Work Text:
Mahigit isang oras na silang nanonood ng pelikula pero wala pa ring imik si Donghyuck. Nagtataka na si Mark dahil karaniwang napakadami na niyang nasasabi bago pa man sila mag-umpisang manood. For all his commentaries about how dumb and cringey the main characters are, you’d think na he wouldn’t recommend watching cliché romcom movies anymore. Kaso sa totoo lang, si Donghyuck naman talaga ang laging namimili ng panonoorin at saka magtatawag ng barkada para may kasama siyang manood. Lagi tuloy nagrereklamo ang mga barkada nila dahil maya’t maya rin siyang nagtutunog nasusuka o di kaya’y umiirit na hindi naman daw realistic ang pinanonood nila.
Natatawa na lamang si Mark kapag ganon. As if naman maikukumpara yung experience nila sa kaniya? Ni minsan nga ay hindi pa nila nakatabi si Donghyuck kapag nanonood. He wonders if they’ll even come the next time Donghyuck invites them kung sila ang nasa receiving end ng mga hampas nito. Violence kasi yata ang immediate response ni Donghyuck tuwing magbibitaw ng mga corny na salita yung mga artista na never niyang inimagine sabihin in real life.
Bumalik ang tingin ni Mark kay Donghyuck. Nakakailang sulyap na siya dito for the past twenty minutes. Sinusubukan niyang intindihin kung bakit tahimik ang binata.
Kunwari na lang ay makikipulot siya sa mangkok ng popcorn na hawak ni Donghyuck pero ni isang piraso ay di pa rin siya nakakatikim. Bawat subok niyang kumuha ay inilalayo naman agad ni Donghyuck ang mangkok. Narinig niya ang pagsinghot ni Jaemin na tila nagpipigil ng tawa mula sa kaniyang tabi at ang mahinang pagpalo ni Jeno sa hita nito para mapatigil ang isa. Binawi na lang tuloy ni Mark ang kamay at hindi na nanghingi hanggang matapos ang movie kahit na hindi rin binawasan ni Donghyuck ang popcorn.
Tapos na ang pinapanood nila’t lahat, naghahanap na ng bagong papanoorin si Jisung, ngunit bagsak pa rin ang balikat ni Donghyuck at hindi pa rin ito umiimik. Mark notes that his head is in an upward tilt yet he’s looking straight at the television. The pout is visible on his face. May nag-click sa utak ni Mark. Saktong napatingin siya sa direksyon ni Chenle na mukhang pinagtatawanan siya bago tumayo patungong kusina.
“Nagtatampo nga siya?” tanong ni Mark sa isip at saka inilibot ang paningin sa ibang mga kaibigan. Pare-parehong nakaiwas ang tingin ng mga ito sa kanila. Renjun and Yangyang are engaged in a conversation pero ang mga tingin nila ay nakaglue naman sa carpet. Chenle already evacuated to the kitchen. Jisung is spending way too much time picking a movie gayong napag-usapan naman na nila kung anong sunod na panonoorin.
“So they know he’s sulking,” pagkumpirma niya. Kung hindi pa yon sapat na kumpirmasyon, sakto na siguro yung pag-irap ni Donghyuck sa kaniya nang mahuli siya nitong nakatingin ulit.
Mabagal talaga sa mga ganitong bagay si Mark pero maging siya ay nagugulat pa rin lagi. It took him one whole movie duration to figure out that Donghyuck’s sulking when the boy is just sitting right beside him. Napahaplos na lamang siya sa kaniyang mukha at sinundan si Chenle sa kusina. Kahit na mukhang never naging seryoso si Chenle, mas sensitive ito sa mga nagaganap.
Muntik nang maibuga ni Chenle ang iniinom na tubig nang makita ang hitsura ni Mark pagpasok ng kusina. Bakas sa mukha na problemado ito and he looks really lost. Alam naman ni Mark na nagtatampo si Donghyuck (alam na ng buong grupo nila), pero kidlatan na siya at lahat, hindi niya talaga alam kung bakit.
“Wala ka talagang idea kung bakit siya nagtatampo?” tanong ni Chenle, di rin makapaniwala sa pagiging clueless ng kaibigan. Baka nga Mark is just really, really slow on the uptake. Hindi siya tulad ni Donghyuck na kibot pa lang ng labi niya, alam na kung anong iniisip ni Mark.
Pero slow man si Mark, mahaba naman ang pasensya niya at matalas ang memory. Kaya inisip niya nang inisip kung ano bang masamang nagawa niya, retelling Chenle everything he did that night na he can remember.
Okay pa naman si Donghyuck pagdating ni Mark sa condo nito. Nalate nga lang siya saglit kasi may kinailangan siyang tapusing trabaho kaya pagdating niya ay siya na lang ang hinihintay para masimulan ang movie. Ready na ang lahat, pati popcorn na ni hindi naman niya natikman.
“Dude, was it because I’m late?” tanong nito na nagpailing na lang kay Chenle.
Hindi naman ganon kababaw si Donghyuck. No, that can’t be it. Nagreserve pa nga ito ng uupuan niya sa couch, as usual, kasi nga kailangan niya daw si Mark na katabi para mashield siya mula sa buga ng aircon. Mark thanked him for the seat and they started watching the movie. That’s it.
Pero habang nagkwekwento siya ay parang napagtatagpi-tagpi na ni Chenle ang mga nangyari. He has that look on his face na para bang alam na niya where Mark fucked up.
Kahit gaano man kaslow si Mark, may self-awareness naman siya at alam niyang yung bibig niya minsan ang nagpapahamak sa kaniya.
Chenle watches as Mark’s face pales in horror as it dawns on him. He remembers what he said that probably made Donghyuck upset, but he swears that’s not what he meant. Napahagikgik na lamang si Chenle sa hitsura ng kaibigan. Mukha itong binuhusan ng yelo (oo, hindi lang malamig na tubig). The usual surprised pikachu face ni Mark na nanlalaki ang mata, baksak ang panga, at di mawari kung saan ilalagay ang mga kamay. He's such a meme sometimes.
“Oh you fucked up, huh?” pang-aasar ni Chenle sa kaniya. Gusto niya itong batukan dahil hindi ito nakakatulong. Mark’s really been anxious for a few weeks now and humahanap siya ng magandang tiyempo to talk to Donghyuck. Fucking up tonight is surely not gonna help him.
“I swear, di yon yung ibig kong sabihin,” pangunguna niya. Tumango-tango lang si Chenle na animo’y sumasang-ayon. Sanay naman na sila kay Mark. Hiwalay talaga yung isip niya sa bibig niya. “Okay. Nagthank you ako kasi lagi niya kong pinagsesave ng upuan. Tapos…”
“Tapos?” tanong ni Chenle, anticipating the part where Mark fucked up.
“I told him na buti na lang he’s always saving me a seat…and…and that I swear he’ll have one at my wedding? Damn, that was supposed to be a banat,” sabi niya habang humahaplos na naman sa mukha niya. Kulang na lang talaga ay mabura ito sa dami ba naman ng beses na pinadaan niya ang palad sa mukha.
“Ikaw ang babanatan ni Donghyuck, tanga,” babala ni Chenle, understanding the gravity of the situation, although natatawa pa rin ito. Aware naman ang barkada sa plano ni Mark, lalo na si Chenle na siyang laging kasama ni Mark these days.
They’ve seen him plan this meticulously, seen how he fidgets every time na nafefeel niyang baka di gumana ang plano niya and all, or baka hindi magustuhan ni Donghyuck. Di alam ni Chenle kung itutuloy ba niya ang tawa niya o kaaawaan na lang si Mark because the poor guy planned and planned tapos heto siya ngayon because of a slip of the tongue.
Nauna nang lumabas si Chenle sa kusina at iniwanan si Mark para mag-isip ng solusyon. Nang medyo kumalma na siya ay bumalik siya sa sala ngunit wala naman na doon si Donghyuck. Sumenyas lang si Jaemin na nagpunta itong restroom at mukhang nagtatampo pa rin daw. Napabuntong-hininga naman siya dahil nakiupo na rin si Chenle sa couch kaya’t iisang space na lang ang naiwan doon.
Donghyuck hates sitting on the floor dahil kahit may carpet ay nirereklamo nga niyang malamig doon. Malamang sa malamang ay mas lalong magtatampo din iyon kay Mark kapag siya naman ang naupo sa lapag dahil ginawin nga si Donghyuck at kailangan niya ng shield against the aircon. Makikiusap na sana siya kay Chenle na utang na loob, tumabi, dahil baka patulugin siya sa labas ngayon, pero nakangisi lang ang isa as if he's conjuring something in his mind.
Mark might be slow kapag dinedetect kung anong kinatatampo ni Donghyuck pero he’s quick kapag suyuan. Come on, he’s been doing this for 23 years now, he’s basically an expert. And so, he sits on the remaining space on the couch.
Hindi rin alam ni Donghyuck kung kailan siya nagsimulang ipagtabi ng upuan si Mark. Sabi ng Kuya niyang si Ten, baby pa daw siya noon ay nagmamaktol na siya kapag di siya tinabihan ni Mark. Isang beses nga daw ay kinagat niya ang braso ni Jeno dahil naglalaro sila ni Mark ng kotse-kotsehan at hindi siya kasali.
When Donghyuck tries hard to recall his childhood, may snippets ng memories niya with his friends. Mula sa pinakamaagang memorya niya ay dikit na talaga sila ni Mark. He was 4.
Paborito ni Donghyuck maglaro ng bahay-bahayan. That day, his Mama was generous enough to cook for them and serve them some snacks kaya naman ang skit nila ay family dinner. Naiset-up na ni Donghyuck ang parihabang lamesa. Naglagay siya ng tigdalawang upuang magkaharap. One of the chairs was bigger than the rest and the other was much smaller dahil pinili niya ito for Jisung. Dahil 2 taong gulang pa lang si Jisung noon ay napili nitong umupo sa pinakamalaking upuan kaya agad naman siyang pinagsabihan ni Donghyuck.
“No, Jisung, baby ka pa nga kaya dito ka, oh,” turo ni Donghyuck sa pinakamaliit na upuan. “Ayan, pang-baby yan na chair,” aniya tsaka iginiya si Jisung papunta roon. Kahit maluha-luha na si Jisung at hindi naiintindihan kung bakit siya pinapalipat ni Donghyuck ay lumipat pa rin ito. “Dito kay Min-hyung kasi malaki na siya,” litanya niya. He remembers calling Mark by his Korean name before dahil hirap siyang bigkasin ang ‘Mark’.
Nagkakamot naman ng ulo si Mark na naupo sa pwestong inihanda ni Donghyuck para sa kaniya. Sanay naman na si Mark dahil consistent si Donghyuck. Sadyang naaawa lang siya kay Jisung na bagama’t paiyak na ay nilalantakan na lang ang cupcakes na binake ng Tita Mama niya.
Samantala, nakasimangot naman si Jeno sa gilid, di rin maintindihan kung anong gustong mangyari ni Donghyuck. Hindi kasi siya pinaupo sa dalawang espesyal na upuan. “Bakit ako? Mas malaki naman ako sayo Donghyuck pero ayaw mo ko diyan,” pagmamaktol nito habang nakaturo sa pwesto ni Mark. “Malapit na nga kami magkasing-tangkad ni Kuya Mark!” pagdadahilan pa nito. Tumayo pa ito para ipakita na matangkad na nga siya.
Tumayo na rin si Donghyuck at nakapamewang na tumingin kay Jeno. “Kay Min-hyung nga yan, Jen. Diyan ka, oh,” turo niya sa upuang kaharap ng kay Mark. “Bakit ba ang kulit kulit mo?” tanong nito habang nakalabi.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Jeno, nakakunot ang noo nito at tila nagtatampo. “Sabi mo kanina tabi tayo!” sigaw nito tsaka umirap kay Mark. Tahimik lang din si Mark sa isang banda dahil kontento na siya sa pwesto niya. Sinusubuan na lang niya si Jisung ng pagkain habang kunwari ay hindi nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.
Bumuntong-hininga si Donghyuck nang sobrang lalim, tila pagod na rin sa pag-uusap nila. “Bakit gusto mo ba ikaw yung isang Papa? Di ba nga Kuya ka?” tanong niya kay Jeno nang nakataas ang kilay. Di naman nakasagot ang bata pero paluha na rin ito. “Gusto mo hindi ka na lang sali?” tanong muli ni Donghyuck at bago pa tuluyang umiyak si Jeno ay nag-volunteer na si Mark na magpalit na lang sila ng pwesto ni Donghyuck para kahit hindi tabi ang dalawa ay magkaharap naman sila.
Aayaw pa sana si Donghyuck pero nag-puppy eyes na si Mark. Sabi kasi ni Donghyuck ay may magic daw yon sa kaniya kaya kapag may mga ganitong di sila nagkakaintindihan ay ginagamitan niya ng magic si Donghyuck. “Dali na, ha? Para bati pa rin kayo ni Jen?” pakiusap nito na sinang-ayunan na lang din ni Donghyuck.
Doghyuck was 5 in Kinder. Dali-daling pumasok si Ten sa classroom ng kapatid. Rinig niya mula sa hallway ang iyak ni Donghyuck. Ganito pa naman ang kapatid niya, nahawaan yata ng pagiging drama king niya.
“Ano pong nangyari, Teacher?” tanong ni Ten. Kanina pa daw inaalo ng guro si Donghyuck pero hindi ito tumatahan. Ni hindi na nga yata makapagturo ang guro at nagkwekwentuhan na lang ang ibang mga estudyante dahil nabusy ito sa pagpapatahan.
“Kanina pa kasi umiiyak si Donghyuck, Ten. Gusto niya daw na seatmate si Mark, eh hindi naman pwede,” paliwanag ng guro. Ten just sighed in disbelief. Of course, it’s about Mark. Donghyuck rarely cries at yung mga panahon na as in malala ang tantrums nito ay karamihang dahil kay Mark.
“Tinawagan niyo na po ba si Mama?” tanong niya sa guro. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Donghyuck.
Umiling naman ang guro. “Hindi muna. Baka mapatahan mo pa siya, try mo lang bago natin tawagan,” aniya. Isinaisip siguro nito na baka abala ang mga magulang nila.
Ten crouched down before his brother. Naglabas ito ng panyo at marahang pinunasan ang mga luha sa mukha nito. Mugto na ang mga mata ni Donghyuck at habol-habol na rin niya ang pag-iyak. Naawa naman siya sa kapatid pero wala naman sila magagawa. “Hyuck, tahan ka na,” pang-aalo nito habang hinahaplos ang likod ng kapatid. Ten tried to remember what can brighten up Donghyuck’s mood at wala na talaga siyang maisip. Shuta, di ba pwedeng pabaunan na lang ang kapatid niya ng standee ni Mark para di ito ngumangawa pag wala yung isa? Keeping his calm, he settled for: “Gusto mo ba ibili kita ng ice cream mo?”
Tumango-tango si Donghyuck. “Kuyaaaa,” iyak pa rin nito at kahit minsan ay gusto niyang itapon sa ilog ang kapatid, he felt his heart clench at the moment. Sinusubukan naman nitong tumigil umiyak pero humihikbi-hikbi pa rin. “Si Min-hyung.”
Akmang iiyak muli ito nang hinawakan ni Tenn ang kamay niya at saka pinisil-pisil. “Hyuck, bawal nga dito si Kuya mo Mark. Kasi di ba nauna siyang mag-school? Kaya iba yung teacher niya,” pagpapaliwanag niya rito. Nakikinig naman si Donghyuck sa kaniya kaya tila nadistract ito kaunti sa pag-iyak.
“Bakit di kami pareho?” tanong ni Donghyuck, malungkot ang boses. Napabuntong-hininga si Ten.
“Kasi nga Kuya siya kaya iba na siya ng grade. Tapos na niya yung lessons niya dito. Kapag pumunta siya dito, baka magalit sa kaniya yung teacher. Gusto mo ba siya mapagalitan ng Teacher?” tanong niya na agad namang ikinailing ni Donghyuck. Good, they’re making progress. Di pa naman ganon katanda si Ten, Grade 4 lang din siya, pero bilang nakatatandang kapatid ni Donghyuck, trained na siya sa gantong situations.
“Sino katabi niya?” tanong muli ni Donghyuck. Sumagot naman si Ten na hindi niya kilala kung sinong katabi ni Mark pero baka mga bata lang din na kaedaran nito at kakilala ni Donghyuck.
“Tabi na lang ulit kayo kapag recess, ha? Tapos share kayo ng baon. Ngayon, si Jaemin muna katabi mo. Di ba kilala mo naman si Jaemin? Siya yung lagi niyong kalaro ni Jeno sa McDo.”
They spent their elementary years like that. With Mark standing outside Donghyuck’s classroom, waiting for the younger to come out with his friends. Alam na rin naman ng mga kaibigan ni Donghyuck na kapag nahuhuli si Mark lumabas tuwing recess, yung upuang inireserba ni Donghyuck sa tabi niya ay para sa nakatatanda. This knowledge has been passed down to the next additions to their group kaya naman alam na din nila. At sa mga araw na hindi nakakasabay si Mark sa kanila, lalo na noong mas bata pa ito at minsan ay nawiwili makipaglaro sa ibang kaedaran, uuwi si Donghyuck to ask: “Mama, bakit mo kasi ako pinanganak ng 2000? Dapat 1999 na lang din!”
Donghyuck was 11 when they changed their routine.
Recess na rin pero bakante pa rin ang upuan sa tabi ni Donghyuck. Kanina pa rin siya nakatitig doon at animo’y may nagawang kasalanan sa kaniya ang upuan.
“The chair did nothing wrong, Hyuck. Makairap ka naman diyan,” paninita ni Renjun. Lumaki na ang friend group nila. Given naman na si Jeno at Jisung, pati si Jaemin na seatmate na niya since Kinder. Si Renjun ay kaibigan ni Jaemin na naging kaibigan na din nila. Si Chenle naman ay friend din ni Jisung.
Panasamantalang tumigil ng pagkain si Jeno. “Nasaan ba si Kuya Mark?” tanong nito na nagpabuntong-hininga kay Donghyuck. “Ayon, katabi yung high school friends niya kasi nga high school na daw siya and he’s so mature now.”
Hindi naman siya nagtatampo, lalong hindi siya galit. Naiinis lang siya kasi pwede namang magsabi si Mark na hindi siya ulit sasabay sa kanila magrecess. Sayang naman yung binaon niyang extrang watermelon kasi favorite nga yon ni Mark. Syempre nagbaon rin naman siya for his other friends but Mark has his own container of watermelon. Eh kung ipakain na lang kaya niya yung watermelon sa kambing ni Uncle Jun na utility personnel ng school nila?
Napatingin siya sa entrance ng canteen nang marinig niya ang malakas na pag-uusap. Friend group din naman yon ng Kuya niya at ngayon ay nadagdag na si Mark pero napatikhim pa rin siya. “Kala mo naman kinacool niya yan. Mukha pa rin naman siyang elementary. Tapos di pa siya marunong magsintas.”
Napahagikhik si Jisung sa gilid samantalang napalakas naman ang tawa ni Jaemin kaya’t napatingin sa kanila ang grupo ni Mark. Mark noticed the unopened container of watermelon in front of Donghyuck and he looked at him apologetically. Umikot lamang ang mata ni Donghyuck at binuksan ang container to offer some more to Renjun.
Mark was 13 at finally, high school na rin si Donghyuck. Nagsusungit pa rin ito minsan dala ng di na nga nakasabay si Mark kumain sa kanila dahil mas mabigat na ang requirements sa high school at kahit recess ay ginagamit nila bilang oras pangreview. Pinaliwanag naman niya yon kay Donghyuck at naintindihan naman ng nakababata kinalaunan but he made him promise na he’ll still find time to sit with them from time to time. Kaya siguro Donghyuck always kept the space next to him empty.
Mark was 13, Donghyuck was 12.
"Pinapatanong ni Kuya Jaehyun kung gusto niyo raw ba makishare ng table sa amin kasi may space pa naman,” maingat na tanong ni Mark. Napatikom ang bibig niya nang magtaas ng kilay si Donghyuck.
“So pwede na kami makijoin ngayon since high school na rin kami pero noong elementary bawal? Kala mo naman anlaki ng itinanda namin. Tapos kala mo naman hindi iisa yung canteen. Si Jisung nga, kasabay pa rin naming kumain hanggang ngayon,” dire-diretsong sabi nito. Natatawa na si Mark sa loob loob niya ngunit pinilit niyang pinigil dahil 1-year worth of pagtatampo yata ito ni Donghyuck at baka sipain siya nito pag tumawa siya.
Instead of laughing, he just went with his most effective way of convincing Donghyuck. “Dali na? Mababait naman sila,” aniya habang nagpapaawa.
The next day, he found Haechan on their table. Kaso, nang dumating si Mark ay nakaupo na si Jaehyun sa tabi ni Donghyuck. Busangot tuloy ang mukha niya nang marating niya ang mesa nilang magkakaibigan na ngayon ay napuno na dahil sa mga barkada ni Donghyuck. Salubong ang kilay ni Mark at nilalaro lang ang kaniyang pagkain. Inisip niya tuloy kung dahil ba hindi siya sumabay kina Donghyuck kumain last year ay narevoke na din yung privilege niya to sit beside Donghyuck.
Mabuti nang pauwi ay sabay na silang naglakad.
“Mabait nga sila,” ani Donghyuck, pinapatungkulan ang barkada ng Kuya niya at barkada ni Mark, pero wala namang imik si Mark. “Tapos di ba sabi ni Mama share tayo ng baon kaso nauna namang umupo si Kuya Jae sa upuan mo eh nahiya na ko magsabi kasi nakikiupo lang kami. Tapos parang wala ka namang gana kumain, eh di binigay ko na lang kay Kuya Winwin. Ang cute cute pala non, no? Buti na lang dito rin siya magsesenior high, eh di makakasabay pa natin siya nang matagal.” Donghyuck rambled more about Mark’s friends. Na kesyo ang pogi pogi daw ni Kuya Taeyong at feeling niya magiging kaclose niya agad si Doyoung. Mark remained silent. Sumasagot lang siya para sabihin gagraduate naman na this year si Taeyong.
Donghyuck was chuckling by the time they reached their home. Panay ang sundot nito sa tagiliran ni Mark na hindi na siya pinapansin mula kaninang nagsimula siya sa pagdadaldal tungkol kay Jaehyun at sa mga dimples nito. “Bura bura ka pa kasi ng blackboard tas magtatampo ka ngayon. Bilisan mo kasi lumabas ng classroom next time. Pagbabaon na kita ng luto ko kasi tinuruan na ko ni Mama,” aniya bago magpaalam at pumasok ng bahay.
At 17, Donghyuck felt like he was reliving that time when he was in Grade 6 and Mark in Grade 7. Mas malayo na nga lang ang distansya sa pagitan nila at malamang sa malamang ay halos mawawalan na sila ng oras.
Halata ng lahat ang lungkot ni Donghyuck kaya ni wala nang umulit na magbanggit ng pag-alis ni Mark. It was 9 PM, isang oras na lang at bibiyahe na pa-Maynila si Mark. Donghyuck was contemplating kung pupuntahan niya ba ito para magpaalam o dito na lang siya sa kwarto niya kaysa mag-iiyak pa siya doon.
Nagtalukbong siya agad ng kumot nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya at narinig niya ang pagpihit ng doorknob. Naramdaman niya ang paglundo ng kama niya at ang pagtapik sa kaniyang braso.
“I know you’re awake, Hyuck. Di mo man lang ako titignan bago ako umalis? Baka sa December na ko makabalik ulit,” saad ni Mark, may kaunting tampo din sa boses. Donghyuck was trying hard not to look at Mark kasi nga ayaw niyang umiyak. Alam naman niyang pag umiyak siya ay natitrigger din ang isa. “Sige, pag di ka nagbabye sa akin, sa campus na yung next na pagkikita natin,” pagbabanta nito kaya naman napabalikwas si Donghyuck para pagpapaluin siya.
“Subukan mo,” banta rin nito pero umiiyak na. Gets naman niya na kailangan talaga umalis at magstay ni Mark sa malayo for college dahil nakakapagod nga naman mag-uwian weekly. Pero it doesn’t change the fact na mahihiwalay sila for a long time and it saddens him.
Yakap siya ni Mark habang inaalo. Hinahaplos nito ang likuran ni Donghyuck habang humahalik sa buhok niya. “Bilisan mo grumaduate. Para sabay na ulit tayo pumasok,” aniya na tinanguan naman ni Donghyuck.
Donghyuck was 18. Nakatanggap siya ng text message mula sa Kuya niya. Nagrereklamo ito dahil napakadamot daw ni Mark sa kanila. “Pagsabihan mo nga si Mark. Napakadamot. Pinagkakasya ba naman kaming tatlo ni Jaehyun at Johnny sa backseat? Lawak lawak ng shotgun pero sabi niya off limits daw,” pagsusumbong ni Ten minsan nang tumawag ito sa kaniya.
Tumatak iyon sa isip ni Donghyuck kaya nang bibiyahe sila ni Mark pa-Maynila para sa simula ng semester ay sa likod siya ng sasakyan dumiretso.
Si Mark naman na nag-aabang sa kaniya sa loob ng sasakyan ay nagtatakang tinignan siya. Nakaturo ito sa passenger seat na nagets naman ni Donghyuck. “Sabi ni Kuya, off limits daw? Pinagkakasya mo nga daw silang tatlo ni Kuya Johnny at Kuya Jae dito sa likod eh,” pag-alala ni Donghyuck na ikinatawa naman ni Mark.
Napailing-iling ito at tila may alam na hindi alam ni Donghyuck. “Joke lang yon, lika dito,” aniya tsaka tinapik-tapik ang upuan at pinagbuksan pa si Donghyuck.
Pagbalik ni Donghyuck sa sala ay wala na nga siyang maupuan. Nagdadalawang-isip siya kung palalayasin niya ba si Chenle o uupo na lang siya sa carpet. Nang ilipat niya ang tingin kay Mark ay nakatitig din ito sa kaniya, tila nangungusap. Sinamaan naman niya ito ng tingin saka akmang uupo na siya sa carpet nang pigilan siya ni Mark.
Tinapik naman nito ang mga hita na ikinataas ng kilay ni Donghyuck. Naiwan lang siyang nakatayo doon, nakatitig sa hita ni Mark, at iniisip kung uupo ba siya o hindi. Ramdam niya na nakatingin na rin sa kaniya ang ilang kaibigan ngunit di niya binalingan ang mga ito dahil alam niyang mang-aasar lamang sila.
He heaved a defeated sigh at kumandong na lang kay Mark. Pansin niya ang pigil na ngiti ng binata at ang marahang pag-ubo nito. Naririnig na ni Donghyuck ang boses ni Renjun sa kaniyang ulo na sinisigawan siya ng “Gago, ang rupok mo!”
He settles on Mark’s lap with the latter’s help. Hawak nito ang balakang niya upang maigiya siya sa maayos na pwesto. Once they’re settled, Mark’s hands find their way to his. Naging habit na siguro ni Mark na paglaruan ang mga kamay ni Donghyuck. Marahan ang haplos nito, alternating between the crook of his pinky and his ring finger, lingering there.
Hindi sigurado si Donghyuck kung kailan siya nagpalit ng pwesto ngunit nang magkamalay siya ay tapos na ang pangalawang pelikulang pinapanood nila. His back is pressed against Mark’s chest, their hands are intertwined and their arms wrapped around Donghyuck’s middle. Lilingunin niya sana ang kasama but Mark’s face is comfortably nestled on his shoulder. Sa tingin niya ay tulog na ito.
Their friends file slowly to the guest rooms, leaving Mark and Donghyuck alone sa sala. Narinig ni Donghyuck ang malalim na hininga ni Mark bago sila muli binalot ng katahimikan. Napayuko na lang muli si Donghyuck nang maalala ang sinabi ni Mark kanina na ikinatampo niya.
“Sorry, I’m late. Buti na lang talaga you’re always saving me a seat. No worries, I swear you’ll have one at my wedding.”
Pigil ang hininga ni Donghyuck. Baka maiyak siya nang tuluyan kapag huminga siya or it might come out shaky at makatunog si Mark. He keeps on repeating the words in his head. So after all these years pala, upuan lang yung ineexpect niya sa kasal ni Mark? Napatawa tuloy si Donghyuck sa loob-loob niya. Sana naman huwag siyang kuning best man.
Bago pa siya magspiral nang malala at mag-overthink kung anong magiging role niya sa kasal ni Mark, tumikhim na ito.
“Lipat ka dito,” anito sa seryosong boses tsaka tinapik ang espasyo sa tabi nila. Napatayo naman si Donghyuck mula si kinauupuang hita tsaka tumingin ng masama kay Mark. Napadiretso tuloy ng upo ang isa.
“Why? Ayaw mo na ko kandungin?” tanong ni Donghyuck. Bakas ang pagtatampo sa mukha nito. Nakapout na naman siya at kung hindi lang nagbabalak si Mark ng seryosong usapan ay malamang kinurot na niya ang pisngi ni Donghyuck. Donghyuck huffed.
Just then, he watches as Mark physically deflates, na kung pwede lang itong dumausdos sa couch ay ginawa na niya. Hirap na hirap itong pigilan ang ngiting nagkukumawala kaya naihaplos na lang niya ang mga kamay sa mukha dahil sa gigil. Donghyuck feels offended by Mark’s reaction and he made sure na it showed on his face. Nagkakakrisis siya dito at lahat lahat pero itong isa, tuwang-tuwa pa?
Napansin naman ni Mark ang reaksyon ni Donghyuck kaya bumalik ulit siya sa pagseseryoso. He cleared his throat and he looked at Donghyuck apologetically. “Mahal, upo ka muna dito, please?” pakiusap ni Mark na lalong ikinaikot ng mata ni Donghyuck.
“Ha,” di makapaniwalang sambit ni Donghyuck. “Mahal? Mahal mahal ka diyan ngayon eh balak mo nga akong gawing audience lang sa kasal mo?” pangongompronta niya. Nakapamewang na naman siya ngayon. Huminga siya ng ilang beses bago naisipang maupo. “Mark, yung totoo, bobo ka ba?” tanong niya. He doesn’t mean to be offensive, he’s genuinely curious. “I don’t think I can get any more obvious. I’ve been inlove with you since, I don’t know, baka since toddler pa ko tapos ang ending ko pala potential best man?”
Napahawak na lang si Donghyuck sa sentido. “Maharot lang ako pero I have feelings? Kala mo makukuha mo ko sa kandong kandong mo? Eh kung pektusan kita?!” iritang sigaw niya. Mark expected this and was just drawing soothing circles on his thigh the whole time at di napansin yon ni Donghyuck kanina kaya nang mapansin niya ay agad niyang tinapik nang malakas ang kamay ni Mark.
Kahit mahapdi ang kamay niya ay hindi naman bumitaw si Mark. “Let me explain first?” pakiusap niya.
“Bitawan mo muna ako. Alam ko na likaw ng bituka mo, eh,” sabi ni Donghyuck kaya ayaw man ay bumitaw na nga si Mark.
Mark took a deep breath before he started speaking. “When I said I’ll save you a seat, I meant the seat beside me,” panimula niya na ikinatigil ni Donghyuck. Tinatry iprocess ng nakababata ang impormasyong yon.
He squints his eyes. “Papalusot ka pa?” tanong nito habang sinusuri si Mark. In his panic, Mark brings out the velvet box from his pocket to show Donghyuck. “No, no. Totoo nga. I’ve been planning a proposal for the longest times and di ko talaga mafigure out yung timing,” he sighed. “That was supposed to be a banat pero it did not come out the way I want it to. Sabi nga ni Chenle baka ako na banatan mo,” he said with a chuckle. “I love you, mahal. Sobrang tagal na din and I don’t think I can be any more obvious, too. I was supposed to say na I’ll save you a seat at our wedding pero well, I didn’t think you’d assume na I was referring to someone else when there’s only been you,” Mark said with sincerity.
“Bobo ka,” Donghyuck said between sobs, but he's also feeling bobo himself. He should've known. They've been attached to the hip since they were really, really young at kung may iba man sana ay naramdaman na niya pero Mark never made him feel that. Di nga siguro vinerbalize ni Mark kung ano man sila, which Donghyuck will admit made him uncertain, pero Mark always made him feel loved. “Di mo pa nga ako jowa.” Mark just laughed at him. Kahit kailan talaga.
“About that, I can wait. I think I can wait longer until you want to marry me. If you want to be magjowa muna, I’d love that, too. I’ve waited for years, Donghyuck, because I respect your parents’ suggestion na if possible, grumaduate ka muna before we make things official. I can wait longer basta I can make you happy.”
“Mahal kita,” Donghyuck said.
“Mahal na mahal kita, Donghyuck,” Mark answered.
Donghyuck crawled to Mark and settled himself on the latter's lap, feeling like he belonged there. He tucked his face on the crook of Mark’s neck and Mark cradled him until he stopped sobbing. When he finally heaved a deep breath, Mark urged him to look at him.
“Akala ko ba di ka makukuha sa kandong kandong?” pang-aasar nito. Donghyuck pouted and hid his face again.
“Shut up. Designated seat ko na to.”
