Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-08-09
Updated:
2022-08-09
Words:
2,471
Chapters:
1/3
Kudos:
1
Bookmarks:
1
Hits:
104

Crushie

Summary:

chenle likes him but he don't know if he'll reciprocate his feelings. Afraid that he might reject him "knowing" jisung likes someone else.

Chapter 1: I thought....

Chapter Text

I'm starting to like him more. he's annoying as hell. and I'm afraid na madulas ako at masabi kong gusto ko siya.

"ano ba?! kanina ka pa nangungulit kita mong busy ako diba?" singhal ko sa pagmumukha niyang ang sarap lamutakin dahil ngiti siya nang ngiti.

well, he's cute naman pero ang annoying niya lagi.
"para kang langaw! tinataboy na nga bumabalik parin."

"hala siya oh, ba't naman langaw baby ko?"
"baby mo mukha mo!" he laughed maybe because I'm starting to blush na naman. he's giving me so many nicknames and I'm starting to get used to it. ugh, I hate him for making me feel this way!

"sige na nga payag na ako maging langaw mo, pero kung ako langaw mo, ikaw naman ang kalabaw ko. hindi talaga kita iiwan!" tumawa na naman siya ng pagkalakas-lakas. pinagtitinginan na kami rito sa mini park dito lang din sa loob ng school namin.

"tangina mo! lumayas ka na nga! kita mong busy ako diba? mag-hanap ka ng maaabala mo!"

i don't mean it. gusto ko ako lang ang abalahin niya. pero as if naman na sasabihin ko yon. no way.

"hmp!" he then pout. "lagi mo nalang ako tinataboy, darling ko ha." what the fuck...

that nickname again... sa tuwing naririnig kong tinatawag niya ako ng ganon parang may kumikiliti sa tiyan ko at para akong nalipad. wow, kink ko ba yan? charot.

"ikaw kasi eh! busy nga ako kaya iba nalang ayain mo sa canteen."
"lunch na naman, darling. kain na tayo baka malipasan ka niyan." yan na naman.

" okay pa ako, nag-snack naman na ako kanina. tss, chupi na nga! ayain mo sila kuya mark don!" sumimangot naman siya.

"eh lele, lagi naman niya kasama si kuya haech eh. kaya sama ka na sakin para partner-partner tayo! ayaw mo ba non?"
"ayaw ko!" agad kong sagot tsaka pinagpatuloy ang pagre-review dahil may quiz pa mamaya.

"hmm, sige ganito nalang. samahan kita mag-review mamaya kain na muna tayo?" ay, ang hirap naman tanggihan niyan. matalino si jisung, kapag siya ang kasabay ko mag-review seryoso siya palagi. di kami na-abante ng topic kapag hindi ko parin nagegets tsaka madali kong naiintindihan kapag siya nagtuturo sa akin. pero minsan, katulad ngayon gusto ko mapag-isa. di rin ako makapag-concentrate ng ayos kapag andyan siya. pogi mo kasi eh.

"ayaw ko nga! ba't ba ang kulit mo? paulit ulit ka!"

his smile dropped. oh no, napasobra ata ako. eh kasi naman ayaw niya makinig! I'm starting to felt bad na tuloy.

"okay, chenle. basta kapag gutom ka na chat mo ko para masabayan kita. sige bye na..." tumalikod na siya tsaka naglakad papuntang canteen.

hays, gusto ko siya pabalikin dito. pero wala naman akong magagawa. baka malaman niyang gusto ko siya.

nagsimula siyang maging makulit sa akin nung nalaman niyang may "crush" daw ako sa kanya. ang ingay kasi ni kuya renjun! well, totoo naman yon pero nahihiya akong sabihin kasi baka i-reject niya ako.

alam ko 'di niya ako magugustuhan.

hindi naman talaga niya ako kaibigan pero dahil ka-teammate niya ang kapatid ko sa soccer, eh nakilala niya narin ako.

lahat ng ginagawa niya sa akin ay ginagawa niya rin sa mga ka-close niya. ako lang ata nag-aasume ng kung ano-ano.

siguro kaya lumalapit siya sa akin at kinukulit ay dahil kapatid nga ako ni kuya jaehyun. tsaka sikat si jisung sa school namin kahit hindi taga rito sa school kilalang kilala siya.

maraming lalaki at babae ang nagkakagusto sa kanya, at isa na ako roon. at lahat ng nagkakagusto sa kanya ginagawa niyang friends. nako, ji marami akong friends!

pero di ko rin naman sila masisisi paano ba naman, ang pogi niya, matalino, at soccer player pa. he's so cool kapag naglalaro siya. akala ni kuya jae pumupunta ako sa field para panoorin siya, di niya alam excuse ko lang yon para mapanood si jisung.

i started to like him noong junior high palang ako. lagi ko siyang napapansin kasi lagi siyang kasama ng pinsan ko na si kuya mark. he always smile at everyone. ang ganda ng ngiti niya. siguro yun ang dahilan non. kapag nginingitian niya ako lagi ko yong nabibigyan ng malisya, akala ko noon type niya ako... yun pala ginagawa niya rin sa iba yon.

happy crush ko lang talaga si jisung, di ko alam kung ba't lumalim ng ganito. nagpapasalamat ako kahit paano napapansin niya ako pero i know naman na hanggang doon lang iyon.

"LE!"

uy si jeno!

"uy! hello! may kailangan ka?" bati ko kay jeno.

"ano nagre-review ka na? aba tanghali palang. sipag mo naman." kantsaw niya. nahampas ko tuloy siya ng mahina sa braso. alam na alam kasi niya na gustong-gusto ko ng compliments.

si jeno ang childhood friend ko. alam niya lahat tungkol sakin at alam ko rin ang kanya.

"tigilan mo nga ako!" tumawa naman siya

"kumain ka na ba? kita ko crush mo sa canteen ah. dami kausap na babae." agad naman akong napaharap sa kanya.

and in my surprise, sobrang lapit pala ng mukha namin. agad naman akong lumayo, yuck di nagtoothbrush, amoy na amoy ko pananghalian niya. sisig na naman.

"baho hininga, yuck" sinamaan niya naman ako ng tingin. "pero totoo? may kausap siya?" curious kong tanong.

"uyy selos yarn?"
"kingina mo talaga sana di na umuwi si kuya yangyang dito! sa china na siya forever!" agad niyang kinulong ang ulo ko sa mga braso niya.

shet hindi headlock ni jeno ang gusto ko!

"aray ko ano ba?!"
"bawiin mo sinabi mo! baka ma-jinx yan di na talaga umuwi yangyang ko." nangingilid na luha niya kaya napatawa ako ng malakas.

"biruin mo na ang lasing, wag lang ako! ano sino kausap ha?" sabi ko sabay pahid ng luha niya.

"edi yung crush niya, sino nga yon? mingming?"
"ningning!"
"ayown lam mo naman pala beh."

hay nako.. isa pa yan hahaha. meron na siyang ibang gusto. kaya siguro kinakaibigan nalang ako kasi di kami pwede.

eh ano bang problema? cute naman ako ah. chinese rin ako kagaya ni ningning. so bakit hindi ako?

joke. di tayo magdadrama for today's video.

"luh, lungkot yarn? sus, wag!" bulong ng pukinginang jeno lee na nasa tabi ko.

"omg, buti sinabi mo 'yan! di na ako malungkot." sabay naman kami napatawa dahil sa kalokohan namin.

"kumain ka na ba? ops ops! wag mong sasabihin sakin yang litanya mo na makita mo lang si park na busog, eh busog ka na rin baka maupakan kita." nanlalaking matang sabi niya sakin.

"eh kanina pa nga ako inaaya sa canteen ni jisung, sabi niya kasi sila kuya mark lang kasama niya." napasimangot na naman ako.

" oh ba't di ka sumabay? bobo mo talaga. chance mo na yon eh!" sabi niya habang may kinakapa sa bulsa. ano kaya yon? laki naman ng laman ng bulsa.

"eh baka di rin ako makakain, titigan ko lang siya niyan." napa-iling nalang siya tsaka may kinuha sa bulsa.

"binatog?" ba't may binatog siya? tanghali na ah. may tinitinda parin sa canteen?

"ay hindi, shabu yan. baka gusto mo? hithit ka muna para hindi si jisung ang kinaadikan mo!"

 

(p.s. I don't promote using drugs po. at mas nakakaadik po si pjs kaya mas recommended na sa kanya nalang po kayo maadik.)

 

inirapan ko naman siya. kinain ko nalang kasi ibibigay niya ba sa akin kung hindi ko pwede kainin?

sinamahan niya nalang ako magreview kahit na medyo hirap kami dahil hindi naman kami ganon katalino.

 

natapos na ang araw at nasa bahay na ako ngayon. wala si kuya jae dahil nasa training parin. sabi niya mauna na ako dahil nasa bahay na naman na sila mommy.

lumipas din ang hapon na iyon na hindi ko nakita si jisung. hindi rin daw siya umattend ng training. bakit kaya? mukha naman siyang walang problema kanina.

nakipag-usap na nga siya sa crush niya eh. huhu sak8t mo lods.

hindi kaya dahil sinungitan ko siya?

wow lakas ko naman. assumera ka chenle di mo bagay. although maganda ka, #slay, hindi nakakaganda ang pagiging assuming.

narinig ko na ang sasakyan sa labas ng bahay namin. sign na dumating na si kuya jae. agad akong bumaba at binati siya.

"hi kuya!" masaya kong bati. syempre di natin papahalata na malungkot tayo dahil di natin nakita crush natin.

"hello, lele. nag-dinner ka na? san sila dad?"
"nasa taas na kuya, sabay kami nag-dinner."

"that's good. akyat nalang ako mamaya para maggoodnight." nilapag niya ang bag niya sa baba ng sofa at pinaupo ako sa tabi niya.

"le, pwede ba kita makausap?" tumango naman ako at hinintay ang mga sasabihin niya.

"i thought you have a crush--"
"shh, kuya baka marinig ka nila mommy!" tumawa naman siya ng mahina.

"why? I'm just asking, di ko naman tinanong kung boyfriend mo ba siya. kasi di ko rin naman papayagan yon. bata ka pa chenle. finish senior high school muna." paalala niya.

as if naman na magiging boyfriend ko si jisung? in my wildest dreams. aling taylor swift, pasok!

"kuya naman.."
"yeah okay okay. so ayon na nga, akala ko crush mo si jisung?"

eh?

"crush ko naman talaga kuya eh. baka sinasabi mo na ron ha! ginaya mo na si kuya rj. bagay nga kayo parehas kayo mainga--" he signaled me to tone down my voice.

"I'm just asking kasi nakita namin kayo kanina nila woo. kasama mo si jeno sa mini park, akala namin nagde-date kayo, ayaw mo na kay jisung?" napatanga naman ako. luh, ano naisip nito?

"kuya? you know jeno is my best friend? what the fuck?"
"hey, jeong chenle, your words!" i motioned my hand to my mouth na parang sinizipper ko ito.

"eh ano yung nakita namin kanina?" nakita niyang kumunot ang noo ko kaya kumunot din noo niya.

"aba malay ko kuya? ano yan, baka multo na yan ah. iskeri." biro ko at pinitik niya naman ako sa ulo.

"yan kakasama mo kay jeno nahahawa ka na sa mga pinagsasabi niya. ayon nga, nakita namin kayo sa park kanina yung buong team saw how you two almost kissed."

agad naman akong nagimbal sa sinabi ng kuya ko.

WHAT?! kami ni jeno?! ew.

"hoy kuya! mangilabot ka nga! ba't ko hahalikan yon?! may jowa si jeno kuya, yuck ginawa mo pa kaming cheaters!" sigaw ko na agad pinahinaan ni kuya.

nag-internal scream tuloy me.

"talaga? okay, mali lang ata angle na nakita namin."

umirap naman ako sa kawalan. hmp.

"nakita pala yon ni jisung and he looked disgusted. hahaha baka naturn-off na sayo." napaharap naman ako kay kuya.

"WHAT?!"

baka mali pagkakaintindi ni jisung. tumawa si kuya habang papaakyat papuntang kwarto niya. paano na yan? he looked disgusted daw. sakin ba siya nandidiri? grabe naman.

 

kinabukasan napadaan ako sa field at nandoon na sila jisung nagpapractice na uli siya. napagawi ang tingin niya sa direksyon ko at alam kong nakita niya ako pero di niya ako pinansin. dati naman kahit hindi pa ako tumitingin eh pinapansin niya na ako ah.

siguro tama nga si kuya kagabi na he looked disgusted kaya ngayon hindi niya na ako matingnan. may buni ba ako sa mukha?

"uy chenle! good morning!" bati sakin ni sungchan, ka-teammate rin nila.

"hello! good morning din sayo, chan." I smiled at him.

"hoy jung, magpractice ka na nga!" umalingawngaw ang sigaw ni jisung sa field. malayo kasi siya sa amin pero need bang sumigaw?

ganon ba siya kadisgusted sa akin na ayaw niya ipakausap sa akin kahit mga kaibigan niya?

bigla naman akong nalungkot. umalis nalang ako dahil late narin ako sa class.

 

hays ang bigat ng araw ko ngayon, dagdag mo pa si jeno na absent dahil naiwan ng jeep kaya late at di na pinapasok sa gate.

napahinto ako sa pag-aayos ng gamit ko para maka-uwi na ng magtext ang kapatid ko.

[kuya jae's halo-halo: psst le, punta ka sa locker room namin. may pinabibigay si rj sayo.]

may ibibigay si kuya rj? hala ano kaya yon? baka skin care galing china na naman. mahihiya na si snow white sa balat ko nito.

pagkadating ko konti nalang ang tao. siguro dahil walang training today at uwian narin.

"ano yun, kuya?" pasimple kong nahagip si jisung sa gilid busy ito sa cellphone niya. sino kaya kausap? seloso pa naman ako jisung nako.

"galing silang hongkong kahapon, eto pinabibigay niya." wow, fresh from hongkong. paglaki ko gusto ko maging kasing yaman nila kuya rj. anytime, anywhere pwede mag-abroad.

chocolates, t-shirt, at iba pang mga souvenirs ang laman ng paper bag. swerte ko naman talaga sa magiging brother-in-law ko, di ako nakakalimutan.

"dami nito kuya ah, pasabi salamat." tumango naman siya.
"sabay na tayo umuwi ha, shower lang ako saglit. upo ka muna dyan." umupo ako mismo sa tabi ng gamit ni kuya.

nilingon ko si jisung at nakita kong nag-aayos na siya ng gamit. aalis na siya?

at dahil mana ako ng konti kay jeno, makapal mukha ko.

"hi, ji..." nilingon naman ako ni jisung pero di niya ako nginingitian katulad ng dati. ay oo nga pala...

"hello. pasabi kay capt. una na ako."
"ayaw mo sumabay sa amin? sabay ka na para tipid ka na sa pamasahe." suggest ko.

"hindi na tsaka may pera naman ako. ge alis na ako chenle."

chenle... bakit chenle na? wala nang baby? asan na yung darling? napasimangot na naman ako.

"may problema ka ji? kahapon di na kita nakita ah. maaga ka umuwi?" pagbubukas ko ng topic tho alam ko na pauwi na siya.

"hmm, nag-excuse na naman na ako sa kuya mo, alam niya na yon." sabi niya sabay labas ng kwarto. sinundan ko naman siya at di ko sinasadyang mahawakan ang braso niya.

"ano yon, chenle?" nakatingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

"ano kasi.. may surprise quiz kami sa a-ano.. bukas? busy ka ba? hahaha tara review--" wews, surprise nga teh eh ba't mo alam yan?

"busy ako eh, next time nalang." sabi niya tsaka talikod uli sa akin.

ano bang nangyari? bakit siya ganyan? grabe naman kung dahil lang sa nakita niya kahapon ayaw niya na ako pansinin.

haha ji ayaw mo ba talaga sa akin?

"ji... may problema ka ba... sa akin mismo? kanina mo pa ako iniiwasan at hindi pinapansin.." he scoffed at nakita kong mukhang inis siya.

"chenle, diba gusto mo naman ako umalis kahapon?"
"h-ha? ano, nagbibiro lang naman ako non eh. sorry pala sa sinabi ko kahapon.."

napatungo ako dahil nahihiya ako sa mata niya na pawang nakatingin sa kaluluwa ko.

"i thought you like me?"

huh?
nanlalaki ang mga mata ko at nag-angat ng tingin sa kanya. what? suddenly, i don't know what to say.

"akala ko gusto mo ako, le? so why you and..." tumingin siya sa taas na parang nagpipigil ng inis.

"you know what, nevermind hahahaha una na talaga ako, chenle." he said before turning away.

gulat ako kaya wala akong mailabas kahit na isang salita.

what does it mean?