Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-01-10
Completed:
2022-11-05
Words:
6,616
Chapters:
4/4
Comments:
26
Kudos:
449
Bookmarks:
61
Hits:
5,797

Ikaw Pa Rin (Ang Pipiliin Ko)

Summary:

kung tatanungin niyo si wonwoo 100 words before this fic kung anong gagawin niya kapag nakita niya ulit 'yung ex niya, siguro ay tatawanan ka niya at sasabihing, "malabo!"

or alternatively, this is certainly NOT the kind of reunion na naimagine ni wonwoo para sakanilang dalawa ni mingyu

Notes:

title taken from cup of joe's song! https://open.spotify.com/track/35htYaQOa4Vjx62g6h6SNM?si=bb7167c860914fb1 :>

sobrang spur of the moment lang to pls kdjdkjsdks nakita ko kasi nangyari to sa friend ko kaya ginawan ko ng au HAHAHA

Chapter Text

sa pagkakatanda ni wonwoo, nagsimula siyang gumawa sa may drafting table niya nung pababa pa lang ‘yung araw pero pagtingin niya sa bintana ng condo unit, totally madilim na sa labas. which only means na gabi na… at nalipasan na rin siya ng gutom sa sobrang busy niya.

ayan, cram pa more! pero ewan, at this point hindi na siya tinatablan kasi sanay na siyang maging tamad at mag-cram.

tumayo siya at kinuha ‘yung phone niya sa may bedside table para umorder na lang ng food. so he unlocks his phone at— haluh. 11 na pala ng gabi!? grabe alam niyo, kung may jowa lang si wonwoo, may magagalit siguro kung bakit nalipasan siya ng gutom! pero wala, so sarili niya na lang papagalitan niya.

so he clicks his favorite green app—yes, tama, grabfood! at pumili na ng food na bibilhin. after thirty minutes of scrolling, napili niyang sa mcdo na lang umorder.

so ayun, umorder siya ng mcchicken na may fries and drinks tapos dinagdagan niya rin ng apple pie tsaka mcflurry. grabe. iiyak siguro ‘yung savings niya dahil sa ganitong lifestyle. papagalitan din siguro siya ng mama niya kakahingi. pero tulad nga ng lagi niyang sinasabi, okay lang ‘yan. matetegi rin tayong lahat!

so he orders his food na nga at tinitigan ‘yung screen hoping na may rider pa na tatanggap ng order niya. as far as he knows, mataas pa rin naman ‘yung chance since nasa españa naman ‘yung condo niya at marami namang grab riders na naghahanap pa rin ng tanggap ngayon.

so he waits… and waits for another five minutes, and ping!

wonwoo blinks. parang natulala siya for a moment sa nakita niyang name sa screen.

 

26-30 mins
we’ve found you a rider!
driver is heading to the restaurant.

mingyu kim 4.98 stars
honda cbr500r 0001234

 

what.

what the heck.

tama ba ‘tong nababasa ni wonwoo!? or baka naman suddenly he’s illiterate!?

totoo bang it’s mingyu kim? THE mingyu kim!? what the fuck!!!!

so sino ba naman kasi magaakala na after 4 years of not speaking to each other (since nung graduation nila ng shs) ay magkikita ulit sila ni mingyu? si mingyu na ex niya? si mingyu na dating patay na patay sakanya? eme. baka imbento niya lang ‘yun.

so currently, nagcocontemplate tuloy si wonwoo if icacancel niya ba. pero what the fuck? bukod sa gutom na gutom na siya, will he really sacrifice his appetite para lang hindi sila magkita ng ex niya? bakit gold ba siya? siguro hindi. only because wala na siyang magawa sa gutom niya.

worse… cash on delivery pa ‘yung option na pinili niya. so like… magkakaroon pa sila ng contact ni mingyu? haluh—feelingera? at this point siguro naghahallucinate na lang si wonwoo as a coping mechanism.

in fairness, hindi naman kasi masama ‘yung break up nila ni mingyu. in all honesty, sa lahat ng naging ex ni wonwoo, kay mingyu talaga siya naging masaya and… marami rin nagsasabi na ang healthy nga ng relationship nila kaya maraming nagtaka kung bakit sila nagbreak.

eh… ganun talaga siguro? since bata pa naman sila nun and nung time na ‘yun, may mas mahalagang bagay na dapat silang i-prioritize. at hindi ‘yun ang isa’t isa.

biglang napapikit si wonwoo at sinampal-sampal ang sariling pisngi para magising sa realidad. that was four years ago! and a lot has changed since then. kung dati, masaya siyang may jowa at kasama pa sa top 10 ng whole batch ng STEM (kasama niya rin si mingyu doon), ngayon ay isa na lang siyang sore loser who’s barely making it through as a 4th year arki student. dazurv.

bilang isang self-conscious gay that he is, tumayo siya mula sa pagkakaupo at pumunta sa full length mirror niya malapit sa pinto. he’s wearing an oversized hoodie na nabili niya ata sa ukay a long time ago at short- shorts. like, boxer shorts. mukha siyang ewan. anyway, ano ba!? bakit ba nacoconscious siya? eh pagkain naman ‘yung main purpose niya at hindi si mingyu. (although masarap din siya chekah)

so the agony goes on and when he unlocks his phone, nakita niyang on the way na ‘yung nakalagay sa screen at nag-message pa si mingyu. wonwoo raises a brow and shakily taps the message.

hello. malapit na po ako.

agad na ibinulsa ni wonwoo ‘yung phone niya at kinuha ‘yung wallet sa may bedside table. lumabas siya ng unit at sumakay na ng elevator para kuhanin ‘yung food. although bilang suki ng grabfood, alam naman niyang pwede ‘tong iwan sa lobby (gaya ng parati niyang ginagawa) but this time… curiosity kills the cat! at iyon ay ma-curious kung ano na ang itsura ni mingyu after four years.

after kasi ng graduation nila nung shs (at after nilang magbreak), wala na siyang naging balita kay mingyu. hindi rin kasi ito pala-post sa tanging social media acc nito, which is facebook pa. lolo lifestyle!? pero mula nung nakilala niya ito, parang tatlong beses lang yata nagpalit si mingyu ng profile picture. ‘yung huling beses ay three years ago pa at beach pic pa iyon na stolen (at may damit. disappointing eme) bukod dun, wala talagang ibang makikita sa facebook account nito kaya hindi siya ma-stalk ni wonwoo.

tsaka as far as he knows, mayaman ang pamilya ni mingyu. so… bakit? anong nangyari?

nakarating siya sa lobby in less than 5 mins at naghintay na lang sa may couch dahil mukhang nauna pa siya kay mingyu. he fiddles na lang with his phone habang naghihintay. nakita niyang nag-notif ulit ‘yung grabfood kaya pinindot niya ito.

hello po. nasa labas na po ako ng condo building niyo.

agad na tumayo si wonwoo mula sa couch at sumenyas sa guard na nagbabantay na kukuhanin niya lang ‘yung grabfood. tumango naman ‘yung guard at pinanood siyang maglakad papunta kay mingyu.

and there he was, mingyu kim, still having the same aura that wonwoo remembers. mas lalo itong tumangkad at… bumorta!? pinanood siya ni wonwoo na bumaba si mingyu ng motor at hubarin ‘yung helmet nito. he watches him shake his head and run his fingers over his hair dahil gumulo ito sa pagkakasuot ng helmet. what.

lumapit lalo si wonwoo para kuhanin ‘yung food na binili niya. nag-angat ng tingin si mingyu sakanya at kita niya sa mata nito ‘yung gulat.

“uy…” natatawang sinabi nito. “ikaw pala talaga ‘yan. kala ko nagkataon lang.” dagdag nito at sinara na ‘yung box pagkatapos nitong kuhanin ‘yung paper bag. inabot nito ‘yung pagkain niya. “320 po.”

habang tuloy tuloy na nagsasalita si mingyu, nakatitig lang si wonwoo sakanya na para bang nawala bigla sa mundo ‘yung kaluluwa. tinawanan siya ni mingyu, iyung boyish laugh na alam na alam ni wonwoo. alam na alam niya ‘yun dahil lagi niyang sinasabi kay mingyu na nakakakilig ‘yung tawa niya na ‘yun.

“wonwoo? okay ka lang ba?” biglang tanong nito kaya nawala sa train of thoughts si wonwoo at naghagilap ng pera sa wallet niya.

also, wonwoo!? eh parang dati nga—

“uhm… sorry, magkano ulit?”

“320 po.” magalang na sinabi ni mingyu at inilapag muna ‘yung paper bag ng mcdo sa upuan ng motor niya. “puyat ka?”

“uhm, hindi naman,” umiling si wonwoo at inabot ‘yung 350 pesos sakanya. “huwag mo na ibalik ‘yung sukli.”

“huh, bakit?” sabi ni mingyu at kinuha sakanya ‘yung bayad na inabot niya. binuksan nito ‘yung belt bag niya at nagbibilang na ng barya. tinitigan siya ni wonwoo at nung iaabot na nito ‘yung sukli, umiling si wonwoo sakanya. “ayaw mo ng sukli?”

“uh… sayo na lang. tip, ganon. hehe.” awkward na sinabi ni wonwoo sakanya kaya ngumiti si mingyu at tumango.

wonwoo tightens his grip sa paper bag na dala niya na para bang biglang may snatcher na hahablot nung pagkain niya. hindi niya alam kung dahil ba ‘yun sa kaba, or ano ba!? teka nga, bakit ba kasi siya kinakabahan!?

bago pa siya makalayo mula sa kinatatayuan, narinig niyang nagpasalamat si mingyu sakanya habang papasakay ulit ito sa motor niya kaya tumango siya at ngumiti.

“thank you rin… uhm, ingat ka.” sabi niya pabalik. tumango si mingyu at itinaas ‘yung kamay para magpakita ng like gesture sakanya bago ito pumaharurot paalis ng condo building niya.

wonwoo is now left there, standing, habang hawak hawak nito ‘yung paper bag niya ng mcdo. maya-maya pa ay pumasok na siya sa loob ng building at sumakay na ulit ng elevator para makabalik na sa unit niya.

unbeknownst to him ay may sinulat si mingyu na maliit na note sa paper bag ng pagkain niya.

good luck, architect! kaya mo yan :)

Chapter 2

Summary:

ayan tama, daanin mo 'yan sa milktea mingyu

Chapter Text

wonwoo
hi
thanks ulit! haha :)

mingyu
hello haha welcome! trabaho ko ‘yan
if may papadeliver ka ulit or what, you can text me na lang
para wala nang delivery fee haha

wonwoo
hala grabe
bakit?
ano ‘yan ex privilege LOL

mingyu
haha sira
hindi ‘no
anyway that is, kung gusto mo lang :)

wonwoo
HAHA okay
sino ba naman ako para tumanggi sa free charge? :P



“wait—so you mean, the mingyu kim, ay isang grabfood employee!?”

“ano ba je, kanina pa tayo nag-uusap,” bored na sinambit ni wonwoo habang kumakain sila ng fries ng bestfriend niyang si jeonghan sa labas ng canteen, specifically sa tapat ng julie’s kaya na-tempt tuloy si wonwoo na bumili ng violet cream loaf. bwisit.

“teka lang ha—hindi kasi mag-sink in sakin!” sabi ni jeonghan with matching hand gestures pa kaya kumunot ang noo ni wonwoo. “eh diba, mayaman ‘yun? natuloy pa nga siya mag-ateneo diba?”

“ata? ‘yun din huli kong balita sakanya eh,” sabi ni wonwoo at sinubo ‘yung kinuha niyang fries. “baka naman trip niya lang or something? ang ganda nung motor niya kagabi. baka sideline.”

“sideline? eh mayaman na nga siya. para san pa niya gagamitin ‘yung pera niya?” sabi ni jeonghan at kumurot sa tinapay ni wonwoo kaya nagmake face siya at pinanood si jeonghan na isubo ‘yung kapiraso na pinunit niya. “or baka naman may nangyari? ay—dapat mong alamin ‘yun!”

“siraulo ka ba? ang tagal na nga naming hindi naguusap nun tapos bigla ko siyang tatanungin kung bakit siya nagga-grabfood?” natatawang tinanong ni wonwoo ‘yung bestfriend niya. “ang awkward kaya!”

“hello? ex mo naman ‘yun,” sabi ni jeonghan na para bang wonwoo doesn’t know what’s obvious. “tsaka ikaw kasi, bakit nga ba cinut off mo na lang din siya bigla after niyo magbreak?”

wonwoo stares at his bestfriend. jeonghan is looking at him too, expecting for an answer, but instead of hearing one, wonwoo opts to flick his forehead instead at tumayo, dala-dala ‘yung empty cup ng fries at ‘yung violet cream loaf na suddenly ay parang hindi na niya maubos. narinig niyang umaray si jeonghan sa ginawa bago siya sinundan maglakad.

come to think of it, bakit nga ba? like he said, kung tutuusin, he never had a toxic phase with mingyu. ultimo break up nila hindi toxic and it was also a mutual decision. siguro, kaya hindi na rin nagkeep in contact si wonwoo kay mingyu ay para kalimutan ang nakaraan. afterall, it was just 2 years of their lives. they went on separate schools after, so what’s the point?

but what he can’t deny is… that’s the best 2 years of his life. and the healthiest relationship he ever had. kaya rin siguro pagkatapos nila magbreak, hindi na rin nagkainteres si wonwoo na magjowa ulit. mingyu raised the standards probably!

meron namang sumubok, pero ayaw lang talaga ni wonwoo. lagi niyang sinasabi na “sorry, busy eh.” or “career muna, sorry.” kasi ayaw niya naman maging paasa.

or baka naman at the back of his mind, hindi niya pa rin nakakalimutan ‘yung sinabi ni mingyu sakanya after nilang magbreak.

kung pagbibigyan pa ng pagkakataon, I promise to win you over again, wons.

hindi na maalala ni wonwoo kung ano ‘yung sinagot niya after that. he probably just nodded and waved goodbye. ata? sana wala siyang nagawang katangahan that time.

lutang na umuwi si wonwoo ng condo unit niya saktong 7 PM. he’s running on a 3 hours sleep dahil sa sarili niyang katamaran. ang dami pa niyang backlogs na kailangang gawin but first! food! at dahil nakalimutan nanaman niyang bumili sa labas, ngayon niya na gagamitin ‘yung friendship (?) nila ni mingyu. eme.

 

wonwoo
hii
nasa labas ka ba rn?
pasabay sana HAHA

mingyu
hellooo
ay nasa class pa ako rn
okay lang ba sayo mga 9 ko na madadala if ever?

wonwoo
ay hahshdjf sorry
ano oras ba tapos ng class mo?

mingyu
uhh
mga 8
tapos diretso na ako kung san ka pabili food haha

wonwoo
halaaa sige okay lang
magbook na lang ako hahaha
baka maabala pa kita!! sorry!!

mingyu
hahaha ano ba okay lang
pero if gutom ka na talaga then I can’t :(
sorry, next time na lang
I’ll send you my sched probs

wonwoo
that sounds sus
HAHAHAHAHA jk

mingyu
hahahahahahaha sira
para lang alam mo :)

 

wonwoo stares at his screen and bites his lip. maybe katangahan ‘tong gagawin niya but, matetegi rin naman tayo.

 

wonwoo
sige send mo HAHAHA
para alam ko ano oras ako mangaabala jk

mingyu
hahaha sige after class
tyt :)

 

ugh. puta. napahilamos si wonwoo sa mukha dahil sa sudden something na naramdaman. what the fuck!!! bakit naman kasi sa lahat ng tao si mingyu pa!!! kay mingyu nanaman ulit!!!

so ayun, he had no choice but to order food na lang sa grab dahil gutom na gutom na siya. he opt for a chickenjoy instead dahil gusto niyang makaramdam ng saya tonight kahit stressed na stressed na siya sa mga gawain. nagkakapimples na rin siya sa stress. dazurv. arki pa more. tapos dadagdag pa ‘tong si mingyu sa mga iniisip niya. what in the homosexuality is this!?

his food arrived after 30 mins and he finishes it after another 30 mins. hindi na nga siya nakapagsearch ng mukbang vid na papanoorin sa sobrang gutom niya kaya tulala na lang siyang kumain.

kung iisipin, pwede naman kasi talagang hindi sila magbreak ni mingyu. nagsabay sabay lang lahat ng stress that time kaya mas pinili na lang nila na hindi iprioritize ang isa’t isa—o baka kulang din kasi sila sa tiwala sa sarili at time management. baka.

so nung time kasi na nagbreak sila, finals season at college applications season nagstart ‘yun. wonwoo was aiming for UP dahil bukod sa libreng tuition, mingyu was aiming for ADMU. syempre gusto niyang magkalapit silang dalawa kaya talagang nagfocus siya para doon. siguro nagsabay-sabay lahat ng pressure pati na rin nung nalaman ni wonwoo na hindi siya nakapasa the following year. mingyu assured him naman that time, pero iba pa rin talaga siguro kapag ikaw mismo hindi pa makapag-isip ng ayos nun.

medyo naguguilty pa rin nga siya hanggang ngayon kasi sobrang understanding ni mingyu that time. he was really just a sore loser na hindi makapasa sa dream university niya kaya his life went shambles after that. he thought he also couldn’t pull mingyu down with him, so he did what he thought was best. hindi niya na lang din napansin pero unti-unti na lang din silang naging tahimik ni mingyu sa isa’t isa. well, him, for the most part. hanggang sa ‘yung huli na nilang usap na matino ay ‘yung break up na.

it was a friday afternoon tanda ni wonwoo, half day lang sila nun dahil nag-free cut na ‘yung research prof nila since malapit na ‘yung graduation practice. nilapitan ni mingyu si wonwoo at sinabing, “pwede ba tayong mag-usap?”

“saan?” inangat siya ng tingin ni wonwoo. mingyu looks at him hesitantly, na para bang nasa borderline siya ng pagiisip kung tutuloy ba niya o hindi.

anyway, nakarating sila ng liempuhan, at habang maingay ‘yung kapaligiran, wonwoo decides to break the silence.

“tama na ‘to, migs.” sabi ni wonwoo nung natigilan siya sa pagkain at tinitigan si mingyu na ngumunguya.

“weh?” taas kilay na tanong ni mingyu na para bang nagjojoke si wonwoo kaya nagmake face siya. “naunahan mo pa ko.”

“huh? gago ka, uunahan mo pa ko?” natatawang sinabi ni wonwoo sakanya. “pero uhm… sorry. ang dami kong mali. ayaw ko nang madamay ka pa lalo sa gulo ko.”

“hmmm,” tumango si mingyu habang kumakain pa rin na para bang hindi life changing moment ‘yung nangyayari sakanilang dalawa ngayon. “ano pa?”

“parang tanga naman eh. seryoso nga ako.”

“ayaw mo na? sakin? o sa relasyon natin?”

“sa relasyon. ayoko na. parang I’m just doing you more harm than good,” sabi ni wonwoo. “matagal nang hindi maayos ‘yung headspace ko. simula pa nung college application seasons. I’m sorry, migs.”

“okay,” tumango si mingyu. wonwoo frowns at him na para bang, seryoso ka? kaya naman mingyu stares and frowns at him too. “ano? bakit?”

“migs…”

“I get it, wons. ayaw mo na, ayun na ‘yun.” sabi nito at sobrang kalmado pa rin… but honestly, inexpect naman na ni wonwoo ‘to. sa sobrang matured ni mingyu, hindi na siya nagtataka. pero at the same time, when it’s actually happening already, hindi pa rin niya mapigilan magulat. “maybe… may mga bagay lang talaga tayong mas dapat i-prioritize, at hindi ‘yun ang isa’t isa.”

“I’m sorry.” parang nawalan na tuloy ng gana si wonwoo. hindi pa nga niya nakakalahati ‘yung liempo at kanin niya. parang bente pesos pa lang nakakain niya sa binili niya. “I’m really sorry, migs.”

“okay lang, wons,” sabi nito. “but kung pagbibigyan pa ng pagkakataon, I promise to win you over again, wons.

wonwoo sighs in present time. how was that four years ago!? mabilis talaga lumipas ang panahon.

so currently, imbis na isipin ulit si mingyu at ‘yung nakaraan nila, ginawa niya na ‘yung dapat niyang gawin. backlogs. nabubuhay na lang siguro siya dahil doon. oxygen!?

an hour later, biglang narinig niya na tumunog ‘yung phone niya. wonwoo grabs it sa may bedside table at inunlock.

 

mingyu
hellooo haha
busy ka na ba
baba ka
may milktea ako

wonwoo
ano ‘yan
magkano?

mingyu
sinabi ko bang bayaran mo? haha
libre ko na ‘to

wonwoo
ay
HAHAHAH linawin mo kasi
waittt baba me

 

so nagmadali si wonwoo pababa sa may lobby. he didn’t even bothered to check kung anong suot niya or what, basta makuha lang niya ‘yung libreng milktea. landi? o kapal ng mukha? both siguro.

dumiretso siya agad sa labas ng building at nakitang naka-abang na si mingyu doon. nilapitan niya ito at tumikhim.

“galante ka masyado,” sabi ni wonwoo at kinuha na ‘yung inabot na milktea ni mingyu. “thank you.”

“mukha ka kasing nakakaawa, parang kulang ka sa sugar.” pangaasar ni mingyu. “sige, welcome.”

“aalis ka na?” hindi napigilan ni wonwoo ‘yung bibig niya kaya miski siya ay nagulat sa tanong niya. mingyu raises a brow at him at halata sa mukha nitong pinipigilan nito matawa. “I mean… magtatrabaho ka pa ba?”

“ah… baka hindi na. baka umuwi na ko,” sabi ni mingyu. “bakit? may ipapabili ka?”

“ah… wala naman.” tumango si wonwoo at inangat ‘yung binili nitong milktea. “thanks ulit—”

“may gagawin ka ba?” tanong ni mingyu at pinutol si wonwoo sa pagsasalita. wonwoo hesitantly shakes his head.

“uh… may backlogs, pero kaya naman gawin,” sinungaling. masyadong marami na ‘yun! “bakit?”

“ah… wala lang. aayain lang sana kita sa intra?” nahihiyang sinabi ni mingyu. it’s obvious, dahil may mannerism ito na nirurub niya ‘yung batok niya kapag nahihiya siya. “uhm… tulad ng dati? pero kung ayaw mo, oka—”

hindi na niya pinatapos si mingyu sa pagsasalita at lumapit na si wonwoo sa motor nito. mingyu just stares at him, kaya naman natatawang nag-angat ng kilay si wonwoo.

“ano? tara na. ang bagal mo. nasan na ‘yung isa mong helmet?” sabi ni wonwoo. binuksan ni mingyu ‘yung compartment ng motor niya at inabot kay wonwoo ‘yung isang helmet. umangkas agad si wonwoo with such ease, na para bang muscle memory. “dahan-dahan ka lang, matatapon ‘yung milktea ko.”

and just like that, everything felt like shs again. the same feeling… the same person.

at isang gabi nanamang walang backlogs na nabawas dahil sa pagcacram ni wonwoo… at dahil sa kalandian niya.

Chapter 3

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

feeling ni wonwoo nananaginip siya today.

normal naman siyang gumising kanina? matagal pa nga siyang naligo kasi antok na antok pa siya. aware rin naman siyang suot niya ‘yung favorite baggy jeans niya today na nabili niya ng fifty pesos sa ukay, pati na rin ‘yung hawaiian polo na hinanap pa nila ni jeonghan sa thailand. pero feeling niya, may mali.

“hoy, ano ba,” nilapag ni jeonghan ‘yung pinabili niyang tofu sisig at mineral water. kasalukuyan silang nasa loob ng canteen at naglalunch. “lutang ka ba, wons? alam mo, tigil-tigilan mo na ‘yang pagcacram. malapit na tayo grumaduate, baka naman pati graduation practice i-cram mo rin ha. mahiya ka sa dean.”

totoo ba talaga ‘yung nangyari kagabi? like, nag-usap talaga sila ni mingyu? parang… ewan. fever dream? buhay pa naman siya ngayon… so anong inaarte niya? baka naman kasi nananaginip lang siya ng gising or something!? LORD!?

“hoy!” tinapik ni jeonghan ‘yung mesa kaya nagulat si wonwoo pati na rin ‘yung mga tao sa paligid nila. hindi pa nakuntento ang mga ito at tumingin pa sa direksyon nilang dalawa. “teh? k ka lang?”

“ano ba je, nakakahiya ka,” sabi ni wonwoo at kinuha na ‘yung plastic fork and spoon para makakain. nakita niyang umangat ang kilay ni jeonghan habang sumusubo ito nung binili niyang grilled pusit. “ang ingay mo.”

“excuse me ha, concerned lang,” sabi ni jeonghan at binitawan ‘yung hawak niyang fork and spoon. “may kalandian ka ‘no!”

“hoy! oa ka!” sabi ni wonwoo sa pangaakusa ni jeonghan at para bang offend na offend siya. pano maglalandian eh wala pa nga!? advanced ‘to! “wala. puyat lang ako.”

“weh…” sabi ni jeonghan na humaba pa ‘yung bigkas sa — eh. “hoy, kilala kita. ano, nagkakausap ba ulit kayo ni migs?”

umiling ng mabilis si wonwoo out of instinct pero unconsciously siyang namula. natawa naman si jeonghan sa naging reaksyon niya.

“oh, ano ba nangyari?” sabi ni jeonghan at kumain ulit. “bakit daw siya nagtatrabaho?”

so ayun na nga, after siyang ayain ni mingyu sa usual spot nila sa intra (which is sa may bandang intramuros and rizal bagumbayan light and sound museum) nagdesisyon si wonwoo na kausapin na rin ito. like, kumustahin. syempre, maraming nagbago sa loob ng four years and as a mosang himself (at dahil ex niya naman si mingyu), hindi na napigilan ni wonwoo na magtanong.

“so… bakit ka nagtatrabaho?” tanong ni wonwoo habang iniinom ‘yung milktea na binigay ni mingyu. mingyu raises a brow at him at tumabi sa inuupan niyang bench.

“wala. para lang may sarili akong pera.” sabi ni mingyu. “kakastart ko lang this year actually, pero baka mag-resign na rin naman ako once na nakagraduate ako. nagiipon lang ako.”

“huh? nagiipon?” napatigil si wonwoo sa pag-inom at hinarap si mingyu habang nakakunot ang noo niya in confusion. “bakit ka pa magiipon? eh mayaman ka naman.”

“sira,” natatawang sinabi ni mingyu. “mayaman sila. hindi ako. gusto kong makaipon galing sa sarili kong sikap, ganun."

"oh, buti pinayagan ka nila tita?" sabi ni wonwoo.

"nung una, syempre, they hated the idea. but you know me, nagiging persistent ako kapag may gusto akong gawin." natatawang sinabi nito sakanya. "isa pa, gusto ko rin kasi magtayo ng construction business pagkagraduate, kaya ayun.”

“wow, construction,” tumango si wonwoo sakanya na para bang bilib na bilib, which is true naman. mingyu nods at him. “ano bang course mo?”

“applied physics tsaka materials science and engineering,” sabi ni mingyu. “uh… double degree,”

“mayabang ka pa rin,” pabirong sinabi ni wonwoo at siniko pa si mingyu. close!? “balita ko honors program ‘yan ah.”

“uh… oo? like top 15% ng mga nag-apply,” natatawang sinabi ni mingyu kaya nanlaki naman ‘yung mata ni wonwoo habang umiinom ng milktea. “baka sinwerte lang ako nung binreak-an mo ko.”

“migs…” nagulat si wonwoo sa biglang biro ni mingyu. “I’m sorry.”

“ano ba, okay na. four years ago na ‘yun,” natatawang sinabi ni mingyu sakanya. he hears him heaves a sigh before speaking again. “but honestly, it probably did us good. malayo na narating mo, pati ako, so… good choice.”

“yeah,” wonwoo mumbles at sumipsip ulit habang tumatango. “I’m glad. pero hindi ko naman inexpect na sa ganitong pagkakataon pa tayo ulit magkikita.”

same. ” sabi ni mingyu. “nagulat na lang din ako ikaw pala talaga ‘yung nag-book. what are the chances diba?” natatawang sinabi nito. “pero I’m really glad to meet you again, wons. I’ve been wanting to talk to you for a long time, pero baka busy ka or… hindi mo trip makipag-reconnect. so hinayaan ko na lang. hanggang sa ayan… dahil sa trabaho ko pa.”

siraulo ka. bakit hindi ka nakipagreconnect?” pagiinarte ni wonwoo deep inside kaya natawa si mingyu. “but… same. baka kasi awkward na pala so hindi na rin ako sumubok. iniistalk nga kita minsan, pero wala namang makita sa facebook mong pang-lolo.”

“pang-lolo?” natatawang tanong ni mingyu pero natigil ito nung may narealize siya. “also, iniistalk mo ko? ikaw ah.

“ayan, diyan ka talaga magaling,” naaasar na sinagot ni wonwoo pero medj kilig siya na iniinis siya ni mingyu. hala? mama? nasisiraan na ba talaga ako ng bait? “lalaki nanaman ‘yang ulo mo!”

“eh malaki naman talaga?”

migs!? ” nanlaki ang mata ni wonwoo sa sinagot ni mingyu na para bang scandalized na scandalized siya. feeling virgin ka ba!?  “ang bastos!?”

“oh bakit? saang ulo ba? ikaw ah. ” pangaasar pa lalo nito sakanya kaya hiyang hiya na si wonwoo sa sobrang pula niya probably. “tigil mo ‘yan, masama ‘yan sa kalusugan.”

“tangina mo.” natatawang sinabi ni wonwoo at inubos na ‘yung milktea na bigay ni mingyu. “kasi nga gusto kitang kamustahin, pero wala naman akong balita sayo. kaya ayun, ‘di ko na lang din sinubukan.”

“sana ginawa mo,” mayabang na sagot ni mingyu kaya kumunot naman ang noo ni wonwoo. magsasalita na sana siya pero naunahan siya ni mingyu. “edi kung kinamusta mo ko dati matagal na tayong nagkabalikan.”

tangina mo. ” walang any any na binanggit agad ni wonwoo habang si mingyu naman ay tawa nang tawa. “ano ba! tawang tawa? tsaka ang yabang mo ah, sino ba may sabing magbabalikan tayo?”

“wala. inassume ko lang,” sabi ni mingyu at tinitigan siya sa mata. biglang kinabahan si wonwoo. “I told you, wons, if given the chance, I’ll try to win you over again.”

“hoy, ano ba, nagtatanong ako,”

back to present time, nakita ni wonwoo ‘yung nageexpect na mukha ni jeonghan sa harapan niya. nagmake face si wonwoo at kumain na lang ulit para manahimik na si jeonghan but to no avail, mas makulit ang bestfriend niya.

“ay, madamot? sige.” kunwaring pagtatampo ni jeonghan kaya natawa si wonwoo. “ano, nagkabalikan ba kayo?”

“hindi pa—”

pa!?

“ano je, ikaw na lang magkwento gusto mo?” pangaasar ni wonwoo kaya natahimik si jeonghan. “ewan… ewan ko. basta, nag-usap lang kami kagabi. ayun. sinabi niya na gusto niya raw subukan ulit—”

“tapos?”

“excited?” sabi ni wonwoo na lalong iniinip si jeonghan. “tapos… tinawanan ko lang siya. tapos inubos ko ‘yung milktea na binigay niya. ayun.”

anoh!? ” eskandalosong sinabi ni jeonghan kaya agad na nakaramdam si wonwoo ng hiya. para sa sarili at para sakanilang dalawa. “‘yun na ’yun!? after four years? ‘yun na ‘yun!?

“eh ano pa ba?” sabi ni wonwoo at uminom ng tubig. “takot lang ako je. baka magkasakitan lang din ulit kami.”

wonwoo hears his bestfriend sigh, ‘yung buntong hiningang alam ni wonwoo na maglilitanya nanaman si jeonghan. but hey, majority of the time, jeonghan’s litanya sesh to him never goes wrong.

“alam mo wons, matagal na kitang kaibigan,” panimula nito at ibinaba pa ‘yung fork and spoon niya para paghandaan ‘yung litanya niya kay wonwoo. “after niyong magbreak ni migs, alam kong never ka na talaga naging interesado. I don’t know the main reason why, but sa nakikita ko, ‘yun ay dahil gusto mo pa rin si mingyu… to the point siguro na natatakot kang maghanap ng iba kasi feel mo walang papantay sakanya. I get it, alam mo ‘yun, kaya when the opportunity already presents itself to you, as your bff,” huminto ito sa pagsasalita at tinitigan si wonwoo. wonwoo makes a face. “I believe, go for it. kasi malay mo, ito na pala ‘yung second and last chance para sainyong dalawa. tulad ng lagi kong sinasabi sayo, never be afraid of taking risks because otherwise, you would’ve wasted a 100% chance of actually getting what you want.”

the day went on with wonwoo thinking what jeonghan said to him. lagi naman ganyan eh, kahit nbsb ‘yung bestfriend niya, pakiramdam ni wonwoo ay mas marami pa itong experience kumpara sakanya. unless!? baka may tinatago!?

anyway, true to his words, sinend talaga ni mingyu ‘yung class schedule niya kay wonwoo kagabi and for today, nakita niyang hanggang 4 PM lang ang klase nito. he glances at his wall clock at nakitang 7 PM na at nakalimutan nanaman niyang bumili sa labas (more of sinadya siguroh!) kaya hindi na siya nag-hesitate para itext si mingyu.

 

wonwoo
hiii
busy?

mingyu
hellooo
no
kakahatid ko lang food actually haha
I was thinking of getting home na nga kasi I still have a lot of paperworks to do
pabili ka?

wonwoo
oo sana :-(
kahit jabee lang haha san ka ba malapit rn?

mingyu
kahit anooo haha just tell me :)
what do you want to eat ba?

wonwoo
what did u have for dinner?

mingyu
uhhh hindi pa ko nagdidinner
hehe

wonwoo
hala weh
nako that’s bawal
bili ka kahit anong gusto mo HAHA
sabay mo na ko
my treat!!

mingyu
wowow
bakittt haha
wait ako ‘yung nanliligaw ulit so dapat treat ko ‘to [emoji with monocle]

wonwoo
SIRA HAHAHAH
it’s okayyyy
sabay tayo kumain? :)

mingyu
ay
hahahahah
sige
ano bilhin ko for us?
ikaw na pili :>

wonwoo
okiii hahaha pares na lang

mingyu
okiii
20-30 mins po eta :)

wonwoo
HAHAHA sige lang
ingat!! :D

mingyu
thank youuu
n 3^07 !
:>

 

wonwoo frowns sa sinend ni mingyu. yabang nito ah porkit math genius!?

 

wonwoo
yabang mo ah porkit math lord ka

mingyu
HAHAHAHAHAHAHAHA
figure it out :P

 

wonwoo frowns again and makes a face. matagal niyang tinitigan ‘yung sinend ni mingyu… and noong narealize niya kung ano ‘yun, he laughs… until his laugh turns into a heartily one na may kasamang kilig.

Notes:

so binaliktad niyo ba

Chapter 4

Summary:

pbb teens, at mukhang pati si je makakaharvat ng isang atenista

Notes:

yay after long months of writing slump T_T honestly i'm just so happy na nakapagsulat ulit ako ng bago huhu enjoy !! <3

(See the end of the chapter for more notes.)

Chapter Text

sa totoo lang, minsan iniisip ni wonwoo kung malapit na ba siyang kunin ng liwanag kakapuyat niya.

 

finals season ngayon at feel niya malapit na siyang mabaliw sa dami ng ginagawa. nabawasan naman na ‘yung mga plates na nasa backlogs niya, pero ang dami niyang aaralin what the fuck. at this point nga, hindi ba dapat sanay na siya sa dami nang exit exam na itetake niya? lalo na bago siya grumaduate? lord tama pa ba ‘to?

 

but one thing’s for sure, mairaraos niya rin naman ‘tong sem na ‘to. at magkakaroon din siya ng isang linggong pahinga. haha whack. parang labag pa sa loob ha.

 

“wons, humihinga ka pa ba?”

 

“huh? oo naman. baliw ka.

 

today is a saturday, at bilang isang nilalang na nililigawan ulit (yie! matagal niyang pinangarap ‘to!) at malandi at the same time, pumayag siya sa aya ni mingyu na magtagaytay sila ngayong weekend bago siya magmukmok nanaman sa condo niya simula lunes dahil finals nga.

 

honestly, parang magic din si mingyu sa buhay niya ngayon kasi bigla siyang sinisipag at namomotivate pag involved si mingyu sa usapan. sa katunayan, tinapos niya na lahat ng backlogs niya nung weekdays para wala na siyang iisipin ngayong weekend. panis. backlogs, 0. what is that? i’ve never heard of that.

 

“ah, okay,” tumango si mingyu. “akala ko lang kasi… tsaka mukhang nabobored ka na eh.”

 

“huy, grabe ka ah,” natatawang sinabi ni wonwoo at hinampas siya sa braso. arte!? “hindi ako nagtapos ng maraming backlogs para lang magmukhang hindi interesado sayo ngayon ‘no.”

 

ah, so interesado ka talaga?” pangaasar ni mingyu kaya ramdam na ramdam ni wonwoo ‘yung biglang pamumula ng mukha niya. “oh, tingnan mo, humihinga ka pa ba?”

 

“nakakainis ka! bahala ka diyan.”

 

maybe, growth really did something for the both of them. just a little, kasi honestly, dati pa lang naman, ganito na talaga silang dalawa ni mingyu. silences with him were never awkward and even in the most awful situations, mingyu can always easily make him comfortable. siguro, nature na rin kasi ni mingyu maging funny guy even dati sa barkada nila. he would always be the go-to person of all, especially to him.

 

kasalukuyan silang kumakain sa may tapsilugan sa tagaytay. lunch time na kasi nung nakarating sila by car (to which wonwoo protested dahil, “huh? pwede mo naman ako i-angkas ‘no!” pero hindi pumayag si mingyu at sinabing, “baka umulan. isa pa, ayokong masira ‘yung damit mo.”) dahil sa sobrang traffic. ang dami ring kumakain na mga pamilya o mag-jowa kaya he considers himself lucky na nakakuha pa sila ng pwesto ngayon.

 

“grabe naman, I feel underdressed.” biglang comment ni wonwoo pagkatapos niyang titigan ‘yung damit ni mingyu at damit niya. nakablack balenciaga polo kasi ito at khaki slacks paired with loafers (bonus pa ‘yung sunglasses na ginawa niyang headband!) habang siya naman ay simpleng white shirt lang at maong… ‘yun na ‘yon. at ‘yung trustee birks niya na halos 5 years na siguro sakanya.

 

bahagyang tumawa si mingyu at kumunot ang noo. “you look pretty, anong sinasabi mo diyan?”

 

sabi na eh. shut up na nga lang siya.

 

so nung dumating ‘yung food ay agad na nagcatch up silang dalawa sa buhay ng isa’t isa. it has been years since they last saw each other and honestly, walang araw na hindi naisip ni wonwoo na, what if bumalik ‘yung greatest what if ko? and ngayong bumalik nga, hindi naman na-orient si wonwoo na ganito ang magiging outcome!

 

kasi parang walang nangyari. parang momentarily nag ldr lang sila ni mingyu dahil pumasok ito sa military school or something kaya hindi niya nakakausap nang matagal.

 

meeting mingyu again felt… what… right? it’s like the separation didn’t happen at all. like the puzzle has finally found its missing piece.

 

wonwoo was never cheesy naman, pero pagdating talaga kay mingyu, automatic siyang tumitiklop.

 

“what are your plans pala after graduation?” biglang tanong ni mingyu after he eats a spoonful. “dun ka ba sa tatay ni je?”

 

“ewan pa eh, pero cinoconsider namin ni je maghanap na lang ng ibang company… you know, for growth.” sabi ni wonwoo habang nakatitig kay mingyu. the weather in tagaytay just feels right ngayon, and he really can’t help but stare at his manliligaw as the wind blows his long hair. it suits him so much! “feel kasi ni je baka matali na siya sa tatay niya even before boards, so ayun… ikaw ba? business agad?”

 

“nah, I’ll probably work muna under dad.” sabi nito. “I mean… gusto ko lang din muna masanay sa field bago magventure out sa business na gusto kong pasukin,” dagdag pa nito kaya tumango naman si wonwoo.

 

ewan, mingyu talking about his plans makes him kilig. he knows mingyu will do great in every plan he makes. overachiever ba naman ‘yan e. tsaka, magaling din talaga siya by nature. so he knows mingyu is off to a good path.

 

“ah… by the way, single ba si je?”

 

“uy, ikaw ha! ano, siya na ba gusto mo ngayon?”

 

“huh? baliw,” sabi ni mingyu at kinurot siya sa tagiliran kaya umangil si wonwoo at pinalo ‘yung kamay ni mingyu. harot!? “kasi nakukwento kita dun sa close friend ko, eh pag nagpopost ka naman ng picture laging buntot si je. pinapatanong niya kung single raw,”

 

ayh, sino!?” sabi ni wonwoo kasi what the fuck, je! what are the odds na makaka-harvat ito ng isang atenista!? wonwoo knows na magpapantig ang tenga nito once na i-open pa lang niya ang topic mamaya! “like, coursemate?”

 

“yeah…” sabi ni mingyu habang nagsoscroll sa phone niya na parang may hinahanap. “since first year, actually. eh ayun, gusto ko na rin manahimik siya sa buhay niya. nagulat nga ako kasi it’s the first time na he asked me about someone eh.”

 

pinakita ni mingyu ‘yung phone niya kay wonwoo at tumambad ang ig picture ng isang lalaking naka-semi gray shirt, looking to its left habang nakacross ang braso nito. the background looked like it’s taken from a korean resto, ang wonwoo can’t help but widen his chinito eyes a bit kasi tangina mo jeonghan ito ‘yung nagtatanong ng pangalan mo!?

 

“mukhang naiinlove ka na ah?” hirit ng katabi niya kaya umirap si wonwoo at ibinalik ‘yung phone ni mingyu sakanya.

 

“as if? eh ikaw lang naman lagi.”

 

mingyu just stared at him after what he said, but he knew him so well na alam niyang mingyu is dying inside.

 

*

 

syempre, the whole tagaytay trip experience is not complete kung hindi sila magsastarbs ni mingyu. pero bilang kanina pa makulimlim, naramdaman ni wonwoo na biglang umambon pagkalabas na pagkalabas nila sa resto na kinainan nila. as a maarte, hindi siya nagjacket at wala siyang nadalang payong! pampabigat kasi sa bag.

 

kaya nagulat siya nung biglang inalis ni mingyu ‘yung cap nito at isinoot sakanya. tinitigan niya si mingyu at umangat ang kilay nito.

 

“what? umaambon eh. mahirap na, baka magkasakit ka pa.”

 

“asus, konting lakad lang naman lalakarin para makarating sa sasakyan mo!” sabi ni wonwoo at naglakad na sila ni mingyu papuntang parking space. inakbayan siya ni mingyu habang naglalakad at pinisil siya sa ilong. “ miiiigs–”

 

“ikaw kaya, sakitin ka pa naman ‘no,” sabi nito before letting him go dahil kailangan na nitong pumunta sa driver’s seat.

 

and syempre siya ‘yung nasa shotgun seat! [nakadila emoji]

 

so they went sa starbucks and continued to talk about life happenings they missed. like, exhibit a: how mingyu almost literally burned himself dahil nasabugan daw siya ng gas once nung nagluto sila ng baked mac for christmas. to which wonwoo replied, gago ka!? buti hindi ka nasugatan! because all mingyu got was a lasered arm dahil natanggalan siya ng balahibo rito.

 

exhibit b: how je almost caused them to miss their flight nung nagpunta sila ng taiwan dahil uminom sila nang sobra sobra the night before. wonwoo was never a hard drinker pero para sa kaibigan niya, wala siyang choice! broken hearted kasi si je nun over his orgmate-slash-kababata na si joshua hong. wonwoo knows the guy kasi naging kaklase niya na ito before, and he seemed okay naman. but he can never forget what je said to him that night: tangina, kung nanakawan niya ako, ibibigay ko rin siguro lahat! ganyan ka-inlababo si accla.

 

anyway, umuwi na sila after 6 kasi lumubog na rin naman ‘yung araw nun. they jammed songs in the car like how they used to imagine it before (kasi wala pa silang lisensya nun) and… to say that wonwoo felt happy today, it is an understatement.

 

medyo kinabahan nga siya agad pag-uwi kasi baka biglang may bawi sakanya kinabukasan.

 

but he felt relieved naman when mingyu texted him later that night.

 

mingyu
thank youuu hehe
I had fun
next time ulit pag free ka :-)

 

wonwoo
bukas agad HAHAHA jk
thank you rin! I really had fun :)
goodluck sa school tom hehe :>

 

mingyu
hahaha nice perfect na lahat ng quiz bukas

 

wonwoo
YABANG

 

mingyu
ano mayabang dun e ginoodluck mo ko?

 

wonwoo
hahahahaha weh ayan nanaman siya

 

mingyu
hahahaha pahinga ka na :)
and ano pala
I really missed doing things with you, wons :)
thank you for giving me another chance to try

 

wonwoo
yie
parang dati di mo masasabi ‘yan ah

 

mingyu
PARANG TANGA HAHSHDJDJ

 

wonwoo
thank you rin! pahinga ka na :)
goodnight mi bebe <3

 

mingyu
masama bang sabihin ko na ano
gusto kitang pisilin ngayon
HAHAHAA

 

wonwoo
BASTOS

 

mingyu
?
what were you thinking ha
HAHAHAHAHAHAHA

 

wonwoo
alam mo ikaw hdksjdkd
matulog ka na nga

 

mingyu
hahahshhss okayyy
goodnight, love <3

 

and for the first time after a few years, wonwoo felt his heart skipping a beat again.

 

to the same person, all over again!

Notes:

idk if may sense pa yung story wala akong finofollow na outline haha! anyway sigawan niyo ako sa @yjgnhn mehehe