Chapter Text
Dali-dali ang pagbaba ni Wonwoo sa MRT Ortigas Station. Nasira kasi ang tren kaya napilitan siyang mag-Carousel, kaso sobrang haba ng pila kaya 30 minutes ang nakain sa oras ng commute niya. Siyempre banas na banas siya, pero mamaya na niya ibubuhos ang inis niya dahil ang priority, makarating siya sa opisina nang nasa oras. Tumingin siya sa relos niya: 7:43 AM. May seventeen minutes pa siya nang ma-realize niyang ang layo pa pala ng Greenfield mula Ortigas. Hindi na niya 'to maabutan at nanlumo na siya kaagad sa fact na for the first time in the history of his employment ever, male-late siya.
Still, naglakad pa rin nang mabilis si Wonwoo. Wala na siyang paki kung may nabubunggo siyang tao. Ang bagal ng mga nasa harapan niya at nagmamadali siya. Nang makarating sa dulo ng covered sidewalk, malapit sa Megamall, may isang motor na nakaabang. "Shet, may habal!" Laking tuwa niyang bulong sa sarili. Although hindi naman ito ang first time niyang sasakay ng motor, unang beses niyang magha-habal. Again, wala na siyang paki. Ang mahalaga, dumating siya kahit 8 en punto.
"Kuya," nang maabutan si kuya habal. "Rockwell Sheridan, lagpas ng Greenfield. Magkano?"
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kahit na wala pang reaction si kuya, agad na siyang sumakay.
"Ay, wait—"
"Sorry kuya. Nagmamadali na talaga ako. Promise, kahit magkano pa, babayaran ko. 'Wag lang umabot ng 300, sobra na 'yon. Basta promise, dalhin niyo lang ako sa Rockwell Sheridan." Mangiyak-ngiyak na ang boses ni Wonwoo. Desperado na e. At ayaw niyang magtrabaho nang frustrated dahil sa kapalpakan ng gobyerno.
"Uh, alright," sagot ni kuya habal. May accent pa, pansin ni Wonwoo, at mabango rin. Parang naka-perfume — hindi lang cologne. "Mukhang wala akong choice," sabay nang maiksing tawa.
Wonwoo wasn't sure kung dapat ba siyang mainis sa pagtawa pero isinantabi na niya 'yon dahil masyado nang maraming rason para mainis siya ngayong umaga. Agad na sinuot ni kuya ang helmet niya at inabot kay Wonwoo ang isa pang nakasabit sa handlebar.
“Thank you, kuya,” bulong ni Wonwoo.
Wala nang ibang sinabi si kuya habal. Maya-maya pa ay humaharurot na sila sa Ortigas.
In fairness, mabilis ang andar nila. Perfect for his present predicament, pero lowkey natatakot si Wonwoo. But then, again, priorities: Kailangan niyang makarating on or before 8. So he should be thankful. Still, nakakatakot kahit na may compartment siyang pwedeng sandalan. Napapakapit tuloy siya kay kuya sa balikat.
Nang matigil sila sa isang stoplight, lumingon sa kaniya si kuya habal. “Uh, would you mind ba if ‘wag ka sa balikat ko humawak? I feel uncomfortable, mamaya tumumba tayo.”
“S-sure? Saan po ako hahawak? Sorry—”
“No, it’s okay,” sagot ni kuya. “Better if you hold my waist. Wala naman akong kiliti,” then he chuckled. “I don’t mind, too, if yumakap ka.”
Medyo particular si Wonwoo sa personal space hindi lang ng sarili niya pero pati ng ibang tao. Pero he won’t lie to himself, kinakabahan nga talaga siya sa bilis ng takbo nila. So…better nang safe than sorry.
“Ten seconds to green.” Tumingin si Wonwoo sa stoplight. Shet.
“Okay lang a?” Tanong ni Wonwoo.
Tumango-tango si kuya habal. “Yep.”
Kahit nag-aalangan, sakto sa pag-andar ng motor ay yumakap — napayakap — si Wonwoo kay kuya. That also meant langhap na langhap na niya ang bango ni kuya, at dama na rin niya ‘yung hulma ng katawan nito. Of course mahirap sabihin kung may abs o wala, pero he could tell na mukhang may maipagmamalaking laman kumbaga. Buti na lang preoccupied siya na ‘wag ma-late dahil kung hindi, baka kung saan-saan pa napadpad ang utak niya. Unhealthy at delikado, lalo na’t naka-tuck in siya (a.k.a. bawal may bumakat).
“Here we are,” ani kuya habal nang tumapat sa Rockwell Sheridan. Sobrang amused pa rin talaga si Wonwoo sa pagka-Inglisero nito.
“Magkano po?” Mabilis na bumaba si Wonwoo, tinanggal ang helmet, at kinuha ang wallet sa bag niya.
“I don’t know, actually,” sagot ni kuya habal sabay tanggal ng sarili naman niyang helmet. “Is…200 too much?”
Nanlaki ang mga mata ni Wonwoo at hindi siya makapagsalita. Siguro kaya pinaranas sa kaniya ang mga paghihirap niya ngayong umaga kasi binigyan siya ni Lord ng pagkakataong sumakay sa isang kuya habal na napakagwapo — sobrang, sobrang gwapo. May pag-flip pa ng bangs si kuya, at sa paningin ni Wonwoo, para itong nag-slow mo a la pelikula ng isang hot heartthrob rider introduction scene with screaming fangirls sa background. Then he realized na totoong naka-rider outfit nga si kuya, like actual, complete, red, white, and black leather jacket, black pants, and boots.
Ang daming tanong sa utak ni Wonwoo, at damang dama niya ang pag-init ng mukha niya sa biglaang pag-blush niya, pero — tingin sa relos, 7:56 AM — male-late na siya. Agad siyang humugot ng 250 pesos sa wallet sabay abot kay kuya. “Sorry po talaga kuya minadali ko kayo. Thank you po talaga. Sobra.”
“Oh—”
Nagkatinginan sila for a split second, pero naunahan agad si Wonwoo ng halong hiya at kilig na sinundan ng pressure na kailangan niyang makapag-time in really, really soon.
“Thank you po ulit! Ingat po!”
Kahit na kating kati siyang titigan pa si kuya, wala siyang magawa dahil… well, alipin siya ng kapitalismo. Kaya tumakbo na siya papasok, ignoring ‘yung lingering gaze ni kuya sa kaniya.
7:59 nang makapag-time in si Wonwoo. Pagkaupong-pagkaupo niya sa cubicle niya, isang mabigat at mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya. Sa kabilang cubicle, biglang sumilip ang kaniyang office bestie.
“Ay wow, hindi late si Employee of the Month, the Year, and in five years time, the Decade. Good morning,” pabirong bati ni Seokmin.
Umiling-iling si Wonwoo, nakangiti. “Fuck this government talaga.”
“Right? Nasira raw MRT a,” ani Seokmin.
“Yeah.” Nag-roll ng mata si Wonwoo. “Anyway, I got kwento. You wouldn’t believe what happened to me. Coffee tayo?”
“Your treat?”
Nagtaas ng kilay si Wonwoo at agad na nawala ang ngiti niya. Natawa na lang si Seokmin. “Joke lang. Ako na manlilibre. Basta juicy ‘yang kwento a?”
Napangiti uli si Wonwoo, both sa alok na libre at sa biglang pag-flash ng mukha ni kuya habal sa utak niya. “Hmm. Maybe.”
“Wonwoo,” tawag ni Seokmin, nakasilip uli from his cubicle. “Hinahanap daw ni Ma’am Kim ‘yung market report from last month.”
“Ah, wait! Does she need the hard copy ba?”
Tumango si Seokmin. “Yep. Not rush naman, pero…” Umikot si Seokmin from his desk to Wonwoo’s sabay bulong. “May bisita si Ma’am. Ang pogi. Baka bet mo makita, pandagdag good vibes aside kay kuya habal.”
Siniko ni Wonwoo si Seokmin. “Gaga ka. Wait, dalhin ko na ‘to.”
“Wait, dalhin ko na ‘to,” ulit ni Seokmin in a mockingly pabebe voice. “Go.”
Para lang makasiguro, sumilip muna si Wonwoo sa kapirasong salamin sa pintuan ng opisina ng boss niya — si Ma’am Kim na sobrang cool at mabait nilang CEO. May nakaupo ngang isang lalaki sa isa sa mga chairs sa tapat ng mesa nito, although nakatalikot kaya hindi niya mamukhaan. Nakasuot ng black shirt at pants. “Weird,” isip ni Wonwoo, although admittedly, curious naman siya. He never questioned Seokmin’s taste pagdating sa pogi so… base pa lang sa likod nito ni kuya, mukhang pogi nga rin ‘to. Whether kasing pogi ni kuya habal, he’d know in a few seconds.
Kumatok siya sa pinto sabay tulak. “Hi Ma’am Kim,” simula niya. Napadpad ang mata niya sa isang helmet na nakapatong sa shelf sa tabi ng pintuan. It looked awfully familiar. Nagpatuloy siya sa sinasabi niya. “You were looking for the rep—”
Lumingon sa kaniya both si Ma’am Kim at ang lalaking nakaupo. Nanlaki ang mga mata ni Wonwoo.
“Oh my god, it’s you!” Bulalas ni kuya habal.
Hindi makapagsalita si Wonwoo dahil 1) ang pogi talaga nito ni kuya, 2) hindi nakakatulong na kapit na kapit ang manggas ng black fitting shirt niya sa braso nito, 3) at takang taka siya bakit nasa harap niya itong si kuya. From habal to Lalamove? Food Panda? At bakit ‘yung pagkakaupo niya — naka-stretch ang isang paa, naka-slouch sa seat, nakapatong ang siko sa arm rest — sobrang relaxed at feel at home?
“Ay,” ani Ma’am Kim, may hint ng amusement sa tono at mata niya. “So, is Wonwoo the guy you were telling me kanina?”
“Yes!” Excited na sagot ni kuya. “Small world, huh?”
“Po?” Kinabahan si Wonwoo. “A-ano po ‘yun?”
Natawa bigla si Ma’am Kim. At this point, wala na talagang naiintindihan si Wonwoo. “No, the habal you rode earlier? He’s my son. And he’s not a habal driver.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig, ‘yung nagyeyelo, si Wonwoo. Napakapit siya nang mahigpit sa report. Gusto niyang tumakbo palabas ng opisina, but the “rational” model employee in him glued him to his place.
Nakangiti sa kaniya si “kuya habal” — nope, si kuya anak ng CEO niya.
“Oh. My god. Fuck.” Gustong na lang magpalamon ni Wonwoo sa lupa. So much for being a model employee.
Tahimik at namumutlang bumalik si Wonwoo sa desk niya. Hindi na nga niya maalala kung papaano niya nilapag sa desk ni Ma’am Kim ‘yung folder, basta naalala na lang ‘yung paglabas niya ng opisina at kung paano siya bumagsak sa chair niya. Although mukhang forever etched na sa utak niya ‘yung smug face nitong… ano nga uli pangalan niya? Sinabi ng boss niya e. Hindi niya maalala.
“So…” Biglang sumilip si Seokmin pero ‘yung maintriga niyang mukha ay napalitan ng gulat at pagtataka. “Shuta, hoy Wonwoo! Hindi ka ba makahinga? Walang kulay lips mo o!”
Tumingala si Wonwoo at ngumisi pero nagtunog singhal. “O-okay lang—”
“Dalhin kita sa nurse—”
“No! No,” agad na putol ni Wonwoo. “Okay lang ako. Promise.”
Bago pa man makasagot si Seokmin, biglang bumukas ang pinto ng opisina ng CEO at lumabas both si Ma’am Kim at si kuya habal — ang anak niya — no longer in a black shirt but the red-black-white leather jacket he wore kanina, a hand holding the a helmet. Napaupo tuloy bigla nang maayos si Wonwoo lalo na’t sa likod niya ang daan ng dalawa.
Sa bawat lakad ng dalawa, palakas nang palakas ang kabog sa dibdib ni Wonwoo. Sinubukan niyang mag-focus sa monitor niya, pero masyado siyang kinakabahan at hiyang hiya para makakilos. It didn’t help na damang-dama niya rin ‘yung titig sa kaniya ni kuya.
Lakad. Lakad. Nasa likod na niya. Lakad. Lakad. Lumagpas na sa cubicle niya. Sa peripheral vision niya, kita niyang dere-deretso lang ang lakad ng dalawa papuntang lobby. Fuck. Nakahinga na si Wonwoo.
Or so he thought.
Napatingin si Wonwoo sa tapat niya — si Seokmin nakatingin sa kaniya, sabay lipat ng mata from his face to someone right next to him. Wait. Ha? Someone next to him? Agad lumingon si Wonwoo sa kanan niya at nandoon si kuya habal, katabi niya, looking at him with his signature smug at oozing (but undeniably hot) confidence.
Napalunok si Wonwoo ng sarili niyang laway.
Yumuko si kuya sabay lapag ng kamay sa desk. “Do you remember my name?”
For the second time, gusto uli magpalamon ni Wonwoo sa sahig. Kung pwede lang may instant chute na bubuka right under his chair, pwede bumuka na siya ngayon? Umiling si Wonwoo. He might as well be honest lalo na’t siya ang may atraso sa kanilang dalawa.
“Mingyu,” kuya habal said. Sabay ngiti. “Alright. It was nice meeting you — again. Hmm, Jeon Wonwoo, right?”
Tumango-tango si Wonwoo, unsure kung paano kakalabanin ang hiya nang hindi natutunaw sa kagwapuhan ng taong kaharap niya. Isa pa ulit na ngiti bago finally, like finally, umalis ng opisina si Mingyu.
For the whole duration of that conversation (more like monologue dahil si Mingyu lang din ang nagsalita), pinapanood sila ni Seokmin. So when he made sure na wala na ang presensiya nito, mabilis siyang tumakbo papunta kay Wonwoo.
“Fuck, teh? Ano ‘yon?”
Hindi pa rin umimik si Wonwoo. Nakatingin siya sa 250 pesos na nakalatag sa desk niya, the same 250 pesos na binayad niya kay Mingyu kanina.
“Leather jacket, pogi, tapos may nice meeting you again,” patuloy ni Seokmin. “Wait, ano ‘yan? 250?” Then it hit him. Nanlaki ang mga mata niya. “Tangina ka? Don’t tell me—”
Tumingin si Wonwoo sa kaniya, nangingilid-luha ang mga mata.
Napatakip ng bibig si Seokim. “Pakyu ka bakla.”
Hapong-hapong umalis si Wonwoo ng araw na ‘yon. Ubos na ubos ang energy niya, both from dealing with the embarrassment, at ‘yung pag-ipon ng lakas ng loob para kausapin si Ma’am Kim at mag-apologize (profusely) dahil napagkamalan niyang habal ang anak niya, plus his daily regular workload pa. And to think na hindi pa Friday? Shuta. Gusto niyang mag-leave bukas.
“Uy, hindi ka pa ba uuwi?” Halata ang pag-aalala ni Seokmin sa kaopisina niya. “Kanina pa dapat out o.”
“Tinatamad ako kumilos,” walang buhay na sagot ni Wonwoo.
“Nako, stop beating yourself up, ano ba? It was an honest mistake—”
Tinakpan ni Wonwoo ang mata niya, sumandal, at nag-groan. “Tangina kasi? I should’ve realized! Ang bango ni kuya tapos may accent pa? Bakit kasi may extra helmet siya? Napagkamalan ko tuloy habal!”
“See? Hindi mo kasalanan,” gatong ni Seokmin. “It’s his fault na nag-park siya sa pwesto ng mga habal!”
Wonwoo knew na sinasabi lang ‘yon ni Seokmin to comfort him, and he appreciated it naman, pero this day was just too bad for any comforting words to do any actual comforting. Buntong hininga. “Yeah, might as well umuwi na nga.”
“True. Wala ka rin namang OT pay for staying here,” paalala ni Seokmin. Made sense.
Pinauna na ni Wonwoo si Seokmin sa baba dahil magliligpit pa siya ng gamit. Habang nag-aayos, nakita niya ‘yung 250 sa gilid ng desk niya. Hindi pa pala niya ‘to naibabalik sa wallet. Ignoring ‘yung lingering hiya, kinuha niya ito only to feel na may nakasingit palang papel in between the bills.
“Hi! Will wait for you uli on your out. Hatid na kita. :) -Mingyu”
For the third time this day, para na naman siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Paulit-ulit niyang binasa ang papel, baka kasi namamalik-mata lang siya dahil sa mental and emotional exhaustion, pero walang nagbabago sa nakasulat. It’s still the same.
Tumingin siya sa relos niya: 5:32 PM. Dahil hindi naman siya late, dapat kanina pang 5 siya out. Ibig-sabihin, baka kanina pa naghihintay si Mingyu sa kaniya! But then, bakit naman siya hihintayin nito? At bakit siya ihahatid nito? E siya na nga ‘tong bigla na lang sumakay sa motor? Para makaganti? Para lalong ipamukha kung gaano katanga si Wonwoo sa ginawa niya? Nagsisimula na siyang kabahan at mainis both at the same time.
Biglang nag-ring ang phone niya. Si Seokmin, tumatawag.
“Pababa na po,” sagot ni Wonwoo. Binulsa na lang niya ‘yung 250 at kinuha ang bag niya.
“Actually…” Simula ni Seokmin. “Uh, yeah. Baba ka na nga. May naghahanap sa’yo rito.”
“Ha? Sino?”
“Uh, si…Mingyu?”
Nanlaki ang mga mata ni Wonwoo. “HA?”
“No joke, teh.” Seryoso nga talaga ang tono ni Seokmin. “Tinanong ka niya sa akin. Asan ka na raw.”
“What the fuck.”
True enough, pagbaba niya sa entrada ng building, hindi lang si Seokmin ang naghihintay sa kaniya. Nandoon din ang motor na sinakyan niya kaninang umaga at ang may-ari nito — si Mingyu. Siyempre hindi pa rin siya makapaniwala. Para siyang jino-joke time ni Lord e.
“Huy.” Naramdaman niyang siniko siya ni Seokmin na may malisyosong ngiti sa mukha. “Ayaw mo lumapit?”
“B-bakit?”
Saktong lumingon sa kanila si Mingyu at kumaway. Siniko uli siya ni Seokmin. “Ayan, kasi napansin na niya tayo.”
At this point, wala nang iba pang magawa si Wonwoo. Kahit nag-aalangan, lumapit siya kay Mingyu. “Uh, hello,” bati niya.
Hindi talaga mawala-wala ‘yung ere ng kaunting yabang sa tuwing ngumingiti sa kaniya ‘tong si Mingyu. Ganito ata talaga kapag anak-mayaman. “Hi. So…you read my note?”
Tumango si Wonwoo. “Kakabasa ko lang nung nagligpit ako gamit.”
“Oh,” ani Mingyu. “Now that explains why ang tagal mo. I waited kaya.”
“Y-you didn’t have to naman.” Ayan, napapalaban na rin tuloy si Wonwoo sa Inglesan. Pero true naman, ni hindi nga muna inalam ni Mingyu kung payag ba si Wonwoo magpahatid. Consent ba. “Kaya ko namang umuwi mag-isa.”
For a moment, tiningnan lang siya ni Mingyu na tila ba nagko-contemplate kung mamimilit ba siya or hindi na. Ngumiti lang si Wonwoo. Awkwardly. Well, naghihintay siya ng reaction e.
“Actually,” simula ni Mingyu habang inaayos ang helmet niya. “Yeah, should have asked you properly ano. But since you said no na, I guess ‘di na ako mamimilit.”
To be honest, nagde-debate pa si Wonwoo internally. It’s not like ayaw niya. Ang totoo, gusto talaga niya. Who would not want to take a ride on a hot, rich guy’s motorcycle ‘di ba? But after all that’s happened this morning, parang ang kapal naman ng mukha niya para gamitin uli si Mingyu bilang habal pauwi ‘di ba? Also, anak ‘to ng CEO nila — ng boss niya. Medyo deliks ma-associate with someone na first-degree relative ng may-ari ng kumpanya kaya. E ‘di topic of the century siya bigla sa mga chismosa sa office. But then! On the other hand, he really wanted to make it up to Mingyu…
Sakto ang biglang lapit sa kaniya ni Seokmin who apparently was listening the entire time. Hinila niya si Wonwoo saglit at bumulong in between gritted teeth. “Teh, ‘wag kang maarte. Jackpot ka na diyan, sumabay ka na. He’s clearly showing interest. Tangina mo ka.”
“No, but—”
“No buts! Dali na, ‘wag kang mag-overthink kasi alam kong ino-overthink mo na naman ‘to.”
To be fair, sobrang spot on nga ni Seokmin doon. Bakit nga ba niya ‘to ino-overthink? Hindi naman niya kailangang pag-isipan masyado.
“Hindi ka naman masamang tao ano?” The question came out of Wonwoo’s mouth bago pa man niya ito ma-filter sa utak niya. Dinig niya si Seokmin na napa-facepalm sabay ng biglang tawa ni Mingyu. Ngayong araw ay Ipahiya Natin Ang Sarili Natin Day for Wonwoo.
“Grabe, kanina tinuring mo na nga akong habal driver, then now you think masama pa rin akong tao?”
Pula na ang mukha ni Wonwoo. “S-sorry! Yeah, ano, joke lang.” Sabay kamot ng batok. “I, uh, changed my mind. Sige, sabay na ako. Just so I can make it up to you.”
“Great!” Ang laki ng ngiti ni Mingyu. Binuksan niya ang compartment at naglabas ng isa pang helmet. “Here.”
Knowing na hindi naman makakasabay sa kaniya ang office bestfriend niya, nagpaalam na si Seokmin with pigil na kilig between words. (“Kwento after the dilig,” he teased.) So now, it’s just Mingyu and Wonwoo.
“Why do you have two helmets pala? Kasi—”
“Is that why you thought I’m a habal?”
Napataas ng kilay si Wonwoo. “Okay, now are you reading my mind?”
Natawa si Mingyu. “No, I just thought that’s a logical explanation for the question.”
Ay, in fair, ang bilis ng utak din nito ni kuya. Impressed si Wonwoo. “Y-yeah. Sorry.”
Mingyu shrugged. “Well, I bought a new one kasi,” tinuro niya ‘yung helmet na binigay niya kay Wonwoo, “but I don’t feel comfy using it, so I was midway changing to another helmet nang bigla kang sumakay.”
Natawa bigla si Wonwoo. “Shet, I’m so sorry! Oh my god. Ang assumero ko kasi.”
Sinabayan na rin siya ng tawa ni Mingyu. “No! No, it’s fine. I mean, pupuntahan ko rin si Mommy — well, your boss — kasi she forgot her meds. Funny coincidence, but I think it’s also a lucky one.”
“True,” sabi ni Wonwoo habang sinusuot ‘yung helmet. “Late ako had I not assumed you were a habal driver.”
Mingyu smiled. “Yeah, hindi rin kita mami-meet.”
‘Yown.
Hindi naman bago si Wonwoo sa mga ganiyang banat. He knew he’s good-looking, although he wouldn’t like to flaunt it and put too much effort trying to stand out. He’s also had his own fair share of people hitting on him (some nakakakilig, some creepy). But Mingyu being not so subtle made Wonwoo feel a little too many butterflies in his stomach. Iba ang tama? Kakaiba? Malakas.
Huminga nang malalim si Wonwoo dahil kakalmahan lang niya. Hindi siya rurupok. Baka it’s the leather jacket and the motorcycle lang.
“So, where do we go?” Mingyu started pagkasuot nila ng helmet.
“Uh, kahit sa Ortigas Station—”
“No. Like where do you actually live?”
Hindi kaagad sumagot si Wonwoo. Well, as much as kinikilig siya sa offer ni Mingyu, Mingyu’s still a stranger. “No, it’s okay,” ani Wonwoo. “I’ll take the train tapos baba ng North EDSA Station naman.”
“North EDSA Station tayo then.”
“Hala!” Bulalas ni Wonwoo. “Ang layo naman—”
“E akala ko ba you get off at that station?”
“No, I mean…for you. Baka malayo.”
Natawa si Mingyu. “I’m literally offering you a ride home. Kahit hindi exactly sa bahay mo, but you know, kung saan ka nakatira. Kahit Bulacan pa o Cavite ‘yan.”
Dang. Dang. Masyado namang galante ‘tong lalaking ‘to, hindi nakakatulong sa karupukan ni Wonwoo. Mabuti na lang at naka-helmet na siya at natatago pa niya ‘yung kilig-ngiti niya.
“S-sige, uh, SM North na lang,” nahihiyang sabi ni Wonwoo.
Naramdaman ata ni Mingyu ‘yung biglang paghina ng boses nito dahil natawa ito, pero wala naman na siyang ibang sinabi bukod sa “Okay.”
Nag-start ang motor. “Kapit ka,” sabi ni Mingyu. Wonwoo remembered na ayaw pala ni Mingyu sa balikat kumakapit. Fuck, yayakap na naman ako. He tried to be calm about it — his body did, thankfully, but his mind miserably failed — habang binabalot ‘yung braso niya paikot sa katawan ni Mingyu.
“No shoulders?” Wonwoo asked, para lang sigurado.
“Yeah,” ani Mingyu with a nod. Hinawakan pa niya ‘yung kamay ni Wonwoo to make sure it’s firm. “Perfect. I like this.”
Kunwari walang narinig si Wonwoo.
“So!”
Halos malaglag sa pagkakaupo si Wonwoo sa gulat nang biglang sumulpot si Seokmin sa kabilang cubicle.
“Tangina ka!”
Binato siya ni Seokmin ng papel. “Minumura mo kaibigan mo? E hindi mo nga ako minessage pagkauwi mo porket may macho papi kang naghatid-sundo sa’yo! Ay wait, hatid-sundot ba?” He wiggled his brows.
“Tangina mo uli, walang gano’n!” Natatawang sagot ni Wonwoo. “Nako, ‘wag mo ako itulad sa’yo na mukhang mabait pero secretly malibog!”
“At least mabait,” nakangiting sabi naman ni Seokmin. “Anyway, so ano na nga? Ano’ng nangyari?”
Wonwoo shrugged. “Wala nga! Hinatid niya ako hanggang North, tapos ayun na.”
Kumunot ang noo ni Seokmin na sinundan ng pagtaas ng kilay. “And?”
“And…?”
“And what?”
“‘Yun nga lang!”
“Walang follow-up?”
Wonwoo shrugged again pero nakangiti.
“So…sabay tayo uwi later?”
Biglang nawala ang ngiti ni Wonwoo. “Ay hala. Wait—”
“SEE! SEE! I knew it!” Bulalas ni Seokmin, excited. “So susunduin ka uli niya?”
This time, hindi na mapigilan ni Wonwoo ang mag-blush. Tumango siya, nahihiyang amining may agreement uli sila ni Mingyu na susunduin siya nito uli pauwi mamaya.
“So may karat ka na mamaya?”
Kinuha ni Wonwoo ‘yung crumpled paper na binato sa kaniya kanina at binato ito pabalik kay Seokmin. “Sira ka talaga! Wala nga!”
“Grabe, pinagpapalit mo na ang bestie mo sa isang lalaki?” At nagsimula na nga si Seokmin sa kaniyang pagda-drama.
“Hindi naman!” Natatawang sagot ni Wonwoo. “Just, you know, enjoying the attention? Kinda.”
“Tanginang attention ‘yan!” Natawa na rin si Seokmin. “Ang haba ng hair a? Palibhasa poging pogi rin ‘yung Mingyu sa’yo e.”
Nag-blush nang kaunti si Wonwoo. “Hindi naman.”
“Sagutang Employee of the Month. Pa-humble amputa.” Lumapit lalo si Seokmin. “Pero you like him ba?”
“Ha?”
“You like him?”
“Hindi ba…parang too early to tell?”
Binalik ni Seokmin ‘yung crumpled paper kay Wonwoo. “Gaga, I mean, bet mo ba? Alangang gusto mo na agad ‘yung tao porket nayakap mo lang sa motor ano? Hindi mo pa nga nasasakyan ‘yung ibang pwedeng masakyan. Rupok ‘yarn?”
“Hmm, well, pogi siya. Hot. Type ko. I guess the more appropriate word is attracted? He’s undeniably attractive naman. Also mayaman.”
Mapang-asar ang ngiti ni Seokmin. “Korique. Eat the rich?”
Natawa si Wonwoo. “Titikman.”
“Gaga kang haliparot ka.”
“‘Pag inggit, pikit.”
“Tangina ka.”
To be quite honest, may kaunti pa ring ilang si Wonwoo kay Mingyu. Bukod sa napaka-awkward ng circumstances kung bakit sila magkakilala, siyempre hindi pa rin mawaksi ni Wonwoo sa isip ‘yung fact na anak pa rin si Mingyu ng boss niya. Pero so far, hindi naman naapaketuhan ang professional relationship niya with his boss so baka okay pa naman ‘tong kung ano mang pwede nilang patunguhan ni Mingyu. Also, both he and Mingyu were trying their best to be casual and friendly towards each other, at mukhang may progress naman kahit pangalawang araw pa lang.
Overtime si Wonwoo today, unfortunately, kaya sinabihan niya si Mingyu na ‘wag na siyang ihatid tonight. (Yes, nag-exchange na sila ng numbers.) Pero mapilit si kuya. “No, I promised na ihahatid kita. I’ll wait. Just let me know kapag pababa ka na.” He sounded commanding, not that Wonwoo minded, so hindi na rin siya tumanggi pa. Kaya hindi na rin nakakagulat na pagbaba niya ng building, nakaabang na si Mingyu sa kaniya.
“Hello po, kuya habal,” pabirong bati ni Wonwoo.
“Alright. Saan po tayo, sir?”
Natawa si Wonwoo dahil sobrang pansin na pansin ‘yung accent ni Mingyu. “You’d be a conyo habal. I think kung habal ka talaga, maraming gustong sumakay sa’yo.”
Umiling-iling si Mingyu. “Nah, ikaw lang gusto ko sumakay sa’kin.”
Both of them were pretty sure na Mingyu meant something else, pero iba ang naging dating nito sa kanila. Mas lalo pang naging obvious dahil natahimik sila pareho at hindi kaagad sumakay ng motor si Wonwoo.
“Uh, helmet?” Mingyu broke the ice.
“Th-thanks.”
“Anyway,” patuloy ni Mingyu, “are you not hungry?”
Isinantabi na lang niya ‘yung sinabi ni Mingyu about pagsakay (although as an overthinker, he’d probably think about it pag-uwi). “Not really, sa bahay—” Pero pinagtaksilan siya ng tiyan niya dahil bigla itong nag-ingay. Gutom na talaga siya.
“I heard that.”
“Nope.”
“I did.”
“Tara na. Dali, mata-traffic tayo.”
“We’ll eat first. Grabe, ginutom kayo ni mommy?”
“No! It’s work-related naman,” pilit ni Wonwoo. Hindi pa siya sumasakay ng motor. “It’s okay. May noodles pa naman ako—”
“Noodles? For dinner? Grabe,” Mingyu shook his head bago niya sinuot ang helmet niya. “Sige na, let’s have dinner. Ako na bahala. You like chicken?”
“Mingyu—”
Tinanggal ni Mingyu ang helmet, bumuntong-hininga, and then tumingin kay Wonwoo with what Wonwoo thought was the most puppy eyes of all the puppy eyes he’d seen in his life. Tangina, this is unfair? Isip niya. Imposibleng maka-hindi pa siya.
Hingang malalim. “F-fine.”
In a snap, ‘yung puppy face ni Mingyu changed to the usual smug face at hindi alam ni Wonwoo kung dapat ba siyang matuwa o mainis.
“Dali na, sakay ka na sa ‘kin.”
Pinalo ni Wonwoo si Mingyu. “Don’t say it like that nga!”
“What?”
“The… ano, sasakay sa’yo.”
“It’s not wrong though, is it? I mean sa motor.” Ang inosente ng pagkakatanong ni Mingyu, Wonwoo felt a bit guilty na binigyan niya ng green meaning ‘yung sinabi ni Mingyu.
“Well, it’s… not, but… whatever.” Tinamad na si Wonwoo. Mas pipiliin niyang ‘wag nang magpaliwanag kesa magpahalataan sa karumihan ng utak niya. “Tara na. Gutom na ako. Ayan inamin ko na.”
Tumigil sila sa 24 Chicken sa Julia Vargas. Hindi sure ni Wonwoo kung anong rich-kid magic ang ginawa ni Mingyu dahil pagdating nila rito, walang katao-tao sa loob.
“Pina-reserve mo?” Hindi napigilan ni Wonwoo magtanong.
“Hindi a, why would I do that?” Mabilis na sagot ni Mingyu.
Wonwoo shrugged. “I don’t know. Baka you pulled some strings or something. Anak ka ng CEO e.”
Malakas ang tawa ni Mingyu. “Hoy, grabe a? I don’t do that a, that’s like an annoying kind of flex. I guess maswerte lang talaga ako.” And then he winked.
Wonwoo wasn’t sure saan galing ‘yung biglang atake ng butterflies, if dahil sa kindat o sa fact na hindi siya paimportante. But then, biglang kabig uli siya dahil that’s so bare minimum for a rich kid. So he decided — oo, decided — na doon siya kikiligin sa kindat.
To Wonwoo’s surprise, ang daming gustong i-order ni Mingyu: isang half original saka isang half Jack Daniels. Pinigilan niya ‘to, a bit worried dahil dadalawa lang naman sila, at hindi naman siya malakas kumain. Pero wala e, nanaig pa rin ang desisyon ni Mingyu. Gastos naman niya.
“You sure you have an idea gaano karami ang in-order natin, a?” Naninigurado si Wonwoo.
Tumango-tango si Mingyu. “Relax. Kaya natin ‘yon.”
“Teh, ang onti ko kumain!”
Biglang nagtaas ng kilay si Mingyu. “Wait, did you just call me teh?”
“Oh.” Medyo kinabahan si Wonwoo. “S-sorry. Do you not like it?”
Ni-relax ni Mingyu ang gulat niyang mukha. “No! No, no. It’s okay! Wala lang. I thought it’s a sign na you feel comfortable with me na.”
“Oh.” Kumalma si Wonwoo. “I mean, if you prefer something different, like pre, o bro, or—”
“Ew? Pre? Bro? Tsong?” This time, mas malala ang taas ng kilay ni Mingyu. “Gross.”
Natawa si Wonwoo. “So I’ll call you teh.”
Mingyu shrugged although nakangiti. “Well, you can call me babe.”
Si Wonwoo naman ang nabigla this time. And there’s that surge of butterflies again. Hindi niya maisip saan humuhugot ng harot energy si Mingyu when they barely knew each other. Not that Wonwoo disliked it nor he felt uncomfortable. Nagugulat lang talaga siya kasi hindi siya sanay sa fast-paced landian — they literally just met yesterday. “Hoy?”
“Char lang!”
Okay, now that broke the ice again. It’s refreshing to hear Mingyu with colloquial slang. “Okay, babe.”
Well, again, hindi naman naive si Wonwoo kahit na madali siyang kiligin (at rumupok). He knew how to harot back, at siguro wala ‘yon sa impression ni Mingyu sa kaniya dahil Mingyu looked visibly surprised, at ang bilis ng pamumula ng tenga niya. Pakiramdam ni Wonwoo naungusan niya si Mingyu sa landi energy.
“I hate you.”
“Wow? Ikaw nagsimula?”
“I said— I said char lang!”
Wonwoo rolled his eyes. “Haharot-harot tapos hindi naman pala kayang panindigan.”
Biglang nag-pout si Mingyu sabay ng kunot ng noo. “Hmpf.”
“Arte nito?” Wonwoo chuckled. “Grabe ka na, babe.”
From pout, naging ngiti ang bibig ni Mingyu. “I said stop!”
It was obvious na nanggagaling sa kilig ‘yung request ni Mingyu, pero ayaw rin naman ni Wonwoo na mangulit pa. Sa totoo lang, gutom na gutom na siya at mas laman ‘yon ng utak niya kesa humarot tonight. So he stopped. Thankfully, dumating na rin ‘yung order nilang chicken. Doon nila naramdaman kung gaano sila kagutom dahil the moment na dumating sa table ang pagkain nila, agad silang kumuha ng tig-isang manok.
Galit-galit muna sila habang binubusog nila ang sarili nila, pero hindi mapigilan ni Wonwoo pansinin kung paano kumain si Mingyu. To be honest, Wonwoo had a lot of stereotypes toward rich kids, kaya nang mapansin niyang ang lakas pala talaga kumain ni Mingyu — kagat, nguya, inom soft drinks na para bang may humahabol sa kaniya — medyo nagulat siya. Not that he thought it was bad, he actually thought it was endearing (and it felt strangely nice to shatter a stereotype), hindi lang talaga niya in-expect.
“What?” Mingyu asked, may laman pa ang bibig. Kakaubos lang niya ng pangatlo niyang chicken habang wala pa sa isa si Wonwoo.
“Nothing, cute mo lang kumain,” Wonwoo said. That was a genuine comment, hindi galing sa harot at landi.
“K-kanina ka pa!” Reklamo ni Mingyu.
“Sige na, kain ka na!”
“I should be the one saying that. Ikaw ang gutom!”
Wonwoo shrugged. “Stop making me your excuse.”
“Whatever,” ani Mingyu sabay lunok ng nginunguya then bumelat.
Nagpatuloy lang sila sa pagkain pero patuloy lang din si Wonwoo sa pag-obserba kay Mingyu. ”You feel comfortable with me na.” It kept playing in his head, parang sirang plaka. Ang funny lang. Strange din. Literally two days, just two days later. Who thought na ‘yung kuyang napagkamalan niyang habal na anak pala ng boss niya, ngayon, kasama na niyang kumain ng dinner. They could have turned into enemies, pero wala e. Sabi ni Lord they should be in good terms — a little too good. Guess that’s how attraction really works.
Notes:
1. If umabot ka rito, thank you! If natuwa ka, would really appreciate a comment!
2. Promise, may kasunod 'to. 'Wag kang mag-alala, I won't abandon this. 'Di tayo ghoster charut.
3. Kung sa Twitter ka magre-react, pagamit naman ng hashtag, #MWShockinKaNa. Siyempre, gusto ko makita reax ng mga magbabasa. Tenchu!
Chapter 2: 'Wag Kang Makulit! Mahalin Kita E.
Notes:
1. Second to the last! The last chapter might take me a longer time kasi I might not be able to write in the office na, but I'll do my best!
2. Again, the prompt is by Twitter user @mniwonu! Gusto ko lang talaga ng short, like really short, twitfic, kaso sabi ng brain ko, tara pabibo tayo. Kaya heto tayo.
3. Another "again": UNBETA-ED! Malamang may mga maling spelling at wrong gramming pero pagbigyan niyo na, naghahabol ako ng muse so gusto ko ma-post bago siya mawala.
4. Dedicating this to @kaibaekon kasi birthday niya today! Happy birthday bb! <3
(See the end of the chapter for more notes.)
Chapter Text
Ilang linggo na rin ang nakalipas since Wonwoo’s unfortunate habal incident, pero things took a turn for the better. ‘Yung akala niyang magiging enemy for life niya (which had it happened, sisisihin niya both ang gobyerno at kapitalismo) e ngayo’y halatang nagpapahiwatig na rin sa kaniya. Not that Mingyu had stated his intentions kasi kahit si Wonwoo wala pa rin namang sinasabi. In K-Pop dating scandal terms, siguro, pwede niya sabihing they have “good feelings” ganoine.
Tuloy pa rin si Mingyu sa pag-offer na ihatid pauwi si Wonwoo from time to time, with dinners and coffee shop stops in between. Hindi na nga lang everyday kasi ayaw ni Wonwoo magtampo sa kaniya nang tuluyan si Seokmin. Scheduled na: MWF si Mingyu tapos TTh naman si Seokmin. Took Seokmin three days na maka-get over sa less days spent with Wonwoo pag-uwi, pero siyempre full support pa rin siya sa office bestie niya.
Ang totoo, mukha lang talagang pinaglalaruan ng tadhana si Wonwoo pagdating sa hatid-sundo ni Mingyu. One time, nasiraan na naman ang MRT at napilitan na naman siyang mag-Carousel. As usual, maraming tao. This time though, bago pa man siya makatawid papuntang Megamall, may isang kuyang biglang humatak sa kaniya. Ready na siya manapak because girl? Harassment on a fucking morning e ang init na ng ulo niya sa kawalang kwenta ng transport system ng Metro Manila? Nah-uh, he was all set to throw hands nang biglang si Mingyu pala ang may hawak sa kaniya. Dang, from throwing hands he suddenly wanted to throw his arms around him. (“Your knight in shining…helmet?” Pabirong bati ni Mingyu sa kaniya.)
Then there was that one time na sumunod pa rin sa schedule si Mingyu kahit na may paparating na bagyo. Pinagalitan tuloy siya ni Wonwoo. “E kung sumemplang ka, e ‘di nadisgrasya ka pa! Ang lakas kaya ng hangin!”
Natawa si Mingyu. “I know right? Sobra, tinangay nga ako…papunta sa’yo.”
Gusto sana ni Wonwoo ilugar ni Mingyu ang mga banat niya pero gano’n talaga siya. That man knew when to catch Wonwoo off guard and in a massive blushing fit.
“Hi pogi,” bati ni Seokmin isang umaga.
“Hello mas pogi,” bati ni Wonwoo pabalik.
“So, nabalitaan mo na ba?”
Siyempre, it’s the morning chika for breakfast. Ultimate panghimagas bago magkape. “Ano?”
Bumulong si Seokmin. “Ma’am Kim is planning to send some of us to Singapore.”
Ayan, juicy chika. “Singapore? Bakit daw?”
Seokmin shrugged. “They’re opening an office there?”
Matagal nang nabalitaan ni Wonwoo na may balak magtayo ng overseas office for expansion. It’s been four years in the making, pero he didn’t think it would materialize considering na a lot has happened na since then. Pero mukhang tinrabaho nga talaga ito ng mga execs. Singapore as the location was news though.
“Kailan daw? Saka sino-sino?”
Seokmin shrugged again. “Puro chika lang din natatanggap ko e. Baka early next year daw? Also, it won’t be me for sure. Ikaw though, very likely.”
That’s chika so Wonwoo’s taking that with a grain of salt, pero he wasn’t gonna lie, medyo na-excite siya sa possibility na madestino siya sa Singapore — or overseas for that matter, kahit saan. Hellhole naman na ang Pilipinas, at naka-survival mode ang mga tao rito, so might as well grab any opportunity.
But that would also mean…
“O, bakit parang bigla kang nalungkot?” Pansin pala ‘yung biglang pag-change ng mood sa mukha niya. Nagtaas ng kilay si Seokmin, curious, but he quickly realized bakit nawala ‘yung excitement ni Wonwoo. “Hmm. Si Papi Minggoy ano?”
Mabilis ang pag-iliing ni Wonwoo, which he realized he shouldn’t have done kasi mas lalo tuloy siyang naging obvious.
Tumawa si Seokmin. “Hoy, teh, wala pa kayong isang buwan a, hulog na hulog ‘yarn?”
“Gaga ka, hindi nga.”
“Aw, mauudlot ang paghaharutang Min…Won? Won…Gyu?”
Hindi napigilan ni Wonwoo na matawa sa pa-couple name. “Shuta ka. Teh, pera tayo over jowa.”
Sumipol si Seokmin. “‘Wag mo ako lokohin, sis. Mayaman si Mingyu, so he’s pera AND jowa.”
“He’s not my employer.”
“Well, what if pakasalan mo since siya naman ang tagapagmana — oh shit that would mean magiging boss kita? Teh, ako ‘yung pipigil ng kasal niyo!”
Tawa na lang nang tawa si Wonwoo. Iba rin talaga saltik ng officemate niya. “Gusto ko ‘yung mas planado mo pa buhay ko kesa sa ‘kin.”
“Aba siyempre!” Nagpamewang si Seokmin. “Ako magiging best man sa kasal—”
“Tapos sabi mo ikaw pipigil ng kasal? Paano kita gagawing best man?”
“So may balak kang pakasalan?” Biglang naging malisyoso ang tingin, tono, at ngiti ni Seokmin. Magaling talaga siyang manghuli.
Kahit na farfetched (sa ngayon) ‘yung idea, hindi mapigilan ni Wonwoo ma-imagine na naglalakad siya sa simbahan with Mingyu waiting for him at the end of the aisle. That sent a rush of butterflies sa tiyan niya. Napakasahol talaga ni Seokmin for injecting the imagine in his head. “We’ll never know,” na lang ang sinagot ni Wonwoo.
“Kinginang we’ll never know ‘yan! Tingnan mo bakla ka, makakahanap rin ako ng mapagkakamalang habal balang araw!”
“Let me see you try.”
Umirap si Seokmin. “Yabang. Wala pa ngang isang buwan ‘yang harutan niyo, always the sundo but never the sundot. Tell me, Wonwoo. Ano’ng English ng kampana?”
“Ha?”
“Kampana, English.”
Napakunot ng noo si Wonwoo. What a weird question. “Ha? E ‘di bell?”
Tumango si Seokmin. “O e bakit wala pa kayong label?”
“You know what? Friendship over,” mabilis na sabi ni Wonwoo. “Ibalik mo na ‘yung inutang mong 13k now na or I’ll call my lawyer.”
“Hoy joke lang kasi!”
“Hey, you free ba sa end of the month?” Tanong ni Mingyu pagkarating nila ng SM North.
“Hmm?”
“Uh…” Kinuha ni Mingyu ang phone niya and opened his calendar. “Last Saturday of the month. You free?”
Kinuha rin ni Wonwoo ang phone niya and checked his calendar. That’s three weeks from now. Yep, he’s free. “Wala namang lakad. Why?”
Lumaki ang ngiti ni Mingyu. “Great! Sama ka sa ‘kin.”
“Where?”
“Shang.”
Medyo kinakabahan (in a good way) na si Wonwoo. “For what?”
“May, uh… formal event ako. Want you to be there.”
“What do you mean formal event?” Now, that got Wonwoo curious. Also, may dalang kilig ‘yung “Want you to be there.” Very commanding. Did he just start liking to be bossed around? Did Mingyu unlock a new kink in him? Mamaya na niya pag-isipan.
Hindi sure si Wonwoo pero parang nahihiya magsabi si Mingyu. “I mean, go lang. I’m free.”
“Perfect.” Ngumiti si Mingyu.
“Mas perfect ka.”
“Ha?”
Nanlaki mata ni Wonwoo. “Ha?”
“You said something!”
Fuck, lost his brain-to-mouth filter again. “W-wala akong sinabi!” Nagpa-panic na siya. Agad niyang tinanggal ang helmet niya para ibalik kay Mingyu. Sa sobrang kaba niya, muntik niyang mabagsak ‘yung helmet, mabuti at nasalo agad ni Mingyu.
“Whoa! Ingat,” mabilis na sabi ni Mingyu. “That’s 50k.”
“F-fifty what?” Nanlamig ang likod ni Wonwoo. “You’re telling me, all this time, pinapasuot mo sa akin, isang buwanang sahod na?”
“Wow, sahod reveal.”
“No, of some other people, I mean — not the point!” Nanlalaki pa rin ang parehong mata ni Wonwoo. Gusto niyang layuan ‘yung helmet habang inaalala kung nagasgasan niya ba ito nang hindi sadya sa hindi na niya mabilang na ilang beses niyang pagsuot nito. “Bakit ang mahal niyan?”
“Thought it’s nice.”
“Tangina, rich kids.”
“Eat me then.”
“Ha?”
Tumawa si Mingyu. “I know you’ll say eat the rich or something. So eat me.”
May kumikiliti na kay Wonwoo, and he’s somewhere between amused and annoyed. “Th-that’s not what I was about to say!”
“Then ano?”
“Tax the rich!”
Tumawa si Mingyu and then tumango-tango. “You know what?” He hummed. “Actually. We should be taxed higher. Not to flex pero rich people just keep getting rich when our money could’ve gone to basic services.”
Wonwoo gulped. Now that’s sexy.
“But then!” May pahabol si Mingyu. “That’s a yes if and only if our government is not a babbling, bumbling band of baboons.” At natawa si Mingyu sa sarili niyang joke.
A Harry Potter reference at criticism ng gobyerno? Now that’s sexier. And Wonwoo’s turned on. Medyo deliks. “T-tama.”
Mingyu smiled again, this time, ‘yung signature smug face niya. “So I’d rather be eaten than taxed.”
Hindi ‘yon ang ine-expect ni Wonwoo na conclusion because that just sent a multitude of images that shouldn’t be in his brain right now. Pero hindi siya papatalo. “W-well, you better be prepared!”
“Basta ikaw,” sagot ni Mingyu tapos kindat.
Okay, now that’s it. Hindi na siya papatol dahil hindi na talaga ‘to nakakatulong sa malikot niyang imahinasyon. “Ewan ko sa ‘yo. Alis na ako!”
“Bye, Wonwoo! See you next week!”
Pasalamat talaga si Mingyu anak siya ng boss ni Wonwoo. Kung ayaw lang niyang matanggal ang Employee of the Month title niya e baka sinapak na niya ‘to.
Sa lips.
With his lips.
(With consent.)
Friday ng hapon, just an hour away from uwian (and finally weekend and another 24 Chicken date with Mingyu) nang biglang ipatawag si Wonwoo sa office ni Ma’am Kim. Nagkatinginan pa sila ni Seokmin sa pagtayo nila, that besties-only telepathic exchange ng “Hala, bakit daw?” “Aba, ewan ko?” “Lagot.” “Lagot.”
Not that Wonwoo had any choice. Marahan siyang pumasok sa opisina.
“Ah, there,” simula ni Ma’am Kim. Tinuro niya ‘yung bakanteng upuan sa harap niya, telling Wonwoo to sit down. Of course sumunod si Wonwoo.
“Yes po, ma’am?”
“I won’t be beating around the bush masyado,” patuloy ni Ma’am Kim. “So, you’ve probably heard of the rumors na.”
Hindi umimik si Wonwoo, although he had an inkling na where the conversation was going.
“Yes, we’re expanding to Singapore, and we’re currently building our team for the new office.”
Sa bawat salitang binibitawan ni Ma’am Kim, palakas nang palakas ang kabog sa dibdib ni Wonwoo. Sabi niya not gonna beat around the bush pero forda suspense naman si ma’am. “Okay po.”
“Well, as much as it pains me to say it — ‘cause I really want you in my PH team — but we’ll send you sa SG as part of our pioneer team there.”
Now that’s not beating around the bush. “Po?”
Ma’am Kim chuckled. “Surprised ka ano? But you heard it right. Tentative date is January next year. You have your passport naman ano?”
Tumango si Wonwoo although hindi pa niya naa-absorb ‘yung narinig niya. Iba ‘yung expectation sa actually marinig ‘yung balita straight from his boss.
“Great. Perfect.”
Great. Perfect. Mag-ina nga talaga sila — hold up, Wonwoo. Not the time to think about Mingyu when you’re talking about your career!
“Are you not happy?”
“I am!” Mabilis ang sagot ni Wonwoo. Totoo naman, masaya siya. “Medyo hindi lang po nagsi-sink in pa.”
Ma’am Kim carried on, explaining anong magiging role niya sa Singapore. It’s basically a promotion kasi magkakaroon siya ng sarili niyang team. He’ll head the marketing department — he’s just a step behind the position dito sa Manila — so more responsibilities, pero mako-compensate naman ng mas mataas na sahod. Also, no more siksikan sa MRT.
“Who’s leading the team, like the whole SG team po pala?” Of course kailangan niyang malaman sino magiging boss niya roon.
“Ah, that one. We’re still deciding, but we might have a decision by the end of the month,” prompt na sagot ni Ma’am Kim.
Tumango-tango si Wonwoo. It’s not too far from now naman. Besides, he needed to prepare so focus muna siya roon. May halos tatlong buwan na lang na natitira para paghandaan ang SG-bound career niya. He won’t lie to himself. Nae-excite talaga siya.
“By the way.” Umayos ng upo si Ma’am Kim.
“Yes po.”
“You and my son—”
Now that’s a topic he never thought Ma’am Kim would even dare bring up.
“Opo?” Ang stiff ni Wonwoo bigla. It was so obvious, hindi mapigilan ni Ma’am Kim na matawa sa immediate reaction ng empleyado niya.
“Chill, hindi kita o-offer-an ng isang milyon para layuan siya.”
“W-wait po, ma’am. It’s not what you think it is—”
“I’m a mother. I know — well, more like I can feel — what my son is feeling,” patuloy ni Ma’am Kim. At this point, nagsisimula nang mag-blush si Wonwoo. “Funny how you two met though. And how it’s going now.”
“We’re…not dating po.” Yet.
“I know.”
“Ah, okay.”
“But I’ve never seen my son this happy in a while.”
Hindi sigurado si Wonwoo kung ano ba ang dapat niyang sabihin. Doble kaba na ang nararamdaman niya kaya patuloy lang siyang nananahimik. Thankfully, Ma’am Kim took the cue at nagpatuloy.
“He smiles a lot more these days.”
“Talaga po?”
“Yeah. To think he’s gotten busy with some stuff he’s supposed to be doing. But I guess what I’m trying to say is, thank you because I want to think it has something to do with you, partly at the very least.”
Hindi mapigilan ni Wonwoo ang namumuong ngiti sa labi niya. That sounded and felt nice, a little too nice.
“Anyway,” patuloy ni Ma’am Kim, “sorry, that was too personal of topic. But thanks for being an assumero I guess? My son would not have been like this if hindi mo inisip na habal siya.” And then she laughed.
Wonwoo laughed, too, dahil totoo naman.
Paglabas niya ng opisina, sinalubong agad siya ni Seokmin na tila mas excited pa sa kaniya. Iba talaga. May pakpak ang balita, may insider ang bakla. “Iiwan mo na kami girl,” bulong niya sabay kapit sa balikat ni Wonwoo.
“May three months pa,” ani Wonwoo, pampalubag-loob. To be honest, he wasn’t sure kung ano rin sasabihin niya e kasi totoo naman. Iiwan na niya si Seokmin dito sa Pilipinas.
“Seokmin?” Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Ma’am Kim. Si Ma’am Kim mismo ang tumawag.
“Po?”
“Come here, usap tayo.”
Nagtaka big time si Seokmin, nakataas ang kilay kay Wonwoo habang papasok ng opisina. Hindi rin naman alam ni Wonwoo kung ano ang ibabalita kay Seokmin pero it didn’t look like it was a bad news, base sa ngiti at lambing ng boses ni Ma’am Kim. He won’t be surprised if it’s a promotion.
Sa ngayon, sasarilinin muna ni Wonwoo ang oras para i-absorb ang nangyari. Singapore. Promotion. Out of the country. Finally.
“Sana pala tinulak na lang kita noong sumakay ka sa motor ko,” ani Mingyu na sinundan ng irap at pout. Which was funny kasi nang ikwento ni Wonwoo ang balita sa kaniya, masaya pa siya, todo congratulations pa. Pero biglang nagbago ang mood niya.
“Arte a,” bulong ni Wonwoo sabay subo ng chicken. Nasa 24 Chicken na uli sila for their planned dinner “date.”
“Kay Seokmin na nga lang ako,” tampong sabi ni Mingyu.
“E sasama siya sa akin sa Singapore.”
“Pati siya?” Gulat na gulat si Mingyu.
Tumango-tango si Wonwoo. Isusubo na sana niya ‘yung next piece of chicken niya nang may ma-realize siya. “And what do you mean by ’Kay Seokmin na lang ako’, ha?”
“O, o, bakit? Are you jealous?”
Nope. Wonwoo wasn’t jealous. Not even a single bit. It just implied na Mingyu was Wonwoo’s at parang hindi na ata niya mada-digest ‘yung nakaipit na chicken sa chopsticks niya kasi shuta, that was a bazooka of butterflies right straight to the bottom of his stomach.
“B-bakit, akin ka ba?”
That caught Mingyu off guard. “Well! Well, I mean… ano…”
“Thought so.”
“O e ‘di sa ‘yo na—”
“Ha?”
“Para maisama mo ako sa maleta mo pa-Singapore.”
“So original.”
Pout uli. Sabay sipa sa ilalim ng mesa.
“Nananakit ka na?” Kunwaring inis na tanong ni Wonwoo. “Dinumihan mo pants ko. Labhan mo ‘yan.”
“Then take it off.”
Mabilis na inabot ni Wonwoo ang baso ng tubig dahil naramdaman niyang bumara ang nginunguya niyang chicken sa lalamunan niya. Mabuti at napigilan niyang tuluyang ma-choke dahil what the actual fuck Kim Mingyu? Dumadalas ‘yung biglang dating ng mga banat ni katiting na preparation wala talaga si Wonwoo. “Sira ulo ka.”
Ngumiti si Mingyu, his classic smug and mapang-asar smile. “Joke lang.”
“Kapag sineryoso ko baka magulat ka na lang.”
“Hmm.” Nagtaas ng kilay si Mingyu. “Really?”
“On second thought,” ani Wonwoo, tumatango-tango, “never mind. I’ll just find someone else sa Singapore.”
From taas-kilay, biglang naging kunot-noo si Mingyu. “You’ll regret it.”
“Really?”
“Hmpf.”
Tumigil na si Wonwoo sa pang-aasar. He wasn’t gonna lie though, mami-miss din naman niya si Mingyu. Sure, he’s grown to like his “habal”, at komportable naman na siya sa kung paano nilulugar ni Mingyu ang sarili niya vis-a-vis his relationship his mom, that is, Wonwoo’s boss. Guess it’s better this way, laro-laro lang sila, lowkey harot on the side na walang label (biglang nag-play sa utak niya ‘yung kampana joke ni Seokmin) kasi aalis din naman siya. Bittersweet, pero sabi nga niya, pera bago jowa. Not that Mingyu couldn’t give that to him — as Seokmin would always remind him — pero you know, err on the side of practicality.
“I’ll miss you though.”
At those words, biglang nag-soften ang mukha ni Mingyu. “Matapos mo akong asarin, dadramahan mo ako bigla. You are the worst.”
Tumawa na lang si Wonwoo. “Cute mo kapag naiinis.”
“Sh-shut up. Don’t call me cute.”
Silence. “I’ll miss you, too.”
And then silence again. Not the awkward one. ‘Yung tipong alam lang nila parehong kinilig sila pero they took their time para ma-enjoy ‘yun.
“Sayang,” bulong ni Wonwoo sa sarili. Hingang malalim.
Nakaka-tempt pero he decided na he won’t mention what Mingyu’s mother told him earlier. To begin with, it’s just between him and Ma’am Kim. But it’s nice to hear something that was both flattering and surprisingly strangely reassuring. He could’ve misconstrued it as him being lowkey placed in a hotspot so he could choose between a better career o a better love life, pero it was too genuine and motherly para pag-isipan ng masama. He was glad to know na may impact pala ang buhay niya sa buhay ng iba — kay Mingyu pa to be specific — kahit na minsan feeling niya jino-joke time na lang din siya ng buhay mismo.
But then, gano’n nga siguro talaga ang buhay. Minsan seryoso, minsan joke time. When it offers you an opportunity, sometimes you have to close another door. Pero hindi muna ngayon. Kapag kailangan na lang isara, doon na lang niya isasara. May oras pa. He’d keep it ajar muna.
Kapag patapos na ang taon, nagiging masyadong busy. Report dito, report doon. Meeting dito, meeting doon. Ang dalas na rin ng OT, not to mention na kasabay ng mga deadlines ay nagre-ready rin si Wonwoo (at Seokmin) for their transfer sa Singapore next year. It’s the kind of busy Wonwoo really liked, although hindi naman niya maitatangging nakakapagod talaga.
Things could’ve felt a little better kung hindi nabawasan ang araw at oras niya with one of the people na he considered a favorite na — oo, inamin na niya sa sarili niya — si Mingyu. Kaso kahit si Mingyu, nabawasan din ang araw ng paghatid sa kaniya. Sabi nito, he had to help a friend with a struggling business, e mukhang mahirap ‘yung salvaging na ginagawa nila. Wonwoo understood.
“Ayaw mo n’un, ako na uli kasabay mo pauwi,” ani Seokmin on the third day na hindi siya mahahatid ni Mingyu.
“May abs ka bang mayayakap ko?” Wonwoo side-eyed him.
“Hoy! Hoy,” pumalag si Seokmin, tinatapik-tapik ang sariling tiyan. “Baka kapag nakita mo ang bunga ng pagwo-work out ko, baka iwan mo bigla si Mingyu.”
Nagkunwaring nasusuka si Wonwoo. “What in the world made you even think na papatulan kita?”
“Ang sama talaga ng ugali mo!” Sabay hampas kay Wonwoo. “But thinking about it, oo nga. Bakit ko ipapatikim sa’yo sarili ko? Ew. Blegh.”
Bumuntong hininga si Wonwoo. Three days. And he’s already missing Mingyu. Napapa-tangina na lang si Wonwoo sa sarili niya kasi paano siya umabot sa point na ‘to? At siya, si strong and independent, although sometimes marupok, always the Employee of the Month Jeon Wonwoo, allowing Mingyu, the rich kid na bumili ng 50k-worth helmet kasi he thought it looked nice, to have this power over him?
Medyo hindi nakatiis si Wonwoo. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at agad na nag-text kay Mingyu.
To: Habal Pogi
Good luck sa kung ano mang ginagawa niyo!
It wasn’t long bago siya nakatanggap ng reply. Well, more like replies.
From: Habal Pogi
Yiee. Miss mo na ako?
From: Habal Pogi
But thank you! Ingat ka pauwi.
From: Habal Pogi
😘
From: Habal Pogi
(Just say if you miss me, it’s nothing to be ashamed of hehe 😉)
Tumigil sa paglalakad si Wonwoo at bumuntong hininga ulit this time sa parehong inis at kilig.
“Luh?” Of course napansin ‘to ni Seokmin. “Problema?”
Umiling si Wonwoo. “Wala, huminga lang. Tara.”
“Daming alam.”
To: Habal Pogi
😝
The following week, bumawi si Mingyu at wala siyang na-miss na kahit anong sched for his exclusive-kay-Wonwoo habal duty. Although napansin niyang the week started na sobrang busy. Monday pa lang, OT na agad si Wonwoo, and it carried on for the rest of the week. Pagdating ng Friday, parang lantang gulay na si Wonwoo nang salubungin siya ni Mingyu.
“Yo, are you…okay? Wait, more like, you don’t look okay,” ani Mingyu habang inaabot kay Wonwoo ang helmet.
Parang naghahabol ng hininga si Wonwoo pagbaba niya ng building. Nagsimula naman ang araw na okay siya, pero habang dumaraan ang oras, unti-unting nauubos ‘yung energy niya. Ngayon, gusto na lang niyang humiga.
Agad na tinanggal ni Mingyu ang gloves niya at kinapa ang noo ni Wonwoo. Wonwoo didn’t even budge. “Wala kang lagnat, but you seriously don’t look okay.”
“Kaya ko pa,” sagot ni Wonwoo, halos pabulong.
Halatang nag-aalangan si Mingyu, pero pinayagan pa rin niyang sumakay si Wonwoo sa motor. “Just don’t faint.”
Walang ibang sinabi si Wonwoo bukod sa isang maiksing tango.
Kakasimula pa lang ng biyahe pero mahigpit na agad ang kapit ni Wonwoo kay Mingyu. Not that Mingyu minded. Actually okay nga considering na mukhang magkakasakit nga talaga si Wonwoo. Ilang minuto ang lumipas, medyo bumibigat na si Wonwoo at halos nakasandal na ito sa likod ni Mingyu.
“Hey,” ani Mingyu. “Are you falling asleep? ‘Wag ka matulog.”
“Hindi, hindi ako tulog,” sagot ni Wonwoo.
Mingyu didn’t want to believe and he had good reasons not to. Habang patuloy silang umaandar, lalong bumibigat si Wonwoo pero unti-unti ring lumuluwag ang kapit nito sa bewang. He also started feeling a little too warm than normal. Kinabahan na si Mingyu.
“Wonwoo?”
“Hm?”
“Let’s stop. You’re not okay.”
Hindi sumagot si Wonwoo. Agad na tumigil si Mingyu sa sidewalk at bumaba. Tinanggal niya ang helmet nito at tiningnan siya nito, nagtataka.
“You are definitely not okay.” This time, sigurado na si Mingyu. Mapungaw ang mata ni Wonwoo, namumutla, at mabigat ang paghinga. Hinawakan niya ito sa balikat dahil mukhang mawawala na ‘yung ability niya to stay upright.
“Wonwoo,” tinapik-tapik ni Mingyu si Wonwoo sa pisngi. “Hey. Hey.”
“S-sorry,” mahinang bulong ni Wonwoo. Mahigpit na ang hawak ni Mingyu sa kaniya habang pinapasanday niya ito sa dibdib niya.
And then biglang kumulog.
“Shit,” bulong ni MIngyu. Agad niyang inikot ang paningin niya, naghahanap ng pwedeng matuluyan. At this point, it’s obvious na kailangan nilang tumigil sa biyahe dahil nilalagnat na si Wonwoo.
Isa pang kulog.
Ang pinakamalapit na sa kanila ay Discovery Suites. Fuck it. “Wonwoo, please gising ka. And then wrapped your arms around me tightly. Okay?”
“Ha?” Sagot ni Wonwoo, although it sounded more like a groan.
Sumampa uli si Mingyu sa motor at kinuha ang parehong braso ni Wonwoo para ibalot sa kaniya. “Tightly. Wonwoo, mabilis lang. I swear.”
Naramdaman niyang humigpit ang kapit ni Wonwoo. Perfect. At humarurot agad siya towards the hotel. It wasn’t too long before they reached the lobby.
May malay pa si Wonwoo pagdating nila ng hotel. Akay-akay siya ni Mingyu papasok.
“Hi, excuse me. Do you have any nurses here? Company nurse?” Mabilis na tanong ni Mingyu sa reception sa lobby. “Please, he’s weak. I just need someone to check my friend.”
Thankfully, responsive naman ang ‘yung staff na sumalubong sa kanila.
Tumingin si Wonwoo kay Mingyu. “Nasaan tayo?”
“We’re staying here.”
Kulog. This time, mas malakas. Ilang segundo pa ang lumipas at nagsimula na ngang bumuhos ang ulan. Mingyu heaved a sigh of relief. Sobrang sakto ng dating nila.
“Also, miss,” patuloy ni Mingyu sa reception desk. “Any available room? Any, we’ll get one.”
“We only have a one-bedroom suite available, sir,” sagot ni ate.
“Doesn’t matter,” mabilis na sagot ni Mingyu. “We’ll get it. Let’s just have him checked.”
Hazy na ang senses ni Wonwoo to fully understand what was happening. The last thing he knew, hinihiga siya ni Mingyu sa couch, and may naglalagay ng something na malamig sa noo niya.
And then he passed out.
Nang magising si Wonwoo, narinig niya ang boses ni Mingyu na may kausap sa phone.
“Yeah, he’s okay. Don’t worry,” sabi niya. “Fever lang. I’ll stay here muna with him. Yeah. Yeah. Thanks. Love you, too.”
Marahang tumayo si Wonwoo sa kama. Sa kama? Tumingin siya sa paligid. Hindi niya ‘to kwarto — masyadong maganda. Tumingin siya sa bintana. Madilim na. Gabi na. Relos. 8:46 PM.
“Ha?”
Sinubukan niyang bumaba ng kama pero biglang umikot ang paningin niya kaya bumalik lang siya sa pagkakaupo.
“Mingyu?” Marahan niyang tawag. Mukhang narinig naman siya nito dahil agad itong lumitaw sa bedroom.
“Thank god you’re awake!” Nakangiti niyang sabi. “How are you feeling?”
“Nahihilo pa — wait, nasaan tayo?”
“We checked in. Discovery Suites,” Mingyu shrugged at pumunta siya sa malapit na table para tanggalin ang cover ng isang mangkok ng sopas. Mabango. Biglang nakaramdam ng gutom si Wonwoo. “I had no choice, umuulan tapos inaapoy ka ng lagnat,” patuloy ni Mingyu.
Normally, Wonwoo would have reacted with “Fucking rich kids” pero hindi naman siya immature para manumbat pa considering na gusto lang naman ni Mingyu tumulong. A little too much but definitely not bad.
“Thank you,” sabi ni Wonwoo, nahihiya nang kaunti. “Sorry rin. Na-hassle pa kita.”
Ngumiti si Mingyu. “No, don’t be sorry. It’s totally fine. Here, have something to eat muna. It’s way past dinner na.” Nilapit niya ang tray ng pagkain.
“By the way,” he continued. “Nakausap ko na both your parents and si mommy. Told them what happened. I said we’ll stay here until you feel better.”
“Oh, siya kausaup mo kanina?” Wonwoo wasn’t gonna lie, kinilig siya sa part na kinausap din ni Mingyu ang parents niya. He made a mental note na i-text sila after niya kumain.
“Mom mo?” Wonwoo asked. Mingyu nodded.
“She said you can take the day off on Monday—”
“Hala, I have a report—”
“Wonwoo!” It’s his commanding voice again. Natigilan si Wonwoo at hindi umimik. “No. Take a rest on Monday.”
Yumuko na lang si Wonwoo. That “Wonwoo!” had no business being strangely hot. “F-fine.”
Habang sinisimulan niyang kainin ang sopas, napansin niyang parang maluwag ang suot niya. Isang plain black na shirt na amoy bago, ‘yung same na amoy ng tela sa mall.
“Wait, Mingyu,” ani Wonwoo, and Mingyu hummed. “Bakit…ito suot ko?”
“Oh,” Mingyu raised both brows. “Ah, ayaw mo ba ng H&M? Is it uncomfy?”
Umiling-iling si Wonwoo at nagsisimula nang mamula. May sakit pa siya so that should be enough of an excuse for his slowly becoming uncontrollable blush. “N-nasaan ‘yung suot ko kanina?”
“Oh! That one,” tumango-tango si Mingyu. “Sinabit ko muna sa cabinet. Do you want it washed ba?”
“N-no, no.” Napakagat ng labi si Wonwoo. Gusto niyang ilapag ‘yung hawak niyang pagkain at pumailalim na lang sa ilalim ng kumot. “So…bumili ka ng shirt tapos pinalitan mo ako ng damit.”
“Yep, pretty much. I mean, you were sweating a lot—”
At that point, nilapag na ni Wonwoo sa bedside drawer ‘yung sopas at hinila ‘yung kumot pataas para matakpan ang katawan niya.
“Oh my god, hoy! Wonwoo!” Ang lakas ng tawa ni Mingyu.
“‘Wag ka ngang tumawa! Nakakahiya.” Mabilis na nagtalukbong si Wonwoo.
“You were sweating! I had no choice!”
“Kahit na!”
“Stop being silly!” Kahit na hindi nakikita ni Wonwoo ang mukha ni Mingyu, alam niyang ngiting ngiti ito. “If you want, I can take off my shirt for a while para—”
“Shuta ka! Tumigil ka nga!” Wonwoo whimpered hindi dahil gusto niyang umiyak pero hiyang hiya lang talaga siya. Alam naman niyang tama lang ‘yung ginawa ni Mingyu, but still. It’s Kim Mingyu! Also, that “take off the shirt” offer? Lowkey tempting pero hindi siya papadala.
“Sorry na,” ani Mingyu, this time with a softer voice, and he sounded genuinely, genuinely apologetic.
Binaba na ni Wonwoo ang kumot. “I-it’s okay.”
“It’s not if it made you uncomfortable.”
“Hala, no. I mean…” Wonwoo trailed off, nakatitig sa kumot. Mingyu meant well naman, at ayaw niyang masamain ang ginawa nito. “It’s… it’s okay nga lang.”
“May sakit ka na nga, gina-gaslight mo pa sarili mo,” sabi ni Mingyu. “If it made you uncomfortable, it’s okay to tell me. And I’m really sorry.”
Tumingin si Wonwoo kay Mingyu kahit na pulang pula siya sa mukha. Tangina, ilang green flags ba ang ibabandera nito ni Mingyu ngayong araw kasi kaunti na lang talaga, kaunting tulak na lang, magpapasalo na siya—
Pinikit ni Wonwoo ang mga mata niya at huminga nang malalim. Magpapagaling, hindi magpapalambing. Chill lang ang puso, Jeon Wonwoo. “It’s okay now, really. Apology accepted. But thank you pa rin.”
Tumango si Mingyu at ngumiti. “Go eat. Let me know if you’re still hungry. I’ll shower lang.”
Tumango rin si Wonwoo at bumalik sa pagkain, totally ignoring the fact na Mingyu telling him na he’ll shower just sent a barrage of images in his head.
Notes:
1. Hashtag #MWWagMakulit for the Twitter reax!
2. Comments are suuuuuper appreciated! Really.
Chapter 3: Kung Ako Sa’yo, Sa’yo Na Lang Ako.
Notes:
1. This is the final chapter! Tapos na siya sa wakas!
2. Again, the prompt is by Twitter user @mniwonu! Gusto ko lang talaga ng short, like really short, twitfic, kaso sabi ng brain ko, tara pabibo tayo. Kaya heto tayo.
3. Another "again": UNBETA-ED! Malamang may mga maling spelling at wrong gramming pero pagbigyan niyo na, naghahabol ako ng muse so gusto ko ma-post bago siya mawala.
4. Please leave a comment if ma-enjoy niyo ang fic! Would really appreciate it. <3
5. Of course may pa-hashtag pa rin tayo in case sa Twitter niyo gustong mag-react: #MWSayoNaLangAko
(See the end of the chapter for more notes.)
Chapter Text
The thing with their hotel room was, one-bedroom unit siya — iisa lang ang kama. So they had to share the bed. Thankfully nag-subside na rin ang lagnat niya. Not that Wonwoo hadn’t imagined sleeping with Mingyu in many different ways, pero iba ‘yung mangyari siya sa totoong buhay.
“How do you sleep?” Katabi na niya si Mingyu. Pareho silang nakahiga sa likuran nila, pareho ring tila umiiwas ng tingin. Understandable.
“Ha?”
“Like do you snore? Do you move a lot?”
This felt strangely intimate. “Hindi ko sure. No snoring, I’m pretty sure.”
“I see.”
May isang bagay na hindi pa sinasabi si Wonwoo, pero hahanap muna siya ng timing to say it. “Ikaw ba?”
“Hmm.” Nakatitig pa rin si Mingyu sa kisame. “Hindi ko rin alam e. Medyo malikot? Pero hindi naman sobra. Also, I have this really long pillow, ‘yung mukhang hotdog?” Then he giggled.
At this point, tumingin na si Wonwoo kay Mingyu. Hindi naman ito ang first time na makita niya ang mukha ni Mingyu nang malapitan, pero may ibang dating ‘yung combination ng dim ng kwarto, ilaw ng katabi nilang lamp, at ‘yung napapalibutan sila ng puting tela, from kumot to unan.
Hindi mabilis ang tibok sa dibdib ni Wonwoo. Pero may halo ‘tong bigat. Whether it’s the good or bad kind of heavy, hindi niya masabi. May sakit ka lang, Jeon Wonwoo. He convinced himself.
“Yeah, what about it?”
Ngumiti si Mingyu. “Wala lang. I hug it when I sleep.”
At ang bilis ng mental image kay Wonwoo n’on. Mingyu, sound asleep, curled on his side habang yakap-yakap ‘yung hotdog niyang unan. Hindi rin tuloy niya mapigilang mangiti.
“And I don’t have it right now, so don’t be surprised if bigla kitang yakapin.”
That immediately snapped Wonwoo out of his reverie. “Ha?”
Tumawa si Mingyu. “Joke lang! Pero…warning? Preemptive notice? For the 50-50 chance na it happens?” May kaunti nang hiya sa tono niya.
Parang bumibigat ang paghinga ni Wonwoo, at para bang naiinitan uli siya. Hindi siya sure kung dahil ba feeling niya bumabalik na ang lagnat niya o it’s just his brain going haywire sa image ni Mingyu yakap-yakap siya sa pagtulog.
“O-okay,” ani Wonwoo. Walang malisya. Walang malisya, Jeon Wonwoo. Every other day, niyayakap mo si Mingyu sa motor, wala namang malisya ‘yon. Tonight, it’s just the other way around.
“Good night. ‘Wag na magpuyat, that’s why you get sick e,” ani Mingyu. Tumingin siya kay Wonwoo, hindi pa rin nawawala ang ngiti.
“Ikaw ‘tong salita nang salita, imbis na natutulog na ako,” sagot naman ni Wonwoo.
“Just trying to be sweet.” Mingyu winked. Definitely the last thing Wonwoo wanted to see bago matulog.
“G-good night na.”
“Yup. Sleep well.”
Bago matulog, kinumbinsi ni Wonwoo ang sarili niyang hindi mangyayari ang pagyakap. To begin with, sabi nga ni Mingyu, preemptive warning dahil pwedeng mangyari. Pero naalimpungatan siyang may mabigat na nakapatong sa dibdib niya. And true enough, nakayakap na sa kaniya si Mingyu. Nakasiksik din ang mukha niya sa braso ni Wonwoo, not so tightly squished, pero dama niya ang paghinga nito.
Gusto niya sanang gumalaw para tingnan ang oras, pero ayaw niya ‘tong magising. Inhale. Exhale. For something na nagpakaba sa kaniya bago matulog, napakakalmado ng reaction ni Wonwoo. Siguro kasi he realized, habang tumatagal ang yakap, habang unti-unti niyang nararamdaman ang tibok sa sanday ng dibdib ni Mingyu sa kaniya, hindi naman ito masama.
It’s warm. It’s comfortable. And it’s Mingyu. Inisip ni Wonwoo kung ganito rin ba naiisip ni Mingyu sa tuwing niyayakap niya ito kapag nasa motor, but perhaps that’s a thing to think about for another day.
Wala naman nang magawa si Wonwoo dahil napakahimbing na ng tulog ni Mingyu. Gamit ang bakanteng kamay, kinuha na lang niya ang kaya niyang maabot sa kumot at sinubukang kumutan nang maayos si Mingyu.
”Ako ‘tong may sakit e,” bulong niya sa sarili bago muling pumikit.
Hindi rin nagtagal bago bumalik sa pagkakahimbing si Wonwoo.
Nagising si Wonwoo sa hindi matigil na pag-ring ng phone niya. Thankfully, kumawala na si Mingyu sa yakap at maari nang gumalaw si Wonwoo nang matiwasay. Kahit na mapungaw-pungaw at nanunuyo pa ang kaniyang mata, pinilit niyang tingnan kung sino ito.
“Hello.” Malat na malat ang boses ni Wonwoo. “Bakit?”
“Hoy! Anong nangyari sa’yo?” Si Seokmin, halos pasigaw. Maiinis sana si Wonwoo, pero at least nagising siya sa lakas ng boses nito.
“Ayos lang—”
“Grabe naman kasi! Sinabi ko na sa’yong ‘wag masyado mag-OT! Tapos hindi mo pa ako sinabihan kaagad. Kay tita ko pa nalaman. Nasaan ka ngayon? Wala ka raw sa bahay.”
“Seokmin, kakagising ko lang.”
“Wonwoo, a las onse na.”
Doon na tuluyang nagising ang diwa ni Wonwoo. Tinanggal niya for a while ang phone mula sa tenga niya at tiningnan ang oras: 10:53 AM. Kaya pala kanina pa niya nararamdaman ang pagkulo ng tiyan niya.
“Okay, babangon na. Kakain na.”
“Asan ka nga ba?”
“Sino ‘yan? He’s so fucking loud—”
Agad tumingin sa gilid niya si Wonwoo. Malakas nga talaga siguro ang boses ni Seokmin dahil nagising nito si Mingyu. “Inaantok pa ako…” Patuloy niya.
“Wonwoo?” Tawag ni Seokmin. “Wait, may narinig akong iba.” At this point, alam na ni Wonwoo na papunta na sa malisya ang boses ng kaibigan niya.
“Okay, bago ka mag-assume—”
“SI MINGYU BA ‘YON?”
Gusto na ni Wonwoo ibaba ang tawag.
“Oo—”
“HOWMAYGAHD MAGKASAMA KAYO!”
“Seokmin, tangina kalmahan mo—”
“HOY ANO’NG NANGYARI? TAENA! TINOTOO MO NA BA ‘YUNG EAT THE R—”
Binaba na ni Wonwoo ang tawag.
“Who was that?” Malat na tanong ni Mingyu. Hindi masyado napansin ni Wonwoo kanina, considering na Seokmin’s basically screaming his lungs out on him sa phone, pero ngayong buong atensyon na niyang dinig, he realized… medyo hot pala ‘yung boses ni Mingyu kapag bagong gising.
“Si Seokmin, nangungumusta.”
Mingyu chuckled. “That didn’t sound like nangungumusta.”
Natawa rin tuloy si Wonwoo. Totoo naman. “Yeah. Anyway, 11 na. Kain na tayo?”
Biglang nanlaki ang mga mata ni Mingyu. “Oh shit! Shit. Yeah you were sick! How can I forget?” Mabilis na bumalikwas si Mingyu sa kama at tumayo para abutin ‘yung hotel phone. “I’ll just have food sent here. Hintay ka lang. I’m so sorry. How are you feeling?”
“Mingyu, chill,” ani Wonwoo. “I’m okay na. I don’t feel—”
Mabilis na pinatong ni Mingyu ang kamay niya sa noo ni Wonwoo habang nakaipit naman between his ears and shoulder ang phone. “Good. Yeah, we’re getting food na. Sorry, it’s my body clock—”
Inabot ni Wonwoo ang kamay ni Mingyu at hinawakan ito nang marahan as if pinapakalma. “Mingyu, I’m okay.” Ulit niya.
At doon lang kumalma si Mingyu. Huminga siya nang malalim at marahan ding ngumiti bago kinausap ang sumagot sa tawag niya. Nang makapag-request ng pagkain, umupo si Mingyu sa kama katabi ni Wonwoo.
“You sure a?”
Wonwoo blinked. “Na?”
“You’re okay na.”
“Ito naman,” natatawang sabi ni Wonwoo. “Gutom ako pero hindi pa ako mamatay.”
Tumawa si Mingyu. “Yeah, figured. Sorry, I overslept.”
“Pagod ka rin so okay lang.”
Mingyu heaved a sigh. “By the way, your bagong gising voice sounds hot, not gonna lie.”
May igigising pa pala ang diwa ni Wonwoo. That was so random! Gusto rin sana niya sabihing, “Yeah, sa’yo rin,” pero ‘yung lakas ng loob niya para gumanti pabalik ay — right now — proportional sa laman ng tiyan niya.
“Wh-whatever! Makapag-CR na nga!”
Tinawanan lang siya ni Mingyu.
Wonwoo tried his best to mentally prepare himself sa pang-iintriga ni Seokmin pagbalik niya ng opisina, pero there was no way he would be fully prepared for the most inquisitive person na kilala niya.
It took Wonwoo a lot of convincing (which was energy draining lalo na sa umaga) para lang mapatahimik si Seokmin.
"E bakit parang hindi ka naman masaya sa lahat ng nangyari?" Pamewang na tanong ni Seokmin.
Bumuntong hininga si Wonwoo. "Masaya naman."
Humagikgik si Seokmin.
"What?"
"Wala, kinilig lang sa masaya naman." Sinigurado ni Seokmin na gayang-gaya niya 'yung tono ng pagkakasabi ng "Masaya naman."
Isa pa ulit buntong hininga. "E kasi nga, 'yung event ni Mingyu na dapat kasama ako. Kung ano man 'yon."
The end of the month event, that one na inaya siya ni Mingyu. Not gonna lie, Wonwoo was lowkey excited because he wanted to see Mingyu in a suit and tie. Pero si Mingyu na mismo ang nagbawal sa kaniya sumama.
(“Magpahinga ka na lang.”
“But—”
“Wonwoo.”)
“What was it about ba kasi?” Usisa ni Seokmin.
Wonwoo shrugged. “Ayaw niya sabihin, sabi niya it doesn’t matter naman daw.”
“Doesn’t matter?”
“Kasi mas importante raw na makapagpahinga ako.”
Seokmin squinted. Tumahimik siya for a while bago biglang hinawakan si Wonwoo sa balikat nang mahigpit at inalog-alog ito. “Ikaw na. Ikaw na ang pinagpalang lubos.”
“Pinagpala ba ‘yung nagkasakit—”
“Na inalagaan? Nakatabi sa kama? Hinatid sa bahay? Pinakilala kay tito at tita? If that ain’t jowa behavior, ewan ko na lang!”
Pinalo ni Wonwoo si Seokmin mostly out of kilig. “Anong jowa ka diyan! Hindi kami magjowa—”
Umiling-iling bigla si Seokmin sabay ng sunod-sunod na pag-tsk. “After all that has happened? Wala pa ring label teh?”
Wonwoo shrugged. “Ewan. Ang mahalaga kinikilig, I guess.”
This time, si Seokmin na ang pumalo kay Wonwoo out of frustration naman. “Tangina niyo. Ayus-ayusin niyo buhay niyo nga!” Natawa na lang si Wonwoo.
Sa totoo lang din naman, gusto niya na sanang alamin kung ano ba talaga ang score nilang dalawa ni Mingyu. Not that he’s frustrated — in fact, he strangely never felt frustrated na wala silang label. Siguro kasi nae-enjoy niya lang talagang kasama si Mingyu, at ‘yung mga asaran nila, impromptu dinner-slash-dates, skinship na hindi inaasahan (often mukhang taken for granted pero ang totoo hindi naman), at ‘yung push-and-pull sa bawat minutong magkasama sila.
Red flag ba ‘yun? ‘Yung hindi maghanap ng label? Wala naman din siyang ine-expect…masyado? Well, minsan may mga what-if’s siya, lalo na’t lalayas siya ng Pinas in two month’s time. But then, it shouldn’t hurt, should it? Ika nga, mabuti na ang malinaw. Para kung sakaling dumating siya sa point na may inaasahan na siya, at least bago siya tumapak ng eroplano, may malinaw siyang pwedeng panghawakan.
“Aayusin na soon,” sagot ni Wonwoo.
“Good,” tumatangong sabi ni Seokmin, “para kung wala pala kayong patutunguhan, baka para sa akin pala si Mingyu.”
“Tangina ka, manunulot ka pa!”
Halos mabilis din ang pagdaan ng mga araw. Hindi na nararamdaman ni Wonwoo kung paano dumaraan ang oras kasi masyado na siyang nagiging busy. Thankfully, not the horrible kind of busy na magkakasakit siya. Nakakapagod, pero fulfilling ‘yung unti-unti na niyang nako-cross out ‘yung mga dapat matapos bago siya lumipad pa-Singapore.
At sa bawat araw na dumaraan, tila hindi rin pinapalampas ni Mingyu ang mga natitirang pagkakataong makasama pa si Wonwoo.
“Alam mo,” simula ni Mingyu on one of their many impromptu coffee shop dates. “I realized, cute ka talaga ano?”
Halos mabuga ni Wonwoo ang iniinom niyang kape, mabuti’t nakapagpigil siya. Okay, one. Kinilig siya roon. Two, that was so random. What’s going on in Mingyu’s head para sabihin niya ‘yon? Three, oo alam niya naman ‘yon, pero para manggaling ‘yon sa — let’s be real — crush niya, e ibang klaseng validation naman ‘yon. Wonwoo gathered himself.
“O e kung cute pala, bakit hindi jowain?”
It’s obvious na hindi rin handa si Mingyu sa sagot ni Wonwoo. “Bakit, papayag bang jowain?”
Ramdam na ni Wonwoo ang kiliti sa loob ng tiyan niya, at nagsisimula nang bumilis ang kabog sa dibdib niya. Nang sabihin niya kay Seokmin na “aayusin na soon” ‘yung kawalan nila ng label, hindi naman niya inisip na darating agad ngayon ‘yung pagkakataong iyon. Ang tanong na lang ay kung kakagatin ba niya.
Huminga nang malalim si Wonwoo — mukhang gano’n din si Mingyu pero medyo preoccupied si Wonwoo para mapansin ‘yon nang maayos.
Kakagatin na.
“E ready ka ba sa sagot?”
It’s the smirk. It’s the furrow of the brows. It’s the nod. Mayabang, but it’s the hot kind of yabang. “Ako pa ba?” Tanong — more like sagot ni Mingyu.
“Weh?” Hindi sure si Wonwoo why he’s stalling.
Hindi. Sure actually siya, ayaw lang niyang tanggapin kasi nanghihinayang siya. It’s the hesitation kasi lalayas ng Pinas. Iiwan ang Pinas. Iiwan si Mingyu. At kung usapang praktikalan lang, siyempre, bilang isang alipin ng kapitalismong a hospitalization away from poverty, doon na siya sa makakakayod siya.
Pero… pero kasi… ang sarap sa feeling ng may naghahanap sa’yo, nang may gusto sa’yo — nang may gumugusto sa’yo. Ang hirap tumanggi.
Natigil sa pag-iisip si Wonwoo nang biglang bumuntong hininga si Mingyu. It’s not the usual exhale. May pinanggalingan, may pinaghugutan.
Kinabahan si Wonwoo.
“Jeon Wonwoo,” simula ni Mingyu.
“Kim Mingyu,” sagot ni Wonwoo, pabiro, in an attempt to ease the mood — his tense mood.
Umiling-iling si Mingyu, natatawa, na-distract, pero huminga uli siya. “Cute ka.”
“I know.”
“Sa tingin mo cute din ako?”
Usually, aasarin lang niya si Mingyu e, pero the air that surrounded them felt and smelled like genuine honesty and full transparency. Might as well tell the obvious truth. Wonwoo shrugged. “Hmm, I guess.”
“Ang daya, hoy!” Bulalas ni Mingyu. “Ako, deretso kong sinasabing cute ka tapos ako, I guess lang?”
Natawa si Wonwoo. “Oo na. Cute ka.”
“Napilitan pa!” It’s the Mingyu pout.
“Oo nga! Cute ka nga. Willing jowain.”
Mingyu blinked. “Ulit?”
Hindi na sure si Wonwoo kung saan nanggaling ang tapang niya, although honestly a part of him wished na sana hindi narinig ni Mingyu nang maayos kasi pakain niyang sinabi ‘yung huli.
Umiling-iling si Wonwoo, nagpipigil ng ngiti.
“I heard something!” Unti-unti na ring lumalaki ang ngiti ni Mingyu.
“O, narinig mo naman pala!”
“Wonwoo!” It’s not the commanding voice. Instead, it’s the whiny, sige-na-please voice na may halong excitement?
“E ano ba narinig mo?”
“Eeeh! Ayoko ulitin baka mali ako.”
“Arte.”
“Sige na.”
“Ulitin mo na.”
Ayan na naman ang Mingyu pout.
Wonwoo shook his head. “Ang tapang tapang sa banat, pero papaulit lang ‘yung narinig hindi magawa.”
For some reason, medyo lowkey natamaan pride ni Mingyu roon — not necessarily in a bad way. In fact, mabuting sinabi ‘yon ni Wonwoo kasi…
“Willing jowain.”
Hindi sumagot si Wonwoo, although hindi na niya matago pa ‘yung pagngiti niya. There was an attempt, ‘yung marahan niyang pag-inom sa kape, pero ang obvious na ng pula niyang pisngi at tenga.
“No denial so I guess I’m right?” Ang bilis ng pagbago ng tono ni Mingyu from uncertainty to proud and teasing. Wonwoo just shrugged.
“Well then, I guess it’s settled,” patuloy niya.
Napataas ng isang kilay si Wonwoo. “Settled?”
“Yes. Jowa mo na ako.”
“Ha?”
“Ayaw mo?”
Hindi. Hindi sa ayaw ni Wonwoo. It’s just that, ang anticlimactic lang? May surprise nang kaunti pero… ‘yun na ‘yon?
But that didn’t change the fact na that sent a bomb of butterflies in his stomach. Hindi nakakatulong na nagkakape siya. “‘Wag ka ngang nagbibiro—”
“Who said I’m joking?”
“Kim Mingyu!”
“Yes, boyfriend?”
“Agh!”
“What, ayaw mo ba?”
“Gusto!”
Biglang laki ng ngiti ni Mingyu. “So, what’s wrong?”
Kinikilig ako masyado. Pero hindi ‘yan sasabihin ni Wonwoo. Ngumiti na lang siya, pigil na pigil. “W-wala…”
Tahimik.
…
Binuka uli ni Wonwoo ang bibig niya. “Boyfriend.”
Sa biyahe nila pauwi, mas mahigpit ang yakap ni Wonwoo kay Mingyu.
Nang makababa si Wonwoo at matanggal nito ang helmet, napansin agad ni Mingyu na malalim ang iniisip nito.
“Hey,” simula niya.
Tumingin agad si Wonwoo, nakataas ang parehong kilay. Mingyu took the cue. “What’s wrong?”
“Hmm? Wrong? Wala naman.”
Hindi umimik si Mingyu at tinanggap na lang niya ang helmet. Pero hindi niya tinanggal ang titig niya kay Wonwoo, halatang nag-aabang pa rin.
Hindi naman manhid si Wonwoo para hindi maramdaman ‘yung paghihintay ni Mingyu. Kung nagawa nga nilang umamin at maglagay ng label kanina, e ‘di siguro mabuti na ring sabihin ni Wonwoo kung ano ang bumabagabag sa kaniya.
“Mingyu,” simula niya. This time, si Mingyu naman ang nagtaas ng parehong kilay. “Seryoso ba talaga ‘yung kanina?”
“You mean, the jojowain conversation?”
Tumango si Wonwoo. “Yeah. Boyfriend conversation.”
“Is it because you can’t believe it? Or because you don’t think I’m serious?”
“Uy, no offense a—”
“No offense taken. Really.”
“Okay.” Yumuko si Wonwoo bago nagpatuloy. “Not that it didn’t sound serious. Parang…ewan, it was so random lang to be, I don’t know, taken seriously?”
Mingyu chuckled then sighed. “Yeah, I get you.”
“So, it was a joke?”
Mabilis na umiling si Mingyu. “No, it wasn’t. Really. It wasn’t.”
“So…seryoso ka talaga?”
“Jeon Wonwoo.” Tumayo si Mingyu mula sa motor at sinabit ang helmet niya sa handle. Hinawakan niya si Wonwoo sa balikat. “Why are you doubting my intentions?”
“No, it’s…not that,” ani Wonwoo, although nakaiwas ng tingin. “It’s just naisip ko lang kanina, habang nasa biyahe, na that anticlimactic confession — if you could call it even a confession — was a bit…how to say…uh, not the best timing?”
Lumuwag ang pagkakahawag ni Mingyu sa balikat ni Wonwoo. “Oh. I’m sorry.”
“No! No, not you,” mabilis na pahabol ni Wonwoo. Huminga siya nang malalim. “Sige na nga, aamin na ako. I like you. Like I really, really like you. At totoo rin naman ‘yung sinabi kong cute ka, at jojowain kita.” He had to pause ‘cause saying it out loud made him feel a little vulnerable (in a goodway). “Pero kasi, you know it naman. Aalis ako.”
Mingyu squeezed both of Wonwoo’s arms. “Sabi na e.” And then bigla siyang ngumiti. “And you think that should stop me from wanting you to be my boyfriend?”
Wonwoo shrugged. “LDR?”
“Alam mo Wonwoo,” ani Mingyu. The last time Wonwoo heard him this calm and soothing was when he was sick, ‘yung pakiramdam na para bang humihimas na kamay sa likod niya ‘yung boses nito. Ito siguro ‘yung second niyang paboritong way ng pananalita ni Mingyu. “Let’s just make the most out of the time na andito ka. Tapos, let’s just cross the bridge when we get there.”
For a few seconds, nakatitig lang si Wonwoo kay Mingyu. Hindi sa hindi niya ma-absorb ‘yung sinabi nito pero it just gave him a sudden realization.
Ang funny lang na all this time, ‘yung push and pull landian nila, live in the moment ang peg ni Wonwoo. Walang label? Ayos lang. Hinarot? E ‘d humarot pabalik. Nilandi? E ‘di lumandi pabalik. Pero ngayong the real deal finally came, biglang nagwo-worry na siya sa future. Of course, valid naman ang worry niya, at valid din namang mapaisip sa kung saan sila papunta simula ngayon. Pero may halos isang buwan pa siyang natitira, at hindi rin naman masamang ‘wag pagkaitan pa ang sarili niya — at si Mingyu — ng totoong nararamdaman nila sa isa’t isa.
“You’re not worried?” Huling tanong ni Wonwoo.
Umiling si Mingyu. “Well, I’ll be sad kapag aalis ka na, but I’m not worried. I trust you naman.”
Bittersweet, but sweet nonetheless. And trust? Bigat, but enough of a reason to smile. And so finally, ngumiti na uli si Wonwoo.
“There,” ani Mingyu. “Pogi mo kaya kapag nakangiti.”
“Bolero.”
“Oh, also. One more thing.”
“Hm?
“In case you want to hear it out loud.” May biglang surge ng confidence sa tono ni Mingyu. “Actually, no. You should hear it out loud.”
“Ano nga?”
“I really, really like you, too.”
You know what, isip ni Wonwoo, tama si Mingyu. Enjoy-in na nila ang pwedeng ma-enjoy.
To: Habal Pogi
Thank you.
From: Habal Pogi
For what?
To: Habal Pogi
Wala. Thank you lang.
From: Habal Pogi
Clingy jowa. Hmpf.
To: Habal Pogi
I just said thank you?
From: Habal Pogi
Hehe. 😘😘😘
To: Habal Pogi
(◍•ᴗ•◍)♡ ✧*。
From: Habal Pogi
CUTE! 🥺🥺🥺
To: Habal Pogi
Imma sleep na. Good night! 😘
From: Habal Pogi
I sent three kisses!
To: Habal Pogi
I’ll give you the real one next time. 😉
From: Habal Pogi
NA-SCREENSHOT KO NA. YOU BETTER DO THAT HA!
To: Habal Pogi
Yeah yeah. Good night! 😘😘😘
Busy — as usual — si Wonwoo lalo na't palapit nang palapit na ang pag-alis niya. Papers dito, papers doon, report dito, report doon. Buti na lang at nariyan si Mingyu, uuwian at sasandayan kahit ilang oras lang sa isang araw.
"May regalo ako," ani Mingyu isang araw nang sunduin niya si Wonwoo.
“Regalo? For what?”
Ngumiti lang si Mingyu bago nag-abot ng paper bag. “Hmm. Let me know if sakto so we can have it exchanged before you leave.”
Agad na tiningna ni Wonwoo ang laman ng bag. Damit. Makapal. Kinuha niya ito at tiningnan: corporate suit. Kulay grey. Mukhang mamahalin at ang ganda.
“Hoy?”
“Do you like it?” Proud na tanong ni Mingyu.
“Magkano ‘to? Grabe ka?”
“Don’t worry, I know magagalit ka if I buy something as expensive as my helmet,” natatawang sagot ni Mingyu.
“Ay buti alam mo,” ani Wonwoo. Dinamdam muna niya ‘yung ganda ng suit bago tumingin kay Mingyu. “You didn’t have to, you know.”
“Nah, for my boyfriend? Siyempre I have to.”
Honestly, naninibago pa rin si Wonwoo sa realidad na hindi na nga pala niya special friend na kalandian slash kaharutan without label si Mingyu. Boyfriend na nga pala niya talaga ‘to. It’s the good kind of paninibago naman. Really, really good.
“Masyado mo naman ako pinapakilig, i-kiss kita diyan.”
Nagulat nang slight si Mingyu, but knowing him, hindi na ikinagulat ni Wonwoo ang sagot nito. “Well, I’m always ready for a kiss.”
Siyempre, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Wonwoo. Agad siyang lumapit kay Mingyu at hinalikan ito…
Sa pisngi.
“Okay, not gonna lie, that surprised me.”
“In a good way, I hope?”
“In a good way. A really, really good, kinikilig way.”
Pigil na pigil ang ngiti ni Mingyu, halata sa unti-unting pamumula ng tenga nito.
Pagkarating nila sa pagbababaan ni Wonwoo, Mingyu dropped a bit of a disappointing bomb. Hindi raw niya maihahatid si Wonwoo sa airport on the day of his flight.
Okay, that’s sad. Really, hindi naman itatanggi ni Wonwoo, pero his honest feelings towards that quite surprised him actually. Nalungkot at na-disappoint siya, pero hindi siya nagtatampo. Mingyu was visibly apologetic. Ang dami niyang pinaulang sorry at “Sure ka? Hindi ka galit a?” right after saying it, at halos mawalan na ng salita si Wonwoo para sabihing ayos lang iyon sa kaniya. Mature ‘yarn?
And then the following day, Mingyu dropped another bomb.
“I booked a flight to Singapore.”
“HA?”
“I booked a flight to Singapore,” ulit ni Mingyu. “Pero it’s a day after your flight—”
“Kim Mingyu?”
“What?”
Bumuntong hininga si Wonwoo. Yeah, lowkey kinilig siya pero hindi naman kinailangan ni Mingyu na gumastos ng pera para lang masamahan siya nito. Grabe, the things his boyfriend would do for him
“So you’re okay with it?” May tono ng excitement sa boses ni Mingyu.
Wonwoo shrugged. “E nabili mo na ‘yung ticket.”
“True.”
“Rich kids.”
“Eat the rich.”
Tumawa si Wonwoo. “Sa Singapore na.”
Nanlaki mga mata ni Mingyu, at ‘yung excitement niya kanina parang dumoble pa. “Wait. Wait?”
“W-wala!” Agad na sinuot ni Wonwoo ang helmet, umiiwas sa pag-usisa ni Mingyu.
“You said sa Singapore na!”
“D-dali na! Baka ma-traffic pa tayo!” Natatawang sabi ni Wonwoo.
“Jeon Wonwoo,” pabulong na sabi ni Mingyu, kinda husky, medyo may ibang dating. Napalunok ng laway si Wonwoo. “I’ll remember that.”
Tumawa lang si Wonwoo. Well, mukhang may ibang bagay na rin siyang ilu-look forward sa Singapore.
Medyo bittersweet habang nagliligpit si Wonwoo ng mga gamit niya sa opisina. Hindi naman niya lalayasan ang kumpanya, but it felt like leaving a part of himself. Maging Employee of the Multiple Durations of Time ka ba naman for half a decade, hindi ka ba naman malungkot. Pero nakaka-proud pa rin naman.
Nauna nang umuwi si Seokmin dahil kailangan niya na ring mag-ayos ng mga gamit niya. Mas mauuna kasi ang flight niya bago kay Wonwoo. Hay. At least hindi naman siya ihihiwalay sa bestie niya.
Habang nilalagay ang mga huling gamit sa huli na rin niyang box, sumilip si Ma’am Kim mula sa opisina niya.
“O, Wonwoo,” bati nito. “You’re still here.”
“Patapos na po,” agad na sagot ni Wonwoo.
“Do you still have enough time to rest? Bukas na flight mo.”
Tumango-tango si Wonwo. “Yes po. Malapit na po ako matapos.”
“I see.” She smiled bago muling pumasok sa opisina niya. Pero bago po pa man makabalik si Wonwoo sa nililigpit niya, bumukas uli ang pinto. “Uh, Wonwoo?”
“Yes po?”
Kumunot nang kaunti ang noo ni Ma’am Kim at naiwang nakabuka ang bibig niya, pero wala ng lumalabas na salita. “Hmm, actually…”
Naghintay si Wonwoo.
“Ah, no. Never mind. Have a safe flight. Hope you’ll like Singapore.” And then she smiled again.
That felt nice. Medyo formal pero it felt sincerely nice. “Thank you po.”
Ma’am Kim gave him a short bow bago tuluyang — for the last time — sinara ang pinto.
Ngumiti si Wonwoo. Isang nagsarang pinto kasi may magbubukas na bago.
To: Habal Pogi
Here na sa airport. Will miss you!
From: Habal Pogi
Aw, clingy. I’ll see you naman! Hehe.
To: Habal Pogi
Bakit ba? Hmpf. Hindi mo na nga ako hinatid.
From: Habal Pogi
Akala ko ba walang tampo? 🥺🥺🥺
To: Habal Pogi
Joke lang. Wala talaga. I’ll see you sa SG!
From: Habal Pogi
Yey! See you, kiss you, hug you, eat you! 😋
To: Habal Pogi
HOY!
From: Habal Pogi
Hehe. 😝💦
Wonwoo shouldn’t have texted his boyfriend.
Ang instruction sa kaniya pagdating ng Changi Airport, hanapin lang niya kung sino ang may hawak ng pangalan niya. May inarkela raw ang kumpanya na maghahatid sa kaniya sa apartment. Medyo confusing nga lang kasi kahit gabi na, marami-rami pa rin ang tao, at marami rin ang mga sumasalubong.
Inikot-ikot niya ang mata niya hanggang sa makita ang isang kuyang may hawak na placard na “Jeon Wonwoo”. Perfect. Ayun na ang sundo niya. Agad siyang kumaway at napansin din siya nito.
“Sir Jeon Wonwoo?” tanong ni kuya. Tumango si Wonwoo. “This way, sir.”
Sumunod si Wonwoo kay kuya — he thought it’s a bit strange na may puting gloves in a suit and tie si kuya — hanggang sa makarating sila sa isang itim na kotse.
Isang itim na magarang kotse. Isang limousine car service. What the fuck?
“Let me help you, sir,” ani kuya sabay kuha ng dala niyang mga maleta para ilagay sa trunk.
“H-hold on,” nagtatakang sabi ni Wonwoo. “Is this really…?”
“Ah.” Na-get naman ni kuya ‘yung confusion ni Wonwoo. May kinuha siyang papel sa bulsa ng suit niya at pinakita ang nakasulat dito: pangalan ni Wonwoo ng company niya. “Yes, don’t worry, sir. You got the right car.”
Well, if ito nga ang kotse niya, e ‘di nice.
Sasakay na sana siya sa back seat nang bigla siyang pigilan ni kuya. “I’m sorry sir. Can you please take the front seat?”
Siyempre, lalo nang nagtaka si Wonwoo. Not that he minded, pero bakit? Medyo nararamdaman na niya ‘yung pagod para umusisa pa. It’s not much of a difference din naman whether sa harap o likod siya umupo. Ang mahalaga makaupo at makarating sa apartment.
Pagkaupo niya, hinintay niyang bumalik si kuya sa driver’s seat. A minute. Then two. Then three. Binibilangan ni Wonwoo. That’s supsiciously long na para lang maglagay ng gamit sa trunk e dadalawang maleta lang naman dala niya. Tumingin na siya sa likod, medyo kinakabahan na nang biglang bumukas ang pinto. Hay, sa wakas. Pumasok na si kuya.
“So, how’s the flight? Kapagod ba?”
“Oh, not—HOY?”
Magko-comment sana si Wonwoo na nakakapag-Tagalog naman pala si kuya nang ma-realize niyang hindi ito si kuya na sumalubong sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya.
Ngumiti ang taong nasa driver’s seat. “Surprise?”
Hindi ito imahinasyon, sigurado si Wonwoo, pero pakiramdam niya, hindi rin totoo ang nangyayari. Nasa harap — technically, katabi — niya si Mingyu.
“What—”
“Yes?”
“Like…how? Anong— BAKIT KA NANDITO?” Hinampas ni Wonwoo si Mingyu, natatawa na lang sa gulat.
“Ouch! Aren’t you happy? Hanggang dito, I am your habal?”
“In a fucking limo?”
“And? ”
Wonwoo yelled. “I am.” Palo. “Fucking.” Palo. “Surprised!”
Tinatakpan na lang ni Mingyu ang braso niya sa kada hampas ni Wonwoo, pero natatawa na rin siya.
“Sabi mo bukas pa—” Then it hit Wonwoo. “You! You had this all planned out na ano?”
Nakangiting nagkibit-balikat si Mingyu. “I don’t know. Maybe.”
“Kaya hindi mo ako nahatid! Kasi lumipad ka na rito!”
Another shrug. Sinimula na ni Mingyu paandarin ang kotse. “I’m glad I wasn’t too obvious.”
“I hate you.”
“You can’t.”
“I can!”
“I’m your boyfriend.”
“A-and so?”
“Are you annoyed?”
Nag-side eye si Wonwoo. Hindi naman siya annoyed. Hindi siya inis. Gulat lang talaga siya. Promise. “No.”
Ngumiti si Mingyu. “Sige, absorb everything muna.”
Bumuntong hininga si Wonwoo. Isang mahabang buntong hininga. Pagkatapos ay ngumiti. “Nawala pagod ko.”
“Really?”
Tumango-tango si Wonwoo. Kita niya sa mukha ni Mingyu na proud ito sa pinaggagawa niya. Nakakainis. Lakas makawaldas ng pera, pero wala e. Ginusto niya ‘to. Jinowa niya ang lalaking ito.
“Really.”
“Great. ‘Cause I have one more thing to say. Wait, actually. Two. Pick. First or second?”
Lowkey kinabahan si Wonwoo. “Uh, first?”
“Alright,” simula ni Mingyu. “First. Weekend naman bukas so we’re not heading to your apartment muna. Booked a hotel so you can rest and pamper yourself.”
“Ha? Pero si Seokmin—”
“I already told Seokmin na sa Sunday ka na darating.”
Mabagal na tumango-tango si Wonwoo, amused. “Damn it. Talagang planadong planado?”
“Of course!”
Okay, hindi na magrereklamo si Wonwoo. To be fair, hanggang huling araw niya sa Manila, nagtatrabaho siya. Guess deserve naman niyang makahinga muna bago sumabak sa bagong trabaho. So okay, hindi siguro nga masamang maging jowa ng isang sobrang yaman.
“Alright, kasama ka?”
“Of course uli!”
Wonwoo blushed. The last time na nakasama niya si Mingyu sa isang hotel, may sakit siya. Iba na ngayon.
“I can see right through your intentions, Kim Mingyu.”
Tumawa si Mingyu nang malakas. “Hay Jeon Wonwoo. But okay, honestly, I won’t force you to do anything beyond what’s comfortable for you.”
Ding ding ding. The way Mingyu just raises his green flags randomly, wala talagang mintis magpa-turn on kay Wonwoo.
“Thanks. But… we’ll see.”
“You know what, Wonwoo,” ani Mingyu. “You’re such a massive tease.”
Hindi napigilan ni Wonwoo na tumawa. Papatulan pa sana niya pero may isa pang balitang hindi pa sinasabi si Mingyu, at curious na siya. “O, ano ‘yung second?”
“Ah, that one. I think this is just as equally surprising.”
“Spill then.”
Humigop muna ng hangin si Mingyu as if napakabigat ng ibabagsak niyang balita. Or baka mabigat na balita nga talaga. Sa katiting na segundong paghihintay na magsalita ito, naghanda mentally si Wonwoo sa maririnig.
“I’m staying here in SG.”
“No way.”
“Yes way.”
“Shut up.”
“Not lying.” Tinaas ni Mingyu ang isa niyang kamay as if swearing.
“Hand on wheel!”
“Oops. Sorry.”
So, kinuwento na ni Mingyu kung ano ang dapat pang malaman ni Wonwoo. Apparently, si Mingyu ang inatasan ng nanay niyang mag-oversee ng office dito sa Singapore, so that technically made Mingyu Wonwoo’s boss. Although meron pa rin silang ibang manager who would act as the basically the office boss, si Mingyu pa rin ang may huling sabi sa lahat ng magiging desisyon. Big boss kumbaga.
And that was what the formal event Wonwoo missed a few weekends ago was about — a small celebratory party for Mingyu organized by his mom. Guess one could say na this was Mingyu’s training as the tagapagmana ng kumpanya. Big responsibility a. International office agad ang sabak. Rich people stuff Wonwoo’s alipin ng kapitalismo ass would have a hard time grasping, pero gano’n talaga. Pakiramdam tuloy niya, nasa isang telenobela siya, and anytime bigla na lang siyang kakausapin ni Ma’am Kim para offer-an ng limang milyon layuan lang si Mingyu.
But that wouldn’t happen. ‘Cause Ma’am Kim knew about them — thanks to Mingyu.
“Araw-araw ba kitang makikita sa office?”
“Why? Do you want to see me everyday ba?”
Wonwoo blushed. “I mean… n-not really. Wala lang, baka…awkward.”
Get agad ni Mingyu why Wonwoo said that. “Don’t worry, I wont’ be in the office too often.”
“Aw, that sucks.”
“Okay then! Papasok na ako sa office.”
Tumawa si Wonwoo. “Joke lang.”
Mingyu chuckled, too. “But real talk. I trust you naman. Mom trusts you, too.” Malaking pride bigla ang naramdaman ni Wonwoo sa sinabi ni Mingyu. “We may be boyfriends, but I trust you enough na you’ll do your job naman as professionally as you possibly can.”
Tumango-tango si Wonwoo. Totoo naman. The moment he started liking Mingyu, alam niyang hindi siya pwedeng magpaapekto sa kung ano mang relasyon nito sa trabaho niya ngayon. Still, those were flattering words, and he felt shy. A little. “Th-thanks.”
“Just don’t tease me or I’ll have you called in my office!”
“Mingyu! Mga iniisip mo!”
“I didn’t even say anything! Ikaw nag-isip ng kung ano!”
Nilabas ni Wonwoo ang phone niya at pumunta sa contacts. Hinanap niya ang number ni Mingyu. Habal Pogi. Corny, lagi niyang naiisip sa tuwing nakikita niya ang pangalan nito sa phone, pero hindi naman masama. Corny na cute. Ayon.
Pero wala nang habal dito sa Singapore.
Pinindot ni Wonwoo ang edit at pinalitan ang pangalan niya.
Kim Mingyu
Actually, wait.
Kim Mingyu ❤️
Great. Perfect.
Notes:
1. Super massive thank you talaga kay @mniwonu dahil kung hindi sa prompt niya, hindi ako magbabalik-loob sa pagsusulat ng fic (although it's kinda likely na ito lang din ang fic ko for this year). Anyway, super thank you sa kaniya!
2. Again, hashtag #MWSayoNaLangAko for the Twitter reax!
3. Comments are suuuuuper appreciated! Really.

Pages Navigation
100hyunnies on Chapter 1 Thu 10 Nov 2022 04:02PM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Fri 11 Nov 2022 03:02AM UTC
Comment Actions
startin on Chapter 1 Thu 10 Nov 2022 05:09PM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Fri 11 Nov 2022 03:02AM UTC
Comment Actions
FLAMINGCHARISMA on Chapter 1 Thu 10 Nov 2022 06:15PM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Fri 11 Nov 2022 03:03AM UTC
Comment Actions
Yammay_green on Chapter 1 Thu 10 Nov 2022 09:16PM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Fri 11 Nov 2022 03:03AM UTC
Comment Actions
Jiminie_Park on Chapter 1 Thu 10 Nov 2022 10:43PM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Fri 11 Nov 2022 03:03AM UTC
Comment Actions
Angstdeprived on Chapter 1 Fri 11 Nov 2022 01:55AM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Fri 11 Nov 2022 03:04AM UTC
Comment Actions
SnowflakesInAugust on Chapter 1 Fri 11 Nov 2022 12:54PM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Sat 12 Nov 2022 11:41AM UTC
Comment Actions
chwenonyukjae on Chapter 1 Fri 11 Nov 2022 11:53PM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Sat 12 Nov 2022 11:41AM UTC
Comment Actions
wonwoothinker on Chapter 1 Sat 19 Nov 2022 09:47AM UTC
Comment Actions
bittersweet (paitamis) on Chapter 1 Sun 20 Nov 2022 06:30AM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Wed 25 Jan 2023 01:36PM UTC
Comment Actions
k1mpang on Chapter 1 Mon 12 Dec 2022 03:25AM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Wed 25 Jan 2023 01:39PM UTC
Comment Actions
horanghaeyoon on Chapter 1 Tue 20 Dec 2022 03:28PM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Wed 10 Jul 2024 07:34AM UTC
Comment Actions
woosol on Chapter 1 Tue 16 Jan 2024 12:22AM UTC
Comment Actions
yunikoonie on Chapter 1 Tue 09 Jul 2024 01:26PM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Wed 10 Jul 2024 07:42AM UTC
Comment Actions
mariel (Guest) on Chapter 1 Tue 09 Jul 2024 01:51PM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Wed 10 Jul 2024 07:42AM UTC
Comment Actions
bjprado16 on Chapter 1 Tue 09 Jul 2024 02:06PM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Wed 10 Jul 2024 07:41AM UTC
Comment Actions
flamingdongsaeng on Chapter 1 Tue 09 Jul 2024 02:52PM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Wed 10 Jul 2024 07:41AM UTC
Comment Actions
ハニー・リン (Guest) on Chapter 1 Tue 09 Jul 2024 09:16PM UTC
Comment Actions
jugjugan (daeseol) on Chapter 1 Wed 10 Jul 2024 07:41AM UTC
Comment Actions
karechu (Guest) on Chapter 1 Wed 10 Jul 2024 01:00PM UTC
Comment Actions
operativealyssa on Chapter 1 Wed 10 Jul 2024 03:29PM UTC
Comment Actions
Pages Navigation