Actions

Work Header

hello (my) love

Summary:

Sunoo always dreamed to have someone like his Papa. Never knew that he would meet him, a couple of times, during Jaeyun's special day.

Notes:

i feel so elated because finally, we have a day (of the month) to celebrate! happy sunjay day!

i'm so happy that we're celebrating this special day (and for all the crumbs that we have received). thank you so much to jay and sunoo for always making us happy!

plus, this fic is for caratgenes (like me and my friends) who knows i'm so down for my seokwoo parents ft. sunshine as their kid agenda. < 3 i'll never get tired of this idea!

#TwentiethDayForSunJay #SunJayDay

enjoy!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

“Dada…” The 6-year-old Sunoo looks up to his father, Seokmin, while sitting on top of his lap as they watch his other father, Wonwoo, who is currently busy cooking some food for them. The father and son can’t help but smile at their sight which makes them both giggle when Wonwoo looks up to them and gives his family a wide smile before continuing to do his chores.

“Yes, my sunshine?” Seokmin looks at Sunoo with his signature eye smile while fixing his son’s fringes.

“I want a boyfriend like Papa…” Sunoo shyly says, almost not being heard, but Seokmin always pays attention to his son’s words as soon as he starts to speak in sentences, which makes him more talkative than he already is. Seokmin laughs at his son’s words before pulling him into a hug. “Hay, lumalaki na nga ang anak ko…”

Wonwoo glances at them, smiling widely once again. “Ano ‘yun, my sunshine?” This time, Wonwoo asks, failing to hear what his son just said. Sunoo feels shy upon saying it once again so he buries his face in his father’s neck. “Gusto daw ng sunshine natin ng boyfriend katulad mo.”  Seokmin says, laughing a little bit while hugging the shy Sunoo.

As soon as he finishes cooking, Wonwoo brings the dish to the dining table before going straight to his family, giving both of them some kisses一Seokmin on his lips and Sunoo on top of his head. He then cups his son’s face, making Sunoo, who is now pouting cutely, look into his eyes. Wonwoo grins widely before gently caressing his son’s face. “You’ll find him one day, my sunshine.”

 

Being the second oldest in the friend group, Sunoo gets teary-eyed upon seeing their oldest friend, who is now about to welcome another milestone in his life. They are currently waiting in Jaeyun’s waiting room as there are only about two hours before he gets married to his long-time boyfriend Sunghoon. Habang nagiging emotional si Sunoo sa kaibigang si Jaeyun na tapos nang mag-ayos at busy sa pakikipagkuwentuhan sa bagong work ni Riki, nakita naman niyang inabutan siya ng box ng tissue ni Jungwon. “Maiyak ka diyan, hindi naman ikaw ‘yung ikakasal.”

“Tanga! Naiiyak nga siya kasi wala siyang jowa para pakasalan!” Hirit ni Riki at nagtawanan naman silang apat. Alam naman nilang hindi totoo ‘yun… medyo. Pero seeing how Jaeyun and Sunghoon established their relationship and now they’re finally up to a new journey, Sunoo’s heart swells in happiness for the two of them. Happiness is not enough to describe what he feels right now and all he wishes for the two is for them to live life with full of love and care for each other.

“Hoy gago, makapagsalita kala mo naman…” Pinandilatan ni Riki si Sunoo bago ito magsalita na siyang pinigilan naman ng sarili habang si Jaeyun ay natatawa sa gilid at ang walang kamuang-muang na si Jungwon ay nagtataka sa pinag-uusapan. “Huy, ano ‘yun? Ano meron?” Bulong kay Jaeyun at napailing na lang ito. “Tanong mo si Riki siguro.”

Makaraan ang tatlumpung minuto, may kumatok na mula sa kwarto at sinabing mag-ayos na sila dahil malapit nang magsimula ang seremonya. Agad namang naghagikgikan ang magkakaibigan nang tignan nilang muli si Jaeyun na kinakabahan at sobrang excited. Napapangiti na lang si Sunoo sa matalik na kaibigan dahil sa tinagal-tagal niya itong kilala, alam na ang araw na ito ay isa sa mga araw na tiyak hinding hindi nila malilimutan. Kaya naman napapaisip si Sunoo kung kailan kaya siguro, para sa kanya… Pero isinantabi niya muna ito at nagfocus siya sa espesyal na araw ng mga kaibigan niya.

 

Nagsimula na ang seremonya ng kasal nina Jaeyun at Sunghoon. Nakalakad na si Sunghoon na naghihintay sa dulo ng aisle habang naghihintay sila sa kabilang dulo dahil mauuna muna sila bago si Jaeyun na pinakahuling maglalakad kasama ang mga magulang nito, sina Tito Mingyu at Tito Joshua. Nang makalakad na ang ibang parte ng entourage, sumunod na rin sina Riki, Jungwon, at Sunoo. Kitang kita nila na mangiyak-ngiyak si Sunghoon habang ang dalawang kasama nito ay natatawang tinatapik sa likod ang kaibigan. Natawa naman si Sunoo rito. Alam niya, mga kaibigan ni Sunghoon iyon which is si Heeseung na nameet na din niya for a couple of times pero bagong mukha ‘yung nasa isang tabi. Hindi sure si Sunoo if ‘yan ba ‘yung pinsan ni Sunghoon na galing abroad, pero may nabanggit ngang ganun. Hindi naman sa curious siya一 okay, medyo. Medyo lang naman.

Lagpas kalagitnaan na ang kasal at ngayon ay nagpapalitan ng vows sina Jaeyun at Sunghoon. Iyak tawa ang lahat ng bisita, kahit silang nagpapakasal. Iyak sa saya dahil kay Jaeyun, at walang sawang tawa dahil kay Sunghoon. Alam naman kasi nilang medyo pilyo itong si Sunghoon at isa ‘yun sa mga kinagiliwan ni Jaeyun sa mapapangasawa, ang sense of humor nito.

 

“For 10 years… we were friends for three and lovers for seven. I always ask for someone to God… to my Dads… and I feel so elated to know that I’ll be spending the rest of my life with you, akin. You’re my soulmate, you have memorized me without any cheat code. You have given me the greatest smiles that I could ever have and I will always give that to you, you know that. I will always love you for who you are even though you’re so naughty at times. I’ll never get tired of reminding you how much I love you, just like I always do. I am so grateful for you and I’ll never trade you for anything. Even with your collection of shoes or some toys, I love you and will continue to love you even more. I love you, akin, forever and always.”

 

“Dahil sa’yo’y naramdaman… ang tunay na pagmamahal… iibigin kita kahit sino pa man… Ikaw na nga ang hinahanap ng puso. Ang siyang nagbibigay ng saya, ng tamis at lambing sa buhay ko, woooh. Grabe, ang galing talaga ni Kuya Will sa kanyang WOW! Words of wisdom. Pero totoo ‘yan, akin. Sobrang saya ko dahil natitiis mo ako at ang kakulitan ko. Sobra sobra na nga ‘yung sukli mong mga ngiti para sa akin kaya hinding hindi ako magsasawa na mahalin ka. Akala ko, habang buhay na akong torpe pero salamat siguro na nalasing ako一Sorry po, Father! Pero dahil din doon, umamin ako… akala ko kasi, ako lang ‘yung hulog na hulog. Buti na lang, nahulog ka din! At ngayon, mas mahuhulog ka pa sa pagmamahal ko kasi hinding hindi ako magsasawang ipakita at ipadama sa iyo ‘yun, akin. Mahal na mahal kita, aking asawa. Finally, masasabi ko na rin siya. Mahal na mahal kita at mas mamahalin pa kita sa mga darating na taon, aking asawa.”

 

Namumugto na ang mga mata nina Sunoo habang nakikinig sa wedding vows ng mga kaibigan pero natawa siya sa paghagulgol ni Jungwon sa tabi niya kaya naman nataranta siya nang bahagya dahil masisira ang make up nito. “Hoy, kalmahan mo lang sa pag-iyak!” Mahinang suway ni Sunoo habang hindi siya mapakali kakahanap kung saan ba ang tissue sa bag nito. Napansin niya namang may nag-aabot ng tissue mula sa kabilang upuan kaya kinuha na niya ito at nagpasalamat nang hindi man lang nakita kung sino ito. Basta ang mahalaga, nagthank you. Natatawa naman siyang binibigyan si Jungwon ng tissue habang pinupunasan nito ang mga luha sa mukha. “Hulas na ‘yung make up mo, tama na iyak!” 

Kilig na kilig ang lahat nang magpalitan na ng singsing sina Jaeyun at Sunghoon. “By the love that has brought you here today and by the vows you have pledged, it is a great honor to now pronounce you partners for life. Let us now welcome, the newly married, Jaeyun Sim and Sunghoon Park! You may now begin the adventure of marriage with a kiss.” Natapos ang seremonya sa paglapat ng labi nila sa isa’t isa na siya namang umani ng hiyawan at palakpakan. 

Pagkatapos ng kasal, agad silang tumungo sa reception para icelebrate ito. Natapos na ang saluhan ng pagkain at ngayon naman ay kakatapos lang sumayaw ng mag-asawang Jaeyun at Sunghoon kasama ang mga magulang nila. Tila nga may grooves ang magulang ni Sunghoon na si Tito Soonyoung at hiyang hiya naman si Tito Minghao sa gilid kahit na napapasayaw rin kahit papano. Sumasabay rin naman sina Tito Mingyu at Tito Joshua kahit na natatawang nahihiya rin ang dalawa.

 

Nagkakasiyahan naman ang lahat nang iannounce ng mga hosts na sina Dongpyo at Taehyun na magkakaroon ng laro. “Alam mo ba ‘yung lalaruin natin tonight, partner?” Panimula ni Dongpyo. “‘Yun ba ‘yung may nilalagay sa hita?” Inosenteng tanong ni Taehyun. “Gagi ka, partner! Straight ka ba? Pang straight lang ‘yon!” Natawa naman silang lahat sa komento ni Dongpyo. “Oh eto nga, ito ‘yung isa sa mga paboritong laro daw ng isa sa mga grooms na si Pareng Sunghoon.” Natawa naman si Jaeyun dahil alam na niya kung ano ito. “I just want to ask everyone…” Napailing si Sunghoon sa kalokohan ni Taehyun. “...kung game na ba kayo sa Trip to Jerusalem?!” Naghiyawan naman ang lahat habang nagtuturuan kung sino ang mga sasali, at isa na roon si Sunoo. Nahihiya nga ito pero hindi naman niya matanggihan si Jaeyun kaya sumali na siya.

Takang taka si Sunoo kung paano siya umabot sa final 3. Oo, medyo competitive siya sa mga laro pero grabe, hindi naman niya inasahan na isa siya sa mga mahuhuli. Medyo gusto na tuloy niya manalo, kaso habang tinitignan si Riki na larong laro pa, mukhang hindi naman ito magpapatalo. Napatingin naman siya kay Jong? Jeng? Jay? Hindi siya sigurado kung ano nga ba pangalan nito, pano iba-iba ang tawan nina Jaeyun at Sunghoon, pati na si Heeseung sa kanya. Kaya hindi niya rin naman alam kung paano ito i-aaddress.

So ngayon, kita niyang natatawa rin ito kay Riki kasi laban na laban nga habang sina Dongpyo at Taehyun ay nag-iisip naman ng pakulo dahil nga tatlo nalang silang natitira. Nang tanggalin ni Taehyun ang pangatlong upuan, pinaglayo naman ni Dongpyo ang dalawa. Nilagay niya isa malapit sa may litrato ng mag-asawa sa gilid habang inusod ni Taehyun ang isa sa kabilang dulo. Magkalayo ang mga upuan at ininstruct silang manatili sa gitna. “Oh, ganito. Para mas may thrill, kung sino ang pinaka-unang makaupo, siya ang mananalo. Kahit alin sa upuan basta kung ikaw ang maunang makakaupo, panalo na agad. G ba tayo doon?” Sabi naman ni Dongpyo. 

Natawa na lang si Sunoo sa pakulo ng mga ito at halata namang walang naririnig si Riki dahil ang atensyon nito ay wala sa kanila kundi ang pagkapanalo niya. Kaya naman, nagsimula ulit magpatugtog ng kanta ang DJ at sumayaw silang tatlo habang umiikot sa may gitna. “Stop!” Huminto ang kanta nang sabihin iyon ni Taehyun. Dali daling dumiretso si Riki sa upuan sa may bandang kanan.

Si Sunoo naman ay napatakbo papunta sa kaliwa habang natatawa. Napapapikit pa nga ito sa saya. Ngunit ang hindi niya napansin na dito rin napagdesisyunan ni Jongseong na dito rin gumawi. Naghihiyawan naman ang lahat na tuwang tuwa sa dami ng nangyayari. Sobrang saya ni Riki dahil obviously, nanalo siya sa laro dahil nauna siyang nakaupo. Pero parang mas tuwang tuwa ang mga bisita na nakatuon sa kabilang dako.

 

Laking gulat na lang ni Sunoo na medyo kakaiba ata ang naupuan niya. Hindi naman ganito ‘yung upuan, pinalitan ba nila… Huh?! Napadilat si Sunoo dahil pansin na rin niyang may pares ng brasong nakahawak sa mga bewang niya, na pinipigilan siyang matumba, at rinig na rinig niya ang hiyawan ng mga tao. Nilingon niya ang likod at kitang kita niya ang malawak na ngiti ni Jongseong habang nakasuporta pa rin sa kanya. 

“Parang may new couple po tonight, mga kaibigan!” Komento ni Dongpyo kaya naman napatayo si Sunoo at hiyang hiya na nag-ayos ng damit habang si Jongseong naman ay hindi maalis ang tingin at ngiti sa kanya. Umani naman ito ng mga tukso mula sa mga kaibigan, lalo na mula kina Jaeyun at Sunghoon na aliw na aliw sa matalik na kaibigan at pinsan. Ramdam ni Sunoo na namumula ang kanyang mga pisngi at mahinang nagsorry ito kay Jongseong. Natawa naman si Jongseong at hindi na rin niya nakuha ang sinabi nito sa ingay ng mga tao. Putang ina, nakakahiya!

Natapos na ang laro at bumalik sa pagsasayawan ang mga bisita at ayun, nakaupo pa rin si Sunoo sa may table nila. Halos nakakatatlong baso na ng tubig kasi hindi pa rin maalis sa kanya ang kahihiyan sa nangyari kanina. Naramdaman niya naman ang kamay sa balikat niya kaya napatingala siya at nakitang si Jaeyun ito, kasama ang asawang si Sunghoon. 

“Bffie, congratulations ulit ha. Best wishes sa inyong dalawa!” Niyakap ni Sunoo si Jaeyun habang tinapik naman niya ang balikat ni Sunghoon. “Thank you, bffie. Enjoy ka naman ba? Yieee, ikaw ha.” Biro ni Jaeyun kaya naman agad siyang pinalo nang mahina ni Sunoo sa braso. “Gago! ‘Yang host niyo, sige pa sa kantiyaw eh!” Natawa naman ang mag-asawa sa apela ni Sunoo.

“Oh, by the way, Sunoo. I’d like you to meet someone.” Bigkas ni Sunghoon habang humiwalay na sa pagkakayakap sina Sunoo at Jaeyun sa isa’t isa. Halos lamunin na naman ng hiya si Sunoo nang makita niyang papalapit si kuyang pogi na kinandungan niya kanina. Lord, ilang beses pa po ba kami magmimeet? Toka na po ako, sobra sobra pa! Iyak ni Sunoo sa isipan niya ngunit hindi na lang niya ito ipinahalata dahil sobra-sobra naman kung dadagdagan pa niya ang kahihiyang ginawa niya ngayong gabi.

Kahit ayaw mang tignan ni Sunoo, napatingin na rin siya dito at kitang kita niya na ang lawak ng mga ngiti nito habang inilahad nito ang kamay papunta sa kanya. Gago, ang pogi mo naman pala. Inabot na rin ni Sunoo ang kamay niya rito at narinig niyang nagpakilala ang lalaki sa kanya. “Hi, I’m Jongseong. It’s nice to finally meet you, Sunoo.” 

 

“Dada, Papa!” Sigaw ni Sunoo nang makababa ito mula sa kotse habang naglalakad papunta sa bahay nila. Ang lawak ng ngiti ni Sunoo. Sobrang saya niya dahil sa wakas… nakakita na rin siya ng taong masasabi niya na parang katulad ng Papa niya. At hindi siya mapakali dahil excited na siya rito.

Lumabas naman ng pintuan sina Seokmin at Wonwoo para salubungin ang anak. “Hello, my sunshine. Namiss ka namin ng Dada mo.” Ani Wonwoo habang magkakayakap ang pamilya. Napangiti naman si Seokmin kay Sunoo nang hawakan nito ang matambok na pisngi bago siya napatingin sa kasama nito. “Oh, sunshine ko. May kasama ka pala.”

“Ah, yes po, Dada!” Humiwalay naman sa pagkakayakap si Sunoo at bumalik sa tabi ng kasama niya at niyakap niya ito habang inakbayan siya sa balikat. Ito ang tahanan niya, na ngayo’y kasama niyang umuwi sa kanyang unang tahanan. “Dada, Papa… meet Jongseong, boyfriend ko po.”

Notes:

i will surely treasure this date! again, happy sunjay day!

lowkey thanking jay and sunoo for also celebrating this day with us today! haha

let me know your thoughts!