Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Categories:
Fandom:
Relationships:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-02-18
Words:
3,147
Chapters:
1/1
Comments:
5
Kudos:
15
Bookmarks:
1
Hits:
153

ibomba mo, sungjin!

Summary:

after two weeks na mia, nagparamdam na ulit si brian. pero pagod na si sungjin.

buti na lang wonpil's there to the rescue! syempre 'di siya papayag na lumubog ang barkong 'to—i mean, makitang malugmok pa si sungjin dahil hindi siya kino-contact ni brian (*boo*). mapapanatag kaya ang loob ni sungjin sa tulong niya o pagsisisihan niya 'to?

Notes:

- title is a bad adaptation ng "Go for it, Nakamura!!" that's been popular sa bird app. also from sexbomb girls' sumayaw sumunod HAHAHSKSJDS
- switching of povs many times, really sorry...
- super mema lang nito sensha na

belated happy valentine's day, barangay sungbri!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Kung nakakatunaw lang ang pagtitig, malamang sa malamang wala nang cellphone si Sungjin ngayon. 

 

Mag-aalas onse na ng gabi at katatapos lang ni Sungjin isulat at i-proofread ang dalawang essay niya. Di niya na maramdaman ang mga daliri niya sa pag-type at pag-click click ng mouse mula kanina pang umaga. Kalaban nilang seniors this semester ang TTh sched nila sa tambak ng gawain bago mag-Friday. Gusto na niyang humilata sa kama niya pero hindi pwede kasi alam niyang once na magtama ang ulo at unan niya, good night world na at alarm na niya ang bubungad sa kanya. Kaya nanatili na lang siyang malayo sa kama.

 

Sungjin was seated relaxed in front of his laptop, resting his eyes when he heard his phone vibrate. 

 

Istorbo naman.

 

He unwillingly opened his eyes and turned it over gamit ang natitira pa niyang lakas para makita kung anong notification ang nakuha niya. At lo and behold... 



From. wag sasagutin XXX

Hey Jin 



Napako siya sa kinauupuan niya. Nag…text? Nanlamig siya bigla, mula paa hanggang ulo. 

 

Minumulto ata siya. 

 

Of all times, ngayong 11 pm on a Thursday night after niyang magtapos ng dalawang essay at back to back na classes at meetings pa talagang naisipan nitong mag-text. Anak ng– mukhang ‘di siya makakatulog nito.

 

Hindi naman masyadong big deal kay Sungjin pero kasi wala na siyang enough braincells para harapin to ngayon. Baka kung anong mema na lang masabi niya. Sana kung two weeks ago nung medyo may signs of life pa relasyon nila may masasabi siya. Eh wala. Ngayon nag-text.

 

Sa ngayon, meron siyang tatlong options: 

 

  1. Ipagpabukas na lang ang sagot pag klaro na ang isip niya
  2. Wag na lang sagutin. Ever.
  3. Mag-call a friend 

 

Ruled out agad ang option A dahil gusto na niya tong matapos ngayong gabi ora mismo. At masyadong labag naman sa loob niya ang option B kahit na medyo promising dahil sa contact name nito, ekis na rin siya agad. 

 

So natitira na lang ang mag-call a friend. 

 

Limited ang kanyang options rin for this kasi: 1. ayaw niyang ma-wrong send ang SOS texts niya; at 2. wala na rin siyang energy makipag video call kahit kanino. Kaya isa na lang ang sagot sa kanyang dilemma. 

 

"Pil, nag-text si Brian." 

 

Kim Wonpil. Ang kanyang roommate at kaibigan of how many years. Alam ang ins and outs ng kanyang buhay pati na rin mga galaw at paano siya magdesisyon na minsan nakakatakot na actually. 

 

Ay, pwede bang wag na lang pala? Too late na though, nasabi na niya. Sana di niya pagsisihan 'to.

 

"Anong gagawin ko? Reply-an ko ba to?" 

 

Napatigil sandali si Wonpil sa kanyang paglalakad pa-banyo at inobserbahan ang roommate niyang mukhang nasa kalagitnaan ng krisis.

 

Ay alam niya na 'to. Halata naman. 

 

"Eh di reply-an mo, hyung. Di lalabas si Casper diyan kahit gaano katagal mo pa yan titigan. Papabebe pa siya ih." 

 

Okay, medyo pinagsisisihan na niya. 

 

Siya? Pabebe? Psh di ah. 

 

"Kamusta ka na? Miss na kita." 

 

"Ano ano ano? Patingin nga." Napa-u turn si Wonpil pabalik sa kinauupuan ni Sungjin, dala dala ang isasampay na itim na boxer shorts. 

 

"Tangek syempre joke lang." 

 

"Sus, pero miss mo naman talaga." 

 

Wonpil hovered over Sungjin's shoulder, inaabangan kung ano ang i-rereply nito. 

 

At kung hindi siya nagkakamali, nakatapat sa letrang m at s ang dalawang daliri nito. 

 

"Miss niya mukha niya. pagkatapos niyang di magparamdam nang two weeks? Ulol."



To. wag sasagutin XXX

uy bri. musta?



"Daig pa la niña at ice age, hyung. Galing mo 'don. Dry ice ka gorl?" 

 

"Heh." 

 

Tinitigan lang niya ang message ni Brian. Bakit kaya nito naisipang mag-text bigla? Pero baka hindi na 'to magreply ulit. Tsk ghoster amp. Wag na nga. Ipapahinga niya na lang 'to.

 

Hindi pa naibababa ni Sungjin sa lamesa, tumunog na ulit ang cellphone niya. 

 

"Speed yarn?" sabi ni Wonpil mula sa banyo. 

 

Naparolyo ng mata si Sungjin. Wow, parang di lang 'to nag-re-reply nitong mga nakaraang linggo ah.



From. wag sasagutin XXX

Eto, I'm alright. Medyo pagod lang.



"Ako rin, pagod na." 

 

"Teka teka. Hyung, ano sabi?"

 

"Medyo pagod daw. Eh ako rin."

 

True naman. Pagod siya ngayon, physically at mentally. Pagod na rin siya sa sitwasyon nilang dalawa.

 

"Oh? Maghinay ka hyung."

 

"Hinay my ass." 

 

"Baka mawala yan. Gusto mo bang mawala?" 

 

Hindi nakaimik si Sungjin at tinitigan lang ang screen ng phone niya. Gusto ba niyang mawala sa buhay niya si Brian? 

 

"Diba? Malay mo may importanteng ginawa lang kaya na-busy." 

 

"Di makapagsabi? Kahit as courtesy lang?" 

 

"Hm..." Wonpil contemplated for a while, running water heard in the background. "Tama ka naman. Dapat nga nagsasabi sayo jowa mo kung bigla bigla siyang mawawala nang matagal." 

 

Parang hinampas ng isang bloke ng yelo si Sungjin sa sinabi ni Wonpil. 

 

Oo nga pala. 

 

Right from the start, fling lang naman 'tong nangyayari sa kanilang dalawa ni Brian. Ano nga namang karapatan niya, hindi naman sila? Hindi naman niya kailangang malaman lahat ng galaw ng binata at nangyayari sa buhay nito. 

 

"Ok." 

 

Wonpil - 1

Sungjin - 0

 

Pero gusto niya. Fuck. Gustong gusto niya.



To. wag sasagutin XXX

oh buti naman

mukhang busy ka ah ngayon ka na lang ulit nakapag message



"Anong ok?" Wonpil returned with a black shirt in hand, looking around their room na para bang may hinahanap. 

 

"Hindi niya kasi ako jowa." 

 

Wonpil’s head snapped towards Sungjin, "Hindi pa kayo? Ha?" 

 

He was dumbfounded. All this time, akala niya sila na sa dalas nilang magkasama, well except nitong mga nakaraang linggo. 

 

Madami mang alam si Wonpil tungkol kay Sungjin, pero hindi pa rin lahat. Just like this one. 

 

"Fling lang." 

 

"Luh siya. Nag-settle ka sa fling lang? Ikaw? True stone? Pahawak nga sandali hyung." 

 

Kinuha ni Sungjin ang inaabot sa kanyang t-shirt. 

 

True stone? Ano nanaman tong bagong pakulo ni Wonpil? Kung ano ano nanaman napupulot nito sa tinututor niya.

 

"Anong true stone?"

 

"Eh di true ba 'to! Stone! Bato! Hyung, napaghahalataan na edad mo ha."

 

"Isang taon lang tanda ko sayo."

 

"Generational gap. Parang the Flintstones era ka pa rin ganon."

 

Natawa si Wonpil sa sinabi niya, his hiccupy laugh bouncing off their bedroom walls. Naalala nanaman niya ang hitsura ni Sungjin hyung niyang naka Flintstones attire at may bitbit pang club na gawa talaga sa kahoy noong bata pa sila. Napasalampak na ito sa lapag sa katatawa at naiwang nakabukas ang aparador nila.

 

"Elementary pa 'yon. I-let go mo na." Pero ‘di successful si Sungjin sa pagpapatigil ng tawa ng isa.



*ting*



From. wag sasagutin XXX

Alam ko sorryyy

Na-busy lang bc tinutulungan namin mag-ayos ng visa and stuff sila Mamu at mag-mmigrate sila nila tita sa Canada.



Binasa ni Sungjin sa roommate niya ang bagong reply ni Brian.

 

"Oh diba, sabi sayo. Ayaw mo kasi makinig sakin eh," ani ni Wonpil habang hinahabol ang kanyang hininga. 

 

His fingers drum on the back of his phone case. Sumasakit na ulo ni Sungjin. Parang ayaw na niyang sagutin 'to. Ano pa bang pwede niyang isagot dito? Ok? Sorry? I miss you?

 

Pause, pause. Walang ganun. Ang pag-miss ay gawa gawa lang ng illuminati. Tama. Lalo na ang pag-miss kay Brian Kang.

 

Anyway, medyo expected na niya na eto nga ang isang pwedeng dahilan bakit biglang nag-MIA si Brian. 'Di lang rin siya sigurado. Napag-usapan na nila 'to once at alam rin niyang nagbabalak ang pamilya nitong sumunod pagka-settle ng Tita niya. Nagawa pa ngang magbiro ni Brian na isasama na niya si Sungjin sa kanya pag lumipat na sila doon. 

 

Di pa nga sure kung sila na o sila pa rin sa panahon na 'yon eh.

 

"Mama niya." Sungjin whispers to himself, feeling bitter because of his thoughts.

 

At hindi ito nakatakas sa radar ni Wonpil.

 

"Oh ano meron kay Mama Kang?" 

 

"Ayun, masarap magluto." 

 

Sungjin sighed at the thought of the meals he had tuwing bibisita siya sa bahay nila Brian. Parang palaging piyesta sa dami lagi ng pagkain. Kahit na hindi pa sila, lagi pa rin siyang niyayaya ng mama ni Brian para mag-stay at sumabay sa kanilang kumain. And it's been a while since nakisalo siya sa hapag ng pamilyang Kang. 

 

"Miss ko na nga makikain sa kanila. Ang sarap lagi ng mga gawa niya." 

 

"Pati si Brian?" 

 

"Tangina mo talaga." 

 

"Bakit?" Wonpil asks defensively, "Joint effort kaya yun with Papa Kang." 

 

"Ano ba yan Wonpil ang baboy mo. Lumayo layo ka na nga kay Do, jusko." 

 

Binato pabalik ni Sungjin kay Wonpil ang pinahawak nitong damit at hagikgik ang ipinalit ng binata dito.

 

“Hanapan mo pala ako ng bagong i-tututor kung ganon.”

 

Pinagsisisihan na niyang in-involve pa niya si Wonpil. Kung ano ano nang pinagsasasabi ng batang ’to. Tsk. Lalo lang siyang na-sstress.

 

Pero to be honest, hindi rin naman maka-hindi si Sungjin doon sa sinabi niya kasi tama naman. 

 

Wonpil - 2

Sungjin - 0 

 

Hindi niya sure kung paano ginawa ni Lord si Brian at kung anong pinagsama sama niyang ingredients para mabuo siya, but he can attest Brian's a certified six-star full course meal. both looks and personality. 

 

The thing is, though, hindi willing i-share ni Sungjin si Brian sa iba. #GatekeepingBrianKang 

 

To a certain extent lang naman. Sungjin draws the line sa pisikalan. That's his territory. Kanya lang 'yon. 

 

Fling lang pero may pagbakod na nagaganap.



To. wag sasagutin XXX

oh okay… sana sinabihan mo ko para natulungan rin kita kahit papaano

diba susunod kayo doon? next year?



“Yan, isend ko ba ‘to?” Ibinaling niya kay Wonpil ang phone niya, “‘Di ko na alam sasabihin dito.”

 

Tumayo si Wonpil sa kinauupuan niya at binasa ang message draft, “Go na ‘yan.”

 

Sungjin hits send at bumuntong hininga. Ang dami na niyang naiipong buntong hininga just from this interaction in the last 15 minutes.

 

“Oh nag-reply naman na sayo hyung. Bakit parang pinagsakluban ka pa rin ng langit at lupa at impyerno. Hindi ba dapat relieved ka na kasi alam mong zombie-fied ang ghoster mong ka-fling?” sabi ni Wonpil bago bumalik ng banyo.

 

Oo nga naman. Alam na niyang buhay pa si Brian at hindi siya nabura sa surface ng mundo. So bakit para ngang may low pressure area sa kaloob loob niya?

 

"Eh after five months, ngayon lang siya hindi nagparamdam nang ganito katagal. Ni hi ni ho wala." 

 

"Pota five months na kayo, fling lang? Malala na yan teh." 

 

Honestly, Sungjin feels the same. Gusto na niyang maging official dahil sa setup nila, pero hindi niya alam if Brian wants the same. Nakakatakot tanungin.

 

“Bakit ka nga ba kasi nag-settle sa fling? And of all people hyung, ‘wag mong masamain ‘to ah, ikaw ang huling taong in-expect kong ‘di deretsuhang mag-jojowa. Not that there’s anything wrong with that or something.”

 

Kahit siya rin naman. Maguguluhan si 12-year old Sungjin na malakas ang paniniwalang magkaka-asawa na siya in 10 years sa pinaggagagawa ni 21-year old Sungjin ngayon. Ano nga ba kasing pumasok sa isip niya at pumayag siya?

 

Sungjin puts down his phone, fingers rubbing against one another, absentmindedly chewing on his bottom lip. His gaze was fixated on his phone as if naghihintay na tulungan siya nito. Nagbubuhol buhol ang mga nasa isip niya. Mas malala pa ‘to kaysa sa crochet project niya nung grade 4 siya sa home economics. Baka sakaling gumana dito, sinusubukan niyang hanapin ang dulo kung saan siiya magsisimula. Dahil ‘di katulad nung paupuan ng basong nagkanda leche leche, di niya pwedeng basta bastang putulin ‘to. Sa paanong paraan niya ba ‘to pwedeng hugutin palabas?

 

"Sabi niya noon, he wasn't looking for more. Nag-suggest pa nga na fubus na lang. Pero dahil gusto niyang may feelings involved, eto kami ngayon." Sungjin gestures to himself and his phone with an unexplainable expression.

 

"Ay… ay wag ganon. Don't settle for less." Wonpil says, taking out another white hanger from his aparador. 

 

"Label lang naman wala. But he's actually more than what I deserve." 

 

"Shala, what I deserve. Pero alam mo kung ano talagang deserve mo, hyung? Yung sigurado." Lumapit si Wonpil at umupo sa gilid ng kama ni Sungjin. On normal nights na hindi ganito ang mga pangyayari, susuwayin niya ‘to. But he just can’t right now.

 

“Ikaw ba hyung, gusto mo ba set up niyo? Gusto mo bang hanggang diyan lang kahit mukhang mutual naman ang feelings niyo para sa isa’t isa?”

 

Sasabog na yata utak ni Sungjin. Di na niya ma-process lahat ng nangyayari sa loob at labas ng sarili niya. 

 

He rested his forehead on the table at isinara ang kanyang mga mata. Does he have to think about all of this right now? Not like he hasn’t been thinking about it in the last two weeks. Alam naman niya eh. Pwede bang pass muna?

 

Hay nako Brian Kang, pagdating sayo talaga.

 

"Hyung sabi nga doon sa nabasa ko sa IG—ano na nga yun? Ah, 'without a name, things get lost.' Di ko na tanda sino nagsabi nun, pero ayon." 

 

Sungjin sighed. May point naman si Wonpil. 

 

"Tignan mo, anong contact name mo sa kanya? Pero anong ginagawa mo?"

 

Oo na nga, gets na niya.

 

"Mamaya ma-maybe we got lost in translation ka diyan. Hyung, di ko kayang magsaing at itayo 'tong apartment mag-isa, okay?"

 

He appreciates Wonpil a lot. Nasabi na ba niya 'yon? Lalo na sa mga panahon na ganitong hindi siya sigurado sa gagawin niya. Kahit na parang sa tigin ni Sungjin ay hindi 'to kalakihang problema for the younger. Basta Wonpil's always there ready to lend an ear and give him advice and honest opinions. Never rin niyang sinawalang bahala ang nararamdaman ni Sungjin even when he's at fault sometimes. Wonpil always has his back.

 

“And if gusto mo talaga, sabihin mo na sa kanya. Communication sabi nga ni Spongebob. Ay, iba ata ‘yon. Anyway… Nakakatakot pero wala namang masama sa pagtanong. Sa pag-try, you know? I know you know.”

 

Yeah, maybe telling Wonpil wasn't such a bad idea.



*ting*



"Oh ayan nag-reply," Sungjin said weakly, sliding the phone towards the younger. His tiredness was already evident with his voice turning hoarse.

 

Binasa ni Wonpil ang message at hindi mapigilang mapangiti sa nabasa niya.

 

"Nako hyung, basahin mo. Basahin mo talaga."

 

Sungjin slowly lifted his head off the table, nakapikit pa rin ang dalawang mata. Hindi pa siya ready sa kung anong sinagot ni Brian. Baka i-rereject na siya kahit di pa siya nagtatanong. Baka sasabihin niyang tapos na ‘tong set up nila at pati siya aalis na kaya di na siya kino-contact. Baka sasabihin niyang ayaw na niya kay Sungjin.

 

God, ‘wag naman sana.

 

He takes the phone from Wonpil blindly and after a count of three and a huge inhale, he opens his eyes.



From. wag sasagutin XXX

I know and I'm sorry rin for that

Hm no, baka in 3-5 years pa sabi ni Mom

She wants to continue her business pa dito

Besides gusto pa rin kitang makasama nang mas matagal

Then I'll bring you there with me tulad nung sabi ko sayo noon, remember?



What.

 

He blinks several times para lang sigurado na hindi siya nananaginip sa nababasa niya. And he rereads it over and over again. Pero parang naghahalo halo at nagm-mmerge na yung replies. Hindi niya ma-comprehend nang maayos ang nasa screen niya sa bilis ng tibok ng puso niya.

 

Kung malapit na siyang makatulog kanina, mukhang di na talaga siya makakatulog ngayon.

 

Tangina mo ka Brian Kang. Bakit ka ba ganito? Bakit mo ko ginaganito?

 

Oo, naaalala pa ni Sungjin. Paanong hindi niya matatandaan eh parang proposal na ‘yon? Na kahit 5, 10, 15 years later, nakikita pa rin ni Brian na kasama niya si Sungjin. Na magkasama pa rin sila ni Sungjin. Paano yung pamilya ni Sungjin dito diba? Nag-ppropose siya pero hindi pa nga sila. At ngayong nalaman ni Sungjin na natatandaan rin ito ni Brian, di niya alam kung anong mararamdaman niya. 

 

So paano na tayo nito?

 

Wonpil can see the look on Sungjin’s face. Beneath tonight’s tired look, kitang kita niya ang halu-halong lungkot at lito sa mga mata nito. Hindi lang ngayon, pero pati na rin noong mga nakaraang araw. Naging madalas na ang pagkunot ng noo nito tulad ngayon pati na rin ang pagkulong sa unit nila.

 

Lagi niyang pinapaalam dito na maganda ang mga mata nito, na sobrang bright at expressive. And if he pushes a little more, gusto niya ring sabihing parang art project ng batang first time gumamit ng glitters. Pero secret na lang yun.

 

Kaya ang dali niya lang basahin. And Wonpil was afraid sa kung ano mang pwedeng mangyari kung tutuloy na ganito ‘to. Hindi niya alam kung anong mangyayari kapag nasagad si Sungjin at ayaw na rin niyang malaman. Ika nga ng health experts, prevention is better than cure.

 

He has to do something.

 

Pasensya na Sungjin hyung, para sayo rin ‘to.

 

"Akin na ako sasagot—" 

 

"'Di, ako na—" 

 

"Itabi mo na hyung, ako na. Oh, hawakan mo 'to," sabay bigay ng puting hanger kay Sungjin. 

 

Walang nagawa si Sungjin kundi ibigay ang phone niya. Wala na rin naman siyang energy makipagtalo pa sa roommate niya, lalo na't si Wonpil 'to. Siya pa naman yung tipong gagawin ang lahat para makuha ang gusto niya. In this case, ‘di na masyadong kailangang mag-effort ni Wonpil dahil nakuha niya agad ang phone mula sa kamay ni Sungjin. 

 

Wala na guys, pagod na talaga siya. 

 

Pinagdadasal na lang niya na matino ang isasagot nito sa text ng ghoster niyang ka-fling. Kasi kung hindi, well, sabihin na lang natin na Jesus take the wheel (from Wonpil, kung pwede agad agad).

 

"Kim Wonpil ayusin mo 'yang reply mo." 

 

Natawa lang si Wonpil sa sinabi niya. Maya maya pa’y hinarap nito ang screen kay Sungjin para ipakita ang ni-reply niya sa text ni Brian. 



To. wag sasagutin XXX

right, gets naman



"Tang—" 

 

Wonpil just giggled kahit na pinanlalakihan na siya ng mata ng nakatatanda. Sa gulat? Sa inis? Both? Pero wala nang effect sa kanya ‘yang pa-ganyan ni Sungjin anyway. Acquired immunity after 10 years nilang pagkakaibigan. 

 

Para sa good health mo hyung.

 

Nginisian niya lang ito nang nakakaloko at gustong gustong gustong gusto na siyang ipalapa ni Sungjin sa mga tigre. 

 

Tangina talaga sjfkjsfnjskgn

 

"Bahala ka na jan," aniya at binaba ang cellphone ni Sungjin sa upuan, sabay karipas palabas ng kwarto nilang dalawa nang humahalakhak.

 

Di na niya alam kung anong pumasok sa isip niya pero nandilim na lang ang paningin ni Sungjin (hindi dahil sa pagod btw). He got over his initial shock at hinabol si Wonpil, hawak ang hanger na puti bilang armas ng paghihiganti. Dumagundong ang yabag ng paa niya sa buong apartment nila. Sorry na lang sa mga nasa baba.

 

"Hoy bumalik ka dito! Bakit ka nag ‘I miss you’?! Gago ka! Hoy Kim Wonpil!"

 

 

⁕⁕⁕

 

To. wag sasagutin XXX (cont.)

right, gets naman

pero na-miss kita 🥺

sobra :(((((( 



*ting* 



From. wag sasagutin XXX

Aw cute mo ngayon lang kita nakitang ganito

I missed you too baby

And I really wanna see you na :(

Puntahan kita in 10? Mag lomi tayo :)

Notes:

sabihin na lang natin na may naging sigurado na after that night.

thank you wonpil. di na sila #voiceless char

 - the quote mentioned is by ocean vuong

chika here