Actions

Work Header

Labyu, Langga

Summary:

Perfect family, cute at bibong mga anak, wala nang ibang hahanapin pa si Mark sa sarili niyang pamilya.

Pero anong mangyayari kung nakalimutan niyang sunduin ang isang anak nila ni Donghyuck sa eskwelahan?

o kung saan kambal ang anak ni Donghyuck at Mark, okay naman, masaya sila, okay na sana pero isang bata lang ang naiuwi ni Mark sa bahay nila.

Notes:

thanks as always to pishbol my number one mahae enabler and to rosy for enabling me with the soft endearments. sobrang lala ng baby fever namin, hanggang ito na nabuo 'to. <3

This is just some cute domestic bliss, domestic fluff fic for everyone (like me) who wants to cope sa mga mabibigat na nangyayari the last few days. Okay lang magpahinga kapag napagod pero huwag na huwag tayo susuko. Sabi nga, simula pa lang ng laban :")

Enjoy this gross fluff and the mahae family feels with their twin baby boys!!! <3 thank you na agad if you'll give this fic a chance.

~

edited: 07/17/2025 - it was last night when i opened ohmahaemy again after god knows how long and found a bunch of dms there. people still remembered me alam niyo yun, i searched my username in twt and saw i missed you kagehinabokeh postings but one of my fave readers have nothing but kind words. di na ako nagsusulat for mahae hell, i don't even wanna do this pero huhu naalala daw niya ako bcs of zild and ivos reunion song last night huhu seriously nakaka-touch lang like how can someone like me and my silly fics that i bullshit most of the time, offer you comfort? T___T it means so much to me. i'll put this out of the pandora's archive box along w kyusi series bcs these are their comfort fics daw.

i had to think it overnight actually ready na ako kagabi kasi it still floors me to be loved. i'll leave this here but pls don't... just don't do anything that will disturb my peace and friends na nag-e-enjoy pa rin sa mahae. :) enjoy the ride i guess and well thank you for being here :> hope you had a good time.

republishing this as a lot of people told me that they found comfort in my fics esp this series. i have no plans for others na.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:


 

"'Gang, ikaw na lang sumundo kay Maiki at Haechi sa school today?" Napahinto si Mark sa pagtipa sa laptop at napapikit nang pisil-pisilin ng asawa ang balikat niya. "Please, 'gang? Alam ko nakapangako ako sa kambal natin kaso biglang kailangan ako sa shop today. May urgent daw sa akin, di ko rin naman puwedeng pabayaan 'yung mga staff ko."

Nanatiling nakasara ang mata ni Mark nang sentido naman niya ang haplusin ni Donghyuck bago halikan ang noo niya. "Gupitan kita sa Sabado. Haba na ng buhok mo."

Ngumiti siya at hinila ang asawa payakap sa kanya. Binaon ni Mark ang mukha sa malambot na tiyan ni Donghyuck bago sininghot ito dahilan para bumungisngis ang lalaki sa kanya. 

"Okay, langga," sagot niya. "May homeroom ba si Maiki at Hae ngayon? 12:30 pa rin ba tapos o mas maaga?"

 

Aminado naman si Mark, mas hands-on si Donghyuck sa mga bata. His husband knows their schedule by heart pero hindi rin naman nagkukulang si Mark na busugin sa pagmamahal ang pamilya niya.

Bigayan naman sila ng asawa. Kapag busy ito sa kanilang maliit na pastry shop ay siya ang nag-aasikaso sa mga bata. Kung si Mark naman ang abala sa writing deadlines niya sa publishing house ay iniintindi iyon ni Donghyuck.

 

Napakaraming nagsasabi na may perpektong pamilya at buhay siya ngunit araw-araw ay nagsusumikap pa rin si Mark na maging mabuting magulang at partner para sa asawa niya. Hindi naman laging rainbows and butterflies ang buhay nila. 

Mayroong di pagkakaintindihan minsan ngunit agad nilang inaayos iyon ni Donghyuck para sa kambal nila.

 

"12:30 pa rin naman. Sure akong nag-PE sila ngayon. Bihisan mo agad pag-uwi, pakainin mo rin ng lunch at huwag mo hayaang matuyuan ng pawis 'yung kambal."

Tumango si Mark bago kumalas sa bisig ni Donghyuck. "Yes, kumander. Aalagaan po ang mga baby natin."

Matamis na ngumiti ang asawa at matunog siyang hinalikan sa labi. "Ikaw rin, bawas-bawasan ang pagsubsob sa trabaho. Ilang araw ka nang late natutulog. 'Di ka ba pwedeng mag-leave muna? I miss you na, kami ng mga bata."

 

Napakamot lang siya sa batok saka muling ngumuso. "Kiss ulit?" At agad namang pinatakan ng malalambing na halik ni Donghyuck ang pisngi at labi niya. "Alam mo naman may deadline 'tong ine-edit na mga libro. Pasensya na, langga ko. Subukan kong di maglaan ng oras. Next week magfa-file na akong VL. Hmm. Uwi ka ng cupcake at ensaymada mamaya?"

"Okay, 'gang ko. May gusto ka pa ba?"

Kumindat si Mark sa asawa bago tumayo at kinintalan ng halik ang noo nito. "Ikaw lang. Uwi ka ng buo sa amin."

Kita niya ang pagpula ng pisngi ng lalaki habang mabilis ang tibok ng puso ni Mark. Pitong taon na silang kasal, mayroon na silang mga kambal pero ganoon pa rin ang pakiramdam niya sa tuwing nakatingin kay Donghyuck. It feels like college all over again.

"Of course, Mark. Ingat sa pagda-drive kapag sinundo ang mga bagets mamaya. I'll try na makauwi agad."

 

Isinara niya ang pinto nang makaalis ang asawa at nagpatuloy si Mark sa paghahabol sa trabaho. Nag-alarm siya para hindi makalimutang sunduin ang kambal nila.

 

~

 

Marami ng mga magulang ang nasa paligid ng school pagdating ni Mark kaya minabuti niyang i-parada ang sasakyan sa parking. Kilala na siya ng guards bilang si Tatay Mark na madalas ay lutang dahil kung anu-anong nalilimot niyang damputin kapag sinusundo ang dalawang bata sa eskwela. Tumbler, baunan, bimpo, name it lahat ay nakakaligtaan niya. Biru-biruan nila ni Donghyuck na baka sa susunod, ang isa sa mga bagets ang maiwan niya.

Nangako naman si Mark na hindi iyon mangyari dahil malamang sa malamang ay malalagot siya kay Donghyuck. Baka hindi na siya sikatan ng araw pa.

 

Agad siyang sinalubong ni Maiki at nagtatakbo patungo sa kanya. "Tatay! Ikaw po sundo ngayon?"

Binuhat niya ang bata at sumaludo sa guard na nasa may gate. Hinalikan niya ang bumbunan ng kanyang panganay. Grade one na ang kambal at bibong-bibo ang mga ito palagi. Matalino at buhay ang isip pagdating sa klase.

"Hello, baby ko. Kumusta ang school today?" Tanong ni Mark habang inaayos ang seatbelt ni Maiki.

"Okay naman po, Tatay! May star po ako kay teacher kasi ako po unang naka-answer ng question kanina."

"Wow very good naman ang love love namin ni Papa. Si Tatay muna sumundo kasi nasa shop si Langga today. Uuwi daw ng cupcake and cookies si Papa Hyuck mamaya."

 

Maingat na nag-drive si Mark habang dinidinig ang pagpalakpak ng anak niya sa passenger seat, malapit lang naman ang school sa bahay nila kaya hindi kailangang magmadali. Pakanta-kanta pa ito habang maya't-maya ibinibida ang mga kwento sa classroom.

Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa apartment, bukas ang pinto at sigurado siyang maaga ring nakabalik si Donghyuck.

 

"Gang, kitchen lang ako," hiyaw ni Donghyuck nang makapasok sila sa bahay. "May supplier lang pala na need kausapin, di rin ako nagtagal sa shop. Nandiyan na ba ang mga baby loves ko?"

"Yes, langga ko," sagot ni Mark habang binibihisan si Maiki. Nilingon niya ang anak na pawis na pawis ngayon. "Asim ng baby na 'yan?"

Humagikgik ang bata nang pulbusan niya ang likod nito at pahirin ang kili-kili. "Parang ikaw lang po, Tatay? Sabi kasi ni Langga sa amin asim ka rin daw. Mana kami sa iyo."

Wala sa sariling napailing at napatawa si Mark dahil nakasanayan na ng mga bata na tawagin si Donghyuck na Langga dahil iyon ang tinatawag ni Mark sa asawa. Minsan si Mark din ay tinatawag na Papa 'Gang at aliw na aliw lang ang puso niya.

 

"Tapos Tatay may contest pala kami pero si Haehae gusto ni Teacher kasi magaling siya mag-drawing!"

"Wow, sinong magaling mag-drawing? Si Haehae ko? Asan na nga si Maiki? Pa-kiss nga sa baby love kong 'yan!"

"Papa Langga!" hiyaw ni Maiki at mabilis na nagpakarga kay Donghyuck. Parang hinaplos ang puso ni Mark habang nakikitang pinupuno ng matutunog na halik ng anak nila ang pisngi ni Hyuck.

 

Nang makakalma ay mataman ang titig ni Donghyuck sa kanila. "Saan si Haechi ko?"

 

At parang unti-unting nag-flash ang buhay ni Mark sa mata niya. Kaya pala may kulang, kaya pala sa isip niya kanina ay bakit parang may mali sa sitwasyon. Isang kamay lang ang hawak niya kanina. 

 

Isang bata lang ang maingay at bibo sa sasakyan at walang kambal na nag-aaway.

 

"Saan si Haehae ko?" ulit ni Donghyuck, mas malamig ang tinig nito habang masama ang tingin sa kanya. Tinitigan niya si Maiki na mukhang maiiyak na.

"Papa, si Haehae nasa CR kanina sa school. Nakalimutan na yata ni Tatay kasi ako lang kinuha niya kanina!"

Sinenyasan niya si Maiki na magpunta muna sa kwarto at sumunod naman ang anak sa kanya.

"Mark Lee," nakataas na ang boses nito. "Nasaan 'yung anak ko? Huwag mong sabihing kinalimutan mo si Haehae?"

Nang walang makuhang sagot ay nakita ni Mark ang pagpalit ng emosyon sa mata ng asawa. "Mark, ano bang nakain mo? Akala ko biru-biruan lang natin pero tinotoo mo na?! Sa dami naman ng makakalimutan anak ko pa!"

"Donghyuck naman, anak ko rin 'yon! Hindi ko naman sinasadya," garalgal ang tinig ni Mark. "Aalis na ako."

"Dapat lang!" hiyaw nito. "Dapat kanina pa. Di mo man lang naisip 'yon? Gutom na siguro si Hae, di ba sumagi sa 'yo baka umiiyak 'yung bata?"

"I'm sorry, langga," akmang lalapit si Mark ngunit lumayo ang asawa sa kanya.

 

"Ayaw ko. Iuwi mo 'yung anak ko. Hangga't wala si bunso rito sa bahay, wala kang tatawaging anak," singhal ni Donghyuck. "Lakad na!"

 

Kinuskos ni Mark ang mukha at mabilis na dinampot ang susi. Halos labagin na niya lahat ng traffic violations makarating lang siya pabalik sa eskwelahan ni Haechi. Nayayamot si Mark sa sarili, alam niyang minsan ay lutang siya pero not to this extent.

 

Huminga siya nang malalim, nanlalamig ang mga daliri habang natatanaw si Haehae na kausap ng guard.

"Utoy, wala bang susundo sa iyo? Nandito kanina 'yung Papa mo ha sinundo 'yung kakambal mo."

Nadurog si Mark nang makitang nagpipigil lang ng luha ang anak niya. "B-Baka po busy lang po sina Papa at Tatay. K-Kuya babalikan naman po nila ako, di ba?"

Doon na kumilos si Mark at tinapik si Haechi. Namataan naman siya ng guwardiya at laking pasalamat niya dahil hindi nito pinabayaan ang anak niya. Anong gaan ng loob niya sa halos isang oras na naiwan ang bunso nila sa eskwelahan.

 

"Tatay," singhot nito bago yumakap sa kanya. "Tatay ko."

Hinaplos ni Mark ang pawisang noo ni Haehae at humalik doon. "Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan o napano?"

Ngumuso ang bata sa kanya at halos mawasak si Mark dahil kamukhang-kamukha ng bunso nila si Donghyuck sa tuwing nakalabi ito. Maganda rin ang mata sa tuwing lumuluha.

 

"Kamukha mo si langga," naiiyak na bulong ni Mark. "Sorry, baby love. Tatay is sorry na si Maiki lang nasundo ko kanina. Pasensya ka na bunso."

Nakakatawa marahil ang sitwasyon para sa iba dahil sa sobrang kasabawan niya ngunit hinding-hindi mapapatawad ni Mark ang sarili kung may nangyaring masama sa bata. Naiintindihan niya kung magtatampo at magagalit ito sa kanya, valid din ang yamot ng asawa dahil sa totoo lang ay at fault siya rito.

Tumango si Haechi sa kanya bago kinusot ang mata. "Akala ko hindi mo na po ako love, Tatay. A-Akala ko iiwan niyo na po ako sa school. Nagwiwi lang po ako kanina tapos wala na kayo ni Maiki."

Napahikbi na siya at niyakap ang anak. Paulit-ulit siyang nag-sorry rito dahil kailanman ay mahal na mahal niya ang bata.

"Bunso, love na love ka ni Tatay. Hindi ko magagawang iwanan kayo ni Maiki. Sorry, Haehae ko. Hinding-hindi na mauulit. Okay? Will you forgive Tatay?"

 

Ngumiti ang bunso nila at pinahid ang luha ni Mark. "Love ko rin po ikaw Tatay, huwag ka na po cry. Uwi na po tayo. Miss ko na po si Papa."

Kung pwede lang niyang ibigay ang lahat sa anak at asawa ay gagawin niya. Maaaring magdulot ito ng di kaaya-ayang pakiramdam sa bata pero babawi si Mark sa anak niya.

"Tatay, huwag na ikaw sad ha? Okay lang po ako. Gugutom lang po AKO, huwag na po tayo cry kasi baka mag-worry si Langga and Maiki."

Tumango si Mark at niyakap ang anak niya bago nagmaneho pauwi. Dumaan pa sila saglit sa convenience store para bumili ng ice cream panuyo sa mainit na ulo niyang asawa.

 

Nang maiparada ni Mark ang sasakyan sa garahe ay agad ding lumabas si Donghyuck at kinarga si Haehae.

"Bunso baby love ko, okay ka lang ba?" 

Dinig ni Mark ang hagikgik ni Haechi habang yakap-yakap ito ng kanyang asawa. Nakisali na rin si Maiki at gumaan na ang puso niya sa kabila ng takot at guilt na nadarama.

 

"Langga," tawag ni Haehae kay Hyuck. "Tatay and I bought ice cream. Galit po ikaw kay Tatay? Nag-cry po siya kanina sa car. You didn't kiss him pagdating namin."

'Yon ang nadinig ni Mark habang abala siyang magsandok ng ulam at kanin para sabay-sabay silang makapagtanghalian.

Bata pa lamang ay maunawain na ang mga anak kaya mas lalong masakit sa dibdib ang pangyayaring ito sa kanila.

 

Inilapag niya ang bandehado sa lamesa at naupo sa tapat ni Donghyuck habang kakaba-kaba pa rin ang pakiramdam.

"Bakit nandiyan ka? Lumalayo ka ba?" masungit nitong tanong. "Dito ka sa tabi ko. Sagutin mo si bunso."

Sinubukang hawakan ni Mark ang kamay ni Donghyuck at hindi naman ito pumalag. Bagkus ay pinarating sa marahang haplos na hindi na ito galit sa kanya.

 

"Hae, Maiki," tawag niya sa dalawang bata. "May nagawa kasi si Tatay. Naiwan ka kasi kanina and Langga is really worried. Langga is not mad but Tatay should really work on being a better Dad."

Ngumuso si Maiki. "But Papa Langga still loves Tatay Gang, di ba? Uusap lang po kayo and then kiss? Di naman po kami galit ni Haehae. We know Tatay is really sorry. Tatay is tired and working really hard for us."

Lumunok si Mark at pinigilan ang sarili na mapaluha pero hindi na niya kinaya nang bumaba si Haechi sa upuan at yakapin siya ng maliit nitong mga braso. "And Maiki and I loves Tatay so much. Papa Langga," lambing nito kay Donghyuck. "Bati na po kayo ni Tatay?"

Ngumiti lang ang lalaki at tumango. "Uusap kami ni Papa Gang after nating mag-lunch. Kaya kain na tayo and matutulog kayo before gumawa ng homework, okay? Haehae, ikwento mo sa amin 'yung drawing contest mo raw."

 

Bibong tumango si Haechi at sabayang nagbida ng mga kwento ang kambal. Mark still feels a little shaken up ngunit kumakalma dahil sa paghilig ng paa at binti ni Donghyuck sa kanya. It's a quiet reassurance that they're good.

 

That everything's fine and they'll be alright.

 

~



Nang makaakyat ang mga bata sa kwarto for their afternoon nap ay sabay na nagligpit si Mark at Donghyuck sa kusina. Pareho silang tahimik, tila nagkakapaan sa isa't isa.

Bihira silang mag-away ni Mark, sabi ng ilan ay boring silang mag-asawa pero wala namang pakialam si Donghyuck sa opinyon ng mga tao sa kanilang pagsasama. Mas gusto niya ang boring dahil mabilis silang makapag-usap, mabilis magkaintindihan. Lahat ay nadadaan sa mabuting usapan pagdating sa kanilang dalawa. 

Hindi nila kailangan ng walang kabuluhang drama dahil ayaw niyang makita ng mga bata ang ganito. He wants their children na lumaki sa isang loving home, 'yung may respeto pa rin ngunit hindi takot na makipag-usap at sabihin ang nararamdaman.

'Yon bang may privacy pa rin ngunit hindi matatakot na ilabas lahat ng saloobin. Ganito ang gusto ni Donghyuck mula pa man noon at dahan-dahan iyong natutupad sa tulong nilang mag-asawa.

Their married life revolves around trust, communication, and compromise. Hindi na  sila pwedeng magbardagulan na parang teenager. Sure mayroong petty fights minsan na kinaaaliwan ng dalawa nilang anak pero ang ganitong seryosong bagay ay kailangang napag-uusapan agad.

Kung mayroon mang natutunan si Donghyuck sa buhay mag-asawa nila, iyon ay huwag ipagpaliban ang mga bagay-bagay. Hindi sila natutulog ni Mark nang di naaayos ang anumang problema. Gaano pa man kapangit ang kahinatnan, they would openly communicate with each other and try to resolve things as much as possible.

Alam ni Donghyuck na pareho silang may hindi maganda ang karanasan sa kani-kanilang pamilya noon. They have extra baggages ngunit pinangako nila sa sarili na hindi sila gagawa ng sariling multo ng nakaraan nila.

 

Hindi sila perpektong magulang, araw-araw ay natututo pa rin sila kung paano sabay na palakihin ang kambal. Donghyuck knows both he and Mark tries their best upang maging matibay na haligi habang nagsisilbing ilaw ang kanilang mga anak.

Wala pa rin siyang imik habang hinila na niya si Mark sa may sofa. Niyakap siya nito sa tagiliran at doon naramdaman ni Donghyuck ang mainit na luha sa bandang leeg niya.

 

"Huwag ka munang tumingin," garalgal ang tinig ni Mark. "Hindi mo alam kung gaano ako katakot kanina. Bukod sa naiwan si Haechi sa school, ramdam ko 'yung galit mo at 'yung takot ni Maiki habang nag-aaway tayo kanina."

"Magso-sorry ako kay Maiki," bulong ni Donghyuck. "Hindi dapat gano'n 'yung nangyari kanina. Sorry, palangga. Hindi dapat kita pinagtaasan ng boses."

They should've dealt with the situation better pero nag-overtake ang kaba at panic ni Donghyuck para sa bunso niya. Wala namang may kasalanan, walang may gusto sa nangyari.

"Valid naman 'yung nangyari kanina. I-I completely understand your outburst." 

 

Doon na iniangat ni Donghyuck ang mukha ni Mark at kita niya ang sakit sa mata nito. Basa ang pisngi sa luha at nadudurog din siya dahil dito.

"Alam kong may mga nasabi akong hindi maganda kanina. I'm just scared, okay? You are none of those things, pangga ko," suyo niya rito. "Gang, anak natin si Maiki at Haehae. And I don't blame you. You're doing good, Mark."

Umiling si Mark at sumandal muli sa kanya. Hinaplos ni Donghyuck ang palad nito, pilit pinakakalma asawa dahil alam niya ang nadarama ng lalaki. Pareho silang natakot sa pagkaiwan ng bunso nila sa eskwela. 

 

"I feel like nagfa-fail ako bilang magulang at partner mo," bungad ni Mark at hinigpitan niya ang kapit sa kamay ng lalaki. "Lalo na ngayon, pakiramdam ko walang tamang nangyayari. Ang dalas kong busy, tapos susunduin ko na nga lang ang mga anak natin, nalimutan ko pa si bunso. Ang dami kong pagkukulang sa inyo, parang kakainin ako ng mga takot ko."

Sasagot na sana si Donghyuck nang tuluyang durugin siya ng mga salitang lumabas sa bibig ni Mark.

"Tama bang desisyon na ako 'yung ginusto mong makasama habambuhay? I kept on doing things wrong, Hyuck. Ang sakit-sakit na ngayon ko lang napapansin 'yon."

Doon na niya tuluyang niyakap ang asawa. Umiyak siya kasama nito habang patuloy niyang tinatahan ang lalaki. Hindi niya gusto na ganito ang nararamdaman ni Mark.

 

"Kailan mo pa nararamdaman 'yan, 'gang? Ngayon mo lang sinabi sa akin. May mga nangyari ba para maisip mo 'yan? Alam mong mahal kita, 'di ba? Hindi ko kailangan ng perpektong asawa o tatay sa anak natin. Gusto ko lang ng Mark Lee na hindi mapapagod at hindi susukuan 'to kasi kahit ano mangyari," hikbi ni Donghyuck. "Ikaw lang gusto kong makasama habambuhay mula pa noon. Hindi kita ipagpapalit. Mahal na mahal kita, nasasabi ko naman sa 'yo di ba?"

"Alam ko naman, Langga," singhot ni Mark. "Siguro nalulunod lang ako sa trabaho, sa kakaisip kung paano ba maging better provider. Gusto kong ibigay sa inyo lahat pero nagkukulang pa rin ako. A-Ayaw ko kayong biguin, I don't want you to regret this life with me."

 

It physically pains Donghyuck to hear this from Mark kaya kinupkop niya ang mukha nito at hinalikan bawat luhang pumapatak sa pisngi ng asawa. Bawat dampi ng labi ay may bulong kung gaano niya ito kamahal, na hindi niya ito kailanman pababayaan.

 

He wants him to feel the magnitude of his love. Na kahit anong mangyari ay hinding-hindi siya magsasawa, hindi mapapagod dahil si Mark at ang pagbuo ng pamilya kasama ito ang pinakatamang desisyon sa buhay niya.

"Hindi kita hahayaang maligaw, Gang ko," malambing niyang bulong at unti-unti ay huminto na ang mga luha't hikbi ni Mark. "Alam kong susubukin pa tayo ng buhay pero tandaan mong magkasama tayo rito. You have me, hindi kita pababayaan. Kayo ng mga bata, I'll reassure you all the time na hindi ako mawawala sa 'yo. I love you so dearly, pangga ko."

 

"Palangga taka, Hyuck ko. Mahal kita, kayo ng mga anak natin."

 

At sa wakas ay sumilay na muli ang maliit na ngiti sa labi ni Mark.

 

"Sarap namang marinig, isa pa nga," tukso niya rito. "Mahal kita, Mark."

"Mahal na mahal kita, Langga," anas ni Mark bago sinakop ang labi niya sa isang malambing na halik.

 

Binuhos nila lahat ng pagmamahal hanggang sa mabura ang anumang takot o duda. Bawat hagod ng labi at daplis ng dila sa isa't isa ay umaapoy ang damdamin nila. Mainit ang balat habang dumadantay ang daliri pababa.

Iniliyad ni Donghyuck ang leeg at napadaing, bumukas-sara ang labi nang bumaba ang halik ni Mark sa panga niya. Lumalangoy ang utak niya, nanlalambot ang tuhod at halos mapakandong na siya sa hita ni Mark gawa ng kasabikan.

Pugto ang hininga nila nang kumalas ang namamagang labi sa halik. Mapula ang mga pisngi at mapungay ang mga mata nila.

 

"Honeymoon na tayo ulit? Sundan na natin 'yung kambal," pilyong sambit niya bago sinipsip ang balat sa pagitan ng panga at leeg ni Mark. Umingit ito at lalong nahilo si Donghyuck. "Sarap naman. Parang kulang lang tayo sa ganito. Gawa tayong baby, pangga ko."

Tumawa si Mark at hinalikan ang mga kamay niya. "Tapusin muna natin 'tong usapan bago mo ako harutin, mahal ko." Kapagkuwan ay sumeryoso na ang lalaki at mataman siyang tinitigan. "Sorry sa lahat ng nangyari ngayong araw. Sana maging mas matiyaga ka pa sa akin. Alam ko namang hindi natin pababayaan na maligaw ang isa't isa." 

Tumango siya kay Mark ngunit nagpatuloy itong magsalita. "I'm thankful for your love sa araw-araw. I love you, langga. Palagi."

"Sorry rin kanina, Mark. Ako nga ang dapat magpasalamat. Alam mo naman kung gaano ako kabugnutin at mainitin ang ulo, madalas napagbubuntunan pa kita. Subukan natin palagi na maging mas mabuting magulang sa mga bata. Huwag tayong bumitaw, okay?"

 

Dahil totoo naman ang sabi nila, may eskwelahang nagtuturo sa mga bata ng mga bagay na kailangan nilang malaman pero walang nagtuturo kung paano maging mabuting magulang. Matututo ka na lang sa bawat araw na lumilipas.

May oras na magkukulang sila at magkakamali ngunit hindi takot si Donghyuck dahil nariyan si Mark para sabay nilang harapin ang walang kasiguraduhan.

 

"Salamat, Hyuck. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin."

 

Ngumiti siya at inaya na si rin si Mark na umidlip muna sila sa kwarto. Masyadong nakakapagod ang mga nangyari at gusto na lang ni Donghyuck na makatabi ang asawa sa kama. 

Inabandona na rin ni Mark ang trabaho at hinayaang tangayin sila ng bawat halik na matagal nilang pinangulilaan. Mainit ang tanghali, maalinsangan ngunit hindi nila 'yon alintana. Nakakulong sila sa mahigpit na bisig at muling nabuo sa yakap ng isa't isa.

 

Hindi sila perpektong pamilya, mas lalong hindi perpektong mag-asawa but they make it work because they always try. Araw-araw, sinusubukang maging mas mabuting tao para sa mga anak nila at para na rin sa kanilang dalawa.

"Mahal ka ng mga bata, gang ko." Hinaplos niya ang noo ni Mark bago paulit-ulit na humalik doon. "Tandaan mo 'yan. Hindi natin maiiwasan ang shortcomings but know na magkasama tayong haharapin ang lahat. We're both doing a good job raising our children."

"Ikaw ba, Hyuck. Mahal mo naman ako, di ba?"

Nakaguso si Mark at hindi na napigilan ni Donghyuck na dumagan sa ibabaw nito at atakehin ng halik ito kahit saang parteng maabot niya.

 

"I love you, langga. Lagi't lagi." Ngumiti ng pilyo si Donghyuck. "Gawa tayong baby?"

"Hyuck, yung mga bata! Hapon pa lang!"

Kinagat niya ang labi at hinubad ang T-Shirt bago iniikot-ikot 'yon at ibinato sa mukha ni Mark habang pigil nila ang mga tawa. 

 

"Sandali lang, Mark ko. Sige na. Gawa na tayo baby?"

Hinila siya ng asawa at binaliktad ang pwesto nila. Nanginig siya nang ngumisi si Mark at hinubad na rin ang suot nito. "Kaya mo ba ng sandali lang?"

Hindi na nakasagot si Donghyuck dahil tinapalan na siya ng halik ni Mark at isang nakakahilong bulong.

 

"Kapag nag-ingay ka titigil ako. Maliwanag?"



Isang tango, kinagat ang labi at saka niya ipinikit ang mata. Patawarin sana sila ng mga anak nila.



 

Bumalik sa normal ang lahat kinabukasan. Tila ba walang kahit anong nangyari at lubhang nakatulong ang usapan pati na rin ang baby making nila ni Mark. Isa pa ay kinausap nila ang mga bata at laking pasasalamat ni Donghyuck na maintindihin ang kambal nila.

 

"Good morning, Papa and Tatay," bati ni Hae at Maiki na kaagad silang dinaganan sa kama.

"Bati na po kayo ni Langga, Tatay?" Tanong ni Haehae kay Mark. 

Ngumiti si Mark at tumango. "Yes po bunsoy, bati na kami ni langga ko."

Pumalakpak si Maiki at humiyaw. "Yehey! Kiss kiss mo si gang, Papa Hyuck. Please, please kiss!"

Puno ng maliliit na hagikgik ang kuwarto nila nang halikan ni Donghyuck ang asawa at sunod naman ay sina Haechi at Maiki.

 

"Anong gusto ng mga baby namin today?" 

"Gusto po namin dito today si Tatay and mag-bake po si Papa ng cookies. Pwede po ba?" Nakangusong tanong ni Maiki at hindi makatatanggi si Donghyuck dahil kamukhang-kamukha ni Mark ang panganay nila at kuhang-kuha rin ang kalambingan nito.

Habang si Haehae naman ay nakuha lahat kay Donghyuck maging pati ang pagiging makulit at pang-aasar nito.

"Okay po, baby love. E ang Haehae bunso ko, anong gusto?"

 

Bumungisngis si Haechi at nakakalokong ngumisi kay Maiki bago sila tinitigan. Nagkatinginan sila ni Mark dahil siguradong puro kalokohan na naman ang gusto ng bunso nila.

"Gusto ko po happy tayo lagi. Can Tatay bring us to the Park today?" 

"Oo naman. Gusto niyo picnic tayo mamaya?" Nakahinga sila nang maluwag ngunit hindi nila napaghandaan ang susunod na sasabihin ni Haechi sa kanila.

 

"Saka gusto na po namin ni Maiki ng bagong baby. Papa and Tatay, baby sister po!"

 

Tumawa si Donghyuck at nilingon si Mark na napapailing. "Palangga, paano ba 'yan? Pareho kami ng gusto ng mga anak natin."

 

"Manang-mana kayo sa Papa Hyuck niyo. Kung magbe-behave kayo at maganda ang grades, sige pag-uusapan namin ni Papa niyo kung magkakabagong baby. Tara na sa dining for breakfast."

"Race you there, Tatay and Papa!"

Nagtatakbo ang mga bata at tinitigan ni Mark si Donghyuck. Kinuskos niya ang kanilang mga ilong at magaang humalik sa labi nito. "Good morning, Langga ko."

"Magandang umaga, Gang. Sarap gumising ng ganito. Pwede bang magbakasyon ka muna, Mark? Miss na miss ka namin ng mga bata. Gupitan din kita today?"

 

At sino ba naman si Mark? He would do everything to make his family happy and frankly, ngayon lang naman siya magle-leave kaya hindi naman siguro masamang magbakasyon kasama ang asawa't anak niya.

"Okay, kahit anong gusto ng Donghyuck ko."

"Ikaw ang gusto ko saka bagong baby. Bibigyan mo ba ako ng bagong baby?"

"Ready na ba tayo ulit, Langga ko? Kaya na ba natin?" Nag-aalalang tanong ni Mark sa asawa. "As long as komportable ka, pwede na nating subukan."

 

Hinawakan ni Donghyuck ang kamay niya at pinisil iyon. "And that's all that matters, Gang. Mahaba pa ang panahon. Huwag ka mag-alala. We can always wait."

 

"I love you, Langga. Tara nasa baba, naghihintay na ang mga bata."

Magkahawak-kamay silang bumaba ni Donghyuck at mabilis na sumabit ang dalawang anak sa binti nila.

"Labyu, langga! Breakfast na po gugutom na kami!" Hiyaw ng dalawa at mainit ang puso ni Mark. Hinding-hindi niya ito ipagpapalit. Gagawin niya ang lahat to keep this stability, warmth, and happiness.

 

Isang ngiti, isang yakap, isang halik mula sa pinakamamahal. 

 

Nilingon siya ni Donghyuck at bumulong.

 

"I love you too, langga."



 

Handa na silang maging mas matatag na haligi ng kanilang tahanan kasama ang dalawang ilaw na gagabay sa hinaharap nila ni Donghyuck. Maraming hindi sigurado ngunit panghahawakan ni Mark ang ligayang hatid ng munti nilang pamilya,

 

 

####








Notes:

Again, cookies to everyone who reached this far 🥺 maraming salamat for giving this fic a chance. sana ay na-enjoy niyo T . T

let me know your thoughts, comments, violent reax for this. it would make me happy <3

promo post if you wanna boost/rt tysm <3

Series this work belongs to: