Work Text:
Malumanay at tahimik na dinadamdam ni Wonwoo ang bawat tapak ng kanyang paa sa sahig ng isang mall. Hindi naman maingay at ganoon kadami ang mga nasa paligid niya na ikinasaya naman niya.
Ito kasi ang unang beses niyang tumapak sa mall after 2 months na nagpapabalik-balik sa bahay nila at sa university na pinapasukan niya.
Sakto namang tapos na ang mga pasakit na pinagdaanan niya sa loob ng 2 months kaya nasa mall na siya ulit. Isa pa ay may purpose naman kasi siya kung bakit niya naisipang pumunta sa mall ngayon.
Dahil nga naging routine niya ang maglabas-masok sa bahay nila at sa university pati ang mga kaibigan nito ay hindi na rin siya nahagilap. Kaya huli na rin siya na inform na may birthday party si Seungcheol sa birthday nito na mamaya na gaganapin.
Hindi naman ito nag-alangan na tumanggi kaya agad itong nagsabing dadalo siya. Matapos niya ito ipaalam sa kaibigan agad na itong pumunta sa mall at bumili ng ireregalo.
Nahinto ito sa paglalakad at ibinaba ang iniinom na avocado shake na binili niya 10 minutes ago dahil biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Wear your most comfortable clothes later. See you."
It's a text from the birthday boy.
Nakangisi itong umiiling nang mabasa ang text ng kaibigan. Alam niya kung saan siya dadalhin ng comfortable clothes na 'yan.
(*'▽'*)♪
"Woah! You came!" a handsome boy shouts to the new comer.
"Of course, it's your birthday hindi pwedeng hindi ako nandidito." sabi ni Wonwoo sabay yakap sa kaibigan. "Happy birthday."
"Thanks. So where's my gift?"
"Here." abot ni Wonwoo kay Seungcheol ng isang paper bag. "Open it up."
"Later. It's hard to open a gift in this kind of place. The LED lights makes me color blind and dizzy." sagot nito dahilan para magtawanan sila.
Habang lumalalim ang gabi dumadami naman ang pumapasok sa venue, sa bar.
"Wonwoo always wear that leather jacket every time na sa bar tayo pupunta." bungad ni Joshua na kakarating lamang.
"Hey, pangmalakasan kaya 'tong leather jacket ko." sagot naman ni Wonwoo sabay lagok ng Tanduay Ice niya.
"I heard that you're here with someone. Where is she?"
"I left him somewhere kung saan hindi niyo siya makikita." ngising sagot nito.
"Ang daya naman, kuya Joshua." angal ni Vernon na hindi rin naman nila narinig dahil biglang lumakas ang music.
Paubos na ang iniinom ni Wonwoo at kailangan na niyang kumuha ng bago. Nagpaalam ito sa kanila na kukuha lamang ng inumin ngunit tinuksok lang ito.
"Baka naman pagbalik mo hindi lang bote ng alak ang dala mo kundi kung sinoman."
Itinaas nito ang kanyang gitnang daliri habang paalis sa pwesto nila. Mga hinamungkal talaga.
Malaki ang pinagkaiba ni Wonwoo kapag kasama ang mga kaibigan at kapag ang kasama lamang ay ang mga libro nito. Sa kapal ng salamin nito hindi mo talaga aakalaing dumadalo ito sa mga party every time na may libre itong oras.
Kung anong kina-wild niya sa loob ng bar ayun naman ang kinaamo niya sa loob ng silid-aralan. Dinaig pa si Bumblebee sa pagta-transform nito.
Pagkatapos kumuha ng panibagong inumin, napadaan ang binata sa may parang balkonahe ng bar (nasa 2nd floor sila). Walang gaanong tao sa balkonahe tanging mga nagyoyosi lamang ang natatanaw niya.
Lumapit siya nang kaunti rito dahil hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng tatlong taong nakasandal sa railings nito. Aminado naman ang binata na hindi niya kilala ang mga ito ngunit napukaw ang mata niya sa isang lalaki na chill lamang at walang hawak na inumin.
He's wearing a turtle neck top with a blue cardigan. Hindi alam ni Wonwoo kung anong kulay ng turle neck nito...
"Oh. A dark green turtle neck."
Sumandal siya sa railings katabi ang binatang pinagmamasdan ang mga iilang mga sasakyan sa kalsada at mga taong naglalakad sa side-walk.
"Are you alone?" biglang pagbabasag ng katahimikan nilang dalawa. Sila na lang ang natitira sa balkonaheng ito.
Bahagya namang natawa at napailing ang lalaki. "No, I'm with someone." sabi nito sabay lingon kay Wonwoo.
Tumingin din naman si Wonwoo sa binata sabay nginitian ito. "Wonwoo."
The innocent looking boy nod and leans in to give Wonwoo a quick peck. "It's Jun."
Halos mabato naman si Wonwoo sa kabilang banda. Ito ang unang beses na may gumawa ng move sa kanya. Sa tingin niya nakahanap na siya ng katapat.
"What was that for?"
"A hello kiss, I think?"
"Really? How about this one." inilapag ni Wonwoo ang bote ng kanyang alak sa lapag tsaka nilapitan ito.
"Wha-"
Bago pa matapos ang sasabihin ni Jun bigla na lang siyang sinungaban ng halik ni Wonwoo.
Nanlaki ang mata nito sa pagkabigla at tinignan ang mga mata ni Wonwoo na parang uhaw na uhaw.
Wonwoo kisses Jun slowly and gently. Jun responses to his kiss while touching Wonwoo's hair.
Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang paghahalikan ng dalawa. Wonwoo already added his tongue to make things hotter. He also explores Jun's body and softly touching every inches of it.
Dahil na rin nadadala ang mga ito sa sensuwasyon lalo na si Wonwoo na nahubad na ang suot na blue cardigan ni Jun.
Iaangat na sana ni Wonwoo ang dark green turtle neck na suot ni Jun ng biglang may tumunog sa bulsa nito.
Bahagyang itinulak ni Jun si Wonwoo dahil ayaw pa nitong humiwalay sa paghahalikan nilang dalawa. Binunot ni Jun ang kanyang telepono na hanggang ngayon ay tumutunog pa rin.
Sa pangalawang pagkakataon nagulat ulit ang binata pagkakita sa kanyang telepono.
Mood wrecker (。ì _ í。)
Panandaliang pinatay ni Jun ang telepono at binuksan ulit para silipin ang oras. Patay na.
"Hey, what's wrong?" kunot noong tanong ni Wonwoo.
Tumingin naman si Jun sa binata na mukhang gulong-gulo. "I need to go." nagmamadali nitong sabi.
"Why?"
Bago pa sumagot ay tumunog ulit ang telepono ni Jun hudyat na may tumatawag na naman dito.
"I badly need to go, Wonwoo." sabi niya sabay lakad nang mabilis pero bago pa ito makaalis nahatak siya ulit ni Wonwoo pabalik at niyakap.
Naramdaman niyang umiiling si Wonwoo at bumubulong ng "ayaw" sa tenga niya.
Walang nagawa si Jun kundi harapin ang mukha ni Wonwoo at mabilis itong hinalikan.
"Don't worry, we'll meet again soon." Jun smiles and leave Wonwoo in daze.
//"//
Two months has been passed simula nang iwan siya ni Jun. Kidding, two months na ngunit kahit anino ni Jun ay hindi niya manlang mahagilap.
Inaasar na rin siya ng mga kaibigan niya na baka multo talaga si Jun at ilusyon lang niya that time.
October na at ito na naman siya nasa birthday-an. Isinasama siya ng mga kaibigan sa birthday ng pinsan ni Joshua na boyfriend din ni Seungcheol.
Kilala naman niya ang may birthday, nakasama at nakatawanan niya rin dati. Ngunit bilang isang mahiyaing nilalan, hindi niya mapigilan na hindi mahiya sa harap nito.
"Boy? Siguro hinuhulugan ka ng piso para gumalaw ka?" sabi ni Vernon sa kanya na binalikan siya sa kinakatayuan niya.
"Hindi piso kailangan niyan, kailangan niyan si Jun." panunukso naman ni Seungcheol sa kanya, kaya agad itong lumapit kay Seungcheol sabay sapak sa braso nito.
"Tanga."
(*'▽'*)♪
"Happy birthday, Han!" bati ni Wonwoo kay Jeonghan sabay abot ng regalo na tinanggap din ng lalaki.
"Salamat, Wons." sabi nito na may ngiti sa labi. Nagkamustahan pa sila nang konti at iniwan din siya dahil kailangan pa nito i-entertain ang iilan nitong bisita.
Nandidito sila sa garden ng binata nagse-celebrate. Nagpa-catering ito at nag-imbita ng iilang bisita.
Sa katunayan, dito rin nakatira si Joshua ngunit madalas na si Joshua lang ang nandidito dahil sa ibang bansa talaga ito namamalagi kasama ang kapatid ni Joshua. Kaya LDR silang dalawa ni Seungcheol.
"Ano na, Wons?" biglang sabi ni Joshua na may hawak na inumin. "Dala mo pa rin ba 'yung cardigan na palagi mong bitbit?"
Tumungo naman si Wonwoo sabay turo sa upuan niya na may bag.
"Hindi mo pa rin nakikita 'yung may-ari? Nako, hindi pa nga kayo na ghost ka na agad." sabi ni Joshua dahilan para magtawanan ang mga kaibigan.
"Bwisit." inis na sabi ni Wonwoo.
Napangisi naman si Joshua sa naging reaksyon ni Wonwoo.
"Nga pala..." sabi ni Joshua habang nakatingin sa mga kaibigan. "Pakilala ko kayo sa kapatid ko."
Naghiyawan ang mga kaibigan ni Joshua dahilan para pagtinginan sila ng bisita ni Jeonghan.
"D'yan kayo magaling. Sandali lang at pupuntahan ko lang siya." sabi ni Joshua na umalis din ka agad.
Lahat sila ay malawak na nakangiti. Alam nilang may kapatid ito ngunit hindi pinapakilala ni Joshua kung sino ba ito.
"Guys, kapatid ko pala." biglang sabi ni Joshua.
Agad namang nagsitinginan ang mga kaibigan nito sa kanya at sa kasama niya. Halos matanggal naman ang mga eyeball ni Wonwoo sa bigla.
"Hi! I'm Junhui, Joshua's brother and the birthday boy's cousin." sabi niya habang nakangiti. "Nice to meet you all especially you, Wonwoo."
Sabi ni Jun dahilan para mabaling naman ang atensiyon nila kay Wonwoo na nakangiti at may kinukuha sa bag.
Segundo ang lumipas at nilabas niya na rin ang cardigan ni Jun na naiwan nito n'ong gabi sa may balkonahe.
"This is clean, nilabhan ko 'yan. You can have it back." ani Wonwoo sabay abot ng cardigan na nasa ziplock bag kay Jun.
'Yong mga kaibigan naman niya nanonood na lang sa kanila na napansin din ni Jun kaya natawa ito.
"Hi guys? I'm Jun hindi ako ilusyon o guni-guni lang ni Wonwoo." natatawang sabi ni Jun.
"Prove it." hamon ni Vernon kay Jun dahilan para pandilatan siya ni Joshua na inoobserbahan lang ang mga galaw ng kapatid at kaibigan.
"Sure." nakangiti niyang sabi sabay bitaw sa cardigan at biglang hatak kay Wonwoo na binigyan niya ng mabilisang halik. "Told you, we will meet soon. Thanks for waiting me." ani Jun sabay ngiti.
Imbis na sumagot ay binigyan din ni Wonwoo si Jun ng halik pabalik. Alam nilang inaagaw nila ang spotlight ni Jeonghan bilang birthday boy pero hayaan na, at least nagkita na silang muli.
