Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-06-23
Words:
1,409
Chapters:
1/1
Comments:
9
Kudos:
92
Bookmarks:
5
Hits:
548

nahanap kita

Summary:

Palabas na sana siya sa Jollibee nang makita ang isang batang babaeng nakasuot ng pastel yellow dress at may makukulay pang butterfly clips na tila nakadapo sa buhok nito. Sa hinaka niya ay nasa lima o anim na taong gulang ito. May bilugan at mamula mula ang pisngi at halos lumampas lang nang kaunti ang tangkad nito sa mesa.

Teka, parang may kamukha ‘to ah.

Notes:

my first attempt at publishing something here a.k.a gusto ko lang talaga mag-ambag sa 623 noren day

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Hinihinigal man pero hindi tumigil sa pagtakbong tumingin si Jeno sa pedometer ng Apple watch niya. 9,623 steps. Kaunti na lang, 10k na. Yes! Mag a-alas nueve na kasi at nakailang laps na rin siya paikot sa Sunken Garden. Hindi naman talaga siya madalas sa UP tumatakbo dahil may kalayuan ito sa apartment niya pero nagyaya kasi si Mark na uminom mamayang hapon sa condo nito sa Katipunan. Mas malapit kaya dito na lang niya napagdesisyunang mag morning jog.

 

“Pagtapos talaga nito didiretso ako sa Jollibee,” bulong niya sa sarili bago sandaling huminto para uminom.

 

🍗

 

“Repeat order ko lang, sir. Two-piece spicy chicken joy, amazing aloha, and large pineapple juice. Anything else?” “Pa-add na rin ng peach mango pie, miss,” sagot ni Jeno bago i-abot ang bayad. “Okay, sir. I receive one thousand.”

 

Mauupo muna sana siya habang hinihintay matawag ang number pero mukhang maraming tao ngayon sa naturang establisimyento. Puno ang mga mesa, maski sa second floor, at hindi magkandaugaga ang mga crew sa pag-serve. Ah… oo nga pala. Sunday, family day. Marahil ay galing ang mga ito sa simbahan o kaya ay papunta sa katabing mall. Kaya naman tahimik na lamang siyang naghintay ng order malapit sa counter.

 

Bitbit niya sa kaliwang kamay ang paper bag samantalang hawak naman sa kanan ang large pineapple juice—ang go-to drink niya para raw healthy pa rin kahit papaano. (Talaga ba, Jeno?) 

 

Palabas na sana siya sa Jollibee nang makita ang isang batang babaeng nakasuot ng pastel yellow dress at may makukulay pang butterfly clips na tila nakadapo sa buhok nito. Sa hinaka niya ay nasa lima o anim na taong gulang ito. May bilugan at mamula mula ang pisngi at halos lumampas lang nang kaunti ang tangkad nito sa mesa. Teka, parang may kamukha ‘to ah. Napatingin si Jeno nang mapansing mag-isa lang ang bata at hindi maipinta ang mukha—nakakunot ang noo at tila ba anumang oras ay iiyak na. Nakatitig ito sa glass door na parang iniisip kung dapat ba itong lumabas o hindi. Saglit pang pinanood ni Jeno ang batang magpalinga-linga na tila ba may hinahanap bago unti-unting humikbi at tuluyan na ngang humagulgol.

 

“Dadaaaa,” sambit nito habang umiiyak.

 

Bitbit pa rin ang paper bag at inumin, lumapit si Jeno at lumuhod sa harap nito.

 

“Hi. Bakit ka umiiyak? Nasaan ang magulang mo?” tanong niya.

 

Bahagyang tumigil ang bata sa pag-iyak para lingunin siya ngunit matapos ang ilang segundo ay nagsimula na namang umiyak. “Da– Dadaaaa!”

 

“Shhh. Don’t cry,” pag-alo ni Jeno dito na lalo pang nagpalakas sa iyak ng bata. “Halika hanapin natin ang dada mo.” Para bang hindi siya nito narinig at patuloy lang sa paghagulgol.

 

Ilang minuto pa at nang tila mapagod sa kaiiyak ay tumingin ito sa kanya at humihikbing umiling, “Dada said..hik– don’t talk to strangers. Y-You’re a–hik.. stranger.”

 

Napangiti si Jeno. Tama nga naman ito. “I’m Jeno, Tito Jeno. Ayan, hindi na ako stranger ha? Tahan na,” malumanay na sabi Jeno bago ilapag ang hawak para sana punasan ang luha nito.

 

“It– it’s okay, Tito Jeno. I have..hik.. a hanky,” at saka kinuha ang panyong may burda pang smiley mula sa dala nitong paper bag na halos ngayon lang napansin ni Jeno. Inabot niya ito at pinunasan ang mukha ng bata.

 

“I think…” panimula nito bago muli na namang may dumaloy na luha sa mga pisngi. “I think dada..hik– dada left me.” Hindi na napigilan ni Jeno na haplusin ang ulo nito at saka dinampian ng panyo ang matatambok nitong mga pisnging basa na naman ng luha. “Sa cute mong iyan, I don't think your dada will leave you. Look at you. You're like a princess!”

 

“Really po?” tanong nitong dahan-dahan pang kumurap na tila nag bu-beautiful eyes.

 

🍕

 

Hindi makapag-isip nang maayos si Renjun kung ano ang gagawin o kung kanino hihingi ng tulong nang pagbalik niya sa Jollibee ay wala na ang anak niya. Nagpabili kasi ito ng pizza pero dahil naka-order na sila at hinihintay na lamang ma-serve ang pagkain ay sinabihan niya itong hintayin na lang siya. Nasa iisang building lang naman ang Jollibee at Greenwich kaya siya na lang ang pumunta sa katabing fast food. Binilinan na lamang niya ang anak na hintayin siya saglit habang wala pa ang kanilang order. Hindi naman niya akalaing matatagalan palang i-serve ang pizza at halos thirty minutes din siya doon. Kampante siyang may guard sa mga fast food chain kaya alam niyang ligtas ang anak niya pero ganoon na lang ang pag-aalala ni Renjun nang pagbalik niya ay wala na ito.

 

“Oh my god, Hyuck! Iyong anak ko!” bungad ni Renjun pagsagot ni Donghyuck sa tawag niya.

 

“Ano? Anong nangyari sa inaanak ko?” Ito man ay tumaas na rin ang boses nang marinig ang panic sa tono ni Renjun. 

 

“Na..Nawawala si Ning,” sagot niya na hindi na napigilan ang mapaiyak. 

 

“Ha?! Paanong nawawala? Akala ko ba nagmall lang kayo? Nasaan ka? Pupuntahan kita. Hanapin natin iyong inaanak ko.” Sunod sunod na tanong at pahayag nito. 

 

Si Donghyuck ang pinakamatalik niyang kaibigan at ito rin ang pinakapaboritong tito ninong ng anak niya…

 

Si Sining, ang pinakamagandang likhang ibinigay sa kanya.

 

🍗

 

“Do you know your dada’s number? Sigurado nag-aalala na iyon sa'yo,” ani Jeno habang hawak ang kamay ng batang si Sining. Umiikot sila ngayon sa second floor ng Jollibee, nagbabaka sakaling makita ang dada nito.

 

“Yes! I memorized dada’s number and our address,” proud nitong sagot kahit halos mangiyak-ngiyak na naman.

 

Saglit na binitawan ni Jeno ang bata para kunin ang cellphone sa bulsa at tawagan ang dada nito. Makailang ulit din niyang sinubukang i-dial ang numero pero mukhang nakapatay ang cellphone nito o baka ay mahina ang signal dahil hindi ito nagri-ring.

 

“Maybe… dada doesn't like me anymore… b- because I always ask him to buy me books,” may nagbabadya na namang luha nitong sabi. Binitiwan nito ang maliit na paper bag ng National Book Store na nakita niya kaninang may laman ngang children’s books.

 

“No, baby. Of course not,” muling pag-alo ni Jeno dito. “Sabi mo you memorized your address ‘di ba? Do you want Tito Jeno to bring you home?”

 

Lumiwanag ang mga mata at tumangong sagot ni Sining. 

 

🍕

 

“Hyuck pumunta na tayo sa pulis. Magpa-blotter na tayo,” hindi mapakaling sabi ni Renjun na kanina pa paroo’t parito sa sala ng kanilang apartment.

 

“Wala pang dalawang oras nawawala iyong anak mo, Jun. 24 hours pa ang hihintayin bago tayo makapag file ng report sa pulis. Ano ba kasing sabi ng guard? Paanong nakalabas si Sining doon nang hindi nila nakikita?” Si Hyuck na sinusubukan ding kumalma at kalmahin ang kaibigan.

 

“Wala naman daw batang babae na lumabas nang mag-isa.” Napaupo na lang si Renjun at napatakip ng mukha. 

 

“Wala bang tumawag sa’yo?”

 

“Wala naman tsaka hindi ko napansin dead batt na pala ako kanina. Noong tumawag ako sa’yo, nagcharge lang ako saglit sa 7Eleven,” dagdag pa niya. Di malaman ni Renjun kung gusto ba niyang umiyak o magwala. Ano na kayang nangyari kay Sining ko?

 

🍗

 

“Sining, are you okay there? Tama naman itong dinadaanan ni Tito Jen ‘no?” tanong ni Jeno sa batang tahimik lang at tila kinakabahang nakaupo sa backseat ng kanyang sasakyan.

 

“Yes, Tito Jen. There po,” pagkumpirma nito.

 

Agad siyang nagpark sa harap ng apartment complex na itinuro ng bata. Pagbaba ay pinagbuksan niya pa ito ng pinto at inabot ang bitbit na libro. Lalakad na sana siya nang bahagyang hilahin ni Sining ang dulo ng kanyang tshirt. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

 

“Are you worried about your dada?” 

 

Tumango ito at inabot ng maliit na kamay ang kay Jeno para humawak. “Don't worry. Sigurado akong hinahanap ka rin niya. Kung wala pa siya inyo, Tito Jen will wait with you until your dada gets back, okay?” Muli itong tumango.

 

Pinauna ni Jeno si Sining paakyat sa hagdan ngunit bago pa man tuluyang makahakbang sa huling baitang ng second floor ay agad na bumukas ang ikatlong pinto sa may bandang kanan at iniluwa ang nagmamadaling si…

 

“Renjun?!” laking gulat ni Jeno nang makita ang dating nobyong may ilang taon na rin siyang walang balita.

 

“Dadaaa!” pasigaw na tawag ni Sining at tumakbo patungo kay Renjun.

 

“Anaaak!” sinalubong naman nito ng yakap ang bata.

 

“Dada?” nakakunot noong tanong ni Jeno na sabay na nakapagpalingon sa dalawang nasa harap niya. Kitang-kita niya kung paano nanlaki ang mga mata ni Renjun nang magtagpo ang tingin nila.

 

“Sininnggg! Ay palaka! Papa ni Sining!” gulat na sigaw ni Donghyuck nang makita siya.

Notes:

kung umabot ka rito, salamat sa pagbabasa!

kudos and comments are highly appreciated <3