Work Text:
“Excuse me. Have we met?”
For once the words weren’t a pick up line but a valid question. Baekhyun Byun sat at the bar, nursing a glass of whiskey and looking sorry for himself. Ang gulo ng buhay niya; iniwan siya ng girlfriend niya ( it’s not you it’s me pa ang dahilan pero alam naman ng lahat na si baekhyun ang may kasalanan), halos hindi siya kinakausap ng kapatid niya at sigurado siya na kapag pumasok siya sa trabaho bukas na may hangover na naman, sisante ang abot niya.
He downed the whiskey anyway and turned back to the man next to him. He’s 100% positive na ngayon lang niya nakita ang lalaking ito sa tanang buhay niya, pero hindi niya maalis ang pakiramdam na parang nagkita na sila noon. Everything about the guy screamed familiar to Baekhyun: ang suot niyang jacket, ang kanyang hairstyle, and weirdly enough, this very situation.
“H-hindi pa,” simpleng sagot ng lalaki, pero walang simple sa ginagawa nito ngayon. The man was still watching Baekhyun, as though trying to memorize him. In return, sinipat niya ang lalaki mula ulo hanggang paa: he’s wearing a threadbare Nirvana t-shirt, battered denim jacket, probably a college kid or band member or something.
Huh. Weird. It’s been years since grumaduate siya ng college at hindi siya mahilig sa banda. Takang-taka siya sa pakiramdam niya. Tila may nostalgia. At ayaw na niyang i-overthink pa ang namumuong kirot sa puso niya. Super weird.
The bartender poured him another whiskey. This time, tinitigan lang niya ito.
“Masaya ka ba?” tanong sa kanya ng lalaki, at muntikan nang mapatalon sa gulat si Baekhyun. Sa ilang araw niyang nilagi sa bar na ‘to, ngayon lang siya natanong ng kapwa lasenggo ng ganyang tanong. Random men in bars were supposed to agree with you that women were unmanageable and life was shit; hindi ganitong nagtatanong sila ng mga tanong na hindi mo alam ang sagot.
“Sobrang saya,” he announced, “kaya nga ako nandito sa tanginang bar na ‘to, nagpapakalasing hanggang sa ma-alcohol poisoning ako. Tingin mo?”
“Sa tingin ko mali ang naging desisyon mo.”
“At ano namang alam mo do’n, ha?” Baekhyun demanded, glaring at him. Nagkibit-balikat lang ang lalaki, nakatitig sa sarili niyang beer, pero hindi umiinom.
“I’m sorry,” he said, more to the beer than Baekhyun, but loud enough to be heard.
“Para saan?” Umiling lang ang lalaki.
Hindi sigurado si Baekhyun kung paano siya napunta rito. Isang minuto ay nasa bar lang siya nagpapakalasing katabi ng weirdong lalaking ito, tapos maya-maya nasa labas na sila at isinandal ni Baekhyun ang lalaki sa pader at tuluyan nang nagpakalunod sa mainit na pakiramdam ng kanilang pinagdikit na mga katawan. Tila muling nabuhay ang diwa niya sa mainit na palitan ng halik.
Sigurado si Baekhyun na straight siya, pero hindi niya maitatanggi na parang pamilyar ang pakiramdam ng halik na ito. May kung anong nagsasabi sa loob niya na noon pa man ay para sa kanya ang mga halik na ito.
It was quick and desperate and Baekhyun found words coming out of his mouth that he didn’t quite understand. Humihingi siya ng tawad, pag-unawa, at paulit-ulit niyang sinasambit ang miss na miss na kita kahit na hindi niya kilala ang lalaking ito.
When it was over and the pair leaned back against the wall, one of the guy’s hands came to rest on his shoulder and suddenly Baekhyun was sober again.
“Masaya ka ba?” tanong ulit ng lalaki na medyo hinihingal pa. Baekhyun glanced at the night sky, feeling far less awkward than he had thought he would.
“Oo,” sagot niya, kahit deep inside alam niyang hindi ‘yon ang katotohanan. He could feel the man stand up straight. Inalis niya ang kanyang kamay and Baekhyun felt the loss as an almost physical ache, na para bang may connection na hindi siya aware na nami-miss niya—na muling nanakaw ulit.
“Goodbye, Baekhyun.”
“Goodbye—”
May pangalan sa dulo ng kanyang dila, ngunit hindi niya ito masabi, which was weird kasi ngayon lang niya nakilala ang lalaking ito at wala itong nabanggit na pangalan the whole time na magkasama sila. But then again, Baekhyun had never given him his, either.
Confused, Baekhyun turned to ask the stranger. Sigurado siyang hindi niya nabanggit ang pangalan niya kanina.
And when he looked around, the stranger was nowhere to be found.
Nag-isa siyang naglakad pauwi at bumagsak sa kama, at nang magising siya sa umaga ay wala siyang naalala.
“Chanyeol, tama na please? Baekhyun already made his choice. Siguro oras na para tanggapin mo ‘y—”
“Hindi siya masaya, Soo. Kung nakita mo lang si—”
“He is happier than he would have been had he remembered. He’s not yours anymore, Chanyeol. Pinili niyang kalimutan ka kaya please, ‘wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo.”
Chanyeol fixed him a blank stare and he looked away. Kyungsoo couldn’t bear to look at his friend these days. Naiintindihan niyang masakit ang aftermath ng break up nina Chanyeol at Baekhyun pero hindi niya inakalang aabot sa ganito. Hindi niya magawang sisihin si Baekhyun sa ginawa nito, pero parang pinapatay siya araw-araw kapag nakikita niyang nahihirapan si Chanyeol. Bilang kaibigan na naiipit sa isang messy break up, naguguluhan na siya sa dapat niyang gawin.
“Promise me this is the last time, Chanyeol. Please, kung mahal mo talaga siya…itigil mo na ‘to.”
“‘Yon nga ang pinakamasakit, eh.” Chanyeol let out a bitter laugh. “Ako na nga ‘tong iniwan, ako pa ‘tong natirang nakakaalala ng lahat. Ako lang ang nasasaktan. Tangina, pero mahal ko pa rin siya.” Umiling siya, pigil luha. “Ayoko na masaktan. Pagod na akong masaktan.”
They stood together for a couple of minutes in tense, awful silence. Kyungsoo took this as an opportunity para ipaalam kay Chanyeol ang isang bagay na matagal na niyang gustong sabihin. “Alam mo na ang solusyon sa problema mo, Yeol.”
Chanyeol heaved a sigh. “Bahala na.”
***
After two weeks of radio silence from Chanyeol, may natanggap na card si Kyungsoo. Nakaipit ito sa stack ng newly delivered magazines na tinanggap niya kaninang umaga. Noong una ay akala niya isang subscription card lang ito, pero binasa niya muli ang laman bago niya ibalik sa loob ng magazine.
Hindi pala ito isang subscription card.
It was the same card they had received almost a year ago. Ang card na nagsimula ng lahat ng kaguluhang pinagdadaanan nila.
The only difference was, bagong print lang ang card na ito.
At iba na ang nakasulat.
And just like the first card, nilukot ni Kyungsoo ang card na ito at tinapon sa basurahan.
Maybe it’s better if they both forget.
