Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-01-31
Words:
1,918
Chapters:
1/1
Comments:
2
Kudos:
19
Bookmarks:
2
Hits:
210

Before Eve

Summary:

Curious si Eve sa love story ng kanyang mga magulang na sina Jun at Wonwoo.

Sequel of Rutang Sabog

Notes:

hi!! dahil last day na ng jan. ito na ang pinakakahihintay niyo eme. so ito kasi 'yan mga mare kaya umabot ng sobra pa sa isang buwan ang pag-upload e kasi tinamad talaga me /j. naging busy kasi sa panonood hehe after ko manood ng banana fish parang nabobo na ako ganon.

anyway hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa-enjoy reading po!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

It's a very typical sunday morning for Jun's family. Sunday pero maaga silang nag-aasikaso para sa sarili at para sa anak.

 

 

 

Si Jun na kakatapos lang ihanda ang mga pagkain at gamit, si Wonwoo na tumutulo pa ang buhok sa tuwalya na nakasampay sa kanyang balikat at si Eve ang anak nilang in-e-enjoy ang breakfast na inihanda ni Jun.

 

 

 

 

"Papai..." pagtawag ni Eve kay Jun.

 

 

 

 

Nilingon naman ito ni Jun at sumagot, "Yes, anak?"

 

 

 

 

"Diba po you didn't finish your kwento nung nakaraan? Can you please continue na po?"

 

 

 

 

"Opo naman, saang part ba nahinto si papai sa pagkwekwento?" nakangiting tanong ni Jun sa anak.

 

 

 

 

Si Eve naman ay panandaliang huminto sa pagkain sabay point ng daliri sa kanyang sintido para ipakita na nag-iisip talaga ito.

 

 

 

Natawa naman si Wonwoo sa ginawa ng anak. Manang-mana talaga sa pinagmanahan.

 

 

 

 

"Aha! Nahinto ka po sa may girlfriend si Wowo dad kaya hindi muna kayo nagkatuluyan."

 

 

 

 

Napakunot naman ang noo ni Wonwoo sa narinig. Nilingon niya si Jun at binigyan lang siya ng nakakalokong ngiti.

 

 

 

"Papai, mali yata nakwento mo kay Eve. Hindi naman ako nagka-girlfriend ha?"

 

 

 

 

"Eh?" rinig nila galing kay Eve.

 

 

 

 

"Sino ba ang girlfriend ni Wowo dad, papai?"

 

 

 

 

"Si ate Seulgi" sagot ni Jun sa anak.

 

 

 

 

"Si tita Seulgi? 'Yung cousin ni Wowo dad?"

 

 

 

 

Tumungo si Jun sabay hagupit ng tawa na kinatawa rin ni Wonwoo.

 

 

 

 

Alam niya, alam niya kung ano ang sinasabi ni Jun. Hindi pwedeng hindi niya matandaan ang panahong iyon.

 

 

 

 

 

*////*

 

 

 

 

 

"What's the plan?" nilingon ni Wonwoo ang babaeng nagsalita na nakahapit sa kanyang braso ngayon.

 

 

 

 

"What do you mean "what's the plan?". Inaasikaso ko naman na 'yung ad—."

 

 

 

 

"Not that one, we're working on that thing na e. What I mean is your love plan." sabi ulit ng babae sabay pagpapagalaw sa kanyang dalawang kilay.

 

 

 

 

"Wala na kaming communication sa isa't-isa. It's been months na rin, since our last meet-up. Baka he's in a relationship na."

 

 

 

 

"You're over thinking too much, bro." 

 

 

 

 

Tahimik na ulit silang naglalakad habang naghahanap ng kakainan.

 

 

 

 

"Do you miss him?" napalingon si Wonwoo sa tanong ng babae sa kanya.

 

 

 

 

"I do, I do miss him." 

 

 

 

 

"Ganon naman pala e. Edi go tal-"

 

 

 

 

"Wonwoo?" 

 

 

 

 

Napalingon si Wonwoo sa lalaking nasa harapan niya ngayon. 

 

 

 

Namiss niya ang mukha nitong napakakinis at matangos na ilong.

 

 

 

Pati na rin ang nunal nitong nasa bandang taas ng kanyang labi.

 

 

 

Hindi niya alam ang sasabihin, nababablangko siya. Ang tagal na rin nung huling beses niyang nakita ang mukha nito.

 

 

 

 

"Nice to meet you again, Wonwoo." sabi ulit ni Jun kay Wonwoo na napipe na yata.

 

 

 

 

"He's nice to meet you too?" pagsasalita ng babaeng nakahapit pa rin ngayon sa braso ni Wonwoo.

 

 

 

 

"Jun." nakangiting sabi ni Jun sa kanya.

 

 

 

 

"Jun. Nice to meet you. Anyway, mauuna na kami." 

 

 

 

 

Nilingon ng babae si Wonwoo sabay siko sa tagiliran nito.

 

 

 

 

"Baby, halika na." sabay hatak niya kay Wonwoo.

 

 

 

 

Nakalayo na sila sa pinanggalingan nila pero hanggang ngayon nagtatalo pa rin silang dalawa.

 

 

 

 

"Ate naman kasi, bakit mo ako tinawag na baby sa harap niya?" iritang tanong ni Wonwoo dito.

 

 

 

 

"Kasi hindi ko naman alam na siya 'yung plahi mong kinekwento. Isa pa kanina ka pa nakatulala nung nakita mo siya."

 

 

 

 

"Kasi ang ganda ng mukha niya kaya nablangko na ako." napangiwi naman ang babae sa sagot ni Wonwoo sa kanya.

 

 

 

 

"Eww ka naman, super whipped na whipped hindi naman kaya kausapin ulit." seryosong sabi ng babae.

 

 

 

 

"Wag mo akong ma-eww eww d'yan. Ikaw nga mas eww tinawag mo akong baby, nakakakilabot ka ate." sabay himas ni Wonwoo sa braso niya.

 

 

 

 

"Ano na gagawin ko ngayon? Iisipin nun na girlfriend kita. Ate naman kasi." 

 

 

 

 

"Ang pabebe mo, edi sabihin mo na magpinsan tayo. Like hindi ba obvious?"

 

 

 

 

"Tulungan mo ako syempre, ikaw may kasalanan nito e."

 

 

 

 

"Bahala ka d'yan. Ikaw na gumawa ng sarili mong paraan para naman magkalovelife ka na." 

 

 

 

 

"Ate Seulgi naman!" tawag niya sa pinsan niyang masayang nakikitang naf-frustrate ang binata.

 

 

 

*////*

 

 

 

"So it's tita Seulgi's fault pala." sabi ni Eve habang tumatawa kaya nilingon siya ni Jun mula sa backseat ng sasakyan.

 

 

 

 

Nasa sasakyan sila ngayon para mamasyal. Ito na ang kinagawian ng pamilya niya. Hindi naman nila ito madalas na nagagawa kaya napag-planuhan nilang kahit twice a month ay lumabas naman silang magpapamilya.

 

 

 

Gusto naman nilang iparanas kay Eve kung gaano kasaya ang pamilya na meron siya.

 

 

 

 

"Pero dad, how naman kayo nagkatuluyan ni papai? Tinulungan ka po ba ni tita Seulgi?"

 

 

 

 

Sinilip ni Wonwoo ang anak sa may rear mirror bago magsalita. "Tita Seulgi didn't help me but you. You help me, anak." Wonwoo said with a big smile.

 

 

 

 

Malaki talaga ang tinulong ni Eve sa kanyang Wowo dad para maipakita niya na mahal niya naman talaga si Jun.

 

 

 

 

"How po?"

 

 

 

 

 

*////*

 

 

 

 

 

"Where are you going?" sabi ni Seulgi na nakataas pa ang paa habang sinusuri ang porma ng pinsan.

 

 

 

 

"My favourite place and I'm with someone."

 

 

 

 

"Who?"

 

 

 

 

"Jun."

 

 

 

 

"Wow. Finally may balls ka na rin ha." pang-asar nito sa kanya.

 

 

 

 

"Meron naman talaga." nakangising sabi niya dito.

 

 

 

 

"Okay sabi mo e." tunog sarcastic na sabi nito. "Ingat ha. Gumagamit ka ng pinagbabawal na technique para makuha mo loob niya. Ayos 'yan." ani niya habang nakatingin sa T.V. pero naka-thumbs-up kay Wonwoo.

 

 

 

 

~

 

 

 

 

"So saan mo ba talaga ako dadalhin?"

 

 

 

 

"Basta. You'll like it so don't worry." he smiles habang hindi inaalis ang paningin sa daan.

 

 

 

 

"Ayusin mo lang, marami kang kasalanan sa'kin 'no. Ang tagal mo akong tinakasan tapos naniwala pa ako na may girlfriend ka."

 

 

 

 

"I know kaya nga kita dadalhin somewhere para makabawi." ani ni Wonwoo sabay hawak sa kamay ni Jun na malapit sa cup holder. "I'm sorry, baby."

 

 

 

 

Parang natameme naman ang isa sa kilig at pagkabigla sa ginawa ng binata. Delikado na naman siya sa lagay niyang ito.

 

 

 

 

 

 

Kasalukuyang naglalakad sila Jun papunta sa gate ng isa sa paboritong lugar ni Wonwoo.

 

 

 

 

"Guardian Angel Orphanage..."

 

 

 

 

Wonwoo holds Jun's hand while entering the orphanage.

 

 

 

 

Pagkapasok pa lang sa entrance ay binigyan na ka agad si Wonwoo nang malaking ngiti ng isang madre. "Kamusta na Wonwoo?" nakakagalak na wika nito.

 

 

 

 

"Mabuti naman po, salamat po." sagot nito bago magmano. Nalilito man ay ginaya na lamang din ni Jun ang ginawa ni Wonwoo.

 

 

 

 

Bahagya namang nagulat ang madre sa presensya ni Jun pero napalitan ng nakakalokong ngiti nang makita ang kamay ng dalawa.

 

 

 

 

"Mabuti at dumalaw ka na ulit. Matutuwa talaga si Eve lalo na't may kasama ka ngayon." sabi nito habang hinahatid sila sa palaruan, nandu'n daw kasi ang mga bata.

 

 

 

 

Tahimik lang si Jun na lumilinga sa paligid. First time niyang makapunta sa ampunan, niisang beses ay hindi sumagi sa kanyang isipan na pumunta sa gantong lugar.

 

 

 

 

"Kuya Wonwoo!!" sigaw ng batang babae na papalapit sa gawi nila lalo na kay Wonwoo na may ngiti sa mga labi.

 

 

 

 

Kinarga naman ito ni Wonwoo na siyang kinatuwa ng puso ni Jun. Hindi niya pa nakikita si Wonwoo na ganto kasaya. Ang sarap lang sa mata na makita na ganito siya.

 

 

 

 

"Kuya Wonwoo, ano pong pangalan niya?" tanong ng bata habang nakaturo kay Jun na hirap itago ang ingit.

 

 

 

 

Imbis na si Wonwoo ang sumagot hinayaan niyang si Jun ang sumagot sa tanong ng bata. "Hi Eve! Ako po si Jun, pwede mo po akong tawaging kuya Jun." nakangiti nitong sabi.

 

 

 

 

Napangiti naman si Eve kay Jun dahilan para sa kanya naman ito magpakarga. Kinuha naman ni Jun si Eve na mas kinalawak niya pa ng ngiti.

 

 

 

 

"Kuya Wonwoo, bakit ngayon mo po lang ako dinalaw?" mahina na sabi ng bata pero narinig naman nila lalo na ni Wonwoo.

 

 

 

 

"Naging busy po kasi ako sa work pati sa papers mo."

 

 

 

 

Nagningning ang mga mata ng bata sa sinabi ni Wonwoo.

 

 

 

 

"Talaga, kuya Wonwoo?" ani ng bata dito na mukhang excited.

 

 

 

 

"Oo naman 'no." sabi ni Wonwoo.

 

 

 

 

Napansin ni Jun na parang may mali kay Wonwoo. Sa tuwing tinatawag kasi ni Eve si Wonwoo ng kuya ay tila ba automatic na napapangiwi ito.

 

 

 

 

"Tara po kuya Jun maglaro po tayo sa may see-saw." sabay turo sa gawi ng see-saw na katabi ng swing.

 

 

 

 

Dinapuan ng tingin ni Jun si Wonwoo senyales na nanghihingi siya ng pahintulot kaya tumungo na lamang si Wonwoo habang nakangiti.

 

 

 

 

Sa ilang oras na naglalaro si Jun kasama si Eve at iba pang bata ay tila ba parang hindi siya nakakaramdam ng pagod. Iba rin ang saya na ibinibigay nito sa kanya na parang never niya pang naranasan.

 

 

 

 

"Eve." tawag ni Wonwoo habang papalapit kila Eve na parehas na nakaupo sa swing.

 

 

 

 

"Oras na para umuwi kami ni kuya Jun. May work pa kami bukas at kailangan mo na rin magpahinga." bungad nito sa kanila pagkalapit niya kay Eve.

 

 

 

 

Tumungin ang bata kay Jun at lumapit siya dito para magpakarga. Kinarga naman niya ito tsaka tumayo na.

 

 

 

 

Habang naglalakad si Jun ay hinahaplos naman ni Eve ang buhok nito.

 

 

 

 

"Kuya Jun, ano mo po ba si Kuya Wonwoo?" ang tanong na lumabas sa bibig ng bata out of nowhere.

 

 

 

 

Medyo na bigla ang dalawa dahil sa narinig lalo na si Wonwoo. Habang si Jun naman ay nag-iisip.

 

 

 

 

Ano nga ba kami?

 

 

 

 

Matagal na rin simula nung hinahayaan niya si Wonwoo na bumawi, siguro ito na ang panahon para suklian niya naman ito.

 

 

 

 

 

"Boyfriend ko po si kuya Wonwoo." ani niya ng may ngiti sa nga labi sabay baba sa bata. "Bye-bye, Eve. Dadalawin ka namin ni kuya Wonwoo mo ulit para maglaro tayo sa swing."

 

 

 

 

Tumungo ang bata at binaling ang paningin kay Wonwoo na umupo para magpantay sila. "Kumain ka nang marami dito para kapag naayos na lahat uuwi ka sa bahay ng malusog. Babalikan ka namin ha?" sabi ni Wonwoo sabay halik sa noo nito.

 

 

 

 

*////*

 

 

 

 

 

"Noong mga panahon na sinabi mo kay Eve na boyfriend mo ako parang gusto ko talaga tumalon sa saya." sabi ni Wonwoo kay Jun.

 

 

 

 

"Mukha nga e kasi sobrang higpit din nang paghawak mo sa kamay ko." natatawang sagot ni Jun.

 

 

 

 

"Syempre ayaw na kita pakawalan 'no."

 

 

 

 

"Mabuti na lang at tinulungan ka ni Eve kahit wala pa siyang kaaalam-alam." sagot ni Jun habang hinahawi ang buhok na tumatabon sa mukha ng anak nila na kasalukuyang tulog habang nakapasan sa Wowo dad niya.

 

 

 

 

"Ako rin kasi hindi ko lang siya na iuwi nasama pa kita." sabay kindat ni Wonwoo kay Jun.

 

 

 

 

Malaki ang pasasalamat nilang dalawa kasi simula ng maayos ni Wonwoo lahat ng papeles na dapat niyang gamitin para maiadopt si Eve ay nagbago ang buhay nilang dalawa.

 

 

 

Hindi na siya magiging uncomfortable kapag tinawag siyang kuya Wonwoo ng anak.

 

 

 

Hindi niya talaga ineexpect na magiging ganto kasaya ang buhay pamilya niya. Ang tanging hiling lang naman niya ngayon ay ang maikasal kay Jun para wala ng takas.

 

 

 

 

"Papai."

 

 

 

 

"Hmm..?"

 

 

 

 

"Nasaan 'yung kamay mo?" ibinigay naman ni Jun ang left na kamay niya kasi ayun lang ang available na kamay since buhat niya si Eve habang nakaupo sa shotgun. seat ng sasakyan.

 

 

 

 

Kinuha naman ito ni Wonwoo sabay suksok ng singsing sa ring finger ng left hand ni Jun.

 

 

 

 

"Wala ng 'will you marry me?' kasi papakasalanan mo ako sa ayaw o sa gusto mo." seryosong sabi nito sa kanya.

 

 

 

 

Ang pangit talaga dumiskarte nako.

 

 

 

 

"Nananakot ka pa para namang tatakasan kita 'no. Isa pa papakasalan kita kaya yes." natatawang sagot ni Jun na medyo naluluha na. Hindi halata pero masaya siya.

 

 

 

 

Wonwoo leans in to get closer to Jun's face and close Eve's eyes using his hand before filling the gap between their lips.

 

 

 

 

Finally, sa tamang ruta na sila mauuwi at hindi na muling bababa sa rutang sabog.

Notes:

yay! wowo dad and papai jun is finally engaged!!

I would like to thank you for reading my ff and waiting for part 2 (kahit masyadong natagalan).

thank you for reading po and don't forget to leave a kudos.