Work Text:
“This is my dream, love, ang maging abogado. Alam mo naman ‘yun, diba? From the very beginning, you know that I’ve been wanting this, working for this to happen. And now that it’s within my reach, you’ll hinder me from reaching it?”
“Huh, wow. Kung makapagsalita ka parang mag-isa ka lang all these years, ah, love? Pangarap natin, Shion! Hinder you? Sagabal lang ako sa’yo? Four years, bibitawan mo na lang? Kasi ako, di kita kayang bitawan, Shi!”
“Jaan.”
“Jaan—bwisit. So ganun na lang? Wala ka na ibang masabi? Kaya mo talaga ‘kong bitawan, Shion?”
Sunoo was hiding his deep breaths after reciting his lines; lines he memorized on the spot after 3 speed reads and a series of mental rehearsals before getting into the zone, his voice not exactly his own anymore; his feelings, on the same plane. He looks at Jay who was deeply engrossed with his script book, fixing his thick black-rimmed glasses before delivering his line, looking directly into Sunoo’s eyes.
Malakas naman yung aircon, so bakit ang lala ng pawis nya sa likod?
“Asia’s Brightest Star at Nation’s Boyfriend, magtatambal sa isang pelikula!”
“Sun Kim being partnered with Jay Park: It’s an honor.”
“Jay Park gears up his upcoming movie with Sun Kim”
“A Star Couple we’ve been waiting for! SunJay Movie, real na real!”
To say Sunoo feels nervous is an understatement. Not that he was not expecting this to happen—he is aware, for months already. But to watch The Nation’s Boyfriend, Jay Park, sitting across from him inside the hall with other artists and the entire production staff, he can’t stay still. Kung may choice lang siguro siyang tumakbo palabas at huwag nang magpakita muli, ginawa na niya. Pero hindi pwede, kasado na itong pelikulang ito and there’s nothing reasonable enough for him to back out.
“And… cut! Wow, grabe, di pa tayo nagsisimula…,” marahang sambit ni Direk Woo, halatang nagulat sa ipinakita ng dalawa.
Di na rin napigilan ng casting director nilang magreact, maluha-luha itong nagsalita, “Ang galing galing niyo talaga! Naiiyak ako sa nabuo nating tandem, Direk!”
Rounds of applause were heard from all over the place. Sinubukan lang naman ng mga nakatataas na pakinggan ang palitan ng linya ng dalawang bida ngunit para bang nagsimula na sila sa mismong shooting sa lebel ng acting na ipinakita nina Sunoo at Jay. May mga sipol pa galing sa ibang camera man na nakatrabaho na noon ni Sunoo, halatang giyang na giyang na naman magtrabaho lalo na sa performance nilang dalawa.
Totoo naman—maganda ang chemistry nila. Hindi man ito subok dahil kahit kailan ay di pa sila nagsasama sa trabaho, alam na agad ng mga kasama nila na kung aayon sa plano ang lahat, magiging matagumpay ang proyekto. Sa tagal na rin nila sa industriya, walang pagduruda at buong suporta lamang ang natanggap nila sa kanya-kanyang fansclub, pati na rin sa mga management nila na mas sigurado pa sa pagtirik at paglubog ng araw ang approval na buuin ang SunJay (love team raw nila). Hindi nya naman alam na seseryosohin ng mga ito ang noo'y inside joke lamang sa kumpanya tuwing makikita nila sa monitoring TVs na may bagong shows si Jay. ("Sunnie, alam mo, bagay kayo netong si Boyfie. Anong say mo, ihatak kita ng project with him?")
Habang nakangiti si Sunoo sa papuri ng mga kasamahan nila sa silid, hindi niya naiwasang nakawan ng tingin si Jay na nakatulala pa rin sa kanyang harapan, tila ba nakulong sa mga linyang binitawan kani-kanina lamang at alam nya—pareho sila ng iniisip. Pareho sila ng naaalala. Sa loob ng ilang minutong palitan ng mga salitang huwad, alam ni Sunoo na pareho silang bumalik sa katotohanan ng buhay nilang dalawa, sa isang parte ng nakaraan na hangga’t maaari, ayaw na nilang maalala.
Sa nakaraang magkasama pa silang dalawa, hawak-kamay na nangangarap makilala sa napili nilang karera—sa industriya ng telebisyon at pelikula.
Walking towards the far end of the floor’s lobby to get himself some refreshments and just to breathe, Sunoo reminded himself he shouldn’t have been surprised to find Jay in the same place, probably contemplating whether to get iced Americano or caramel latte from the boxed goods inside the vendo machine.
He settled with the Americano. Di pa rin sya nagbabago, it seems.
“Favorite mo pa din?”
“Oh—hi.”
“Kuha lang akong C2,” paliwanag ni Sunoo, hoping to make small talk but deciding otherwise.
“Ay—okay, sige, sorry, nakaharang ako.”
“Di naman. Okay lang.”
Sabi nya sa sarili niya months ago when the cast was finalized, magiging professional sya. Ilang taon na siya sa trabahong ‘to, kay Jay pa ba siya maaakwardan? Sa taong mas saulado nya pa sa script ng paborito nilang pelikula na pinanonood nila linggo-linggo sa bahay niya nung nangangarap pa lang sila? Sa kamay nyang lagi nitong hawak at hindi binitawan ni minsan tuwing sinasamahan siya nito sa mga audition para sa mga commercials at pa-extra extra sa mga palabas na walang budget kumuha ng sikat na child actors?
Hay, ano ba itong naiisip ko? Post-scene projections lang ‘to, tama.
“Sun, okay ka na ba?”
“Wait lang Mommy, kinakabahan talaga ako, wait lang po.”
“‘Nak, tatanggap ka ng award. Tapos na yung game, ngayon ka pa kinabahan, ikaw talagang bata ka.”
“Eh… may camera po. Baka pangit ako—”
Naramdaman agad-agad ni Sunoo ang mainit na palad ng kanyang ina sa magkabila n’yang pisngi, malinaw ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Kakatapos lang ng televised quiz show na sinalihan ni Sunoo kung saan siya ang nanalo ng unang patimpalak (at twenty thousand pesos).
“Nak, walang pangit sa lahi natin kahit saang anggulo mo tingnan, tandaan mo ‘yan.”
“My naman.”
“Oo nga! Panget ba ‘ko?”
“Hindi po ah!”
“Oh, di ba? Tapos nanay mo ‘ko, natural, kasingganda rin kita. Tsaka ba’t ka ba mahihiya sa camera, kala ko ba Nak gusto mo maging artista?”
“Oo nga po.”
“Final answer na, Nak? Ang tali-talino mo eh, pede ka magdoctor. O abogado, kung ano trip mo. Kaya naman namin ni Dy mo ‘yun.”
“Artista nga My.”
“So bakit ka nga nahihiya? Aminin mo, nahihiya ka lang dun kay Pogi kanina, ‘no?”
Paano ba namang hindi? Matangkad, moreno, sobrang sarap sa paningin, mabango—at type na type ni Sunoo. Paano nya naman mapipigilan maconscious kung ganito kagandang nilalang yung ihinaharap sa kanya? Tao lang naman si Sunoo, may kahinaan rin, at yun ay mga—
“Pogi! Papicture raw kayo nitong anak ko, okay lang ba?”
Hindi pa man lumilingon si Sunoo, alam nya na agad kung sinong tinatawag ng mommy nya.
"Hello po, sige po. No problem. Hi, Sunoo. Ang galing mo kanina."
"Hi… Jongseong," nahihiya pang sambit ni Sunoo, "pasensya ka na sa mommy ko, ha."
"Jeng na lang. Pa'no mo naisip yung sa L'Hôpital's Rule?"
"Hindi ba obvious dun sa given?"
"Oh my God, obvious sa'yo? Ikaw lang nakasagot nun, ah."
"So ano, hindi magpipicture? Nangangalay na 'ko, Jeng."
"Ma naman."
Kung di nya pa narinig, di pa malalaman ni Sunoo na katabi na ng mommy nya ang mama ni Jongseong.
"Nak, ngalay na si Tita Seul mo, dalian nyo na dyan."
"Jeng, puro ka papogi dyan, ngalay na mama mo!"
"Ma naman—Sorry, Sunoo, papicture na tayo?"
That day, Sunoo discovered that his love for hugs extended to people outside his family when Jay pulled him closer, the older's arm slung across his shoulders, almost hugging him.
"Sun?"
"Yes po!"
"I see, you got acquainted na pala with Jay here, ayos yan, it'd be nice for you two to have a good relationship, 'no? Malay nyo, this is not the last movie you two will work on together?"
"Understood po, Direk," Jay answered for both of them, "we're cool naman po ni Sun, so far. I'm looking forward to working well with you, Mr. Kim."
"Ang formal naman," Sunoo rebutted, and with a little smile, he answered, "likewise, Mr. Park."
"Jeng…"
"Ano?" Pinanuod ni Sunoo lumapit ang best friend niya at niyakap siya agad para pagaanin ang kanyang pakiramdam, "Okay lang yan. Sila yung nawalan, di nila alam ikaw ang future ng Asian cinema."
Naka-uniform pa silang dalawa dahil pagkatapos ng dismissal, bumiyahe agad sila tungo sa lokasyon ng audition ni Sunoo para sa isang chocolate advertisement.
"Tanggap ako."
"Libre na lang ki—ha?"
"Tanggap ako!"
"Oh my God—oh my God, tanggap ka!"
Ganito pala—ganito pala mabuo ang mga mundo, sa munting mga kasiyahan, sa mga yakap na walang pakialam, sa mga naniningkit na mata dala ng labis na pagngiti—ganito pala mabuo ang mga mundo. At sa mundong walang malay nilang binubuo, walang malay si Sunoo na bilang na lang ang mga ganitong pagkakataon.
"Grabe, proud ako sa'yo, Best. Proud na proud ako sa'yo."
"Thank you, Best. Selfie tayo? Commemoration lang."
Naglalakad na sila sa labas ng building, hawak-kamay gaya nang bago pumasok si Sunoo sa audition room, pinapakalma ng mahinahong pagmasahe ng hinlalaki ni Jay sa likod ng palad nya.
"Ayoko! Wala akong make up."
"Ano ka ba? Ang pogi mo pa din naman, dali na. Ako pa nag-ayos ng buhok mo kanina di ba, in case may scouts."
"Ayoko nga, Best—"
"Amin na yang cellphone mo."
"Ala—"
"Tingin ka dito sa street mirror dali, Best, smile…"
"Hi, love. Sorry po, ngayon lang ako nakauwi. Pinaglinis pa kami ni Coach ng locker room eh."
Ibinaba ni Jay ang kanyang bag sa gilid ng ref, sabay bukas ng pinto nito upang kumuha ng malamig na tubig. Dumiretso sya kay Sunoo na nakasalampak sa desk nito, halos matabunan na ng sandamukal na digests at nagkalat na sticky notes, highlighters, at paper clips sa paligid. Yumuko siya upang bigyan ng halik ang ulunan nito, ngunit bigla itong umiwas.
"Jaan, ano ba, yung pawis. Magpahinga ka muna tapos maligo."
"Okay po, kumain ka na—Shion. Di ka na naman ba naglunch? Naiintindihan mo pa ba yang digests mo, wala ka na namang kain."
Pasimpleng nilingon at pinulot ni Jay ang nakabalot pa sa brown bag na Jollibee delivery sa ibabaw ng patas ng mga digests ng character ni Sunoo (na sa katotohanan ay mga printouts rin lang naman ng mga eksenang natapos na nila), at mistulang nadismaya sa nakita.
"Mamaya na, love. Tatapusin ko lang 'to, need namin 'to i-e-mail kay Attorney mamaya."
"Ngayon na po, please. Anong oras na, 6 na, dinner na. Dinner na di ka pa naglalunch."
Sighing heavily but not too obvious it looks fake, Sunoo stood from his desk and hung his arms on Jay's neck, the latter's hands automatically making their way to Sunoo's waist.
"Okay na. Eto na. Kakain na po."
"Very good, baby ko."
"Luh, nilalandi mo ako."
"Nagpapalandi ka naman, Attorney."
"Ang pogi mo kasi masyado, No. 20."
"Gigil mo 'ko ha—"
Jay playfully buried his face on the side of Sunoo's neck, the younger giggling and squealing with ticklish glee. Pabiro pang hinahampas ni Sunoo ang nangingiliting kamay ni Jay sa tagiliran niya, bago biglang natigilan pagkatapos nilang marinig ang—
"Cut,” nakahinga na nang maluwag si Sunoo, “nice scene, guys. Break tayo ng half hour. May inaayos lang sa script."
Thank yous rang around the room as everyone let go of work for the meantime, para mamahinga habang naghihintay sa sunod na tawag ni Direk. Lumabas muna si Sunoo sa balcony ng condo na pinagshushootingan nila sa kasalukuyan para lumanghap ng sariwang hangin—kung sariwa nga bang maituturing ang hangin sa kaitaasan ng Maynila.
"Ay—nandito ka pala, sige, sa loob na lang ak—"
"Okay lang, okay lang. Stay."
"Sure? Baka nakakaabala ako?"
"Wala ka naman maaabala. I'm just breathing."
"Okay. Sabi mo yan, ha."
The two looked over moving cars and busy streetways that look like toys in motion, with a comfortable distance and not a word uttered between them.
Not a word, until Sunoo broke their bubbles of silence, not intentionally, but mostly out of surprise.
"You smoke now?"
"Hmm? Oh—" Inalis ni Jay ang stick na nakaipit sa pagitan ng kanyang mga labi para iabot kay Sunoo, "no. Look, no light."
Tinanggap ni Sunoo ang stick at totoo nga, walang sindi. Napaharap sya kay Jay, walang malay na mas bisungkot pa sa papel ng isang manunulat na wala sa mood ang kunot ng kanyang noo.
"Bakit?"
"Wala lang. I keep wanting to light it up, but I just end up not doing it. Minsan, walang lighter. Minsan, tinatamad ako. Minsan, ayoko lang. Gusto ko lang, may nakaipit sa labi."
"Not gonna lie though, you look pogi with it. Not to romanticize anything or what."
"Talaga? Eh di sindihan ko na, tapos bugahan kita, trip mo?"
"Gago."
"Balik ka na sa'kin?"
Kung natigilan si Sunoo, di nya ipinahalata. Ito na siguro yung moment bakit sya nagpakadalubhasa sa trabaho nya, ito na yung moment na gagamitin nya lahat ng natutunan sa 10 taon nyang pakikipagsapalaran sa harap ng camera.
"Gago. Balik na tayo dun, sumisipol na si Direk."
Kung natigilan si Sunoo, di nya ipinahalata. Sana hindi halata.
“Best! Magsisimula na! Tagal pa ba?”
Mag-isa si Sunoo sa labas ng Cinema 3 sa pinakamalapit na SM sa bahay nila, iniintay si Jeng para sabay silang papasok sa loob upang panoorin ang kauna-unahang Pitch Perfect. Para sa noo’y 15 at 16 anyos na Sunoo at Jongseong, sobrang nakakaintriga yung trailer, idagdag pa na tungkol ito sa musika (Jeng: Acapella! Gago, astig!) na gustong-gusto ni Jeng, at syempre: si Anna Kendrick yung bida.
He doesn’t get the appeal, pero nangako si Sunoo na papanuorin nila ito nang magkasama at ito nga—naunahan nya pa si Jeng sa sinehan. Siya na rin muna ang bumili ng ticket nilang dalawa kahit sobrang ayaw ni Jeng ang magpalibre (Sunoo: Sige, sige na, bayaran mo ‘ko mamaya. Oo na.) at ng popcorn (cheese, walang butter) at softdrinks (isang large lang, na pinilit pagkasyahin sa slot yung dalawang red bended straws) na pagsasaluhan nila mamaya.
Ibinaba nya na ang tawag nang matanaw si Jongseong na tumatakbo sa escalator, buti na lang may five minutes pa bago magsimula.
Maganda naman, isip-isip ni Sunoo sa kalagitnaan ng pelikula. Nakakatawa, ang hirap magcomedy eh. Siguro sobrang seryoso nya lang na tao, o nanduon na sya sa edad na medyo nagseseryoso na sa pangarap, pero sa halos isa’t kalahating oras na nila sa loob ng sinehan, puro analysis ng mga eksena at pag-arte ang tumatakbo sa isip ni Sunoo. Di pa sya matitinag kung di nya narinig ang mga sinok at hikbi ni Jeng, dun sa scene na nanunuod na si Becca ng The Breakfast Club sa laptop nya.
“Are you okay?”
Suminghot muna si Jongseong ng malalim at pasimpleng nagpahid ng ilong gamit ang likod ng kamay nya, “Oo naman.”
“Iniyakan mo ba yung scene na yun… wala namang build up, ah.”
“Wag ka nga, ayaw mo kasi panuorin Breakfast Club, eh. Tagal na kita pinipilit.”
“Cliché naman kasi.”
“If only you give clichés a chance, the world would be a better place.”
“Shut up.”
Nang lumabas sila ng sinehan, mapula pa rin ang mata ni Jeng. Ang babaw talaga ng luha kahit kelan.
“Best.”
“Oh.”
“Endings are the best part."
Siguro magaling lang talaga ang memorya ni Sunoo, o sadyang tama lang ang pagkakataon, o ramdam nya rin na sila na namang dalawa uli ang natira sa binuo nilang mundo—at hindi man diretsong sabihin, dahil wala namang diretso sa kanilang dalawa, alam ni Sunoo ang pahiwatig sa likod ng mga linyang binitawan ni Jongseong, at alam niyang kaya niya itong sagutin pabalik, walang alinlangan sa kanilang pagitan.
“You’re such a weirdo."
Hindi man nila ginawa yung kissing scene gaya sa katatapos lamang na pelikula, pero alam nilang dalawa: iba na ang ibig sabihin ng magkalapat nilang mga kamay, ng paglalakad nila ng sabay, ng mga ngiting binibitawan nila sa taong kaunabay.
“So, anong gusto mong gawin for today?”
Jay brushed Sunoo’s fringes as the latter kept his eyes closed, wrapping his arms around the former’s waist while shaking his head lazily.
“Mhm… antok pa.”
Akmang tumawa si Jay sa kaeksena, bago nag-iwan ng munting halik sa noo ni Sunoo.
“Fine, masusunod ang boss.”
Every time the two of them would shoot together, squeals and cheers would be all over the set as soon as Direk Woo would call it a scene. Sobrang natural, para lang silang mga nanghihimasok sa totoong buhay nina Shion at Jaan, ang mga karakter na binibigyang buhay nila sa tuwing gumugulong na ang mga kamera. Mukhang tama yung manghuhula na sikat sa Facebook—isang bagong tambalan ang sisikat ngayong taon, at mukhang silang dalawa ang tinutukoy sa hula nito (o baka sadyang may insider lang si Madam Bolabola sa managements nilang dalawa, hindi tayo sure).
As soon as news of them filming together went out, they have received lots of commercial offers and TV guestings in line with the release of their film. Kaya naman halos everyday ring nagkikita sina Sun at Jay sa dami ng proyektong nakakabit sa mga pangalan nila.
“Baby?”
Nakatambay lang silang dalawa no’n sa desk ng role ni Sunoo, pagkatapos pilitin ni Jaan si Shion na mamahinga muna galing sa bagong set na naman ng digests niya. Nakasandal lang ang batok ni Sunoo sa headrest ng silya habang nakapikit at hinihimas ang kanyang sentido, at kahit hindi nila ginawa sa rehearsal, Sunoo just went on with the scene when Jay wrapped his arms around his shoulders, standing behind Shion’s chair.
Ah, so ito yung kinababaliwan ng mga direktor na adlibs ni Jay Park. Ayos din.
“Mhm?” Binuksan nya ang isang mata at natanaw ang—ang pogi pa rin talaga—mukha ni Jay sa ibabaw ng kanya, perpekto ang pagpatak ng ilang hibla ng buhok sa kanyang noo; ang mga kilay nito, nakaarko sa paraang masyadong pamilyar kay Sunoo. “What is it?”
Ganito yung mukha ni Jay noon tuwing magpapasama sa kanya sa mga audition, o tuwing manghihingi ng kiss (sa pisngi lang) tuwing matatanggap siya sa extra roles na gusto niyang makuha (dinaragdagan na rin niya sa noo, reward kuno).
Yung ngiting ibinalik ni Jaan sa kanya, masyado ring pamilyar kay Sunoo. Masyadong pamilyar, medyo masakit, at sa unang pagkakataon sa sampung taon nya sa harap ng camera, hiniling nya na sana hindi masyadong nakikita yung mukha nya ngayon.
Imposible. Isang ruler lang ata yung layo ng Camera 1 sa mukha nila ngayong halos magdikit na ang mga ilong (ang tangos talaga); ang galing naman kasi masyado nitong si Jay, may pareverse facing na nalalaman.
“Finals would be on Saturday… and it’s your free day, right? Wala kang class? Can you attend my game?”
“Oo nam—”
Hindi na naituloy ni Sunoo ang mga sumunod na salita sa kanyang script dahil hinalikan na siya ni Jay Jaan, na hindi naman dapat mangyayari.
Yayakapin lang dapat sya neto, eh. Chansing.
Ayun sila ngayon, buti na lang nagawang sumagot ni Sunoo sa mga malambot na halik ni Jaan, kahit nabigla, kahit masyadong pamilyar, kahit medyo masakit. Ayun sila ngayon, labi sa labi, kahit nakatapat ang noo ni Jay sa baba ni Sunoo, at leeg lang ng nakatatanda ang natatanaw nya kanina (no more—napapikit kasi sya. Sino ba namang di mapapapikit, bigla ka na lang hinalikan tapos ang sarap galing pa?).
Grabe, Sunoo. Get a grip nga, nasa gitna ka ng eksena kung ano-anong naiisip mo .
“Thank you! Thank you, love. Gagalingan ko for you, promise!”
Humabol ng isa pang pasimpleng peck sa labi ni Sunoo si Jay bago siya pinupog ng mga halik sa leeg, hanggang sa tuluyan nilang marinig ang—
“And… cut! Wow. Great scene, great scene, guys! Jay, ang galing! Sun, keep it up! Ang galing n’yo magsabayan, ah. Aminin n’yo, pinagplanuhan n’yo ‘to ‘no?”
Nagsigawan at palakpakan na naman sa set ng sumigaw na si Direk, at mabilis na nasundan ng halakhakan. Kaso si Sunoo, lunod pa ata. Mabilis rin naman siyang natauhan, at hiniling niya agad sa lahat ng santong alam niya ang pangalan na sana—sana talaga—hindi nahalata ni Jay na humabol yung labi nya nung putulin nito ang kissing scene nila.
Ah, kaya naman pala baliw na baliw ang mga direktor sa sikat na adlibs ni Jay Park. Ayos nga.
“Best, cancelled raw shooting ko sa weekends. Kayo ba, walang emergency calls?”
Nakahiga lang sila sa kama ni Jeng, siya habang nagbabasa ng latest online post ng Reader’s Digest; si Jongseong, nagsasaulo ng script sa isang panghapong palabas kung saan magpapakita siya ng tatlong episode bilang leader ng conventional bully trio sa mga soap opera.
May dalawang taon na rin mula noong nagbago ang kahulugan sa kanilang mga hawak-kamay, sa kanilang mga hakbang na magkasabay, at sa mga ngiting nagbibigay sa isa’t isa ng panibagong kahulugan sa buhay. May dalawang taon na rin mula noong hindi nila diretsong sinabi ang mga katagang ‘mahal kita,’ at may dalawang taon na rin mula noong nalaman nilang dalawa ang kahulugan ng mga naturang salita.
May dalawang taon na mula noong hindi nila diretsong napagkasunduang itago ang kanilang relasyon sa managers ng isa’t isa, lalo na mula noong isang taon na nagsimulang maging regular ang kanilang mga proyekto at advertisements. Magbestfriend naman sila, so hindi na kaduda-dudang lagi silang magkasama, magkausap, at kung magkahiwalay man, hindi na kaduda-dudang isa’t isa lamang ang bukambibig nila sa mga kausap.
Okay lang, hindi nila diretsong napagkasunduan, at least alam nila Mama at Mommy.
“Wala naman daw kaming emergency, Best. Sa Monday pa ulit kami. Bakit? May gusto kang puntahan? Sakto, dito lang raw sa bahay si Papa. Pede ko hiramin yung Avanza,” sagot ni Jeng sa tanong nya, alam agad na gusto ni Sunoo mamasyal sa kanilang free day ng magkasama.
Di naman sya masisisi ng boyfriend nya, at di rin naman sya sisisihin nito. Pareho nilang alam na madalang itong mangyari, kung kaya naman tuwing mabibigyan ng pagkakataon, nagroroadtrip silang dalawa kung saan man sila dalahin ng mga gulong ng family car ng mga Park, o kung saan man may makitang bagong patok na café si Sunoo sa kaiiscroll nya sa iba’t ibang blogs.
“Tara sa Tagaytay, dali. Tapos daan tayo Batangas. Hehe.”
“Okay, saan tayo sa Tagaytay?”
“May bulaluhan daw dun, well, tapsilogan yung pangalan nya pero bulalo talaga yung main nila, tapos. Basta. Gusto ko i-try yung sabaw.”
“Ah, tapos sa’kin yung buto, ganon?”
Napapihit si Sunoo upang harapin ang mukha ni Jongseong, nakataas ang isang kilay (Jeng: Ayan, buti naman gumalaw ka na, namamanhid na braso ko, eh.). Nginisihan niya ang kasintahan, who immediately softened his expression nang makita ang nagpapacute (cute talaga) na mukha ng kanyang boyfriend.
“Oo, sa’yo yung buto.”
“Hay, sige na nga. Kung di ka lang malakas sa’kin. Alam mo ba yung pupuntahan natin?”
“We can figure it out. Pede ko rin tanungin si Dad, nagpunta sila dun ni My last week nung nag-Head&Shoulders ako, eh.”
“Okay, sige. Magpaalam ako mamayang gabi kila Papa.”
Wala naman masyadong nangyari sa lakad nila. Natry ni Sunoo yung sabaw ng bulalo (kay Jeng yung buto), at natry din nila yung sisig ng Mer-Ben (Jeng: Best, balik tayo dito, ha). Dumaan rin sila ng Batangas gaya ng plano, nag-church hopping (Sunoo: Church hopping ka dyan, ang weird naman pakinggan, parang ang disrespectful. / Jeng: Cute kaya. Pero mas cute ka.), at tumambay sa Caleruega.
Wala naman masyadong nangyari sa lakad nila, pero lahat ng detalye sa araw na ito, nakatatak pa sa memorya ni Sunoo.
Nakaupo sila nun sa isa sa benches sa baba ng hill upang magpahinga pagkatapos magpicture taking; si Jeng, nakasandal lang ang ulo sa balikat ni Sunoo.
“Pagod?”
“Di naman. Ang peaceful lang. Nadadala ako.”
“Ganda dito, ‘no? Lalo na after nung rehab.”
“Oo nga. Sayang.”
“Hmm? Bakit naman?”
“Naisip ko lang.”
“Na?”
“Ang saya siguro pakasalan ka sa ganitong lugar.”
Nakatatak pa sa memorya ni Sunoo hanggang ngayon.
“Grabe, ang bata pa natin? Eighteen lang tayo, mananalo pa tayo ng FAMAS, wag ka nga.”
“Oo nga. Mananalo pa tayo ng FAMAS, tapos papakasalan kita. Tapos mag-aalaga tayo ng St. Bernard. Gusto mo ba ng anak? Okay lang sa’kin mag-ampon.”
“Jeng. Dahan-dahan.”
“Sorry, ayaw mo?”
“Syempre, gusto ko. Pero we have so much ahead of us pa, gets mo? Parang… ayoko pa magsettle down. Ganon.”
“Hmm. Okay, gets ko. Best.”
“Hmm?”
“Endings are the best part.”
“You’re such a weirdo.”
At times that the two of them have separate scenes, there’s likely a chance that the other would be seen on the set as well. Naging inside joke na rin sa mga staff na magbestfriend na raw silang dalawa, di naman nila masisisi ang pangloloko ng mga ito kahit na medyo naaakwardan pa rin si Sunoo, pasalamat na lang niya na laging sinasalo ni Jay ang makahulugang tingin ng mga make up artists nila.
Gaya ngayon—wala namang eksena si Sun, pero casual siyang nakaupo sa bleachers ng court na hindi hagip ng camera para sa basketball game na ishushoot ni Jay as prelude sa isa sa heavy scenes ng kanilang pelikula.
“Moon, hindi ka nakikinig. Focus on the game! It’s the championship, baka nakakalimutan mo?”
The renowned athlete slash actor, Kim Mingyu, as their coach, started off the scene with big emotions. Pinanood ni Sunoo ang pagtapik ni Park Sunghoon kay Jay habang nakahuddle sila sa eksena, mistulang matagal nang magkakilala sa chemistry ng friendship nila on-cam. Jaan mouthed a small thanks to his teammate before uttering a timid “Sorry po” to their coach.
“Remember the goal: win the game. Lalo ka na, Moon. You’re eyeing the MVP for this game. Let’s go, Werewolves!”
It’s obvious, Jaan Moon wasn’t doing his best. Walang wala siyang gana. Sinusubukan man niya pero hindi siya makapagfocus. Nakaka-ilang foul na rin ang nakuha niya bago siya ibangko ng referee. Sunoo watched Jay transform to that familiar face of annoyance he has whenever things do not go his way, and Sunoo has to give him props—kung kilala lang ng mga tao dito si Jay, malalaman nilang sobrang genuine umacting ng gago. Natakot sya ng slight.
Sun kept watching through the huge monitoring screens from his seat. On Camera 1, the coach was absolutely mad. More scenes were shot, and Sunoo stayed through it all. Naeenjoy nya ‘to, this is what peace feels like to him: ang manuod sa mga abalang katawan magpaikot-ikot sa set, ang malunod sa katahimikan pag umiikot na ang mga camera at boses na lamang ng mga aktor ang maririnig, to be immersed in that buzz and that high of the adrenaline that only someone from the screen industries would ever understand.
Gaya ng kanina nya pang ginagawa, pinanuod lamang ni Sunoo si Jaan sa isang parte ng buhay niya. He watched him: frustrated, confused, head out of the game. Kahit anong pangaral ng coach ay walang pumapasok sa sistema niya. Nakayuko lamang siya’t pilit na kinalilimutan ang nangyayari sa paligid kahit gaano pa ito kaimportante. Wala nang tumatakbong matino sa isipan niya. Hindi na rin niya napansin na sumasakit na pala ang kaliwang braso niya na nasiko ng kalaban kanina noong nagkabungguan sila.
That was what he saw, or at least—how he’d take on Jaan’s scene if it was given to him.
“What the fuck is wrong with you, Moon?!”
Galing ni Coach, Sunoo thought, while watching the man yell during the scene nang matapos ang laro. Natalo ang team ni Jaan, 64-98.
“Nangangarap ka pang magnationals pero gagaguhin mo lang sa mismong finals! Anong klaseng attitude ‘yan?!”
Pinipigilan ng teammates ni Jaan ang coach habang siya naman ay nakaupo lamang sa gilid, tulala sa pangyayari. “Sorry po,” yan na lamang ulit ang nasambit ni Jaan nang matapos ang litanya ng coach at isa-isa nang umalis ang mga ito sa court habang siya na lang ang natira rito.
“Sun, next scene ka na daw after ng break, tara?”
Sunoo was snapped out of his reverie when one of the stylists approach him, about to touch up his makeup.
“Sige Ate May, wait lang po, antayin ko lang i-call ni Direk. Puntahan po kita sa tent.”
When Direk Woo called a break, he immediately stood from where he was sitting and approached Jay, who upon seeing him, respectfully called off the hands fixing his make up at the moment. At this point, sanay na siguro ang mga assistant nilang madismiss sa dalas nilang makipag-interact sa isa’t isa. Minsan, di na nila tinatry lumapit pag natatanaw nilang paparating na yung isa para abutan ng—
“Tubig?”
Inabutan ni Sunoo si Jay ng isang bote ng Pocari (yung 1L), sabay hagis ng tuwalya rito kahit alam nyang mahirap ibalik yung fake sweat. Pinaniwala na lang nya ang sarili na matutuyo naman na talaga yung likido sa mukha at leeg ni Jay sa loob ng 1 hour break nila kaya mabuti na rin punasan ito kesa sa matuyo pa ng direkta sa balat ng… katrabaho.
“Uy, ang aga mo. Anong oras ka pa? Mag… 1 pa lang ah. Alas dos pa scene natin.”
“Okay lang. Wala naman akong sched kaninang umag—”
“Umaga ka pa dito? Naunahan mo ba ‘ko? Grabe ka naman, Mr. Kim.”
“Gago. Di naman. Mga 10 siguro, nandito na ‘ko. Nung naglalocker room scene kayo.”
Hindi naman dapat, pero tumigil ang tibok ng puso ni Sunoo nang ngitian siya ni Jay, ang mukha nito, halatang may kalokohang lalabas mula sa bibig.
“Galing ko ba?”
“Oo? Magaling ka naman sadya, ah. Di ka naman makakakuha ng FAMAS if hindi, di ba?”
“Ang daya naman. May FAMAS ka rin, eh.”
“Wala, eh. Ganon talaga pag blessed.”
“Yabang, Kim Sunoo.”
“Ang lala mo, ha, kanina mo pa ‘ko dinadaan sa government names, Park Jongseong.”
“Gago, buong-buo naman. Sige na, sige na, ano ba itatawag ko sa’yo, ha?”
Hindi alam ni Sunoo kung anong demonyo ang sumapi sa kanya, o kung anong pumasok sa kukote nya nang binanggit nya ang sumunod na salita. Ang mahirap nito, kung gaano kadali nya itong nasabi, alam nyang hindi ito ganon kadaling bawiin.
“Best?”
Hindi nya narinig ang sagot ni Jay nang bigla na siyang tinawag ni Ate May upang ayusan, dahil namove up raw ang sched ng solo scene nya sa second floor ng school building kung saan sila nagshushooting.
“Hindi talaga pwede magskip, Pres?”
Shion is almost at the end of his tears, his voice strained across the call. Tumawag ang block president nila dahil kanina pa raw syang hinahanap ng group mates nya, for a surprise group recitation na magiging malaking porsyento ng kanilang midterm grade. He was stunned. He promised Jaan he’d watch his game but maintaining his grade is also important for his scholarship. Ito si Shion: panganay sa magkakapatid, itinataguyod ng scholarships, at ang natatanging pag-asa ng kanyang pamilya. Sunoo focused on the truths of his character as he dialed another number on his phone, Jaan’s, para ipaalam dito na hindi sya makakarating gaya ng pangako.
Feigning shaking hands and ending up dropping the now-dead phone that automatically got smashed by the impact, nakasalubong niya si Jeon Jungkook, the veteran actor who agreed to a cameo as the professor for Shion’s Civil Procedure.
“Mr. Shion Jeon? What are you still doing here? Tara na, may recitation pa tayo.”
Quickly wiping his sweat and tears, Sunoo tried to calm his blood and nodded ahead to the professor, before Direk Woo called a cut.
“Okay, guys… So our next scene, nabasa nyo na naman, di ba? It’s a heavy one, and I’m hoping for the best of your emotions, not that I have to say that since ang ganda ng performance nyo. Bale, ilaban niyo lang. Ilabas niyo ang lahat ng emosyon na dapat niyong ilabas. Okay? In three… two… one… roll!”
Shion was a mess. His mind was all over the place as he ran inside the empty gymnasium, popped balloons and empty bottles of water scattered on the bleachers around with the lights out. He can’t stop himself from sobbing anymore as his teary eyes tried to look for one man and found him sitting in the middle of the court.
“Jaan?”
Medyo nasamid pa siya sa paghikbi, but the latter did not even bother to look at where the voice was coming from. Wala itong kibo, halatang nanghihina na lang at wala nang gana sa paligid niya. Shion hurriedly ran towards Jaan and wrapped him in a tight hug, yet the older remained still and did not even think of returning his embrace.
“Love, I’m sorry…”
“Naipasa mo ba?”
“Sorry, I’m sorry…”
“Naipasa mo ba?”
Halata ang gigil ni Jaan sa igting ng mga panga nito, kahit nananatiling kalmado ang kanyang boses. Nagpipigil na rin itong umiyak, rinig na rin sa kaunting pagpiyok nito sa pag-ulit ng katanungan.
“O-Oo. Pasa kami.”
“Uwi na tayo.”
“Sorry. Sorry, love.”
Nakaluhod pa rin ang nakayakap na si Sunoo sa court habang nasa likuran ni Jay, di alintana ang basang-basa nitong likod. Hinigpitan nya pa ang kapit rito at isiniksik ang mukha nya sa balikat nito, lamukot ang mukha at nakakagat-labi bilang pagpipigil na umiyak muli sa presensya ng kasintahan.
“Okay na, okay lang. Tapos na eh. Uwi na tayo.”
Marahang inalis ni Jay ang mga braso ni Sunoo na nakapaikot sa kanyang mga balikat, at tumayo sabay naglakad palayo, iniwan si Sunoo na nakalupagi sa court, nagpapahid ng luha at naghahabol ng hiningang para bang ito ang naglaro ng ilang quarters ng basketball na hindi man lang napanood ng taong pinakamahalaga sa kanya.
Hindi natiis ni Jaan si Shion—binalikan nya ito, inalalayang tumayo, at itinunghay ang mukha sabay tingin sa mga mata nitong namumula at kurap nang kurap.
“Love.”
Pinipilit pa rin ni Shion tumungo—hiyang-hiya sa nagawang pagbali ng pangako, sa hindi pagtupad sa mga salitang binitawan sa kasintahan.
“Okay lang. Proud na proud ako sa’yo, Attorney ko.”
“Sorry.”
“Wag na sorry, may games pa naman ako next year. I’m sure manunuod ka na, di ba?”
Nanatiling tahimik ang karakter ni Sunoo, pinipilit pa ring magpokus sa pag-inhale, exhale mula sa sobrang pag-iyak.
“Cut!”
“Tita Mommy? Nasa 7 pa po ba si Sun?” bungad ni Jongseong nang tawagan niya ang mommy ni Sunoo.
“Ay, oo, Nak! Nandito pa ako sa dressing room, eh. Pero patapos na yata ‘yung shinushoot nila.”
“Sige po, ‘Ta Mommy. Hiramin ko po si Sun, ha? Alis lang po kami saglit.”
“Sige, uwi na din ako maya-maya! Hatid mo na lang sa bahay si Sun, ha? Ingat kayo, Jayjay!”
Excited na nag-abang si Jeng sa labas ng Studio 7 para agad na ibalita kay Sunoo ang best sa lahat ng good news na sa kasintahan nya unang sasabihin. Halos kada segundo nya na yata icheck ang wristwatch na regalo ni Sunoo sa kanya noong second anniversary nila, noong unang beses nila balikan ang Mer-Ben dahil namiss nya yung buto. Kakatapos lang ng shooting ng talk show na pinagguestan ni Sunoo kaya sunod-sunod na ring lumabas ang mga teen stars na mas bata lamang ng kaunti sa kanila, at magalang silang nginitian isa-isa.
“Uy, pre! What’s up?”
Bumungad sa kanya si Lee Heeseung, isang model-actor na kasama ni Sunoo sa guesting.
Agad niyang inambaan ito ng palad na sya namang sinagot agad nito ng apir, sabay hila kay Jay para bigyan ito ng bro hug.
“Musta?”
Kilalang magkaibigan sina Jongseong at Heeseung dahil bukod sa nasa iisang management agency sila, sabay rin silang nag-voice and acting workshop. Aside from Sunoo, maituturing niyang si Heeseung ang sumunod na pinakamalapit na artista sa kanya.
“Ah, hinihintay ko lang si Sun, pre.”
Hindi napansin ni Jeng na sobrang lawak ng ngiti niya kaya naman napailing na lang si Heeseung bago tapikin ang balikat nito.
“Gagi, pre, obvious masyado. Malala ka na.”
“Ha?”
“Ha, ha, oh siya, mauna na muna ako. May next sched pa ko, magalit pa si Manager. Congrats pala ah!”
“Gagi,” natawa naman si Jeng bago kumaway kay Heeseung na naglalakad na papalayo, “Salamat, tol! Ingat!”
Sakto lang, palabas na si Sunoo mula sa studio habang nagpapasalamat ito kay Seungkwan Boo, ang batikang talk show host na kaibigan rin ng mama ni Jeng. He mouthed a small “Hello po!” to his mom’s friend before greeting him back with a wave as he welcomes a pouting Sunoo afterwards.
“Hey there, cutie,” Jeng greets him, earning a light smack on his arm from a blushing Sunoo.
“Cutie ka dyan! Marinig ka pa nila, huy!”
“Bakit? Totoo naman, ha.”
Tumawa nang malakas si Jeng bago nito akbayan si Sunoo habang naglalakad sila palayo sa studio.
“Nako, talaga ba?” Sunoo gave him a raised eyebrow as he got dragged. “Saan ba tayo pupunta?”
“Basta… trust me. Pinagpaalam na kita kay Tita Mommy,” sabi ni Jeng at lumapit ito nang kaunti sa tenga ni Sunoo para bumulong, “I got you, baby ko.”
Agad silang nagpunta sa parking at hinayaan na lang ni Sunoo na magmaneho si Jeng kung saan man sila dalhin ng Avanza. As always, Sunoo controls the music as he decides to play the playlist Jeng had on Spotify. Halos ilang araw na ring LSS si Sunoo sa mga bagong kantang nilagay ni Jeng rito kaya naman ito ang walang kasawa-sawang playlist na pinapakinggan niya halos araw-araw.
“I found myself dreaming…” bulong ni Sunoo nang sabayan nito ang kanta. Para sa kanya, isa lamang siyang frustrated singer. Hindi naman siya natuto gaano ng vocal lessons, hindi tulad ni Jay na tinutukan ng manager niya dahil may potential nga ang boses nito maging isang singer.
“...in silver and gold,” dugtong ni Jongseong na tila ba hinihikayat si Sunoo na kumanta nang malaya matapos hawakan ang kamay nito habang minamaniobra ang manibela gamit ang isa pang kamay.
Laging ineencourage ni Jeng si Sunoo na huwag mahiyang kumanta dahil maganda rin naman ang boses nito. Pang karaoke ba, hidden gem kumbaga. Kahit na gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo na ang boses ni Sunoo ang pinakamaganda sa lahat, medyo gine-gatekeep na din niya ito kasi nga, ang gusto ni Jongseong, siya lamang ang makakarinig kung gaano ito kaganda.
Natawa naman si Sunoo sa ginawa ng nobyo nang sundan ang kanta, at sinagot ito nang mas malakas.
“So, I’m gonna love you… like I’m gonna lose you,” sabay nilang kanta at patuloy na nagjamming sa tugtog habang binabagtas nila ang daan. Tuloy lang ang dalawa sa pagkanta hanggang sa matapos ang tatlong minuto na tila ba tatlong oras, hindi inaalala ang panahon na tila ba sa mga sandaling iyon, tatlong habangbuhay ang meron sila.
“Di ka naman mawawala sa’kin, di ba?” pahabol ni Jeng nang sulyapan saglit si Sunoo na malawak ang ngiti habang nakatitig na pala sa kanya.
Napailing naman si Sunoo at pakunwaring inirapan ito. “Ay sus! Asa ka! Stuck ka na sa’kin.”
Nakaidlip na si Sunoo sa biyahe at hinayaan na lamang siya ni Jeng na tahimik na nagdadrive nang makarating sila sa Bulacan. Bandang alas dos na ng hapon nang makarating sila sa simbahan ng St. Martin de Porres, ang simbahan na tumupad sa unang kahilingan ni Jeng: ang maging artista.
Nakapagpark na si Jongseong ng sasakyan sa may tabi ng court nang gisingin niya si Sunoo. “Best, gising na, andito na tayo.”
Nilibot nila ang simbahan, pati na rin ang dating paaralan ni Jeng na siyang ikinatuwa naman ng mga dati nitong guro nang makita sila. Nahihiya pa nga ito dahil nagpapapicture ang mga ito sa kanya pero hindi na lang rin siya makatanggi. Tawang tawa naman si Sunoo sa pamumula ng tenga nito.
“Wow naman, sikat na sikat ka na, lodi.”
“Ewan ko sa’yo.”
Bumalik sila sa loob ng simbahan at nagdasal muna bago umupo sa isang tabi.
“Sun, may sasabihin ako,” panimula ni Jongseong.
“Ano ‘yun?” Pabirong pagbulong pabalik ni Sunoo, medyo natatawa sa kaseryosohan ng katabi.
Lumapit si Jeng bago ibulong direkta sa tenga ni Sunoo ang magandang balita.
“May primetime drama project na ako. Kasama ako sa lead cast.”
Medyo napalakas ang reaksyon ni Sunoo dala ng gulat kaya naman napatingin tuloy sa banda nila ang ilang mga tao sa simbahan kaya naman napayuko silang dalawa sa hiya.
“Ay, sorry! Hala, congrats, Best ko!” Mahinang bulong ni Sunoo sabay yakap kay Jeng, ngunit para sa kanya, ito na ata ang pinakamalakas at pinakamalinaw na bulong na narinig niya.
“Thank you, Best,” sambit niya, at agad niyakap pabalik ang nobyo.
Lumabas na sila at bumili ng mga tusok-tusok (Sunoo: Ito na celebration mo? / Jeng: Sus, kahit tiglimang pisong gulaman lang, basta kasama kita, celebration na! Tsaka paborito mo kaya ‘tong kalamares, wag ka nga.) sa gilid bago bumalik sa kotse at nagdrive pauwi habang masayang nagkakantahan at nagcecelebrate ng tagumpay ni Jongseong. First of many.
“Jeng, tumawag si Kuya Pio, meeting raw bukas. Para sa’n? Di sinabi sa’kin eh.”
Humalik muna at nagmano si Jongseong sa ina bago umupo sa harap nito, habang nagtatalop ito ng papaya na isasama siguro sa ulam nila ngayong gabi. Kauuwi nya lang galing kina Sunoo dahil ihinatid nya muna ito at nagpasalamat sa Tita Mommy at Tito Daddy nya bago dumiretso sa bahay.
“Hi, Ma. Natanggap po ako sa Soledad.”
Pinagmasdan nya ang gulat sa mukha ng ina, na sinabayan pa ng biglaang pagkakabitaw nito sa kutsilyong hawak. Mabagal itong tumingin sa kanya, nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang mga labi.
“Oh, Hal, bat ganyan ‘tsura mo?”
“Pa, natanggap po ako sa Soledad.”
Parang eksena sa soap opera, nabitawan ng tatay ni Jeng ang hawak nitong duffel bag, kauuwi lamang galing sa trabaho. Ngangayon nya naririnig ang unti-unting humihinang ugong ng company bus ng tatay nya, hatid ito sa bahay nila matapos ng isang linggong night overtime shifts.
“Jeng, tunay ba…”
“Grabe, oo naman po, totoo na po talaga.”
Walang kasabi-sabi, ang tinola na lulutuin sana ni Mama Seul ay naging letson (Papa Jaebum: Minsan lang! Yayaman na tayo, madali na lang bumili nyan sa mga susunod na taon!) at nagkaroon ng munting kainan sa bahay nila noong araw na iyon, imbitado ang mga kapitbahay nilang iilan na lamang ang gising.
Pasimple siyang hinila ng mama niya sa kusina at binuksan ang ref, kunwaring may kukuhanin sa loob nito.
“Jeng, so ba’t di na lang sinabi sa’kin ni Kuya Pio na tungkol sa Soledad yung meeting?”
“Po? Sabi ko po kasi, isusurprise ko kayo ni Papa.”
“Tatawa-tawa ka dyan, pero kung pagod ka na, akyat ka na. Maaga tayo bukas.”
“Po?”
“Oh, kala ko susurprise mo kami? Ba’t ikaw nasurprise?”
“Sasama kayo bukas?”
“Oo? Sabi ni Kuya Pio. Pati daw si Papa mo, kung pwede. Sabi ko na lang, sakto, pauwi si Papa ngayong gabi.”
Kung may naramdamang kakaiba si Jongseong nung gabing iyon, hindi nya na lang pinansin.
Mali ‘to, isip-isip ni Jeng, hindi ganito yung dapat mangyari.
“Kailangan ba talaga? Kami yung mga magulang ng mga bata, at miski kami, payag naman. Bakit mas magaling pa kayo?”
Ngayon nya lang narinig magtaas ng boses si Tito Jackson, na karaniwang kalmado at nagbibiro pa sa tuwing magkakasama-sama sila. Siya man mismo, pinipigilan nang magsalita dahil wala siyang tiwala sa sarili niya noong mga sandaling iyon—mabuti nang manatiling tahimik, kesa sa makapagbitaw ng mga salitang pagsisisihan niya pag humupa na ang magkakahalong galit, kalituhan, at ang mapanakop na pakiramdam ng takot sa kanyang loob.
“Pasensya na po. Policy po ito ng kumpanya, eh. Siguro naman po aware naman kayo sa mga ganung usap-usapan. Kung gusto po ninyong maging maayos ang simula ng career ni Jay , kailangan po nilang magbreak ni Sunoo. Hindi po makakatulong sa magiging tambalan ni Jay at Giselle kung malalaman ng fans na may… partner na si Jay.”
Sa puntong ito, wala nang naririnig si Jay sa pinag-uusapan ng mga nakatatanda. Nakatingin lang sya sa boyfriend nya, na nakatulala naman sa mesa na karaniwang sanhi ng mga ngiti nito—tuwing briefing, table reading, at iba pang mas mabusising detalye ng kanilang trabaho—at hindi mabasa ang mukha.
Okay ka lang ba, Best? Takas na ba tayo dito?
Gustong gusto nyang itanong kay Sunoo, ang kaso nga, hindi man lang siya tinitingnan nito. O ang kahit ano.
Alam na alam ‘to ni Jongseong. Sobrang madalang itong mangyari, pero nangyayari’t nangyayari pa rin. Tuwing may eksenang pamilyar sa totoong mga ganap sa buhay nila, minsan, nalulunod si Sunoo sa sensasyon. Kailangan niyang mamahinga ng ilang oras pagkatapos ng mga ganitong eksena at malaking kain man sa oras—ito yung parte ni rising star, future of Asian cinema, Sun Kim na paboritong-paborito ng mga direktor at manunulat sa pinilakang tabing. When Sun transforms to the roles given to him, walang makapagduruda sa angking galing ng batang aktor.
Alam na alam ‘to ni Jongseong—nalulunod si Sunoo ngayon. At hindi nya alam paano lalangoy papalapit rito upang dalahin itong muli sa ibabaw ng mga alon, pabalik sa dalampasigan kung saan dalawang pares ng mga bakas ang mababanaag sa buhangin, magkatabi, magkalapit.
Magkasama.
“Kumalma lang po muna tayong lahat. May panahon pa naman po para magdesisyon kayo, ito po yung contact numbers namin, at ni CEO Bang. Personal nya po itong pinapaabot, gustong-gusto nya po talagang alagaan namin si Jay dito sa COSMOS Ent. Nakita nya po kung gaano kalaki ang potential ng anak nyo and if papayag po kayo, we’d really, really love to welcome him to the company. But not without little sacrifices.”
Little sacrifices? Ganun lang kasimple sa kanila yung buong buhay ko?
Sa lalim ng isipin, hindi na namalayan ni Jeng na tinatapik na pala sya ng Papa nya, at nakalabas na rin pala sa silid ang mga Kim.
“Jeng. Una na kami ni Mama mo sa bahay?”
“Opo, Pa. Mag-uusap lang po kami ni Sunoo. Kamusta po si Mama?”
“Ayun, galit na galit. Tawag ka lang pag kailangan mo kami, ha? Andito lang kami ni Mama mo para sa’yo. Kung anong mapagdesisyunan mo, ilalaban natin. Wag kang mag-alala, ha?”
“Opo, Papa. Thank you po, pasabi rin po kay Mama.”
“Sige, anak. Tawag ka lang, ha? Iwanan ko yung Avanza. Magbyahe na lang kami ni Hal.”
Nanatili pa siya ng ilan pang minuto sa loob ng silid bago lumabas at hinanap si Sunoo, na nakita niyang nakaupo sa may emergency staircase.
“Best?”
“Ay, sorry, sorry. Nawala ako, ano nga ulit?”
“Sabi ko, dito, anong balak mo kay Jaan? Baka mamaya biglain mo na naman ako ng kiss—”
“Nabigla ka d’on?”
Pinanuod nyang humalakhak si Sunoo. Namiss nya ‘to. Yung naniningkit bigla ang mga mata ni Sunoo, tumatawa dahil sa kung anumang sinabi niya, pilit na tinatakluban ang kalahati ng kanyang mukha kahit kusang lumalabas ang mga malalim na guhit sa makinis nitong pisngi, mistulang pusa.
Nakatambay lang sila ngayon sa tent habang naghahanda ang set designers. Mamaya pa naman talaga yung scene nila dahil naghihintay si Direk lumubog ang araw at ayaw niyang gamitan ng CGI yung pelikula nila, pero nagkasundo na lang sina Jay at Sunoo (textmates na sila ngayon) na dumating ng maaga para pag-usapan kung paano nila gagawin ang eksena nila para sa hapong iyon.
“Ang gago mo! Oo, syempre naman, wala sa script, eh! Buti nga nahabol kita agad, kainis ka!”
“Masarap ba?”
“‘Tong ice cream? Pwede na. Mas bet ko sana mint choco, eh, kaso—”
“Yung kiss ko. Masarap ba?”
Nakita nya kung paano nanlaki ang mga mata nitong kanina lamang ay halos mawala na sa sobrang pagpikit, sabay hampas ng may kalakasan at kabilisan sa kanyang braso.
“Aray naman,” palokong sambit ni Jay.
“Quota ka na, ha! Ikaw, ha, saan ka ba natuto ng mga paganyan-ganyan mo? Kaya siguro buong nation , ikaw ang boyfriend.”
Kung naisip man ni Jay pigilan ang sarili nya, he quickly dismissed the thought and went ahead with what he wanted to say.
“Bakit? Inggit ka? Gusto mo din ba maging boyfriend ko?”
“A-ang kapal, ha! HA!”
Cute. Ang cute pa rin.
"Bakit? Ang dami-dami gustong jumowa sa'kin, ayaw mo? Sabi mo nga, buong nation. Hindi ka ba parte ng bansang ‘to?"
"Tama na, TAMA NA—"
Tinawanan nya lang ang halatang nagpapanic nang Sunoo. Ang saya nito. Noong tinanggap ni Jay ang project, wala pa siyang idea kung sino ang makakatrabaho—siya yung kondisyon ng buong pelikula na 'to, nakakahiya man isipin (Direk Woo: If you say no, hindi ko 'to itutuloy.).
Kahit tutol ang iba, para kay Jay, sobrang dami nya pang bigas na kailangang hugasan, isaing at kainin bago matawag ang sariling batikan. Pero nagpapasalamat na lang din siguro sya sa taas man o sa tadhana na medyo pinagpala sya sa mga proyektong natatanggap at sa mga taong nakakatrabaho.
Hindi ganoon kalandas ang sampung taon niya sa industriya—he's had his fair share of dating scandals (all false, obviously), supposed rivalry with co-actors (wala siyang pakialam, nagtatrabaho lang siya), and failed projects (but not flop roles; if any, siya pa ang nagsasalba sa mga show na kinabilangan niya). Lahat ng ito ay ipinagpapasalamat ni Jay; kung di siya napupog ng mga ganitong karanasan, wala siya dito ngayon.
Dito, katabi ang medyo inis na Sunoo, humahalakhak sa namumulang mukha nito, may halos anim na taon na pagkatapos nilang magkahiwalay.
"Hoy, HUY! Best, okay ka lang? Tawag na tayo ni Direk."
"Ha? Ah! Wait, teka check ko lang make up ko."
"Okay na, pogi na. Chineck ka na ni Kuya Angel nung tulala ka."
"Pogi, talaga?"
"Hay, nako!"
Looking at how comfortable they are right now, siguro, isasama na rin ni Jay sa mga ipinagpapasalamat niya na naghiwalay sila ni Sunoo, kahit sa halos anim na taong iyon—
Sa halos anim na taong iyon, hindi pa ulit siya humihinga.
"Hi."
"Di ka sumabay kina Mama Seul?"
"Magbabyahe raw sila eh, sabi ni Papa. Iniwan yung Avanza. Drive?"
Dalawampu't apat na kanta—mag-iisang oras at kalahati na sila sa loob ng kotse ngunit ni isang himig, wala siyang narinig kay Sunoo. Ni isang dampi sa kamay niyang nakahain sa tabi ng kamay nito, ni isang sulyap kahit man lamang sa side mirror—
Wala.
Tagaytay.
Malamig ang hangin, pero mas malamig ang pawis sa ilalim ng polo ni Jay. Malamig ang bumper ng Avanza kung saan sila nakaupo, ngunit mas malamig ang kanyang mga kamay, at mas malamig ang kanyang dugo sa kabila ng mabilis nitong pagdaloy sa buo niyang sistema, walang kaide-ideya sa itinatakbo ng isip ng kasama.
Malamig ang Tagaytay, pero pinakamalamig si Sunoo.
"Yakap?"
Malamig ang Tagaytay, pero sa unang pagkakataon sa araw na iyon, di niya alintana ang temperatura. Walang-wala ang lamig kung yapos mo ang araw sa iyong mga bisig, ang malambot na buhok nito sa kanyang mukha, ang magkahalong bango ng shampoo at damit nito na sumasakop ngayon sa kanyang mga baga.
"Best, pa'no kaya nila nalaman? Di naman sa pinipilit nating itago. Di lang talaga tayo mayabang, di ba?"
"Luko. Syempre may mga mata sila."
"Ay, oo nga, for sure halatang patay na patay ka sa'kin."
"Jeng, ang gago."
Hindi naman pala maginaw. Nag-ooverthink lang talaga siya. Tama.
"Best."
"Hmm?"
"Alam mo kanina, ang dami ko naisip."
"Gaya ng?"
"Una, na sayang nga. Gusto rin sana kita pakasalan sa ganung lugar. Sa Caleruega. Tapos mga pamilya't kaibigan lang sana natin ang invited, small ceremony. Tapos ayoko ng St. Bernard. Golden retriever sana ang gusto ko. Tapos papangalanan natin sana sya ng Ham, short for Hamilton. Naisip ko rin, gusto ko ng mga anak? Hmm, dalawa? Di ko alam bakit, pero I thought it'd feel nice to have mini us running around our house—not necessarily dugo natin. I would not have loved them any lesser."
"Sana…?"
Sana. Sana. Sana.
"Pero yung pinakanaisip ko kanina, narealize ko, never ko pa nasabi ng diretso sa'yo, 'no?"
"Sunoo. Ayoko. Ayoko, ayoko—"
"Jongseong, mahal kita. Break na tayo?"
Malamig ang Tagaytay, pero pinakamalamig si Sunoo ang loob ng kotse nya pabalik ng Maynila, katabi ngunit wala nang Sunoo na matatawag niyang kanya.
“Hey, busy?”
Jay firstly asks as soon as Sunoo answers the call. Sana hindi. He’s hoping a lot little na hindi. Naisip lang niyang magroadtrip (oo, kasama si Sunoo) dahil may sarili na siyang kotse, hindi tulad noon na hinihiram lang niya ang Avanza ng papa niya. Mas malaya na siyang nakakaalis kung saan man niya gusto magpunta at ngayon, gusto niyang bumalik kay Sunoo sa nakaraan sa Tagaytay.
Miss nya na yung buto, oo, tama. Yung buto.
“Nope, why?"
“Ah, wala naman. Tara, Tagaytay?"
“...Sige?"
“Sunduin kita ha.”
“Alam mo ba kung saan ako nakatira?"
“Hindi… but you can tell me?”
“Okay, sige. Ngayon na ba?"
“Ay, sorry, ang biglaan pala.” Ang tanga, Jeng. “Oo sana. Okay lang naman, if hindi ka free. My bad, di ko naisip agad if occupied ka with something.”
Narinig nyang tumawa ng mahina si Sunoo sa telepono, bago tuluyang magsalita. “Free naman ako luckily at okay lang, sige, tara Tagaytay. Saan ka ba ngayon?"
“Malabon na, galing ako kina Mama.”
“Luh, kamiss sila Tita. Sige malayo ka pa pala, maliligo muna ako, itext ko sa’yo yung address ko tapos tawag ka ulit pag nasa town ka na."
Ako, di nakakamiss? “Okay, okay.”
“Ingat ka!"
“Yes po, ikaw rin, wag ka madudulas sa banyo.”
“Gago."
One week rin silang bakante dahil kailangang magpunta ni Direk Woo, aka the renowned Director Jeon Wonwoo, sa Germany, kasama ang mga artista at real life couple na sina Uno Yang at Jake Sim dahil nominated ang pelikula nilang it’s not living (if it’s not with you) sa Berlin International Film Festival. Dahil roon, halted muna ang productions at masaya ang lahat sa biglaang pahinga mula sa linggo-linggong non-stop shooting.
“Nakalampas ka na sa pangalawang gate?"
“Oo, saan ang sunod? Ang dami palang likuan dito.”
“Diretso ka lang sa dulo, matatanaw mo aga—"
“What the f—bahay mo na ‘tong nasa tuktok?”
Muntik nang malaglag ang earpiece ni Jay sa sobrang pagtingala, tinatanaw ang bahay mansion ni Sunoo mula sa kanyang kotse. Nang iannounce ni Direk na may one-week break sila, ito yung una niyang naisip. Sa totoo lang, kung magiging 200% honest sya ngayon, ever since nagpalitan sila ng number, lagi nang sumasagi sa isipan niyang yayain si Sunoo lumabas. Mahirap noong una, dahil kahit bumabanat siya, mukhang di matibag agad yung mga dingding ni Sunoo. Buti na lang ngayon, pumayag kahit biglaan. Kahit papaano, naglevel up na siguro ulit ang friendship nila.
Wow, isip-isip ni Jay, parang di naging magbestfriend, ah.
Pinagbuksan siya ni Sunoo ng gate, kasu-kasunod ang isang—
“Ham! Ba’t ka— Inside! Oh my God, teka lang, Best, ipasok ko lang si Ham.”
Ham. Short for Hamilton.
“Mag-isa ka lang dito?”
Iniikot ni Jay ang mata at sinuyod ang kanyang kapaligiran. Wala siyang ibang maisip kundi sa sobrang Sunoo ng bahay ni Sunoo. Nasa lugar lahat ng mga dekorasyon at aksesorya ng hindi munti niyang tahanan; puting-puti ang mga dingding at sobrang linis tingnan, mataas ang kisame, at maraming halaman sa paligid. Walang mga bakal—puro kahoy ang mga muwebles, maliban siguro sa kulay gray nitong sofa bed. Wala masyadong pader save for a few glass panels stylishly placed in some areas of the house. Para tanaw nya lahat.
“Ngayon? Oo, TTh dumadating yung cleaner na kinuha ni My, eh.”
“May tagalinis ka? Well, oo nga naman, busy ka na, eh.”
“De!” Tumawa muna si Sunoo bago sumagot, habang patungo sila sa open kitchen nito kung saan naglabas ito ng lemon juice at iniabot kay Jay. “Sabi ko kay Mommy—may honey yan—ako na maglilinis tutal, alam mo naman, stress reliever ko yun.”
“Uh, huh. Totoo.”
“Gago. Ayun, anyways, one time nadatnan nya ‘ko nakasalampak dito sa may kusina tapos ang kalat.”
“Luh? Anong nangyare sa’yo?”
“Lasing ako,” may paghalakhak pa ito, “tapos nagbake ako habang lasing. Buti di ko nabuksan yung oven. Puro harina at basag na itlog lang dito, tapos tulog ako sa sahig. Mula no’n, regular na ni My pabalikin si Manang dito. In case raw di ko na naman mapansin ginagawa ko. Or whatever.”
“Umiinom ka?”
“Haha. Oo.”
Jay decided not to push further.
“Teka lang, kunin ko gamit ko sa taas, konti lang naman yun, isang paper bag lang.”
Habang naghihintay, nag-ikot muna si Jay sa bahay ni Sunoo. Nakarating rin siya sa may living area na katapat lamang ng kusina, kung nasaan ang ga-pader na TV ni Sunoo, ilang trophies (mga FAMAS), ilang libro (mga Calculus reviewers siguro ito, kung ganoon pa rin ang mga hilig ni Sunoo), at mga picture frame. Emphasis sa ‘mga’.
Mga larawan mula sa pinakasikat niyang photoshoots, ilang candid shots, mga picture nila nina Tita Mommy Irene, selcas nila ni Ham—actually, halos si Ham lahat ng litrato sa estanteng inuusisa niya.
Wala ni isang bakas ni Jeng dito. Bakit nga ba siya aasa? Nagmove on na silang dalawa si Sunoo, to the point na kaswal na lang silang mamamasyal nang magkasama sa kanilang day off, walang malisya.
“Arf!”
Napalingon siya sa pinanggalingan ng tunog at nakaharap si Ham, ang golden retriever sana nila ni Sunoo. Lumuhod siya para bigyan ito ng pets, na tinanggap namang malugod nito.
“Hey, buddy.”
Maamo si Ham; masigla, masyadong masigla, but Jay found that he wouldn't have minded. St. Bernard ang gusto niya noon dahil kalmado lang sila at madalang ang makulit, pero naisip ni Jay, okay lang naman pala yung ganito. Yung sasalubungin ka sa gate pa lang, tatalunan ka para magpabuhat kahit ang bigat niya, at mag-iingay tuwing masyado kang tahimik.
“Ham! Huy, sorry, ang kulit talaga nyan,” agad na lumebel si Sunoo sa kanilang dalawa, at tinapik ng mahinahon ang ulo ng aso. “Ham, come, come. Jeng, tara dito? Bibilinan ko lang ‘to. Ba’t ganyan mukha mo? Ah—military trained si Ham. Makulit lang talaga nung nasanay na sya dito sa’kin. Siguro kasi di na nagwowork.”
Sinundan niya pabalik si Sunoo dalahin sa may kusina si Ham, at pinanuod itong bilinan ang alaga.
“Ilang taon na si Ham sa’yo?”
“Hmm, let’s see… magsisix siguro?”
Oh. “So nakita ni Ham yung nalasing ka?”
“Ay, oo! Nung nireview namin yung CCTV non, nakaharang sya sa oven all the while kaya di ko nabuksan. Magtu-two weeks pa lang sya sa’kin non,” magiliw na pagkukwento ni Sunoo, obviously recalling a fond memory, albeit a mildly concerning one.
“Ham, babye, alis na ang Daddy,” tinugunan ito ni Hamilton ng isang kahol bago itinuon ni Sunoo ang atensyon sa kanya, “Ano, Jeng, tara na?”
Dahil hinila na siya nito, hindi natanaw ni Jeng ang A0-sized black and white upscaled photobooth shots nilang dalawa from 6 years ago, malayang nakapaskil sa dingding kaharap ng ga-pader na TV ni Sunoo.
Pagkasundo kay Sunoo, smooth lang ang ride. Same old, same old? There’s a certain playlist na pinapakinggan ni Jay na pamilyar ang tunog kay Sunoo. Ang mga kanta, hindi gaanong lumayo sa music taste niya noon, at nadagdagan din ito ng mga similar na awitin sa kaparehong genre, tila ba curated ito para lamang sa kanila.
Isang restored at remastered version ng kanilang mga alaala ang daang binagtas ng Navara ni Jay. Ganoon pa rin naman ang Tagaytay, save for a few new buildings here and there, pero kung titingnan, parang walang nagbago. Masarap pa rin ang bulalo, buko pie, at tawilis; presko pa rin ang simoy ng hangin, matamis pa rin ang mga ngiti ng mga taong nagpupunta rito.
Pero, sa isipan ni Jeng, mas masarap sa tenga nung narinig niyang humimig si Sunoo nang tumugtog ang Like I’m Gonna Lose You, mas presko noong binuksan ni Sunoo ang bintana sa may passenger seat upang papasukin ang hangin noong wala na sila sa kabayanan, at mas matamis ang ngiti niya nang walang pasabing inabot ni Sunoo ang kamay niyang nakatambay sa kambyo, habang ito’y nakahalumbaba sa bukas na bintana, at tanaw niya sa side mirror na namumula kahit walang ekspresyong mababakas sa mukha.
Siguro, pareho sila ng gusto ni Sunoo ngayon. Siguro, pareho lang nilang gustong maramdaman ulit ang isa’t isa nang hindi iniisip iyon. Siguro, kahit sa loob man lang ng isang linggo, gusto lang nila maging si Sunoo at Jeng ulit, walang mga career na dapat alagaan, walang hinaharap na dapat alalahanin, walang sila na dapat isakripisyo.
“Uy, namiss ko kumain dito.”
Hindi pinupuna ni Jay sa takot na biglang magbago ang mood ni Sunoo, pero halos sumabog ang dibdib niya nang hinawakan muli ni Sunoo ang kamay niyang nakatago na sa kanyang jacket (nagbaon na siya, sakaling maging malamig uli ang byahe pauwi) matapos bumitaw nang bumaba sila ng kotse.
Gusto nya sanang bumanat, kaso masyado pang maaga. Hindi pa siya handang pakawalan muli ang kamay ni Sunoo na higit pa sa kahit anong init na kailangan niyang panlaban sa lamig ng Tagaytay.
“Welcome po—uy! Hala! MA!”
Ah. Hindi nga pala sila nagdisguise dahil madilim naman ang tint ng kotse ni Jay, at malalim na rin naman ang gabi.
“MA!”
“Ano ba—Hala. DIOS MIO—welcome po! Namiss namin kayo rito.”
“Hello po, kami rin po. Tagal po naming di nakabalik.”
Si Sunoo ang tumugon para sa kanilang dalawa. Ginabayan sila ng server sa isang table, at laking pasalamat nila na walang ibang tao, siguro dahil rin dis-oras na ng gabi. Buti na lang 24 hours open yung lugar. Masyado yatang nabigla si Jay nung dinala niya rito ng walang pasabi si Sunoo—di niya naisip na sikat na nga pala silang dalawa. Hindi na ganoon kadaling itago kung sino sila, at lalong hindi madaling lumabas sa publiko nang walang mga ilaw ng camera ang nakasunod sa kanilang mga mukha.
“Pst. Best.”
“Hmm?”
“Okay lang. Wag mo isipin. Swerte natin ‘to, walang tao. Enjoyin na lang natin.”
Naghihintay na sila sa kanilang order—dating gawi: bulalo (na si Sunoo ang uubos sa sabaw at si Jeng ang sisipsip sa buto, pag-aagawan nila ang repolyo), sisig (ibibigay ni Jeng lahat ng sili nya kay Sunoo), at sinamahan na rin nila ng leche flan (tig-isang llanera sila). Naghiwalay lang ang mga kamay nila nang dumating na ang mga pagkain at dahil si Jeng ang mas malapit sa daanan, siya yung umabot sa mga bowl at kung ano-ano pang mga inihain ng server sa kanila.
“Ugh, grabe. Ang sarap talaga ng sabaw dito.”
“Best, curious lang—di ka ba nahihiya na sabaw lang habol mo dito eh ang sarap-sarap ng mga pagkain nila?”
May sasabihin pa sana siya kaso hinampas na siya agad ng pulang-pulang si Sunoo, kaya naman sa maling butas dumiretso yung sabaw na kakahigop nya lang.
“Gago, sorry, sorry—kainis ka kasi!” pabulong na sigaw ni Sunoo sa kanya, “kung magsasabi ka ng ganyan, hinaan mo naman yung boses mo!”
Natuloy ang pagkasamid niya sa walang tunog na tawa, nakucutean natutuwa sa reaksyon ng kasama. “So sabaw lang talaga habol mo?”
“...Pwede na.”
Pagkatapos ng late dinner nila, dumiretso sila ni Sunoo sa isang bahay bakasyunang hiniram ni Jay sa isang kaibigan (Heeseung: Fully stocked ang pantry non, no worries. Basta wag kayo masyadong wild, ha. / Jay: Gago. Walang ganun, pre.). Ngayon lang siya nakarating sa Tagaytay home ni Hee, kaya naman late na niyang narealize ang laman sa mga salita ng kaibigan.
Cabin-style ito, fully stocked ang pantry gaya ng nabanggit sa kanya, kumpleto sa media players, may shower room, bath tub, at—
“Isa lang ang bed. Oks. Ako sa kanan, ha.”
Nag-iisip na si Jay ng mga palusot kung paano sasabihing siya na lang sa sofa sa may living area dahil ayaw naman niyang si Sunoo ang matulog sa ganon—
“Ha?”
“Ako sa kanan, ikaw sa kaliwa. Ay, sorry, right na ba side ng bed mo?”
“H-ha?”
“Parang bangag ‘to. Okay ka lang ba?”
“Magtatabi tayo?”
“Ayaw mo?”
Napalunok si Jay sa tanong ng kasama. Gusto niya. Gustong-gusto.
Matapos nilang magshower (hiwalay, kasi baka sa halip na puso niya, iba ang sumabog kay Jeng kung inalok siya ni Sunoo magsabay, buti na lang hindi), pinag-isipan ni Jay nang mabuti pa’no hihiga sa kama nila.
Diyos ko, isip-isip niya, hihiga lang, ang laki-laki ng problema mong gago ka.
Pagkalabas ni Sunoo sa shower room na katabi lamang ng kama nila, umupo muna ito sa harap ng vanity mirror para magblower ng buhok, nagskincare routine, at hindi na nagsuklay bago itinapon ang sarili sa kama. Pinanood niyang tumalbog ang malambot palang kama, kung saan nilingon siya ng kasama, tinatapik ang left side nito. Humikab muna ng malaki si Sunoo bago umimik.
“Di ka pa antok?”
Paano ba ‘ko aantukin? At paano ka inaantok sa sitwasyon natin, ha, Sunoo?
“M-medyo antok na rin.” Lies, Jeng, lies.
“Halika na. Tulog na tayo.”
Lord, help.
“Okay ka lang ba talaga? Need ba natin pumunta sa ospital? You don’t look too hot right now.”
“No, no, I’m good.”
“Sure?”
“Yep. Sure.”
“Hmm…kie.”
Bilang patunay, pinilit ni Jay ang sariling dumiretso sa side niya ng kama at humiga. Hinila niya ang comforter para isaklob sa sariling tuwid na tuwid sa kama, scared of touching even one millimeter of Sunoo’s half of the bed. Noticing Jay’s dragging on the covers, tumayo muna si Sunoo para mawala ang bigat sa ibabaw ng kumot. Nang matapos na si Jay mag-ayos ng sarili niya sa kama at tuluyang nagrelax (yata), Sunoo slid himself under the covers, under the same comforter that homes Jay’s body whose back was facing away from him.
Akala ni Jay, mahirap na yung anim na taong hindi sya humihinga.
Mas mahirap pala huminga nung naramdaman nya ang lingkis ng mga braso ni Sunoo sa bewang nya, at ang mga mainit nitong hininga sa kanyang batok.
Tinamaan ka ng lintik. Paano ka tutulog niyan ngayon? na lang ang naitanong niya sa sarili. Ang init na pala ngayon sa Tagaytay.
Hindi namalayan ni Jeng sa sobrang pag-iisip niya, nakatulog na rin pala siya. Well, that's one way to do it. Sabay-sabay niyang naitulog ang lahat ng kaba, pangamba, at alinlangan na nadarama. Inisip nya na lang yung pinakamahalaga: kumportable si Sunoo, at masaya silang dalawa kahit panandalian lamang. Yata.
Unang nagmulat ng mga mata si Jeng, at nakita ang itsura nila ni Sunoo sa kama—magkalungkos ang mga braso't halos pinagbungkos ang mga binti, kala mo'y nauubos ang kama sa sobrang dikit. Nataranta agad si Jeng at marahang sinubukang alisin ang sarili sa buhol, ngunit nadiskubre niyang hindi pala siya ang unang nagising sa kanilang dalawa ng nagsalita si Sunoo, nakababa pa rin ang mga talukap.
"Wag malikot."
"G-gising ka na?"
"Kanina pang 5:30."
Kanina pa siyang 5:30 parang tangang kapit na kapit kay Sunoo. Putangina.
Nakaharap si Jeng habang nakasapo ang kamay nito sa ulunan ni Sunoo na nakasiksik ang mukha sa may bandang leeg niya. Nasa bandang bewang na ang comforter na siyang nagtatakip sana sa kanila mula sa lamig ng buga ng aircon, ngunit parang wala namang silbi ang makina—ang init-init pa rin ng pakiramdam niya.
"Di… di ba ako mabigat?"
"Di naman. Init mo. Sarap."
Putangina (2).
"Wag ka malikot. Six minutes."
"Bakit may putal?"
"Nakuha ko na yung fifty-four minutes kanina."
"Ay. Okay."
Nanatili ang dalawa sa init ng isa't isa, hindi alintana ang lamig ng Tagaytay. Sa loob ng anim na minutong hiling ni Sunoo, inisip ni Jeng ang anim na taong wala ito sa kanya. Ngayon, abot-kamay (kahit sa pagkakataong ito lamang) niya ito, nakakulong sa bisig ng kasama, ayaw nang pakawalan ang isa’t isa.
Nang magising ulit sila, tila ba wala nawala ang awkwardness sa kanilang dalawa. Baka sadyang hindi na lang nila ito masyadong inisip. Naroon din ang posibilidad na baka siya lang naman talaga ang nag-iisip na awkward sila. Sana naman hindi.
"Good morning," bati sa kanya ni Sunoo, mulat na pagkatapos ng anim na minuto nitong pangako. "Musta tulog mo?"
Mainit. "Okay lang. Ikaw?"
"Sarap."
Kumalas ito sa yakap at bumangon, ngunit hindi bago mabilis na nilapitan ang mukha ni Jeng at nag-iwan ng munting halik sa noo niya. Pagkatapos ni Jongseong matauhan mula sa nangyari, nag-ayos na rin siya ng sarili para maghanda para sa panibagong araw.
Day 2 with Best. Di niya alam kung anong nararamdaman niya, sa totoo lang. Pero isang bagay ang sigurado: sa loob ng anim na taon, ngayon niya lang ulit naramdaman yung pamilyar na mosyon sa kaliwa niyang dibdib, senyales na isa siyang maybuhay, humihinga, nakararamdam.
Kasalukuyang naghahanap si Jongseong ng lugar na pupwede nilang puntahan. Kahit na maraming beses na silang nakaikot sa Tagaytay, gusto niyang madala naman si Sunoo sa isang lugar na hindi pa nila nararating. Napatingin siya sa mga litrato ni Heeseung na nakadisplay sa sala at nakita ang photoshoot nito sa isang amusement park kasama ang Japanese supermodel na si Kazuha.
Biglang sumagi sa alaala ni Jay ang isang clip ni Sun—it was from Kwon Eunbi's fashion vlog, na nakasama niya sa isang runway event kamakailan lang. Nagtrending ito sapagkat halos hindi naman naggeguest ang Asia’s Rising Star sa mga vlogs, pero para kay Eunbi, ginawa nito. Recently lang rin nareveal na family friend pala ni Sunoo si Eunbi, kaya naman lalong inabangan ito ng lahat.
“So, aside from fashion gigs and acting talks, I’m curious about one thing, Sun.”
“Yes po, Ate Bi?"
“What’s the one thing you want to do in your free time?”
“Hmm… since laging packed ang sched ko, I haven’t really thought about it sa totoo lang. But right now, maybe to go to an amusement park? Gusto ko lang ulit siguro maging bata, Ate, so it’s the place that comes to mind.”
“Argh—bakit ang cute mo?! Let me know when and where you want it to be, rerent ko yung buong place for you, ha?”
“Ate, grabe! Hahaha, oh my God!”
Amusement park… in Tagaytay. Ah! Sky Ranch!!! Mistulang big brain energy nang pumasok ito sa isipan ni Jongseong kaya naman napatingin siya kay Sunoo na tahimik na nagcocoffee sa tapat niya.
“Best, Sky Ranch tayo?”
Agad na nagningning ang mga mata ni Sunoo pagkasabi pa lang ng lugar kaya naman agad itong napatayo. Tumingala naman si Jongseong para panoorin ang mga kilos nito.
“Bakit ngayon ka lang nagyaya? Tara na!”
Kahit gaano na sila katagal na magkakilala noon, ito pa lang ang unang beses na mag-aamusement park silang dalawa. Dahil siguro mga artista sila’t kailangang mag-ingat sa mata ng mga tao, hindi na rin nila naisip. Ngunit ngayon na free time nila, why not gawin naman nila finally, di ba?
Hindi na rin masyadong nag-effort ang dalawa na itago ang kanilang mga mukha dahil required naman ang magmask kaya dagdagan na lang ng jacket at sumbrero ay okay na. Matapos mag-ayos, mga 20 minutes na biyahe lang ay nakarating na rin agad sila sa Sky Ranch. Hindi ganoon kaunti ngunit hindi rin ganung karami ang mga tao lalo na’t weekday ngayon. Sakto.
“Best! Dito tayo!”
Hinila ni Sunoo si Jongseong pagkapasok sa loob ng park at agad nitong nakita kung saan sila unang sasakay. Hinayaan na lang ni Jeng na kaladkarin siya ni Sunoo papunta sa bilihan ng ticket na siyang binayaran nito (Jeng: Uy, ako na. / Sunoo: Ikaw na sa dinner kagabi, ikaw pa sa gas! Ako naman, okay? / Jeng: Hay… sige, sabi mo eh.).
Matapos makabili ng ticket, inuna nila ang Sky Cruiser. Napagod lang silang magpedal ng bootleg tricycle (Jeng: Bootleg tricycle. / Sunoo: Huy, grabe ka.) na pang dalawahan habang tinatawanan ang nasa unahan nila na ang lakas ng sigawan kada iikot ang ride. Sumunod naman ang Safari Splash, sa unahan nakasakay si Sunoo habang nasa likuran niya si Jeng. Hawak-hawak ni Jeng ang balikat ni Sunoo bilang alalay habang ang isa naman ay tinataas pa ang mga braso kada dadaan sila sa pababang part (Jeng: Best, kalma lang baka ma— / Sunoo: WOOOOHOOOOOO~). Medyo nabasa sila nang kaunti (sobra) pero ayos lang, matutuyo rin naman sila sa susunod na ride.
Medyo… medyo natuyo naman sila sa Carousel. Nakakatawa nga’t halos mga bata ang kasabay nila. Pero dahil isip bata sila, napagdesisyunan muna nilang umupo habang nagpapaubos ng pila sa Drop Tower (na balak nilang isunod) kasi medyo mahaba-haba pa ito. Instead of picking their own horses at makipag-unahan sa mga batang sumakay sa mga tumataas-babang kabayo, nahagilap nila ang upuang pangdalawang tao. Medyo covered rin ito dahil may sariling bubungan na nagtatakip mula sa mga tao sa labas.
Nang makaupo na sila rito’t umandar na ang carousel, saglit na nagtanggal ng mask ang dalawa nang makahinga naman muna at tsaka nagtawanan ng walang sabi-sabi. Dalawa pa lang naman ang nasasakyan nina Jeng at Sunoo pero parang ang ilang oras na ang tinagal nila rito. Napasandal naman si Sunoo sa may balikat ni Jeng at ito’y inalalayan niya bago hawakan ang kamay. Hinayaan lamang ng dalawa ang pwesto nila hanggang sa matapos ang ride.
Pagkarating sa Drop Tower, medyo kakaunti na lang rin ang nakapila. Sakto naman at hindi nakumpleto nung turn na nila kaya hindi rin sila nakapukaw ng atensyon kahit na nakilala ata sila ng mga staff na nag-aasikaso doon.
“Hala, kayo po ba ‘yan, Sir Jay? Pwede po bang magpapicture?”
“Opo, Kuya. ‘Wag na lang kayong maingay, hehe.”
“Hala, kasama niyo pala si Sir Sun. Grabe, close pala po kayo? Hi, Sir Sun! Grabe, sobrang idol ko po kayong dalawa.”
“Uy, si Kuya naman. Salamat po!”
Nagpose silang dalawa sa magkabilang tabi ng staff, at nang matapos ang mini photoshoot nila, pinagmasdan ni Jay si Sunoo na pasimpleng bumulong dito, bago tuluyang pinakawalan ang staff na ngayon ay mas malawak pa sa Sky Ranch ang ngiti. Maigsing interaksyon lamang ito ng mga bulungan nila kasama ang isang staff ng Drop Tower at nang isesecure na ang mga safety belts sa kanila, nakahirit pa nga ito ng selfie kasama ang dalawa. Natawa naman sila nang makaalis ito para simulan na ang ride.
“Ano binulong mo kay Kuya?”
“Wala ah!”
“Luh, nakita kita. Amin na.”
“Bakit ba? Selos ka?”
Di na nakasagot si Jongseong nang maramdaman ang ugong ng tower. Nagkatinginan na lamang sina Sunoo at Jeng sa isa’t isa bago awtomatikong naghawak ng kamay habang umaakyat ang kanilang kinauupuan. Hindi na rin nila naiwasang sumigaw at humiyaw sa bawat pagtaas at pagbaba ang ride habang ineenjoy ang tanawin, ang mga pamilyar na daan at mga puno sa gilid nito na karaniwan nilang nakikita ng harapan tuwing mapapadpad sa Tagaytay.
Pagkarating sa Log Coaster, medyo may kahabaan ang pila ngunit magaling na lang din siguro sila dahil hindi sila napansin ng mga kasabayan lalo na’t nagpahuli sila at sa bandang dulo na sumakay. Still, hindi nawala ang mahigpit nilang hawak sa kamay ng isa’t isa habang ineenjoy ang saya ng ride. Pagkalipat sa Super Viking, ganoon rin. Kinakabahan pa nga si Jeng noong una pero isang pisil lang ni Sunoo sa kanyang kamay, nawala agad ang kaba nito (lakas ng tama). Kaya naman kahit na halos hinahalukay nito ang mga sikmura nila, inisip na lang ni Jeng na nag-enjoy naman siya, kasama niya si Sunoo, eh.
Nakakapanibago siguro na unang beses nila itong maglibot sa isang amusement park at kitang-kita ang pagkaaliw nilang dalawa sa mga rides na sinakyan nila. O baka mas masaya pa dahil ngayon na lang ulit nila naramdaman yung ganito, nagsasaya nang walang iniisip na ibang bagay. Lalo na siguro nung napansin ni Jeng na hindi man lang hinahawakan ni Sunoo ang cellphone nito na halos dalhin nito kahit saan, kaya lahat ng mga litrato nila ay nasa cellphone niyang lahat. Itinatak niya sa isipan na isend lahat iyon kay Sunoo pagkabalik nila sa vacation house.
Kakagat pa lang uli si Jongseong sa corndog niya nang marinig nila ang announcement sa sound system ng parke. Alas diyes na pala. Sabay silang napatingin sa mga ticket na hawak nila—Sky Eye.
“Sayang.”
“Balik na lang tayo dito before we go back to shooting? May five days pa naman. Okay lang yan,” suggestion ni Sunoo nang mapatingala ito sa gawi ni Jongseong, “tama na kakanguso. Mahaba pa ang oras. Madami pa tayo pwedeng gawin.”
Luh, di naman sya nakanguso, ah.
“Cute mo, para kang baby.”
“Baby mo?”
“Gagi.”
Medyo nakababa na nga pala ang mask nila dahil kakaunti na lang naman ang mga tao sa pagilid at malalim na (naman) ang gabi. Natawa na lang si Sunoo sa banat nya (level up?) sabay kurot nito sa pisngi ni Jeng (Sunoo: 1 / Jeng: 0). Natawa na lang sila parehas habang naglakad pabalik sa parking lot.
Wala na lang sigurong pumansin sa kanilang dalawa kasi sabi nila, mag-eenjoy lang sila, but all the while: their hands never let go of the other. Perfectly balanced, as all things should be.
“Best, may mga stock pa daw si Heeseung sa ref, gamitin na natin. Ano gusto mong kainin?” tanong ni Jeng matapos ilapag ang cellphone dahil magkatext lamang sila ng kaibigan kani-kanina. Sakto namang nagkakape si Sunoo sa may nook na mas malapit sa ref kaya naman tumayo ito para tignan ang mga laman nito.
“Ikaw?"
"Gago, yung tunay kasi."
"Teka—kay Heeseung ‘to?”
Lumapit si Jeng rito at ipinatong ang baba sa may balikat ni Sunoo sabay yakap sa bewang nito. Hindi man lang nagulat si Sunoo sa ginawa niya, kaya si Jeng yung namula. Buti na lang hindi tanaw ni Sunoo ang mukha niya.
“Di ko pala nabanggit? Oo, kanya. Teka, di ba may pictures si Heeseung dun sa may living area?”
“Hindi ko naman tinitingnan. Iba gusto kong tingnan, ba’t ko pa ililibot mata ko?”
Buti na lang talaga hindi tanaw ni Sunoo ang mukha niya. Napakaprangka talaga nito.
“Uy, alam ko na,” natawa naman nang mahina si Sunoo sabay sabing, “lutuan kita ng sinigang, gusto mo?” Sino ba siya para hindian ang paborito niya, lalo na kung luto pa ni Sunoo?
Kahit anong pilit ni Jeng na tulungan si Sunoo, off limits muna siya sa kusina.
“Sige na po. Tulungan na kita, please?”
“Magsaing ka na lang! Kulit mo.”
“Please po?”
“Gusto mo paluin kita?”
“S-sigeー”
“Oh my God ka, Park Jongseong, isa .”
“Okay! Okay po…”
Matapos magprepare ni Sunoo ng ingredients, nagsimula na siyang magluto. Habang si Jeng, ayun, busy sa pagtitig kay Sunoo na kulang na lang ay matunaw na. Ang saya siguro ng ganito, yung kahit one week lang ang maging pahinga nya sa buong taon, basta si Sunoo yung kasama—katabi paggising sa umaga, kahawak-kamay hanggang sa pagtutoothbrush, kayakap hanggang sa pagtulog—magiging sulit na para sa kanya.
Sinimulan na ni Sunoo ang paggigisa ng bawang at sibuyas bago idagdag ang main ingredient ng sarili niyang version ng sinigang: kamatis (Jeng: Sinigang by Kim Sunoo, Kamatis Remix. / Sunoo: ???). Sinangkutsa niya ito kasama na ang liempo bago ito lagyan ng tubig para palambutin. Habang pinakukuluan ang sinigang, hindi maiwasan ni Sunoo na makisabay sa musikang pinatutugtog ngayon ni Jeng sa speakers.
Pagkalambot ng baboy, agad din siyang nagdagdag ng labanos, gabi, siling pansigang, sinigang mix (Jeng: Cheat activated—sinigang mix. / Sunoo: Best… hay, malapit na maluto, kapit ka lang), at ilan pang pampalasa bago ito pakuluang muli. Makaraan ang ilang minuto, dinagdag na niya ang sitaw at kangkong bago hininaan ang apoy para hayaan itong kumulo at maluto ang ulam.
“Jeng, lapit ka…” Kumuha ng kutsara si Sunoo at sumandok ng sabaw para ipatikim sa kanya kung sakto na ba ang lasa ng ulam. Sumunod naman agad si Jongseong na excited na matikman ang espesyal na luto ni Sunoo para sa kanya. Lumapit si Jeng at hinayaan niya si Sunoo na ipahigop sa kanya ang sabaw, di alintana na halos isang kamao na lang ang pagitan ng kanilang mga mukhang naglalapat na ang noo sa sobrang lapit. Agad na nanuot ang asim at linamnam ng mainit na sinigang kaya naman ngiting-ngiti siyang tumingin kay Sunoo. “Sarap naman.”
Dali-daling sumandok muli agad si Sunoo ng sabaw para tikman ang sariling luto ngunit napaso ang kanyang dila kaya’t nabitawan niya ang kutsarang hawak. Agad namang nag-alala si Jeng kaya napahawak siya sa mukha ni Sunoo para icheck ito, kaso nagkauntugan ang mga ulo nila, napaiwas at… aksidenteng naglapat ang mga labi ng isa’t isa.
“S-sorー”
Bago pa man maisip ni Sunoo umiwas uli, hindi na sinayang ni Jongseong ang pagkakataon—agad niyang sinakop muli ang mga labi ni Sunoo, hindi aksidente, mas sigurado, mas totoo. Muntik na niyang malimutan na tanghalian ang nakahain, hindi ang isa’t isa nang naramdaman niyang ibalik ni Sunoo ng mas masidhi ang mga haplos ng labi niya rito, ang lakas ng bisig ng isa’t isa na lang ang nananatiling suporta kaya nananatili silang nakatayo sa kabila ng mga tuhod na kanina pang nanghihina, natutunaw, animo’y mga sugar cube sa kape ni Sunoo kaninang umaga.
Kung hindi lang kelangan ng tao huminga, hindi siguro maghihiwalay ang mga labi nila. “Tara, kain na tayo.” Kung nanginginig ang boses ni Jongseong, ipinagdasal na lang niya na sana hindi pansinin ni Sunoo.
Mainit ang sabaw. Masarap ang kanin at sinigang, pero wala na yatang makatatalo pa sa init ng mga dibdib nila at sa sarap ng halik na pinagsaluhan nina Sunoo at Jongseong noong tanghaling iyon.
Nagising si Jeng sa malakas na patak ng ulan sa bubong noong ikalimang araw ng Tagaytay getaway nilang dalawa. Si Sunoo, tulog na tulog pa rin sa kanyang tabi, nakalingkis sa kanyang katawan gaya ng unang tatlong umagang nagising siya sa piling nito. I could get used to this.
Paulit-ulit na siguro siya, pero pinagmasdan lang ulit ni Jongseong ang natutulog na Sunoo. Sobrang ganda talaga. Kung project lang pala kasama siya ang kailangan para makasama niya muli ito, sana, matagal na niyang isinuggest ito sa handlers niya. Sana, matagal na niyang ginamit ang mga koneksyong hindi niya sinasadyang makolekta sa sampung taon na rin niya sa industriya.
Mabuti na ‘to, isip-isip ni Jeng, walang ipinilit, at kusang dumaloy ang mga pangyayari. Mas matanda na sila, mas may kaya, mas may kakayahang maging malaya ng walang tinatapos sa pagitan nila. Kusang nag-usap, kusang nagpalitan ng mga numero, kusang naghawak ang mga kamay, kusang nagsalo sa hapag, kusang tumakbo sa bisig ng isa’t isa, kusang natulog ng magkasama, kusang naglapat ang mga labi, kusang nanatili at nananatili sa tabi ng kasama.
Maingat niyang hinaplos ang buhok ni Sunoo, takot na magising ito ng wala sa oras. Nakatuon ang kanyang mata sa helix piercing nito (alexandrite—the lesser known June birthstone) katambal ng kanyang conch piercing (diamond, for April) that they got just yesterday, while on a roadtrip.
“Good morning. Lakas pala ng ulan,” mumungat-mungat pa si Sunoo na nagkukusot ng mata, “musta tulog?”
“Sarap.”
“Good. Saan tayo today?”
“Stay home muna tayo? Hanggang bukas pa raw ‘tong ulan, nagbasa ako ng forecast kanina.”
“Okay. Netflix and chill day, it is.”
“Ha?”
“Bahay lang. Bakit?”
“Ah, wala. Hehe.”
“Hmmkie, sabi mo eh. Antok ka pa?”
“Di na. Okay lang.”
“Dito ka muna? Tulog pa ‘ko.”
Isang oras pa uli ang itinulog ni Sunoo, hindi umaalis sa yakap ni Jeng. Sa ikalimang araw nilang magkasama, nakaadjust na rin ng kaunti si Jongseong sa kilos ni Sunoo. Don’t get him wrong—walang inihina ang kabog ng dibdib niya, o ang sigaw niya sa isipan, o ang gigil sa kanyang panga, pero at least, hindi na siya nagigitla pag susundutin siya ni Sunoo sa tagiliran. At least, hindi na tumitindig ang mga balahibo niya sa likod pag biglaan itong lalapit sa kanya para bumulong, hindi na tumitigas ang buo niyang katawan tuwing babanggain siya nito at ikukulong sa isang malaking yakap, at hindi na siya natutulala (for 5 minutes, 3 na lang) tuwing nanakawan siya nito ng pailan-ilang halik sa labi pisngi, sa noo, sa balikat, sa likod, sa dibdib, at kung saan-saan pa (Special Jay Mental Note: Wholesome) madalas tuwing bago matulog at paggising nito.
Hindi naman na siguro ilusyon lang ni Jeng kung iisipin niyang namiss rin siya ni Sunoo, lalo na at walang maikumpara sa clinginess nito ngayon—walang-wala sa Sunoo niya from six years ago. Hindi siya magrereklamo. Siguro, pareho lang silang bumabawi ngayon, ninanamnam ang presensya isa’t isa bago tuluyang bumalik sa mga abala nilang buhay.
For today, it was Jay’s turn to use Heeseung’s kitchen and dry the pantry up. I-GCash ko na lang siguro yung mga naubos namin, he thought. Sulit naman yung babayaran niya sa kaibigan, lalo na at diretso sa bibig niya tikman ni Sunoo ang kada putaheng ihahain niya dito. Sulit na sulit, kahit siguro magbayad ng sampung milyon, gagawin niya.
“Sarap ba? May kulang?”
“Sobrang sarap. Pero oo, may kulang.”
“Hmm, ano?”
“Dila.”
“Best, sa adobo kasi!”
“Ah, sa adobo ba? Sorry, sorry. Wala namang kulang sa adobo. Sarap.”
Kinumbinsi na lang ni Jongseong ang sarili na mainit lang talaga yung niluluto niya kaya siya namumula ngayon. Oo, tama, mainit lang sa may kalan.
Buti na lang kumpleto ‘tong bahay ni Heeseung, kahit halatang pang-isang tao lang talaga yung lugar. Nakakain na si Sunoo at Jay ng tanghalian, naikot na nila ang buong bahay at nakapaghalungkat na ng mga gamit ng kaibigan nila (andami palang vinyl ni Heeseung), nakapaglaro na rin ng kung ano-ano sa PS5 nito (kahit nagparamihan lang naman sila ng mananakaw na halik habang nagpapaunahan sa F1 22), at sa kasalukuyan, tanging ilaw lamang ng telebisyon ang nagbibigay liwanag sa silid habang nakasalampak sila sa couch—si Sunoo, nakahiga, habang nakaalampay ang mga binti sa mga hita ng nakaupong si Jay, yakap-yakap ang bowl ng popcorn (cheese, no butter) na nakapatong sa may tuhod ng kasama.
“Ba’t aliw na aliw ka sa western films? Matagal ko na yung tanong.”
“Wala lang. Trip ko aesthetics, production. Ewan. Siguro dahil sinasagad talaga nila yung kaya ng budget?”
“Grabe, ang practical pala ng reason. Kala ko naman sentimental or something.”
Nanunuod sila ngayon ng The Notebook (Sunoo: Wow. Obsessed ka pa rin dito. / Jay: Ang pogi ni Ryan Gosling, wag ka magulo.) na parehas nilang kabisado ang mga linya; si Jeng, dahil paborito niya ito, at si Sunoo, because he’s seen the film countless times with the former.
“It wasn’t over for me, you know,” hindi napigilan ni Jeng sabayan ang pag-imik ni Allie sa TV screen ngayon. “I waited for you for seven years. And now, it’s too late.”
Huminga ng malalim si Sunoo, bago ito sundan. “I wrote you once a day, every day, for a year.” Napaupo na rin siya, nakapako ang mga mata sa screen. “Three hundred and sixty-five letters,” napalingon si Sunoo sa katabi, “you never got any of them, did you?”
Wala nang pakialam sa pelikulang pinanonood, mata na lamang ng isa’t isa ang nakikita ni Sunoo at Jay.
“You wrote me every day?”
“It wasn’t over—it still isn’t over.”
“Umuulan din, oh.”
“Oo nga.”
Dalawang salita lang ang kayang gamitin ng tulirong utak ni Jongseong para ilarawan ang mga sumunod na nangyari nang gabing iyon.
Hindi wholesome.
At dahil hanggang kinabukasan pa ang pagbuhos-pagtila ng ulan, hanggang kinabukasan rin silang nakakulong sa bahay pero di bale—may laman pa ang pantry, at hinding-hindi sila mauubusan ng pagkain.
“Hey,” Jeng scoots over beside Sunoo who’s currently watching a series. Katatapos lang makausap ni Jay si Sunghoon, ang co-actor slash newfound friend nito dahil naging close sila over the set. Ito rin ang nobyo ng sikat na dancer na si Ni-Ki, na isa sa kakaunting kaibigan ni Sunoo sa industriya. Ibinaba ni Jeng ang cellphone sa coffee table sa harapan nila at inakbayan si Sunoo kaya napatingin naman ito sa kanya.
“Hmm?”
“Sabi ni Hoon, text mo daw si Riki kung kailan ka pwede makausap. Miss ka na yata, lalo kakabalik lang ni Uno from Germany.”
“Importante daw ba?”
“Not sure eh… Kung kailan mo lang daw gusto.”
“Pwede po ba?”
“H-ha?”
“Pwede ko ba sila tawagan?”
“Oo naman, sure, no problem. Di mo naman kelangan magpaalam.”
“Okay.”
Pero hindi pa rin umaalis si Sunoo sa tabi ni Jeng kaya nagtaka naman ang isa.
“Akala ko tatawag ka na?”
“Five.. ay, ten minutes. Maya-maya na.”
“Haha, sige.”
Jongseong places a peck on top of Sunoo’s head as he pulls him closer, making the latter lean his body on him. They stayed like that for around twenty more minutes before Sunoo decided to finally call his friends, but not before leaving Jongseong staring into nothing after he kissed him full on the mouth. He makes his way inside their room, a small satisfied smile on his face.
Umupo si Sunoo sa higaan matapos nitong kunin ang cellphone mula sa bag. Nang binuksan niya ito, tadtad siya ng text messages, missed calls, at iba pang notifications mula sa kanyang mga social media apps ang bumungad sa kanya. Una siyang nag-update sa family group chat nila. Alam naman ng mga magulang niya na magkasama sila ni Jongseong at hindi na rin naman nagtanong ang mommy niya tungkol rito. Magkukwento na lang siguro siya kapag nagkita na sila ulit matapos ang shooting. As for the other notifs, hindi niya muna ito pinansin at agad na tinawagan si Riki na makaraan ang ilang ring, sinagot na rin ng kaibigan.
“Hello?”
“Noongs! Open mo vid, magkasama kami ni Wons.”
Agad na inopen ni Sunoo ang video at nakita ang dalawang nagkakape sa isang kilalang coffee shop na lagi rin nilang pinupuntahang tatlo.
“Daya niyo, hindi nagyayaya.”
“Excuse me? Sino kayang nag-out of town at hindi man lang ako sinalubong pag-uwi?”
Natawa naman si Sunoo sa sinabi ni Uno, or Jungwon (government name) o Wons (sa kanilang tatlo). Napaayos ng upo si Sunoo, nakasandal sa may bed rest habang tinitignan ang dalawang kaibigan na umiinom ng signature go-to drink nila kapag magcecelebrate, or may open forum session, or simpleng kuwentuhan lamang: ang coffee jelly frappuccino. He takes note of it mentally to tell Jeng na dumaan sila sa café bago bumalik sa set.
“Sorry na! Congratulations pala sa movie! Galing-galing mo, bestie.”
“Adik! Salamat ha, kunyare abswelto ka na sa hindi pagsundo sa’kin. Tsaka ikaw ha, ang daming nakwento ni Direk Woo sa’kin.”
“Nakakahiya namang ako kasama mo, Wons, tapos ako ang walang alam dito?”
“Bakit hindi ka chumismis sa jowa mo? Siya nga ‘tong nasa set din nila. Bisitahin mo kaya minsan?”
“Bawal. Naka lock-in sila tapos busy ako sa mga lessons.”
“Ay, ang special mo naman. Magpapaschedule na din ba kami sa’yo?”
Hinayaan lang ni Sunoo na magkwento ang dalawa sa mga nangyari sa kanila for the past weeks habang medyo binabagabag siya ng mga katanungan sa isipan niya. Ayaw niyang pangunahan ito pero hindi rin niya maiwasan na mangamba sa mga susunod na mangyayari.
“Uy, Noongs?”
“Ha?”
“Noongs, musta? Kwento ka naman.”
Bilang mga itinuturing na pinakamatatalik niyang kaibigan, alam nina Jungwon at Riki lahat ng nangyari at namagitan kay Sunoo at Jongseong. Nang makilala niya ang dalawa matapos aksidenteng magkatagpo ang mga ito sa likod ng isang hotel kung saan ginanap ang isang celebrity ball anim na taon na ang nakararaan (na magkakahiwalay nilang dinaluhan at sama-samang tinakasan noong gabing iyon), naging malapit na ang tatlo sa isa’t isa (lalo na nung nagsuka si Wons sa tux ni Kiks na higit-kumulang isang milyon lang naman ang halaga). Di man sila madalas magkasama-sama, hindi iyon naging hadlang para sa pagkakaibigan nila—alam na alam ng tatlo na kailangan lang nilang tumawag pag namimiss na nila ang isa’t isa, alam ng tatlo na kahit anong mangyari, sasagot sila sa tawag ng isa’t isa.
Ito na nga—sa unang pagkakataon, hindi agad sumagot si Noongs sa tawag ng Wons at Kiks niya. Pero di bale, alam na alam ng dalawa kung bakit; silang dalawa rin naman ang nagtulak kay Sunoo tanggapin ang ‘oh no (i’m fallin’ in love again)’ role kung saan makakatambal si Jay. Alam na alam ng dalawa na kung walang magsasabi sa kanya na ‘okay lang, walang masama,' hindi gagawin ni Sunoo ang gusto niya kahit pa mapapasaya siya nito ng sobra. At ngayon, like always, alam na alam ng dalawa na hindi na lang basta trabaho ang meron kay Sunoo at Jay, alam na alam ng dalawa na hindi simoy ng Tagaytay ang nagbago—sila.
“Di ko alam gagawin ko, guys,” sinundan niya ito ng mahinang pagtawa, “baka mamaya, mali na naman yung decision ko.”
“Yun ba yung tingin mo dun, Sunoo?”
“O…o.”
“Bakit, Noongs?”
“Kasi di naman ako masaya dun, eh . Pero yun yung pinakamature gawin non. Kasi… kasi.”
“Hay, nako.”
Sa loob ng halos isang linggo na nilang pagsasama sa Tagaytay, Sunoo made sure to spend extra effort showing the most genuine of his feelings for Jongseong. Hindi siya nagpakita ng kahit gaano kamunting senyales ng pagkailang, taliwas sa ikinikilos niya tuwing nasa set sila kung saan maraming nakatingin, maraming nakaririnig. Hinayaan niya ang sariling abutin si Jongseong, di alintana ang distansyang binuo ng anim na taon nilang pagkakahiwalay sa isa’t isa.
But he’s just human after all—and to be human means to have and face some very real fears of your own. There’s the fact that in those six years, he has built himself his own place in the industry and so did Jay—and any semblance of a scandal would be sure to topple them down from the top, and Sunoo does not know if he’s willing to risk that.
“Risk risk, syempre willing ka! Sasama ka ba dyan sa Tagaytay kung hinde?”
“May point si Wons, Noongs.”
“Gags, syempre may point ako. Ako yata ang pinakamatalino sa friendship na ‘to.”
“Tama ka na, mas mataas IQ ni Noongs sa’tin.”
“Walang IQ IQ pag voluntary ang katangahan, Kiks.”
“Yikes, Noongs, tanga ka raw. Hala, shuta, huy! Iiyak ka ba?”
“Gags, puntahan ka ba namin?”
“Ikaw lang, gago. Sorry Noongs, miss ko jowa ko. Baka… sana sakalin ako ni Hoon pag iniwan ko siya bigla ngayon.”
“Traydor ka.”
“Sorry ha! Porket katrabaho mo si Jake, punyeta, edi ikaw na!”
Natauhan naman si Sunoo sa salita ng mga kaibigan. “Uy, grabe, wag na. Paalis na rin naman kami bukas.” Paalis na… magsasarili na ulit sila. Pede bang wag muna? Ayaw niya munang pakawalan si Jongseong. Ayaw na niya—tama na siguro yung anim na taong ibinigay nila sa mga sarili para tuparin ang mga pangarap nila, magkahiwalay man nilang inabot ang mga ito.
“True, Noongs. Tama na yung six years. Grabe, six years na wala si Jake? Matutuyo ako.”
“Iwww! Kadiri ka, Wons.”
“Gago, hindi kasi ganun!”
“Ewan ko sa’yo. Kadiri ka. So? Noongs?”
“Ewan. Di ko alam gagawin ko, haha. Baka makadisappoint na naman ako ng mga tao.”
“Puta, puro naman ibang tao iniisip mo Noongs, eh.”
“Onga, Noongs. Ano ba pake mo sa iba? Malaki na tayo, oh. Pede ka na maging selfish, bestie. Kung magka-dating issue kayo, eh ano naman? Walang-wala sila sa apat mong FAMAS at ilang taon ka lang? Twenty fucking six.”
“Ako lang ang malaki dito, Wons. Manahimik ka bansot.”
“Pakyu. Pero yun nga, Sunoo, para sa’yo. Hindi para sa iba, o para kay Jay, pero para sa’yo, ano ba ang gusto mo?”
Natahimik si Sunoo habang iniisip ang mga salitang binitawan ni Jungwon.
Gusto…? Si Jeng.
All these years, siya lang naman ang gusto ni Sunoo. Si Jongseong pa rin.
Yung gusto niyang makausap lagi, yung gusto niyang makasama lagi, yung gusto niyang kapiling lagi. Ni isa—walang pumantay sa kanya. Hindi rin naman siya naghanap ng kapalit. Ayaw niya maghanap ng ipapalit.
Si Jongseong lang naman ang gusto mahal pa rin niya.
“That’s the answer you’ve been looking for, Noongs.” Hindi napansin ni Sunoo na baka nasabi niya pala ito ng malakas sa sobrang pag-iisip niya kaya nadistract na lang siya sa biglang isinagot ni Riki. Magulo man ang isipan, natutumbok na niya ang mga sagot sa bawat katanungan na mayroon siya. Ngumiti si Sunoo habang nagpapaalam ang dalawa dahil sinundo na sila nina Sunghoon at Jake para sa kanilang double dinner date.
“Sama na kayo next time, ha?” pahabol pa ni Jake bago niya ibaba ang tawag.
Hay. He finally admitted it to himself. Hindi man niya sabihin pero alam niya ito sa kaibuturan ng kanyang isipan—he never really unloved Jongseong. He never did. Those words that he said, he regretted them. It was a lot for him, obviously. But his young self was that selfless—he thought that it would be the best for them, for Jeng, especially. He didn’t want to be in the way of Jongseong and his dreams. He knew he will always support him, no matter what happened, even if it meant supporting him has to be from afar.
And now… Sunoo only thinks about one thing: it’s always been him, all this time. Si Jongseong lang, and it's time to stop pretending he's okay. It's time to stop pretending he wanted them broken up, and not down in each other's arms.
After those six years of living in a lie he created for the two of them, Sunoo decides enough is enough. He knows it’s what Jongseong deserves—only the truth, only the most real of actions that Sunoo can muster. Not the 'we’ll be okay, we have a long life ahead of us' bullshit he gave him when he broke up with the latter six years before, not even heeding his Jeng’s wishes to fight for what they had in those moments.
Only the real Sunoo—and that’s a Sunoo who has never stopped loving his Jongseong.
Medyo tumila na ang ulan. Makakalabas na ulit sila. Pwede na ulit sila magroadtrip, mamasyal, o magpunta kung saan man. Ah, nga pala. May hindi pa pala sila nababalikan—ang naudlot na ferris wheel sa Sky Ranch. For sure, nasa isip na nila ito parehas kahit na hindi sabihin. Kaya naman pagkakain ng brunch, nag-ayos na rin agad ang dalawa para makapag-ikot-ikot pa tutal maaga pa naman. Marami pa silang ibang pwedeng puntahan pagkatapos.
Pasado alas diyes pa lang, halos kakabukas lang ng amusement park nang bumili sila ng dalawang ticket para sa Sky Eye. Hindi na nila inintindi kung nakilala man sila ng kahera o hindi, basta ang mahalaga, makuha nila ang pakay nila ngayong umaga.
Sky Eye. Sakto, maaraw-araw pa. Kasalukuyang nakikita nila ang kagandahan ng buong Tagaytay, tanaw ang Taal Volcano, pati na rin ang mga karatig na lugar nito; malamig ang simoy ng hangin. At kahit nasa loob sila ng ride, dama pa rin ang ginaw kaya naman nang isinarado ng staff ang pinto, agad na lumipat si Jongseong sa tabi ni Sunoo para balutin ito sa kanyang mga bisig at yapusin ito nang mahigpit.
Walang-wala ang kapal ng sweatshirts nila sa init na dulot ng katawan ng isa’t isa habang mapayapa nilang tinatanaw ang kabuuan ng Tagaytay. Ni isa, walang nagsasalita, pero ramdam nila ang mga gustong iparating ng kasama sa bawat hawak ng kamay, bawat akbay, bawat yakap, at bawat halik sa ulo, pisngi, at labi一ramdam nila ang mga salitang hindi sinasambit, kasi ito sila eh, walang dinidiretso. They know to what note the other's heart beats to, and maybe, that is enough.
Or not.
The deeper quantum mechanics has always been Sunoo's thing, by extension of his love for calculus. Jongseong's more interested in existing postulates and the beauty of geometry, but that does not mean Jeng does not listen and try to understand the things Sunoo tells him—mostly about the larger theories of the universe, stuff that the smarter people of this planet has made accessible and much more comprehensible to those who couldn't care less about knowing how the existence of black holes theoretically makes time travel possible, or that as long as the String Theory is not solved, teleportation would not be possible.
Noong babago pa lamang silang nagiging malapit sa isa't isa pagkatapos magkakilala sa isang televised quiz show, Jongseong was introduced to a Sunoo who has been obsessed with the theory of general relativity. The latter tried to explain to him how time and space are interwoven into a single continuum, and that specifically large objects have the power to warp this continuum.
"Kunyare, you have a piece of paper, tapos meron kang basketball. When you let that paper hold the ball, magwawarp yung papel, di ba?"
" Okay, I'm following."
"Now, think of the ball as the sun, and the paper as the space-time continuum. When space-time warped around that specifically large object, other bodies around it, like ang Earth, for example, get pulled into the Sun's field of gravity."
"Uh-huh."
"As a result, time is experienced differently. That's why most dumbed down explanations of the theory of relativity use the time explanation, na some events take place faster for others, while slower for some."
"Hmm."
It was a bust—pumasok sa isang tenga, lumabas sa kaliwa, pero ngayon, about ten years later, Jeng began to understand what it meant.
In the confines of a Sky Eye capsule, Jongseong experienced his own version of the sun warp through his own space-time, and being one of the floating worlds around Sunoo, he had no choice—not that he'll choose to do any differently—but to get pulled into Sunoo's field of gravity, time suddenly flowing differently for him.
"Ano iniisip mo?"
"Theory of general relativity."
"Interesting. And what about Einstein's greatest work?"
Six years—that may be long for others, but right now, with the sun confined in the warmth of his arms, six years felt like nothing to Jongseong. Six years, six seconds—nothing much is different. If six years without him was what Jongseong needed to have Sunoo like this again, he'd be willing to spend six lifetimes deserving it.
After all, no time is long enough to make him stop thinking of him, even on his own, even when the air was thin around his lungs, and even when the world faded to black and white like an old movie when the sun decided to be gone from his life.
"I'm understanding it just now."
"Ten years later?"
"Ten years later."
After all, no time is long enough to make Jongseong stop loving Sunoo.
"If you really understand it now, what does it say then?"
Jongseong did not respond. Instead, he just left a soft kiss on the sun's head, not minding the heat of the realization about to subject him to spontaneous combustion. Knowing that Sunoo's heart beats the same tempo as his own is not enough; Sunoo deserves words—not vague feelings, not ambiguous motions, not meaningful touches, hugs, kisses.
It says 'I still love you.'
Mahal ni Sunoo ang trabaho niya, pangarap niya 'to eh. Yung magising biglaan sa gitna ng gabi, pinagmamadali para sa isang shoot na naresched, bumyahe ng malayo, makakilala ng maraming tao along the way, at makita ang iba't ibang perspektibo nila sa buhay.
Sa unang pagkakataon, medyo (medyo lang talaga) nanghinayang siya sa tawag ng manager nya.
"Sun, sorry, I know it's your personal time. Direk called, napaaga raw yung flight nya. Nakauwi na rin sina Uno, right?"
"Hi, Papa Chim, opo. Natawagan ko na po yung dalawa."
"Ayun. Balik raw tayo tomorrow, eh."
"Oh… sige po. I'll be ready."
"Need mo ba ng sundo? Nasa Sunpod ka ba?"
"Ah, no need, Pa. I'll come myself on the set na lang po. Pasend na lang po ng location if ever."
"Sure ka?"
"Yes po, I'll be safe."
"Sige, itetext ko sa'yo. Please call me immediately if anything happens, ha?"
"Yes, Papa Chim. Thank you po."
May isang araw pa dapat si Sunoo to make the most of his time with Jongseong before they go both back to their lives, and that's a life without the other in their every day. Siguro iisa lang sila ng iniisip ni Jeng nung pumayag agad ito sa yaya nya.
"Tara lomi?"
"Tara? May bukas pa naman siguro at this time, right?"
Simple lang: ayaw pa nila mawalay sa isa't isa.
Mabilis silang naglinis ng bahay ni Heeseung (di naman sila masyadong nagtagal dahil wala naman silang mga ginulo maliban sa kama) at nag-impake. Mula Tagaytay, binagtas nila ang kalakhang Batangas para tuntunin ang bayan ng San Juan, kilala sa mga pop-up lomi stands na kalat sa tabing-kalsada at nagsisilabasan tuwing lumalalim na ang gabi. Di naman sila gaanong nahirapan maghanap at mamili ng kakainan along the highway, kaya mabilis rin silang nakabalik sa byahe papunta sa shooting location nila sa Tayabas, Quezon. Binagalan pa ni Sunoo kumain at dinaldal pa si Jay nang matagal pero parang pagkakataon na ang nagsasabi na hanggang dito na lang, matuto ka munang makuntento.
Hanggang dito na lang ba talaga?
Sobra-sobra na ba talaga yung anim na araw na kasama nya si Jongseong, pakunswelo sa anim na taong isinugal nya para sa kinabukasan nilang dalawa?
Sobrang selfish ko na ba kung hingin ko din yung habangbuhay nya?
“Jeng.”
Napatigil si Jay sa pagsabay niya sa Everything Has Changed ni Taylor Swift na kasalukuyang background music sa loob ng kotse. Hindi nito inalis ang mata sa kalsada, pero naramdaman ni Sunoo ang mahinang pisil nito sa kanyang kamay bilang senyales na nakikinig ito sa kanya.
Wag mo muna akong iwan. “Nagmamadali ba tayo?”
“Hmm, hindi naman.” Nakahinga si Sunoo ng maluwag, ngunit binawi rin agad ng mga sumunod na salita ng katabi, “bakit? Anong oras na ba?”
“T-three fifteen.”
“Hmm, feeling ko naman makakarating tayo on time. Sige, kape muna tayo?”
“Okay.”
Di bale nang magpalpitate, naisip ni Sunoo, quota na sya sa kape pero kung isang litro nito ang kailangan para mas matagal nya pang masolo si Jeng, walang dalawang-isip nya itong lalaklakin. Kahit naman sumabog ang puso nya, wala pa ring tatalo sa kabog nito tuwing malapit sa kanya si Jongseong.
Di bale. Maliit na bagay.
“Dalawa pong mocha valencia.”
“Isa lang, Kuya.”
“Ayaw mo?”
Halos matunaw na si Jeng sa counter ng café na tinunton nila ni Sunoo sa may Candelaria nang pigilan nito ang kamay ni Jeng na mag-aabot ng pambayad sa cashier, nagpapaawa ang mga mata.
Ang cute. ANG CUTE—Jeng, pag-alo niya sa sarili, maging malakas ka, Jeng.
“Ayaw mo.”
“Huh? Gusto ko kaya.”
“Kuya, matcha smoothie na lang po yung isa,” mabilis niyang sabi sa cashier na agad namang naipunch ang order niya sabay abot sa kanyang bayad, “kala mo ba di kita nakitang magkape nung nagliligpit ako ng gamit? Tama ka na.”
“Grabe kala ko pa naman magaling na 'ko magtago.”
“Not as much as you think.”
Umupo muna sila sa isang table habang iniintay ang kanilang order. Tahimik lang si Sunoo na pinapanuod ang kalsada sa labas at ang mga kokonting dumadaan na mga sasakyan.
Inip na ba sya? “Sorry.”
“Hmm?” Dito ka lang muna sa’kin, please.
“Inip ka na yata.” Konti pa, konting oras pa.
“Okay lang.” Di pa ‘ko ready pakawalan ka eh.
Dumating na yung order nila—ang bilis naman. Take out lang rin naman ito kaya pagkaabot, dumiretso na rin agad sila pabalik sa kotse. Matapos ipagsara ng pinto si Sunoo, umikot na rin si Jeng tungo sa driver’s side pero huminga muna siya ng ilang minuto bago tuluyang pumasok.
“‘Nong ginawa mo?”
“Nagbanat lang.”
Mamaya, kakayanin ko na ulit mag-isa.
Kung sa ganito sila magkakasama ng matagal, di na rin siguro masama na tumirik ang kotse ni Jeng sa kabukiran ng Sariaya. Ngayon, naghihintay sila sa loob ng kotse, nakababa ang bintana, dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin habang hinihintay ang mahinahong pagsikat ng araw.
Late na sila ng isang oras sa call time at walang signal ang mga telepono nila pero, hey, at least, magkasama.
"Nothing gets better than this."
"Just so I'm sure, sarcastic ba yan?"
"Nope. Totally sincere."
Naghihintay silang may dumaan na sasakyan pero medyo minamalas sila—sa ibang ruta napili ni Jongseong dumaan at ngayon, di sila makahingi ng tulong. Walang bahay ang naaabot ng kanilang paningin, at medyo madilim pa rin kahit malapit nang sumikat ang araw. Idagdag pa na medyo may kakapalan pa ang umagang hamog, kaya naman pinipili muna nilang manatili sa loob ng kotse kesa maglakad sa labas hanggang makakita ng ibang tao.
"Jeng?"
"Hmm?"
"Kamusta?"
Somehow, without much words said, Sunoo's question made perfect sense to Jeng. Ito na siguro yun—maybe this time, Sunoo will hear him out. After all, they're not kids anymore. This time, he can protect what they have.
"Mahirap."
"Hmm."
"Totoo pala 'yun, 'no? When they paint us in black and white to symbolize na gumuguho yung mundo ng roles natin, sincere pala 'yun? Kasi ganun yung sa'kin, Best, ganun nung nagbreak tayo. Akala ko kasi lalaban tayo ng magkasama."
"Sorry."
"Don't be—it took me long, pero I've come to understand why. It was the best decision you could make, and I thank you for making that for both of us. Kasi I couldn't have."
"Was it? The best decision?"
"At the time, yes. Truth be told, wala naman tayong magagawa."
"But we were lonely. Or at least, I was. I am."
"I am, too. Or I was."
"Oh. Di ka na malungkot?"
Jeng knows he could have answered this since he's already set on baring his truth to Sunoo right now, pero pinili niyang ilihis yung usapan nila.
"Ikaw, how were you?"
"Tatawanan mo 'ko."
"I promise I won't."
"I self-destructed."
"I'm not laughing. Was it hard?"
"It was. I learned to drink, got good at it. Learned to smoke, though down the line, I realized that wasn't for me. Medyo nahirapan sina Mommy pero siguro, ayaw na rin nila banggitin sa'kin kasi sila yung nakakakita eh. How I look every time I hear your name on the TV. When I see your billboards. When there's a new dating rumor. You remember way back in late 2016? Ay, wait, baka di ka aware—"
"Drunk driving. So that was true."
"Yes. Yep. That was true. That was when I thought totoong nagdedate kayo ni Jennifer."
"Jennifer… Huh? Three months after we broke up?"
"Bakit ba? Akala ko nagmove on ka na eh, ganon. Ang close nyo."
Natawa naman si Jeng sa ekspresyon ni Sunoo—nakatungo na ito, namumula, naninilos ang nguso, pero nakahawak pa rin sa kamay nya. "Syempre close kami, kababata ko si Ate Jen, eh. I never got the chance to introduce her to you kasi nakauwi lang siya dito from the US, nakapagbreak na tayo. I can't exactly call you up just to introduce my ex to my Ate, right?"
"Anyways. Nagrelease na lang sina Papa Chim ng statement na may sakit ako papuntang ospital by myself, instead of being dead drunk behind wheels wanting to end the career I called my dream."
"Do you still feel like ending it?"
"No. That was short-lived. Kasi nakilala ko sina Wons. They saved me, literally."
"How'd you become friends?"
"Umattend ka rin nung Cosmos Ball right? Of course, umattend ka. You were the star of the night."
"Hinanap kita no'n, actually. I saw the guest list and found your name, pero buong gabi, di man lang kita nakita. Akala ko you ditched or something."
"Well, I was there. Until I wasn't. Tumambay ako sa nearest 7/11 tapos nilaklak ko mga Heineken nila don. Buti na lang walang papz. Oo nga, 'no? Buti na lang walang papz. Anyways, nung pabalik na 'ko sa hotel, sa likod ako dumaan and I stumbled upon a very drunk Jungwon na nakahiga sa lupa."
"Malakas uminom si Jungwon?"
"Mas malakas ako pero yun nga, kala ko may patay. Nagising ako ng wala sa oras, lasing na lasing na 'ko nun eh. Tapos pagtingin ko sa malapit, nakaupo sa lupa si Riki. Sinukahan ni Wons yung Aloysius nya. Long story short, umiinom na lang kami ng mabigat pag magkakasama, which is not very frequent. Tumigil rin ako sa pagsmoke kasi ayaw ni Kiks sa amoy. Buti na lang, di pa ako sobrang dependent nun."
"You had a good support system."
"I did."
"May tanong ako."
"Shoot."
"Si Ham."
"Ah, yes. Hamilton. I got him siguro months before I met yung dalawa."
"So when you got drunk…"
"Yeah. Yep. Was trying to stop the thoughts. Thoughts of you. Pero kahit lasing, you're still all I could think about. I was gonna bake cornbread that night."
"My fave."
"Your fave."
Clearly, they have a lot to talk about. Six years away from your lover, but most of all, your best friend, is bound to result in a very long talk, and a lot to catch up on. At the moment though, all they were hoping for was more time.
Just a little bit more. To end this, or begin again, it doesn't matter—but just to settle this down, once and for all.
"Sunoo?"
"Hmm?"
"Do you still remember when we broke up?"
"How could I forget? Most fucked up version of me, ever. I dream about it from time to time."
"Mahal din kita."
"Oh."
"I still do."
For closure.
"I don't deserve you, Jongseong. I don't think I do, anymore."
"That's for me to decide."
And like the clichés Jongseong so loves, a car passed by them and stopped to help, offering Sunoo and Jay a way out of their past, finally getting to move on to where they should be going.
Now, off to Tayabas.
"So, aalis ka pa rin?"
"Ja—please."
"Anong please? Iiwan mo pa rin ako? Iiwan mo na naman ako?"
When they finally got better reception, the two immediately called their managers and let them know about their whereabouts. It was good that everyone was called to set, kaya di masyadong nasayang ang mga oras na stranded sila. Direk decided to shoot other minor scenes while their teams were looking for the two of them, until Sunoo and Jay finally called.
When they arrived after thanking and signing some merch for the good old couple who helped them get to Tayabas, agad na inayusan si Sunoo at Jay ng staff nila, not much questions asked. That does not mean they heard nothing from their managers. Oh, they heard a lot of things, alright. After all, the main actors were missing and could not be contacted for over three hours.
After getting their makeup done, Direk Woo immediately gave them a rundown of what the next scene's setup would be—what he wanted to see, what he wanted to feel once Sunoo and Jay take up their proverbial masks and get into their characters. This would be one of the last two shoots they'll film together, the other one being their film's closing scene.
Matatapos na yung pelikula nila, pero di pa rin alam ni Sunoo kung nasaan sila ni Jongseong ngayon. Nung sinabi ni Jay na mahal pa siya nito, di naman yun akalain ni Sunoo. Di niya naman akalain na pareho silang di pa nagmumove on, di niya naman inasahan na hanggang ngayon, pareho pa silang kumakapit sa dapat wala na, sa dapat tapos na.
Sa tinapos nya.
Now, Sunoo's eyes are brimming with tears, and Jay's a complete mask of anger, his jaws looking so tight they feel like they will snap any minute.
"Di lang naman ikaw yung nag-isa ah? I was alone, too!"
"AND WHOSE FAULT WAS THAT?"
Jay was not meant to shout. He was not meant to raise his voice at all.
"Oo na! Ako na! Kasalanan ko na! Ginusto ko ba yun, ha? Tingin mo ba, ginusto ko?"
"Hindi ba? Aminin mo, hindi ba?"
"Ang sakit-sakit mo na, ha. Please, wag muna tayong mag-usap. Galit ka, at pagod ako. Wag muna ngayon. Let's calm down. Baka magkasakitan pa tayo."
Sunoo grabbed a nearby chair and sat, his back facing Jay.
"Bakit, hindi pa ba? Pagod din naman ako, ah. Kasama mo 'ko all this time. Pagod din ako. But I want us to talk. I want us to get this out of our way. Samahan mo naman ako."
"Di ko pa kaya."
"Can't you try, at the very least? For the two of us?"
"Takot ako, okay? Takot na takot ako na this will go wrong and I'll fuck everything up. That I'll fuck you up. Okay ka na, eh."
"I was not. I am not. I have never, never felt okay since you left."
"I thought you understood—I did that for the both of us. For both of us!"
"And I regret that I let you! I regret you all the time, Shion."
"You did not—you did not just say that."
Napatayo si Sunoo sa kinauupuan upang harapin si Jay, nakakuyom ang mga kamao sa bawat tagiliran, nakatungo, nagpipigil ng galit.
"If loving you would be this hard, then yes I did. I said that. And I want you to hear it."
“This is my dream, love, ang maging abogado. Alam mo naman ‘yun, diba? From the very beginning, you know that I’ve been wanting this, working for this to happen. And now that it’s within my reach, you’ll hinder me from reaching it?”
Looking at Jay's eyes filled with so much pain and anger was too much for Sunoo—he feels himself breaking then and there, the cameras and the lights all turning into one blurry sight before him. Now all he sees is Jay, and the tears that keep blocking the sight of him.
“Huh, wow. Kung makapagsalita ka parang mag-isa ka lang all these years, ah, love ? Pangarap natin , Shion! Hinder you? Sagabal lang ako sa’yo? Four years, bibitawan mo na lang? Kasi ako, di kita kayang bitawan, Shi!”
“Jaan.”
“Jaan —bwisit. So ganun na lang? Wala ka na ibang masabi? Kaya mo talaga ‘kong bitawan, Shion? Ang dali-dali ko bang iwan para sa'yo, ha? Ganun ba yon? Kasi lagi kitang inaantay? Kasi lagi kang may babalikan sa'kin, ganun ba? Wag mo 'kong gawing tanga. Hindi. Ako. Tanga."
Hindi na makahinga si Jay—ang sikip-sikip ng dibdib nya, ang sakit-sakit ng ulo niya, at pulang-pula na yung paningin niya. Patuloy lang ang daloy ng mga salita niya, di na namamalayan ang mga luhang sumasabay dito. Hindi nya 'to kaya; hindi nya kayang makita si Sunoo nang ganito—umiiyak, namumula, natatakot sa kanya. Hindi nya kaya.
"Jaan, please. Please let me do this."
"Let you do what? Lagi mo namang ginagawa ang gusto mo, ah? Kelan kita pinigilan? Isa lang yung hinihingi ko, Shion. Wag mo lang naman akong iwan . Pero di mo kaya, kaya sige. Let's end this. Ako na yung aalis, para di ka na mahirapan. Okay na."
"Love—"
"Stop. Stop calling me like that. It's not your place to call me like that anymore. You never loved me, Shion. You only ever loved yourself. Tapos na tayo."
Jaan stepped towards Shion, closing the two of them in a hug. Shion immediately brought his arms around Jaan, tightening their bodies together.
"I love you. Jaan, I love you."
Jaan smiled bitterly.
"No, Shion. You don't."
"Three, two… and… cut!"
After the heavy scene, Sunoo excused himself and left the set while still crying and trying to calm himself down. He felt his own mind eat away at itself—all those restrained emotions are now released and it was just too much. He could not breathe for a minute so he made his way out, away from everyone.
Jay just followed him with lingering glances.
Umalis muna ang ibang mga staff and crew matapos silang mapabilib sa pinakamaganda na atang performance ng dalawa sa buong careers nila. Naiwan si Jay na nakaupo sa gitna ng set habang pinapanood si Papa Chim sundan si Sunoo paalis. Nilapitan siya ni Chaewon, ang manager niya, para bigyan siya ng tubig. "Hinga ka muna, Jay."
Matapos iassure si Papa Chim na okay lang siya at kelangan niya lang ng panahon para kumalma, dumiretso si Sunoo sa isang kwarto sa loob ng bahay na pinagshushootingan. Buti na lamang, walang tao rito kaya malaya niyang napaagos ang mga natitirang luha, at nailabas ang mga naiwang emosyong nagpapabigat sa dibdib nya ngayon.
Ganun siguro talaga yung pakiramdam, ano? Medyo maluwag na, mas nakakahinga na kahit papaano, pero ang bigat pa rin. Anim na taon ba naman niyang bitbitin, sino bang hindi mabibigla doon? Para siyang nagbuhat ng isang sako ng bigas sa loob ng ilang oras na biglaan niyang binitawan—para tuloy siyang sinuntok sa biglaang pagpasok ng hangin sa mga baga, parang nalulunod at biglang hinila pataas sa ibabaw ng mga alon.
Masakit huminga, pero oras lang naman ang kailangan niya.
"Hey. I'm worried about you."
Nakasandal sa may pinto ang nakahalukipkip na si Jay, still in his costume like him.
"Hi. Hindi ka pa bihis?"
"Mmhh. Mamaya na. It's comfy naman. Ikaw. Pawisan ka, oh."
"Okay lang ako. I just have to breathe."
"Can I sit with you?"
"Sure."
"Talaga? Sure? I can give you more time. I just wanted to check, kasi nagwoworry sila sa—"
"Jeng, umupo ka na lang. Dami mo sinasabi."
"Okay. Okay."
Jay approached and sat beside Sunoo, a clear distance visible between them again.
"Ang layo mo."
"Is it fine to get closer?"
"I will tell you if something's not fine."
His co-star scooted closer to him, and now they're sitting on a bed shoulder to shoulder, staring outside beyond the opened capiz window of a traditional wooden home.
"Was it like that for us?"
"Hmm?"
"Did you feel like nakakasagabal ka sa'kin?"
"No."
"Totoo? You're not saying that just to make me feel better?"
"I felt your love enough that I just know you never treated me like that, Sun. Are you worried about that? Don't be. I told you—I've come to understand. And I'm not blaming you, I never did. It just… wasn't our time."
"Hmm."
"Don't tell me you feel guilty."
"Okay."
"Sunoo. "
"Sabi mo wag ko sabihin."
"Oh my God."
Napabalikwas si Jeng paharap sa kanya, nanlalaki ang mga mata. "Wag."
"Hmm?"
"Don't blame yourself, because I don't. If you're still doing it, then stop right now. You can stop now, Best."
"I hurt you."
"You didn't mean to."
"Still."
Trying to stop another set of tears coming, napasandal na lang ng noo si Sunoo sa balikat ng kaharap, who immediately put a comforting hand on his nape.
"You were hurt, too."
They stayed like that for a few minutes, with Jay's hand traveling down to the small of Sunoo's back, and staying right in front of his venus' dimples.
"Would it be fine if I wanted to be selfish just this time?"
"It's gonna be fine, baby. You deserve it. We both do."
Taking Jay at his word, Sunoo decided it was time to stop being so afraid. He's not Shion—he won't waste and lose this second shot at love. He's not gonna let go of Jongseong again, not when he knows he's perfectly capable of holding both him and their dreams now.
With all the courage he's ever mustered up in his entire life, he took his first steps toward that happiness he so deserves— they both deserve.
"Jongseong, balik ka na sa'kin?"
Makaraan ang ilang taon, ganap na abogado na si Atty. Shion Jeon. Maraming kaso na rin siyang naipanalo at natulungang mga tao. Kung sa tingin ng iba’y wala na siyang maihihiling pa sa buhay, well, nagkakamali sila. Tila ba palaisipan sa mga katrabaho ni Shion sa law firm kung bakit nga ba ito hindi nagkakaroon ng nobyo. Alam nilang tutok ito sa trabaho’t handang ibigay ang lahat pero bukod sa sarili niya, para kanino nga ba niya ito ginagawa?
“Atty. Jeon, all set na po ‘yung team building natin by next week. Sasama po ba kayo?”
“Atty. Shi, sige na.”
“Huy, ‘wag ka ngang masyadong casual! Nakakahiya, baka busy si Atty.”
“Ay, hala, sorry po! Kung gusto niyo lang naman po一”
“Sasama ako.”
Nagkatinginan sina Haerin at Eunchae nang marinig nila ang sinabi ng senior. Parang hindi pa rin makapaniwala ang dalawa sa narinig, halata sa bigla nilang pagtahimik at pagpapalitan ng tingin.
“Sasama nga ako. Pasend na lang ng location, ha?”
Sa kabilang banda, kasalukuyang isa si Jaan Moon sa mga tinitingalang basketball players sa bansa. Matunog ang pangalan niya sa larangan ng isports, lalo na ngayong naipanalo ng kanyang team, Katinko Painkillers, ang championship sa Season 48 ng PBA. Siya rin ang pinarangalang Most Valuable Player ng season kaya naman just in time ang celebration ng koponan. Tiyak ngang hindi nasayang ang kanyang pinagpaguran, mula noong nagsisimula pa lamang siya bilang bahagi ng varsity.
“Oh mga boss, settled na. Sa Laiya raw tayo sa weekend.”
“Oy, walang mang-iindian! Ang hindi pumunta, bangko!”
“Gago!”
“Pwede ba magsama ng plus one?”
“Kung jowa o asawa, sige!”
“Respeto naman sa wala!”
“Oo nga, mainggit pa si Jaan sa inyo!”
Napangisi’t napailing nalang si Jaan habang nakikinig sa usapan ng mga kateammate. Hindi naman siya naiinggit, sa totoo lang. Masaya nga siya para sa kanila. Pero kung tatanungin siya… no comment.
Sabado ng umaga, punong-puno ang parking lot ng isang kilalang resort sa Laiya. Bali-balita’y dito raw magbabakasyon ang isang sikat na basketball player but Sunoo did not pay it the tiniest bit of attention. Oo, narinig lang niya yun sa mga katrabaho niya. Yun lang.
“Kumpleto na ba ang lahat? Sige, punta muna kayo sa mga assigned rooms tapos magkita-kita na lang tayong lahat around lunch time. Pahinga muna tayo,” anunsiyo ng Senior Lawyer nilang si Atty. Jeonghan Yoon na excited na yatang matulog sa resort. Napailing na lang si Shion habang papunta sa kanyang kwarto para makapagpahinga rin muna’t sobrang pagod rin sila sa biyahe galing Maynila.
Rinig ang lakas ng boses ng mga basketball players nang makapasok sila sa loob ng lobby ng resort. Hindi naman nila unang beses magbakasyon pero mistulang mga bata kapag nakakalabas na ng court. Matapos makapagcheck-in, binigyan na ng susi ang mga magkakasama sa bawat kwarto nang mailapag nila ang kanilang mga gamit.
"Kuwatro, susi! Una na 'ko sa room, ha? Tulog muna."
"Ge, boss! Sunod na lang ako! Ako na bahala dito."
"'Lamat!"
Sinalo ni Jaan ang susing hagis ng kaibigan, sabay tunton sa kwartong napapunta sa kanya. Nakapikit na siya nang maalalang may naiwan pa pala siya sa labas ng silid nila. Mabilis siyang bumangon at lumabas, bago pa tuluyang lumalim ang kanyang antok at kapoyin siyang tumayo.
Di naman nya inexpect na iba pala yung makikita nya pagbukas ng pinto.
Doon, sa harap ng pintong katabi ng silid na nakalaan sa kanya, pinipilit ng isang masyadong pamilyar na mukhang pumasok. Wala siyang naiwan sa labas, pero yung nang-iwan sa kanya (at iniwan niya rin), nasa labas.
Hindi naman siya bitter. Hindi talaga.
"Baliktad."
"Ha?"
Pinagmasdan niyang tumunghay ang nakakunot ang noong si Shion, halatang nagulat nung makita kung sino ang kaharap.
"Yung susi mo. Baliktad."
"H-ha—ah. Sorry."
Wala pang isang minuto'y nabuksan na nito ang pinto tungo sa loob ng sarili nitong silid.
"H—Hi."
"Hi. Bye."
"Jaan—"
Bakit ba? Bakit ba ang hina-hina niya pagdating kay Shion? Akma na sana siyang babalik sa loob ng silid niya para ituloy ang naudlot niyang tulog nang tinawag siya nito.
"..."
"Hi."
"Paulit-ulit?"
"Sorry. Kamusta, No. 20?"
"Actually, it's 24, Attorney."
"Twenty-four? That's not—"
"It is. Birthday mo."
Hearing how Jaan made 24 his professional playing brand made Shion feel weird inside. He should've moved on by now—Jaan should have. After all, Shion has hurt him a great deal. He deserves to be free of him by now.
"I'm doing fine. Season MVP. All is well."
"Parang may 'but' na kasunod."
"But I'm not happy."
"Oh."
"Someone's missing."
Ayaw naman umasa ni Shion—pero bawat minutong lumilipas, bawat salitang binibitawan ni Jaan, bumabalik kay Shion lahat ng hiling na pilit niyang itinatago sa puso mula noong nagdesisyon siyang unahin ang pangarap bago ang pagmamahal. Laging mauuna yung katotohanan na nasaktan niya si Jaan, at ni paghingi ng patawad mula rito, wala na siyang karapatan.
"...Can I help?"
"Yes. Gawin mo lang mga sasabihin ko."
"Hmm. That does not sound very legal… but maybe we can negotiate."
"Oh, believe me. This is very legal."
Seeing Shion after all this time, Jaan thinks maybe it's time he stops letting the former get away with doing what he wants. It's about time he starts working for what he wants, instead of letting Shion dupe him again. He already got his dream—it's time for Jaan to get his.
"Ano 'yun?"
"Marry me."
"Huh?"
Matunog na palakpakan ang narinig nang mabuhay muli ang mga ilaw sa sinehan. Premier ngayon ng oh no (i'm fallin' in love again) na pinagbibidahan ng pinakamalalaking pangalan ngayon sa industriya, sina Sun Kim at Jay Park. Tumayo sila upang malugod na yumukod sa mga kasama sa sinehan, at bilang pasasalamat na rin sa suporta ng mga ito na rinig na rinig sa bawat palakpak at sigaw sa film house.
Mas nabuhay pa ang mga manunuod nang gumulong na ang huling slide ng credits, inaanunsyo ang untitled Part 2 ng sine. Oo—magtatambal uli ang dalawa para sa isang sequel, isang sorpresang pilit na itinago ng buong production team sa media hanggang sa sumapit premier night. Hinanda na ni Sunoo at Jay ang mga sarili sa mga katanungan ng mga reporter paglabas nila ng sinehan. Mahaba-habang takbuhin pa ang itatakbo nila—simula pa lamang ito. May apat na linggo pa silang bubunuin habang ipinapalabas ang ON(IFILA) sa mga sinehan sa buong bansa.
"So, Sun, anong first impression mo kay Jay?"
Kasama nila ngayon sa isang late night weekend interview si Wendy, ang sikat na talk show host ng One of These Nights.
"Sa totoo lang, naintimidate ako sa kanya."
"Hala? Ikaw pa naintimidate sa'kin?"
"Oo! Kasi wala pa 'kong napapanuod na film mo."
"Oh my G—Oh my, Jaynation, narinig nyo ba yon?!"
Napahalakhak ang audience sa set, halatang aliw na aliw na chemistry ng dalawa offcam.
"Grabe, Sun, totoo? Wala ka pa napapanuod kahit ano sa works nitong si Jay? Tagarito ka ba?"
Napatawa naman silang tatlo sa tanong ni Wendy.
"Sorry na kasi. Pero totoo nga. Nakapanuod lang ako, after ibigay sa'min yung primary drafts ng script. I thought, why not research? Para aware ako sa magiging katrabaho ko tapos mas mababa yung chances ng conflicts."
"Wow, leave it up to you to be so professional naman talaga. Ikaw, Jay? Anong naramdaman mo nung nalaman mong si Sun yung makakatrabaho mo sa oh no ?"
Napabaling si Sunoo sa mukha ng katabi at pinanood itong sumagot.
"Teka lang—wag mo 'ko tingnan. Nakoconscious ako."
"Aba. Wow. Right in front—huh. Hoy, nandito akong dalawa, ha! Ako yung host, kainis kayo!"
Nagtawanan ulit ang mga tao sa paligid nila, matapos umaktong naiirita ni Wendy.
"Actually, sobrang saya ko nung nalaman kong makakatrabaho ko siya."
"Hala sya. Bola 'to."
"Totoo nga. Halos lahat ata ng malalaking pangalan sa industriya, nakatrabaho ko na one way or another, maliban sa'yo. Tsaka idol kita, eh. Pinanood ko lahat ng works mo."
"Oh my God, oh my God, Sun! Tapos di mo pinanood kahit isang work ni Jay!"
"Oo, pinanood ko talaga lahat! Miski commercials niya. Crush ko 'to, eh."
"HOY! Hoy, grabe na talaga! Wag kayong fanservice, kainis kayo, pati ako kinikilig!"
Sun was visibly shy about the remark, while the studio was booming with laughter.
“Going back to your film, I’ve heard, and seen一Oh! Nanood ako, Jaynation and Sunlights, ha! Again, I know that this movie, by far, showed your greatest acting skills. How was the experience? First muna ikaw, Sun? Nakita mo bang similar ka kay Shion?”
Sunoo glances at Jay before answering the question. He knows it by heart一the film was like a mirror of his past self, yet it’s also different from his present self.
“To answer your question, Tita Wends, I find Shion a very challenging character. Direk Woo made me realize that I can both show myself and give Shion a character of his own, which made me see how Shion and I are similar and different at the same time. There might be a point in my life when I was thinking like Shion, but right now, I can say that we’re different from each other.”
On the other hand, the very proud Jay can almost make Sunoo melt with his stares. He really admires Sunoo一as a deep person, as a brilliant actor, and as his better half. He can say right now that Sunoo’s the main reason why he enjoys being an actor. After months of shooting this film, Jay has never felt this inspired, and he’s ready to show everyone the main reason why he—more than dreaming— persevered to be an actor.
Jay didn’t notice that Wendy already asked him a question because he’s too busy with his own thoughts while staring at Sunoo’s gorgeous face, not until he held his hand.
“Uy, magtatampo na si Tita Wends sa’yo.”
“Grabe, iwan ko na lang kaya kayo dito?!”
“Hahaha, sorry na, Tita Wends. What was the question po again?”
“Sun, ikaw na lang kaya mag-ask? Baka makinig pa si Jay sa’yo, eh.”
“Tita, go ahead na.”
“So ayun nga, Jay, how similar are you to Jaan?”
Jay did a double-take before answering, trying to be as clear with his words as possible.
“Jaan was my old self. Direk Woo was so great at doing this character without him knowing that I was like this back then. However, this movie made me realize things now that I'm older. I grew to be thankful for the things that hurt me in the past; cliché but nung sinabi nilang things happen for a reason, they really do. As for me, I think it’s all worth it to see how my life worked out so well. Kay Jaan, his character was the one that brought me to that realization and he changed how I look at things. Wala, sobrang thankful ko lang na I was given the honor of bringing Jaan to life.”
After a short round of applause for the two, Wendy continued asking questions.
"Grabe, yung professionalism n'yong dalawa, it's very refreshing to see that at your age. At the same time, napansin ko na you two are very comfortable with each other, 'no?"
"Opo, sobrang smooth katrabaho nitong si Sun. As far as I can remember, mabibilang lang sa dalawang kamay yung take twos namin."
"Hoy, exagged ka masyado."
"Totoo kaya! Tawagan pa natin si Direk!"
And because Wendy was that kind of host, they did call Direk Jeon Wonwoo.
"Direk, can you hear us po?"
"Hi, Wends! Yes, loud and clear."
"So, just to set the record straight: mabibilang lang po ba talaga sa dalawang kamay ang take twos ni Sun at Jay?"
"Oh! Actually, yes. If I remember it right, 9 scenes lang yung nag-second takes kami pag silang dalawa lang yung scene. It's also why when I left for Germany, I had no second thoughts about letting the whole team rest. The production staff had been very competent, so rest was easy to consider."
"Oh my God, thanks Direk for taking up our call! Love you po, kain soon!"
"Love you, too, Wends! No worries, more power sa One of These Nights!"
Wendy, along with Sunoo and Jay, bid their goodbyes to Direk Woo before hanging up the call.
"Oh, di ba! Sabi ko sa'yo, eh! Tita Wends, kulang sa yabang talaga 'to."
Laughing, the host suddenly leaned forward, signifying the question they prepared for backstage.
"Now, pinag-usapan natin 'to sa backstage and just to repeat before we proceed: we can talk about this on live TV?"
"Yes po."
"All goods, Tita Wends."
"So, yung bakasyon na sinabi ni Direk Woo. How did you two spend that?"
It was Sunoo who answered for them. "We spent it together po."
Agad na nabuhay ang studio—may mga napatili, may mga bulungan, pero di nila alintana ang mga ito.
"Oh! Anong ginawa nyo? Ay teka, ang cute pala na tanong ko!"
Naghalakhakan naman agad ang audience, aliw pa rin sa kalog na host.
"We went to Tagaytay, Tita," Jay recounts, "namasyal, nagroadtrip, foodtrip, nag-Sky Ranch—we had a good time hanging out together."
“So eto na ang tanong ng sambayanan: what’s the real score between the two of you?”
Wendy grins widely while eyeing the two of them exchanging glances with one another and they answer with bright smiles.
“We are exes, actually.” Sunoo was all smiles when he said this. Jay could only laugh at how funny the situation is right now. Of course, the only people who knew are those that are super close to them. But to the public? there's not even the tiniest hint for it to be considered a secret.
“OMG! Teka lang, sandali, WAIT. Hindi ito yung ineexpect kong marinig, OMG kayo. So wait, naging kayo during the film tapos… aww, ba't kayo nagbreak?”
The audience was as chaotic as Wendy—everyone's emotions seemed to be worse than a rotating Ferris wheel after the revelation.
It was now Jay’s turn to answer. “We were exes from six years ago. We're back together na ulit; officially, publicly.”
Napanganga si Wendy, at napaikom lang muli ang bibig. Hindi agad makaimik ang host, samantalang tinatawanan lang ni Sunoo at Jay ang mga reaksyon nito.
"Kayong dalawa—di ako papayag. You will come back here for another episode. I have to know ALL the details!"
After the show wrapped up, both their phones have been buzzing nonstop from invitations to be interviewed, all from hosts the two of them had been close with through the years. For now, though, that's one thing off the bucket list—to tell everyone how they used to belong to each other, and how they remain to be.
Malalim na ang gabi, at kahit panahon nang magpahinga, isang pisil lang ni Sunoo sa kamay ni Jeng ang kailangan upang malaman nito na gusto ng kasintahang lumayo muna.
Lalayo, ngunit kasama ang isa't isa.
Ngayon, sa lugar kung saan nagsimula ang lahat, kung saan tinapos nila sa unang pagkakataon ang nabuong samahan, kung saan muling binuo ang mga piyesang akala nila'y di na maaayos pa, pinagmasdan ni Sunoo at Jay ang kalangitang wala ni isang ulap na sagabal sa pagtanaw nila sa mga bituin.
Wala munang isipin—nakatuon lamang ang pansin sa isa't isa, walang mga camera, walang mga tanong tungkol sa mga buhay nila.
Walang iskrip, walang pumipigil, walang nagdirikta.
Ito na yung take two na hinihingi nila, pero mula ngayon, wala nang sisigaw ng ‘cut’.
Meron lang silang dalawa, sa piling ng isa’t isa.
Siguro, kung darating sila sa punto na gagawin nang pelikula yung buhay nila, ito yung magiging paborito nilang eksena—nagmamaneho lang tungo sa kung saan, kumakanta sa loob ng Avanza (hawak ang kamay niya).
