang mga labi ni Renjun at pagdikitin ang kanilang mga noo.
“Huwag ka nga, kasi ako rin dati pa mga unang kita ko sayo sure na ako,” tugon ni Renjun.
“Competition?” Pagbibiro ni Jisung habang aliw na aliw na tinitignan ang nakatingalang si Renjun.
Ang kaso ay napansin siya nito kaya agad ipinulupot ni Renjun ang mga braso sa leeg ni Jisung at pinatakan ito ng halik pabalik. Naramdaman pa niya ang pagngiti ni Jisung kaya hindi na rin tuloy niya maiwasan mapangiti.
“Lintik na mistletoe ‘yan. Hirap ilipat ha sana man lang naghalikan no! Sayang yung cramps ng hita ko para isabit ng last minute. At Lord, opo, sana makarating man lang yung cake!”
Basta kay Donghyuck, na hanggang ngayon ay naka abang sa may staircase, ay sigurado siyang may aakyat ng magka holding hands at /huwag naman sana/ baka tig-isang kamay pa siguro ang gamit para lang iakyat ang cake.
