Actions

Work Header

Lovestory: T & K

Summary:

Eh ano naman kung magkaaway tatay nila? Ano naman kung ayaw ng mga kaibigan nya kay Seungcheol? Si Jeonghan naman ang jowa diba? Hindi sila.

Notes:

Una sa lahat, pasensya na sa mga makikita nyong grammatical errors. Hindi ko na po kaya pa magedit, chariz! Kaya ko pa baka hindi ko lang nakita. Sana magenjoy kayo! All fluff promise, safe and far away from angst!

Song: Anghel by Brando bal. You can play it while reading <3

Happy Valentines Day and Carat Day my dear cherryberries, mahal ko kayo super <3

Work Text:

 

PRESENT TIME <3

 

BIG SCOOP! LOVER OVER FAMILY? Anak ng dalawang politikong pamilya na magkaaway, nagdadate raw?! 

 

 

 

From: K <3

GG babe, happy monthsarry nasa balita na tayo.

sent. 8:31 am

 

Kagigising lang ni Jeonghan nang makareceive sya ng text message mula sa kanyang nobyo. Napakamot nalang sya sa ulo at inalala ang mga nangyari kagabi. First monthsarry nila ni Kier at sinulit talaga nila ang oras dahil dalawang araw nalang ay pasukan nanaman. Wala pa silang napaguusapan kung ipapapubliko nila ang kung anong meron sila pero dahil sa balita na natanggap nya, parang hindi na nila kailangan pang magplano kung paano sasabihin kase sila na mismo ang hinahanap ng balita.

 

To: K <3

Dapat ba akong mag-panic?

sent. 8:45

 

From: K <3

Wala ka naman sa discohan baby :3

sent. 8:46

 

To: K <3

Bakit nga kita mahal?

sent. 8:47

From: K <3

Kawawa ka naman, love you too, love you more, love you so much. Kain kana :3

sent. 8:47

 

========================================================================

PAST

 

Alam ni Jeonghan na normal na kapag college frosh ay iwewelcome talaga kayo, marami na ding nakwento ang mga senior friends nya na it will be exciting and enjoyable pero hindi sya nag eenjoy dahil katabi niya lang naman sa pila ang isang Choi na pakaway-kaway sa lahat na akala mo ay tatakbo ng pagka-kapitan, mayor, gobernador, senador o presidente.

 

Bakit ba kase nalate pa ako? Kitang-kita ni Jeonghan sila Shua at Jihoon sa harapan kasama ang mga kaklase nya. Kung hindi lang sana siya na traffic sa daan edi sana hiindi itong mga polsci students ang kasabay nya.

 

Wala sa isip syang naglalakad kaya hindi nya napansin ang isang bato na nakaharang sa daan na masayang tinatalunan ng iba na naunang naglakad. Ineexpect ng mga tao na nasa paligid kung paano sya tatalon pero dahil wala nga siya sa wisyo ay muntik pa syang matalapid dito, kung hindi lang sya hinila ng katabi niya. 

 

“Tangahin ka pa din” bulong ni Seungcheol sa kanya habang nakahawak sa bewang nya. 

 

Yes, tama ang basa mo, tama din ang nasa isip mo. Hinila sya ni Choi sa bewang, magkadikit tuloy sila ng sobra-sobra na nagpaingay at sigaw sa mga taong kasama nila. Pero hindi yun ang pokus ni Jeonghan, kundi ang sinabi ni Seungcheol.

 

Anong tangahin? Wtf?

 

Pinalo ni Jeonghan ang kamay ni Seungcheol sa inis kaya agad itong napabitaw, nakalimutan nya ata na hindi pa din sya nakakatayo ng ayos at nakaasa lang ang katawan nya sa kamay ni Choi kaya wala siyang choice kundi ang ipulupot ang dalawang kamay nya sa leeg ni Seungcheol na sinalo ulit siya para hindi sya tuluyang matumba.

 

“Gusto mo lang ata ng kiss eh” birong tanong ni Seungcheol pagkasalo ulit nya kay Jeonghan. Hindi na din napigilan ni Jeonghan na magsalita. “ Ang galing mo mamikon no?” inis nyang tanong kaya masayang tumawa si Seungcheol. Nakatayo na sila ng maayos at may tamang distansya na din na sinigurado ni Jeonghan dahil ayaw nya ng maulit ang nangyari kanina, forever!

 

Humakbang nang isa si Seungcheol palapit sa kanya at nakita iyon ni Jeonghan pero bago pa sya makaatras ay hinawakan na agad ni Seungcheol ang magkabilang balikat nya at inilapit ang sarili sa kanya.

 

“Nice to see you again, Tate” bulong ni Seungcheol kay Jeonghan at saka umalis. Hindi nya napansin na sa buong pag-uusap nila ay hinila na pala sya ni Seungcheol sa gilid para hindi maka-sagabal sa ibang kasama sa frosh march nila.

 

Seungcheol Kier Choi! Nakakabwisit ka pa rin, pisteh!

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

After ng interaction na iyon ay hindi naman na ako ginulo ni Seungcheol dahil busy sya, busy mambabae at manlalaki. Hindi ko alam kung ilang beses sa isang linggo may sisikat na babae at lalaki dahil naging jowa daw sya ni Choi. May mga masasaya dahil hello? Biglang sikat sila eh, kaso may iba din na sumisikat hindi dahil clout chaser sila, kundi dahil mga nakakahiyang pagbbreak na nasasaksihan madalas na hallway kung saan ako laging dumadaan halimbawa nito…

 

“Cheollie…” 

 

Ay? Cheollie? Ew kadiri.

 

“Wag mo nga akong tawagin ng ganyan, paulit-ulit ka ah. Hindi ka ganon ka-special uy!”




“Cheollie galit ba papa mo sa papa ko?” tanong ni Tate kay Kier. Kasalukuyan itong nakanguso at tutok sa isasagot ni Kier.

 

“Hindi ah, pero malapit na ata hehe” pagsasabi niya ng totoo.

 

“Hala edi mag-aaway na din tayo?” Malungkot na tanong ni Tate.

 

“Hindi ah, bakit aawayin mo ba ako?” Pagpapacute ng 10 years old na Kier sa kabibirthday na si Tate. Kahapon ay nasira ang party ni Tate pero hindi dahil sa tatay ni Kier, kundi sa dahil sa sariling kagagawan ng tatay ni Tate.

 

“Never kita aawayin, wag ka lalayo sakiin ha? Ikaw lang kaibigan ko” nakangusong sabi ng batang si Tate.

 

“Kahit mag-away man magulang natin, hindi yon rason para awayin at layuan kita. Tandaan mo yan ha?” pagaassure ni Kier sa bestfriend nya.



Napairap nalang si Jeonghan after niyang mag flashback sa memory na yun.

 

  Nakalimutan nya na panigurado yun, 10 years ago pa yun eh. 



Mabilis akong dumaan sa gilid kung saan sila nageeksena at hindi pinansin ang tingin ni Seungcheol. Bago ako lumiko sa kaliwa ay tinignan ko muna ulit sila pero laking gulat ko nang makita ko na nakatingin sakin si Seungcheol habang ang lalaki naman ay nakaluhod sa harap nya at nakahawak pa sa paa nya. Kumindat pa si Seungcheol kaya agad akong tumalikod at naglakad.

 

Tarantado?!

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“Break na kami ni Cheol” inis na deklara ni Jihoon pagkakaupong-pagkaupo nya agad. Nasa cafe sila nila Seungkwan at syempre umulan ng tanong kung bakit, saan, paano, kelan? Summer break ngayon kaya marami silang free time. Malapit na din mag enrollment for 2nd year college kaya pachill-chil muna sila. 

 

“Antagal nyo din ah, ikaw ata pinakamatagal nya” sabi ni Joshua habang sumisimsim ng kape nya. Inis na bumaling si Jihoon sa kanya. “Nakakatuwa yon?” Ngumuso nalang si Joshua sa kanya at bumanat ng ‘maldito’.

 

“Bakit kayo nagbreak?” takang tanong ni Jeonghan. Umiwas naman ng tingin si Jihoon saka huminga ng malalim bago sumagot. “Naalala nya daw sakin yung taong gusto nya dati”

 

“Ha?” 

 

“Haharot-harot sya hindi pa pala sya moveon!” inis na lintanya ni Joshua.

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“Hi Jeonghan!” 

 

Lumingon si Jeonghan sa likod ng kulbitin sya, sinalubong sya ni Seungcheol na maganda ang pagkakangiti sa kanya kasama ang dalawa pa nitong kaibigan na si Mingyu na ngumiti sa kanya at Wonwoo na kasalukuyang tulog.

 

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jeonghan. Nasa room sya para sa mga nakapasok sa debate club kaya nagtataka sya kung anong ginagawa ng lalaking ‘to at dala-dala pa ang mga kaibigan. Ngayon lang nag apply si Jeonghan sa mga clubs dahil chika sa kanila eh kailangan yun for extracurricular activities.

 

“Hulaan mo” nang-aasar na sagot nito pabalik. Sasagot pa sana si Jeonghan nang tawagin si Seungcheol ng club teacher nila.

 

“Seungcheol anak! Sa harapan kayo” 

 

Agad na tumayo si Seungcheol kasama sila Mingyu at Wonwoo na nagkukusot na ng mata, halatang kagigising lang.



“To properly introduce you all. I am Ms. Rina, your club teacher, and these boys beside me Kim, Jeon and Choi will be your debate leaders. Boys, please introduce yourselves”

 

“I am Mingyu Kim, taken” sabay turo kay Wonwoo.

 

“Wonwoo Jeon”

 

“Seungcheol Choi” and he flashed his gummy smile at Jeonghan. “Club president”

 

Siraulo. Babaero. Matalino. Gwap— MAGTIGIL.

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“That will be out of the subject Mr. Hong. I don’t know what’s happening but if you have a personal problem with me, we can talk about it outside after this evaluation meeting.” dire-diretsong sabi ni Seungcheol kay Joshua na ka one versus one debate nya.

 

Buti nalang at lilima lang ang nasa loob ng room dahil weekly eval nila yun, at yes first eval ni Joshua yun kaya hindi nya inexpect na magiging ganun ang outcome.

 

“Baliw ka ba? Debate leader natin yun” saway ko kay Joshua na umiinom ng tubig. Kalalabas lang namin ng room at katatapos lang sya gisahin ni Seungcheol. Alam kong napahiya sya doon kahit konti lang kami pero wala yatang pake ‘tong lalaking ito dahil nakakapagtakang mas lamang pa din ang galit nya para kay Seungcheol.

 

“Ano nanaman bang ginawa nya?” tanong ko sa kanya habang nakahawak sa balikat nya.

 

“Naalala mo yung siraulong jowa ni Hao sa internet? Si Seungcheol yun!” inis na sagot ni Joshua sakin.

 

“Yung lalaking nanligaw at nakipagbreak kay Hao online?” paninigurado ko. Halos isang buwan din ata yung online jowa ni Hao at nakikita talaga namin na masaya si Hao kahit nag-papakamysterious yung lalaki. 

 

Simula din ng makasama ko sa club si Seungcheol ay hindi na din matigil ang maya’t mayang paghaharot nun sakin. Pero tantya ko naman na mas nauna ang club harot escapades namin kaysa sa online jowawers ni Hao kaya may pagdududa sakin na baka hindi yun si Choi.

 

“For sure madaming hinaharot yun ng patago kaya sa online napagtripan na humarot” dagdag ni Joshua.

 

Kung hampasin ko kaya ‘tong lalaking ‘to?

 

“Kumain na tayo, nagugutom na ako” aya ko nalang sa kanya at hinila sya sa cafeteria.

 

“Kakakain lang natin kanina ah” reklamo ni Joshua

 

“Magsstress-eating ako piste ka!”

 

“Ano na namang ginawa ko sayo?!”



May 20 minutes pa bago magka club meeting at dahil wala klase si Jeonghan ay naisipan nya nalang na pumunta agad at umidlip saglit. Sigurado syang di naman sya gagambalain ng kung sino mang unang pumasok sa room.

 

Nakaidlip na si Jeonghan nang makapasok si Seungcheol para icheck kung may tao na dahil mag-aayos na sya ng announcements para sa clubmeeting ng naabutan nya ang lalaking kanina pa hinahanap ng kanyang mata.

 

Nakapagikot na ata si Seungcheol sa buong university for the whole lunch break pero di nya nakita si Jeonghan.

 

Tahimik na umupo si Seungcheol sa tabi ni Jeonghan para titigan ito. Masyado na siyang nageenjoy kaya siguro nakalimutan ni Seungcheol na nakasunod nga pala sa kanya ang dalawa kaya nagulat sya ng may nagsalita.

 

“Hoy anong ginagawa mo ha” asar ni Mingyu. Agad na napatayo si Seungcheol at nabangga ang tuhod nya sa upuan kaya nagising ang umiidlip na si Jeonghan.

 

“Mahal na prinsipe gising na po” asar ni Seungcheol pero parang wala yun kay Jeonghan dahil sinuklian nya pa si Seungcheol ng ngiti habang nakapikit, bagay na di inaasahan ni Seungcheol.

 

“HULOG!” biglang sigaw ni Mingyu kaya napatingin ang dalawa kay Mingyu, hinampas naman ito ni Wonwoo kaya natawa si Mingyu. “Hulog ng langit ang bebe ko, diba bebe” paglalambing ni Mingyu kay Wonwoo.

 

“Siraulo ka” sabi ni Wonwoo

 

“Mwah” sagot ni Mingyu.

 

========================================================================

PRESENT

 

Tahimik na kumakain sila Jeonghan nang biglang timikhim ang daddy nya kaya agad silang napalingon rito. Nakangiti ang ama nyang si Johann Yoon. Ang ama nya ang kasalukuyang gobernador ng Laguna, pangalawang termino na nito sa pwesto. Mabait kahit strikto sa mga anak dahil gustong panatilihin ang magandang pangalan ng buong pamilya.

 

“Alam nyo naman na walang problema sa akin ang pagkakaroon ng kasintahan” Panimula nito.

 

Patagong huminga ng malalim si Jeonghan pero napansin pa din iyon ng kapatid nya na si Jisoo na mayroong pagtataka sa mga mata.  

 

Okay ka lang? Napathumbs up nalang si Jeonghan at bumaling na uli sa kanilang ama.



“Natutuwa lang ako na napakabait nyong dalawa, tulad ng inaasahan ko, lalaki kayong maayos at matino hindi tulad ng anak ng ibang politiko dito sa Pilipinas”

 

Alam ng mga tao na nasa hapag na ang Choi family ang tinutukoy ng ama nya, ilang taon na ang nakalipas mula ng huling magkita at mag-away ang dalawang pamilyang ito pero nananatili ang galit ng ama nya sa hindi niya maintindihan na rason.

 

“Uulitin ko, Jisoo” sabay tumingin ang ama nya sa kanya “at Jeonghan”. “Kung magpapakilala kayo ng inyong kasintahan, hindi ako tatanggi hangga’t gusto nyo ang isa’t isa. Walang pipigil”

 

“Pero” saglit na pagtigil neto.

 

Eto na, eto na

 

“Wag na wag ang mga Choi” deklara nito. Tumingin si Jeonghan sa kapatid nya na nakatingin din pala sa kanya. “Naiintindihan nyo ba ako mga anak?” Paninigurado pa nito.

 

“Opo” sagot ni Jisoo.

 

“Jeonghan?” 

 

“Opo, Dy…” saka ngumiti ng hilaw.



Daddy naman, boyfriend ko na eh.  Reklamo ni Jeonghan sa isip nya.



++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“Hoy! May chismis ako!” dali-daling umupo si Seungkwan sa tabi nya. Kasalukuyang nasa cafeteria sila at kung magtatanong ka kung lunchbreak nila, ang sagot ay hindi. Nagsipag-cutting sila pagkatapos marecive ang message ni Seungkwan kaninang umaga na may mahalaga syang icchichika.

 

“Kilala ko yung iniissue na magjowang magkaaway ang pamilya” tahimik na sabi ni Seungkwan sa circle nila. Napataas ang kilay ni Joshua pero halatang interesado din gaya nalang ni Jihoon at The8. Gulat na gulat naman ang ekspresyon ni Seokmin habang si Chan naman ay napabulong nalang ng ‘chismoso’ na narinig ni Seungkwan pero di nya na pinansin.

 

Si Jeonghan naman ay nagiisip na agad kung anong maaring irason if ever na malaman ng mga kaibigan nya na nagddate sila ni Kier.

 

“Taga-saan? Paano mo nalaman?”

 

“Taga-dito lang din! Magugulat kayo” excited na sabi ni Seungkwan. Napataas ng kilay si Jeonghan nung makita nya na nakatingin sa kanya si Seungkwan.

 

“Matutuwa ka pag nalaman mo kung sino!”

 

“Ha?” Tangina, alam ba niya na ako.

 

“Si Seungcheol yung isa!” 



Awit talaga sayo K, fly high. Isip-isip ni Jeonghan

 

“Yung isa kilala mo?” tanong ni Seokmin.

 

“Hindi eh, pero isipin nyo ha. Ilang bwan? Mag-iisang taon na ata? Na walang hinaharot si Seungcheol kaya panigurado na seryoso sya. Tapos na expose pa”

 

“Deserve, karma yun” bulong ni Hao.



Xu Minghao… hindi ko kailangan ng pagkahonest mo ngayon . Pagrereklamo ni Jeonghan sa isip nya.



“Ikaw Han?” tanong ni Jihoon. Hindi napansin ni Jeonghan na matagal na pala syang nag-iisip at nakatingin na silang lahat kay Jeonghan. 

 

“HA? ANONG– BAKIT–” Nahuli na agad ako tangina?

 

“Gago, sinong hula mo? Bakit ka nag defensive jan?” Takang tanong ni Seungkwan.

 

Kitang-kita ni Jeonghan ang pag ngiti ni Chan sa tabi nya kaya hinampas nya ito bago sumagot.

 

“Ewan ko, baka yung babaeng taga-psych na anak ng senador” pagsisinungaling nya.

 

Kiss nalang kita mamaya bb K ko. 

 

“Hindi ba may jowa yung taga-archi?”

 

“Ewan ko din eh”



“HOY NGAYON KO LANG NABASA!” sigaw ni Hoshi mula sa malayo. 

 

Tumayo naman si Seungkwan at nagsabing “wala na tapos na”.

 

“Damot neto, akala mo hindi nakakakuha sakin ng chika ah” reklamo ni Hoshi.

 

“Tara bili mo ko cake, chichika ko sayo lahat ng nalalaman ko”



“Jeonghan may jowa ka?” tanong ni Joshua kay Jeonghan habang nakatingin sa leeg niya.

 

“Ha?”

 

“Kung may jowa ka nga?” paguulit neto. “Bakit mo natanong?”

 

“May hickey ka sa leeg oh” sabay dutdot sa hickey nya sa leeg. Puta.

 

“Lamok ata?” pagtatanong nya habang kinakapa dahil hindi niya ito nakita kanina.

 

“Lamok mo mukha mo, isusumbong kita kay Tito” pananakot ni Joshua.

 

“Lamok nga! Promise! Gusto mo hanapin pa natin eh”

 

“Sige if lamok, sana mamatay na sya, now na”

 

“Tangina mo, oo na hindi” inis na bulong ni Jeonghan kaya natawa nalang si Joshua.

 

“Chika mo sakin yan ha? Balik na akong room” Pagpapaalam nito sa kanya.

 

“Madapa ka sana”

 

“Rinig ko ‘yon!” sigaw ni Joshua. “Buti naman!” balik ni Jeonghan



To: K <3

May nakakaalam na ikaw ‘yon :(

sent. 9:54



From: K <3

Okay lang naman. Alam ba nila kung sinong bebe boi ko? :*

sent. 9:55



To: K <3

Siraulo. Wala, pero feeling ko lalabas din na ako ‘yun :(

sent. 9:56



From: K <3

Don’t worry babe, andito naman ako. Itatanan kita :p

sent. 9:57



To: K <3

Gago!

sent. 9:58



From: K <3

Love you too. Tapos na klase ko, tara ground? Alam kong break mo na din, hihintayin kita ha? Ingat bb <3

sent. 9:59



Nakangiting tumayo si Jeonghan sa upuan, hindi nya namalayan na nakatingin si Chan sa kanya na may nangaasar na ngiti.

 

“Oo na, kami yun” sabi nya kay Chan saka nang-irap. Tatlo sa mutual friends nila ni Cheol ang may alam na nagliligawan, naglalandian sila kaya hindi na din itinanggi ni Jeonghan. Nagtaka nga sya kung bakit nakikichismis pa si Hoshi kay Seungkwan eh sya naman ‘tong unang naka-alam na sinagot na ni Jeonghan noon si Seungcheol. Si Jun, Hoshi at Chan ang dahilan kung bakit nag usap at naging magkarelasyon sila ni Seungcheol.

 

“Bababa na ako” paalam ni Jeonghan kay Chan, kumaway na rin sya kay Hoshi na ngumiti sa kanya at kay Seungkwan na nalamon ng cake.

 

“Ingat sa bebe time” pang aasar ni Chan.

 

========================================================================

PAST

 

Everyone is busy at sobrang thankful ni Jeonghan na ang mga sinalihan nyang club ay walang ihahandle na booth kase feeling nya maddrain lang ang buong katawan nya pagnagkataon na meron.

 

“Ikaw ba si Yoon Jeonghan?” tanong ng isang lalaki sa kanya at ang agad na naisip ni Jeonghan at tumakbo.

 

Lord ano to, wedding booth ba ’to. Wag please !!!

 

“Oo si Jeonghan yan!” sigaw ni Hoshi mula sa malayo. “Pag yan tumakbo libre pagpapakulong ko sige ka! Hulihin mo na!”

 

Nagbalak tumakbo si Jeonghan, oo nagbalak sya. Hindi nya nga lang nagawa dahil pagkaisang hakbang nya palang ay natalapid agad siya sa sarili nyang paa.

 

Yung pagkalampa ko pa talaga pinairal ko.



“Wag kana tumakbo kuya Han, andon na nga yung isa eh di naman nagrereklamo” pagkukwento ni Hoshi na nagpataas ng kilay nya.

 

Sino ??

 

Nang makalapit sa may jail booth ay agad syang niyakap ni Dino habang tumatawa.

 

“This is oplan Yoon-Choi batian” sabi pa nito habang pumapalakpak.

 

“Tangina, don’t tell me” 

 

“PASOK NA!” sigaw ni Jun mula sa loob.



Pagpasok ko ay nakita ko si Seungcheol na hiniheadlock si Jun na tumatawa pa din kahit di makagalaw.

 

“Walang sakitan hoy!” sigaw ni Hoshi.

 

Agad na tumakbo si Jun sa tabi ni Hoshi na nasa tabi ng pinto na pag-llockan ng dalawa. Nakasilip din si Dino na nakangiti na at nangaasar. 



“So ganito, 30 minutes kayo jan” panimula ni Jun. Bago pa ako makapagreklamo ay nakapagsalita na si Seungcheol.

 

“Kung sakalin ulit kita?”pananakot neto.

 

“Chill kalang Dadeh!” banat ni Jun.

 

“Basta magbati na kayo or mag usap ng casual” sabi ni Hoshi. Tumingin sya sakin bago nagsabi ng “Ako na bahala sa tocino squad sabihin ko may ka date ka, char!”

 

“Hoy!”

 

“Basta usap kayo ha! Bawal mag-sakitan, bawal mag-sakalan, bawal magsuntukan pero pwede magkiss walang cctv dito’ sabay nagtawanan pa ang tatlo.

 

Binato ni Seungcheol ng kanyang sapatos ang tatlo na sumakto sa balikat ni Jun.

 

“Labas”

 

“Uy excited” pang-aasar neto.

 

“Pag ako nakalabas dito sa janitor room ko kayong tatlo ikukulong”

 

“LOCK MO NA PRE TAS UWI NA TAYO” nagmamadaling sigaw ni Jun.



Silence.



“Nag-away ba tayo?” basag ni Seungcheol sa katahimikan.

 

Napaisip din si Jeonghan sa tanong ni Seungcheol. Nag-away din ba sila? Ano namang pinag awayan?

 

“Magkaaway pamilya natin ah?” parang commonsense na sagot ni Jeonghan. Tama, magkaaway pamilya namin so magkaaway din kami. Diba? Diba?

 

“Sabi ko naman sayo dati diba? Hindi porket magkaaway mga tatay natin madadamay pagkakaibigan natin?”

 

“Ha?”

 

“Awit nga yon, limot mo na?” Aktong panghihinayang ni Seungcheol. “Okay lang, sino ba naman ako para hindi mo makalimutan” saba’y nguso at linayo ang tingin kay Jeonghan.

 

Pota maalam ‘to magtampo?

 

“Tumigil ka nga, ang pangit mo ngumuso” saway ni Jeonghan habang tumatawa dahil mas lalong humaba ang nguso ni Seungcheol.

 

“Okay lang talaga, kinalimutan na talaga ako” pagtatampo pa neto kunware.

 

“Hoy FC kana, hindi kita susuyuin akala mo jan”

 

“Walanjo, walang pake sakin” di makapaniwalang sambit ni Seungcheol. “Hindi mo ba ako namiss? Seryoso”

 

“Well” umaktong nag iisip si Jeonghan na mas nag-paoffend kay Seungcheol.

 

“Tate naman” malambing na tawag ni Seungcheol sa kanya.

 

Nanlaki ang mata ni Jeonghan at hindi nya mapigilang maglabas ng isang napakagandang ngiti. Kilig na kilig ang Yoon Tate Jeonghan pero mas lalo na ang Kier Choi na ilang buwan ng nagpipigil na tawagin si Jeonghan sa second name nito.

 

“Namiss ko… yung Tate” pag amin ni Jeonghan. Lumawak ang ngiti ni Seungcheol.

 

“Eh yung tumatawag sayo ng Tate? Baby T? Tatey baby hindi?”

 

“Seungcheol Kier” pagsaway ni Jeonghan.

 

“Kier, K mo?” pangaasar ni Seungcheol.

 

“Ang harot harot mo ‘no?”

 

“Titigil din naman ako” nakangiting sabi ni Seungcheol.

 

“Sows”

 

“Pag pinatigil moko” dagdag ni Seungcheol kaya napatitig si Jeonghan kay Seungcheol.

 

“Ulol, pake ko ba sa mga hinaharot mo”



========================================================================

 

SEUNGCHEOL’S POV

 

“Anak kayo ni Tate ang nasa balita ngayon” pagbabalita ni Stella, ina ni Seungcheol. Nag-uumagahan sila ngayon ng maaga dahil mayroon silang pupuntahang event sa Laguna at syempre dapat kasama si Seungcheol doon.

 

“Tulog pa siguro si T ngayon” tumingin siya sa oras at nakitang kaka-8 pa lang ng umaga. Magigising na yun maya-maya.

 

“Magugulat yun sya, ano nalang kaya sasabihin ng ama nya” sabay tawa ng kanyang ama na si Chester Choi, kasalukuyang vice president ng bansa.

 

“Dad naman” saway ni Seungcheol sa ama nya, gustong-gusto kase ng papa nya na laging naaasar ang ama ni Jeonghan na si Johann Yoon. “Kaya hindi kayo makapagbati eh, paano na kami ni Jeonghan neto, Pa” reklamo ni Seungcheol.

 

“Anak, hindi naman kayo damay sa kung anong meron kami, tsaka nang-aasar lang ako no. Pikunin lang talaga ang ama ng Tate mo” saka umismid.

 

“Osya tama na yan, tumayo na kayo at aalis na tayo. Malalate na tayo” yaya ng mommy ni Seungcheol.



Agad na sumakay sa sasakyan si Seungcheol, pagkaupong-pagkaupo nya ay agad nyang tinext ang pinakamamahal nyang nobyo. 



To: T <3

GG babe, happy monthsary nasa balita na tayo.

sent. 8:31 am



Tagal magreply, tulog pa ata ang bebe ko.



From: T <3

Dapat ba akong mag-panic?

sent. 8:45



Gusto kong mag reply ng seryoso pero masarap asarin itong mahal ko tuwing kagigising lang.



To: T <3

Wala ka naman sa discohan baby :3

sent. 8:46



From: T <3

Bakit nga kita mahal?

sent. 8:47

 

Hindi na napigilan ni Seungcheol ang tumawa ng malakas. Napatingin tuloy sa kanya ang kanyang ama at ina kaya hindi nya na din mapigilan ang magyabang.

 

“Ma, mahal na mahal ako ni Tate oh. Aga-aga nagpapakilig” saka pinakita sa ina ang text na pinaningkitan sya.

 

“Nakakahiya itong anak mo Chester” reklamo ng nanay niya na nagpatawa sa kanyang ama.

 

“Mana-mana lang yan mahal ko” sabay kindat na mas nagpasingkit sa mata ng ina nya.

“Nandito ako? Hello? Akin dapat spotlight diba?” reklamo ni Seungcheol sa mga magulang na naglalandian sa harap nya.

 

“Manang-mana ang pagka whipped sa ama” naiiling na bulong ng ina nya kaya lalong lumapad ang ngiti ni Seungcheol.



To: T <3

Kawawa ka naman, love you too, love you more, love you so much. Kain kana :3

sent. 8:47



Napakaganda ng umaga ko.



========================================================================

PAST

 

Ilang minuto na ata ako nakatitig sa lalaking nasa labas ng gate ng school. Si Jeonghan yun diba? Or hindi? Ewan?

 

“Hoy magmmarch na tayo” saway ni Wonwoo kay Seungcheol kaya sya napalingon dito. Kaholding hands neto ang jowa nyang si Mingyu na tropa din ni Seungcheol. Binalik ni Seungcheol ang tingin nya sa may gate pero wala na syang naabutan ni anino ni Jeonghan.

 

“Saan pipila?” tanong nya.

 

“Hindi ba school nyo ‘to?” 

 

“Siraulo, student ako hindi tour guide”

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

Totoo na ‘to, hindi na ako namamalikmata. Dito nga mag aaral si Jeonghan.

 

Katabi ko sya ngayon at kasabay maglakad sa habang nagmamarch. Polsci din yata sya? 

 

Kakaiwas nya ng tingin sakin at kakatitig ko sa kanya ay muntik na syang matalapid sa bato na masayang tinatalunan ng mga taong nauna samin. 

 

“Tangahin pa din” 

 

Alam kong sa isip ko lang yun sinabi pero bakit narinig nya pa din?!

 

Nagulat ako nung hinampas nya ako kaya agad akong napabitaw pero pagkakita ko agad na lalagapak na talaga sya pag hindi ko sya nasalo ay agad ko syang hinila palapit sakin, hindi ko naman alam na sa leeg ko sya kakapit kaya sobrang magkalapit ang mga mukha namin.

 

One dot hahalikan ko ‘to.

 

“Gusto mo lang ata ng kiss eh”  Ang kapal ng mukha ko diba?

 

“Ang galing mong mamikon no?” Magaling din ako sa ibang bagay Yoon Jeonghan.

 

SEUNGCHEOL KIER!  - brain

Last na promise. - unanimous voice

Anong last na???? - brain

 

Hindi ko alam kung bakit ako humakbang palapit kay Jeonghan pero agad akong natawa nang makita akong aatras din sya.

 

Bawal halikan? - unanimous voice

BAWAL  - brain

 

“Nice to see you again, Tate” 

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

Hindi ko alam kung may radar kami ni Jeonghan dahil kada nagkakasalubong kami ni Jeonghan, may nagmamakaawang makipagbalikan sa akin.

 

“Cheollie…” 

 

“Wag mo nga akong tawagin nang ganyan, paulit-ulit ka ah. Hindi ka ganon ka-special uy!”



Cheollie amputa. Si Jeonghan kaba? Gusto kong isagot pero dahil nandito si Jeonghan hindi ko sasabihin yun.

 

 On second thought, bakit hindi?



Hindi ko namalayan na nakadaan na si Jeonghan, hindi na sya nagtapon ng tingin sakin, samin netong kausap ko kaya tinitigan ko nalang sya kasi alam kong hindi naman na sya lilingon.

 

Pero pigil hininga na ko nang makita kong tumigil sya at dahan-dahang tumingin sakin. Nakita ko na nagulat din sya kaya agad akong kumindat na nagpabilis sa kanyang paglalakad.

 

Cute.

 

“Seungcheol balik ka na” Nandito pa nga pala ‘to.

 

“Hoy tumigil ka nga, last week pa tayo huling nag usap ah?”

 

“Kase nam–”

 

“Pake ko? Layo!” sita ko saka umalis at iniwan sya.



Pasalamat ka good mood ako.

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“Seungcheol may meeting daw tayo” pag gising sa akin ni Wonwoo. Nasa library kami ngayon dahil dito lang tahimik, hindi din naman kami sasawayin dito kase nauutusan din kami ng nagbabantay ng library. Free space diba?

 

“Akala ko bukas pa”

 

“Ngayon ang bukas, hindi ka ba natulog kagabi?”

 

“Ewan ko ba, wala talaga ako sa mood eh”



++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“Uy si Jeonghan yun ah?” Malayo pa lang kami eh natanaw na at ni Mingyu si Jeonghan.

 

“Pumasok ng club room? Ano kayang club nun”

 

“Debate” sagot ni Wonwoo.

 

“Ha?”

 

“Bilisan mo na lover boy” sabi ni Wonwoo saka pumasok ng room, tama nga ang lovebirds, andito si Jeonghan.



“Hi Jeonghan!” pagbati ko kaagad pagkaupo namin sa likod nya. Wala na akong pake kung maraming nakakakita, normal na yun, may mata sila eh.

 

Lumingon si Jeonghan sa akin at sa dalawa kong kasama. Umiidlip si Wonwoo at si Mingyu naman ang kumulbit sa kanya. 

 

“Anong ginagawa mo dito?” pagtatanong nya. 

 

“Hulaan mo” pang-aasar ko.



“Seungcheol anak! Sa harapan kayo” pagtawag ni Miss Rina.



“Club president” nakangiti kong pagpapakilala, tutok ang mata kay Jeonghan na ngayon ay gulat na gulat.

 

Nasabi ko na bang napaka cute nya?



++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

Ano bang problema nitong lalaking ‘to sakin? 

 

“That will be out of the subject Mr. Hong. I don’t know what’s happening but if you have a personal problem with me, we can talk about it outside after this evaluation meeting.”

 

Nakatingin saming dalawa nitong Joshua na ‘to si Jeonghan habang kagat-kagat ang labi at halatang kinakabahan.

 

Tinignan ko ang hawak kong papel. Joshua Hong - Accountancy. Accountancy? Anong ginagawa ng accountancy sa debate club?

 

Napahawak nalang ako sa sentido, ayoko ng problemahin to. Kung gusto niya maging accountant at trip na makipag sagutan sa future, wala na akong pakialam doon.

 

Nagmulat ako ng mata at agad nagtama ang tingin naming dalawa ni Jeonghan.

 

Ang tawag dito ay stress reliever.



“Tsk” rinig ko mula kay Joshua na masama pa din ang tingin sakin. Siraulo.



“Take note na purely professional if you want to talk about something please tell me. That’s all for today. You may leave” sabay turo ko sa pinto.

 

Mabilis na lumabas si Joshua, tumayo na din si Jeonghan pero bago pa sya lumabas ay ngumiti muna sya sakin at nagpaalam.



Pasalamat talaga sya na bestfriend nya si Tate.

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++



Tamad na tamad akong naglalakad papuntang clubroom. May meeting daw kami in 30 minutes at dahil nga club president ako, kelangan nandoon na ako at naghahanda.

 

Padabog kong binuksan ang pinto pero agad din natigilan nang makita ang pamilyar na bulto ni Jeonghan. Natutulog ang prinsipe ko.

 

“Hindi kita nakita buong araw ah” sabi ni Seungcheol sa kawalan. Tahimik syang tumabi dito para makatitig ng malapit sa lalaki. 

 

“Hoy anong ginagawa mo ha” pang-aasar ni Mingyu pagkakita nila ni Wonwoo sa kanya.

 

Dahil doon ay nagulat si Seungcheol at nabangga ang tuhod nya sa upuan kaya nagising ang natutulog na si Jeonghan.

 

“Mahal na prinsipe gising na po” asar ni Seungcheol pero parang wala yun kay Jeonghan dahil sinuklian nya pa si Seungcheol ng ngiti habang nakapikit, bagay na di inaasahan ni Seungcheol.



Tangina.



“HULOG!” biglang sigaw ni Mingyu kaya napatingin ang dalawa kay Mingyu, hinampas naman ito ni Wonwoo kaya natawa si Mingyu. “Hulog ng langit ang bebe ko, diba bebe” paglalambing ni Mingyu kay Wonwoo.

“Siraulo” sabi ni Wonwoo

 

“Mwah” sagot ni Mingyu.

 

========================================================================

PRESENT

 

Tahimik na inaantay ni Seungcheol na dumating si Jeonghan. Miss na miss nya na ang boyfriend nya kaya imbes na hanggang tanghali sya doon sa event ay umalis na siya at nagpumilit na pumasok sa school kahit na gusto nya lang talaga makita si Jeonghan.

 

Narinig niya ang pinto na bumukas at niluwa noon ang boyfriend nya na blooming na blooming sa mga mata nya.

 

“Napakagwapo oh” compliment ni Seungcheol at itinaas magkabila ang mga braso para salubungin ng yakap si Jeonghan. Masayang gumanti ng yakap si Jeonghan kaya lalong hinigpit ni Seungcheol ang yakap para mabuhat at maikot si Jeonghan.

 

“Bango ah”

 

“Nanlalaki ako beh” asar ni Seungcheol kaya nahampas sya ni Jeonghan.

 

“Joke lang eto naman” Inabot ni Seungcheol ang magkabilang pisngi ni Jeonghan at naglagay ng magaang halik sa mga ito. “Ang swerte swerte ko na kaya sa baby ko na ‘to tapos maghahanap lang akong iba?”

 

“Hm” yumakap lang si Jeonghan sa kanya.

 

Nakangiting hinahaplos ni Seungcheol ang buhok ni Jeonghan at ramdam niya na inaantok ang napaka cute nyang boyfriend.



“Wag ka mag-alala sa balita ha? Ako na bahala don mahal” pagaassure ni Seungcheol.

 

“Basta kung masama na ang nangyayari at nahuli na ko, aamin tayo ha?” 

 

“Amin na tayo mahal, now na” saka humalik sa sentido ni Jeonghan.

 

“Gusto ko kaseng ako ang magsasabi kay Papa” 

 

“Take your time Tate ko, hindi ako ang kalaban mo sa pabilisan, ang mga reporters” saka yumakap ng mahigpit habang nakahiga na sila ngayon sa sofa ng room sa ground.



Pinasadya na ‘to ni Seungcheol simula nung nag date sila ni Jeonghan 2 years ago. Ang alam ng mga estudyante ay abandonadong room ito lalo na at nasa ilalim kaya wala talagang nalalagi rito.

 

“Inaantok ka? Tulog tayo?” aya nya kay Jeonghan na papikit-pikit na

 

“Baka malate ka? 2 pa ulit pasok ko Kier ko” malambing na sagot nito.

 

“Wala kaming pasok, maglate lunch nalang tayo pagising. Tulog na tayo?”

 

“Hmm” 

 

“Sleeptight baby” nakangiting humalik ulit Seungcheol sa pisngi ni Jeongahan.

 

“Higpitan mo hug mo, love” utos ni Jeonghan na mas nagpalawak sa ngiti Kier.

 

“Kiss muna”

 

“Maya na pagising hm”

 

“Okay baby ko”



========================================================================

PAST

 

“Saan need ng tulong Chan?” tanong ko ulit ng matanaw ko na papunta kami ni jailbooth.

 

“Sa ano, jan po eh. Sabi lang din sakin please kuya wag ka magalit sakin” defensive na sagot nito.

 

“Seungcheol dito!” tawag sakin ni Jun kaya agad akong pumasok, nabasa ko na agad na tatakbo sya pagpasok ko kaya hinila ko sya at hineadlock.

 

“Sino kasama ko dito o papasara ko jailbooth” pananakot ko. 

 

Sa totoo lang, hindi ko naman talaga kaya. Yearly event ‘to no, hindi talaga kaya.

 

“Si Jeonghan, please bitaw na mashakeeeeet” reklamo ni Jun.



May narinig na kaming ingay sa labas tapos sumigaw pa si Jun ng pasok kaya nakita ko si Jeonghan na gulat sa nakikita nya. 

 

Lagi nalang ‘tong gulat, surprising ba lagi mga eksena ko?

 

“So ganito, 30 minutes kayo jan” panimula ni Jun. 

 

Ang tagal naman, yey.

 

Pagtingin ko kay Jeonghan ay may masama itong tingin kay Jun.

 

“Kung sakalin ulit kita?”pananakot ko. 

 

“Chill ka lang Dadeh!” banat ni Jun pagkatapos ay tinataas-taas pa ang dalawang kilay.

 

“Basta magbati na kayo or mag usap ng casual” sabi ni Hoshi. Tumingin muna sya kay Jeonghan bago nagsabi na “Ako na bahala sa tocino squad sabihin ko may ka date ka, char!”

 

“Hoy!”

Tama! Sige!

 

“Basta usap kayo ha! Bawal magsakitan, bawal magsakalan, bawal magsuntukan pero pwede magkiss walang cctv dito’ sabay nagtawanan pa ang tatlo. Tumingin pa si Chan sakin saka kumindat. Itong batang ‘to, mukha bang hindi ako maalam humarot?

 

Binato ko sa kanila ang sapatos ko at ‘yun, sapul kay Jun.

 

“Labas”

 

“Uy excited” pang-aasar pa nito sakin.

 

“Pag ako nakalabas dito sa janitor room ko kayong tatlo ikukulong”

 

“LOCK MO NA PRE TAS UWI NA TAYO” nagmamadaling sigaw ni Jun at tinulak-tulak pa ang dalawa para mabilis.

 

Naging tahimik ang mga unang minuto pero nang maalala ko ang sinabi nila Hoshi na magbabati kami nagtaka ako. Magkaaway kami?




“Nag-away ba tayo?” basag ko sa katahimikan. Hindi din makasagot si Jeonghan at halatang nagiisip. Bahagyang lumiwanag ang mukha nya ng may maisagot sya.

 

 “Magkaaway pamilya natin ah?” parang commonsense na sagot ni Jeonghan sakin.

 

  Ha? Eh ano naman?

 

“Sabi ko naman sayo dati diba? Hindi porket magkaaway mga tatay natin madadamay pagkakaibigan natin?”

 

“Ha?” tangang sagot nya sakin. 

 

So nakalimutan nya na mga alaala namin dalawa dati? Eguls nga don.

 

“Awit nga yon, limot mo na?” pagkukunwari ko pero sa totoo lang ay nalungkot talaga ako. “Okay lang, sino ba naman ako para hindi mo makalimutan” legit na ‘to pre. Ayoko na makipag usap haha.

 

“Tumigil ka nga, ang pangit mo ngumuso” saway ni Jeonghan habang tumatawa kaya mas lalo akong napanguso.

 

  Tapos hindi pa maalam manuyo, takte.

 

“Okay lang talaga, kinalimutan na talaga ako”

 

“Hoy FC kana, hindi kita susuyuin akala mo jan”

 

“Walanjo, walang pake sakin” 

 

Hindi ako makapaniwala. Kahit naman old friend mo hindi mo kakalimutan hindi ba?

 

“Hindi mo ba ako namiss? Seryoso”

 

“Well” umaktong nag iisip si Jeonghan kaya mas lalo akong naooffend.

 

“Tate naman” malambing na tawag ko sa kanya. Please, baka naman Tate.

 

“Namiss ko… yung Tate” Napangiti naman ako sa pagamin nya.

 

Ah puta, bawing-bawi.

 

“Eh yung tumatawag sayo ng Tate? Baby T? Tatey baby hindi?” pang aasar ko.

 

“Seungcheol Kier” pagsaway ni Jeonghan sakin. Sarap talaga pakinggan ng pangalan ko pag galing sa kanya.

 

“Kier, K mo?” Hindi na ata matitigil panghaharot ko dito.

 

“Ang harot harot mo ‘no?”

 

“Titigil din naman ako” nakangiting sagot ko.

 

“Sows” sabay umirap pa. Nakapamaldito eh

 

“Pag pinatigil moko” dagdag ko pa sa kanya rason kung bakit kami nagkatitigan.

 

Ah pucha, worth it lahat.

 

“Ulol, pake ko ba sa mga hinaharot mo”

 

Tate Yoon, wag ako ang hinahamon mo.

 

========================================================================

 

JEONGHAN’S POV

 

“So…” pambasag ng Seungcheol sa katahimikan. “Magpapansinan na ba tayo?”

 

“Hindi ba tayo maiisue?” obvious kong tanong.

 

Diba nga? Magkaaway pamilya namin? Ano na lang sasabihin ni Daddy…

 

“Okay” simpleng sagot ni Seungcheol. Hindi nya ako pipilitin? 

 

“Maghangout nalang tayo ng patago” nakangiting sabi nya. “Payag ka ba? Make sure ko na hindi tayo makikilala ng iba, patago din? Hmm ano pa ba? Ikaw ano pa gusto mo?”

 

Sigurado akong planong-plano na ang hangout namin sa utak nya at wala din naman ako maisip kundi paano eenjoyin if matuloy man.

 

“Basta masarap ang pagkain, okay na ako” Hindi naman ako maarte sa pagkain. Saan ba ako may allergy? Wala naman diba?

 

“Wala na? Yun lang? Anak ‘to ng vice president ng Pinas. Eh ako ba hindi mo gusto?”

 

“Gusto mo sapak?” inis kong sagot.

 

“Ipapakulong kita sige” pananakot nya.

 

“Hindi tayo makapag-hangout sige” ganti kong sagot. Umirap nalang sya sakin kaya natawa ako. First time?

 

Tumayo sya at lumapit sakin at saka nagakto na may baril. May sira ba ‘to sa ulo?

 

“Holdap ‘to, pengeng number”

 

Hindi ko na napigilang tumawa kaya mas lumawak ang ngiti ni Seungcheol. Gwapo yan?

 

“May bayad eh” pabebe muna dapat tayo, tuturuan ko kayo guys kung paano humarot.

 

“Kiss ba? Halika dito, hahalikan kita” hindi pa sya tapos magsalita ay umatras na ako kaya ako nakulong sa gitna ng pader at ni Seungcheol.

 

Joke lang talaga, hindi ako maalam humarot. Sorry na nga eh.

 

“Amin na phone, lalagay ko number ko” unti-unti ko syang tinulak sakin pero di man lang umisod. 

 

“Eto na” sabay abot sakin ng phone nya na cherry ang homescreen. “Cherry?”

 

“Yes berry?” maharot na sagot nito. Gago.

 

“Siraulo ka” sagot ko sa kanya habang tinatype ang number ko.



“Hoy ano yan! Grabe nga yon naghalikan na talaga” sigaw ni Jun mula sa pinto. Sumilip na ako pero si Seungcheol ay inantay muna na iabot ko ang phone nya saka lumingon ng masama kay Jun.

 

“Text kita mamaya Tate, see you” bulong nya kaya napasipol sila Jun at Hoshi sa may pinto.

 

Tumalikod na si Seungcheol sakin at naglakad papunta kila Jun na narinig kong mabilis tumakbo palayo.

 

Lord, kastress man oi.

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

Nagexpect ako ng itetext ako ni Seungcheol that day pero dalawang araw na ang lumipas ay wala akong nareceive. Scammer amputa.

 

Buti nalang at may meeting kami ngayong araw sa debate kaya makikita ko na din sya after 2 days na huli naming paguusap. 

 

Pagpasok ko ay kalahati pa lang ang nasa loob kaya pagkaupo ko ay napagdesisyonan kong magphone nalang. Maya-maya ay pumasok na si Mingyu at Wonwoo pero di nila kasama si Seungcheol. Hindi ko naman binabantayan ang pintuan, bakit ko babantaan mga taong napasok diba? Hindi naman ako security guard.

 

“10 minutes pa naman Woo, okay lang yun” rinig kong sabi ni Mingyu sa boyfriend nya na tamad na tamad.  Si Seungcheol ba pinag uusapan nila?

 

“Eh hinarang na naman eh, baka mamaya pang unti yun, alam namang may meeting tayo”

 

“Hindi yun–”

 

Speaking of, dumating na siya at may nakapulupot sa braso nya na kamay nang na babae na kulay pula ang buhok.

 

Mukha siyang manok.

 

Nasa pintuan sila at makikita talaga na pinapaalis ni Seungcheol ang babae pero ayaw bumitaw nito. 

 

“Hindi ba pwede sumama jan?”

 

“Bakit ka naman sasama? Gusto mo bang gisahin din kita?” tanong ni Seungcheol.

 

“Babe naman” reklamo ng babae. So jowa nya ‘to? Panget ew.



Nakatitig ang lahat sa may pinto, kila Seungcheol kaya–

 

Jeonghan, wag. Hindi worth it, nakakahiya ka wag! - brain

 

Go 4 it, si Jeonghan Yoon ka! - unanimous voice.

 

“Aw! Pota” reklamo ko matapos kong dapain ang sarili ko. Dapat hindi ako masaktan kaso puta, natumbahan pa ako ng upuan.

 

Ramdam ko na ang titig sakin ng mga kasama ko sa room, nanahimik na din sila Seungcheol pero pucha wala akong pake, legit na ansakit ng paa ko.

 

“Ano bang ginawa mo, nakaupo ka na nga lang nababalian ka pa sa paa”

 

OMG GUMANA

 

“Kier” mahinang usal ko ng pangalan nya. 

 

Tumingin ako sa paligid at tama nga, naagaw ko na ang atensyon ng lahat. 

 

“Makakatayo ka ba? Tara sa clinic” yaya ni Seungcheol. Tinry ko naman tumayo, promise tinry ko pero nanlalambot lower part ng katawan ko at hindi ko alam ang dahilan.

 

“Walanjo, lampa” asar ni Seungcheol. Hinampas ko naman sya kaya natawa din sya.

 

“Bubuhatin nalang kita, okay lang ba?” Mukha bang papayag ako?

 

“Oo” sagot ko. LORD

 

Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Mingyu nang mabuhat na ako ni Seungcheol. Tumingin ako sa kanya at nakita ko sa mga mata ang ibig sabihin non – Nakita ko kung anong ginawa mo. Tumingin din ako kay Wonwoo at nakangiti din nya, nangaasar. WTF

 

Hindi ko namalayan na nasa pinto na kami kung hindi tinawag nitong babaeng ‘to si Seungcheol.

 

“Seungcheol”

 

“Tigilan mo nga ako” masungit na sagot ni Seungcheol at tumalikod na habang buhat-buhat ako para dalhin sa clinic.

 

Sinamaan ako ng tingin ng babae kaya binigyan ko sya ng napakatamis na ngiti. 

 

HEHEHE.

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“Kier!” sigaw ko sa kanya kaya mabilis siyang tumakbo palapit sakin. It’s quarter to 5am at yes, mag jojogging kami.

 

Nakailang hangout na kami ni Seungcheol and its been 2 or 3 months simula ng magkasundo kami tungkol sa bagay na yun. Una naming ginawa as hangout is nung gumala kami sa Manila Ocean park, yes nag aquarium kami. Nakanood na din kaming basketball games sa arena, nagpunta ng festival sa Laguna. Nagawi na din kami sa mini exhibit ni Mingyu. The best one is the horseback riding kahit na kinabukasan ay pareho kaming mga exams and of course kasama na din sa hangout namin yung pagluluto ng dinner namin at pagpunta sa gym every weekends.

 

Sa mga oras na iyon ay mas nakilala namin ang isa’t-isa. May mga bagay na wala naman syang pinagbago, sabihin nalang natin na mas nagmature sya at lumaki talaga sya sa like how I expected.

 

“Pawis kana agad?” pang aasar ko sa kanya pero naglean lang sya balikat ko at hinayaan ko lang.

 

“Puyat ka pa no?” Kagabi ay magkasama lang din kami, kumain lang kami ng ice cream sa may plaza at doon namin napag decide na mag jogging.

 

“Sabi sayo the next day nalang eh, katatapos lang ng first defense mo sa thesis diba?” antok pa ata ‘to? Hindi kami makakapag jogging.

 

“Inaamoy lang kita, eto naman” 

 

“Siraulo ka?”

 

“Jogging na muna tayo tapos tigil kapag may taho” sabi nya sakin.

 

“Sure ka okay ka lang? Papatulugin talaga kita”

 

“Oo nga, ikaw luto ng lunch mamaya ha?”

 

“Sa condo mo ulit?”  tanong ko habang nag jojogging na kami.

 

“Yez baby”

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“Sino ba kasi yang kini kwento mo” pangatlong tanong ko na ‘to sa kanya pero hindi nya pa din ako sinasagot at nanatili lang na natutulog sa tabi ko.

 

Nagka-karaoke kami ngayon sa condo nya kasi yun ang napag usapan namin kaya heto, bumili ng alak pero maya-maya naman ay nagkwento na tungkol sa taong gusto nya daw.

 

“Kilala ko ba? Yun nalang. Walanjo magkkwento walang pa-hint” reklamo ko sa kanya.

 

“Oo kilala mo” sagot nya sa kin.

 

Okay… sino… Si Hao ulit? Gusto kong itanong.

 

Kilala ko, na kilala niya. Sino ba? Si Joshua? Eh kulang na nga lang magsuntukan sila pagnagkikta. Galit din sa kanya mga kaibigan ko kaya sino? 

 

OMG

 

“Hoy” pagtawag ko sa kanya. “Don’t tell me..” nanlalaking mata na sabi ko sa kanya at nakangiti na sya.



“Gusto mo si Mingyu o si Wonwoo?”

 

Nawala naman ang ngiti nya pero agad nyang binalik at natawa.

 

“Edi sana sumali nalang ako sa relasyon nila, sana nagtrouple na lang kami” 

 

“Sino ba kase?” Dali kelangan ko ng bagong aawayin.

 

“Ikaw” Bingi ako.

 

“Ha?” pinagsasabi neto?

 

“Jeonghan Tate” usal nya sa pangalan ko. Nakahiga ako ngayon habang sya naman ay nakadapa sa tabi ko, nakaharap sya sakin habang ang isang kamay naman ay nakapatong sa tiyan ko.

 

Naramdaman ko na hinawakan ng kanan nyang kamay ang isa kong kamay at nilagay yun sa pisngi nya.

 

“Pwede ka bang ligawan?”

 

I do ba dapat isagot ko?!

 

========================================================================

PRESENT

 

After that ground room hangout ay hindi na ulit ni Jeonghan nakasama si Seungcheol at aaminin nya, miss na miss nya na ang boyfriend nya. Tatlong araw na kaseng umuulan ng media sa labas ng condo ni Seungcheol kaya sa bahay ng magulang nya ito umuuwi at pati  dito sa CIU ay may mga media na din na laging nagaabang kay Seungcheol.

 

Hindi naman sa tatlong araw na yun ay walang paramdam si Seungcheol. Nagvivdeocall sila lagi sa gabi, text sa umaga kahit may klase pero miss na miss na kase ni Jeonghan yakapin ang boyfriend nya na hindi nya din nakikita ng malapit sa university

 

To: K <3

Marami pa din bang reporters sa labas ng condo mo? : <

sent. 2:57

 

From: K <3

Sabi ni Daddy sakin kanina umuunti na daw, nagddie down na ata yung issue eh. Uwi ako don mamaya kase may kukunin akong gamit. Text mo ko pag pupunta ka mahal.

sent. 2:58

 

To: K <3

Oki! Miss you : (

sent. 2:58

 

From: K

Ay, mahal na mahal ako ah

sent. 2:59

 

To: K <3

Sabi ko lang miss, kapal ng mukha

sent. 3:00

 

From: K <3 

So hindi mo ako mahal? Ganyan sige, dalawang araw pa lang hindi na agad ako mahal ah. Awit nga don

sent. 3:01

 

To: K <3

Mahal na mahal kita, see you later Kier ko. Miss kana ng berry mo <3

sent. 3:01

 

From: K <3

Miss kana din ng cherry mo, love u baby :*

sent. 3:02

 

Miss na miss ko na talaga si Kier aaaaaaaaaaaaa.

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

Agad na tinigil ni Jeonghan ang sasakyan nya ng makita na napakarami pa ding media and reporter sa labas so he decided to text Seungcheol.

 

To: K <3

Anjan ka sa condo mo no? Daming reporter dito sa labas

sent. 6:43

 

From: K <3

Yes baby, wala ka naman pasok tomorrow diba? Can you drive to our house in Cavite? Doon ako mag stay sa weekend. Please miss na kita.

sent. 6:45

 

To: K <3

Ofcourse! See you mahal.

sent. 6:46

 

From: K <3

Ingat bb.

sent. 6:47

 

Hindi na napansin ni Jeonghan ang pagclick ng camera dahil na rin maingay ang lugar at agad nyang binuhay ang makina ng kotse nya at agad na umalis para pumunta sa bahay nila Seungcheol sa Dasma, Cavite.

 

========================================================================

PAST

 

Seungcheol and Jeonghan’s ligawan remained unnoticed in everyone’s eyes. Gumawa ng sariling mundo ang dalawa kung saan doon sila nagliligawan.

 

After that karaoke night kung saan nagtanong si Seungcheol kung pwede nya ligawan si Jeonghan ay doon nya na din hinayaan at pinakita ang feelings nya kay Seungcheol. 

 

Lake trips, renting movie theaters, going to nightclubs together but only flirting with each other, their weekend outdoor outing, wholesome picnics, night road trips, the best sunset date that Jeonghan had and of course ang hindi maiiwasan na quick makeouts nila na tinatawanan lang nila after.

 

And after 1-2 years na panliligaw, sinagot na ni Jeonghan si Seungcheol in their yacht date which is now the best yacht experience for Jeonghan.

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“Nakakatamad sa bahay eh, 3 days no classes tapos sa bahay lang ako. Sana nagkapasok na lang” reklamo ni Seokmin na kumakain ng cheesecake. Kumpleto silang tocino squad ngayon sa cafeteria dahil lunchbreak nila ngayon pero dahil nga puro absent ang teacher ay maya’t maya ang kain nila.

 

“Kamusta ligawan nyo Ji?” pagtatanong ni Shua kay Jihoon na nakatingin sa paparating na si Hoshi.

 

“Hi baby!” sigaw neto sa malayo.

 

“Sinagot ko na nung isang araw” nakangiting sagot ni Jihoon at saka binalik ang tingin kay Hoshi na masayang naglalakad papunta sa table nila.

 

“Glowing si Jeonghan ah!” asar ni Hoshi kaya lahat ng kaibigan nya ay tumingin sa kanya.

 

Sinamaan niya ito ng tingin. Alam nya na siguro na kami na ni Seungcheol.

 

“Kumpleto lang tulog ko, tatlong araw ba naman walang pasok” palusot ni Jeonghan.

 

Nagpatuloy sa pag uusap ang mga kaibigan nya ng tumabi si Hoshi sa kanya.

 

“Kamusta yate? Binili  pa daw ni ano yun para makipag date sayo” bulong ni Hoshi. Agad na napalingon sya sa sinabi ni Hoshi. Seryoso ba? 

 

“Tama lang pala na doon ko siya sinagot eh” bulong pabalik ni Jeonghan pero nagtaka sya ng hindi na sumagot si Hoshi. Pagkatingin nya ay parang tangang nanlalaki ang mga mata nito at halatang nabigla. Shet? Hindi nya alam?

 

“Hindi mo alam?!” bulong ni Jeonghan.

 

“WOOOOOOOOOOH! GRABE KA NA TALAGA YOON JEONGHAN” sigaw ni Hoshi kaya napakaraming atensyon ang napunta sa kanya. Inikot ni Jeonghan ang mata kung sino-sino ang nasa cafeteria at laking gulat nya ng makita na nandon si Seungcheol kasama sila Wonwoo, Mingyu, Jun, Hansol at Chan. Kinindatan pa sya ni Seungcheol nang magtama ang mga mata nila kaya agad siyang napangiti saka umiwas.

 

“Anong meron kay Jeonghan” tanong ni Joshua.

 

“HA?” maang na tanong ni Hoshi kaya sinipa sya ni Jeonghan.

 

“Walang kwenta yan pusta” bulong ni Jihoon.

 

“Kase sabi nya sakin tatlong araw nyang kumpleto tulog nya. Oh ano bakit kaya mo yun? Ako hindi” tangang sagot nito.

 

“Sigurado ka na ba dito Ji” paninigurado ni Seungkwan.

 

“Hoy walang ganyanan pre, jowa ko na eh” pagrereklamo ni Hoshi kaya nagtawanan ang mga nasa table nila.

 

“May chika ako’ Oo, si Seungkwan yan.

 

“Wala na kaming nababalitaan na kaharutan o jowa ni Seungcheol” mahinang sabi nito.

 

“Kami? You mean you and yung halfbrother ni Seungcheol na si Hansol?” pang-aasar ni Hao.

 

“Pwede bang tumahimik nalang tayo please, tsaka hello, mabait si Hansol di gaya ng brother nya” pagtatanggol nya dito.

 

Pareho naman silang mabait, pati magulang nila hehe.

 

“Nakakapagtaka diba?” tanong ni Seungkwan at nagsipag-agree naman ang mga kaibigan nya.

 

“Hindi naman” Bakit di ka nalang nanahimik Jeonghan

 

“Type ni Jeonghan si Seungcheol mga beh” asar ni Joshua at nagtawanan sila.

 

“I mean, malay nyo nagmature kase nga diba, vp ng pinas ang tatay tapos graduating na tayo” Hindi ko naman pwedeng sabihin na napatino ko na diba?!

 

“Hmm baka nga, strict daw father nya no?” tanong ni Seokmin.

 

Ayos lang, charot!

 

“Hindi naman super, nameet ko na si Tito Chester. Mabait” pakikisali ni Hoshi.

 

“K, edi wow, walang say ang mga anak ng politicians dito hmp” pagtataray ni Seungkwan kaya nagtawanan sila.

 

From: Kier

Hi baby <3

sent. 10:12

 

To: Kier 

buckette nanaman 

sent. 10:13

 

From: Kier

Wala lang, namiss lang kita

sent. 10:13

 

To: Kier

Ikaw naghatid sakin dito sa school Kier ko..

sent. 10:14

 

From: Kier

awit, kilig malala. See you later mahal, alis na kaming cafeteria

sent. 10:15

 

“Anong nginingiti mo jan?” tanong ni Joshua at sisilip pa sana ng phone nya.

 

“Wala! May nakita lang” pag dadahilan ni Jeonghan at saka tumingin sa papalayong bulto ni Seungcheol sa may pinto.

 

“Sus”

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

First monthsary ngayon nila ni Seungcheol, galing sila sa loob ng restaurant na nirentahan ni Seungcheol at nasa loob na sila ngayon ng kotse. Katatapos lang nila mag makeout, momol, magkiss or kung ano mang tawag doon. Nakahilig lang si Seungcheol kay Jeonghan na yakap-yakap si Seungcheol.

 

“Happy First monthsary” bati ni Seungcheol at doon naramdaman ni Jeonghan na may nilagay na singsing si Seungcheol sa kanyang mga kamay. A promise ring.

 

“You’re my first” wala sa sariling sabi ni Jeonghan habang nakatulala pa din sa singsing. Nakangiting pinagmamasdan sya ni Seungcheol saka nagdesisyong hawakan ang magkabilang pisngi ni Jeonghan at iharap sa kanya.

 

“And you will be my last” Pangako. Isa iyong pangako ni Seungcheol kay Jeonghan pagkatapos ay doon nya na ulit marahang hinalikan si Jeonghan.

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“Kuya?” 

 

Nagising si Jeonghan sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kwarto nya. Masyado pang maaga at inaantok pa sya dahil kagabi ay late na sya nakauwi gawa nga ng galing pa sya kila Seungcheol.

 

“Kuya pinapatawag ka ni Daddy” ulit ni Jisoo mula sa labas ng pinto na nag pagising kay Jeonghan.

 

Agad na bumangon si Jeonghan kahit mahilo-hilo pa sya at binuksan ang pinto.

 

“Bat daw?” kinakabahan nyang tanong.

 

“Yung dating…” hindi matuloy nang kapatid niya ang sasabihin at alam na agad ni Jeonghan kung ano yon.

 

“Ah fuck” saka hinilamos ang kamay sa mukha. “Galit ba?” tanong niya ulit. Inirapan sya ni Jisoo at sinabing bilisan nya nalang saka umalis.

 

To: K <3

Katapusan ko na ata Kier ko, mahal kita ha

sent. 7:45 am

 

From: K <3

Oa mo, see you.

sent. 7:45 am

 

Anong see you? Wtf? Don’t tell me pupunta sila dito? LORD ?!?!?!?!

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“Jeonghan Tate Yoon, umupo ka. Darating din sila kaya dito ka sa loob maghintay” saway ng ama nya sa kanya. 

 

Nakausap na sya ng ama nya kanina at grabe ang kaba na naramdaman ni Jeonghan. Akala nya ay sobra syang pagagalitan pero tinanong lang naman sya kung totoo ba ang balita at doon na sya umamin. Sinabi nya rin kung kailan nanligaw si Seungcheol at kailan niya sinagot. Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay pinaghanda na sya ng ama nya.

 

“Maligo at mag ayos ng presentable” utos nito sa kanya.

 

“Po?”

 

“Dadating ang mga Choi dito ngayon, hindi ka maliligo?” 

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“Magandang umaga Yoon” bati ng ama ni Seungcheol sa tatay nya, nangaasar ang ngiti nito at hindi mapigilang matawa ni Jeonghan sa inaakto ng tatay ng boyfriend nya. Mana talaga kay Tito si Kier.

 

Nasa likod naman ni Tito Chester si Seungcheol na nagbigay ng matamis na ngiti kay Jeonghan.

 

“Morning Tate” bati ni Seungcheol.

 

Nagkatinginan naman ang ama ng dalawa at sabay na napabuntong-hininga. Alam nila sa sarili nila na labas na sa isipbata na away nila ang pagiging mag kasintahan ng dalawa.



“Naghanda ako ng agahan, doon tayo maguusap” sabi ng ama ni Jeonghan. Hindi iyon pinansin ni Jeonghan at lumapit kay Seungcheol.

 

“Bisita mo si Tito diba?” Tumaas naman ang kilay ng ama nya.

 

“Ay, wait Dad” pagtigil ni Jeonghan sa balak sabihin.

 

“Boyfriend ko po, si Seungcheol Kier CHOI” 

 

“Jeonghan…” saway ng ama nya at alam ni Jeonghan na hindi galit ang ama nya.

 

“Kakain na po kami ng boyfriend ko” saka naramdaman ni Jeonghan na hinawakan ni Seungcheol ang kamay nya.

 

“Morning po Tito, pasensya na po kung hindi ko naligawan ang anak nyo dito sa bahay pero liligawan ko nalang po sya habang buhay” nagbow pa ito sa kanya pero inismiran lang sya ng ama ni Jeonghan kaya natawa ang ama ni Seungcheol.

 

“Anak mo? Mana sayo” pang-aasar ni Johann Yoon pero tumawa lang lalo si Chester Choi.

 

“Ako na bahala dito sa tatay mo Jeonghan, magsasagutan lang kami ng saglit” pabirong sabi nito.

 

“Dad bawal makipag suntukan ha!” paalala ni Seungcheol.

 

“Under ka pa din kay Stella” asar ni Johann.

 

“Naman! Loyal yang anak ko sa anak mo, tayo na lang magaway”

 

“Siraulo!”

 

“Sa tingin mo magiging okay lang sila?” tanong ko kay Seungcheol habang nakatingin sa mga ama namin na naghahampasan habang naglalakad.

 

“Sabi ni Mommy makikipagayos daw si Dad kay Tito, puro asar kase yan si Dad eh” 

 

Yakap yakap na ni Seungcheol si Jeonghan sa gitna ng hallway at naglalambing.

 

“Nakita mo na ba balita?” 

 

“Kagigising ko lang halos mahal”

 

“Kain na tayo? Kamusta byahe cherry ko?”

 

“Okay lang, sayo naman punta ko”

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

ANAK NG CHOI AT YOON NAGDDATE RAW? 

 

Matapos nabalita na mayroong dalawang nagddate na galing sa rival politician families ay kumalat ang litrato ng isang plate number ng sasakyan na pagmamay-ari ni Jeonghan Tate Yoon, anak ni Johann Yoon na gobernador ni Laguna. Pumunta umano ito sa condo ng nababalitang kasintahan na si Seungcheol Kier Choi, anak ng ating bise-presidente na Chester Choi. At nakita rin umano na nagtungo sa bahay ng mga Choi sa Cavite. Kasalukuyan pang nanghihingi ng sagot mula sa dalawang pamilya

 

— TOCINO —

 

Joshua: Yoon Jeonghan ano ‘tong balita na ‘to !!!!

Seungkwan: HOY IKAW NGA YUNG JOWA NI SEUNGCHEOL WTF

Jihoon: Seryoso ba ‘to? Kelan pa?

Hoshi: 1st year college pa ata sila nagliligawan babycakes

Hao: BAKIT MO ALAM?

Seokmin: Congrats! Sabi na eh, type ni Jeonghan si Seungcheol!

Hao: Hoy, hindi ka ba naman lolokohin…

Dino: CONGRATS SA PAG OUT!

Joshua: ALAM NYO? SINO PA MAY ALAM? JEONGHAN LAGOT KA SAKIN PAG NAGKITA TAYO BAT MO SINIKRETO SAKIN ‘TO

Jeonghan: Thank you Dino at Seokmin <3 

Seungkwan: Kala namin dimo sya bet!

Jeonghan: Surprise! Btw @ Hao, hindi daw si Seungcheol yung kausap mo, si Jun daw. Bye muna mga bbs, magllunch kaming mga Yoon at Choi <3

Hao: WTF?

Hoshi: CRUSH KA NI JUN DIMO BA ALAM

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

— supermen —

 

Wonwoo: Sabi sayo Jun, seryoso si Seungcheol eh

Jun: Binibiro ko lang kayo, isa nga ako sa rason kung bakit nagkabati sila eh

Mingyu: Huwe???

Jun: Oo, kinulong namin sila nung jail booth heheh

Wonwoo: Nung 2nt year??

Jun: Oo, nung second year pa HAHAHAHAHA

 

========================================================================

SEUNGCHEOL’S POV

 

Nasa hallway kami ngayong tatlo nila Wonwoo para pumunta sa clubroom dahil nagrequest ng meeting si Miss Rina nang may humarang sakin. Pinauna ko nalang yung dalawa para may tatao sa mga nauna na sa room.

 

“Seungcheol” malambing na tawag sakin ng babae. Sino nga ‘to? Thea? Bella? Bea?

 

“You don’t remember me? I’m Sophia” pakilala ulit nito. Okay mali lahat.

 

“Anong need mo? May meeting pa ako eh” tanong ko sa kanya habang tuloy-tuloy ang paglalakad kaya humawak na sya na braso ko at hinayaan ko lang.

 

“May sasabihin ka pa ba?” tanong ko kay Thea? Ewan, basta. Nasa tapat na ako ng room at papasok na lang kung hindi lang ‘to nakasabit sakin. Baka masabihan pa ako ni Jeonghan na ng masama.

 

“Hindi ba pwede sumama jan?”

 

“Bakit ka naman sasama? Gusto mo bang gisahin din kita?” tanong ko

 

“Babe naman” reklamo nya sakin.

 

“Tumigil ka nga, may pagbabe-babe ka pang nalalaman”

 

Nagulat nalang ako nang may kumalabog sa loob at nakita ko si Jeonghan nasa lapag at nadaganan ng armchair.

 

Ano na namang nangyari dito.

 

Inalisan ko si Bella at lumapit kay Jeonghan, inalis ko ang upuan na nakadagan sa paa nya at lumuhod sa tabi nya. 

 

“Ano bang ginawa mo, nakaupo ka na nga lang nababalian ka pa sa paa”

 

“Kier” mahinang usal nya sa pangalan ko kayo hindi ko na sya inasar. Halata sa mukha nya na masakit.

 

“Makakatayo ka ba? Tara sa clinic” yaya ko sa kanya. Humawak pa sya sa braso ko para tumayo pero halatang di talaga sya makakapaglakad.

 

“Walanjo, lampa” asar ko kaya nakatanggap ako ng hampas galing kay Jeonghan.

 

“Bubuhatin nalang kita, okay lang ba?” 

 

“Oo” sagot nya kaya napangiti ako.

 

Agad ko syang binuhat at lumabas ng pinto nang tawagin ako ni Lea? Lea pangalan nya diba?

 

“Tigilan mo nga ako” Kitang buhat-buhat ko si Jeonghan epal.

  

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“Jeonghan Tate” 

 

Kinakabahan ako

 

“Pwede ka bang ligawan?” tanong ko.

 

Tiningnan ko ang reaksyon nya at natawa ako nung mapansin kong hindi sya huminga.

 

“Hinga tayo jan Tate” 

 

Sinamaan niya ako ng tingin saka nilayo ulit ang tingin sakin. Malaking bagay na ang hindi nya paglayo sakin. Halos yakap-yakap ko pa din sya, naramdaman ko nalang na nakahawak na sya sa buhok ko at dahan-dahang hinahaplos.

 

“Kier”

 

“Pwede ka naman tumanggi” mabilis kong sagot. “Wag mo lang ako lalayuan please”

 

“Baliw, payag naman ako” pagkasagot nya ay  doon nagtama ang mga tinginan namin. Bumangon ako at yumakap sa kanya.

 

“Thank you, thank you Tate” masaya kong bulong.

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

“Best date” bulong ni Jeonghan. Nakaupo kami pareho at nakatingin sa dagat. Nasa plano ko ang manood ng sunset pero hindi ko alam kung paano bubunuin at gagawing enjoyable ng puro panonood lang.

 

“Kier?”

 

“Hmm?” tanong ko at saka nilunod ang sarili sa amoy ni Jeonghan, nakayakap na naman ako sa kanya at hinahayaan nya lang ako na gawin iyon.

 

“Sunset na, ayaw kong picturan ang boyfriend mo?”

 

Ha?

 

Napabalikwas ako sa tanong niya kaya natawa sya. Umisod sya ng upuan at nagpose sa harap ko.

 

“Picturan mo na boyfriend mo” nakangiting utos nito.

 

“Tate naman”

 

“Seryoso nga”

 

“Sinasagot mo na ako?”

 

“Ayaw mo–”   Dinamba ko sya ng yakap.



“Umiiyak ka ba?”

 

Tangina sigaw mo pa babe.

 

“Sinasagot mo na talaga ako?”

 

“Magtanong ka muna ng maayos”

 

“Jeonghan Tate Yoon, will you be my boyfriend?”

 

“Ofcourse”



Best day.

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

Busy si Jeonghan sa pakikipag chat sa mga kaibigan nya, nag vibrate din naman ang phone ko pero alam ko na alam na yun nila Jun, sila na magkukwento.

 

“Mahal andito ako sa bahay nyo tapos iba inaatupag mo” pagtatampo ko.

 

“Halika dito” utos niya sakin. Nasa one seater sofa lang sya kaya ang ginawa ko ay binuhat ko sya at sya ang inupo ko sa lap ko.



“Ansabi nila?” pangungumusta ko sa mga kaibigan nya. Kung nagtataka eh, kung may hateclub ako, mga kaibigan ni Jeonghan ang mangunguna. Wala naman akong pakialam, puro misunderstanding lang naman ang rason kaya okay lang.

 

“Lagot daw ako sa kanila, wait bakit ako?” pagtatanong nya. “Hindi ba dapat ikaw?” reklamo nya.

 

“Mahal, hindi naman ako haharapin ng mga yan”

 

“Gusto mo ba sila makausap?”

 

“Saka na” kinuha ko ang phone nya at pinatay.

 

“Sakin ka muna, magplano na tayo kung paano ilalabas ang balita sa lahat”



“Sir Yoon, andami na pong reporter sa labas” pagbabalita ng maid nila Jeonghan.



“Gusto mo bang halikan kita sa harap nila?” Joke lang naman pero pwede din.

 

“Isang iskandalo ang gusto ng anak mo Chester”

 

Napalingon kami ni Jeonghan sa kay Tito Johann na naninigkit na naman ang mga mata sa akin.

 

“Nagbibiro lang sya, Pa”

 

“Alam niya yan, kj ng papa mo Jeonghan anak” sabi ni Daddy.




++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

CONFIRMED: JEONGHAN YOON & SEUNGCHEOL CHOI ARE DATING 

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++