Actions

Work Header

all's well that ends well to end up with you ?!

Summary:

where exactly do they lie in the fine line between being strangers to friends and being lovers—ditching buddies to go to the library, late night food outings on session road, jeepney rides going home even though the other lives opposite from the other direction as you, staying up at la brent just to accompany each other through their hefty textbooks?

"akala ko ba ang mga med students are great at not falling asleep while studying? bakit may tulog kanina sa library at naglalaway pa?"

"ikaw ha? nakatingin ka lang siguro sa akin magdamag no? hays, grabe ka na, mark lee."

Chapter 1: prelude | ang simula

Chapter Text

"tangina, lunes na naman." 'yan agad ang bungad ni haechan pagkagising pa lamang niya. sino ba naman ang sasaya kung pag-aaral na naman ang aatupagin mo? lunes na lunes.

buntong-hininga na lamang ang nagawa ni haechan bago tumayo at ayusin ang kaniyang higaan. sumunod naman niyang tiningnan ang kaniyang telepono kung mayroon bang mga mensahe mula sa mga kaibigan niya na hindi niya na naabutan kagabi dahil sa sobrang antok.

ikaw ba naman ang mag review ng apat na topics sa hematology para sa quiz? hindi rin alam ni haechan kung bakit nakayanan niya ang una at pangalawang taon niya sa slu.

sising-sisi na siya pero wala na rin siyang magagawa dahil sa susunod na taon, magiging intern na siya. binuksan ni haechan ang kanilang group chat at napatawa na lamang sa kaniyang nabasa.

2:15 AM

huang renjun: tangina, 2:15 AM na, hindi pa rin ako tulog

na jaemin: hulaan mo nga kung tulog na si haechan. 'di na nagrereply e

huang renjun: gago, ano ako? manghuhula?

zhong chenle: ay... hindi ba?

6:50 AM

lee donghyuck: good morning, ebriwan

lee donghyuck replied to zhong chenle: GAGO HAHAHA GINAWANG MANGHUHULA.

lee donghyuck: anyways, nag-aayos na ako for school. see you guys.

matapos mag-almusal, maligo, at masuot ang outfit of the day, dali-daling nagpunta si haechan sa labas ng kaniyang dorm para pumara ng jeep. matapos ang ilang minuto ay may huminto sa harapan niya at sumakay na ito.

habang inaayos niya ang kaniyang gamit sa loob ng jeep, mayroong kumalabit sa kaniyang braso.

"hey, you dropped your handkerchief."

napatingin si haechan sa kaniyang katabi na hawak ang kaniyang panyo.

nang kaniyang nakuha ito at tinignan ang mukha ng lalake upang magpasalamat ay napangiwi si haechan dahil,

"tangina, ang gwapo." bulong nito.

narinig niyang tumawa ang lalake sa harapan niya at ang ilang pasahero sa jeep kaya naman ay inayos niya ang kaniyang upo at ipinagdasal na lamang na bilisan na lang ng drayber ang kaniyang pagmamaneho dahil nakakahiya ito.

"wala man lang ba akong thank you diyan?" sabi ng kaniyang katabi.

walang nagawa si haechan kundi magsabi ng pasasalamat at bumaba kaagad ng jeep nang kaniyang nakita na sila ay nasa tapat na ng main gate.

hindi na lumingon pa si haechan at tuloy-tuloy na lamang na naglakad papunta sa rizal building.

sana talaga ay hindi niya na muli makakasalubong ang lalakeng iyon.


"okay, that's it for today and you may now go. i hope you reviewed well last night. i'll be giving back your scores tomorrow."

matapos silang madismiss ng kanilang propesor ay nagpaalam na si haechan sa kaniyang mga kaklase upang makipag-kita na sa kaniyang mga kaibigan.

mayroon siyang 2 hours na free time bago ang kaniyang susunod na subject at wala naman siyang p'wedeng gawin kundi ay makipag-chismisan sa kanila dahil wala namang required readings sa susunod niyang subject—ngunit sana lang ay hindi siya matawag mamaya dahil immunology & serology pa naman iyon.

pumasok si haechan sa cafeteria at nakita niya kaagad ang kaniyang kaibigan.

kumaway siya sa mga ito at umupo sa tabi ni renjun. "oh, kumusta, manghuhula?" pang-aasar nito sa kaniya.

akmang babatukan siya ni rejun nang biglang sumulpot si jaemin, "oops! nandito tayo para kumain. mamaya na ang bardagulan."

"wow, kuya haechan. nakikita mo ba mukha mo ngayon?" tanong ni chenle sa kaniya.

tinaasan ng kilay ni haechan ang nakababatang kaibigan, "stressed na stressed ang lola mo."

"buisit ka. akala ko kung anong meron, letche ka." sabi ni haechan at sinimulan nang kumain.

habang kumakain ay dumapo ang tingin niya sa tatlong lalake na naglalakad papunta sa kanilang direksyon.

napatingin ng ilang beses si haechan sa isang lalake na pormal ang kasuotan.

tangina! siya 'yung kanina ah?

mabuti ay hindi pa siya nito nakikita. yumuko ito ay binilisan ang pagkain sa kaniyang spaghetti na 80 pesos lang naman pero ang labnaw ng sauce.

putangina.

tumingin si haechan sa kaniyang mga kaibigan ang akmang aayain na niya ang mga ito upang umalis ngunit si jaemin ay biglang kumaway sa tatlong lalakeng ito.

"uy, jeno! jisung! mark!" patuloy lamang sa pagyuko si haechan na para bang napakaganda ng kaniyang nakita sa telepono.

ramdam niya ang pag-upo ng lalake sa bakante na upuan na mas lalong ikinayuko ng kaniyang ulo.

hindi ito nakatakas sa paningin ni renjun at naging dahilan upang tawagin niya ito, "haechan? bumati ka naman."

napakagat ng labi si haechan at dahan-dahang itinaas ang ulo.

nang nagtama ang tingin nila no'ng lalake ay napatingin na lamang ito kaagad sa iba at ipinakilala ang sarili. "uy, haechan nga pala." sabi nito at napatawa na lamang na bahagya.

"hey... hindi ba ikaw 'yung nasa jeep kanina?" tanong no'ng lalake.

"ha? anong jeep? kilala mo si mark?" mark pala ang pangalan nito.

POGI. putangina naman. ano ba 'to, Lord? ano bang ginawa ko sa iyo? nag review naman ako kagabi. line of 9 naman ako sa major subjects ko nung 1st and 2nd year ako.

"ha? hindi! ngayon nga lang." sabi naman ni haechan.

"ah. well then, i'm mark lee. first year student here in school of law."

GAGO ?!