Work Text:
Kasabay ng paghakbang pagkaakyat sa hagdan ng underground stairs na tumatagos muna Quezon City Circle hanggang sa may tapat ng munisipyo ng Quezon City ay ang unti-unting pagwala ng ngiti sa kanyang mga labi.
Tapos na ang kasiyahan. Uuwi na naman siya at babalik sa dating gawi.
Nakipagkita kasi ang binata sa kanyang mga college besties na karamihan ay nakatira lamang around Quezon City habang siya nasa ibang ruta nakatira.
Kung gaano kakupad umandar ang mga sasakyan sa kanyang harapan, ganon naman kabilis maglaho ang kanyang mga kaibigan. Ito na. Siya na naman ang huling uuwi.
Wala namang nagawa si Jun kung hindi maghintay kasama ang iba pang mga commuters ng jeep papunta sa patutunguhan nila.
Nahihirapan na siya at gusto na niya maggrab para deretso na siyang makauwi kaso iniisip niya na baka may dadating pa. Isa pa nanghihinayang siya sa perang magagastos niya kapag naggrab siya kumpara sa magagastos niya sa dalawang sakay na jeep pauwi sa kanila. Tahimik na siyang naghihintay hanggang sa biglang nagising ang diwa niya.
SM North
Ito na, ito na ang rutang kailangan niyang sakyan. Mabilis pa ito sa alas kwatrong umakyat sa jeep na animo hindi galing sa pakikipagsiksikan sa mga tao.
Nakaupo siya sa may kaliwa, tatlong tao ang pagitan mula sa tsuper ng jeep. Binunot niya ang baryang nasa kanyang bulsa na inihanda niya habang naghihintay sa jeep.
Inabot niya ang bayad sa katabi at nagsabing "Makikiabot nga po." Inabot naman nito ang kanyang bayad at pinagpasa-pasahan na hanggang makarating sa katabi ng tsuper na nagkukuha ng mga bayad ng pasahero.
Masikip ngunit nakakaupo pa naman ang dalawang pisnge ng kanyang pwetan sa upuan. Nakatingin lamang siya sa bintana habang nararamdaman na nag-zone out ang kanyang isipan.
Hindi na malayan ng binata na huminto ang jeep na kanyang sinasakyan.
"SM NORTH! SM NORTH!"
Sigaw ng asawa ng tsuper. Naalarma naman si Jun at tinignan ang mga iilang taong bumababa habang paulit-ulit na sumisigaw ang babae.
Nag-aalangan siyang tumayo at mahinang bumulong ng "SM North na ba 'to?"
Siguro nga kasi sumisigaw ang babae, sabi nito sa kanyang sarili.
Tatayo na sana siya ng biglang may humawak sa kanyang balikat at nagtanong.
"SM North na po ba?"
Hindi siya makapag-isip ng maayos. Nalilito siya. SM North na nga ba?
Hindi siya sumagot at ang tangi niyang ginawa ay bumaba na lamang. At sa pagbaba niya du'n niya lamang na realize na.
Hindi pa pala SM North.
Aakyat na sana siya ulit sa jeep ngunit mahirap na makapasok at makisiksik, kaya hinayaan na niya na lang ito at gumilid na lang sa side walk kung saan mas marami pa ang naghihintay na pasahero.
Nakatayo siya ulit kasama ang iba pang tao.
Nakatulala.
Inisip kung anong nangyari.
Nanghihinayang sa pera at sa oras. Gusto na niya makauwi kaso mukhang gusto pa yata siyang pagstay-in ng kapalaran sa kalsada.
Nakatayo lang siya habang nag-aabang ULIT ng jeep hanggang sa may naramdamang presensya. Lumingon siya at nagulat sa nakita.
'Yung lalaking nagtanong kanina kung SM North na.
"Hindi pa pala SM North 'no?" tanong nito sa kanya habang nakangiti sa kanya.
Tumungo lamang si Jun sa hiya. "Sorry."
Narinig niyang natawa ang lalaking katabi niya. "Ayos lang. Pagod ka siguro kaya lumulutang ang isip mo kanina."
"Wonwoo nga pala." sabi nito sa kanya.
Tumingin ulit si Jun kay Wonwoo at nginitian ito. "Jun."
Magkatabi sila ngayon at nakatingin lang sa mga sign board ng jeep na dumadaan. Expected na ito ni Jun na walang masyadong SM North na ruta kaya inihanda niya na lamang ang kanyang bayad kung sakaling may masasakyan ulit.
Habang sinisiksik ang pera sa kanyang bulsa ay na bigla naman ito sa sunod na nangyari.
Hinawakan kasi ni Wonwoo ang kanyang kamay at kinaladkad malapit sa pintuan ng jeep habang sinisiksik siya papasok sa loob. Walang nagawa si Jun kundi makipagsiksikan hanggang sa makapasok habang hawak ang kamay ni Wonwoo.
Since hawak na niya ang kamay ng binata ay mas hinigpitan niya ang hawak dito at hinatak pa paakyat dahil naiipit na si Wonwoo hanggang sa makapasok silang dalawa sa loob ng jeep.
Natatawa naman si Jun sa pinaggagawa nila sabay lingon kay Wonwoo na nakangiti ng malawak kahit pawisan na.
Bubunutin na niya sana ang kanyang bayad kaso naalala niya hindi pa pala sila bumibitaw sa pagkakaholding hands. Nahihiya siya tanggalin kaya tinitigan niya na lang si Wonwoo.
Napansin naman ni Wonwoo ang pagtitig ni Jun sa kanya kaso hindi niya alam kung bakit. Tinaasan siya ni Wonwoo ng kilay kaya ngumuso si Jun sa kanilang kamay. Natatawa namang tinanggal ni Wonwoo ang pagkakahawak sa kamay ng binata.
Magbabayad na sana si Wonwoo ng pigilan siya ni Jun.
"Wag ka na magbayad. Ako na bahala sa pamasahe mo since ako naman ang dahil kaya na pababa ka sa jeep." sabi ni Jun sabay lagay ng bente pesos sa kamay ni Wonwoo.
"Ah wag na. Pinili ko naman na bumaba, hindi mo na kailangan bayaran pamasahe ko." pagtanggi naman ni Wonwoo.
Kung ayaw ni Wonwoo, ipipilit ni Jun. Hindi siya papayag na hindi makabawi sa pinaggagagawa niya kanina.
Kinuha ni Jun ang bente pesos na inilagay niya sa kamay ni Wonwoo at inabot sa katabi nito.
"Bayad po, dalawa sa may SM North po."
Wala naman nang nagawa si Wonwoo kundi guluhin na lang ang buhok ni Jun at nagpasalamat.
Tahimik na ulit sila sa byahe, walang nagsasalita sa jeep tanging harururot ng sasakyan at hangin ang maririnig. Kaya hindi maiwasang hindi mapapikit ni Jun habang nakahawak ang isang kamay sa bakal na hawakan. Malamig ang hangin at nakakaantok hindi na siya magtataka kung makakatulog siya sa byahe.
Hinigpitan na lang ng binata ang kapit sa bakal at dahan-dahang pumikit.
Wala pang ilang minuto, hindi pa rin dumidilat si Jun mula sa pagkakapikit kahit may nagtatanggal na ng kanyang ulo mula sa pagkakasandal sa kanyang braso. Naramdaman na lamang ni Jun na isinandal ang kanyang ulo sa kung anong malapad na bagay. Hinayaan niya ito at nakangiting pinagpapatuloy ang pag-idlip sa jeep.
&&
"Jun~"
"Jun, gising na. Nandito na tayo sa SM." narinig niyang tawag ng isang lalaking may malalim ang boses.
Dahan-dahan naman itong dumilat at iniangat ang ulo mula sa pagkalasandal sa balikat ni Wonwoo.
Nakita niyang sila na lang ang hindi pa nakakababa kaya tumayo na siya at lumakad na palabas ng jeep.
Finally.
Nakangiti siyang nakatingin sa mga tao kahit walang kangiti-ngiti sa haba ng pila.
Nilingon niya si Wonwoo na nasa likod niya at pinakitaan ng matamis na ngiti.
"Thank you."
"Wala 'yun, ano ka ba."
Ito na naman ang ngiti ni Wonwoo na nagpapalambot sa puso ni Jun.
Required bang ngumiti ka palagi kapag kausap ako?
"Saan ka pala?" tanong ni Wonwoo habang naglalakad papunta sa side walk. Nasa may gitna kasi sila kanian since du'n huminto 'yung jeep.
"Sa Malabon ako, ikaw?"
"Malapit lang, sa may Bagong Bario ako bababa since du'n ako naka-stay ngayon."
"Saan ka ba talaga nakatira?"
"Sa Mandaluyong. Nakatira muna ako sa pinsan ko kasi may inaasikaso pa ako na malapit sa kanila."
"Wow! Good luck ha?"
"Ikaw din."
: )
"Kailan po kayo ulit nagkita?
"Siguro after 5 months nagkita ulit kami kaso may girlfriend na siya no'n e."
"That's sad naman po pala. Bakit mo po siya hinayaan na magkagirlfriend?"
"Kasi ilang linggo na rin kaming hindi nag-uusap at natatakot na ako, anak e."
"Do you really love him ba, papai?"
"Ye—" naputol ang sasabihin ni Jun ng may biglang nagsalita.
"Who's him, Eve?"
Eve giggles and point her finger to the taller.
"You. You are him, Wowo dad. I asked papai Jun to make kwento about sa love story niyo po since my classmate knows how their parents met."
Nakangiti lamang si Jun habang pinapanood ang anak nila ni Wonwoo na magkwento.
5 years na ang lumipas at nagkaroon siya ng magandang buhay kasama si Wonwoo. Nung una ay mahirap lalo na't hindi niya alam paano didiskartehan ang love story nila.
Masaya siya dahil hindi niya naman kasi inaasahan na magiging sila ni Wonwoo. Siguro umasa siya ng konti pero hindi niya alam na dadating sa puntong magiging ganto kasaya ang buhay nila at na dagdagan pa ng isang batang cute.
