Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-02-08
Words:
2,504
Chapters:
1/1
Kudos:
5
Hits:
236

a hundred days with you

Summary:

kuroo tetsurou doesn't know anything about love.

what's so special about it? but he do know for a fact that love can make people go crazy. there are things that you swore you won't do but eventually did; all for love.

one mission. a hundred days — that is the time that was given to him to complete it.

after that he can go ahead and go to heaven but what if along the way, he suddenly found himself falling for his subject, oikawa tooru.

Notes:

disclaimer! this fic is written in taglish. this contains angst so please read at your own risk. sorry for grammatical errors or any typos.

 

day 9 of mmk's 14 days of angst | #MMK14DAngst

 

— for better feels, read this while listening to Moira Dela Torre's SAGLIT.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

“Do I really need to do this? Why can't I just go directly to heaven?”

 

Kenma heaved a sigh, he already expected it. This is not the first time that Kuroo asked this question and he already answered it for multiple times with the same response:

 

“All souls here in this place have this mission. In order for you to go to Heaven, you need to complete it. Hindi ka espesyal, Kuroo.”

 

Napapikit na lamang ang huli. Alam niya na may misyon silang dapat tapusin, sa totoo madali lang naman ito. All they needed to do is to guide their Subject to move on pero hindi iyon ang pumipigil sa kanya para gawin ito.

 

Natatakot siya. Sa oras kasi na matapos niya ito ay doon niya malalaman kung anong nangyari sa huling araw niya noong nabubuhay pa siya at kung ano o paano siya namatay sa mismong araw na iyon.

 

“Oikawa Tooru. 19 years old. Living by himself in one apartment.”

 

“Bakit ko ba siya kailangan bantayan? 19 years old na pal—” naputol ang pagrereklamo ni Kuroo nang magsalita muli si Kenma.

 

It's your job to know why, Kuroo. Goodluck on this. Finish this as fast as you can. You only have one hundred days to complete this.”

 

 

***

 

 

“Are you ready, Kuroo?”

 

The raven ignored Kenma's question. He just remained on his seat while holding a photo of him and Tooru.

 

Today is his second to the last day. Dalawang araw na lang.

 

“Siguro? Ata? Hindi ko alam, Kenma,” mahinang sagot ni Kuroo.

 

Bukod sa huling dalawang araw niya sa mundong ito ay nalalapit na rin ang araw ng monthsary nila ni Tooru. Ready na ang lahat ng sorpresa niya para sa binata pero siya? Hindi niya alam. Magiging handa nga ba siya?

 

Ngayon ay may usapan sila na magkita sa lugar kung saan sila madalas pumunta ngunit imbis na mag-ayos ay eto siya — natatakot, kinakabahan, at nasasaktan.

 

Iiwan na kasi niya si Tooru. Sisirain na niya yung pangako niya.

 

He was in the middle of thinking when he heard his phone ringing. Before he could press the answer button, he felt a light tap on his shoulder.

 

Kenma gave him a small smile, as if he was saying that everything will be alright, before leaving him alone.

 

No, alam niyang hindi. Maybe oo, pero hindi pa nga lang sa ngayon.

 

Kuroo answered the call and heard a familiar voice on the other line.

 

[ Iiwan mo pa rin ba si Tooru? ]

 

“Kung may choice lang ako, I won't, pero wala eh,” sagot ni Kuroo.

 

[ I know that you have your reason at umaasa ako na kahit ano pa 'yan, alam kong hindi mo ginusto dahil alam ko kung gaano mo siya kamahal but please ] saglit na huminto si Hajime, ang pinakamatalik na kaibigan ni Tooru.

 

[ Make him understand. Ayokong bumalik siya sa dati. May trauma na siya sa mga taong nang-iiwan, Kuroo. ]

 

“I know,” tanging sagot ni Kuroo bago ibaba ang tawag.

 

Alam na alam ko.

 

 

***

 

 

“Tetsu my parents wanted to meet you nga kasi,” naka-simangot na sabi ni Tooru, “Ba't ba ayaw mo?”

 

Gusto niyang isagot na, 'Dahil ang gusto ko, ang ipapakilala mo sa kanila ay yung lalaking para sa'yo. Yung lalaking hindi mawawala. Gustuhin ko man maging ako iyon, pero hindi pwede eh.'

 

“Nahihiya ako noh! Tsaka wala pa akong maipagmamalaki sa kanila pwede naman sa susunod na linggo o kaya next next week basta huwag muna ngayon,” nakangiting sagot ni Kuroo. Hinawakan nito ang kamay ni Tooru at nagpatuloy sila sa pag-akyat ng bundok.

 

Instead of going to their favorite place, Kuroo decided to brought Tooru in a place that he only knew — at oo sa isang bundok ito.

 

Malapit na sila sa tuktok nang magsalita na naman si Tooru, “Grabeng trip 'to, Tetsu. Ano ba meron sa tuktok nito ha?”

 

“Alam mo ikaw puro ka reklamo,“ nakangiting sagot nito, “Regalo. Regalo ang nasa tuktok nito kaya bilisan na natin.”

 

They have finally reached the top and as soon as Tooru saw the surrounding, hindi niya maiwasan hindi mamangha.

 

Paano ba naman mula sa pwesto nila ay kitang-kita ang mga city lights, presko ang hangin, at higit sa lahat ay tahimik.

 

Parang isang paraiso

 

“H-how did you know this place,” Tooru looked back to see Kuroo but he was shocked when he see a poker face expression on his boyfriend's face.

 

“Bakit ka nakasimangot dyan? Hoy—”

 

“Look at your side at tsaka ka na magreklamo,” masungit na sambit ni Kuroo ngunit agad rin itong napangiti nang makita ang gulat sa mukha ng kasintahan.

 

“Tetsu...”

 

He walked beside Tooru and encircled his arms around the latter's waist.

 

“Masyado mo akong sinasanay,” naiiyak na sambit ni Tooru.

 

“Hindi naman. Masyado lang kasi kitang mahal,” sagot ni Kuroo.

 

Kuroo stepped back and showed a smile to the brunette. For the first time, nakaya niyang tignan nang matagalan si Tooru habang umiiyak ito.

 

“Sa mismong monthsary natin, hihintayin kita rito. Dapat kaya mo nang umakyat mag-isa,” sabi ni Kuroo.

 

“Hindi mo ba ako tutulungan pati bakit hihintayin mo pa ako eh pwede naman sabay na lang tayo umakyat?” nakasimangot na tanong ni Tooru.

 

'Dahil pagkatapos ng araw na iyon ay wala na ako sa tabi mo para tulungan ka. Dapat masanay ka na humarap sa mga bagay bagay kahit wala ako sa tabi mo Tooru.'

 

He was trying his best not to cry infront of him.

 

Because he knows that it's his way of slowly saying goodbye to the person he loved the most.

 

Kuroo held Tooru's cheeks and pressed his lips to the other.

 

“Mahal na mahal kita, Tooru.”

 

 

***

 

 

“Kapag talaga eto si Tetsu ay wala sa tuktok neto makikipagbreak ako sa kanya ng wala sa oras!”

 

Tooru just received a text message from Kuroo saying that he's waiting at the top of the mountain where he brought him last time.

 

Inis man ito sa mga trip ng boyfriend niya ay hindi naman maipagkakailang mahal niya 'to at sobrang nagpapasalamat siya na dumating ito sa buhay niya noong mga panahong sukong-suko na siya.

 

Their first meeting is not good. The first time their eyes met, Tooru knows that he's a bad news. He hated Kuroo's presence that's why he always shoo him away but after of consecutive days of teasings and bickerings toward each other, Tooru suddenly found himself falling in love with the raven.

 

And now here they are, celebrating their first monthsary. 

 

But despite of that, Tooru didn't know that it's also Kuroo's last day on this world.

 

Tooru reached the top and saw Kuroo standing there. Confusion started to register on his face when he saw that there's nothing there — no flowers, teddy bears, or any dining table for them.

 

“Hoy Tetsu!”

 

“You came! Akala ko hindi mo na ako sisiputin eh,” Kuroo smiled at him.

 

No, he tried his best to smile rather. Kailangan eh. Para maipakitang masaya siya kahit na kinakain na siya ng lungkot at takot 'nong mga oras na 'yon.

 

He look upwards to stop his tears from falling and then he hugged his boyfriend.

 

'Mamimiss ko 'to, Tooru.'

 

Nang masigurado nito na napigil na niya yung mga luha, mabilis siyang humiwalay sa yakap at inayos ang nakakunot na mukha ng nobyo.

 

“Ngumiti ka nga,” sabi ni Kuroo, “Monthsary natin tapos nakabusangot ka dyan. Panget mo kabonding!”

 

Damn, I will surely miss your smile. 

 

Tooru was about to say something but before he could do that, niyakap na ulit siya ni Kuroo.

 

“Sobrang saya ko na naging tayo. Ang saya ko kasi naranasan ko kung paano mahalin ng isang Oikawa Tooru,” sabi ni Kuroo.

 

“Ako rin naman, Tetsu,” ganti ng huli, “Masaya rin ako at nagpapasalamat na dumating ka.”

 

Humiwalay si Tooru kay Kuroo at tinignan ito. Nilapit pa nito ang palad para kapain kung may lagnat ba ang nobyo.

 

“Wala ka namang sakit ah? Teka mamamatay ka na ba?” natatawang tanong ni Tooru, “Ba't parang ang seryoso mo ngayon?”

 

Instead of answering, Kuroo only smiled. This is the only thing he knows to stop himself from crying, from showing how he really scared he was right now. “Kung mamatay man ako, masaya ako dahil ikaw ang una at huli kong mamahalin.”

 

“Tsaka kung mamatay man ako, I'll make sure na babantayan kita mula sa dun sa langit” paghabol nito.

 

“Bakit mo naman ako kailangan bantayan mula doon kung nandito ka naman sa tabi ko 'di ba?” tanong ni Tooru.

 

“Mahirap na, tanga ka pa naman,” pang-aalaska ni Kuroo.

 

Tooru rolled his eyes and look at the city lights below. Kahit walang teddy bear, flowers, or chocolates, ayos lang as long as kasama niya si Kuroo. Ayun ang mahalaga.

 

Napalingon siya sa taas nang biglang lumiwanag ang kalangitan.

 

“That's my surprise to you,” biglang sambit ni Kuroo, “Happy monthsary, mahal ko!”

 

“Ang ganda...”

 

Kuroo smiled noong nakita niyang nakanganga ang nobyo dahil sa sorpresang hinanda niya.

 

“Ang baboy mo, mahal. Tignan mo nakanganga ka pa dyan,” natatawang pang-aasar niya.

 

“Manahimik ka nga tsaka mahal mo naman kaya ayos lang,” kinikilig na sagot ni Tooru.

 

Napangiti si Kuroo. Oo, mahal na mahal niya si Tooru. Kahit lagi niyang inaasar 'to, kahit na hindi marunong mag-ayos ng mga gamit, kahit na hindi naging maganda ang unang pagkikita nila, hindi maikakailang mahal niya ang binata. Higit pa sa buhay niya.

 

'Mamimiss talaga kita, Tooru.' sabi niya sa sarili, 'Sana mapatawad mo ako.'

 

Yumakap si Tooru sa kanya, ginantihan niya ito ng mas mahigpit na yakap dahil eto na ang huling pagkakataon na magagawa niya ang bagay na 'to. If he can ask for a third life to God para lang makasama pa ng mas matagal si Tooru ay ginawa niya na.

 

Pero lahat may hangganan, lahat may katapusan. 

 

“I love you, Tooru.”

 

 

***

 

 

Sa buong byahe pauwi ay hindi binitawan ni Kuroo ang kamay ni Tooru.

 

Kung ang kaninang takot na nararamdaman niya ay kaya niya pang kontrolin ay ngayon hindi na. Dahil ngayon, babalik na siya sa pinanggalingan niya. 

 

Biglang pumasok sa isip niya ang huling araw niya noong nabubuhay pa siya. Hindi ito espesyal katulad ng ibang istoryang narinig niya. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng bumalik sa alaala niya 'yon, apat na araw siyang nagkulong sa kwarto dahil hindi niya matanggap ang nangyari noong araw na bago siya bawian ng buhay.

 

Siya lang naman ang dahilan kung bakit nawala ang taong sobrang minahal ni Tooru.

 

Kaya ngayon ay natatakot siya, dahil mararanasan niya na naman ulit kung paano siya namatay. 

 

Kinuha niya ang picture ni Tooru sa kanyang wallet at pinagmasdan ito.

 

Napangiti siya ng tipid habang unti-unting tumulo ang mga luha sa mata niya. Pumikit siya at hinanda ang sarili.

 

'Patawarin mo ako, Tooru. Mahal na mahal kita.'

 

He doesn't have a courage to confess to Tooru that he's the reason why Ushijima was dead. He couldn't tell it. Oo pinaglaban niya ang nararamdaman niya dito pero wala siyang lakas ng loob para sabihin na siya ang pinaka-dahilan kung bakit naghirap ito.

 

Ang huling hiling na lang niya ngayon ay sana mapatawad siya ni Tooru oras na malaman niya ang katotohanan.

 

Muli niyang minulat ang kanyang mata to look at Tooru's face for the last time. Hinalikan niya ang litrato — at kasabay nito ay ang pagbangga ng kanyang kotse.

 

Unti-unting nawalan ng malay ang huli habang hawak ang litrato ng taong nagturo sa kanya kung ano ba ang depenisyon ng pagmamahal.

 

 

***

 

 

Nagmulat ng mata si Kuroo, bumungad sa kanya ang isang puting liwanag. Napangiti siya, nakabalik na siy—

 

“Huwag kang bibitaw, Kuroo,” boses ito ni Tooru, “Please, wag mo akong iwan.”

 

Nasa loob sila ngayon ng isang ambulansya.

 

“Kuroo please.”

 

Kuroo tried his best to move his arms and hold Tooru's cheeks. He's wiping the tears that keep on falling on the brunette's eyes. Hindi niya inakalang makikita niya pa ulit ang binata.

 

He's happy pero ramdam niya na bibigay na ang katawan niya.

 

“H-hindi na ako aabot Tooru,” nahihirapang sambit nito.

 

“Hindi... hindi pwede! Hindi ka mamamatay Kuroo!” sumisigaw na sambit ng kasintahan.

 

“C-can..you smile for me?” hiling ni Kuroo, “Please — Just smile for me.”

 

Even though his tears are keep on falling, Tooru wiped it using his hand because Kuroo doesn't want to see him crying. He tried his best to smile but failed. “Hindi mo ko iiwan diba? Lalaban ka Kuroo! Lumaban ka!”

 

“Ginusto kong tuparin yung pangako ko sa'yo na papasayahin kita — na pangingitiin kita; na hindi kita iiwan pero kailangan ko na umalis.”

 

“Umalis? Saan ka pupunta ha?! Walang aalis... hindi mo ko pwedeng iwan Kuroo,” nahihirapang sambit ni Tooru.

 

“T-tooru...” pag-aalo ni Kuroo, “Not all endings are painful — I want our ending to blissfully beautiful.”

 

“I know that this day will come pero ang sakit pa rin pala. Kailangan na kitang iwan, kailangan ko nang umalis...”

 

“Pero, please. Promise me that you will not close your heart to others. Promise mo na hindi mo ikukulong ang sarili mo sa akin — sa'tin. Promise me na hindi ka iiyak, umiyak ka kung kinakailangan pero you'll try your best to find your happiness again.” 

 

“Paano... paano ko gagawin 'yan Kuroo? H-hindi ko kaya,” naiiling na sambit ni Tooru.

 

“Kaya mo, Tooru. Malakas ka,” saglit itong huminto upang huminga, “Enjoy life without me. Gusto kong sumaya ka kahit wala na ako. Please Tooru. Promise me.”

 

“No, hindi ko kaya! Walang aalis, hindi mo 'ko iiwan,” nilipat nito ang tingin sa mga kasama sa loob ng ambulansya, “Pakibilisan po please iligtas niyo po ang boyfriend ko! Pakiusap—”

 

Kuroo held her hands, “P-promise me...”

 

Natigilan ang huli at walang nagawa kundi ang tumango kahit labag sa kalooban niya, “I — I promise...” humihikbing sagot nito. “But please, lumaban ka. 'Wag mo akong iwan.”

 

Napangiti lang si Kuroo, “Gusto kong maalala mo lahat ng pinagsamahan natin. Mula sa pagkakabunggo natin sa isa't isa noon pero huwag itong sa ambulansya. Gusto kong maalala mo yung nasa tuktok ng bundok tayo kanina. Gusto ko yun ang huling mong maalala dahil masaya 'yon. ito, masakit— malungkot..”

 

Huwag kang umiyak, please.

 

Tooru tried to stop crying but how can he do that when his boyfriend is lying infront of him, fighting for his life. Hindi niya kayang tignan na iiwan siya nito.

 

“I hate to say this, pero kailangan ko nang magpaalam...” nahihirapan man ay sinusubukan pa rin ni Kuroo na makipag-usap kay Tooru.

 

“Kuroo... 'wag kang magsalita ng ganyan please.”

 

Kuroo slowly closed his eyes but this time, he's smiling. He's happy and contented. Kuntento at handa nang umalis.

 

Kuroo...” bulong ni Tooru.

 

“KUROO!”

 

Kung kanina'y natatakot siya umalis, nawala ito ngayon dahil nabigyan siya ng huling pagkakataon na makasama ang binata. Napalitan ito ng saya at pag-asa na tutuparin ni Tooru ang pangako niya.

 

He wanted so bad to be that guy. He really wanted to be Tooru's 'The One' but his time is already up. Kumbaga sa isang laro, game over na

 

Tooru hugged Kuroo for one last time. Niyakap niya ito nang mahigpit at hindi binitawan ang kamay nito.

 

“Kuroo, I'll keep my promise...” umiiyak na sambit ni Tooru.

 

 

Mahal kita, Kuroo. Mahal na mahal kita.

 

 

 

 

 

 

 

 

Notes:

and you already reached the end! i want to congratulate you for doing that. i hope you enjoyed reading this and sorry if may umiyak man or kung wala edi goods :)

 

let me know your feedbacks on my cc.

feel free to check my other works,
@aobajohs.