Chapter Text
sexual awakening happens at the most unexpected times. sabi nila, mahirap maka-graduate sa mga exclusive schools remaining straight. at least, the students would graduate as bi-curious pero the moment they graduate at nag-aral na sa school with the opposite gender ay bye curiosity na sila.
for wang yibo, it started with the flag ceremony sa all boys school niya. late pa siya kasi hindi siya nagising ng maaga as usual pero malapit lang naman kasi yung bahay niya sa school. bakit siya gigising ng maaga kung walking distance lang naman?
kaya with his usual excuse na traffic sa guard ay tumakbo na siya sa flag ceremony kung saan nagbago ang kanyang buhay. patapos na yung Lupang Hinirang (yes, hindi Bayang Magiliw), nung nakapila siya sa likod ng section nila which is a blessing kasi hindi niya kailangan tumayo sa ilalim ng initan. hindi katulad ng dalawang bestfriend niyang si seungyoun at jackson na nakapila sa may harapan, tumatagaktak ang pawis for sure.
speaking of his pawisan bestfriends ay nakita niyang sumilip yung dalawa sa kanya, siguro ay sinusumpa na naman siya kasi hindi niya nararanasan matusta sa ilalim ng araw. sasagutin na sana ni yibo yung mid finger na pinakita ng mga kaibigan niya sa kanya ng marinig niya ang boses na magbabago ng buhay niya.
“Itaas natin ang ating kanang kamay para sa Panatang Makabayan.”
at doon, nakatayo sa may harapan ang lalaking nakabighani sa puso ni wang yibo.
panatang makabayan, mukhang iibigin na yata kita.
pagkatapos noon ay hindi na napansin ni yibo kung gaano kahaba yung mission-vision nila. o kung paanong mukhang ewan nanaman silang mga estudyante habang sinusundan nila yung zumba routine habang naka-uniform. hindi niya nga ininda na mag-aamoy araw sila dahil sobrang tagal nilang nakababad sa initan ngayon.
ang tanging naalala lang ni yibo sa araw na ito ay ang lalaking pinanatang iibigin niya sa ilalim ng araw nung flag ceremony.
---
at dahil first time lang magkacrush ni yibo ay parang siyang imbestigador. araw-araw niyang kinukulit ang mga kaibigan na sina jackson at seungyoun kung sino ba si Kuya Panatang Makabayan na minsan ay hindi na siya pinapansin nito.
“Web…”
“Hoy!”
nagtinginan ang dalawa, ilang araw ng tulala itong kaibigan nila. gusto na nilang kantahan ng “Pangarap Lang Kita” kaso nag-away silang dalawa kung sino kakanta ng lines ni Miss Happy Sy. hindi pa nila maka-usap ng maayos kaya hindi na nila niyayaya maglaro ng mobile legends at baka matalo lang sila.
“kailan kaya babalik itong kaibigan natin sa atin?” tanong ni jackson kay seungyoun na nakasimangot lang na tinitignan si yibo na tulalang nakatingin sa bintana. akala mo naman character sa anime, hindi naman.
“gusto ko lang naman siya makita ulit,” malungkot na sabi ni yibo na akala mo ay nalugi. “ang liit-liit ng school natin tas hindi ko pa siya makita?”
“baka naman kasi hindi pumapasok”
“oa mo naman, baka may sakit lang”
“baka hindi talaga meant to be na magkita sila,” at pakiramdam ni yibo ay nadurog ang kanyang puso sa sinabi ni jackson.
“hindi na lang ako magmamahal ulit,” inakbayan ni seungyoun si yibo na nagdradrama pa rin bago kurutin ang mala-siopao nitong pisngi.
“ang oa mo naman baka naman magpapak-”
pero hindi pa natapos si seungyoun ay may pumasok na
anghel
estudyante
sa classroom nila. “Si Sir Cruz ba next teacher?” tanong ng matangkad na estudyante sa may pinto. may dala-dala itong papel kaya nagmadali bumalik sa mga upuan nila yung mga kaklase nilang nagbabasketball pero wala namang bola.
tumango yung kaklase nila sa harap at pumasok na sa buhay ulit ni yibo ang lalaking pinatang mamahalin niya. “hindi pa tapos si sir sa klase namin kaya inutos niya sa akin na dalhin muna yung seatwork niyo ngayon.”
maraming umangal pero ano ba namang magagawa nila? kahit magreklamo sila ay wala silang choice kung hindi sagutan yung algebra seatwork nila. kaya dinistribute na ni kuya panatang makabayan yung seatwork nila habang pinapanood lang siya ni yibo.
kung sa malayo ay nahumaling na si yibo ay iba pala kapag malapitan mo siya makita. lalo na yung nunal sa ilalim ng labi nito. nakatitig lang si yibo sa kanya na hindi niya napansin na winawasiwas na sa kanya yung seatwork ni jackson na naka-upo sa harapan niya.
“web,” bulong ni jackson kay yibo kasi nangangalay na yung kamay niya. ilang wasiwas pa ay sumuko na si jackson at humarap na kay yibo na kanina pa nakatitig doon sa nagdistribute ng papel sa kanya.
“baka malusaw yan,” sita pa ni jackson bago niya gamitin na panghampas yung mga seatwork na hawak niya.
kinuha na ni yibo yung seatworks bago niya ipasa ito doon sa nasa likod niya, kanina pa siya nag-iisip kung anong sasabihin niya para malaman man kang yung pangalan ng crush niya ng biglang, “kuya zhan, pwede ba raw gumamit ng calculator?”
“kailan ba pumayag si sir cruz magcalculator kayo?” sagot ni kuya zhan. “kaya niyo ‘yan,” dagdag niya pa bago siya sumandal sa may teacher’s table at pakiramdam ni yibo na kaya niya nga.
pero pagkabasa niya pa lang ng unang tanong ay narealize ni yibo na kaya niya nga. kayang kaya niyang ibagsak kasi bakit ba hinaluan ng letters ang math? mahirap na nga ang math as is tas mas papahirapan pa buhay nila ngayong may letters na?
mga ilang numbers na yung hindi sinagutan ni yibo ng dumating na bigla si sir cruz kaya bumalik na si kuya zhan sa klase niya. ano ba yan, babagsak na nga siya sa seatwork na ito, hindi niya pa nalaman full name ni kuya zhan para ma-add niya naman sa facebook.
napatingin siya doon sa kaklase niyang kilala si kuya zhan. inaalala kung anong pangalan. alam niya katunog ng gulay yung pangalan. kaya imbis na sagutan yung seatwork niya ay buong period niyang prinoblema yung pangalan nung kaklase niyang mukhang panda.
ano nga ba ulit pangalan nito? baw? paw? maw? taw? tao!
kaya kahit nanghula na lang siya sa seatwork niya ay at least alam niya na yung pangalan nung panda-looking classmate niya. muntik niya pa nga masulat na huang zitao is the answer imbis na jesus is the answer.
the moment na umalis na si sir cruz with seatworks na malamang lahat sila ay bagsak ay agad-agad niya nilapitan si zitao na halatang gulat na gulat kung bakit siya kinakausap ni yibo.
“zitao… kilala mo si kuya zhan?” walang alinlangang tanong ni yibo kay zitao na nanlaki lang yung mata.
“ah… oo? bakit?”
“ano full name niya?” tanong kaagad ni yibo. hindi naman kailangan malaman ni zitao kung bakit siya curious kay kuya zhan. wala siyang balak ipaalam sa buong school na crush niya si kuya zhan (spoiler alert: kakainin niya rin itong sinabi niya, sana mabusog ka diyan yibo).
“xiao… xiao zhan…” kinakabahang sagot ni zitao kasi baka mamaya ay bugbugin siya nitong kaklase niyang bihira niya lang maka-usap kaya kahit labag sa loob niya ay sinabi niya na lang yung pangalan ni xiao zhan. mas importante buhay niya ngayon kaysa sa privacy ni xiao zhan.
hindi naman siya bubugbugin ni yibo kung hindi niya sabihin pangalan ni xiao zhan. araw-araw lang siya kukulitin at baka mag-offer pa si yibo na gawin homework niya na hindi niya rin naman gagawin kasi makakalimutan niya. ang pinakamagandang ma-ooffer na lang ni yibo kay zitao ay free lunch sa karinderia nilang may pangalan na kainan sa dulo.
“thank you,” nakangiting sabi ni yibo bago siya bumalik sa upuan niya kung saan naka-upo na naman si seungyoun sa lamesa niya.
“alam ko na pangalan niya,” napatigil yung usapan ni jackson at seungyoun tungkol sa seatwork nila kanina kung saan nag-aaway sila kung 41 ba or 42 yung sagot habang si yibo ay 1005 ang sagot. kadalasan ay kinakabahan pa siya kasi bakit ang layo ng sagot niya pero hindi niya na pinansin ngayon kasi alam niya na full name ng lalaking pinanatang mamahalin niya.
kaya pagka-uwi na pagka-uwi niya ay kinuha niya na yung cellphone niya para i-add sa facebook si xiao zhan na ilang araw niya rin hinanap.
xiao zhan
8 mutual friends
add as friend
pinindot kaagad ni yibo yung add as friend at tinitigan yung cellphone niya para hintayin yung notification na accepted na siya as a friend ni xiao zhan sa facebook.
pero naka-ilang refresh na siya pero wala pa rin. iniisip niya kung imemessage niya na ba pero anong sasabihin niya?
“hi crush, pwede pa-accept?”
hindi pa naman siya ganun kadesperado. inisip niya na lang muna na baka hindi pa nakaka-uwi si xiao zhan kasi mukhang maraming extra-curricular activities based sa mga pictures niya na available in public.
stinalk na lang muna ni yibo yung profile ni xiao zhan pero kakaunting information lang yung available since naka-only friends lang ata setting ni xiao zhan but that won’t stop wang yibo.
as soon as maging friends sila ni xiao zhan ay ichecheck niya lahat ng namiss out niya sa facebook ni xiao zhan.
pero halos isang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin siya inaaccept ni xiao zhan.
‘baka busy lang’ kumbinsi ni yibo aa sarili. baka pagkatapos nila maghapunan ng tatay niya ay makikita niya na yung notification na friends na sila ni xiao zhan.
pero natapos na silang maghapunan ay hindi pa rin sila friends ni xiao zhan sa facebook. kahit na nakatapos na sila nina seungyoun ng ilang round sa ML ay hindi pa rin sila friends. kahit na patulog na siya ng 2 am ay wala pa rin.
sana naman pagkagising niya ay friends na sila ni xiao zhan sa facebook.
pero kahit naunahan ni wang yibo ang alarm niya ng 6 am ay wala pa rin. ang notifications niya lang ay puro kayna jackson at seungyoun na tinatag siya sa kung ano-ano pero walang xiao zhan is now your friend . napabuntong hininga na lang si yibo.
crush, pa-accept naman ng friend request.
