Work Text:
Tinignan ni Kyungsoo ang kanyang relo at napabuntong-hininga na lamang siya.
4:50 pm na at mayroon na lang siyang sampung minuto bago makauwi at makapagpahinga. Dumaan ang sampung minuto at agad-agad pinatay ni Kyungsoo ang kanyang computer at saka nag-out.
Nagbook na kaagad siya ng grab pagkadating sa lobby at nang dumating ang sasakyan, sumakay na siya at napapikit na lang since may traffic at aabutan pa siya ng 20 minutes sa byahe.
Pagkadating sa shared apartment nila ng long-time boyfriend niya, agad-agad siyang nagshower at nagbihis ng pambahay. Nagsimula na rin siyang magluto ng hapunan nila. After magluto, chineck niya ang orasan at may thirty minutes pa siya before dumating ang kanyang jowa.
Habang naghihintay, nanonood naman siya ng balita sa t.v nang bigla may narinig siyang pagbagsak ng pinto. Agad-agad siyang tumayo at sinalubong si Sehun.
“Hi, Love.” bati naman ni Kyungsoo sabay halik sa pisngi.
Ngumiti naman ng malawak si Sehun sabay baba ng bag niya sa may counter at pinulupot ang kanyang mga braso sa bewang ng kanyang nobyo.
“Ang lambing naman ng Mahal ko.” sabay halik sa noo.
Tinanggal ni Kyungsoo ang mga braso ng kanyang nobyo mula sa kanyang beywang at hinawakan ang mga kamay nito sabay hila sa may hapag-kainan.
“Kain na tayo. Alam kong pagod ka na at luto ko magbibigay sigla sa’yo.”
Napatawa naman ng mahina si Sehun sabay upo habang si Kyungsoo naman ay abala sa paghain ng kanin at ulam para sa kanilang dalawa.
Matapos kumain ay nagpresenta si Kyungsoo na maghugas ng mga platong pinagkainan nila.
“Maligo ka na. Alam kong may gagawin ka pa eh.” Nakangusong sabi ng nobyo habang naghuhugas ng plato.
“Thank you, Love. Bawi ako. Sobrang busy lang talaga.” sabay halik sa pisngi ni Kyungsoo at tumungo na banyo para maligo.
Nakatambay ulit si Kyungsoo sa may couch nila habang nanonood ng tv since Sabado naman kinabukasan, okay lang magpuyat.
Habang si Sehun naman ay hawak-hawak ang kanyang laptop at nagdadalawang isip kung itutuloy niya ang trabaho sa couch or mananatili siya sa kwarto nila para tapusin yung pina-takehome sa kanyang workload.
Alam naman niya ang kahihinatnan once na sa couch siya umupo pero baka this time, matapos niya talaga ang kailangang matapos.
Pagkaupo ni Sehun sa couch ay napatingin muna siya kay Kyungso at napangiti ng maliit. Tutok na tutok kasi ang nobyo habang nanonood ng cooking show.
Nagsimula na siyang magtrabaho habang paminsan-minsan ay sumusulyap sa kanyang nobyo.
Hindi pa nakakalipas ang 15 minutes, naramdaman niya si Kyungsoo na nakapatong ang ulo sa balikat niya at pinipisil ang kanyang mga braso.
Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Sabi ni Sehun sa isip niya.
Hindi niya pinansin ang nobyo at patuloy sa paggawa ng trabaho. Pero makalipas lang ang 5 minuto, naramdaman na niyang nakatingala sa kanya ang nobyo at napatawa na lang ng mahina.
“Akala ko makakatagal ka ng 30 minutes before ka magpalambing” sabi ni Sehun before ilagay ang laptop sa katabing table.
Namula naman ang mga pisngi ni Kyungsoo sabay tago ng mukha sa may braso ng nobyo. “Miss kita eh..” Mahinang bulong ni Kyungsoo at napatawa ulit si Sehun sabay hila sa kanyang nobyo at pinaupo ito sa may kandungan niya.
Humarap naman sa kanya si Kyungsoo at sinabit ang dalawang braso sa may leeg sabay paglagay ng mga malilit na halik sa mukha ng kanyang nobyo.
Hinawakan naman ni Sehun ang baba ni Kyungsoo at marahan niyang hinalikan ang mga labi nito. Kyungsoo kisses him back with the same manner at nagtagal ang kanilang kissing session ng ilang minuto before humiwalay si Sehun at binigyan ng halik ang noo ng nobyo.
Umayos naman sila ng upo. Nakasandal na si Sehun sa may gilid ng couch habang si Kyungsoo ay nakaupo sa pagitan ng binti at nakasandal ang likod nito sa kanyang nobyo.
Parehas na silang nakafocus sa tv habang nilalaro ni Sehun ang mga daliri ni Kyungsoo.
Umiling na lang siya sa kanyang sarili at tuluyan ng kinalimutan ang natitirang trabaho. May bukas pa naman ika nga.
