Chapter Text
Estrion Ace’s POV.
“Dugo...” tumingin siya sakin. “ikaw!”
“Impossible,” I scoffed. Baliw na ata ‘to eh. “Sige nga, anong dahilan?” hamon ko pero kunot-noo lang siyang umiling at nagpa hilig-hilig ng ulo. Krazy nga.
I scoffed once again bago tignan siya ng seryoso. “Tell me. Will I become the ruling fae of this realm?”
Nakita ko ang pagbabago sa mata niya, nagmistulang ilaw ito sa pag-liwanag. Bigla rin siyang suminghap ng hangin na animo’y nawawalan ng hininga. “Hindi makita... magulo… nagbabago…” Ok, that’s it. Baliw na nga ata ‘to.
Tumayo na ‘ko at iniwan ang matandang ‘yon sa silid.
Dugo? Ako? Tsh, anong sinasabi niya? Mamamatay ako, ganon? Kalokohan.
“What happened, est? Did she somewhat foretell you that you're gonna die or something in the midst of proving yourself to your dad that you’re capable of ruling this realm?” diretsong sabi niya. It seems like Mr. Yuan Nase here used his ability to teleport kaya andito na siya sa tabi ko galing sa kung saan.
Teka, nagfo-foretell na rin siya? Angas, brad!
Napahinto ako sa paglalakad sa hallway na tanging hile-hilerang torch lang ang nagbibigay liwanag at tumingin sakaniya. “What is that again? Oh. Your last mission. Conquering their land as you kill the children of light—twilight’s sons, right? Tss, ‘di mo nga kilala yung isa.” dagdag niya na nagpa-ngiwi sa ‘kin.
“Kaya nga pupuntahan diba?” nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad na sinabayan niya. Nakapamulsa siya at ang angas niyang tignan kaya mas inayos ko ang paglalakad ko. Syempre, ‘di ako nagpatalo.
Mas maangas ako, uy!
“Kailan mo balak lusubin?”
“Next week. At their yearly wings-high ceremony. You know? for those fae’s na magkakapakpak na.”
“A day after our realm’s.” tumango ako.
All fae from different realms experience their own wings-high ceremony. Para ito sa mga fae na tutuntong sa kanilang hundred and thirty-th year simula nang mabuhay—ang oras para mabiyayaan sila ng permanenteng pakpak. A yearly ceremony na inaabangan ng lahat.
And of course, I already got mine. I’m two hundred seventeen years old, afterall, fully prepared to be the next fae to rule this realm.
“Then, bakit ka pupunta ngayon kung-”
“Tsk. Tsk. Tsk.” nakalimutan niya na ata. Grabe. “Diba nga, bukas na ipakikilala ang pangalawang anak ni Zain? I will also stay there for a week para kilalaning lubos ang mga kalaban.” I winked at him. Know your enemies and keep them closer, then after… stab them.
Literally.
BWAHAHAHA!
“Baliw.” nahinto ako sa pag i-evil grin nang sabihin niya ‘yon.
Igaya ba naman ako sa manghuhula kanina? Tama ba ‘yon?
“Hoy, Yuan, may baliw bang hindi naniniwala sa sinabi ng manghuhula? Ha!”
Natigil ako sa paglalakad nang harangan niya ang nilalakaran ko. “Wait… Don’t tell me she did told you na mamamatay ka sa pagpunta mo diyan sa twilight realm?” ay. Akala ko pa naman may ability na rin siyang mag foretell.
Tinabig ko siya para makalakad na bago ako nagsalita.
“Yeah. Lol. As if namang mangyayari ‘yon. Kilala mo naman ‘yung matandang ‘yon. Remember before? She foretell your future kuno na magkakajowa ka na raw last year, what happened? Single ka pa rin hanggang ngayon!” he looked at me, turning his black eyes into a green one kaya alam kong makakatanggap ako ng sakit sa katawan. Grabe talaga, parang ‘di kaibigan. Bago niya pa ‘ko masipa, nagamit ko na ang kakayahan na meron din siya.
"Ako na mag foretell! Next year, brad! Next year!" sigaw ko sa dulo ng pasilyo bago magteleport papuntang kwarto.
•••
Muli kong nilingon ang kastilyo ng realm na ‘to kung saan ako nakatira. Nakita ko si dad na nakatingin sakin mula sa pinakamataas na palapag ng kastilyo. Hinahatid ako ng tingin.
Hinarap ko siya at matapang na nakipag titigan sakaniya. Naramdaman ko ang pag-init ng mata ko, nag kulay pula na naman panigurado. Nakita ko rin ang pagpula ng mata ni dad.
Naalala ko ang pag-uusap namin kanina sa kwarto ko. Sinalubong niya ako roon para ibigay sa ‘kin ang basbas niya at ang paalalang kailangan kong patunayan ang sarili sa huling pagkakataon sa pamamagitan ng ibinigay niyang mission.
Para maipasa niya sa ‘kin ang pamumuno sa mundong ito.
This should be a piece of cake. Well, I’ve done much more than this. Nakapatay na nga ako ng inang dragon and was even sent to kill numerous cyclopes. Also, ilang beses na akong napadala sa iba't ibang mission. All for the sake of preparation para maging karapat dapat na humalili.
Those two sons…
Dalawa ang anak ni zain pero ang panganay na si luke cullen palang ang kilala ng lahat. Ang pangalawa ay ipakikilala sa ika dalawang daang taong kaarawan nito—bukas. Pupunta ako roon upang magmanman at makilala ito.
"Be careful. Tanga ka pa naman," walang ‘yang yuan nase. Porke siya lang may ability makipag-usap gamit mind-link! "Don’t be fooled."
"Don't worry, I won’t be."
Tinignan ko ang light red na kulay ng kalangitan, ibig sabihin, umaga pa. Sayang, ‘di ko maaabutan ang gabi dahil paalis na ‘ko.
Nakakabighani rito tuwing gabi dahil sa dark blue-ng kulay ng kalangitan at wave-night-light. “wave”, dahil sa pag-mistulang alon nito sa kalangitan na dahan-dahang sumasabay sa pagsayaw ng hangin. Ang alam ko, kahalintulad ito ng kilalang northern lights o aurora sa ibang mundo.
Nadako rin ang paningin ko sa malawak na field sa harap ng kastilyo kung saan nagmistulang parke. Maraming mga batang fae ang naglalaro rito ngayon pero wala sa kanila ang atensyon ko.
Ang mga hile-hilerang bulaklak na nakasara. Isa sila sa nagpapaganda ng realm na ‘to dahil sa angking kagandahan at katapangan. ‘Wag mo silang hahawakan bare hands kung ayaw mong malason. Though, nagbibigay ito ng liwanag sa gabi. Para kasi itong nagkakaroon ng performance tuwing matatamaan ng liwanag ng buwan, isa-isa silang namumulaklak at lumiliwanag kasabay ng pagsayaw sa iisang ritmo.
Katulad ng pangalan ng realm, hindi kami nakakakita ng araw rito dahil hindi kami nasisikatan nito. Faded light lang ng araw ang tumatama sa ‘min. Dahil rin sa madilim na awra ng realm namin, kinatatakutan kami ng ibang realms. Aba, dapat lang!
Mula rito sa bundok, muli kong pinagmasdan ang kabuuan ng tanawin na nasa harap ko.
kahit sunless ang realm na ‘to, nasa amin ang kagandahan pagsapit ng kadiliman.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad sa mahaba habang kweba palabas.
Isang linggo…
•••
Narealize kong hindi ko kayang maglakad hanggang palabas kaya ginamit ko nalang ang pakpak ko.
Twilight realm. Tsh.
Zain, twilight himself, the ruling fae of this realm. Anong pumasok sa isip mo at pinangalanan mong twilight ang realm na ‘to? Obviously, ‘di naman mukhang twilight ang lugar na ‘to. Sobrang liwanag. Masakit sa balat dahil sa sinag ng araw.
Tumingala ako.
Kailan nga ba kita huling nakita, araw? 20 years ago ‘yun, ‘di ba? Grabe, wala kang pinagbago, nakakainis ka pa rin.
Nang makarating sa bundok na sakop ng twilight, bumaba na 'ko.
Hindi ako nawalan ng kapangyarihan at pakpak paglabas dahil sa basbas ni dad. Bukod sa kanya, ang mga fae na nababasbasan lamang ng namumuno ang nagkakaroon ng kontact sa labas ng kanilang realm, kasama na rito ang pananatili ng mga kakayahan.
Kasabay ng pagdampi ng kaliwa kong paa sa lupa, ang pag-iba ng anyo ko. Dark pink shade na ang kaninang pula kong buhok. Simpleng light brown shirt, puting pants, at puting sapatos na ngayon ang suot ‘ko.
Itinago ko na ang aking pakpak bago sumilip sa ibaba ng bundok.
Huh.
Walang dark shade of colors ang makikita sa lugar na ‘to. Tambad din ang malaking kastilyo kung saan maraming nagkalat sa himpapawid na mga bubuyo- este, fairies nila. Makikita ang nagsisiyahan at tawanan ng mga fae sa mundong ito.
Napangisi ako.
Bumaba na ako at sinuri ang paligid. Marami ring parke, mga naglalaro, nagtatawanan, nagliliparan, masyadong mababaw ang kasiyahan, makulay, matingkad, maliwanag. In short, masakit sa mata.
Paano ko ba matatagalan dito ng isang linggo?
Inangat ko ang paningin ko. Napansin kong binabati ako ng mga nakakasalubong kong fae. Niyuyukuan ko sila pabalik, parte ng pagkukunwari.
Sigurado akong ‘di sila maghihinalang galing ako sa mundong kasalungat ng mundo nila. Paano ba naman? Una, walang taga ibang mundo ang may kapangyarihan sa mundong 'to. Pangalawa, may proteksyon ako sa pinanggalingan ko. Pangatlo, dahil sa mga kakayahan ko.
Nakapamulsa akong nagpatuloy sa paglalakad nang makita ang isa sa anak ng twilight.
Luke Cullen.
Pinagmasdan ko ito mula sa kinatatayuan ko. Mukang pinagtitripan siya ng mga kasama niya dahil sa itsura niyang iritado.
“Tsk, isa!”
“Dalawa!”
“Tatlo!”
“Walangya.” Napatingin ako sa kalangitan nang makitang dumidilim ito. Oh. Power of the eldest son.
Can manipulate elements that make the weather.
Hmm… interesting.
Nakita kong lumitaw sa harap niya ang dalawang nang-aasar sa kanya at natatawa na humingi ng tawad sa anak ng twilight. Pare-pareho silang nakasuot ng puti.
“Uy… kumalma ka nga HAHAHAHAHA seryoso!” sabi nung lalaking may nunal sa gilid ng mukha. Kakaibang nunal…
Crescent moon.
Napunta sa lalaking nakatalikod mula sa ‘kin ang atensyon ko. Nangibabaw kasi ang mga tawa nito. Kakaiba nga lang dahil ang graceful pakinggan kumpara sa kasama niya at sa mga tawang narinig ko na.
Parang kahit tawanan ka lang niya nang paulit-ulit kahit walang nakakatawa, gugustuhin mo paring marinig at magmimistulan pa ngang mga musika. ‘Di ko alam, gano’n ang dating sa ‘kin ng tawa niya eh.
If you’re a normal person you might fall for it. Might even beg just to hear it. Sorry, not sorry, but I'm not a person nor a normal fae.
Don’t get me wrong, I’m just asserting facts.
Bahagyang nag-abot ang kilay ko nang mapagtantong hinila pala siya nung may crescent moon mole. Nakita ko ang side profile niya mula sa kinatatayuan ko. Sumingkit ang mata ko.
Even his smile is different.
What’s with this fae? Why am I seeing a few first in him?
Nawala ang singkit sa mata ko nang humarap siya sa gawi ko. Nag-abot din ang kilay niya at inihilig ang ulo. Napaiwas tuloy ako.
Alam kaya niyang naririnig ko sila? Hindi naman siguro. Kasalanan ko bang kaya ko silang marinig kahit malayo kung gugustuhin ko?
Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko pero ‘yung luke cullen at may crescent mole nalang ang nakita ko.
“Hi!” I flinched and immediately looked behind me.
What the fvck?
“Ay, sorry, nabigla ba kita?”
Hindi ba halata? Gago ata 'to eh.
“Bago ka ba rito?”
Ah, oo? Hindi naman ako taga rito.
Teka nga, ba't sa utak ako sumasagot? Eh panigurado namang hindi ako naririnig nito dahil alam kong walang fae ang may kakayahang magbasa ng iniisip.
Tumango tango siya “ahh” nag thumbs up pa.
Wala nga ba? Fvck, naririnig niya ba ako ngayon? May gano’ng ability ba siya? Imposible, alam ko pinagbabawal ‘yon!
“'Yung bibig mo! Sige ka, dadapuan ‘yan ng bubuyog o kaya paru-paro.” nagsimula na naman siya tumawa.
What the hell.
What is with your laugh, fae?
Napansin niya atang hindi nagbago ang reaksyon ko kaya napangiwi siya at umismid. Narinig ko siyang bumulong ng “napahiya ako dun ah” kaya naisara ko ang bibig ko dahil medyo nakakatawa ‘yon. Medyo lang. Mga 5 percent.
Minus 1 percent pa pala.
Umayos siya nang tayo at humarap sa akin nang nakangiti.
Ano ba meron sa fairy na ‘to? Weapon niya ba ‘yan o ano?
Galak na galak siya. Kita ang kinang sa mata. Pati tuloy mata ko nahuhumaling sa mga ngiti niya. Hindi ko itatanggi dahil hindi ito katanggi-tanggi. Kahit sino siguro mapapatitig talaga.
"Hi, sayo! I’m cian. Hindi shan, ah? Si-yan. Cian!" Maligalig niyang pagpapakilala bago ilahad ang kamay.
"Ikaw, sino ka?" Dagdag niya.
