Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-10-21
Words:
2,335
Chapters:
1/1
Comments:
7
Kudos:
499
Bookmarks:
11
Hits:
8,304

you, always

Summary:

Solomon feels like there’s something wrong with Thirdy.

Notes:

hi, this is lu! not proofread po ito, please expect some errors. and this will be the last special chapter for this au series. i hope you enjoyed the journey of my babies, thirdy and solomon! <3

check out my other works on twitter: @unodaily

Work Text:

He’s weird.

Thirdy’s being weird.

“May problema ba, baby?” tanong niya para makuha ang atensyon ni Thirdy.

They are situated on their bed. Nagmo-movie marathon sila ngayon sa Netflix. Ngayon na lang ulit nasakto sabay na araw ang day off nilang dalawa kaya sinusulit nila ang oras. Thirdy’s laying on his stomach on top of him, while he has his upper body leaning against their headboard. 

“Po?” Inangat ni Thirdy ang ulo para matignan siya. He looks so sleepy and cuddly. 

“Bakit parang hindi ka mapakali?” tanong niya at inabot ang buhok ni Thirdy para mapaglaruan iyon.

Napakurap kurap si Thirdy bago umubo. Solomon’s suspicion only grew with his reaction.

“Hindi naman po–” biglang tumunog ang cellphone ni Thirdy pero hindi iyon ang nagpagulat sa kanya. 

It is what Thirdy did that shocked him. Dali dali itong tumayo at lumabas sa kwarto nila para masagot ang tawag. Solomon pouts his lips and glares at the closed door. Thirdy is definitely hiding something from him. He knows him too well. Kapag magkasama sila, off ang phone niya kasi gusto niya, na kay Solomon lang ang buong free time at atensyon niya. It’s one thing they find hard to do back then and even now, especially since both of them are working.

Matagal bago nakabalik si Thirdy sa kwarto. He is almost dozing off (from overthinking) when he feels arms wrapping around his waist and a face burying in his neck.

“Patayin ko na po Netflix, mahal?” bulong ni Thirdy sa tenga niya.

“Hmm?” he hums. Bago pa siya makasagot, napatay na ni Thirdy ang TV at niyakap na siya ng mahigpit. 

Umayos na siya sa pagkakahiga at tinalikuran si Thirdy. Thirdy knows the drill – hugging him from behind and fitting his body on his arms.

He closes his eyes and sighs, content. Thirdy breathes his scent in, dropping small kisses on his neck and ear.

“Sino yung kausap mo? Bakit ang tagal?” tanong niya habang nakapikit pa rin.

“Yung company lang  po yun, mahal,” bulong ni Thirdy bago siya patakan ng halik sa pisngi. 

Thirdy’s lips lingers on his skin, small kisses and light bites on his cheeks makes him squirm from his hold and smile widely. 

“Ayan ka na naman ha, kakagatin mo na naman pisngi ko!” sita niya pero hinila lang siya ni Thirdy pabalik sa yakap niya. “Isa! Baby kasi, ‘wag cheeks ko! Mamumula siya bukas!”

Thirdy only smiles wickedly, eyes too soft as he stares at his. He buries his face again on his neck.

“Damot mo po, mahal. Isang kagat lang, eh.”

He can definitely hear Thirdy’s pout. Siniko niya si Thirdy kaya narinig niya ang mahinang pagtawa nito. Thirdy knows he’s weak whenever he is pouting, kaya lagi niyang ginagawa iyon kapag gusto niya ng kiss or gusto niyang kagatin ang pisngi niya. Siya rin naman kasi, he always gives in. Just like now .

“Okay, pero isa lang ha?”

Nag-angat ng ulo si Thirdy. Giddily, he bites Solomon’s cheeks. At kahit hindi lang isang kagat ang ginawa ni Thirdy, hinayaan niya na lang. He will give everything for his baby.

* *

“Iba talaga pakiramdam ko. Feeling ko, may tinatago siya sakin,” he fidgets on their sofa, teeth biting his lower lip.

“Baka naman nago-overthink ka na naman,” sagot ni Yohan.

They’re on a video call. Mag-isa lang rin siya sa apartment dahil may schedule si Thirdy ngayon for interview.

“Hindi, sure talaga ako. Hindi niya sinabi sakin kung para saan yung interview niya,” kwento niya pa.

“Bhie, grabe ka naman. Ano ngayon kung hindi niya sinabi, mamamatay ka ba kapag hindi mo nalaman kung para saan yung interview niya?”

Solomon pouts. May point naman kasi talaga si Yohan. If he will think logically, okay nga lang naman talaga na hindi sabihin sa kanya. The problem is, it’s not normal for Thirdy to not tell him everything.

Kaya hindi niya maiwasang hindi mag-isip.

“Mahal na mahal ka nung tao, Solomon. Ngayon ka pa ba maghihinala?” irap sa kanya ni Yohan. Kulang nalang, ilusot ni Yohan yung kamay niya sa screen para masabunutan siya.

“Hindi naman ako naghihinala! Malaki tiwala ko kay Thirdy, no. Patay na patay sakin yun, hinding hindi ako lolokohin nun,” balik niya sa kaibigan.

“Oh, eh ano pang iniinarte mo dyan? Aware ka naman pala na ikaw lang? Iniistorbo mo baby time namin ni Jay, eh.” 

Biglang sumilip ang ulo ni Jay na nakaupo pala sa tabi ni Yohan. “Hi, Solomon.”

“Tsk. Edi kayo na magbe-baby time. Malumpo ka sana,” malditang sabi niya.

“Ay bet ko yan,” hagikhik ni Yohan. “Rinig mo yun, Jay? Sundin natin wish ni Solomon.”

“Okay,” Jay’s voice says.

“Leche kayo, nandito pa ako!”

“Ibaba mo na kasi! At huwag ka na mag-overthink dyan. Tatakbuhin ni Thirdy ang dagat para sayo kaya kalmahan mo lang.”

“Oo na, salamat sa walang kwentang usapan.”

“You’re welcome.”

The video call ends. 

But his thoughts do not.

* *

Solomon watches how Thirdy and his parents are whispering to each other whenever they think he’s not looking at them.

They’re so obvious. 

Pagod siyang umirap nang magkasalubong na naman ang mama niya at si Thirdy. His mom pulls Thirdy towards the corner of their house. 

“Bakit ka nakasimangot dyan?” tanong ng papa niya nang makalapit sa kanya.

“Ano pinagbubulungan nila mama at Thirdy?”

Namula ang papa niya at eksaheradang umubo. “Tubig, kailangan ko ng tubig. Maiwan lang kita dito, nak.”

At umalis na nga ito sa harap niya.

Maliit na salu-salo lang ang hinanda ng magulang niya para kay Lola Rosita – ang yumaong lola nila Uno, Dos, at Thirdy. The three were adopted by Lola Rosita when they were kids and was named after her dead husband; Adriano Cruz. Kaya naging Uno, Dos, and Thirdy ang nickname ng tatlo.

Today is Lola Rosita’s birthday kaya kumpleto silang lahat sa hapag-kainan. Si Thirdy, nakikipag-kwentuhan sa Kuya Mykael niya habang siya naman ay nakikihalubilo kay Dos at sa boyfriend nito. Si Uno, engaged in an animated talk with his father. 

Kahit busy sila, Solomon keeps on looking at Thirdy. He’s relieved whenever he sees him smiling. Lalo sa araw na ‘to.

He vividly remembers when Lola Rosita passed away. Everyone was devastated and broken. Mabait si lola sa tao at halos lahat ng tao sa subdivision, kaibigan at natulungan na niya. But lola’s death’s impact on Thirdy was way more beyond. He witnessed how it destroyed and almost ruined Thirdy’s life.

Habang nakatitig siya kay Thirdy, bigla itong lumingon sa kanya at nginitian siya ng malapad. A wide smile also appears on his face.

Thirdy’s happy and that’s enough for him to be happy, too.

When it is the time to visit Lola Rosita’s grave, hindi na sumama ang mga magulang niya. Even his and Thirdy’s brothers refuse.

“Nakabisita na kami kanina, nak. Kayo na lang dalawa ni Thirdy. Sige na, baka gabihin na kayo. Umalis na kayo hangga’t may liwanag pa.”

Halos itulak na sila para lang mapalayas sila ng mama niya kaya umalis na lang sila. Hindi pa nakawala sa paningin niya kung paano niyakap ng matagal ni Thirdy ang parents niya.

“Ikaw na magdrive, Thirdy. Day off ko ngayon,” sabi ni Uno at inabot sa kanila ang susi. “Bye na, mag-ingat sa pagdrive ha.”

“Opo naman, kuya,” nakangiting sabi ni Thirdy at hinawakan na ang kamay niya para sabay silang maglakad palayo.

They had a peaceful drive to the cemetery. Alas kwatro na ng hapon kaya maliwanag pa. Wala ring tao sa sementeryo nang dumating sila.

“Hi po, lola. Okay ka lang po ba dyan?” he says in a soft smile. 

Lumuhod siya sa harap ng puntod para mailagay yung mga bulaklak na dala nila. Thirdy is quiet beside him.

“Okay naman po kami ni Thirdy. Inaalagaan ko po itong baby damulag natin kasi alam ko po magagalit kayo kapag napabayaan itong bunso niyo,” sabi niya at lumingon kay Thirdy na namumula na ang mata. He laughs and pulls Thirdy towards him. “Tignan mo lola oh, iiyak na naman!”

“Hindi naman po ako iiyak,” sabi ni Thirdy pero halata sa boses ang nginig.

He’s still laughing, hugging Thirdy tight and planting a soft kiss on his cheek. “Hindi daw iiyak pero nanginginig ang boses? Di ka magaling magsinungaling, baby.”

Thirdy remains quiet, leaning his body towards Solomon’s chest. Nakaganun lang sila hanggang sa magsalita na si Thirdy. 

“Lola… may sasabihin po ako, bawal po kayo magalit ha… Hindi na po ako nag-renew ng contract.”

Solomon blinks, eyebrows slowly knitting. Ano daw? Tama ba yung narinig niya?

“Ayoko na po sa showbiz, lola. Nakakapagod, nakakadrain. Hindi ko na po kakayanin kapag nag-renew pa ako ng panibagong 7 years,” natatawang sabi ni Thirdy. “Nakapag-ipon na po ako! Nakapagpatayo na ako ng bahay, lola. May kwarto ka po dun, wag kang mag-alala. Sila Kuya Uno at Kuya Dos, mga may balak na rin magpakasal kaya guest room lang daw, okay na sila.”

“Thirdy…?” bulong niya.

Lumingon sa kanya si Thirdy na lumuluha man, may malaking ngiti pa rin sa labi. Thirdy kisses him on his lips before facing the grave again.

“Sabi mo sakin dati, lola, na magkaiba yung meaning ng destiny at fate. Tanda ko po kung paanong hindi ko maintindihan yung mga sinasabi mo sakin dati. Pero ngayon po, alam ko na, lola. Proud ka na po ba sakin?”

Solomon doesn’t know what is happening. But he can feel his heart beating loud inside his chest.

“Nag-aalala ka rin po dati kung may makakatuluyan po ba ako kasi sabi mo masungit ako at mahiyain, tingnan mo naman boyfriend ko, lola? Sobrang ganda, diba? Alam mo rin po kung gaano siya kabait at kaalaga, diba? Mahal na mahal ko po ‘yan.”

Mahinang tulak ang binigay niya kay Thirdy. His eyes are starting to get teary.

“Kaya ngayon, lola, papakita ko po sa inyo na may makakasama ako hanggang pagtanda. Na hinding hindi po ako magiging mag-isa. Never po akong naging mag-isa simula na nawala ka.”

Umayos sa pagkakaharap si Thirdy. Kung kanina, gulong gulo pa siya. Ngayon, naiintindihan niya na.

Thirdy’s eyes are tearing up while his lips are smiling. “Hi, mahal ko.”

Umirap siya pero suminghot rin dahil sinisipon siya kakapigil sa iyak niya. “Anong pakulo ‘to, nasa sementeryo tayo.”

“Ganito po kasi ako ka-patay na patay sayo,” banat ni Thirdy kaya napapikit siya. Sa inis, sa kilig, o sa hiya. Halo halo na. “Mahal ko, alam mo namang love na love kita diba?”

Tumango siya.

“Sabi ni Yohan, nago-overthink ka na naman?”

Gagong Yohan yun, sinumbong ako!

“Alam mo namang lagi akong nago-overthink, diba?” Tumango si Thirdy. “Oh, edi sana inexpect mo nang mago-overthink ako kapag nagsimula kang magtago ng sikreto sakin.”

Thirdy pouts. “Yung sa contract renewal lang naman po tinago ko… pati po itong balak kong gawin.”

“Ano ‘yan–”

“Shh, bawal ka po muna magsalita,” Thirdy hushes him, putting his index finger on top of his lips. “Listen to me first, okay po?”

Tumango na lang siya. Bawal daw siya magsalita, eh.

“Tanda mo po unang kita natin? Kasi ako, oo. Eight years old ako, ikaw nine. Kumatok ka sa bahay kasi bagong lipat lang kayo, tapos pinakilala tayo ni lola sa isa’t isa. Alam mo po ba anong tinuro sa akin ni lola bago ka kumatok?”

He shakes his head.

“Destiny and fate, mahal,” may tumulong luha mula sa mata ni Thirdy kaya pinunasan niya iyon. “Hindi ko pa alam dati kasi bata pa lang tayo. Pero ngayon, gets na gets ko na siya. Dahil sayo.”

“It was definitely our fate to meet each other. It was fate who decided how and when we should meet. And for that, I’ll be forever grateful. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko alam kung ano nang nangyari sa akin ngayon. Fate made sure to have us together because maybe, they know how I’ll be without you. Dark and empty without you – my sunshine, my love, my life.”

Lumuluha na rin siya ngayon. Parehas pa rin silang nakaluhod habang magkaharap sa isa’t isa. “Fate made sure I will be with you so I can face my destiny with you by my side, mahal.”

When Thirdy pulls out something from his back pocket, Solomon’s heart feels like it’s gonna explode. Nang ipakita ni Thirdy ang laman ng hawak niyang maliit na box, kulang na lang, humagulgol siya.

Naninikip rin pala ang dibdib mo kapag sobrang saya mo.

“I promise to provide for you and our future, mahal. Hindi rin po ako magsisinungaling at araw araw kong ipaparamdam sayo na mahal na mahal kita at ikaw lang ang mamahalin ko. Okay po ba yun sayo? Papayag ka po bang makasama ako habang buhay?”

He glares at Thirdy as a partial answer. "Tinatanong pa ba 'yan?!"

"Para sure lang po, mahal. Consent is a must, sabi ni lola." 

"Eh ikaw, papayag ka bang matali sakin habang buhay?" balik niyang tanong.

Mukha na silang tanga dahil umiiyak sila at parehas pa rin nakaluhod. But they don't care.

"Opo, payag na payag po. Gustong gusto ko po matali sayo habang buhay, mahal."

"So ano pang hinihintay mo? Bakit di mo pa rin sinusuot yung singsing sa daliri ko?"

Thirdy smiles, reaching for his left hand to put the ring. Dahan dahang ipinasok iyon ni Thirdy sa daliri niya habang siya, patuloy na lumuluha habang nakatitig sa mahal niya.

”Sorry kung dito ako nag-propose, mahal. Gusto ko kasi sa harap mismo ni lola. Kasi sila mama at papa, nung nakaraan pa ako nakapag-paalam.”

Thirdy kisses the ring on his finger. He smiles at the sight and leans in to kiss Thirdy’s hair.

”Bukas, ako naman mag-propose sayo, baby.”

”Sa susunod na araw na po, mahal. Bukas na lalabas yung interview ko, eh.” 

“Anong meron dun sa interview na yun?”

”Bawal ko pa rin po sabihin, hehe. Panoorin na lang po natin sabay, mahal.”

”Okay,” he smiles.

Thirdy stares at him before leaning in to kiss him on the lips. It is a long peck. Mukhang wala pang balak lumayo si Thirdy kung hindi lang nasita ng taga-linis sa sementeryo.

Mahiya naman daw sila sa mga patay.