Work Text:
Parang never naexperience ni Baekhyun na magkahanda tuwing Christmas eve.
He never really understood the point of it.
Or maybe, dahil nakasanayan na niya na simula bata pa lang siya, ang mas madalas nilang cinecelebrate ay mismong araw ng Pasko. Madalas, kapag December 24, parang normal na araw lang sa pamilya niya. Kakain ng dinner tapos mag-aayos ng bahay ng kaunti at saka matutulog. The usual thing.
Ilang beses niya na siguro naencounter na kwentuhan ng mga kaibigan niya tungkol sa kung gaano kabusy ang Christmas eve nila. Kapag kausap niya ang mga kakilala niya noon, madalas, nahihirapan siya dahil nagcecelebrate o nagluluto sila ng mga handa.
And si Baekhyun… well, nagpeprepare matulog. Natatawa pa nga ang mga kaibigan niya noon eh. Akala kasi nakikipag-joke siya, pero hindi naman dahil habang kausap niya sila, nakahiga na siya at patulog na.
Nagbago lang naman 'yun nang… makilala niya si Chanyeol.
Chanyeol likes celebrating events. He likes preparing for them.
Christmas eve is no exception to that.
He felt confused at first nang imbitahan siya ni Chanyeol nung unang celebration nila ng Christmas. Nasaktuhan kasi na nakwento niyang wala siyang kasama na magcecelebrate ng taong 'yon kaya syempre, being the best boyfriend Chanyeol is, sinabihan siya nitong mag-celebrate kasama ang pamilya niya. Nung una, tinanggihan niya pa. Syempre, may hiya naman siya, but hey, he's weak for cute guys with cute and wide pleading eyes, so he gave in.
Inaya siya nitong mag-grocery para bumili ng mga pwedeng iluto for the 24th. Hindi naman umangal si Baekhyun. Syempre, bakit siya aangal kung isa itong chance to spend some time with Chanyeol? Nakakatuwa kaya makitang mag-grocery si Chanyeol kahit bawat sulok yata ng supermarket ay pinupuntahan niya. Normally, that would be tiring and very time consuming, but something about that side of Chanyeol was endearing and fun to be with.
(But then again, it's always fun with Chanyeol. He loves every moment that he can spend some time with him.)
Still, kahit nakakaenjoy, naguluhan pa rin siya because mararamdaman mo talaga ang rush kapag ganitong oras. Halata 'yun kay Chanyeol na aligagang magluto at mag-ayos, masayang nakikipag-usap sa pamilya niya habang si Baekhyun, nahihiya at sinusundan lang ng tingin si Chanyeol.
That time, nahalata iyon ni Chanyeol. Natatawa pa siyang tumingin sa kanya at saka tinanong, "Anong ginagawa mo? Para kang nawawala dyan."
Humawak siya sa braso ng nobyo at medyo nilapit ang labi sa may tenga niya. "Sorry. Hindi lang ako sanay. Hindi lang talaga namin 'to… cinecelebrate sa bahay."
Natawa naman si Chanyeol at hinalikan ang noo niya. "That's okay. You can spend this year and the next ones with me. Soon, you'll look forward to it just as much as I do."
He held on to that.
Actually… mas nag-hold on siya sa idea na may next ones, because that means na they'll be together for a long time… and well, he wants this to last.
And he's glad that even after years since they first celebrated it together, nandito pa rin siya sa tabi ni Chanyeol.
Tama si Chanyeol.
He's now looking forward to it.
Napatigil siya sa pagbalot ng inassign ni Chanyeol sa kanya na shanghai at saka tinignan ang boyfriend niyang kanina pa paikot-ikot sa kusina, ang daming inaasikaso. Hindi niya napigilan ang mapangiti dahil ang cute tignan ng boyfriend niyang ang dungis na tignan dahil kanina pa niya minamadali ang gusto niyang i-bake. Nakakunot ang noo nito habang tinignan ang recipe na prinint niya, parang dinodouble check kung tama ba lahat ng ginawa niya.
Cute.
Naalala niya nung excited na pinakita ni Chanyeol ang phone niya, may nakaopen na YouTube video dahil kung saan-saan na naman siya napadpad at nakita niyang cake ito.
"I wanna try this for Christmas!" sabi nito. "What do you think? Should I try o tingin mo masasayang?"
Chanyeol looked so excited while asking that. Hindi naman makakahindi si Baekhyun sa ganon. Wala naman masama. Hindi niya nga alam kung bakit pa kailangab magtanong ni Chanyeol eh kung tutuusin ay lagi naman ito nagtatry ng kung anong bago.
Baekhyun kisses his forehead. "You should. Curious din ako sa lasa."
Chanyeol had a huge smile on his face after he said that.
Natigil siya sa pag-iisip nang mapatingin sa kanya si Chanyeol at pinanliitan ng mata.
"Anong tinitingin-tingin mo ha?" tanong nito. "Tapos ka na ba sa dyan? Hindi pwedeng wala 'yan sa handa… baka mamaya, panay titig ka na lang sa akin. Alam ko namang gwapo ako ha—"
Baekhyun snorts. "You're right. Pogi ka pa rin kahit madungis ka ngayon."
"Aba!"
Lumapit sa kanya si Chanyeol at napatingin pa siya sa daliri niyang may cream. Tinaas nito ang daliri niya at mukhang lalagyan na dapat ng ilong niya nito, pero bigla itong tumigil bago pa dumampi sa balat niya.
"Ayaw kong madumihan mukha mo," sabi nito. "Kiss na lang kita. You look cute right now."
Bago pa makapag-react si Baekhyun ay hinalikan na siya ni Chanyeol sa labi. May nalasahan pa siyang… something , pero hindi niya pa maprocess 'yon, dahil ang tanging nasa utak niya lang ay kung paanong sobrang lambot ng labi ni Chanyeol and it's as if he can't get enough of it.
But all good things come to an end dahil lumayo na rin si Chanyeol sa kanya. Nakuha pa nitong ngumuso sa direksyon ng binabalot ni Baekhyun. "Gawin mo na 'yan para malagay ko pa kahit papaano sa ref."
Baekhyun just shakes his head and was about to continue what he was doing, but when he licks his lips, he pauses and realizes something.
"Kinain mo 'yung strawberry ko 'no?"
Hindi sumagot si Chanyeol at ngumiti lang sa kanya, pakurap-kurap pa ang mata, parang nagpapacute.
"I was saving that para makapag-shake ako."
Chanyeol still had the same smile on his face. "Gusto mo pa ng isa pang kiss?"
Natawa na lang si Baekhyun, thinking about how lucky he was that he gets to experience how fun this day is. With Chanyeol and because of Chanyeol.
Si Baekhyun na ang tumayo at binigyan ulit ng halik ang nobyo niya.
Not because of his offer or because of the strawberries, but just because he wants to kiss him and make him feel how thankful he is and how much he loves him.
