Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Character:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-05-19
Words:
1,301
Chapters:
1/1
Comments:
2
Kudos:
55
Hits:
100

musta?

Summary:

after more than a decade, nameet mo 'yong kinakapatid mong si chan sa wedding reception ng magulang niya.

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

Wala ka talagang oras para do’n eh. Wala talaga. Not with finals being around the corner and the parttime job you landed starting around the same time. Yet there you were browsing for something to wear at a Landmark as your Mama took her time fitting the stuff she picked out.

“’Nak tignan mo nga ‘to, okay ba?” Mama called from the fitting room.

“Ikaw makakaalam niyan, Ma. Ikaw nagsusuot, eh,” You replied, spotting something that caught your eye.

You grabbed two, one your size and one the next size, before heading to your mom’s fitting room, where she was wearing... Basta hindi bagay. You show her your disapproval by crinkling your nose then you went on your merry way to your own fitting room. You try it on and you knew that was the perfect one for the event.

 

***

 

Months before, sinabi na ni Mama na may pupuntahan kayo sa araw na ‘yon. Ikakasal uli ang Tita Sandra’t Tito Yuno mo para icelebrate ang 25th wedding anniversary nila. Tumanggi ka kasi wala ka namang kilala do’n at ‘di mo naman sure kung pwede magsama ng kaibigan.

Nasa parking lot na kayo ng reception. ‘Di na kayo nakaabot sa mismong kasal dahil sa kupad niyo pareho kumilos ng nanay mo; ‘di pa nakatulong yung traffic. Pagpasok niyo sa venue, nando’n agad si Tita Sandra at Tito Yuno, nagwewelcome ng guests sa entrance, looking absolutely dashing in their gown and tuxedo.

“Mare!” Tita Sandra greeted.

“Oh, mare!” sagot ng nanay mo habang nakikipagbeso sa dalawa.

“Hello po,” sinabi mo habang nagmamano sa tito’t tita mo.

Kinwento ng nanay mo mga pinagdaanan niyo bago kayo makarating sa venue. Namention din ni Tita na ‘yong kinakapatid mo nando’n sa mga pinsan niya pero papapuntahin daw mamaya siya sayo. Nako, Tita, ‘wag na. ‘Di naman kami friends no’n. isip isip mo habang nagpupunta kayo sa assigned table niyo na coincidentally para sa family members mismo nila Tita. Pero dahil nga isa lang naman anak nila, empty ‘yong table.

Habang papunta kayo sa catering, nakita ng nanay mo mga ilang common friends nila ni Tita mo’t sinabi niya na iiwanan ka muna niya sa kinakapatid mo kasi do’n siya makikitable. Parang mali na sumama ako ngayon, isip mo habang nagseserve ka ng lumpiang shanghai.

Tahimik kang kumakain ng buko pandan nang may biglang umupo sa tabi mo. Nakakawhiplash ‘yong presensya niya. There sat Lee Chan in front of you, with the boyish charm he got from his dad and the hint of kindness in his eyes from his mom. Ilang taon na simula huli kayong nagkita kaya wala kang maalala kundi ‘yong itsura niya sa picture niyo nung birthday party mo nung bata pa kayo’t escort mo siya. And there he was in front of you in all his 22? 23? year-old glory, looking pretty matured from the little boy in the photos and looking very pretty with his white long sleeve button-down neatly tucked in black pants, with the sleeves messily shoved up his arms. In short, ang gwapo niya.

You got snapped out of your thoughts when he said your name. Tumingin ka sa kanya.

“Huy,” sabi ni Chan habang nakangisi.

“Uy, hi,” you replied, trying not to sound breathless. Kakaloka naman to.

“Musta?” tanong niya, easygoing lang ‘yong smile pero nakakasikip ng dibdib ‘yong kapogian. Snap out of it, self. Ano na?

“Eto, lunod sa reqs,” Natawa si Chan. “Eh, ikaw? P’ano ka? Siguradong busy kayo sa preparations ng re-wedding.”

“Naging best friend ko ‘yong Google Docs mobile app for the past month and a half,” Napataas ka ng kilay. Month and a half?! “Yeah, month and a half. Gano’n kaseryoso sila Mom about this. Actually, bago kita puntahan may tinapos akong isulat na paper.”

Natawa ka. Galawang ikaw lang eh, pero ikaw habang stuck kayo sa traffic nagbabasa ka ng mga articles na mairereference sa isa sa mga sandamukal na papel na kailangan mong tapusin within the next two weeks.

“Si Tito Raymond kumusta?” Chan asked.

Nagulat kang alam niya pa pangalan ng tatay mo. Samantalang ikaw maaalala mo lang pag sinabi ng nanay mo. In true uliyanin fashion.

“’Yon, busy. As always,” sagot mo.

“Ilang years na sila married ni Tita?” tanong niya, seeming genuinely interested.

“Twenty-seven ata? Oh, yeah, twenty-seven.”

“Ba’t naman walang invitation? Daya neto,” asar ni Chan, ngumingisi.

“Tangek, ‘di naman bongga celebration. Dinner lang sa bahay gano’n. ‘Di naman super big event ‘yon for them,” you said, dismissively waving your hand.

“Ay, ngi, sorry…” napakamot ng batok si Chan. “Broken?”

“Saks lang.”

Napatawa siya ng malakas.

“Ano? Tinanong kita kung broken pamilya mo ta’s sasagot mo ‘saks lang’?”

Patuloy siyang tumawa hanggang halos maluha siya. Natawa ka na rin, ‘di dahil natawa ka sa sarili mong sinabi pero dahil sa tawa niya.

“Ba’t ba, sakto lang, eh.”

Nagtawanan kayo ulit. Tumutugtog Bakit Ngayon Ka Lang ni Ogie Alcasid sa background, nasa kabilang table nanay mo nakikipagtitahan, ando’n ka kaharap ang isang Lee Chan, having the time of your life.

 

***

 

Nagdecide kayong libutin ‘yong venue. Napakalawak, eh. May malaking mansion na may staircase kung gusto ng celebrants mag-grand entrance with matching spotlight and everything, may malawak na grounds para dun sa reception, at may pool pa doon sa bandang likod just in case may lasing na gustong mag-swimming. Kumakain ulit kayo ng third round ng buko pandan nang mapatigil ka sa paglakad. Tinutugtog ba naman nung banda isa sa favourite go-to karaoke songs mo ta’s ‘di ka ininform? Across the venue, the hired band was playing Torete by Moonstar88.

“Uy, okay ka lang? Ba’t ka napatigi—“Tara!” hinila mo si Chan papunta do’n sa dance floor katapat ng banda.

Nang hawak ‘yong isang braso niya’t buko pandan sa kabilang kamay, sumayaw kayo sa pop rendition ng Torete. Inaliw kayo ng banda hanggang sa tumugtog sila ng jazz version ng Stay the Night and finally, regular version ng Yellow ng Coldplay. Wala na ‘yong container ng buko pandan, ‘yong cellphone mo na tanging dala mo nakaupo sa ilalim ng back pocket ni Chan, and all there’s left to do is dance.

He called your name. In that moment, you felt like that was the softest way your name was ever said. Tinignan mo siya at ayon siya naghihintay sa’yo nang may malaking ngiti sa mga labi niya.

“Shall we dance?”

 

***

 

‘Di kayo nagslow dance. Naghawak lang kayo ng mga kamay at nag-imbento ng sayaw na kayong dalawa lang nakakaalam. Pagkatapos nung kanta, may tumapik sa braso mo. Paglingon mo, nakatayo sa gilid nanay mo, si Tita Sandra at Tito Yuno. Napatingin ka sa venue; ‘di niyo man lang namalayan na kaunti na lang pala mga tao.

“Wala kang balak umuwi?” paasar na tanong ni Mama.

“Mauna na raw kayo, tita. Ako na raw maghahatid sa kanya,” sagot ni Chan.

Hinampas mo siya sa braso, natawa sila. “Gaga, hindi. May finals pa tayo.”

“’Di mo na iintayin ‘yong drinks?” tanong ni Chan, ngiti niya mapang-asar na naman.

“Next time na, Chan. Set na lang tayo ng inom.”

“Sige. Good night.”

Nagpaalam ka na sa tito’t tita mo. ‘Di mo alam kung paano ka magpapaalam kay Chan. Bebeso ka rin ba na parang mag-beshiemae kayo? Awkward half-hug? Handshake? Na-cut off na naman ni Chan ‘yong train of thought mo nang hilain ka niya sa mahigpit na yakap. Niyakap mo siya pabalik bago kumawala’t kumaway na lang. Habang naglalakad kayo pabalik ng kotse, ‘di mo mapigilang ngumiti at syempre ‘yong nanay mong echosera tinitignan ka.

“Ano nangyari sa inyo ni Chan?” ‘yong ngiti ng mama mo ‘di nakakatuwa. Parang may masusumbong sa tatay ngayong gabi ah.

“Wala, tara na.”

Needless to say, may nakatulog nang nakangiti nung gabing ‘yon. And surprisingly the next day, nagising ka sa message ni Chan on Facebook.

 

thanks again for last night!! study date tayo today? :)

Notes:

hello friendships!!! i am back with something i have never done before

nainspire ako nung free photocard na binigay sakin ng friend ko (chan your choice other side ver pc) and wala i came up with this headcanon !!! i hope you enjoyed hehehe naenjoy ko to isulat >____<

i wld love to hear from you~ please leave a question or a comment or anything in my retrospring or my dms :D if you wanna hear more from me, here's my priv !!! i accept everybody hehehe let's be friends:D

i also have c0mms open so if you're interested in that, send me a message on twitter!!

always stay safe and hydrated. luv ya !!! see u later ^____^

- kyo