Work Text:
11 pm on the dot. Madilim at malamig sa condo ni Jennie, pero the glass of cabernet sauvignon in her hand was keeping her warm. Pati na rin ang katabi niya.
She could hear the faint sound of One Fine Day by Natalie Merchant playing from her Bluetooth speaker na iniwan niya sa kitchen counter. Her curtains weren’t drawn kaya the warm and cool city lights of Makati were on perfect display, illuminating the dark depths of her condo which set a romantic mood in the cozy space.
“It’s strange,” Sabi ng katabi niya habang komportableng nakaupo sa sofa at hawak ang wine glass na malapit nang maubos ang laman, “Kaninang umaga lang, I was having coffee with this endearing woman. Then in the afternoon, sinamahan ko siyang mag grocery tapos inaya niya ‘kong mag dinner. 7 hours later, here I am, with a stomach full of steak as I drink a glass of one of her most expensive wines from her rack.” Tuluyan na niyang inubos ang laman ng baso niya.
Ngumisi si Jennie at nilagyan pa ng wine ang baso ni Seulgi. “Disappointed?” Tanong niya habang nagbubuhos.
Seulgi watched the flow of the red wine in her glass, “No. Pero I am excited for what happens next.”
“And what is that exactly?” Tanong ni Jennie na may tonong parang nanghahamon.
Uminom si Seulgi mula sa baso niya at pagkalapag niya nito sa coffee table sa kanyang tabi, bigla siyang napangiti, “It’s the part where I accept the fact that I am completely hopeless against the eyes that steal my every breath, halt my every move, and take away my every word.” Pansamantalang natahimik si Seulgi para matignan niya ang mga mata ni Jennie, “Because yours is the gaze I find astonishing that everything else just becomes ineffable but certain, including the feeling that stirs within me whenever your eyes lock with mine.”
Tahimik lang si Jennie pero ang puso niya? Nag-iingay na sa lakas ng tibok nito.
“It makes me surrender to the reality that I have never fallen for anyone else like I have fallen for you.” Pagpapatuloy ni Seulgi, “And if you’d let me, I want to spend quite a long time trying to figure out that astonishment and ineffability just so I could tell you over and over why I’m crazy about you, even if it takes me a lifetime.”
Jennie doesn’t shift in her seat. All that she registers in her mind is Seulgi’s gaze that locks her down in her place, the almost empty bottle of wine on the table including her glass, at ang realization na she may or may not just have received a confession.
Uminom muli si Seulgi mula sa baso niya bago siya lumapit kay Jennie, “If hindi mo nagets, that was me trying to tell you that I’m in love with you by the way.”
Sa dahan dahang pagsandal ni Seulgi sa armrest, unti-unti nang napatawa si Jennie. Hindi dahil tipsy na siya (medyo lang siguro) but because of Seulgi and her ever so amusing way around words. Ang daming sinabi, pwede namang ‘I love you’ na lang.
Pero Jennie didn’t mind. Mas trip niya kasi ‘yung paraan ni Seulgi.
Carefully, nilapag ni Jennie ang wine glass niya before she stretched her body across the lengthy sofa just so she could reach Seulgi na iinom sana ulit pero dahan dahang binaba ni Jennie ang kamay niya at itinabi ang baso sa mesa. Jennie’s hand was gentle, soft, and warm noong dumapo ito sa malamig na pisnge ni Seulgi. However, what was more gentle, soft, and warm are the lips that lovingly locked with Seulgi’s when she closed her eyes at the same time Jennie closed the distance between them.
It’s in Jennie’s kiss that Seulgi found a hint to the astonishment and ineffability that she was explaining earlier. Kung ito lang naman ang magbibigay sa kanya ng sagot at enlightenment, gugustuhin niyang ulit-ulitin ‘to. Seulgi gets the sense that the closer she gets to Jennie, the more astonished she’ll get, and the more time she’s going to have to spend figuring everything out. With that, she thinks it’s safe to say that she will never get enough of this. And that she never wants this to end.
Then, Seulgi will gladly claim that lifetime to stay in this moment forever.
When Jennie pulled away, wala pang isang dangkal ang layo nila sa isa’t isa and they both found this pleasantly hypnotic. Bumuntong hininga si Jennie, mga kamay ay nasa pisnge at balikat pa rin ni Seulgi habang ang mga mata niya’y pinagmamasdan ang makapigil-hiningang mukha ng katapat niya.
Bahagyang ngumiti si Jennie bago sinabing, “Then let’s spend that lifetime of yours together.”
Seulgi mirrored the look of happiness on Jennie’s lips all before leaning in once more to express her own joy in the best way she knows how.
“Cut!”
Just like that, mabilis na nawala ang kislap sa mga mata ni Seulgi at agad na naramdaman ni Jennie ang mala kuryenteng kirot sa kailalim laliman ng dibdib niya. Bumukas na rin ang lahat ng ilaw sa set pero nanatili pa rin si Seulgi at Jennie sa posisyon nila dahil hinihintay ni Seulgi ang komento ng direktor.
“Astig ng kissing scene. Kahit ako kinilig!” Sigaw ni Jisoo mula sa director’s seat at pabiro pang nanginig.
Napatawa ang buong crew pati na rin silang dalawa. Muling nag dikit ang kanilang mga noo as they shared a laugh. Jennie strongly fought the urge to lean in once more para halikan ulit si Seulgi.
Hindi na rolling ‘yung cameras, bakla ka.
Tumayo na si Jennie mula sa pagkandong kay Seulgi at mabilis namang sumunod ang co-star niya.
“Nice scene,” Sabi ni Seulgi sa kanya habang nakangiti at loko, nakipag apir pa nga. Well, ganyan naman talaga siya after each successful scene. By successful, they both mean ‘yung scenes na less than five times lang ang take.
It only took them three takes to shoot the first kissing scene. So, tatlong beses din nahalikan ni Jennie si Seulgi. With her feelings and crush on Seulgi (na hindi na rin naman talaga maituturing na crush lang), Jennie thinks it’s a win for her pero in reality, delikado na siya. With each kiss kasi, literal na nahuhulog lang siya nang nahuhulog kay Seulgi.
Hindi na baguhan si Jennie sa mga kissing scenes. Actually, pang ilan niya na rin ito. Pero if she were to evaluate all her past kissing scenes, ito na siguro ang paborito ni Jennie. (For obvious reasons, of course.) Kahit na nagkaro’n na siya ng eksenang ganito with Paulo Avelino at JM De Guzman, her long-time celebrity crush since her college years, and other big names in the industry na puno ng pogi at kinagigiliwan ng lahat, si Seulgi pa rin ang unang una sa listahan niya.
Jennie’s a great actress. She takes her work seriously, meticulous siya when it comes to studying her script, kinakabisado niya ang mga linya niya in advance, at gabi gabi pa siyang nag r-rehearse sa tapat ng floor to ceiling na salamin niya in her bedroom kahit oras pa ng pahinga niya. Kaso nga lang, sablay siya sa pagsunod sa nag-iisang patakaran na nilatag ng direktor ng wlw indie movie that they’re currently working on, and that is to not fall for your co-star.
Well, bakit naman hindi, ‘di ba?
Eh ‘yung mga popular na loveteam nga, sa mga shooting nagsimula eh. Katulad na lang nina Rico Yan at Claudine Barreto, James at Nadine, Enrique at Liza. Pero bakit bawal magkaro’n ng Jennie at Seulgi o JenSeul sa totoong buhay?
Simple lang naman ang sagot.
May non-showbiz girlfriend kasi si Seulgi.
“Chu, pwede ko bang tunggain ‘to?” Tinuro ni Jennie ang baso ng wine na sa mesa na grape juice lang naman talaga.
“Sige lang. Kumain na kayo ni Seulgi habang mainit pa ‘yung pagkain! Kayo rin, prod staff!” Ngumuso si Jisoo sa area na may mahabang mesa kung saan nakahilera ang walong box ng pizza from Yellow Cab at iba pang mga putahe from the same restaurant.
Bukod sa nakakasama ni Jennie si Seulgi sa set, isa pa ito sa paborito niyang mga bagay tuwing nag s-shoot sila: ang libreng pagkain para sa actors at staff. Syempre, sagot ni Jisoo ang lahat. Minsan, pinaghahatian nila ng Assistant Director niyang si Soojoo ang bill kapag sa mamahaling restaurant sila umoorder.
Oo, si Soojoo. The same girl na gustong gusto ni Jennie nung high school sila ni Jisoo at akala niya ay gusto siya pabalik. Turns out, ang tanging pakay lang pala sa paulit ulit na pagdikit ni Soojoo kay Jennie ay ang best friend niya. Matagal ding nagdamdam si Jennie nung nalaman niya ang totoo, lalo na nung naging mag jowa na si Soojoo at Jisoo. Pero okay na rin, mas mahalaga si Jisoo kay Jennie kaysa sa feelings niya for Soojoo. So, after more than a decade, that pain bloomed into genuine happiness. Dahil after 11 years of being together, engaged na si Jisoo kay Soojoo and they’re set to get married after the film’s release. She feels overjoyed for her two beloved friends.
Naupo na si Jennie sa designated actors chair niya at agad siyang binalutan ng kumot ng isang prod staff at inabutan naman ng plato ng pizza ng isa pang crew member. She politely declined the offer, reasoning na hindi pa siya gutom at inubos na lang muna ang wine/grape juice niya. Sumulyap si Jennie sa orasan at nakitang lagpas ala una na pala ng gabi kaya naman ubod ng lamig sa set.
Mula sa gilid ng mata niya, nakita niya si Seulgi na kumakain habang nakikipag-usap at tawanan sa ibang prod staff. This is one of the reasons why Jennie admires Seulgi a lot. Bukod sa pagiging top star at halimaw sa pag arte, isa rin naman siyang ordinaryong tao na ubod ng bait at humility. If other actors choose to only talk with the director and their co-stars kapag hindi pa rolling ang mga kamera, iba naman si Seulgi.
Kasi literal na nakikihalubilo siya sa lahat. From the hairdressers, stylists, lighting operators, basta lahat ng prod staff. In that way kasi, no one feels left behind or alienated, paliwanag niya and Jennie finds that so wholesome.
“Direk Chu, kumain muna kayo ni Soojoo oh! Pinagtabi pala kayo ng pizza ng staff.” Dinig ni Jennie ang tawag ni Seulgi mula sa kanyang kinauupuan.
Tumaas ang tingin nila Jisoo at Soojoo mula sa screen kung saan mino-monitor nila ang kaka shoot lang na eksena bago nila nginitian ang isa sa mga main actress ng pelikula.
“Salamat, Seulgi! Sandali na lang ‘to tapos kakain na rin kami.” Sagot ni Jisoo at tumango na lang si Seulgi.
Habang kumakain ang ibang staff at nagliligpit ang iba, binuksan na muna ni Jennie ang phone niya to scroll through her different social media feeds. Nag selfie siya para i-post sa ig story niya with the caption ‘midnight shoot’ at agad naman ‘tong nakatanggap ng maraming replies at reactions. In the process of it all, she was left with her own thoughts once again. Dalawang bagay lang naman ang paulit-ulit niyang iniisip sa mga sandaling ganito. Una, ang dahilan kung bakit napadpad siya sa mundo ng pelikula at pag-arte kahit hindi naman ‘to parte ng plano niya after college; Pangalawa, her three (and going to four pa nga ata) heartbreaks.
Nagtapos ng Psychology si Jennie. BS, not BA. Mag b-boards na sana siya back then pero in too deep na siya sa mundo ng pelikula at pag-arte na kinonsider na niyang magsimula ng career sa larangang ito kahit alam niyang risky. Thankfully, after years of being in the scene, she got her first breakout role at nasundan na ‘to ng major projects mapa pelikula man, local series, music video, o kahit commercial. It wasn’t easy, ilang beses na rin siyang nagisa sa mga auditions niya back then pero Jennie tells herself that the journey was worth it. Hindi niya inakala na ang pagsali niya sa film org nung college ay madadala siya sa big screen, both locally and internationally. Ayan ang #Blessed.
Pero, kung ano ang ikinaunlad ng career niya, ayun naman ang ikinamalas ng buhay pag-ibig niya. Kung tutuusin, parang napagdaanan na ni Jennie mostly and worst-case scenarios sa pag-ibig.
Na-friendzone? Ayan si Soojoo oh, ang akala ni Jennie na bet siya pero ang best friend niyang si Jisoo pala talaga.
Iniwan? Been there. Matagal nang na-ordinahan ‘yung ex-boyfriend niyang iniwan siya para pumasok sa seminaryo. And if she recalls it correctly, naka-attend na rin ata si Jennie ng isa sa mga misa niya.
Pinagpalit? Got cheated on? Say no more. Ayun ‘yung ex-girlfriend ni Jennie na pinagpalit siya sa bigotilyong Hapones, may mga anak na at sa Japan pa rin nakatira.
Namatayan? Nako, ‘wag naman sana. Namatayan ng feelings siguro pwede pa.
Nagmahal ng may mahal na iba? Alexa, play Mahirap Magmahal ng Syota Ng Iba by Apo Hiking Society. Ayan na ata ang soundtrack ng buhay ni Jennie ngayon.
Kaya after all these experiences, Jennie can’t help but think, uunlad din kaya siya sa larangan ng pag-ibig?
“Ang lalim ng iniisip natin ah.”
Napatingin si Jennie sa kaliwa niya at nakita si Seulgi na hawak hawak ang isang plato ng pizza habang nakaupo sa designated actors chair niya.
“Kinuha na kita ng food. Baka kasi maubusan ka.” Inabot ni Seulgi ang plato at tinanggap na ito ni Jennie. Hindi pa rin siya gutom, pero ayaw niya namang maubusan ng pagkain lalo na at libre ito. Ang sabi nga nila, mas masarap kapag libre.
“Thank you.” Pasasalamat ni Jennie at nginitian ang co-star.
“Don’t mention it.” Ibinalik ni Seulgi ang ngiti ni Jennie. “So, any plans for your rest day tomorrow?”
Kakagatin na sana ni Jennie ang pizza niya pero agad siyang natigilan, “Stay lang muna ako sa condo. Baka mag yoga ako or something. Need ko lang mag relax and magbawi ng tulog. Madaling araw kasi tayo nag s-shoot lately eh.”
“Yeah, I get that.” Reply ni Seulgi, “Medyo inaantok na nga ako right now eh.” She laughed lowly. Ngumiti lang si Jennie.
“Ikaw ba? Mag m-movie marathon ka ulit, I bet?” Tanong ni Jennie.
“Ah no,” Umiling si Seulgi at nakita ni Jennie na unti-unting lumawak ang ngiti ni Seulgi, “Pass muna ako sa movies. Gustong lumabas ni Wendy bukas eh.”
Best wishes po.
Tumango tango si Jennie, “That’s nice. Saan kayo?” Wow, parang ‘di nasasaktan ah.
“Hmm, not sure pa eh. Basta she mentioned that she wanted to try this katsudon place in Greenbelt. I forgot the name of the place but it sounds like a kid’s name.”
“Kenji Tei?”
“Yeah! Ayan nga.” Napatawa silang dalawa.
“Para ngang pangalan ng bata. Pero the food’s good there! I’m sure mag-eenjoy kayo pareho.” Komento ni Jennie.
“Talaga? You’ve been there na?”
Muling tumango si Jennie, “Yep. Kumain kami nina Jisoo and Soojoo dun before, naki-thirdwheel ako.”
Seulgi chuckled at Jennie’s last sentence, “Sige. Dun ko na lang aayain si Wends.” Sagot niya pero sa sumunod niyang tanong, muntik na lumuwa ang mga mata ni Seulgi.
“How are you with love, Jennie?”
Tangina, hot seat ba ‘yan? Sex or chocolates? Lights on or lights off? Gusto pa ba kita o hindi na? Akala tuloy ni Jennie nasa The Buzz na siya at si Tito Boy with matching fancy sunglasses na ang kaharap niya ngayon. Gusto niya lang naman kagatin ‘yung pizza niya, pero bakit biglang may paganito?
Pero bilang isang magaling na actress, she didn’t let herself falter.
Jennie made a face just to seem like she’s currently disgusted by the act and feeling of love, “It’s… not in my agenda right now.” She flatly said.
Seulgi simply nodded, “I see. Career muna?”
Good question. Pwedeng pwede magpalusot si Jennie.
“Yeah. Focus muna ako sa shootings and such. How about you? Musta kayo ni Wendy?” Napatanong siya dahil ramdam niyang magiging awkward ang atmosphere kung wala nang magsasalita sa kanilang dalawa.
Jennie saw how Seulgi shifted in her seat na para bang super grand ng sasabihin niya, “Actually…”
May hinablot si Seulgi sa bulsa niya at nung pinakita niya ito kay Jennie, nanghina ang mga tuhod niya.
Alam ni Jennie na may proposal scene sa pelikula na next week pa isu-shoot pero bakit may singsing na agad? Rehearsal ba ‘to? Ah.
Gets na niya.
Lumipat ang tingin ni Jennie mula sa kumikinang na bato ng singsing patungo sa mga mata ni Seulgi na kumikinang din.
“Mag p-propose ka na?” Jennie asked in a whisper, she can’t risk na marinig ng ibang staff. Baka machismis pa nila kay Wendy at sa social media.
Excited na tumango si Seulgi nang paulit ulit habang nakangiti. Mabilis niyang sinara ang maliit na kahon at muling binalik ito sa bulsa niya. “You’re the first person to know pero secret lang natin ‘to!” Hindi nawala ang ngiti ni Seulgi.
Ngumisi si Jennie and motioned her hand over her mouth as if she was zipping it, “Mouth is zipped pero oh my god! Congrats! Kailan mo plano?” Malakas niyang ibinulong.
“Thank you, Jens. After shooting pa. So, I have plenty of time to prepare.” Masayang sabi ni Seulgi.
Malawak na ngumiti si Jennie, ‘yung tipong ngumingiti rin ang mga mata niya, “Congrats, Seulgi. I’m so happy for you.”
Wala na siyang isasaya pa. Dahil sa inilawak ng ngiti niya para kay Seulgi, ayun naman ang ikinasira ng puso niya. Simula’t sapul pa lang, alam na rin naman ni Jennie that she doesn’t stand a chance dahil nga may girlfriend si Seulgi and she respected that. She never tried to pretend na hindi niya alam na may ka-relasyon ang co-star niya so she could flirt with her or even tempt her, she never tried to do anything close to that act. She even kept her distance and tried her best (emphasis on tried) to shrug off her feelings pero wala. Lalo lang lumala ang feelings niya nung tumagal ang shooting at nagsimula na ang mga eksenang puno ng landian, lalo na ‘yang kissing scenes na ‘yan na may part two pa pala next week. Hay nako.
Pero what else can she do? Wala. Just sit back, relax, and enjoy the show. Wow, masyadong kinareer ang pagiging parte ng industriya ng pelikula. Pero totoo naman. Walang ibang magagawa si Jennie kundi maging masaya para kay Seulgi at respetuhin ang pagsasama nila ni Wendy.
Minsan, hindi maiwasang isipin ni Jennie na sa sariling buhay niya, parang hindi pa siya ang bida. Parang second lead lang siya, always the best option para sa masa pero never the chosen one. Ang drama mo!
All she has are these shooting dates kung saan pansamantala siyang mahal ni Seulgi or Angela, ang pangalan ng karakter niya, to be exact. For Jennie, okay na ‘yun sa kanya. It’s the least she could get. But for Jane, ang karakter ni Jennie, it’s more than enough. Because being loved by Angela makes her hear sounds she has never heard before, makes her feel sensations that she never knew existed in the first place, makes her see colors that are beyond the spectrum. Sana all si Jane.
But as soon as Jisoo shouts cut! and the clapper echoes through the set, everything gets drained of color. Biglang nag-iiba ang lahat. The lights become brighter, the set becomes free of tension, the line between reality and dreams thickens, basta lahat, bukod sa isa. And those are Jane’s feelings for Angela which are mirrored in real life by Jennie’s longing for Seulgi. Ang kaibahan nga lang? Hindi na reciprocated ang feelings ni Jennie.
And it’s okay kasi nga, she respects Seulgi and her personal life, more than anyone and anything even. Jennie must keep things professional. She’s not the type of person to ruin a relationship anyway. Ayaw niya ng ganun at hindi siya ganun.
Sapat na ‘to. Jennie can never ask for more kasi sino ba naman siya? Co-star lang. Ka-loveteam lang. Gawa gawa lang ng imahinasyon, kaya hanggang imahinasyon na lang din ang posibilidad na magustuhan siya ni Seulgi pabalik.
Hindi pa naman rolling ang cameras pero gusto na agad niyang umarte.
Mailabas lang ang bigat at hapdi sa dibdib niya.
Because it’s all she has, and it’s all she could do.
. . . .
Pagsapit ng uwian, lagpas alas dos na ng umaga.
Unlike before, hindi na sasabay si Jennie kay Jisoo at Soojoo pauwi dahil susunduin siya ni Irene, her manager.
Ngayon, naghihintay na lang siya sa lobby ng condo kung saan sila nag shoot. Syempre, kasama ulit niya si Seulgi.
Magkatabi si Jisoo at Soojoo sa sofa malapit sa cr. Palagi nilang hinihintay ang lahat na makauwi before they could go home themselves because they want to make sure that everyone leaves safely. Soojoo was already dozing off on Jisoo’s shoulder at ramdam agad ni Jennie ang pagod ng Assistant Director ng pelikula nila with just one look.
Katext ni Jennie si Irene nang biglang may pumasok sa glass doors ng lobby.
Ayan na ang sundo ni Seulgi.
Narinig ni Jennie ang pagbati at kumusta ni Wendy sa girlfriend niya. Minabuti ni Jennie na ‘wag sumulyap sa dalawa dahil sisikip na naman ang dibdib niya. Tuloy lang ang pag text niya kay Irene.
Irene ‘Joolina’ Magdangal
Jennie: Dito na sundo ni Seulgi
Irene: okay wait lang badet malapit na me mga 5 minutes pa
Jennie: oks lang, no rush
Irene: oki pero mabilis na lang ako promise, isang liko na lang
Irene: Ikaw na lang ba ang nandiyan?
“Jens!”
Napatingala si Jennie sa phone niya at ang una niyang nakita ay si Seulgi na ngayon ay nakaakbay na kay Wendy.
“We’ll go ahead. Take care on your way home.” Seulgi warmly smiled at her with a small wave of her hand.
“Ingat, Jennie. Thanks as always for taking care of Seulgi sa set.” Nginitian na rin siya ni Wendy habang ang kamay niya ay nakapulupot sa bewang ng girlfriend niya.
At ayan na nga ang muling pagsikip ng dibdib ni Jennie.
“Anytime. Mag-iingat din kayong dalawa.” Jennie waved her goodbye at pinanood silang dalawa na lumabas ng lobby. Mukhang nakapag paalam na silang dalawa kina Jisoo at Soojoo dahil dumiretso na sila sa labas.
Bumaling ang tingin ni Jennie pabalik sa phone niya nung bigla itong tumunog.
Irene ‘Joolina’ Magdangal
Irene: stoplight na naman pucha bakit ba ang daming stoplight sa Makati
Irene: nga pala badet, nasend na sa’kin ni Jisoo ‘yung schedule ng upcoming shooting dates check mo na lang ‘to
Pinindot ni Jennie ang pdf file na inattach ni Irene. Bumungad sa kanya ang isang table kung saan nakalaan ang susunod na shooting dates pati na rin ang link ng soft copy ng script niya. Naks, ang sipag talaga gumawa ni Jisoo ng mga ganitong doc.
When Jennie scrolled to the last page, hindi niya alam ang mararamdaman niya.
LAST DATE OF SHOOTING: MARCH 6, 2018
That’s in two weeks. Last shoot, last scene, last chance for Jennie to savor her fake reality with Seulgi.
Oras na talaga para mag wrap up.
By then, hiling ni Jennie na sana ma-wrap up na rin ang feelings niya para sa co-star niya.
Seulgi becomes her fourth heartbreak at sana, siya na rin ang huli.
Cut na tayo, direk.
