Actions

Work Header

[XVtober2022] Day 15: Map (Mapa)

Summary:

Gladio has a map through life. Not many of his friends can say the same.

[Fifteenth in a series of ficlets in Filipino with side-by-side English translation, for XVtober 2022.]

Notes:

inspired by the gorgeous song, "Mapa" by SB19. For a video with English translation, click here.

Work Text:

Filipino English

Alam ni Gladio na hindi normal ang pagkakaroon ng masayang pamilya. Ang karamihan sa kanyang mga kaibigan ay palaging nagrereklamo tungkol sa kanilang mga magulang. Kung minsan, mayroong may namatay o nawalay na magulang, gaya ni Noct, at minsan naman ay may mga lumaki nang walang sapat na aruga, gaya nina Prompto at Ignis.

Kaya't hindi siya nagmamalaki. Hindi siya madalas magkuwento tungkol sa kanyang mga magulang, bagamat napakalaking impluwensiya ng mga ito sa kanya.

At nang mamatay si Clarus, kasabay ni Regis...hinayaan lamang niyang magluksa si Noct. Hindi na niya ito sinabayan.

Kasi'y ito ang turo sa kanya ni Clarus: ang maging matatag para sa iba.

May panahon para sa pagluha, bilin ni Clarus sa kanyang panganay. Hindi ito sa panahong kailangan ka ng iba.

Ngunit nang maglaho si Noct, at bumaba ang mahabang gabi sa Eos, wari'y nawala na nang tuluyan ang panahon para sa pagluha. Kailangan ang kanyang lakas, sa iba't ibang lugar, at iba't ibang mga gawain.

Kaya't nang sabihin sa kanya ng kanyang inang magpahinga muna sa Lestallum kasama niya at ni Iris, ang sagot niya ay:

"Ma...hindi ako makakatagal dito."

Malungkot ang ngiting isinukli rito ng kanyang ina. Siya rin ang nagturo kay Gladio na pahalagahan ang kaligtasan ng iba nang higit sa sarili niyang kaligtasan. Bilang isang Amicitia. Bilang isang taong may katawan at pusong mas malakas kaysa karamihan.

"Naiintindihan ko,” sabi ng kanyang ina. “Sinusundan mo lang ang mapang iniwan sa iyo ng Papa mo."

Niyakap niya ang kanyang panganay, at niyakap din siya nito.

"Pati ikaw, Ma," mahinahong tugon nito. "Iisa lang ang mapang binigay ninyo sa akin."

Gladio knows it isn't normal to have a happy family. Most of his friends always complained about their parents. Sometimes, there were parents who died or who left, like Noct's, and sometimes there were those who grew up without proper parental care, like Prompto and Ignis.

So he doesn't brag. He doesn't frequently tell stories about his parents, even if they are great influences to him.

And when Clarus died, along with Regis...he only let Noct grieve. He no longer grieved alongside him.

For this was what Clarus taught him: being strong for others.

There's a time for tears, Clarus had counseled his firstborn. It isn't when others need you.

But when Noct vanished, and the long night fell over Eos, it was as if the time for tears completely disappeared. His strength was needed, in various places, for various tasks.

So when his mother told him to stay and rest at Lestallum with her and Iris, his answer was:

"Ma...I can't be here for long."

His mother answered this with a sad smile. She was also the one who taught Gladio to value the safety of others, over his own safety. As an Amicitia. As someone with a body and heart that was stronger than most.

"I understand," his mother said. "You're just following the map your Papa left you."

She embraced her firstborn, and he embraced her, in turn.

"You, too, Ma," he calmly replied. "You and he gave me the same map."