Actions

Work Header

Nahirang

Summary:

“Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.”

“At Sumainyo rin.”

“Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.”

Isang yakap, tapik sa likod, at dalawang halik sa pisngi ang natanggap niya mula sa mga pamilyang kasama niya. Testing his luck, Jeno yet again looked at the big window where Jaem is directly selling bibingka and puto bumbong at the other side of the road. Three seconds passed before Jaem looked up again.

And for the second time that night, their eyes met.

“Peace be with you.” they mouthed at the same time

Notes:

hello! welcome to day 1 of paskuhanomin! haha souprice <3 i hope you enjoy this too!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

"Flight attendants, prepare for take-off please."

 

Napapikit ng bahagya si Jeno nang magsimula ng umandar ang eroplano. Pauwi siya ng probinsya nila, sa leyte. Taun taon siyang umuuwi mula manila patungo sa samar para magdiwang ng pasko at bagong taon kasama ang kanyang pamilya sapagkat tradisyon na sa kanila ang magsama sama kapag ganitong okasyon. Nasa ikaapat at ikahuling taon na siya ng kolehiyo kaya naman ay sinikap niya talagang umuwi para magkaroon ng maayos na pahinga at makasama muli ang kanyang mga pinsan na kahit sa maynila rin nag aaral ay bihira niya pa rin makita.

 

Nang muling magmulat ng mata ang binata ay pababa na sila mula sa himpapawid, hindi niya maiwasang mapasilip saglit sa bintana sa kanyang tabi, alas kwatro na ng hapon kaya dagsa ang mga tao. Walking around the small airport of their province is a breather, andito siya para magpahinga at magsaya.

 

“Jeno! Dito!” agad lumawak ang ngiti sa kanyang labi ng marinig ang boses ng kanyang pinsan na si Jaehyun, panganay ito sa kanila at stable na ang sariling pamilya, madalas rin itong bumisita sa kanya sa maynila sapagkat malapit lang ang trabaho nito sa kanyang condo.  

 

Isang side hug at tapik sa likod ang natanggap ni Jeno ng lapitan niya ang nakakatanda, lumuhod din siya ng bahagya para bigyan ng halik sa pisngi ang kanyang pamangkin na tumatalon sa tuwa sapagkat nakita niya na muli sa wakas ang kanyang tito matapos ang ilang buwang hindi pagkikita. “How are you little Jolo?” The smile on the child’s face is wholesome. “I’m doing good kuya tito! Can you believe I'm actually 6 now!” hindi maiwasang matawa ng dalawang nakakatandang lalaki sapagkat kasama si Jeno sa pagdiriwang ng bata noong anim na taon niya, baka nakalimutan lang nito.

 


 

Maingay at puno ng tawanan ang malaking bahay ng pamilya ni Jeno. May nagiinuman, nagkakantahan, nagkukwentuhan, ang mga bata ay naglalaro at naghahabulan. Isa si Jeno sa mga nakikipag kwentuhan lang. Kaharap niya ang isa sa mga pinsan niyang malapit lamang ang edad sa kanya, si Mark, na nagtapos ng kolehiyo isang taon palang ang nakalipas. 

 

“How was college? I still can’t grasp the fact na malapit ka na grumaduate.” uminom panandalian si Jeno sa hawak niyang baso na juice ang laman. “College is still the same, ikaw ba? How was your first year as an employed man? Pwede ka na mag asawa.” nag tawanan silang dalawa at nagpatuloy ang kwentuhan.

 

Hindi namalayan ng lahat na lumubog na ang araw, ganito talaga kapag masaya at nasa iisang pahina ang lahat.

 

“Simbang gabi na diba?” It was Mark who asked the room and everyone gasped at the mention of such an important event bago mag pasko. The moment Mark and Jeno made eye contact it was already decided na dadalo sila.

 

Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang gabi at ang simoy ng hangin ay mas lumalamig na nagbibigay nginig sa katawan ng bawat isa. Si Jeno, Mark, 

Abi na isa pa nilang pinsan na nakatira talaga dito at ang pamilya ni Jaehyun lamang ang magsisimba, ang iba kasi ay magpapahinga dahil sa mahabang byahe, ang iba naman ay naglilinis at magbabantay ng mga lasing, samantalang ang mga bata ay namamahinga na.

 

Saktong alas diyes ng gabi sila bumyahe patungo sa simbahan, si Jeno ang naatasan mag maneho habang si Abi ay nasa tabi niya para ituro ang daan patungo sa pinaka matanda at magandang simbahan sa lugar nila. Maraming tao at puno ng mga nagbebenta ng pagkaing pang Disyembre. halos wala ng espasyo para sa mga sasakyan, ngunit imbis mainis ay nakaramdam ng pag lambot sa puso si Jeno, ganito karaming tao ang gusto dumalo at ganito rin karami ang mag sasaya sa pasko.

 

“Dito ka na lang dumaan kuya, marami kasing tao sa kabila.” tinuro ni Abi ang gilid ng simbahan na sinubukan naman agad ni Jeno pag masdan, kahit dito ay may mga nagtitinda at kita ang ngiti sa mga labi ng lahat.

 


 

“Ang pasko ang patunay na dapat pinaghahandaan ang mga bagay na nakagisnan para patuloy na maiparamdam dito ang kanyang kahalagahan. Ang pasko ay parang tao lang din yan, kailangan mo bigyan ng katiyakan na siya ay mahalaga at dapat pinapahalagahan.”

 

Tahimik na nakikinig ang lahat sa Homily ni father ng makaramdam ng kalabit si Jeno sa kanyang binti, nasa gilid kasi siya ng upuan kung saan nakapwesto sila Abi at ang pamilya ni Jaehyun dahil nagbigay sila ni Mark ng upuan sa mga babae at matatanda.

 

“Kuya tito.” Mahinang bulong ni Jolo making Jeno lean down so the younger can speak to him properly. “I’m very hungry but dad is not allowing me to go out and eat, may nakita rin akong spiderman na balloon kanina and i really want to see it again.” Agad umayos ng tayo si Jeno matapos magsalita ni Jolo para tingnan si Jaehyun na umiling naman agad, na nagpapakita na dapat humindi si Jeno, ngunit ng muli niyang tignan si Jolo ay hindi niya magawa ng tumanggi dito.

 

Kaya ngayon ay nasa labas silang tatlo nila Mark ng simbahan at naghahanap ng gustong kainin ng bata. “I want the violet food na kinakain nila lola sometimes.” Kunot ang noo ni Jeno dahil hindi siya pamilyar sa sinasabi ng nakababata.

 

“Do you mean puto bumbong or bibingka? I don't know which is which.” Imbis na sumagot sa tanong ng tito Mark niya ay agad silang hinila nito papunta sa isang stall na walang tao. “Pabili po kami!” di maiwasang mapangiti ni Jeno dahil sobrang cute ng pamangkin niya.

 

Sabay sabay napalingon ang tatlo nang may biglang magsalita sa katabing stall ng bilihan ng bibingka. “Uy mga pogi hello! Nag banyo lang yung tindero diyan pahintay nalang saglit.” pinagmasdan panadalian ni Jeno ang binatang hindi nalalayo sa edad niya panigurado na ngayon ay nagpupuno ng gulaman sa baso. siomai at iba pang streetfoods ang binebenta nito. 

 

“Jaem! Bilisan mo beh may bibili!” sinundan ni Jeno ang tingin ng binata sa kabilang stall dahil nagtataka siya bakit ito sumigaw.

 

Sa kabilang parte ng lugar na kinatatayuan nila Jeno at kung saan nakatayo ang malaking simbahan na may pagitang kalsada naghihintay makatawid ang isang lalaki, isang lalaking mukhang anghel.

 

Sa pelikula lang ni Jeno madalas makita ang paghinto ng mundo para sa isang tao, ngunit sa mga oras na ito ay nararanasan niya ang lahat na para bang itinadhana itong mangyari.

 

Mahangin, dahilan para dalhin nito ang buhok ng magandang lalaki, namumula ang mga pisngi nito dahil sa lamig ng simoy ng malapit na pasko.

 

Hindi namalayan ni Jeno na nasa harap na pala niya ang binata kung hindi pa ito nagsalita.

 

“Hello po! Magandang gabi, pasensya na sa saglit na paghihintay.” halos napapikit at mapahawak si Jeno sa mukha ng lalaki- ni Jaem, rinig niyang sigaw ng kaibigan nito kanina, dahil sa ma-amo nitong mukha.

 

“I want one bingkika food pochi!” kahit naguguluhan ay ngumiti pa rin ang binata kay Jolo habang hinahanda ang bibingka na gusto ng bata.

 

“Isa lang po ba?” hindi inaasahan ni Jeno na matatamo ang kanilang mata, kung hindi siya nagkakamali ay mas lalong namula ang pisngi ni Jaem dahil sa saglit nilang pagtitig sa isa’t isa.

 

“Yes, isa lang” malalim at halos paos ang boses ni Jeno nang sagutin niya ito na hindi nakawala sa pandinig ni Mark.

 

The older tried observing Jaem’s stall, it looks like not many people bought from him, dahil lahat ng sangkap ay halos hindi pa nagagalaw. And for some odd reason, he wanted to do something he knows he will get teased later on.

 

“Wait, actually make that five, tapos yung violet thingy give me ten.” lahat ng nakarinig sa paligid ay napatigil kasabay ng paglaki nang mata at pag bukas ng bibig ni Jaem dahil sa gulat. Sandali siyang tinignan nito bago lumingon sa kaibigan niyang nasa kabilang stall na muntik mabagsak ang panandok dahil sa narinig.

 

“Sir? Seryoso po ba?” Jeno can see from his peripheral vision that Mark is wide eyed as well, confused why he suddenly wants that many. This made Jeno’s blood rush through his neck, he was suddenly aware and shy from the many eyes on them. “Yeah, we’ll get it.” It was Mark who answered this time with a kind smile.

 

Iniiwasan ni Jeno tignan si Mark buong oras na inaasikaso ni Jaem ang binili nila. kahit yung kaibigan nito sa kabilang stall ay tinutulungan na siya dahil sa dami ng kailangan asikasuhin na bibingka at puto bumbong.

 


 

Tahimik na nagmamaneho si Jeno, pauwi na sila mula sa simbahan. Hindi mawala sa isip niya ang matamis na ngiti ni Jaem nang iabot nito ang supot ng mga binili nila. 

 

“Dude, what was that about?” hindi binigyan pansin ni Jeno ang tanong ni Mark dahil alam niyang nakikinig sila Jolo sa kanila. “We should buy this again next time dad! Ang sarap ni pochi mag make ng bingkika.”

 

Natatawang pinunasan ni Jaehyun ang gilid ng bibig ng kanyang anak. “It’s bibingka, not bingkika. And why do you call the vendor pochi?” kahit si Jeno ay napalingon sandali sa likod bagamat gusto niya rin malaman ang dahilan bakit pochi ang tawag ng pamangkin niya sa mala-anghel na binata kanina.

 

“His cheeks are so pink kasi dad, he reminds me of pochi.”

 

Napangiti si Jeno sa narinig dahil oo nga naman, namumula ng bahagya ang pisngi ng binata kanina, na agad inilingan ni Mark, mukhang alam na niya saan ito patungo.

 

Pochi.

 

Jaem suits that nickname.

 


 

 “At patawarin mo kami sa aming mga sala

  para nang pagpapatawad namin

  sa nagkakasala sa amin.

  At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.

  At iadya mo kami sa lahat ng masama.”

 

Ramdam ni Jeno ang nagbabagang mata na nakatanim sa kanya, he can feel the eyes of someone watching him way before Ama Namin even started. At sa huling taludtod ng kanta niya nilingon ang malaking bintana sa gilid ng simbahan at nagtama ang kanilang mga mata.

 

Pochi. 

 

Pinapanood siya ni Jaemin habang kinakanta rin ang Ama Namin kasabay ng pagpupunas nito sa plato na hindi alam ni Jeno para saan. Saglit itong nakatulala sa kanya bago nanlaki ang mga mata at nagiwas ng tingin, and just like last time, Jeno smiled to himself.

 

Cute.

 

“Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.”

 

“At Sumainyo rin.”

           

“Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.”

 

Isang yakap, tapik sa likod, at dalawang halik sa pisngi ang natanggap niya mula sa mga pamilyang kasama niya. Testing his luck, Jeno yet again looked at the big window where Jaem is directly selling bibingka and puto bumbong at the other side of the road. Three seconds passed before Jaem looked up again.

 

And for the second time that night, their eyes met.

 

“Peace be with you.” they mouthed at the same time.

 


 

“Hoy Jaemin ikaw ah, ano ‘tong naririnig ko kay haech na may manliligaw ka daw.”  malakas na ubo mula sa mama ni Jaemin at panlalaki ng mata galing sa kanya bago siya umiling ng bahagya sa sinambit ng mama ni haechan. “Po? Wala po akong manliligaw, gumagawa lang ng kwento yan si haech tita.” 

 

Mapangasar na tingin at tukso ang natanggap niya sa tatlong taong kasabay niyang naghahapunan sa tapat ng kalsada bagamat nagdala ang kanyang ina ng ulam mula sa kapitbahay nila.

 

“Sus eh diba pog-” bahagyang napatigil sa haechan dahil may magarang kotse na tumigil sa harap ng mga stall nila, lumabas dito ang isang batang pamilyar kay Jaemin kaya agad siyang napatayo na dahilan bakit muntik pa malaglag ang kanyang plato.

 

“Pochi!” hindi alam ni Jaemin ang dapat gawin kaya nginitian niya na lang ito at binigyan ng maliit na kaway. “Pochi hello! I’m here with my kuya tito to buy bibingka and violet bumbong again!” 

 

Abala sa pakikipag usap si Jaemin kay Jolo kaya hindi niya namalayan na nakalabas na si Jeno sa sasakyan. 

 

“Hi.” It was short, sweet, and gentle. Hindi mapigilan ni Jaemin ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Alam niyang nanonood ang kanyang mama pati sila haechan sa kanila ngunit di niya magawang hindi magbigay ng matamis na ngiti sa binata sa kanyang harap.

 

Mabilis ang mga pangyayari, kanina lang ay naghahanda siyang ayusin ang bibilhin nila Jolo, ngayon ay naglalakad silang tatlo patungo sa simbahan. Gusto kasi ni Jolo magsimba kasama si Jaemin at bago pa humingi ng pasensya si Jeno sa gusto ng kanyang pamangkin ay tinulak na si Jaemin ng kanyang mama.

 

Hindi na sila makapasok sa loob dahil dagsa na ang mga tao, nanatiling nakatayo ang tatlo sa labas habang tahimik na nakikinig.

 

“This might be rude to ask pero, can i know your name?” hindi magawang lumingon ni Jaemin sa nakakatanda dahil sa hiya kaya sinagot niya ang tanong nito habang diretso pa rin ang tigin. “Jaemin po, kayo po ba?” napangiti si Jeno saglit bago bumaling muli ang tingin sa simbahan. “Jeno Lee.”

 

Mas lalong lumalim ang gabi, puno ng kwentuhan at tawanan ang dalawa, ang pamumula at pag iinit ng mukha ni Jaemin ay ni minsan hindi nawala. Marami silang natutuhan sa isa’t isa, nalaman ni Jeno na nasa unang taon ng kolehiyo ang nakababata at mas pinili nitong mag aral sa lokal na paaralan sa kanilang probinsya dahil hindi kaya tustusan ng kanyang ina ang magagarang unibersidad sa maynila, nalaman din niyang mahiyain talaga ito at madaling tumawa kahit sa maliliit na bagay.

 

Kasabay ng pag lalim ng kanilang usapan ang pag bilis ng daloy ng oras at paglakas ng hampas ng hangin, nilagay ni Jeno ang kanyang jacket sa balikat ni Jaemin ng makita itong hinahaplos ang sariling braso na hindi naman pinalampas ni Jolo para tuksuhin sila.

 

Habang naglalakad pabalik sa stall nila Jaemin ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanilang mga labi. Inabot ni Jaemin ang supot ng mga pinamili ng dalawa bago ito ihatid sa sasakyan.

 

“Advance Merry Christmas Jaemin, thank you for the company.” isang matamis na ngiti at tawa ang natanggap ni Jeno bago ito sumagot. “ Maagang Merry Christmas din po, salamat din sa oras.”

 


 

Hindi rin nila alam pareho kung paano umabot sa ganito, ang maikli at sikretong tingin ay nauwi sa mahabang kwentuhan na umaabot ng hatinggabi, sinasamahan siya ni Jeno magtinda ng bibingka at puto bumbong habang nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay bagay,

 

Mas lalo nila nakilala ang isa’t isa sa malalim na paraan dahil sa dami ng oras nilang magkasama. Their eyes speaking the most, holding too much.

 

Jeno can’t deny the blooming feelings inside him whenever Jaemin laughs or smiles at him, how kind he is and patient towards rude customers, how amazing he is to have a dream so big that revolves around his mom who has aided him since birth.

 

“May aaminin ako.” the sincere eyes of Jaemin looked at him, ready to listen to whatever he was about to say made his heart swell. “Hindi ako mahilig sa bibingka.” This made the younger one laugh in delight and Jeno thought he looked too pretty to be true.

 

The red cheeks and teary eyes caused by the wind, the photographs they randomly took, the world, they all don’t give enough justice to his beauty. He was just smiling fondly at the view in front of him before they made eye contact again.

 

“Alam ko po, halata naman eh.” this made Jeno’s brows meet in confusion, was he that obvious? “How?” This time it was Jaemin who smiled at him fondly. “Yung taas lang kinakain mo.” Jeno can’t help but laugh as well, maybe he was a little too obvious.

 


 

“Do you believe in love?”

 

It was too random, it was one of those days where both of them are just sitting quietly looking at the stars. Christmas is a day away, and they both agreed to spend the night like this because tomorrow will be full of family.

 

“Oo naman po bakit hindi?” 

 

Both of them looked at each other at the same time, making their eyes meet yet again, madalas na itong managyari kaya walang gustong magiwas ng tingin at dahil pareho na silang komportable.

 

“Pagmamahal? Hindi ba’t darating yan sa mga oras na hindi mo naman inaasahan at inaasam. May mga kwento at paniniwala rin akong naririnig minsan na kapag dumating ang pag ibig hindi mo namamalayan, kasi ganun talaga ang pagmamahal, hindi pinipilit kasi kusa siyang dumadating.”

 

Saglit na katahimikan, tanging tibok ng sarili nilang mga puso lang ang maririnig, ang ingay ng mga sasakyang dumadaan, at ang boses ng pari na umaalingawngaw.

 

“Ikaw po ba? Naniniwala ka ba sa pag-ibig?”

 

Walang pagdadalawang isip, puno ng dignidad at sinceridad.

 

“Oo, kasi nakilala na kita.”

 


 

“Maligayang Pasko!” bungad ni Jaemin kay Jeno na kakababa lang ng sasakyan, may hawak itong regalo na hindi kalakihan.

 

“Merry Christmas pochi!” 

 

Gabi ng pasko sila muli at huling nagkita, sa tahimik at liblib na sulok ng aligagang kalsada, bulungan at pangako na kalahati ang laman, mga matang patuloy nagtititigan. “Babalik na ko ng maynila bukas.” di maipaliwanag ni Jeno ang kanyang nararamdaman, mas lalo ng bigyan siya ni Jaemin ng ngiti na puno ng pagmamahal.

 

“Ingat ka dun, tuparin mo ang pangarap mo, wag mo subukan taliwasin ang tadhana dahil lang sa tulad ko. Isang taon na lang ang kulang sa’yo bago ka maging handang humarap sa mundo, ngayon palang, ipinagmamalaki na kita Jeno.”

 

Kung si Jaemin lang rin ang masusunod, ay hindi niya hahayaang masira ang nakatakdang buhay kay Jeno, kahit ilang panalangin pa ang gagawin niya para humiling ng mas mahabang pasko, sa huli ay matatapos pa rin ito.

 


 

1 year later

 

“Nak, bili ka nga muna ng keso sa palengke pati ng niyog, simula na ng simbang gabi ulit.” kahit naiinis ay bumangon pa rin si Jaemin sa higaan. “Ano ba yan ma ang aga aga pa eh!” 

 

“Bilisan mo na! Tsinelasin kita dyan eh.” 

 

Kaya ngayon ay nasa palengke si Jaemin para bumili ng mga sangkap na kailangan ng kanyang ina. “Kuya tatlong box ng cheese yung eden ah.” he was busy looking around the store without noticing a kid standing and staring beside him.

 

“Pochi?”

 

Mabilis na nilingon ni Jaemin ang  nagsalita sa tabi niya dahil sa boses na pamilyar, sobrang tagal na nung huli niyang narinig ang palayaw na yun kaya nagulat siya nang marinig ito mula sa batang panigurado ay kilala niya.

 

“It’s you, it’s really you! Pochi!” 

 

Hindi maiwasan magtubig ng mata ni Jaemin dahil sa likod ng bata ay isang binatang matagal niya ng hinahanap, gusto kayakap.

 

“Jeno.” 

 

Mukhang masaya nanaman ang pasko ni Jaemin at sa pagkakataon na ‘to, pati na rin ang mga susunod pa. Wala ng oras na kailangan takbuhan, wala ng pangarap na kailangan tapakan.

 

“Namiss kita.” 

Notes:

thank you for coming this far, honestly while writing this i can't stop myself from smiling because of how cute they are! napaisip nga rin ako na what if gumawa ako ng mini au or scenarios with them, or baka kapag hindi ko napigilan magka part 2 pa to! hehe anyway, thank you again hehe

[ twitter accounts ]
main : jenanaluv
filo acc : pinagkaloob

[send your questions or thoughts here!]
panalangin