Work Text:
“He’s gonna be fine, mahal,” malumanay na pagsabi ni Jungwon habang hinihimas niya ang ulo ng kanilang anak na nasa gitna nilang dalawa ngayon.
It was a Sunday night, at dahil Monday na kinabukasan, first day na rin ni Wonwoo Yang sa eskwelahan as a kinder student. Bilang isang first time parent, hindi maiwasan ni Sunoo ang kabahan para sa kanyang anak.
“What if he doesn’t make any friends there? What if i-bully siya ng mga kaklase niya?” Sunoo asks, worry evident in his tone.
“Mahal, baka nakakalimutan mo na may black belt ako sa taekwondo,” Jungwon says. “Kung may mang-aaway man sa anak natin ay dapat humanda sila sa’kin.”
Napatawa nang kaunti si Sunoo sa sinabi ng asawa, pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa kanyang dibdib.
“Alam mo mahal, matulog na tayo, hmm?” Sabi ni Jungwon. “May pasok na si Wonwoo bukas, tapos ihahatid pa natin siya sa school.”
“You’re right,” singhal ni Sunoo. “Good night, mahal.”
“Good night,” Jungwon says as he kissed both his husband and son on their foreheads.
—
“Dada, sama din kayo?” Wonwoo asks in the cutest voice possible. Kasalukuyan nang naggagayak ang pamilya para sa unang araw ni Wonwoo sa eskwelahan, maliban na lamang kay Jungwon na nauna na sa kotse.
Sunoo crouches down, meeting his son’s eyes. “Baby, sasama lang kami papunta doon.”
“Pero sama din kayo sa’kin sa school?”
Sunoo exhales. Eto na nga ba ang ikinababahala niya pagdating sa pagpasok ng anak nila sa eskwelahan. “Big boy ka na, ‘di ba?”
Wonwoo nods and crosses his arms. “Opo! Hindi na ‘ko baby, hmph.”
Napangiti si Sunoo sa sinabi ng kanyang anak. “At dahil big boy ka na, hindi mo na kailangan si Dada at Papa, ‘di ba?”
“Nooooo!” The child hugs him. “Hindi na pala ako big boy.”
“Hay nako ‘nak,” hinimas-himas ni Sunoo ang likod ng kanyang anak. “Sabi mo kanina hindi ka na baby, ah?”
“Baby ako ni Dada at ni Papa!”
Sunoo’s heart warms at his son’s words. “Of course anak, baby ka namin ni Papa.” He lets go of their hug at inayos na niya ang uniporme ni Wonwoo.
“Let’s go na, anak? Papa’s waiting in the car na.”
“Okay po!” Wonwoo takes Sunoo’s hands in his, skipping happily. “Let’s go na, Dada.”
—
Sa buong biyahe nila mula sa kanilang bahay papunta sa eskwelahan ni Wonwoo ay hindi pa rin matago ni Sunoo ang kanyang kaba. Habang kumakanta ang dalawa ng favorite nursery rhyme ni Wonwoo ay nakatingin lamang si Sunoo sa bintana, iniisip kung magiging okay lang ba ang kanilang anak, lalo na mamaya pagpasok.
Jungwon must’ve noticed this, because he slipped his hand onto’s Sunoo’s, rubbing it like a silent affirmation that everything’s going to be alright.
Maya-maya lamang ay tumigil na ang sasakyan sa harap ng isang maliit ngunit magandang eskwelahan. Makikitang may playground sa labas ng mismong building, at maraming bata ang naglalaro rito bago pormal na magsimula ang klase. The atmosphere is not noisy, but rather welcoming.
Bumaba na ng sasakyan ang pamilya at inaayos na ni Sunoo ang damit at bag ng kanilang anak.
“Anak, mag-iingat ka ah,” Sunoo worriedly says.
“Kapag may nang-away sa’yo, sabihan mo lang agad si Papa!” Pagsingit ni Jungwon. “Ako na ang makikipag-away para sa’yo.”
“Mahal naman!” Suway ni Sunoo sa asawa. Ibinaling ulit niya ang tingin kay Wonwoo. “Magpakabait ka, ah? Makipag-friends ka rin sa mga kaklase mo, tapos ‘wag na ‘wag kang kakausap ng iba ‘pag uwian na, except kay teacher at sa mga kaklase mo.”
“Opo!” Excited na sabi ni Wonwoo. “Dadating din ba kayo ni Papa mamaya?”
“Oo naman ‘nak,” sabi ni Jungwon. “Punta tayo sa mall mamaya, gusto mo?”
Napatalon si Wonwoo sa tuwa. “Opo, Papa!”
“Mahal, you’re spoiling him too much,” sabi ni Sunoo sa asawa.
“Pagbigyan mo na, hal. First day naman niya sa school eh,” sabi ni Jungwon.
Wala ring nagawa si Sunoo kung hindi um-oo sa huli. “Sige na nga, basta hihintayin mo lang kami ni Papa ah? ‘Wag na ‘wag kang sasama sa iba.”
Tumango si Wonwoo, kitang-kita ang malaking ngiti sa kanyang mga labi.
“Oh siya, ayan na ata ang mga kaklase mo,” inayos ulit ni Sunoo ang porma ng anak at hinalikan ang noo nito. “Mag-enjoy ka doon, anak. I love you!”
“I love you too, Dada!” Sabi ni Wonwoo. He reached out his hands to Jungwon, signaling that he wants a kiss from him.
Binuhat naman ni Jungwon ang anak at hinalikan ito sa magkabilang pisngi. “I love you, ‘nak! ‘Pag may pogi, makipag-friends ka agad.”
Sunoo hit his husband gently after hearing those words. “Ikaw talaga, kung anu-ano tinuturo mo sa anak natin.”
Tumawa lang si Jungwon at binaba na si Wonwoo. “Oh siya, pasok ka na ‘nak. See you later!”
“See you later, Dada at Papa! Mwah!” Wonwoo said, giving out a flying kiss to his parents before finally walking to school with the other kids.
Kung hindi lang inakbayan ni Jungwon at inasar si Sunoo matapos magpaalam ang kanilang anak, ay baka tuluyan na itong naluha.
“Sus, iiyak na naman ang asawa ko,” pang-aasar ni Jungwon. “He’ll be fine there. Tingnan mo mamaya, nakangiti na ‘yan paglabas ng school.”
“Can you blame me?” Sunoo asks. “First time ko lang magkaanak.”
“And so have I,” sabi ni Jungwon. “We’ll eventually have to let him go, lalo na ‘pag nag-college ‘yan. Baka nga high school pa lang, gusto na niya humiwalay sa’tin.”
Sunoo whines and presses his face on Jungwon’s neck, causing the latter to panic. “Hala, joke lang mahal! ‘Wag na ka nang umiyak, hala.”
“Ikaw kasi!” Sunoo throws light punches on Jungwon’s chest. “Hindi pa ‘ko ready pakawalan si Wonwoo.”
“So am I. Pero dadating din tayo sa panahon na ‘yun,” Jungwon rubs his husband’s nape. “Sa ngayon, enjoyin muna natin ‘to, okay?”
Sunoo pulls away and nods timidly. His husband’s words were enough to assure him now.
“So, tara na? Magdate muna tayo habang may klase si Wonwoo,” Jungwon smirks.
“Ikaw ha! Saan mo naman ako dadalhin?”
“Aba, secret na ‘yun!” The younger giggles. “Tara na ba?”
“Tara na.”
