Work Text:
"so paano na tayo nito? sabi ko sa'yo hindi gagana plano mo sa dalawang 'yun."
"hindi ko rin naman inaakala na aalis sila. hala! teka bakit parang kasalanan ko? nag-agree ka rin dito no!" iritableng sabi ni jaemin.
kumakain sila sa samgyupsalamat dahil dito naisipan ni jaemin na maging isang couples therapist at pag batiin ang best friend niya at ang nobyo nito. ang kaso lang ay nag-away pa lalo ang dalawa.
"nasa wow mali ata tayo." sambit ni jeno at biglang napahalakhak si jaemin sa sinabi ng lalaki sa harap niya.
"tawa ka diyan. akala ko galit ka?" bakas ang pagtataka sa mukha ni jeno."nakakatakot ka naman" dagdag pa nito.
hindi talaga close si jaemin at jeno nagkakilala lang ang dalawa dahil kila mark at haechan. mark is jaemin's best friend at si haechan naman ang highschool friend ni jeno. lumiit lang ang mundo nila nang maging tambalan ng taon si mark at haech.
“hoy, jeno lee grabe ka naman sa akin. ilang minuto pa lang tayo magkasama ganyan na trato mo sa akin parang others naman ‘to.” magkasalubong na ang kilay na jaemin at nakanguso pa ito parang batang nakikipag away sa kalaro niya.
“surprisingly i enjoyed your company, jaemin." jeno looked directly at jaemin's eyes. pinagmamasdan niya ang mata nito. ang ganda pala talaga? jaemin got a little bit flustered parang nakakatunaw tumitig 'yun mama sa harap niya.
"same here, jeno. alam mo ba the first time we met sobrang intimidated ako ang cold ng aura mo." jaemin narrated the day na pinakilala ni mark si jeno sa kanya kasama si haechan. "after ilang minutes, do you know what you you did?" jaemin asked a question.
"i can't recall what i did. may weird ba akong ginawa?"
"you fucking flashed that eye smile to me" jaemin replied to him and a sudden warmth filled the room. the man in front of jeno is smiling like an idiot.
now it's time for jeno to get flustered because it reminds him of that smile na naka-plastet sa mukha ni jaemin ngayon. naalala na niya kung bakit napangiti siya noong araw na 'yun.
hindi first time makita ni jeno ang kaibigan ni mark noong araw na 'yun.
summer 2019, freshman year
jeno headed to the building for an id picture. pagkapasok niya sa mayroong line and by batch ang pagpunta sa room designated for picture taking. sumalang na ang batch nila and may orientation how the process works. sa classroom medyo tahimik dahil nagsasalita ang facilitator, suddenly a loud thud echoed. a strawberry head man stood up to pick up the tumbler na nalaglag. nag-apologize naman ito sa interruption. start na ang picture taking and they have to wait for 5 minutes para makuha ang id.
"jaemin na"
tumayo 'yun strawberry head and kids, that's how i met- joke. the one sided first encounter of jeno and jaemin.
after that hindi na nawala sa paningin ni jeno si jaemin. kahit saan siya pumunta sa bawat sulok ng university andoon si jaemin. ge classes na minsan nakiki-sit in siya, org events, cafeteria, computer shop, at minsan sa jeep pa. tila maliit na ang mundo nilang dalawa ni jaemin pero mas lalong lumiit ito nang maging magkasintahan si mark at hyuck.
2020, sophomore year
umiikot pwet ni haechan habang nag-aantay sa jowa niya. pinapakalma naman ito ni jeno. wala pa kasi silang monthsary pang-weeksary pa lang ang dalawa.
"gago, jeno. baka i-ghost na ako noon isang linggong pag-ibig lang kami" reklamo ni haechan.
"tangek ang sabi sa text dadaanan lang kaibigan niya. ang oa mo? side effect ba 'yan kapag may jowa" sagot ni jeno. nasa cafeteria sila ngayon at umiinom ng buko juice.
maya-maya ay dumating na ang jowa nito. si mark lee, kilala ng bayan dahil uc president ito.
"jeno meet my jowa, mark lee." nakangising sabi ni haechan.
"pare, kumusta?" nakipag-half hug si mark sa kanya. dumapo ang mata niya sa lalaking nakatayo sa likod ni mark. pamilyar ito. may internal monologue si jeno sa utak niya gago???? si strawberry!!!
"friend ko pala haech, si jaemin." pinakilala ito kay haechan ay niyakap ito agad ng bestfriend niya.
nagulat si jaemin pero nakangiti naman ito kay haechan. warm welcome. nag-kumustuhan lang ang mag-jowa at ang kaibihan ni mark.
"ay jaemin eto pala friend ko si jeno" sabi ni haechan at tinuro ako na umiinom ng buko.
"hello, jeno!" bati sa kanya ni jaemin.
hindi alam ni jeno ang sasabihin sa kanya kaya tumango ito at ngumiti ng tipid. kinausap naman niya ito pero napakatipid ng ngiti niya.
nag-kwentuhan lang sila sa cafeteria. masayang kasama sila mark at comfortable rin kausap.
then jaemin cracked a joke and for the first time that afternoon jeno flashed an eye smile.
present day, 2022
"huy, jeno lee ng quezon city. okay ka lang?" jaemin caught his attention nag-space out ata siya.
"ha? ah oo okay lang ako. naalala ko na nag-joke ka that time noon tapos nakakatawa naman." sagot niya kay jaemin.
"ohh, i actually enjoyed that day. that day lumaki circle namin ni mark because of you and haechan." jaemin's eye soften with the thought of their first meet up.
"ano tara na?" tanong ni jaemin.
"let's go na, strawberry"
"ha? strawberry?"
"ah wala bili tayong strawberry milk."
umalis si jeno thinking about ways to confess.
