Actions

Work Header

miracle nights

Summary:

"You asked to touch his thighs ten times and called them magnificent," Wei Wuxian replied, smirking when he saw the blush spread across his friend's face. "Gusto mo pa bang makita ang video? Meron ako rito. In 4k pa."

"I did not,” giit niya kahit parang…parang may naaalala na siya sa mga kaganapan kagabi. Fuck. Hindi lang basta touch ang ginawa niya. Ata. May pisil at…

 

Fuck fuck fuck.

-- or isang sangcheng modern au kung saan pinagsisisihan ni nie huaisang ang kalandian niya sa five seconds walang malisya kagabi

Notes:

based on this Text From Last Night meme: (970): You asked to touch his thighs ten times and called them magnificent.

part two of my of morning afters and awkward breakfast conversations 'verse. title is from...well, miracle nights by ALLMO$T lol

unbeta'd as always.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Umupo si Wei Wuxian sa tapat ni Nie Huaisang sa mesa hawak-hawak ang isang bowl ng Cornflakes na walang gatas. Sumubo siya ng isang kutsarang cornflakes habang pinapanood ang pamumungay ng mga mata ni Nie Huaisang. He snorted and Nie Huaisang's red-shot eyes opened again, glaring at Wei Wuxian for breathing.

 

“So. Ikaw at si Jiang Cheng,” panimula ni Wei Wuxian.

 

Napabuntong-hininga si Nie Huaisang at sinuklay ng kamay ang kanyang buhok. "Please tell me na wala akong ginawang kalokohan kagabi."

 

Natawa na lang si Wei Wuxian at napangiwi na lang si Nie Huaisang sa ingay. Shit, that didn’t sound good. Oo, iniinda niya ngayon ang pinakamasakit na hangover sa buong mundo pero kilala niya ang iba’t ibang tawa ng gagong Wei Wuxian na ‘to. Sa timbre pa lang ng tawa nito…ah puta. Ano na naman ang ginawa niya kagabi!?

 

Wei Wuxian took pity on him and lowered his voice. "You asked to touch his thighs ten times and called them magnificent," Wei Wuxian replied, smirking when he saw the blush spread across his friend's face. "Gusto mo pa bang makita ang video? Meron ako rito. In 4k pa."

 

"I did not,” giit niya kahit parang…parang may naaalala na siya sa mga kaganapan kagabi. Fuck . Hindi lang basta touch ang ginawa niya. Ata. May pisil at…

 

Fuck fuck fuck . Nanlaki na lang ang mga mata niya in realization. He’s the worst drunk ever. Bakit ba niya pinatulan ang dare ni Jin Zixuan na five seconds walang malisya kagabi!?!

 

Tumango si Wei Wuxian. "Yeah, you did. I was there. Wen Qing was there. Even Lan Zh—Lan Wangji was there." He stuffed his mouth with two big scoops of cereal before Nie Huaisang could catch on his slip of tongue. Nie Huaisang caught that, alright, but he was too hungover and too embarrassed to call his friend out on his whatevership with the Lan Wangji. “See? Yan ang napapala ng mga hayok sa five seconds walang malisya. College ka pa rin ba ghorl!?”

 

“Shut up !”

 

“So ano, did you guys finally had some wicked reunion sex last night?”

 

Nie Huaisang balled up a napkin and chucked it at Wei Wuxian. "Tangina mo tumigil ka nga dyan. Walang nangyari sa ‘min kagabi—or kanina, okay? Half our clothes were still on." He groaned and shook his head. "Oh my god, nagmukha na naman akong tanga sa harap niya.”

 

"See? Kaya nga kayo meant to be ni Jiang Cheng. Nagiging super tanga rin niya pag lasing siya,” Wei Wuxian fucking laughed again with that amused glint in his eyes that says hindi ko ipapalimot sa ‘yo ang kalandian mo kagabi hayop ka .

 

Pinagsasampal ni Nie Huaisang ang mukha niya in the hopes na magising siya sa bangungot na ito. He did not just harass his ex-boyfriend last night. At lalo na hindi sila natulog sa kama buong magdamag—na magkayakap pa. Nope. That never happened in Nie Huaisang’s book. Naka-move on na siya kay Jiang Cheng. Napagkasunduan at klaro sa kanilang dalawa na ang college graduation nila ang expiration date ng kanilang relasyon. They were meant to be just a casual college relationship and nothing more.

 

Pero pota naman, isang taon na silang graduate! Bakit bumabalik pa rin siya sa ganito? Bakit kay Jiang Cheng pa rin!?

 

Tanga ka kasi bakit mo jinowa ang kapatid ng best friend mo!!! pagalit niya sa sarili na may halong sampal sa bawat salita. Bobo amputa utak ubo ka Nie Huaisang!

 

“Hoy tigilan mo nga ‘yan,” saway sa kanya ni Wei Wuxian. Hinarang nito ang kamay niya sa mukha ni Nie Huaisang na parang shield. “Sige ka pag nagkapasa ‘yang mukha ko I’ll ask Jiang Cheng to kiss it better,” he said as Jiang Cheng walked in. The younger brother spared a glance at Wei Wuxian before going into the kitchen to make coffee. "Morning, Jiang Cheng!"

 

"Ugh, don't talk so fucking loud," Jiang Cheng grumbled, walking back out and sitting down next to Nie Huaisang. He smiled at Jiang Cheng who blushed and hid behind his coffee mug. "Uhhh…good morning.”

 

“G-good morning.”

 

Jiang Cheng finally removed the coffee mug in front of his face and turned to Nie Huaisang’s direction. “I'm sorry if I acted like an idiot last night."

 

Nie Huaisang looked up at him, flabbergasted. "Huy ba’t ka nagso-sorry dyan? Ako dapat ang magsorry! Besides, I uh-I actually don't remember much about last night. I remember Jin Zixuan trying to serenade Jiang Yanli and then nothing."

 

Jiang Cheng laughed. "’Yon na lang din ang naaalala ko. Grabe, lasing na lasing talaga ako kagabi.” He smiled and leaned against Nie Huaisang. He, on the other hand, stilled at the unprovoked show of affection. Tangina . "Would you uh-would you like to get breakfast with me today?"

 

BAKIT MAY GANITO? Lasing pa ba siya? Panaginip lang ba ‘to? Binubulungan ba siya ni Wei Wuxian habang tulog kasi kung oo, pangalawang beses nang effective ang kalokohan ng best friend niya! 

 

Tangina tangina ano raaaw?

 

Wei Wuxian rolled his eyes and grabbed his cereal. "Hay nako, parang gusto ko na palang bawiin ang sinabi ko na sana magkabalikan kayo. I totally forgot na kayo ‘yung kadiri na super lovey dovey couples sa TikTok. Namamantal ako sa kalandian niyo potek.” He felt something soft hit his back as he turned to leave. "Real mature Jiang Cheng, real mature. Enjoy niyo breakfast date niyo okay? And sana pag-usapan niyo nang mabuti ang ganap kasi may pustahan kami ni Wen Qing na hindi naman talaga kayo nag-break no’ng grad? Anyway dito lang ako sa apartment the whole day para i-upload ang video mong kumakanta ng Born To Make You Happy ni Britney Spears kagabi."

 

"Wei Wuxian!"

 

They sat in silence for a couple of minutes before Jiang Cheng said quietly, “So…breakfast? Kahit dyan lang sa may tapsihan sa kanto. Okay lang ba?”

 

Nie Huaisang blinked awake. He’s here, Jiang Cheng’s here. Hindi ito bangungot. Hindi rin panaginip. Totoo na ito. At baka nga tama si Wei Wuxian, baka guni-guni lang nila ang expiration date last year kasi kung totoo nga ‘yon, bakit iba pa rin ang tama sa kanya ng mga ngiti ni Jiang Cheng?

 

Kahit na binibiyak ang ulo niya sa sakit, sumagot siya ng, “Sure. Tapsi sounds good.” 

Notes:

maraming salamat sa pagbabasa ng kalokohan ko hahaha :>

Dumadaldal din ako sa Twitter @myeonkais at pwede rin kayong magsubmit ng reactions at fic prompt request, o daldalin niyo lang ako hahaha sa Retrospring.