Work Text:
Nakatayo si Renjun sa bintana na nasa kanilang sala at pinagmamasdan ang malakas na pagbuhos ulan na sa palagay niya’y magtatagal hanggang bukas. Bahagyang tumatama ang mga bato at halaman sa labas sa bintana na nagdudulot ng malakas na tunog dahil na rin sa lakas ng hangin.
Ilang sandali pa ay narinig ni Renjun ang malakas na pagkulog at sinundan ng kidlat na saglit na nagpaliwanag sa buong paligid. Naging sensyas ito para sa kaniya na umalis na sa pinagkakatayuan at tumungo sa kusina para uminom ng tsaa.
Nang binuksan niya ang ref, lumiwanag nang bahagya ang silid dahil sa ilaw nito sa pagkuha niya ng fresh milk at yelo na isinalin niya sa tasa niyang ngayon ay may laman ng tsaa.
Umupo siya sa isa sa mga upuan at sinimulang inumin ang malamig na tsaa. Kahit gaano pa ka-late, o kahit gaano pa kalamig ang panahon, pipiliin pa rin ni Renjun na uminom ng malamig na tsaa. Mas nae-enjoy niya ito kumpara sa mainit na inumin dahil kailangan mo pang hintayin na lumamig ito nang kaunti para hindi ka mapaso. Sa malamig na tsaa, hindi mo na kailangan pang maghintay at mas madali pang gawin.
Nasa kalagitnaan na si Renjun ng pag-inom nang biglang tumunog ang door knob ng kanilang pinto at dahan-dahang bumukas ito. Sumulyap siya sa orasan na nakasabit sa kanilang pader, at ibinalik ang tingin sa pigura na nasa may pintuan pa rin at nagtatanggal ng sapatos.
Nakasara ang mga ilaw sa bahay at ang tanging kitchen light lang ang nagbibigay liwanag kaya nang buksan ang ilaw sa dining room kung nasaan si Renjun, bahagya siyang nasilaw at napapikit. Nakapag-adjust din siya sa liwanag pagkatapos ng ilang sandali at bumungad sa kaniya si Jeno na basang-basa ang damit, at may mga patak ng tubig na tumutulo na galing sa buhok nito.
Hindi na nagsalita pa si Renjun at inilagay ang tasa sa lababo, mabilis na hinugasan ito bago tumungo sa banyo para kumuha ng tuwalya at ibinato kay Jeno na agad namang nitong nasalo.
“I know, babe. I’m sorry. Nasa LRT na ako bago pa umulan nang malakas tapos traffic… naiwan ko ‘yung payong ko sa—“
“‘Wag ka na maingay.” pagputol ni Renjun at kinuha ang tuwalya sa kamay ni Jeno para siya ang magpunas ng mukha at buhok nito.
Para bang isang tuta na sumunod sa amo si Jeno na agarang tumango at hindi na nagsalita pa. Hinayaan niya na lang na punasan siya ni Renjun habang hindi inaalis ang mga titig dito. Mas lalong inilapit ni Jeno ang katawan ni Renjun sa kaniya sa paghawak sa bewang nito. Mas lalong lumiit tignan ang bewang ni Renjun kapag nakapaikot ang mga braso ni Jeno dito. Hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lamang sa ginagawa.
“Maligo ka na, ihahanda ko na mga damit mo.” mahinang sambit ni Renjun at hinawakan ang mukha ni Jeno, hinahaplos ang pisngi.
Inilagay din ni Renjun ang palad niya sa noo nito para i-check kung may lagnat ba ito, mabuti na lang ay hindi pa naman mainit si Jeno pero makasiguro, pinainom niya ito ng gamot.
Pagkatapos, tumayo si Jeno at ngumiti sa asawa bago niya dahan-dahang halikan sa labi. Hindi pa siya kuntento sa isang halik kaya sinundan niya ito ng isa pa, hanggang sa naging tatlo, apat, lima, at sunod-sunod pang halik na kahit si Renjun ay hindi na rin mabilang. Kung hindi pa tinampal ni Renjun ang bibig niya, hindi pa siya titigil.
“Day off ko bukas,” saad ni Jeno habang magkadikit ang mukha nila at nagtawanan sila na para bang naintindihan nila ang nakatagong mensahe sa mga sinabi niya.
Hawak-kamay silang nagtungo sa banyo at agad na naligo si Jeno. Nang malapit na siyang matapos, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Renjun na may dala-dalang mga damit niya.
Normal na ang mga ganitong sitwasyon na bigla-biglang papasok si Renjun sa tuwing nasa loob ng banyo si Jeno. O kaya ay kapag naliligo si Renjun, biglang kakatok si Jeno para sumabay dahil late na siya sa trabaho o kaya naman ay tinatawag na siya ng kalikasan.
Siyempre, hindi naman nila ito ginagawa noong mag-boyfriend pa lang sila at noong bago pa lang silang mag-asawa dahil nirerespeto nila ang privacy ng isa’t isa. Pero sa halos ilang na taon nilang magkasama sa iisang bahay, nakita naman na nila ang lahat at sobrang komportable na nila sa bawat isa kaya wala nang problema kung biglang bubukas ang pinto ng banyo habang may ginagawa sila.
Nanatili si Renjun sa loob, at sumandal sa lababo habang hinihintay si Jeno na matapos maligo. Inabot niya ang tuwalya rito at ang damit. Wala na rin kay Renjun kung magbihis ito sa harap niya dahil hindi niya na nga mabilang kung ilang beses niyang nakita ang hubad na katawan ng asawa.
Kapag kasi’y walang pasok si Jeno o nasa bahay lang ito, halos boxers na lang isuot nito at malakas pa ang loob niyang magpaikot-ikot sa buong bahay. Kahit na noong hindi pa sila kasal, wala pa mang nangyayari sa kanila ay nakahubad na ito. Dahilan niya, mainit daw kasi at tipid sa labahin. Minsan ay naiirita si Renjun at napapailing na lang… pero kadalasan ay mas gusto niyang makita ang katawan ng asawa.
“Matching pajamas, huh?” natatawang sambit ni Jeno nang mapagtantong parehas pala sila ng suot ni Renjun, mas malaki nga lang ang kaniya.
Malamang ay sa mga susunod na araw, ito na ang suot ni Renjun dahil mas gusto niya ang damit na oversized.
May nakaburdang Lee sa damit niya at napangiti naman si Jeno nang makita rin ito sa suot ni Renjun. Paborito talaga ni Renjun ang kahit anong bagay na matchy-matchy sila, simula pa lang ng relasyon nila. Hindi naman nagrereklamo si Jeno dahil kahit siya ay natutuwa sa mga ito. Atleast, kapag lumalabas sila, alam na agad ng mga tao na si Renjun ay para sa kaniya lang, at siya ay para lang kay Renjun.
“Dada.”
Natigilan ang dalawa nang may magsalita sa labas ng banyo. Sabay si Renjun at Jeno na nilingon ang nagsalita, at agad na lumapit si Renjun dito.
Nakatayo sa harapan nila ang apat na taon nilang anak, yakap-yakap ang stuffed toy na pinangalanan niyang Pepi at kapareho rin nila ng suot na pajama.
“Baby, why are you here?” malambing na wika ni Renjun at binuhat ang anak.
Sa likod nila ay si Jeno na hinahaplos ang mukha ni Jiro. Nang mapansin ni Jiro ang kaniyang daddy, nagliwanag ang mukha nito kahit na mabigat ang mga mata niya sa antok.
“Daddy’s here!” sigaw nito.
Natawa naman ang dalawa sa asal ng anak. Sa tuwing nakikita niya si Jeno sa gabi tuwing naalimpungatan siya at pumupunta sa kwarto ng kaniyang mga magulang, lagi itong nakasigaw at tuwang-tuwa.
Saya naman ang dulot nito kay Jeno at sa tuwing naririnig niya ang Daddy o Daddy Jeno ni Jiro, para bang tumatalon ang puso nito. Hindi lang isa, kundi dalawa na ang palaging naghihintay sa kaniya tuwing umuuwi siya galing man sa trabaho o sa palengke dahil inuutusan siya ng asawa… at dalawa rin ang nagmamahal sa kaniya nang sobra-sobra.
Wala nang hihilingin pa si Jeno dahil kuntento na siya sa trabaho, kaibigan, at higit sa lahat, ang dalawang lalaki na pinakamahalaga sa buhay niya — si Renjun at Jiro. Laking pasasalamat niya nang palagi silang ligtas at masaya.
“Daddy! Okay lang po sleep ako here with you and Dada?” napakurap si Jeno nang dinaganan siya ni Jiro. Kanina pa pala ito tulala at nakatitig lang sa dalawa.
“Of course, Jiro. But why do you want to suddenly sleep with us? You said the other day that you’re a big boy na.” pang-aasar ni Jeno sa anak. Pinaayos niya ito ng higa sa gitna niya at ni Renjun.
“Kasi, Daddy, ‘yang big boy mo takot sa rain.” panggagatong ni Renjun sa pang-aasar. Ngiting-ngiti pa ito habang ang kanilang anak ay nakasimangot na.
“Hindi po!” pagpprotesta nito at yumakap kay Renjun nang marinig ang kulog. “I just miss you and Daddy.”
“Okay, love. Whatever,” ani Renjun. Humahalakhak ang mag-asawa nang mahinang pinalo ni Jiro si Renjun.
Asar-talo talaga kahit kailan, manang-mana sa ama. Saad ni Jeno sa isip niya pero wala siyang lakas ng loob na sabihin ito nang malakas sa takot na mapatalsik siya sa kama at baka matulog pa siya sa sahig o ‘di kaya’y sa labas ng kwarto nila. Siya pa naman ang laging binu-bully ng dalawang ito.
“Let’s sleep na mga baby ko,” sabi ni Jeno at siniksik si Jiro sa gitna nila ni Renjun. Ang isang kamay niya ay nakayakap kay Jiro habang ang isa ay nasa malambot na buhok ni Renjun, marahang hinahaplos ito.
Hindi rin nagtagal ay nakatulog na agad si Jiro habang nakayakap sa bewang ni Renjun. Ayaw aminin ni Jeno na nagseselos siya sa anak dahil dati niya itong pwesto, pero natutuwa rin siya dahil napaka-cute ng mag-ama niya habang magkayakap sila.
Pinanood lang ni Jeno si Jiro at natutulog at patuloy pa rin siya sa paghaplos ng buhok ni Renjun. Tumingala ito sa kaniya at nagtama ang mga tingin nila.
Marahang ngumiti si Renjun at halos tumalon ang puso ni Jeno dahil sa kagandahan nito. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin si Jeno kung paano niya naging asawa si Renjun kahit na anim na taon na silang kasal at may anak na. Napakasuwerte niya na pinakasalan siya nito.
“Tulog na tayo, mahal,” mahinang sabi ni Renjun, pero sapat na para marinig ni Jeno.
Nginitian niya ito at tumango. Ang kamay ni Jeno na kanina’y hinahaplos ang buhok ni Renjun ay lumipat na sa mukha nito. Bahagyang ginalaw ni Jeno ang ulo niya para maabot ang mga labi ni Renjun.
Mabilis lang ang naging paghalik nito dahil sa takot na magising o maiipit ang anak sa nasa gitna nila, pero punong-puno ito ng pagmamahal. Nagkapalitan ulit sila ng ngiti at hinawakan ang kamay ng isa’t isa bago umayos ng higa para matulog.
“Good night, daddy. I love you.” ani Renjun.
“Good night, Renjun ko. Mahal na mahal kita.”
