Actions

Work Header

I'd like to hang out with you for my whole life

Summary:

Kung saan hindi sumipot si Sunghoon sa date nila ni Sunoo.

Work Text:

Padabog na ibinato ni Sunoo ang kaniyang cellphone matapos mabasa ang mensahe na kaniyang natanggap mula kay Sunghoon.

“Hey, Sun. I’m sorry I fell asleep earlier. Are you in your condo right now? Can I go there, please?”

Napagkasunduan nilang dalawa na mag-date sa labas dahil matagal na rin mula noong huling beses silang nagkita. Parehas silang nasa kolehiyo ni Sunghoon na kumukuha ng BS in Legal Management habang si Sunoo naman ay Bachelor in Forensic Science. Dahil piling unibersidad lamang sa buong Pilipinas ang nag-aalok ng BFS, nahiwalay si Sunoo mula sa kaniyang nobyo at mga kaibigan. Naging mahirap ang kaniyang buhay kolehiyo lalo na at mas gusto niya na kasama lagi si Sunghoon ngunit hindi niya magawang isuko ang kaniyang childhood dream. Alam ito ni Sunghoon kaya hangga’t maaari ay lagi niyang ipinaparamdam sa kaniyang nobyo na bagama’t nasa magkaibang unibersidad sila ay palagi pa rin siyang may oras para sa relasyon nilang dalawa.

Tumunog muli ang cellphone ni Sunoo, hudyat na may panibagong mensahe na naman siyang natanggap. Pinigilan niya ang kaniyang sarili na basahin ito agad ngunit siguro nga ay tama ang kaniyang bestfriend na si Jungwon noong sinabi nito na marupok si Sunoo pagdating kay Sunghoon.

“Baby, I’m really sorry. I forgot to inform you earlier that I will rest for a while. I am sorry I overslept. Talk to me, please? If you don’t want to see me right now, can I at least call you? Hmm?”

May kaonting kirot sa dibdib na naramdaman si Sunoo matapos mabasa ang text ni Sunghoon. Sa isip-isip niya, pagod pala ito dahil sa dami ng kailangan niyang tapusin na gawain ngunit ito si Sunoo, nagtatampo dahil lang sa hindi natuloy ang kanilang movie date. Pero may boses na bumulong kay Sunoo na nagsabing minsan na nga lang sila may oras para lumabas nang magkasama pero hindi pa ito natuloy. Miss na miss na ni Sunoo ang boyfriend niya kaya kahit valid naman ang excuse ni Sunghoon, hindi niya pa rin maiwasan na magtampo.

Alam ni Sunoo na wala siya sa tamang pag-iisip para mag-reply kay Sunghoon kaya humiga na lamang siya sa kaniyang kama at nagtakip ng unan sa mukha. Naririnig niya ang paulit-ulit na pagtunog ng kaniyang cellphone ngunit pinili niyang huwag na lang ito pansinin.

。゚•┈୨♡୧┈• 。゚

Sa kabilang banda, si Sunghoon ay nakaupo sa sahig ng sala ng kaniyang condo unit. Nakatitig lang siya sa cellphone na nasa mini table habang naghihintay sa reply ng kaniyang nobyo. Huli niyang mensahe rito ay paghingi ulit ng tawad mula sa kasintahan. Ilang minuto ang lumipas na wala siyang natanggap na kahit ano mula rito kaya napabuntong-hininga na lamang siya. Hinilot niya ang sintindo nang may labis na pagsisisi.

Miss na miss na rin ni Sunghoon si Sunoo. Hindi sapat ang gabi-gabi nilang video call at chats sa tuwing may oras ang isa’t isa. Hindi rin lingid sa kaniyang kaalaman na gustong lumabas ni Sunoo kaya nga ay pumayag siya sa aya nito na lumabas at manood ng movie sa sinehan. Ngunit sa kamalas-malasan ay nasakto na hectic ang schedule ni Sunghoon ngayong araw dulot ng magkabilaang org meetings at backlogs na kaniyang inaasikaso. Kung tutuusin, may oras naman siya kahit papaano para kitain si Sunoo pero sa sobrang pagod niya kanina ay nakatulugan na niya ang lakad nila. Nakalimutan din niyang magsabi rito na siya ay matutulog muna kaya naiintindihan niya ang pagkayamot ng boyfriend niya.

Kilala ni Sunghoon ang ugali ng kaniyang nobyo at alam niya rin kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ngayon. Panigurado ay naiintindihan naman siya ni Sunoo lalo na’t ito ang isa sa pinaka-maintindihin na tao na kaniyang nakilala. Ngunit nagtatampo ito ngayon dulot na rin na matagal na nga silang hindi nagkikita at hindi pa niya ito sinipot. Sa huli, napag-desisyunan na lamang ni Sunghoon na tumayo at gawin muna ang mga natitirang backlogs.

。゚•┈୨♡୧┈• 。゚

“Huy, okay ka lang ba?”

Natigil sa pagtulala si Sunoo nang marinig niya ang boses ni Riki, kaniyang kaklase at kaibigan sa university.

“O-oo. Inantok lang.” pilit na ngiti ang iginawad ni Sunoo sa kaniyang kaibigan na siya namang napansin ni Riki.

“Alam mo, lagi tayong magkasama kapag may pasok kaya kilala na kita. Nag-away ba kayo ng jowa mo?” usisang tanong ni Riki. Gulat na napatingin si Sunoo sa kaniya at ibinaba ang hawak na ballpen.

“Ganon ba ako kadaling basahin? Paano mo naman nasabi?”

Natawa si Riki at ibinaba rin ang libro na kaniyang binabasa. Kasalukuyan silang nasa library ng kanilang unibersidad dahil nagkaroon ng biglaang meeting ang kanilang prof sa Criminal Law Book 1. Nag-iwan lamang ito ng ilang readings para sa darating nilang recit.

“Hindi naman sa madali kang basahin. Kung tutuusin, ang hirap mo ngang kilalanin, eh. Sa tuwing may recit tayo, hindi nakikita sa mukha mo na kinakabahan ka. Para bang confident ka na masasagot mo lahat ng ibabatong tanong sa iyo. Kaya minsan hindi ako naniniwala kapag sinasabi mo na kinabahan ka habang nagsasagot.”

“Totoo na kinakabahan ako! Try mo next time na tignan ‘yung kamay ko habang nagsasagot. Makikita mo na nanginginig ako.”

Parehas silang natawa sa sinabi ni Sunoo.

“Sige, I will observe your hand next time. Pero kaya ko naisip na nag-away kayo ng jowa mo kasi siya lang naman may ganiyang epekto sa ‘yo.”

Huminga muna nang malalim si Sunoo at isinandal ang sarili sa shelf sa kaniyang likuran bago nagsalita.

“Naging busy tayo nitong mga nakaraang linggo, ‘di ba? Kasagsagan ng midterms kaya natambakan tayo ng backlogs. Ganon din si Sunghoon kaya hindi kami nagkikita. Nakakapag-usap pa rin naman kami through video calls and chats pero hindi sapat ‘yon kasi iba pa rin kapag nahahawakan ko siya at nakakasama. Noong nakaraang araw, inaya ko siya na manood ng The Rise of Gru. Pumayag naman siya kaya naging excited ako. Ang kaso, kahapon, nakatulugan niya ‘yung lakad namin. Naghintay ako sa unit ko kasi ang sabi niya susunduin niya ako pero dumating na ang 7pm pero walang Sunghoon na sumundo sa akin.”

Naka-pout si Sunoo habang nagsusumbong kay Riki. Bakas sa mukha niya ang labis na pagtatampo sa nobyo.

“Ano namang sabi niyang dahilan kung bakit hindi siya nakapunta?”

Umiwas ng tingin si Sunoo kaya napailing si Riki habang may maliit na ngiti sa kaniyang labi.

“Ano.. nakatulog daw siya kasi pagod ‘yon dahil sa dami ng backlogs niya.. pero kasi..”

Hindi na maituloy ni Sunoo ang kaniyang sinasabi dahil sa guilt na kaniyang nararamdaman. Kung kahapon ay nanaig ang kaniyang pagtatampo, ngayon naman ay napagtanto niya na dapat niyang intindihin ang kaniyang nobyo.

“Sunoo, alam ko, by now, na naiintindihan mo na kung bakit hindi ka sinipot ni Sunghoon. Ikaw ang isa sa pinaka-understanding na tao na kilala ko kaya I’m pretty sure alam mo na kung anong dapat mong gawin.”

Yumuko si Sunoo at isinandal ang kaniyang noo sa lamesa.

“Paano ako magso-sorry, Riki? Nahihiya ako.”

“Ay, hindi ko alam, Sunoo. Wala akong jowa kaya wala akong alam sa panunuyo. Basta ang masasabi ko lang ay you should never leave a fight unresolved. Pag-usapan niyo ni Sunghoon ang naging problema niyo at ayusin ‘to. Kaya mo ‘yan, Sun!”

Sakto na matapos magsalita ni Riki ay umilaw ang cellphone ni Sunoo.

“Oh, ayan na pala. Sige na, friend, ‘wag ka na mahiya kay Sunghoon. Ayusin mo na ‘yan.”

Napabangon si Sunoo dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan at tinignan ang kaniyang cellphone.

“Baby, good morning. I’m sorry again for what happened yesterday. I hope you already ate your breakfast. Don’t forget to take care of yourself, okay? Let me know if you’re ready to talk to me. I love you, Sun.”

Gamit ang nanginginig na kamay, nagtipa ng mensahe si Sunoo para sa kaniyang nobyo.

。゚•┈୨♡୧┈• 。゚

Agad na ibinaba ni Sunghoon ang kaniyang iPad nang marinig ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Dali-dali niya itong binuksan at lubos ang ginhawa na kaniyang naramdaman nang makita kung sino ang nag-text sa kaniya.

“We can talk today. I’m at uni the whole day so just message me if you’re coming here.”

Itinabi niya agad ang kaniyang mga gamit kaya’t napalingon sa kaniya ang mga kaibigan niya.

“Uy, pre, alis ka? Akala ko ba mag-aaral tayo ngayon?” tanong ni Heeseung na kaniyang katabi.

“Nag-text na sa akin si Sunoo. Pupuntahan ko siya ngayon.”

Napahiyaw ang kaniyang mga tropa dahil sa kaniyang sinabi. Mabuti na lamang at sa gazebo sila tumambay kasi paniguradong mapapaalis sila kapag sa library sila nag-ingay.

“Iba talaga kapag inlove.” pang-aasar ni Jay sa kaniya. Sinuntok naman siya sa braso ni Jake dahil sa kaniyang sinabi.

“Sus, ganiyan ka rin naman kay Jungwon.” natawa ang lahat dahil sa sinabi ni Jake. Totoo naman kasi na ganon din si Jay pagdating kay Jungwon. Baka nga kung sila ang nagkaroon ng tampuhan ni Jungwon ay kumaripas na siya ng takbo para lang suyuin ito. Mahirap pa naman itong amuhin dahil parang pusa ito kung magalit.

“Sige na, mga pre, una na ako. Natapos ko naman na lahat ng kailangan kong gawin.” pagpapaalam ni Sunghoon.

Agad siyang umalis matapos masigurado na nailigpit na niya ang kaniyang mga gamit. Habang naglalakad papunta sa parking lot ay nagtipa siya ng mensahe para kay Sunoo at sinabi rito na papunta na siya ngayon sa kaniya.

。゚•┈୨♡୧┈• 。゚

Matapos matanggap ang mensahe ni Sunghoon ay tumayo na si Sunoo at nagligpit ng kaniyang mga gamit. Ganon din ang ginawa ni Riki dahil alam niyang magkikita na ang dalawa.

“Thank you, Riki, sa pakikinig at pagbigay ng payo sa akin. Libre kita ng lunch tomorrow.”

Parang kumislap ang mata ni Riki dahil sa narinig.

“Aba! Gusto ko ‘yan! I’ve been craving chicken wings since last night pa naman.”

Masayang tumango si Sunoo para ipakitang payag siya sa gusto ni Riki. Nang makalabas sa library ay naghiwalay na sila ng daan dahil may pupuntahan din daw si Riki. May suspetsa si Sunoo na umuusbong na rin ang lovelife ng kaibigan dahil napapansin niya na napapadalas ang pagngiti nito tuwing may kausap sa kaniyang cellphone. Alam niya na sooner or later ay may ipapakilala na si Riki sa kaniya.

Nang malapit na siya sa gate ng university ay naramdaman niya ang labis-labis na kaba. Pakiramdam niya ay lalabas na ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok nito. Pinagpapawisan na rin siya kahit hindi naman gaano kainit ang panahon. Ilang beses niyang sinubukan na huminga nang malalim ngunit kinakabahan pa rin siya.

Siguro nga tama si Riki. Si Sunghoon lang ang may ganitong epekto sa akin. Naisip niya nang maupo siya sa karatig na bench. Napangiti siya dahil sa naisip at inalala na lamang ang mga masasayang ala-ala nila ni Sunghoon. Naging malaking tulong iyon upang huminahon ang tibok ng kaniyang puso.

Makalipas ang ilang minuto ay may pumarada na sasakyan sa harap ni Sunoo. Bumaba mula rito si Sunghoon na may bitbit na dalawang box ng moshi manju— ang comfort food ni Sunoo.

“Hi.” bati ni Sunghoon sa kaniya.

Awkward naman na itinaas ni Sunoo ang kaniyang kanang kamay at kumaway dito.

“Hello.”

Lumapit si Sunghoon sa kaniyang tabi at iniabot ang moshi manju sa kaniya. Napangiti si Sunoo dahil sa kilig na kaniyang nararamdaman. Nang makita ito ni Sunghoon ay napangiti rin siya. Sa mata ng mga tao na nakakakita sa kanila ngayon ay mukha silang high school couple dahil nagkakahiyaan pa sila kahit na tatlong taon naman na silang mag-nobyo.

“Punta tayo sa unit ko? Doon tayo mag-usap?” alok ni Sunoo. Ayaw naman kasi niyang sa public place pa sila magkausap ni Sunghoon dahil alam niya sa sarili niya na gustong-gusto na niyang mayakap ang nobyo.

Nang pumayag si Sunghoon ay sumakay na sila sa kotse at nagpunta sa unit ni Sunoo.

。゚•┈୨♡୧┈• 。゚

Pagkarating nila sa unit ay agad inayos ni Sunghoon ang pagkain na kaniyang dala. Pinapanood lamang siya ni Sunoo na nakaupo sa kaniyang mini sofa. Hindi niya maitago ang kilig na nararamdaman dahil naisip niya na sobrang komportable na nila sa buhay ng isa’t isa.

Habang abala si Sunghoon sa pag-aayos ng mga pagkain ay naramdaman niya ang pagyakap sa kaniya ni Sunoo. Malalim na hininga ang kaniyang napakawalan dahil sa wakas, naramdaman na rin niya ang yakap ni Sunoo. Sa simpleng yapos lamang ni Sunoo ay nawala ang pagod na kaniyang nararamdaman.

“I’m sorry, love. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi ka nakasipot. Nagtampo lang talaga ako kasi…”

Hinintay ni Sunghoon ang susunod na sasabihin ng kaniyang nobyo ngunit mas humigpit lamang ang pagkakayakap nito.

“Kasi?” pag-uudyok ni Sunghoon sa nobyo.

“Kasi miss na miss na kita. Ang tagal na nating hindi nagkita. Feeling ko tuloy nasa LDR relationship ako kasi sa calls and chats na lang kita nakakausap!”

Habang nagsasalita si Sunoo ay unti-unti ring tumulo ang mga luha na kagabi niya pa pinipigilan. Napansin ito ni Sunghoon kaya agad siyang humarap kay Sunoo at marahan na pinunasan ang mga luha nito. Kumikirot ang puso ni Sunghoon habang nakikita ang kaniyang nobyo na umiiyak ngunit hindi na muna siya nagsalita dahil alam niyang may idadagdag pa ito.

“Naisip ko kahapon na baka kaya hindi mo ako pinuntahan ay baka may iba ka na. Hindi ko maiwasan na mag-overthink kasi hindi mo naman ako nakakasama palagi dahil nasa magkaibang university tayo. Malay ko ba, baka gusto mo pala ‘yung mas malapit.” Humihikbi si Sunoo habang nagsasalita samantalang hinahagod naman ni Sunghoon ang likod ng nobyo habang umiiling.

“No, baby, of course not. Hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit sino. Mahal kita, Sunoo. No one can replace you in my life.” pag-aalo ni Sunghoon at pagtapos ay pinatakan ng halik ang noo ni Sunoo.

Napanguso naman si Sunoo dahil sa narinig.

“Aba! Dapat lang! Lagot ka talaga sa akin kapag pinagpalit mo ako sa mas malapit!” pagbabanta niya na siya namang ikinatawa ni Sunghoon.

He’s so fucking cute. Saad ni Sunghoon sa kaniyang isipan.

“I’m sorry, again. It’s not my intention to hurt you. I was just so tired yesterday that I had to rest my head which led me to oversleeping.” pagpapaliwanag ni Sunghoon.

Para kay Sunoo, hindi naman na kailangan pang magpaliwanag ni Sunghoon dahil naiintindihan naman na niya ito. Naiintindihan niya na mahirap ang buhay kolehiyo dahil halos hindi na nila hawak ang kaniya-kaniyang oras. Mas gugustuhin din ni Sunoo na hindi na matuloy ang date nila kung ang kapalit naman nito ay makakapagpahinga si Sunghoon.

“Okay, bati na tayo. Sorry rin for acting like this.” malungkot na saad ni Sunoo habang nakayuko.

Iniharap ni Sunghoon ang mukha ni Sunoo sa kaniya at marahang hinalikan ang labi nito.

“Thank you for forgiving me, Sun. I’ll try my best to make it up to you, yeah?”

Napangiti nang malapad si Sunoo dahil sa narinig niya. Isa ito sa pinakamamahal ni Sunoo kay Sunghoon. Kapag nagkakaroon sila ng tampuhan ay sinisigurado nito na makakabawi ito kay Sunoo.

“How about a grocery date?” alok ni Sunoo.

Sunghoon chuckled and ruffled Sunoo’s head, “Okay, baby, a grocery date, then.”

Bago sila humiwalay sa yakap ng isa’t isa ay hinalikan ni Sunoo ang labi ni Sunghoon at bumulong,

“Thank you for loving me, Hoon.”