Work Text:
Nasa salas ngayon ang mag-kasintahang Joshua at Jeonghan. Si Jeonghan na pinapanood ang boyfriend niyang busy sa paggagawa ng bead bracelets. Alam niyang pagdating sa ganito wala siyang magagawa, magagaling lang 'to kapag ginulo niya. Ayaw pa naman niyang hindi siya pinapansin ni Joshua purposely so behave na lang.
"Hey, bub. Are you bored? Laro ka na lang muna Mobile Legends with Wonwoo." sabi ni Joshua habang busy pa rin sa pagsusuot ng beads sa string ng gagawin niyang bracelet.
"Nope, hindi pa naman. You want me to cook pancit canton ba? Meryenda tayo, bub."
"Okay, sige. Ligpit ko 'to gusto ko sumama sa'yo sa kusina kasi nararamdaman kong magkakalat ka."
"Hey! Marunong ako magluto ng pancit canton ha. At saka you taught me how to cook. Baka gusto mong lutuan kita ng sinigang na baboy bukas agad."
"Nye nye, Jeonghan. Sige nga. Dito ka magluluto bukas ha. Papanoorin kita." saad ni Joshua habang nililipit ang nagkalat na mga beads niya.
Pagkatapos nila kumain at magluto ay napansin ni Joshua na kanina pa may iniisip ng malalim ang kasintahan. Nasa sofa sila ngayon, sa tapat ng TV ni Joshua, nakaupo at nanonood. Ang kamay ni Jeonghan, nasa bewang ng kasintahan ay ang baba ay nasa mga balikat nito.
"Jeong."
"Bub."
"Jeonghaaaaan!"
"Hmm. Anong iniisip mo? You're spacing out." tanong ni Joshua habang nakatingin sa mukha ni Jeonghan na nakapatong sa balikat niya.
Tumingin ito sa kanya.
"I was just thinking ... suotin mo kaya yung jersey ko tomorrow sa game ko?"
Natawa si Joshua. Akala niya kung anong iniisip ng kasintahan dahil sobrang seryoso nito. Nag-alala din siya kasi akala niya may problema 'to.
"Ano ba naman 'yan bub. I was concerned baka may problema ka kasi ang seryoso mo tapos yun lang pala iniisip mo?"
"Eh kasi bub! I was imagining you cheering for me tapos suot jersey ko. Please suot mo bukas. Promise nilabhan ko and I sprayed yung favorite mo na pabango ko."
"Hmm, okay okay. But please no PDA after the game. Me wearing your jersey sa gym bukas is enough na but don't go around shouting, 'I love you Joshua!' or you will make buhat me and then kiss ha."
"Luh bub, bakit naman? It's just me enjoying and showing how happy I am in this relationship kaya." Jeonghan said while pouting.
"Bub, you look crazy kasi. And Seungkwan's glare really."
Nagulat si Joshua ng pugpugin siya ng halik ni Jeonghan sa leeg habang kinikiliti ang kanyang bewang.
"Jeonghan stoooop. Bub nakikiliti na ako. Oh my God." Joshua habang natatawa na naiiyak dahil sa sobrang kiliti.
"Crazy pala ha saka 'wag mo nga pansinin si Seungkwan, inggit lang 'yon kasi until now medyo may away pa rin sila ni Chan. Mga bata talaga." saad ni Jeonghan pagkatapos niyang kilitiin ang kasintahan.
"Alam mo, bub. We should make a way for them to get bati. Diba they're the ones na gumawa din ng paraan para magkabati tayo nung time na nagalit ka sakin kasi I hide from you nung time na grabe lagnat ko."
"Okay, don't bring that pag-aaway up na. Sige we'll do something. Si Chan kasi eh bigla na lang nagseselos."
Napahiga na ang mag-kasintahan sa sofa habang magkayakap, sinisiguro na ang isa ay hindi mahuhulog. Si Joshua na nakahiga sa isang braso ni Jeonghan. Habang nilalaro ng isa ang buhok nito, hindi na niya namalayan na nakatulog ito. Napangiti na lang siya habang nakatitig sa mukha nito.
"Ang gwapo at ang ganda mo talaga. Hindi ko alam paano mo ako natitiis. Mahal na mahal kita Joshua. Sa'yo lang ako, parati at palagi." sabay halik sa noo, sunod sa tungki ng ilong, at isang halik sa labi nito.
Hinigpitan niya ang yakap at nagpadala na din sa antok.
Hindi alam ni Jeonghan na nakapikit pa lang si Joshua at narinig niya lahat ng sinabi nito.
'Mahal kita Jeonghan, sobra pa sa sobra. Sa'yo lang din ako, parati at palagi.' saad niya sa kanyang isipan.
