Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2021-12-18
Words:
1,646
Chapters:
1/1
Comments:
4
Kudos:
17
Bookmarks:
2
Hits:
421

how i met you

Summary:

Today, I wanna tell you the story of how I met Donghyuck.

Notes:

hello! this is the unedited version. actually lahat ata ng fic ko ‘di ko naman na-edit kaya sorry na agad sa errors.

sana mag-enjoy ka! advanced merry christmas!

Work Text:

 

 

“Today, I wanna tell you the story of how I met Donghyuck.”

 

25 years before the wedding.

 

When Mark said that they basically grew up together, he’s not joking. Ninong nga nila pareho yung doctor na nagpaanak sa mga nanay nila. It was a funny memory, from the stories they’ve heard. Although, he doesn’t know if their mothers find it funny too.

May bagyo raw noon. Nasa office ang papa niya nang tawagan ito ng mama niya, sumisigaw at matinis ang boses dahil sa paghilab ng tiyan. Agad agad nagdrive pauwi ang papa niya para samahan ang mama niya sa ospital. They had arrived safe and sound, the only problem is that there’s no available bed at the hospital at that time. Kulang din ang mga doctor na kayang mag-attend sa bawat pasyente dahil sumama ang iba sa isang rescue operation.

They have no choice but to wait in the hospital’s lobby until some doctor became available. That’s when another couple arrived, mas matinis ang boses ng bagong dating sa mama niya. (Hindi niya mapatunayan kung fact ito, dahil syempre wala naman siya sa scene noong nangyari yun. Kasalukuyan pa silang nasa loob ng tiyan ng mga nanay nila. Dongyhuck, on the other hand, believes that this is in fact, a fact. Judging from the way his mother scolds him everytime he forget to do the dishes.)

Sabay raw napaanak ang mga nanay nila, sa iisang hospital bed.

Mark finds it funny that they’re not only sharing the same birthday, but also that one hospital bed.

They still share their beds sometimes. Lalo na kapag may tampuhan si Donghyuck at ang mama nito. Mark smiled at the memory.

 

20 years before the wedding.

 

Mark was playing at the playground when some kid approached him. The kid was sweating, strands of hair were sticking to his forehead. This is the kind of kid that you’d never want to have a fight with because you know you won’t win , he thought.

Inilahad ng bata ang kamay nito. Nag-alangan si Mark na tanggapin ngunit pinandilatan siya ng bata kaya sa huli’y napilitan rin siyang makipaghand-shake.

Tulad ng inaasahan, malagkit ang kamay ng bata. Patagong ipinahid ni Mark ang palad sa laylayan ng suot niyang t-shirt.

“Hindi mo ba ko natatandaan? Ako yung anak ni Mary Jane! Ikaw tandang-tanda kita kasi yung picture niyo nakadisplay sa sala namin.”

Natawa si Mark dahil tinawag nito sa pangalan lang ang sariling mama. Noon niya narealize na kamukha nito ang batang nasa picture na nakasabit sa pader ng kanilang hagdan.

Donghyuck.

Yun ang sinabing pangalan ng mama niya nang unang beses niyang tinanong kung sino ang batang nasa litrato.

Anak yan ng Tita Mary Jane mo! Nasa probinsya sila ngayon.

“Dito na raw kami ulit titira sabi ni Papa. Bumili kami ng bahay diyan malapit sa inyo. Kaso lang hindi ako masyadong masaya kasi kasabay daw kita ng birthday. Ayoko na may kahati eh!”

Ilang taong nagcelebrate si Mark ng birthday niya kinabukasan pagkatapos magcelebrate ni Donghyuck. Ayaw nito na sabay sila ng celebration. Ginagandahan nalang ng Tita Mary Jane niya ang regalo sa kanya para makabawi.

Ang hindi alam ng tita niya, okay lang ang ganoong set-up kay Mark. Okay lang iparaya lahat basta para kay Donghyuck. Minsan nga nakakalimutan na niyang sabay talaga sila ng birthday.

“Ang petty ko pala noong bata pa tayo ‘no? Grabe Makoy sorry! Mula ngayon sabay na tayo magbibirthday sa ayaw at sa gusto mo!”

Naalala ni Mark na ginulo niya ang buhok ni Donghyuck nang sabihin nito iyon. Donghyuck pouted and only God knows how Mark resisted kissing him on the spot.

 

13 years before the wedding.

 

Never naging mahiyain si Donghyuck. Likas itong maligalig at matabil ang dila kaya kung hindi niya ito susunduin sa guidance, silang dalawa naman ang nasa guidance dahil parehong napaaway dahil ipinagtanggol niya si Donghyuck.

“Promise Makoy siya yung nanguna! Pinunit ba naman yung lectures ko e ang tagal tagal kong hina-highlight nun dahil daw inaagaw kita sa kanya! Eh excuse me walang sayo Nicole! Akin lang si Makoy!”

Napakamot sa ulo ang guidance councilor nang umakmang hahablutin na naman ni Nicole si Donghyuck. Humarang si Mark kay Donghyuck, humawak naman ito sa likod niya at tuluyang nagtago.

“Nako kayong tatlo ang babata niyo pa puro landi na inaatupag niyo. Magsipag-aral muna kayo!”

“Nag-aaral naman ah. Hindi mo ba narinig pinunit nga yung lectures ko. Tss.”

Bulong ni Donghyuck sa likod niya. Mark only suppressed a laugh. Kahit na sakit sa ulo ito madalas, hindi niya naman maitatanggi na kinikilig siya sa tuwing makikipag-away ito dahil sa kanya.

Umuwing may kalmot si Donghyuck nang araw na ‘yon. Nagpalibre ito ng ice cream sa kanya bilang kabayaran daw sa mga warfreak niyang fangirls.

“Sorry nalang, pogi talaga eh.”

Sabay nagpogi pose pa si Mark. Inirapan siya ni Donghyuck at nagpatuloy na sa pagpili ng flavor ng cornetto. Tama siya ng hula na dadamputin nito yung ube-keso. Paborito nilang dalawa.

“Kapag nagkajowa ka, gusto ko yung maganda ha!”

Tumango lang siya at dumiretso na sa counter para bayaran ang binili nilang ice cream. Hindi na sinabi ni Mark na si Donghyuck lang ang maganda sa paningin niya.

 

9 years before the wedding.

 

“Sige na Makoy sumali ka na! Hindi ako papayagan ni Mama sumama kapag wala ka e!”

Napakamot sa ulo si Mark. Hindi maintindihan ni Donghyuck na wala nga siyang hilig sa pagsusulat. Nong nag-highschool sila nahilig ito sa pagbabasa. Ang resulta, nahilig din itong magsulat. Pero wala pa itong lakas ng loob sumali sa mga contest contest kaya gawa lang ito nang gawa, at siya basa lang nang basa sa mga gawa nito.

Nang mag-4th year sila, nagkaroon ito ng lakas ng loob kaya tinanggap ang offer sumali sa school’s pressconference. Ang kaso 3 days ang contest at kailangan mag-overnight.

Nakailang paalam sila sa Tita Mary Jane niya pero lagi itong humihindi.

“Ano namang gagawin ko diyan sa contest? As if naman piliin ako ni Miss sumali e ni hindi ko nga kayang mag construct ng sentences ng maayos.”

“Tanga! Syempre dun ka sasali sa kaya mo. Open pa position ng photojourn, dun ka sasali. Marunong ka non!”

“Ha? Kelan pa ko natuto kumuha ng litrato?”

“Ngayon lang! Kasi sabi ko. Kaya goooo pabili ka kay tita ng camera at magpractice ka na.”

Si Donghyuck ang subject ng litratong unang kinuha ni Mark. Nakadisplay pa rin ang malaking frame ng litratong ‘yon sa dingding ng kwarto niya.

Si Donghyuck pa rin ang subject ng mga sumunod na litratong kinuha ni Mark. Si Donghyuck lang palagi.

 

7 years before the wedding.

 

Madaming beses na silang nagkatampuhan ni Donghyuck, hindi nagpansinan nang ilang araw, nagbatuhan ng sapatos sa kalsada at kung anu-ano pa pero ito na ata ang pinakamalala nilang away.

“Anong magshishift ka? Iiwan mo ko? Eh ikaw nga dahilan kung bakit ko kinuha ‘tong course na ‘to!”

“Mark hindi mo nagegets kasi nag-e-excel ka eh! Okay yung grades mo! Saka aminin mo gusto mo na ‘tong course na ‘to. Eh ako? Feeling ko hindi ako para dito!”

“Ang sabihin mo susundan mo yung Jaemin! Hyuck ilang araw palang kayo magkakilala, my God nag-iisip ka ba? Future mo nakasalalay dito!”

Tiningnan siya ng masama ni Donghyuck.

“Ano bang akala mo sa’kin? Ipapatalo ko yung ilang taon ko sa Engineering para lang sa lalaki? Give me some credit naman!”

Hindi nakasagot si Mark. Siya kasi itong nagpatalo ng future para sa lalaki. Para kay Donghyuck. Gusto niyang mag-film pero noong sabihin ni Donghyuck na mag-e-engineering ito, walang pagdadalawang-isip niyang isinulat ang engineering sa college application form nila. Nag-aral pa siyang magbuti para makapasa sa dream school ni Donghyuck. Para lang sa huli ay iwan siya nito at lumipat ng ibang course.

Hindi niya matanggap. Feeling niya dinaya siya.

Ilang araw silang hindi nagpansinan. Hindi niya ito tiningnan kahit noong maghatid ito ng spaghetti sa bahay nila.

Wala ring double birthday celebration na naganap. Tatlong buwan ang nagdaan hanggang sa natanggap na ni Mark na hindi pwedeng habang-buhay silang magkasama ni Donghyuck.

Kapag nakikita niyang masaya si Donghyuck sa bagong course, naiisip niyang naging unfair din siya sa kaibigan.

Inabot niya ang ube-keso flavored na cornetto kay Donghyuck. Nanginig ang labi nito bago nito iyon tinanggap.

“Bati na tayo?”

Tumango si Mark. Yun na ang cue ni Donghyuck para hayaan ang mga luha niyang kanina pa pinipigilan.

Dinamba siya ng yakap nito hanggang sa hindi na siya makahinga.

 

3 days before the wedding.

 

Hinilot ni Mark ang sentido at tiningnan ang nakakasilaw na liwanag ng laptop. Malapit na ang kasal ngunit hindi pa rin handa ang speech niya.

Nakakastress i-summarize ang buong 25 years nilang pinagsamahan ni Donghyuck. Mahirap piliin kung anu-ano sa mga ito ang isasama niya at pagkasyahin ang lahat sa loob lamang ng limang minuto. Kung si Mark ang tatanungin, kulang ang isang araw para isalaysay ng buo ang kwento nila.

He practiced saying his opening line out loud.

“Today, I wanna tell you the story of how I met Donghyuck.”

He imagined the reaction of the guests. Matatahimik siguro ang mga ito, pagkatapos ay magbubulungan habang pinagpapabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa ni Donghyuck.

He shook his head aggresively as he deleted all the content of the word document until the word count reaches zero. It’s wrong to talk about him and Donghyuck on someone else’s wedding. Especially if the latter is the groom.

 

The day of the wedding.

 

“Today, I wanna tell you the story of how Donghyuck met Jaemin.”

Mark scanned the crowd. They all seem excited. He looked at Donghyuck who was seated in the makeshift stage, adorned with sunflowers and yellow balloons.

Donghyuck smiled at him before mouthing I love you.

He smiled back. Although his smile implied the exact opposite of Donghyuck’s.

Mark mouthed I love you too. For the last time.

He knew their I love yous imply two different meanings too.