Work Text:
taeng-tae na si renjun.
ilang beses na nyang pinagmumura si jaemin sa isip nya. nag-aya kasi ito kumain kanina dahil stress sa acads. wala naman s’yang nagawa kasi libre naman ito ng huli, s’ya pa ba tatanggi sa libre? syempre hindi. dahil sa stress eating nila kanina, eto si renjun ngayon, nagpipigil ng tae habang nakapila sa UV express.
putangina naman kasi, bakit ba napakapangit ng transportation dito sa pinas. inis na bulong ni renjun. iniisip n’ya pa lang kung gaano sya katagal pipila, isabay mo pa yung traffic dahil rush hour, gusto n’ya na lang maiyak talaga. pinagpapawisan na s’ya ng malapot, at hindi na s’ya mapakali sa kanyang pwesto. hindi n’ya alam kung uupo ba s’ya o maglalakad, iniipit na n’ya rin yung binti n’ya pero wala talaga, di na n’ya kaya.
okay, renjun hinga ka lang malalim. inhale, exhale ganoin. kalma ka lang. relax!
nagiisip si renjun ng ibang bagay upang mapunta sa iba ang atensyon nya, kasi sabi nga ni isaac newton, mind over matter daw o si albert einstein ba nagsabi nun? hindi alam ni renjun. ang alam n’ya lang pag hindi n’ya pa inabala ang isip n’ya sa ibang bagay, matatae na talaga s’ya, dito sa may pwesto n’ya, sa harap ng madaming tao. at ayaw n’ya mangyari yun, hindi s’ya handa makita ang sarili n’ya sa tv patrol na may headline na isang lalake, nagkalat ng tae sa may mendiola. hindi naman s’ya si valentineboy para magkalat ng tae.
after 1 hour nakasakay na rin si renjun sa UV express. thank, god, he said. pero yun lang pala ang akala n’ya dahil sa aircon ng UV na kung minamalas nga naman si renjun ay nakatutok sa kanya, parang mas lalo ata s’yang na-ta-tae. ilang beses na ata s’ya nagmura sa isip n’ya kasi ang lamig na nga traffic pa! hindi na n’ya talaga kaya gusto na n’ya umiyak pero pinipigilan n’ya ang sarili n’ya. hindi s’ya pinalaki ng sexbomb para sumuko. labang lang, renjun. kaya mo yan! go! go! go!
ng makababa sa UV halos tinakbo na ni renjun ang terminal ng tricycle, at ganon na lang tuwa n’ya nung nakita n’yang isa na lang yung hinihintay sa tricycle at aalis na. habang papalapit sa tricycle nakikita na n’ya yung toilet bowl at yung crush n’ya.
si donghyuck, yung crush na crush n’ya simula highschool. yung nagbebenta ng pandesal sa may kanto nila, na naging suki na s’ya dahil araw-araw s’yang bumibili duon upang masilayan ang pandesal ni donghyuck, na napakasarap lalo na pag sinamahan mo ng kape o pagpinalamanan mo ng hotdog. napahagikgik si renjun sa napsip n’ya.
boss, sasakay ka ba? napatalon naman si renjun sa gulat nung kinausap s’ya ni manong driver, kanina pa kasi pala s’ya nakatayo dun.
ay, opo. sabi ni renjun. dali-dali s’yang pumunta sa may likod ng tricycle upang umupo. ng nakita s’ya ni donghyuck bigla s’ya nitong nginitian.
renjun, ikaw pala ‘yan. upo ka na para maka-alis na si manong. sabi sa kanya ni donghyuck. at wala naman nagawa si renjun kundi ang umupo sa tabi n’ya. gusto sana sabihin ni renjun san ba uupo, sa may binti mo ba? dahil kung kanina yung toilet bowl ang gusto n’yang upuan ngayon si donghyuck na. yung tae n’ya kanina umurong ng dahil kay donghyuck. wala na s’yang ibang maisip kundi kung gaano kabango si donghyuck, kahit ang amoy naman nito ay pinaghalo-halong pawis, usok ng tambutso at harina, pero para kay renjun, mabango si donghyuck.
iniisip ni renjun na sana di na huminto yung tricycle, basta si donghyuck ang kasama nya. feeling n’ya tuloy nasa music video s’ya ni yeng pero imbis na jeep, nasa tricycle sila. kaso, oo nga, wala naman forever dahil maya maya lang nagsabi na si donghyuck ng para at pagkatapos nito bumaba, binigyan n’ya pa ng isang ngiti si renjun bago muli paandarin ni manong yung tricycle. kilig na kilig naman si renjun hanggang bigla s’yang nautot. napatigil s’ya, putangina! bakit parang may kasama yung utot n’ya.
