Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-07-29
Words:
3,887
Chapters:
1/1
Comments:
1
Kudos:
11
Hits:
116

Hey, B

Summary:

Baekhyun just wants to do his job, pero hindi niya naman inakala na may mangyayaring iba for the first time.

Notes:

I really miss chanbaek kaya naisipan kong isulat 'to! I hope you'll enjoy reading this one. Pure fluff lang muna tayo here. <3

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Rinig na rinig ang magkakasunod na pagbuhos ng ice cubes sa tinitimplang iced coffee ni Baekhyun. It’s Friday night! Isang panibagong week na naman ang nagdaan at imbis na mag-party kasama ang kaniyang officemates dahil na-survive na naman nila ang isang stressful week, nandito na siya sa loob ng kaniyang condo unit at hinahanda ang kaniyang drink of the night. Kailangan niya ‘to para magising ang buong pagkatao niya kahit alas otso pa lang ng gabi. 

 

Nang natapos niyang ihanda ang kaniyang kape, dumiretso na siya sa kaniyang kwarto at binaba ang curtains sa bintana na makikita ang city lights ng Metro Manila. Inayos niya na rin ang desk table niya para makapagsimula na sa gagawin niya. Every week, isa eto sa mga linoo-look forward niya. Mahirap maging alipin ng corporate world kaya need niya na makakapag-relax ng buong pagkatao niya. Dahil doon, he found himself doing podcasts. 

 

Isa kasi siyang radio DJ nung highschool at college days niya and he just thought himself one day, habang naka-lunch break sa office nila at nakikinig ng ibang Spotify podcasts, what if gawin niya kaya ito? Naisip niya naman na he still has this ‘groove’ sa pagdala at pag-maintain ng rapport sa isang show. Matapos nang ilang oras na pag-iisip, he decided to do it… pero hindi lang siya mag-isa. Meron siyang one call away na friend—si Kyungsoo. Best friends since highschool hanggang sa kapain nila ang tinatawag na adulting stage, siya rin ang kasama nito sa pagd-DJ sa schools nila before. Mga ilang pilit ang ginawa ni Baekhyun at ilang araw na pag-iisip ni Kyungsoo bago pumayag sa gusto ng kaibigan niya. 

 

They started a year ago. Konti lang nakikinig nung una, mga family and friends lang nila, hanggang sa sumikat na ito at nagkaroon na nga sila ng Facebook group kasama ang listeners nila. At eto na ngayon, hinihintay na ni Baekhyun na bumukas ang laptop niya habang sineset-up ang mga kailangan niyang equipment sa recording. Rineview niya ulit yung notes sa phone niya kung saan doon nakalagay ang mga importanteng information tungkol sa guest nila. Napataas ng kilay si Baekhyun habang binabasa ulit ito dahil napaka-interesting ng guest nila. He’s looking forward sa magiging conversation nilang tatlo mamaya sa podcast. 

 

Matapos nang ilang minuto, nakapasok na sa Zoom si Baekhyun. Nandun na rin ang Executive Producer nila na si Junmyeon. Meron din silang kasama na Technical Editor na si Yixing. Nasa iisang club lang sila nung college kaya parang they were doing the old times through this podcast. Nagpapasalamat din si Baekhyun na napapayag niya ang mga ‘to. 

 

Nag-on cam na si Kyungsoo. Komportable na siyang nakaupo at ready na rin ang condenser mic na nasa harap niya. Sandaling inayos naman ni Baekhyun ang mic niya at nung okay na, binuksan niya na rin ang camera niya. 

 

Every Friday night ang recording nila tapos next Friday naman ang release nito, kumbaga one week preparation bago ilagay sa Spotify (yes, Spotify exclusive na rin sila!). 

 

“Baekhyun. Kyungsoo, are you ready? Mag-start tayo within 10 minutes kasi 8:45 PM papasok yung guest for preparations.”

 

“Yes, Junmyeon. Okay na ako dito.” Sabi ni Baekhyun. 

 

“Same here.” Banggit din ni Kyungsoo. “Nag-research ka na about sa guest natin ‘di ba?” Habol nitong pagtatanong kay Baekhyun.

 

“Oo naman. Pero halos wala akong mahanap sa kaniya kasi kung ano lang yung binigay ng Google, yun lang din yung information na meron ako. Ang nakita ko lang sa social media account niya ay yung film photography Instagram account niya kasi yun yung kadalasan na tinatag sa kaniya. 

 

“Wow. Ang intensive ng researching skills sa social media, huh? Sa akin naman, sabi lang ng kakilala ko na nakatrabaho siya before, sobrang galing nga niyan talaga.” Pagdugtong ni Kyungsoo. 

 

“Well, let’s see na lang later. Excited na ako sa sasabihin niya for our topic.” Nakangiting sabi ni Baekhyun at ininom ang natitirang iced coffee sa glass niya. 

 

“Okay, ready. Papasok na siya sa Zoom.” Sabi ni Junmyeon. “Yixing okay na?”

 

“Yes, EP, ready na.” Sagot ni Yixing. 

 

At may nag-enter na Zoom account…na may icon na aso. 

 

“Maltipoo ba yun?” Sa isip-isip ni Baekhyun. 

 

Naka-off cam at off mic pa ang guest nila. Nag-ready naman na si Junmyeon dahil siya ang magwe-welcome dito.

 

“Good evening, Mr. Chanyeol Park!” Masiglang sabi ni Junmyeon. 

 

“Good evening din, Mr. Junmyeon Kim.” Pormal na sagot ni Chanyeol. 

 

Naka-on cam si Baekhyun kaya subtle lang ang change ng reaction niya. There’s just one thing he knows—hindi niya kinaya ang pagka-deep at husky ng boses ng guest nila. They had several guests before, pero iba ang pagkalalim ng guest nila ngayon. 

 

May nag-pop na direct message sa Zoom niya at nakita niyang si Kyungsoo ito, kung saan nakalagay, “huy accla, umayos ka. kitang kita pa rin dito pagbago sa expression mo.” 

 

Hindi niya na nireplyan si Kyungsoo at baka ma-send niya pa ito to Everyone. Kaya dahil doon, he remained composed for a while…kasi hindi niya alam paano i-maintain sa loob ng ilang oras o minuto. 

 

“I’m Junmyeon Kim, or just call me Junmyeon, the executive producer of this podcast. Ang hosts natin dito ay sina Kyungsoo Do…”

 

“Hello, Mr. Chanyeol Park!” Nakangiting pagbati ni Kyungsoo. 

 

“Hello, Mr. Kyungsoo Do.” Sagot ni Chanyeol dito.

 

“Kahit Kyungsoo na lang po.” 

 

“Okay, Kyungsoo.”

 

“And nandito rin yung kasama niya na si Baekhyun Byun!” Pagtutuloy ni Junmyeon. 

 

“Hi, Mr. Chanyeol Park! Kahit Baekhyun na lang din po ang itawag niyo sa akin.” Nakangiti ring sabi ni Baekhyun. Siyempre hindi niya pinahalata yung kaba niya kanina. Trabaho lang tayo dito (sa isip ni Baekhyun). At dahan-dahan niya ring tinanggal ang medyo formal na atmosphere kanina. 

 

“Hi, Baekhyun.” Sagot ni Chanyeol. Kahit naka-off cam pa rin si Chanyeol, hindi naman sa pagiging assumero, pero feel ni Baekhyun na nakangiti ito habang sumagot kanina. 

 

“Mr. Chanyeol Park, it is an honor para maging kami ang una mong pinag-guest-an na podcast. Thank you so much for accepting our invite. Ngayon pa lang, we are wishing for the big success of your series.”

 

“Thank you rin, Junmyeon. I was happy too when I received your invite. I’m a fan of this podcast. Kasama ko ‘to habang sinusulat ang storyline ng series.” 

 

Nakangiti ulit si Baekhyun habang nagkekwento si Chanyeol. Ibang level na talaga ang kanilang podcast! Nakatulong pa sa pagbuo ng kwento sa isa sa mga pinakamagaling na writers ngayon sa mainstream media. 

 

“I hope you’ll enjoy this podcast. Aalalayan ka rin ng mga hosts and siyempre, fun fun lang tayo dito, Mr. Chanyeol Park.” Banggit ni Junmyeon, at narinig ng lahat ang low-toned laugh nang nag-iisang Chanyeol Park. 

 

“Shet, kaya ko pa ba?” Tanong ni Baekhyun sa sarili. 

 

“Sure, Junmyeon. Medyo nawala na kaba ko ngayon.” At nasundan ulit ng tawa ni Chanyeol. 

 

Pinapanalangin na Baekhyun na sana ipasok na si Yixing para makalma niya muna ang sarili niya sandali. 

 

“Again, thank you Mr. Chanyeol Park! I would like to introduce you to Yixing, our technical editor. He has a few questions with regards to technicalities before starting our podcast.” 

 

“Good evening, Mr. Chanyeol Park! I’m Yixing Zhang, the technical editor of this podcast. So, first of all, may I ask if mag-off cam ka lang ba all throughout the recording? No worries naman if yes.” 

 

“Uh, no. I’m opening my cam right now. Apologies kanina kasi hindi pa stable yung internet dito sa office.”

 

“Oh, sure lang po Mr. Park.”

 

Binabawi na ni Baekhyun ang panalangin niya kanina. Nang dahil kay Yixing, hindi na siya nakakalma. Tumambad lang naman sa kanila ang gwapong Mr. Chanyeol Park na inayos pa ang kaniyang messy hair at biglang ngumiti sa harap ng camera (note: may dimples pa na kasama). Eto yung nasa likod ng cute na asong icon kanina! Sabi nga sa isang tiktok trend, act fool act fool act fool, kaya ‘yan na ang ginagawa ni Baekhyun ngayon. Naka-simpleng sweatshirt lamang si Chanyeol pero grabe na yung appeal kahit sa harap lang ng camera. Kaya siguro ang hirap hanapin ng social media accounts nito kasi baka siya pa ang akalain na bida sa series. Eme!

 

Hindi na kaya ni Baekhyun kaya nag-message na siya kay Kyungsoo na sinigurado niyang kay Kyungsoo mase-send. “TEHHHHHHHH” ‘yan lang ang nakalagay sa message ni Baekhyun. 

 

“Thank you, Mr. Park. Next question po, may I ask about the endearments na pwedeng tawagin sa inyo all throughout? Do we stick to Mr. Chanyeol Park?” Pagpapatuloy ni Yixing. 

 

“Chanyeol is fine, para mas casual ang datingan.”

 

At ang gustong itanong ni Baekhyun ay palangiti ba siya as a person or sobrang nice niya lang talaga kasi nakangiti pa rin siyang sinagot ang tanong ni Yixing. 

 

“Okay, Chanyeol. Let’s proceed with the technicalities. Kumusta naman Internet mo ngayon? I’m gonna send a link for a speed test para malaman natin.”

 

Nagpatuloy lang si Yixing sa pag-explain at pagtanong about sa technicalities na kailangan sa podcast. Habang si Baekhyun naman ay kinakalma pa rin ang sarili. Tumitingin ulit siya sa notes niya para i-review ulit yung mga nabasa niya at sinisigurado niyang hindi siya mame-mental block or mauutal mamaya. 

 

“Okay, I think we’ll start the recording! Hosts, are you ready?” Tanong ni Junmyeon.

 

“Yes, EP.” Sabay na sagot nina Baekhyun at Kyungsoo.

 

“Chanyeol, ready?” 

 

“Yes, Junmyeon.”

 

“Yixing, ready?”

 

“Yes, EP.”

 

“OBB, start rolling!” Sabi ni Junmyeon.

 

Nung narinig ni Baekhyun ang cues na iyon, bumalik na siya sa pagiging Host Baekhyun na trabaho lang ulit ang nasa isip. 

 

“...Isang panibagong episode na naman, mga ka-What’s Up? Ako ang inyong kakwentuhan, isang, ‘Hey, B!’ nga diyan!” Sinabi ni Baekhyun at may sfx ng sumigaw ng kaniyang call sign.

 

“Hindi rin naman ako papahuli, isang, ‘Hey, Soo!’ naman diyan?” Gaya rin nang ginawa ni Baekhyun ang script ni Kyungsoo. 

 

“Soo, mahilig ka bang manood ng mga series? Subukan mong sabihing hindi eh ikaw halos gumagamit ng shared account natin sa Netflix!” Pagsisimula ni Baekhyun para sa kanilang unang segment.

 

“Siyempre naman, B! Kahit hindi sa Netflix. Meron din naman sa iWant, HBO Max, Amazon Prime, at iba pa! Ikaw ba, B?”

 

“Same din. Consumer and avid fan talaga ako ng mga series. Kaya dahil doon, bukod sa gusto rin namin, most requested din niyo rin ‘to na pag-usapan natin!” 

 

“So for today’s video or audio? Eme! Ang topic natin for today ay…”

 

“What’s Up! Are You Series?” Sabay na sabi nina Baekhyun at Kyungsoo. 

 

“At hindi makukumpleto ang episode natin ngayon kung hindi kasama ang ating guest. Unahan ko na kayo, ngayon lang siya pumayag as a guest sa kahit anong platform! Oha, sino kayo diyan?” 

 

Na-realize lang ni Baekhyun na siya pala ang magpapakilala kay Chanyeol. “Ang ating natatanging guest for tonight ay isa sa mga sought-after writers ng mainstream media, ang backbone ng minamahal nating mga teleserye sa Primetime Bida ngayon. Aside doon, nanalo na rin ng awards sa International festivals sa iilang independent films din na naisulat niya. Give it up for, Mr. Chanyeol Park!” Sabi ni Baekhyun, pero ang nasa kabilang side ng isip niya ay, “Shet, pati yung achievements nakakagwapo.” 

 

“Hey, B! Hey, Soo!” Warm greeting ni Chanyeol. Nawala na ang tensed atmosphere kanina bago mag-record at ngayon ay makikita na ang jolly at playful side ni Chanyeol… na mukhang ngayon lang din na-reveal. All for this podcast!

 

Tinuloy na nila ito sa remaining parts ng introductory segment nila. Dito rin naikwento ni Chanyeol kung paano siya nagsimula bilang writer.

 

“Actually, I've been fascinated by music ever since I was a kid… I started to write my own songs. But as I grow older, naisip ko na what if gawan ko ng storyline ang lyrics na mga naisusulat ko. And hindi lang siya mapapakinggan ng tao, but pwede rin siyang mapanood in the screens. That’s where it all began, then nag-evolve na ang script writing into something I really love as well.” 

 

Siguro once na na-release ang episode na ito, magiging hot topic na ito! Kasi when people hear this podcast, mas malalaman nila kung ano si Chanyeol as a person and as a writer—na kung ano yung bagay na minahal niya as a person, ay nag-develop sa kung paano niya mahahanap ang profession niya ngayon. 

 

At dahil about series ang topic nila, nag-proceed na sila into their second segment.

 

“Eto na tayo sa ating favorite segment na, ‘What’s up mga kapitbahay!’ kung saan magshe-share ang hosts and guests about sa topic…which is tungkol sa favorite series natin.” Pagsisimula ni Kyungsoo. 

 

“So, Chanyeol, feel ko naman marami-rami kang series na pinagkuhanan din ng inspo or motivation habang nagsusulat?” Si Baekhyun ulit ang nagsalita. Salit-salit sila ni Kyungsoo every week kung sino ang almost default na magtatanong sa guest…at nasaktuhan pa nga na si Chanyeol kung kailan turn niya na. 

 

“Oo naman. Ready na nga listahan ko dito oh?” Masayang sabi ni Chanyeol. Habang patagal nang patagal ang pagre-record, mahahalatang nagloo-loosen up na si Chanyeol, and at this point parang kabarkada niya na rin sina Baekhyun at Kyungsoo.

 

Nagsimula na sila at naging masaya ang banter nilang tatlo kasi na-realize nila na halos pare-pareho sila ng favorite na series at favorite na genre na hinahanap kapag manonood. It was an enjoyable time for the three of them kaya hindi na nila nahalata na kailangan na nilang bilisan dahil halos mag-iisang oras na silang nagre-record. Good luck na lang kay Yixing for the post-production.

 

“So, eto na siguro ang last na favorite and recommended ko na series. K-drama siya and ang title niya ay Reply 1988!” Kwento ni Kyungsoo. 

 

“Tama!” Sabay na sabi nina Baekhyun at Chanyeol, at nagkatingin pa silang dalawa. 

 

“Favorite premise ko rin kasi sa mga plot ay yung sa community iikot ang story, like masusubaybayan mo yung growth nilang lahat…ayun na-execute nang mabuti ng Reply 1988! As in iyak talaga every episode…lalo na nung last episode nung…basta, panoorin niyo, guys! Hinding hindi kayo magsisisi.”

 

“May tanong ako…” Pagsagot ni Baekhyun.

 

“Parang alam ko na yan.” Pang-aasar ni Chanyeol.

 

“Sige nga, Chanyeol! Sagutin mo kahit hindi ko pa sinasabi yung tanong.” Pagbabalik na asar ni Baekhyun.

 

“Team Taek ako.” Nangingiting sagot ni Chanyeol. 

 

At tumawa nang malakas si Baekhyun with matching takip pa sa bibig. “Siguro nga matik na tanong na yun kapag usapang Reply 1988. Anyway, Team Junghwan ako.” Balik ni Baekhyun.

 

“Nung unang watch ko, Team Junghwan. Pero nung mga naulit na rewatch ko na, makikita mo talaga na mas deserve ni Dukseon si Taek. So, Team Taek!” Sabi rin ni Kyungsoo. “Pero guys, kahit ‘wag kayo masyadong mag-focus sa love story. Bonus na lang yun. Damhin niyo yung essence ng family, para at the end maa-attach kayong lahat at samahan niyo ko na hindi pa rin maka-move on til now! Eme!” Pagtutuloy ni Kyungsoo. Doon na rin natapos ang turn niya, at si Baekhyun naman ang next.

 

“Sa akin, feel ko maca-cancel ako.” Pagsisimula ni Baekhyun.

 

“Wow, sikat ka teh?” Natatawang sabi ni Kyungsoo. Nakita niya rin na nagpipigil tumawa si Chanyeol on the side.

 

“Basta, ang importanteng note dito ay isa akong hopeless romantic kaya eto ang napili ko.” 

 

“Feel ko alam ko na rin yan.” Side remark ni Chanyeol.

 

“Tama ka na, Chanyeol!” Pagbibiro ni Baekhyun. Pero deep inside…*insert two judging eyes emoji* 

 

Tinuloy na ni Baekhyun. “Anyway, ang isa sa mga faves ko din and hindi ko alam kung ire-recommend ko pero kung hopeless romantic din kayo like me, this show is for you. How I Met Your Mother!” 

 

“So, ikaw ba ang Ted Mosby ng buhay mo?” Pagtatanong ni Chanyeol.

 

“Ay, oo siguro. If experience is the best teacher, best student na yan si B.” Pagdugtong pa ni Kyungsoo. 

 

Natatawa na lang si Baekhyun sa sinasabi nang dalawa niyang kasama. “Gusto ko lang dun yung aside sa paghanap ni Ted ng true love niya, na-encompass din yung struggles and journey ng friendship nila. Just like Kyungsoo, may growth din naman yung limang characters doon, for me ha! Though ang panget nung ending, nagustuhan ko naman yung storyline all throughout. Isa sa mga favorite lines ko dun yung sinabi ni Barney na legendary lang ang lahat—”

 

“Nag-tagalog si Barney?” Singit na asar ni Chanyeol.

 

Ah, dinodogshow na siya ni Chanyeol. Ganito na sila naging magka-close within an hour. “Oo, Chanyeol. Nag-tagalog siya sa episode na yun.” Natatawang sagot ni Baekhyun. Nakita niya naman si Kyungsoo na natatawa rin, at naisip-isip niya na siguro nae-enjoy ni Kyungsoo panoorin ang lahat ng ‘to. In his own words siguro, “Nakahanap na rin si Baekhyun ng katapat.”

 

“Ayon na nga, hindi legendary lahat kapag hindi yun nakita—ayon, naalala ko na! Nag-english din pala si Barney dun halfway.” 

 

“Daming baong punchline ha?” Sabi ni Kyungsoo. 

 

“According to Barney Stinson, it’s only legendary if your friends are there to see it. So, ang pinakamahalagang element ng storyline ay ang friendship nila.” Pagtatapos ni Baekhyun.

 

“Kanina ko pa rin ‘to gustong itanong, Team Blue Horn or Yellow Umbrella?” Sabi ni Chanyeol.

 

“Yellow Umbrella!” Sabay na sagot nina Baekhyun at Kyungsoo. Sumagot rin naman si Chanyeol ng, “Tama!”

 

“Ay tsaka nga pala, kapag natapos niyo na yun, I suggest na panoorin niyo yung alternate ending. Tapos isipin niyo na lang na yun talaga ang ending. Hindi ako Team Blue Horn kasi for me…Team Robin-Barney talaga ako. Isa rin yun sa factors kung bakit panget ending kasi nag-spend sila ng isang season for…hindi ko sasabihin kasi spoiler…tapos ang mangyayari ay…Ayun, panoorin niyo na lang!” End na ng turn ni Baekhyun (real). And save the best for last ika nga, kaya turn naman na ni Chanyeol.

 

“Isa ito sa mga naging motivation para magpatuloy pa na magsulat…and actually inspiration ko sa currently na isinusulat kong story.” Pagsisimula ni Chanyeol.

 

“Oh, wow! Kailan namin mapapanood ‘yan?” Pagtatanong ni Baekhyun.

 

“Actually, hindi pa siya napi-pitch kasi hindi ko pa rin tapos yung kalahati ng story, pero sana in the future, pumasa siya sa mga higher-ups.” Sabi ni Chanyeol. “So, ang series na ito ay Schitt’s Creek!” 

 

Parehong napatakip ng bibig sina Baekhyun at Kyungsoo. “Fave ko rin ‘yan!” Sabay nilang sabi.

 

“Grabe kung ‘yan ang inspo mo sa sinusulat mo right now, ngayon pa lang iwi-wish ko na sana matapos mo yung script tapos makapasa siya sa mga heads.” Sabi ni Baekhyun.

 

“Really?” Chanyeol’s smile this time is different from what he showed in the previous minutes, because this time, his smile is plastered with sincerity…hearing what Baekhyun said.

 

Nakita naman ni Baekhyun yun kaya nakangiti niya ring sinagot ng, “Of course.” At bago pa siya ma-distract ulit, sinundan niya yun ng, “I really loved that show! ‘Di ba ikaw rin, Soo?”

 

“Tama. Naging theme song din namin ng jowa ko…hi Jongin!...yung Simply the Best dahil doon.” Pagdugtong ni Kyungsoo. 

 

Bumalik na ulit ang focus kay Chanyeol. “Medyo boring lang yung first few eps pero habang tumatagal, mas maa-attach ka na rin sa mga characters because of their development. Yung once na ganitong kind of family nung unang tumapak sa Schitt’s Creek ay slowly biglang nagbago. Just like the same reasons you had, yung kwento nang iba’t ibang characters yung nagpaganda sa storya. And actually, hindi lang focus nito yung family and other relationships, but how the town has changed gradually as well along with the characters’ growth.” Sabi ni Chanyeol. 

 

“Feeling ko kaya tahimik si B kasi inaalala niya yung time na kinabisado niya yung A Little Bit Alexis.” Pang-aasar ni Kyungsoo.

 

“Huy, hindi! Habang nagkekwento si Chanyeol, nag-flashback lang din yung warmth na naramdaman ko habang pinapanood yun. Tapos naalala ko na rin sina David at Patrick at kung paano ako nainggit! Eme!” Kwento ni Baekhyun.

 

“Gusto mo na rin ba ng sarili mong Patrick, B?” Tanong ni Chanyeol. Biglang napatitig naman si Baekhyun sa mukha on-screen ni Chanyeol. 

 

“May irereto ako.” Sabi ni Kyungsoo…na may kasamang smirk.

 

“Ako rin.” Sabat din naman si Chanyeol.

 

Bago pa maging seryoso ang lahat, tumawa na lang si Baekhyun sabay sabing, “Baka ano sabihin sa akin ng mga listeners natin ha! Baka bigla silang gumawa ng online dating for B.” At buti naman ay back to lively atmosphere ang recording. 

 

Natapos na nila ang second segment kaya pumunta na sila sa kanilang last segment. 

 

“We really enjoyed this episode kaya kahit mahirap, nandito na tayo sa last segment natin na, ‘Hello, What’s Up, Goodbye.’” Sabi ni Baekhyun.

 

Nagkwento lang ulit sila ng kanilang mga natutunan with their sharings about sa topic ngayon. At siyempre bago mag-end ang show, kailangang mag-promote ni Chanyeol dahil iyon naman din ang isa sa mga rason kung bakit inimbita rin siya podcast na ito.

 

“Ngayon lang ako nag-promote kaya sasamantalahin ko na…” Natatawang panimula ni Chanyeol. “Iniimbitahan ko kayo na panoorin ang aming teleserye na pinamagatang ‘Muli’ na ipapalabas na next week, unang una sa Netflix at kasunod ay sa mga respective channels na nito. Thank you, B and Soo! Thank you, What’s Up!” Sabi ni Chanyeol.

 

Naisip ni Baekhyun na tutal last naman na at hindi niya alam kung kailan ulit sila mag-uusap, kaya tinanong niya na ang isa sa mga mysteries na nakita niya kanina. “Chanyeol, baka naman may ipo-promote ka diyan like your social media accounts or the likes.” Sabi ni Baekhyun. Tahimik naman si Kyungsoo sa gilid at tumatango na lang para suportahan na rin ang kaibigan siguro. 

 

“I have my film photography account. Minsan dito nakukuha ng fans yung mga film photos ng favorite artists nila. Ang username ay filmsbycy. Again, thank you sa inyo!” Masayang sabi ni Chanyeol.

 

Mission, not accomplished! Siguro nga mananatili na lang si Chanyeol as Baekhyun’s one-time crush, yung tipong nakasama mo lang for a short time, katulad ng mga nakakasabay mo sa jeep or LRT. 

 

After that, they started saying their goodbyes. 

 

“Ako ang inyong kakwentuhan, pero ngayon, isang ‘Bye, B!’ muna diyan.” Sabi ni Baekhyun.

 

“Kitakits ulit next time, pero ngayon, isang ‘Bye, Soo!’ muna ang maiiwan.” Sagot ni Kyungsoo. 

 

“Eto ang, What’s Up! Bye, guys!” 

 

And their recording ended. Nagpasalamat agad si Junmyeon kay Chanyeol kasi halos dalawang oras ang naging recording nila. Nag-request pa nga si Junmyeon na kung next time, pwede ulit si Chanyeol, kung saan um-oo naman na agad si Chanyeol. Nagpasalamat na rin ang mga hosts na sina Baekhyun at Kyungsoo at sinabing nag-enjoy sila all throughout the recording. 

 

Magli-leave na sana si Baekhyun sa Zoom nung nakita niyang may nag-send ng direct message sa kaniya. Akala niya si Kyungsoo ito, pero laking gulat niya na si Chanyeol ang nag-message sa kaniya.

 

Chanyeol Park: real__pcy, that’s my ig acc :)

 

Salamat dahil nag-off cam na rin si Baekhyun kasi ngiting ngiti siya habang tina-type ang username na sinend ni Chanyeol sa message. Nung nakita niya na siya na lang pala ang natitira sa Zoom, nag-leave na rin siya afterwards. 

 

Naka-private ang Instagram account ni Chanyeol kaya nag-request pa siya for a follow. Wala pang isang minuto ay in-accept na siya agad nito. Nandito yung asong icon ni Chanyeol sa Zoom! Puro yun ang nakalagay sa private Instagram account nito. Iilan lamang ang selfies tapos photos ng progress niya habang nagsusulat ng script. 

 

Napahinto si Baekhyun nung nakita niya na may nag-message sa kaniya sa Instagram. Pinindot niya yun at mas lalong lumaki ang ngiti nito nung nakita kung sino yun. 

 

real__pcy: hey, b. :) 

 

At doon na-realize ni Baekhyun ang maling akala…na hanggang one-time crush lang ito. 



END. 

Notes:

I suggest talaga na panoorin niyo yung sinabi nilang tatlo sa podcast. (yes, kahit himym! eme)

Sana nag-enjoy kayo while reading this. You can reach me at @chughnyeol on Twitter! Doon tayo mag-usap kung gaano natin ka-miss na ang chanbaek. ><