Actions

Work Header

kapag ba binitawan, makakalimutan?

Summary:

“we’re soulmates because soulmates doesn't have to end up with each other.”

para kay jaemin, life doesn't start at forty. life already ended for jaemin when he was twenty four.

Notes:

hala shea :D this is just a nomin brainrot, please enjoy ?!?!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

“Kuya Jaem, sure ka ba magiging okay ka doon?” 

 

“Pang-limang tanong mo na ‘yan sa akin ngayong araw, Ji.” natatawang sagot ni Jaemin. Inaayos niya na ang cooler na nilalagay niya sa compartment ng kotse niya ngayon. 

 

“Sama na kaya kami ni Kuya Iyang sayo, Kuya?” Nag-aalangang tanong nito. Agad naman napailing si Jaemin doon. 

 

“Hay nako, bantayan niyo nalang si Nanay Alisa dito. Kaya ko naman ‘to gawin mag-isa.”

 

“Kuya, may nakapagsabi na ba sa'yo na ang tigas ng ulo mo?” Napatingin si Jaemin at Jisung sa may direksyon ng pinto noong may narinig silang boses. Nakatayo doon si Yangyang habang may hawak na baso ng kape.

 

“Marami na, pati nga siya eh.” Sagot ni Jaemin sabay nginitian pa sila. Inirapan nalang siya ni Yangyang. 

 

“Hindi mo na mapipigilan ‘yan, Jisung. Sumuko ka na.” Saway ni Yangyang noong nakita niya si Jisung na akmang isasarado ang pinto ng compartment ng kotse ni Jaemin para mapigilan ito.

 

“Tama si Kuya Iyang mo, Ji.” Sambit ni Jaemin. “Uuwi rin ako bukas, huwag kayo mag-alala.” 

 

 

 

 

 

 

Tatlong oras ang tatahakin bago makarating si Jaemin sa destinasyon niya. Halos isa’t kalahating oras pa lamang siya nasa kalye kaya’t mahaba-haba pa ang byahe niya. 

 

Napukaw ang atensyon niya noong nakita niya ang pangalan ng kaibigan niyang si Donghyuck sa telepono niya. Tumatawag ito. Agad niya naman itong sumagot. 

 

“Taon-taon, Jaemin, tuwing dumadating ang araw na ‘to, pare-parehong salita at sermon ang naririnig mo galing sa akin. Hindi ka ba napapagod?”

 

“Good Morning rin sa’yo, Hyuck.” Sambit ni Jaemin.

 

“God. Diyos ko po. Susmaryosep.” Donghyuck says in disappoinment. “Tutuloy ka?”

 

“May bago pa ba, Hyuck? Malamang tutuloy ako.”

 

“Andoon yung mga bata, Jaemin. Inuwi daw ni Renjun yung mga bata.” Donghyuck says.

 

Mabuti na lamang ay alas-singko pa lamang nang umaga at kakaunti palang ang mga sasakyan na nasa highway noong napatigil ang sasakyan ni Jaemin dahil sa narinig niya. 

 

“My God, Jaem! Ano ‘yun?! Kotse mo ba yung tumigil?!” Rinig na rinig ni Jaemin ang pag-aalala sa boses ni Donghyuck ngunit hindi parin siya makapagsalita kahit ilang beses na siyang tinatawag nito.

 

“Pupunta yung mga bata?”

 

“Malamang tatay nila ‘yun, Jaemin. May karapatan silang pumunta.” Sambit ni Hyuck sa kabilang linya. “Nasaan ka na ba? Malapit ka na ba sa Taguig? Pwede ka pa naman bumalik sa bahay niyo, Jaem. Text ko na ba sila Iyang?”

 

“Hindi.”

 

“Ano? Please say na hindi ka na tutuloy, Jaem.”

 

“Pupunta parin ako, Hyuck.” Jaemin says. There are tears forming in his eyes, at bago pa makapagsalita si Donghyuck, agad niya itong inunahan. “I’ll call you back later.”

 

 

 

 

 

 

 

 

God. Fucking. Damn. It. 

 

Matalinong tao si Jaemin. Grumaduate siyang Summa Cum Laude noong college siya. Natapos niya ang Medical School. Doktor na siya ngayon sa isa sa mga pinakamalaking ospital sa bansa. 

 

Pero kung tatanungin mo siya kung bakit niya parin ‘to ginagawa para sa taong matagal nang nawala sa buhay niya? Hindi niya rin alam ang isasagot sa’yo. 

 

For the past fifteen years, ginagawa ito ni Jaemin. Walang palya.

 

God, he's turning forty soon. He still can't get his shit together when it comes to this topic.

 

When it comes to Jeno.

 

Humigop nalang muli siya sa kapeng binili niya dito sa Fast-Food na pinagstop-over-an niya. 

 

He rubs his already tired eyes.

 

He can't give up now. He really can't.

 

 

 

 

 

 

 

donghyuck • 06:28 AM

 

jaem, call us back please? nag-aalala daw talaga sa’yo si jisung, nasabi ni iyang sa akin.

 

donghyuck • 06:29 AM

 

just, be safe ha? uminom ka ng tubig, alam natin kung ilang balde ng luha ang inilalabas mo tuwing dumadating ‘tong araw na ‘to.

 

donghyuck • 06:31 AM

 

mahal ka namin, jaemin. alam mo naman ‘yun, diba?

 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi nalang talaga dapat siguro natuto magmahal si Jaemin.

 

Pakiramdam niya kasi, lahat ng taong minamahal niya, nawawala rin sa kaniya. 

 

Binabawi rin agad.

 

Palagi sa kaniyang sinasabi ng mga kaibigan niya na sa lahat ng mga taong nakilala nila, si Jaemin lang ang taong nakita nilang ganito magmahal. 

 

May mga taong ganoon pala talaga, ano? Sobra-sobra magmahal. 

 

Masyado namang sinosobrahan minsan.

 

Ganoon si Jaemin. 

 

Ayun ang pagmamahal na alam niya.

 

Ganoon siya magmahal.

 

Nakaupo si Jaemin ngayon sa sasakyan niya. Isang oras na siyang nakaupo dito at iniintay na matapos na ang mga taong tinatanaw niya sa pag-aayos ng tent na nakalaan sa puntod ni Jeno. 

 

Andito pamilya ni Jeno. Andito rin ang asawa ni Jeno.

 

Nagdadalawang-isip na si Jaemin kung bababa pa ba siya.

 

Andito ang mga anak ni Jeno.

 

Kahit gaano pa karami ang kayang isakripisyo ni Jaemin para kay Jeno, may isang bagay siyang hindi niya kayang gawin kahit kailan. 

 

Ang magpakilala sa mga anak nito.

 

Paano nga ba siya magpapakilala sa mga anak nito? Ako ‘to, yung inabanduna ng Ama niyo para sa mga pangarap niya

 

Gusto ko magalit sa Ama niyo noon, pero wala rin namang pagpipilian ang Ama niyo noon. Umuwi nalang siya, may iba na. 

 

Stupid. So. Goddamn. Stupid.

 

Makalipas ang ilang minutong pakikipagtalo sa sarili. Bumaba parin si Jaemin sa kotse niya. 

 

Naka-suot siya ng Baseball Cap sa ulo niya at Salamin naman sa mata niya. Naka-facemask rin siya. 

 

Akala mo naman hindi siya makikilala ng pamilya ni Jeno. Sa galit lang ng ito sa kaniya. 

 

Halos isang daang metro ang layo ng kinatatayuan ni Jaemin sa puntod ni Jeno. Nagtatago siya sa likod ng puno ng narra dito sa sementeryo.

 

“Jaemin?” Naestatwa si Jaemin noong may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Hindi niya sana ito lilingunin ngunit narinig niya itong tumawa nang mahina. “Alam ko nang pupunta ka eh.” sambit nito. 

 

Hinarap siya ni Jaemin at laking gulat ng binata noong agad siya nito sinalubong ng yakap. 

 

Hindi na rin nagpumiglas si Jaemin. Kuya parin ito ni Jeno.

 

“Sa ating lahat dito, ikaw ang pinaka-nagmahal kay Jeno.” Sambit pa nito. “Salamat, Jaemin. Sa maikling oras na pinahiram sa bunso namin, binigyan mo ng kulay, kahit papaano, ang buhay niya.”

 

“Wala akong planong umiyak ngayon, Mark.” natatawang sambit ni Jaemin habang tinatapik ang likod ng nakatatanda. 

 

Kumawala na sila sa yakap at nakita niyang agad na tumalikod ang nakatatanda para punasan ang mga namumuong luha sa mata nito gamit ang panyo niya.

 

“Fifteen years na agad, ano? Ang tagal na rin.” Sambit ni Mark. Lumayo sila sa Puno at nagpunta doon sa may Coffee Vending Machine na nasa dulo ng sementeryo. “Alam mo noong huli kitang nakita? Libing pa ni Jeno. Ako lang nga ata nakakita sa’yo noon.” Pagkukuwento pa nito.

 

Jaemin just smiled. “Huwag ka mag-alala, huling beses na rin siguro ‘to.” sambit ni Jaemin. Ramdam niya naman na ang agad na pagtingin sa kaniya ni Mark. 

 

“Bakit?”

 

“Pangako ko sa kapatid mo na kapag nakita ko na anak niya, hindi ko na siya pupuntahan uli eh.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“You really loved Jeno, ‘no?”

 

“I still do,” Jaemin let out a bitter chuckle. “I think I’ll always do.”

 

 

 

 

 

 

 

 

“By any chance, are you this boy in this photo?” napalingon si Jaemin sa likod niya noong may nagsalita dito. 

 

Nauna na si Mark umuwi dahil may aasikasuhin pa raw ito sa opisina, kaya bumalik si Jaemin sa kotse niya at nagtungo lang dito sa may comfort room dahil nagpplano na siyang umuwi.

 

Noong lumingon si Jaemin, agad niyang nakita ang dalagitang nagsalita. 

 

Maikli ang buhok nito. Singkit. Matangkad. Matangos ang ilong. Maganda ang ngiti. 

 

Jeno na Jeno

 

Bago pa makasagot si Jaemin, nagsalita ito muli. “First Love ni Papa.” Sambit nito, pertaining to the photo. 

 

Jaemin looked at the photo noong ibinigay sa kaniya ito noong dalagita. 

 

Oo nga. 

 

Siya ang nasa litrato. 

 

He’s probably nineteen of age noong kinuha ang litratong ‘yun. It's a polaroid. Jeno owned a polaroid noong college sila.

 

“Yeah.” He smiled at the young lady. “Like you said, I was kind of your Papa’s first love.” Dagdag pa niya.

 

“You’re Jaemin?”

 

“How did you know that?” Jaemin was surprised. 

 

“My Dad cried every night kasi he said that Papa loved you more than him.” 

 

Muntik nang tumulo ang luha ni Jaemin sa narinig niya and he can't do that. 

 

Hindi pwede, lalo na’t nasa harapan niya ngayon ang panganay na anak ni Jeno.

 

“What’s your name?” tanong ni Jaemin.

 

“Jaja.” Sagot nito. “Short for Janina. I’m Janina. Seventeen.”

 

“Janina.” Jaemin says it like he isn't the one who suggested the name. “Beautiful.”

 

“Was it true? That Papa loved you more?” tanong nito.

 

“Hindi.” Jaemin says with a bitter smile. “Kung mas minahal ako ng Papa mo, wala ka dito ngayon, Jaja.”

 

Janina just nodded. 

 

Seryosong bata. Nagmana siguro kay Renjun. 

 

“Pakiramdam ko minsan, Tito Jaemin. Naiwan puso sa’yo ni Papa.” natigilan si Jaemin sa sinabi sa kaniya ng bata.

 

“A part of it were once mine.” Sagot ni Jaemin dito. “Believe me, hindi ako pipiliin ni Jeno laban sa pamilya niya. Laban sa inyo ng kapatid mo.”

 

“By any chance, kilala ka ba ni Daddy?”

 

I was your Dad’s bestfriend.

 

“We were schoolmates.” Sambit ni Jaemin. Akmang aalis na rin siya nang biglang magsalita muli ang dalagita.

 

“Just so you know, Tito Jaem.” Janina starts. “Sa lahat ng libro ni papa na naipamana sa akin, may litrato kang nakaipit.” 

 

Tinanguan niya lang si Janina. “Please do not ever doubt your Papa’s love for you.” Jaemin starts “He loved you more than he loved me. Kasi ikaw, pinili ka niya.”

 

 

 

 

 

 

 

 

09*********** • 11:34 AM

 

jaemin, thank you

 

09*********** • 11:35 AM 

 

this is renjun

 

09*********** • 11:35 AM

 

janina told me what happened earlier

 

09*********** • 11:36 AM

 

jeno .. i’m sure he's happy to see you here

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Tangina talaga, Hyuck, ‘no?” Jaemin laughs, humorless. Nasa likod sila ngayon ng bahay ni Donghyuck. Umiinom. 

 

Nakaupo sila sa damuhan sa hardin ng kaibigan niya. Nakatingin lamang sa langit ang binata. 

 

“Kasalanan bang magmahal, Hyuck?” Hyuck only looks at him apologetically. Kanina pa kasi umiiyak si Jaemin sa kaniya. Awang-awa na rin minsan si Donghyuck sa mga desisyon ni Jaemin sa buhay.

 

Jaemin has the purest and kindest soul. Bakit hindi nila maibigay kay Jaemin ang kasiyahan na talaga namang nararapat para dito?

 

“Hyuck, dalawang dekada ko nang minamahal ‘tong tao na ’to kahit alam kong kasal na siya.” Jaemin sobs. “Pakiramdam ko minsan. Inaagawan ko ng pagmamahal yung mga anak niya.” 

 

“Tama na ‘yan, Jaemin. Nakakarami ka na.” pilit na nilalayo na ni Donghyuck kay Jaemin ang mga bote ng alak na nagkalat sa paligid nito. Patuloy lang ang nakababata sa pag-iyak sa tabi niya.

 

“Bakit si Jeno pa, Hyuck?”

 

“Jaem-” 

 

“Alam mo ba? Palagi kong naaalala si Jeno sa mga ulap.” napaupo nalang muli si Donghyuck noong mukhang kumalma na si Jaemin dahil nagumpisa na muli ito sa pagkukwento. “Kasi andyaan mga ulap umulan man o umaraw. gabi man o umaga.”

 

“Pasok na kaya ta-”

 

“Tapos alam mo ba? Noong nakaburol si Jeno, ayaw ako papasukin ng pamilya niya. Kasi pakiramdam nila, ako may kasalanan ng pagkamatay ng anak nila.” 

 

“May sakit si Jeno, Jaem. Hindi mo ‘yun kasalanan.”

 

“Alam mo ‘tong kwintas na ‘to?” napatingin si Donghyuck sa kwintas na nakasuot sa leeg ni Jaemin. “Binigay sa akin ‘to ni Renjun, abo ‘to ng piraso ng puso ni Jeno. Sabi niya, para sa kaniya dapat talaga ‘to pero hindi niya maatim kasi alam niyang ako raw mas minahal ni Jeno.” Jaemin sobs. Hindi na halos maintindihan ni Donghyuck ang mga sinasabi nito. “Pakiramdam ko, palagi kong inaagawan si Renjun sa pagmamahal na sa kaniya naman dapat.”

 

 

 

 

privatenajaeminlv • 6 likes 

 

we're soulmates, because soulmates doesn't need to end up with each other.

 

today marks your fifteenth year there. a lot happened. tutuparin ko yung pangako ko sa’yo na tatanggapin ko na na kailangan mo nang mawala nang tuluyan sa buhay ko kapag nakita ko na ang mga anak mo.

 

this is our last photo together. i should've known, ‘no? sana sinulit ko na. we were both nineteen there, by the way. 

 

at ngayon, i’m thirty nine, you're still twenty-four.

 

i wish heaven had visiting hours, jen.

 

mahal kita, palagi. i think i’ll always do.

 

 

 

 

 

Notes:

thank you for reading. medyo inspired ‘to sa sdtg ?? haha ?? T___T

twt: @iovejhhj

cc