Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-04-25
Words:
1,230
Chapters:
1/1
Comments:
2
Kudos:
19
Bookmarks:
3
Hits:
245

dito ka na lang (habang buhay)

Summary:

johnny pauses. with tears in his eyes, he took doyoung’s hands and caressed it, “and here we are, ga. we made it this far.”

Notes:

this was originally posted sa privatter but i decided to make a mini series na lang here (para din hindi pakalat-kalat, gets?)

i enjoyed writing this kahit na wala akong balak maikasal in this lifetime lmao anyway, cheers to johnny and doyoung! cheers to more johndo fics!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

minsang inisip ni johnny kung ano ba ang pakiramdam maikasal sa taong pinili mong makasama sa habang-buhay, minsang umasim ang kaniyang mukha sa ideyang maitatali ka sa isang tao at susumpa sa harap ng maraming tao na mamahalin ninyo ang isa’t isa hanggang kamatayan.



siguro nga masyado siyang isip bata para sa mga ganoong usapin, gaya na ng sabi ng pinsan niyng si jaehyun, hindi niya lang magawang maisip na may mga taong gumising na lang isang araw at naisip na pakasalan ang nobyo o nobya nila.



lumaki si johnny sa isang masayang pamilya, puno ng pagmamahal, walang labis, walang kulang. hindi niya naramdaman na parang may kulang sa buhay niya dahil binigay sa kaniya ng parents niya lahat. at kahit na may mga edad na siya, parang bata pa rin ang turing sa kaniya ng magulang niya, lalo na ang mama niya.



lagi siya nitong pinapaalalahanang ingatan ang puso niya at ingatan din ang puso ng iba. his mom likes  to joke around, lagi siyang sinasabihan nito na balang araw ay luluhod din siya sa harap ng isang tao para kuhanin ang kamay nito para magsama habambuhay kahit na ilang ulit na niyang sinabing wala siyang balak magpakasal sa sino man.



he was never fond of weddings, kahit mga kasal ng kaibigan niya sa reception na lang siya madalas dumaan. he never stayed to watch the festivities, he just stopped by to greet the newlyweds and then leave. muntik na nga rin siyang ma-late sa mismong kasal ng pinsan niya kahit na kasali siya sa entourage.



noong una, wala siyang interes sa pag-ibig. sabi niya nga, hindi siya naniniwala rito. noon, naniniwala si johnny na masyadong maikli ang buhay para hanapin ang isang taong gugustuhin mong unang makita bago matulog at huling makita bago ipikit ang mga mata mo. he always thought it was bullshit, the entirety of the idea of love.



but then doyoung kim came.



their first meeting was nothing special. it was pure chaos. bagong lipat si doyoung sa unit katabi niya at pinagkamalan siya nitong magnanakaw. it wasn’t his plan to scare him, he was just being kind dahil nagkalat ang mga boxes ni doyoung sa labas ng unit niya at halos sakupin na nito ang hallway.



doyoung promised to cook something for him as an apology, buti na lang at paboito niya ang beef salpicao. akala ni johnny it was good for one time only, hindi niya naman akalaing gabi-gabi na siyang may matatanggap na dinner from his neighbor next door.



as time pass by, johnny learns that doyoung’s mom is a chef which explains how good his cooking is, namana niya siguro. nalaman niya ring may lalaking kapatid si doyoung, si gongmyung, na mas matanda sa kaniya. Medyo nainggit pa siya nang malaman niya kasi he’s an only child.



johnny also learned that doyoung loves to read and write novels, magaling din siyang mag-volleyball, at mahilig siya sa mga dogs. 



as if nagkaron na sila ng routine dalawa ni doyoung, maaga na siyang umuuwi from work dahil alam niyang may masarap na lutong bahay na pagkain na nag-aabang sa kaniya pag-uwi. madalang na siyang lumabas para uminom dahil nandiyan naman si doyoung sa kabilang unit. hindi na siya mag-isa sa gym dahil lagi nang may doyoung na willing samahan siya. hindi na rin siya tinatamad na magpunta ng supermarket para mamili ng supplies niya sa bahay dahil may doyoung na gumagawa ng listahan at sumasama sa kaniya mamili. kapag nandiyan ang aso niya si doyoung ang kasama niyang maglakad dito sa paligid ng condominium complex nila. 

 

hindi mahilig mag-sine si johnny pero tuwing may gustong bagong labas na movie si doyoung payag agad siyang sumama rito. kapag masama ang pakiramdam niya kay doyoung siya umiinda. kapag may sudden wave of sadness sa puso niya, si doyoung ang nakikinig sa mga kwento niya.

 

doyoung. doyoung. doyoung.



everything’s going well until one night. hindi niya inaasahang bibisita si jaehyun sa kaniya kasama ang asawa nito, si sicheng. nakagawian na nila ni doyoung na sa unit niya na lang mag-dinner kaya dun na rin ‘to nagluluto.

 

nang dumating sila jaehyun naghihiwa siya ng mga rekados para sa lulutuin ni doyoung habang ang binata nag-uunab. 



tahimik silang tatlong kumain sa hapag, walang gustong magsalita. kahit na ang madaldal na si doyoung wala ring imik. hanggang sa magsalita ang pinsan niya, “boyfriend mo?” tandang-tanda niya kung pano siniko ni sicheng ang asawa niya.



halos mabulunan siya sa tanong ni jaehyun, halata ring nagulat si doyoung rito. walang lumabas sa bibig niya, hindi na rin nila napagusapan ulit. natapos ang gabi nang maagang umuwi si doyoung sa unit niya, umuwi sila jaehyun sa bahay niya, at siya na tulala sa kisame, iniisip ang tanong ng pinsan niya sa kaniya.



lumipas ang ilang linggo at napansin niyang madalang nang dumaan si doyoung sa unit niya. hindi niya na rin ‘to nakikita sa gym o nakakasabay sa supermarket para mamili. hindi rin ito sumasagot sa mga tawag at texts niya.



doon lang naramdaman ni johnny ang lungkot, parang may nawala sa kaniyang importante. parang hindi kumpleto ang araw niya kung hindi niya nasisilayan ang matatamis na ngiti ng kapitbahay niyang si doyoung.



doon niya napagtanto na totoo pala, posible pala. sa unang pagkakataon naramdaman ni johnny suh na hindi niya kayang walang doyoung kim sa buhay niya.










“then i asked if pwede ko bang kunin ang kamay niya para maging boyfriend ko,” johnny stops talking as he looks at doyoung, “he said yes.”



nag-hiyawan ang mga tao sa paligid nila. lahat masaya, lahat may mga ngiti sa labi, “niloko pa niya ako noon, sabi niya mukhang sumobra naman daw ang gayumang nilagay niya sa pagkain ko dati kasi seven years later, i asked him to be my husband.”



johnny pauses. with tears in his eyes, he took doyoung’s hands and caressed it, “and here we are, ga . we made it this far.”



tuluyan nang tumulo ang mga luha ni johnny, mabuti na lang at prepared ang asawa niya, may panyo agad na naka-salo sa pisngi niya.



“you told me before na ikaw ang suwerte sa relasyong ‘to, medyo agree naman ako dahil para kang nakapag-uwi ng isang rare pokemon card, para daw siyang naka-score ng isang prerelease raichu card. ang dami kayang gusto akong makuha,” natigilan siya nang hampasin ni doyoung ang braso niya, “pero hindi. kasi ako, ako ‘yung suwerte. sa dami ng tao rito sa mundo, it was me who you gave a chance.”



muling naghiyawan ang mga bisita nila, nakita ni johnny na nakatayo ang mga pinsan. ang papa niya hinihimas ang likod ng mama niyang hindi na mapigil ang iyak, “you made me believe in love. pinaniwala mo ‘kong kaya kong magmahal, na may isang taong nakatakda para sakin, at ikaw ‘yun.”



johnny brings his husband’s hand on his lips and gives it a quick peck, “you were my first and definitely, my last. mahal na mahal kita, ga.”



he ended his speech by giving doyoung a kiss on the forehead, “mahal na mahal din kita,” he heard doyoung say. ibang kilig at saya ang naramdaman niya, malayong-malayo sa naramdaman niya noo. dahil sa wakas, asawa niya na si doyoung.



everyone gave them a round of applause, kitang-kita nila ang mga kaibigan nilang hindi mapakali sa saya, at lalo na ang pamilya nila. niyakap nang madiin ni johnny ang asawa niya, “ngayon at kailanman, ikaw at ako.”