Actions

Work Header

bat hindi panain ang kanyang damdamin?!

Summary:

ayan si thoma -- pogi sobra + hottie; basketbolero pero hindi ka ibobola.

ayan din si ayato -- igop din, nakakatanggal ng angas; editor in chief ng inazuma high school paper.

medyo bobong love story abt them. ok yun lang summary bye

Notes:

HELLO! akshili yung totoong story dito ayyy dapat socmed au to sa twitter kaso 1) tinatamad ako gumawa ulit ng anitwt, takot din ako sa genshin fandom don and 2) mapupuno nanaman camera roll ko ng social dummy screenshots.

ik na d masyadong makakakuha ng attention ung fic ko since filo fics arent rlly known sa ao3, pero alam mo bahala na tinatamad din naman ako magsulat most of the time so baka mas maganda ng konti nag aabang HAHAHA bitch na peke andami mong dada ok bye enjoy!

Chapter 1: parang isang pelikula

Chapter Text

mapapansin mo kaya?

nakaw tingin lagi kada kailangan dumaan sa bandang basketball court. ayaw naman niyang maging masyadong halata sa pagsilip, pero naisip niya din na baka hindi naman napapansin ng lalaking naglalaro ang kaniyang mga tingin.

"tol, pasa mo dito!"

ang ingay. di masyadong mahilig si ayato sa ingay, lalo na yung nanggagaling sa pagdikit ng basketball shoes at palapag sabay pa ng takbo papunta sa hoops kapag magshoshoot. kaso, ngayon, medyo napagtiyatiyagaan na niya.

ako'y magkukunwari ba sa nararamdaman

"kuya."

kahit walang pumapagitan

"KUYA!" sigaw ni ayaka noong napansin niyang tulog ang isip ni ayato kahit bukang buka ang kaniyang mga mata, "huy, tawag na tayo. pupunta pa tayo sa liyue para mag-interview ng mga food stalls na malapit doon."

"ah... okay."

"tanggalin mo muna mata mo kay thoma, di naman mawawala yan."

"hoy ayaka, gaga ka! napakaingay mo!"

nagmadaling tumakbo ang dalawang magkapatid at pinanood ito ng mga basketbolerong tumigil muna sa kanilang laro para magpahinga.

"pre, thoma." inis ng isa, "nako, parang may nagkakagusto ata sa'yo ah!"

"heh, wag nga kayo." natawa na lang si thoma sa pang-aasar sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan.

kasi alam naman niya din. medyo halata din naman kasi sumilip si ayato kada match.

Ikaw ang tanging gustong pagmasdan
Oh sana ako'y pagbigyan
Kay tagal nang hinihintay
Bawat saglit sumasablay