Chapter Text
Isang matinis na pag-ring ng alarm ng kanyang phone ang sumalubong tulog na diwa ni Junmyeon. Ramdam niya ang ngawit sa kanyang panga dahil sa matagal nitong pagkakanganga. Buti na lang talaga at mag-isa lang siya sa kwarto niya, dahil kung nandito ang bunso nila, sandamakmak na pictures siguro ang pwede nitong ipang-blackmail sa kanya. Binaba niya ang laylayan ng damit na nakataas na hanggang sa kanyang dibdib nang magising siya.
Kahit nakaharang ang mga kurtina sa bintana niya ay alam niyang madilim pa rin sa labas, kaya mas mahirap para kay Junmyeon ang labanan ang antok niya. Masarap pa kasi ang pakiramdam ng malamig na aircon sa balat niya.
Pero kung hindi pa siya babangon ngayon ay paniguradong male-late siya sa unang klase niya. Matagal pa naman magpunuan sa jeep at mahaba ang pila sa fx. Maraming salamat sa graduating highschool student self niya na mas pinili ang dream school niyang kilo-kilometro ang layo sa bahay nila, kahit alam niyang hindi siya papayagang mag-dorm ng mga magulang niya. Shunga.
Tinanggal na niya ang kumot na nakapatong sa kanyang mga hita at kinuha ang nagva-vibrate pa ring cellphone sa gilid ng unan niya, pinatay niya ang alarm at nag-scan ng ilang mga messages na nakatulugan niya kagabi. Isa na doon ang bardagulan ni Jongdae at Baekhyun sa gc nilang puro throwback pictures ng dalawa noong highschool. Laking pasasalamat niya na nakatulog siya ng maaga kahapon, dahil ayaw niyang mahalungkat nito ang emo phase niya noong highschool. Mabilis siyang pumunta ng kanyang facebook app at ginawang only me ang viewing ng kanyang mga highschool pictures. Mahirap na ‘no.
Speaking of highschool, napabuntong-hininga na lamang si Junmyeon sa recent chat history ng grupo nila.
Kibumbum: Hoy, ang mag-ditch tomorrow, doble ang ililibre sa susunod na pagkikita natin.
Joy: E bakit pa kasi kailangan magdala ng jowa bukas? E kaya nga tayo magkikita-kita para magbonding TAYO.
Yeri: Gusto lang talaga ipagmayabang ni Kibum ang boyfriend niyang igop.
Kibumbum: True. And siyempre, dahil masaya ako, dapat kayo rin. Malay niyo, may madevelop na feelings sa dadalhin niyong boylet. ‘Di ba?
Irene: Hindi ba talaga pwede ‘yung kapatid ko na lang?
Wendy: Hindi pwede, matakaw ‘yun. Kawawa naman ‘yung walang dalang jowa sa atin, wala na ngang kasama, ubos pa ang pera dahil siya ang manlilibre.
Kibumbum: Tumpak. Tsaka hoy Irene, huwag kang umarte-arte diyan, kahit sinong lalaking hatakin mo diyan sa univ niyo, papayag at papayag ‘yan na maging jowa mo for a day ‘no. Ikaw pa ba?
Joy: May point. Pero pwede ba pass muna ‘yung boyfriend ko tom? Hindi kasi talaga siya pwede ngayon e.
Seulgi: Hindi pwede! Ako nga pinabyahe ko pa galing Cavite para lang makasama sa’tin.
Joy: 😭😭😭
Taemin: Kung hindi talaga siya pwede, isa lang ang solusyon diyan.
Joy: Ano? 😯
Taemin: E ‘di ikaw ang manlibre sa atin. HAHAHAHAHAH
Yeri: HAHAHAHHAHA
Wendy: Kung sino pa talaga ang may totoong jowa, siya pa ang manlilibre. HAHAHAHAHA
Joy: Whatever! Hati na lang kami ni Myeon. Sure naman ako na walang dalang jowa ‘yun.
Kibumbum: ‘Di mo sure.
Junmyeon sighed after reading their chat last night. Hindi pa nagsisimula ang araw niya ay nakalaylay na ang mga balikat niya dahil sa lungkot. Ang ipon niya for this quarter ay mawawala nang parang bula, dahil lang wala siyang jowa.
Kasalanan ba niyang hindi siya ligawin at lapitin since birth? Kasalanan ba niyang hindi siya marunong lumandi katulad ng sinasabi nito?
Kasalanan ba niyang mag-isa siya ngayon?
Hinilamos na lang ni Junmyeon ang kamay niya sa kanyang mukha. Napatingin siya sa kanyang bag na nakaayos na sa lamesa. Sa loob nito ay ang wallet niyang naglalaman ng ipon niya nitong mga nakaraang buwan. Wish niya lang na hindi talaga makakarating ang boyfriend ni Joy nang may kahati man lang siya sa gagastusin mamaya.
Baka matukso pa siyang tanggalin ang pera sa wallet niya kaya tumayo na lamang si Junmyeon, at dumiretso na lang sa labas ng kanyang kwarto para makaligo na.
—---
Hinahanda na ni Junmyeon ang earphones niya para sa mahaba-habang byahe sa fx, nang tawagin na siya ng barker dahil sa uniporme niyang puti.
“Doon ka ba sa school bababa?”
“Opo, kuya.”
“O sige dito ka pumwesto.” sabay turo sa upuan na nasa gitna ng pinto at ng pangalawang pasahero sa gilid niya. Mukhang mababanat na naman ang mukha niya dahil sa lakas ng aircon na nakatutok sa mukha niya. Sayang naman ang gel niya sa buhok.
“Thank you po.” ang sabi na lang niya at umupo na, wala naman siyang choice. Inaayos niya ang bag sa may ibabaw ng hita nang marinig niya ang barker na magtawag pa ng isang pasahero na parehas ng bababaan sa kanya.
“Ako na lang po, kuya.” Napaangat ang tingin niya sa may nakabukas na pinto ng fx nang marinig niya ang boses na iyon. Sinalubong siya ng isang pamilyar na matangkad na binatang nakaunipromeng puti tulad niya, Ang lace ng ID nito’y nagsasabi na parehas sila ng bababaang university, at med student ito, ang pinaka-isolated na mga estudyante sa university nila
Nang umupo ito sa tabi niya at nagtama ang mga mata nila, ay tumango lamang ito sa kanya bilang pagbati. Tumango lang siya pabalik at inayos ang pwesto ng kanyang mga binti sa makipot na fx.
Pamilyar na silang dalawa sa mukha ng isa’t-isa, dahil magtatatlong taon na silang magkasabay sa byahe. Simula sa sakayan ng fx hanggang sa maikling byahe sa jeep papunta sa kanilang university. Hindi niya ito nakikita sa may subdivision nila kaya paniguradong sa morning sun village ito nakatira, kung saan nagpapataasan ng mga bahay ang mga naninirahan doon.
Aaminin ni Junmyeon na medyo natulala siya nang una niyang makasabay ito sa may fx. Gwapo naman kasi ito, tisoy at singkit pa. Matangos ang ilong, sakto ang kapal ng kilay at medyo pink pa ang manipis na labi. Masyadong maganda ang pagkaputi ng uniform nito, ‘yung tipong nakakahiyang dumihan sa puti, hindi manipis at hindi rin masyadong makapal. Mukha siyang malinis tingnan kaya maraming napapa-second look sa kanya. Bonus na lang na ang bango niya, hindi ‘yung matapang na amoy na parang nananapak, ‘yung parang gusto mo siyang sandalan sa sobrang bango.
And in a single moment of weakness, Junmyeon almost considered doing it but the man beat him to it. Nagulat siya nang biglang may dumagan na mabigat sa balikat niya. Agad siyang natigilan nang lingunin niya ang katabi at nakita ang makinis nitong mukha malapit sa kanya. Ramdam niya ang malambot na buhok nito sa kanyang pisngi na tila kinikiliti siya.
Junmyeon almost felt his heart skip a beat at that sight of him, so close that the smaller man can almost count his long eyelashes, his perfume filling his senses, and his hair touching his cheek. Junmyeon would be lying if he says his heart doesn’t flutter a little bit.
Pero nawala din agad ‘yun nang maramdaman na niya ang ngawit ng kanyang balikat sa kalahati ng kanilang byahe. Traffic na kasi noon, mainit at madami pa siyang dala. Male-late na siya sa first class niyang may quiz, kaya nagsisimula na siyang mairita sa lahat ng bagay. At kasama na doon ang lalaking ang sarap ng tulog sa balikat niya. Hindi kasi talaga ito nagigising, inaayos niya pa ang pwesto ng ulo niya sa balikat ni Junmyeon. Sarap ng tulog niya habang si Junmyeon ay iritang-irita na sa nangyayari sa kanya.
Hanggang sa makarating sila sa may sakayan ng jeep papuntang university, ay tulog pa rin ito. Kinailangan niya pa itong gisingin para lang makababa na silang dalawa sa fx.
Pero bumawi naman ito nang sumunod na pagkikita nila.
First year college pa lang si Junmyeon noon, at maaga ang uwian nila sa isang subject. Dumiretso si Junmyeon sa gate 5 ng unibersidad nila, kung saan sinalubong siya agad ng sari-saring meryendang tingin pa lang ay busog na siya. Lumapit siya sa pwesto ni Kuya Lloyd, na mukhang tinalo pa ang SM department store dahil ito ang takbuhan ng mga estudyante kapag may mga nakalimutan silang gamit na kailangan sa school. Simula yellow pad paper pang-quiz, junk foods pangmeryenda, tsinelas tuwing baha, hanggang sa urine bag na ginagamit pang-demo ay meron sa tindahan niya. Masarap pa ang mga tinitinda niyang meryenda kaya paborito talaga ni Junmyeon na dayuin ang pwesto nito bago umuwi.
Pero nahinto siya nang tuluyang makalapit sa tindahan, pamilyar kasi sa kanya ang lalaking nakatayo sa harap nito. All white uniform, matangkad, maputi, malapad ang balikat at gwapo, hindi pwedeng magkamali si Junmyeon, ito ‘yung binatang ginawang unan ang balikat niya noong nakaraang biyernes.
Pero imbis na inis gaya nang naramdaman niya dito noong huli nilang pagkikita, ay natulala na lamang si Junmyeon sa binata. May hawak itong sigarilyo sa pagitan ng kanyang daliri, tinapat ito sa kanyang bibig at humithit. Junmyeon was not really fond of smoking, siyempre, may hika siya eh. Pero hindi niya maiwasang isipin, kung nakakagwapo ba ang paninigarilyo, o sadyang malakas lang ang dating ng binatang nasa harap niya habang binubuga nito ang usok mula sa kanyang bibig.
Nawala na ang usok ng sigarilyo sa kawalan pero ang tingin ni Junmyeon ay nanatili pa rin sa kanya.
Naramdaman siguro nito na may nakatitig sa kanya, kaya naman napalingon na ito sa direksyon niya. Mabilis na nilihis ni Junmyeon ang tingin niya kahit alam naman niyang huling-huli na siya. Ayaw niya lang talaga salubungin ang mga tingin nito, medyo intimidating eh. Mamaya angasan pa siya nito.
Finocus na lang ng nursing student ang atensyon niya sa pagbili ng dalawang order ng fried siomai. Pero dahil wala ang universe sa panig niya ngayon ay nasagi ang nakabukas niyang bag ng ilang naghaharutang estudyante habang kumukuha siya ng pambayad sa meryenda niya.
“Shit.” sabi niya, dire-diretso lang kasi ang mga maiingay na estudyanteng sumagi sa kanya habang nakatingin siya sa aspaltadong daan kung saan nakakalat ngayon ang mga gamit at bag niya. Nice.
Sana ‘di masarap hapunan niyo. Bulong ni Junmyeon sa sarili bago huminga ng malalim at nagsimulang pulutin ang mga gamit niya.
Kung anu-ano nang mura ang sinisigaw ni Junmyeon sa utak niya pero nahinto ang lahat nang iyon nang may nakita siyang isang maputing kamay na kinuha ang notebook niya sa isang subject.
Napaangat ang tingin niya at natigilan siya nang makita si kuyang antukin sa fx, na nakaluhod din sa daan tulad niya at tinutulungang pulutin ang mga gamit niya.
“Here.” Sabi nito sabay abot sa kanya ng dalawang lab manual niya at isang Johnson’s baby powder.
“T-thank you.”
Akala niya ay titigil na ito pero tinulungan pa rin siya nito hanggang sa makuha na nilang dalawa ang lahat ng gamit ni Junmyeon na daan. Naiwan ang kulay violet na inhaler ni Junmyeon malapit sa pwesto nito, kaya naman ang matangkad na binata na ang pumulot nito.
Akala ni Junmyeon ay ibibigay lang nito ang inhaler sa kanya, pero laking gulat niya nang bitawan nito ang hawak na sigarilyong hindi pa ata niya nakakalahati at tinapakan ito upang patayin.
“Sorry, my bad.” paumanhin nito habang inaabot kay Junmyeon ang inhaler niya.
“O-okay lang! Hindi naman ako ano….” Ano, Junmyeon? Bakit ka nauutal?!
Buti na lang at hindi na kailangan pang kumpletuhin ni Junmyeon ang sasabihin niya dahil agad namang na-gets ito ng matangkad na binata. “Still, It’s my fault naman for smoking in a place like this.”
“O-okay. T-thank you.” Thank you?! Jusku po, Junmyeon Kim, bakit ka nagte-thank you?!
Nangiti lang sa kanya ang matangkad na binata bago ito muling pumasok sa unibersidad.
Hindi pa natatapos doon ang pagkakaroon niya ng plus points para kay Junmyeon. Finals week ng first sem noon sa department nila Junmyeon at kalahating diwa niya lang ang gising habang nasa byahe. Kaya nagulat siya nang gisingin siya ng matangkad na binata, na hindi na niya namalayang katabi niya pala noon, dahil nakarating na sila sa may babaan nila. Laking pasasalamat na lang niya na hindi niya nalawayan ang puting uniform nito.
Simula noon ay tila may unspoken rule na silang dalawa, salitan kung sino ang matutulog sa byahe at gigisingin na lang ang isa kapag nasa babaan na. Pag nagkakasabay sila sa pila ay automatic na magkatabi silang uupo, tatango sa isa’t-isa bilang pagbati at kung nasa mood ay may pahapyaw na matipid na ngiti. At doon ay matutulog na ang isa, habang ang isa naman ay makikinig ng music o magre-review.
Ang med student ang nakatokang matulog ngayon, naol . Kaya naman pinasak na lang ni Junmyeon sa tenga niya ang earphones at nagsimulang patugtugin ang daily mix 4 sa spotify niya. Wala pang 15 minutes mula sa kanilang byahe ay naramdaman na ni Junmyeon ang bigat ng ulo nito sa balikat niya. Natawa na lang siya, nag-all nighter na naman siguro ito.
Biglang nag-vibrate ang phone niya at nag-notify ang group chat ng highschool friends niya, napabuntong-hininga na naman si Junmyeon for the nth time of the day.
Kibumbum: Sa may coffee bean na lang tayo magkita ah. Para maglalakad na lang tayo pa-entrance ng univ. Ang mag-ditch magkakasingko talaga, sinasabi ko sa inyo.
Buti na lang pala at nagdala siya ng extrang damit panggala mamaya, mukhang malayo-layo at mahaba ang pila sa pupuntahan nila mamaya. Sa isang sikat at malaking university nakapasok si Kibum para sa kurso nitong hindi matandaan ni Junmyeon ang pangalan, pero para sa fashion designing ata iyon. Founding anniversary ng nasabing unibersidad kaya malaki ang magiging celebration nito. Maraming booths ang nagkalat sa buong university at may programang hinanda ang student council na punong-puno ng line up ng mga sikat na banda at singers. At ang pinaka-highlight daw talaga doon ay ang fireworks display sa dulo ng programa. Medyo curious si Junmyeon sa nasabing event dahil wala namang ganoon sa university na napasukan niya, kaya nga nag-agree agad siya nang inaya siya nito.
Pero hindi naman niya alam na may kondisyon pala ang pag-aya nito, malay niya bang kailangan ng jowa para sa entrance ticket ni Kibum? Hayy. Kung alam lang niya ay siguradong mag-iisip na siya ng dahilan para lang makapag-stay sa bahay.
Huminto ang sasakyan dahil umilaw ang pula ng stop light. Naramdaman niyang nagsa-slide na pababa ang ulo ng katabi niya, kaya medyo in-adjust niya ang balikat para maayos niyang maipwesto ang ulo nito. The taller man slightly moved his head, finding the right position to sleep comfortably, Junmyeon just let him.
Natapos ang ‘Fall’ na kanta ng Ben&Ben sa earphones. Sumunod ang isang kanta na hindi masyadong pamilyar sa kanya ang intro.
Bakit lagi na lang ba ako mag-isa?
Aasa na lang ba ako sa pantasya?
Gusto lang naman ni Junmyeon na makinig ng music, bakit naman kailangang itong kanta pa? Jusko.
The nursing student has been listening to a lot of Zack Tabudlo’s songs lately. That's why he immediately recognizes his voice in the first line. At tsaka ito talaga ang mga tipo ng kanta ng singer, funky rhythm with lyrics that almost always hit home.
Tulad na lang ngayon, Hindi nakailag si Junmyeon sa first verse ng kanta. Hayop.
Na sa'n ka na ba?
Maghihintay nga ba?
Para 'kong tangang nalulungkot sa wala
Junmyeon has been single in his 21 years of existence, with no history of corny confessions and romantic dates. Nagkakaroon naman siya ng crush noon, lalo na noong highschool. Every year ata may crush siya noon at papaplit-palit pa ito, depende kung sino ang makikita niya sa araw na iyon.
Pero hanggang doon lang siya, crush crush lang, kahit nga the one that got away o almost almost na ‘yan ay wala siyang experience. Kahit unrequited love man lang, ay wala.
May problema ba sa kanya?
Kahit sa'n tumingin
Ang daming nahuhulog sa isa't isa
Ba't sa 'kin ay wala?
Dati ay hindi naman masyadong iniisip ni Junmyeon ang mga status ng love life niya, kuntento siya sa pagiging single and all. Pagkakagastusan mo lang ay ang sarili mo, walang monthsaries at anniversaries na kailangang tandaan at paghandaan. Wala kang away na iisipin sa gabi at patatagalin ng isang linggo bago magbati. Junmyeon can barely handle himself, paano pa kaya ang commitment with other person?
Pero minsan, ‘pag nakikita niya ang mga kaibigan niyang pangiti-ngiti sa mga cellphone nito, sa tuwing kinukwento ng mga ito kung paano sila nagkakilala at naging magkasintahan, at sa tuwing may nagsusundo sa mga ito at maghahatid pauwi. Minsan, minsan ay hindi maiwasang mainggit din ni Junmyeon.
Ilang taon na siyang umuuwi mag-isa, kailan kaya 'yung may kasama naman siya?
Mas lalo lang siyang napaisip nang malaman niyang halos lahat ng mga kaibigan niya ay nagka-boyfriend o girlfriend na in their college years. Kailan kaya ‘yung time niya?
Hindi naman sa nagmamadali ako, Lord. Pero pwede mo ba siyang ibigay sa akin today? Keri? Para lang sana hindi maubos ang ipon niya at hindi siya manlibre mamaya.
Lumapit ka, asa'n ka na ba?
Wala naman akong gusto na iba
Gumalaw ang med student sa tabi niya at mas lalong siniksik ang ulo nito malapit sa kanyang leeg. Ayos ‘to ah, mukhang nanaginip pa ata, habang siya ay namomoblema dahil single siya ngayong araw na ito.
Ang sakit kahit walang nananakit
Romance books at kdramas lang ang references ni Junmyeon regarding his views about love. Pero sabi nga nila, love and romance can't be explained by simple words and scenes. Kaya minsan naiisip din ni Junmyeon, how do people fall in love nga ba? How would you know that it was really love and not simple infatuation or attraction? And how to stay in love in all these years?
Maghihintay ako, hinahanap kita
Humintong muli ang fx dahil biglang may dumaan na motor sa gilid ng pag lilikuan nila. Todo busina ang driver nila at sumigaw pa. Habang si Junmyeon ay busy sa paghawak sa noo ng lalaking natutulog sa balikat niya. Umayos itong muli ng pwesto at hindi man lang nagising sa pagmumura ng driver nila. Kahit siguro lindol ay hindi magigising ng isang 'to.
Napabuntong-hininga na lamang si Junmyeon, minsan na nga lang may sumandal sa balikat niya, hindi niya pa jowa.
—
When Junmyeon arrived at their room, he was immediately called by Jongin. Pinagmamadali siyang pumunta sa pwesto ng mga ito na malapit sa bintana, kung saan sila kasalukuyang nagkukumpulan at nakatitig sa maliit na iPad ni Baekhyun na nakapatong sa isang arm chair.
"Ang tagal mo, Junmyeon! Baka dumating na si ma'am Conzie!" Salubong na sermon sa kanya ni Jongin nang makaupo siya sa tabi nito.
Nailing na lang si Junmyeon at natawa, "Sabi ko naman kasi sa inyo, huwag niyo na ko hintayin."
"Hindi pwede! Akala ko ba friends tayo?"Jongin said with a pout. Junmyeon’s hand almost automatically caresses his hair dahil ang cute nito. "Ang magkaibigan, supportive at nagtutulungan! Kaya kailangan niyo kong tulungang alamin ang mga gusto ni Kyungsoo!"
"By watching his weekly vlogs?" Sabi naman ni Baekhyun sa likuran nila. Inaayos nito ang notes para sa quiz nila mamaya, at mukhang sawang-sawa na sa life. Nag-away na naman siguro sila ni Yixing, ang current boyfriend nito.
"Siyempre, baka may ma-miss akong info na gusto niya, at least nandiyan kayo para ipaaalala sa'kin, 'di ba?" Katwiran naman nito sabay pindot ng play sa recent uploaded video ng Youtube channel ni Kyungsoo Do.
Kyungsoo Do is a 23 year old 2nd year medical student in their university. Sikat ito sa kanilang unibersidad dahil bukod sa matalino at gwapo ito, ay sikat din ang Youtube channel nitong nakapangalan sa kanya. At tulad ng karamihan ng mga tao sa kanilang school, hindi nakatakas si Jongin sa manly but sometimes cute charm nito.
They didn't know how Jongin actually fell head over heels for the man. Pero nagulat na lang silang magkakaibigan nang biglang sabihin ito ni Jongin, habang kumakain sila ng lunch sa karinderya ni aling Ines. "Gusto kong maging boyfriend si Kyungsoo Do." His eyes full of conviction with matching pag-tap pa ng lamesa, natapon tuloy ang nilagang ulam ni Minseok sa pants nito.
From then on ay naging supportive lang sila kay Jongin, kahit isang taon na itong nag-iiwan ng regalo sa locker ni Kyungsoo na may kasamang pray over pa ata, at kahit isang taon na rin siyang hindi pa rin napapansin nito.
"Anong segment ba ang bagong upload niya ngayon?" Tanong ni Jongdae sa tabi niya. "Please tell me it's Kyungsoo cooks." Mahilig kasi sa pagkain si Jongdae, ito lang ang segment sa channel ni Kyungsoo na hindi niya nakakatulugan.
"Mednight confessions, baby. Matulog ka muna." Minseok said affectionately while caressing his boyfriend's chin gently.
"Thanks, by." Sagot naman nito sa nobyo niya at natulog sa lamesa ng arm chair ng nobyo.
Ito na nga yung sinasabi ni Junmyeon na napapalibutan siya ng mga mag-jowa. Buti na lang si Jongin ay single pa. Nananalig siyang hindi ito titiwalag sa samahan, unless mapansin siya ni Kyungsoo.
"Ayan na, ayan na! Huwag kayong maingay!" Excited na sabi ni Jongin na may kasamang palakpak pa, nangiti na lang si Junmyeon sa kanya.
“ Hi! Guys! Kamusta naman kayo so far? I hope you’re all eating healthily everyday. Huwag niyo kaming gayahin na kape na lang ata ang dumadaloy sa katawan dahil ongoing ang exams namin this week. So, pray for us guys! Hehe.” Kwento ng cutie med student. Sabi na nga ba, his fx seatmate pulled an all nighter last night. Kaya antok na antok nito buong byahe, kulang na lang ay maghilik ito sa may balikat niya, in which he was thankful na hindi dahil baka itulak niya ito palabas ng fx.
“Hala, baby. Kain ka ng mabuti.” Jongin said out of nowhere, na para bang maririnig siya ni Kyungsoo through the screen. He’s really got it bad, jusko.
“Tangina, Jongin. Parang awa.” sabi naman ni Baekhyun, because they probably heard this from him many times and the cringe just never goes away.
“Amidst the chaos that is our midterm exams, we decided to prepare a video for you this week, dahil malakas kayo sa’kin. Hehe.” His shy laugh resonated in the tiny speakers of Baekhyun’s iPad, his voice is so calm and so deep, na parang kinakausap ka niya talaga ng one on one, na parang magkaharap kayo at nilalambing ka niya na boses lang ang bala niya. Hindi tulad ng ibang vlogger na parang ikaw mismo ang napapagod sa sobrang taas ng boses at energy in their videos. Junmyeon prefers Kyungsoo’s calm and soothing voice, kaya hindi na rin siya nagtataka why Jongin is head over heels for this man.
“ So for today we will talk about a topic that is very popular sa mga kabataan ngayon. And I’ve seen this in the youtube comments all the time, pero I can’t really give an opinion na by myself lang kasi alam niyo naman ang status ng buhay ko. Haha. Kaya nag-recruit ako ng dalawang makakasagot ng tanong niyo in this field. Chanyeol and Sehun!” a clapping sound was played as the camera focused on the two gentlemen beside the vlogger. Junmyeon knew Chanyeol, dahil parang pinapak nito ang lahat ng extracurricular activities sa kanilang university sa pagiging active nito. From being a host sa kanilang last year foundation celebration hanggang sa pag-display ng mukha niya sa banner na nakapaskil sa entrance ng kanilang school. Imposibleng hindi mo siya makikilala talaga. He’s friendly and smiley kaya everyone warms up to him easily.
“Sehun, please don’t sleep, mahirap mag-edit ng tulog sa video, please lang. You just have to be awake for the next 2 hours.” Sabi ni Kyungsoo sa katabi niya sa kanan na agad nang nakasandal ang ulo sa kulay dilaw na couch, na parang naghahanap na ng magandang pwesto para matulog.
“Sobrang masa ni Sehun, no?” sabi naman ni Baekhyun, Junmyeon’s almost surprised that he’s actually watching.
“Masa?” tanong naman niya.
“Masandal, tulog.” Natawa naman silang dalawa ni Minseok sa sinabi ni Baekhyun.
“True.” he unconsciously said, naalala ang binatang nakasandal sa balikat niya buong byahe papunta dito.
“True?” napatingin siya kay Baekhyun who raised his newly trimmed eyebrow at him, “True? Bakit? Na-experience mo na?” dagdag pa nito na may pag-usisa.
Junmyeon never told a single soul about his early morning friday happenings, because he really didn’t find it funny enough or necessary to do so. Tsaka iniiwasan din talaga niyang maasar ng mga kaibigan niyang mas hayok pang magka-lovelife siya kaysa sa kanya.
He didn’t answer immediately kaya Baekhyun just said, “Ikaw ha! Maraming gustong sumandal sa wide broad masculine shoulders ng isang Sehun Oh, kaya pumila ka sa llikod! Uunahan pa ako ng bruhang ‘to!” Minseok just laughed at Baekhyun’s antics habang nailing na lang si Junmyeon.
Well, hindi ko naman na kailangang pumila. Dahil siya mismo ang nag-offer sa’kin. *flips hair*.
If Baekhyun knows kung ilang beses na siyang nakasandal sa wide broad masculine shoulders na sinasabi niya, ay baka sabunutan siya nito.
Kaya he just stayed quiet at nanuod na lamang muli, hindi pa siya ready na makalbo today.
“ Ang topic today is and I quote, ‘Is it really possible po ba find love and balance it with studies in medschool? Marami po kasi akong kakilalang nagme-medschool tapos nagbe-break, totoo po ba ‘yun?”
“Wow, intense.” Natatawang sabi ni Chanyeol.
“True. Nagulat din ako ung nabasa ko, but guys take it from me na walang lovelife and just a basic taga-kilig para sa ibang tao, it’s not like that. You can see flirting left and right pero there are a lot of stable relationships din, meron nga nagpapakasal pa. ‘Di ba?” Tumango naman ang dalawang lalaking nasa tabi niya. “But again, this is from me and my experience in our medschool. Pero i-ask natin ang jowa ng lahat na si Chanyeol Park, maybe he had another opinion dahil marami talaga itong experience.” Natatawang sabi ni Kyungsoo.
“Gago!” sabi naman ni Chanyeol sabay mahinang kurot sa tagiliran ng kaibigan. “Madaming experience talaga?”
“Bakit, hindi ba?” Sehun challenged him.
Hindi na nakapagsalita si Chanyeol dahil pinagtutulungan na siya ng dalawa niyang kaibigan. Nag-pause ang video to emphasize ang shocked expression niya and may caption sa baba na, he was too stunned to speak.
“Bahala kayong dalawa diyan, exit na ko.” sabi naman ng matangkad na binata at akmang tatayo para magwalk-out, pero agad na hinawakan ni Kyungsoo ang braso niya at pinaupo siya ulit sa dilaw nilang couch. “Ito naman masyadong dramatic, dali na kasi! Ano nga masasabi mo? Based from experience ito ha!”
Umirap na lang si Chanyeol sa mga kaibigan pero muling nagsalita na rin, “ Hayop ka, Kyungsoo. But based from experience, yeah, I think it’s possible naman. Matagal naman nang binubulgar ni Kyungsoo sa vlog niya ang sex life ko, so might as well panindigan ko na lang, ‘di ba?” Natawa naman ang magkakaibigan sa sinabi nito, Kyungsoo always mentions kasi na Chanyeol’s been around with different people, and it’s no secret naman in their university. Pero marami pa rin ang pumipila sa kanya because apparently, he’s not like other guys who will leave you alone the next day and pretend nothing happened. Ayon sa sources ni Junmyeon, he’s a beast in bed but a puppy in the morning dahil paglulutuan ka niya ng breakfast and lets you stay for as long as you want. But he also makes everything clear na he’s not into relationships, not now, and not ever.
“So yeah, based naman sa mga nami-meet ko, med students are the sweetest when you give them a chance. They’re just too busy to study books and all, kaya minsan mabilis lang talaga ang pangyayari at you straight up go to the bedroom. But I think if you really want to date in this field, kahit naman sa iba, you really need a lot of patience, because falling in love is easy, staying in love is not.”
Junmyeon can’t agree more sa sinabi ng matangkad na binata, pero hindi rin niya maiwasang mapaisip na kung madali lang pala ang mahulog sa iba, bakit hanggang ngayon wala pa rin siya?
“ Wow, quotable quotes, based from experience ba yan?” nang-aasar na sabi ni Kyungsoo.
“Ewan ko sa’yo.”
“Ikaw, Sehun. What do you think?”
“Honestly?” The chinito took a deep breath and said, “ I don’t know why I’m here when I don’t have a relationship myself.”
Sobrang lakas ng tawa ni Chanyeol sa video na halos napatingin sa kanila ang lahat ng mga kaklase nila nang marinig ito.
“Andito ka lang talaga for the views, favorite ka kasi ng mga viewers.” sabi naman ni Kyungsoo. “Joke lang! Haha. Ano nga kasi! Pwede ka naman magbigay ng advice kahit single ‘no?”
Sehun again sighed in front of the camera, Junmyeon unconsciously smiled at his antics, “I think it really depends on the person naman e. In case of falling in love, you can’t keep wishing na sana you have a boyfriend or girlfriend when you’re just staying in the house and not talking to other people and watching Netflix all day. You actually have to go out and show yourself to other people for them to get to know you.”
Aray naman. Hindi nakaailag si Junmyeon doon ah. Sorry naman, natatakot lang talaga siyang mag-effort kasi baka mauwi rin sa wala. Pero infairness sa kanyang FX seatmate, mukhang okay din naman pala siyang kausap. Akala niya kasi puro tulog lang talaga ang ginagawa nito bukod sa pag-aaral.
“As for staying in love, it’s about time and effort.” Sehun straightened his back and is already using his hands as he explains his answer.. Para siyang professor na wala kang choice kundi makinig dahil parang siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya. Bonus na lang na pogi talaga siya. “You can’t keep waiting or asking for the other person to make time. Para kasi siyang team effort na dapat dalawa kayong nagbibigay at dalawa din kayong tumatanggap, for the relationship to work.”
“Aaww.” nagulat si Junmyeon dahil marami na pa lang tao sa likod nila, ang mga classmates niyang nakikinuod at collectively napa-aww sa words of wisdom ni Sehun Oh. Junmyeon could almost imagine the heart shaped figures in their eyes.
“E bakit ikaw? Single ka pa rin?” tanong naman si Kyungsoo.
“The million-dollar question.” side comment pa ni Chanyeol.
“It’s more of a choice. Kahit noon pa naman, while I’m still playing badminton, I’m really focused on a single thing, I can’t handle two things at once. I don’t really have time to worry about everything. Kaya ngayon, ang focus ko lang talaga is medicine.”
“Pero what if suddenly may dumating?”
“Baka grab food lang.”
“Gagi! Seryoso kasi.” sabi naman ni Kyungsoo pero natatawa na rin sa sinabi ng kaibigan. “ I mean what if you meet someone now, you’ll still won’t go for it?"
“It depends. If I really like that person and if I think that it’s really worth it, why not? I don’t mind changing my views just to be with her or him.”
“Alam mo, sa ating tatlo, ikaw talaga pinakainaabangan kong mainlove.” Excited na sabi ni Kyungsoo. “ Feeling ko kasi sobrang ma-effort ‘to.”
“Hoy! Ako rin naman ah!” protesta naman ni Chanyeol.
“Oo nga, kaya ka nga nabasted dati kasi sabi niya you’re too overwhelming.” banat naman ni Kyungsoo.
Biglang may narinig si Junmyeon na bumagsak sa sahig kaya napalingon siya sa kanilang likuran, nahulog pala ni Baekhyun ang cellphone nito sa sahig, “Shit!” his friend exclaimed at agad na pinulot ang cellphone.
“Ano? Buhay pa?” tanong ni Junmyeon.
Nakahinga ng maluwag ang kaibigan niya nang makitang walang scratch at sumisindi pa ang cellphone niya. “Oo. Shuta, kakabili ko lang nito.”
Natawa na lang si Junmyeon sa kaibigan at muling ibinalik ang tingin sa pinapanuod.
“Pero ‘di nga, Sehun's straightforward kaya I think he’ll immediately tell that person na he likes them. Aabangan ko talaga ang time na ‘yun! Hihintayin ko talaga ‘yung araw na may pagpupuyatang tao ang antukin na ‘to.”
Alam ni Junmyeon na maraming nakapila sa isang Sehun Oh, pero hindi niya maiwasang mag-agree sa sinabi ni Kyungsoo, nakapaswerte siguro ng taong pagpupuyatan niya.
—-
For today’s skills lab, tuturuan silang maglagay ng urinary catheter. At dahil mukhang mabait at madaling utusan ang awra ni Junmyeon, ay siya ang pinapunta ng kanilang professor sa laboratory para kunin ang mga models na hiniram nito.
Wala namang kaso iyon kay Junmyeon kaya agad siyang pumayag at pumunta sa may laboratory office kung saan nandoon si Ma’am Mae, ang lab-in-charge at nagpapahiram ng gamit sa kanila.
Dire-diretso lang ang lakad ng maliit na bata sa loob ng office nito dahil bukas naman ang pinto nito, pero natigilan siya nang may makitang isa pang estudyante, at likod pa lang nito ay pamilyar na sa kanya.
Napalingon ito sa direksyon niya, tila nagulat din ito at sinabing, “Oh.”
There's a few minutes of silence as the person stared at his form. Ang gulat na bakas sa mukha nito ay may halong iba pa na hindi maintindihan ni Junmyeon.
Hindi alam ng nursing student kung anong sasabihin niya, kaya nanatili lang siyang nagulat rin hanggang sa magsalita ulit ang matangkad na binata, “We’re locked.”
“H-ha?” Doon lang natauhan si Junmyeon, ano daw? Locked?
Humarap ito sa kanya in his full white uniform of a medical student, hawak-hawak ang dalawang model ng puso sa kanyang braso.
Humakbang ito papalapit sa kanya at dumiretso sa nakasarang pinto, pinihit nito ang doorknob, and Junmyeon was surprised na hindi nito mabuksan ang pinto.
“Hala! Sorry!” agad na paumanhin niya, “H-hindi ko alam.”
“It’s fine.” the med student said, “Wala din namang reminder sa labas, tsaka babalik din naman si Ma’am Mae, bumibili lang siyang lunch.”
“Pero baka ma-late ka sa klase mo.”
His FX seatmate just shrugged, “We don’t have a choice naman, I’ll just message my classmates na we’re stuck here.” Nilabas nito ang kanyang cellphone at nag-type, saglit itong tumigil at tumingin sa kanya, “I think you should, too.”
Shet. Hindi niya namalayan na medyo natulala siya, “S-sige,” he said. Hindi niya alam kung bakit siya biglang na-starstruck na makita si Sehun sa harap niya ngayon e samantalang kanina ay nakasandal ito sa balikat niya. Siguro dahil ito ang unang beses na mag-usap sila ng ganito? At hindi mga puro tango, hi o goodmorning ang sinasabi nila sa isa’t-isa.
Isa pang punto ay na-stuck sila dito, ng dahil sa kanya. Kaya medyo nakakahiya talaga.
Pasabi kay ma’am, sorry.
Na-lock kami dito sa office ng lab-in-charge.
Sira pala lock nito. Putcha.
Jongjong: Okay lang, diyan ka na lang para hindi magklase si ma’am.
Gagi. Nakakahiya.
Daedae: HAHAHAHHA! Napakaswerte mo naman, Jun.
Baekbaek : WAIT WAIT tama ba ang basa ko?
Baekbaek :Na-lock KAMI? May kasama ka?
Napakamot na lang ng ulo si Junmyeon, nakalimutan niyang kami pala ang nasabi niya. Kaya ayan na naman si Baekhyun sa agenda nitong magka-lovelife si Junmyeon bago sila grumaduate.
Wala wala. Typo lang.
Basta pasabi kay ma’am na mala-late ako. Sorry!
At doon ay in-off na niya ang notification ng kanilang gc, dahil alam naman niyang hindi siya titigilan ni Baekhyun sa mga tanong ito. Napabuntong-hininga na lamang si Junmyeon sa kakulitan ng kaibigan niya.
“Junmyeon.” Nagulat ang maliit na binata nang may tumawag sa pangalan niya. Napalingon siya kay Sehun na nakaupo sa maliit na couch sa tapat ng table, “Junmyeon, right?”
Wala sa sariling napatango si Junmyeon, paano niya nalaman ang pangalan ko?
Siguro masyadong obvious sa mukha niya ang pagtataka kaya dinagdag nito, “It’s in your nameplate.”
Napatingin naman si Junmyeon sa nameplate niyang nakasabit sa kanang dibdib ng uniform niya. At nandoon nga, isang napakalaking JUNMYEON KIM, COLLEGE OF NURSING in bold capital letters.
“Ahh. Oo nga. Hehe.” Hindi alam ni Junmyeon kung guni-guni lang ba niya o ano, pero parang napangiti si Sehun sa katangahan niya. Shuta, ngayon pa talaga.
“You can sit here if you want, mangangawit ka diyan.” sabi nito sabay tapik sa katabing space sa may couch.
Nasisiraan na ata ng bait si Junmyeon, ilang beses naman na silang nagkatabi sa fx. pero bakit ngayon pa siya kinakabahang umupo sa tabi ng binata?
Pero para magmukhang kalmado lang siya kahit na nagpapanic na ang utak niya, ay umupo na lang siya sa tabi nito, nilagyan niya ng kaunting space sa gitna. If napansin man iyon ni Sehun, ay hindi ito nagsalita tungkol dito.
“I’m sorry, earlier.” biglang sabi nito after a few minutes of awkward silence, “Medyo antok lang talaga kanina kasi it’s exams week.”
“Okay lang.” simpleng sagot niya. Pero parang mas nakadagdag iyon sa awkwardness nilang dalawa kaya dinugtungan na lang niya ng, “Bawi na lang ako sa susunod. Turn ko naman na next.”
And Junmyeon succeeded in breaking the awkward atmosphere dahil narinig niya ang mahinang tawa ni Sehun, “Yeah, I would gladly lend my shoulder.”
Ngumiti na lang si Junmyeon sa kanya pero napahawak siya sa tuhod niya, dahil naramdaman niyang nanlalambot na ata ito. Ano daw? Gladly lend his shoulder? Buti na lang pala at hindi sila nag-uusap ni Sehun sa may fx, kundi mukhang gulaman siguro si Junmyeon every friday dahil sa lalim ng boses nito.
“May practicals kayo?” turo ng maliit na binata sa heart model na dala-dala nito.
“Yup, we have to recite the pumping mechanism of the heart, arteries and veins.”
“Must be hard.” Medyo nalilito pa rin kasi si Junmyeon sa heart circulation, pasensya na lods.
“Medyo.” sagot naman ni Sehun. “Ikaw? Anong kukunin mo dito?”
“‘Yung model for urinary catheterization.” Tinuro niya ang isang laboratory cart na naglalaman ng pinagpatong patong na models.
“Oh, ‘yun na pala topic niyo.”
“Yup.” Napabuntong-hininga si Junmyeon nang maalala kung paano ligwak talaga ang grades niya when it comes to skills lab. Matataas sana ang grades niya kung hindi lang siya sumasablay sa practicals.
“Lalim nun ah.” Sehun chuckled, “Is there a problem?”
“Ha? Ah. Hindi, wala naman.” narinig pala nito ang buntong-hininga niya. “Nag-aalala lang ako kasi baka bumagsak na naman ako sa skills. Hindi kasi ako masyadong talented.”
“Have you memorized the steps?” Nakita niyang nilapag ni Sehun ang heart model sa may lamesa sa tabi nila nang tanungin siya nito.
“Oo, memorized ko lang, pero hindi ko kayang i-apply agad.” he unconsciously pouted nang sabihin niya iyon, hindi tuloy niya napansin na napangiti si Sehun bago ito tumayo.
“E ‘di tara.”
“Ha?” nagtatakang tanong niya sa binata dahil bigla itong tumayo. “Saan tayo pupunta? Naka-lock pa ‘yung pinto.”
Muling natawa si Sehun sa sinabi niya, “No, I mean, Let’s practice. Habang wala pa si ma’am Mae.”
Biglang panic naman ang nursing student, NAKAKAHIYA! Baka makita pa ni Sehun kung gaano siya ka-olats sa skills.
“P-pero.. Hindi ako marunong.”
“Kaya nga I’ll help you.”
“Marunong ka?!” Napatayo agad si Junmyeon nang marinig iyon.
“My pre-med is nursing din.”
“Talaga?!” Bakas siguro sa mukha niya ang excitement kaya nangiti na naman si Sehun sa kanya, nagkorteng buwan ang mga mata nito sa lapad ng ngiti.
“Yes, pero we need to hurry kasi baka dumating na si ma’am Mae.”
Agad na lumapit si Junmyeon sa lab cart at kumuha ng isang model. Pinwesto niya ito sa isang table at pumwesto naman siya sa harap nito, nasa tabi naman niya si Sehun.
Ang model for urinary catheterization ay isang manika na cut from the abdomen up to the thighs, it’s a model na ang main focus ay ang genitalia dahil doon naman talaga pinapasok ang urinary catheter. Lalaki ang nakuhang model ni Junmyeon.
“Paano na ‘to?” tanong niya sa med student. Kasi nasa harap na niya ito pero parang bigla siyang kinabahan.
“You can start by reciting what you have memorized.”
And so Junmyeon did, he recited from the proper greeting and briefing of the procedure to the patient hanggang sa proper disinfection of the area.
Pagkatapos niyang i-demo kung paano i-lubricate ang catheter ay, “Insert the catheter in full length.” tapos hinawakan niya ang shaft ng model at hindi na niya napansin na masyado niya itong nahila.
Nagulat na lang siya nang biglang may narinig siyang, “Aw!” kay Sehun.
Agad niyang nabitawan ang model at napatingin dito, “Bakit? Ikaw nasaktan?” ‘Yung sa model naman ang hinawakan niya ah, ba’t si Sehun ang nag-aw?
Natawa si Sehun sa sinabi niya, with matching panginig ba ng wide broad masculine shoulders nito, saglit na tumalikod ito sa kanya at parang nagpunas pa ata ito ng luha dahil sa kakatawa.
Napakamot na lang ng ulo si Junmyeon at natawa na rin sa sariling kalokohan niya.
“If you pull it like that, masasaktan ang patient.” Sehun told him when he calmed down from his laughter.
“Ay talaga ba? ‘Yung nakita ko kasi sa Youtube, talagang pinull niya pataas.”
“You can do that if the patient has BPH.”
“BPH?”
“Benign prostatic hyperplasia, it’s a prostate problem.”
“Ahh.”
“But for patients like this, you can hold it na hindi mo fully itinataas, sabi pa nga sa amin noon, you hold it like a wine glass o cigarette. Parang ganito.” sabay demo ng matangkad na binata. Nilagay niya sa pagitan ng index at middle finger niya ang shaft, oo nga, parang naninigarilyo.
Medyo natawa si Junmyeon dahil mukhang weird to imagine holding it like that, pero agad niyang kinolekta ang sarili dahil alam niyang hindi dapat tumawa in this situation. Araw-araw na niya siguro itong gagawin in the future.
“Sorry. Sorry.” sabi niya dahil napatingin sa kanya si Sehun nang matawa siya. “I know I shouldn’t laugh.”
“It’s fine. Ganun naman talaga if you’re doing it the first time.” The med student said, “But you shouldn’t laugh in front of your prof. He’ll definitely give you a minus for that.”
“True. Hay! Junmyeon, focus! Focus!” chant niya pa sa sarili. Bago ituloy ang impromptu demonstration niya in front of Sehun.
Sehun Oh really helped him a lot, nagbibigay ito ng side comments and dinedemo niya mismo pag hindi na talaga ma-gets ni Junmyeon. May tip pa nga ito ng mga questions na pwedeng tanungin sa kanya mamaya.
Junmyeon never imagined na magpapasalamat siya na na-lock ang pinto ng office, dahil mukhang makakakuha siya ng perfect score sa skills mamaya. Let’s do this!
His fx seatmate was in the middle of explaining why the catheter is often anchored on the inner things and not on the abdomen like the books said, nang biglang mag-ring ang phone ni Junmyeon.
“Sorry, sagutin ko lang.” sabi niya bago kunin ang phone sa bulsa.
“It’s fine, go ahead.”
Nang makita niya ang pangalan ni Kibum sa kanyang phone screen ay saglit siyang lumayo sa matangkad na binata.
“Hello?”
“Hoy! Bakla! Ano?! Seenzone na lang tayo?! HINDI KA NA MAGREREPLY?” saglit na nilayo ni Junmyeon ang tenga niya mula sa cellphone. Parang nangilo pa nga ata siya sa sobrang tinis ng boses ng kaibigan.
"Galit na galit?" Sabi naman niya ng maka-recover ang eardrums niya. "Pupunta ako, okay? Nandun Ben&Ben kaya walang makakapigil sa'kin."
"Promise? Kahit mag-singko ka sa subjects mo?"
"Hoy gagi, knock on wood ." Agad na sabi niya at pumunta pa sa narra na lamesa sa office para lang kumatok. "Pero pupunta nga ako, may damit na nga ako e."
"E boylet? May dala ka?"
Junmyeon sighs again for the nth time today, "Wala. Pero yung pambili ko sana ng phone next month dala ko, kaya maawa na kayo sa'kin at huwag na kayong magpalibre dahil lang wala akong dalang jowa."
"Aww. My baby Jun. Kawawa naman, ipanglilibre sa amin ang pambili niya ng phone. Ang abunjingbunjing ko na yan." He knows Kibum's just pissing him off, kaya hindi mapigilan ni Junmyeon na umirap na lang.
"Tangina ka. Magbreak sana kayo."
"Bleeh. Not gonna happen. Love na love ako ng jowa ko."
Sana all confident.
"Anyway, basta pumunta ka, ha! Coffee bean malapit sa university, walang atrasan!"
"Oo na! Sige na! Kulit!"
"Galing sa ilong amputa. Repeat what I said bago ko ibaba 'to."
"Pupunta ako, okay?! Sa coffee bean malapit sa university niyo! Walang atrasan! Happy?!"
"Yes! Very. See you soon, baby boy!"
"See you!"
Hay.. wala na talagang takas ang ipon ni Junmyeon. Goodbye, bagong cellphone, goodbye bagong iPhone.
"You okay?" Natigilan siya sa kanyang internal monologue about finding better friends nang biglang magsalita si Sehun. Oo nga pala, kasama niya ito at malamang ay narinig niya ang usapan kanina.
Potek. Nakakahiya ka talaga, Junmyeon. Pinagsigawan niya pang wala siyang jowa.
"Sorry, ang ingay ko ba?" Sabi niya sabay kamot sa kanyang batok, paniguradong namumula ang pisngi niya dahil naramdaman niya ang pag-akyat ng dugo niya papunta doon.
"No, it's fine. I don't mind." Sabi naman nito. Naayos na nito ang mga ginamit nilang materials kanina sa may lab cart. Nakaupo na ulit ito sa may couch na tinabihan naman ni Junmyeon, slightly closer, awkwardness all gone, "Pero okay ka lang ba?"
"Oo? I think?" Hindi rin siya sigurado. "Malalagasan kasi ako ng ipon ng pambili ko sana ng bagong cellphone and for what?! Dahil wala lang akong jowa? Kasalanan ko bang walang nagkakagusto sa'kin?" Hindi na niya napigilang mag-rant. "Kasalanan ko bang nakasakay sa pagong 'yung prince charming ko kaya hanggang ngayon hindi pa siya dumating?"
Sehun burst into another fit of laughter at his outburst, "Tawa-tawa ka diyan, pinagtatawanan mo na single ako?" Hindi man napapansin ito ni Junmyeon, but he's really getting comfortable with the man.
"No, it's not that. It's because you said nakasakay ang prince charming mo sa pagong. Kaya ang tagal dumating." Sabi naman ng med student na natatawa pa rin.
Lumang joke na ‘yun ah , sa isip-isip ni Junmyeon. Ang dali pa lang patawanin ng isang 'to.. He unconsciously smiled as he wondered, Bakit ba ngayon lang sila nag-usap?
"Totoo naman e. Like lord, napapalibutan na ko ng mga mag-jowa, kailan naman 'yung time na ako naman?" He added. “Hindi naman sa parang jowang-jowa na ko, pero sana kahit temporary jowa lang for today? Para lang sana hindi malagasan yung pambili ko ng phone.”
“Pero ano pa nga ba ang choice ko? Wala naman.” Sumandal si Junmyeon sa couch. Accepting defeat. “Eenjoyin ko na lang ang concert ng Ben&Ben and fireworks display. ‘Yun lang naman talaga ang pinunta ko doon e.”
“Why do you have to bring a boyfriend, don’t they know that you don’t have one?”
“Alam. E kasi ‘yung friend kong tumawag kanina, nagkajowa siya ngayon and sobrang happy niya. Sabi niya, iba daw ang nabibigay na happiness kapag in a relationship ka and he wants us to have the same happiness as him kaya daw mag-start na kami maghanap ng jowa ngayon.”
Sehun went silent for a while kaya napatingin sa kanya si Junmyeon, he looked confused and conflicted na parang may gusto siyang sabihin, kaya naman, “Sige na, parang may sasabihin ka e, hiya ka pa.”
Sehun looked at him amusedly, na parang namamangha siya na madaling nabasa ni Junmyeon ang nasa isip niya, “Well, no offense on your friend, pero you can’t force a relationship like that. I get that he’s happy, but not all people can have that instantly. Besides, hindi lang naman ang pagkakaroon ng significant other ang magpapasaya sa tao, and I could say the same about not all relationships can bring someone happiness.”
Walang ibang nagawa si Junmyeon kundi tingnan lang si Sehun habang sinasabi niya ang mga salitang iyon, dahil hindi siya makapaniwala na ganitong tao pala ang med student, ‘yung fx seatmate niya na laging antukin at ang poging kaibigan ni Kyungsoo Do sa mga vlogs nito.
“Why are you looking at me like that?” The taller man said after a moment of silence. Junmyeon should be ashamed of getting caught staring, but he’s too amused to see Sehun like this.
“Bakit ba ngayon lang tayo nag-usap?” He asked out loud.
The med student chuckled at his question and stared at him amusedly, “Why? Did you think I’m such a snobby airhead?”
“Oo.” Junmyeon answered honestly, walang preno, “‘Pag nagkikita tayo sa fx parang ang angas mo tingnan, laging nakakunot noo mo tapos magugulat na lang ako may sasandal na sa balikat ko.”
“I greeted you naman ah.”
“Oo, ng tango. Valid ba ‘yun?”
“I greeted you with goodmorning… sometimes?” Parang ang matangkad na binata pa mismo ang naguluhan kung binati nga ba talaga niya si Junmyeon ng goodmorning o hindi.”
“True. Pero mabibilang sa kamay kung ilang beses ‘yun.” Sabi naman ni Junmyeon, “Tsaka laging nakakunot ang noo mo ‘pag binabati mo ko.”
“But you never greeted me either.”
“Siyempre, nakakatakot baka mamaya angasan mo ko. Gusto ko pang makapasok ng university ng buhay ‘no.”
“Okay, fine.” Wala nang kawala si Sehun kaya naman nangiti na lang siya, he didn’t imagine that his quiet seatmate sa fx would be this cheerful, loud and…. Cute . “I’m sorry I didn’t greet you sooner, medyo tahimik ka kasi kaya hindi ko alam if you preferred talking or what. And besides we wouldn’t have a better opportunity to talk kung wala pang ilang minuto na nakaupo tayo sa fx ay tulog na ang isa sa’tin.”
May point nga naman siya .
“But don’t worry, bawi ako next time.” sabi nito. “I’ll make sure to wear my very best smile so that you won't be able to sleep throughout the whole ride.”
Junmyeon can’t help but laugh at his face, dahil nag-sample pa ito ng ngiting ibibigay niya sa maliit na binata ‘pag nagkita sila sa biyernes. ‘Yung ngiting abot hanggang tenga at kita ang mapuputi niyang ipin, sinamahan pa ito ng mapanloko niyang tingin kaya hindi mo alam kung masaya ba talaga siya o creepy. Buti na lang talaga ay gwapo ito.
“Ewan ko sa’yo.” Junmyeon said, smile never leaving his lips, “‘Pag gumanyan ka, iwanan kita mag-next fx na lang ako.”
“Huwag.” sagot naman nito, eyes still playful as he looked at Junmyeon’s “Hindi ka man lang maaawa sa’kin, wala akong masasandalan.”
“Hoy! Turn ko na next, huwag kang madaya!”
“Sabi ko nga.”
Hindi na nila naalalang may hihintay nga pala sila. Hindi na nila maalalang nakulong silang dalawa sa silid. Hindi na nila namalayang ang kaninang malawak na pagitan sa kanilang dalawa ay nawala na. Hindi na nila namalayan ang magkadikit nilang mga hita, ang pagpatong ng braso ni Sehun sa may sandalan ng kanilang inuupuan, sa likod ng balikat ni Junmyeon.
Pero isa lang ang natatandaan ni Junmyeon noon, he’s starting to look forward on seeing him next friday.
—-
Medyo madilim na ang paligid nang buksan ni Junmyeon ang glass doors ng Coffee Bean kung saan sila dapat magkitang magkakaibigan. Madali lang niyang nakita ang mga ito dahil sila ang may pinakamalaking grupo sa lugar at ang pinakamaingay na rin.
Nang makita nila si Junmyeon na naglalakad sa kanila ay napansin niyang nag-ingay si Yeri at Taemin na may kasamang apir-an pa. Anong topak ng dalawang ‘to?
Nasagot lang ang katanungan niya nang makalapit na siya sa mga lamesa nito.
“O, ano? Panalo ako! Wala siyang dalang jowa. Lapag na lapag!” sabay kalampag pa ng lamesa ni Yeri.
“Ayos ah, pinagpustahan niyo na nga ako, pinagsigawan mo pang wala akong jowa.” sabi naman ni Junmyeon nang makaupo siya sa tabi ni Irene na nanahimik sa tabi ng isang lalaki na ngayon lang nakita ni Junmyeon. Mabilis niyang binati ang dalawa bago muling tumingin kay Yeri, “Sige ka, hindi ko talaga ilalabas ‘tong pera ko, magutom kayong lahat diyan.”
“Hoy, gago! Wala akong dalang pera!” reklamo ni Seulgi, “Itong boyfriend ko na lang ipapambayad ko.”
“Mahal naman.” sabi naman ng boyfriend nito sabay kapit sa braso ng dalaga. Natawa na lang si Junmyeon sa kanila.
“Huwag kayong mag-alala, kahit hindi magbigay si Junmyeon may isa pa namang magbabayad para sa atin.” Medyo nagulat pa si Junmyeon na may kahati siya sa babayaran, dahil sa pagkakaalam niya ay si Irene at Wendy lang ang kasama niya sa tropang single sa kanilang magkakaibigan. Pero may mga katabi sila ngayon sa kani-kanilang pwesto kaya imposibleng sila iyon.
“Sino?” tanong niya sa kaibigan.
“‘Yun oh, ‘yung nananahimik sa gilid.” sabi naman ni Yeri sabay nguso sa direksyon ni Joy, na kasalukuyang nanahimik sa upuan nito sa isang corner.
“Paano?” nagtatakang tanong niya, dahil ang alam niya’y isang uaap basketball player ang boyfriend nito.
“Mukhang mawawalan pa nga ata siya ng boyfriend dahil pumunta siya dito.” kwento pa ni Yeri, walang preno kahit nandoon lang naman sa gilid ang sentro ng kwento niya. “Paano kasi kahit anong pilit niya doon sa boyfriend niya, ayaw sumama. Ang sabi sa kanya may training daw kasi, ‘yun pala makikiparty lang doon sa birthday ng team mate niya.”
Oops, mukhang matinding away nga. Hindi na lang nagtanong pa si Junmyeon dahil mukhang tatlo na ang linya sa noo ng kaibigan.
“Anong oras pala tayo pupunta sa univ niyo, Kibum?” pag-iiba ng topic ng maliit na binata.
“Pwede na now. Para makahanap tayo ng magandang pwesto at hindi siksikan sa may entrance.
“Okay sige, tara na.”
“Anong tara na?” sabi naman ni Taemin. “Hindi pa namin nababayaran ito, Daddy Junmyeon.” dagdag nito sabay kindat pa sa kanya.
Tang-ina, literal na kinilabutan si Junmyeon sa ginawa nito, both sa pagkindat niya at sa fact na ito na ang unang labas ng pera niya ngayong gabi.
Umirap na lang si Junmyeon sa binata at binuksan ang bag niya, wala naman siyang choice.
Masyado siyang busy sa paghahanap ng wallet niya sa kanyang puting tote bag na nagkanda gulo gulo na ang gamit sa loob, kaya hindi na niya napansin nang may matangkad na binata ang pumasok sa loob ng Coffee Bean. Nakasuot ng kulay dark green polo na nakabukas ang unang tatlong butones sa taas at nakatuck-in naman ang laylayan sa suot niyang white khaki pants. Nakatupi ang manggas ng suot niyang damit hanggang sa baba ng siko niya, kaya kitang-kita ang kanyang mamahaling relo habang hawak nito ang kanyang cellphone sa isa pang kamay.
Tumigil ito sa may bandang harap at iginala ang tingin sa buong cafe, habang ang mga tao naman sa paligid niya’y napatigil at nanatili ang tingin sa kanya.
“Shet, ang hot.” Bulong ni Kibum kay Yeri na walang pag-aatubiling sumang-ayon.
Nagulat ang mga kaibigan ni Junmyeon na pinapanuod ang matangkad na binata, dahil tumigil ang tingin nito sa lamesa nila at napangiti. Puta, mas lalong gumwapo.
“Nasan na ba ‘yung wallet ko?” tanong ni Junmyeon sa sarili, hindi namamalayang halos hindi na humihinga ang mga kaibigan niya dahil may papalapit na poging nilalang sa table nila.
Pero natigil ang paghahanap niya nang biglang may malapad na kamay na marahang pumatong sa braso niya.
“Tangi.”
Mabilis na lumingon ang maliit na binata sa lalaking may hawak sa braso niya, at tila tumigil ang paghinga niya nang makita ang isang matangkad na lalaking nakaluhod sa harap niya.
Halos lumabas na siguro ang mga mata ni Junmyeon, dahil ngumiti pa ang binata sa kanya at hinawakan ng marahan ang gilid ng kanyang pisngi. Tila nakuryente ang katawan ni Junmyeon nang dumampi ang balat nito sa kanya.
“Ikaw naman, sinabi ko lang na baka ma-late ako, nagtampo ka na agad.” Marahan nitong hinaplos ang baba niya sabay sabing, “Pupunta naman ako e. Kailan ba kita natiis, tangi?” he added with his soft deep voice na kahit sa ilang minuto nilang pag-uusap ni Junmyeon kanina ay ngayon lang niya narinig.
At mukhang hindi pa ito nakuntento sa panggugulat niya kay Junmyeon, dahil dinagdagan pa niya ito ng kindat. Puta, naging gulaman na nga ang mga tuhod ng nursing student.
Hindi na narinig ni Junmyeon ang pagbitaw ni Joy sa kutsaritang hawak nito sa lamesa, o ang collective kilig at hiyaw nila Taemin, Wendy at Irene sa kanyang tabi. O ang malakas na hiyaw ni Yeri ng, “ Isang bakla na naman po ang nakaangat sa laylayan.”
Dahil isa lang ang naririnig ni Junmyeon ngayon, ang malakas na tibok ng puso niya sa bawat segundong nakatitig ang mga singkit at nakangiting mata nito sa kanya.
"H-huh?"
Anong ginagawa ni Sehun Oh dito?!
—--
SEHUN
Search: Junmyeon Kim
Bakit ang daming Junmyeon Kim sa pilipinas? Ang unang tanong na pumasok sa utak ni Sehun nang lumabas ang halos 50 accounts nang pindutin niya ang enter button sa kanyang keypad.
Tahimik lang siyang nag-scroll sa Instagram ng mga profiles na nakalatag sa kanyang screen, hindi na niya namalayang napangiti siya nang i-click niya ang username na myeoniverse, at tumambad sa kanya ang nakangiting litrato ng binatang kausap niya kanina.
Cute. Sehun thought as he scrolls down the brunette’s Instagram feed, which was full of aesthetic pictures. The med student wondered how Junmyeon always finds a wall that matches his outfit.
He suddenly stopped scrolling at a group photo, which he thinks was taken when Junmyeon was in high school.
Junmyeon was wearing his white polo uniform and black straight cut slacks. His hair was clean cut and he even wears his ID. Sabi na nga ba, Junmyeon is the type na mukhang good boy kahit noong highschool pa lang. Hindi tulad ni Sehun na laging hindi suot ang ID, nakabukas ang polo at nakataas pa ang buhok.
Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit napahinto sa pag-scroll ang med student. Dahil mukhang luma na ang photo ay malabo ito, Sehun needed to zoom in the picture para lang makita ang cute na ngiti ni Junmyeon.
With his pearly white teeth showing, scrunched up nose, and moon-shaped smiling eyes, Sehun can’t help the smile forming on his lips as well.
Pero mabilis na napalitan ng gulat ang ngiting iyon nang biglang may kumanta sa magkabilang tenga niya, “ I SEE YOU LOOKING AT MY P.I.CCCCC..”
Nagkandahulog-hulog pa ang cellphone niya sa kanyang kandungan dahil sa gulat, “Putangina.” Napatingin siya gilid niya at nakita ang dalawang kaibigan niyang walang awang pinagtatawanan siya at patuloy pa sa pagkanta ng , “Zoom in.. zoom out.. Zoom in.. zoom out!”, with matching dance steps pa.
Maaga talaga siya mamatay sa dalawang ito, “Anong trip niyo?” Kinuha niya ang cellphone niyang nahulog at agad na in-exit ang Instagram app.
“Isang med student na naman po ang nahuling nagzu-zoom in ng picture diumano, ng isang binatang may username na myeoniverse.” ginaya pa ni Chanyeol ang tono ni Jessica Soho para mas may impact.
Shit, Nakita nila ‘yung username. Hindi siya patatahimikin ng dalawang ‘to sa pang-aasar.
“Ano naman?” he nonchalantly said, kahit medyo kinakabhan siya sa titig ng mga kaibigan niyang umupo pa sa magkabilang gilid niya.
“Ano naman?” Natatawang sabi ni Kyungsoo. “Sehun, hindi ka nagzu-zoom in ng picture unless interesado ka.”
Interesado naman talaga ako, isip-isip niya. “So?”
“Uy, hindi dineny.” pang-aasar ni Chanyeol sa kanya.
“So, gumugusto ka na ngayon, ha?” Naramdaman pa ni Sehun ang pagsundot ni Kungsoo sa tagiliran niya. “Gumugusto ka na?”
“I just want to be his friend, okay?” sabi niya sabay tanggal ng malikot na kamay ng kaibigan sa tagiliran niya, “He seems okay and normal. ‘Di katulad niyo, lagi ako binubwisit.”
“You love us, though.” Kyungsoo said and Sehun wouldn’t deny that.”E siya, love mo ba siya? Yieee!”
“Shut up,” Umirap na lang si Sehun. “Tigilan niyo nga ako, go away, matutulog ako.”
“Anong matutulog? 5 minutes na lang next class na.” Nagtaka si Sehun sa narinig, at chineck pa ang relo niya. Oo nga, limang minuto na lang ay susunod na subject na nila. Hindi niya namalayan na dalawang oras na pala ang lumilipas habang tinitignan niya ang profile ni Junmyeon sa Insta. “Himala, hindi ka natulog ng break time. Is this Sehun Oh, version 2.0?” dagdag na pang-aasar pa ni Kyungsoo.
“Hindi, Soo. This is Sehun Oh walang tulog kasi in love version.” pagbibiro pa ni Chanyeol.
This two will never let him live this time, at alam niya iyon, kaya bumuntong-hininga na lamang siya.
He just continued browsing Junmyeon’s feed while waiting for his next class.
